Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang araw, Pilipinas at sa buong mundo. Isang umaga na naman po na puno ng napapanahong talakayan ang ating pagsasaluhan. Atin ding aalamin ang pinakamainit na balita na nangyayari sa iba’t ibang panig ng bansa lalo na ngayong tumitindi ang laban natin sa COVID-19. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio ng PCOO at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Panibagong batch po ng COVID-19 vaccine na Sinovac na donasyon ng China ang nakatakdang dumating sa bansa bukas. Sa harap naman ng pagdating ng mga bakuna, sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez kay Pangulong Rodrigo Duterte na sumulat na rin siya ng letter of explanation sa mga mambabatas hinggil sa mga katanungan ng mga ito ukol sa pangangasiwa sa mga bakuna. Ang kabuuang report mula kay Mela Lesmoras:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, Mela Lesmoras. Samantala, isa sa mga problemang kinakaharap ngayon ng ating bansa ay ang kakapusan sa bakuna kontra-COVID-19. Ang ilan pa sa mga supplier ay nagtataas na ng presyo ng kanilang bakuna, kaya naman sinuportahan ni Senator Bong Go ang panukalang magpapalakas sa kapasidad ng bansa na makagawa ng sariling vaccine. Panoorin po natin ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Nababalita na po iyong pagkapuno ng COVID-19 beds ng ilang mga ospital matapos po iyong pagsirit ng bilang ng mga nahahawa sa coronavirus. Ano na po ang ginagawa ng pamahalaan upang hindi tuluyang bumigay ang healthcare system sa panahon nito ay pinakakailangan?  Para sagutin po iyan, makakasama po natin ang ating Treatment Czar na si Undersecretary Leopoldo Vega ng Department of Health. Good morning po, Usec.

DOH USEC. VEGA: Good morning sa inyong lahat ngayon and salamat sa pag-imbita sa akin po.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., as of today, ano na po ang lagay ng ating healthcare facilities, tumuntong na po ba tayo doon sa tinatawag nating critical level?

DOH USEC. VEGA: Alam ninyo, tumataas na talaga ang utilization ng ating mga hospitals lalo na sa mga COVID beds at saka isolation. Nasa moderate risk category na ho tayo, ibig sabihin mga nasa 60% na iyong paggamit ng mga COVID beds at saka isolation. Ito ay signal na dapat mayroon tayong mga hakbang na dapat gagawin. At saka nakikita din namin na sa intensive care unit ay umaabot na ho sa 73 to 76 percent na ang paggamit ng mga intensive care units.

Ang unang hakbang po namin na ginagawa ngayon, kasi alam natin na 97% ho ng mga new cases na nakikita natin ay mild at asymptomatic, so kailangan ho ay madagdagan ang mga isolation centers at saka TTMF para ho mailagay itong mga mild at asymptomatic kasi sila iyong first line of defense, sinasabi na namin bago ho magpunta sa ospital. Kasi kapag nasa hospital ho, magku-concentrate na ho iyong mga institutions, hospital institutions sa mga moderate and severe. So ito iyong unang hakbang na ginagawa namin at nakikipag-ugnayan ho kami sa Oplan Kalinga at saka sa local government units na talagang uunahin natin iyong mga isolation at TTMFs para ho lalo na sa mga mild at asymptomatic kasi mas mataas po ang percentage ho nila sa mga new cases.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ang projection po ng OCTA Research, we will reach critical level by first week of April o pagkatapos ng Mahal na Araw. Kayo po ba ay sumasang-ayon sa kanilang pag-aaral at paano makakatulong ang NCR Plus Bubble na mayroon tayo ngayon para hindi na dumating sa puntong iyon?

DOH USEC. VEGA: Alam ninyo, iyong projection kasi ay naka-base sa certain assumption. Pero ito na iyong warning signals na binibigay sa ating ng OCTA na dapat mayroon tayong gagawin. At tamang-tama nga ho iyon, iyong ating mga bagong ating restrictions ngayon lalo na sa Greater Manila bubble kasama na ho doon ang Cavite, Laguna at Rizal ‘no. Kasi alam natin na ang variant ho ay kumakalat na ho dito sa Metro Manila at saka ayaw natin iyong mailabas pa sa ibang probinsiya ang mga possible variants.

