Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio.

Ngayong araw ng Biyernes, ating alamin ang update po sa bakunahan; makikibalita rin tayo tungkol sa paglaganap ng Omicron variant at sa patuloy na pagtaas ng COVID cases sa bansa at atin din pong kukumustahin ang mga random inspections sa mga quarantine hotels at ibang concern sa ating pulis. Kaya nga po, mga kababayan, manatiling nakatutok sa mga impormasyong ihahatid namin sa inyo, simulan na natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Ilan pang mga lugar sa bansa ang itataas sa Alert Level 3 simula sa Linggo, January 9 hanggang January 15, 2022. Kabilang diyan ang: Dagupan City, City of Santiago, Cagayan, Olongapo City, Angeles City, Bataan, Pampanga, Zambales, Naga City, Iloilo City, Lapu-Lapu City, Batangas, Lucena City at Baguio City.

Samantala, Senate Committee on Health Chairperson Christopher “Bong” Go may panawagan sa taumbayan dahil sa mataas na kaso ng mga nagpupositibo sa COVID-19. Giit din ni Senador Go para sa mga hindi pa bakunado na nasa mas delikadong sitwasyon sila kung hindi pa sila magpapabakuna. Narito po ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Dahil po sa pagtaas ng COVID cases sa bansa at sa mas pinahigpit na restrictions para sa mga hindi pa bakunadong individual, mas dumarami na po ang mga pumipila at nagpapa-register para magpabakuna. Upang alamin ang mga detalye tungkol sa usaping ito, makakasama nating muli si Undersecretary Myrna Cabotaje ng Department of Health. Welcome back po sa ating programang Laging Handa, Usec.

DOH USEC. CABOTAJE: Magandang umaga, Usec. Rocky, at sa lahat ng nanunood sa ating programang Laging Handa.

USEC. IGNACIO: Opo., Usec., gaano na ba karami ang mga fully vaccinated individuals sa ating bansa base po sa inyong pinakahuling datos? Gaano naman po karami ang naturukan na ng booster shot?

DOH USEC. CABOTAJE: Kagaya ng nabanggit ni Senator Bong Go kanina, mga 51.6 million na po as of January 7 ang ating fully vaccinated, at 2.8 million ang naka-booster nga po.

USEC. IGNACIO: Opo. Gaya nga po ng nabanggit natin kanina, Usec., dumarami na po talaga iyong gustong magpabakuna dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 at sa mga restriction. So masasabi po ba nating sapat talaga iyong supply ng ating bakuna?

DOH USEC. CABOTAJE: Yes, we have enough vaccines all over the Philippines; lahat po ng brands available iyong ating mga ginagamit.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero mayroon po bang available or recommended na vaccine para naman dito sa 5 to 11 years old at kailan po sila maaaring mabakunahan o kailan p ito magsisimula, Usec.?

DOH USEC. CABOTAJE: Mayroon na pong approved na Emergency Use Authorization for Pfizer only for 5 to 11. Ang sistema, ibang formulation po iyong gagamitin natin sa 5 to 11 years old; hindi po ito iyong ginagamit ng 12 years and above ‘no, so ibang Pfizer formulation ito. Hihintayin pa natin ang pagdating ng ating in-order na Pfizer for 5 to 11.

Ang tinitingnan nating date, earliest first week of February maumpisahan natin iyong pagbabakuna ng ating 5 to 11. Hindi pa ho tayo nagbabakuna ng 5 to 11; parating pa lang po iyong bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Update naman doon sa mga naantala pong bakunahan dito sa nasalanta ng Bagyong Odette. Kailan po ito nag-resume at ilan po iyong nabakunahan sa kanila? May mga nagsimula na po ba ulit, Usec.?

DOH USEC. CABOTAJE: Sa MIMAROPA, nag-resume na lahat ng 23 LGUs last week. So they are already submitting their report. We do not have the exact numbers for the specific area.

Sa Region VII, 70 to 75% pa lang ang nag-resume. So may mga 20 to 30% pa rin ang nagbabakuna. Sa Southern Leyte at saka sa Iloilo na nasalanta, full blast na sila. Sa Caraga, Surigao del Norte at Dinagat Island including Siargao in Surigao del Norte, hindi pa 100%; pero iyong mga puwede nang magbakuna, na-start nang magbakuna.

Iyong mga problema kung saan sila i-store, naghahanap pa tayo ng anong mga pamamaraan para iyong bakuna ay mailapit sa mga kailangan bakunahan, either iyong tinatawag nating on time delivery, just in time, ibig sabihin mag-schedule ng bakuna tapos dadalhin iyong bakuna, ibabakuna kaagad o maghahanap tayo ng mga malalapit na storage facilities para mas madali silang makakuha ng bakuna during their vaccination day.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., iyong mga ilang lugar na tinamaan ng Bagyong Odette, ano po, talagang malaking porsiyento pa rin po iyong walang kuryente. So wala po ba tayong napaulat na wastage sa mga bakuna sa bahaging ito, lalo po dito sa Kabisayaan?

