USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Luzon, Visayas at Mindanao. Magandang umaga rin po sa ating mga kababayan saanmang panig ng mundo. Ngayong December 13, araw ng Lunes, muli nating tatalakayin ang maiinit na usapin tungkol sa pagbabakuna at pagsalubong sa nalalapit na holiday season. Ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Samantala, kasabay ng paghahanda natin sa new normal, muling binigyan-diin ni Senator Bong Go ang kahalagahan ng pagsusulong ng E-Governance Bill sa Senado para sa mas maayos na digitalization sa mga proseso ng pamahalaan. Narito ang detalye:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Nagsumite na ng application ang Pfizer-BioNTtech sa Food and Drug Administration para po sa EUA o Emergency Use Authorization ng kanilang bakuna sa mga batang edad lima hanggang labing-isa dito sa bansa, makibalita tayo tungkol diyan mula mismo kay FDA Director General Usec. Eric Domingo. Good morning po, Usec.
FDA DIRECTOR GENERAL DOMINGO: Good morning, Usec. Rocky. At good morning sa inyong lahat. Opo, totoo na nag-apply na sila right before mag-holiday noong December 8. Ito iyong for children, five to eleven years old, and late last week ay na-forward na rin po ito sa ating mga vaccine experts para sa kanilang evaluation.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., gaano po kataas daw iyong efficacy ng Pfizer vaccine sa mga batang edad lima pataas?
FDA DIRECTOR GENERAL DOMINGO: Sa ngayon, iyong nakita ko ‘no, nasilip ko nang mabilisan iyong clinical trial data na sinabmit [submitted] nila, at ang nakikita natin is about a little more than 90% — 90.7% iyong kaniyang vaccine efficacy sa children, five to eleven.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., pareho po bang formulation din ito sa ituturok katulad po doon sa matatanda?
FDA DIRECTOR GENERAL DOMINGO: Iyong mRNA, iyong active ingredient, Usec. Rocky, pareho iyon ‘no, it’s identical. Kaya lang dahil siyempre kapag bata, mas maliit iyong amounts na kailangan, iyong preparation ay nag-iiba rin pati iyong concentration ng preparation. So hindi po siya, iyong ginagamit sa adult tapos kukonti ang amount na ini-inject ano kung hindi it’s a different formulation, iba po iyong concentration per ml na gagawin doon sa mga pambata at iba rin po iyong amount na i-inject sa mga batang maliliit.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., recently ay inaprubahan din ito for the same age group po sa Australia. Most likely, pareho rin ba na dalawang 10 microgram dosage at eight weeks apart ang papayagan dito sa Pilipinas?
FDA DIRECTOR GENERAL DOMINGO: Well, ganito rin ang in-apply sa atin ‘no. So sa US, ginagamit na rin siya; sa Europe, sa Canada at dito nga sa Australia. So ginagamit po siya as two doses, ang initial schedule po ay three weeks apart. Of course, titingnan po ito ng ating—three to four weeks apart, titingnan po ng ating vaccine experts at sila po ay magsasabi sa atin kung ano iyong magiging schedule.
Pero tama, Usec. Rocky, for all intents and purposes, I think it would be a two-dose schedule.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero bakit daw po sa Amerika ay pinapayagan ang three-week interval pero sa Australia ay eight weeks, magkakaroon ba ito ng kaibahan sa efficacy ng bakuna, Usec.?
FDA DIRECTOR GENERAL DOMINGO: Well, iyon kasing tinitingnan natin dahil during the early clinical trials, ginagawa talaga natin iyong medyo magkalapit ‘no para mapigil agad ang transmission at saka magka-protection agad. So iyong data na sinabmit sa atin, titingnan po iyan ng experts natin para mapili kung ano iyong pinakamaganda sa atin na interval, kung three weeks, four week or eight weeks.
Parang katulad po ng mga bakuna dati, like iyong AstraZeneca, iyon una pinayagan natin ang four weeks and then later, nakita natin na mas maganda kung eight to twelve weeks after. So continuing po talaga ang evaluation at as we get more data, doon po natin ibabase iyong magiging final recommendation po natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., ang pinakamahalaga na malaman dito ay kung ligtas ba ito para sa mga ganoong kabatang edad; at wala bang naitalang side effects sa mga clinical trials at maging sa real life study na isinagawa sa ibang bansa?
