Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas, ganoon na rin po sa ating mga kababayan sa labas ng bansa. Ako po si Usec. Rocky Ignacio. Ngayong Miyerkules, makibalita po tayo sa sitwasyon ng ilang lugar sa bansa na inaasahan pong dadaanan ng Bagyong Odette, gayundin ang pagsasagawa muli ng Bayanihan Bakunahan 2 sa mga piling lugar na mag-uumpisa ngayong araw. Simulan na po natin ang makabuluhang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Opisyal na pong binawi ni Senator Bong Go ang kaniyang certificate of candidacy para sa pagkapangulo sa 2022. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Kumustahin po natin ang isinasagawang Bayanihan Bakunahan 2 sa ilang piling lugar simula ngayong araw, muli nating makakasama sa programa si Health Undersecretary at NOVC Chairperson Usec. Myrna Cabotaje para po sa updates. Magandang umaga po, Usec.

USEC. CABOTAJE: Magandang umaga sa lahat ng nanunood at nakikinig sa programa ninyo ngayong umaga.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kumusta po so far iyong bakunahan ngayong umaga? Mataas pa rin po ba iyong turnout ng ating mga kababayan o ng mga tao?

USEC. CABOTAJE: Oo, based on initial reports, maganda naman iyong mga turnout. Ako nga nagpabakuna diyan sa geriatric clinic, maraming mga senior citizen na kasama ko ang nagpapa-booster.

USEC. IGNACIO: Opo. Base po sa mga initial reports na natatanggap ninyo, ano pa rin po iyong usual na problema na nai-encounter sa mga vaccination sites kamukha po noong unang round? Tanong din po iyan ni Mark Fetalco ng PTV. Problema pa rin daw po ba ang hindi pag-accommodate ng mga LGUs sa mga walk-in?

USEC. CABOTAJE: Natuto na yata sila sa unang experience nila at mas nag-a-accommodate na sila ng mga walk-in. Ang ating problema, Usec. Rocky, itong bagyo; kaya iyong karamihan hindi nagsimula kahit hindi malakas ang ulan ay pinostpone iyong kanilang mga bakunahan.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., maaabot po kaya ang seven million target jabs kung ilang rehiyon lang po iyong nagsimula ngayon sa Bayanihan Bakunahan 2? At ano raw po iyong ini-expect nating figures para sa unang araw na ito? Iyan po ay tanong din ni Red Mendoza ng Manila Times.

USEC. CABOTAJE: Ang ating direksyon ngayon ay iyong anim na araw – tatlong araw sa December 15 to 17 tapos December 20 to 22 – susumahin na natin iyan; alam naman natin iyong iba ay tuluy-tuloy, iyong iba ay maghihinto.

So we are confident that we will reach the seven million target. Hindi na tayo magdi-daily target, alam naman natin ang problema ngayon – may magbubukas, may magsasara. So itu-total na lang natin pagkaraan ng December 22 kung ilan na iyong anim na araw na ating output.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sunod pong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Ini-expect din po ba natin na mas marami na ang magpapabakuna ng booster doses ngayong pangalawang Bayanihan Bakunahan?

USEC. CABOTAJE: Oo, kasi binuksan na natin iyong mga booster shot. Lalung-lalo na dito sa NCR, ang talagang target nila ay mga booster at saka iyong mga bata. Pero while inaasahan natin na tataas iyong gustong magpa-booster, ‘pag na-meet na nila iyong six months interval nanghihikayat pa rin tayo na iyong first dose, magpa-first dose iyong hindi pa nagpa-first dose at iyong mga scheduled na ng second ay magpa-schedule at magpabakuna ng second dose.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kung ibibilang po iyong magiging record ng Bayanihan Bakunahan 2, ano po iyong nakikita ninyong bilang ng mga mababakunahan sa bansa bago po maglipat o magpalit ng taon?

USEC. CABOTAJE: Ang target pa rin natin, Usec. Rocky, maabot sana natin iyong 54 million na atin mga fully vaccinated. Sa ngayon, nasa 42 million tayong fully vaccinated so ibig sabihin, mga 12 million pa ang hahabulin natin; may mga due ng second dose from the round 1, mga 80% ng mga nabakunahan natin ng round 1 ay due next week or the last week of December.

