USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas, at sa ating mga kababayan sa loob at labas ng bansa, ako po si Usec. Rocky Ignacio!
Usapang pagbabakuna kontra COVID-19 ang sentro ng pag-uusapan ngayong umaga at kukumustahin din natin ang lagay ng Siquijor Province, ngayon po sila ay kasalukuyang nasa Alert Level 3 habang patuloy pang bumabangon mula sa pananalasa ng Bagyong Odette higit isang buwan na po ang nakakalipas. Simulan na po natin ang makabuluhang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Sisimulan na ng pamahalaan sa susunod na linggo ang pagbabakuna sa mga edad lima hanggang labing-isa. Maliban dito, target din ng pamahalaan na gamitin ang mga istasyon ng MRT at LRT bilang mobile vaccination sites. Ang lahat ng ito ay para mas maprotektahan ang publiko mula sa virus kung saan dito sa Metro Manila ay naitala na ang pag-peak nito. Narito ang report ni Mela Lesmoras:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act # 11646 o ang Microgrid System Act na naglalayong mabigyan ng power supply ang mga liblib na lugar na wala pang maayos na supply ng kuryente. Narito po ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Sa harap ng pagpapaigting ng mga hakbang kontra COVID-19, dalawang bagong kautusan ang inilabas ng Food and Drug Administration. Una dito, inaprubahan na ng FDA ang pagpapalawig ng shelf-life ng anti-COVID drug na Molnupiravir hanggang sa isang taon, ayon kay FDA OIC Dr Oscar Gutierrez, dalawang brands ang kanilang inaprubahan, iyan ang Molnarz at Molnaflu. Samantala, dalawang antigen home self-test kits din ang kanilang inaprubahan at lehitimo nang magagamit ng publiko – iyan ay ang Panbio COVID-19 Antigen Self-Test ng kumpanyang Abbot at [garbled] rapid antigen test ng Labnovation Technologies, Inc.
Nagbabala naman ang FDA sa publiko laban sa fake test kits at gamot.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Para maabot na ang inaasam nating herd immunity, isa sa prayoridad ngayong taon ng pamahalaan ay ang mabakunahan naman ang mga batang nasa edad lima hanggang labing-isang taon. Alamin natin iyan, makakasama natin sa kabilang linya si National Task Force Against CoVID-19 Medical Adviser Dr. Ted Herbosa. Magandang umaga po, Dok!
DR. HERBOSA: Magandang umaga, Usec. Rocky. At magandang umaga sa mga nanunood dito sa Laging Handa.
USEC. IGNACIO: Opo. Next week na po ng Pebrero kung kailan po inaasahang sisimulan na ang mini rollout nitong pagbabakuna sa mga batang edad lima pataas. Tuluy-tuloy na po ba ito at ano po ang dapat asahan ng mga magulang sa mini rollout na ito?
DR. HERBOSA: Tama iyan ‘no. Mag-uumpisa tayo sa NCR starting February 1, ang unang linggo ng February. Dadating nitong January 31 ang unang delivery ng 15 million doses na ating in-order. Ang unang parating sa January 31 ay 780,000 doses of pediatric Pfizer ‘no, iyong para sa bata. Ito ay ibang dose ito, mas mababa at two doses din ang ibibigay sa ating mga bata at a few days later, darating about two million, 1.8 million doses. So makakapag-umpisa tayo sa NCR, at usually tuluy-tuloy na ang pag-deliver ng Pfizer niyan every week ng kanilang mga requirements na i-deliver para sa ating pediatric vaccination.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted, may balita po ba kayo kung ilan na po iyong naka-preregister sa mga LGUs para dito? Ito po ba ay within expectation o dapat pang palawigin ito pong information drive para sa pediatric vaccination?
DR. HERBOSA: Sa buong bansa kasi nagtatala kami ng about seven million ang estimate namin. So far, hindi ko alam kung ano ang naging resulta ng pag-pre-register dito sa NCR, kasi sa NCR tayo mag-uumpisa magbakuna ng five to eleven.
Ang alam ko, ang ating mga espesyalista sa bata, ang mga Philippine Pediatric Society naglabas na rin ng statement na safe po ang ating bakuna para sa age group na five to eleven.
USEC. IGNACIO: Opo. Ulitin lang natin, Doc Ted, kailan po exactly darating itong unang batch ng Pfizer vaccine para sa mga bata at saan-saan po agad ide-deploy ang mga ito?
