Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Maraming isyu at problemang kinakaharap ang bansa dahil sa COVID-19 kaya naman po iba’t ibang hakbang ang ginagawa ng pamahalaan para mabigyan-solusyon ang mga ito. Kaya naman ngayon ay aalamin natin ang mga inihandang programa at proyekto ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para sa mamamayan. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang makakasama natin sa programa sina Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III, Department of Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay, at PhilHealth Spokesperson Rey Baleña.

Makakasama rin natin sa paghahatid ng ulat ang mga PTV correspondents mula po sa iba’t ibang probinsiya at ang Philippine Broadcasting Service.

Samantala, para naman po sa inyong mga katanungan, maaari kayong mag-comment sa livestreaming ng ating program sa PTV Facebook page.

Una sa ating mga balita, suportado po ni Senator Bong Go ang Fire Protection Modernization Bill kung saan magsisilbi siyang co-sponsor ng nasabing panukalang batas. Layunin ng bill na makapagtatag ng Fire Protection Modernization Program na ipatutupad ng Bureau of Fire Protection. Nakapaloob din dito ang pag-hire po ng karagdagang personnel, modern fire equipment at training para sa mga bombero. Bukod pa diyan, mandato rin ng panukala na makapagsagawa ng monthly fire prevention campaign at information drive sa lahat ng lokal na pamahalaan.

[VTR]

Sa iba pang balita, patuloy ang panawagan din ni Senator Bong Go sa pamahalaan na siguraduhing nakakapagpaabot ng agarang tulong sa mga nangangailangan nito. Matatandaan noong Martes po at Miyerkules ay nagpamahagi ang tanggapan ni Senator Go ng pagkain, mask, face shield sa ilang mga residente ng Barangay Payatas, Quezon City at ang Barangay San Juan, Cainta, Rizal. Bukod pa riyan, nagpamigay din po ng bicycle at motorcycle back-riding barriers sa mga piling residente ng nasabing mga komunidad. Naroon din po ang DSWD upang magpaabot ng karagdagang tulong sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation.

Samantala, marami sa mga Pilipino abroad ang nangangailangan ngayon ng tulong mula sa ating pamahalaan. Pag-usapan po natin kung paano binibigyan-solusyon ang mga ito kasama si Department of Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay. Good morning po, Usec.

USEC. DULAY: Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Usec., kumustahin ko lang po muna iyong COVID-19 situations sa mga Pinoy abroad. Gaano na po ba karami ang nagpositibo at sa kasamaang-palad, nasawi po dahil sa COVID-19?

USEC. DULAY: Base doon sa aming impormasyon ngayon, Usec. Rocky, hindi naman ganoon kagrabe iyong ating mga kababayan na tinamaan ng COVID-19. So far, ang latest report natin as of yesterday ay mayroon tayong mga kababayan abroad, total, mga 10,000 iyong tinamaan sa abroad na mga OFWs.

At sa kasamaang-palad, mga pitong daan ang nasawi. At ito kasi ang, Usec. Rocky, pitumpu’t pitong bansa ang naitala na ang mga Pilipino ay naapektuhan ng COVID. Maganda naman ang report sa amin sapagka’t karamihan ay nag-recover, mga 6,580 ang naka-recover; tapos ngayon, mayroong tatlong libo na undergoing treatment. So iyon naman, Usec. Rocky, ay tuluy-tuloy na sinusubaybayan ng ating mga embahada at sa konsulada para siguraduhin na sila ay inaalagaan ng kaniyang mga host countries.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano po iyong, Usec., assistance naman na ipinaabot po natin para naman sa mga Pilipino na naapektuhan ng COVID-19 sa abroad?

USEC. DULAY: Usec. Rocky, unang-una, alam mo naman ang DFA, ang trabaho namin talaga diyan ay tulungan sila. So unang-una diyan, siyempre mayroon tayong repatriation ano – kung sila ay nangangailangan ng tulong para makauwi, iuwi natin sila.

Mayroon din tayong tinatawag na mga shelter. Ito ay isang tirahan ng ating mga kababayan, at kasama natin dito kung mayroon pong POLO-OWWA doon ano, iyong Philippine Overseas Legal Office. Kasama po natin iyong opisina po ni Secretary Bello, nag-o-operate po tayo nitong mga shelter na ito para po alagaan po sila.

Iyon naman pong mga kababayan po natin na mayroon pong tinatawag na mga kaso, iyan din po ay isa po sa mga primary assistance po ng Department of Foreign Affairs. Alam ninyo, katulong po namin dito iyong opisina ni Secretary Bello sa pagtulong sa ating mga kababayan. Kaya po maganda po na nandito rin po nga mamaya si Secretary Bello sapagka’t mayroon din po silang ginawa na financial assistance na iyon naman po ang hinihintay din po ng ating maraming mga kababayan para po sa pandemya – matulungan po sila financially.

So iyon po, Usec. Rocky, ang ating initiatives napu-post.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ipinag-utos din po ni Pangulong Duterte na tulungan po ang mga Filipino seafarers na stranded sa mga barko abroad. Mayroon po ba tayong datos na kung gaano po karami ang mga Pilipino na kabilang po dito at kailangan po nating matulungan?

