Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas; ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio.

Ngayong araw ng Biyernes muli tayong makikibalita sa takbo ng huling araw ng pambansang vaccinations drive sa ilang mga rehiyon, operasyon ng One Hospital Command Center, lagay ng ekonomiya hanggang sa magsara ang taong 2021 at ang sitwasyon po ng Palawan na tatahakin ng Bagyong Odette.

Siksik na naman po ang ating isang oras na talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Samantala, nalalapit na talaga ang mas mabilis at ang mas maginhawang biyahe sa kahabaan ng Commonwealth Avenue hanggang Bulacan dahil kahapon po ay pormal nang ipinakita sa publiko ang mga bagong bagon ng MRT 7. Pinangunahan ito mismo ni Pangulong Duterte at Senator Bong Go. Panoorin po natin ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Halos dalawang linggo na lamang po at magtatapos na ang taong 2021. Nakakabawi na ba ang ating ekonomiya sa naging pagluluwag ng mga quarantine restrictions ngayong taon, alamin natin ‘yan mula kay Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez. Good morning po, Secretary Mon. Welcome back po sa Laging Handa.

DTI SEC. LOPEZ: Good morning, Usec. Rocky. Good morning po sa lahat ng tagasubaybay ngayong umaga.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ilang araw bago ang Pasko ano po, dagsa na naman po ang mamimili at namamasyal sa mga mall at iba pang establishment. Ramdam na po talaga iyong tinatawag nating Christmas rush. Pero kumusta po iyong monitoring ninyo dito po sa pagpapatupad nila ng minimum health protocols lalo na’t may na-detect po na Omicron ang DOH?

DTI SEC. LOPEZ: Mahigpit pa rin iyong ating pinapairal na enforcement ng minimum public health protocol dahil siyempre mangangamba tayo na ayaw nating kumalat ang virus; nandiyan ang virus pa rin, iyon ang parati natin paalala. At ang ginawa po natin, lahat ng establisyimento pina-assign natin ng kani-kanilang mga health and safety protocol officer para talagang on the ground ay may nag-i-enforce, may nagsisiguradong nagku-comply or sumusunod sa mga patakaran dito sa ating public health protocol – iyong distancing, iyong lahat sigurado naka-mask at saka iyong—lalo na kapag iyong mga indoor na niri-require natin ‘pag indoor ay vaccinated – iyan po ay talagang paulit-ulit at sinabi namin sa mga establisyimento ‘pag nahulihan silang hindi nagku-comply dito by asking the actual proof of vaccination ay puwede po silang ipasara. So ito po ay mga patakaran natin na talagang pinapasunod sa ating mga kababayan lalo na dito sa mga business establishments.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero may mga nahuli naman po ba ang DTI na nagbibenta po ng overpriced goods at hindi sumusunod dito sa SRP lalo na sa noche buena items? Iyan po ay pareho din ng tanong ni Ivan Mayrina ng GMA News; ang tanong po niya sa inyo: May update po ba kayo sa monitoring ng prices ng noche buena items one week before Christmas?

DTI SEC. LOPEZ: Opo. Parati ho tayong naka-monitor diyan, in fact naglabas nga ho kami ng mga advertisement or publication kung saan in-outline natin specifically anong brand, anong size ang mga produkto lalo na iyong mga hindi nagtaas ng presyo para ito ay maging gabay ng consumer at any variance or ibig sabihin hindi pagsunod dito ay puwede po kaagad i-report sa amin.

Sa ngayon po wala po kaming natanggap na complaints, katsi-check ko lang uli ngayong umaga at wala ho tayong complaints ng overpricing or at least iyong selling above the SRP.

Dahil alam ninyo po ang patakaran talaga diyan, ang mga supermarkets mismo ang maganda ho dito ka-partner natin sila – sila mismo ang magtatanggal sa shelf kapag ang SRP ng isang produkto na nilagay—ang SRP ay ginagawa po ng mga kumpanya – ‘pag ang SRP na nilagay ng kumpanya ay mas mataas kaysa sa SRP na na-approve ng DTI at iyong naka-publish. Ito po ay hindi na nila ilalagay sa shelf, iyan po ang ginagawa ng ating mga groceries and supermarkets; kaya ho masasabi nating 100% ang implementation/compliance po nito.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, sunod pong tanong ni Ivan Mayrina ng GMA News: What is the expected impact of Typhoon Odette on prices especially on agricultural products? Will government impose a price freeze on devastated areas?

DTI SEC. LOPEZ: Thank you, Usec. Rocky. Kapag dineclare po ng state of calamity iyong mga areas na iyon by their respective LGU heads ay may automatic ho na price freeze. At iyon po ‘yung kailangang subaybayan pa natin dahil ongoing po iyong bagyo but as of today, since yesterday ho nagsa-submit ang DTI, mga regional offices namin lahat po sinasabi doon ay iyong supply ay—hindi naman ho naapektuhan pa iyong supply – nandoon iyong supply at ang kailangang babantayan diyan after noong bagyo, kung talagang may na-damage na mga passage or iyong supply chain ay hindi makakaabot doon sa mga groceries or mga specific na lugar, iyan po ang kailangang maiwasan or ma-solve agad para hindi magkaroon ng kakulangan sa supply at maging dahilan sa pagtaas ng presyo.

