Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Luzon, Visayas, at Mindanao at sa lahat ng ating mga kababayan sa buong mundo. Ako po si Usec. Rocky Ignacio.

Simula bukas, February 1st, muling ipapatupad ang Alert Level 2 sa National Capital Region at sa pito pang lalawigan sa buong bansa. Alamin natin ang mga pagbabagong muling ipapatupad kaugnay niyan at iba pang mahahalagang balita tungkol sa pandemya. Simulan na po natin ang talakayan, ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Dahil sa patuloy na pagbuti ng COVID-19 situation sa Metro Manila, balik Alert Level 2 na ang mga rehiyon simula bukas hanggang sa February 15. Ayon kay Acting Presidential and IATF Spokesperson Karlo Nograles, mapapabilang din sa Alert Level 2 areas ang Bulacan, Cavite, Rizal, Batanes, Biliran, Southern Leyte at Basilan.

Para sa nalalabing bahagi ng bansa, mas mahigpit na Alert Level 3 naman ang paiiralin na una nang ipinatupad sa anim na probinsiya nito lang Biyernes. Habang sinabi naman ni Secretary Nograles na ngayong araw iaanunsiyo ang magiging klasipikasyon ng Probinsiya ng Ifugao para sa Pebrero.

Ikinatuwa naman ng pribadong sektor ang muling pagbaba sa Alert Level 2 ng ilang lalawigan dito sa bansa, kabilang na Metro Manila. Pero bago po iyan ay nauna ring iminungkahi sa pamahalaan ang pagkakaroon ng pandemic exit plan, ang tungkol diyan alamin natin mula kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion. Good morning po, Secretary.

SEC. CONCEPCION: Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kunin ko na lang po muna iyong reaksiyon ninyo dito sa pagbabalik sa Alert Level 2 ng Metro Manila. Hiling po kasi ng marami, by mid-February pa ay mag-Alert Level 2, pero ito po, napaaga. Ano po ang masasabi ninyo dito, Sir Joey?

SEC. CONCEPCION: Well, unang-una, we’re thinking the IATF, sila Sec. Duque, sila Sec. Charlie Galvez at iba pa that they have heeded and listened to the recommendation of the private sector na ibaba na sa Alert Level 2.

At iyong pagbaba rin ng quarantine level ‘no, pagtanggal ng quarantine level sa mga arriving balikbayans, mga turista, lahat iyan, they have also granted our request. So I think, nakikita namin, we’re now starting to move on – iyon ang pinakaimportante. The signal is starting to move on, trying to look at how we can revive the economy. Nakita natin iyong last quarter natin na 7.7 GDP ‘no which is a good number dahil sa ginawa ng private sector na early lockdown noong August 8 at iyong high vaccination rates dito sa NCR, nakamit natin and 7.7.

Now in this coming quarter, the first quarter, siyempre dapat tuluy-tuloy iyan. Hindi lang puwede iyong last quarter of last year lang ang maganda; dapat itong first quarter of this year should have a good start. So hopefully, we can come close to six percent, hopefully, fingers crossed, or even better ‘no. Pero depende iyan on how we are able to open up.

At nakikita natin, iyong Omicron, pabagsak na rin iyong level of infection. Maski mataas noong the other weeks, the hospitals were never close to being threatened or hitting capacity. So iyon ang kagandahan nitong Omicron ‘no.

So Alert Level 2 is good news. And hopefully, we can move to Alert Level 1 by the end of February, and eventually by March, ang tingin ko dito, eventually we can remove all these alert levels and just come up with a protocol, basic minimum health standard protocol ‘no, moving forward. Pero we’re seeing that this Alert Level 1 is even possible towards the end of February, March ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, bukod nga dito sa Alert Level 2, nag-relax na rin iyong restriction natin sa international travel. Simula na po ba ito ng pandemic exit plan na iminungkahi po ninyo?

SEC. CONCEPCION: Tama, yes, kasi dapat a whole approach ‘no. We have to realize that we have to move on. Omicron, in a way, is the variant that is allowing us to do it because iyong mga kaso ng Omicron, most of them, kung bakunado, very mild. So down the road, ang nakikita namin, even lockdowns, granular lockdowns are not needed kasi dito sa Omicron, kung nahawa ka ng Omicron, what do you do is you just stay home, self-quarantine and get well, and then when you’re better, you go back to work – parang normal flu.

So kung ganiyan ang mangyayari, then we … that is definitely a big advantage. So itong quarantine dito sa mga bumabalik na turista natin, mga business travelers, mga balikbayan, OFWs, maraming nagsaya dito kasi wala nang quarantine ‘no. And that is going to save them a lot of money and they will be able to come back to see their loved ones. Hindi nila ginawa iyan noong Christmas dahil sa mahabang quarantine; sayang iyong vacation leave. So halos ang narinig ko, maraming uuwi ngayon ‘no.

So I think this is the start that we are opening the economy. We have four months left, Usec. Ro0cky, until the next administration comes in ‘no, mga May, June ‘no. So we want to turnover the economy in a healthy state ‘no, not sick with COVID; and iyong ang objective ng private sector and hopefully it will continue to be that way. So we’re looking at the good first quarter and hopefully a great second quarter … the second quarter is going to be the last quarter under this administration.

