Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Epekto nang pinaigting na border control measures at iba pang mga hakbang na ipinatutupad ng pamahalaan bilang pag-iingat laban sa bagong usbong na Omicron variant ang atin pong hihimayin at bibigyang-linaw ngayong araw ng Sabado.

Mula sa PCOO, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH!

Magandang balita po para sa ating medical frontliners, kamakailan lang ay inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-release sa pondo ng meal, accommodation and transportation benefits para po sa higit apat na libong health care workers sa bansa. Narito ang detalye:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Sa pagdami ng mga bansang inilalagay ng Pilipinas sa red list dahil sa banta ng Omicron variant, alamin po natin ang hakbang at suporta ng pamahalaan para sa mga kababayan nating apektado ng umiiral na travel ban, makakasama po natin ngayong umaga si Undersecretary Sarah Lou Arriola mula po sa Department of Foreign Affairs. Good morning po, Usec.

DFA USEC. ARRIOLA: Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may datos po ba kayo kung nasa ilang mga Pilipino ang apektado at stranded ngayon dahil nga po sa mga nakanselang commercial flights bunsod po ng umiiral na travel ban ng Pilipinas sa red list countries?

DFA USEC. ARRIOLA: Actually, Usec., ‘di ba sa Europe 7 iyong countries na red list:

  1. Austria
  2. Czech Republic
  3. Hungary
  4. Belgium
  5. Netherlands
  6. Switzerland
  7. Italy.

Nagbigay na po ng notice ang DFA ‘no at saka iyong mga 20 embassies and consulates natin na sabihin po nila – kung nasaan man sila sa Europe – ‘pag sila ay stranded. So far, we have more or less 50 Filipinos stranded in Europe.

Pero sa Africa naman ho, 7 countries din po iyon:

  1. South Africa
  2. Botswana
  3. Zimbabwe
  4. Namibia
  5. Lesotho
  6. Eswatini
  7. Mozambique.

We just received word this morning from our post sa South Africa na mayroon pong around 49.

Gusto po naming makiusap sa ating mga kababayan na please contact our embassies and consulates kung kayo po ay stranded para matulungan po namin kayo.

USEC. IGNACIO: Opo. So, Usec., bigyang-diin lang natin ano. Sinabi nga po ng IATF, mga government-initiative flights lamang po iyong papayagan mula sa red list countries. May repatriation efforts nga po iyong ating embahada para ma-assist po iyong ating mga kababayang nais na umuwi ng bansa.

DFA USEC. ARRIOLA: Ah, yes po. Actually mayroon pong nakatakda or this December 10 dapat mayroon na pong—sumabay po iyong repatriation ng Pilipinas with OSM Maritime – isa po talaga siyang local manning agency mula po sa Netherlands.

At mayroon din po tayong inaayos na December 13, again from Netherlands, kasi kung hindi po magkasya doon sa—magpi-piggyback po tayo sa kanilang repatriation effort. Ganoon din po iyong gagawin natin sa South Africa kaya lang medyo mas mahirap po doon dahil most of the transit countries talaga hindi rin gustong papasukin iyong mga flights from South Africa.

Pero ang kailangan po namin talaga at the moment, nakikiusap po kami, makipag-ugnayan po tayo sa ating mga embahada so that we can help you. Medyo complicated lang po itong system na ‘to compared sa dating repatriation efforts na ginagawa natin dahil dati iyong mga restrictions, iyong red list countries, iyon repatriation within the country. Pero ngayon po sa Europe ano siya eh, 7 countries – iyong iba nga po kahit hindi red list iyong country na—doon na sila na-stranded dahil hindi na sila makabalik ng Pilipinas dahil galing sila sa red list country.

So we have to bring them together in Netherlands saka po natin sila ililipad. So kailangang-kailangan po natin iyong mga kababayan natin na magsabi po sila sa mga embahada so that we can make arrangements kasi mayroon din po talaga mga arrangements po ‘yan kasi hindi po kayo puwedeng sumakay ng kahit anong eroplano lang.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., nakipagpulong na rin po ba kayo sa mga airline companies para po dito sa bayanihan flights?

DFA USEC. ARRIOLA: Yes. Actually iyong post po natin sa Netherlands at saka iyong post po natin sa Norway, nakikipag-usap na po sila sa isang Dutch airline company ‘no – iyon po ‘yung gagamitin sana natin sa December 13. Ito po ‘yung—marami po kasing mga na-stranded na mga estudyante at iyong iba naman po tapos na iyong mga contract na OFWs. And of course mayroon din po tayo na mga seafarers, iyong mga end of contract na, iyong mga pabalik na. So iyon ho talaga kailangan iyong sumakay sa eroplano so nakikipag-usap na po tayo. Pero this a little bit more complicated so we need the cooperation of our kababayans dahil they have to transfer from one country to another to be able to join the repatriation flight.

