USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayong araw ng Biyernes, samahan ninyo kami sa loob ng isang oras ng talakayan kaugnay po sa paghahanda ng sektor ng edukasyon; sa isasagawang pagbabakuna kontra COVID-19 para po sa mga edad lima hanggang labing-isa; update sa operasyon ng One Hospital Command Center; at ang pinakahuling sitwasyon sa Lungsod ng Baguio sa gitna ng kanilang laban kontra COVID-19.
Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Mga kababayan, simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH!
Anim na lugar sa bansa ang inilagay na ng IATF sa Alert Level 3 epektibo simula ngayong araw hanggang sa February 15. Ang mga ito ay ang: Palawan, Camiguin, Davao Occidental, Dinagat Islands, Tawi-Tawi at Sulu.
Ayon kay Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, napagkasunduan ito sa naging pulong ng IATF kahapon base na rin sa COVID-19 situation ng mga nabanggit na lugar. Para naman sa klasipikasyon ng iba pang lungsod at probinsiya sa bansa tulad ng Metro Manila, inaasahang iaanunsiyo ito ngayong weekend.
Hindi matatawaran ang dedikasyon at serbisyo ng bawat Pinoy nurses saan mang panig ng mundo kaya naman isa sa isinusulong ngayon sa Senado ay ang Senate Bill #395 na layong mahasa at mas mapaunlad pa ang kasanayan ng bawat Pinoy nurses sa kanilang napiling propesyon. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Ilang mga siyudad sa labas ng Metro Manila ang nakakaranas ng pagtaas ng COVID cases kabilang na po ang Lungsod ng Baguio na ngayon ay nasa ilalim ng Alert Level 3, kumustahin natin ang sitwasyon doon mula mismo kay Contact Tracing Czar and Baguio City Mayor Benjamin Magalong. Good morning po, Mayor.
BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Good morning, Usec. Rocky. Good morning sa ating mga viewers.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, ayon po sa OCTA Research, posibleng naabot na ng Baguio City ito pong peak ng COVID cases sa siyudad. Ganito rin po ba iyong nakikita ninyong datos as we speak at ilan po ba iyong bilang ng inyong active cases ngayon?
BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Well, sa ngayon ang active cases namin ay nandito na sa 3,022 ‘no. Umabot siya ng mga four thousand, almost 4,900, pero pababa na rin siya. In fact, there were three peaks ang nangyari dito sa Siyudad ng Baguio. One was in December 28, diyan nag-umpisa talaga iyong pagtaas; at another is January 3, nagkaroon ng… iyon na iyong pinakamataas na peak; tapos noong January 15, nag-attempt na magkaroon ng saddling pero pababa pa rin, generally pababa pa rin iyong aming trend.
There was a time na ang aming 7-day moving average na daily number of cases was at 557. Ngayon, nandito na kami sa 421 at tuluy-tuloy naman ang pagbaba. Mataas din ang aming testing, nag-a-average kami dati ng mga 1,800 – magkasama na iyan, 1,100 na RT-PCR and around 600 to 700 antigen test a day. Pero ngayon bumaba na rin, nag-a-average na lang kami ng mga 800 na lang na RT-PCR; at mataas pa rin ang aming antigen test. Dahil dito, nagpa-pioneer kami ng antigen self-test, dito nangyayari iyan sa Baguio.
Sa bakuna naman, napakataas din iyong aming vaccination rate. Doon sa 70% na defined ng DOH doon sa eligible population, lumalabas na nasa 122% na kami for the first dose and around 110% na rin kami doon sa second dose. Sa ngayon, ang programa namin ngayon ay nakatutok sa booster. So right now, as of yesterday, umaabot na ng mga 72,000 iyong nabigyan ng booster. At tuluy-tuloy naman pati sa mga bata, tuluy-tuloy na rin ang pagbabakuna namin doon sa eleven to seventeen years old.
So sa Siyudad ng Baguio, hopefully magkakaroon na … starting this week, nagkaroon na kami ng plateauing. And based on our forecast, siguro mga two weeks na plateauing, and after that, by second week of February we will be realizing a downtrend sa aming kaso.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Mayor, kumusta po iyong inyong hospital bed utilization at iyong isolation facility sa siyudad? Masasabi po bang manageable naman po ito?
BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Yeah, very manageable. In fact, Usec. Rocky, about two weeks ago, talagang kinausap kami ng Department of Health dahil nga tumataas na iyong aming HCUR. And the reason for that is alam mo naman noong mababa iyong ating kaso noong November and December, marami tayong COVID beds na kinonvert natin into non-COVID beds kaya tumaas talaga, bumaba iyong ating denominator.
Pero noong nakikita namin na tumataas na ng 70, 71 percent, binalik ulit namin iyong aming … ni-recover ulit namin iyong mga COVID beds para dumami. And at the same time, iyong mga mild cases at iyong mga asymptomatic na kailangan maospital ay dinadala na lang namin sa aming isolation facilities. Kaya as of yesterday, nasa 68.25 iyong aming HCUR, at namim-maintain naman namin doon sa range na iyon 65 to 68 percent; hindi na siya umaakyat ng 70.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Mayor, kayo po ba ang nakakatanggap ng mga referrals mula naman po sa mga ibang lugar at ito po ba ay mostly COVID case din para po dalhin diyan sa Baguio, sa Ospital ng Baguio?
BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Mabuti na lang natanong mo iyan, Usec. Rocky. Marami kaming COVID patients na galing sa lowland – sa Region I, sa Region II at sa ibang probinsiya ng Cordillera. In fact, kung titingnan mo iyong aming Baguio General Hospital, dito sa buong Baguio, we have a total of about 385 beds. Iyon ang total namin. Dati umakyat pa nga iyan ng 420 beds eh. [Garbled] doon sa mga 400 to 385 beds. Doon sa range na iyon, ang Baguio General Hospital, 300 beds na ang kinukuha. So iyong apat na ospital na natitira, pinaghahatian na lang iyong mga 80 beds – ganyan kakonti iyong mga beds namin dito sa Siyudad ng Baguio.
At dito naman sa Baguio General Hospital, napakarami. Almost around, siguro ang nakikita namin mga almost 40 ang beds na talagang allotted sa mga non-Baguio residents. Ganoon din doon ibang hospitals namin na apat, almost 20% ng kanilang mga beds allocated din for non-Baguio residents.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Mayor, open din po ba itong inilunsad na pharmacy and drive-thru vaccination para sa mga turista naman at residente outside Baguio City? At open din po ba itong primary dose and booster shot?
BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Well, alam mo naman sa Baguio talagang ipinagbabawal muna namin iyong mga unvaccinated. Dini-discourage muna namin iyong mga unvaccinated na umakyat dito sa Baguio, unless talagang essential then we will require them to really present to us an RT-PCR taken 72 hours or antigen taken 24 hours o kaya dito na lang sila magpa-antigen sa Baguio dahil napakamura na lang ng antigen dito sa Baguio lalung-lalo na doon sa aming triage facility, P250.00 na nga lang iyong aming antigen dito sa siyudad ng Baguio.
At sa ngayon ano, noong nag-usap kami ni Secretary Berna, ang pinapayagan ko pa lang dito are booster shots kasi nga dito nga sa paghihigpit namin. But later on kung talagang io-open na uli namin, itataas uli namin iyong allocation ng aming mga turista o kaya mga visitors dito, then most probably once na na-realize namin iyong downtrend ng aming Omicron cases, then most probably we will now allow first dose and second dose dito sa Siyudad ng Baguio.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, iyon nga po iyong follow-up natin pagdating ng February kasi sinasabi ninyo patuloy naman pong bumaba iyong kaso. Ano naman po ang inaasahan nating magiging rekomendasyon ninyo na maging alert level sa Baguio? Posible bang ma-extend ninyo pa itong Alert Level 3 o hihingin ninyo po iyong mas mababa na?
BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Well, ang maganda rito sa Alert Level 3, very flexible kami eh. Alam mo, kapag in-open mo kaagad ng Alert Level 2, alam mo ang pinakamahirap na sitwasyon is when you open too early pagkatapos saka naman tataas iyong kaso, iyon ang iniiwasan namin.
Mabuti na rin iyong Alert Level 3 kami kasi mayroon namang prerogative ang LGU na i-manage at maging flexible siya sa ganoong sitwasyon na opening our economy or opening our tourism industry and at the same time madali iyong paghihigpit. Kaya ako, very comfortable kami dito sa Alert Level 3 na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, balikan ko lang po itong ‘Resbakuna’ na ginanap noong Wednesday ano po. Kumusta na rin po iyong naging impact dito sa vax rate matapos ninyo pong ilunsad itong expansion ng pharmacy and drive-thru vaccination sa Baguio City?
BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Well, napakaganda itong programang ito ng IATF, NTF and Department of Health, talagang sinusuportahan namin. And na-meet namin iyong mga executives ng Watson at Mercury Drug and they’re very enthusiastic and they’re also very passionate about it kaya immediately talagang gumalaw na kaagad lahat eh.
In fact, ang preparation lang namin dito actually mga one and a half days lang. Kita mo naman ang reaction ng top management ng Mercury and Watson, talagang full support kaagad sila at nakita namin na marami rin palang talagang nag-a-avail ng noong services nitong Resbakuna natin.
I would like again to commend iyong ating IATF, NTF and Department of Health.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, ano naman daw po iyong paghahanda ninyo para sa vaccination rollout naman sa mga batang five to eleven years old?
BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Well, ongoing na iyong aming registration. We started it a month ago pa iyong registration niyan at umaabot na kami ng almost mga 9,000 to 10,000 iyong mga nag-register diyan.
So, hinihintay na lang namin iyong pagdating ng Pfizer vaccine. Alam ko kasi—binanggit kasi sa amin na kakaiba iyong formula niyan at it’s a matter of [technical problem] at hinihintay na lang namin iyong advise ng National Task Force.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, sa usapin naman po ng contact tracing ano po, puwede ninyo po ba kaming bigyan ngayon ng clear picture dito po sa estado ng contact tracing natin so far? Paano po nakakasabay o ini-improve pa itong contact tracing effort sa kabila po ng mabilis na hawaan at pagtaas ng cases dahil sa Omicron?
BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Well, talagang nahihirapan iyong ating mga contact tracer, pero hindi naman puwedeng i-abandon na lang nila iyong contact tracing because alam mo naman, contact tracing is one of the critical pillars ng ating PDITR Strategy at ito rin ang nagda-drive kung ilan ang testing na gagawin ano – kalimitan ito iyong driver. Kaya kailangan ma-sustain ho iyong testing but at the same time rationalize your testing.
Hindi naman puwedeng test ka lang ng test because it will entail so much cost. Hindi natin kayang magkaroon na lang ng indiscriminate na testing. It should be based doon sa mga recommendation ng mga contact tracers and at the same time, it should also be based on iyong anong nararamdaman noong tao kung symptomatic ba siya, then probably go for RT-PCR. Pero mayroon naman tayong alternatibo na, go for antigen test.
Going back again to contact tracing, nahihirapan talaga. Admittedly nahihirapan, especially na hindi natin na-extend iyong services ng 16,000 DILG-hired contact tracers kaya umaasa tayo ngayon sa uniformed services. Pero sa nakikita namin sa ibang mga probinsiya, nandoon na lang tayo sa household members, karamihan ng mga local government units nagpu-focus na lang sa mga household members.
But in so far as the City of Baguio is concerned and other local government units, we are still focusing on household members, kasama na rin iyong mga workforce o kaya iyong mga co-employees niya sa kaniyang place of work and at the same time identifying iyong mga events and activities na nagkaroon ng superspreader events.
In short, ang advice ko sa DILG team is for contact tracers to just focus on the first level generation, huwag nang umabot pa sa second level, talagang nao-overwhelm na ang ating mga contact tracers. If you remember before noong nag-umpisa pa lang iyong pandemic, ang isang kaso, tatlo/apat ang contact tracers na nagtatrabaho [para hagilapin ang] 37 close contacts niyan.
When we got hit with Alpha, Beta and Delta, ang isang contact tracer ang hinahawakan na kaso mga 12/15 cases for each contact tracer in one day. Pero nitong tinamaan tayo ng Omicron talagang ang isang contact tracer ang hinahawakan niya mga 30/40 cases and it’s very, very impossible for him to be able to process all these patients kasi ang isang contact tracer to conduct a quality contract tracing, dapat mga four or five patients lang ang puwede niyang i-process every day. And can you just imagine iyong challenge to process 30/40 patients a day? That is impossible, very, very impossible.