So ang ginagawa ho ngayon is talagang nagkakaroon ng restrictions na essential travel lang muna between sa bubble para ho ma-control natin iyong transmission ng virus at saka ma-balance natin ang ekonomiya dahil mas mahihirapan po tayo kung magsasarado or mag-lockdown ng buong area.

So ang ginagawa po ngayon lalo na sa mga LGUs is aside from iyong ganoong sa bubble na ito, alam natin na ang mga LGUs ngayon ay very active sila sa granular o localized lockdown, barangay-barangay at saka sa street level kasi dito lang natin maku-control talaga ang virus.

USEC. IGNACIO: Usec., ilang mga ospital na po iyong nagsabi na problemado na kung paano itataas ang kanilang COVID-19 bed capacity para daw po makasunod sa bagong IATF resolution? So ano po ang tugon ninyo dito, Usec?

DOH USEC. VEGA: Alam mo sa resolution ho lalung-lalo na sa surge, mina-mandate na iyong mga private saka government hospitals na puwede nila i-allocate ang more COVID beds ano. At uunahin ho namin dito iyong mga government retained hospitals na magbubukas sila ng more COVID beds kasi alam namin na nasa 33 to 34 percent na sila, so kaunting pagbukas na lang. Iyon nga lang, iyong mga elective at saka iyong mga non-COVID na surgical at saka medical admission eh temporarily masu-suspend dahil nga para magkaroon ng bed allocation.

Pero inaano ho namin, sinisikap din naming na magbubukas ng ibang modular hospital na nandito sa QI na naplano namin ho last year. So kung matapos ho ito, kung ma-operate namin ito by first week of April under Jose Reyes, 110 beds lang ito for moderate and severe, malaki na rin itong tulong ho sa Metro Manila.

USEC. IGNACIO: Usec, kaugnay po noong sinasabing augmentation ng DOH para po sa health care workers, inalmahan naman po ng mga ilang doktor ang mungkahi ng inyong departamento na ilipat po ang mga health care workers mula sa ibang rehiyon papunta sa COVID-19 hotspots. Ano po ang masasabi ninyo dito?

DOH USEC. VEGA: Tama ho iyon, may mga deployment ano lalo na iyong mga probinsiya o regional areas na mababa iyong COVID, puwede ho kami magdi-deploy. Pero ngayon ho, kasalukuyan nag-aano ho kami, nag-o-augment ng emergency hiring ng mga COVID-referral hospitals na dagdagan ang kanilang human resource. Ginagawa na ho natin iyan at saka ito rin, ginagawa din namin last year ito. In fact iyong sinasabi namin, hanggang ngayon mayroon kaming nami-maintain na 12,000 ho dito across the country na na-hire po sa COVID under Bayanihan 2 since September of last year. So magdadagdag pa ho kami lalung-lalo na ngayon sa surge na ito nakita namin at saka open ho kami sa Department of Health na mag-augment sa emergency hiring.

USEC. IGNACIO: Usec, puntahan lang natin iyong tanong ng ilang kasamahan natin sa media ano po. Tanong po ni Red Mendoza ng Manila Times: Sinabi ninyo po sa isang interview na may mga sumisingit sa linya ng pagbabakuna na hindi naman daw po frontliner. Ito po ay dahil sa sistema na may mga ‘plus 1’ na tinatawag dahil may ibang frontliner na sinasama ang kanilang pamilya sa bakunahan. So, paano po natin pinagsasabihan ang mga ospital na dapat ay frontliner lamang po muna ang makinabang sa bakuna at hindi ang kani-kanilang kapamilya?

DOH USEC. VEGA: Unang-una sinasabi na namin na mayroon tayong priority framework ano and strategy paano mag-rollout ng vaccine at saka nauna nga dito ang health care workers. At itong mga unang bakuna ho na dumating, na-allocate na ho namin sa regional offices at saka sa provinces down to the hospitals ano so 90% ang allocation na iyan. Iyon nga lang, may mga report nga kaming natatanggap na siyempre na may nauuna sa linya at sinasabi naman namin huwag ninyo i-tolerate iyan kasi baka mahihirapan tayo sa ating priority framework.