So most of these po are bayanihan special repatriation commercial flights because ano po eh, dahil hindi po ganoon karami – sasakay po tayo sa mga commercial flights na to be turned as bayanihan. But it’s the Philippine government that’s making an effort to organize po these flights.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., dumarami na nga po iyong mga bansang nakapagtala ng Omicron variant at kung dumami pa iyong mga bansang mailalagay sa red list sa mga susunod na araw, kakayanin ba na mag-provide ng repatriation assistance ng pamahalaan para po sa mga stranded OFWs?

DFA USEC. ARRIOLA: Usec., we stand ready – iyong DFA po handa po lahat ng post natin kahit saan. Siyempre nagdadasal tayo na huwag na sanang madagdagan pero kung magkaroon po talaga ng mga more red list countries, lahat po ng ating embahada at konsulado around the world, we stand ready to assist.

Kailangan lang po talaga na ipagpaalam po nila sa ating consulate or sa ating embahada na stranded po sila para matulungan po natin sila. Kami po naman 24/7 at wala rin po kaming holiday so handa po kaming tumulong – kailangan lang po namin malaman.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., may ilan po na inabot na ng ilang buwan bago po mabigyan ng slot for repatriation. So, ano daw po iyong usually’ng dahilan bakit medyo natatagalang ma-approve ang repatriation application ng ilan po nating kababayan?

DFA USEC. ARRIOLA: Actually ito po ‘yung—I think you’re referring to iyong nangyari po noon, nagkaroon ng travel restriction sa UAE at Oman the other time. Iyong first naging problema po natin noon, iyong CAAP restrictions, tapos iyong availability of flights also and availability also of the quarantine hotels; pero ngayon po, wala tayong problema ngayon sa quarantine hotels ‘no at saka umakyat na rin po iyong restrictions natin sa flights na 4,000 na tayo ngayon.

And sometimes kasi, Usec., may mga pagkakataon din iyong mga nag-a-apply din ng repatriation, mayroon din silang mga pending cases kaya hindi sila makalabas from the country of destination. But we’re proud to say na naubos na rin po halos iyong ating mga ano—o humingi na po ng repatriation, nakauwi na po sila. Kailangan lang po talaga—ngayon, mas maluwag po ngayon.

Pero kailangan lang po ng konting tiyaga kasi noong—we understand noong June to August po talaga, thousands iyong mga kababayan natin na na-stranded kaya hindi natin sila mapasok lahat sabay-sabay dahil wala po tayong—nagkulang po tayo sa repatriation hotels, iyong quarantine hotels, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sa usapin ng bakunahan ano. So far maganda naman po ba iyong turnout ng mga kababayan nating nabakunahan na sa ibang bansa at paano rin po sila hinihikayat na magpabakuna bilang proteksiyon rin sa nangyayari nga pong surge sa kanilang mga lugar?

DFA USEC. ARRIOLA: Well, actually po, iyong mga OFWs natin, sobra po silang masunurin at very cooperative po sila. At nagpapasalamat tayo sa mga bansa na binibigyan sila ng pagkakataong mabakunahan, lalung-lalo na po iyong mga bansa sa Middle East. Sa Bahrain din po at saka sa Saudi Arabia, kahit po undocumented binabakunahan talaga nila, kahit po walang papeles. So halos lahat po talaga ng kilala kong OFW nabakunahan na po sila, dahil parang pre-requisite din po iyan sa pagpasok sa kanilang mga opisina at pati na rin sa pagpasok sa commercial places. So, so far, most if not all of our OFWs have been vaccinated, mas mataas po iyong vaccination rate kasi ng countries of destination. Iyong iba nga po nauna pa rin sila magpa-booster kasi po as early as mid this year, nagbu-booster na po iyong Middle East.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec. para po sa may mga concerns kaugnay dito sa repatriation assistance, saan po daw sila maaaring tumawag?

DFA USEC. ARRIOLA: Usec., mayroon po tayong Facebook Page, OFW Help, siya po iyong official Facebook Page po ng DFA. Nandoon po iyong mga emergency hotlines ng DFA at pati na rin iyong emergency hotlines ng mga embassy natin, iyong 20 embassies and consulates po sa Europe. We are here to listen to you, to attend to your needs. At huwag po kayong mag-aalala, hindi po namin kayo pababayaan. Of course, iyong malasakit po ng Duterte administration nandiyan po talaga, especially now magpa-Pasko na po alam natin, gusto talaga natin na makauwi po sila.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong impormasyon, DFA Undersecretary Sarah Lou Arriola. Mabuhay po kayo, Usec.

DFA USEC. ARRIOLA: Salamat, Usec. Mabuhay po kayo.

USEC. IGNACIO: Samantala, muling iginiit ni Senator Bong Go sa kaniyang mga tagasuporta na unawain ang desisyong umatras sa kaniyang kandidatura sa pagka-pangulo ng bansa sa election 2022. Aniya, buo na ang kaniyang pasya at tiniyak na lamang na ipagpapatuloy pa rin ang serbisyo para sa bayan. Narito po ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Bilang pag-iingat sa Omicron variant, puspusan ang operasyon ng Philippine Genome Center para tiyaking masasala at maisasailalim sa genome test ang RT-PCR samples ng mga umuuwing OFW sa bansa. Iyan naman po ang ating pag-uusapan, kasama ang Executive ng Director ng Philippine Genome Center na si Dr. Cynthia Saloma. Good morning po, Doc.