DR. HERBOSA: Okay. The first delivery is scheduled to arrive dito sa atin sa Manila sa January 31. 780,000 doses of the pediatric formulation ng Pfizer. A few days may darating pang another 1.8. Ang total kasing in-order natin ay 15 million doses para sa ating mga kabataang edad [five] hanggang eleven years old.
So, as soon as we get the initial doses, ang umpisa ng launch ay dito sa National Capital Region. Una, Kamaynilaan muna bago natin gawing nationwide. Ang target around the middle of February, makakapag-nationwide na tayo with the delivery ng mga doses na darating pa.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted, hindi pa po kasama dito ito pong additional ten million vaccines na bibilhin pa ng gobyerno, tama po ba ito?
DR. HERBOSA: Hindi pa po, oo. Iyan namang mga binibili natin ay para sa ating mga booster doses na naka-budget naman iyan for the 2022 Budget natin kasi nag-allot din tayo ng pera para diyan sa booster doses natin kasi alam naman nating tuluy-tuloy ang pagbabakuna.
Ang tina-target naming ma-attain eh maka-77 million Filipinos tayo na two-doses by the end of March. As of now, nasa 57 million Filipinos na ang may at least two doses, may dalawang dose na at hahabulin natin din iyong booster doses. Iyong mga naka-booster yata na sa 6.8 of seven million na na katao ang nagkaroon na ng third dose.
So, patataasin pa natin iyan. Alam mo naman ini-launch natin last week iyong ‘Resbakuna sa Botika’ at napakaganda ng response dito ano, nadoble nila iyong target natin na parang 1,000 booster dose lang, nakapagtala sila ng almost 2,000 kaya maganda ang response ng ating kababayan na magpabakuna sa iba’t ibang botika.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa ngayon po, kumusta naman po iyong pakikipag-usap ng NTF at ni Secretary Galvez sa iba pang vaccine manufacturers para naman po magkaroon ng EUA ito pong bakuna para sa three years old pataas naman? Sa ibang bansa ba po ay nagbabakuna na rin sila ng ganitong kabataang edad, Doc Ted?
DR. HERBOSA: Ang alam ko lang na naaprubahan na mayroong three years old up ay iyong brand na Sinovac sa China, sa FDA ng China. So, alam ko rin na parang nag-apply yata ang kumpanya ng Sinovac para doon sa same approval na nakuha nila sa China.
So, kapag iyan ay inaral ng ating FDA, bigyan natin ng ilang linggo na aralin iyong mga datos nila tungkol diyan sa age group na iyan, magkakaroon na rin tayo ng para diyan sa age group na below five years old.
USEC. IGNACIO: Opo. Ngayon po ba nagtuturok na rin tayo ng booster shot sa mga twelve years and above naman? Pero kung hindi pa po, kailan po ito sisimulan?
DR. HERBOSA: Ang ating mga teenagers, twelve to seventeen, nag-umpisa kasi tayo niyan noong November, so ang second dose nila malamang naibigay noong December, so ang ating booster dose ay three months after the second dose. So, the earliest, iyong mga nauna siguro early December so baka early March natin maumpisahan iyong tinatawag na booster doses for the teenagers, iyong twelve to seventeen na inumpisahan natin noong November.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, kanina nga nabanggit ninyo iyong naging matagumpay itong Resbakuna sa Botika. Naging effective po ba ito para mas ilapit pa sa mga tao talaga iyong vaccination program ng pamahalaan? Sa tingin ninyo po ay makukuha natin iyong target dahil sa programang ito?
DR. HERBOSA: Oo, malaking tulong siya na mapabilis. Inaya natin iyong private sector at pumayag naman sila na tumulong sa pagbigay ng booster doses kasi mabagal iyong ating mga booster doses, nasa six to seven million pa lang.
So, with this campaign at mapalawak pa doon sa iba’t ibang branches nitong sumaling pitong botika and clinics, kapag napalawak pa iyan sa buong Metro Manila and buong bansa, bibilis ang ating vaccination at marami-raming makakapagpabakuna na more convenient, hindi na pupunta doon sa vaccination center, doon na lang sila magpapa-booster.
So, iyong ating vaccination center maku-concentrate natin iyan doon sa mga first doses ng unvaccinated at second doses ng naghihintay ng second dose. So, iyong booster makukuha mo sa mga iba’t ibang botika, tuluy-tuloy ang ating vaccination.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted, may tanong iyong ating mga kasamahan sa media para sa inyo. Mula po kay David Santos ng CNN Philippines: Experts say na hindi na sapat iyong cloth and surgical mask against Omicron. Ano daw po iyong updated guidelines ng government regarding sa uri ng mask na we should be wearing? If recommended ang KN95 or N95 na? Do we have enough supply?