Kaya talagang iyon na lang ang concentration namin, go for the first level generation and maximize mo na lang iyong activities mo for that day. And tama rin ang sinabi ni Usec. Rosette (Vergeire) na concentrate on case management. Iyon ang ginagawa ngayon ng mga local government units.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor Magalong, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga at pagbibigay impormasyon. Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ingat po kayo, Mayor.
BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Maraming salamat, Usec. Rocky. Thank you! Ingat kayo.
USEC. IGNACIO: Samantala, kasado na sa susunod na linggo ang dedicated vaccination days sa mga edad lima (5) hanggang labing-isa (11) ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr.
Unang isasagawa ang rollout nito sa ilang piling vaccination sites sa Metro Manila. Ang iba pang detalye mula kay Mela Lesmoras:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Inaasahan pong aarangkada na ang pagbabakuna sa mga batang lima hanggang labing isang taong gulang sa susunod na linggo. Anu-anong mga paghahanda ang ginagawa ng Kagawaran ng Edukasyon para sa isasagawang bakunahan para po sa mga nabanggit na edad?
Pag-usapan natin ‘yan kasama sina Department of Education Secretary Leonor Briones, Undersecretary Nepomuceno Malaluan, Undersecretary Revsee Escobedo at Assistant Secretary Malcolm Garma. Magandang umaga po sa inyong lahat.
DEPED SEC. BRIONES: Magandang umaga, Rocky. Good to be back with you again.
USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, unahin na po nating pag-usapan ito pong gaganaping expansion para po sa pediatric vaccination. May data po ba kayo kung nasa ilang bata edad lima hanggang labing isa ito pong nakarehistro na at kumusta po ‘yung feedback ng mga magulang dito, Secretary, so far?
DEPED SEC. BRIONES: Napakaganda naman ng feedback ng mga… lalo na sa mga magulang, mga local government units and of course ang national policy natin talagang isama iyong mga bata. Kaya kami ay talagang handa kung ilalabas na ng Department of Health ang kanilang risk assessment kasi ang nilabas nila iyong anim na probinsiya na ni-raise nila to Alert Level 3. Hinihintay namin iyong assessment ng ibang bahagi ng Pilipinas at kung mayroong go signal ang Department of Health, ipagpatuloy namin ‘yan.
At saka kami ay very close ang coordination namin with the office of Secretary Galvez dahil sila ang nakakaalam ng supply, sila ang nagku-coordinate ng mga vaccination sites. And of course kami we want the assurance na iyong aming learners, ang aming teaching staff sa department ay safe kaya tuluy-tuloy itong pag-implement ng polisiya na ito at handa kami.
The minute magsabi na si Department of Health na ito ‘yung mga lugar na puwedeng mag-umpisa na ng sinasabi nating face-to-face at saka kung paborable iyong risk assessment ay ipagpatuloy namin at may imbentaryo na kami ng mga schools na puwedeng pumasok sa programang ito.
Salamat, Rocky! Kasama ko din si Usec. Malaluan at saka si Asec. Garma, si Usec. Revsee para magbigay pa ng further details sa mga schools na sa tingin namin handa na na mag-implement ng polisiya na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, tutunguhin po natin ang ating mga iba pang kasama sa DepEd ano. Pero, Secretary, base po sa datos ng DepEd sa kabuuan, nasa ilang learners po kaya itong edad lima hanggang labing isa na target pong mabakunahan?
Secretary? Balikan natin si Secretary Briones.
Kay Undersecretary Malaluan po muna: Usec., ano po ‘yung ongoing efforts ng DepEd para po mahikayat ang magulang ng mga bata na pabakunahan po iyong kanilang mga anak?
DEPED USEC. MALALUAN: Yes, Usec. Rocky. Una doon sa tanong mo, baka hindi lang Naka[garbled] si Secretary Briones. Pero ang datos natin mula sa ating planning service ay mga labing apat na milyon ang mga bata natin na five to eleven years old na nasa basic education. At tayo naman ay—kasama doon sa ating expanded phase ang agreement natin ng Department of Health ay ang vaccination of all our learners is preferred and we have the commitment of the Department of Health and also with sila Secretary Galvez na ipa-prioritize ito.
At we welcome itong announcement na mag-uumpisa na nga itong para sa five to eleven years old bilang dagdag dito sa twelve to seventeen. So itong five to eleven plus twelve to seventeen ay saklaw na nito ang mula kindergarten hanggang Grade 12.
