USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio.
Ngayong araw ng Huwebes, babantayan natin ang ilang lugar na apektado ng Bagyong Odette. Makikibalita rin tayo sa takbo ng ikalawang yugto ng nationwide vaccination drive ng pamahalaan at aalamin din natin ang pagsunod sa health standards sa mga opisina at lugar na paggawa. Kaya nga mga kababayan, manatiling nakatutok at maging alerto gamit po ang mga impormasyong hatid namin sa inyo.
Simulan na natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Bantay bagyo muna po tayo: Ilang probinsya na ang nasa ilalim ng Signal Number 3 dahil sa malalakas na buhos ng ulan dala ng Bagyong Odette. Inaasahan naman po ang matinding pagbuhos ng ulan ngayong araw hanggang bukas ng umaga sa Caraga, Central Visayas, Misamis Oriental, Camiguin, Southern Leyte at Negros Occidental.
Moderate to heavy rains naman po na may pagbugso-bugsong intense rains naman sa Leyte, katimugang bahagi ng Eastern Samar at Samar, Zamboanga del Norte, Lanao del Sur, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte at ang nalalabing bahagi ng Northern Mindanao. Pinaalalahanan po ang mga residente ng mga apektadong lugar na maging handa at alerto sa epekto at posibleng pinsala na dala po ng sama ng panahon.
Base po sa forecast track ng PAGASA, patuloy na kikilos ang Bagyong Odette sa West Philippine Sea at inaasahang magla-landfall ang mata ng bagyo sa kalupaan ng Dinagat Islands, Siargao, Grande Islands o sa halagang bahagi ng Surigao del Sur mamayang hapon. Manatili pong nakatutok sa PTV para sa pinakabagong update sa lagay ng panahon.
Kaugnay diyan, kumustahin po natin ang sitwasyon ngayon sa Eastern Samar na ngayon po ay nasa Signal Number 2, makakasama po natin ngayong umaga via phone patch ang kanilang Punong Lalawigan na si Governor Ben Evardone.
Good morning, Governor. Governor, can you hear me?
GOV. EVARDONE: [TECHNICAL PROBLEM]
USEC. IGNACIO: Governor Evardone?
GOV. EVARDONE: Hello?
USEC. IGNACIO: Okay. Babalikan po natin si—Governor! Kumusta po kayo ngayon diyan? Ano na po ang lagay ng panahon diyan at talaga po bang ramdam ninyo na po ba itong Bagyong Odette?
GOV. EVARDONE: [TECHNICAL PROBLEM]
USEC. IGNACIO: Governor, can you hear me? May mga balita na rin po bang missing persons o casualty dahil dito sa Bagyong Odette sa inyong lalawigan, Governor?
GOV. EVARDONE: [TECHNICAL PROBLEM]
USEC. IGNACIO: Governor, paumanhin, babalikan namin kayo. Medyo hindi lang po maganda iyong ating linya ng komunikasyon, balikan po namin kayo maya-maya lamang.
Samantala, magtungo naman po tayo sa Misamis Oriental na isa rin po sa mga matutumbok ng bagyo. Kukuha po tayo ng update mula po kay sir Fernando Vincent Dy Jr., ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office. Good morning po sa inyo!
MISAMIS ORIENTAL PDRRMO DY: [TECHNICAL PROBLEM]
USEC. IGNACIO: Good morning po. Sir, naka-mute po ba kayo? Good morning po.
MISAMIS ORIENTAL PDRRMO DY: [TECHNICAL PROBLEM]
USEC. IGNACIO: Good morning, sir. Can you hear me?
MISAMIS ORIENTAL PDRRMO DY: [TECHNICAL PROBLEM]
USEC. IGNACIO: Okay. Babalikan po natin si Sir Fernando.
Samantala, sa—naririnig na ninyo po ako, sir?
MISAMIS ORIENTAL PDRRMO DY: Yes po.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, kumusta po kayo? Nakailalim po kayo ngayon sa Signal Number 2, so kumusta po ang sitwasyon ngayon diyan sa mga nakalipas na oras? May mga hindi po bang magandang insidente na nangyari sa loob po ng magdamag? Sir Fernando?
MISAMIS ORIENTAL PDRRMO DY: Unang-una po, si Governor Bambi Emano, Provincial Governor of Misamis Oriental, yesterday ordered … last Monday, ordered preparations to commence right away.
Since, napag-usapan na namin ito noong isa pa lang siyang weather disturbance na papasok pa lang sa Philippine Area of Responsibility last Thursday, maaga namin napag-usapan ang paghahanda ng Misamis Oriental at nagiging mas mabilis iyong aksyon natin dahil po sa ating 23 municipal DRRM offices at saka iyong dalawang city DRRM offices natin dito sa lalawigan ng Misamis Oriental.