DOH USEC. CABOTAJE: Yes, we have initially about 21,000 doses that have been officially reported as wastage.

Iyong iba po ay hindi pa nagsa-submit ng report; ang isang problema kasi natin ngayon ay walang kuryente nga, walang connectivity. Kailangan mas kumpleto iyong report sana. But we are completing the report and hopefully in the next…in this week, in the next one or two weeks, we will have the final report of ilan talaga ang na-damage.

As of the moment, about 21,000 po ang officially reported to us na hindi na magamit.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., saang lugar po itong 21,000 na ito na wastage?

DOH USEC. CABOTAJE: Sa iba-ibang lugar iyan. Mayroon tayo sa Iloilo, mayroon tayo sa Region VII, mayroon tayo sa Surigao del Norte at saka sa Caraga area. Ito lang mga Region VIII; Region VII and Caraga Region. We are checking Palawan kasi wala pang official report sa Palawan. The northern part of Palawan was affected but the southern part continues to do vaccination.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., bigyan-daan ko lang iyong tanong ng ating kasamahan sa media. May tanong po si Louisa Erispe ng PTV: May six month old daw po sa Bulacan na umano ay naturukan ng COVID vaccine dahil nagkamali iyong nagturok na midwife, imbes na pneumonia vaccine, COVID vaccine po iyong naiturok. Ano po kaya ang magiging assessment dito? Ano daw po iyong possible side effect nito sa baby at ano rin po iyong sanctions na ipapataw dito sa umano’y nagturok na midwife?

DOH USEC. CABOTAJE: In terms of the sanctions, kailangan natin imbestigahang mabuti kung gross negligence naman iyan o may mga ibang factors.

Pangalawa, in terms of the adverse event, wala namang nai-report pa na kakaibang naramdaman iyong bata but we will continue to monitor the child.

So dahil dito, kailangan pag-ibayuhin natin iyong ating mga practices. Ang aming patakaran, iba dapat ang refrigerator ng COVID-19 vaccines sa regular vaccine. Baka nag-mix lang noong nag-umpisa na. So, we will check again.

And we remind our implementers na hiwalay dapat ang paglalagyan at malaki ang label para hindi sila malito.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., karagdagang tanong naman mula po ito sa isang concerned citizen. Ilan po ba iyong klase ng antigen test? Tama po ba na mayroong naka-kit at isa ay through machine? Gaano daw po katagal bago makuha ang resulta ng bawat klase, dahil ayon daw po sa isang New World Diagnostic ay two-three days daw po ito?

DOH USEC. CABOTAJE: Sa antigen, marami tayong iba-ibang klase. Ang importante sa antigen test, ito ay recognized o accredited ng FDA. Mayroon tayong through the machines, many of them are accredited by FDA at ginagamit ng iba-ibang laboratoryo.

Tapos mayroon iyong tinatawag nating self-administer kit. Wala pa hong nagpapa-register na mga self-administered kit. While it gives us some sense of result na kung positive ka o hindi, hindi po masyadong accurate iyan.

Shortly, the IATF and the DOH will come up with guidelines kung kailan puwedeng gamitin iyong self-administered kits basta na-accredit ng WHO. Parang pregnancy test ito na gagawin mo sa bahay.

Kailangan lang sa mga gagawa nito later on kung may accredited nang mga test kits, i-link pa rin nila sa ating lokal na pamahalaan, iyong ating Epidemiology and Surveillance Unit kasi ang pakay naman ng ating pagti-testing ay para makita kung sino iyong positive at magkaroon ng contact tracing sa mga nahawa o na-expose dito sa positive case na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., may pahabol lang pong tanong si Dreo Calonzo ng Bloomberg: Ilan daw po ang vaccines natin na delivered na pero hindi nagagamit at nasaan daw po ang bottlenecks?

DOH USEC. CABOTAJE: We have a total of 210 million vaccine doses that have arrived, procured ng national government, procured ng lokal na pamahalaan, procured ng ating private sector, tapos iyong mga donation.

We have deployed 146 million, so 210 minus 146 million. Karamihan sa kanila ay nandito sa warehouse dito sa national office, dalawang warehouse. The main DOH warehouse is PharmaServ tapos iyong ibang warehouse, sa Zuellig Pharma for those procured by the private sector.

Ano po ang bottleneck?