USEC. DULAY: Oo. Usec. Rocky, alam mo, bago pa man sinabi ng Pangulo na tulungan ang ating mga kababayan na mga seafarers ano, gusto ko lang ipaalam sa ating mga kababayan na sa ating tala ay mayroon nang 61,716 sea-based at seafarers, na naiuwi tayo sa bansa. Kasama dito itong mga grupo na nga na nagkakaproblema ano. Marami dito ay naiuwi na natin ano, Usec. Rocky.

Pero mayroon pa kaming natanggap na report ngayon, base na rin sa pag-uutos ng ating Pangulo ‘no, naggawa kami ng validation report. So far, sa report ng ating mga embahada at konsulada, mayroon pa tayong natitira na mga isandaan dalawampu’t pito na mga seafarers. Ito ang talagang nari-record natin na mayroong kailangan na ay repatriation na gawin, iuwi ano.

Kaya lang, Usec. Rocky, gusto ko lang ipaalam sa ating mga kababayan na iba po ang kalagayan kasi ng seafarers ano. Nasa laot po ito, hindi po kamukha ng land-based na madali po silang lipunin. Ito po ay kailangan po nating makipagtulungan, unang-una po, doon po sa kanilang mga manning agency or mga vessel owners sapagka’t ito po ay nasa laot po. Iyon naman po ay ginagawa po ng ating embahada. Nakapagpadala na po tayo ng tinatawag po na mga note verbale, ito po ay kasulatan ng gobyerno ng Pilipinas sa iba’t ibang gobyerno para po tulungan iyong ating mga seafarers ano.

Ano po ang tulong na hinihingi natin sa ibang bansa, Usec. Rocky? Ang unang-una dito ay siyempre iyong pumayag iyong bansa na ibaba iyong ating mga seafarers. Kasi maraming mga bansa na nagbabawal na dumaong iyong ating mga barko kung nasaan iyong ating mga kababayan. Kaya iyon ang unang request natin – sana padaungin para maibaba at ma-iuwi natin.

Ang pangalawa namang hakbang Usec. Rocky, ay iyon namang tinatawag nating repatriation, pag-uwi na dito ‘no. Kapag nakadaong iyan, nakababa na iyong ating seafarers, kailangan naman natin silang iuwi. Ang problema naman din namin sa ibang mga host, kaya mayroong mga panaka-naka na naiwan, mayroong mga ibang bansa na, sa totoo lang, sarado pa ang kanilang borders; hindi pa sila nagpapapasok ng mga eroplano, mga flights ano.

Pangalawa, doon naman sa mga ibang lugar na mayroon namang sinasabi na flight, kakulangan naman ng flight ang ating nagiging challenge dito sa mga lugar na ito.

Pero gusto ko lang ipaalam din, Usec. Rocky, sa ating mga kababayan na may mga kamag-anak na OFW, mga kapatid, asawa, huwag po kayong mag-alala sapagka’t binabantayan naman po ng embahada, sinusolusyunan naman po ngayon iyong mga problema natin para po sila, una, ay makadaong; at pangalawa po ay maiuwi po natin sila sa Pilipinas, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO:   Opo, USec., iyon nga sana iyong susunod ko sanang magiging tanong sa inyo, kung papaano kayo nagre-reach out dito sa mga stranded na seafarers kasi alam ninyo napakahirap po na isipin iyon para sa kanila kung ano na ba ang mangyayari sa kanila at ano iyong ginagawa ng gobyerno. Kayo po ba ay nagkaroon ng mga personal na pong pakikipag-usap sa kanila at para malaman din po talaga iyong tunay nilang kalagayan at nararamdaman na rin po?

USEC. DULAY:   Oo, tayo naman ay may 24/7 tayo na hotline, USec. Rocky. Sa totoo lang, naglabas na ng order si Secretary Locsin sa ating mga embahada at konsulada na bawal magsara kahit tamaan ng COVID, iyon ang kaniyang order ngayon. So, 24/7 talaga dapat bukas ang ating embahada at in fact sinabi nga ni Secretary Locsin bago kayo magsara ay humingi muna kayo ng permiso dito. Ganoon nga ang ginagawa natin, USec. Rocky.

Pangalawa, gusto ko lang ipaalam din, USec. Rocky, sa ating mga kababayan na iyon pong pagpapauwi ng ating mga seafarers ay hindi lang naman po iyan kilos ng Department of Foreign Affairs. Malaking tulong po dito ang tulong po at napakagaling naman po ng pagtulong po at pakikipag-ugnayan natin sa Department of Labor and Employment sa pangunguna ni Secretary Silvestre Bello, sapagkat iyon pong mga seafarers na iyan ang primary responsible po diyan sa pag-ayuda po kaagad sa kanila, kumbaga first responder po ay iyong kanila pong mga manning agency at vessel owners.