USEC. IGNACIO: Kami nga rin ay nagpapasalamat na kahit papaano po ay naging maayos pa rin iyong ating linya ng komunikasyon para makamusta kayo sa kabila po ng masamang panahon diyan. Pero nakalikas ho ba ang ating mga residenteng nandito sa coastal at flash flood prone areas? Sa inyong datos, ilang pamilya po iyong mga tumuloy ngayon sa evacuation centers?
MISAMIS ORIENTAL PDRRMO DY: Yes. Actually, yesterday iilang munisipyo nag-conduct na sila ng preemptive evacuations. And then this morning, a lot of municipalities followed suit since the Province of Misamis Oriental na-declare ng PAGASA under rainfall warning signal Red.
So, ibig sabihin, dapat ang response dito is evacuation. Kaya nagpa-ano si Governor Bambi Emano sa isang memorandum that evacuation should be—evacuation should be instituted because of the red warning signal.
So, so far, ay marami na po ang nailikas. As to the number po, still unverified kasi ongoing pa rin iyong paglikas ng mga tao except for some… hindi pa lang siya nai-total nang buo. For the City of Gingoog, 133 families already were preemptively evacuated; sa Municipality of Tagoloan, six but ongoing ngayon ‘no. As far as sa group chat natin sa mga DRRM officers, nasa higit 100 pamilya na ang sa Lungsod ng Tagoloan.
Sa Lungsod naman Lagonglong, as of ten ‘o clock in the morning, today, December 16, 158 but still ongoing pa rin iyong number; sa Lungsod ng Villanueva, anim; sa Lungsod ng Balingoan, 4; Lungsod ng Binuangan, 7.
Naglagay tayo ng cut-off po ng ten ‘o clock kaninang umaga, a total of 314 families were evacuated and are now being placed sa iba’t-ibang mga evacuation centers – iyung iba sa mga eskuwelahan, ang iba naman sa mga gymnasiums, covered courts ng mga munisipyo po.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Fernando, alam naman po natin na talagang mahigpit din po iyong gagawin natin kahit may evacuation at paghahanda sa banta po ng bagyo, may banta pa rin po ng COVID-19. Alam po natin dapat ay nasusunod iyong safety protocols pero aside from that, ano pa po iyong mga tulong na ipinaaabot natin sa mga apektadong pamilya?
MISAMIS ORIENTAL PDRRMO DY: Yesterday po, si Governor Bambi Emano ay pinulong niya iyong Department Heads dito sa Provincial Capitol. Kami lang na Misamis Oriental ang mayroong Misamis Department Heads Association, tinatawag namin iyang MODHA.
So, lahat ng MODHA members, Department Heads, Heads of Offices, on standby 24/7 simula ngayon kasi kahapon iyong banta ng Bagyong Odette ay medyo malayo pa siya kaunti. So, since ngayon, this morning, lahat ng ipinapatupad ni Governor Bambi Emano, ipinapatupad na natin. Iyong mga drivers at saka mga vehicles ng lahat ng departamento at opisina, nasa harapan na ng Provincial Capitol for possible deployment in case of emergency.
Tapos iyong DSWD natin, Social Welfare and Development, on standby na rin. And then, ongoing pa rin iyong packing ng food packs, but we have already sent food packs to the municipality of Tagoloan. So far iyon pa lang ang nanghingi ng ayuda sa atin at saka naibigay na natin iyong mga pasiunang ayuda sa nasabing lungsod.
At saka iyong office natin sa [unclear] under sa Task Force [unclear] for COVID dito sa province, naka-standby na rin ang lahat ng walong provincial hospitals natin together with the eight chiefs of hospitals which serves as our forward incident command centers in cases kung may casualty itong Bagyong Odette, so at least ready na at saka lahat, gamot, lahat ready.
So everything is in place, even iyong ano natin, mga heavy equipment units and drivers ‘no. Dalawa kasi iyong ano, Misamis Oriental, mayroon tayong east and west na side na may bridge. So doon tayo sa after the bridge sa may Lungsod ng Balingasag, dalawang teams doon ng heavy equipment at saka damp truck drivers. Dito naman sa kabila, sa west ng Misamis Oriental, mayroon din tayong nailagay doon na dalawang teams. So everything is in place and in position.
Even the provincial director of the PNP of Misamis Oriental, Col. Raniel Valones, visited the office, and then reiterated iyong support niya for augmentation of personnel. Twenty-four personnel are already here at the provincial capitol, ready and on standby for possible deployment also. And also the regional director of the PNP sa Region X, PB/Gen. Benjamin Acorda also visited the office early this morning, and then he augmented our personnel also by sending 69 personnel dito sa capitol compound. At ang head natin ng 58th IB (Philippine Army) are also on standby – iyong DRRM officers nila. So everybody is in position and ready for response and deployment.