So siguro pagdating na rin ng maraming bakuna, mas madali na tayong makapag-rollout at saka mabawasan iyong problema na iyon. Kasi ngayon ang nakikita namin na dahil kukonti pa nga iyong bakuna, nag-uunahan. Pero sa palagay ko sa mga April and May, kapag sunud-sunod na iyong maraming bakuna ho, mawawala na ho iyan kasi everybody will have equal protection.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Red Mendoza: Marami po ang nagkukomento na minsan daw po hindi matawagan or busy ang linya ng One Hospital Command. Nasolusyunan na po ba ito at na-resolve na po ba ang mga tawag sa One Hospital Command?

DOH USEC. VEGA: Alam mo pagdating ho ng surge, dumami ho ang tawag namin ‘no, na-overwhelm din iyong aming capacity din sa One Hospital Command. Alam ninyo siguro mga 3 weeks ago, 66 calls lang kami for a day average, pero ngayon ho nakakaabot na kami mga 300 calls a day. So marami talaga kaming mga overflow calls at saka mga pending calls. Ito iyong inaayos ho namin kasi kailangan namin magdagdag pa ng tao at saka magdagdag ng IT personnel lalo na pag-man sa medical direction ng One Hospital Command.

Ginagawa namin ng paraan ho ito kasi kung nakikita ninyong nau-overwhelm ang mga TTMF saka hospitals, pati kami, ang coordinating operation center ho nakaka-experience din ng increase in capacity. Kaya gumagawa kami ng hakbang ngayon na mag-hire ng mga bago na namang mga IT at saka paramedical personnel to man the One Hospital Command at saka i-improve namin ang system namin sa call center dahil sa overflow calls na nakikita namin ngayon. Pero gumagawa kami ng hakbang at saka nakikipag-ugnayan naman din kami sa mga telecommunications services.

USEC. IGNACIO:  Mula naman kay Joan Nano ng UNTV: How do you manage po iyong mga nagtatanong paano ang hospital referral since karamihan po ng mga ospital punuan na? Kaya po bang i-manage iyong operations ngayong may surge po tayo ng COVID-19 cases?

DOH USEC. VEGA:  Alam ninyo iyong hospital referrals ho, puwede ho namin ma-manage iyan, ginawa ho namin iyan last year. Magtutulak na ho kami ng coordinate care towards Region IV-A and Region III. So mayroon kaming mga regional One Hospital Command doon na nakikipag-ugnayan din sa mga government retained hospitals pati na rin ang private. So kung ganoon ho mangyari talagang mahihirapan tayong maghanap dito ng mga private hospitals na pangangailangan ng pasyente, eh talagang iku-coordinate at saka i-refer namin outside of Metro Manila kung ganoon man ang mangyari po.

USEC. IGNACIO: Galing naman po kay Ivan Mayrina ng GMA News: When we look at occupancy figures in hospitals, we are not yet at 100% but the real world actual experience does not seem to reflect, but with patients having to wait several days to get a hospital bed. How do we plan to augment our hospital beds capacity if, as projections have it, the daily numbers may get worse before they get better?

DOH USEC. VEGA:  Alam ninyo ang problema doon sa hospital na hindi nakikita natin sa mga matrix ay nasa emergency room po. Nakikita po natin ang queuing ng emergency room pero tingnan ninyo na marami ding emergency na non-COVID at saka COVID. At hindi lang iyong positive ang COVID, mayroon pa iyong suspects and probable so nagkasabay-sabay ho iyan lahat sa emergency room. Kaya ang queuing ho nito, siyempre inuuna namin iyong mga positive COVID saka iyong mga, later on susunod na iyong mga suspects and probable. Ito iyong hinahanapan po namin ng bed allocation sa mga hospital.

Iyong mga ano po, may mga instances na talaga na bago sila magpunta sa hospital, gusto namin ho sila mapunta sa mga mild or isolation facilities kung doon namin sila i-coordinate. Kasi alam natin na kapag dumami ho iyong mga mild/asymptomatic sa hospitals, dito kami nahihirapan. At saka tama ho iyon, tumataas na talaga ang bed capacity ng occupancy ng mga hospitals, so ang kailangan ho namin ngayon is kailangan namin ng first line of defense lalo na kung mild/asymptomatic doon po sa mga TTMF.

At saka kung mabawasan ho natin ang number or ma-step down atin iyong mga mild and asymptomatic po, baka magkakaroon ng luwag ang mga hospital po. Ginawa ho namin ito last year tapos inaano naman namin ang mga medical directors na gumawa ng hakbang for step down or coordinated care for mild towards the TTMF.