At doon po kami nakikipag-ugnayan po sa kanilang mga shipping owners, principals, manning agents at nakikipagtulungan po kami sa Philippine Overseas Employment Administration sa ilalim po ni Secretary Bello sapagkat sila naman po ang may hurisdiksyon doon po sa mga local manning agencies – ito po iyong mga recruiter ng ating mga seafarers. Maganda po ang pakikipag-ugnayan po natin, nakakausap po natin sila.

At siguro, USec. Rocky, gagamitin ko na rin itong programa mo para sa mga nakikinig po sa atin.

USEC. IGNACIO:   Opo, go ahead.

USEC. DULAY:   Mayroon po tayong tinatawag po na OFW Help. Iyon po ay nasa Facebook po iyan, mayroon po iyang hotline number. Kapag mayroon pong problema doon po sila pumunta, USec. Rocky, para po ma-record po kaagad at maaksyunan po kaagad sapagkat iyon po iyong opisina sa Department of Foreign Affairs na kaagad po nakikipag-ugnayan sa ating mga embahada at konsulada sa ibang bansa para po matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO:   Opo. USec., kumusta naman po iyong isinasagawang repatriation program para sa mga OFWs at ilan na po iyong nakauwi at mayroon pa po bang kailangan kayong kunin o kailangang makabalik po sa Pilipinas?

USEC. DULAY:   USec. Rocky, magandang tanong kasi sa totoo lang, marami pa tayong iuuwi. Pero magandang balita naman, USec. Rocky, siguro ito sa administrasyon ni Presidente Duterte, ito ang unang-unang pagkakataon na tayo ay nakapag-uwi ng 175,000 plus OFWs. Ito na po siguro ang pinakamalaking repatriation effort na ginawa po ng Pilipinas kahit kailan sapagkat ito rin naman kasi iyong resulta ng pandemya at sabi ko nga, malaking bahagi rito, halos 100,000 mahigit na, 112,000 land based OFW ang naiuwi natin at 62,000 seafarers ang naiuwi na natin sa Pilipinas.

So, iyan po ay… sabihin ko eh tuloy-tuloy naman, USec. Rocky. Ang nagiging—kailangan lang natin siguro ayusin dito iyong ating kapasidad sa pag-uwi ng ating mga kababayan sapagkat siyempre lahat naman ng inuuwi natin ay kailangan silang dumaan sa testing at quarantine. So, iyon po ang inaayos ngayon ng mga kasama natin diyan, nandiyan po ang ating Coast Guard, ating BOQ – Bureau of Quarantine, Department of Health—nagtutulungan naman, USec. Rocky, kung siguro kung mayroong nagawa itong pandemya na ito napakaganda ng inter-agency assistance and cooperation ngayon.

Thank you, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO:   Opo. USec., kuhanin ko na lang po iyong mensahe ninyo partikular po doon sa mga pamilya ng ating mga Filipinong nagtatrabaho abroad.

USEC. DULAY:   Iyon pong sa ating mga kababayan na mayroon pong mga kapatid, asawa, kamag-anak sa abroad, huwag po kayong mag-atubili na i-report po sa amin sa Department of Foreign Affairs kung mayroon po kayong pangangailangan.

Pangalawa po, doon po sa nakikinig sa atin na mga OFW, i-report rin ninyo po sa amin kung ano po ang inyong kailangan ay sabihin ninyo rin po sa amin kung anong mga embahada at konsulada ang nagkakaproblema at iyan po ay ipag-uutos ni Secretary Locsin na dapat po bukas po sila. Kaya kung mayroon pong tutulog-tulog diyan sa pansitan eh paki sabi ho sa amin, paki sumbong po sa amin para malaman po namin.

At USec. Rocky, ready tayo lagi, mayroon po tayong 24/7 helpline, may OFW Help at sana po ay suportahan ninyo po at pumunta po kayo doon anytime ready po kaming tumulong. At siguro, USec. Rocky, last word lang. Pag if all else fails, i-Twitter ninyo si Secretary Locsin, Twitter 24/7. Dadgag iyon, USec. Rocky.

Thank you!

USEC. IGNACIO:   Okay. Maraming salamat po, Undersecretary Brigido Dulay ng Department of Foreign Affairs. Stay safe, USec. ha!

USEC. DULAY:   Salamat! Stay safe din tayong lahat. Ang kaligtasan po natin ay nasa kamay po natin. Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO:   Salamat po.

Samantala, puntahan naman natin si Danielle Grace de Guzman mula po sa PTV Cordillera.

DE GUZMAN:   Magandang umaga, USec. Rocky! Nandito tayo ngayon sa bagong triage facility para sa mga turista na pupunta sa Lungsod ng Baguio mula sa Ilocos Region sa susunod na linggo.

At ngayon ay makakasama po natin si Presidential Spokesperson Harry Roque na kasama ni Mayor Benjamin Magalong at ni sir Vince Dizon ay nag-inspeksyon kanina sa iba’t-ibang business establishments sa Session Road.

Magandang umaga po, Sec.!

SEC. ROQUE:   Magandang umaga sa inyo at magandang umaga Pilipinas!