USEC. IGNACIO: Opo. So, sir, nakahanda na iyong puwersa, ano po, ng PDRRMO anytime na kahit po lumakas pa itong Bagyong Odette. Ano na po, nararamdaman ninyo na po ba sa kasalukuyan at kailan ninyo po inaasahang tatama sa inyo ang bagyo?
PDRRMO MR. DY, JR: We’re expecting ‘no yesterday sa mga pag-obserba natin, pag-monitor natin sa weather na we expected heavy to intense rains around 9, 10 o’ clock in the morning which some of the municipalities are really experienced. But so far, sa awa ng Diyos, wala pa tayong reported na umapaw, umabot na sa ano ‘no, may binabaha na. Mayroon na, the usual, tumaas iyong level ng tubig but hindi pa siya umaabot doon sa critical level. So expected natin na we will continue to experience moderate to heavy to intense rains hanggang hapon, until such time siguro na mag-landfall na itong si Typhoon Odette. Hopefully, maaga siya mag-landfall para naman may liwanag pa in case na mayroong response o emergency na rescue na gagawin natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, hingi na lang po kami ng emergency hotline numbers na puwedeng tawagan ng ating mga kababayan diyan sa Misamis Oriental in case of emergency. At siyempre po, ito pong programa naming ay bukas sa inyo, ano po, sir. Tawag lang po kayo kung ano po iyong mga kailangan ninyo. Go ahead, sir.
PDRRMO MR. DY, JR: Thank you so much for the time na naibigay sa Province of Misamis Oriental under our Provincial Governor, Bambi Emano. Yes, iyong sa amin lang po, sana iyong mga fisherfolks natin dito sa Misamis Oriental, mayroon na kasing warning iyong Philippine Coast Guard na bawal na ang paggamit ng mga fishing vessels. Sana po pakinggan ng ating mga mangingisda dito.
At saka iyong hotline natin sa office, it’s 0917-6584899, kung mayroon namang mga emergency na kailangan iyong suporta natin dito sa opisina.
USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong impormasyon, Mr. Fernando Vincent Dy, Jr. ng PDRRMO Misamis Oriental. Stay safe po sa ating mga kababayan diyan. Kami po ay bukas para tumulong din sa inyo. Salamat po.
PDRRMO MR. DY, JR: Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Nakabantay naman po sa epekto ng Bagyong Odette sa Surigao City ang kasamahan nating si Patrick de Jesus. Patrick, kumusta na iyong sitwasyon diyan?
Babalikan po natin si Patrick de Jesus.
Sa iba pang balita: Inaprubahan ng IATF kahapon na isailalim ang buong bansa sa Alert Level 2 simula ngayong araw, December 16 hanggang December 31st.
Samantala, walong mga lugar naman po ang kasalukuyang napabilang sa Red List countries or high-risk areas, kasama po riyan ang Andorra, France, Monaco, Northern Mariana Islands, Réunion, San Marino, South Africa at Switzerland. Makikita naman po sa inyong TV screens ang mga bansang nasa ilalim sa Green List countries o classified as low-risk.
Ang mga bansa naman pong nasa ilalim ng Green List countries na may naitalang local case transmission ng Omicron variant ay automatic po na mapapabilang sa Yellow List countries o moderate-risk. May kaakibat pong travel requirements at quarantine period ang bawat kategoryang iyan.
Kinumpirma naman po ng Department of Health kahapon ang dalawang kaso ng Omicron variant na naitala sa bansa. Ito po ay na-detect sa isang returning overseas Filipino na mula sa Japan at isang Nigerian national. Sila po ay kapuwa nasa isolation facility ng Bureau of Quarantine sa kasalukuyan.
Hinikayat naman po ng DOH ang mga pasaherong lulan ng Oman Air na may flight number WY843 galing Oman noong November 30 at ang Philippine Airlines na may flight number na PR0427 galing Japan noong a-uno ng Disyembre na mag-monitor po sa anumang sintomas ng COVID. Makipag-ugnayan agad sa lokal na pamahalaan o sa DOH hotlines kung kinakailangan.
Sa ikalawang araw po ng Bayanihan Bakunahan Round 2 sa ilang mga rehiyon, para kumustahin po ang naging datos sa unang araw ng bakunahan kahapon, makakasama natin si Undersecretary Myrna Cabotaje, ang chairperson ng National Vaccination Operations Office. Good morning po, Usec.
DOH USEC. CABOTAJE: Good morning, Usec. Rocky at sa lahat ng nanunood sa Laging Handa briefing natin ngayong umaga.
