Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas, ganoon din sa ating mga kababayan saan mang sulok ng mundo.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio na muli ninyong makakasama ngayong umaga upang pag-usapan po ang mga napapanahong issue sa bansa. Ating tatalakayin kung solusyon nga ba sa lumulobong bilang ng mga nagkaka-COVID-19 sa bansa ang mga ipinatutupad na ‘NO Vaxx, No Labas’ ngayon sa Metro. At mamaya po muli nating kukumustahin ang ilang lugar at sektor na lubha po talagang naapektuhan ng Bagyong Odette.

Simulan na po natin dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Samantala, patuloy naman pong umaasa si Senate Committee Chair on Health Senator Bong Go na maipapasa ang inihain niyang panukalang batas na magbubuo ng Department of Disaster Resilience sa Pilipinas. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Dahil po sa naganap na holiday season, hindi po mapigilan ang ating mga kababayan sa paglabas sa kanilang mga tahanan – ang naging resulta nito ang muli pong paglobo ng bilang ng mga nagkaka-COVID sa bansa. Kaya naman po kasunod ng pagdideklara ng Alert Level 3 sa Metro Manila bilang pag-iingat na rin sa banta ng Omicron variant, napagkasunduan din ng Metro Manila Council ang pagpapatupad ng ‘No Vaxx, No Labas’. Alamin natin ang iba pang detalye niyan, kasama po natin si MMDA Chairman Benhur Abalos. Magandang umaga po, Chair!

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Magandang umaga Usec. Rocky at sa lahat po ng mga nakikinig at nanunood po ngayong tanghali. Magandang umaga po!

USEC. IGNACIO: Opo. Chair, aligned na po ba sa bawat LGU itong mga paghihigpit na ipinatutupad ngayon sa mga unvaccinated at paano daw po masisigurong masusunod ito?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well for one ‘no, dapat parati po nating dala ang ating mga ID at of course ang ating vaccination card. Magkakaroon tayo ng mga random mga check po nito ‘no kung sakali ‘no. Titingnan po ito sa lahat ng mga gusali na papasok ‘no, random po ito at of course makikipag-ugnayan tayo sa mga kapulisyahan to make sure that we are really serious on this, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Kaugnay niyan, may tanong po ang ating kasamahan, Chair, na si Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: Metro Mayors have unanimously agreed to pass ordinances that will restrict the movement daw po and activities of unvaccinated people in the National Capital Region. Do we have the manpower to enforce this; at paano daw po ang implementation nito?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Magtutulungan po ang national government through the National Police ‘no and of course ang mga kawani po natin sa LGU at kasama na ang mga private po rito – sa mga malls, etcetera – to make sure na ma-implement po natin ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Triciah Terada ng CNN Philippines: Nakapag-decide na po ang MMDA kung kailan magta-take effect ang approved resolution ng Metro Manila Council restricting the movement of unvaccinated and partially vaccinated?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, let me state this very clearly ‘no. Wala pong lawmaking power ang MMDA o ang Metro Manila Council – this is a resolution ‘no. Ibig sabihin it’s a manifestation na lahat po ng mga alkalde through their local government units and all respective councils ay gagawa ng kaniya-kaniyang ordinance na uniformed ‘no; so ito po ay gagawin ng bawat city o municipal council ng bawat local government units in Metro Manila. Pero mabilis na lang po ito dahil may template na po kami.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Triciah Terada ng CNN Philippines: Are children restricted in malls again or will they be allowed provided that they are accompanied by vaccinated parents or guardians?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well iyon nga ‘no, iyong mga tanong dito – let me just refer you dito sa tinatawag nating Alert Level 3 ‘no. Actually it’s more of a IATF resolution. Ang nasabi niya is that:

Intrazonal and interzonal movement shall be allowed. However, reasonable restrictions may be imposed by the LGUs.
It should not be stricter or those prescribed under higher alert levels and subject to the oversight, monitoring, evaluation of their respective IATF.
Provided that those below 18 years of age and those belonging to the vulnerable population shall be allowed access to obtain essential goods and services or for work in permitted industries and offices in accordance with the existing labor laws, rules and regulations.
Individual outdoor exercises shall also be allowed for all ages regardless of comorbidities or vaccination status.

Iyan po ang IATF. I-correlate po natin ito naman sa sinasabi nitong—sabagay wala pa kasing LGU ordinance pero ito’y may koneksiyon rin dahil sinasabi iyong mga unvaccinated ‘no – and some of our minors are really unvaccinated. So may mga prohibition po ito ‘no to make it fast ‘no.

Number one, they should remain in their residences at all times except for the procurement of essential goods and services ‘no – may mga exemptions po ito – dental, etcetera, etcetera. However, outdoor exercises shall be allowed within the general area of residence – that is the barangay, the purok, etcetera.

Number two, pinagbabawal po ‘no, of course kung ang mga bata ay hindi bakunado, iyong indoor and outdoor al fresco dine-in restaurants and other food establishments, kasama ang leisure, social trips to malls, hotels, events, sports, country clubs and similar facilities. And of course iyong pagbiyahe ‘no sa domestic via public transportation – by land, sea and air ‘no. Pero of course may exceptions siguro ito sa pagbili ng pagkain, tubig, mga gamot, public utilities, trabaho, energy etcetera ‘no. So iyon more or less pagdating po rito sa mga tinatawag na menor de edad.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Jayson Rubrico ng SMNI News: May iilan po ba na mga alkalde na hindi pabor sa pagpapatupad doon sa vaccination restrictions; kung mayroon naman daw po, ano po ang kani-kanilang mga dahilan?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Kung hindi ako nagkakamali, may isang alkalde ang hindi pumirma po rito, oho. Hindi ko pa siya nakakausap sa kaniyang dahilan ukol dito dahil paspasan po kami rito noong ginawa po namin ito. Dahil sa totoo lang, Usec. Rocky ‘no, let me tell you at sa mga nakikinig bakit ginawa ng mga alkalde ito.