Tapos, inaasahan po natin iyong ating J&J. So may dumating na J&J, one dose lang siya. So sana makamit natin, subukan nating makamit iyong 54 million na target nating mabakunahan ng complete dose by end of the year.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., posible po kaya ano, kasi ngayon may bagyo po ‘no, posible po kayang ma-extend ulit or magkaroon pa ng round 3 itong Bayanihan Bakunahan kung hindi po maabot ang target na seven million jabs na understandable naman po dahil iyong iba po ay magbubukas, iyong iba hindi dahil po sa sama ng panahon?

USEC. CABOTAJE: Baka-extension lang iyan, hindi round 3 muna. Kasi kagaya ng CARAGA, sabi nila, magbabakuna sila ng December 27 to 29. Kasi kung mahi-hit sila ng typhoon ngayon, hindi sila kaagad-agad makakabakuna ng 20, 21, 22, nandoon pa sa evacuation center. Kaya ang tinitignan nila, mga 27-29.

Pero iyong round 3, iyon ang may mga proposals na every month parang may ganitong campaign mode para mas mapaigting pa in addition to the regular daily vaccination.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa supply naman po ng bakuna, Usec., kumusta raw po iyong shelf life ng mga bakunang ginagamit ngayon?

USEC. CABOTAJE: We have enough vaccines. Iyong shelf life, be rest assured na lahat po ng ating bakuna ay safe. Nakikipagtalastasan po tayo sa mga manufacturers at minu-monitor po iyan ng ating Food and Drug Administration na iyong ating mga bakuna ay safe and effective.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero kailangan po malalaman kung puwede pang gamitin ang mga labeled na expired AstraZeneca vaccines?

USEC. CABOTAJE: Iyong mga labeled na expired is actually short shelf life ‘no. So may isang batch na pumasa, ibibigay lang iyong mga datos sa FDA. Tapos iyong mga ibang batches pa rin ay ating kasalukuyang tini-testing tapos mago-go signal ang ating FDA kung puwede pang magamit ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., masisiguro po ba raw kung magiging sapat pa rin ang mga bakuna hanggang sa susunod na taon kapag po nagsimula ang booster shot dito po sa mas marami pang Pilipino? Kasi po usually, sa January daw po at February iyong bulto daw po, dahil dito ay papatak iyong pang-anim na buwan ng mga economic frontliners na binakunahan natin this year.

USEC. CABOTAJE: Yes, sapat iyong ating supply ng bakuna. Maraming slated para bilhin ng gobyerno – Pfizer and Moderna, some Sinovac. Marami din gustong mag-donate sa atin. So pagsasabay-sabayin iyan, we will have enough for our booster shots.

USEC. IGNACIO: Opo, may pahabol po na tanong si Mark Fetalco: With the threat daw po ng Omicron variant, saan po mas nakatutok ngayon ang pamahalaan, sa primary vaccination o boosters?

USEC. CABOTAJE: Primary vaccination importante pa rin iyan. Kasi iyan ang parang unang battle ground, unang layer of protection natin. Alam natin sa Omicron variant, pinakamarami ang household, so dapat lahat ng household members ay nabakunahan. May small study sa UK na nagsasabi na children of unvaccinated parents appear to be at risk. So kailangan bakunahan iyong mga lola, mga parents, mga magulang, para iyong mga anak na hindi pa schedule magpabakuna o hindi pa binibigyan ng bakuna ay maproteksiyunan, so pagsasabay-sabayin natin iyan. Our focus is really the first doses and the second, importanteng kumpletuhin iyang primary doses. Pero sa mga senior at saka iyong comorbidities, sana mabilisan iyong kanilang pagbo-booster.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Mark Fetalco: Inirirekomenda po ni Father Nicanor Austriaco ng OCTA Research na paikliin po iyong interval ng second dose at booster shots from six months to 4.5 months kagaya po ng ginawa sa Denmark, bunsod na rin po ng Omicron variant. Tinitingnan din po ba itong ipatupad sa bansa?

USEC. CABOTAJE: Yes, Usec. Rocky, naaral na ito ng ating mga eksperto. Actually, sa ating mga senior citizen at comorbidities ang unang recommendation na i-reduce na iyong interval, gawing 4 to 5 months. Pero maybe in the next couple of days, magbibigay na rin ng final recommendation para gawin natin iyong pagbabakuna ay mas shorter iyong interval ng second dose – booster dose.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may tanong din po sa inyo si Analou De Vera ng Manila Bulletin: We would like just to get a reaction from DOH regarding the news that WHO has still not approved the Sputnik V vaccine po?