USEC. IGNACIO: Opo. Si Joey, pero paano pa rin daw po maisasaalang-alang ito raw pong kalusugan at mapapanatili iyong balanse ng ekonomiya at kalusugan dito po sa pandemic exit plan na ito?

SEC. CONCEPCION: Well, siyempre, we’re doing it carefully and safely ‘no. At tuluy-tuloy pa rin iyan, ang basic health protocols na wearing of face mask, social distancing at lahat iyan ‘no. And iyong vaccine campaign natin, tuluy-tuloy rin iyan especially sa mga probinsiya ‘no, Visayas, Mindanao. Diyan, those areas and some part of Luzon, kailangan we should be at 70 to 80% fully vaccinated na ‘no hopefully by March, April ‘no, no later than that.  And dito sa NCR, over 100% na at iyong ibang parte ng Luzon ay close to that level, but the challenge is in the other areas.

So we have a hundred million vaccines available right now, we are rolling it out. The government has given back our donations so ginagamit din namin iyan para sa ibang mga empleyado namin for booster shots and we are even donating it to other LGUs who need vaccination. So importante rin dito iyong vaccination campaign natin ‘no, dapat walang patid iyan, tuluy-tuloy pa rin iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, sunod ko na lang po iyong tanong ng ating kasamahan sa media ‘no. May tanong po sa inyo si Janice Ingente ng UNTV: Aside daw po from easing travel restrictions and quarantine, ano pa iyong ibang protocols na sa tingin ninyo na dapat na rin pong dahan-dahan na alisin as we go through doon daw po sa sinasabi nilang pandemic exit plan?

SEC. CONCEPCION: Well, ngayon, sa Alert Level 2, siyempre tataas iyong capacity dito sa mga puwede pumasok sa restaurants; may mga ibang puwede nang magbukas under Alert Level 2. Bawal pa rin yata dito ang mga concerts at iba pa. Pero once we move to Alert Level 1, then we can open all of these things up, so more and more businesses will open. Ang kagandahan dito ay iyong tourism na medyo was closed for the last 22 months – malaking bagay iyan. Thailand has already adopted no quarantine so kasama na rin tayo diyan.

So I expect that tourism sector to really start to pick up. And its good timing kasi dito sa …iyong bagyo na tinamaan iyong Visayas at parte ng Mindanao, mabubuhay uli dito ang tourism ‘no. Maraming gustong pumasok dito especially as we come close to March, summer period na iyan, maraming turista puwedeng pumasok dito sa mga different islands natin. So that will open up and that will help many of our micro and small entrepreneurs na halos kabit sila sa buong ecosystem ng tourism. Maski iyong mga malalaking hotels na baon sa utang, at least mabubuhay uli sila. So masaya, they are happy now. Pero siyempre, iyong ibang hotels are being challenged kasi mawawala iyong quarantine facility nila ‘no, ginagamit pang quarantine. But I was telling them that this is just a transition; eventually we will now see businessmen wanting to come here to invest, turista, that will help ‘no, that will greatly help ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, nabanggit rin po sa inyong joint statement ni Father Nic Austriaco na mahalagang step din po iyong pagpapaigting sa tiwala ng tao sa mga bakuna. Ngayong bumaba na rin po itong vaccine hesitancy, sa palagay ninyo po ba na-achieve na ito at paano daw po kaya ito mami-maintain?

SEC. CONCEPCION: Well, magandang balita iyan sa survey na ginagawa ng OCTA at Go Negosyo na talagang bumaba na ang vaccine hesitancy. At sa survey na ring iyan suportado rin ng publiko iyong vaccine mandate na ‘No Vax No Ride’ at itong vaccine program mandatory at testing for the onsite workers who have not taken the bakuna ‘no.

So, that shows that the Filipinos are now more supportive on the campaign of the government to make more people get the vaccine ‘no. And importante iyan eh, kasi without getting immune to some extent from these variants then the threat could always come back, so, we have to make sure iyong proteksiyon natin through the vaccines would always be there.

And of course, iyong mga bakuna cards we should enforce that. We should check the vaccine cards as people enter these high-risk business establishments para talagang we maintain the success that we have done so far.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, may naging tugon na rin po ba daw ang IATF at NTF doon sa proposal ninyong Pandemic Exit Plan?

SEC. CONCEPCION: Well, magmi-meeting kami kasama namin iyong lahat ng grupo ng private sector – restaurants, bars, at you know, the whole group – in the coming three weeks. We will craft a plan on how each sector can develop their exit plan.

The idea eventually, Usec. Rocky, is to reach a point wherein there is no more alert levels. We develop a standard protocol and nakikita na rin natin sanay na ang consumer, pagpasok sa isang restaurant alam nila if the safety protocols of the restaurants are there ‘no.

