USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas, at sa lahat ng ating mga kababayan sa iba’t ibang panig ng bansa. Ngayong araw ng Miyerkules, December 8, ay atin pong ginugunita ang Feast of the Immaculate Conception of Mary. Special non-working holiday po ngayong araw, paalala namin, ingat-ingat pa rin po kung mamamasyal kayo kasama ang buong pamilya. Ako po si Usec. Rocky Ignacio, simulan na po natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Samantala, pinirmahan na ni Pangulong Duterte ang isang executive order na magtatatag at mag-o-operationalize sa itinatayong ospital para sa mga OFW sa San Fernando City sa Pampanga. Ang detalye sa report na ito:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Tuluy-tuloy naman po ang paghahanap na ginagawa ng Bureau of Quarantine sa walo pang pasahero na umuwi mula rin sa bansa sa South Africa noong November 15 hanggang November 29. Kumustahin natin ang updates tungkol diyan mula kay Director Roberto Salvador, Jr. mula po sa Bureau of Quarantine. Magandang umaga po, Direktor.
BOQ DIR. SALVADOR, JR: Magandang umaga po, Usec. Rocky. Magandang umaga po sa mga nanunood sa atin ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Unahin ko na po itong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times, tanong din ni Lei Alviz ng GMA News at ni Trish Terada ng CNN Philippines. May sinasabi pong walong pasahero raw po sa South Africa ang hindi ma-locate sa ngayon pero beripikado ang address. Ano po ang status sa mga sinasabing nawawala na pasahero? At kumusta raw po ang efforts natin dito to track itong walong pasahero na ito?
BOQ DIR. SALVADOR, JR: Patuloy po na nakikipagtulungan po ang DOH, ang Bureau of Quarantine sa DILG at PNP para ma-locate po itong mga walong pasahero na galing sa South Africa. Ito naman pong mga pasaherong dumating noong hindi pa po binababa iyong ban dito sa South Africa, and na-clear naman po ito ng Bureau of Quarantine. Kailangan lang po talagang i-contact para po masigurado na wala silang sintomas na naramdaman noong naka-home quarantine sila.
USEC. IGNACIO: Opo. Bakit po may incident pa ring ganito na nahihirapan tayong i-contact trace sa mga pasahero? Hindi po ba sila registered dito sa One Health Pass o sa anuman pong contact tracing form upon arrival?
BOQ DIR. SALVADOR, JR: Naka-register sila sa One Health Pass po. Ang problem po, may mga ibang OFW tayo o mga kababayan na ang nilalagay pong telepono ay iyong mga manning agency nila. Kaya ito po ay madali naman pong makontak kasi may manning agency naman po, nakikipag-ugnayan tayo sa manning agency kung saan po puwede sila ang tumulong sa atin para ma-trace po itong walo pong kababayan natin na minu-monitor natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Direktor, sakaling hindi nga po tama ang mga impormasyong inilagay nila, paano po ito nakalusot? Tanong din po iyan ni Lei Alviz ng GMA News at ni Karen Villanda ng PTV ay kung paano po iyong verification ngayon, kung tamang info ba ang ipinakita sa pinagmulang bansa at ang resulta ng RT-PCR tests?
BOQ DIR. SALVADOR, JR: Iyon naman pong mga information na binibigay nila ay bini-verify natin dito pagdating nila sa Pilipinas. So kadalasan naman po, ang binibigay naman po nila ay valid contact number naman po. Iyong iba lang po kasing mga kababayan natin, wala pa silang cell number dito kaya ang binibigay po ay iyong mga manning agencies kung saan puwede naman po silang makontak.
USEC. IGNACIO: Okay. Pero paano naman po kaya masisiguro na hindi po mauulit itong ganitong problema sa contact tracing lalo po ngayon na may mga nakatakdang umuwi via repatriation flights from red list countries?