Pero sa ngayon, as of yesterday and this morning humihingi pa kami ng report. Iyong yesterday report ho namin kagabi, wala hong pagtaas pa ng presyo, okay pa ang mga supply natin. Abangan natin itong araw na ito dahil ngayon natin makikita iyong talagang—iyong paglagpas noong bagyo, kung anong naidulot na pinsala nito sa mga daan at mga tulay.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, pero ano naman daw po ang tugon ng DTI dito sa panawagan ng isang food manufacturer na review-hin daw po ang presyo ng ilang basic necessities para sa posibleng adjustment o price increase? Posible po ba itong pagbigyan anytime soon?

DTI SEC. LOPEZ: Oo. Iyan na nga, Usec. Rocky ‘no. On one hand ayaw natin noong magtataas ng presyo dahil nga pinuprotektahan natin iyong mga consumers but on the other hand, ito naman po iyong kabilang panig, na sila naman po iyong nagrireklamo ngayon na hindi daw tayo nagtataas. So talagang ang role natin sa gobyerno lalo na dito sa DTI pagdating sa presyo ay iyong pagbalanse noong mga konsiderasyon na ‘to.

Kaya napansin ninyo kahit ho noong pandemic, napanatili natin – dalawang taon walang pagtaas ng presyo noong 2019; ngayon lang tayo nagtaas noong August at iyong pagtaas nga nagri-range lang sa mga 3% ‘no so hindi masyado kaya iyan naman iyong nirireklamo ngayon noong kabilang panig. Pero sabi naman namin doon, tuloy naman po ang aming dayalogo – ibig sabihin mayroon ho tayong sistema kung saan ang ating mga korporasyon, iyong mga kumpanya na gumagawa ng mga basic necessities and prime commodities na kasama sa SRP Bulletin ng DTI, iyon lang naman po, mag-submit sila ng mga justification kung mayroong malaking pagtaas ng mga cost items nila.

At iyon po ay tuluy-tuloy inaaral ho iyan ng ating Consumer Policy Advocacy Bureau (CPAB) ng DTI. Ito ho, mayroon na kaming formula na diyan, pag-compute niyan at diyan po isinasalang iyong mga pagbabago sa mga cost items, iyong changes in the prices of the cost items.

At kami naman ho, ang ginagawa rin bilang representative din ng consumer, tini-temper natin kung ano man iyong kalalabas na presyo as a result of mga cost increases at iyan naman ay nine-negotiate sa mga kumpanya para hindi maging malaki if ever magkaroon ng increase. Kaya ho iyan po iyong naging practice natin nitong mga nakaraang taon, tini-temper ho natin as a representative ng consumers para hindi todo-todong maipatong iyong pagtaas ng cost items na iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary, ano daw po iyong tingin ninyo dito sa isinusulong ng ilang grupo sa private sector na bawasan daw po ng one meter physical distancing sa mga opisina at establishment? Pabor po ba kayo dito, Secretary?

DTI SEC. LOPEZ: Yes, in a way, Usec. Rocky, pabor tayo diyan to extent na basta mayroon. Ibig sabihin, may physical distancing pa rin na maipatutupad. In other words, iyong request ho sa amin na at least iyong nakita ko, ay from one meter gawing 0.75 meters. So, iyan po ang mga kinu-consider ngayon lalo na kung sa mga kainan.

Pero doon sa mga ibang establisyimento, iyon naman po ay open tayo diyan sa mga ganiyang mungkahi dahil siyempre, pampa-increase din ng operating capacity din ng mga tindahan. So, right now, wala ho talagang malaking reklamo na iyong karamihan ng ating mga regional establishments dahil ang report ho sa atin ay somehow mga 80% na ang mga nakakabalik na iyong benta nila kumpara doon sa bago mag-pandemya ‘no. So, pre-pandemic level, mga 80% na ang nakakabalik and siyempre ngayong Kapaskuhan siguradong mas dadami pa iyon, baka umabot tayo ng 100%

Kaya nga sinasabi ko, parang hindi rin kailangan pumunta sa Alert Level 1 dahil ngayon naman nakikita natin na halos lahat ho naman ay bukas na ‘no at ang mga micro SMEs natin nasasabi nilang sila ay nagbukas ulit at ang negosyo ay bumabalik ulit. At dahil diyan, tinatawag nila uli iyong mga dati nilang empleyado para mag-report ulit. So, again, more jobs para sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, dito naman sa usapin ng Omicron ano po, gaano po kalaki iyong threat naman po nito sa ating business sector? Ngayon pa lang po kasi nagsisimula ano po, itong pagbawi ng ating ekonomiya. Tingin ninyo, magiging malaki po ba ang impact nito sakaling magkaroon ng local transmission, na sana huwag naman po?

DTI SEC. LOPEZ: Opo. Sana nga huwag at depende ho sa degree o iyong dami noong magiging surge nito. Nakita ho natin iyong mga nangyayari ngayon sa US, sa UK, ang mga ibang EU countries. Tulad ng Delta kung maaalala natin, ang laki at umaabot ng over 100,000 a day iyong mga ibang bansa sa Delta. Fortunately, with God’s grace of course, tayo po ay nasa mga 20,000 iyong pinaka-peak. Sana ho iyong Omicron if ever ho kumalat dito, hindi ho maging kasing taas noong na-experience ulit sa ibang bansa.