Kahapon we’ve got 7,838 cases. Ang nakakabigla rito, -51% tayo – iyong tinatawag na growth rate ‘no – this was November 21 to about December 18 ‘no – December 25, –51%. Pagdating natin noong December 31, iyong negative 51% ay naging 285% — this was December 18 to 31 ‘no. At hindi lamang iyon, in just one day, from December 31 na 285%, ito ay naging 501%. At sa dami ng kaso, talagang ang pinakakawawa rito ay iyong mga walang bakuna.

But let me remind everyone here and I would also like to quote the [resolution] itself na, “The resolution shall be in force and effect while the COVID-19 alert level in the NCR is Alert Level 3 or higher and shall be automatically be lifted once Alert Level 2 or lower is declared.” Ibig sabihin, pansamantala lang ito habang talagang rumaragasa ang kaso ngayon. So kung titingnan mo, ito ay para proteksiyunan pa ang ating hindi bakunado dahil talagang apektado po sila rito.

USEC. IGNACIO: Opo. Chair, ngayon po ba ay ilang porsiyento po iyong mga hindi pa nababakunahan dito sa Metro Manila? Kaugnay rin po iyan nang sunod na tanong ni Jayson Rubrico ng SMNI: Paano raw po iyong mga individuals na may allergies [garbled] o hindi pupuwedeng mabakunahan dahil sa kanilang medical condition? Masasali pa rin po ba daw sila sa mga restriction at hindi puwedeng makalabas ng bahay?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, iyong mga ganoong bagay, they should be really exempted ‘no. Hindi naman—I mean, of course, that’s very understandable; that’s medical condition.

Pero iyong sinasabi natin kung gaano kadami, kausap ko si Sec. Vince kanina, siguro ballpark figure, mga 100 to about 250,000 more or less ‘no. Kasi sa atin, alam naman natin very porous ang Metro Manila, ang daming nagpupunta sa atin, mga kapitbahay natin. Lumalabas nga sa bakuna, iyong ibang LGUs is more than 100%. But let us keep in mind, nagbakuna tayo even though iyong mga hindi residente ng NCR, maski mga trabahador natin sa mga different establishments ‘no. Pero in our estimate, mga around 100 to about 250,000 more or less.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po, Chair, ni Gerard dela Peña ng TV5: Paano po ipatutupad ang “no vaccine, no ride” policy sa mga jeepney?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, ganoon din ano, as much as possible kung jeepney, sa totoo lang, napakahirap talaga sa ngayon ‘no dahil buong Metro Manila ito. Kaya importante pagtutulungan ng bawat isa, ng local government, ng nasa baba natin, pati MMDA ay tutulong dito, ng pribado, ng mga may-ari ng mga malls ‘no, pati na rin of course ang mga kapulisan natin. Tutulong po rito ang ating DOTr. Nakakuha nga ako ng sulat sa kanila at natutuwa po ako at nakikiisa po sila rito.

Mayroon silang pinasang mga—mamaya, hahanapin ko lang! Ito, sumulat ang Department of Transportation at ang sinabi nila, “That in the interest of public health safety of commuters, all bus companies, transport organizations and PUV operators are advised to closely supervise their drivers and conductors and ensure compliance within the seven commandments of public transport to wit: Number one, wear masks; number two, no talking and making phone calls. Bawal po ang magsalita at, of course, tumawag habang nasa pampublikong sasakyan. Bawal lalo ang kumain dahil tinatanggal mo ang mask; keep public utility vehicles well-ventilated; conduct of frequent disinfection; no passengers with COVID-19 symptoms are to be allowed inside the public transportation – iyong mga inuubo, mga ano, bawal po iyan; observe appropriate physical distancing rule.

LTO enforcers with assistance of the PNP enforcers were directed to strictly enforce the seven commandments particularly the 70% maximum passenger capacity limit. Signed, Acting Director Attorney Clarence Guinto. Ito po ay sa Department of Transportation and Land Transportation Office po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Chair, paano naman daw po iyong mga naninirahan outside Metro Manila pero dito nagtatrabaho, required din po ba raw sila maging fully vaccinated o kaya ay magprisenta ng RT-PCR test result? May mga napag-usapan na po ba kayo kung saan-saan sakali ang magiging checkpoint or kagaya pa rin ito ng dati?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, ganito po iyan ‘no, ito ay covered talaga ang buong NCR. Kung papasok ka ng NCR, kailangan sumunod ka sa protocols ng NCR. Kung sakali namang hindi ka bakunado, nakalagay po rito sa Number 4 – this is just a reiteration lang po ng ginawa ng IATF at kung marapatin ninyo pong basahin ko – iyong mga trabahador ‘no, they will be required to undergo an RT-PCR every two weeks at their personal expense and present a COVID-19 negative result prior to be admitted to work onsite consistent with the guidelines, rules and regulations by the IATF and the Department of Labor. Provided, however, that in the event the RT-PCR test or result is or are not immediately available, a Rapid Antigen Test may be utilized in lieu thereof.

So iyon po ang sagot dito, kung ikaw ay taga-labas, papasok ka, hindi ka bakunado, dalhin mo po iyong RT-PCR mo pero dapat iyong date, titingnan po iyang maigi and of course, titingnan din kung saan ka magtatrabaho. Ipakita mo iyong employment ID mo para ma-cover ka nito.