Iyong kailangan pong madaliin iyong ating pagbabakuna. Kailangan po ng maraming gustong magpabakuna. At ngayong dumadami ang ating mga cases, medyo bumabagal iyong ating pagbabakuna kasi iyong ating mga health care worker ay naa-affect din ng ating mga cases, so temporarily hindi sila makabakuna.

But in the next two-three weeks hopefully, aarangkada na rin ulit iyong ating vaccination process. Alam naman natin naantala din dito sa Typhoon Odette ang ilang mga areas, so hindi rin natin totally deployed ang lahat ng mga bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., ano po iyong mga plano o programa na proyekto po ng DOH para sa 2022? Napansin ninyo po ba dahil sa pagtaas ng kaso dumami talaga iyong gustong magpabakuna? At may plano po ba kayo na magsagawa ng ikatlong National Vaccination Day para sa ating mga kababayan, USec.?

DOH USEC. CABOTAJE: In terms of the plans for the vaccination, una, sabi nga natin i-start natin iyong five to eleven as soon as the vaccines arrives, iyan ang nasa pipeline.

And then later on, kung maaprubahan na at i-recommend ng expert, baka magbakuna rin tayo ng below five years old.

So, ang tututukan natin ngayon iyong hindi pa nabakunahan, mabigyan ng first dose; iyong mga naka-first dose na, kailangan ng second dose, bibigyan ng second dose; tapos mabu-booster na po lahat.

18 year old and above, puwede hong bigyan ng booster, the same vaccine or different vaccine.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, DOH Undersecretary Myrna Cabotaje. Kami po ay palagiang makikipag-coordinate sa inyo para po sa ating implementasyon ng bakunahan at updates. Salamat po sa inyong panahon, USec. Cabotaje.

DOH USEC. CABOTAJE: Thank you. Good morning!

USEC. IGNACIO: Ngayon pa lang po ay pinaghahandaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Pilipinas sa pagpasok ng iba pang variant ng COVID-19 tulad po ng IHU. Ayon po sa Presidente, bagama’t hindi pa tapos ang laban ng bansa laban sa banta ng Omicron, Delta, at iba pang strain ng virus, hindi mapigilan ang pagdating ng iba pang variants.

Kaya naman sa kaniyang Talk to the People kagabi, inatasan niya ang ilang medical experts na ipaliwanag sa publiko kung ano po itong IHU variant na unang na-detect sa France. Ayon kay Dr. Edsel Salvaña, binabantayan na ito ng World Health Organization simula pa noong Nobyembre, pero sa mga pag-aaral ay lumalabas na hindi naman ito nakakabahala.

[AVP]

USEC. IGNACIO: Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa Pilipinas:

  • Naitala po ang 17,220 na mga bagong kaso ng COVID-19 kahapon kaya umabot na ito sa kabuuang bilang na 2,888,917.
  • Mayroon naman pong 81 katao ang naitalang pumanaw sa sakit kaya umakyat na ito sa 51,743 ang total death tally.
  • Samantala, nasa 2,780,613 na po ang lahat ng mga gumaling sa virus matapos madagdagan ng 616 na katao kahapon.
  • Umakyat naman ang active cases natin na ngayon ay nasa 50,561 or 2% ang kabuuang bilang.

Samantala, upang sagutin at bigyan kalinawan ang mga katanungan tungkol po sa paglobo ng mga nagkakaroon ng COVID sa bansa, mula po sa OCTA Research [TECHNICAL PROBLEM] Austriaco.

Magandang umaga po sa inyo. Unahin na natin si Doc Butch. Doc Butch, naitala po ang record high na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Kahapon ano po, umabot po ito sa mahigit labimpitong libo na nagsimula lang tayo sa ilang digit pero ito po, bumabalik tayo sa lima. Pero, ano po kaya iyong expected na mangyayari sa numerong ito sa mga susunod pang araw?

OCTA RESEARCH DR. ONG: Well, Usec. Rocky, ang ating mga numbers ngayon ay dahil sa mobility natin noong holiday season ‘no. So alam naman natin noong Kapaskuhan until the bisperas ng Bagong Taon ay madami talaga ang mga taong nasa labas and the mobility is really very high. So in the next couple of weeks I think tataas pa yata ang ating number of new cases, perhaps maaabot ng around 20,000 today… pero tingnan natin ang datos mamayang hapon.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero sinasabi nga po na we are expecting na more than 20,000 new cases sa—pati ngayon po. Ano po kaya iyong magiging epekto nito at sa tingin ninyo, sa inyong obserbasyon, hanggang kailan po kaya natin ito mararanasan?

OCTA RESEARCH DR. ONG: Well kung ikumpara natin, Usec., iyong karanasan ng ibang bansa – for example sa South Africa – ang surge dahil sa Omicron variant ay nag-last about a month ano with the similar demographic sa mga edad, maaaring one month ang ating duration.