BOQ DIR. SALVADOR, JR: Mahigpit po tayo sa Bureau of Quarantine at lahat ng agencies na talagang bini-verify po natin iyong mga information. So ito pong mga sinasabing walo na hind pa po nalo-locate ay ginagawa po natin lahat ng paraan po para po makontak sila. Ang gagawin lang naman po dito sa walong [garbled] and i-inform, tanungin po kung mayroon silang nararamdaman and makipag-ugnayan tayo sa LGU. May mga address po tayo, ma’am, na ngayon po ay humihingi tayo ng tulong sa PNP para ma-locate po iyong address na binigay nila. Kung wala man pong—kung hindi man po maikontak doon sa number nila, mayroon po tayong address na puwedeng puntahan po para po ma-locate natin sila.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po mula kay Red Mendoza ng Manila Times: Sa bilang po ng Bureau of Quarantine, ilan po ang mga total passengers na nanggaling hindi lang po sa South Africa kung hindi sa mga bansa sa Africa na kasama po na nasa red list countries? Bukod po doon sa walo pa na pinag-uusapan po natin kanina, may iba pa po bang hinahanap?
BOQ DIR. SALVADOR, JR: Wala na po, iyon lang po. Out of 240 plus po, lahat naman po ay na-locate. Ito lang pong walo ang hindi po nakontak doon sa number na binigay nila. Pero kung may address sila as provinces po, na ngayon po ibinigay na po natin sa PNP, sa LGU para po makontak po iyong mga pasahero po.
USEC. IGNACIO: Opo. Ibig sabihin po ay ongoing na po ‘no, pinupuntahan na po ito ng LGU at ng ating PNP, Direktor?
BOQ DIR. SALVADOR, JR: Opo, tama po, Usec. Rocky. Tama po.
USEC. IGNACIO: Opo. Lahat ba sila ay iri-retest? Ilan na po so far iyong na-retest at kumusta po iyong resulta naman?
BOQ DIR. SALVADOR, JR: Sa ngayon po, wala po ni isang nagpakita ng sintomas. And sa lahat po ng mga tinest natin, lahat naman po ay nag-negative po. Wala po tayong case na nag-positive doon po sa mga dumating during the time na hindi pa po nasa red list ang South Africa po and other countries na sinama po sa red list or banned countries natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Huling tanong po ni Red Mendoza ng Manila Times: Marami pa rin po ang hindi maka-log in sa BOQ website para po kumuha ng yellow card o iyong mga OFW na gustong magpabakuna sa yellow fever at iba pang required na bakuna. Ano po ang mga hakbang na ginagawa ng BOQ para po maserbisyuhan ang mga OFW na ito? Allowed po ba sila na walk-in sa mga serbisyo tulad po ng yellow card at ng mga bakuna?
BOQ DIR. SALVADOR, JR: Opo. Usec. Rocky, since October 2020 po, nag-start na po tayo ng online booking system. So ngayon po, ini-increase natin iyong mga satellite stations natin sa mall para po mas marami tayong matulungan na mga OFWs.
And mayroon po tayong special e-mail po, iyong expedite@boq.ph, kung mayroon po kayong confirmed ticket o may OEC na iyong mga OFW natin, puwede po ritong mag-log in para po mabigyan kayo ng slot po kung kayo po ay paalis na. So sa ngayon po, nakakapag-isyu tayo ng 3,000 to 5,000 po na international certificate of vaccination or yellow card sa buong Pilipinas po.
USEC. IGNACIO: Opo. Direktor, ito naman po ay tanong na galing kay Ivan Mayrina ng GMA News: What are the quarantine requirements for Pinoys and foreign diplomats and their qualified dependents from red list countries? The BI announced that they will be allowed entry, but press release was silent on quarantine rules.
BOQ DIR. SALVADOR, JR.: Opo. From the red list country po, maaari lang silang makapasok dito sa bansa natin kung sila po ay papasok doon sa repatriation ng government. So kailangan po magpunta sila sa embassy para po makapasok sa repatriation program ng government and kapag naman po sila dumating dito, kailangan nila po na mag-undergo ng 14 days mandatory straight quarantine po bago po makauwi sa pamilya nila.
USEC. IGNACIO: Opo. Basahin ko lang po itong tanong naman ni Gerard de la Peña at ni Paul Samarita ng TV-5: Gaano po katindi ang pressure sa inyo na mapigilan ang pagpasok ng Omicron variant sa bansa?