And as we increase the rate of vaccination, iyong sa twelve to seventeen and then as we progressively increase itong vaccination nitong five to eleven years old ay mag-uumpisa ngayong Pebrero ay mas lalong nakikita natin iyong confidence noong lahat ng ating stakeholders sa pagpapalawak noong face-to-face classes.
Ang atin ngayon, Usec. Rocky, ay kasama pa rin doon sa ating shared responsibility framework ang concurrence ng local government unit at permit ng mga magulang sa paglahok ng kanilang mga anak at sa—iyong increase the rate of vaccination among the pediatric population ay nakikita natin na mas lalawak pa itong ating progressive face-to-face classes na inaprubahan ng Pangulo [garbled] ni Secretary Briones noong nakaraang January 17 meeting with the President, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec. Nepomuceno, babalikan ko po kayo ano pero tanungin ko po muna si Assistant Secretary Garma. Asec., inaasahan po bang madadagdagan pa ang magbubukas ng mga paaralan para gawing vaccination site? Ano rin po iyong magiging papel o bahagi ng mga guro para po dito sa pediatric vaccination?
DEPED ASEC. GARMA: Okay. Magandang umaga Usec. Rocky at sa mga tagasubaybay ‘no ng ating programang Laging Handa.
Sa ngayon po batay sa aming datos, mayroon na hong mga 841 schools ‘no na ginagamit o ginamit na para po doon sa ating regular vaccination program. Iyan po ay nadagdagan na mula po doon sa unang bilang natin na limandaan ‘no all over the country.
Now ito pong darating na pagbabakuna doon po sa mga five to eleven, willing po tayong makipag-ugnayan muli ‘no sa ating mga local government units at Department of Health at ito pong ating National Vaccination Operations Center kung kinakailangan po madagdagan iyong mga paaralan para magamit ‘no na vaccination site. Hahayaan na po natin ang atin pong mga regional directors at ilang field officials na makipag-coordinate ‘no sa atin pong mga local government unit para po doon sa requirement na kakailanganin.
At hayaan din po natin ang atin pong mga regional directors at superintendents to decide kung ilang personnel ang kaya nila i-commit para makatulong ‘no especially iyon pong ating mga medical and nursing personnel kung puwede po silang makatulong dito sa effort na gagawin ng ating pamahalaan.
USEC. IGNACIO: Opo. Asec., kumpara po dito sa vaccination rollout dito sa twelve to seventeen years old, may magiging pagkakaiba po ba sa registration process at requirements dito po sa mga batang 5 to 11 years old pagdating po sa mga vaccination sites?
DEPED ASEC. GARMA: So far, Usec. Rocky, we are also awaiting ‘no for any additional guidance coming from the Department of Health. But so far I think pareho lang naman halos ‘no, unang-una importante talaga iyong medical clearance ‘no regarding the comorbidity; at pangalawa, iyong pagsama noong magulang or guardian doon sa batang babakunahan; at iyon pong para sa five to eleven ay iyong assent o iyong expression of approval ng atin pong mga batang babakunahan; so iyon po iyong pagkakaalam namin, Usec. Rocky, regarding that question.
USEC. IGNACIO: Opo. Para naman po kay Usec. Escobedo. Usec., sa ibang usapin naman po ano. May ilang mga guro po ang nabiktima umano ng unauthorized withdrawals para sa kanilang payroll account sa Landbank. Ilan po ang formal complaints na natanggap ninyo at kumusta rin po ‘yung update sa imbestigasyon tungkol dito?
DEPED USEC. ESCOBEDO: Maraming salamat, Usec. Rocky, sa iyong katanungan. Noong January 24, napaulat sa amin na mayroon ngang mga guro na nagkaroon ng problema regarding sa unauthorized withdrawals sa kanilang mga bank accounts at ito ay kagyat naming ini-refer sa Landbank of the Philippines at nabigyan ng initial na investigation.