However, we cannot really say for now, Usec., kung hanggang kailan talaga magla-last itong ating uptick of number on cases ‘no and the effects of the number of cases is also felt in the health care system ‘no, with more health care workers getting sick, natsa-challenge na rin ang ating health care capacity.

USEC. IGNACIO: Opo. Para naman po kay Dr. Guido David: Sinabi ninyo po na ang Metro Manila ay high risk for COVID-19 transmission. Ano na po ‘yung pinakahuling datos sa positivity rate ng bansa? Kapansin-pansin po na talagang sobrang laki nang pagtaas ng mga kaso kada araw. Ano nga rin po ‘yung pinakadahilan nito kasi noong isang araw po magkausap tayo, Doc Guido, at sinabi ninyo—tinanong ko kung makakalimang digit tayo. Kasasabi ninyo lang sa akin na ito nga, biglang naging more than 10,000 na po tayo.

OCTA RESEARCH DR. DAVID: [Off mic]

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, naka-mute po yata tayo. Babalikan po natin si Dr. Guido; puntahan po natin si Father. Father Nic, mayroon po kayong statement na Omicron may be the beginning of the end of pandemic. Ito po ba ay maari ninyong ipaliwanag, Father Nic?

FATHER AUSTRIACO: Thank you. Good morning po. This is actually not something new po so if you look at the pandemic of 1918, the flu pandemic of 1918 – the flu pandemic of 1918 begun to end po when the flu virus, H1N1 became weaker. And one of the reasons why I pointed out the other day that Omicron is a good sign that we are at the beginning of the end po is that it is for the first time a weaker variant.

But I think it’s—I have to point out, I am not the only one who is saying this. There are numerous scientists in the United States who believe the same thing – that a milder variant of COVID-19 would better prepare the population for future variants po. And this combined with the increasing numbers of vaccinations and booster shots, the availability of the antivirals.

And now last week po, two weeks ago there was an incredible report from the Walter Reed Medical Hospital in the United States – the military hospital – that they are in the process of developing a pan-coronavirus vaccine. This is a vaccine that will be effective against all variants of COVID-19 po. So with all these developments, I really do believe that we are at the beginning at the end of the pandemic.

USEC. IGNACIO: Opo. Father Nic, nabanggit ninyo rin po na ang Omicron variant ay isang natural vaccine against other COVID variants. How does this work po?

FATHER AUSTRIACO: This again is from the 1918 flu pandemic. So if you look at the flu pandemic in 1918, there were two variants in 1918 – the earlier variant was a weaker variant like Omicron and the later variant that appeared in the world in the fall in December—this is October, November, December of that year was a much more lethal variant po.

What scientists have shown, there was a paper published in the journal of infectious diseases is that the milder variant po, the one that happened in February, March and April. If someone got sick with the milder variant, it protected them against the more severe variant later that year.

Now they did not have vaccines in 1918 but we have vaccines now which is why I think it’s so important to tell your viewers and our listeners po that even though Omicron could help sustain population immunity, Omicron—even though it is milder than Delta is still a killer po. So it’s important that every single one of our kababayans still get vaccinated and boosted because it might help the country as a whole, it might be a blessing in disguise at the end of the surge that we replace a deadly variant like Delta with Omicron. But for individual people, it will still kill and we do not want individual people to die because they were not vaccinated or boosted against COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. Balikan ko lang po si Doc Butch or si Doc Guido. Okay na po si Doc David? Dr. Guido, ulitin ko lang po iyong tanong kanina ano. Noong magkausap po tayo nito lang, tinanong ko kung tayo’y makaka-five digit. Kasasabi ninyo lang na tingin ninyo mukhang 11 tapos biglang noong hapon 10,700 so nasa high risk po talaga iyong COVID transmission sa bansa natin. Sa datos ninyo, ano na po ‘yung pinakahuling positivity rate ng bansa at talaga naman pong napapansin na sobrang laki ang kaso kada araw? Nabanggit rin po ni Dr. Butch na dahil po sa holiday season. So, ano na rin po talaga ‘yung pinakadahilan noong pagtaas ng kaso?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Well tumataas pa rin, Usec., iyong positivity rate – nasa 46% na siya sa Metro Manila. At tama ka nga na mabilis pa rin ang pagdami ng bilang ng kaso, today we’re expecting mga similar range sa nakita natin kahapon na 17,000; baka hindi pa naman ito lumagpas ng 20,000. So far hindi pa naman natin nakikita talaga iyong pagbagal ng—iyong pagdami ng kaso because iyong positivity rate ay tumataas. Most likely dahil nga ito sa nasabi ni Father Nicanor na mayroong Omicron variant na most likely na kumakalat na sa atin.