BOQ DIR. SALVADOR, JR.: ‘Ayun po. Talaga pong mahigpit po talaga tayo dahil po doon sa binaba ng IATF para hindi makapasok iyong bagong variant natin. Ito naman pong measures na ito ay hindi na po bago sa Bureau of Quarantine at sa lahat po ng agency na nag-aalaga sa mga pabalik nating mga kababayan dahil ito rin po ‘yung measures na ginawa natin noong panahon po noong Delta. So masisigurado po namin na mai-implement natin iyong pinakamahigpit po na protocol based po doon sa mga binababa na guidelines ng IATF po [garbled] po.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod po nilang tanong: Ano pong paghahanda ang ginagawa ninyo o mayroon po bang mababago sa mga proseso ninyo sakaling may pumasok nang Omicron case dito sa Pilipinas?
BOQ DIR. SALVADOR, JR.: Ayon po sa binigay po ng IATF protocol na guidelines, isa na po ito sa pinakamahigpit natin na guidelines na lahat po ng mga Pilipino na darating sa Pilipinas ay importante pong mag-mandatory RT-PCR at quarantine [garbled]. So ngayon po in-increase na rin po namin [garbled] pa kami ng [garbled]. Humingi po kami nang karagdagang tulong sa DOH para madagdagan kami ng manpower. Pero po sa tulong ng PCG, Philippine Coast Guard under Usec. Raul Del Rosario, inu-augment po iyong kailangan naming tao para po magampanan namin iyong mga responsibilidad namin sa lahat ng port and airports po.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, uulitin lang po natin ano. Medyo nag-choppy po kayo kasi doon sa kailangan po ng mandatory? Pakiulit lang po iyong unang bahagi noong sagot ninyo sa tanong.
BOQ DIR. SALVADOR, JR.: Lahat po ng mga [garbled] kailangan po mandatory RT-PCR test within 72 hours bago po lumapag dito sa Pilipinas [garbled] sa [garbled]. Ang paalala lang din po na dapat po mag-log po kayo sa One Health Pass para po maiwasan natin na magkaroon ng aberya [garbled]. [Garbled] ho kasi naka-log sa [garbled] within 10 minutes po matatapos kaagad iyong proseso, hindi ho kayo maaabala doon sa mga proseso na kailangan ninyong pagdaanan dito sa airport natin po.
USEC. IGNACIO: Opo. Pahabol naman pong tanong ni Karen Villanda: Ano po ang reaksiyon ninyo sa plano ng DOH na iklian na lang to 3 days ang quarantine ng mga pasahero na galing sa mga bansang ‘di kabilang sa restricted country instead of 5 days? Para po sa BOQ, safe po ba itong ipatupad?
BOQ DIR. SALVADOR, JR.: [Garbled] po. May mga expert po tayo sa DOH, sila po ang nagbibigay po ng guidelines para po sa mga ganitong mga protocols po. So kung ano po ang ibaba ng DOH, ng IATF, kami po ay sumasang-ayon po dahil po ito ay pinag-aralan po ng mga eksperto natin po.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, kami po ay nagpapasalamat sa inyong impormasyon at siyempre sa inyong panahon. Director Roberto Salvador, Jr. ng Bureau of Quarantine. Salamat po, Director.
BOQ DIR. SALVADOR, JR.: Salamat po, Usec.
USEC. IGNACIO: Tuluy-tuloy ang pag-uwi ng mga kababayan natin mula sa abroad, sakto para sa selebrasyon ng Pasko. Pero dahil sa banta ng Omicron variant, sasalubungin muna sila nang mas mahaba-haba namang quarantine. Kaugnay niyan puntahan natin si Karen Villanda sa NAIA para po sa pinakahuling sitwasyon doon. Karen?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong report, Karen Villanda.
