USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas; ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio.
Ngayong araw ng Sabado muli tayong sasamahan ng mga panauhin at ekspertong sasagot sa ating mga katanungan hinggil sa mabilis na paglobo ng COVID-19 cases sa Pilipinas; makikibalita rin tayo sa estado ng Omicron variant transmission sa mga komunidad at atin ding aalamin ang update sa stock po ng paracetamol sa mga botika kaya mga kababayan, manatiling nakatutok sa mga impormasyong ihahatid namin sa inyo.
Simulan na natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Inatasan ni Senator Bong Go ang Department of Health at Department of Trade and Industry na i-monitor ang presyo ng RT-PCR test kasabay nang pagdami ng mamamayang nais magpa-swab. Ayon kay Senator Go, dapat labanan ng gobyerno ang mga mapagsamantala ngayong mataas ang antas ng kaso ng COVID sa bansa. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Dagsa pa rin ang mga kababayan natin sa mga botika dahil sa pagdami ng bilang ng mga may trangkaso at iba pang sakit lalo na po sa NCR. Kaya naman upang kumustahin po ang update sa stocks ng mga kinakailangang gamot, narito po si Ms. Jannette Jakosalem, Vice President ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines. Welcome po sa aming programa, Ms. Jannette.
PHAP VP JAKOSALEM: Magandang umaga po, Usec. Rocky!
USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Jannette, noong mga nakaraang araw talagang kumalat din sa social media na balita na nagkakaubusan nga po sa botika ng mga gamot partikular itong ilang brand ng paracetamol. Ano na po ‘yung estado sa stock nito ngayon [garbled] mga kaparehong gamot [garbled] sa sintomas ng COVID-19?
PHAP VP JAKOSALEM: Ang obserbasyon [garbled] Usec. Rocky, nagkakaroon nga ng temporary out of stock situation sa mga mangilan-ngilan na mga botika natin at para doon sa mga selected na brand. Usually ang nagkakaubusan iyong mga kilalang brand po ng paracetamol/analgesics.
Pero doon sa brand ho na dala noong aming mga members, iyon, patuloy naming sinisigurado na iyong requirement noong mga drug stores ay nari-replenish po namin kaagad. Ongoing ho iyong replenishment pero ‘pag bigla ho naman kasing taas ng bili ‘no, iyong requirement noong gamot, talagang minsan hindi ho maiiwasan na nauubusan ng stock doon sa botika.
USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Jannette, may tanong po iyong ating kasamahan sa media ‘no. Tanong po ito ni Red Mendoza ng Manila Times: May mga nagsasabi daw po na ang issue sa kawalan ng mga gamot sa botika at drug store ay dahil sa issue ng supply chain. May mga naging issue po ba sa delivery ng mga gamot na ito at paano po natin maa-assure na ongoing ang delivery ng mga gamot sa mga botika at drug store?
PHAP VP JAKOSALEM: Opo. Depende po kasi, iba-ibang situation kada brand ng paracetamol ano; pero first and foremost, gusto lang naming ipaabot sa ating mga kababayan na marami na hong iba-ibang klase ng paracetamol, iba-ibang brand po. Puro po ito branded generics ang available sa market ngayon at marami hong puwedeng pagpipilian. Iyong supply situation po, ang obserbasyon namin talagang temporary out of stock iyon doon sa mga specific na botika at para doon sa specific na brand.
So ‘pag mayroong mga kinikilalang gamot na pini-prefer ng mga kababayan natin, iyon ang binibili ng karamihan… posible talagang mag-out of stock. Pero ang ginagawa ho ng organisasyon kasama ng Zuellig Pharma, kami po ang distributor, iniikutan ho namin iyong mga drug stores para sigurado na ‘pag bumaba iyong kanilang imbentaryo, nagkakaroon ho sila ng replenishment as fast as possible.
USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Jannette, sa dami po ng nagkakasakit ngayon ano po ay hindi talaga maiiwasan ng ating mga kababayan na medyo mag-panic buying ng iba’t ibang klase ng gamot pangontra dito. Ang kaso po, mayroon pa ring hindi alam kung anong gamot ang pinakamainam gamitin sa kanilang karamdaman at kung ano iyong epekto ng mga magkakaibang gamot na pinagsasabay-sabay pong inumin?
May kaugnayan rin po ito sa tanong ni Mav Gonzales ng GMA News: Ano daw po ‘yung reminders po sa usage ng paracetamol? Some people are taking it to prevent fever, tama po ba ito? And can you overdose from paracetamol?
