USEC. IGNACIO: Magandang araw, Pilipinas.
Sa gitna ng patakarang ipinatutupad ng pamahalaan upang malampasan natin ang tumitinding hamon ng COVID-19 sa ating bansa, tuluy-tuloy po ang ating pagsiserbisyo publiko para maihatid namin ang mga impormasyon na dapat malaman at mahalagang maintindihan ng bawat Pilipino. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Maya-maya lamang po ay makakasama natin sa programa sina DILG Undersecretary Epimaco Densing III, PNP Spokesperson General Ildebrandi Usana, at Department of Tourism Undersecretary Benito Bengzon, Jr.
Kung mayroon naman po kayong katanungan, mag-comment lamang po sa livestreaming ng ating programa sa PTV Facebook at YouTube account.
Dismayado po si Pangulong Rodrigo Duterte sa umano’y pagpapabakuna kontra-COVID-19 ng ilang indibidwal na hindi naman dapat prayoridad sa ngayon. Bukod kasi sa makakaapekto ito sa pagbibigay ng bakuna ng COVAX Facility, ang mga dumating na COVID-19 vaccine ay kulang pa para sa lahat ng ating health workers. Ang ulat mula kay Mela Lesmoras:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita, matapos dumating ang karagdagang bakunang donasyon ng China sa Pilipinas kahapon, karagdagang isang milyon pa ang darating sa susunod na linggo. Ito iyong unang batch ng 25 million doses na bibilhin ng Pilipinas mula sa Sinovac. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, umaksiyon na nga po ang DILG para pagpaliwanagin ang mga diumano’y VIP mayors na nagpaturok ng COVID-19 vaccines. Para sa detalye ng isyu na ito, makakausap po natin si DILG Undersecretary Epimaco Densing III. Good morning, Usec.
DILG USEC. DENSING: Magandang umaga, Usec. Rocky; at sa lahat ng mga followers po ninyo, magandang umaga.
USEC. IGNACIO: Opo. Napakarami pong tanong po sa inyo, Usec. Pero bibigyan-daan ko muna po iyong tanong ng ating kasamahan sa media. Mula po kay Patrick de Jesus ng PTV: Nagpaliwanag na po ba sa inyo ang Parañaque LGU or si Mayor Edwin Olivarez mismo patungkol po doon sa pagpapabakuna sa isang aktor na si Mark Anthony Fernandez kahit wala po ito doon sa A1 priority list; at ano po ang paalala ninyo sa mga LGU officials para masunod iyong priority list?
DILG USEC. DENSING: Wala pa ho, ano. Pero ipapalabas na namin hopefully by this afternoon ang show cause order kay Mayor Edwin Olivarez para magpaliwanag siya. Command responsibility niya po ang pagsisigurado na ang ating vaccination plan ay nasunod sa kaniyang lokal na gobyerno. At narinig natin si Pangulong Duterte kagabi na nagalit tungkol doon dahil ni wala siya sa A1 to 5 priority list or B1 to 6 priority list, bigla silang nakasingit.
So nakakapikon at nakakasama ng loob para sa ating mga kababayan na dapat inuuna natin iyong ating frontline workers.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kasi ang narinig ko pong naging paliwanag ay comorbidity daw po si Fernandez at ito po daw ay nandoon sa tinatawag na substitute na kapag may tumanggi po ay kailangang hindi masayang itong bakuna kaya nakalinya daw po ang papalit para tumanggap ng bakuna. So bilang sa DILG at sa DOH, paano po iyong nagiging proseso ng substitution para po masiguro po natin na hindi po masasayang iyong bakuna? Ito po ba ay naging malinaw ang patakaran o proseso sa ating mga LGUs, Usec?
DILG USEC. DENSING: Una sa lahat, excuse na lang nila iyon. Noong nalamang lumabas sa balita na nakapagpalusot sila ng isang non-priority individual ay gumawa na sila ng rason. In fact, nadagdagan pa iyan, Rocky, dahil naka-receive ako ng information ngayong umaga na mayroong konsehal din ng Parañaque na nagpabakuna rin kahapon at mayroon ding isang empleyado ng Department of Justice na hindi rin binigay sa akin ng pangalan, mga nagsumbong lang.