USEC. IGNACIO: Opo. Chair, ito iyong lagi ring tinatanong, kung magkakaroon daw po ba ng libreng RT-PCR test ang bawat LGU kasabay po ng pagpapaigting ng ating PDITR strategy ng pamahalaan dito po sa ilalim ng Alert Level 3?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, actually, tinatanong ko iyan ‘no kay Sec. Vince Dizon ‘no. Iyong mga antigen, etc., mga RT-PCR, nasa mga LGUs po iyan ‘no. Kung hindi ako nagkakamali, iyong iba diyan ay may mga libre ‘no. Pero aalamin ko hong maigi. Ang pagkakaalam ko parang ganoon na rin, ano.

In any case, ang pinaghandaan naman dito not only about testing, Usec. Rocky, kasama na ang mga contact tracers natin. At nagpapasalamat ako kay Secretary Bello ng Department of Labor dahil pa-expire na – itong December halos expired na ang contact tracers ng TUPAD ng Department of Labor, ng Department of Health ‘no, iyong mga nurses at kasama na ang mga DILG – pero napakagaling at napakabait nila Secretary Duque, Secretary Año, Secretary Bello at naunawaan nila ang kalagayan ngayon, nasa gitna tayo ng giyera. Kaya nauna na ang DOLE at ito ay kanilang inano kaagad ‘no, ni-renew kaagad. Ang DILG ay titingnan nila dahil may legality po ito sa budget, kasama na ang Department of Health.

Pero ganoon pa man, ang gesture nila, sabi nila, “Chair, sige huwag kang mag-alala, pipilitin naming ma-renew kaagad silang lahat.” So [garbled] testing [garbled] isolation. Dati kasi halos wala na tayong isolation, pinasarado, pero ngayon talagang nagbubukasan na ang mga isolation ng ating mga LGUs ulit.

USEC. IGNACIO: Opo. Chair, sinabi kahapon ng DTI na around 100,000 to 200,000 na mga trabaho po ang maaapektuhan. May ayuda po bang pinag-uusapan na inihahanda ang Metro Manila LGUs sa mga maaapektuhan ang kanilang mga trabaho?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Klaruhin ko lang po ‘no, ang tinatawag na ayuda ay dalawang bagay ‘no. Iyong ayuda noong ECQ na nagbibigay ng pera ‘no, pero tingin ko hindi na po mapupunta roon ‘no; at iyong ayuda naman na iyong granular lockdowns, may formula tayo diyan. Let’s say, ang isang floor sa condominium, tatlong floors ay tinamaan, wala nang choice ang LGU kung hindi isarado ang condominium na iyon, ang certain floor na iyon, iyon po iyong ayuda na mga grocery. Ito ay tinutulungan po ito ng LGU para naman kasi bawal sila masyadong lumabas baka makahawa, binibigyan po iyan ng mga pagkain, kaunting assistance and, of course, ng ating DSWD. Ang tawag po diyan ay mga granular lockdowns ‘no, iyan ay itutuloy pa rin po iyan, and of course, iyong dating ginagawa na po ng LGU, tuluy-tuloy pa rin po nating gagawin po iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Sakali raw pong i-extend ang Alert Level 3 sa Metro Manila beyond January 15, mataas ba raw po iyong posibilidad na panatilihin pa rin iyong restrictions sa mga unvaccinated?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, ganoon po ang napagkasunduan namin, Usec. Rocky. At sana sa mga nakikinig ngayon, unawain naman nila, they could look at the data. Ang silver lining ay sana maging asymptomatic at mild at halos ganoon ang ano. Pero once unvaccinated ka, iba! Iba ang tama. So this is more of a protection with them. Nakikita po natin grabe ang infection level nito, ang sabi nila dati times ten daw ito ng original Wuhan o times four ng Delta ito kaya ang bilis kumalat. Isipin na natin it’s really for their protection.

USEC. IGNACIO: Opo. Chair, may tanong po si Cleizl Pardilla: Ano raw po ang tingin ninyo na naghihigpit sa mga establishments at malls pero muling binuksan sa publiko ang Dolomite Beach sa gitna po ito ng pagtaas ng kaso ng COVID?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, naka-schedule po naman talaga iyan ‘no. Ayon sa Alert Level 3, mayroon tayong sinusunod na patakaran doon po sa mga capacity na tinatawag ‘no; as long as we follow the capacity, wala ho tayong problema ‘no. Sabi ko nga, itong binalangkas ng IATF ito ay dumaan sa mga doktor, sa mga eksperto in all fields ‘no.

Pero makikita natin ngayon medyo bumaba ang taong lumalabas; maski sa traffic hanggang kahapon halos walang traffic sa Kamaynilaan. So, talagang makikita mo nag-iingat din naman ng mga tao rito.

USEC. IGNACIO: Opo. Chair, may pahabol lang pong tanong si Jen Balaoro po ng GMA News. Ang tanong niya: May namu-monitor ba kayo o ang MMDA or LGUs na kakulangan ng paracetamol? Sabi po ng DTI kasi kahapon sa ating interview wala naman pong shortage dahil may mga generic po pero marami lumalabas daw po sa socmed na walang supply sa ibang pharmacies.

MMDA CHAIRMAN ABALOS: As of now, wala naman kaming natatanggap na balita tungkol doon and if ever I think it will be properly addressed by our DTI personnel.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga, MMDA Chairperson Benjamin “Benhur” Abalos. Mabuhay po kayo, Chair!