USEC. CABOTAJE: Iyong Sputnik V vaccine na approval, iyong ibig sabihin wala sa Emergency Use list niya, pero since nabigyan naman siya ng regulatory agencies all over the world ng go signal at inaral din ito ng ating DOH at saka noong ating Food and Drug Administration kaya tinutuloy natin ibigay ito sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Pangalawang tanong po niya: May nakikita po ba tayong need na i-put on hold iyong use ng Sputnik sa Pilipinas pending the approval of WHO? Also, if may data po tayo, ilan na po ang nabakunahan ng Sputnik V vaccine?

USEC. CABOTAJE: Hindi na kailangan i-put on hold. Kagaya noong Sinovac di ba, noong nag-umpisa tayo, wala pa sa Emergency Use List ang ating Sinovac, pero noong lumaon ay na-include na rin sa Emergency Used List ng WHO. Hindi po tayo makakapaghintay noon, so nagbigay tayo ng Sinovac that was the available vaccine at that time. We don’t see any reason why we should put it on hold. May liberty, may freedom naman iyong country to vaccinate kung ano iyong gusto niyang i-vaccinate. Basta pumasa sa ating Philippine FDA.

USEC. IGNACIO: Usec. Myrna, maraming salamat po sa inyong panahon. Health Undersecretary Myrna Cabotaje, mabuhay po kayo, Usec.

USEC. CABOTAJE: Thank you, Usec. Rocky, good morning.

USEC. IGNACIO: Good morning po.

Samantala, silipin naman natin ang nagaganap na Bayanihan Bakunahan Round 2 sa Lungsod ng Maynila, nakatutok doon si Louisa Erispe. Louisa kasing dami rin ba ng mga kababayan nating pumila noon sa round one ang nagpapabakuna ngayong araw diyan sa center na pinuntahan mo?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Louisa Erispe.

Samantala, narito naman po ang mga tala ng COVID-19 sa bansa: Kahapon may naidagdag ang Department of Health na 235 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Iyan na po ang pinakamababang bilang simula Mayo noong nakaraang taon. Dahil diyan umabot na ang total COVID cases count natin sa 2,836,868. Nakapagtala rin ang kagawaran ng 780 new recovery sa bansa, kaya naman umabot na ito sa 2,775,991 total recoveries. Sa kabilang banda, may 10 muling nasawi sa sakit kung kaya naging 50,351 na po ang total deaths. Mababa na lamang po at nasa 10, 526 o 0.4% mula po sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa ang nanatiling aktibo sa ngayon.

Kagabi po ay pumasok na sa Philippine Areas of Responsibility si severe Tropical Storm Odette na nagdala ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa. Dahil dito as of 5:00 AM ngayong araw nakataas sa signal number 1 ang mga lalawigan ng Northern at Eastern Samar, ganoon din ang Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Bohol, Northern at Central Cebu kabilang ang Bantayan at Camotes Islands. Signal number one sin sa Dinagat Islands, Surigao Del Norte at Surigao Del Sur, Agusan Del Norte at Agusan Del Sur, Camiguin at ang Eastern portion ng Misamis Oriental. Base naman sa weather forecast na inilabas ng pag-asa, inaasahan na ang moderate to intense rains sa mga lugar na nabanggit mula bukas ng umaga hanggang sa Biyernes.

Makakaranas naman ng light to moderate weak at times heavy rains ang Bicol Region. Zamboanga Del Norte, Oriental Mindoro, Romblon at ang iba pang bahagi ng Visayas at Northern Mindanao.

Sa loob ng 24 oras ay inaasahang nasa 365 East of Surigao City, Surigao Del Norte na nag forecast sa position ng Bagyong Odette, at posibleng magtuluy-tuloy hanggang sa Negros Occidental Biyernes ng umaga.

USEC. IGNACIO: Manatili pong nakatutok sa PTV para sa pinakahuling balita tungkol sa Bagyong Odette.

Samantala, kumustahin po natin ang sitwasyon sa lalawigan ng Surigao Del Sur na ngayon po ay nakapailalim sa Signal Number 1. Makakausap po natin sa linya ng telepono si Governor Alexander Pimentel. Magandang umaga po, Governor. Governor, can you hear me?

Babalikan natin si Governor. Samantala, pinasalamatan naman ni Senator Bong Go ang pagpabor ng maraming senador sa pagsasabatas ng Senate Bill 2234 na magtatag ng Department of Migrant Workers sa bansa. Ang detalye sa balitang ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Sa ngayon po ay itinaas na ng PAGASA sa Signal Number 2 ang Surigao Del Sur kaya naman po balikan na natin sa linya ng telepono si Surigao Del Sur Governor Alexander Pimentel. Magandang umaga po, Governor.