Pangalawa, dahil nakikita naman natin ang extra na pag-iingat ng ating mga kababayan kaya ganoon na lang ang ating paalala. At saka ang isang magandang development so far, base sa mga doktor at mga readings na ating nakikita, experience sa ibang bansa ay iyong Omicron ay mild, hindi daw naka-ospital. Maliban na lang siguro may mga isolated cases, may isang namatay sa UK. Pero generally, ang report ay symptomatic or mild ang epekto ng isang Omicron variant.

So, kapag ganiyan ho, at least hindi ho tayo masyadong mag-aalala in terms of iyong kalusugan ng ating mga kababayan and baka maging blessing in disguise pa ho kasi kung mild ang tama po niyan ay baka ang ma-develop ho niya ay antibodies. So, magkakaroon ng natural immunity ang ating mga kababayan dahil nga dito sa mild impact ng isang Omicron variant.

Pero siyempre, ipinapanalangin natin na hindi pa rin kumalat ito at aasa tayo sa mga vaccination as basehan ng ating immunity.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, sa kabila naman po ng pag-apruba dito sa CREATE Law ay mababa umano ang naitalang foreign investment sa bansa nitong third quarter ng taon. Ano po kaya iyong factors o naging dahilan na nakaapekto po sa resultang ito?

DTI SEC. LOPEZ: Iyon pong na-report na iyan, actually, iyan ho ay mga business proposal pa lang at marami ho kami nasa pipeline, ongoing, hindi pa lang ho nari-record diyan. At we take note na may isang malaking project din na pumasok noong last year, so, napakataas noong base kumbaga kaya ho nakikita natin na, pagdating diyan sa pledges.

Pero ang tingnan natin iyong isang indicator, iyong actual na pumapasok dito na foreign investment. Ni-report ho natin na 43% ho ang taas po nito year-to-date, iyong actual na pumasok na foreign investment, iyon po iyong FDI (Foreign Direct Investment). 43% year to date, I think that’s year-to-date August, unless mayroon na yata na year-to-date September na 43% versus year ago.

Ang maganda pa po dito, that FDI, the Foreign Direct Investment, is even higher than iyong 2019 natin na level by 30%, over 30%. Ibig sabihin, mas nalampasan pa natin iyong before pandemic na level.

So, ito ho, actual na itong pumapasok. So, iyon ho iyong mas magandang basehan natin talaga ng mga development dito sa mga investments, iyong pagdating sa talaan ng investment.

So, iyon ho ho ang magandang report diyan. Kasabay na diyan iyong mga ibang indicators natin like exports na 20% higher than last year and also 5% higher than pre-pandemic. So, itong dalawang sektor na ito naka-recover po ito, mas mataas na ho versus the pre-pandemic level and that signals really a good recovery for the economy which is as you know is right now almost 5%, 4.9% po year-to-date. Ibig sabihin, January to September of 2021 and we only need to hit 4.8% next year.

So, alam ninyo po, ang projection next year is mas mataas pa, around 6.5% kaya ho talagang mababalik na natin iyong 2019 level.

Iyong 4.8% na sinasabi ko for next year, para lang makabalik tayo diyan sa 2019 level ng GDP. Eh, ang projection ho ay mga 6-7, so talagang maaabot natin iyong pre-pandemic level by next year. So, in effect, mayroon ho tayong dalawang taon na sumala dito sa pandemya na of course in two years maka-recover din tayo back to the 2019 level pagdating sa overall GDP.

But again, when it comes to exports, when it comes to investments, nandiyan na po, nakita na natin iyong recovery niya better than the pre-pandemic level.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may tanong naman po si Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror para sa inyo: The idea daw po to focus on high value products and services in crafting the New Philippine Export Development Plan for 2022 – 2027 holds a lot of potential. Will the DTI take into account the impact of the pandemic and the emerging trends daw po as a result thereof?

DTI SEC. LOPEZ: Oo, tama po iyon. Yes, we are definitely factoring in, of course the pandemic and as mentioned na despite the pandemic, ito ho nakakabalik ang ating exports. But what we noticed, we need to really diversify iyong exports dahil sa ngayon ang ating exports po are accounted for by basically the big exporters and of course the big sectors. Electronics is one, over 60% and of course iyong mga ibang agriculture products natin and processed food and agriculture.

So, ang kailangan natin mas mapadami po. There is a lot of potential pagdating ho dito sa mga gifts and housewares and dito sa mga design-oriented garments and furniture. Again, this is not the regular garment/furniture kung hindi iyong mga design-oriented.

But at the same time, ang isa hong pinush (pushed) natin ngayon na nakita nating malakas din in terms of exports, itong service exports. Ano po iyan? Iyan iyong IT-BPM, we’re number one or number two in the word, at saka po itong creative services. Ito po iyong pinagmumulan ng ating mga—let’s say kasama na diyan ang mga film, music, pati sa software, game development, etcetera. So, lahat po ng services na iyan, Philippines is a big exporter and we intend to really support these groups because this will be the, again the future, bigger source of exports.

And not to mention mayroon pa tayong isang sector na tuluyang dine-develop, isa ho ito iyong, in fact, iyong mineeting natin sa UAE with respect to the halal, halal export is basically a green area for us. Ibig sabihin full of potential, hindi pa natin nata-tap. And we need more certifying bodies accrediting the certifying bodies, so that many of our products not only food, even non-food, mga cosmetics, lahat iyan dapat halal, because that is a huge market out there, 3.3 trillion dollars na hindi pa natin nama-maximize iyan. So, iyan po ang magiging big source of mga export gross natin moving forward.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, panghuli na lang po, ano po iyong maaaring asahan by the end of the year ngayong hindi pa po tayo naibaba sa Alert Level 1?