So, in the last 22 months, most of the retail stores and the restaurants and all of that, they have understood the basic minimum requirement a customer will want to go in and he has to feel safe. So, I think we will eventually get there I think by March, sometime that period, palagay ko April, I think we will be ready to move out from alert levels ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, may tanong po ang atin pa ring kasamahan sa media. Tanong po ni Red Mendoza ng Manila Times: May isa daw pong kolumnista na nagsabi na huwag daw gamitin ang salitang ‘endemic’ dahil kailangang i-recognize na ang COVID-19 ay airborne sa kahit saang lugar at hindi lang sa close settings. May mga nagsasabi rin daw po na ang endemic mindset ay posibleng humantong sa pagtaas ng kaso at complacency. Ano po ang masasabi ninyo dito?

SEC. CONCEPCION: Well, you know, actually right now I’m here in the bay area of California ‘no and the positivity rate here is equal to the Philippines but people are very careful. Nakikita ko na fully masked, everything is complete. When they enter an establishment, restaurant or retail store, may mga alcohol – kumpleto lahat iyan. Everybody practices social distancing. But you know, this one they don’t even enforce, it is already a habit eh.

Dahil sa matagal na tayo dito sa pandemic na ito, sanay na sila to protect themselves ‘no. I just even attended a basketball game, ang daming tao pero nakikita ko fully masked at if you’re not wearing your mask you will be kicked out of the coliseum ‘no. So, I think if the Filipinos continue to be vigilant and continue to follow the basic minimum health protocols such as masking and all of that, I think we’re responsible enough.

And those who get sick you don’t need to lock them down, they will lock themselves down, stay at home, get well, and then when they’re good, they leave their homes. So, I think that has to be accepted ‘no. People have already learned in 22 months. Biro mo in 22 months we didn’t learn, therefore something is wrong with us.

USEC. IGNACIO: Secretary, ano po ang inyong muling mensahe o paalala o panawagan ninyo sa ating mga kababayan tungkol po sa unti-unti na ulit na pagluluwag ng restrictions simula bukas dito po sa Metro Manila?

SEC. CONCEPCION: Well, as the restrictions open as we get to move on, learn to live with COVID, let’s not be complacent kasi minsan we might take out the mask, you know, and start going around with no mask.

Huwag nating sundan iyong UK na talagang tinanggal nila ang mask ‘no and totally no more health protocols. Tuloy pa rin tayo diyan, we have to be careful. We have to ensure that we not only protect ourselves but the people around us.

If we continue to be vigilant then we can continue to open the economy kasi ngayon importante na buhayin natin ang economy kasi ang laki ng inutang natin para bumili ng mga bakuna, mga testing kits, and that whole budget for health for in the last 22 months is huge and that doesn’t give you technically any returns but maintains the health situation in the country.

But now, we have to see growth coming back ‘no. Itong mga MSMEs natin dapat may kumpiyansa at hopefully the banking community will continue to lend especially now the tourism sector they see that quarantine is removed, so, I’m sure the banks will now be more optimistic about the tourism sector so they can continue to fund all of the MSMEs. And even the large companies here who have invested so much in putting hotels and resorts all over the country ‘no

So, I hope, eventually the casinos will open, concerts will come back, entertainment will come back. So, we have to revive these sectors that have been closed for the last 22 months.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, thank you for joining us today. Presidential Adviser for Entrepreneurship, Secretary Joey Concepcion. Keep safe po.

SEC. CONCEPCION: Salamat, Usec. Rocky. Thank you.

USEC. IGNACIO: Samantala, hinimok naman ni Senate Committee Chair on Sports, Senator Bong Go ang mga student athletes na makilahok sa scholarship program ng National Academy of Sports. Ang detalye sa report na ito:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, base naman sa pinakahuling tala ng Department of Health kahapon, nadagdagan ng 16,953 ang mga nahawaan ng COVID-19 sa bansa kaya umabot na sa 3,545,680 ang total cases sa buong kapuluan.

Mataas naman ang bilang ng mga bagong gumaling, 27,638 recoveries po iyan, sa kabuuang bilang na 3,288,925 total recoveries.

Dalawmpu (20) naman ang nadagdag sa mga nasawi kaya 53,891 na ang naitatalang total deaths dahil sa COVID-19.

Nasa 5.7% ang total cases o katumbas ng 202,864 active cases ang bilang ng mga nagpapagaling pa rin hanggang sa kasalukuyan.

Samantala, balikan po natin ang mga patakarang ipinatutupad sa ilalim ng Alert Level 2 bago po ang muling implementasyon nito sa Metro Manila at sa pito pang lalawigan simula bukas. Ano kaya ang magiging epekto niyan sa nalalapit ding pagsisimula ng campaign period?

Kaugnay niyan ay makakausap po natin si DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya. Good morning po, Usec.!

DILG USEC. MALAYA: Yes. Good morning, Usec. Rocky at good morning po sa lahat ng tagasubaybay!

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano po ang masasabi ninyo dito sa pagbaba sa Alert Level 2 ng Metro Manila at pito pang lalawigan sa bansa?