DR. HERBOSA: Actually, ang sinasabi lang is higher quality mask. Iyong actually surgical—mayroon kaming tinatawag na surgical three ply mask. Actually, magaling na proteksiyon iyon against airborne infection or illnesses.
So, alam natin na iyong Omicron nag-aano sa airborne. We will recommend it to the general public. Ako, ang tingin ko hindi pa siguro, kasi nga baka maubusan naman ng supply sa ating health care workers, so binabalanse natin iyan.
Iyong cloth definitely ay dapat palitan ng surgical mask. Kung kaya, puwedeng magdoble ng surgical mask. And kung ikaw ay nagwu-work sa mga enclosed areas or iyong mga high-risk setting, iyong talagang kausap po ay mga positive; like a laboratoryo; or a clinic; or ER, maganda iyong KN95.
So, alam naman namin iyong classification at hindi naman kailangan lahat naka-N95. Iyon lang at depende sa risk classification ng trabaho mo o galaw mo.
USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pong tanong ni David Santos: Since mas mahal daw po iyong KN95 or itong N95 versus dito sa cloth surgical mask, how can we ensure daw po iyong compliance if a regular Filipinos cannot afford them? Is government willing to give away free KN95 or N95 mask like in other countries? And how can we spot and counter fake KN95 or N95 masks?
DR. HERBOSA: Isa sa magandang programa iyan. I think one of the things na puwede nating gawin talaga ay magbigay ng higher quality mask sa ating mga kababayan na hindi maka-afford nito. Very important iyan lalo na kung high-risk sila. So, very important iyang level of protection na maibigay.
Puwedeng gawin din iyan ng lokal na pamahalaan. May mga lokal na pamahalaan tayo na may kaya at may kaunting fund na puwedeng gamitin sa kanilang mga kababayan. Kasi sa community level protection, sila ang may alam kung sino iyong hindi kayang bumili at kayang bumili ano.
Pangalawa, iyong fake naman, dapat talaga registered iyan ano at madi-detect naman natin kung safe kasi nga alam iyong mga brands niyan. So, make sure na mayroong mga experienced people who can [certify] na hindi siya fake or talagang high quality iyong mask na makukuha natin.
[AD]
USEC. IGNACIO: Okay. Balikan po natin si Doc Ted Herbosa.
Doc Ted, tanong naman po mula kay Mariz Umali ng GMA News: President Duterte said in his Talk to the People last night that he is concerned daw po with some people from Mindanao who still resist vaccination because of their culture and religion. And, ano raw po ang plano ng pamahalaan to address this? What do you think is the best way to convince them or to educate them to agree to be vaccinated?
DR. HERBOSA: Well iyong BARMM region ng Mindanao, ng Muslim Mindanao, talagang binigyan namin ng special attention ‘yan even in the beginning of the vaccination campaign. In fact iyong ating Vaccine Czar, si Secretary Galvez ay matagal siyang na-appoint diyan sa Mindanao so alam niya talaga iyong region na ‘yan. Ang ginawa natin ay nagbigay tayo nang maraming Johnson and Johnson or J&J na bakuna, iyong single dose or one shot vaccination kasi malalayo iyong mga lugar na pinanggagalingan nila at hindi ganoon karami ang vaccination site diyan sa BARMM so ginamit natin iyong single dose.
Another issue again is also iyong halal-type na vaccine so I think may mga ibang vaccines na hindi yata halal so alam noong mga ating Muslim brothers kung alin iyong halal at pinipili nila iyon, iyong vaccine na iyon. So very important mag-align tayo kung ang gusto nila ay iyong halal-type vaccines.
And pangatlo siyempre iyong dahil malalayo iyong mga lugar, important talaga iyong vaccine hesitancy mapigilan at ma-explain sa kanila iyong benefit ng pagbabakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. Panghuli na lang po, Doc Ted. May tanong po ‘yung ating kasamahan din sa media, mula po kay Sam Medenilla ng Business Mirror: Magkano po ang government budget allocation for the procurement of 15 million Pfizer COVID-19 vaccine jabs for those in the 5 to 11 years old age group?