Samantala, base naman po sa pinakahuling tala ng Department of Health, nadagdagan ng 356 ang mga nahawahan ng COVID-19 sa bansa, pero iyan na po ang pinakamababang reported new cases ngayong taon. Sa kabuuan, nasa 2,835,345 na ang total cases ng COVID-19 sa Pilipinas; 871 naman po ang mga bagong gumaling kaya 2,772,728 na ang total recoveries sa bansa; 92 naman po ang mga naitalang nasawi kahapon – pero paglilinaw ng Department of Health, tatlo lamang diyan ang nasawi ngayong December – 18% ng reported deaths ay nangyari pa noong November at nahuli lamang po ng pag-encode sa COVID KAYA app. Dahil dito, umabot na sa 49,591 ang lahat ng nasawi sa bansa dahil sa COVID-19; 13,026 naman pong mga individual pa rin ang active cases at nagpapagaling pa hanggang ngayon, katumbas po iyan ng 0.5% ng total cases.
At dahil sa bumubuting COVID-19 infection management ng pamahalaan, umakyat ang puwesto ng Pilipinas sa Nikkei Asia Recovery Index mula sa dating ika-103rd place – ngayon tayo ay nasa ikalimampu’t pitong puwesto na na may score na 53.5. Ikinatuwa naman po ng Palasyo ang balitang ito.
Naghain ng 200-billion peso libel case si Energy Secretary Alfonso Cusi sa pitong media outfit sa bansa sa aniya ay defamatory at injurious na pagbabalita tungkol sa umano’y koneksiyon niya sa Malampaya deal. Linawin po natin ang ilang usapin tungkol diyan, makakausap po natin si Attorney Ruy Orendain [Rondain], ang Legal Counsel po ni Secretary Cusi. Magandang umaga po, Attorney.
ATTY. RONDAIN: Magandang umaga, Rocky. Kamusta ka.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, pakipaliwanag po kung ano po iyong pinag-ugatan ng pagsasampa ng kasong ito sa ilang media organizations at paano po ninyo nasabing libelous ang naging pagbabalita nila?
ATTY. RONDAIN: Iyong root noon, iyong pinagmulan noon is iyong mga articles na pinublish tungkol sa Malampaya share purchase agreement na supposedly hindi inaktuhan ni Secretary Cusi. Pinaylan [file] ng libel because mahaba iyong definition ng libel sa batas eh pero kahit hindi ka nga nakapag-aral, simpleng-simple lang iyan – lahat ng nakakasira ng reputasyon, libelous iyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Attorney, ang pare-parehong defense ng mga media outlets na ito ay ibinalita lamang umano nila ang existence ng kaso na ipinayl po ng isang group of concern citizens against Secretary Cusi at sa Udenna Corporation. Bakit po sa palagay ninyo ay nag-warrant pa rin ito ng libelous act against Secretary Cusi? At bakit po ang burden ay nasa media outlets?
ATTY. RONDAIN: Well, kasi iyong sinasabi nilang existing na kaso, hindi pa napo-prove iyon na mayroong kaso. In fact, ang balita ko is that ang basis noong report nila ay press conference at press kit, hindi existing na case.
In any case, kahit na existing na kaso, may mga requirements pa rin iyong batas kung masyi-shield iyong publisher ng libelous article na kailangan i-prove nila, na kailangan na current iyong report, pagkatapos kailangan mayroong—walang comment, at pagkatapos mayroon dapat genuine effort to make some verification or truth noong publication. Hindi lang basta-basta may kaso, okay ka na.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, sa ngayon po ba ay hindi pa rin po ninyo formally natatanggap iyong complaint na sinasabi sa mga balitang ito? At kapag po ba naipadala na sa inyo ay possible lang pong iurong ang pag-file ng libel cases na ito?
ATTY. RONDAIN: Hindi pa, hindi pa napapadala sa akin and i-evaluate iyan at sabi ko nga i-evaluate iyan depende kung ano ang sinabi ng complaint at saka kung mayroong good faith—kailangan i-file muna nila iyong counter affidavits nila under oath para ma-evaluate kung iatras iyong libel.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Attorney, do you agree na anumang development related po sa Malampaya plant at anumang balita po na related naman kay Secretary Cusi ay public concern at dapat maibalita?
ATTY. RONDAIN: Lahat ng mangyayari na nakakaapekto ng gobyerno, ng pamahalaan, ng publiko, dapat mabalita talaga. Kung sa Malampaya, basta may epekto sa publiko nga’ no. Kay Secretary Cusi bilang public officer, dapat mabalitaan iyong behavior niya as a public officer, Iyong family, iyong personal na family huwag naman at saka dapat kung may report man sa Malampaya, tungkol kay Secretary Cusi, dapat naman current at true report.