So, talagang hindi nila sinunod itong mga priority list at kapag sinabi nating priority list, kapag hindi po available dapat iyong mga babakunahan, iyong substitution dapat nandoon din sa mga priority individuals, hindi sila dapat tumalon sa labas, which is in their case. AstraZeneca po iyan, so napaka-sensitive po sa atin iyan, dahil iyan po ay bakuna na galing sa COVAX facility ng World Health Organization. At instead na senior citizens ang kanilang sinunod na puwede naman ang AstraZeneca ay hindi po nila ginawa ito. Hindi pa sila nagpo-provide ng listahan kung sino at ilan ang nagsa-substitute. So nagiging kaduda-duda tuloy iyan, either nagkapalakasan o nagkabayaran. Hindi natin malaman! So nagiging kaduda-duda po iyong kanilang substitution list na kapag hindi sumulpot iyong naka-schedule eh basta-basta na lang nilang papalitan kung sino ang gusto nila.
USEC. IGNACIO: Opo, bukas din po ang ating programa para po sa panig ni Mayor Olivarez ano po. Usec., maliban po sa limang alkalde na nabigyan ng show cause order, sino or ilan pang local chief executive po iyong bini-verify ng DILG na nauna na rin pong magpabakuna?
DILG USEC. DENSING: Kasama po iyong apat na binanggit ni Presidente kagabi, may tinitingnan pa po kaming dalawa so magiging anim po ito. Bini-verify lang ho namin sa regions na talagang binakunahan sila; at kapag nabakunahan nga sila, padadalhan namin sila ng show cause order para makapagpaliwanag sila. Ang show cause order naman ay hindi isang dokumento na nagsasabing may kasalanan ka. Ito ay isang dokumento para mabigyan ka ng pagkakataon na magpaliwanag na hindi mo ginawa ang pagkakamaling administratibo.
USEC. IGNACIO: Mula naman po kay Sam Medenilla ng Business Mirror: Bukod sa mga local chief executives na na-mention nga po ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi sa kaniyang public address, ilan na po kaya iyong pinadalhan daw ng show cause order ng DILG?
DILG USEC. DENSING: May lima na po. Hopefully, makarating na sa kanila either today or tomorrow, and they are given three working days to respond. And kapag nakapag-respond na sila, ang proseso namin, ibi-verify namin iyong response with an independent investigation para malaman namin kung katanggap-tanggap, nagsisinungaling ba o hindi katanggap-tanggap ang kanilang mga responses.
USEC. IGNACIO: May pahabol pong tanong si Joseph Morong: Ano daw po iyong mga posibleng violation?
DILG USEC. DENSING: Alam po ninyo, ang ating mga local chief executives, ang isa sa kanilang mandato ay ipatupad ang mga pambansa at mga lokal na mga regulasyon at batas. At dahil mayroon tayong approved national deployment and vaccination plan, they are supposed to follow that to the letter; at kapag ikaw po ay lumabag at hindi mo sinunod ito, ito po ay nagbibigay sa atin ng hudyat na magkakaroon siya ng kasong administratibo. So iyon po ang ikukumpirma natin kung bakit tayo ay mag-iimbestiga at sila ay binibigyan ng pagkakataong magpaliwanag through a show cause order.
USEC. IGNACIO: May tanong po si Leila Salaverria: Kung ibibigay pa rin po daw iyong second dose ng vaccine sa mga nag-violate?
DILG USEC. DENSING: Opo, ibibigay pa rin naman ang second dose, so suwerte naman nila. Pero hindi pa rin sila makakawala sa potential na administrative case, if ever hindi po justified po iyong kanilang pagpabakuna ahead of the others.
USEC. IGNACIO: Tanong ni Joseph Morong: Admin case lang po ba ito, not criminal violation of vaccination act?
DILG USEC. DENSING: Administrative case po muna. Tinatanong natin iyong ating mga abogado kung mayroon violation po ito sa 11332 ‘no. Pero at the moment, it’s administrative; and we are very quick to the draw to send them the show cause orders so that they can respond right away.
USEC. IGNACIO: Opo, mula po rin kay Sam Medenilla: Nagpadala na rin po kaya ng reaksiyon ang WHO or ang COVAX Facility regarding po sa paggamit ng donated vaccine ng mga hindi medical workers?
DILG USEC. DENSING: Hindi ko lang po alam kagabi, pero I think a few days ago narinig ko for the second time that the World Health Organization representatives, si Dr. Rabin, again cautioned us of the importance of following the protocols vis-à-vis the COVAX Facility vaccines and further warning us that if we do not follow the protocols as we agreed in the document, they will have that option not to give us a priority in the succeeding COVAX Facility vaccines at dadalhin po nila sa ibang mahihirap na bansa.