USEC. IGNACIO: Usec, ano po iyong mga tinitingnan ninyong maaaring maging isolation facility para po dito sa mild at saka dito sa mga asymptomatic?

DOH USEC. VEGA:  Ang isolation facilities ho, it could be a hotel, it could be TTMF. Ito iyong ginagamit po ngayon pero ngayon ho ang TTMF ngayon at saka iyong isolation hotels natin nasa 78% na ho so mataas-taas din and parang sumabay na rin sa mga hospitals. Kailangan bigyan na ho natin ng number of beds ano. Kung mayroon tayong 8,000 possible—4,000 na palagay na natin sa new cases dito sa Metro Manila kasi 63% ng mga new cases nandito sa atin. So lagay na natin mga 4,000 mild iyon o 97%, kailangan hanapan na natin iyan ng mga extra amount or extra number of isolation bed. Ito iyong dapat unahin natin bago ho mapunta sa hospitals. Parang ang hospital kasi last line of defense na iyon for the moderate and the severe.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula kay Amor Lopez ng Manila Bulletin: Will the government consider assigning a shorter hotline number like 123 for One Hospital Command Center para daw po sa easy public access?

DOH USEC. VEGA: Doon na po direksiyon namin, kasi alam ninyo kailangan po ng magandang sistema po sa telecommunication sa PABX at saka sa services ng telecommunications na mayroon kaming hotline number. Hindi pa kami nabibigyan po niyan, so we will try… nakikipag-usap naman kami sa PLDT at saka Globe po na tulungan ho kami dito para hindi po mahirap po iyong mga numero. Pero ang ginagawa kasi namin dito ngayon, ito nga iyong mga numbers habang inaano namin iyong aming… pina-facilitate iyong easier recall of numbers via hotline.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong pagpapaunlak Undersecretary Leopoldo Vega ng Department of Health. Mabuhay po kayo, stay safe, Doc.

DOH USEC. VEGA: Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Samantala bilang ng lugar sa Quezon City na isinailalim sa special concern lockdown umabot na po sa 39. Quezon City LGU naglunsad din ng paraan para po matulungan ang kanilang mga residente na magkaroon ng self-assessment sakali pong makaranas ng mga sintomas ng katulad sa COVID-19, ang detalye mula kay Eunice Samonte. Eunice?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Eunice Samonte. Mag-ingat kayo. Samantala halos 7,000 healthcare workers at iba pang frontliners sa Lungsod ng Maynila nabakunahan na kontra COVID-19 ang report ihahatid ni Patrick De Jesus. Patrick?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Patrick De Jesus. Samantala, ito na po iyong ikalawang taon nating magdaraos ng Holy Week ngayong may pandemya dito po sa NCR plus saktong kanselado rin po muli ang mga religious gatherings. Kaugnay po riyan ay alamin po natin iyon pong mga guidelines tungkol sa mga religious activities na maaari at bawal gawin ngayong Semana Santa, makakausap po natin si Father Francis Lucas ang presidente po ng Catholic Media Network; magandang araw po Father Lucas.

FATHER LUCAS: Magandang araw Usec.

USEC. IGNACIO: Magandang araw po. Father, sa susunod pong linggo ay gugunitain na po muli ng Simbahang Katolika ang Mahal na Araw. Ano po ba iyong mga ipinalabas na panuntunan ng CBCP sa pagdaraos po ng religious activities kaugnay dito?

FATHER LUCAS: Ang batayan ng ipatutupad ng CBCP ay nanggaling sa Vatican Congregation of Divine Worship and Discipline of the Sacrament, ito na-isyu pa noong February 17 last year. At ang sinabi sa mga Bishop, kasi lalabas ng decree ito for Holy Week sa liturgy of 2021 ngayon, ay basahin ninyo muli ang mga desisyon na pinanukala doon ngunit ito ay nakasalalay din sa mga kalugudan na obispo, dahil iba-iba naman ang sitwasyon ng bawat diocese. Halimbawa, sa NCR iba ang sitwasyon kaysa doon sa mga malayong mga diocese.