PHAP VP JAKOSALEM: Ang general advice po namin para sa ating mga kababayan eh huwag ho uminom ng gamot kung hindi kayo nagpapakonsulta ng doktor. Iyong paracetamol ginagamit natin sa bahay iyan pang-first aid pero kung nagpi-persist pa ‘yung lagnat ninyo at hindi nawawala doon sa pag-inom ng paracetamol, kailangan po na kumonsulta na ng doktor. Kung takot na pumunta sa clinic, mayroon namang mga tele-consult na available na ngayon na madali na lang hagilapin iyong mga doktor para kumonsulta.
Pangalawa po, ‘pag naubusan noong specific brand na sanay kayong ininom, puwede ninyong tanungin ang pharmacist at puwede hong magrekomenda ang pharmacist ng ibang brand; iyong mga generics ho, iyon ‘yung walang brand ‘no, paracetamol ang nakalagay doon sa wrapper noong… sa foil noong tabletas, parehas lang ho ang effectivity niyan.
Sinisigurado naman ng FDA natin na hindi nila ia-approve iyong pagbenta ng mga gamot kung hindi iyan dumaan sa masusing testing ‘no. At importante iyon na malaman ng mga kababayan natin ang generic, iyong walang brand, is equally as effective as iyong mga branded.
USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Jannette, naging maiingay ngayon sa social media iyong mga kumakalat na pekeng paracetamol at iba pang gamot. Kayo po ba ay nakikipag-ugnayan na sa mga manufacturers at distributors ng iba’t ibang brands tungkol dito?
PHAP VP JAKOSALEM: Opo. Iyong members po ng PHAP, kami po ay sinisigurado namin na iyong gamot na dini-distribute dito sa Pilipinas na galing doon sa aming mga miyembro ay hindi ho fake iyon. Ang advice namin sa mga mamimili at ating mga kababayan, bumili lang po doon sa licensed na drugstore; huwag po iyong bumili sa black market, minsan sa online mayroon ding napipeke. Kaya importante, sa licensed drugstore po tayo kumuha ng ating mga gamot.
USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Jannette, paano po ba tayo makakasiguro na tunay iyong nabibili nating gamot lalo kapag generic kasi may kilala silang brand, ano po? At ano raw po kaya iyong magiging epekto ng pekeng gamot sakaling ito po ay nainom ng may sakit?
PHAP VP JAKOSALEM: Ang importante po, iyong kung saan ninyo binibili. Kaya importante na doon kayo bumili sa botika na lisensiyado. Normally, iyong mga botika, niri-require ng FDA, niri-require ng DTI na ipaskil sa accessible na lugar iyong kanilang license. Importanteng nakikita ninyo iyon na lisensiyado iyong drugstore kung saan ninyo binibili iyong mga gamot ninyo. Kasi iyong licensed drugstore po, hindi iyan sila magbebenta ng peke.
Pangalawa po, mahirap sabihin iyong magiging epekto. Posible na walang effect ‘no, so iinom ka ng gamot, aasahan mo na gagaling ka, hindi mo makukuha iyong desired result ng gamot. Posibleng mayroon ding mga side effects, pero mahirap nang sabihin kung ano iyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero nabanggit ninyo nga, Ms. Jannette, na kasing bisa rin nitong generic na gamot at ng kung ano iyong brand na kanilang palagiang ginagamit, ano. Dapat po talagang maintindihan ito ng ating mga kababayan. Pero ano po iyong aksiyon na plano ninyong gawin kung may mahuhuli po at mapapatunayang gumagawa at nagdi-distribute po ng mga pekeng gamot?
PHAP VP JAKOSALEM: Ongoing po ang coordination ng PHAP with government agencies po ‘no. Kapag mayroong nakarating sa amin na balita na may nagbibenta ng pekeng gamot, automatic po ay niri-report natin iyan sa FDA, sa DTI at sa NBI ho. Marami ng mga kaso in the past na may nahuhuli na na nagbibenta ho ng pekeng gamot.
USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Jannette, may gusto ba kayong ibahagi sa ating mga tagasubaybay? At ano po ang inyong paalaala sa kanila? Go ahead, Ms. Jannette.
PHAP VP JAKOSALEM: Maraming salamat po, Usec. Rocky. Paulit-ulit po naming niri-remind iyong ating mga kababayan na huwag bumili nang sobra doon sa kailangan ninyo. Naiintindihan namin na gusto ninyong preparado ‘no, which is not bad. Importante naman sa atin iyon na mag-prepare, pero huwag naman po sanang sobra-sobra doon sa kailangan ninyo.