USEC. IGNACIO: Opo, may paliwanag naman po iyong mga ilang mayors na kaya lamang po nila ginawa iyong nagpabakuna ay para maitaas po iyong kumpiyansa ng kani-kanilang mga constituents sa pagbabakuna, sabi po iyan ni Legazpi City Mayor Rosal at hinikayat siya ng DOH official nila. So posible po bang ma-reconsider o ma-consider ng DILG iyong mga ganitong pahayag, Usec?
DILG USEC. DENSING: Ang maganda siguro dito ay hintayin namin iyong official response nila para makita natin iyong kabuuan ng kanilang justification kung bakit sila nabakunahan. Kasi mayroon ngang nagsasabi na sila ay pinilit lang din ng mga vaccination team. Pero iyon pong excuse nila na gusto nilang maging influencer, bago pa man din dumating ang mga bakuna napag-usapan na po iyan sa IATF vaccination cluster na hindi po ang mga local chief executives ang magiging influencer.
In fact, ang magiging influencer po at kaya tumataas ang kumpiyansa sa pagbabakuna ay dahil mahigit kalahating milyon ng ating mga health workers ay nabakunahan na at kaunting-kaunti po ang side effects. So dahil ganoon po ang nangyari, naging influencer iyong ating health care frontline workers, gusto nang magpabakuna ang ating mga kababayan, tumaas iyong kumpiyansa. At dahil tumataas din ang kaso ng COVID-19 sa NCR at sa kalapit na probinsiya, eh pati mga lokal na opisyales na nagmamadali na ring mabakunahan para maprotektahan iyong kanilang mga sarili.
USEC. IGNACIO: Ano daw po ang kakaharapin ng mga opisyal na ito kung hindi katanggap-tanggap ang sagot nila sa show cause order, Usec?
DILG USEC. DENSING: Kapag hindi po katanggap-tanggap, na sila ay nagsinungaling sa kanilang excuse or response, maghahain kami ng administrative case before the office of the Ombudsman. At ang Ombudsman na po ang titingin nito at mag-a-appreciate, una, anong klaseng parusa ang ipapataw sa mga lokal na gobyerno na nagkaroon ng paglabag o hindi pagsunod sa mga batas natin at regulasyon; it can be as low as 30 days suspension to as high as being kicked out of office. So, depende na po iyan sa appreciation ng Office of the Ombudsman.
USEC. IGNACIO: May pahabol pong tanong si Joseph Morong ng GMA News: How would you reconcile your actions versus the mayors with the fact that someone from the DILG have himself vaccinated also?
DILG USEC. DENSING: Well, kung ang binabanggit po niya is Usec. Jonathan Malaya, kung hindi ako nagkakamali, siya ay pinadalhan na rin po ng kumbaga, inimbestigahan na rin at sumagot na rin siya at kung hindi ako nagkakamali, si Spox Roque yata ang nagbanggit na he was really vaccinated in good faith. Ganoon din, nakantiyawan siya noong kapanahunang iyon and considering na siya ay ang aming spokesperson or influencer, sa pag-aakala na pinapayagan sila nagpabakuna po. Iyon pala ang pinayagan lang ni Pangulo ay si Secretary Galvez, Secretary Vince Dizon at Chairman Benhur Abalos. So isang pagkakamali po iyan in good faith at tinanggap po iyang kapaliwanagan na iyan ng Malacañang.
USEC. IGNACIO: Usec., hinihingi na rin po ng DOTr ang tulong ninyo to inspect iyong pagsunod ng mga public transport natin sa health protocols. Ano po ang instruction ninyo Usec., sa mga lokal na pamahalaan, kailangan na rin ba silang magtalaga po ng tao na tututok dito?
DILG USEC. DENSING: Opo, sa huling pag-uusap namin sa National Capital Region mayors pati na rin dito sa mga gobernador natin at mayor sa apat na probinsiya ng Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite, pinakiusapan po natin sila na magtalaga ng mga tanod or mga marshals sa mga sakayan ng dyip at public transport para ho hikayatin iyong mga tao na pagpasok nila, sundin iyong mga protocols kapag nasa public transport. Siguraduhin na may plastic barrier, siguraduhin naka-facemask/face shield, siguraduhin na hindi mag-uusap sa loob ng public transport hanggang sa makarating sa paroroonan. So these are marshals that we’ve asked them to deploy in the waiting area for public transport.
USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol pong tanong si Johnna Villaviray po ng Asahi Manila: Paano naman po ang ordinaryong tao na sumingit sa linya, mayroon po ba silang liability?
DILG USEC. DENSING: Sa ngayon ho—amin iyang tinanong sa ating legal experts ‘no, iyong mga sumingit kagaya po ni Mark Anthony Fernandez nga kahapon na wala sa priority list ‘no nakasingit, as of this time wala ho kaming nakikitang potential liability. So mukhang makakalusot siya kung wala kaming makikitang liability. Pero sana naman, iyong mga ordinaryong Pilipino na wala naman doon sa mga priority listing, makonsensiya na lamang po kayo na marami sa ating mga kababayan ay laging exposed sa COVID-19 – itong mga healthcare workers, kami, tayo. Isang bakuna na pinagkait natin sa mga healthcare workers ay isang bakuna na pinagkait natin sa mga kalusugan ng mga taong lumalaban para sa taumbayan lalo na sa kapanahunan na may COVID.
USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol na tanong po si Vivienne Gulla ng ABS-CBN, nasagot ninyo na rin naman po, pero ang follow up po niya ay kung nadagdagan iyong pinadalhan ng show cause order? Last night po kasi apat iyong na-mention ni Presidente.
Iyong second po niyang tanong: may nag-respond na po ba sa show cause order; and then iyong third po niyang tanong: The usual reason given for the vaccination of non-health workers, to boost the public confidence on the vaccine and to prevent wastage. Some are saying that they are part of the next priority sectors anyway. Are these acceptable?
DILG USEC. DENSING: Well, una po, nabanggit ko nga, bukod sa apat na binanggit ni Pangulo, may nakikita pa kaming dalawa ‘no na maaaring… bini-verify namin. So most probably anim iyong maidadagdag namin kung verified na nagpabakuna.
Pangalawa, iyong nabakunahan, itong mga lima na pinadalhan na namin ng show cause order ay hindi pa ho sumasagot. Most probably mari-receive po nila ang kanilang show cause orders by today or at the latest, tomorrow and then again, as I’ve mentioned, they have three working days to respond.
Iyong pangatlo po, again, iyong rason nila na—sinabi na ito ng Pangulo kagabi na these are what we call universal excuses. Lahat ho gustong maging excuse na gusto nilang maging influencer. So tingnan po natin iyan kung bukod pa diyan, na aking pananaw ay hindi katanggap-tanggap na rason, tignan natin iyong sitwasyon kung bakit napunta doon sa lugar na iyon. Kasi gusto kong sabihin, for instance, kung Sinovac po iyan, kung may sobrang bakuna at wala nang mababakunahan, eh hindi iyan puwede sa A2 or senior citizens dahil 18 to 59 lang iyang. And most probably, kung senior citizen iyong mayor, eh nasa A2 siya.
So tingnan ho natin iyong buong sirkumstansiya, hindi po ako magbibigay ng… magdya-judge sa kanila at the moment, aantayin ko po iyong kanilang official response, then we will judge whether they violated any administrative regulation or not.
USEC. IGNACIO: Opo. Pahabol lang ni Tuesday Niu ng DZBB: Ano po ang meaning na baka makakalusot sa pananagutan si Mark Anthony; bakit ninyo po daw nasabi ito?
DILG USEC. DENSING: Kasi po mula kagabi ay hinahanapan sa legal group namin kung mayroong criminal liability ang isang tao na nagpabakuna na wala naman sa priority list ‘no. So since what we have is a National Deployment and Vaccination Program, the one implementing this are our national officials and the local government officials, and kung nakasingit siya eh hindi po natin nakikita kung ano iyong liability ng isang nakasingit. Pero baka magkaroon ng liability iyong nagpasingit at iyong pumayag na siya ay bakunahan kahit labas po siya sa priority list.
USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol din si Celerina Monte ng Manila Shimbun: Kung may mga governors daw din po ba na na-report sa inyo na nagpabakuna na?
DILG USEC. DENSING: Opo. Wala pa naman hong nagpapabakuna na governor. Pero kapag dumating na ho iyong sobrang bakuna at umabot na po sa A2 or iyong senior citizens, may mga governors po na senior so mababakunahan po sila nang una.