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Salamat! Mag-ingat po tayong lahat, thank you po.

USEC. IGNACIO: Samantala, epektibo simula bukas, January 5 hanggang sa January 15, madadagdagan pa ang mga lugar sa bansa na mapapasailalim sa mas mahigpit na Alert Level 3.

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, dahil sa mabilis na pagdami ng COVID-18 cases, ilalagay na rin ng gobyerno sa ilalim ng Alert Level 3 ang mga probinsiya ng Bulacan, Cavite, at Rizal.

Matatandaang una na ring ibinalik sa Alert Level 3 ang Metro Manila. Sa ilalim ng kautusang ito nililimitahan na ang kapasidad ng mga pinapayagang industriya tulad ng dine-in services at personal care establishments, habang ipinagbabawal muna ang ilang aktibidad tulad ng pagtitipun-tipon ng mga indibidwal na hindi po naman nakatira sa iisang bahay.

Kaugnay niyan ay kuhanin po natin ang reaksyon naman ng Presidential Adviser for Entrepreneurship, Secretary Joey Concepcion, kung ano po ang magiging epekto nito sa mga negosyo at sa pribadong sektor.

Magandang umaga po, Secretary Joey!

SEC. CONCEPCION: Magandang umaga rin, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, ano pong reaksyon ninyo dito nga sa pagpapatupad din ng Alert Level 3, nadagdagan po ito sa Rizal, Bulacan, at Cavite simula po bukas, January 5 kasunod din po ng Alert Level 3 dito sa Metro Manila na nagsimula po kahapon.

SEC. CONCEPCION: USec. Rocky, alam natin noong last year nauna iyong private sector i-lockdown ang …noong August 8 at nasundan naman iyan at nakita natin iyong result; iyong fourth quarter natin bumagsak iyong mga kaso.

At siyempre, dito sa fourth quarter, importanteng quarter iyan. Dito bumabawi ang mga negosyante sa mga lugi nila, so, tumaas ang mobility. Alam naman nila bumagsak ang mga kaso, Christmas naman, at lumabas sila kasama ng mga pamilya, nag-shopping, kumain sa labas. So, halos ang daming taong lumabas nitong fourth quarter.

So, mabuti sa economy but siyempre dahil tumaas ang mobility, iyong risk na tataas iyong level of infection nandiyan na rin iyan at nakita natin halos bandang huli ng December tumataas ang mga kaso. Sa tingin ko, dahil that’s the result of greater mobility.

Pero ito sa first quarter natin, nakikita natin ngayon babagsak uli ang mobility dahil siyempre, naubos ang mga pera nila dahil sa Christmas spending at normally the first quarter is the slowest.

So, itong Alert Level 3, tamang-tama lang iyan kasi iyong negosyo matumal ngayon eh. So, Alert Level 3 halos pareho na rin iyan dahil sa matumal na negosyo. So, sa palagay ko, iyong infection level natin ngayon siguro dahan-dahan bababa na rin iyan eh.

Pero importante dito kasi ngayon iyong mga booster shots natin, kaya last year we appealed to the DOH and FDA that they should accelerate the booster shots between three to four months at nangyari naman iyan, approved na iyan at we are going to implement it this year. This first week marami ng private sector kasi dumagsa ngayon ang mga bakuna, full arrival na kami sa AstraZeneca at Moderna at full delivery na ang nangyari ngayon. So, marami na ang bakuna puwedeng gamitin para sa booster shots. The implementation is going to be rolled out.

Now, I’m happy that the MMDA Chairman and the mayors support the mandating of protecting the unvaccinated kasi ang delikado dito ang mga hindi bakunado. Kung mapuno ang hospital natin, diyan magiging hard lockdown, hindi na uubra iyong granular lockdown kung talagang punong-puno ang hospital; so, dapat ingatan natin iyan at i-prevent natin.

Ngayon, pumapasok ngayon—nandito na ang Omicron, may Delta na rin tayo pero mas nakakahawa iyong Omicron pero mild na mga kaso. So, we should look at the numbers differently. Maski tumaas iyong mga kaso at 3,000 pero fully vaccinated naman ang na-infect, chances are gagaling lang sila sa bahay nila pero ang sinasabi ni Benhur—ang sinasabi ng private sector, iyong unvaccinated ang pinakadelikado dito sa mga variant ng Delta at Omicron.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, sa palagay ninyo dapat din ba daw i-adopt ng Rizal, Cavite, Bulacan, itong ‘No Vax No Labas’ policy ng Metro Manila Council kasi somehow daw po same din ito sa matagal ninyong iminungkahi na bakuna bubble?

SEC. CONCEPCION: Yes, I fully support it, that finally we’re putting more teeth in to implementing kasi this is the common good eh. Hindi natin puwedeng i-lockdown parati iyong mga lugar natin kasi iyong economy natin talagang we will have a hard time. Alam naman natin ang laki ng gastos ng government dito sa pagbili ng mga bakuna at iba pang mga bagay sa medical facilities at equipment, trilyon iyan. And uutang sila sa ibang bangko at pati ang private sector paano sila magbabayad ng buwis kung mahina ang negosyo nila?

So, I think the mandating—Ngayon we will implement the onsite workers na for those who are not vaccinated we will mandate PCR test, so that’s 7,000 per employee they don’t get vaccinated, we held that off because it was Christmas but this month we will start implementing that. Katulad ngayon sila Benhur Abalos they will now restrict the movement of the unvaccinated. I believe this is the way that we should move all over the country ‘no.