GOV. ALEXANDER PIMENTEL: Magandang umaga din po kay USec. Rocky Ignacio at sa lahat ng nakikinig ng PTV 4.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor, kumustahin ko po ang panahon sa inyong lugar sa kasalukuyan at kumusta na po kayo?

GOV. ALEXANDER PIMENTEL: Okay naman po, nag-iikot ako. Nandito nga ako ngayon sa Municipality of Carmen. As of yesterday, marami na po tayong na forced evacuation sa Tandag City, mga almost 2000. Ngayon nga dito sa Municipality of Carmen nag-i-evac tayo ng ano.

Unfortunately, doon sa Esperanza ng Municipality of Carmen, imbes na tumulong iyong Army in-ambush ng NPA – may tatlong patay na sibilyan at iyong SK representative tinamaan. So, ang hiling ko sana sa mga kapwa Pilipino natin na NPA, huwag na tayong magpatayan kasi iyong Army tumutulong sa evacuation bakit in-ambush ninyo?

USEC. IGNACIO: Kanina pong umaga rin naganap iyong ambush Governor at ano pong panahon ang nararanasan diyan? May mga pag-ulan na po ba Governor?

GOV. ALEXANDER PIMENTEL: Maulan, paghintu-hinto, pero naghahanda na kami. Tapos nag-issue na ako ng executive order na wala nang papalaot at saka iyong mga disaster natin, iyong DRRMO natin sa lahat ng municipality naka-standby na pati iyong mga rescue boats, lahat-lahat; at naghanda na rin tayo ng food packs.

USEC. IGNACIO: Opo. Ilang katao po ngayon ang ina-accommodate ng inyong evacuation center? At paano po nasisiguro iyong strict ng health protocols sa mga ito dahil, Governor, alam naman po natin iyong banta pa rin ng COVID?

GOV. ALEXANDER PIMENTEL: Nakahanda naman tayo. Iyong mga evacuation center lalo na sa Tandag City, sinu-supervise ni Mayor Roxanne Pimentel. Mayroon naman tayong mga BPSO o tanod na nagsi-see to it na ma-observe ang protocols. Alam na nila ang gagawin nila kasi ilang beses na namin itong ginawa. And then, ang mga mandaragat, iyong mga bangka nila nasa kalsada na, inalis na sa shoreline.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa pamimigay naman po ng relief goods, kumusta naman po iyan, Governor? Nakahanda po ba ang mga ito? At kaya pa po bang tugunan ng inyong lokal na pamahalaan ang dami po na posibleng masalanta?

GOV. ALEXANDER PIMENTEL: Iyon na nga, medyo depleted na iyong ano namin, lahat ng munisipyo, lahat, pati sa province medyo depleted na dahil nga sa pandemic. So, titingnan natin hanggang bukas kung ilan talaga ang mag-i-evacuate kasi ngayon nga iyong ulan ay pahintu-hinto tapos ngayon medyo huminto iyong hangin at biglang lalakas.

So, naghahanda lang kami pero kailangan siguro o depende ito bukas kung gaano karami ang mag-i-evacuate baka humingi rin kami ng tulong kay President Duterte.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano po iyong mga kailangan na tulong na nais ninyong hingin sa ating pamahalaan at kay Pangulong Duterte? At kumusta rin po iyong pakikipag-ugnayan ninyo sa NDRRMC at sa DSWD tungkol dito?

GOV. ALEXANDER PIMENTEL: Okay naman po. Nakahanda po lahat, nakahanda po kami lahat kasi lagi namin itong ginagawa na kailangan ma-achieve namin ang zero casualty. Pati iyong sa mga bundok na landslide prone areas, iyong pinapa-evacuate natin din na sa kasamang-palad nga, iyong nga tumulong ang 36th IB. Nandoon nga iyong Battalion Commander, si Colonel Reuyan, para tignan anong nangyari bakit nag-i-evac tayo bakit na-ambush.

USEC. IGNACIO: Opo. Kaugnay naman po sa mga bakunang nakaimbak sa inyong lalawigan, safe po ba and secured naman ang mga ito ngayon pong may paparating na talagang malakas na bagyo?

GOV. ALEXANDER PIMENTEL: Ano po, ano po?

USEC. IGNACIO: Opo. Kumusta naman po iyong ating mga bakuna diyan na naka-secure po ba at safe dahil nga po dito sa inaasahan nga pong malakas na bagyo?