At, Usec., may nakikita na rin tayong pagtaas sa mga ibang parts ng Pilipinas tulad sa Visayas at sa Mindanao may nakikita na ring bahagyang pagtaas. So medyo concerning iyan na baka [garbled] na rin sa ibang parte ng bansa sa ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero kumusta rin po ‘yung pag-detect ng Omicron variant? Ano po ‘yung mga efforts na isinasagawa to detect infected individuals as soon as possible? Mayroon po kayong na-mention na mukhang hindi naman tayo aabutin ng 100,000 dahil ang inyong tinukoy ay napakahalaga dapat ng testing?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Tama iyon, Usec., kasi iyong capacity natin for testing nationwide nasa 70,000 lang for RT-PCR test. Pero mayroon naman tayong augmented na antigen testing, ang problema lang ay hindi natin nabibilang ito. So ibig sabihin nito, ‘pag lumagpas na ng 70,000 iyong bilang ng kaso, baka hindi na natin madi-detect iyong iba dahil kulang sa testing. Pero hopefully puwede pa natin madagdagan iyong capacity natin for testing at ngayon dahil mukhang may nakita na tayong pagtaas sa mga iba pang regions ay baka, iyon nga, mas kukulangin tayo sa testing kung sabay-sabay iyong pagtaas ng bilang ng kaso.

USEC. IGNACIO: Opo. Professor, nagtaas na rin po ng alert level ang pamahalaan sa iba pang mga lugar. So, ano po ‘yung nakikita ninyong mga posible nitong maging epekto sa mga susunod na linggo?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Well hopefully, Usec., iyong paghigpit ng restrictions sa pagtaas ng alert level ay mapigilan iyong pagdami ng bilang ng kaso. Hopefully ma-contain natin dito sa ibang parts ng NCR Plus, sa CALABARZON, sa Central Luzon ay mapabagal nang konti. Pero malakas talaga makahawa itong virus na nakikita natin ngayon so mamasdan pa natin iyong mga trends over the next few weeks.

USEC. IGNACIO: Opo. Of course aside po doon sa pagsunod sa protocols, ano pa po kaya iyong maaaring gawin ng ating mga kababayan para po ma-prevent getting infected with the virus?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Siyempre, USec, sinabi mo nga, iyong minimum public health standards and iyong may mga nakakaramdam ng mga sintomas, magpa-test na tayo or kung hindi tayo magpapa-test at least mag-isolate na tayo. Iyong mga symptoms na nararamdaman nila ngayon, mostly mga cold-like na eh. So, sipon, ubo, headache, sore throat, ito iyong mga possible symptoms na puwede nilang maranasan. Sana mag-isolate na, magtulung-tulungan tayo. Napakahalaga ang pagtutulung-tulungan natin sa ngayon in time of crisis.

So, kung hindi tayo magtutulung-tulungan, baka tumagal pa ito, pero baka mapabilis natin ito. Tulad ng sinabi ni Dr. Butch Ong sa experience ng South Africa, isang buwan lang tumagal iyong surge nila, sana ganoon ang mangyari dito. Pero hindi pa natin Masasabi iyan sa ngayon. Kailangan talaga natin ang tulong ng mga kababayan natin.

USEC. IGNACIO: Professor Guido, kukunin ko lamang iyong inyong mensahe sa ating mga kababayan dahil marami na rin po talaga sa ating mga kababayan na talagang natatakot, nagugulat dahil sa taas ng kaso. Kukunin ko rin po maya-maya ang mensahe na rin nila Father Nick at Dr. Butch. Go ahead po, Professor Guido.

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Yes, thank you ulit, USec. Rocky. At tulad ng sinabi ko, personal responsibility natin sa sarili at sa mga kapwa natin, kababayan natin, kailangan nating magtulung-tulungan. Medyo mahirap nang kaunti itong pinagdadaanan natin, pero kapag malusutan natin ito, sana tuluy-tuloy na at magiging maganda iyong 2022 natin.

So, sinabi ko kanina, kapag may nararamdaman tayo, mag-isolate na tayo. Iyong nakikita naman natin na datos ay kakaunti pa lang iyong moderate, severe at critical na cases, kaya ibig sabihin niyan, kapag bakunado tayo, hindi masyadong malaking epekto nitong virus sa atin, ibig sabihin mababa iyong hospitalization or at least iyong severity rate.

Kaya hindi naman natin kailangang matakot, pero kailangan pa rin nating magtulung-tulungan. Personal responsibility, bawasan na rin natin iyong mga unnecessary travels natin sa ngayon, mga social gatherings. Siguro makakahintay naman iyan, baka by February sana maayos na iyong sitwasyon natin dito.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Professor Guido.

