USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas at sa buong mundo, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio.
Ngayong araw ng Martes muli tayong makikibalita sa mga ginagawang hakbang ng pamahalaan at pribadong sektor para tulungan ang mga lugar na malubha pong sinalanta ng Typhoon Odette. Kumustahin din natin ang ikalawang araw ng extended Bayanihan, Bakunahan 2 sa ilang rehiyon sa bansa.
Simulan na po natin ang makabuluhang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Una po sa ating mga balita: Personal na binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni Senator Bong Go ang lalawigan ng Negros Occidental na isa rin sa matinding hinagupit ng Bagyong Odette. Namahagi ang Pangulo ng ayuda at siniguro sa mga nasalanta ang mabilis na pagbibigay ng relief ng pamahalaan. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Bagama’t matinding paghahanda po ang ginawa ng mga lokal na pamahalaan sa pagdating po ng Bagyong Odette, hindi pa rin po makakaila na talaga pong ang lawak ng pinsalang idinulot nito sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao. At sa puntong ito, alamin po natin ang latest sa situational report sa lalawigan ng Surigao Del Sur mula po mismo kay Governor Alexander Pimentel. Magandang umaga po, Governor!
SURIGAO DEL SUR GOV. PIMENTEL: Magandang umaga din po sa inyo at sa lahat ng nakikinig ng radio, PTV-4.
USEC. IGNACIO: Opo. Naku, Governor, kumusta po ang aftermath ng Bagyong Odette diyan sa inyong lalawigan at gaano po kalawak ang naging pinsala?
SURIGAO DEL SUR GOV. PIMENTEL: Sa awa po ng Diyos hindi naman masyadong malaki iyong sa amin, iyong [garbled] lang ang medyo tinamaan pero ang grabe talaga ang Surigao Norte. Ang sa amin po as of ano… ang total number ng families affected 45,043; total individuals affected 104,257; ang evacuation center natin 398; ang persons injured isa lang; ang totally damaged na houses labindalawa lang; partial o partially damaged 225. At iyong ibang LGU [garbled] pa at wala pang kuryente hanggang ngayon po at saka ang communication nila mahirap.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, mayroon po bang napaulat sa inyo na casualty diyan sa Surigao del Sur dulot po ng bagyo, Governor?
SURIGAO DEL SUR GOV. PIMENTEL: Ah wala—awa ng Diyos, wala pong casualty. May sugatan lang na isa.
USEC. IGNACIO: Opo, mabuti naman po. Ano po iyong assistance na binibigay po ninyo sa mga residente naman pong nawalan ng tahanan dahil sa bagyo, Governor?
SURIGAO DEL SUR GOV. PIMENTEL: Ina-assist namin ngayon kasi binibigyan namin ‘yan eh ng—depende sa damage, binibigyan namin ng 10/20 thousand sa mga totally damaged.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero kumusta po iyong pamimigay ng tulong ng lokal na pamahalaan lalo iyong relief goods? Masasabi po ba nating sapat ito para sa mga susunod pang araw, Governor; hanggang kailan po kaya ang itatagal ng inyong supply?
SURIGAO DEL SUR GOV. PIMENTEL: Iyon na nga ang problema; kaya nga nagpatawag ako ng special session ngayon para mag-declare ng state of calamity kasi ang problema lahat ng LGUs konti lang ang calamity fund dahil nasa pandemic. So—pero nakapagbigay na kami ng mga food packs sa lahat ng—karamihan ng LGU at saka iyong province nakabigay na ng food packs sa mga… iyong nag-evac pero nagsiuwian naman.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero gaya po doon sa ibang lugar, Governor, pahirapan po iyong tubig at supply ng petrolyo pati kuryente sa inyong nasasakupan; kahit paano po ba ay natutugunan ito, iyong kanila pong pangangailangan, Governor?
SURIGAO DEL SUR GOV. PIMENTEL: Iyong kuryente lang naman iyong sa amin, iyong petrolyo kumpleto lahat. Hindi naman kami masyadong affected talaga, konti lang iyong mga damage dito. Pinapa-estimate ko pa kung iyong crops, iyong ano… umiikot pa kami ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. So sa palagay ninyo, Governor, sa magkano po aabutin iyong pinsala na dinulot po ng Odette sa inyong lalawigan?
SURIGAO DEL SUR GOV. PIMENTEL: Hindi ko pa ma-estimate dahil nag-iikot pa rin iyong mga PDRRMO at saka puro partial report pa lang ‘to. At sabi ko nga hindi naman kami masyadong tinamaan talaga, iyong mga northern municipalities lang at saka iyong mga—sa mga baybayin lang iyong kailangang magbigay ng mga food packs saka labindalawang bahay lang iyong totally damaged nga.
USEC. IGNACIO: Opo. So iyon pong supply ng kuryente sa inyong lalawigan ay maayos na rin naman po, Governor? Tuluy-tuloy lang po?