GOV. ALEXANDER PIMENTEL: Ah, iyong bakuna po ba? Pinahinto po natin. Pinahinto natin, magri-resume sa December 20, 21 po.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong kung saan po nakatago itong ating mga bakuna ay safe naman po, Governor?

GOV. ALEXANDER PIMENTEL: Safe naman po, nasa freezer lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor, kunin ko na lamang po ang inyong mensahe na nais ipaabot sa ating mga kababayan diyan sa Surigao Del Sur at siyempre iyon pong nais ninyong hilinging tulong sa ating gobyerno. Governor, go ahead.

GOV. ALEXANDER PIMENTEL: Maraming salamat. Kung saka-sakaling dumating talaga ang bagyo, bukas naman natin malalaman kung ano talaga ang extent ng damage saka na siguro ako magsasabi na kung ano ang kailangan namin. As of now, medyo makaya-kaya pa namin.

Hilingin ko lang sa lahat ng Surigao Del Sur na makinig sila sa mandato ko na mag-force evacuation muna tayo para makasiguro tayo na ma-achieve natin ang zero casualty.

Iyong huli, hilingin ko sana iyong mga NPA na huwag gagalawin iyong mga kapulisan natin at saka Army na tumutulong sa evacuation center, huwag ninyong ambushin. Tingnan ninyo iyong nangyari ngayon, tatlo ang patay mga sibilyan, sibilyan iyong namatay. So, magtulungan tayo. Kapwa tayo Pilipino, huwag tayong magpatayan.

Kasi kung may mamatay na Army, pulis, may maiiwan na pamilya, may ma-o-orphan, may mabibiyuda. Ang NPA kung namatayan din, ganyan din ang mangyayari. Tigilan na natin ito at saka kung puwede ngayon ceasefire muna tayo, December na, nag-i-evacuate tayo ng mga tao kung puwede lang.

Iyon lang ang hiling ko para wala na tayong casualties. Sana po, imbes naghahanda tayo sa bagyo, ambush ang natanggap namin. So, kung puwede lang hihingin ko lang sa mga higher up ng mga NPA, tigilan muna natin ito kahit ngayong Disyembre lang. Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Okay, kami po ay nagpapasalamat din sa inyong pagtugon sa aming tawag ngayong umaga, Surigao Del Sur Governor Alexander Pimentel. Mabuhay po kayo at mag-iingat po kayo diyan.

GOV. ALEXANDER PIMENTEL: Salamat po.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat din sa inyong pagtugon sa aming tawag ngayong umaga, Surigao del Sur Governor Alexander Pimentel. Mabuhay po kayo at mag-iingat po kayo diyan.

GOV. ALEXANDER PIMENTEL:  Salamat po.

USEC. IGNACIO: Sa puntong ito naman po ay makakausap natin si DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya. Magandang umaga po, Usec.

DILG USEC. MALAYA: Yes, magandang umaga, Usec. Rocky. At magandang umaga po sa lahat ng ating tagasubaybay.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., narinig ninyo ba iyong sinabi ni Surigao del Sur Governor Pimentel na tumutulong po sa pag-evacuate itong ating mga pulis at sundalo ay in-ambush po ng NPA? Kayo po ba, ano po ba iyong gagawin ninyong aksiyon o tulong sa kanila, Usec.?

DILG USEC. MALAYA: Well, unang-una po, Usec. Rocky, kinu-condemn na po namin itong ginawang karahasan ng mga New People’s Army at mga komunistang teroristang grupo laban sa mga pulis at militar na tumutulong sa atin sa preemptive evacuation. Ito po kasing preemptive evacuation, isa iyan sa mga naging direktiba ni Secretary Año sa lahat ng mga local government units partikular doon sa mga areas na tatamaan ng bagyo. At lumalabas po doon sa monitoring natin ng path ng bagyo, iyong mga nasa Charlie areas na tinatawag namin sa DILG at iyong mga Bravo areas under Oplan Listo, kasama po talaga ang CARAGA Region.

So kinalulungkot po namin ito at kinukondena po namin ito dahil wala naman po itong magandang naidudulot sa ating bansa, bagkus sa panahon ng pandemya at panahon ng bagyo kung saan tayo ay kailangan magtulungan, itong mga komunistang teroristang grupo ay naghahasik pa ng lagim.

So nananawagan po kami sa kanila na sana naman ay unahin nila ang bansa bago ang kanilang pansariling interes na imbes na makatulong pa sila, sila pa ngayon ang sumisira sa magandang ginagawa ng ating pamahalaan.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano naman po daw ang paghahanda ang ginagawa pa rin ng DILG para tulungan po ang mga LGU na posible talagang tamaan ng Bagyong Odette?