FDA DIRECTOR GENERAL DOMINGO: Totoo iyan. Ang primary concern po natin lalo na as children get younger ‘no and smaller is iyong safety; before the efficacy, iyon po munang safety ang tinitingnan ng atin pong eksperto diyan bago natin payagan.
So far, iyong clinical trial data, wala naman pong nakikita ‘no na very unusual or tinatawag nating signals of very severe na mga adverse effects, kung hindi karamihan na nakita rin sa mga trials ay mga mild ‘no katulad din po ng naramdaman sa ibang mga bakuna na ibinibigay sa mga bata.
So ito po, titingnan natin ito during the evaluation and of course, sakali naman na i-rollout natin, continuously din po talaga ang monitoring. Dahil under EUA, talaga pong kasama po talaga roon maigting na pagbabantay to make sure lamang na kung mayroong mga unusual tayo na nakikita ay nahuhuli po natin agad.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kumustahin na rin po namin kung may update na ba sa EUA application naman ng Sinovac para rin po sa five to eleven years old?
FDA DIRECTOR GENERAL DOMINGO: Actually, Usec. Rocky, ang in-apply nila is three to seventeen ‘no, ang Sinovac. Kaya lang po, noong huli silang nag-submit ng data sa ating mga vaccine experts, parang may hinihingi pa po na dagdag na clinical trial data. Masyadong maliit ‘no iyong sample size na kasama doon sa kanilang data na sinabmit, at nanghihingi ng updated data itong ating experts.
So at this time, hindi pa po approved ang paggamit ng Sinovac sa mga children 17 years and below. Pero kapag naman po nakapag-submit sila ng kanilang updated data, ito naman po ay rirebisahin uli ng ating mga experts para makita kung maaari na po siyang payagan.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., tungkol naman dito sa mga pa-expire na na bakuna, posible ba talagang ligtas pa ring gamitin ang isang bakuna na lumampas na sa unang itinakdang expiration date nito?
FDA DIRECTOR GENERAL DOMINGO: Sa atin kasi, Usec. Rocky, kapag in-apply iyan sa FDA, ang naibibigay lang namin talaga na expiration date o shelf life ay iyong mayroon po talagang scientific evidence to show na at that month, usually po six months, ay useful pa siya. So kapag ini-extend po ang shelf life, halimbawa, mas tumatagal na iyong mga bakuna tapos tini-testing at naipakita na useful pa sila, kapag mayroon po talagang data to show na useful pa sila after six months for example, puwede nating i-extend iyon shelf life.
Pero may posibilidad po talaga na useful pa rin sila kasi nga mga bagong bakuna ito, Usec. Rocky. Kaya naman sinabi nating six months, kasi at that time ay six months old pa lang ang mga vaccine at continuously namang tini-test iyan. So basta makapag-provide naman po iyong kumpaniya ng data to show na mas mahaba ang shelf life niya over the original, then there is a possibility to extend the shelf life.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa Canada kung saan una raw pong ginawa ang extension ng vaccine shelf life, base po raw sa datos na ipinasa ng AstraZeneca sa kanila tungkol sa product stability ng bakuna ay puwede nga itong i-extend ng isa pang buwan. Ano po ang palagay ninyo dito, Usec.?
FDA DIRECTOR GENERAL DOMINGO: Well, kung magsa-submit po sila sa atin ng data na ganiyan at magri-request po sila ng extension ng shelf life, maaari po nating aralin. Pero at this time, wala pa po kasing request na extend ang shelf life for AstraZeneca in particular. Kasi mayroon na po tayong mga shelf life na na-extend na po from the original six months, halimbawa po iyong Pfizer, nakapag-submit po iyan, ang kumpaniya, ng data to show nine months ang shelf life nila; so ang Pfizer vaccine po ay nine months.
Iyon namang Sinovac, nakapag-submit na rin po sila ng data to show 12 months ang shelf life ng kanilang vaccine kaya po na-extend na rin po ang shelf life ng vaccine nila.
Iyong AstraZeneca, hindi pa po sila nagri-request ng amendment to their EUA na i-increase po iyong shelf life from the existing six month.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Kailangan pa po bang baguhin ang EUA ng some expired COVID-19 vaccines bago po ito magamit ulit? If yes, ano pong EUA ang nabago for this purpose at ilang doses po kaya ang covered nito?