At noong January 25, sumulat sa amin si Mr. Benjo Basas ng Teacher’s Dignity Coalition na mayroong allegedly 20 teachers na nabiktima ng unauthorized withdrawal sa kanilang Landbank account. At on the same day, sumulat kaagad kami sa Landbank of the Philippines para i-report ito at agad na nakipag-ugnayan ang Landbank Head, dahil itong 20 teaches ay nanggagaling sa NCR, Region III, Region IV-A, Region V and Region VI. So ang Landbank naman po ay nag-imbestiga at ang lumabas sa investigation nila ay sila ay naging biktima ng phishing scam. Ito ay isang tipo ng online bank fraud. At nangako ang Landbank na sa pakikipag-ugnayan sa DepEd ay ito ay kanilang iimbestigahan at iri-resolved ang usapin at magbibigay sila ng ulat sa DepEd.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec, ano po ang maaaring maitulong ng DepEd para po sa mga teachers na nabiktima ng phishing scam at mayroon po ba ibinigay na panahon o time ang Landbank sa pagtatapos po ng imbestigasyon?
DEPED USEC. ESCOBEDO: Tama po. Nakikipag-ugnayan na po ang DepEd sa Landbank of the Philippines at para sa masusing investigation ay kami naman ay makikipagtulungan. Ang isang gagawin ng DepEd ay mag-iisyu kami ng advisory para sa ating mga field personnel para magabayan ang ating mga teachers kung ano itong phishing scam at paano ito maiiwasan. At kami rin ay usapan ng Landbank of the Philippines na tutulong kami sa investigation at sila ay magbibigay ng ulat sa amin kung ilan na ang naresolba nilang reklamo mula dito sa mga 20 teachers galing sa limang rehiyon.
USEC. IGNACIO: Okay. Salamat po.
Babalikan ko po si Secretary Briones. Secretary, nito pong pagpasok ng Enero, marami po talaga iyong nagkasakit. Kumusta po iyong sitwasyon ng mga guro na tinamaan ng COVID at hihingi rin po kami ng update sa vaccination status ng ating mga teachers at iba pang school personnel?
DEPED SEC. BRIONES: Bago ko sagutin iyong tanong mo, Rocky, gusto ko lang i-emphasize na itong nangyari sa mga teachers sa kanilang bank accounts ay klaro na sinabi ng Landbank na hindi naman na-hack ang Landbank records at saka ang Landbank system. Ito ay mahalagang impormasyon, kasi kung ma-hack, eh iyong buong sistema ng Landbank apektado. At sinabi naman nila na hindi iyong ang nangyayari. Ang nangyari ay itong [tinatawag na] phishing na pamamaraan na kung saan [may mga personal] accounts na napapasok. Pero iyong system mismo ng Landbank ay hindi na-hack, kailangang bigyan ng emphasis iyan. Dahil kami, over a million kami empleyado ng gobyerno na nagbabangko sa Landbank at hindi iyan totoong na-hack iyong kanilang sistema.
Ngayon, iyong sa tanong tungkol sa paghahanda natin dito sa face-to-face at saka pagbabakuna, sinabi ko na kanina na handang-handa kami, hinihintay na lang natin. At saka iyong tinatanong mo kung ano ang proportion ng mga nagkakasakit, kasi ang impression eh, may mga nagkakasakit ng COVID sa mga teachers. Kung basehan natin iyong sa pilot study, wala kaming ni isang report about a COVID infection sa mga pilot schools na aming mina-manage. So, nai-encourage kami na kung mag-ingat, kung susundin lahat na protocols ng Department of Health, eh maiiwasan itong sakit na ito at palaging close ang monitoring.
Now, tungkol naman sa pagsama ng mga bata, iyong ating galing sa mga kindergarten at saka sa nursery, eh ang mga parents kasi natin, Rocky, sanay na sila na iyong mga bata, mga babies, mga infants, since birth binabakunahan iyan ng iba’t ibang klaseng mga sakit, which usually hit children. Mayroong new born screening from the time that a child is born. Ini-screen kaagad kung mayroong genetic difficulties, etcetera, etcetera. So hindi nagiging mahirap na kumbinsihin ang mga parents na ang bakuna will keep their children safe, kasi mayroon na silang karanasan sa mga bakuna, since their children were born lalo na iyong pumupunta talaga sa mga health centers.
So, ang tanong kung iyong mga teachers na na-infect ng COVID, of course they go to our health facilities and we help them out, kasi nandiyan naman ang Department of Health, nandiyan ang mga hospitals and we have done that several times already. Not only several, but on all occasions. Nasa lebel iyan ng school mismo, at the school level na inaalagaan iyong kapakanan ng mga teachers.
So, iyon ang sitwasyon at this time. It’s not as difficult. Lumabas, kasi iyan, Rocky, sa ating mga survey. Kasi, after the pilot, tatlong survey ang ginawa natin. Sinurvey natin iyong parents at saka community, sinurvey din natin iyong mga teachers, sinurvey din natin iyong mga learners themselves kung kuntento sila, kung happy sila, kung satisfied sila the way the pilot studies were the pilot experiment was conducted. Kaya ito ang nag-i-encourage sa atin na i-further expand natin, but of course at the end of the day risk assessment by the Department of Health is still a determining factor and also the consent of the local governments.
Ang importante ditong i-emphasize, kanina nagtanong ka, ano ang kaibahan ng pagbakuna ng mga bata, younger children sa older children? Niri-require natin, for example the presence of the parents themselves na nandoon sila na sinasamahan nila iyong bata. So, there is greater care which is exercised, but it’s not really anything new, because babies have always been vaccinated or injected and protected from the time that they are born as much as possible, not only by public facilities, but also by private practitioners, themselves.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at pagsama sa amin ngayong umaga Secretary Leonor Briones, Undersecretary Nepomuceno Malaluan, Undersecretary Revsee Escobedo at Assistant Secretary Malcolm Garma ng Department of Education. Mabuhay po kayo at maraming salamat.
Samantala isa pang botika sa Metro Manila binuksan ngayon para sa pagbabakuna kontra COVID-19. Alamin natin mula kay Patrick De Jesus. Patrick?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong report Patrick De Jesus.
Muli naman tayong makibalita kaugnay sa operasyon ng One Hospital Command Center sa nakalipas na linggo, muli po nating makakasama si Dr. Marylaine Padlan, medical officer mula po sa One Hospital Command Center.
Good morning po Doc., welcome back po sa Laging Handa. Opo, Doc., Padlan, last week po nabanggit ninyo na nasa 900 po iyong average na natatanggap ninyong tawag dito po sa One Hospital Command. Ngayon po this week ganito pa rin po ba iyong nagiging senaryo kahit na bahagyang bumaba po iyong daily cases nitong mga nakaraang araw?
Opo. Doctor Marylaine? Babalikan po natin si Dr. Marylaine Padlan.
Samantala, dalawang bayan sa Davao City ang sinadya ng outreach team ni Sen. Bong Go kamakailan kasama po ang DSWD na nagbigay ng ayuda ang kanyang team sa mga residente habang livelihood assistance naman ang hatid ng DSWD sa mga piling benepisyaryo. Narito po ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, balikan po natin si Dr. Marylaine Padlan: Doc, last week po nabanggit ninyo na nasa 900 iyong average calls na natatanggap po ng One Hospital Command Center. Kumusta po this week, ganito pa rin po ba iyong senaryo kahit sinasabi pong bahagyang bumababa na po iyong daily cases nitong mga nakaraang araw?
DR. PADLAN: This week po ang range po ng call natin dito sa One Hospital Command Center ay nasa around 500 to 700 naman. So, malaki iyong range pero mostly of this calls are from still NCR, Region III and Region IV-A, iyon ang nari-receive namin dito sa National One Command Center.
Pero, sa ibang regions na may nakikita tayo na medyo dumadami iyong kanilang request such as Regions I, III, VIII and XI na ito po ay base sa mga report po ng mga regional OHCC po natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc., pagdating sa mga sa hospital bed utilization at quarantine facilities, kumusta po ang estado nito particular nga dito sa NCR pati na rin iyong mga sinasabi ninyong mga regions na nakitaan ng pagtaas ng cases?
DR. PADLAN: Iyong sa mga hospital utilization rate po natin, ang NCR po ‘no nasa 42% as of yesterday. So nasa low risk po siya, nasa low risk na po iyong hospital utilization rate niya kasama na rin po iyong Region III, IV-A po ‘no.
So, actually mga unang nag-peak na noong nakaraang linggo noong nakita natin na bumaba na iyong kanilang hospital utilization rate.
Isang region po ang nasa high risk which our Region XIII then the rest po ng regions ay nasa moderate risk pa po.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc., para naman sa mga non-COVID related concerns na tumatawag, ano po iyong kadalasang concerns nila at marami pa rin po ba kayong nai-encounter na incidental COVID case kung mayroon man po?