DE GUZMAN:   Yes, Sec… Sec., tanungin po namin, ano po iyong evaluation or assessment natin kanina sa ginawa nating inspeksyon with your counterpart officials po?

SEC. ROQUE:   Well, nagagalak po ako na dito sa Baguio napatunayan na kapag nag-iingat po tayo sa ating mga buhay ay pupuwedeng maghanapbuhay. Nagagalak po ako na itong siyudad na mahal na mahal ko ay naging pioneers sa pagbubukas ng turismo sa buong Pilipinas at tingin ko po marami tayong leksyon na matutunan dito sa Pilipinas dahil sila nga po ang nanguna sa pagbukas ng turismo.

Siguro, dapat na gayahin ng ibang mga LGU ay iyong mahigpit na pagpapatupad ng minimum health standards, iyong cashless transactions at saka iyong triage bago pumasok ng siyudad. Alam mo, iyong buong triage nila very efficient tapos iyong pagsumite ng mga documents ay computerized lahat so mabilis na mabilis lang ang triage. Kukuhanin lang ang mga temperature, tatanungin iyong mga travel history mo at tingin ko magagawa naman ito ng mga ibang local government units para sa gayon ay pupuwede na nating buksan ang turismo sa mas maraming lugar pa sa Pilipinas.

DE GUZMAN:   Yes. Secretary. Kayo po resident po ng Baguio City pero from an outsiders point of view, sa mga turista, may dapat bang ipangamba sa pagpunta nila dito sa Summer Capital po?

SEC. ROQUE:   Wala po. Kasi talaga namang walang kasing ganda ang aming siyudad dito sa Baguio – number one. Napaka-efficient po ng aming triage facility, nandito nga po tayo sa ating triage facility. At pangatlo, ang mga negosyante po rito sa Baguio, bukas po sila para kayo po ay serbisyuhan.

DE GUZMAN:   Yes. USec. Rocky, baka mayroon po kayong katanungan kay Secretary Roque?

USEC. IGNACIO:   Siguro po mamaya na lang, Secretary Roque. Makakasama po natin mamaya si Secretary Roque sa press briefing kasama po ang Malacañang Press Corps, Secretary.

DE GUZMAN:   Salamat po, USec. Rocky! At ngayon po  hingin natin ang panghuling message ni Secretary Roque.

SEC. ROQUE:   Well, beginning September 22, our City of Baguio will be open para po sa mga bisita galing sa Region I. Madali lang po ang proseso, magrerehistro lang po kayo online, magta-triage po kayo, magpapakita po ng confirmed hotel reservation ninyo at you can come and enjoy the City of Pines Baguio.

DE GUZMAN:   Thank you very much po!

SEC. ROQUE:   Thank you very much.

DE GUZMAN:   At iyan po muli si Presidential Spokesperson Harry Roque ang ating nakasama ngayong araw. Iyan na muna ang latest mula dito sa Lungsod ng Baguio na nakatakdang magbukas sa mga turista ng Region I sa susunod na linggo.

Danielle Grace de Guzman ng PTV Cordillera, para sa bayan.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Danielle Grace de Guzman ng PTV Cordillera at salamat din kay Presidential Spokesperson Harry Roque na makakasama po natin maya-maya lamang sa kaniyang presidential briefing pagkatapos po ng Laging Handa.

Maraming issue po ang kinakaharap ang PhilHealth ngayon pero kailangan pong ipagpatuloy ang serbisyo para sa mga mamamayan. Para talakayin ang mga ito, makakausap po natin si PhilHealth Spokesperson Rey Baleña. Good morning po, sir.

PHILHEALTH SPOX BALEÑA: Good morning Usec. Rocky at siyempre, sa lahat po ng inyong tagasubaybay.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, kamakailan po nag-privilege speech si Representative Bernadette Herrera-Dy sa Kongreso hinggil sa diumano ay paniningil ng isang ospital sa isang pasyente na sumailalim sa SARS-CoV-2 test at bukod pa rito ay sisingilin pa rin daw po umano sa PhilHealth ang benepisyo na laan sa kanila. Ano po ang pahayag ng PhilHealth ukol dito?

PHILHEALTH SPOX BALEÑA: Alam ninyo po ay makikipag-ugnayan po kami sa tanggapan ni Congresswoman Bernadette Herrera-Dy para po properly guided po kami sa gagawin po naming pagtingin o imbestigasyon dahil dapat po ay maprotektahan po natin iyong miyembro sa nasabi pong style ano po ng ilang mga facilities. Kung mapapatunayan po na talagang ginawa po ito ng facility, iki-claim niya pa kahit na pinagbayad na po iyong miyembro na qualified po sa testing ay maaaksiyunan po sila. Ito po ay violation ng kanila pong performance commitment at mayroon po itong katapat na disiplina.

USEC. IGNACIO: Sir, sinu-sino po ba iyong qualified lamang sa SARS-CoV-2 testing na sasagutin po ng PhilHealth?