DILG USEC. MALAYA: Ito po ay suportado 100% ng DILG, kasi naka-base naman po ito sa mga datos. Mayroon pong pagbaba ng 67% ang new cases sa NCR. Ang average cases po kasi natin the other week, was 13,200 tapos naging 4,398 na lamang. At iyong atin naman pong reproductive number, dati 6.0, ngayon po ay nasa 0.47 lamang at mataas naman po iyong pagbabakuna sa atin sa Metro Manila. Ang atin naman pong Health Care Utilization Rate ay nasa 40%, so low-risk. So sa tingin po namin napapanahon na para mailagay po tayo sa alert Level 2.

At nakita naman po natin din iyong kooperasyon ng ating mga kababayan, Karamihan po sa kanila ay nanatili lamang sa bahay, naging disiplinado at nakita po nila iyong kalahagahan ng pagbabakuna. So, sa tingin po namin, tama po ang naging desisyon ng IATF at nakahanda na po ang ating mga local government units para sa pagbabalik ng Alert Level 2 bukas.

USEC. IGNACIO: Opo. USec. ngayong Alert Level 2 na ulit dito sa NCR. Tama ba na mahihinto na rin itong pagpapatupad ng mobility restrictions sa mga unvaccinated individuals kabilang na po iyong pagpasok sa ilang establishment at pagsakay sa public transportations?

DILG USEC. MALAYA: Opo. Tama po iyan, kasi po iyong nakasaad po doon sa mga ordinansa na ipinasa ng iba’t ibang mga local government units at kasama na rin iyong MMDA resolution at kahit iyong Department Oder ng DOTr ay iyong polisyang ‘no vax, no ride’ ‘no ay applicable lamang kung ang isang lugar ay nasa Alert Level 3 at pataas. Ngayon ay nasa ay nasa Alert Level 2 tayo magmula bukas ay hindi na po ito puwedeng ipatupad.

Ngunit iyong mga checkpoint naman po, iyong mga checkpoints ng Philippine Police na ipinag-utos ng ating Pangulo Rodrigo Duterte ay tuloy pa rin po sa mga lugar na mga nasa Alert Level 3. So, patuloy pa rin po ng pagbabantay ng ating mga kapulisan sa mga areas na under Alert Level 3. So, ang payo po ng DILG sa ating mga kababayan, dahil pa rin natin iyong mga vaccination card natin dahil baka po hihingin po ito sa mga checkpoints. At mayroon din pong mga ibang istablisyemento na mismo iyong may-ari ay nagre-require ng vaccination card. So, maganda po dahil pa rin natin para hindi po tayo maabala.

USEC. IGNACIO: Opo. USec. mayroon lang follow si Daniza Fernandez ng Inquirer.net, ito po ang tanong niya: Clarification po sa children’s mobility under Alert Level 2, puwede po ba sila sa malls, kahit not fully vaccinated, basta accompanied by fully vaxxed adult?

DILG USEC. MALAYA: Yes po, under the Alert Level 2 system, lahat po ng kabataan, even minors are allowed na gumalaw subject to LGU rules. So, as a policy po under the IATF ay puwede na pong lumabas ang mga kabataan, ngunit siguraduhin lang po natin kung ano iyong napipinto o kung ano iyong polisiya ng local government unit ninyo. Pero, as a matter of general policy under Alert Level 2 ay puwede na pong lumabas ang mga bata.

USEC. IGNACIO: Opo. Anu-ano daw pong mga industriya at aktibidad ang muling papayagang mag-operate simula bukas, kasama na dito iyong traditional bang sabong? Tama po ba ito, Usec, at paano daw pong masisigurong hindi magiging super-spreader event iyan? 

DILG USEC. MALAYA: Opo. Ganito po, karamihan naman po ng mga negosyo ay allowed depende lang po sa operational capacity gaya nga po ng mga restaurant, inilagay po natin sa 30% noong Alert Level 3 indoor. Ngunit ngayon pong nag-Alert Level 2 na ay balik uli tayo sa 50% indoor and 70% outdoor.

So, ang mga hindi po pinapayagan under Alert Level 3 na ngayon ay pinapayagan na po natin ay ang mga bars, karaokes, mga bars, concert halls and theaters and other venues with live or wind instruments, again at 50% capacity; mga perya, playgrounds, play rooms and kiddie rides, again at 50% capacity.

Under Alert Level 2: Ang face to face classes po ng Department of Education sa 207 public and private schools, under the pilot program ay balik na rin po under Alert Level 2; at base po sa Memorandum Circular at IATF Resolution, ang traditional sabong po ay pinapayagan na rin. Under DILG Memorandum Circular #2020-003, ang cockpit operations are allowed to operate under Alert Level 2 and lower, mayroon nga lang pong mga kondisyon. Ano po itong mga kondisyon na ito? Number one, wala pong objection from the LGU. Ibig pong sabihin, pinapayagan ng LGU; pangalawa, indoor capacity is up to 50% only at pawing mga fully vaccinated individuals ang puwedeng pumasok sa loob ng cockpit arena; pangatlo, lahat po ng mga empleyado ay kailangan fully vaccinated; number four, hindi pupuwede ang cash betting or pagtaya ng cash sa loob ng cockpit arena. Kailangan po gumamit ng technology-based platforms ang cockpit operator. And finally, of course, iyong ating tinatawag pong minimum public health standards, proper wearing of face mask, physical distancing and hand hygiene.