DR. HERBOSA: Naku, hindi ako ang may kaalam niyan ‘no kasi hindi ko alam iyong mga costing [laughs]ng prinocure nating vaccines. I’m sure our Department of Finance and Department of Budget and Management ang mga taong dapat sumagot kung magkano ang bili natin diyan. I’m sure maganda ang ating mga presyo sapagkat marami na tayong nabiling Pfizer ‘no, iyong sa adult, so I’m sure hindi naman ‘yan malalayo doon sa presyo na binili. Tandaan natin iyong pediatric dose is a smaller dose and less concentration so dapat mas mura ‘yan; so ‘yan ang sigurado naman ako, magandang presyo ‘yan.
USEC. IGNACIO: Okay. Doc Ted, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga, NTF Against COVID-19 Medical Adviser Dr. Ted Herbosa. Mabuhay po kayo, Doc Ted!
DR. HERBOSA: Mabuhay ka, Usec. Rocky, and thank you very much sa Laging Handa.
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Samantala, patuloy ang pagbibigay ng booster shots sa 24/7 drive through booster vaccination sa Quirino Grandstand sa Luneta kahapon, base sa tala ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office umabot na sa higit 26,000 na individual ang kanila pong naserbisyuhan. Alamin natin mula kay Rod Lagusad:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong report, Rod Lagusad.
Samantala, karagdagang proteksiyon kontra COVID-19 po ang dulot ng booster shot bukod pa sa proteksiyon na dulot ng first at second dose ng ating mga bakuna at para po alamin ang kahalagahan nito laban natin sa pandemya, makakausap po natin si Infectious Expert Dr. Rontgene Solante. Magandang umaga po, Doc.!
DR. SOLANTE: Hi. Good morning, Usec. Rocky. Good morning also to our listeners and viewers.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, back to basics po tayo ano po: Ano daw po iyong ambag ng booster shot para mapalakas ang ating katawan laban sa COVID-19 at totoo po ba na itong booster shot ay nag-i-stimulate ng antibodies na umano’y na-neutralize sa Omicron variant ng COVID-19?
DR. SOLANTE: Yes ‘no. So unahin natin, noong nabigyan tayo dalawang dose ng primary vaccine series, medyo bumaba iyong neutralizing antibody natin or ibig sabihin iyong protection after 3 to 6 months; then pumasok itong Omicron variant na mas nagdagdag pababa ng neutralizing antibody natin doon sa dalawang bakuna. Kaya noong nagbakuna tayo ng booster shot, pinataas uli iyong neutralizing antibody na mas mataas pa doon sa primary vaccine series at ito ay nagdulot ng karagdagang proteksiyon especially for an Omicron variant. At nakita natin with this neutralizing antibody, malaki ang proteksiyon natin hindi lang doon sa makakuha tayo ng Omicron variant but most specially against severe and death of COVID infection.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Rontgene, ano po ‘yung reaksiyon ninyo sa sinabi po ni Israeli Prime Minister na puwedeng mag-boost nang 5 fold ang fourth booster shot. Pero ayon naman po sa ilang Israeli health experts ay posible naman itong mag-cause ng immune system fatigue; ano po ang opinyon ninyo dito?
DR. SOLANTE: Well, somewhat I agree with that dahil ang booster kasi talagang pinapataas niya iyong immune response natin ‘no sa pag-stimulate further with the additional dose, you’ll also have additional antibodies in our system. But so far the data on kung makakasira ba siya sa immune system natin, mukhang hindi naman ganoon kaano ang impact niyan. Siguro alamin muna natin ‘no kung magbu-boost tayo, ang importante diyan at this point in time, isang booster lang muna ang tatanggapin natin because there are no data na ang booster binibigay every 3 months or every 6 months ‘no so hindi natin alam kung anong maidudulot nito sa immune response. But so far, the data is robust or ibig sabihin kongkreto na ‘pag binibigay ‘yan siya after the primary vaccine series, mas mataas ang proteksiyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc kung sakali lang po ano, dapat po ba na hindi—o hindi dapat bigyan ng fourth booster dose ito pong mga immunocompromised?
DR. SOLANTE: Sa ngayon ang tawag natin diyan hindi siya fourth dose ‘no. Ang binibigay sa ma immunocompromised, sa mga other guidelines like in US and Europe, binigyan sila ng third dose ‘no. So wala pa tayong data kung mabibigyan ba sila ng fourth dose kasi so far the third dose is still working and then ang tawag nito is fourth dose ay booster na ‘no. So ibig sabihin 3 dose as primary vaccine series and the fourth dose is a booster dose only for the immunocompromised na talagang mababa ang response na hindi talaga tumataas ang proteksiyon kung dalawa lang na bakuna or dalawang dose lang ang binibigay.