USEC. IGNACIO: Attorney, basahin ko lang po, if I may iyong tanong po ng ating kasamahan sa media. Tanong po ito ni Jayson Rubrico ng SMNI News: Ayon po sa pahayag ng ilang grupo ng mamamahayag sa bansa, gaya ng National Union of Journalists of the Philippines, misleading daw po at attempt to muzzle or harassed the press ang naging hakbang na ito ni Secretary Cusi, ano daw po ang reaksiyon ninyo dito?
ATTY. RONDAIN: Well, alam mo, Rocky, marami na akong nahawakan na libel cases eh. Talagang iyan ang sinasabi ng press na may chill effect, nama-muzzle iyong press. Eh kung totoo iyan eh, paano pa rin sila nagpa-publish ng libelous articles.
Number two, kung may problema sila sa libel law, hindi korte ang mag-a-address niyan, dapat Kongreso ang mag-address. Pumunta sila sa Kongreso at pa-decriminalize nila iyong libel kung iyan ang gusto nila. Kasi kahit na free naman ang press ay mayroon namang responsibilidad, may mga ethical and journalistic standards naman na kailangang obserbahan na iyon nga fair and true reporting and some effort to verify of the truth of a statement; huwag namang rumor, huwag naman tsismis ang ipi-print.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, will Secretary Cusi be willing to face another Senate probe ngayong ito rin po ang panawagan ng ilang senador?
ATTY. RONDAIN: I suppose, depende, hindi namin napag-usapan iyan. Pero kung makakatulong, I don’t see why he should refuse.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano naman po iyong magiging hakbang ng inyong kampo in response po sa inyong mismong isyu ng Malampaya deal at dito po sa libel case?
ATTY. RONDAIN: Well, iyong sa libel pinayl na nga namin, hihintayin na lang namin iyon response ng respondent kung ano ang sasabihin nila; iyong sa Malampaya wala namang kinakailangang gawin.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ito, Attorney ni Vic Tahud ng DZAR 1026 Sonshine: Anu-ano po ang paghahanda na ginagawa naman ng Department of Energy ngayon para po matiyak na walang power interruption o power shortage sa panahon ng halalan?
ATTY. RONDAIN: Naku, Rocky sorry abogado ako ni Secretary Cusi, hindi DOE. Sorry hindi ko masasagot iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at sa mga paglilinaw, Atty. Ruy Orendain [Rondain], ang abogado po ni Energy Secretary Alfonso Cusi.
ATTY. RONDAIN: Rondain, Rocky. Thank you.
USEC. IGNACIO: Samantala, abot naman sa isang libong mga micro entrepreneurs mula sa Iloilo ang inabutan ng ayuda ni Senator Bong Go kasama po ang ilang ahensiya ng pamahalaan. Muli namang nanawagan ang senador sa mga Ilonggo na makiisa sa nalalapit na second wave ng Bayanihan Bakunahan drive ng pamahalaan ngayong Disyembre. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
USEC. IGNACIO: Para po sa mga miyembro ng GSIS, may isa pang programa kayong puwedeng aplayan kung medyo nagipit sa gastusin at sa iba pang existing loans lalo na ngayong magpa-Pasko. Alamin po natin kung ano iyan mula kay Atty. Isagani Del Rosario, ang North Luzon Office vice president ng GSIS Luzon Operations Group. Good morning po, Attorney.
ATTY. ISAGANI DEL ROSARIO: Good morning, Usec. Rocky. Isang napakaganda at mapayapang umaga po sa ating lahat, lalung-lalo na po sa mga kawani po ng GSIS na sumusubaybay sa ating palatuntunan.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, ano po itong GSIS Multi-Purpose Loan or MPL?
ATTY. ISAGANI DEL ROSARIO: Usec. Rocky, ang GSIS Multi-Purpose Loan po ay ang one-loan-answers-all solution ng GSIS sa mga members po natin na iyon pong medyo nagkaroon ng utang na hindi po nabayaran noong mga nakaraang taon. Ito po ay ipu-fully liquidate po kasi iyong kanilang mga utang under one loan at babayaran po sa abot kayang halaga.