Pero mayroong mga general guidelines ang Vatican para sa lahat. Halimbawa, iyong sa Linggo, Palm Sunday, wala ng mga prusisyon na dala-dala mo iyong palm mo, kasi siyempre magdidikit-dikit iyon, lalo at kapag binasbasan na iyon. Kaniya-kaniya na lang iyang mga style ng pagbabasbas, hindi na iyong kagaya noong nakaugalian natin. Ang sinasabi na ang selebrasyon na ito sana ay nasa mga sacred building gaya ng simbahan, cathedral at may tatlong form ang Roman misa na gagamitin dito. So isa iyon sa nakita kong malaking pagbabago na ipagpapatuloy.

Pero sinasabi ko nga, ang panukala ng Vatican ay nasa sitwasyon din ng mga bansa at mga lugar.  So, hindi pare-pareho kagaya sa Manila, hindi ba. Walang mga gatherings mula sa 22 ng Marso hanggang April 4. So mahalaga iyon sa panukala, ngunit tuloy ang misa sa mga simbahan at ang tinutulak nga ng Vatican maximize use of media. Ang kahalagahan ng mass media including internet, di ba iyong social media natin, ang ating mga internet radio, TV broadcast lahat iyan, mahalaga, mga Facebook live streaming at kung anu-ano pang puwedeng gamitin natin sa internet. So, iyon ang general, kasi nga mahalaga rin na maunawaan ng mga deboto, ng mga tao na malaki ang hinaharap sa paglaganap ng pandemya na ito, pandemic na itong COVID-19 na tinatawag.

USEC. IGNACIO: Father, papaano po ninyo maipaparating dito sa ating mga deboto katulad ko rin po, kasi napakahalaga po ang panahon ng Mahal na Araw para po sa atin ano po, kasi marami po talagang gawain ang simbahan na talagang may physical contact. So, papaano po ninyo maipapaabot dito sa ating mga deboto na iyong mga alternatibo pang mga paraan na gawin kasama na rin po dito, bukas pa rin po ba o tuloy pa rin iyong Visita Iglesia at sinabi nga po ninyo iyong prusisyon wala na. So, papaano naman po iyong mga kailangang… mag-confess po, mangumpisal?

FATHER FRANCIS LUCAS: Siguro ganito iyan ‘no, doon sa Holy Thursday na misa na gagawin sa mga simbahan, ibig sabihin dito, hindi naman ibig sabihin pupunuin mo ng tao iyon. Pero saan mo kukunin iyong social media o broadcast mo. So dito, ipapakita natin at least itong 22 hanggang April 4 na binibigyan natin ng matinding halaga. Dati kasi iyong “washing of the feet” sa Holy Thursday ‘di ba, iyong paghuhugas ng paa ng pari o ng obispo, dati iyon ay optional. Ngayon, omitted iyon eh, tanggal na iyon. At saka at the end of the month, wala na rin iyong prusisyon ng Blessed Sacrament at saka ilalagay sa tabernacle – tanggal na iyon. So mahalaga dito ang magmimisa na nga sa isang suitable place pero iyong presence ng tao ay hindi iyon binibigyan ng permiso na kagaya ng dati na dinudumog.

Babalikan ko, iba’t ibang mga sitwasyon, kung local IATF ay susunod sa protocol ang lahat, iyong one-meter distance, face shield, face mask dahil siyempre mas magiging istrikto ang mga lokal governments, iyon ang gagawin. Pero halimbawa, iyong kumpisal, hindi pupuwede namang ipagpatuloy mo iyong kumpisal kasi napakalapit ng pari; hindi ka puwedeng mag-one meter confession. So may mga paliwanag diyan dahil ang simbahan naman nakikipagtulungan sa lahat ng section, ganoon din sa ating pamahalaan, ay mayroon silang broadcast facility, mayroon silang mga Facebook, mayroon silang mga internet at kung anu-ano pang kagamitan sa new technology.

Ganoon din siyempre, iyong by word of mouth, puwede mong sabihin iyon eh. Kagaya nang tatlong Archdioceses of Manila, mayroon silang mga endorsed na mga alituntunin nila. So hindi magiging problema iyan dahil word of mouth ay napakadali iyan. Eh sampung tao lang ang makaalam eh lalo na doon sa malalayong lugar na mga dioceses, ang bilis kumalat niyan.