DTI SEC. LOPEZ: Sa observation po natin, kahit po Alert Level 2 tayo, nakita natin iyong sigla ng ekonomiya ay bumabalik na at mobility ng tao lumalabas na, as long as pinayagan din natin iyong mga minors, of course with the parents. Lahat po iyan is helping bring back the market that we have, tinanggal na ang curfew. So, parang nasa Alert Level 1 na tayo kung ako ang tatanungin mo.

Kailangan lang talagang medyo i-keep pa rin itong Alert Level 2, para nandiyan pa rin iyong somehow iyong talagang mindset natin na kailangan todo ingat pa tayo. So, para hindi kailangang ilagay sa Alert Level 1 because ang ating operating capacity ay nakikita natin ay mataas na at ang mga business velocity natin, iyong bilis ng ikot ng ating mga negosyo ay bumabalik na.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa iyong panahon, DTI Undersecretary Ramon Lopez. Salamat, Secretary.

DTI SEC. LOPEZ: Salamat din po, USec. Rocky. Merry Christmas to all.

USEC. IGNACIO: Merry Christmas. Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa Pilipinas:

  • Nasa 289 na po ang mga nadagdag na mga bagong kaso ng COVID-19 kahapon kaya umabot na ito sa kabuuang bilang na 2,837,016.
  • 47 katao naman po ang mga nasawi kaya umakyat na sa 50,496 ang total death tally.
  • Samantala 2,776,425 po ang mga naka-recover sa sakit matapos itong madagdagan ng 380 na katao kahapon.
  • Patuloy din po ang pagbaba ng active case na ngayon po ay nasa 10,9095 na lamang. 0.4% pa rin po iyan sa kabuuang bilang ng cases.

Para maghatid sa atin ng update sa naging takbo ng ikalawang araw Bayanihan Bakunahan round 2 kahapon, makakasama natin muli si USec. Myrna Cabotaje ng Department of Health. Good morning, USec, welcome back. May maganda po ba tayong balita sa ating Bakunahan round 2?

DOH USEC. CABOTAJE: Yes, magandang umaga sa ito, USec. Rocky at saka lahat ng nakikinig at nanunood sa ating programa ngayon.

Opo, despite the calamities, iyong typhoon, we have reached 1,060,096 jabs like December 16 and another 734,000, December 16 iyong ating latest report. So, sa kabuuang mayroon tayong 1.7 million total doses administered. Tapos i-compare natin ito sa target natin na 7.3 million.

Iyong 324,000 ay target ng NCR for children and booster doses. Sa kabuuan po, mayroon na tayong 100 million total administered jabs since March 2021. At sa ating fully vaccinated ay may 43 million na tayo.

Ang target natin by the end of the year na subukan nating makamit ay 54 million na vaccinated individuals. So, that means, we will push another 11 million hanggang sa matapos ang taon na ito.

In terms of the top performing regions:

  • Ang pinakamataas na region ay iyong Calabarzon, pinakamaraming na-jab.
  • Pumapangalawa pa rin ang Central Luzon at Ilocos region ang pangatlo.
  • (garbled) Cagayan Valley has 89,000 jabs versus their target of 128,000 for a total of 69%.
  • So, nandiyan na po iyong ibang region, Region I has 67%, CAR has 47.85%, NCR has 40%, tapos iyong Region III ay 38% at Region IV-A 35%.

Alam naman natin iyong ibang region pa ay na-affect ng typhoon but despite that, they were able to jab their doses varying from 7% to 27%.

Tapos, gusto lang nating abisuhan. USec. Rocky, tungkol sa shelf life ‘no. Mayroon tayong ganitong advisory kasi nagkakalituhan sa expiry. What we are really having is the shelf life ‘no. So, now all vaccines with FDA-EUA remain to be safe and effective.

Hindi po kami magbibigay ng bakuna sa inyo, kung hindi siya safe and effective for our program. So, may initial approved shelf life, tapos ina-update iyan, depende sa stability data na pinapakita ng ating mga manufacturers. So, importante with the detection of the Omicron, we reiterate the importance of getting vaccinated para may additional protection tayo against this COVID-19 variant.

We encourage the public especially the elderly and the immune-compromised to get their COVID-19 vaccine primary series as soon as possible and booster once eligible. So the next slide, let’s give the free gift of safer holidays, safer resumption of classes and safer work to every Filipino family. Get vaccinated during the National Vaccination Day, December 15 to 17 and December 20 to 22 with whole families, especially our grandparents and those with comorbidities.

USEC. IGNACIO: USec., pagdating naman po sa pag-encode ng mga datos ng nabakunahan, nakakasabay naman po ba ang ating mga lokal na pamahalaan ngayon, USec. Myrna?

Okay, babalikan po natin USec. Myrna. Babalikan po natin maya-maya lamang si USec. Myrna Cabotaje. Aayusin lang po natin ang ating linya ng komunikasyon.

Samantala, kumustahin din po natin ang sitwasyon dito sa One Hospital Command Center sa nakalipas na linggo. Sa puntong ito magbibigay po ng update sa atin si Dr. Marylaine Padlan, Medical Officer ng One Hospital Command Center. Good morning po, Doc.