Ito po, ang Multi-Purpose Loan po ay isang program din po ng GSIS para sa ating mga miyembro na gusto rin naman magkaroon ng karagdagang credit line ‘ika nga, na puwede nilang gamitin halimbawa sa pagninegosyo o sa kanilang personal na pangangailangan na may mas mababa po itong interest at mahabang payment period.
Ang magandang feature po nito, Usec. Rocky, is that iyong mga [condonation program], mayroon po itong one time condonation para po sa mga surcharges na naidagdag na po sa kanilang pagkakautang doon po sa mga mako-consolidate na loan. Nais lang po namin ipabatid na iyong pong condonation program na ito ay hindi po applicable sa mga policy loan, emergency loan at saka housing loan kasi itong mga loans po na ito ay hindi po kasama doon sa iko-consolidate under the Multi-Purpose Loan. Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, anu-ano po itong mga service loans? Opo. Anu-ano po itong service loans na iko-consolidate dito sa GSIS MPL, Attorney?
ATTY. ISAGANI DEL ROSARIO: Marami po siya, ma’am, iyon pong mga previous loans na salary, restructured salary loan, emergency loan, assistance loan, salary loan at iyong iba pang loans po ng GSIS po.
USEC. IGNACIO: Opo. Ano daw po ang maximum amount na puwedeng ma-avail dito sa GSIS MPL?
ATTY. ISAGANI DEL ROSARIO: Napakalaki po ng maximum ano po, Usec. Rocky, up to 14 times po ng ating basic monthly salary. So, minimum po is one month ng basic salary natin at maximum nga po is iyong 14 months po ng basic monthly salary natin. May limit lang po siya na dapat hindi po siya lalampas sa three million. So, depende po iyan sa period po ng pagkakabayad ng ating premium sa GSIS.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, doon sa mga maglo-loan, ang isa sa mga laging tinatanong, ano po iyong interest rate ng GSIS MPL?
ATTY. ISAGANI DEL ROSARIO: Ang interest rate po ng GSIS ay nagba-vary po. Mayroon pong 7% at mayroon pong 8%. Seven percent per annum po, computed in advance para po doon sa ating mga miyembro na may tatlong taong period with paid premium o iyong tinatawag po na PPP o higit pa. Para doon naman po sa mga mababa, less than three years po ang PPP at doon po sa mga special members po, 8% po ang interest rate natin per annum computed in advance, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, hindi ba magiging mahirap sa bulsa ng ating mga miyembro iyong pagbabayad niyan kasi ilang taon po puwedeng bayaran itong GSIS MPL?
ATTY. ISAGANI DEL ROSARIO: Napakahaba po ng ating term ano, nagri-range po siya buhat sa 2 hanggang 7 taon po ang pagbabayad ng ating MPL. Depende rin po iyan sa kung siya po ay permanent without term of tenure o kaya isang non-permanent or permanent dahil mayroon po siyang tenure.
Doon po sa permanent na without term or tenure, 3 to 7 years po ang payment mode po natin depende rin po sa haba ng pagbabayad po sa GSIS na prima at doon po sa non-permanent and permanent with term nga po at tenure, [unclear] 2 hanggang 5 taon po ang term ng pagbabayad depende rin po sa dami ng binayaran nilang prima sa GSIS.
At doon po naman sa mga miyembro natin na nag-avail ng health loan po, ito po iyong pautang na iginawad ng GSIS sa medyo matagal-tagal na po during the time of Yolanda, pinapayagan po sila hanggang 10 taon po nang pagbabayad kapag sila ay nag-avail po ng multi-purpose loan.
USEC. IGNACIO: Opo. At sino po iyong puwedeng mag-avail ng GSIS MPL, Attorney?
ATTY. ISAGANI DEL ROSARIO: Usec. Rocky, ang mga qualifications po para sa ating GSIS MPL: Unang-una po ay dapat mayroon po na at least 3 buwan po na bayad na prima iyong ating miyembro; dapat po hindi rin siya naka-leave of absence or iyong tinatawag na nakalawit po siya; dapat din po wala din siyang pending criminal o kaya po ay administrative case; hindi rin po dapat siya may arrears sa ating GSIS Financial Assistance Loan or iyong GFAL, dapat ho updated iyong pagbabayad niya po dito.