USEC. IGNACIO: Opo. Samantala ayon po naman sa pag-aaral, Doc Rontgene, ay higit daw pong mataas ang nadyi-generate na antibodies ng AstraZeneca booster laban sa iba’t ibang variants ng COVID-19. Gaano po ito katotoo?
DR. SOLANTE: Yes, totoo iyan Usec. Rocky. Kasi noong inaral ng VEP iyan last week, iyong data on AstraZeneca, puwede niyang i-boost ang nabakunahan na ng Astra, puwede rin niyang i-boost iyong nabakunahan ng Pfizer at puwede rin niyang i-boost iyong nabakunahan ng Sinovac, and the antibody response is really higher than doon sa dalawa lang na dose ang binibigay, with the addition of a third dose of an AstraZeneca booster shot.
USEC. IGNACIO: Opo. Wala po ba kayong natatanggap na report na adverse effect dito po sa nagpa-booster na ng AstraZeneca?
DR. SOLANTE: Well, so far ang nakita natin sa mga common pa rin na mga adverse event sa AstraZeneca ay iyong pamamaga at masakit sa braso kung saan ini-injection ‘no. Minsan iyong iba, minsan may mga pananakit sa katawan. But so far, for the serious adverse reaction, wala po tayong nakikita with the AstraZeneca vaccine.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, ano po ang reaksiyon ninyo naman dito sa sinasabing natural immunity o iyong pagpapa-infect ng isang tao para maka-develop siya ng natural protection against COVID-19?
DR. SOLANTE: Okay. So, maraming aspeto iyan kung bakit hindi dapat natural immunity ang target natin. Unang-una, kung natural immunity ng target natin, kapag ma-infect ka, hindi natin sigurado kung mag-develop ka ba ng severe, so mas delikado iyan. Pangalawa, iyong immunity after ng infection, iyong antibody niyan hindi gaano katagal magiging protective kumpara doon sa mayroon kang bakuna. At pangatlo, hindi din siya magdulot ng proteksiyon against reinfection with another variant, especially kapag iyong antibody mo from that infection also will wane off after second month or third month.
So, talagang napakaimportante na kahit na-infect ka na, mayroon kang previous infection, hindi tayo kampante na protektado ka na. We still need the vaccine at mas maganda kapag mayroon ka ng infection, tapos naka-survive ka, a vaccine will also enhance and increase the immunity and protection at the same time when you are also given the vaccine plus the infection.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc, ano ang palagay ninyo dito sa sinasabing hybrid immunity o tinatawag din ng ilan po na super immunity na posible umanong ma-develop ng mga nagkaroon ng breakthrough infection matapos mabakunahan ng complete dose at booster shot. Possible po ba talaga ito, Doc. Rontgene?
DR. SOLANTE: Okay. Hindi natin matatawag siya na super immunity ‘no. Kasi may mga data tayong nakikita na iyong mga na-infection at naka-recover at nabigyan ng dalawang dose ng bakuna, medyo mas mataas-taas ang neutralizing antibody nila kumpara doon sa nabakunahan na walang infection. But it doesn’t mean na super immunity na iyan, because ang pinaghambing lang dito iyong neutralizing antibody. So for me, ang importante dito, whether you are previously infected and vaccinated or without an infection, but you have to be vaccinated, both of these group can still be protected against COVID-19. So ang punto natin, everyone should be getting the vaccine regardless kung mayroon ka o na-expose ka na, with or without COVID.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, ngayon po may minu-monitor na ring Omicron sub-variant. Sa palagay ninyo napapanahon na ngang ilabas o pabilisin iyong pag-aaral sa Omicron specific vaccine na dini-develop na rin po ng ilang vaccine manufacturers?
DR. SOLANTE: Maganda kung mayroon tayong variant specific vaccine, kasi mas mataas ang protection nito against an Omicron variant, especially against an infection or getting the infection. But so far, habang wala pa itong mga variant specific vaccines, itong mga kasalukuyang bakuna na available, na binibigay ng government natin are still effective at saka it’s still work even with an Omicron variant.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Rontgene, tanong na rin sa inyo ng ating kasamahan sa media. Tanong ni David Santos ng CNN Philippines: Ano daw po iyong updated guidelines ng government kaugnay po ng uri ng face mask na we should be wearing? If recommended daw po itong KN95 or N95 na? Do we have enough supply?