FDA DG USEC. DOMINGO: Well, katulad noong nasabi ko kanina, since November pa. Hindi naman po ngayon lamang, noong November pa na-extend na po ang shelf life ng Pfizer to nine months at iyon naman pong Sinovac to 12 months. So, lahat po. Kasi noong in-apply po nila ito, lahat po ng manufactured nila na produkto would be covered by the extension.
Though of course, kailangan kung magbabago po ang any new product ng kanilang life span ng bakuna or shelf life po nito, kailangan pong i-apply ng EUA amendment iyon kasi kailangan po nilang maipakita iyong ebidensiya na talagang doon sa extended shelf life ay useful, safe at saka good quality pa rin po iyong vaccine.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang sunod po niyang tanong: Kailan po kaya expected mag-take effect and Executive Order no. 155 at maglalabas po kaya ng IRR para dito bago ito ma-implement?
FDA DG USEC. DOMINGO: Hindi po kasi under sa FDA, I’m not very familiar, Usec. Rocky, doon sa EO.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa usapin pong booster shots, Usec., sinabi po ni Secretary Duque na posibleng i-consider na gawing three months na lang ang interval ng booster shots mula po sa primary doses na dati ay six months? Sa palagay ninyo po ba nararapat din ito para po mas mabilis at mas siguradong makakamit ang proteksiyon laban sa anumang variant ng COVID-19?
FDA DG USEC. DOMINGO: Depende ito sa vaccine brand na natanggap mo as primary series ‘no. So, iyon pong Janssen at saka po iyong Sputnik Light na mga single dose, ang advice po natin diyan ay three months after magbigay na po ng booster.
Pero iyon pong mga ibang two-dose vaccines katulad po ng Sinovac, AstraZeneca, Pfizer, Moderna, nakikita po natin na nag-uumpisa lamang naman na mag-wane iyong protection at the six months kaya dito po ibinibigay ang booster shot.
USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong panahon at impormasyon, Undersecretary Eric Domingo ng Food and Drug Administration.
FDA DG USEC. DOMINGO: Maraming salamat din po.
USEC. IGNACIO: Samantala, kahapon ay nakapagtala ang Department of Health ng dagdag na 402 new cases sa mga nahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa kabuuan, umabot na po ang bilang sa 2,836,592 total cases.
509 naman po ang mga naitalang bagong gumaling kaya 2,775,057 na ang COVID survivors sa bansa. Sa kabilang banda ay 50,280 na ang lahat ng nasawi mula po sa sakit matapos madagdagan ng 184 new deaths.
Sa kasalukuyan, 0.4% na lang po ang total cases ng bilang ng mga nagpapagaling pa, katumbas po ito ng 11,255 na katao.
Dalawang linggo na lamang bago mag-Pasko, daan-daang pamilya po mula sa Barangay Niog sa Bacoor City, Cavite ang nasunugan ng tahanan kaya naman sila ang pinuntahan at binigyan ng ayuda ni Senator Bong Go kasama po ang ilang ahensiya ng pamahalaan. Narito po ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Tatlong linggo na lang po bago natin salubungin ang Bagong Taon at kasabay niyan ay ang tradisyon nating mga Pilipino na magpaingay gamit ang mga paputok. Pero dahil po sa mahigpit na pagpapatupad ng fireworks ban sa bansa laban sa mga iligal na paputok at dahil na rin sa patuloy na pandemya, lalo pa pong lumamlam ang industriya ng fireworks.
Iyan po ang ating pag-uusapan kasama po si Ms. Lea Alapide, ang presidente ng Philippine Pyrotechnic Manufacturers and Dealers Association. Magandang umaga po.
PPMDA PRESIDENT ALAPIDE: Magandang umaga din, ma’am.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, kumusta po iyong mga paghahanda ninyo ngayong ilang araw na lamang po ay Bagong Taon na?
PPMDA PRESIDENT ALAPIDE: Una po sa lahat, masaya po kami dahil po sa wakas napayagan naman po kami na magpatuloy ng naantala na pagtitinda po namin. Kung maaalala ninyo last year nagkaroon tayo ng medyo hindi smooth po last year pero ito pong taon na ito, ako po personal na nagpapasalamat po muna kay Pangulong Duterte dahil napapayagan po kami, iyong regulation po ng industriya at pangalawa po ang pasasalamat ko rin po kay Senator Dela Rosa dahil po sa maaga niyang pag-convene ng public hearing last February. So, iyon po, nagbigay-linaw sa aming nasa sektor na kahit papaano po kaming lisensiyado ay napayagan po na magproseso ng aming mga lisensiya.