Pangalawa, gusto kong banggitin na ang ating mga local officials ‘no, nasa priority B2 po iyan. Pero dahil sa kanilang pakiusap, pinaaprubahan namin sa IATF last Thursday lamang through the recovery cluster na ang ating mayors and governors or all 1,715 of them and the 42,046 barangay captains ay nailipat na po sa A4 priority list – ito iyong mga essential workers in priority sectors.
So huwag na pong mag-alala at magmamadali iyong ating mga mayor, kasi nilapit na ho natin sila sa priority. So huwag na ho silang masyadong magmamadali. Abangan na lang po natin dumating iyong bulto ng bakuna para maabutan sila as A4 priority sector.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa iyong paglalaan ng panahon sa aming programa, DILG Undersecretary Epimaco Densing III. Ingat po kayo!
DILG USEC. DENSING: Salamat po, Usec. Rocky. Ingat ka rin!
USEC. IGNACIO: Salamat po.
At ang atin pong programang Laging Handa Public Briefing ay bukas po sa ating mga mayor at mga nais magpahayag kaugnay pa rin po nang nasabing isyu.
Samantala, kaugnay naman po ng napabalitang VIP treatment sa mga non-medical frontliners na nabakunahan, nanawagan si Senator Bong Go sa kaniyang privilege speech kahapon na imbestigahan ito sa Senado ng isang sub-committee sa ilalim ng Committee on Health and Demography. Narito po ang detalye:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa report ng Department of Health kahapon, March 24, 2021, umabot na si 684,311 ang total number of confirmed cases matapos makapagtala ng 6,666 na mga bagong kaso; 47 katao ang mga bagong nasawi kaya umabot sa 13,039 ang total COVID-19 deaths. Nadaragdagan din naman po ang mga kababayan nating nakaka-recover sa sakit na ngayon ay nasa 579,518 matapos makapagtala ng 1,072 new recoveries kahapon. Ang total active cases naman sa kasalukuyan ay 91,754.
Magdaragdag po ng quarantine facilities at health workers ang pamahalaan sa harap ng tumataas na bilang ng COVID-19 cases. Ayon po sa Department of Health, tumaas ng higit dalawampung porsiyento ang Health Care Utilization rate sa Metro Manila sa loob lang ng isang linggo. Narito ang report ni Mark Fetalco.
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Ilang araw po matapos ipatupad ang bagong quarantine restriction sa mga lugar na kabilang sa National Capital Region plus bubble, kumustahin po natin ang pinakahuling update sa implementasyon nito. Makakausap po natin si PNP Spokesperson General Ildebrandi Usana. Magandang araw po, General.
PBGEN. USANA: Magandang umaga din po sa inyo, ma’am, at sa inyo pong mga tagasubaybay.
USEC. IGNACIO: General Usana, so far ano po iyong overall assessment ng PNP sa naging implementation po ng bagong quarantine restrictions? Nakapag-adjust po ba iyong ating mga kababayan at puwede po ba nating masabi na naging epektibo ito?
PBGEN. USANA: Well, tama po kayo, ma’am, nagkaroon nga po ng adjustment, both between our people and our police personnel na naka-deploy po doon sa kaniya-kaniyang mga checkpoint ‘no. Na-realize na rin po ng ating mga kapulisan na hindi po kailangan na may restrictions sa movement ng ating mga mamamayan whether essential or non-essential so long as they are within the bubble. So, along with that, mayroon din po tayong concentration ng mga checkpoints doon po sa mga areas na nabibilang po sa apat na probinsiya na kung saan iyong NCR plus ay tinuturing na extended with regard doon po sa probinsiya na maaaring mayroon ding infections po ng virus, ito po iyong Laguna, Rizal, Bulacan at Cavite po.
So within this bubble, anyone can move around, hindi naman po sila binibigyan ng mahigpit na pag-i-implement ito pong restrictions, except of course kapag ang mga pulis po natin nakita pong may mga violations with regards sa minimum health protocols. Most likely po iyan, either sila po ay papatawan ng multa kung hindi pa man po, bibigyan po ng appropriate na reminders na lang.
USEC. IGNACIO: General, sa usapin ng checkpoints, paano po iniiwasan iyong mag-cause ng – siyempre ito po iyong sakit ng ulo, traffic – paano po ninyo tinitiyak na hindi po inaabuso ang humanitarian considerations ng PNP kapag po tatawid ng border.