I have a few slides to show the accomplishment of Day 1. Ang total po nating nabakunahan ay 953,624 people. That is about 83.7% ng ating mga LGUs. While ang concentration natin ay NCR, CAR, I, II, III and IV-A, may iba’t ibang rehiyon din na tumuloy ng kanilang pagbabakuna.
Ang pinakamaraming natala na jabs ay ang CALABARZON, mga 187,000 which is 21%. Tapos ang Central Luzon po ay naka-168,000 ang performance kahapon at ang Ilocos Region ay naka-66,000. Sa mga probinsiya, iyong malalaking probinsiya po ng CALABARZON ang nagtala ng pinakamaraming jabs kahapon – Batangas nangunguna, pangalawa ang Cavite at saka Laguna.
The next slide will tell us na sa iba’t-ibang panig ng ating bansa, ang Region I, Region II, Cagayan Valley ay nakaabot ng 37% ng kaniyang three-day target ‘no.
Nandiyan sa pang-apat na column, 128,000 ang kaniyang target, 48 ang kaniyang nai-jab kahapon. Ang Region I, nasa 66,000 ang nai-jab, this is 32%.
Ang Cordillera ay nasa 16,000 tapos nasabi na natin iyong Central Luzon, CALABARZON, at National Capital Region.
Iyong naka-yellow na region, sila ang pinayagang mag-postpone ng kanilang NVD 2 nang December 20-22 but some of the continued para iyong preparation naman nila ay itutuloy nila.
Next slide will tell us the vaccination capacities in regions we postponed NVD 2 due to Tropical Storm Odette. So, in Region IV-B, may mga 10% na hindi nagbakuna. Sa XI and XII, tuloy-tuloy iyong bakunahan pero hindi kasing intensive at saka kasing massive. Many of the regions wanted to do suyod tapos mag-really go to the far-flung areas pero iyong malalapit na lang ang ginawa.
So, we have a total of 388 cities and municipalities out of 160 na hindi nagbakuna, about 20.6%. So, importanteng mensahe natin ngayon iyong ating dose 1 dose 2, booster, para [next slide, please] protektahan ang bawat pamilyang Pilipino mula sa COVID-19 kailangan magpabakuna tayong lahat lalung-lalo na kasama ng ating mga lola’t-lolo.
Maraming salamat, USec. Rocky. Back to you.
USEC. IGNACIO: USec., sa kabila nga po ng iba ay ipinagpaliban muna pansamantala dahil po sa Bagyong Odette, pero marami pa rin po bang LGU natin ang nakaabot po sa kanilang daily target?
DOH USEC. CABOTAJE: Yes, for Regions II and I. Iyong iba, ang ating tinitingnan, while we have a daily target, ang ating direksyon ngayon ay after the NVD 2, iyon na, isusumatotal iyong kanilang mga target. Although i-track natin na medyo nababagalan iyong iba either the reports are not in because also of the typhoon-related causes; nagbakuna sila pero hindi maka-relay ng mga reports.
So, abangan na lang natin, trends lang ang ibibigay natin and then by the end of 22 we will have an idea kung ilan ang nakamit na kanilang mga targets.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, USec., sa naging resulta po kahapon, masasabi pa rin po ba natin na we are on track sa seven million vaccinated individuals na target natin?
DOH USEC. CABOTAJE: Yes, we are confident na makakamit natin iyong ating seven million. Ipu-push lang iyong iba, iyong iba nga medyo nag-menor dahil sa typhoon. So, we will reach seven million by the end of December 22.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., may tanong po si Mark Fetalco ng PTV: Ano po ang nakikitang challenges sa unang araw ng round two ng Bayanihan Bakunahan kahapon at paano po ito nakaapekto sa turnout ng mga nabakunahan kahapon? At mas prepared na ba ngayon ang mga lokal nating pamahalaan para po i-address ang mga problema on ground?
DOH USEC. CABOTAJE: Ang unang-unang napakalaking challenge natin nga itong bagyo, hindi natin alam kung saan tatahak iyan tapos kagaya ng pinapabalita ninyo, napakalawak ng kaniyang coverage so we do not know kung sino ang ma-hit ‘no. So some decided to go on although not as massive. Iyon lang naman ang unang araw na nakita nating problema.
In terms of the problems met during the NDV 1, wala pa namang nai-report na overcrowding at saka iyong mga pinauwi na hindi nabakunahan. So, we hope the LGUs were able to recalibrate ‘no at natuto na sa kanilang mga experiences noong first round.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., tanong naman po mula kay Leila Salaverria ng Inquirer: May brand preference pa rin po ba na nakikita ang DOH? Kung mayroon, aling lugar po ang pinakamarami ang ganitong insidente at pinapayagan po bang pumili ang mga tao kung mayroon namang maraming brand na available sa vaccination site?