PHILHEALTH SPOX BALEÑA: Alam ninyo po Usec. Rocky, ang atin pong PhilHealth COVID-19 testing po ay para lamang po doon sa mga qualified ‘no, at ang atin pong sinusundan dito ay iyon pong listahan na nakapaloob po sa DOH guidelines ‘no. Ito po ay isang mahabang listahan, Usec. Rocky, ng mga kababayan po nating at risk at ito pong listahan na ito ay binubuo ng sub-groups ‘no at na ngayon nga po ay sub-group A to J na po ang coverage po nito.

So ibig sabihin po Usec. Rocky ay iyong kababayan natin ay kabilang dito sa mga dinescribe ‘no sa listahan na ito, sila po iyong at risk and therefore nangangailangan po ng testing. So iyon pong iba nating kababayan na wala po sa nasabi pong list at gusto lamang po nilang magpa-test ay hindi po sila entitled sa nasabi pong coverage ano po. Kabilang po dito sa mga kababayan natin na nandito po sa listahan ng Department of Health ay iyong the usual po – iyon pong mga kababayan nating mayroong malubha, banayad o kahit iyong mga walang sintomas ng COVID-19 pero mayroon pong travel history at mayroon pong close contact, ano po, sa mga patients o positive sa COVID-19.

Alam ninyo po, kabilang din dito iyong mga individuals na na-contact trace kaya kung kayo po ano ho, iyong kababayan natin ay isa kayo sa mga pinuntahan ng mga contact tracers ay kabilang na po kayo agad dito sa mga at risk. Kabilang din po dito Usec. Rocky, siyempre iyong ating mga healthcare workers, mataas po ang kanilang exposure sa pagkahawa kaya sila po ay entitled din po dito. Iyon pong mga nagbabalik nating mga Overseas Filipino Workers na kailangan po immediately sila po ay ma-test at the port of entry ay kabilang dito pati na iyong mga kababayan natin na mga locally stranded ano, mga LSI, bago sila bumalik nangangailangan po sila ng swab test and therefore, sila po ay kasama dito sa makakabenepisyo sa PhilHealth.

Mahabang listahan ito Usec. Rocky, siyempre iyong mga vulnerable ano po – iyong mga buntis, iyon pong mga nagda-dialysis, iyon pong nagki-chemo o radio therapy, iyon pong mga ooperahan o kaya sa nakaraang anim na buwan sila ay nagpa-organ transplant, kabilang din po sila sa in-identify dito po sa listahan ng Department of Health. Going further po, halimbawa po ito pong mga residente po o kaya iyong mga nagtatrabaho po sa mga areas na mayroon pong active COVID-19 cluster kagaya po ng mga dineklara ng mga local chief executives, sila po ay covered din po dito.

Usec. Rocky, idagdag ko na rin po na pati iyong mga frontliners sa mga tourist zones ‘no, kanina lang nakapanayam po ninyo si Secretary Roque at nasa Baguio po sila at bubuksan na po ang Baguio sa mga turista. Eh iyon pong mga frontliners sa mga tourist zones ay sila po ay at risk din kaya sila po ay entitled din dito sa atin pong testing. Pero siyempre iyon pong mga turista, iyong mga traveler ano ho, mapa-domestic man of foreign origin eh sila po ay kakailanganing mag-test pero hindi po sila kasama doon sa PhilHealth coverage ‘no. At their own expense po ang kanila pong pagpapa-test.

Iyon pong mga economy workers, iyon pong mga nasa public transport, mga nagmamaneho po ng taxi ano po, iyong mga ride-hailing apps, iyon pong mga konduktor, mga piloto ano ho, iyong mga nasa railway, sila po ay kabilang din po dito. Iyon pong mga waitress, iyong mga chef ano po, mga restaurant managers ay kabilang din at pati na po iyong mga teachers at all levels of education kung mayroon pong face-to-face na mga klase, iyon pong mga bank tellers.

At bilang panghuli Usec. Rocky, ang good news po ay kayo po na miyembro ng mass media ay kasama rin po sa in-identify dito and therefore ay kayo po ay entitled po sa full PhilHealth coverage. Marami ho akong hindi nabanggit Usec. Rocky pero para sa gabay po ng ating mga kababayan ay maaari pong sangguniin itong DOH Memo 2020-0258-A para malaman po nila kung sila po ay kabilang dito sa mga at risk na mga grupo.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, sinasabi rin po ng PhilHealth na patuloy pa ring makakamtan ng mga miyembro at qualified dependents nito iyong mga tanging pribilehiyong pinagkakaloob ng PhilHealth kahit ngayong panahon po ng pandemya. So paano po naman ito maisasakatuparan ng PhilHealth?

PHILHEALTH SPOX BALEÑA: Usec. Rocky good news po iyan sapagka’t bunsod po ng pagsasabatas ng Bayanihan II – kamakailan pinirmahan po ni Pangulong Duterte – kung saan ang buong bansa ay patuloy na isinailalim sa national state of emergency ay ito rin po ang nagbunsod sa PhilHealth para ipagpatuloy po ang pagbibigay ng special privileges na mga ito sa mga miyembro. At isa sa mga mahahalagang pribilehiyong ito ay iyon pong exemption po ng miyembro sa 45 days limit kada taon.