PBGEN. USANA: Well, in so far as the checkpoint guidelines are concerned, sadya naman pong in place na po iyon. Kailangan lang po magpakilala properly ang aming mga kapulisan; at kung sakaling bubuksan po iyong bintana, magalang po siyang makikipag-usap doon po sa mga driver at maaaring i-request kung sakali mang mai-present ang ID kung sila po ay maituturing na essential workers especially during curfew workers, from 10 PM to 5 AM the following day. But day time, nakita nga po natin, may mga kaunting inconvenience ang ating mga mamamayan but this has already been addressed dahil din po sa requirements ng ating mga namumuno na ito pong mga pagsasagawa ng checkpoint during day time within the bubble ay hindi po dapat magkaroon ng paghihigpit para naman hindi magkaroon din ng problema ang ating mamamayan pagdating po sa kanilang tutuluyan lalung-lalo sa kanilang hanapbuhay po.
USEC. IGNACIO: Pagdating naman daw po sa curfew, gaano na po karami ang mga nahuli at naparusahan? Malaki rin po ba iyong naitulong nito upang maipababa iyong criminality rate nitong mga nakaraang linggo?
PBGEN. USANA: Well, lumalabas po sa ating datos from March 15 to 23, more than a week na rin po, Ma’am, there are about 27,513 violations na nabigyang pansin ng ating mga kapulisan. Some of them actually are simply warned, ito po ay 8,682; another figure, iyong 10,562 they were simply fined and then, mayroon pong mga naaresto, a total of more than 7,060 ang naaresto po, but ito pong 7,058 po dito ay iyong total po ay 7,023 ang na-release na rin sa ating mga nahuli. All in all 27,513 iyong bilang po ng mga total violations, committed by our people.
Well, they vary, mayroon pong nag-violate ng minimum health protocols and at the same time iyong curfew hours kung non-essential sila. Mayroon ding nag-violate ng liquor ban sa iba’t ibang mga LGUs. So, I guess ito po iyong binigyang pansin ng ating mga kapulisan during this period of time po.
USEC. IGNACIO: General, iyon pong Archdiocese ay itutuloy pa rin po ang plano na magdaos ng religious services gamit po iyong 10% seating capacity ng mga simbahan na kanilang nasasakupan. Ito po ay taliwas diumano sa IATF resolution nga po na bawal ang religious gatherings, pero sabi po ni Bishop Pabillo, ito daw po ay mass gathering at nag-i-exercise lamang sila ng right to worship. Sa usaping ito ano po ang posisyon ng PNP, General?
PBGEN. USANA: Well, we just have to comply with the IATF guidelines, Ma’am, in so far as the religious gathering, usually nakikita po ito sa mga simbahan. Kung ito po ay isasagawa ng mga kaparian, posible po ay magkakaroon ng problema kung ang mga mamamayan hindi rin po mapipigilan na they will go beyond the 10%. At iyong influx ng mga mamamayan alam naman po natin sa mga mananampalataya, lalung-lalo na para sa Semana Santa may mga mamamayan na gustong pumunta po sa simbahan, mayroon pang Bisita Iglesia at iba pang mga usual na nakikita natin na ritual during the Semana Santa.
Ang paghihikayat po namin, maaaring hindi lang po sa mga kaparian, na pigilan ang kanilang mga mananampalataya, kung hindi pati na rin po sa mga mamamayan na sadyang mag-stay na lang po sa kanilang mga pamamahay at huwag na po siguro silang pumunta sa iba’t ibang mga bagay na related sa kanilang pananampalataya, puwede naman po sa loob ng kanilang pamamahay.
USEC. IGNACIO: General, puntahan natin iyong tanong ng ating media partners, mula kay Donald Castro ng ABS-CBN: Statement lang po ng PNP sa sinabi ng CHR tungkol sa drug war, ang PNP ay gumagamit diumano ng excess unreasonable force and had the intent to kill suspects during drug related operations?
PBGEN. USANA: Nasabi na po ng aming OIC, si General Guillermo Eleazar, na wala pong polisiya na naghihikayat sa ating mga kapulisan na gumawa ng marahas o extrajudicial way of exercising their functions during the operations. And even if there are some violations being committed, we are really asking the people in the know, especially the witnesses to file complaint against police officers. Hindi naman po namin kino-condole ng aming mga kapulisan na nagsasagawa ng mga bagay na hindi naayon sa batas.
And we are thankful sa CHR po kung sakali man mayroon mga instances na nagri-report sa kanila iyong mga biktima puwede pong ibigay po sa amin itong mga complaints para maaksiyunan po dahil mayroon po kaming motu proprio investigation that is usually being done by the Internal Affairs Service and we assure our people na iyong mga pamamaraan to discipline of our people ay isinasagawa na naaayon dito sa batas.