DOH USEC. CABOTAJE: In terms sa brand preference, marami pa rin iyong nagre-request ng mRNA particularly Pfizer iyong sa booster especially ‘no. Kasi sa booster, pinayagan natin na mamili iyong mga magpapa-booster ng kanilang mga bakuna.
But doon sa mga ibang first dose at second dose, sana kung ano ang available na bakuna iyon na rin ang kuhanin nila. So, mayroon tayong Sinovac, AstraZeneca, at saka Sputnik V. And then later on, they can have the booster of their choice after six months for the two-dose vial; and after three months sa Janssen.
Ang magandang balita, nag-start dumating iyong J&J kahapon, that is a one dose shot, so iyong mga mahihirap na lugar, iyong mga hindi makakabalik iyon ang bibigyan natin ng mga J&J.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., masasabi naman po ba natin na dumarami na itong mga senior citizens na nagpapabakuna? At ilang porsyento na po ba iyong kabuuang nakakumpleto na sa kanila ng bakuna so far lalo na’t narito na po iyong banta ng Omicron variant at sila po ay vulnerable dito?
DOH USEC. CABOTAJE: Naka-first dose ay 75%; anim na milyon out of the eight million na ating nailista. Iyong fully vaccinated ay almost 65% na, USec. Rocky – 64.9. Magandang ang turnout sa mga gustong magpa-booster na senior citizen, kailangan lang talagang pag-ibayuhin pa iyong ating pagsisikap para mabakunahan iyong rest of our senior citizen kaya nagsusuyod sila sa mga LGUs.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, USec. Myrna, kailangan makumpleto muna iyong anim na buwan ano po bago po magpa-booster shot doon sa second dose?
DOH USEC. CABOTAJE: Yes. Sa ngayon, six months ang pagitan ng second dose at saka iyong booster although may nire-request na babaan. Inaaral po ng ating mga eksperto kung puwedeng babaan four to five months. In the threat of the Omicron, baka titingnan ng ating mga eksperto kung puwedeng babaan iyong interval ng booster from the second dose.
USEC. IGNACIO: Opo. Kumusta naman daw po iyong pediatric vaccination naman po at gaano na daw po karaming kabataan ang may proteksyon mula sa COVID?
DOH USEC. CABOTAJE: Iyong ating rest of the pediatric population may mga 62% na tayong nabakunahan ng kanilang first dose tapos mga 24% ang fully vaccinated. So mga 2.7 million na iyong mga kabataan na nagkaroon ng dalawang doses ng Pfizer or Moderna para sa ating mga kabataan.
USEC. IGNACIO: Opo. USec. Myrna, ngayong nakapasok na nga po itong Omicron variant sa atin, ano po ang sunod na magiging hakbang ng Department of Health with regards po sa vaccination?
DOH USEC. CABOTAJE: Alam naman natin that vaccination offers another layer of protection na nagpapababa siya ng ating tinatawag na—the infection rates as a result of the added protection, mas less ang tsansa na makapasok sa mga bahay-bahay.
Ang Omicron po ay mas household ang target ‘no. So, may pag-aaral na nakikita na 19% of households are affected by Omicron compared to 8.5% sa Delta. So, importanteng lahat po sa household ay nabakunahan.
May small studies din sa UK na nagsasabing there are very few cases of Omicron among high risk elderly kasi alam naman natin sa UK karamihan ay nabakunahan na at may booster doses. At waning lang din po natin, mayroon din sa same study that children of unvaccinated parents appear to be at risk, so importante sa household mabakunahan po iyong lolo, iyong lola, iyong mga magulang, para maproteksyunan lalung-lalo na iyong bata na hindi pa ready at hindi pa kasama sa ating bakunahan.
USEC. IGNACIO: Opo. USec. Myrna, may pahabol lang po si Leila Salaverria ng Inquirer: Kailan daw po expected ang recommendation ng expert regarding po sa shortening ng interval ng booster shots? Within the month kaya may recommendation na?
DOH USEC. CABOTAJE: While isinalang na iyan, aaralin ang mga iyan, so hopefully by the end of the year or early next year ay mayroon na tayong recommendations from our experts.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong impormasyong, Undersecretary Myrna Cabotaje ng Department of Health. Salamat po, Usec.
DOH USEC. CABOTAJE: Thank you. Good morning, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Balikan po natin si Patrick de Jesus na nakabantay naman sa epekto ng Bagyong Odette sa Surigao City. Patrick, kumusta na kayo diyan? Kumusta na rin ang sitwasyon ng ating mga kababayan diyan?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong report, Patrick de Jesus. Mag-ingat kayo diyan.