Iyong bakunado—It’s not that we are depriving them of their rights to movement, it’s because we are protecting them from getting infected because hindi sila bakunado. At klarung-klaro ang napupuno sa mga ospital ay mga hindi vaccinated. So, we are urging every citizen na this pandemic if we want it to end we have to do our part. Kumuha na tayo ng bakuna especially mga booster shots natin kasi itong—[TECHNICAL PROBLEM]

USEC. IGNACIO: Opo. Babalikan natin si sir Joey, mukhang nagkaroon lang po tayo ng kaunting technical problem.

Samantala, silipin po natin ang huling tala ng COVID-19 sa bansa.

As of 4PM kahapon:

  • Nakapagtala na ang Department of Health ng total COVID cases na 2,855,819 kung saan mataas pa rin po sa bilang na 4,084 ang mga bagong nadagdag.
  • 497 new recoveries naman ang naiulat kahapon kaya umabot na ito sa 2,779,241 total recoveries.
  • Sa kabilang banda, 16 naman po ang nadagdag sa mga nasawi kaya umabot na sa 51,586 ang total deaths.
  • Tumaas po sa bilang na 24,992 o 0.9% ng kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa ang nananatili pa ring aktibo hanggang sa ngayon.

USEC. IGNACIO: Samantala, balikan po natin si Secretary Joey Concepcion. Sir Joey? Okay.

Samantala, street vendors at ilan pang residente ng Maynila at Caloocan City ang hinatiran naman ng tulong ni Senator Bong Go kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan. Narito po ang report.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Ngayon pa lang po ay pinaghahandaan na rin ng Davao City LGU ang inaasahang pagtaas ng mga bagong kaso na itatala sa lungsod kasunod ng holiday season at sa gitna ng banta ng Omicron variant. May report si Hanna Salcedo mula sa PTV-Davao.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Ilang tauhan ng Philippine National Railways (PNR) nagpositibo sa antigen testing at naka-isolate ngayon. Ang update niyan ganoon din sa testing na isinasagawa sa iba pang pampublikong transportasyon, alamin natin mula kay Karen Villanda. Karen?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong report, Karen Villanda. Ingat kayo, Karen.

Samantala, muli tayong makibalita sa pinakahuling lagay ng ating mga pantalan sa bansa lalo na at sa kasalukuyan tinatayang nasa 40 na pong manggagawa ng Philippine Ports Authority ang nagpositibo sa COVID-19. Makibalita tayo mula mismo kay PPA General Manager, Atty. Jay Daniel Santiago. Magandang umaga po, Attorney?

PPA GM SANTIAGO: Magandang umaga, USec. Rocky, sa iyo at sa lahat ng mga nanunood at nakikinig sa atin ngayong umagang ito.

USEC. IGNACIO: Opo, Attorney kumusta na po itong 40 workers na ito na nagpositibo sa COVID-19 at palagay po ba ninyo ay may kaugnayan din itong nagdaang holiday at kabi-kabilang Christmas parties kung bakit ganito karami iyong nagpositibo nang sabay-sabay sa inyong tanggapan?

PPA GM SANTIAGO: Well, iyong apatnapu na kawani ng PPA, USec. Rocky, na na-test nating positive sa COVID-19 antigen testing kahapon, kahapon pa lang ay in-isolate na sila ano at naghihintay tayo, lahat naman sila ay asymptomatic at naghihintay tayo ng limang araw para makapag-antigen testing ulit sila para malaman kung patuloy pa rin silang positive o sila ay maging negative na. Kung saka-sakali sa loob ng limang araw ay magkaroon ng symptomatic sa kanila, ito ay ipapa-confirmatory RT-PCR testing natin.

Maidagdag ko lang, USec. Rocky, tuluy-tuloy po itong ating pagti-test sa ating mga kawani, dahil regular po nating ginagawa ito sa rotation po. Kanina pong umaga may nadagdag na naman po na lima tayong na-detect na positibo sa COVID-19 antigen testing. At patuloy pa rin pa po ang pagti-test natin sa ating mga kasama sa PPA.

Dito lamang po iyan sa head office natin sa Maynila at pati po dito sa Port of Manila at ina-assure naman po natin ang lahat ng mga nagta-transaction sa PPA na hindi po kasama sa operations karamihan po nitong mga nagpositibo at tuluy-tuloy po ang operasyon. Ni-recall po natin iyong ibang mga hindi naka-schedule na rotation this week, para mapunan po nila iyong pagkukulang ng mga tauhan natin na in-isolate po natin simula kahapon pa.

Ina-assure naman po natin ang lahat po ng mga nagta-transaction sa PPA na ano po ‘no, hindi po kasama sa operations, karamihan po nitong mga nag-positibo at tuluy-tuloy po ang operasyon. Ni-recall na po natin iyong ibang mga hindi naka-schedule na rotation this week para mapunan po nila iyong pagkukulang noong mga tauhan natin na in-isolate po natin simula kahapon pa.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po iyong ating kasamahan sa media ano, tanong po sa inyo ni Jun Veneracion ng GMA news tungkol diyan: Ano raw po ang latest update sa mga nag-positive na PPA personnel sa antigen testing? Ano ang latest count? Kailan daw po iyong confirmatory testing? Ilan po ang close contact na naka-quarantine? Iyan din po ang tanong ni Gerald Dela Peña ng TV 5, although may sinabi na po kayo na nadagdag ng lima kanina, Attorney.