OHCC DR. PADLAN: Hello po. Good morning po, USec. Good morning po sa lahat ng nanunood.

USEC. IGNACIO: Opo. Kahapon ay nakapagtala tayo ng mahigit na 200 na lamang po. Kumusta po ang takbo ng operasyon ng ating One Hospital Command Center sa nakalipas na linggo? May tumatawag pa rin po ba para kahit tumuntong lang talaga sa 200 ano po ang naitalang cases, Doc?

OHCC DR. PADLAN: Kahit bumaba na po ng 200 iyong mga cases natin ngayon patuloy pa rin po ang pagtanggap ng mga tawag po namin dito sa One Hospital Command Center. Iyong mga tawag pa rin na ito ay mixture pa rin ng mga hospital request, medical assistance and inquiries po na both COVID and non-COVID related naman po.

USEC. IGNACIO: Opo. Mga ilan na po iyong tawag na natatanggap ng One Hospital Command sa COVID related po?

OHCC DR. PADLAN: Ngayon po, medyo mas mababa. May mga araw na minsan mas mataas iyong non-COVID, may mga araw na pantay lang po iyong ating COVID and non-COVID cases po.

USEC. IGNACIO: Opo. Kasi, dati parang umaabot ng 150 calls hanggang 200. Ngayon ilan po ba ang ating mga natatanggap na tawag?

OHCC DR. PADLAN: So, iyon po mga nag-a-average kami ng 200 plus na call, itong mga calls naman na po na ito ay mixture na ng mga bago, ng mga follow-up, ng mga inquiries, ng mga nagtatanong. Mayroon pa rin mga nagri-request ng hospital assistance. So, iyon nga po na may mga araw na minsan mas maraming non-COVID related iyong kanilang mga inquiries. Iyong mga iba naman or mga nagri-request ng hospital assistance, may mga ibang araw naman po na pantay na iyong mga COVID related cases din po natin.

So, hindi po natin masabi na wala po tayong parang specific trend kung talaga bang kung kailan bumaba, kung kailan nagiging zero or talagang bumaba ba iyong ating COVID related cases. Ngayon po talaga, nakaka-receive pa rin naman po kami pero hindi na po sa ganoon karami kumpara dati.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: Ano po iyong karaniwang nagiging problema ng mga COVID patient sa mga ospital na pinagdalhan sa kanila?

OHCC DR. PADLAN: So ngayon po, in terms naman po of related kapag COVID po ang pinag-uusapan natin, iyong mga nari-receive po namin, ito na iyong mga nagri-require ng a higher level of care, kailangan ilipat sa mga mas may kagamitan, may mga espesyalista po dahil nga severe na po iyong cases. Pero, iyon po sa mga in terms of hospital assistance naman po. In terms naman po sa mga others, puro mga inquiries na lang din po kung saan puwedeng magtele-consult or saan din po magpa-swab po kapag COVID related cases po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc., saang mga lugar mostly po galing ang COVID related calls? Ano pong mga rehiyon? Mataas pa rin po ba dito sa NCR?

OHCC DR. PADLAN: Hindi na po kasing taas tulad ng dati. Pero, sila pa rin po iyong ating mga COVID related calls na nari-received namin ay galing sa NCR pa rin, Region IV-A, Region III and Region VI po.

USEC. IGNACIO: Opo. Ilang araw pong magiging maulan sa ilang mga lugar sa Kabisayaan at bahagi po ng Mindanao? Kumusta naman po ang naging operasyon at referral system natin?

OHCC DR. PADLAN: In terms naman po sa mga maulan na mga lugar po sa atin, na nakakaramdam po ng bagyo natin ngayon, ang ating mga Regional DOH naman po ay naghanda naman po sila para po sa typhoon na ito. Pero as of now, awaiting po kami ng mga any issues request or report po kung saan puwede po namin silang matulungan.

Pero, in terms naman po sa operation nila, nakikini-kinita po namin na magiging epekto po nito ay iyong physical access sa health care facility, sa mga hospital. Kasi nga po, nakita naman po natin sa balita na grabe din po iyong mga baha dito sa mga areas na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, although ni-report naman po ng DOH na wala naman pong nag-positive dito po sa nakasamang flight nitong dalawang Omicron positive individuals, pero in case lang po, puwede ba silang makipag-ugnayan sa inyo? Just in case po na may maramdaman sila at paano ninyo po ito iha-handle, if ever lang po?

OHCC DR. PADLAN: Ay opo. Puwede po silang tumawag sa amin, iyong mga may katanungan about diyan, sa mga kasama nila sa flight. Aasikasuhin po namin iyong concerns po nila kung ano po specific request nila and at the same time makikipag-cooperate din po kami sa kanila para ma-forward namin iyong concern nila doon sa ating office sa DOH that is assigned sa contact tracing po for the Omicron case po.

USEC. IGNACIO: Opo. Ayon nga po kay DOH Undersecretary Leopoldo Vega, nakaplano na po iyong pag-i-institutionalize ng One Hospital Command Center o ang magiging National Patient Navigation and Referral Center. Ngayon po ay may nakabinbin pa ring panukala para dito sa Kongreso. Ano po ang maitutulong ng NPNRC para po ma-improve ang ating healthcare system sa bansa, may COVID man po o wala?