  1. SALOMA: Magandang umaga po, Usec., at sa ating mga tagapakinig.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, Cynthia, may pagkakaiba po ba iyong pagdating sa proseso o hirap sa pag-detect ng Omicron variant kumpara po dito sa ibang COVID-19 variants? Tanong po iyan ni Red Mendoza ng Manila Times. Ano po ang tinatawag na S-gene dropout na nakikita sa omicron variant? Ito po ba daw ay isa sa mga sinasabing attribute ng virus na may variant na kayang ma-detect ito ng isang uri ng test kit at kung irirekomenda po ninyo sa government na kunin itong test kit na ito para madaling ma-detect ang Omicron?

DR. SALOMA: Okay. Usec., sasagutin ko po iyong mga katanungan ni Red. Number po, iyong S-gene dropout muna. Iyong S-gene, may isa pong kit na commercially available, iyong tinatawag nating TaqPath. Ito pong TaqPath na kit is a multiplex detection kit na tatlong regions ng genome ng virus iyong kaniyang hinahanap at isa na po dito iyong target na iyong S-gene. Tapos po nagkataon po na itong primers nitong kit nadi-direct po sa region na mayroon tayong 69-72 division doon sa spike region ng protein. So, in the beginning naalala po ninyo iyong sa Alpha variant, mayroon din po siyang 69 to 70 amino acid o iyong region. 69 to 70 amino acid sa spike protein, mayroon po siyang deletion, kaya po naging una siyang, kumbaga sign na parang may problema iyong virus. Nagkataon din po na sa Delta variant, mayroon din pong ganoon na deletion.

Pero kung gusto po talaga nating malaman at ma-confirm kung ang isang variant is really the Omicron variant, kailangan po talagang whole genome sequencing, kasi hindi po ma-differentiate nitong S-gene dropout iyong Delta as well as the Alpha variant. Tapos naman po iyong process naman ng whole genome sequencing, pareho lang po, it’s all the same process. We sequence everything, the work flow is the same and then you draw the bio-informatics analysis and then of course the reports that we show to the Department of Health na siya naman pong nagbu-broadcast sa ating mga tagapakinig. So the whole process ay pare-pareho lang po, pareho lang, walang pagkakaiba, the same machine, the same kits lang po.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, Cynthia, nabanggit po ninyo sa meeting ng IATF na kailangang ma-backtrack at maisailalim iyong positive samples ng mga umuwi ng bansa nitong mga unang linggo ng Nobyembre. May progress na po ba dito? So far ilan na po iyong napuproseso ninyo since November?

DR. SALOMA: So, Usec, tinatanong ko nga doon sa ating mga kasamahan sa BOQ at saka sa Epidemiology Bureau kung ilan ba talaga itong nag-positive nitong November. Ang naibigay po sa amin ay 242 nag-positive sa kanila, so kaya po nating i-sequence sila lahat, iyong ating 242 samples na ito. But of course, Usec., hindi naman lahat siguro maisi-sequence iyan dahil mayroon po tayong requirements bago sila ma-sequence. Number one, dapat po iyong swabs nila, ang tamang volume na naiwan. Number two, is dapat po iyong CT values nila below 30, para po natin malaman ito.

So, hinahanap pa po at nakikipag-ugnayan iyong ating Department of Health on Epidemiology Bureau sa mga laboratory sa airport kung saan sila po iyong gumawa ng test at kung maaari po ibigay na nila ito sa Philippine Genome Center, kasi mayroon naman po tayong sufficient kits for the rest of the year and also up to the first quarter of next year na makagawa po tayo ng whole genome sequence.

So, Usec., kung mayroon naman pong developments dito at mayroon pong mga resulta malalaman ninyo agad iyan dahil po sasabihin po iyan either by Usec. Vergeire or by the Secretary of Health, Secretary Duque po.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Cynthia, pero nabanggit po sa aming programa ni WHO Representative to the Philippines Dr. Rabi Abeyasinghe na dapat po isailalim sa genome sequencing ang lahat ng paparating na foreign travelers mula po sa red list countries, meaning ma-positive man po iyan o negative ang pasahero sa RT-PCR test. Ganito na po ba iyong ginagawa ninyo ngayon?

DR. SALOMA: Oo, USec. Hindi naman pupuwedeng nating i-RT-PCR iyong negative test kasi wala siyang target. Iyong i-sequence lang po natin siyempre iyong mga positive cases na may CT value below 30. ‘Pag negative po sila sa RT-PCR, wala tayong makukuha dito sa sequencing. So, iyong all positive cases incoming we are able and we are ready po to sequence all of them—CT value below 30.

USEC. IGNACIO: Opo. So, ito pong 254 dumating sa bansa mula po sa South Africa noong November 15 to 29, kasama na po ba iyan sa mga samples na hawak at tinest ninyo Doc.? At ilan po ba dito iyong foreign nationals na kailangang suriin ang genome sequence?