SURIGAO DEL SUR GOV. PIMENTEL: Iyong kalahati, iyong kalahati.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, sa tingin ninyo iyong rehabilitation mga kailan po itatagal ito at iyong mabilis po na pagsasaayos kung mayroon man pong nasirang imprastraktura diyan?
SURIGAO DEL SUR GOV. PIMENTEL: Sa awa ng Diyos wala pang report na may nasirang imprastraktura.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero kumusta po iyong ano—panghuli na lamang po, Governor. Ngayon po ba ay handa na ulit ang LGU na magpatuloy po dito sa ating mass vaccination? Katulad po ng nabanggit ninyo, hindi naman po ganoon nasalanta ang Surigao del Sur.
SURIGAO DEL SUR GOV. PIMENTEL: Nagsimula na. Nagsimula na ng vaccination lahat ng munisipyo.
USEC. IGNACIO: Opo. So magsisimula na rin po kayo, Governor?
SURIGAO DEL SUR GOV. PIMENTEL: Ah, nagsimula na. Nagsimula na.
USEC. IGNACIO: Opo. Okay. Governor, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagtanggap sa aming tawag ngayong umaga. Surigao del Sur Governor Alexander Pimentel. Ingat po, Governor! Dalangin po namin iyong mabilis po na pagbangon ng inyong lalawigan mula kay Odette. Mag-ingat po kayo diyan. Salamat po!
SURIGAO DEL SUR GOV. PIMENTEL: Maraming salamat.
USEC. IGNACIO: Sa probinsya naman po ng Bohol, pinipilit pa ring ituloy ng ilang negosyo ang kanilang operasyon kahit limitado ang supply ngayon ng mga kagamitan sa probinsya dahil po sa pananalasa ng Bagyong Odette. Narito po ang report ni Allan Francisco:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, lubhang apektado rin po ng Bagyong Odette ang mga kababayan nating bibiyahe pauwi sa kani-kanilang mga lugar. Karamihan nga po sa kanila ay stranded dahil sa bagyo. Kaya naman para po alamin ang lagay ng biyahe at ang mga paghihigpit na magaganap para po sa nalalapit na Pasko, makakasama po natin si Ms. Carmina Romero, ang spokesperson ng Cebu Pacific. Magandang umaga po, Ms. Carmina.
CEBU PAC SPOKESPERON ROMERO: Magandang umaga, Usec. Rocky. Magandang umaga sa viewers ninyo.
USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Carmina, tama po ba na tinatayang 25,000 passengers ng Cebu Pac ang naapektuhan ng inyong flight cancellations dahil po sa Bagyong Odette? At ano po ang ginawa ninyong aksiyon para raw po tulungan sila?
CEBU PAC SPOKESPERON ROMERO: Tama ka diyan, Usec. Rocky. So simula noong nagkaroon kami ng mga flight cancellations dahil nga dito kay Super Typhoon Odette, more than 25,000 passengers na ang naapektuhan ng mga cancellations. So kapag cancelled po ang flights, ang binibigay po naming option sa kanila, puwede po silang mag-rebook at no additional cost; puwede rin po nilang dahil muna sa travel fund para madali po silang makabiyahe sa ibang lugar at ibang panahon; at saka puwede rin pong mag-refund. Maayos na po ang refund system ng Cebu Pacific – in 60 days po mababalik po sa inyo iyong halaga ng inyong biyahe. So iyan po ang binibigay naming travel options sa mga cancelled flights.
Nagtatag din po kami ng mga flights na nagbibigay kami ng mga special waiver. Hindi cancelled ang flights pero kung ang mga pasahero ay nangangamba na bumiyahe, puwede rin po talagang mag-rebook at saka mag-travel fund muna. Ito po ay para sa peace of mind ng mga pasahero dahil nga po naging masama iyong lagay ng panahon nitong mga nakaraang araw.
USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Carmina, bakit po nagdesisyon na kanselahin ang mga flights po mula Manila to Surigao at Siargao hanggang February 2022, tama po ba ito? At may konsultasyon din po bang naganap sa LGUs tungkol dito?
CEBU PAC SPOKESPERON ROMERO: Nagbigay po sa amin ng NOTAM. Ang NOTAM po ay notice to airmen. Kapag nakatanggap po kami ng ganoong notice, ibig sabihin po, suspended ang operations sa isang airport. Pareho pong may NOTAM ang Surigao at Siargao. Ibig sabihin po nito, cancelled ang commercial flights at ang ia-allow lang po ay relief, humanitarian at government flights. Kaya po ang mayroon lang kami ngayon sa Siargao ay humanitarian or iuuwi namin iyong mga stranded individuals from Siargao to Manila. Pero wala pong commercial flights to and from Siargao kasi suspended po ang operations. Iyan po ay binigay sa aming notice, hanggang February 2022.
USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Carmina, may tanong lang po iyong ating kasamahan sa media na si Karen Villanda ng PTV. May mga report daw po na hindi na nagpapasakay ng pasahero ang Cebu Pac sa Siargao unless may previous tickets mula daw po December 16 hanggang 24, unlike ibang airlines daw po basta may ticket ay pinapasakay na ng eroplano out of humanitarian reason daw po. At makapagdagdag pa po ba ng flights ang Cebu Pac sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo para raw po makatanggap pa ng mga apektadong pasaherong nais pong bumiyahe?
CEBU PAC SPOKESPERON ROMERO: So ganito kasi iyong sitwasyon sa Siargao ano, iyong mga Cebu Pacific ticket holders, they remain our priority muna. Siargao Airport, iyon nga, katulad ng nabanggit ko kanina, has suspended operations for commercial travel until February 2022. So ngayon po, very limited ang capacity ng pasaherong naisasakay namin, and this is due to technical and aircraft capability, kasi wind condition is also a factor to aircraft capacity. So ang biyahe po ng eroplano ay laging depende sa lagay ng panahon and wind condition is a factor.
So kung nakikita po nila na parang may empty seats and what they see, that is for weight and balance which means we are very conservative and we are aiming for safety not that we don’t want to accommodate passengers. So today, we were able to accommodate 65 passengers with bags. So day to day po ito ina-assess namin, depende po sa lagay ng panahon at sa lakas ng hangin, pero priority po namin ang mga pasahero.
Iyong sa pangalawang tanong, kung magdadagdag kami ng flights, depende po iyan doon sa sitwasyon sa airport. Katulad nga po ng nabanggit ko, may suspension of operations sa Siargao at Surigao. Sa Cebu naman po, nag-resume ng operations ang Mactan Airport nitong December 19 at 9 A.M., but it still caters to limited domestic flights. Ang resumption ng international arrivals ay bukas, December 23 at 6 A.M. Pero from December 23 to December 25, only OFWs and Returning Filipinos who are Cebu residents will be allowed to board the aircraft. Ito po ay notice na ibinigay sa amin ng Mactan Airport; this is not a Cebu Pacific initiative. So nag-cancel po kami ng mga flights namin galing Dubai dahil dito. Ang sitwasyon po kasi ngayon sa Cebu ay mayroon pong hotel shortage, hotel room shortage na nangyayari, eh kasama po sa arrival protocols – ang Dubai ay Green country – so kailangan po ng hotel quarantine pag-landing ng pasahero. Pero dahil nga po sa kakulangan ng hotel rooms, nagkaroon ng ganitong sitwasyon na limited muna ang mga tatanggap na international arrivals sa Cebu.
So iyan po ang dahilan kung bakit kami nag-cancel ng flights galing Dubai to Cebu, at limited pa rin po ang domestic flights sa Cebu dahil na rin po sa sitwasyon doon.
USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Carmina, paano naman daw po puwedeng i-rebook ng mga pasahero iyon pong cancelled flights nila? Wala daw po bang additional cost, tama po ba ito?
CEBU PAC SPOKESPERON ROMERO: Correct, walang additional cost. Mag-rebook lang, punta lang sa manage booking – makikita po iyan sa apps o maski sa website ng cebupacificair.com. Madali lang pong ma-navigate iyong websites at iyong app at kung kailangan ninyo po ng assistance, puwede po kayong magpadala sa Cebu Pacific via sa comment section. Puwede rin po sa Twitter mag-direct message at saka sa website po namin mayroon kami doon si Charlie the chatbot. ‘Pag nag-message po doon, sasagutin po namin ang mga katanungan to assist the passengers.
USEC. IGNACIO: Opo. Miss Carmina, kumusta naman daw po iyong mga empleyado ng Cebu Pacific? Mayroon po ba na naapektuhan din ng bagyo? At kung mayroon man, ano po iyong assistance na ibinigay sa kanila at paano po ito nakaapekto sa operation ninyo?
CEBU PACIFIC SPOKESPERSON ROMERO: Iyon nga, USec. Rocky. So katulad nga ng residente ng—maski iyong mga kasamahan namin sa trabaho sa Cebu Pacific na naka-base sa Cebu ay affected din po. So, tinutulungan po namin sila, binibigyan ng assistance, naglilipad po kami doon ng mga basic needs – pagkain, tubig. Tinutulungan po namin iyong mga kasamahan po namin at dahil siyempre po hindi rin makapasok iyong iba dahil nasira iyong bahay, may kakulangan sa tubig, hindi makaligo bago pumasok.
Naglipad po kami ng augmentation team para iyon muna po ang mag-man ng mga counter namin, mag-assist sa mga flights para patuloy po kaming makalipad. So, ganoon muna ang ginagawa namin doon – we have about 600 employees affected in Cebu.