Iyong compassion ho para doon sa atin namang ibang kababayang mas nangangailangan ng gamot, iyon ang isipin natin. Pangalawa ho, may expiration date iyong mga gamot natin, hindi ho iyan nagla-last nang matagal, sayang naman na hindi ninyo mainom iyong gamot. Dinadasal nating lahat na iyong gamot na binibili natin, hindi natin kailangan. Kaya kung sobra-sobra iyong binibili, puwedeng mag-expire at sayang din iyong pera, sayang iyong opportunity na hindi iyan nainom ng ibang mas nangangailangan.
Pangalawang advice is kumonsulta ‘no. Kapag nagkasakit, importante na magpakonsulta sa doktor kasi doktor lang talaga ang puwedeng magsabi kung ano iyong tamang gamot na iinumin ninyo. Kung iyong brand na kinasanayan ay out of stock, puwede rin pong magkonsulta sa pharmacist. Ang pharmacist, puwede ho iyang magbigay ng suggestion kung anong ibang brand ang available. Iyon lang po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero panghuli na lang, Ms. Jannette, kayo po ba ay mayroon nang na-monitor sa social media o kahit saan po na lugar na nagbibenta po ng pekeng paracetamol?
PHAP VP JAKOSALEM: As of now po, Usec. Rocky, wala kaming nakikita na iyong evidence ‘no, na na-report. Pero tuluy-tuloy po iyong aming pag-assess ng situation. Binabantayan po namin kung anong nangyayari on the ground.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, maraming salamat din po sa inyong oras, Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines Vice President Jannette Jakosalem. Stay safe po.
PHAP VP JAKOSALEM: Stay safe rin po, Usec. Rocky. Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Samantala, upang bigyan pa tayo ng karagdagang kaalaman at detalye ukol sa Omicron variant at sa transmission nito, atin pong makakapanayam ang Infectious Diseases Specialist na si Dr. Rontgene Solante. Magandang umaga po sa inyo, Dok. Welcome back po sa Laging Handa Public Briefing.
DR. SOLANTE: Magandang umaga, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Dok, matapos itong selebrasyon ng Bagong Taon, marami po iyong nakaramdam ng sintomas ng COVID-19 at nagpositibo pa rito. Isa pong nakikitang dahilan ay iyon pong paglaganap ng Omicron variant sa bansa. So kailan po ba natin masasabi na may community transmission na ang variant na ito?
DR. SOLANTE: Well, sa situation natin ngayon, Usec. Rocky, with the enormous, I say, enormous number of people being positive with the just short duration of time and most of them are manifesting with an upper respiratory track symptoms, then I would say there is already community transmission of Omicron variant.
USEC. IGNACIO: Opo. Gaano kabilis daw pong makahawa itong Omicron variant kumpara sa iba pang klase ng COVID-19 variant? Mayroon na po bang bagong findings tungkol sa Omicron? Kasi noong una, Dok, itong Delta sinasabi talagang lubhang nakakahawa nang mas marami, paano raw po itong Omicron?
DR. SOLANTE: Okay, so if we’re going to base the ability of the Delta to transmit a single interaction, sa isang positive it can infect like five to eight ‘no. Now, the expert’s opinion here is that because of these heavy mutations, the Omicron variant can be three to five times as highly transmissible as that of Delta. So anong ibig sabihin niyan? So you can just imagine, you have to multiply five times three or five times five, then that’s the number of possible contacts na talagang puwede ninyong mahawaan with a single interaction especially in an enclosed space. And that’s why we are seeing a lot of these positives now, not only in the community ‘no, we’re also seeing a lot of these in the health care facilities. And most of the healthcare facilities now, I would say, one-third to one-half of the total health care manpower are positive with COVID.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, kasi bukod dito sa Omicron at Delta na pareho talagang mabilis makahawa, pero ano raw po ang masasabi ninyo tungkol po sa pahayag na umano‘y natural vaccine daw po ang Omicron variant? Humihina po ba talaga ang virus habang patuloy po itong nagmu-mutate?
DR. SOLANTE: Okay, unang-una, we have to take that particular message of natural vaccine because we know that kapag na-infect ka ng Omicron variant, once you recovered, kung maka-recover ka, then you still have an antibody and that is why you are protected against a reinfection of an Omicron variant. But the fact that this is still a virus and the possibility that if you are infected, you can also still develop severe, then chances are medyo mahirap sasabihin natin na we just want to be infected so that we can have a natural immunity.