USEC. IGNACIO: Ok. Maraming salamat po sa inyong oras, PNP Spokesperson Gen. Ildebrandi Usana. Mabuhay po kayo, General!
PBGEN USANA: Salamat din po, ma’am. God bless po.
USEC. IGNACIO: Salamat po. Samantala, iginiit po ni Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana na walang kinalaman ang mga donasyon COVID-19 vaccine ng China sa ating karapatan sa West Philippine Sea. Sa katunayan, nagsampa na rin ang ating bansa ng diplomatic protest laban sa pagpasok ng mga sasakyang pandagat ng China sa Julian Felipe Reef na bahagi ng ating exclusive economic zone. Ang ulat mula kay Naomi Tiburcio:
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Isa pa sa sector na naapektuhan ng ipinatutupad na dalawang linggong NCR Plus Bubble restriction ay ang industriya ng turismo. Iyan naman po ang ating kukumustahin kasama si Department of Tourism Usec. Benito Bengzon Jr. Magandang araw po, Usec.!
USEC. BENGZON: Good morning Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: [Garbled] impact sa tourism sector in general ito pong pansamantalang paghihigpit sa mobility ng mga taga-NCR at apat na karatig-probinsiya ano po, lalo pa ngayong paparating na ang Holy Week.
USEC. BENGZON: Well, makakaapekto itong bagong paghihigpit ‘no dahil alam naman natin historically itong pagpasok ng Holy Week, ito ang pinaka-peak period for domestic travel. Marami sa pamilya natin, magkakaibigan, talagang namamasyal pagdating ng Holy Week.
At siyempre with these restrictions, maapektuhan din iyong movement. Pero siguro ang babanggitin ko lang diyan, Usec Rocky, ang restrictions actually apply itong NCR Plus eh. Kailangan din maintindihan ng tao na mayroon pa rin tayong mga movement doon sa mga areas that are under Modified GCQ or MGCQ, although admittedly ang pinakamalaking market ito talagang NCR. Pero may kumpiyansa naman kami na makakabangon din ang ating mga industriya pagka gumanda na ang sitwasyon at natanggal na itong mga restrictions.
USEC. IGNACIO: Usec., ano daw po iyong assurance from their tourism industry sa mga apektadong reservations, booking na tinamaan nitong dalawang linggong paghihigpit?
USEC. BENGZON: Well, ang magandang balita dito, Usec. Rocky ‘no, pagkalabas na pagkalabas ng mga bagong guidelines, iyong additional restrictions ay pinulong namin agad iyong mga partners namin, from the airlines, iyong mga hotels, iyong resorts, iyong mga travel agents.
At ang kagandahan naman dito, lahat naman sila pumayag doon sa … with their rebooking or refund kasi alam din naman nila na hindi natin talaga gusto itong restrictions na nagresulta sa mga cancellation. So, naintindihan naman nila iyong sitwasyon. Nakikita nila ang priority natin ay health and safety so ni-relax din nila iyong mga policies at saka guidelines nila pagdating dito sa refund at sa rebooking.
USEC. IGNACIO: Iyon daw pong staycations, kung allowed pa rin po ba sa loob ng NCR Plus Bubble? Kung oo, hindi po ba siya conflicting sa IATF resolution na only essential travel ang allowed po?
USEC. BENGZON: Well, doon po sa guidelines, pupuwede pa rin ang staycation within NCR Plus ‘no, hindi puwede ang labas doon sa area na iyon. Siyempre ang pinaka-pakay naman natin dito balansehin lang iyong health and safety guidelines on one end and then sa kabilang banda naman is matulungan pa rin natin itong mga enterprises natin na magkaroon ng konting revenue kahit na papaano dahil karamihan sa kanila ay talagang naghihingalo na nitong mga nakaraang ilang buwan. Pero, ang lagi naming reminder doon sa mga mag-i-staycation sundin ninyo lang maigi iyong mga guidelines para makatulong din tayo dito sa pagpapatupad ng mga protocols in the different sub-sectors of tourism.
USEC. IGNACIO: Usec, may mga nabalita recently na isang resort sa Panglao na nagdaos ng party kung saan hindi nasunod iyong pina-public health standard ano po. Ano na po iyong update dito? At kung may ganito klase pa ng mga insidente, saan puwede magsumbong at anong action po ba ang gagawin ng Department of Tourism laban sa mga ganitong klase ng violation?