At kami naman po ay kaisa nila doon sa pagbabawal po noong mga iligal. Ever since po talaga pong ayaw naman din po namin iyong mga malalakas na dati na pong nakakalusot at kaisa po namin ang gobyerno rin po sa pagmamanman noong mga iligal pong iyan.
Kaya ganoon na lang po, lubos-lubos po ang aming kasiyahan dahil non-essential po kami kaya kami po ay nahirapan last year. Pero pasalamat pa rin po ang aming bungad sa taon na ito dahil nga po sa maliit na paraan nakakatulong din naman po kami sa dagdag livelihood po ng mga dati na nating mga kasama. Thank you. Thank you po talaga.
USEC. IGNACIO: Opo. Kaya po, Ms. Lea, marami nga pong industriya ang somehow ay nakakabawi na sa kita kasunod po ng pagluluwag ng restrictions sa buong bansa. Sa ngayon po ba ay may nakikita na rin kayong positibong epekto dito po sa bahagyang pagluluwag sa inyong sektor, Ms. Lea?
PPMDA PRESIDENT ALAPIDE: Yes, Ma’am. Kaya nga po gustong-gusto namin iyong sa vaccination po. Actually po, sa hilera po namin dito lahat po ng workers namin fully vaccinated na po sila, kasi even before hinikayat ko na po. I coordinated with the mayor at napakabait naman po nila para mag-special lane po kami ng mga workers po at nabakunahan po sila. At talaga pong kami ay ramdam po namin iyong essential effect noon pong pag-encourage po namin noong health protocols at iyong pagbabakuna po ang aming unang pasasalamat po.
USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Lea, may tanong lang po iyong ibang kasamahan natin sa media ano po. May tanong sa inyo si Sam Medenilla ng Business Mirror: How much is the estimated industry sales for this year at ano daw po iyong comparison o comparative sales in 2020 at nito pong 2019? At nasa ilang pagawaan daw po at retailers sa inyong grupo ang nakabalik at nagbabalak magbenta muli ngayong taon?
PPMDA PRES. ALAPIDE: As of now, ma’am, figures—talagang estimate lang po kami. We do not even have the actual figures kasi nga po iyong nangyari last year, really talaga pong ibinalik ‘yang mga ibang paninda for reasons na may mga LGU po tayo at that time na talaga pong nagbago po iyong desisyon nila last minute kahit na po may lisensiya na po iyong mga tao. So talaga pong umiyak ang mga nasa sektor po namin at that time dahil nga po doon sa laban-bawi daw noong aming mga lisensiya.
But anyway, nangyari na iyon; tinanggap na po namin iyon. Basta kami po nag-i-emphasize doon sa pagluwag kahit papaano sa ating mga lisensyado na ngayon po ay maipagpatuloy naman po namin.
Iyon pong tanong po doon sa mga retailers, at present po nagpuproseso pa lang po ang karamihan dahil po ito nga po ‘yung aking isasangguni – iyon po kasing pagdi-decide minsan ng LGU nang pagbibigay po ng special permit ay medyo may conflict po. Kasi doon po sa requirement namin, PNP requires that the special permit should be ahead, iyong manggagaling po sa local executive. So minsan naman po dahil nga po tatlong araw lang po iyong pagtitinda, ang regulasyon naman po ni mayor, huling mga araw na rin po sila nag-i-issue. So kawawa po iyong retailers na tumatakbo po para maghintay doon po sa special permit.
Whereas, we were trying to ask po sana a little consideration that while it is true na tatlong araw/apat na araw lang naman po iyong pagtitinda ng retailers, iyon pong pagkuha ng permit, nahihirapan po. Baka naman po puwedeng bigyan nang konting luwag na ahead of time sila magbayad para maiproseso sa PNP naman po iyong mga lisensya – iyon po ‘yung nagiging conflict.
So as of now, ma’am, marami pa rin po nagsa-submit ng mga papers nila sa PNP dahil nga po doon sa late na decisions being given by the LGU executives. So iyon po ang medyo may problema kaya hindi po namin alam kung ilan pa po iyong mga naglilisensyang mga vendors or retailers before them retail.
USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Lea, sunod po niyang tanong: Kumusta daw po iyong demand ng pyrotechnic sa gitna po ng pandemic at sino daw po iyong usual customers ninyo at bakit daw po?
PPMDA PRES. ALAPIDE: Ayan po. Ang totoo po, dahil po sa last year medyo nahigpitan po tayo nang todo, talagang sabik naman din po ang mga individual na consumer na parang iyong naririnig lagi namin na line na, “Pailawan naman natin iyong air, baka mamatay na si COVID,” mga ganoon po ‘yung mga lines nila. And sabik na sabik po sila na in their own way na makapag-celebrate na rin po nang konti using the fireworks – na kumbaga ang word po nila eh tradisyong Pinoy na ito na… kumbaga pinakahihintay nila tuwing dulo ng taon po. Iyon po ‘yung mga words nila when they come over sa mga stores po.
USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Lea, paano ninyo naman po daw pinaiigting iyong pagbabantay sa mga gumagawa ng mga iligal na firecrackers?
PPMDA PRES. ALAPIDE: ‘Yan po. Iyan po, ako na po ‘yung una, ma’am, ako na po ‘yung una na nakikiusap sa hanay ng PNP because I do not have the police power but I can only inform iyon pong mga nasa PNP po dahil ‘yan po—at DTI po, ‘yan po ‘yung mga kinakatok po namin na tulungan po kami. At nakiusap na nga rin po ako lalo na po sa Divisoria because Divisoria is not even zoned to sell iyon pong mga fireworks po and yet may nakikita na raw po ‘yung ibang consumers na nagpi-feedback po sa amin.
So sana nga lang po magtulungan bawat ahensiya po na tulungan naman po kaming naglilisensya para dito naman po sana sa mga lisensyadong mga nagtitinda, bumili po ang mga customers – iyon po ang panalangin naman po namin. So sana po tulungan naman din po kami sa implementation po noong mga regulasyon na pinapatupad po ng gobyerno.
USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Lea, may tanong lang po ‘yung ating kasamahan din sa media na si Leila Salaverria ng Inquirer para sa inyo: Puwede ba daw pong malaman ilan ang members ng inyong association at ilang percent so far ang itinaas ng tinda nila kahit po estimate lamang?
PPMDA PRES. ALAPIDE: Nationwide po, libu-libo kami – around 5,000 po dati iyong mga nagla-license ho na nagtitinda all over the Philippines po. Iyong estimate naman po noong pagtaas, bibigyan ko na lang po kayo ng ehemplo noong pagtaas base po doon sa chemicals po na ginagamit ng mga manufacturers. So say for example po, iyong tinatawag na chloride – before po ang benta po or bili namin per sako po is P3,700. This year po binenta po ng P10,500 so iyon po ang nag-cascade na difference naman po doon sa presyo po ng mga produkto po na ginagawa po sa ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Lea, kayo po ba ay may konsultasyon pang magaganap o naganap na sa pagitan naman po ng PNP kung ano daw pong mga paputok ang puwedeng ibenta at gamitin para sa darating na holidays?
PPMDA PRES. ALAPIDE: Yes, ma’am. Parang kumbaga parang bibliya na po namin iyong license din naman po namin that when they grant the license, nandoon naman po nakasaad iyong mga pinayagan po ng batas natin. At lagi naman po nilang sinasabi doon sa mga presscon nila iyon pong mga bawal na dati po iyong mga oversized na mga paputok po – ‘yan po. Talagang ever since naman po ay iyon na po ‘yung kumbaga ipinapalaganap na pong information na huwag po.
Eh plus iyon pong binibenta po sa Divisoria na mga piccolo, hindi na po allowed talaga po iyon. Nagtataka lang po kami kung bakit may mga allowed doon na vendors. I hope iyong media po makapunta naman po doon for them to see for themselves iyon pong—piniktyuran po kasi ng ibang mga lisensyado na nakarating po sa aming atensiyon na may mga nagtitinda po noon, eh bawal po iyon ma’am.
USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Ms. Lea Alapide, ang Presidente ng Philippine Pyrotechnic Manufacturers and Dealers Association. Salamat po, Ms. Lea!