DILG USEC. MALAYA: Opo. Noong isang araw pa po nagpalabas ng direktiba si Secretary Año sa mga local government units, partikular diyan sa lugar ng CARAGA, sa lugar ng Southern Leyte and Leyte, Region VI, buong Region VI, Negros provinces, kasama na rin po ang southern part of Panay and the entire Panay, and of course iyong Palawan para po masunod na iyong Oplan Listo protocols natin.

So kailangan po na-convene na iyong mga Disaster Reduction Management Council nila mismo ng mayor. Kailangan po ang mayor ay nandoon; kailangan po may preemptive evacuation doon sa mga lugar na susceptible to storm surge, floods and landslides; at kailangan po iyong mga communication lines ay bukas din. And finally, iyong no fishing policy ay ini-implement po natin.

So naka-alert na po ang ating mga Local Disaster Risk Reduction Management Council kasama na rin po ang Philippine National Police at Bureau of Fire para magbigay ng tulong sa ating mga kababayan under the Listo protocols ng Department.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., medyo maiba naman ako, ano po. Kabila-kabila na nga po iyong mga pagtitipon at mga aktibidad na isinasagawa ng mga tatakbong pulitiko, ano po, sa darating na eleksyon. Pero kapansin-pansin po na siyempre madalas ay hindi po nasusunod ang ating minimum health standards sa mga iyan. Nauna na nga pong ipinahayag ng DILG na no permit from the LGU, ano po ang gagawin ninyo dito sa, Usec.?

DILG USEC. MALAYA: Well, ito po kasing polisiya ng DILG na ipinalabas ni Secretary Eduardo Año ay alinsunod lamang po ito sa Batas Pambansa 880 or iyong Public Assembly Act of 1985. Since ito pong mga campaign activities, sabi naman po ng Comelec ay wala naman pong premature campaigning at sa next year pa raw po ang campaign period, so ang sumasaklaw pong batas na puwedeng i-implement ng ating pamahalaan ay iyong Public Assembly Act or BP 880 at iyong isa naman po, iyong isa pang ating batas para naman sa panahon ng pandemya, iyong Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Concern Act or iyong RA 11332.

So kung mayroon pong mga gatherings ‘no, public gatherings or public assemblies na gustong ipatawag ang mga pulitiko at mga supporters nito ay kailangan pong sumunod at humingi ng kaukulang permit mula sa mayor of the city or the municipality prior to organizing and holding a public assembly. At kailangan po ito ay five working days bago doon sa petsa kung saan idadaos itong public assembly na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sino po ba dapat talaga ang nag-i-enforce o nagpapatupad ng paghihigpit sa mga ganitong pagtitipon? Nauna na kasi pong sinabi ng Comelec nga na sila po ay policy-making body lang at may loophole po ang batas na dapat solusyunan tungkol sa premature campaigning.

DILG USEC. MALAYA: Okay. Unang-una po, supposedly po ang guidance will come from the Comelec ‘no. Pero in this case na ang sinasabi ng Comelec ay may loophole, kami na po sa DILG ‘no, si Secretary Eduardo Año po ay maglalabas ng memorandum circular tungkol sa mga pre-election campaign activities at papaano makakuha ng permits para sa mga activities na ito.

Ngayon, kung sa tanong po na sino ang mananagot, well, unang-una po diyan ay ang organizer at ang kandidato na siyang nag-organisa ng isang pagtitipon na walang permit mula sa local government unit. Kasi since sila ang organizer, tungkulin nila na ipatupad iyong batas doon sa kanilang event. Pangalawa, nandiyan din of course ang tungkulin ng mga LGUs na masunod iyong mga minimum public health standards at kasama na rin po ang ating kapulisan dahil ang ating kapulisan ay ang law enforcers. So lahat po iyan, the three are all responsible na masunod ang ating batas in so far as public assemblies are concerned and also minimum public health standards because of the RA 1132.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ito po ba ay hindi napag-uusapan sa mga IATF meetings?