USEC. BENGZON: Nakakalungkot itong balita natanggap natin na mayroong isang resort sa Panglao na nagdaos yata ng isang party at hindi sumunod doon sa mga health and safety protocol, and unfortunately hindi ito iyong kauna-unahang kaso. Nagkaroon na rin tayo ng mga ibang cases in the past. So, siguro ang reminder lang namin doon sa mga tourism establishment, alam namin nahihirapan tayo, gusto natin magkaroon uli ng revenue stream pero huwag po tayong lumabag doon sa mga health and safety guidelines.
Again, ang pinaka-priority natin lagi dito iyong safety; safety hindi lamang noong travelers o ng turista, pero safety rin ng mga tourism workers at lalong lalo na iyong host communities.
Doon po sa mga establishments na DOT-accredited na napa-report na nagkaroon na ng violations, usually binibigyan po namin sila ng sulat at we ask them to explain ‘no. But sana ito na iyong huling kaso na matatanggap natin na nagkaroon ng violations.
Again, ang strategy po namin dito sa tourism is “Slow but steady at restart of Tourism” and it will really depend on the cooperation of everybody.
USEC. IGNACIO: Isa naman daw po exclusive resort sa Quezon Province iyong nag-o-offer ng … umano’y nag-o-offer ng immunity boosting program panlaban sa COVID-19. Ito daw po ang nagiging rason ng kanilang mga miyembro para makalabas sila ng NCR Plus Bubble at makapunta doon dahil sa sinasabing medical reason.
Ayon po sa statement ng resort, matagal na raw nilang ginagawa ang nasabing health program. Kumusta po iyong imbestigasyon ng Department of Tourism ukol dito?
USEC. BENGZON: Well, sa ngayon po ano hindi pinapayagan ang movement ‘no from NCR Plus to the particular resort. Kung sinasabi nila na ginagawa nila ito dati, maaaring ginagawa nila ito noong wala pang restrictions. Pero ngayon very, very clear, ang guidelines natin sa IATF – hindi ka puwedeng lumabas dito sa tinatawag nating bubble except for exceptional cases ‘no, humanitarian or medical emergency.
So, sa nakikita po namin, hindi naman po maituturing na medical emergency iyong ino-offer nilang services but then ang request namin sa mga travelers, sundin lang po natin iyong mga guidelines base doon sa IATF Resolution 104, iyong pinakahuli pong inilabas.
USEC. IGNACIO: Usec., bigyan-daan ko lang iyong ilang media questions ano. Mula po kay Naomi Tiburcio ng PTV News: Ano po ang masasabi ng DOT sa kumakalat na fake negative swab test result for sale? Ilan na po ang nahuli hinggil dito at ilan na po ang inimbestigahan?
USEC. BENGZON: Well, ito nga po iyong natanggap naming mga balita nitong nakaraang ilang araw, mayroong mga nagbebenta ng ano, ng pekeng test results. Again, nakakalungkot at saka napakadelikado po nito dahil inilalagay natin sa panganib iyong mga… iyong lugar na pupuntahan natin.
So, ito po ay iniimbestigahan na namin. At lahat naman po ng inimbestigahan naming pamemeke ay nanagot nang husto iyong mga pasahero. Again, ang pakiusap namin huwag po tayong mameke ‘no, inilalagay natin sa panganib iyong… doon sa local destination, iyong mga host communities.
Mayroon naman po tayong programa with the Field Department of Tourism at saka Tourism Promotion Board although suspended momentarily kung saan nagsa-subsidize kami ng cost ng RT-PCR. So kung ang concern is mataas iyong cost ng RT-PCR, mayroon po tayong mga programa na ino-offer para mababaan itong gagastusin. So, pakiusap lang po huwag na tayong mameke, sumunod lang po tayo sa mga guidelines.
USEC. IGNACIO: Ok, maraming salamat po sa inyong panahon Department of Tourism Undersecretary Benito Bengzon, Jr.
USEC. BENGZON: Maraming salamat, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Samantala, tuluy-tuloy ang pagtulong ng tanggapan ni Senator Bong Go sa mga sektor ng lipunan na lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic nitong weekend. Mga market vendors sa Kidapawan City ang binigyan ng tulong. Panoorin po natin ito:
(VIDEO CLIP)
USEC. IGNACIO: At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.
At sa ngalan po ni Sec. Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita kita muli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center