DR. SOLANTE: Sa ngayon wala pa tayong ganoong recommendation kagaya doon sa US. Kasi ang pinakaimportante dito, iyong lahat ng face mask, even a cloth mask can still protect us against the COVID. Ang importante natin ngayon tinitingnan ay iyong pagsuot nito na tama ang pagsuot at saka pagsuot nito sa mga lugar na kinakailangan mataas ang proteksiyon. Kung gagamit man tayo ng KN95 or N95. Baka mahirapan tayo sa supply dahil itong mga mask na ito ay napakaimportante nito sa mga health care workers of sa healthcare facility. So even a surgical mask is still okay – cloth mask, puwedeng doblehin lang with a surgical mask, para lang karagdagang proteksiyon. But ang importante nito is wearing it consistently and wearing it properly.
USEC. IGNACIO: Doc. Rontgene, pasensiya na po. Ulitin ko na lang po iyong tanong ko. Mula po kay Mariz Umali ng GMA News: A study say Omicron survives longer on plastic and even on skin than prior variant. Is there a need for us to change some of our policies and how about daw po iyong policy before that requires plastic barriers? Do we need to totally remove this policy as there are still some sectors using this?
DR. SOLANTE: Yes. So, may mga karagdagang data na medyo totoo na mas maka-survive sila longer sa mga inanimate objects. But again itong mga inanimate objects, even if they can survive longer, it doesn’t mean na talagang mai-transfer kaagad sila sa atin. So, napakaimportante pa rin ang hand washing at saka paghugas ng kamay, alcohol over the other barriers, like using the plastic barriers. Napakaimportante pa rin ang pagsuot ng facemask at kung nandoon ka sa isang lugar na medyo hindi maganda ang ventilation, napakaimportante pa rin ang face shield at saka physical distance. So, these are still important health protocols and as of now, there are no revisions or any modification to use even with this new findings on an Omicron variant being able to survive longer sa mga inanimate surfaces.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Naomi Tiburcio ng PTV: Aprubado na po ang dalawang home antigen self-test kits. Ano po ang [payo] ninyo sa mga gagamit nito?
DR. SOLANTE: Okay. So ang antigen test, unang-una, saan natin siya gagamitin? Doon lang natin siya gagamitin kung mayroon kang sintomas. Hindi natin siya gagamitin kung wala ka ng sintomas, especially gagamitin natin for clearance sa work or pabalik sa trabaho, hindi natin siya gagamitin. Pangalawa, i-prioritize natin ang paggamit nitong antigen test doon sa mga may symptoms at saka mga vulnerable population, bakit? Because these are the population na kailangang kung mag-positive mayroon tayong gamot na mga antivirals or monoclonal antibodies para hindi lalala ang mga infection nila to severe COVID at hindi sila ma-hospitalized. So, iyon ang dalawang punto na when we are using antigen test, dapat ito ang mga guidelines natin na gagawin.
USEC. IGNACIO: Okay. Doc Rontgene, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga, Infectious Disease Expert. Dr. Rontgene Solante. Mabuhay po kayo.
DR. SOLANTE: Mabuhay ka, Usec. Rocky at salamat sa mga nanunood.
USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman po ang huling tala ng COVID-19 sa bansa:
- As of 4PM, nakapagtala po ang Department of Health ng total COVID cases count na 3,442,056 matapos itong madagdagan ng 24,938 new cases. Iyan na po iyong pinakamababang bilang sa loob ng limang araw.
- Mataas naman po sa bilang na 35,461 ang mga bagong gumaling mula sa virus. Sa kabuuan, umabot na ito sa 3,125,540 recoveries.
- 47 naman po ang nadagdag sa mga nasawi, kaya umabot na sa 53,519 ang total deaths.
- 262,997 o katumbas ng 0.6% ng kabuuang bilang ng COVID-19 cases ang nanatiling aktibo hanggang ngayon.
Matapos po ang pananalasa ng Bagyong Odette noong nakaraang taon, ngayon po ay sinusubukang din harapin ng probinsiya ng Siquijor ang pananalasa naman ng COVID-19 sa kanilang lugar, kumustahin po natin ang kanilang lagay at ang ginagawang paglaban kontra COVID-19 ngayon ng lugar kasama po si Siquijor Governor Zaldy Villa. Magandang umaga po Gov!