Para po kay Father Nick. Father Nick kunin ko lang po iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan. Tingin po ba ninyo Omicron na itong dahilan nang pagbilis ng taas ng kaso ng COVID sa bansa?

FATHER AUSTRIACO: Thank you, USec. The most recent genomic sequencing po from the NCR has already shown that the dominant variant dito sa NCR is Omicron. So, it’s not surprising po, given that the rapid rise in cases, there is a doubling time right now of 2.2 days, which is an Omicron signature. So, it is very likely po that in the next couple of weeks, Omicron will become the dominant variant here in the capital. And I just would like to echo what my friend and colleague, Professor Guido point out po, it will be very scary for the next few weeks. But we simply have to be patient po and we have to wait until this wave passes over our beloved country. It is really important to be vaccinated and to be boosted. If you have not yet been done so.

And as Dr. Guido pointed out, significant numbers of our sick kababayans are going to experience mild disease po and we have to encourage them to stay at home. This is really the important part, the key critical protection that we must do at this time is we must protect our hospitals and we must protect our health care workers. So, if you have mild disease po, if you have just the simple cold, please stay at home, so that the beds in our hospitals can be reserve and be ready for our kababayans who have moderate, severe and critical cases of COVID-19. If we are able to protect our hospitals, there will be no need for lockdown po – and this is very helpful and hopeful.

But if too many numbers of our kababayans are admitted to the hospital in a way that did not affect, even though with mild cases, then we will have to consider restricting mobility more in order to lower the numbers. So, today, you know the call is to all our kababayans to isolate if you are sick, to get tested if you can get tested, to stay at home, the symptoms should last five to seven days. But for more of us po, the other side should be a better, healthier society. That is my prayer po, we will pray together.

USEC. IGNACIO: Thank you, Father Nic.

For Dr. Butch Ong, kunin ko lang po iyong mensahe ninyo. Alam kong talagang ang OCTA Research ay talagang nakatutok din po dito sa ating mga kaso na hopefully, na tulad din ng nabanggit ninyo kanina, ito pong Africa, halos isang buwan lang. So ano po talaga iyong magiging basehan natin, para makita natin na tayo ay makakatulad din po dito sa Africa, ang estado tungkol sa Omicron variant?

OCTA RESEARCH DR. ONG: Salamat, USec. Rocky. I would like to remind everyone that our minimum public health standard still work with all the variants of concern. So kailangan lang natin talaga to strictly follow the minimum health standard, meaning wear your mask properly, doing your physical distancing. I’d like to reiterate what my friends have already said that if you are feeling unwell, please stay home.

And also kapag tayo ay mayroong kasama sa bahay na masama rin ang pakiramdam, although tayo ay asymptomatic, pero iyong mga kasama natin mayroong nararamdaman, magpakonsulta na rin sa doctor and please stay home na rin. Maaari kasi na mayroon na rin tayong karamdaman kahit asymptomatic lamang.

And I would like to remind everyone na kapag hindi pa tayo naba-vaccinate, please do consider having yourselves vaccinated to protect not only yourselves, but to protect our community, to protect our work place and also to see then end probably of the COVID-19 pandemic soon. Iyon lang, USec. Rocky at maraming salamat sa pagkakataon.

USEC. IGNACIO: Panghuli na lang, Dr. Butch. Sa tingin ninyo itong alert level 3 ay okay lang po ito para ma-prevent natin iyong pagkalat pa ng Omicron?

OCTA RESEARCH DR. ONG: Well, as I have mentioned USec., na it all depends on our personal and shared responsibility. Kapag tayo ay sama-sama, kagaya ng nasabi ni Father Nick, sama-sama po tayo sa laban na ito. So, ang ating minimum public health standards, kahit sa level 3 tayo, pero kapag tayo ay very strictly sumusunod dito, maaari nating maibaba ang number of cases.

As of now, our numbers in the hospital utilization rate, healthcare utilization rate is still below critical. Pero ayaw po nating mapunta sa critical level ‘no. Ang H/care natin, I think in NCR naglalaro na between 40 to 50% at ang ating critical level ay nasa 70%. But it is slowly increasing, so nasa sa atin na po ito na susundin po natin ang ating minimum public health standards at maging very, very vigilant tayo sa ating mga nararamdaman, sa ating situation around the country, around the work place and around the community.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras, Dr. Butch Ong, Professor Guido David at Father Nicanor Austriaco ng OCTA Research. Stay safe po maraming salamat po sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga.