PPMDA PRES. ALAPIDE: Ma’am, ako po ang talagang taos-pusong nagpapasalamat kasi with your platform, talaga pong nari-reach out po namin iyong mga kasamahan namin sa dulo ng Pilipinas na huwag po sana nating tangkilikin iyong mga bawal na po. At ang lagi ko pong pinu-post sa FB na iyong health protocols po natin, huwag po nating kakalimutan. At una sa lahat, tapusin po natin iyong mga second dose na bakuna at pumila po tayo patiently.
Thank you very much, ma’am, and you are a big help to the industry. Thank you at thank you Pangulong Duterte. Thank you po, Senator Bato sa pagtulong po ninyo sa pagbubukas muli ng aming industriya. Hopefully lang po, ma’am, puwede po bang mag-plea dito?
USEC. IGNACIO: Opo. Sige po, go ahead po.
PPMDA PRES. ALAPIDE: Kasi, ma’am, iyon pong Memo 31 lang ni Pangulong Duterte, iyon pong na-freeze po iyong mga bagong aplikante last 2018. Sana po mapapayagan na rin po na matanggap po sila na mag-apply na rin po para dumami pa po ang mapunta sa hanay ng mga ligal at lisensiyado na magtitinda po. Na-freeze po kasi kami noon, ma’am, noong 2018. Sana po tulungan ulit kami ni Pangulo. Maraming salamat po, ma’am.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po sa iyo, Miss Lea Alapide.
Samantala, nasa 2,000 indibidwal naman po ang nawalan ng hanapbuhay sa Negros Occidental ang binisita at binigyan ng ayuda ng ilang ahensiya ng pamahalaan sa pangunguna ng tanggapan ni Senator Bong Go. Ang detalye sa report na ito:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Ang pagbabayad ng housing loan sa GSIS ay hassle free na rin sa pamamagitan ng programang nitong GHOP. Alamin kung ano po ito at paano ito, kasama si Ms. Mary Abigail Francisco, ang vice president ng GSIS Treasury Operations Office. Magandang umaga po sa inyo.
GSIS VP MS. FRANCISCO: Maginhawang umaga po.
USEC. IGNACIO: Ms. Abigail, ano po ang GSIS Housing Online Payment o iyong GHOP? At sinu-sino po iyong maaaring gumamit nito
GSIS VP MS. FRANCISCO: Ang GHOP po or GSIS Housing Online Payment po ay ang bagong payment channel para makapagbayad po ng monthly housing loan amortization iyong ating mga members o iyong mga may mga loans sa GSIS. Pero kinakailangan po ay updated po iyong kanilang housing loan account at mayroon po silang account sa Union Bank of the Philippines, so sila po iyong maaaring gumamit ng GHOP.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero paano daw po ginagamit ang GHOP, Ms. Abigail?
GSIS VP MS. FRANCISCO: Ang una pong gagawin ay kailangan pong ma-update po nila iyong record nila ay mag-signify sila na interested silang gumamit sa GHOP. Kailangan po nilang makipag-ugnayan sa Housing Account Reconciliation Department sa head office or sa Billing Collection and Reconciliation Division naman po kapag sa branch office ng GSIS.
Kapag ganoon po, nakapag-apply na po sila, puwede na po silang mag-enroll sa GHOP para po mapabilang sa database nito. And then, kailangan pong malagdaan nila iyong Data Privacy Act.
And then, kailangan lang po nila itong mga sumusunod na detalye, is makukuha rin po ito sa GSIS kapag nakipag-coordinate sila sa housing: Iyong business partner number; insurance object; due date; at, required monthly amortization po.
And then from there po, puwede na po nilang i-download iyong Union Bank online app and then puwede na po silang makapagbayad through the online payment facility.
USEC. IGNACIO: And paano daw po malalaman ang required monthly amortization at magkano iyong loan payment na kailangang bayaran kapag po nag-GHOP ang isang loan borrower?
GSIS VP MS. FRANCISCO: Ang gagawin lang po nila, kapag nakipag-ugnayan po sila sa housing account, sa billing and recon, alam naman din po nila iyong kanilang monthly amortization, nakikita po nila iyan doon sa kanilang kontrata. And kung hindi po nila maalala, puwede naman po rin nila tanungin iyan sa housing or reconciliation unit. And then, pagkatapos po noon, puwede po silang magbayad online, kapareho po ng housing loan amortization nila, equal or more, puwede pong dagdagan nila iyon. Kapag mas mataas po iyong bayad nila sa monthly amortization nila, ma-apply po iyon sa principal, hindi po siya magiging advance payment kung hindi maa-apply po siya sa principal po.