SIQUIJOR PROVINCE GOV. VILLA: Magandang umaga po ma’am.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, ilan po ngayon ang active COVID cases na binabantayan sa inyong lalawigan at gaano po naging kalaki ang itinaas ng kaso nito kumpara noong bago po matapos ang taong 2021?
Babalikan po natin si Gov. Zaldy!
Samantala, ilang mga residente at mga manggagawa naman mula sa iba’t ibang sektor sa Zambales ang hinatiran ng tulong ng pamahalaan at ni Senator Bong Go. Narito po ang detalye:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, balikan na po natin si Siquijor Governor Zaldy Villa, magandang umaga po ulit Gov.
SIQUIJOR PROVINCE GOV. VILLA: Good morning USec., good morning. Sorry ha.
USEC. IGNACIO: Opo. Paumanhin po kanina, Governor. Uulitin ko na lang po iyong tanong ano po: Ilan po sa ngayon iyong active cases na binabantayan ninyo sa lalawigan at gaano daw po iyong naging kalaki iyong itinaas ng kaso dito kumpara noong bago po matapos ang 2021, Gov.?
SIQUIJOR PROVINCE GOV. VILLA: Sa ngayon USec. Mayroong naitalang 173 cases ng COVID-19 ang probinsiya ng Siquijor. Simula ng Enero sa bilang na ito 156 na ang active cases, 13 sa mga kaso na iyan ay naka-admit sa aming bagong hospital, samantalang ang 143 cases naman ay nasa LGU isolation facilities. Nagtala din ang probinsiya ng 17 recoveries kahapon.
Kung titingnan natin ang breakdown ng mga kaso makikita natin na 18 ay mula sa Enrique Villanueva; 75 cases naman ang nasa town of Larena; 11 cases naman sa Maria; 8 cases sa San Juan; at 52 cases sa Siquijor. Town of Larena lang ang pinakamaraming cases sa ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Gov., ano sa palagay ninyo ang naging dahilan sa surge na ito dito sa nabanggit ninyong lugar kasama na rin po iyong buong lalawigan ng Siquijor bukod po sa posibleng dulot ng Omicron variant?
SIQUIJOR PROVINCE GOV. VILLA: Sa ngayon nag-aantay kami ng opisyal na report mula sa aming DOH Provincial Office sa mga dahilan kung bakit tumaas ang mga kaso sa aming probinsiya. Maraming mga factors ang puwede nating masabi sa pagtaas ng kaso, ang pagkakaroon ng contact ng virus mula sa mga residente na nag-travel sa mga probinsiyang matataas pa rin ang kaso ng COVID-19.
Sa ngayon mas mabuting maghintay ng official na report mula sa DOH at sa ating regional and provincial IATF upang tunay na masiguro ang dahilan ng mga karagdagang kaso. Ang importante patuloy naman ang pagkilos ng provincial government ng Siquijor upang mag-enforce ng mga regulasyon at makakatulong upang mapigilan ang mas lalo pang pagtaas ng kaso.
Pinirmahan ko na rin ang bagong Executive Order na nagdidetalye ng mga guidelines dahilan na rin sa itinalaga na Alert Level 3 ng national IATF. Ang probinsiya ng Siquijor patuloy naman tayong sumusunod sa mga regulasyon mula sa national IATF upang mapanatiling ligtas ang mga Siquijornon, USec.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, bakit po kailangan itaas sa Alert Level 3 ang Siquijor province at kumusta po iyong estado ng inyong mga hospital at ano po iyong paghihigpit na ginagawa ninyo at ipinatutupad sa buong lalawigan dahil dito?
SIQUIJOR PROVINCE GOV. VILLA: Tulad ng sinabi ko kanina, sumusunod tayo ng mga announcement at analysis ng ating national IATF at mula na rin sa ina-announce na direktiba mula sa opisina ni Secretary Karlo Nograles.
Inilagay sa Alert Level 3 ang probinsiya ng Siquijor dahil na rin nagkakaroon ng mga karagdagang kaso ang aming isla. Ang magandang balita, hindi katulad noong surge noong isang taon, hindi napupuno ang ating bagong hospital dahilan na rin sa mild symptoms ang karamihan ng mga kaso ay sa probinsiya.
Nabanggit ko rin kanina ang pagpirma ko sa Executive Order No. 2022-DSB-001 na nagtatalaga ng mga guidelines para sa Alert Level 3 system sa Siquijor. Base na rin sa mga guidelines at deliberation ng aming provincial IATF, patuloy natin na niri-regulate ang Intrazonal at Interzonal travel. Hindi muna namin pinayagang lumabas ang mga residente below 18 years old at over 65 years old pati na rin ang mga may comorbidities at mga buntis.