OHCC DR. PADLAN: So, ang NPNRC po, whether may COVID o wala, kapag napanukala po ito, ini-aim po nito na makatulong po sa pag-access ng mga taong bayan sa healthcare system natin. So, in the future nais po namin na mas mapabilis at mas organize no iyong ating pag-refer sa ating mga healthcare facility para hindi na po nalilito-lito iyong ating mga pasyente kung saan ba sila puwedeng pumunta at iyong pupuntahan po nila rin na healthcare facilities or mga related agencies, naaayon sa needs po ng clients po natin.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang pong tanong si Ivan Mayrina ng GMA News para sa inyo Dr. Marylaine: Are there reports ng damaged hospital and health facilities due Typhoon Odette?

OHCC DR. PADLAN: As of now iyong unit na assigned po doon sa Regional OHCC, nakikipag-coordinate din po sila. So, ngayon po as of now, ako po wala pa rin po akong balita pero kapag mayroon naman po we will coordinate with our regional OHCC or regional DOH regarding this po.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong palagiang pagsama sa amin Dr. Marylaine Padlan ng One Hospital Command Center. Mabuhay po kayo and stay safe.

OHCC DR. PADLAN: Okay. Thank you po, Usec., maraming salamat po at ingat din po and happy holidays po.

USEC. IGNACIO: Salamat po and Merry Christmas.

Muli po nating makakausap si Department of Health Under Secretary Myrna Cabotaje. Usec.?

DOH USEC. CABOTAJE: Yes, Usec. Rocky, I’m back, we’re back.

USEC. IGNACIO: Opo. Paumanhin kanina naputol tayo ano po. Ulitin ko lang po itong tanong natin. Pagdating naman daw po sa pag-encode ng mga datos sa nabakunahan, nakakasabay naman daw po ba iyong ating mga local na pamahalaan ngayon?

DOH USEC. CABOTAJE: Oo, maganda na iyong ating resulta, marami na ang nakakasabay, real time. Ang problema lang ngayon ay iyong bagyo, so many of our communications are downed. But based on the report yesterday, marami na ang nakaka-submit na mga LGUs ng mga real time data, iyong pag-e-encode at saka iyong pagsa-submit ng report.

USEC. IGNACIO: Opo. Mukhang nawala na naman po sa linya ng ating komunikasyon si Usec. Myrna Cabotaje, babalikan natin po siya maya-maya lamang po.

Opo. Usec., naririnig ninyo po ako?

Usec., may tanong po si Mark Fetalco ng PTV News: Kumusta po daw iyong mga bakuna sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette? May naiulat po ba na affected or damaged vaccines lalo’t may mga lugar na naputulan po ng kuryente? Pareho po sila ng tanong ni Ivan Mayrina ng GMA News.

DOH USEC. CABOTAJE: As of yesterday, wala tayong nai-report na may problema but alam naman natin last night ay talagang down ang mga kuryente. So, nakikipagtalastasan tayo kasama iyong ating OCD, tapos iyong ating One Hospital Command at saka iyong ating mga NDRRM at saka mga PDRRM at saka iyong RDRRMC para habang nagmu-monitor sila ay minu-monitor din natin iyong ating mga kalagayan ng ating mga vaccines.

Although last Friday, because we are already anticipating this typhoon dapat naka-secure na kung saan man nila ilalagay, mayroon na tayong mga generator sets, mayroon na tayong contingency plan. But iba din kapag actual na tumama na sa kanila ang bagyo. Kaya, we will continue to monitor the whole day today.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nasa ilang porsiyento na po ng mga healthcare workers natin ang nakatanggap na ng booster shots? Ito ay paghahanda rin po sakaling magkaroon naman ng pagsirit na naman po o pagtaas ng kaso dahil sa Omicron?

DOH USEC. CABOTAJE: Mga 344,000 pa lang ang nakaka-booster out of the 1.8 million na target natin. So, we have a long way to go for the other healthcare workers. Namimili sila ng bakuna, tapos hindi kasi sabay-sabay iyan, Usec. Rocky. So we have a long way to go for the other health care workers, namimili sila ng bakuna tapos hindi kasi sabay-sabay ‘yan, Usec. Rocky, ini-schedule para kung may mga side effect, may mga mararamdaman ay mayroon pa ring magdu-duty sa mga facilities. Pero ‘yan, we are urging all the facilities to already complete the vaccination of our health care workers.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., tanong naman po ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: Now that the country has its first 2 cases of the Omicron variant, will there be any specific or additional measures to ensure that the variant is contained?

DOH USEC. CABOTAJE: Alam ho natin that vaccination provides a layer of protection so importante na magpabakuna ang lahat lalo na iyong hindi pa nabakunahan sa first dose, second dose. Iyong mga June ang booster, kailangan na din magpa-booster all over the world. Those with booster doses seem na hindi ganoon kabilis at kataas iyong kanilang transmission ng mga diseases.

Ano pang kailangan nating gawin? Kailangan nating gawin iyong strict border controls – ginagawa naman ‘yan, iyong ating mga quarantine procedures tapos tuluy-tuloy pa rin iyong ating minimum public health standards – mask, hugas, iwas, ventilation. And then ang importante vigilance, kung may mga nararamdaman tayong mga sintomas, kailangang magpakonsulta tapos tingnan natin kung iyong mga kasama natin ay nagkakasakit, pumasok sa mga workplaces tapos kailangan inaantabayanan—pinalalakas din natin iyong ating mga resistensiya para hindi tayo makapitan ng sakit.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., napag-uusapan ninyo na po ba sa NVOC at IATF kung hanggang kailan kakarguhin ng pamahalaan ito pong libreng bakuna sa COVID-19? Tingin ninyo po ba, hanggang ilang dose ng booster shot ang kaya pang sagutin ng gobyerno sa bawat Pilipino?