Pinapaubaya po ng DILG sa PNP at LGU and enforcement ng mga rules na ito at kung sinuman pong mga cockpit operators ang hindi susunod, ito po ay ipapasara ng LGU at ng ating kapulisan.

USEC. IGNACIO: Opo. USec. as of this Saturday ay nasa 168,000 registrants na po between   five to eleven years old iyong naitalang handa ng magpabakuna. Lahat ba ng LGUs sa buong bansa ay bukas na rin sa pagpaparehistro o iilan pa lang po at kumusta naman po iyong paghahanda ng iba pang LGU outside Metro Manila?

DILG USEC. MALAYA: Dahan-dahan po ang pagbukas ng registration, hindi po lahat ay open ngunit hindi naman po kailangan buksan pa lahat, dahil ito pong approach natin dito ay kapareho noong sinimulan nating 12 to 17 pediatric vaccination before, phase by phase po ito. Magsisimula po tayo sa Pebrero 4 dito sa National Capital Region. Mayroon po tayong mga initial na lugar kung saan magkakaroon ng vaccination for the 5 to 11 age category.

Ang mga napili pong lugar for the launch is mga ospital karamihan: Philippine Children’s Medical Center, Philippine Heart Center, National Children’s Hospital, kasama na rin po ang Manila Zoo, SM North at Filoil Gym.

Maliban po diyan, mayroon pa pong more than 30 na iba pang mga lugar na magkakaroon din po ng dahan-dahan ng pagbubukas ng vaccination for the five to eleven years old, kasama na rin po ang mga lugar sa Central Luzon ang Calabarzon. The Department of Health will make the formal announcement kung papaano po ang dahan-dahan ng pagbubukas ng mga iba’t ibang vaccination sites hanggang matapos natin ang vaccination rollout sa buong bansa.

Paalala lang po sa mga magulang na magpapabakuna ng kanilang mga five to eleven years old, kung ang anak po ninyo ay may comorbidities kailangan magdala po kayo ng medical clearance mula sa inyong doctor, ang mga magulang ay magdala po ng proof of filiation or relationship kung kayo ay guardian, magulang, dahil na po natin iyong birth certificate at iyong mga bata po na five to eleven ay papipirmahin po natin ng assent form bago sila bakunahan.

USEC. IGNACIO: Opo. USec. ano naman daw pong assistance ng DILFG sa bawat LGU para paigtingin itong Resbakuna sa mga batang edad lima hanggang labing-isang taon na magsisimula po sa darating na Biyernes?

DILG USEC. MALAYA: Opo. USec. Rocky alam naman po ninyo, almost isang taon na po nating ginagawa, nagsimula po tayo noong Marso noong nakaraang taon and magpe-Pebrero na po next month. Napakalapit na po ng relasyon ng DILG sa mga LGUs together with the Department of Health. Sa kasalukuyan nga po may isinasagawang training and orientation ang National Vaccine Operation Center para sa lahat ng ating LGU focal persons, mga municipal and city health officers para sa paghahanda ng pagbubukas ng vaccination for the five to eleven years old.

Medyo malaki-laki po ang target dito natin, Usec. Rocky, more than 15 million po ang target nating mabakunahan. Pero sa pagtutulungan natin po uli ‘no through a whole-of-society and whole-of-government approach, we are confident na maaabot po natin ang mga target na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., sa susunod na linggo simula na rin ng campaign period ng mga kandidato, kakandidato sa darating na eleksiyon. Ano po iyong paalala ninyo sa mga magsasagawa ng kani-kanilang aktibidad bilang pangangampanya sa ilalim ng Alert Level 2 at sa Alert Level 3 status?

DILG USEC. MALAYA: Yes, Usec. Rocky ‘no. Kami po sa DILG together with the PNP at ang mga attached agencies ng aming Kagawaran ay deputized by the Comelec for the enforcement of Comelec Resolution No. 10732. Ito pong resolusyon na ito kung titingnan po natin ay mas mahigpit pa sa mga IATF resolutions o sa mga LGU guidelines tungkol sa mass gathering and other activities ‘no.

Nananawagan po kami sa mga kandidato at kanilang mga supporters na basahing maigi itong Resolution 10732 dahil nakasaad po dito iyong mga ipinagbabawal at mga allowable activities. Again, ang sabi po ng Comelec sa DILG, the campaign must be done utilizing a ‘no contact’ policy. Ibig pong sabihin, bawal po iyong mga handshake, hugs, kisses, arm in arm or any action that involve physical contact among their candidates, their companions and the public ‘no.

So, humihingi po kami ng tulong sa ating mga pulitiko at sa kanilang mga supporters and political parties na sundin po natin itong mga pamantayang ito dahil any violation of the rules and regulations implemented by the Commission on Elections is an election offense.

USEC. IGNACIO: Paano daw po itong mahigpit na mababantayan ng mga LGU at uniformed personnel at ano daw po ang parusa sa mga mahuhuling lumalabag sa Comelec Resolution na ito?