Sa pagkatuklas nga ng Omicron variant sa bansa, malaki po ang maitutulong ng PDITR strategy para maiwasan ang pagkalat ng nasabing variant sa ating mga komunidad. Ayon pa kay Senator Bong Go, dapat paigtingin lalo ngayon ang bakunahan sa bansa. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa Pilipinas: Nananatili po sa higit sa dalawandaan ang nadagdag sa mga bagong kaso ng COVID-19 kahapon kaya umabot na ito sa kabuuang bilang na 2,836,915. Saktong isandaang katao naman po ang naitalang pumanaw sa sakit kaya umakyat na sa 50,449 ang total death tally.
Samantala, nasa 2,726,273 na po ang lahat ng mga gumaling sa virus matapos madagdagan ng 565 na katao kahapon. Patuloy rin po ang pagbaba ng active cases natin na ngayon po ay nasa 10,193 na lamang, 0.4% na lamang po iyan sa kabuuang bilang.
Ngayon pong patuloy ang pagbaba ng mga kaso at mas nagiging maluwag na ang mga restriction, nakakasunod pa rin kaya ang mga lugar-paggawa pagdating po sa pagpapatupad ng minimum health protocols? Makibalita po tayo sa isinasagawang work site inspections ng DOLE mula kay Assistant Secretary Ma. Teresita Cucueco ng Regional Operations Labor Standards and Special Concerns cluster. Good morning po, ASec. Welcome back sa Laging Handa.
DOLE ASEC. CUCUECO: Good morning po, Usec. Rocky, at sa lahat ng mga nakikinig po ngayon sa Laging Handa. Magandang umaga po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: ASec., para po masiguro, ano po, iyong pagsunod ng mga employers sa batas paggawa, regular na nagsasagawa po ang DOLE ng mga inspeksyon. Sa inyo pong datos, naabot na po ba ng DOLE iyong target na mainspeksyon ang mga lugar-paggawa para po sa taong kasalukuyan?
DOLE ASEC. CUCUECO: Ang target po namin for 2021 ay 75,000; ngayon po ay umaabot na ho kami ng 90,327. So humigit na po kami sa almost sa 120% sa nainspeksyon po natin sa mga lugar-paggawa at maganda naman po iyong nakikita natin sa mga compliance nila. Pero ito ho kasi lahat na ho ito – iyong general labor standards, safety and health tapos may COVID monitoring. Hindi naman po ibig sabihin na lahat ng paggawa ay iyong tatlo ang natingnan, mayroon ho naman na mangilan-ngilan na iyong COVID monitoring lang ho ang ginawa namin dahil iyan iyong talagang pinag-igtingan ho natin lalo na noong nagsi-surge para ma-ascertain natin na talagang sumusunod sa public health standard – so, all in all. Pero in terms of number of establishments, naka-90,000 na po tayo – 90,327 to be exact – as of November, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. ASec., kaugnay po sa inyong mga isinasagawang inspeksiyon, ano po, saang mga provision po sa batas sa paggawa ang mayroong mataas na compliance rate at saan din po iyong may mababang compliance rate para sa taong ito?
DOLE ASEC. CUCUECO: Iyong compliances naman po, tulad ng sinasabi, kapag nag-inspect po ang DOLE, nandoon iyong general labor standards. So in terms of iyong pag-access, pumapayag naman po sila ang mga inspector natin na iinspeksyunin ho natin. So kasama po iyan ‘no sa compliances. Tapos iyong pagsunod po sa mga service charge, sa mga leaves, sa mga time of payment of wages at saka retirement pay, doon ho mataas ang compliances. Sa safety and health at saka sa COVID monitoring, iyong compliance naman sa adequate quarantine facilities, disinfection facilities ay sumusunod naman din po sila. Pati iyong sa pagsunod sa COVID, iyong isolation and referral, contact tracing, COVID-19 testing – lahat po iyan ay mataas po ang compliance ng ating mga workplaces.
Iyong sa violations naman po, nakikita rin naman po natin na iyong the usual top violations ay iyong hindi pagri-remit ho sa Pag-IBIG, sa PhilHealth, sa SSS. Matagal na ho talagang problema iyan at lahat po naman ng ano, iyong SSS, DOLE ay pinaiigtingan po natin iyong para mag-remit properly itong mga employers.
Sa mga violations naman on safety and health and COVID monitoring, nandoon pa rin naman po iyong may kakulangan sa pagsunod sa safety and health committee. Iyong mga iba po ay hindi po sumusunod sa pag-submit ng COVID reports at iyong mga programa nila on safety and health ay hindi rin nila natututukan. Iyan ang mga pinakamataas na compliances and violations, Usec. Rocky, sa mga nakita namin sa inspection.