PPA GM SANTIAGO: Yes po, lahat po niyan naka-isolate na po maski po iyong lima po kanina naka-isolate na po. Nagku-contact tracing na po tayo simula kahapon at dahil nga po iyon pong close contact nila ay in-isolate din po natin at minu-monitor po natin kahit sila po ay negative sa antigen testing, imu-monitor po muna natin sila at nag-recall na po tayo ng mga tauhan natin na ano po, rumilyebo doon po sa mga responsibilidad na maiiwan po pansamantala nito pong mga kasama nating nag-positive.

Although sila po ay nag-positive, USec. Rocky, naka-work from home po sila no dahil asymptomatic naman po itong mga kasama natin at nagpalit lamang sila ng relyebo; iyon pong naka-work from home sila po ay gagawin nating physical po iyong attendance at iyon naman pong nag-positive ay sila naman po ang gagawin natin work from home for now.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyan nga po Attorney, ang susunod nating tanong: Kumusta daw po iyong operasyon ng inyong tanggapan tungkol dito? Hindi naman daw po ba masyadong naapektuhan kasunod nga po ng pagpupositibo ng marami ninyong empleyado?

PPA GM SANTIAGO: Hindi po apektado ang operasyon natin, USec. Rocky, katulad po ng nabanggit ko kanina nasa head office po ito ‘no, mga office workers po iyong mga kasama natin, hindi naman po sa operations involved iyong pong mga naapektuhan.

May mangilan-ngilan po diyan po sa may North Harbor iyon pong ating Port Police officers may positibo din po diyan sa Antigen testing. Pero, hindi naman po sila direktong nakikipag-interface po sa mga mananakay natin at sila po ay nagbibigay lamang ng seguridad to make sure ligtas po ang mga mananakay natin, but they are not involved in any way po sa direct interface po sa mga pasahero po natin at mga port users po natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, kumusta daw po ngayon iyong mobility ng mga kargo at barko papunta sa mga lugar na tinamaan naman ng Bagyong Odette? Maayos na rin po ba iyong mga pantalan na nasira ng bagyo?

PPA GM SANTIAGO: Well, medyo may challenge pa rin po, USec. Rocky, although iyon pong mga pantalan po natin na naapektuhan po ng Bagyong Odette, immediately po in-ensure po natin at sinigurado natin operational po sila although doon po sa mga unang araw ang pinapayagan lamang po natin ay mga relief vessels lamang or iyong mga relief cargo.

Sa kasalukuyan po fully commercially operational na po lahat po ng mga pantalan natin maski po iyong nabanggit po na tinamaan po ng Bagyong Odette. Humihingi lamang po kami ng dispensa sa ating mga mananakay dahil marami po sa naapektuhan po ng Bagyong Odette ay iyon pong passenger terminal building po natin kung saan po nagkakaroon po tayo ng kakulangan sa mga amenities po para sa mga pasahero po natin at ito po ay immediately po ay nagsisimula na po tayong magkumpuni ng mga ito.

Iyon pong kargamento natin tuluy-tuloy po, ang challenge nga po katulad ng sabi ko kanina medyo may kakulangan po tayo sa mga sasakyang pandagat although sa tulong po ng Marina, nagbigay po ang Marina ng at least 13 po yata na special permits ano, para po makapaglayag iyong mga barko sa mga apektadong ruta, pero kulang pa rin po ito dahil marami po talagang sasakyang pandagat ang nasira at naka-dry dock po ngayon at iyong iba naman po ay lumubog noong nakaraang Bagyong Odette.

Sa kasalukuyan po iyon pong capacity natin sa Batangas, ang bumibiyahe po diyan ay halos 60% na lamang po ng mga barko bago po magpandemya o bago po mag-Bagyong Odette at dito naman po sa Matnog, Sorsogon, recently po as late as yesterday apektado na naman po tayo ng weather disturbance diyan po ano at medyo nahihirapan po iyong mga barko at medyo may kakulangan din po iyong mga barko dahil diyan po ang dalawang gateway po natin out of Luzon – iyang Batangas Port at iyan pong Matnog port.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, may tanong lamang po iyong kasamahan natin sa media. Tanong po sa inyo ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: What measures have been done by the PPA to help alleviate the shortage of a ships bringing relief goods to the storm-ravaged areas of the country?

PPA GM SANTIAGO: Well, unang-una po iyong kakulangan po, USec. Rocky, nakipag-ugnayan na po tayo sa Department of Transportation at sa Maritime Industry Authority at positibo naman po ang pagtugon ng Marina doon po sa ating pakikipag-ugnayan at nagbigay po sila ng special permits katulad ng nasabi ko kanina sa paglalayag po ng mga sasakyang pandagat at patuloy po nilang iniengganyo po iyong mga shipping operators po natin na mag-deploy po o magpalayag pa ng mga additional na barko.

Sa PPA naman po, ang ginawa po natin pina-prioritize po natin ngayon USec. Rocky, iyon pong mga relief cargo’s at relief RoRo vessels at pati iyon pong mga relief vehicles po ‘no, pati po mga personnel sa ating mga pantalan.

Nagbigay din po tayo ng waiver ng terminal charges, passenger terminal fees po sa lahat po ng dadaan sa lahat po ng mga pantalan po ng PPA simula po noong 22 ng Disyembre at ito po ay magiging valid po hanggang January 22 of 2022. Wala po silang babayaran para po para sa terminal charges po at sana po iyon ay makatulong para mas mapabilis po ang pagresponde po noong ating mga ahensiya ng pamahalaan at pati din po iyong pribadong sektor na tumutulong po sa relief efforts.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, ano po ang added measures ang ipinatutupad ng iyong tanggapan sa gitna nga po ng paglobo ng COVID-19 cases ngayon sa bansa at ano daw po iyong existing guidelines na natin ngayon sa port entry at border control bilang pag-iingat na rin sa banta ng Omicron variant and kumusta rin po iyong naging dagsa ng mga biyahero nitong bago at pagkatapos po ng holiday season?