DR. SALOMA: Sa palagay ko, USec., hinahanap pa po iyong kanilang mga swabs at hinihintay po namin sila para ma-process namin sila kasi kaya din naman po natin na i-sequence sila overnight kung hindi lang naman sila masyadong marami, we have the capability to do sequencing them overnight.

So, nakikipag-ugnayan po ang ating DOH sa iba’t ibang laboratoryo kung saan puwede silang magpadala ng sample sa atin lalo na iyong mga katulad na cases na ito. So as far I know, USec., parang hinihintay pa namin iyong mga swabs nila.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Cynthia, ilang samples po ba kada araw ang kaya pong ma-accommodate ng Genome Center? Sa ngayon po ba ipa-prioritize po ba or priority ba muna ng Philippine Genome Center itong mga samples po mula sa mga international passengers?

DR. SALOMA: Oo, USec. Iyong capability po ng Genome Center is about 750 a week po pero puwede nating doblehin iyan o 1,500 samples a week. Pero, kung mayroon samples na kailangang i-sequence kaagad kaya naman po natin gawin iyan with a different sequencing machines na 48 samples overnight po kaya nating gawin iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero noong pumutok po iyong Delta variant nitong mga nakaraang buwan, sinasabi noon na kahit hindi pa po na-detect sa genome sequencing ay malaki po ang tsansa na mayroon nang transmission dito sa mga komunidad. Dito po sa Omicron, tingin ninyo po ba ganito rin iyong sitwasyon sa ngayon? Sa palagay ninyo present na siya sa bansa pero undetected pa lamang?

DR. SALOMA: So, USec., the possibility exist pero until such time na mayroon tayong whole genome sequence hindi po natin masabi iyan. Tapos po naman, sa ating genomic bio surveillance, sinasabi naman po natin sa mga LGUs at saka sa mga Regional Epidemiologist Surveillance Units na kapag may nakita po kayong mga increase in cases or may mga spike in cases in a particular area na may cluster magpadala lang po kayo ng sample sa Philippine Genome Center and we are always ready to sequence them ‘no. Makipag-ugnayan lang sila sa ating DOH Epidemiology Bureau at magpadala po agad.

So far, USec., wala pa tayong nadi-detect na Omicron for the 18,000 na nai-sequence natin. Pero, nitong November titingnan po natin kung mayroon tayong ma-detect but what is really, really very important is if possible that it has entered our borders or it may not be possible and we are all on the lookout pa lang.

But is also very, very important for all of us na talagang mag-ano tayo, kung kailangan tayong mag-quarantine at makipag-ugnayan sa ating mga health officers at saka sa LGUs para hindi po mag-spread pa. Kaya, sinasabi namin, USec. ano, you know, it’s not just a question of—it’s a question of if it is here, it’s just a question of when.

Kaya, kailangan po talaga tayong maghanda at saka iyong ating health care facilities ma-improve natin at makita naman po natin sa mga cases din sa ibang bansa na kailangan po talaga iyong ating mga tao which have vaccination and at the same time po mag-practice pa rin ng mga minimum health standards katulad ng masking, physical distancing.

At kung makita ninyo po iyong cases sa Norway ‘di ba mayroon silang malaking party na nagkaroon ng maraming positive cases – 30 of whom have been confirmed to be Omicron variant. Kaya siguro po USec., mas maganda po ngayong taon mag-virtual Christmas party po muna tayo kung puwede.

USEC. IGNACIO: Oo nga, USec. Dr. Cynthia, kumpara po noong nag-Delta variant maari ninyo po bang sabihin na mas handa ang Philippine Genome Center sa estado natin ngayon na may banta na naman po ng bagong mutation ng virus?

DR. SALOMA: Ay oo, USec., ‘no. Magandang balita po kasi dinagdagan po iyong ating pondo ng DBM, kaya na po natin i-double ang ating genomic biosurveillance capacity tapos nag-i-spread naman po tayo ng ating capacity sa Visayas at Mindanao pero iyong equipment po diyan parating pa lang.

Pero, dito po sa atin dito sa Philippine Genome Center main facility kaya po nating mag-sequence kahit 1,500 every day at saka marami po tayong kits now which will make us capable on sequencing at the very recent ay 20,000 sample na. We have enough kits for those po.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Cynthia, tanong naman po ni Red Mendoza: Ano na po ang update sa ating expansion sa PGC Visayas and Mindanao? Kailan po magsisimula ang operations nila at maari na po bang ma-sequence ang mga sariling mga samples ang PGC VisMin kapag po naging fully operational ito para daw po mas ma-focus ang PGC main sa mga samples galing ng Luzon.

DR. SALOMA: Oo, maraming salamat din sa inyong katanungan. Ang atin pong preparation sa Visayas and Mindanao in full swings, aa-training na po natin iyong kanilang mga staffs so the whole workflow dito sa Manila. So they were here about two weeks ago tapos continue din po iyong ating mga bio-informatic analysis. It’s really just a refresher course for them.