USEC. IGNACIO: Opo. ASec., magkakaroon ba kayo nang mas mahigpit na guidelines, kasi may report po na mayroon na tayong Omicron variant, pagdating po dito sa pagkakaloob natin ng safety seal compliance, since sinabi ninyo nga na marami na rin naman pong sumusunod na establishment dito sa ating safety seal?
DOLE ASEC. CUCUECO: Kasi sumusunod pa rin naman ho tayo sa mga issuances o direktiba ng DOH. Ang talagang pinag-iigtingan o talagang pinapa-strengthened, iyong kanilang PDITR strategy at iyong pagku-comply sa minimum public health standards. At patuloy po nating binibigyan ng awareness, at kapag nag-i-inspect, iyan po talagang tinitingnan natin pati sa safety seal.
And more than that, iyong ventilation standards kasi alam naman ho natin airborne iyan tapos iyong mga closed workspaces kailangan ho talaga maganda ang bentilasyon. At ini-encourage lang ho namin sa Safety Seal na maglagay ng tinatawag na carbon dioxide monitors para—ito ho iyong isang instrumento na kung maraming tao ay nasa isang enclosed workspace, kapag tumaas ang carbon dioxide, makikita ninyo naman ang levels over … we don’t like anything over than 1,000.
Ibig sabihin, hindi lumalabas ang carbon—iyan iyong ating pag-expire ng air ‘di ba, iyong carbon dioxide. So, hindi nawawala po iyan, naiipon sa isang lugar. Eh ‘di kung may COVID virus ho iyan, na-transmit na rin po iyan sa mga lahat ng tao. So, iyung ventilation standards continue to be one of the minimum public health protocols that we continue to enforce very well especially in this—actually, because we’re still in COVID and again because of Omicron we are again—ini-increase ho namin iyong awareness to all establishments to do this po.
USEC. IGNACIO: Opo. ASec., nitong nakaraang linggo lamang po inilabas ninyo ang Labor Advisory No. 269 hinggil po sa pansamantalang pagpapatigil ng mga labor inspection activities ngayong buwan ng Disyembre. Paki bahagi naman po ang detalye nitong advisory at sino rin ang exempted dito?
DOLE ASEC. CUCUECO: Okay. Ang routine inspection lang naman po ang aming pina-suspend kasi pagdating ho—at the end of November at dapat ho talaga na-meet na namin iyong targets kasi sa December iyong mga preparation ng mga reports, mga cases na na-file dapat din ho—although all throughout the year ginagawa pero dapat tapusin na ho namin for the year itong mga hearing ng kaso at iyong mga pag-a-address pa ng mga concerns.
So, iyong routine inspection hanggang end of November po iyan pero tuloy-tuloy pa rin ho ang inspection ng COVID monitoring. Kung may complaints, hindi ho kami titigil puwede ho kayo mag-complain anytime, tututok po ang DOLE din po diyan. Iyong mga aksidenteng nangyari because of safety and health hindi rin ko kami titigil, tuloy-tuloy pa po iyan.
Iyon ho, iyon iyong mga—and the technical safety inspection kasi ito naman ho iyong mga lugar na may mga boilers, pressure vessels at kailangan ma-inspect para ma-ensure naman na itong mga equipment nila ay maayos at hindi magiging sanhi ng anumang aksidente. So, tuloy pa rin po iyan, iyong routine inspection lang ho naman ang sinuspinde namin ng DOLE.
USEC. IGNACIO: Opo. Tungkol naman po sa nagsasagawa ng mga inspection, sapat na po ba ngayon ang dami ng inyong mga labor inspectors? Gaano din po karaming mga labor inspection positions ang inyong nire-request sa DBM para daw po mas mapalawak, mapabilis ang pag-check ng compliance ng ating mga establishments sa batas paggawa?
DOLE ASEC. CUCUECO: Si Secretary Bello matagal na po niya talagang pinapadagdagan ang bilang ng mga labor inspectors kasi ho talagang umaabot ho tayo ng almost a million establishments that must be inspected at least once a year. Pero alam naman po natin ngayon po 1,200 ang aming inspectors, humihingi pa rin ho kami ng karagdagan.
Sana ho kung maibigay buong 5,000 that would be good pero kung anuman po ang mabigay, at least 2,000, marami na rin ho kaming matatapos na inspeksyon at marami rin ho kaming matututukan na ibang workplaces para mas masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng workers at ng mga manggagawa.