So the point here is that, even if you are infected with an Omicron variant, it doesn’t meant that you are, in your lifetime, protected against COVID. Because as long as there is mutation, as long as there is community transmission, then you can always get COVID. And how do we minimize and mitigate this transmission? It’s only through vaccine. And we cannot just rely na magpa-infect ka. We still have to protect ourselves and we still have to get ourselves vaccinated.
USEC. IGNACIO: Opo. Dr. Rontgene, may tanong po iyong ating kasamahan sa media. Tanong po ni Red Mendoza ng Manila Times: Sinasabi na po ng WHO na hindi po dapat ipagsawalang-bahala ang Omicron bilang isang mild na klase ng variant. So ano po ang dapat nating tandaan para hindi tayo maging complacent at huwag maging pabaya sa banta po ng nakakahawang variant na ito?
DR. SOLANTE: Okay. So—in fact, were refrained from using the term ‘mild’ lang ano and in fact CDC emphasizes that the proper term here is ‘less severe’ form of Delta because if you say ‘mild’ baka maging kampante tayo. And actually on the ground now we are seeing patients now admitted even with mild symptoms but because of their comorbidities they are now in the hospitals because of their comorbidities ‘no so dapat hindi natin bale-walain.
The fact but it can still cause symptoms, it can still cause instability sa katawan natin, there is a possibility that we can still get admitted in the hospital especially sa may mga comorbidities and ayaw natin iyong magkahawa-hawaan tayo dahil that can also cause more shortage of people especially the working population.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Red Mendoza, ng Manila Times: Sa Hospital daw po kung saan kayo nakabase ngayon ilan po ang mga pasyente na nasa severe and critical status? Ilan po dito sa mga severe ang hindi bakunado at may ilan po bang mga bakunado na maaring tamaan ng severe disease dahil sa kanilang comorbidity?
DR. SOLANTE: Okay. So, more or less ‘no we are seeing increasing numbers of the cases and in fact the government hospital where I am affiliated the daily cases are rising and our policy is only to admit those with severe and critical. So, medyo tumataas-taas na rin ang mga severe and critical and ang ganitong scenario ngayon since marami-rami na rin ang nabakunahan ngayon ‘no.
So, nakikita namin na mataas-taas na rin ang nag-severe/critical na may mga bakuna na but as we mentioned itong mga patients na ito are really the immunocompromised and those vulnerable.
So, if we talk about vulnerability and symptoms of COVID ito iyong mga talagang puwedeng ma-admit sa hospital and will develop severe and critical stage of COVID. Although, if we compared this, USec. Rocky, with the Delta variant before medyo mas less ngayon ang nagka-severe/critical compared doon sa Delta.
USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang pong tanong si Athena Imperial ng GMA News on the shortened quarantine protocols for health care workers up to 5 days for fully vaccinated health care workers: Gaano po ito kaligtas? Hindi na po sila makakahawa sa iba nilang kasamahan at sa mga pasyente?
DR. SOLANTE: Okay. So, the shortened protocol of isolation and quarantine is made because of the exigency that we need health workers to man the health care facilities given the situation now that marami talagang nagpupunta sa hospital. Otherwise, we will have a breakdown of our health care facilities.
Now, five days is it safe? Is it lower risk to still get the infection? Ang importante dito maintindihan natin na once you only have a mild symptoms or even an asymptomatic on the fifth day nakikita natin iyan na bumaba na rin ang viral load especially if you are already a symptomatic on the fourth day and fifth day then on the sixth day puwede ka nang makapagtrabaho.
Now, rider there is that they also will be working in the hospital we will still strictly implement that they will be following the health protocol, the wearing their face mask, the face shield and physical distance including the monitoring of the recurrence of symptoms.
USEC. IGNACIO: Opo. Tungkol naman daw po sa self-administered antigen kit. Kayo po ba ay suportado dito at ano po ang magiging epekto kung ito daw po ay ipapagamit na sa bansa?
DR. SOLANTE: Okay. So, malaking bagay ang antigen test ‘no because ang RT-PCR you need to go to a laboratory. Now, if there will be now an approval of the self-administered test kit it will help some of our client na puwede silang i-test na lang iyong sarili nila if they have COVID and they can do isolation and contact tracing, mas mabilis kaysa maghintay tayo ng RT-PCR ‘no.
But tandaan natin ngayon wala pa talaga tayong self-administered test kit ‘no, and sometimes ang importante kasi dito na how will you interpret the result okay and what will you do with the result. So, kung gagawa naman tayo ng mga antigen kit sa bahay we need to have a close coordination with the health care professional para lang we should be guided on how to use it and what to do after being tested with this antigen test kits.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc., ano iyong nangyari po dati mayroon tayong saliva test kits. Paano po ito, hindi po ba ito puwedeng gamitin din para mas mabilis po ito bilang pang-test?