DILG USEC. MALAYA: Napag-uusapan po ito sa IATF meetings. Iyong mga mass gatherings naman po kagaya nito ay covered by the venue capacity limitations and the minimum public health standards na applies to all activities under Alert Level 2. Kasi karamihan na po ng ating mga lugar sa ating bansa ay Alert Level 2, therefore, ayon po sa IATF, kailangan masunod iyong 50% indoor and 70% outdoor, at kailangan masunod iyong mga social distancing and the use of face masks in all events. Kaya ito po iyong iri-reiterate ni Secretary Año through the memorandum circular that he is already finalizing and for immediate release na po ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may pahabol lang pong tanong si Sam Medenilla ng Business Mirror: May iniimbestigahan na po kaya ang DILG na LGU for possible violation ng mass gathering protocols sa pag-conduct po ng pre-election activities? If yes, ilan po kaya?

DILG USEC. MALAYA: Well, kailangan po may mag-complain sa amin. Kailangan po may mag-complain either sa DILG or sa ating kapulisan kung may mga violation at kailangan po ilagay doon specifically sa kaniyang complaint kung ano iyong bina-violate na prohibisyon ng batas para po maaksyunan namin sa DILG.

USEC. IGNACIO: Opo. Mapunta naman po tayo, Usec., sa second round ng Bayanihan Bakunahan na nagsimula ngayong araw. Ang tanong po ni Janice Ingente ng UNTV: Kumusta po ang status ng ating encoders para sa vaccination data lalo na’t nagsimula na rin itong Bayanihan Bakunahan 2? At sapat po ba ang bilang ng ating encoders para maipasa lahat ng data sa DICT for the VaxCert?

DILG USEC. MALAYA: Yes, naghahabol na po, Usec. Rocky, ang ating mga LGUs para maipasa na, as you said, iyong line list ng mga nabakunahan sa VaxCert portal ng DICT.

Ngunit marami pa po kaming nakikitang backlog sa iba’t ibang LGUs sa buong bansa. Kaya nga po kami nanawagan sa ating mga local government units na tanggapin for domestic travel either the vaccination card na kanilang iniisyu or iyong VaxCert certificate na nanggagaling sa VaxCert portal.

Ngayon para naman po doon sa OFWs or mga foreign travelers ‘no, kung saka-sakali pong no record found pa rin kayo sa VaxCert portal sa kadahilanang hindi pa naa-upload ang inyong datos sa VaxCertPh portal ay puwede po kayong kumuha ng yellow card sa Bureau of Quarantine para po kayo ay makabiyahe na.

So, para po sa domestic travellers tatanggapin ng LGU ang local vaccination card at sa mga foreign travelers naman ay tatanggapin naman ang yellow card para kung saka-sakali pong hindi pa naia-upload ng LGU ang inyong datos sa VaxCert portal.

USEC. IGNACIO: Opo. USec, may sapat na po kayang ancillary supply sa pagbabakuna ang mga lokal na pamahalaan na naubusan noon?

USEC. MALAYA: Well, USec, we were assured by the Department of Health, kanina lamang magkasama po kami ni USec. Myrna Cabotaje sa geriatric vaccination na ginawa natin kanina sa Macapagal National Center for Geriatric Health at doon po sa pagpupulong ay we were assured by the Department of Health na wala po tayong kakulangan nationwide sa mga ancillaries natin para sa vaccination, especially iyong para sa Pfizer.

In fact, USec. wala tayong kakulangan kahit saan sa bansa, kahit noong National Vaccination Day one noong November 29, 30 and December 1. Wala po tayong kakulangan noon at moving forward, wala din po tayong kakulangan sa ngayon. Mayroon po tayong sapat na supplies based sa assurance sa amin from the Department of Health.

USEC. IGNACIO: Okay, kami po ay nagpapasalamat sa iyong impormasyon at panahon, DILG Undersecretary Jonathan Malaya. Mabuhay po kayo at stay safe.

USEC. MALAYA: Maraming salamat po, USec. Rocky, at mabuhay po kayo!

USEC. IGNACIO: Namahagi naman ng maagang pamasko ang tanggapan ni Senator Bong Go at ilang ahensiya ng pamahalaan sa mga manggagawa ng Villamor Air Base Golf Course sa Pasay City kabilang na po ang ilang golf caddie. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Sa puntong ito ay aalamin muli natin kung ano po ang programang handog ng GSIS para sa mga separated at inactive members nito na may outstanding loan, makakausap po natin si Miss Vilma Fuentes, ang Vice President ng Mindanao Office mula sa GSIS. Magandang umaga po, Ma’am

Babalikan po natin si Miss Vilma Fuentes. Samantala, target na herd immunity sa Davao City, malapit ng maabot. Ang detalye ire-report ni Jay Lagang:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Puntahan naman natin ang balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service sa iba’t ibang lalawigan ng bansa. Ihahatid iyan ni John Mogol mula sa PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol.