Naka-limit ang paggalaw ng mga nasabing residente sa mga essential goods at services lamang at para sa mga nagtatrabaho sa mga permanenteng industriya at opisina, hindi na rin muna namin pinayagan ang mga activities katulad ng mga face to face classes sa basic education, ang mga contact sports.
Pansamantala din nating sinususpinde ang operasyon ng mga venues na mayroong live voice or wind instrument performer at audience katulad ng karaoke bars. Pansamantala din nating sinususpinde ang mga cockfighting operations, lottery and betting shops at iba pang gaming establishment maliban sa mayroong authorization.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, kumusta po iyong vaccination rollout sa inyo? Ilan na po ang fully vaccinated at boosted na?
SIQUIJOR PROVINCE GOV. VILLA: Actually, as of now we have 81% na ang ating fully vaccinated. Still we are rolling out barangay to barangay kasi nag-iisyu naman ako ng executive order na mag-barangay to barangay vaccination na kami, that’s why malapit na kami sa 100%.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Governor, nakahanda na rin po ba kayong mag-rollout nitong pediatric vaccination dito po sa edad 5 gulang pataas?
SIQUIJOR PROVINCE GOV. VILLA: Yes. Handa na naman ang ating health provincial office sa pag-rollout ng mga bakuna. Pero sa ngayon hinihintay namin ang final guidelines mula sa DOH Central Office, bago kami mag-rollout ng vaccination para sa 5 to 11 age group. Pero handa ang aming mga health officials at frontliners na mag-implement ng vaccination rollout once makuha namin ang final guidelines.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, more than a month matapos po itong pananalasa ng Bagyong Odette. Kumusta na po ang mga bahay at hanapbuhay ng mga heavily affected families ng Bagyong Odette?
SIQUIJOR PROVINCE GOV. VILLA: Sa ngayon patuloy ang pakikipag-ugnayan namin sa mga national agencies upang makatulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette. Kamakailan lang ay nagpunta ako sa Dumaguete upang kunin ang budget mula sa National Housing Authority (NHA) para sa mga totally at partially damaged household sa Siquijor. Ngayong linggo uumpisahan na namin ang pamimigay ng P5,000 sa 1,000 household na naapektuhan ng bagyo.
Nakikipagtulungan din kami sa opisina ni Cong. Jake Villa, upang makatanggap ang aming mga farmers ng tulong para sa kanilang tree planting at iba pang pangangailangan. Masuwerte rin kami na marami sa aming mga kaibigan sa labas ng Siquijor ay nagpadala ng ayuda para sa mga nasalanta ng bagyo.
Tulad sa aking nabanggit kanina, nagpadala si Senator Nancy Binay ng 100 sacks of rice, nagpadala rin si Cong. Loren Legarda ng tulong na maipaabot namin sa 200 na pamilya. Nagpadala rin kay Cong. Jake, ang kaniyang partido, ang NPC, ng 100 boxes ng corned beef at ang Ongpin Foundation ng mahigit 600 boxes ng assorted goods katulad ng noodles at canned goods.
Nag-donate din ang mga batch mate ni Cong. Jake, IEM ng 25 sacks ng bigas. Ang mga kaibigan po naman na Filipino-Chinese Chamber of Commerce ay nagbigay ng 100 relief packs para sa mga nasalanta ng bagyo at saka nagbigay naman si Senator Bong Go, ang kaibigan ko ng P10 million assistance for the AICS. So, salamat Senator, doon sa naibigay mo sa Siquijor kasama si Presidente, ang mahal nating Presidente.
USEC. IGNACIO: Governor, kami po ay nagpapasalamat sa inyo pong pagpapaunlak sa aming imbitasyon ngayong umaga. Siquijor Governor Zaldy Vila, mabuhay po kayo Governor.
SIQUIJOR PROVINCE GOV. VILLA: Thank you, Usec.
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Samantala, alamin naman natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service kasama si Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Ria Arevalo ng PBS Radyo Pilipinas.
Samantala, kampanyang isinasagawa ng tactical operations group ng Philippine Air Force kontra insurhensiya sa rehiyon ng Cordillera mas lalong pinalawig at pinaigting. Karagdagang ulat mula kay Eddie Carta ng PTV-Cordillera.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Hanggang bukas pong muli, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)