Samantala, tiniyak ng Department of Trade ng Industry na magbabalik normal na ang supply ng paracetamol sa Metro Manila ngayong weekend. Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez stock out at hindi shortage ang naranasan sa rehiyon nitong nakalipas na araw, dahil sa taas ng demand. Pero sa ngayon puspusan na aniya ang replenishment ng mga paracetamol sa mga botika. Inatasan na rin ng DTI ang mga drugstore na lakihan pa ang order dahil sa patuloy na pagdami ng mga nagkakasakit ngayon. Pagtitiyak naman ng DTI, walang kakulangan ng supply at sisikapin nilang hindi maulit ang nangyaring stock out.

[NEWS CLIP]

USEC. IGNACIO: Diyan lamang po kayo, magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[BREAK]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing Laging Handa PH.

Dahil pa rin po sa usapin ng nangyaring paglabag ng quarantine protocol sa isang hotel facility, nagsagawa ng random inspections ang PNP sa mga quarantine hotel sa bansa.

Inumpisahan na rin ang pag-deploy ng mga pulis sa mga areas under granular lockdowns sa NCR. Sa puntong ito makakausap po natin ang Spokesperson ng Philippine National Police na si Police Colonel Roderick Augustus Alba. Magandang umaga po Colonel Alba!

PNP SPOX PCOL. ALBA: Good morning USec Rocky at sa ating mga tagapakinig, magandang umaga po sa lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, ilang quarantine hotels na po ang na-inspection ng PNP, saang areas po kayo nag-focus at ano po iyong naging initial assessment ninyo?

PNP SPOX PCOL. ALBA: Yes, ang focus natin USec. Rocky, hindi lang dito sa NCR but outside NCR also. So, sa ngayon po dito sa ating area outside of NCR mayroon po tayong 233 total number ng DOH, BOQ and DOTr quarantine accredited hotels na-inspection.

Dito naman po sa NCR ay mayroon tayong 218 total number and out of this mayroon tayong 186 na na-inspect at we have tallied around more than 14,000 returning overseas Filipinos na naka-quarantine as of 6:00 P.M. of January 6, USec. Rocky. Hello?

USEC. IGNACIO: Opo. Colonel?

PNP SPOX PCOL. ALBA: Yes ma’am, go ahead ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. So, bale ilang pulis po iyong ide-deploy sa bawat quarantine hotel and facility at ano po iyong action ninyo para po masiguro talaga na nasusunod iyong mga quarantine protocols? Maayos po ba iyong koordinasyon ninyo dito sa mga quarantine hotel facility?

PNP SPOX PCOL. ALBA: Yes, dito sa Kalakhang Maynila we have already deployed as of 6:00 P.M. last night or yesterday more than 600 PNP personnel. So, ang ginawa po natin is we established a common health desk na sinasabi natin ay situate na rin po ito sa hotel manned by our PNP Personnel, iyong personnel natin from the DOT, iyong Bureau of Quarantine including iyong ating local government units at saka from the DOH.

So, what we did is mayroon po tayong tinatawag na random inspection and checking noong ating mga ROF but ito po ay ginagawa natin in coordination din sa ating managements sa mga hotels. So, ito po ay regular na ginagawa natin USec. Rocky, to ensure na walang violation na mangyayari tulad noong na-experience po natin na for the past days.

USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, maliban sa NCR ano po, pina-ilalim na rin po sa Alert Level 3 ang ibang mga lungsod at probinsiya. Base po sa inyong datos, ilang area na po iyong under granular lockdown at ano po iyong magiging pagkilos naman o action dito ng PNP?

PNP SPOX PCOL. ALBA: Well, tingnan po natin iyong mandato muna ng Philippine National Police, of course part noong granular lockdown mayroon tayong sini-secure na border control points, mina-manage natin iyon at saka iyong massive border administration. Dito naman sa granular lockdown areas, mayroon po tayong sini-secure na 29 areas USec. Rocky and 7 of this are outside NCR, iyong 22 is located dito po sa NCR.

So, ang ginagawa po natin is in coordination pa rin po sa ating local government units securing this areas to ensure na wala pong unauthorized na makapasok or makalabas even when na matapos po iyong quarantine period na pinapairal po ng certain local government unit sa isang area.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, mayroon na pong checkpoints sa border ng Metro Manila, Bulacan ano daw po iyong requirements na kailangan ipresenta sa mga checkpoints kung mayroon man po Colonel?

PNP SPOX PCOL. ALBA: Yes, tama po iyon. Mayroon na po tayong na-establish na border control points or check points. But what is clear here USec. Rocky, ay iyong pinairal po ng ating Metro Mayors, iyong pagri-require ng vaccination cards for the travelers ‘no, iyong ating mga mamamayan, ito po talaga ay niri-require.