USEC. IGNACIO: Opo. So ano po ang mangyayari kapag daw po nakalimutang magbayad sa monthly due ng date ng loan amortization?
GSIS VP MS. FRANCISCO: Kapag nakalimutan po, ang kailangan po talaga nila ay makipag-ugnayan din po talaga sa housing account reconciliation department or sa billing and recon po. That way po, matutulungan sila kung paanong ma-update iyon to make sure na part pa rin sila noong database nitong GHOP po. Kasi po, puwede rin naman po nilang ma-schedule o i-auto debit iyong monthly amortization nila sa Union Bank account po. Iyon po, iyong kagandahan noong isang facility na ito is that puwede pong ma-schedule iyong payment, puwede po ninyong ma-schedule doon kung monthly, ganitong date, mababawasan po iyong account ninyo, diretso na po siya sa pagbayad ng housing loan account po.
USEC. IGNACIO: At kung puwede daw po bang i-auto debit ang monthly amortization mula sa bank account ng borrower?
GSIS VP MS. FRANCISCO: Yes. Iyon po iyong minention ko na puwede pong ma-schedule or auto debit iyong pagbayad ng monthly amortization. Nasi-set up na po ito doon sa bills payment facility accounts. So, kung mai-explore po nila iyong kanilang Union Bank online facility, mayroon pong options doon iyong member. Pero kung nahihirapan naman po sila, puwede po silang mag-coordinate po sa Union Bank of the Philippines kung gusto nilang matuto kung paano po i-set up iyong mga iyon.
USEC. IGNACIO: Opo. At paano kung nakapag-isyu po ng postdated checks o iyong PDCs?
GSIS VP MS. FRANCISCO: Iyong mga postdated checks naman po, may options po sila, it’s either ubusin po muna iyong kanilang naisyu na tseke or puwede rin naman po nilang i-request na i-pullout iyong checks. Pero ‘di ba po, parang sayang din naman na ipu-pullout natin iyong tseke. So, puwede naman po na kapag naubos po iyong checks, doon po sila mag-apply for their online payment po.
USEC. IGNACIO: At kapag daw po nag-GHOP, automatic po ba iyong posting ng payment?
GSIS VP MS. FRANCISCO: Opo, automatic din po talaga ang posting ng payment. Bahagi po ito ng proseso na madyi-generate na rin po iyong resibo para doon sa payment po na iyon.
USEC. IGNACIO: Pero may transaction fee po ba ang paggamit ng GHOP, Ms. Abigail?
GSIS VP MS. FRANCISCO: Ano po iyon?
USEC. IGNACIO: Transaction fee?
GSIS VP MS. FRANCISCO: Ah, transaction fee? Wala pong transaction fee ang GHOP.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero maaari bang gamitin ang GHOP sa labas ng bansa o abroad, Ms. Abigail?
GSIS VP MS. FRANCISCO: Yes, as long as mayroon po silang internet connection. At, of course, iyong kanilang Union Bank account wala pong problema, puwedeng-puwede gamitin po.
USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon.
GSIS VP MS. FRANCISCO: Salamat din po.
USEC. IGNACIO: Ms. Abigail Francisco, ang Vice President ng GSIS Treasury Operations Office.
Samantala, puntahan natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Ihahatid iyan ni John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, John Mogol ng PBS Radyo Pilipinas.
Nagsagawa naman ng simultaneous flu vaccination ang Police Regional Office XI kamakailan kung saan higit apatnalibung mga indibidwal ang nabakunahan sa Davao. Iyan ang report ni Julius Pacot:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agencies para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
Samantala, binigyang papuri ng Malacañang ang naging partisipasyon ng pambato natin na si Beatrice Luigi Gomez sa katatapos lang na Ms. Universe 2021 na ginanap po sa bansang Israel. Siya po ay isa ring reservist sa Armed Forces of the Philippines. Congratulations on making it the tough Top 5! Beatrice, we are proud of you!
Samantala, mga kababayan, labindalawang araw na lamang po at Pasko na. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio, hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center