Ang hinihintay po natin lahat kung dumating iyong equipment supposed to be end of November darating na iyong sequencing machines pero siguro maraming demand all over the world, ang tentative schedule po nila is mid-December. So, naka-prepare po iyong Visayas and Mindanao, nakikipag-ugnayan din sila sa mga DOH at mga hospitals doon sa rehiyon nila para sa partnership and samples and so on and so forth.

So, darating tentatively December, mid-December na naman. Originally ang schedule ay end of November pero sabi po sa atin ng supplier is going to be in mid-December and then po of course i-install, ipa-polish siguro, Red at saka sa ating mga tagapakinig, the best estimate is really in January that we will be able to do this in the regions.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc., Cynthia, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at sa impormasyon. Dr. Cynthia Saloma, ang Executive Director ng Philippine Genome Center. Salamat, Doc. Cynthia.

DR. SALOMA: Maraming salamat din po.

USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa base po sa report ng DOH kahapon:

  • Nadagdagan ng 544 ang bilang ng mga bagong nahawaan ng virus sa Pilipinas kaya sumampa na ito sa 2,833,878 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.
  • 14,977 ang nananatiling active cases,
  • Nasa 734 ang new recoveries para sa kabuuang bilang na 2,769,914.
  • 235 naman po ang naitalang nasawi kaya umakyat na sa 48,987 ang total death tally.

Para po kumustahin ang assessment ng DOH sa nagdaang vaccination drive at magbigay linaw sa iba pang usapin at programa ng pamahalaan sa patuloy na laban ng bansa kontra COVID-19, muli po nating makakasama si Under Secretary Maria Rosario Vergeire. Good morning po USec.

DOH USEC. VERGEIRE: Magandang umaga po USec. Rocky. Good morning to all of you.

USEC. IGNACIO: USec., unahin ko na po itong tanong ni Michael Delizo ng ABS-CBN News: Ano po ang assessment sa national vaccination days at ilan po ang nabakunahan? Maraming LGU ang nabigo sa target dahil masyado raw pong ambisyoso ang hiling ng national government.

DOH USEC. VERGEIRE: Yes po ano USec. Rocky. Actually, ito pong ginawa nating national vaccination days was a huge success. We were targeting 9 million individual to be vaccinated. As of yesterday po, ang tally po natin is 9.9 million – 9,937,827 ang nabakunahan mula Lunes hanggang Biyernes.

Iyong una pong tatlong araw naka 8.01 million po tayo na nabakunahan but we did extension. Ito pong dalawang araw na extension po natin, nakapagdagdag po tayo ng 1.9 million na pagbabakuna pa. So, the total is 9.9 million and mayroon po tayong highest jabs for a day that was 2.82 million jabs no.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod po niyang tanong: Kumusta po ang trend ng COVID cases? May mga lugar po ba na ikinukonsiderang ilagay sa Alert Level 1 or may dapat bang higpitan?

DOH USEC. VERGEIRE: Sa ngayon po, USec. Rocky, lahat po ng ating mga areas ay nasa Alert Level 2. Mayroon lang po tayong mga kaunting binabantayan but generally lahat po ng regions sa ating bansa ay nasa low risk or minimal risk na po. Iyon pong pagdi-deescalate natin to Alert Level 1 ay patuloy na pinag-uusapan ng ating officials sa IATF because there are still other requirements aside from the case trend.

Mayroon ho tayo iyong vaccination coverage kailangan nang maabot at saka iyon pong safety seal coverage kailangan din pong isama na iyan doon sa metrics natin. And of course ngayon po binabantayan natin at inaantay natin kung ano o iyong magiging characteristic ng Omicron variant. Kaya ngayon po sa ngayon we are just monitoring first and then we will soon be able inform the public kapag alam na po natin ang mga ebidensiya ukol sa Omicron variant.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong din po sa inyo si Madz Recio ng GMA News: May datos po ba ang DOH kung anu-anong ospital ang zero active case na?

DOH USEC. VERGEIRE: Sa ngayon po hindi pa ho natin nakakalap itong mga ganitong datos ukol sa zero active case sa loob ng ospital. Ngunit nagkaroon ho kami ng report kahapon kung saan Philippine General Hospital has reported, 2 days na po silang walang new admission for COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kahapon sinimulan na rin po iyong booster shot para sa adult population. Ilan po ang nabakunahan at paano daw po iyong naging sistema sa mga vaccination sites para maiayos iyong pamamahagi ng first dose, second at booster shots?

DOH USEC. VERGEIRE: Kahapon po nagkaroon tayo ng total of 39,161 booster or additional doses that were given to [garbled] of the population. Mayroon ho tayong mga dedicated lanes para po sa ating mga vulnerable katulad ng A2 and A3 na primary series pa lang po at mayroon naman po tayong ibang linya para sa mga booster doses. Iyong ibang local governments naman po, ang ginawa nila, nagkaroon ng different vaccination sites for different types of vaccination – kung booster dose po iba ang vaccination site and for the primary series, iba naman po ang vaccination site.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nabanggit ninyo po kahapon sa media na kapag hindi sinunod ang guidelines sa administration ng booster shot ay maaari pong makaranas ng ill-effects ang isang indibidwal. Anong klaseng adverse reaction po ba ito?