Kasi tayo pong mga miyembro ng PhilHealth ay mayroon pong tayong PhilHealth coverage bawat taon na 45 days at sa bahagi naman po ng mga nagda-dialysis ay ang kanila pong limit ay 90 sessions kada taon. Ang ibig lang sabihin po ng pribilehiyong ito ay kung lumagpas na po tayo sa nasabi pong mga limit ay patuloy pa rin pong iko-cover ng PhilHealth ang atin pong benefit pa rin.

USEC. IGNACIO: Paano naman po doon sa mga pasyenteng patuloy pa rin pong nagbabayad ng kanilang hospital bill kagaya po sa dialysis session? Paano kung lumampas na sila doon sa sinasabing authorized lamang na session? Mari-reimburse pa rin po ba nila ito at paano at saan sila pupuwedeng mag-reimburse?

PHILHEALTH SPOX BALEÑA: Ay opo Usec. Rocky ‘no, maaari po nila iyan na i-file directly sa PhilHealth. Dapat ay asistihan po sila ng mga pasilidad para po sa kanilang mga documents pero siyempre mahalaga ay mayroon po sila noong original na resibong opisyal ano po, at maaari po nilang i-file iyan sa alinmang tanggapan po ng PhilHealth na malapit po sa kanila sa loob po ng 120 days.

By the way Usec. Rocky, iyon pong 120 days na filing period ay kasama pa iyan sa mga special privileges ng mga pasilidad at mga miyembro kapag nasa ganito tayong sitwasyon sapagka’t normally iyan ay 60 days lamang.

USEC. IGNACIO: So paano naman daw po iyong mga ayaw pa ring sumunod na mga healthcare facilities tulad po noong mga lying-in clinics, dialysis centers o ospital at hindi po kinikilala iyong mga PhilHealth members? Ano pong dapat gawin ng member-patient? Pero sa inyo po ba, mayroon na ring nakapag-report sa inyo ng ganito na hindi kinikilala iyong PhilHealth members?

PHILHEALTH SPOX BALEÑA: Mayroon po kaming natanggap na mga report from the field ano po, kaya nga po ginagawa na po namin ang mga pakikipag-ugnayan sa amin pong mga regional offices na makikipag-ugnayan din naman po sa mga accredited facilities and partners namin on the ground. Alam ninyo po bawal po iyan ano ho dahil bahagi po ng kanilang performance commitment sa PhilHealth na siguruhin na iyong miyembro po ay makaka-avail ng kanilang benepisyo lalung-lalo na po na nasa panahon tayo ng pandemya.

Kaya hinihiling namin sa mga miyembro, pinakamabuti na bigyan ninyo po kami ng report para po maaksiyunan namin nang maayos ang inyo pong reklamo at para maipagtanggol po namin kayo.

USEC. IGNACIO:  Pero ano naman po iyong nais ninyong ipanawagan sa ilang mga healthcare facilities at ospital na magpahanggang ngayon po ay alinlangan pa rin kung tatanggapin daw po nila iyong mga miyembro ng PhilHealth na nangangailangan ng pagpapa-ospital?

PHILHEALTH SPOX BALEÑA:  Gaya po ng sinabi natin ay tayo po ay nananawagan sa kanila, dahil kung talagang mapapatunayan po na tinatanggihan po nila iyong miyembro sa kanila pong benepisyo, may kaukulang po itong disiplina sapagkat may consequences po iyan, iyong kanila pong violation sa ating performance commitment. Kaya ang huling namin sa mga miyembro, sana ay i-report ninyo sa amin para maipagtanggol namin kayo.

USEC. IGNACIO:  Sa pag-upo po ng bagong pangulo at punong taga-pagpatupad ngayon ng PhilHealth na si Atty. Dante Gierran, ano po ang suporta na maaring asahan niya mula po sa PhilHealth?

PHILHEALTH SPOX BALEÑA:  USec. Rocky, alam po ninyo 100% na suporta at kooperasyon ang amin pong ibibigay kay President and CEO Atty. Dante Gierran. Alam po ninyo kahit sino naman po ang umupo at nagiging leader dito po sa PhilHealth ay laging iyon naman po ang aming binibigay, isang daang porsyentong suporta at kooperasyon sa anumang mga reporma na kanila pong ipapatupad sa PhilHealth.

USEC. IGNACIO:  Sir, mayroon pong tanong iyong ating kasama sa media na si Joseph Morong ng GMA 7. Ito po ang tanong niya sa inyo: What do you think will be the consequences if Congress abolishes the PhilHealth?

PHILHEALTH SPOX BALEÑA:  Well, alam po ninyo nirerespeto po natin ang views, ang pananaw po ng ating Pangulo patungkol sa bagay na iyan. Pero siyempre po kung mawawala po ang PhilHealth, eh napakalaki po ang magiging epekto nito sa ating bayan. Napakagandang programa po ng national health insurance program at taun-taon po, marami po, milyong-milyong mga Pilipino po ang natutulungan po nito, kaya napakalaking kawalan po kung mawawala po ang PhilHealth. Kailangang-kailangan po ito lalo na po sa ganitong panahon ng pandemya.