DR. SOLANTE: Iyong sa saliva test, USec. Rocky, is also an RT-PCR, nagkaiba lang ito sa isang test dahil iyong nasopharyngeal at saka oropharyngeal itong saliva but still an RT-PCR method ang detection nitong saliva na test which is only done by the Philippine National Red Cross.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, ano daw po iyong pinagkaiba ng home testing kits kumpara po sa ibang klase ng antigen test? Tingin po ninyo ay kailangan na rin itong gawin? Sa tingin ninyo, kailan po ito magsisimula ipamahagi o ma-distribute?
DR. SOLANTE: Well, we need to wait for the FDA approval of all these test kit ‘no, para at least we will be assured all of this are evaluated by FDA and the kits are quality assured na talagang maganda ang sensitivity and specificity because if you are using any kit now na hindi approved ng FDA baka mahirapan tayo sa interpretation niyan especially, USec. Rocky, na mayroon kang symptoms and you will do the antigen test kit and then pag negative baka kampante ka lang na okay ka lang ‘no.
Now, remember, in our algorithm ‘no for someone that is positive at this point in time na mayroong sintomas and then antigen test kit is negative kailangan mo pa rin magpa-RT-PCR to really confirm if you have COVID.
USEC. IGNACIO: Opo at kapag wala po kayong access munang magpa-test, isolation po or quarantine talaga muna iyong dapat gawin ano po Doc?
DR. SOLANTE: Yes, napakaimportante ngayon ‘no once you have the symptoms you had to isolate and you had to tell all to your household na to observe also for symptoms and do self-quarantine dahil napakataas ngayon ang hawaan sa work place.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, ano po ba daw iyong concerns ng FDA at DOH kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa po daw aprubado gumamit ng home test kits?
DR. SOLANTE: Because wala pa talaga tayong approved na home test kits ano. So, kagaya ng mga gamot na ginagamit natin, we need an EUA for that for proper evaluation and on that note we also need this including also sa mga diagnostic test. Kasi, nagliliparan talaga ang different diagnostic test ngayon na hindi natin alam ano ang validity, ano ang quality nitong mga diagnostic test na ito.
We don’t want people using a test na hindi natin alam kung ano ang magiging performance because they will be spending money na hindi naman maganda ang mga test na ito kung hindi evaluated ng government natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Solante, sa tingin ninyo itong surge na nararanasan natin kasi sinasabi po ng ating ilang eksperto sa Africa ilang buwan po lang tumagal. Sa tingin ninyo gaano tatagal itong surge na nangyayari sa atin ngayon dahil sa Omicron at kasama na rin po iyong Delta?
DR. SOLANTE: Well, mahirap mag-predict ‘no at this point in time ‘no, ang alam naman natin itong Omicron variant at this point is really causing massive transmission in the community and the only way na ma-predict natin na hihina ang kaso if we will truly and strictly follow the health protocol.
Because the health protocol, the wearing of your face mask and face shield including observing the physical distancing is the in immediate important aspect of the [unclear] against getting the infections and followed it also with your vaccination and given the booster you have and added protection that you will not develop a more severe infection.
USEC. IGNACIO: Opo. Panghuli na lang Doc. Solante: May mga nagsusulong din po na posible daw pong isa-ilalim muna sa Alert Level 4 ang ilang bahagi po ng Pilipinas iyon pong may mga matataas na kaso ng COVID, ano po ang masasabi ninyo dito?
DR. SOLANTE: Well, I think alam naman natin na ang escalation to a higher alert level will always be dictated by the number of cases. So—I mean with the hospital facilities now, shortage of health care workers and a most of those patients with high transmissibility sa community then I would think… in my opinion, we need a higher level than what we have now.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Solante, kunin ko na lamang po iyong mensahe ninyo para sa ating mga kababayan. Ito po ay sa gitna nang patuloy pa rin po nating laban sa COVID na sinamahan po itong Delta at Omicron. Go ahead po, Doc Solante.
DR. SOLANTE: Yes, thank you for this opportunity ‘no. So again, we would like to remind everyone ‘no na napakataas ng transmission ngayon ng Omicron variant, so importante dito ngayon is you have to take into consideration – very important – when you have symptoms, you need to isolate yourself. For those who have been exposed then you have to do quarantine ‘no. Huwag kayong magpapakampante na wala kayong nararamdaman because when you go to your workplaces, you can be a potential transmitter of the infection. And of course iyong kampanya pa rin natin na to go for the booster vaccination especially for the vulnerable population which will give you added protection in the prevention and protection against severe form of COVID-19.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Solante, kami po ay nagpapasalamat sa inyong impormasyon at sa inyong oras. Dr. Rontgene Solante, Infectious Disease Expert. Mabuhay po kayo and stay safe.