Para naman po sa mga gustong magbakasyon sa hilaga, binuksan na ang turismo sa Sagada Mountain Province. Ang detalye alamin natin mula kay Alah Sungduan.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Balikan naman po natin si Miss Vilma Fuentes, ang Vice President ng GSIS Mindanao Office. Magandang umaga po ulit, ma’am.

MISS VILMA FUENTES: Magandang umaga, Usec. Rocky. At magandang umaga sa lahat ng nanunood ng PTV 4 ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Vilma, ano po ang GSIS PRRD?

MISS VILMA FUENTES: Ang GSIS PRRD o GSIS Program for Restructuring and Repayments of Debt ay one time condonation at restructuring program para sa GSIS members na nag-resign o umalis na sa gobyerno pero may naiwang outstanding loan balance at walang kakayahang magbayad in full.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, paano po matutulungan ng GSIS PRRD ito pong GSIS inactive members or iyong nag-resign na o umalis na sa gobyerno?

MISS VILMA FUENTES: Kung may balanse pa sila, Usec. Rocky, sabi ko nga kung hindi nila kayang bayaran in full, iko-condone sa GSIS PRRD ang penalties or surcharges ng loan account na tumakbo at nadagdag sa outstanding balance ng loan dahil hindi nabayaran ang loan amortization. Inaasahan din na makakatulong ang programa upang lalong mapataas ang collection efficiency ng GSIS.

USEC. IGNACIO: Opo. Hanggang kailan daw po puwedeng mag-apply sa GSIS PRRD at ano pong loans ng inactive members ang puwede daw pong i-apply dito sa GSIS PRRD?

MISS VILMA FUENTES: Ito mismong PRRD ay restructuring of debts ito, Usec. Rocky at ang deadline natin nito ay hanggang ang ating mga miyembro na lumabas na sa government ay puwede pa silang mag-apply hanggang December 29, 2021 and para ma-enjoy ang waiver of penalties binibigyan ng GSIS ang borrowers hanggang January 31, 2021 para i-settle ang full or partial payment ng restructured loan nila.

Kasi, kung ang deadline natin ay December 29, kung magdi-decide sila to pay in partial hihingan namin sila ng down payment at puwede silang mag-settle hanggang January 31 or kung magsi-settle sila in full payment, allowed sila hanggang January 31, 2022 although December 29, 2021 ang ating deadline ng filing.

USEC. IGNACIO: Opo. Miss Vilma, dito po sa GSIS PRRD, paano daw po babayaran itong outstanding loan balance?

MISS VILMA FUENTES: Mamimili sila kung gusto nilang i-amortize sa PRRD kapag nag-apply na sila, i-amortize nila in how many years based on the terms na allowable or gusto nilang bayaran agad in full or 50%, sila rin ang magdi-decide lahat niyan, Usec. Rocky.

Kung papaano naman at kung saan sila magbabayad, marami na ho tayong bayad center na nakakalat sa buong Pilipinas. So, convenient na para sa ating mga inactive members once they settle their remaining debts with the GSIS through PRRD, puwede na silang magbayad over the counter sa GSIS or sa alinmang bayad center na mayroon malapit sa kanila.

USEC. IGNACIO: Opo. At ano daw po ang documentary requirements para po makapag-avail ng GSIS PRRD?

MISS VILMA FUENTES: Iyong mga documentary requirements natin dito ay kailangan lang nila mag-fill out ng form ng PRRD application form na puwede nilang ma-download sa GSIS website at 2 ID na may date of birth at pirma ng borrower at siyempre, Usec. Rocky, hindi dapat expired na ID.

So, any government ID puwede, employee ID or Driver’s License or any government issued ID. Puwede ring Driver’s License, iyong NBI, Integrated Bar of the Philippines’ ID, iyong BIR iyong TIN ID, Pag-IBIG fund as long as may picture at mayroong pirma na nakikita sa ating borrower. Dalawa lang naman ang kailangan natin na i-attach sa kanilang filled out form ng PRRD.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga, Miss Vilma Fuentes, ang Vice President ng Mindanao Office mula sa GSIS. Mabuhay po kayo.

MISS VILMA FUENTES: Magandang umaga ulit, Usec. Rocky and thank you.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para po sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Maraming salamat din sa muli ninyong pagsama sa amin ngayong umaga. Magkita-kita tayo muli bukas hanggang sa Kapaskuhan lalo na’t sampung araw na lamang po Pasko na.

Muli, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center