DR. PADLAN: So, iyong mga non-COVID cases po natin na referral this is usually mga inquiries lang din and then kung hindi for isolation iyong mga hospital requiring na non-COVID cases po natin usually mga manganganak na mga patients or iyong may ibang sakit na matagal na hindi nga nakikita ng mga doktor dahil nga sa takot na lumabas dahil sa surge ng Omicron.
Tapos iyong mga incidental COVID case po natin mahirap po siyang maalam or ma-discover dito sa OHCC dahil po kapag tumawag po sila sa amin, bini-base po namin lahat ng navigation namin based po doon sa chief complaint nila or idinadaing po nila. So, kung hindi po COVID related iyong chief complaint po nila, inaalam po namin iyong COVID status.
So, pag nag-positive naman po sila sa kanilang mga test doon lang po namin binabase iyong kanilang navigation. So, hindi na po namin inaalam kung incidental finding or not kasi mas gusto namin na madala po sila agad, makita po sila lahat agad sa hospital na specially na really emergent.
In terms naman po doon sa mga non-COVID related symptoms pero walang mga test hindi na po kasi namin iyan nalalaman kung ano na po iyong magiging test nila pagdating sa hospital. Ang mahalaga po ma-navigate na po namin sila kaagad sa mga hospital.
So, iyong mga incidental COVID case po mas napag-aaralan po iyan pagdating mismo or pagkakita na po iyong mga patients ‘no doon sa mga health facilities po natin or sa mga hospitals po.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc., gaano naman daw po karami… kung mayroon pa po ‘no, inaabot na waiting list at bagama’t karamihan nga ay mild cases na. May mga challenges pa rin po ba pagdating sa pag-refer ng mga pasyente?
DR. PADLAN: So, in terms of mild cases naman po ‘no, one to two days na napapasok naman po namin iyan sa mga isolation facilities or nari-refer na po namin iyan sa mga LGUs sa mga hospital requiring po na patients kapag again emergent within a few hours napapasok na po namin sila.
Ang challenges lang namin po sa mga iba, is again this patient require tertiary care; so, naghahanap pa rin kami ‘no ng mga hospital na kaya makapagbigay ng serbisyo ng tertiary care for these patients po.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc., next week inaasahang matatapos o baka po itong Alert Level 3 sa Metro Manila. Sa nakikita ninyong sitwasyon ngayon, pabor po ba kayong i-extend pa itong Alert Level 3 sa Metro Manila dahil na rin po sa mga natatanggap ninyong tawag at mga concerns?
DR. PADLAN: Mahirap po sabihin iyon USec., ‘no dahil mayroon pa rin kaming nari-received na tawag ‘no na COVID related cases even though the casing hindi naman po iyong calls lang din po namin or iyong hospital utilization medyo magiging basehan po ‘no ng pag-decide kung anong alert level system po tayo.
So, sa amin po depende pa rin po iyan sa ibang factor. Ginagamit lang po iyong data namin ‘no to help mag-decide po ‘no regarding doon sa alert levels po.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat pong muli sa inyong pagsama sa amin at pagbibigay impormasyon Doctor Marylaine Padlan, ng One Hospital Command Center. Salamat Doc.
DR. PADLAN: Thank you po USec., magandang tanghali po
USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman po ang pinakahuling datos on COVID-19 cases sa Pilipinas. Base po sa report ng DOH as of January 27, 2022:
- Umakyat na sa 3,493,447 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa matapos madagdagan ng 18,191 new cases kahapon.
- 74 katao naman po ang mga nasawi kaya nasa 53,736 na ang ating total number of deaths.
- Umabot na sa 3,213,190 ang bilang ng mga gumaling sa sakit matapos makapagtala ng nasa 22,014 new recoveries.
- Ang active cases natin ay 6.5% ng total case o katumbas ng 226,521 na katao.
Isang paaralan sa Lamut, Ifugao ang nakatanggap ng mga kagamitan para sa mini recording studio nito mula sa Department of Education. Ang detalye mula kay Allah Sungduan ng PTV Cordillera:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayan tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas o KBP.
Ako po si USec. Rocky Ignacio, magkita-kita tayo bukas dito sa Public Briefing #LagingHandaPH!
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center