USEC. IGNACIO:  Opo. Iyong second question niya, sir: Why do you think is there corruption in PhilHealth?

PHILHEALTH SPOX BALEÑA:  Sorry po.

USEC. IGNACIO: Second pong tanong niya: Why do you think is there corruption in PhilHealth?

PHILHEALTH SPOX BALEÑA:  Alam ninyo kung mayroon mang korapsyon tayo po ay naniniwala na  ito po marahil ay dahil sa mayroong ilang mga  sistema po  sa  PhilHealth na hindi pa talaga fully automated at nagbibigay daan para po sa human intervention. So, ito po ang dahilan kung bakit sinusulong nga po natin na magkaroon po tayo ng mas maayos na IT system, dahil ito iyong isang nakikitang suliranin, iyong nagkakaroon pa ng pagkakataon iyong iba for this human intervention. So napakahalaga po na maisulong natin iyong IT reforms po natin sa PhilHealth.

USEC. IGNACIO:  Okay. Marami pong salamat PhilHealth Spokesperson Rey Baleña. Stay safe po, sir.

PHILHEALTH SPOX BALEÑA:  Maraming salamat po USec. Rocky at binigyan ninyo ng panahon ang PhilHealth; mabuhay po kayo!

USEC. IGNACIO:  Mula po sa PTV Davao, may ulat naman ang aming kasamang si Regine Lanuza, Regine?

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat, Regine Lanuza ng PTV Davao.

Marami pa rin ang mga pagsubok ang kinakaharap ng Filipino workers, iyan ang patuloy na ina-aksyunan ng Department of Labor and Employment. Para alamin ang updates ukol dito, makakausap natin si DOLE Secretary Silvestre Bello III. Magandang umaga po, Secretary? Okay, babalikan po natin si DOLE Secretary Bello.

Samantala, upang bigyan-daan ang Hatid Tulong Program na layong mapauwi ang mga na-stranded sa Maynila dahil sa umiiral na community quarantine ay pansamantala munang ipinagpapaliban ang Balik Probinsya Bagong Pag-asa program. Para sa iba pang detalye panuorin po natin ito.

(VTR)

USEC. IGNACIO:  Samantala, balikan na po natin si Secretary Silvestre Bello III. Magandang umaga po Secretary.

SEC. BELLO:  Magandang umaga po naman, sino po sila?

USEC. IGNACIO: Sec, si Rocky Ignacio po.

SEC. BELLO:  Ah Rocky, Magandang umaga, Rocky.

USEC. IGNACIO:  Naka-live na po tayo sa Public Briefing Laging Handa. Secretary, sa inyo pong datos, gaano na po karami iyong displaced workers at unemployed ng dahil sa pagpapatuloy po ng community quarantine. Inaasahan po bang tataas ito o puwede pong bumaba pa rin. Ano po sa opinion o palagay po ninyo?

SEC. BELLO:  Doon po sa survey ng Philippine Statistics Authority ay bababa na po ang unemployment rate. Bumaba na po from 17% ay naging 10% na lang po. Kaya sa ngayon, iyong ating inaasahang mga manggagawa unemployed ay umaabot na lamang po ng more than 4 million.

USEC. IGNACIO:  Secretary, paano po nakakatulong iyong pagbabalik ng public transportation at pagluwag ng physical distancing protocol sa paghahanapbuhay ng mga tao. Hindi po ba sinasabi nila masa-sacrifice iyong kanilang kalusugan dahil dito?

SEC. BELLO:  Oo nga, pero alam ninyo iyong kaunting diperensiya lang naman ng distansiya from one meter to .75 eh kaunting deperensiya iyan at kailangang-kailangan natin ang transportation dahil maliwanag naman na kapag walang transportation, hindi po mabubuhay ang ating ekonomiya. Our workers cannot report to office, our employers cannot operate again and this will effectively affect our economic recovery.

USEC. IGNACIO:  Ukol naman po doon sa deployment ban ng mga Filipino medical workers, ano na daw po iyong update ditto? Papayagan na ba silang makalabas ng bansa at gaano po karami iyong papayagan kung sakali, Secretary?

SEC. BELLO:  Iyong unang binigyan namin ng exemption, iyong naka-kumpleto ng papeles as of March 8, nakaalis na po sila, eh hindi po umabot ng 900 nurses and medical workers. Ngayon mayroon kaming recommendation na kung maaari iyong exemptions will cover din iyong mga nurses ad medical workers na nakumpleto ng papeles as of August 31, iyan po ang hinihintay natin ang approval ng IATF.  Kasi kung i-approved po nila iyan ang made-deploy lang natin na nurses and medical workers ay hindi aabot ng more than 1,200. Kaya marami pa tayong mga nurses na nandito, hindi po tayo mawawalan.