USEC. IGNACIO: ASec., may pahabol lang pong tanong ang ating kasamahan sa media na si Sam Medenilla ng Business Mirror: Ilang percentage po ng 90,326 inspected firms ang may labor standard violation at OSH violation? Mas lumiit or lumaki po ba ito compared sa last year at ano po ang reason sa trend na ito, ASec.?
DOLE ASEC. CUCUECO: Ang usual kasi, katulad ho ng sinabi ko, kapag nagbibigay ho kami ng compliances, medyo hihiwalayan natin iyong general labor standards and safety and health.
Ever since naman po even last year maganda ang mga compliances sa general labor standards although mayroon pa rin naman hong violation.
Sa safety and health this year, mas gumanda na po kasi last year I can recall iyong initial, kapag unang inspect ho ay parang nasa 50 or 60% lang ang compliance pero ngayon umaabot na rin ho at the initial compliance for safety and health ay umaabot na rin po naman ng more than around 70% na po, tapos nag-i-improve na rin ho after the inspection kasi sinasabi na rin ng DOLE kung anong mga dapat nilang gawin.
So, kung puwede ho we can just give the data later or they can go to the website kasi may dashboard ho ang DOLE on inspection so that they can get more details; pero basically, iyan po iyong laman; iyong nakita namin, gumaganda naman po ang compliances through the years.
USEC. IGNACIO: Opo. ASec., nasa inyo po ang pagkakataon na magbigay ng mensahe sa ating manggagawa at employers. Go ahead po, ASec.
DOLE ASEC. CUCUECO: Alam naman po natin na ang kaligtasan, kalusugan at pag-comply sa mga general labor standards ay talagang non-negotiable po iyan para sa lugar ng paggawa at saka sa ating mga manggagawa.
For the employers, sana po i-commit ho talaga nila ang resources at mga policy at program para maipagpatuloy ho natin itong mga polisiya at programa ng DOLE.
Tapos sa mga manggagawa, sana po ay sumunod ho tayo. Nandito pa ho tayo sa pandemya pero gumaganda. Just before this po, sabi nga ni USec. Rocky, 237 and every day natutuwa naman po kami na bumababa pero nandito po iyong Omicron at kailangan pa rin ho natin tandaan na talagang ang responsibilidad po natin ay nandiyan para maproteksyunan po natin ang bawat isa pati pamilya at ang lugar na paggawa.
Huwag ho din natin kalimutan na ang pagbabakuna ay isa ring proteksyon nating lahat. Lahat po iyan – minimum public health standards, the vaccination, lahat ho iyan dapat ay talagang tingnan natin at gawin po natin kasi para malabanan ho natin at magkaroon nitong a really very good economic activity we should all do our part and as we go through that, when everyone is safe we will all be safe and our economy will be now be revived.
So, iyon lang ho. We always have to tell everyone to be responsible, from sa DOLE po, employers, the workers, at stakeholders. Nandito naman po kami sa DOLE para tulungan po kung may mga katanungan pa.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras, impormasyon, DOLE Assistant Secretary Maria Teresita Cucueco. Mabuhay po kayo, ASec.!
DOLE ASEC. CUCUECO: Thank you, USec. Thank you po sa lahat. Good morning po ulit.
USEC. IGNACIO: Samantala, daan-daang mga residente sa Nueva Vizcaya ang sinadya ng outreach team ni Senator Go para po bahagian ng tulong. Ang DOLE at DSWD nakiisa din sa pamamahagi ng ayuda sa mga mahihirap nating kababayan. Narito po ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Para naman po sa pinakahuling pangyayari sa iba pang mga lalawigan sa bansa, puntahan natin si Merry Ann Bastasa ng PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Merry Ann Bastasa.
Pinanindigan ng namumuno ng Baguio City Police Office ang pagpapatupad nila ng ICP program o Intensified Cleanliness Policy ng Philippine National Police. Ang detalye ng balitang iyan mula kay Eddie Carta ng PTV-Cordillera.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, para sa mas ligtas na pagsiserbisyo publiko, umabot sa mahigit dalawanlibong pulis sa Davao City ang fully vaccinated na at naghihintay na lamang ng kanilang schedule para sa booster shot. Ang detalye sa report ni Julius Pacot
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Hindi po muna natin makakasama si Eastern Samar Governor Ben Evardone dahil po sa hirap ng signal ng komunikasyon doon dulot po ng sama ng panahon.
At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Mga kababayan, kaunting tulog na lamang po, nine days na lang at Pasko na. Simula na po kagabi ng tradisyong Simbang Gabi para sa mga kababayan nating Katoliko. Pero paalala lang po: Mag-ingat pa rin po tayo sa virus at sumunod sa health protocols, at siyempre iyong atin pong mga kababayan na dadaanan ng Bagyong Odette. Ingat po tayong lahat.
Ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita po ulit tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)