Isa pang sasabihin ko, sa Good Friday para makita lang, dalawang napakahalaga noon iyon universal prayers at saka mga panalangin, ang haba-haba noon eh. At saka iyong pagsamba natin sa krus, adoration of the cross. Dati iyon, kinakalat at pinapahalikan sa mga tao; at saka iyong napakahabang prusisyon kapag Good Friday, ‘di ba? Pinakamahabang prusisyon nakikita ko sa lahat ng lugar sa Pilipinas, ito po ay tatanggalin po, itong adoration of the cross. So magkakaroon pati ng special prayer, the special intention na hinahanda rin tungkol sa may mga sakit, sa mga nadi-distress na, nawawalan ng pag-asa at saka para sa mga namatay. Ito ay alituntunin din ng Vatican at ito rin ang pinapakalat na ng CBCP.

Pero doon din sa Easter vigil, iyong Sabado ng gabi, dito ay sini-celebrate – mahabang selebrasyon ito eh – iyong renewal of distant promises at saka iyong papal liturgy, itutuloy iyon except doon sa mga lugar like NCR, kagaya sa mga dioceses sa Metro Manila na total lockdown iyong kanilang mga simbahan. Pero ito ay, babalikan ko, doon sa mga ibang malalayong lugar at desisyon ng IATF lokal at saka ng obispo nila at saka ng ministry ay imi-maintain iyong very strict na panukala sa gathering. At iyon ngang mga ibang mahahalagang part of the sacrament, hindi muna iyon ibibigay kasi nga ito ay i-stay na lang iyong buong Holy Week.

So ito iyong mga panukalang galing sa Vatican at saka pinapatupad ng CBCP.

USEC. IGNACIO: Father, paano naman daw po iyong magiging adjustment ng simbahan sa mga nais magdaos ng kasal, binyag o burol dito sa NCR plus bubble dahil biglang sampung katao na lang po ang pinapayagan? At siyempre, pati na rin po iyong nga gusto rin pong magdaos ng pabasa?

FATHER FRANCIS LUCAS: Iyang mga pabasa kasi na mga iyan, hindi kasi ini-specify technically iyan ng simbahan. Hindi naman kasi usually ang simbahan iyong nagpapabasa, kung tutuusin, ito ay mga private groups ‘no. So nasa local government na iyan nila kung ano ang mapag-usapan ng local IATF at saka iyong mga tao doon sa area nila. Pero pagdating doon sa, sabi ko nga sa iyo, sa kumpisal, siyempre sandaling panahon lang naman na ito, mag-a-adjust ang simbahan doon sa pangangailangan din ng kanilang mga tao. So hindi pa ngayon nababasa ang additional and detailed na panukalang iyan sa ngayon.

Pero tulad sa pabasa, hindi naman talaga simbahan ang nagpapabasa eh. Iyon ay mga private groups na gustong ituloy iyong pabasa. Ang sinasabi ko lang, the liturgy will go on in the churches pero ang priority dito ay ipakita ito in a virtual platform para makasamba ang mga mananampalataya.  At saka pala sinabi ng Vatican, kailangan daw ang mga kongregasyon, tulungan ang mga tao for aiding prayer, assistant sila sa prayer either reading materials ay ipapadala o ganoon din sa social media at ganoon din sa broadcast. Halimbawa, magsi-Seven Last Words ka, eh ‘di i-radyo mo na lang ‘di baga, hindi na doon sa loob ng simbahan na napakaraming tao before the procession. Kasi tandaan natin, iyong Seven Last Words, pagkatapos noon ay mayroong ritual ano, sa liturgy – universal prayer, iyong pagluhod, iyong ganiyan tapos adoration of the cross, tapos saka iyong napakahabang prusisyon. So iyon ang mga ina-adjust ngayon ng simbahan.

USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Father Francis Lucas ng Catholic Media Network. Maraming salamat po sa inyong panahon, Father.

FATHER FRANCIS LUCAS: Pagpalain nawa tayo ng Panginoong Diyos.

USEC. IGNACIO: Salamat po.

Samantala, naghatid ng tulong si Senator Bong Go kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan sa libu-libong residente ng Tuguegarao City na lubhang naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad at maging ng pandemya. Panoorin po natin ito:

[VTR]

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Patuloy naman po ang paghahanap sa mga natabunan ng gumuhong lupa sa Barangay Mandug, Davao City. Ang detalye ibabalita ni Jay Lagang live. Jay?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Jay Lagang ng PTV Davao.