DOH USEC. CABOTAJE: Habang po emergency use authorization pa lang ang binibigay sa mga bakuna, dapat po kargo ng gobyerno ‘yan. So for this year, we have planned for 2 doses at least for 77 million. Na-reach na natin iyong number of doses but we have not jabbed them. [Garbled] tayong 12 to 17, we have also planned for them.

For next year po, we have sufficient vaccines [garbled] as over up to 1st quarter para next year po nakaplano na rin bakunahan ng booster iyong ating lahat ng 77 million tapos plus—if there will be now booster for children, idadagdag natin and there might also already the vaccines for 5 to 11 so aantabayanan natin. We have plans and budget that we have proposed from the DOH for these contingencies.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Maricel Halili ng TV-5: Will there be a [garbled] the DOH guidelines for the use of the vaccine brands following the WHO’s issuance of interim recommendations for mixing and matching COVID-19 vaccines from different manufacturers for both the second dose and booster shots?

DOH USEC. CABOTAJE: Sa booster mayroon na tayong mga guidelines ‘no – puwede tayong heterologous – ibig sabihin iba iyong primary dose, iba iyong ibu-booster. Iyong first dose and second dose, pinag-aaralan pa ng ating mga experts and the DOH will come up with the policy in couple of weeks na naaral nang mabuti ito.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong impormasyon at pagsama sa amin ngayong umaga, Undersecretary Myrna Cabotaje ng Department of Health. Salamat po, Usec.!

DOH USEC. CABOTAJE: Thank you. Merry Christmas!

USEC. IGNACIO: Merry Christmas!

Samantala, nakipagkita po si Senator Christopher ‘Bong’ Go sa mga benepisyaryo ng Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program ng Duterte administration kahapon bago sila umuwi sa kanilang lalawigan ngayong araw. Narito po ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, bantay bagyo po muna tayo. Maraming lugar pa rin ang nakailalim sa Signals Number 1 to 3 ngayong araw, heavy to torrential rains ang tantiya ng PAGASA sa mga lugar ng Palawan, Western Visayas at Negros Oriental. Ang Metro Manila makakaranas rin ng light to moderate rains na may manaka-nakang pagbuhos ng malakas na ulan.

Base po sa forecast track ng PAGASA, nakaraan na ang Bagyong Odette sa Cuyo at Cagayancillo sa Palawan ngayong umaga at tutunguhin naman ang coastal waters [garbled] San Vicente pagsapit ng ala singko ng hapon hanggang [garbled] ito sa West Philippine Sea.

Manatili pong nakatutok sa PTV para po sa pinakabagong updates sa lagay ng panahon.

Makikibalita naman po tayo sa lagay ng ating mga kababayan sa Lalawigan ng Palawan na ngayon po ay binabagtas ng Bagyong Odette, makakausap po natin via phone patch ang kanilang Provincial Administrator na si Attorney Jay Bolusa.

PALAWAN PROV’L ADMTR. BOLUSA: Magandang tanghali po sa inyo, Usec. Rocky. Kumusta po kayo?

USEC. IGNACIO: Kayo po ang nais naming kumustahin ano po, Attorney. Simula kagabi kumusta po ang lagay ng panahon diyan at kumusta rin po ang sitwasyon ng mga kababayan natin diyan sa Palawan?

PALAWAN PROV’L ADMTR. BOLUSA: Nakapaghanda po kami, Usec. Rocky, pero sa ngayon po, mayroon na tayong 2,726 families na nasa evacuation site, dahil ito sa order ng ating gobernador na magkaroon ng preemptive at force evacuation nang sa ganoon ma-minimized natin iyong damage to property at iyong loss of life. This is equivalent po about 10,281 person. Kausap ko po kanina iyong [garbled] ng Cagayancillo, sabi niya nakaraan na sa kanila ang bagyo kaninang alas siyete, alas otso hanggang alas-nuwebe malakas daw po, ngayon ay medyo buntot na lang, bagama’t nasira ang bubong ng mga bahay doon at iyong isang covered court ay natanggalan din partially ng bubungan. Medyo malakas po ang hangin at ang sa ibang parte ng mga munisipyo ay malakas din ng ulan katulad ng sa Dumaran, kausap ko iyong mayor at dito po sa Taytay, may mga nag-i-evacuate din at Roxas at dito sa San Vicente bilang paghahanda sa pagdating ng Typhoon Odette, Ma’am Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, hindi naman po ba kayo nahirapan dito sa paghikayat sa ating mga kababayan diyan ng paglikas at magtungo sa kanilang evacuation center? At mayroon pa rin po bang mga nagtangka na mangingisda na pumalaot kahit na po may babala ang PAGASA?