DOH USEC. VERGEIRE: Well unang-una, Usec. Rocky, kailangan natin liwanagin. Kahapon po ang tinanong sa akin kung saka-sakaling wala pang anim na buwan ang isang tao na nakatapos ng kaniyang primary series kapag binigyan na. Ang sabi kahapon, buwan pa lang ay nagpapa-booster na. Ang paalala lang po natin atin kasi, itong mga bakunang ito bago po sila, hindi pa ho natin alam ang full extent ng mga reaksiyon na puwedeng ibigay sa ating katawan kaya nagbibigay ho tayo ng guidelines.

So I warned everybody yesterday, sumunod tayo doon sa guidelines na binigay ng ating mga eksperto at ng FDA para makaiwas po tayo kung anuman po iyong untoward na adverse reaction na puwedeng mangyari. Ang usual po kasi na reaksiyon ng ating bakuna ay usual naman sa mga ibang bakuna rin na binibigay in the past – lagnat, sakit doon sa vaccination site, sakit ng ulo, pagtaas ng presyon. Pero doon po sa kakaibang reaksiyon po kasi, iyan ang minu-monitor natin maigi at ayaw nating maranasan ng ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., tanong po ni Cathrine Gonzales ng Inquirer: Dr. Cynthia Saloma said that as per BOQ, mayroon daw pong 242 travellers who tested positive for COVID this November. May we get more details about them? Ilan daw po iyong ROFs and foreign nationals at ano po ang isolation status nila?

DOH USEC. VERGEIRE: Ah yes, Usec. Rocky ‘no. Nagbigay ho kami ng initial natin na datos kahapon. So ang mailalabas pa lang ho natin na mayroon ho tayong datos ngayon are the monitored individuals from South Africa. These are 253 individuals kung saan 165 po na passengers ang under verification process, walumpu na po ang na-contact natin out of these individuals. Mayroon po tayong walo na still to be located. Iyong 72 po, dito po sa 80 na na-contact na natin ay nasa facility quarantine at tatlo po ay nasa home quarantine, lima po ay na-discharge na because they have completed their 14-day quarantine already. Iyon pong mga retesting ay sinasagawa pa lang at naghihintay po tayo ng mga resulta nila.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang follow up question po ni Cathrine Gonzales: How many of them came from countries with Omicron variant at ano po ang isolation status nila?

DOH USEC. VERGEIRE: As I’ve said, Usec. Rocky, we are still consolidating data with our back tracing and the submissions given to us by the Bureau of Quarantine. What we have a complete data right now would be the individuals from South African wherein we have a total of 253. Kahapon po nakapaglabas din tayo ng datos kung saan from the African regions na umuuwi dito, mayroon ho tatlo – iyong Burkina Faso, sa Egypt at saka sa South Africa – kung saan sa bawat mga bansa na ito may tag-iisang positibo na lumabas at sila po ay naka-isolate sa ngayon and we have submitted their samples already to the genome sequencing laboratory sa PGC.

Ang ating protocol po sa kanila kapag dumating sila dito, they are being tested. Mayroon ho silang dala-dalang 72 hours test at saka mati-test din po sila uli, they remain to be in quarantine at dito po natin malalaman kung sila ay magpupositibo. They have to undergo the isolation and then the 14 days quarantine remains in their homes.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., tanong naman po ni Analou de Vera ng Manila Bulletin: May update po ba tayo sa health status ng vaccinees sa Zamboanga resident na naka-receive daw po ng two doses of different brands of COVID vaccine in one day last November 18?

DOH USEC. VERGEIRE: Ah yes, Usec. Rocky. Itong report na pong ito ay nakarating sa amin. The individual is currently being monitored pero hanggang sa ngayon naman po wala naman pong nairi-report sa atin na nagkaroon ng untoward effect.

So gusto lang ho namin magpaalala sa ating mga vaccination sites, sa ating mga local government na magkaroon po tayo ng hiwalay na mga bakunahan na sites or lanes para po doon sa makaka-receive ng first dose, para sa makaka-receive ng second dose o ‘di kaya ay makaka-receive ng booster para hindi po tayo nagkakaroon ng ganitong mga issues.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., ano daw po iyong posible na adverse event kapag ganito po?

DOH USEC. VERGEIRE: Sa ngayon po, Usec. Rocky ‘no, we are still looking at the common reactions from the vaccines. Common po na mga reaksiyon natin na sumasakit ang ulo, tumataas ang presyon o kaya ay masakit sa vaccination site – iyan po. Bukod po doon, wala naman po talagang kumpleto pang ebidensiya para makapagbigay sa atin na kapag tayo ay nag-mix-and-match, kung anong reaksiyon ang mangyayari kaya po patuloy nating minu-monitor ang ating kababayan na iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. And, Usec., ulitin natin iyong paalala ninyo, kung may paalala man, sa LGUs o sa publiko kaugnay po sa mga ganitong insidente.