Ang Quezon City nga po ang kabilang sa nagtatamo ng pinakamataas na bilang ng mga nagpupositibo sa COVID-19 kada araw. Kumustahin po natin ang ginagawang laban ng lungsod kontra COVID-19, kasama po Dr. Rolando Cruz, ang hepe po ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit. Magandang umaga po, Doc!

DR. CRUZ:Magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Hi, Doc. Good morning po. Doc, sa tala ng Department of Health lagi pong kasama po sa mayroong nalilista na may pinakamaraming bagong kaso ng COVID ang Quezon City. Pero nilinaw nga po ni Mayor Joy Belmonte na hindi ibig sabihin nito ay dahil mabilis ang infection rate sa inyong lugar. So ano po ang ibig sabihin nito, Dr. Cruz, ano po ang dahilan kung bakit marami kayong kaso ng COVID-19?

DR. CRUZ:Kung titingnan mo talaga iyong sa (garbled).

USEC. IGNACIO: Babalikan po namin si Dr. Cruz ng Quezon City, aayusin lang po natin ang linya ng komunikasyon sa kaniya kasi napakahalaga po ng kaniyang mga sasabihin sa mga panahong ito, dito pa rin po sa mga kababayan nating nasa Quezon City.

Samantala, pinuntahan po ng outreach team ni Senator Bong Go ang mga residenteng nasunugan sa Barangay 155 sa Lungsod ng Maynila; Barangay Dioquino Zobel sa Quezon City; at Barangay Lower Bicutan sa Taguig City upang tulungan silang makabangon agad matapos maabo ang kanilang mga tahanan. Narito po ang detalye:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, balikan po natin si Dr. Cruz ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit. Doc?

DR. CRUZ:Sorry po, magandang umaga po muli sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Doc, ano po ang dahilan kung bakit marami pong kaso ng COVID-19 ang Quezon City?

DR. CRUZ:Gaya iyong ipinaliwanag ko kanina na ang Quezon City talaga ay isa sa pinakamalaking… most populated city sa NCR. Sa usually talaga namang mga sampung porsiyento ng mga kaso ng diseases, infection diseases dito sa NCR ang parati sa Quezon City, so hindi kakaiba iyong COVID natin. So having said that, ginagawa lahat ng Lungsod ng Quezon City ang kaniyang mga dapat gawin para mapabagal iyong pagdami ng kaso natin araw-araw dito sa Quezon City.

USEC. IGNACIO: Sa pahayag po ng Department of Health, Doc, kalat na sa mga lungsod—hindi po sa Quezon City ano po, dito po sa Metro Manila ang mga bagong variant. Sa Quezon City po ba ilan na iyong na-record ninyong bagong variant as of today?

DR. CRUZ:As of today po ang numbers natin ay nasa around 24 new variants ang na-report sa atin ng Department of Health.

USEC. IGNACIO: Doc, sapat pa rin po ba daw iyong mga ospital at health personnel’s sa Quezon City para po maserbisyuhan iyong mga nagpupositibo sa COVID-19. As of March 15 data ng Department of Health, sampung ospital na raw po kasi sa Quezon City ang nasa high risk na ang capacity. Paano po ang ginagawa na ninyo ngayon para po matiyak na maibibigay pa rin po iyong medical needs ng inyong mga residente?

DR. CRUZ:So karamihan po doon sa mga mild na kaso lang, hindi na po natin iyan pinapadala doon sa mga ospital natin. So lahat po iyan ay nandoon po iyan sa ating HOPE facilities at doon po sila inaalagaan. Nag-open na po kami ng mga bagong quarantine facilities para ma-accommodate iyong mga mild cases natin at mga asymptomatic.

Ang problema po kasi sa mga ospital sa Quezon City especially iyong mga government hospital natin, ang national government hospital talagang puntahan po ito ng mga COVID cases na hindi lang from Quezon City, sa karatig city at region talagang dito nila dinadala sa mga COVID hospital natin sa Quezon City. So isa iyon sa nagiging problema natin. So tumataas na talaga iyong occupancy rates ng mga COVID hospital natin dito sa Quezon City.

USEC. IGNACIO: Doc, may tanong lang po iyong kasama natin sa media na si Joseph Morong ng GMA news, eto po ang tanong niya sa inyo: Ano po ang status ng contact tracing ratio ninyo?