Another thing is that iyon pong agency, dapat po hindi po siya naka-tag as suspended. Ano po ang ibig sabihin nito? Dapat po up to date iyong pagbabayad ng prima ng kaniyang ahensiya. At, of course, iyong last one po is iyong dapat mayroon po siyang net take home pay na P5,000 kasi ito po ang requirement ng batas o iyon pong tinatawag nating General Appropriations Act.
USEC. IGNACIO: Opo. Paano po makakapag-apply ng GSIS MPL, Attorney?
ATTY. ISAGANI DEL ROSARIO: Usec. Rocky, napakarami pong puwedeng pag-aplayan ang ating mga miyembro, unang-una po diyan, puwede po sila sa over-the-counter. Pumunta lang po sila sa GSIS and then file nila iyong application form nila doon; puwede rin po through drop box in GSIS offices nationwide. So, mayroon din po kaming ganiyan sa lahat po ng mga sangay ng GSIS sa buong Pilipinas. Puwede rin pong online using iyong e-GSISMO, puwede rin po doon mag-apply ang ating mga miyembro.
Puwede rin po by e-mail sa ating mga handling branch. Alam ninyo po iyong mga handling branches po natin o iyong branch offices po ng GSIS sa buong Pilipinas ay may kanya-kaniya po siyang mga e-mail addresses, pupuwede po doon, i-e-mail ninyo lang iyong mga requirements po doon.
At pupuwede rin po through GW@PS o kiosk natin na tinatawag, naka-stations po iyan sa mga branch offices sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno at mayroon din po sa mga malls po iyan; napakadami po niyan.
At available po soon, malapit na malapit na po ito, through GSIS Touch. Ito po iyong isang application na ginawa po ng ating GSIS para diyan po mapadali iyong pakiki-transact po natin sa GSIS.
USEC. IGNACIO: Opo. Kung may katanungan o nais na karagdagang impormasyon, ano po ang puwede nilang gawin, Attorney?
ATTY. ISAGANI DEL ROSARIO: Usec. Rocky, puwede pong bisitahin lang po ang amin pong websites, ang www.gsis.gov.ph. Puwede rin pong mag-message doon sa aming GSIS Facebook account o iyong @gsis.ph. Puwede rin hong mag-e-mail doon sa aming e-mail address na gsiscares@gsis.gov.ph.
Puwede rin ho tumawag sa aming call centers po sa number 88474747 kung kayo po ay mga residents ng Manila; at puwede rin pong tumawag po, toll free doon sa aming 1-800-8-8474747 para po sa mga Globe at TM subscribers; or para naman po sa mga Smart, Sun at saka Talk N’ Text subscriber, puwede po sa 1-800-10-8474747.
So, iyon pong listahan ng mga e-mail addresses naman po ng mga aming mga branch offices. Makikita rin po iyan sa aming websites.
USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong impormasyon, Attorney Isagani del Rosario, mula po sa GSIS. Mabuhay po kayo, Attorney.
ATTY. ISAGANI DEL ROSARIO: Maraming salamat din po.
USEC. IGNACIO: Samantala, huwag po kayong mawawala dahil magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
USEC. IGNACIO: Nagbabalik pong muli ang Public Briefing #LagingHandaPH. Puntahan natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Ihahatid iyan ni John Mogol mula sa PBS Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, John Mogol ng PBS Radyo Pilipinas.
Kasunod ng patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Baguio City, muling inilapit ng lokal ng pamahalaan sa mga barangay ang Alternative Learning System Program. Hatid nito ay dagdag kaalaman pangkabuhayan para sa mga residente ng lungsod. Si Alah Sungduan para sa report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, maagang Pamasko ang hatid ng Davao City Police Office sa mga kabataan sa Barangay New Valencia, Tugbok District, Davao City sa ilalim po ng kanilang programang Pamaskong Handog Alay sa Kabataan Year 5. Ang buong detalye ibabalita ni Julius Pacot:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Mga kababayan, 17 days na lamang po at Pasko na.
Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center