DOH USEC. VERGEIRE: Yes po ‘no, Usec. Rocky. Ngayon pong atin po talagang full blast na ang ating mga vaccination drive, tayo po ay nagbabakuna na sa atin pong mga kababayan na primary series sa lahat po ng edad, any age ‘no, 12 years old and above and then nagbu-booster na rin po tayo for 18 and above.

Nananawagan po kami sa ating mga local governments and vaccination sites, maging cautious po tayo na sana po magkaroon po tayo ng specific lanes for each type of vaccination na gagawin po natin para hindi po tayo nagkakaroon ng errors at hindi rin po nagkakaroon ng pag-aagam-agam ang ating mga kababayan.

Pangalawa po, kung saka-sakali pong pupunta na ang ating mga kababayan sa vaccination site, sana po payagan na natin silang mabakunahan kahit hindi po sila nakapag-register because we lose an opportunity if we still send them home.

And pangatlo, let’s still maintain and comply with the safety protocols. Huwag ho tayong magkaroon ng gathering or mass gathering or crowding sa vaccination sites so that we can prevent infections in these vaccination sites.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., mula naman po kay Jonathan Andal ng GMA News: Sa Norway nagkaroon na ng outbreak ng Omicron dahil sa isang Christmas party – biggest outbreak outside South Africa. Dito po sa Pilipinas, may bagong guidelines ba na kina-craft for parties amidst Omicron?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. Actually last IATF meeting napag-usapan na po ito, this was brought up. Mayroon na ho tayong mga paunang pinapalabas na mga social media cards at videos kung saan paano tayo magkakaroon ng ligtas na Christmas. So, I mean tayo po ay nagpapaalala pa rin sa ating mga kababayan that the virus is still here, let’s continue to practice the safety protocols. Kung magki-Christmas party po baka maaari, virtual parties muna. Let’s have that sacrifice first para po sa kapakanan ng ating pamilya at sa kapakanan po ng buong sambayanang Pilipino.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Red Mendoza ng Manila Times: Nagbabala po ang OCTA Research sa forum nila kahapon na maaaring magkaroon ng Omicron surge sa January. Nakikita po ba ito ng DOH? Maaari po bang mangyari ito in the coming month, ito pong sinasabing Omicron surge na ito?

DOH USEC. VERGEIRE: Well unang-una, Usec. Rocky, it’s hard to say now ‘no. Mahirap po tayong magbigay ng mga ganitong babala na natatakot po ang mga tao. Eh wala pa naman ho tayong ebidensiya. Inaantay po natin iyong ipapalabas po ng mga eksperto across the globe, together with WHO regarding the characteristic of this variant. Yes, this variant has a lot of mutations, kailangan po cautious tayo but hindi po rin kailangang mag-panic at matakot, kailangan lang po sumunod tayo sa ating mga safety protocols. Lagi po nating tatandaan, kung anuman po ang safety protocols together with vaccination that will protect us and our family and our community.

Ngayon, ukol naman po sa pagtaas ng mga kaso. Nakikita po sa ating projections ngayon, with this type of mobility, with the level of vaccination as well as with the compliance to minimum public health standards, patuloy pa rin pong bababa ang ating mga kaso hanggang end of December.

Now, dito po na kung saka-sakali na makapasok ang Omicron variant, kailangan lang po natin lahat maghanda at kung saka-sakali po ay kailangan po talaga na maghigpit ang ating borders.

USEC. IGNACIO: USec, gaya rin po ng naging tanong ko kay Doc. Cynthia Saloma kanina, tingin po ba ninyo ay may transmission na ng Omicron dito sa bansa pero undetected pa lamang? At may posibilidad na itong Omicron variant ay hindi maging imported case kung hindi dito sa atin manggaling ang source?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, unang-una, USec. Rocky kailangan maintindihan natin, hindi po natin nati-test lahat ng positive samples sa ating bansa, that’s one. Wala naman pong bansa na nakakagawa niyan talaga. So iyon pong pag-detect nitong Omicron variant, we are trying very hard na lahat ng pumapasok dito sa ating bansa ay naiti-test naman natin. But for the community we do purposive sampling.

Kung saka-sakali po, minu-monitor natin ang sitwasyon, wala naman po tayong nakikitaan na mga lugar sa ating bansa ngayon na mayroong biglang pagtaas ng mga kaso o nagka-cluster infections. Because that can be one of the determinants kung saka-sakali na nakapasok na itong Omicron variant.

Because if you see in the other countries, nagpuputukan po ang mga kaso nila, biglang tumataas ang numero, dito naman po sa ating bansa ay hindi natin nakikita. So, sa tingin ko po sa ngayon, hindi pa ho nakakapasok ang variant na ito sa ating bansa. At patuloy po na minu-monitor iyan para makapagbigay tayo ng abiso sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Dahil dito, USec. posible bang gawin ng mandatory ng DOH ang paggamit ng RT-PCR test instead of antigen para daw po sa mas mahigpit na detection ng Omicron variant?

DOH USEC. VERGEIRE: Iyon naman po talaga ang gold rule standard natin, USec. Rocky, iyong RT-PCR test talaga and especially lahat po ng papasok sa ating bansa, we never use antigen test, we all use RT-PCR, kasi iyong RT-PCR lang po ang puwede nating i-subject sa whole genome sequencing kapag nag-positive.