Expect po talaga na itsi-check ito ng ating kapulisan sa border control points but of course we have to manage also iyong traffic congestion USec. Rocky, because we don’t want to delay ‘no iyong travel noong ating mga kababayan kaya lang ang appeal po ng inyong PNP na make sure na dala-dala po ninyo iyong inyong vaccination cards. So, that hindi na po tayo ma-delay USec. Rocky, sa mga areas na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, kaugnay naman po sa kontrobersiya ni Miss Gwyneth Chua or mas kilala ngayon bilang Poblacion Girl. Ano na po iyong update sa kaniyang kaso maging ang iba pa pong violators? Mayroon pa po bang sumunod sa kaniya, Colonel?

PNP SPOX PCOL. ALBA: Well USec. Rocky, for now alam ninyo na-file na ng ating CIDG iyong violations sa Republic Act 11332. So, iyong status po is pending na po ito sa ating prosecutors office. So, will just awaiting iyong disposition ng kaso. So, there will be advice ‘no or mag-release or mag-baba po ng order of warrant of arrest ang inyong PNP ay ready to serve this warrant of arrest.

For now, continuous inspection and validation, anyway nandiyan na rin po iyong ating kapulisan, nakabantay na rin po sa mga different quarantine facilities. So, we will make sure na hindi na po mauulit itong nangyaring ito USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Upang paalalahanan muli ang publiko Colonel, pakibahagi sa amin ano ba iyong kaso na maaring ipataw o magiging parusa sa mga violators?

PNP SPOX PCOL. ALBA: Well, we will simply put USec. Rocky, it’s a negligence sa part po noong… na-establish ng ating investigators, iyong negligence on the part of the quarantine area o iyong hotel, at of course itong non-cooperation ng under quarantine natin mga kababayan. So, iyon po ang nakapaloob sa violation ng ating Republic Act 11332, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo Colonel, sa ibang usapin naman po. Tumataas pa rin iyong active cases ngayon sa inyong ahensiya. Ilan na po ba ang kabuuang bilang ng mga police personnel na nag-positive? Maapektuhan ba iyong deployment sa mga facilities and checkpoints and kumusta na po si PNP Chief Carlos?

PNP SPOX PCOL. ALBA: Thank you USec. Rocky. As of today January 7:

  • Mayroon na po tayong, sa PNP we have 42,854 na total number of COVID cases
  • More than 41,000 naman ay naka-recover
  • Unfortunately we suffered the losses of 125 of us sa aming hanay
  • Ngayon kasalukuyan 850, USec. Rocky, iyong aming active cases. Nag-jump po ito sa more than nearly 200 plus since yesterday because we have newly reported active cases na 298.

So, iyon po ang pag-akyat ng inyong kaso ng COVID sa PNP. Now, dito naman sa pagtaas ng bilang ng kaso sa aming hanay, what we do is we will ensure na lahat noong mga nadi-deploy from the New Philippine National Police sa mga front line areas are fully vaccinated, USec. Rocky, and of course we still push sa 100% vaccination rate ng aming PNP.

So, iyong—of course despite na ito ay personal choice, iyong may mga valid reason we respect that, but for those who have no valid reason ay pipilitin po natin na i-engage sila at i-convince talaga na magpabakuna. Thank you for asking USec. Rocky, sa situation ng ating PNP he is doing well konting symptom na lang iyong naramdaman niya like iyong konting sipon.

Kasi, nakikita po namin, USec. Rocky, nagpi-preside siya ng meeting ay naramdaman po namin and he still doing his job ‘no, he still on top ‘no, being the Chief PNP. So, iyong quarantine doesn’t have stop him na maggawa ng kaniyang trabaho bilang Chief PNP although he still on quarantine, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, mag-iingat po kayo ha. Maraming salamat po sa pagpapaunlak ninyo sa aming programa, PNP Spokesperson Colonel Roderick Augustus Alba. Ingat po kayo mabuhay po kayo, Colonel!

PNP SPOX PCOL. ALBA: Thank you so much USec. Rocky, reminder lang po USec. Rocky, ng PNP sa ating mga mamamayan. From our Chief PNP na mag-ingat at sumunod lang po sa guidelines na ipinapatupad ng ating kinauukulan. Maraming salamat USec. Rocky!

USEC. IGNACIO: Salamat po Colonel. Sa iba pang balita, alinsunod sa inilabas na Memorandum Circular 2021 076 ng LTFRB Central Office. Itinaas sa 70% ang maximum seating capacity sa mga Jeepney sa Davao Region, ikinabahala naman ito ng ibang commuters lalo na’t lumalala ang banta ng Omicron variant sa bansa. Ang detalye sa report ni Hannah Salcedo.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayan tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Ako po si USec. Rocky Ignacio, magkita-kita po muli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #Laging Handa PH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center