PALAWAN PROV’L ADMTR. BOLUSA: Wala po tayong natatanggap na report na nahirapan silang mangumbinsi sa preemptive evacuation, Usec. Rocky, sapagkat ang atin pong PIO ay sige-sige ang information campaign at dala rin ito marahil ng mga previous experiences natin, lalo na sa Typhoon Vinta na nakita nila iyong kahalagahan ng preemptive evacuation. ‘No sail’ policy na po tayo, wala po kaming natanggap na distress [call] galing sa mga mangingisda natin patungkol sa mga sakuna o nangangailangan ng pag-ayuda sa dagat po. Si Gobernador ay nagpalabas ng executive order na kahit iyong land travel ay dini-discourage niya sapagkat marami po kaming mga landslide areas na na-identify na baka magkabuwalan ang mga puno at magka-landslide para makaiwas po sa sakuna, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, sabi po ninyo, mga nasa 10,00 indibidwal ang nasa evacuation center, pero paano po ninyo namu-monitor o natitiyak na nasusunod po iyong safety protocol, kasi hindi lang po si Odette and ating dapat pinaghahandaan, pati po iyong COVID-19?

PALAWAN PROV’L ADMTR. BOLUSA: Yes, Usec. Rocky, nagbigay na ako ng order kanina sa PHO na to ensure iyong medical health ng mga nasa evacuation center at kung pupuwede ay hindi na kailangan mag-gather ng tao at maturukan na sila kaagad ng bakuna iyong mga hindi pa nababakunahan at tuloy po iyong paalala natin na i-observe din po iyong mga health protocol. Kaya nga po preemptive, mas maganda po iyong preemptive evacuation, Usec., kasi talagang makaka-observe tayo ng health protocol kaysa iyong kung nandiyan na talaga iyong bagyo saka pa lang mag-i-evacuate medyo mahirap na po talaga iyon mag-observe ng health protocol, Ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami nga po ay nagpapasalamat at least nakakausap po namin kayo ngayong araw para kumustahin ano po. Pero hindi po ba apektado so far, ang linya ng komunikasyon at kuryente sa Northern Palawan? Mayroon po bang mga nawalan na ng supply ng kuryente?

PALAWAN PROV’L ADMTR. BOLUSA: Sa mga munisipyo po ng Araceli, Agutaya, Cagayancillo, Cuyo, Dumara at [unclear], may power outage po diyan ngayon. Sa kinalalagyan ko, sa siyudad ng Puerto Princesa nawalan ng power kanina, bumalik, nawala na naman po at iyong communication po sa Cagayancillo ay nakabalik na, Ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito pong mga bayan na tatamaan na bagyo, may sapat po bang calamity fund ang inyong LGU para po sa rescue and relief operations? At alam naman po natin na ang ilan sa mga pondo po ng lokal na pamahalaan ay talaga pong nagamit na rin po sa COVID response?

PALAWAN PROV’L ADMTR. BOLUSA: Iyan po ang isa sa mga tinututukan natin, nakipag-coordinate na tayo sa PDRRMO para alamin kung ano iyong pangangailangan. Kaya nga po nag-preposition na tayo ng mga food packs doon at nagri-repack tayo ng mga food packs para dito sa mga evacuation center, makapadala na tayo kaagad. Sapagkat iyong kanilang response baka isa o dalawang araw lang iyan, magti-take over na kami after the third day or during the third day and so on, Ma’am.

USEC. IGNACIO: Attorney, ito pong programang Public Briefing #Laging Handa ay bukas po para sa inyong pangangailangan. Pero may nais po ba kayong ipahatid na mensahe sa ating national government sa sitwasyon ninyo diyan? Kayo po ba ay may nais hilingin, go ahead, Attorney.

PALAWAN PROV’L ADMTR. BOLUSA: Alam ko naman po nagmu-monitor ang OCD and in constant communication iyong aming PDRRMO at nandito iyong kanilang representative, si Ma’am Shiela na handang magbigay ng ayuda sa probinsya. Natatandaan ko na napakagandang naibigay ng OCD at national government noong huling nananalasa iyong Typhoon Vinta at hindi ako nagdududa na sa ngayon ay matapos nating magkaroon ng disaster assessment, pagkatapos lang humupa ng kaunti iyong bagyo ay the national government would be able to step up and come in to help the provincial government of Palawan and the municipalities, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Attorney, panghuli na lamang. Sakali pong many mangailangan ng emergency sa mga residente ninyo, saan po sila maaaring tumawag, Attorney?

PALAWAN PROV’L ADMTR. BOLUSA: Yes po, may hotline po iyong ating PDRRMO, pero ang personal number ko po ay bukas rin parati 24/7 para sa kanila. Iyan po ay aming ibabahagi sa aming mga programa at bukas din po ang aming information office ngayon sa gitna ng kalamidad na ito, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong oras at pagbibigay impormasyon, Atty. Jay Bolusa ang Palawan Provincial Administrator. Stay safe po ang lahat nating mga kababayan diyan sa Palawan. Salamat po.

PALAWAN PROV’L ADMTR. BOLUSA: Maraming salamat po, Usec. Rocky at mabuhay kayo.

USEC. IGNACIO: Para po sa pinakahuling pangyayari sa iba pang mga lalawigan sa bansa. Puntahan natin si Merry Ann Bastasa ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Merry Ann Bastasa.

Leisure traveler sa Baguio inaasahang dadagsa sa mga susunod na araw, kaya naman bilang ng mga bisitang tatanggapin itinaas ng pamahalaang panlungsod. Ang detalye ng balitang iyan mula kay Phoebe Kate Valdez ng PTV-Cordillera:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng gobyerno sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Mga kababayan, walong araw na lamang po at Pasko na. Ingat po tayong lahat at nawa’y ligtas nating salubungin ang Kapaskuhan at Bagong Taon.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita po ulit tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center