Ang antigen test po ginagamit lang natin para po sa rapid active case findings sa mga komunidad kung saka-sakaling nagkakaroon po tayo ng mga pagtaas ng kaso. But definitely, our gold standard is still RT-PCR.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Red Mendoza ng Manila Times: May balak po ba nag Philippine government na bumili ng mga sinasabing test kit na nakaka-detect ng S-gene dropout na siya daw pong characteristic ng Omicron variant para daw po mas lalong mapabilis ang detection ng variant?

DOH USEC. VERGEIRE: Actually, USec. Rocky, we have mapped out ito pong mga laboratory na dito sa ating bansa at mayroon po tayo sa ngayon 14 na laboratory na mayroong ganitong makina that can be able to use TaqPath test kits. Nakipag-usap po tayo sa ating mga eskperto para pag-usapan kung ano po iyong capability nitong TaqPath text kit. Unang-una screening method na makikita po natin na kapag tinest natin ang isang tao, makikita natin iyong drop doon sa S-gene niya doon po sa ginagawang RT-PCR test, pero pagkatapos noon, isa-subject pa rin iyan sa whole genome sequencing, para ma-confirm natin.

So nairekomenda po ng ating mga eksperto na para po sa ating mga returning Overseas Filipinos na papasok sa ating bansa, mas efficient pa rin ang government kung ituloy na natin sa whole genome sequencing ang kanilang test, do not subject to the TaqPath kits anymore, kasi ganoon din po ang magiging turned around time natin and makakagamit pa tayo ng less resources. But we are considering the use of this in the communities where we will find clusters lalung-lalo na po doon sa mayroon talagang laboratory capable of using this.

USEC. IGNACIO: Opo. USec, sunod pong tanong ni Red Mendoza: Ini-expect po ba ng DOH na mananatili ang level ng testing natin until sa holiday period kung saan daw po ini-expect na magkaroon ng artificial decrease dahil sa mga non-operational labs? Ano po ang contingencies na gagawin ng DOH para mapanatili ang ating testing capacity hanggang sa dulo po ng taon?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, actually naobserbahan na po natin ito na for these past weeks medyo bumababa po ang output ng ating mga laboratories. But it is not really just the operationalization of the laboratories, ang mga laboratoryo naman po natin, hindi naging operational usually on Sundays, dahil nagmi-maintenance po sila.

Ang kailangan po nating maengganyo uli ang ating mga local government at saka ang ating mga Epidemiology and Surveillance Units na kailangan magkaroon tayo ulit ng active case finding, mahanap muli iyong mga taong nagkakasintomas o ‘di kaya nagiging expose sa mga may sakit para maipa-test sila at tumaas pa uli ang ating laboratory output. We need to improve on our testing, so that we can better detect and we can better determine if the Omicron variant is here.

USEC. IGNACIO: USec. may pahabol lang po si Jonathan Andal ng GMA News kung may result na po ba iyong genome sequencing sa tatlo daw pong nag-positive from Africa, Burkina Faso at Egypt?

DOH USEC. VERGEIRE: Kakasumite lang po ng mga samples nila, I think that was yesterday. Kaya po kasama po siya doon sa batch na ipuproseso pa lang ng Philippine Genome Center. So we just wait for that, mayroon naman po tayong makina na maaaring makapag-proseso ng mas mabilis in 24 to 34 hours.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, ibinaba na po sa Alert Level 2 ang lahat ng rehiyon sa bansa. Tingin po ninyo, ito na po iyong new normal situation natin. Medyo Malabo pa rin po ba ang bumaba sa Alert Level 1 by Christmas bilang pag-iingat po natin sa Omicron variant?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, USec. Rocky, when we talk about new normal, this is Alert Level 1 dahil po sa Alert Level 1, this would have the least restrictions of all. Ngayon po sa ganitong period and current time, lahat po Alert Level 2, tinitingnan pa ho natin iyong vaccination coverage dahil kasama po iyan to be deescalated to Alert Level 1 and the safety seal coverage; aside from that, minu-monitor po natin iyong Omicron variant.

So kailangan lang po na mayroon pa rin tayong antas o nandoon pa rin iyong level of caution, nandoon pa rin iyong level na talagang kailangan ay may mga restrictions pa rin tayo so that we can be able to prevent the entry of this Omicron variant to our communities.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., kami po ay nagpapasalamat sa inyong impormasyon at panahon. Maraming salamat, Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa wala po ninyong sawang pagpapaunlak sa aming imbitasyon dito sa Laging Handa. Mabuhay po kayo!

DOH USEC. VERGEIRE: Thank you very much. USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Para po sa pinakahuling pangyayari sa iba pang mga lalawigan sa bansa, puntahan natin si Aaron Bayato ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat sa iyo, Aaron Bayato at iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO katuwang ang Department of Health at kaisa ng mga Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Mga kababayan 21 days na lamang po at Pasko na. Ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita po ulit tayo sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center