DILG USEC. MALAYA: Usec. Rocky, mayroon na pong direktiba si Secretary Eduardo Año sa ating kapulisan at sa mga local government units na magtalaga ng mga tao, law enforcement officers, para masunod at ma-implement ang resolusyon ng Comelec.

Tungkol naman po sa penalties, ang penalty po for violating a Comelec Resolution depends on the nature of the violation. Kung ito po ay mga violation ng Section 87 on rallies, meeting, or political activities, or Section 88 on public rallies, or Section 89 on transportation, food, and drinks, ang penalty po niyan ay imprisonment of not less than one year but not more than six years with no right of probation. Mayroon po ding disqualification to hold public office at hindi na rin po puwedeng bumoto.

Kung ito naman pong mga violations ay violation of minimum public health standards, the penalty is imprisonment of not less than one month but not in excess of six months or payment of fine in amount not less than 20,000 but not more than 50,000 or both, subject to the discretion of the court.

So, Usec. Rocky, mabibigat po ang mga penalties na nakasaad po sa ating batas kaya po sana po ay magtulungan ang Comelec, DILG, ang mga kandidato at ang kanilang mga supporters and political parties para po maging matiwasay ang ating pangangampanya.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kasado na rin po daw itong Local Absentee Voting ng mga DILG at PNP personnel para sa eleksiyon?

DILG USEC. MALAYA: Yes, tama po iyan, Usec. Rocky. Kasado na po, nagpalabas na po ang Comelec ng Resolution 10725 tungkol sa Local Absentee Voting. At dito po sa Local Absentee Voting, iyon pong mga government officials ‘no, kasama po kami sa DILG, or mga kagawad ng PNP at iba pang mga ahensiya na na-assign sa panahon ng halalan sa lugar kung saan hindi sila rehistrado ay puwede po silang exercise their right to vote through Local Absentee Voting.

So, dahil po may resolusyon na po ang ating Commission on Elections, nagpalabas po ng Memorandum Circular si Secretary Eduardo Año na iyong amin pong mga empleyado partikular iyong mga pulis, iyong mga chiefs of police, mga police directors namin na naka-assign sa iba’t-ibang lugar sa ating bansa kung saan hindi sila rehistrado, ay kailangan po sila ay bumoto para hindi po masayang ang kanilang karapatang bumoto ‘no.

Ang kailangan lang po ay rehistrado sila at hindi pa na-deactivate ang kanilang records ‘no. Sila po ay temporarily assigned sa isang lugar kung saan hindi sila rehistrado. Kahit po iyong mga nasa abroad ay puwede rin po na bumoto through Local Absentee Voting.

Nagpalabas na po ang DILG ng mga forms, iyong tinatawag pong Local Absentee Forms na fi-fill-up-an ng ating mga miyembro ng DILG at ng iba pang ahensiya ng gobyerno. They would have to fill-up these forms, LAV Form 1 and Form 2, at kailangan pong matanggap ito sa Comelec before March 7, 2022.

So, again, nananawagan po kami partikular sa mga miyembro ng Philippine National Police, the deadline for accomplishing the Local Absentee Voting form is March 7, 2022.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may pahabol lang pong tanong si Abel de Leon ng Manila Bulletin: Ibig sabihin daw po balik na iyong traditional sabong? Puwede daw po bang paki-repeat iyong guidelines?

DILG USEC. MALAYA: Opo, balik na po iyong traditional sabong under Alert Level 2. Mayroon pong IATF Resolution iyan, mayroon din pong Memorandum Circular ang DILG, MC-2022-003 dated January 19, 2020. At nakasaad po dito na kapag Alert Level 2 ang isang lugar, puwede na po ang cockpit operations or cock fighting.

At uulitin ko lang po: Kailangan po walang objection from the LGU; 50% capacity for fully vaccinated individuals inside the cockpit; lahat ng empleyado fully vaccinated; bawal po ang cash betting. Bawal gumamit ng cash sa loob, kailangan po technology-based platform; at lahat po ng tao ay kailangan naka-face mask, physical distancing and hand hygiene. All minimum public health standards must be followed.

USEC. IGNACIO: Opo. Panghuli na lang po, Usec. Tanong po ni Cresilyn Catarong ng SMNI: Ano po ang magiging panuntunan sa selebrasyon ng Chinese New Year ngayong nasa Alert Level 2 na ang NCR?

DILG USEC. MALAYA: Well, natutuwa po kami na karamihan sa mga local government units ay kinansela na iyong Chinese New Year celebration dahil nga po sa ating COVID pandemic situation. So, para po sa amin, tama po iyong naging desisyon na iyan dahil kahit po mag-a-Alert Level 2 na tayo ay mayroon pa rin po tayong problema sa positivity rate, ito po ang kailangan nating pababain. Therefore, kailangan po that the public must continue to comply with health protocols to sustain this momentum.