DR. CRUZ:Iyong ang isang sinisikap natin na mai-maintain. Iyong last week nasa 1,828 na tayo. Pero this week makikita natin kung anong magiging epekto doon sa dami ng kaso na nari-receive natin every day. So, obviously magkakaroon tayo ng pagbaba iyong mga ratio natin, kasi nagpu-focus kami ngayon doon sa mga household contact na lang muna kasi sila iyong din iyong most infectious or most probably high risk, kailangan iyong contract trace. So, iyon po ang ginagawa natin ngayon muna sa dami ng kaso ay nagpu-focus tayo doon sa mga close contact na nasa household muna.

USEC. IGNACIO:  Ang second question po niya: Can we say contained na iyong spread ng COVID sa Quezon City? If not why is it spreading?

DR CRUZ: So, doon sa mga nari-receive nating mga kaso every day, around 40% noon ay galing na sa amin, ibig sabihin kami na iyong naka-detect noon thru our contact tracing. Ang gusto namin ay mapataas iyong porsiyento ng mga nari-receive natin na cases na kami nga iyong naka-detect.

Ang nagiging problema kasi kapag hindi kami iyong naka-detect noong mga cases ibig sabihin kailangan pa talagang i-contact trace nang maayos. So iyon, around 30 to 40% are coming from our contact tracing effort kaya siya ang nakikita natin. Maganda sana iyon. So we will strive try to our best to increase this para ibig sabihin naku-contain natin iyong pandemic or iyong increase ng cases natin or surge natin dito sa Quezon City. At this time, iyon po ang ginagawa natin.

USEC. IGNACIO: Kumusta naman daw po iyong ginagawang testing ng Quezon City?

DR. CRUZ:Opo, actually kaya siguro mataas din iyong kaso natin dito sa Quezon City, nag-a-average na tayo ng 3,000 to 4,000 testing dito sa Quezon City. Ang CESU lang mismo, so nasa 1,500 daily iyong testing na ginagawa natin sa mga close contact or during contact tracing, so kaya nakikita natin iyong mga cases at nakakapag-lockdown agad tayo ng mga clustering. So, iyon ang isang magandang balita doon kaya siguro tumataas din ang kaso natin dito sa Quezon City because we find the cases.  May mga na-infection, nagkaroon ng infection, nakikita natin agad sila through expanded testing na ginagawa namin.

USEC. IGNACIO: Naging maganda ho ba daw iyong resulta ng mga granular lockdowns na ipinairal ninyo sa lungsod at nakakakita na po ba kayo ng declined sa cases a week, one week after nang ipatupad iyong tinatawag po nating unified curfew sa Metro Manila?

DR. CRUZ:Obviously, hindi pa rin makikita at this time. Ang nakikita namin iyong success ng mga granular lockdown natin, iyong special concern lockdown natin. Bakit? Kasi initially, nakakakita lang kami niyan ng isa/dalawang kaso tapos after lockdown nagkakaroon tayo ng testing doon sa kanila and then we will find more cases, minsan umaabot na 34 cases more than 30 cases ang nakikita natin dito sa isang lockdown.

So, ibig sabihin napipigilan natin iyong pagkalat ng infection sa neighboring communities niya, kasi nga dahil naka-lockdown sila. So, iyon ang isang magandang success noong ating mga special concern lockdown sa Quezon City. Makikita natin ang impact din kung mas mapapabilis pa natin makita iyong mga clustering sa iba pang parte ng Quezon City, so that we will be able to lock them down and halt the expansion of the infection.

USEC. IGNACIO:  Ok, maraming salamat po sa inyong paglilinaw at impormasyon, Dr. Rolando Cruz ng Quezon City CESU (City’s Epidemiology and Disease Surveillance Unit), mabuhay po kayo and ingat din po kayo.

DR. CRUZ:Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Samantala, alamin natin ang pinakahuling sitwasyon sa iba’t ibang lalawigan sa bansa, narito po si Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas. 

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.

Samantala, isang OFW naman po ang nagpositibo sa COVID-19 ang binawian ng buhay sa loob mismo ng isang isolation facility sa Lapu-Lapu City, may ulat po si John Aroa. John?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo John Aroa mula po sa PTV-Cebu.

At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito, ako pong muli si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)