PPA GM SANTIAGO: Well, unang-una po USec. Rocky, sa direktiba po ni Secretary Tugade, mas lalo pa po nating pinaigting iyong ating border security sa ating mga pantalan lalung-lalo na po iyong health checking natin. Mayroon po tayo ngayon, patuloy pong istrikto na ipinapatupad na kailangan naka-face mask ang mga papasok at social distancing po may mga marshals po tayo diyan sa mga pasilidad ng PPA na sinisigurado na at least isang metro po ang layo noong mga katauhan diyan po sa loob ng pasilidad natin.

Sa mga sasakyang pandagat at sa mga terminal po natin nasa 70% capacity pa rin po tayo, USec. Rocky, at sinisigurado po natin na nasusunod po iyong seven commandments din po sa public transportation na pinapatupad po ng Department of Transportation hindi lamang po sa maritime sector gayun din po sa roads, sa riles po at sa aviation.

At ang mangyayari po diyan, iniengganyo po namin iyong mga kababayan natin na hangga’t maari po sana kung hindi naman importante ang pagbibiyahe huwag muna po sana tayong bumiyahe at pabayaan na muna natin mag-stabilize po, bumaba po iyong mga incidents ng pagkaka-positive po ng COVID-19 na ating na-experience ngayon.

At kung kailangan naman po talagang bumiyahe at importante po ang pagbiyahe, siguraduhin po natin na we follow all the health protocols and including the travel protocols and documentation na ipinapatupad po ng mga ahensiya ng pamahalaan lalung-lalo na po iyong mga LGUs na pupuntahan po ng ating mga mananakay.

USEC. IGNACIO: Okay. Attorney, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga at siyempre sa inyong impormasyon, PPA General Manager Attorney Jay Daniel Santiago. Mabuhay po kayo Attorney.

PPA GM SANTIAGO: Maraming salamat po USec. Rocky, at mag-ingat po tayo lahat!

USEC. IGNACIO: Samantala, alamin naman po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service kasama si Ria Arevalo ng PBS Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.

Samantala, balikan po natin si Secretary Joey Concepcion. Sir Joey…

SEC. CONCEPCION: Hi, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, unahin ko na itong tanong ni Naomi Tiburcio: Ano daw po ang inaasahang epekto sa ekonomiya ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 Alert Level 3 at pagbabawal sa paglabas po ng mga hindi pa bakunado? Ano daw pong mababago sa recovery target ng pamahalaan? Same question po sila ni Leila Salaverria ng Inquirer, ang tanong po niya: Will this not lead to fewer customers?

SEC. CONCEPCION: Well iyong first quarter naman talagang hihina naman ang negosyo, so mas kakaunti ang mga customers. So tamang-tama iyong timing naman eh. Iyong what we saved was the important quarter, iyong last quarter natin last year – iyong October, November, December. So iyon ang pinakamahalaga at na-save naman natin iyong quarter na iyan, gumanda ang mga negosyo; halos marami diyan nakaahon at nakabayad ng mga utang nila especially iyong 13th month pay.

Now itong first quarter dito, halos lahat ng mga negosyante talagang matumal itong quarter na ito at maski nag-Alert Level 3, naka-match naman siya sa tumal ng negosyo. So—pero ang importante hindi lang itong quarter. Anong gagawin natin mula ngayon hanggang katapusan ng taon na ito? Our objective is to make this a good New Year ‘no – 2022 will have to be a good New Year para tuluy-tuloy, iyong mga negosyante natin tuluy-tuloy sila sa mga benta nila at kita nila – iyan ang kailangan nila, iyong mga MSMEs natin.

So naka-focus tayo diyan at may townhall meeting kami bukas, kasama namin si Father Nic at ang buong OCTA group, kasama si Secretary Duque at sila Benhur Abalos na pinag-usapan na namin ito noong December eh. Alam na naman natin noong pagtaas ng mobility iyong last quarter, pero siyempre tataas rin ang infection. Iyong medyo bago lang dito iyong Omicron, iyong pagdagsa noon Omicron dito ngayon, nandito na si Omicron. So dalawa ang variant natin na nilalabanan natin ngayon.

Kaya sinasabi ng mga MMDA pati kami sa private sector, we have to restrict the movement of the unvaccinated. This cannot be the pandemic of the unvaccinated. We are trying to move from a pandemic state to an endemic state. Now iyong Omicron, sabi ni Father Nic at nakita natin sa mga news sa iba’t ibang bansa, the surge goes up but it goes down with Omicron at iyong mga kaso nila mild. So this is mild for those who are vaccinated. But if you’re unvaccinated, it’s going to be possibly severe. So kailangan huwag natin punuin ang hospital.

Simple formula lang iyan – kapag punung-puno ang hospital, we cannot go granular lockdown. Ang mangyayari diyan full lockdown, baka buong NCR. So what the mayors are trying to prevent are these lockdowns. Ang nagbibigay ng lockdown ay iyong hindi bakunado na pumupunta sa ospital. We are taking care of them and that’s why I’m for the restricting of the movement.