USEC. IGNACIO: Opo. Naku apat na araw na lamang po, Miss Carmina, ay Pasko na. Paano ninyo po pinaghahandaan itong darating na Pasko lalo na’t magbubukas na po ba kayo para sa international flights ngayong araw at marami po sa ating mga kababayan ang umuuwi sa kani-kanilang pamilya?
CEBU PACIFIC SPOKESPERSON ROMERO: Opo. Bukod lang naman doon sa tinamaan na biyahe galing Dubai, open naman po iyong ibang international destination namin katulad ng Hong Kong, Singapore, South Korea, China ongoing naman po. So outside of those affected destination, patuloy po ang flights ng Cebu Pacific.
Ang travel reminders lang po namin sa mga pasahero kasi ito pong linggong ito ay peak travel season. Merry Christmas to you ‘no, malapit na. Ang payo namin lagi be at the airport kahit domestic flights 3 hours before your departure. Kasi po, kung mapapansin ninyo mahaba na rin ang pila sa labas ng entrance ng NAIA 3 tapos may checking pa ng requirements kasi ‘di ba sa mga bawat destination, may mga requirement dahil mayroon tayong pandemya.
Itong international flights naman – be at the airport 4 hours before your departure. Tapos po make sure na kumpleto ang inyong requirements, dalhin ang original copy ng inyong LGU Vax card o kung mayroon po kayong VaxCert puwede po iyon. Pinapayuhan din po namin ang mga pasahero na mag-online check-in.
So, gamit po ang inyong cellphone o ang inyong website i-screenshot ninyo lang po iyong makukuhang boarding pass, puwede po iyon sa check-in counter. Hindi po katulad noong araw na nagpi-print pa tayo ng mga tickets at boarding passes.
Also, paalala ng Cebu Pacific, only one carry-on bag – meaning, pagka-check-in ninyo po ng inyong bagahe, pagsakay ninyo ng eroplano, dapat isa lang po ang bag na bitbit and also wear mask at all times. Hanggang ngayon pa rin po naka-mask sa eroplano, baka ma-deny po sa boarding ‘pag hindi nag-mask.
USEC. IGNACIO: Opo. May additional Omicron positive case na naman po ang Pilipinas kahapon. Ano po ang ginagawa ng Cebu Pacific para tiyaking ligtas po sa COVID ang bawat biyahe ninyo?
CEBU PACIFIC SPOKESPERSON ROMERO: Ang Cebu Pacific po, 100% ng aming flying crew – active flying crew – ay fully vaccinated, so ligtas po na makahalubilo ang aming mga staff at ang aming cabin staff. Tapos po regularly po linis at sina-sanitize ang mga eroplano at saka iyong mga pasahero, part po iyan ng protocol.
Mayroon din po kami ng hepa-grade filter sa loob ng eroplano. So, every 2 minutes po nililinis niyan ang hangin sa loob ng eroplano para ligtas po ang flights para sa mga pasahero. Saka po base na rin po sa pag-aaral, very minimal ang transmission ng virus sa loob ng eroplano given the protocols that we do.
USEC. IGNACIO: Opo. Miss Carmina, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga. Miss Carmina Romero, ang Spokesperson ng Cebu Pacific. Ingat po kayo at salamat po!
CEBU PACIFIC SPOKESPERSON ROMERO: Ingat, ma’am. Merry Christmas.
USEC. IGNACIO: Samantala dumako naman tayo sa mga huling tala ng COVID-19 cases sa bansa. As of 4 P.M. kahapon:
- Nakapagtala na ng total COVID cases count na 2,837,730 ang Kagawaran ng Kalusugan kung saan 263 ang mga bagong nadagdag.
- Nakapagtala naman ng 390 new recoveries sa bansa kaya naman po umabot na ito sa 2,777,354 total recovery.Sa kabilang banda, 45 naman po ang nadagdag sa mga nasawi kung kaya pumalo na ito 50,784 ang bilang ng lahat na pumanaw sa sakit.
- Mababa na lamang po sa 9,592 o 0.3% mula sa kabuuan ng COVID-19 cases sa bansa ang nanatiling aktibo sa ngayon.
Sa punto pong ito, kukumustahin po natin ang ikalawang araw ng extended Bayanihan, Bakunahan 2 sa ilang lugar sa bansa. Muli po natin makakausap si Healt Undersecretary Myrna Cabotaje. Magandang umaga po Usec! USec. Myrna? Okay. Babalikan po natin si USec. Myrna Cabotaje.
Samantala, tuluy-tuloy po ang paghahatid ng tulong ng tanggapan ni Senator Bong Go at ilang ahensiya ng pamahalaan sa mga residente na apektado ng pandemya, kahapon mga taga Davao City ang hinatiran nila ng tulong. Narito ang report:
[NES REPORT]
USEC. IGNACIO: Bukod po sa mga bahay at imprastraktura na nasira ng ulan at hangin, nasalanta rin ng Bagyong Odette ang telecommunication lines sa ilang lugar sa bansa.
Ang ating kukumustahin po ngayong umaga ay ang ginawang aksiyon ng Department of Information and Communication Technology (DICT) para mabilis na maibalik ang serbisyong ito.
Makakasama po natin sina DICT Acting Secretary Manny Caintic at Undersecretary Alan Silor. Magandang umaga po sa inyo.
DICT USEC. CAINTIC: Magandang hapon, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Sir Manny, may report na po ba sa inyo kung ilan at saan-saang mga lugar po iyong nawalan ng telecommunication lines?
DICT USEC. CAINTIC: Mayroon tayong iilang mga probinsiya na medyo malakas ang tama ng bagyo – Siargao, Surigao, Dinagat. Pinuntahan po namin mismo noong Linggo ang mga lugar na ito, wala pa talagang communication lines doon dahil may mga ilang tore na nawalan ng koneksiyon sa kanilang fiber backhaul.
May mga ilang tore din na tinamaan, pero mostly iyong kanilang fiber backhaul na nagbibigay sa kanila ng signal at connection to their main services. Tuluy-tuloy naman ang ating pakikipagtulungan sa kanila para agad-agad nilang maibalik ang kanilang mga serbisyo.
USEC. IGNACIO: Opo. Kailan po kaya maisasaayos ang mga ito, Usec.?
DICT USEC. CAINTIC: Sa ngayon, wala akong maibigay na eksaktong petsa para diyan ano pero ang ating tinutulong is iyong pagtulong sa kanila sa kanilang kakayahan para mai-transport ang kanilang mga tauhan at mga kagamitan para maayos ang mga tore at ang mga fiber cuts.
Kabilang din dito sa ating pagtutulungan iyong transport nga nila at saka iyong pag-clearing ng mga nahulog na mga poste ng mga kuryente kasi kung walang power, Usec. Rocky, mahirapan silang ibalik kaagad ang serbisyo, kailangan kasi ng kuryente.
Kabilang din dito iyong mga road clearing na kailangan at saka mga clearances para makapaglayag sila at makapagpalipad.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Manny, habang naghihintay po tayo na maisaayos ang telecom lines sa mga lugar na nasalanta, ano po ang pansamantalang tulong ng DICT sa mga residente doon lalo’t marami po ang umaasa sa signal para po makahingi sila ng tulong at masabi man lang din po nila sa kanilang mga kaanak na sila po ay ligtas?
DICT USEC. CAINTIC: Usec. Rocky, apat ang ating response mechanism ano.
Una, ang pinakaimportante muna sa lahat is magkaroon ng kakayahan ang mga probinsiya at saka iyong kanilang mga munisipyo at mga town sa kanilang mga lalawigan na magkaroon ng tamang coordination. Kung kaya inayos namin ngayon ang kanilang communication lines for emergency purposes sa tulong ng VSATs at saka mga emergency communications equipment – mga sat phones, at lahat.
So, bawat mayor na tinamaan at saka iyong bawat governor magkakapag-usap. Mayroon na, binibigyan namin iyong bawat probinsiya na nai-pre-deploy pero iyong mga munisipyo at towns kailangan pa ng mga telecommunications para tuluy-tuloy ang kanilang coordination.
Pangalawa, ang sunod nating inaayos is iyong kaantabay dito iyong magtatag ulit ng free Wi-Fi sites doon sa mismong tinamaan. Lalagyan ng VSAT para magkaroon ng signal, internet at saka magkakaroon ng access ang mga tao sa internet, sa Wi-Fi through the Wi-Fi routers.
Pangatlo po, gagawa tayo ng mga Tawag Centers. So, iyong Tawag Centers also equipped with a VSAT, a mobile cellular-based station para puwede sila doon mag-aggregate/congregate sa mga lugar na iyan at makakapag-text, makakatawag sila.
Tapos may mga nakalap din tayong mga equipment at systems para sa mga mismong ground zero. Iyong mga long-range radios kasi minsan puwede din siyang gamitin para makatawag ka sa inyong mga mahal sa buhay at makapagsabi kung anong kalagayan ninyo.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Manny, ito po ba ay makakatulong para po ma-fast track o mapabilis iyong pagkalap ng mga impormasyon sa kaligtasan po ng mga residente? Kasi sa Cebu daw po in particular ay medyo hirap po sa pagkumpirma kung ilan po iyong missing, iyon pong nasawi at ang mga ari-arian na nasira dahil nga po sa bagsak na communication line.
DICT USEC. CAINTIC: Tama kayo, Usec. Rocky ‘no. Kaya itong mga inilalagay natin, primarily muna, emergency response and confirmation of casualties. So, kapag na-fast track namin ito, bantayan ninyo rin iyong mga social media namin sa DICT kasi doon din namin ilalagay ang estado ng bawat town.
So, sa mga susunod na araw tingnan mo lang ang social media namin, ng DICT at malalaman mo kung paano ma ma-reach iyong inyong municipality. We will keep our social media posts up to date by the hour.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Manny, may tanong lang po iyong kasamahan natin sa media. May tanong po sa inyo si Sam Medenilla ng Business Mirror: Kailan po expected na ma-restore ang communication lines sa Surigao, Siargao at Dinagat Islands?
DICT USEC. CAINTIC: Tulad ng sinabi ko kanina, doon ako mismo noong Linggo. Sinusubukan matapos ngayong buwan ang pinakamabilis. Ang una nating inaayos muna iyong power; ma-clear muna ang mga natumbang mga poste ng power kasi hanggang hindi iyon natin maayos, hindi rin sila makakuha ng kuryente.
So, siguro ngayong linggo namin iyan aayusin with the Department of Energy and Department of Public Works. Pagkatapos, nagpadala na po ang Globe at Smart at other telecom providers pati internet service providers ng mga engineers onsite. So, hintayin lang natin nang ilang araw. Thank you po.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Manny, hingin ko na rin po iyong update dito naman sa VaxCertPH. May backlog pa rin po ba sa ngayon ang mga datos na ini-encode mula daw po sa mga LGU?
DICT USEC. CAINTIC: Oo, Usec. Rocky. So, tuluy-tuloy pa rin ang ating pakikipagtulungan sa ating mga LGUs ‘no.
Huwag kayong masyadong mag-alala, Usec. Rocky at mga kababayan natin. Noted namin na uunahin ang ating mga OFWs at mga international travelers. Maayos ang ating contact center diyan. Inaayos din namin ngayon ang sistema para mas lalo pang mapadali, mapabilis ang pagresponde ng mga LGUs sa pag-encode ng datos. Challenge lang ngayon, Usec. Rocky, sa mga iilang lugar nawalan pa tuloy ng internet so, kaya inuuna din natin silang tulungan.
Pero Usec. Rocky, hindi iyong vaxcert ang importante dito sa National Vaccination Days kung tatanungin ninyo na rin din, sasagutin ko na lang din, iyong importante kasing datos namin is iyong estado ng kanilang mga stock supplies muna para ma-sure natin na walang masisirang mga vaccine.
USEC. IGNACIO: Opo. Ngayon po ba ay ilang vaxcert na rin po ba in total iyong na-release po ninyo?
DICT USEC. CAINTIC: Sa kasalukuyang datos na nakuha ko, may four million certificates na kaming issued. So, marami na.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., Acting Secretary Manny Caintic, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga. Kami po ay hihingi pa rin po ng mga updates kasi po iyong ating mga kaibigan diyan sa mga lugar po na nasalanta ay talaga pong nahihirapan talaga sa kanilang mga komunikasyon.
Mabuhay po kayo and stay safe po.
DICT USEC. CAINTIC: Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Samantala, DPWH-Cordillera, mas paiigtingin pa ang pagsiserbisyo sa lalawigan sa susunod na taon. Narito ang report ni Phoebe Kate Valdez.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Sa puntong ito kumustahin natin ang ikalawang araw na extended Bayanihan Bakunahan 2 sa ilang lugar sa bansa, muli po nating makakausap si Health Undersecretary Myrna Cabotaje. Magandang umaga po, Usec!
DOH USEC. CABOTAJE: Magandang umaga ulit, USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., ilang doses na daw po ang naiturok kahapon at in total ay ilan na po lahat ang nabakunahan sa bansa?
DOH USEC. CABOTAJE: Nakabawi tayo kahapon, USec. Rocky. Naka-1,039,000 tayong doses kahapon, for a total simula noong December 15 ng 3.7 million sa buong bansa.
USEC. IGNACIO: Opo. Anong mga bakuna daw po iyong pinakamarami naiturok natin, first dose, second dose o booster shot; at mula daw po saang sector ang pinakamarami?
DOH USEC. CABOTAJE: Ang pinakamaraming nabakunahan kahapon ay iyong ating mga second doses, almost one half ang ating second doses kahapon 2.1 million ang second dose at 1.1 ang ating first dose. May mga 289,00o na booster.
In terms of the sector, marami pa rin ang ating pediatric population, tapos sumunod iyong rest of the adults, tapos iyong mga ibang priority groups ay nababakunahan din.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., ngayong ikalawang araw ng extended run natin, may running tally na po ba tayo ngayong umaga?
DOH USEC. CABOTAJE: 3.7 ang ating—from December 15 to December 20, USec. Rocky, iyong ating running total ng nabakunahan from December 15 up to today.
USEC. IGNACIO: Opo. Sana maibalik lang ng PTV daw iyong unang slide na ipinakita ninyo doon sa total cases na nabakunahan. Nanatili pa daw pong mas orderly itong pagbabakuna sa mga lugar na nagsagawa ngayon under Bayanihan Bakunahan 2?
DOH USEC. CABOTAJE: Well, orderly, kasi they learned from their past experiences, pero concentrate kasi iyong mga [garbled] kasi halos sa mga malalaking mall, dumagsa na iyong tao noong NVD 1, kaya ngayon na NVD 2 ay pumupunta sila sa mas maliliit na area. And of course, nagkaroon tayo ng typhoon, so medyo magulo sa ibang areas.
Actually in Region 8, they even used tents as vaccination site para lang ituluy-tuloy iyong ating bakunahan.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Athena Imperial ng GMA News: May update po ba o reports from regions regarding their vaccine; wala naman po ba daw naitalang any untoward incident o problema simula pa kahapon?
DOH USEC. CABOTAJE: Iyon lang unang nai-report natin, USec. Rocky, na about 100 vials of Pfizer that is 6,000 doses sa Bingawan, Iloilo province na lumagpas sa 30 days na storage, wala pa po tayong nakukuhang additional report.
Many of our areas, sinabing okay na iyong vaccine, pero hinihintay pa rin natin iyong mga galing sa Negros Occidental; sa buong Region VII, wala pa tayong report; part of Southern Leyte; tapos sa Caraga, sa Surigao Norte at saka Dinagat Island kung kumusta iyong kanilang status ng kanilang mga bakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Mark Fetalco ng PTV News: So far gaano po karaming doses na po ng Janssen vaccine ang target ubusin ng NVOC para ma-boost ang number of fully vaccinated sa bansa lalo at ang target po ay 54 million fully vaccinated individuals bago matapos ang taon?
DOH USEC. CABOTAJE: We are looking at using all the 9 million na dumating para maka-reach tayo na 54 million. Pero alam natin na kailangan na doble, tripleng effort especially in many areas, babawian natin iyong hindi nagbabakuna doon sa areas na hindi nasalanta ng bagyo kagaya ng Region III and Region IV-A. Sana humataw pa sila, mas marami pa silang mabakunahan, para iyong hindi magbabakuna ay ma-offset naman. With some difficulty but we are still optimistic na ma-meet natin iyong 54 million at the end of this year, USec. Rocky
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod po niyang tanong: Paano po ang gagawing strategy ng pamahalaan para matiyak na nakakapagturok po ng second dose ang mga kababayan nating nabakunahan ng first dose sa unang round ng Bayanihan Bakunahan lalo na po sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Odette at ilan po ang naka-schedule na makakatanggap ng second dose ngayong linggo sa tala po ng NVOC?
DOH USEC. CABOTAJE: Kagaya ng naibalita natin kanina, USec. Rocky, iyong ating second dose ay 2.1 million; ang ating first dose ay 1.1 million. Ibig sabihin nagki-kick in na iyong mga kailangang ma-second dose ngayong linggo na ito. Pinag-usapan natin lahat ng ating mga regional offices na talagang tingnan ano ba iyong mga due second dose sa mga iba’t ibang area para hanapin at tingnan na mai-jab iyong kanilang mga second doses. Kasama din po iyong adbokasiya, pagpapa-remind sa mga tao na kailangang bumalik para sa kanilang second dose.
USEC. IGNACIO: Opo. Panghuli pong tanong ni Mark Fetalco: Maaari po bang ma-delay ang second dose lalo at may ilang LGU po ang tigil muna para unahin po iyong rehabilitation?
DOH USEC. CABOTAJE: Yes, USec. Rocky mayroon tayong minimum interval – ito iyong 21 days Pfizer, tapos 28 days Moderna, tapos mga 28 days sa Sinovac at 4 weeks na sa AstraZeneca. But then we can have an optimum maximum interval between the doses of 3 to 6 months. So puwede pang ibakuna iyan, basta ready ng magbakuna iyong ating mga mamamayan.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Vivienne Gulla ng ABS-CBN: Ilan pa po daw na LGUs ang hindi nakalahok sa National COVID Vaccination drive part 2 kahapon at ngayon dahil po sa pinsala ng bagyong Odette; at anu-anong LGUs po ito, kailan po sila inaasahang makakapagtuloy ng pagbabakuna ng COVID-19?
DOH USEC. CABOTAJE: We don’t have the exact number, but we are looking at Northern Palawan, hindi pa sila nag-resume, tapos mga 14 municipalities ng Negros Occidental, hindi pa sila nagbakuna, 17 pa lang ang nagbakuna out of 31. Iyong Region 7 wala pa tayong concrete information, sa Region VIII, tinitingnan ulit natin iyong Southern Leyte kung nag-resume na. Tapos sa Caraga hindi pa nag-resume ang Surigao Del Norte at Dinagat Island. So, sila na lang ang binabantayan natin. Rest of the areas nagsimula na o tuluy-tuloy iyong kanilang bakunahan, USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo, sunod pa rin pong tanong ni Vivienne Gulla ng ABS-CBN: Paano po maapektuhan nitong pananalasa ni Odette ang pag-abot natin sa target na makumpleto ang bakuna na 54 million Filipino sa katapusan ng taon? Higit sampong milyon pa ang layo natin sa target na iyon. At mayroon na lang pong sampung araw bago matapos ang taon, kasama pa po iyong weekends at Pasko. So, ano daw po iyong plano para mapabilis ang pagbabakuna?
DOH USEC. CABOTAJE: Iyon, medyo mahihirapan tayo ngayon, kasi karamihan sa mga apektadong lugar sa Region VI, Region VII, Region VIII at saka Caraga. Many of them are starting on next week, so ang ating pakiusap ay kahit Sabado at Linggo, kasi Christmas ngayon may break tayo ng 24, 25, 26, i-ramp up nila kung saan puwedeng bilisan at damihan doon na lang babawi tayo sa ibang mga areas.
Nagbigay tayo ng specific targets na mas mataas sa iba’t ibang areas na puwedeng magbakuna at binawasan natin iyong target sa mga hindi magbabakuna. Tingnan natin kung maiaarangkada nila, maihahataw nila sa mga areas na inaasahan natin kagaya ng Region III at saka Region IV-A. Medyo malaki-laki ang population ng Region VII, so kung hindi pa sila mag-start, medyo mahihirapan tayong umabot ng 54 million by the end of this year.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Vivienne Gulla: Bukod daw po sa 600 Pfizer doses na wastage sa Region VI, may iba pa daw po bang bakuna mula sa ibang rehiyon ang nasira noong bagyo at ano po ang dahilan ng pagkasira?
DOH USEC. CABOTAJE: Wala pang report, kasi nga communications are very poor pero may tinitingnan tayong mga 24,000 sa Region VI kasama ang sa Bingawan, 600 doses ng Pfizer. Ang karamihan na ang magiging dahilan ay iyong hindi mami-maintain iyong temperature niya kasi either bumagsak na iyong temperatura sa mga refrigerator, hindi gumana iyong ating mga emergency generators kasi sa ibang area walang fuel.
Although sinabihan naman natin na sa mga areas na malapit nang magkaroon ng problema sa temperature, ibakuna na kung puwede nang ibakuna. Tapos sa ibang area naman, kukunin, iyong tinatawag na i-extract. Kapag alanganin iyong cold chain facility, kukunin ng probinsiya o kukunin ng region at ilalagak sa mga areas na mas stable ang kuryente at mas matagal na puwedeng i-keep iyong kaniyang temperature.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Red Mendoza ng Manila Times: Doon po sa nilabas na advisory ng extended shelf life ng mga bakuna ng DOH, ibig po bang sabihin na ang 100,000 na bakuna ng AstraZeneca na diumano ay nag-expire ay puwede pa pong gamitin past the November 30 expiry date at back to 6 months? May mga bakuna po ba na na-extend na rin ang shelf life dahil sa bagong advisory ng DOH?
DOH USEC. CABOTAJE: Iyon lang pong—una, Usec. Rocky, iyong AstraZeneca kasi inaral iyon depende sa batch number at nakitang stable. So pinag-aralan ng manufacturer tapos inaprubahan ng ating FDA. Sa iba, it is also being studied ‘no, inaaral nila, niri-review nila iyong mga stability data para aprubahan o hindi iyong pag-extend ng kaniyang shelf life.
Alam naman natin ang mga bakuna ay mga bago, halos isang taon pa lang na nagbibigay tayo ng bakuna kaya hindi talaga proven and tested kung gaano katagal iyong kaniyang shelf life kaya nag-i-extend based on stability data iyong namu-monitor nila habang tumatagal ang bakunahan.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin, Health Undersecretary Myrna Cabotaje. Mabuhay po kayo, Usec.
DOH USEC. CABOTAJE: Thank you. Merry Christmas sa iyo Usec. Rocky at lahat ng nakikinig sa atin.
USEC. IGNACIO: Merry Christmas din po.
Samantala, puntahan natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Ihahatid iyan ni Ria Arevalo:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.
Mula pa rin po sa Davao, pinangunahan kahapon ng Police Regional Office XI ang sendoff sa relief operations ng Davao City para sa mga sinalanta ng Bagyong Odette. Ang detalye, hatid ni Julius Pacot:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
Maraming salamat din sa muli ninyong pagsama sa amin ngayong umaga. Paalala lamang po na patuloy tayong mag-ingat lalo na at apat na araw na lamang po, Pasko na.
Magkita-kita po tayong muli bukas. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)