USEC. IGNACIO:  Opo. Secretary may tanong po iyong ating kasama, si Joseph Morong ng GMA 7. Elaboration lang daw po ng proposal na i-lift ang ban for healthcare workers na may papel hanggang August 28. Ito po ba iyong perfected contract until August 28? Tapos iyon daw pong BI, siguro Bureau of Immigration baka namimis-interpret po ang hinahanap na perfected visa?

SEC. BELLO:  Iyon pong puwede nating paalisin, ayon sa aming rekomendasyon sa IATF, iyong mga nakakumpleto ng papeles as of August 31, hindi August 28. Ngayon halimbawa, iyong mga nurses natin, kailangan mayroon na silang clarified contract of employment, mayroon na silang visa issued by the receiving country at mayroon na silang OEC galing sa POEA. Kapag nakumpleto na nila iyan puwede na po silang ma-deploy, kung ia-approve po ng IATF iyong aming recommendation.

USEC. IGNACIO:  Secretary sa ilalim po ng Bayanihan 2, 13 billion pesos po ang inihahandang cash aid ng DOLE para sa mga Filipino workers. Gaano po karami iyong target ninyo na matulungan ito at mayroon po bang pagbabago sa pagpapatupad ng mga cash assistance programs ng DOLE?

SEC. BELLO:  Ah, malaking pagbabago iyan. Unang-una ay mabigyan na namin ng cash assistance iyong mga empleyado na nakapag-apply, nag-apply noon na hindi na naabutan dahil naubusan kami ng budget. Pero ngayon, with this additional budgetary allocation we will service, we expect to service at least 700,000 formal workers. At mayroon din tayong maseserbisan na almost 1 million na informal workers at mayroon din tayong maseserbisan na 200,000 OFWs, kasi nagbigay po ng ating Pangulo ng 2 bilyon para tulong para sa ating mga OFWs.

USEC. IGNACIO:  Opo. Secretary, pagdating naman po sa pagpapatupad ng mga safety guidelines sa workplace, kumusta po iyong inspection and monitoring ng DOLE?

SEC. BELLO:  Minobilized namin iyong limang libong inspector namin, lalung-lalo na iyong mga occupational health inspector and safety. Iyon, mayroon tayong limang libo naka-mobilized po iyan dahil kailangang-kailangan natin na iyong mga work places para sa ating manggagawa ay safe para sa kanilang trabaho in order to avoid contamination and at the same time avoid transmission of COVID-19.

USEC. IGNACIO:  Secretary ayon din po sa inyong report, over 10,000 establishments din po ang [garbled] sa health standard ng DOLE. So ano po iyong mga penalties na posibleng kaharapin nila?

SEC. BELLO:  Kapag hindi po sumunod sa mga protocols po puwede naming i-recommend ang kanilang stoppage of operation po.

USEC. IGNACIO:  Pero mayroon namanpo kayong nakita, Secretary na talagang kailangan ng –I mean, bigyan ng order?

SEC. BELLO:  Mayroon din, mayroon kaming nadidiskubre na nagba-violate ng health protocols, pero in fairness naman kapag sinabihan namin sila na bawal iyong ginagawa nila ay sumusunod naman sila. Dahil alam naman nila kapag hindi sila sumunod, we can order the stoppage of operation nila.

USEC. IGNACIO:  Secretary alam ko pong abalang-abala kayo. So ano na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga manunuod at siyempre po sa lahat ng manggagawang Pilipino.

SEC. BELLO:  Unang-una nagpapasalamat ako sa pagkakataong ito. Gusto ko pong iparating sa lahat ng mga manggagawa, iyong mga informal, iyong  mga formal at saka iyong mga overseas workers  natin na ang aming mandato sa Department of Labor ay protektahan at i-preserve ang employment status ng lahat.  Huwag po kayong mag-alala lalung-lalo na iyong mga OFW, mahal na mahal kayo ng ating Pangulo kaya tiniyak na mayroon kaming maibibigay sa inyo sa panahon ng pandemya. Iyon lamang po at maraming salamat. Magandang umaga sa ating lahat.

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat po kay DOLE Secretary Silvestre Bello III. Mabuhay po kayo. Stay safe, Secretary.

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO:  Samantala, dumako naman tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa tala ng Department of Health. As of September 17, 2020. Umabot na sa 276,289 ang total number of confirmed cases. Kahapon naitala ang 3,375 new COVID-19 cases. Naitala rin kahapon ang 53 na katao na nasawi kaya umabot sa 4,785 ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa.  Ngunit patuloy rin naman ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 208, 096 with 317 new recoveries recorded as of yesterday. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 63,408.

At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Maraming salamat po sa naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay-linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.

Ang public briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic.  Maraming salamat din po sa Filipino sign Language Access Team for COVID-19.

Samantala, 98 days na lamang po at Pasko na. Bagama’t patuloy pa rin po ang pagharap natin sa krisis dulot ng COVID-19, lagi pa rin natin tandaan ang pagmamahal at pagtutulungan po sa kapwa ay ang tunay na diwa ng Pasko.

Sa ngalan pa rin po ni Secretary Martin Andanar, mula po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Usec.  Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayo muli bukas dito lamang sa public briefing #laginghandaph.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)