Even last year sinasabi ko na rin iyan eh, let’s restrict the movement of the unvaccinated – this is for the common good. So the economy will, of course, first quarter mahina iyan. But what we’re after is, tuluy-tuloy na dapat ‘to. We learn to live with COVID para maging flu na iyan. Baka itong Omicron, according to Father Nic, that might be the turning point ‘no. Let’s see if it will happen ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, kasunod pong tanong ni Leila Salaverria: Ito daw pong mga business ay hihiling ng expansion of their operating capacity since they will be allowed to cater only to vaccinated customers. If yes, by how much daw po?

SEC. CONCEPCION: Well right now dito sa NCR under Alert Level 3, it’s 30%. If you have the safety seal, that’s [plus] 20%. At iyong NCR ngayon almost 100% vaccinated so that’s another 10%. So that’s a total of 60% of capacity. Iyong Alert Level 2 was at 80% assuming you have the safety seal and NCR at that level. So ang diperensiya lang noon halos mga 20%. Siyempre iyong ibang negosyo, iyong mga bars, mga amusement parks, sarado. Kasi iyong bars talagang is a breeding ground for all of this infection at nakita natin sa Christmas season, dito talaga ang hawaan.

At dito sa UK ganiyan rin. So, we will have to sacrifice this. But eventually… hopefully iyong booster shots natin, the implementation on the private sectors starts now. So, we are really pushing all of the companies to start boosting their employees at iyong mga LGUs natin, those who have taken their doses siyempre, the two vaccine, hindi pupuwede iyong booster, they have to wait for another three months from their last dose.

So, pero marami diyan nakuha na ang bakuna, they have to already go for their booster shot. This is the only way, USec. Rocky, that we can sustain the economic recovery, opening up the economy safely.

USEC. IGNACIO: Sir Joey, sa kabila nga daw po ng minimal effect nitong Alert Level 3 sa mga negosyo, gaya rin po ng sabi ni DTI Secretary Lopez kahapon, possible naman daw pong umabot sa 200 million pesos iyong mawawala sa ekonomiya dahil dito sa pagsasailalim sa Alert Level 3 ng NCR. Ano daw po ang masasabi ninyo dito at paano naman po iyong pagpapalawig nito sa Greater Manila Area?

SEC. CONCEPCION: Well, siyempre talagang ganiyan iyan kung may restriction. Pero ako, maliit na bagay lang ang P200 million, kasi ang importante dito i-maintain natin iyong kalusugan natin, iyong health ‘no. Kasi the first quarter, bagsak naman ang benta, halos aabot rin diyan sa P200 million. So halos pareho lang iyan eh, dahil sa matumal ang negosyo nitong first quarter. Pero itong kasunod na second, third at fourth quarter, iyon ang mas malakas, dapat sugpuin na natin itong infection, ibaba natin at kung tumataas iyong infection, kung most of those, let say 3,000 infected daily are getting well at home, we have nothing to worry, parang common flu lang siya eh.

And we will get to learn how to live with this variant, Omicron if that becomes the dominant variant; so importante protektahan natin iyong ospital at mga frontline healthcare workers, iyon ang kritikal. Bakunahan natin lahat ng mga tao natin, mga empleyado, mga citizens natin. So that they don’t go to the hospital, they just stay at home and get well. Marami kaming kaibigan ngayon, may sakit ngayon halos sore throat lang and fever and they are getting well at home sana ito ang magiging trend. So, maski tumaas iyong ng 10,000 pero kakaunti lang ang pupunta sa hospital, then we are okay. We can open the economy that way ‘no safely.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, kumusta naman daw po iyong naging kahandaan ngayon ng buong private sector dito sa pagpapatupad ng Alert Level 3 dito sa Metro Manila kasama na po iyong Bulacan, Cavite at Rizal at kung nanatili pa rin daw po ba sa positive iyong outlook sa 2022 sa economic prosper ng bansa sa taong ito, dito nga po sa gitna ng banta ng—

SEC. CONCEPCION: What I can assure you, that I think I am extremely bullish, I am very bullish that 2022 will be definitely a much better year than 2021, why? We have the vaccines; it’s now here in our country. Ang dami nito. Now, dati last year, wala tayong bakuna, kulang ang bakuna, maraming delay, pero ngayon, we have the ammunition.

Number two, ang kalaban natin iyong vaccine hesitance. So, itong ginawa ng IATF mandating onsite workers to take vaccine or else they will have to take the RT-PCR test, will cost them 7,000 pesos and the Metro Manila Mayors, sana sumunod dito at sa buong bansa, iyong mga governors who are now going to restrict the movement of the unvaccinated. So that is great news, kasi mapupuwersa sila kumuha ng bakuna or else they will not be able to go out of their house. So, strictly speaking—and that is what they are doing to try to protect them. So, we are now pushing hard on really getting the people vaccinated and okay, it is maybe more pressure, kasi kailangan natin iyan.

We want to end this pandemic this year in 2022, para at least iyong mga negosyante at iyong business natin ay umunlad para makatulong dito sa government sa pagbayad ng mga buwis nila and the government can continue to fund iyong vaccines. You know the government cannot sustain buying the vaccines for its people forever, this is going to be a huge, huge budget. But for the time being, while this pandemic in on, it has no choice. But eventually this will have to go back to the private sector as buying the vaccines. So we will have to have a vibrant economy to be able to afford buying these vaccines.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin ngayon at siyempre sa inyong panahon, Presidential Adviser for Entrepreneurship, Secretary Joey Concepcion. Mabuhay po kayo, salamat, Sir Joey!

SEC. CONCEPCION: Salamat din USec. Rocky. Thank you.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Maraming salamat din po sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga. Sama-sama muli nating pag-usapan po ang mga isyu sa bansa bukas. Ako po muli si USec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH!

##


News and Information Bureau-Data Processing Center