Mayroon na po kasing magandang numero ‘no, ang momentum po pababa na, kung magkakaroon na naman po tayo ng mga malalakihang pagdiriwang dahil sa Chinese New Year, baka mauwi na naman po tayo sa nangyari noong first week of January. So, we strongly, strongly discourage any form of celebration of the Chinese New Year. Palampasin lang po natin itong pandemyang ito at makakapag-celebrate po tayo uli ng lahat ng selebrasyon na gusto nating mangyari.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Undersecretary Jonathan Malaya, ang tagapgsalita ng DILG. Mabuhay po kayo, Usec.

DILG USEC. MALAYA: Maraming salamat, Usec. Rocky at mabuhay din po kayo.

USEC. IGNACIO: Mga lungsod sa Metro Manila, puspusang na ang paghahanda para sa nalalapit na pagbabakuna sa mga edad lima (5) hanggang labing-isa (11) kontra COVID-19. At kabilang nga sa mga may vaccine rollout nito sa Biyernes ay ang Lungsod ng San Juan.

Ang detalye mula kay Rod Lagusad. Rod?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong report, Rod Lagusad.

At kaugnay pa rin sa nalalapit na bakunahan sa mga batang edad lima hanggang labing-isa sa Biyernes, February 4, alamin natin ang detalyeng dapat malaman ng mga magulang tungkol dito, makakasama po natin si Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines President Dr. Mary Ann Bunyi. Good morning po, Dok, welcome back po sa Laging Handa.

DR. MARY ANN BUNYI: Magandang umaga po ulit, Usec. Rocky. Magandang umaga rin po sa mga nanunood sa inyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Back to basic tayo ‘no. Gaano kahalaga para sa mga kabataang as early as five years old ang mabakunahan laban sa COVID-19 lalo’t sa gitna ng banta ng Omicron at mga sub-variants nito?

DR. MARY ANN BUNYI: Usec., itong gagawin nating pagtuturok ng bakuna sa edad lima hanggang labing-isang taong gulang na mga bata ay dagdag na proteksyon doon sa mga hakbang na ginagawa na natin tulad ng mga minimum health protocols.

Maraming dahilan kung bakit mahalaga na mabakunahan natin itong mga batang ito:  Unang-una, puwede nating maiwasan na lumala ang sakit na COVID para hindi maospital itong mga bata. Pangalawa, para maiwasan natin maging kritikal o severe ang kanilang kundisyon na maaari pang matungo sa mga komplikasyon katulad ng tinatawag nating Multisystem Inflammatory Syndrome in Children or MIS-C kung tawagin natin. Pang-apat (sic), siguro isang hakbang na rin ito para maibalik na natin itong mga batang ito sa pangkaraniwan nilang mga ginagawa katulad sa pagbabalik-aral sa paaralan, pagbabalik-laro sa labas, makipaglaro sa mga kaibigan nila at saka iyong mga iba pang social activities na dati nilang ginagawa katulad ng pamamasyal, field trip sa mga eskuwelahan, outdoor camping at marami pang iba.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Dok, ilan na po ba iyong latest na number ng mga sinasabing nahawahan ng COVID-19 dito po sa pediatric population? May mga naitala bang nag-severe o critical po?

DR. MARY ANN BUNYI: Sa huling datos ng DOH, iyong nakita kong datos ay mga January 2022, may naitala na silang higit kumulang na 400,000 na kaso ng COVID sa kabataan. Kung ang tinutukoy natin ay mayroon bang mga reports ng mga naging critical o severe ng mga batang nagkaroon ng COVID. Mayroon tayong tinatawag na Salvacion Registry, isa itong online registry na proyekto ng Philippine Pediatric Society at saka ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines na kung saan naitatala iyong mga batang may COVID na naoospital.

Doon sa huling tala na nakuha namin na mayroon kaming mahigit-kumulang dalawanlibong mga bata na naospital dahil sa COVID, 16% doon sa 2,000 na iyon ay nagkaroon ng critical o severe na kundisyon dahil sa COVID.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Dok, anu-ano raw pong mga pre-existing conditions sa mga bata, iyong mga bata na mas vulnerable na kapitan ng COVID-19 specifically ito pong Omicron variant?

DR. MARY ANN BUNYI: Alam natin, Usec. Rocky, na kapag may comorbid conditions ang mga bata or may underlying medical conditions, sila iyong mas higit na may panganib na magkaroon ng severe or critical na COVID-19.

Sa Amerika, ang mga naitala nila doong mga common comorbid conditions, sila iyong mga batang may sakit sa puso, may hika, iyong sobrang matatabang bata or ang tinatawag nating obese at saka iyong may cancer.

Dito sa Pilipinas, ayon ulit sa tala sa Salvacion Registry, ang mga nakita naming mga comorbid conditions ay iyong mga bata may cancer, may sakit sa dugo, may neurologic conditions katulad nang may epilepsy, may cerebral palsy, iyong may down syndrome, iyong may sakit sa puso, iyong may hika at saka iyong may sakit sa bato.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, pero ano raw po iyong magiging common side effects iyong naitala sa mga binakunahang 12 years old to 17 years old? Most likely ba ay magiging kapareho din itong mararanasan ito pong mga batang edad lima pataas?