DR. SOLANTE: Thank you, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman tayo sa mga pinakahuling pangyayari sa iba pang mga lalawigan sa bansa. Puntahan natin si Aaron Bayato ng PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Aaron Bayato.
Samantala, tanggapan po ni Senator Bong Go nagpaabot ng tulong para sa mga single parents sa Cabuyao, Laguna. Nais din ng senador na gawing komprehensibo ang mga benepisyong natatanggap ng mga solo parent sa ilalim ng Solo Parents Act of 2020. Panoorin po natin ito:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Diyan lamang po kayo, magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa Pilipinas base po sa datos na inilabas ng Department of [technical problem] kaya umabot na po ang bilang [technical problem] sa sakit, kaya umakyat na ito sa 51,871 na total death tally. Sa [technical problem] ang lahat naman po ng mga gumaling matapos madagdagan ng 973 na katao kahapon. Umakyat naman ang active cases natin ngayon na nasa 77,369 o 2.7% ng kabuuang bilang.
Samantala, atin pong alamin ang pinakahuling balita tungkol sa COVID case admission at estado ng mga healthcare workers ng Philippine General Hospital. Makakasama po natin ngayong umaga ang kanilang spokesperson, Dr. Jonas del Rosario. Magandang umaga po, Dok!
PGH SPOKESPERSON DR. DEL ROSARIO: Magandang umaga po sa inyo.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Jonas, unahin ko na po ang magkaparehong tanong nina MJ Blancaflor ng Daily Tribune at ni Red Mendoza ng Manila Times, ito po ang tanong nila: At present, ilan po ang COVID patients na na-admit sa PGH? Ilan po sa kanila ang unvaccinated? Mas severe po ba ang kundisyon compared with those who are vaccinated?
PGH SPOKESPERSON DR. DEL ROSARIO: Okay, sa ngayon po, we have 255 COVID patients po na naka-admit sa PGH. Tapos po kapag tinitingnan namin iyong mga proportion ng vaccinated at unvaccinated, halos pareho lang ‘no – mga 50/50, may 50% na vaccinated at 50% unvaccinated. Tapos po, iyon pong sa critical or severe na mga cases, hati din po ‘no, unvaccinated and vaccinated.
But alam mo, ang isang tinitingnan namin sa datos, kasi marami sa mga pasyente ngayon na dumadating ay marami mga mild ‘no. Marami kaming mga vaccinated patients, fully vaccinated patients na iba iyong sakit nila kaya sila napupunta sa PGH. Actually, may mga iba pa silang dinadaing, ordinarily ay may iba silang sakit. Kaya lang it turns out nagkaka…nag-positive sila sa COVID pero hindi talaga iyong COVID ang nagpalala sa kanila kung hindi may iba silang sakit.
Versus sa mga unvaccinated po, iyong mga unvaccinated patients natin, iyong COVID po ang malala sa kanila, iyong kundisyon nila sa COVID.
USEC. IGNACIO: Opo. Dr. Jonas, follow up naman po na tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Dumaragdag po ba ang mga severe or critical na bagong pasok sa PGH or ito pong mga severe or critical ay mga matagal nang nakaratay ang mga ito; at ano po iyong mga case profile po nila? Sila po ba ay bakunado?
PGH SPOKESPERSON DR. DEL ROSARIO: Ang mga nasa ICU po ngayon ng PGH, sila po ang … ang kanilang mga case profile na-stroke, inatake sa puso, may iba pang sakit, may sepsis ‘no tapos nagka-COVID po iyong iba sa kanila. Kaya iyong iba po doon ay talagang kahit na wala silang … hindi man lang sila nagka-COVID, malamang sila rin po iyong mga pasyente namin na gagamutin sa ICU.
Ang kaibahan po ngayon, napapansin namin sa mga may COVID na pumapasok [technical problem] kami po pagpasok sa PGH Emergency—
USEC. IGNACIO: Dr. Jonas?
PGH SPOKESPERSON DR. DEL ROSARIO: Hello?
USEC. IGNACIO: Medyo naputol po kayo. Ang napapansin ninyo po sa bagong mga pumapasok na may COVID ay ano po? Naputol po kayo sa bahaging iyon, Dr. Jonas.
PGH SPOKESPERSON DR. DEL ROSARIO: Mas konti po ngayon ay mga pumapasok na may respiratory problem, iyon pong kailangan ng ventilator o kailangan na ma-intubate na mababa ang oxygen, na hirap na hirap huminga, bihira po iyon. Ngayon po mas dumadating silang critically ill dahil may iba pa po silang sakit pero may COVID din po sila. So para bang incidental finding po iyong COVID.
USEC. IGNACIO: Okay, opo. Pero, Dr. Jonas, base po sa inyong datos ngayon, kumusta po ang bed capacity sa ospital, mayroon pa ho bang mga bakante?
PGH SPOKESPERSON DR. DEL ROSARIO: Ngayon po, iyong amin pong ICU ay puno at 100% occupied iyong ICU for COVID. Pero iyong amin pong mga beds ay—actually, hindi kami makapaglagay ngayon ng … hindi naman namin talagang nilalagyan ng cap kasi marami sa aming mga non-COVID patients ay nagiging COVID kaya hindi rin naman namin sila naidadagdag lang. So if you use 255 patients right now, we can probably accommodate another 50, so we’re probable about 80% of our occupancy now.
But, dahil kami po ay COVID-referral center at marami po sa aming mga pasyente ay talaga namang may mga non-COVID concerns at talagang nagkaka-COVID lang sila along the way ay tinatanggap pa rin po namin sila ‘no kaya expandable naman po as per need basis.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano po iyong ginagawa ng inyong pagamutan, ng PGH, para po ma-accommodate naman iyong mga pasyente at masigurong mabigyan sila nang agarang atensiyong medical?
Sundan ko na rin po ng tanong ni MJ Blancaflor ng Daily Tribune: How many PGH workers are currently infected with COVID; at paano po naaapektuhan ang inyong operations? How will you implement the new IATF guidelines allowing the hospital to shorten quarantine and isolation period? Mayroon po bang mga nag-positive sa PGH na healthcare workers natin, Dr. Jonas?
PGH SPOKESPERSON DR. DEL ROSARIO: [Garbled] tanong, ang ginagawa po namin, we are opening more beds po. We are re-opening our COVID wards. Iyong mga ginawa po naming non-COVID wards ay binabalik namin na maging COVID wards ulit para po to answer to the needs nang mas marami na namang may COVID – so that’s one.
Pangalawa po, iyong second question, totoo po, marami po sa aming mga healthcare workers ang nagkaka-COVID. Twenty-five percent po sa aming workforce ngayon ay may COVID ‘no. Napakalaki pong bilang iyon lalo na sa mga key areas napipilay po kami.
Marami rin po na nagka-quarantine. Kailangang i-quarantine dahil na-expose sila. So as much as about 40% po ang aming workforce ang affected either infected or na-expose. Pero noong tiningnan po namin if…kagaya po ng suggestion ngayon ng IATF ay ginawa na rin po namin iyan, in-adopt na rin po namin na iyong lahat po ng mga asymptomatic na dapat po—mga asymptomatic po na na-expose, hindi na po namin sila pinagka-quarantine. Basta wala po silang symptoms ay tuloy lang po ang trabaho kasi po hindi po namin kayang i-quarantine ang napakaraming empleyado – doktor, nurses at mga support staff – kasi wala na pong magsiserbisyo sa ospital.
So, ngayon po ang policy po namin unless maging symptomatic ka, kapag ikaw na-expose, for example, na-expose ka sa isa na may COVID pero wala ka pa naman symptoms, tuloy lang ang trabaho, hindi ka magka-quarantine. Iyan po ang crisis response po ng PGH ngayon para hindi po tayo mawalan o mapilayan ng tao.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc Jonas, ano naman iyong hakbang na gagawin po ng PGH na kahit papaano po maprotektahan itong ating mga health care workers?
PGH SPOKESPERSON DR. DEL ROSARIO: Okay. Level up po iyong aming PPE, lahat po ng health care workers naka-N95 kapag po tumitingin ng mga pasyente at mabilis po kami, everyday po iyan, minu-monitor po ang symptoms at saka kung may maramdaman iyong empleyado na kakaiba iti-test na po kaagad sila at ia-isolate kung sila ay may COVID.
So, continuous po iyong monitoring. Hindi rin naman namin isasabak iyong mga doctor natin, nurses kung sila ay may nararamdaman. So, ang pinag-uusapan po natin kapag ikaw ay asymptomatic po kahit na nagkaroon ng exposure ay hindi po sila ika-quarantine for now.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Jonas, tungkol naman po sa pansamantalang pagsasara ng inyong maternity ward dahil sa surge ng inyong COVID-19 cases sa NCR. Hanggang kailan daw po kaya ito?
PGH SPOKESPERSON DR. DEL ROSARIO: I think po maibabalik na iyan pagpasok nitong darating na linggo kasi po marami na rin pong mga tao na na-isolate, na babalik na po and we are opening up the ward again po, may mga napa-discharge na rin po na mga pasyente. So, babalik na rin po iyong paanakan very soon po, I think, hindi na po matatagalan. Siguro another two days po.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Jonas, may tanong lang po iyong ating kasamahan sa media. Pahabol pong tanong ni Leila Salaverria ng Inquirer: Gaano kalaki po ang workforce ngayon ng PGH?
PGH SPOKESPERSON DR. DEL ROSARIO: Well, ang aming total po na frontliners/health care workers po ng PGH is close to 5,000 po. Directly involved sa COVID operation ay 2,000. So, 40% po ng aming workforce ay directly or indirectly involved sa COVID operations po.
USEC. IGNACIO: Opo. Basahin ko lang din po iyong tanong ni MJ Blancaflor ng Daily Tribune: In case may maidagdag kayo Doc Jonas. Kung puwede lang daw pong pa-clarify ito pong 25% staff ninyong infected? Ilan po ang katumbas noong number?
PGH SPOKESPERSON DR. DEL ROSARIO: So, kung ang gagamitin natin na base ay 1,200 o ilagay mo nang 1000, so mga 250 frontliners.
USEC. IGNACIO: Doc Jonas, kunin ko na lamang po ang inyong mensahe at paalala sa ating mga kababayan. Alam po namin kayong mga modern days heroes ay talagang napapagod pa rin at walang pahinga dito sa COVID. Go ahead, Doc Jonas.
PGH SPOKESPERSON DR. DEL ROSARIO: Ang amin pong pakiusap sa ating mga kababayan, ngayon po ay mayroon tayong sitwasyon na mabilis pong kumalat iyong COVID, tulungan ninyo po kami na huwag kayong magkasakit or kung kayo man po ay may sakit na huwag ninyo na pong ikalat iyong COVID.
So, ang pinaka-practical po is kung mayroon kayong sintomas – ubo, sipon, makating lalamunan, trangkaso, iba ang pakiramdam ninyo – ang una ninyo pong dapat gawin ay i-isolate na po iyong sarili ninyo, huwag na po kayong makihalubilo sa pamilya o mga kaibigan, huwag na pong pumasok at kung puwede po ay magpa-test.
Kung sakali man po hindi man, kung magpapa-test po kahit po Rapid Antigen kung kayo ay symptomatic, RT-PCR po kung kakayanin. So, just in case po talagang hindi puwede o walang kakayahan magpa-test, napaka-importante po talaga iyong isolate na po ang sarili ninyo para hindi makahawa na po.
Iyon lang naman po at pakiusap din po ng PGH – dahil kami po ay COVID referral center – sa ngayon po iyong mga mild at asymptomatic ay hindi po natin tatanggapin para po mareserba ang limited bed po sa severe patient po na may COVID. Iyon lang po. Salamat po.
USEC. IGNACIO: Opo, kami po ay nagpapasalamat sa inyo PGH Spokesperson, Doctor Jonas Del Rosario. Ingat po kayo, maraming salamat po sa inyo.
PGH SPOKESPERSON DR. ROSARIO: Salamat po.
USEC. IGNACIO: Samantala, utilization rate ng COVID-19 ward beds sa SPMC umakyat na sa 32.47% mula sa 17.86% noong January 1st. Ang buong detalye sa report ni Regine Lanuza ng PTV-Davao.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita: Senator Bong Go, tinulungan ang LGBT community sa Carcar, Cebu na apektado sa pananalasa ng Bagyong Odette. Ipinahayag din ng senador ang kaniyang suporta sa panukalang batas para sa sexual orientation and gender identity and expression equality. Tunghayan po natin ang detalye ng report.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Ibinahagi ng Department of Health na sa patuloy na transmission ng virus ay lalo itong nagmu-mutate at replicate, kaya naman lalo nilang pinaigting ang bakunahan sa bansa. Payo rin nila sa nakakaramdam ng sintomas ng COVID-19 agad pong mag-self quarantine at huwag mag-atubiling magpakonsulta at magpa-test.
Samantala, bagama’t hindi po natin makakasama ngayon si DOH Spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire ay tiyak naman niya na mananatiling bukas ang kaniyang tanggapan para sa katanungan ng ating mga kasamahan sa media. Salamat po.
At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Ako po si USec. Rocky Ignacio, magkita-kita po tayong muli sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center