DR. MARY ANN BUNYI: Doon sa huling report po ng FDA na nilabas nila ngayong Enero, mayroon po silang mga naitalang reports ng side reactions pagkatapos pong matanggap iyong COVID-19 vaccines.  Pero iyong mga reactions pong iyon ay mga karamihan po ay minor – pananakit po doon sa injection site, lagnat, sakit ng ulo, at saka iyong iba po ay medyo tumaas po iyong blood pressure.

Ngayon, ito pong mga side reactions na ito, puwede rin po nating asahan na maging ganito rin po ang puwedeng maging side reactions sa mga batang tatanggap ng COVID-19 na may edad lima hanggang labing-isang taong gulang.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, base sa naging vaccination rollout sa ibang bansa, sa ganitong age group, nagkaroon po ba ng report ng severe, adverse reaction sa bakuna?

DR. MARY ANN BUNYI: Dahil nauna po ang Amerika, lamang po sila eh dahil nauna po silang mag-rollout ng COVID-19 vaccines sa edad dose hanggang disisiete at saka iyong lima hanggang labing-isang taong gulang na mga bata. Doon sa dose hanggang disisiete anyos na mga bata, may mga nai-report silang pamamaga ng puso na ang tinatawag natin ay myocarditis. Pero doon po, nakatala po sila ng 265 na kaso po ng myocarditis out of 18.7 million doses na naibigay na po.

Doon naman po sa edad na five to eleven years old, as of December po of 2021, may naitala na po silang 11 cases pero out of eight million doses po na naibigay na bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, ito po iyong palagiang tinatanong din ng mga magulang, ano po: Gaano po ba kasigurado ang pamahalaan at ang vaccine and pediatric experts natin, tulad ninyo, na 100% safe ang bakunang ituturok sa mga bata?

DR. MARY ANN BUNYI: Usec., iyan naman po iyong panghuling layunin ng lahat ng mga experts, ng mga scientists na sana, ideally, magkaroon ng 100% na safety and effectiveness ng bakuna. Pero sa dami po ng pananaliksik tungkol sa mga bakuna, bawat bakuna po ay talagang may side reaction, kahit hindi po COVID-19. Pinag-uusapan din po natin diyan iyong ibang bakuna na natanggap na ng mga babies at saka ang mga bakunang nirirekomenda para sa matatanda, lahat po iyan ay may mga side reactions. Kaya mahalaga po na maipaliwanag sa mga magulang at maituro sa kanila kung ano po ang aasahan nilang mga side reactions kung sakaling tatanggap po ng bakuna ang kanilang mga anak.

Pangalawa po, importante rin iyong monitoring doon sa mga tatanggap ng bakuna at pagri-report kasi doon po natin makikita kung mayroon pa po bang ibang reaksiyon na hindi po inaasahan na mangyari doon po sa mga reaksiyon na na-report na po.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, bago pa man po i-rollout itong bakunahan para sa five years old and above, nabanggit po ni Secretary Galvez na nakikipag-usap na sila sa ilang vaccine manufacturers na mag-apply po ng EUA para naman daw po sa mga bata as early as three years old. Do you think this is necessary, Doc?

DR. BUNYI: Sa ngayon po ang nakikita ko pong kahalagahan niyan sa pag-aapplay ng EUA ay tungkol pa rin po sa direct benefit ng COVID-19 vaccine na hindi lumala ang sakit para hindi maospital at hindi maging malubha ang sakit na maging kritikal or severe para hindi magkaroon ng kumplikasyon na maaaring makapagpatagal sa recovery ng mga bata.

USEC. IGNACIO: Doc Bunyi, ang mensahe ninyo muli para po makumbinsi ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa COVID-19?

DR. BUNYI: Ito na po, malapit na pong dumating iyong bakuna para sa mga batang may edad lima hanggang labing-isang taong gulang. Alam po namin na maraming mga magulang ang nag-aagam-agam pa rin ngayon, kaya nandito po kami na mga eksperto para ipaliwanag po sa inyo at maturuan po kayo kung ano po ang maaasahan na reaksiyon dito sa mga bakunang ito. Panahon na para palabasin natin ang ating mga anak. Halos dalawang taon na rin naman silang nakakulong sa bahay. Ito na iyong pagkakataon para makabalik sila sa eskuwelahan, makapaglaro sila sa labas, makipag-interact sila sa kanilang mga kaibigan at maramdaman nila iyong iba po nilang mga activities na noon bago pa mag-pandemya ay nagagawa nila.  Iyon lang po.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong impormasyon at panahon, Dr. Mary Ann Bunyi, ang Presidente po ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines. Mabuhay po kayo.

DR. BUNYI: Salamat, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Samantala, mga residente namang nabiktima ng sunog sa Zamboanga City ang hinatiran ng tulong ng pamahalaan at ni Senator Bong Go kamakailan. Bago pa ito ay kasama rin ang Senador sa naging pamamahagi ng fire trucks ng Bureau of Fire Protection sa piling mga lungsod at bayan sa bansa. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Alamin naman natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service, kasama si John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito, hanggang bukas pong muli. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource