Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Luzon, Visayas at Mindanao at sa buong mundo. Ako po si Usec. Rocky Ignacio, ngayon po ay February 1st, araw ng Martes, Happy Chinese New Year po!

Opisyal nang ipinatutupad simula ngayong araw ang Alert Level 2 sa National Capital Region at sa pito pang lalawigan sa bansa. Kaya naman kumustahin natin ang unang araw ng implementasyon nito at mamaya muli nating pag-uusapan ang nalalapit na bakunahan po sa mga bata.

Simulan na po natin ang makabuluhang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Pasado na sa ikalawang pagbasa ang labinlimang local hospital bills na ipinanukala ni Senate Committee Chair on Health Senator Bong Go. Sa kaniyang pahayag, iginiit ng senador ang kahalagahan ng pagpapalakas ng health care system sa bansa sa gitna ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Naglabas na ng guidelines ang Department of Health tungkol sa paggamit ng self-administered antigen test kits. Nakasaad sa Department Memorandum No. 2022-0033 na inirirekomenda lamang ang self-test kits sa mga may sintomas ng COVID-19.

Payo ng DOH mas maigi itong gamitin sa loob ng pitong araw mula nang unang makaramdam ng sintomas. Ituturing nang confirmed COVID-19 case ang mga magpupositibo sa antigen test at kailangang sumailalim sa isolation. Kailangan din nilang mag-report sa Barangay Health Emergency Response Team o health care provider na silang magpi-fill out ng COVID cases investigation form sa loob ng dalawampu’t apat na oras.

Paalala rin ng DOH, itapon nang tama ang mga nagamit na self-antigen test kits para maiwasan ang pagkalat ng virus. Inabisuhan rin ng DOH ang mga manufacturers ng self-antigen test kits na maglagay ng instructions sa test kits para magamit nang tama ang mga ito.

February 1st hanggang 15 epektibo ang pagpapatupad ng Alert Level 2 sa Metro Manila. Alamin natin ang mga pagbabagong magaganap sa pagpapatupad nito, kasama po natin si Metro Manila Development Authority o MMDA Chairperson Benjamin o Benhur Abalos, Jr. Magandang umaga po, Chair.

MMDA CHAIRMAN ABALOS JR.: Magandang umaga Usec. Rocky at sa lahat po ng mga nanunood at nakikinig, magandang umaga po!

USEC. IGNACIO: Opo. Chair, sang-ayon kayo na isailalim na po ang Metro Manila sa Alert Level 2?

MMDA CHAIRMAN ABALOS JR.: Well actually ‘no, kami ay nag-aano lamang… kami ay sumusunod doon sa advice ng ating mga health experts ‘no. At mayroon tayong tinatawag na batayan o iyong tinatawag na metrics ‘no at itong metrics ay ang dami ng kaso at importante sa lahat kung kaya ba ng kapasidad ng ating mga ospital lalo na sa ICU at lumalabas sa metrics ay tama na para sa Alert Level No. 2 ang Metro Manila kaya; ako, personal ay sumasang-ayon dito.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Chair, dati-rati talaga itong MMC nagkakaroon po ng rekomendasyon ano. Bakit po hindi ngayon nagkaroon ng rekomendasyon itong MMC this time, hati po ba ang naging mungkahi ng metro mayors dito?

MMDA CHAIRMAN ABALOS JR.: Well actually, mayroon po kaming rekomendasyon ‘no. Ang nangyari po ay nagpresenta sa amin ng mga numero—kung maalala ninyo before ‘no na—ah, I’m sorry nalito ako.

Iyon pala sa Alert Level 3 noong araw ay nagkaroon kami ng rekomendasyon. Dito sa Alert Level 2, tama kayo, wala hong naging rekomendasyon ang mga Metro Manila Mayors ‘no. Kami ay nag-depend na lang kami—nagdepende kami doon sa mga findings at sa metrics mismo ng IATF ‘no. At sa metrics nga mababa ang ating ADAR, bumaba ang ating kaso, kaya ng kapasidad ng ating ospital ‘no kung kaya’t kami’y sumunod na lamang sa rekomendasyon na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Isunod ko na po ‘yung tanong ng ating kasamahan sa media ano. Tanong po ni Pia Gutierrez ng ABS-CBN: Ngayon daw pong Alert Level 2, maliwanag po ba sa lahat kung alin ang dapat ma-implement na mga guidelines and policies? Alin po ang susundin ng mga LGU-implementing arms, ito pong IATF, Metro Manila Council Resolution o ang city ordinance?

MMDA CHAIRMAN ABALOS JR.: Well, ganito po ‘yan ‘no. Mayroon tayong tinatawag na IATF na Alert Level 2 tayo ‘no so ‘yan talaga ang ating sinusunod. Ngunit mayroon din naman tayong tinatawag na mga—sabihin nating in-adjust nang konti ‘no – ito ‘yung tinatawag natin sa mga unvaccinated. Kung maaalala ninyo, nagkaroon tayo ng MMC o Metro Manila Resolution – ito’y isang resolusyon na hinihikayat na lahat ng local government units na maski papaano ay magkaroon ng ordinansa tungkol dito sa mga unvaccinated para proteksiyunan sila ‘no may krisis tayo, dahil alam ninyo naman ang naospital noon ay halos 83% at 95% ng fatality ay unvaccinated ‘no kung kaya’t medyo kinontrol natin ang mobility noon during Alert Level 3.

Ngunit may nakalagay na clause doon na automatically once mag-deescalate sa Alert Level 2, this will automatically be lifted ‘no. Ito iyong nakalagay sa resolusyon na naghihikayat sa lahat ng local government unit na ito’y kanilang patuparin. So I presume dahil ito’y binaba na, it goes without saying na [garbled] ito. Ngunit ‘no, ito iyong sasabihin ko – ngunit sa tanong na iyon, ako’y nagpa-survey sa aming opisina – ang automatic na nag-lift ay ang Las Piñas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Manila, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Pasig, San Juan, Taguig and Valenzuela.

Apat na LGUs ang walang automatic lifting clause pero ang tatlo daw ay magkakaroon ng bagong executive order lifting the restriction ‘no – ito ang Parañaque, [garbled] at Pasay ayon sa aking opisina.

Ngunit kanina nabasa ko medyo iba iyong sa Pasay. Only Pateros will be left as they’ll discuss by tomorrow this issue ‘no. So please be guided for this – this is with reference doon sa mga mobility ng unvaccinated.

Ngunit idagdag ko lang, Usec. Rocky ano, at sana maunawaan ng lahat ng mga nanunood dito. Mag-eeleksiyon na po tayo ‘no at ito’y—kung hindi ako nagkakamali ang kalendaryo ng Comelec ay February 8 ‘no. So iyan, pagpasok niyan susundin na naman natin ang Comelec restrictions tungkol dito ‘no. I believe nakita ko rin na mayroong Comelec restrictions, napakahigpit – iyong mga paghahawak ng kamay, iyong mga selfie, iyong mga capacity nandoon po ‘yan – iyan ang mananaig po pagdating ng election period.

USEC. IGNACIO: Opo. Kaugnay niyan iyong tanong po rin nina Patrick de Jesus ng PTV News and si Jayson Rubrico ng SMNI: Base po sa inilabas nga na ordinansa ng Pasay LGU, nabanggit ninyo nga po, na limited pa rin daw po iyong galaw ng mga unvaccinated sa buong Metro Manila. Ipapatupad pa rin po ba itong ‘No Vax, No Labas’ or automatically lifted na rin po under Alert Level 2?

MMDA CHAIRMAN ABALOS JR.:  Well, ganito po iyan ‘no, iyon pong tinatawag na—tandaan po natin, ang Metro Manila Development Authority (MMDA), kami po iyon ‘no; at sa MMDA ay mayroong tinatawag na Metro Manila Council. Ito, miyembro rito, ako, kasama ko lahat ng mayors ng Metro Manila at representante po ng konsehal at ng vice mayor. Iyan po ay puwedeng bumalangkas ng polisiya – polisiya o resolusyon. Ngunit hindi ito ibig sabihin batas. Ayon sa Local Government Code, ang puwede lamang gumawa ng batas dito po sa atin ay ang mga konseho, ang mga konsehal ng bawat local government units. Kung kaya’t ang ginawa naming Metro Manila Council Resolution, ito ay isang resolusyon lamang o isang dokumentong nanghihikayat na lahat ng local government units ay gumawa ng ordinansa.

Ngayon po, ayon po rito, ayon sa aming resolusyon, napagkasunduan namin ay gagawa sila ng uniform na ordinansa hinggil dito ‘no. Kanina po iyong sa Pasay, ang tanong po nila Jayson, mayroon pong karapatan ang Pasay o sinumang local government unit na gumawa ng sarili nilang ordinansa. Karapatan po iyon at iyon po ay ginagarantiya bilang autonomy o awtonomiya ng isang local government unit ayon sa Local Government Code.

Ngunit ‘no, babasahin ko naman iyong IATF guideline para lang ma-guide din po tayo ‘no. Ito po ay ayon sa ginawa nila. Ang sinasabi rito, ang intrazonal and interzonal movement shall be allowed – pinapayagan ang paggalaw. However, reasonable restrictions may be imposed by the LGUs which should not be stricter as those prescribed under higher alert levels and subject to the oversight monitoring and evaluation of their respective RIATF. Ano ang ibig sabihin nito? Mga kababayan, ang ibig sabihin nito, ang paggalaw natin ay papayagan ngunit ito ay puwedeng magkaroon ng restriction pa rin, ang city hall o ang bawat local government unit ng Kamaynilaan o ang buong bansa ‘no. Ngunit hindi ito maghihigpit pa doon sa mas mataas na higher level at ito ay subject sa oversight monitoring, evaluation ng respective IATF.

Ang ibig sabihin, kapangyarihan po ng isang LGU, kamukha ng Pasay, ang paggawa ng isang ordinansa sa mobility nguni’t dapat ito, it should not be stricter as those prescribed under higher alert levels and subject to the oversight monitoring and evaluation of their respective RIATF. Ito po iyong guidelines ‘no na binalangkas naman ng IATF under Section 5 po.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Patrick de Jesus ng PTV: Pagdating po sa minors, pinapayagan po ba silang muli sa mga establishments under Alert Level 2?

MMDA CHAIRMAN ABALOS JR.: Well, actually ‘no, ang nakalagay dito, kamukha nang binasa ko po, subject to the reasonable restrictions ng LGU. Wala naman akong nakikitang restrictions sa ibang lugar ‘no. Kaya ako, sa aking pananaw ay pupuwede.

Hindi ko lang nari-review iyong ginawa ng Pasay kung ang minors ay ni-restrict po nila. Pero kung mari-recall po ninyo, bago mag-Kapaskuhan noon, Alert Level 2 na po tayo noon. ‘Di ba, ang sabi nga nila, nakawala na raw iyong mga bata at iyong ating mga lolo at lola, ‘di ba kung matatandaan po ninyo iyon. Halos ganoon na rin po tayo ngayon. Kasi ito ay pinapayagan naman subject to the restrictions on mobility of bawat LGU. And so far, sa pagkakaalam ko, wala namang restrictions except, of course, hindi ko pa po nababasa itong sa Pasay.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa ilalim naman po ng Alert Level 2 ay papayagan na rin po itong traditional sabong. Kung hindi po tututol ang LGU, wala po bang objections sa Metro Manila LGUs tungkol dito?

MMDA CHAIRMAN ABALOS JR.: Well, hindi ko pa rin po naiisa-isa ang ating mga LGUs po tungkol dito ‘no. Hindi ko po sila gustong pangunahan pero pabayaan mong itsek ko ito, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Chair, paano po iyong nasimulan nang limited face-to-face sa classes, ibabalik na rin po ba ito?

MMDA CHAIRMAN ABALOS JR.: Makikipag-usap po kami kaagad sa Department of Education dahil importante po ang ating edukasyon dito. Tandaan po ninyo bago nangyari lahat ito ay mayroon tayong pilot at napakaganda ng pilot na natin noong araw ‘no, talagang tuluy-tuloy na.

Titingnan po namin, makikipagdayalogo po kami kaagad kay Secretary Liling Briones at sa kaniyang mga kasama kung baka pupuwedeng ituloy na rin po natin itong pilot po na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Chair, dahil Alert Level 2, nakahanda po ba raw tayo sa pagdagsa na naman ng mga tao sa malls at public places lalo po ngayon, ayon pa kay Secretary Año, ay paniguradong dudumugin naman po itong mga lugar na ito ng ating mga kababayan?

MMDA CHAIRMAN ABALOS JR.: Well, handa na rin po kami ‘no. Actually, ako ay nananawagan sa ating mga kababayan na pag-ingatan naman natin [ang sarili]. Bagama’t gusto kong i-congratulate ang mga taga-Metro Manila ‘no dahil nakita naman natin, Usec. Rocky, noong hindi na natin kailangan mag-Alert Level 4 sa Metro Manila. We just stayed at Alert Level 3 dahil tayo ay pare-parehong nag-self-regulate. Maaaring maraming na-infect sa atin, tumira sa bahay, hindi na lumabas. Pero on our own, hindi na natin kailangan mag-curfew. Alas dies pa lang, alas otso pa lang halos wala ng tao sa daan; halos nagsasarado ang mga restaurant ‘no.

Sana naman itong klaseng responsableng pag-iisip ‘no, iyong attitude of being responsible ay dalhin na po natin ito. Kung sakali man tayo ay lalabas, pag-ingatan pa rin natin, parati tayong naka-mask, iyong ating social distance. Ang dami na nating pinagdaan. Ang dami nang letra – may South Africa, may UK, may Delta, Omicron, ang dami na. So siguro natuto na po tayong lahat dito. At again, I would like to congratulate everyone for this attitude of self-regulation at sana ay dalhin po natin ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Kaugnay rin po iyan ng tanong ng ating kasamahan sa media na si Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: Mayors daw po in the Capital Region have agreed not to re-impose a general curfew because many Filipinos are self-regulating when it comes to leaving their homes amid the COVID-19 surge. Do you honestly think that Filipinos in general are self-regulating?

MMDA CHAIRMAN ABALOS JR.: Well ako po, naobserbahan ko, Usec. Rocky, dahil alam mo there was a time na ang capacity ay given so much leeway under Alert Level 3. There was a time na ang pagsarado ng mall ay talagang up to around 10 o’ clock. There was a time na talagang nakita ko ang dagsa ng traffic sa Kalakhang Maynila. Nguni’t noong bumagsak itong Omicron – pagkatandaan natin ha, itong Delta, ganiyan po, ibig sabihin, 45 days bago siya mag-peak, mga ganiyan po. Ang Omicron, ganoon. Ibig sabihin ng ganito, taas kaagad, baba kaagad, dalawang linggo. So dinagsa tayo ng maraming kaso.

Ang mga kababayan natin, hindi mo na kailangang sabihang mag-Alert Level 4 dahil iyong paghihigpit ng Alert Level 4, nakita ng dalawang mata natin, halos walang tao sa EDSA, walang tao sa mall. Hindi mo na kailangang sabihing magsarado ng ten dahil seven, iyong iba seven, eight sarado na ang restaurant; iyong capacity halos ten percent lang. So that for myself is already self-regulation.

So I think we are at this stage that we really know how to live with the virus and we must be flexible in all of these things. Sa totoo lang, Usec. Rocky, hindi lang iyon eh. Kung titingnan po natin, kasama na ang polisiya ng gobyerno, we are being flexible here. Dati isolation, ngayon nagkaroon tayo ng home care, hindi ba? Nagbabago, nagsyi-shift – that is living with the virus.

 

USEC. IGNACIO: Opo. Sa inyo raw pong pagbabantay sa ating vaccination sites, masasabi ninyo rin po ba na tuluy-tuloy itong willingness ng ating mga kababayan na magpabakuna kontra COVID-19? At kumusta rin po iyong paghahanda naman ng Metro Manila mayors dito po sa pediatric vaccination sa darating na Biyernes?

MMDA CHAIRMAN ABALOS JR.: Well, yes, handang-handa po tayo rito. At ako ay nagku-congratulate, we have hit more than 105%. Pero muli, I would like to remind everyone: Hindi porke nakadalawang dose na tayo ay fully vaccinated. I would like to remind everyone that the efficacy rate of that vaccine, we need a booster shot. Ako ay nananawagan na magpa-booster shot na po ang ating mga kababayan. Napakaimportante nito! Kaya sinasabi nila, “Chairman, nakaka-105 percent ka na, bakit naman puro bakuna, bakuna pa rin?” Hindi po iyon. Kung gusto nating umepektong maigi po ito, makinig po tayo sa mga eksperto. At sinasabi ng mga eksperto, maganda ang dalawang bakuna pero mas maganda kung talagang may pangatlo tayong booster shot.

So ako po ay nananawagan, kaya naglagay kami sa mga strategic area kamukha ng PITX, in partnership with DOTr. At titingnan pa ho namin iyong ibang mga lugar para talagang mag-booster shots na rin. At of course, iyong pediatric sa ating mga anak, sa ating mga bata.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa ngalan din po ng PTV, Chair, kami po ay nagpapasalamat sa inyo dahil dito po sa PTV ay kami po ay nagkaroon na rin ng booster shot. Salamat po sa inyo, sa ngalan po ng People’s Television.

MMDA CHAIRMAN ABALOS JR.: Salamat po.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong pagpapaunlak sa amin ngayong umaga, MMDA Chairperson Benhur Abalos Jr. Mabuhay po kayo!

MMDA CHAIRMAN ABALOS JR.: Kung Hei Fat Choy! Thank you.

USEC. IGNACIO: Ngayong Alert Level 2 na sa Metro Manila at holiday pa, alamin natin ang sitwasyon sa mga pasyalan at ilang negosyo sa NCR, iyan at ang mga paalala ng mga otoridad sa publiko ihahatid po sa atin ni Mela Lesmoras. Mela:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyong report, Mela Lesmoras.

Hindi na po kakailanganing sumailalim sa facility-based quarantine ang mga fully vaccinated na pasaherong papasok ng Pilipinas. Ito po ay sa ilalim ng Inter-Agency Task Force Resolution Number 159 kung saan nakasaad na tanging negative RT-PCR test result na lamang na kinuha 48 oras bago po ang kanilang departure mula sa pinagmulang bansa ang hihingin sa mga fully vaccinated. Pero kinakailangan naman po silang mag-self-monitor sa kanilang bahay nang pitong araw.

Pero para sa mga hindi bakunado, kakailanganin pa rin ng facility-based quarantine at dapat ay mayroon din na negative RT-PCR test result 48 hours bago ang kanilang departure sa pinagmulang bansa. Isasailalim din sila muli sa panibagong RT-PCR test makalipas ang limang araw na pagdating sa Pilipinas. Hindi sila palalabasin ng quarantine facility hangga’t hindi natatanggap ang negative RT-PCR test result.

Sa mga kasalukuyan naman pong naka-quarantine na batayan ang nakaraang protocol ay maaari nang sundin ang bagong quarantine protocol ng IATF.

Samantala, alamin naman natin ang pahayag ng OCTA Research sa pagsasailalim ng Metro Manila at ilang lugar sa Alert Level 2, kasama natin si Dr. Guido David. Magandang umaga po, Prof.!

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Hi! Good morning, USec.!

USEC. IGNACIO: Professor Guido, bakit sa palagay ninyo ay naghintay muna sana ng at least one to two weeks bago nag-shift ang Metro Manila sa Alert Level 2?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Yes, USec. Rocky, ano. I have to make it clear na we support naman the decision of the national and the local governments to move to Alert Level 2. Iba-iba naman iyong tinitingnan na metrics eh and I think one of the metrics na talagang basehan nila is the healthcare utilization. Bumaba naman, nasa less than 40% na, and this is considered low risk, so, hindi naman threatened iyong hospitals natin which is the reason kung bakit nagkaroon tayo ng lockdowns dati, noong mga nakaraan na taon. So, sa ngayon hindi rin tayo naghigpit nang mas mahigpit sa Alert Level 3.

Ang perspective ko lang, personal opinion ko lang, na baka puwedeng nahintay natin na bumaba nang kaunti pa iyong positivity rate, kasi medyo mataas pa iyong positivity rate, nasa 17% pa, pero bumababa naman. I think in one to two weeks baka nasa less than 10% na rin. So, kumbaga hindi naman kami against sa Alert Level 2, ang perspective ko lang baka puwedeng, you know, makahintay ng isa o dalawang linggo lang.

USEC. IGNACIO: Pero, Professor, dito sa Metro Manila, Alert Level 2, pero sang-ayon po ba kayo… kasi may pito pang probinsya sa bansa kasama na ho — ito po ba iyong Batanes rin, Bulacan, Cavite, Rizal, Biliran, Southern Leyte, at Basilan – okay lang po para sa inyo na ilagay po ito sa Alert Level 2?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Yes, USec., we support that also kasi hindi lang sa Metro Manila iyong pagbaba ng bilang ng kaso, bumababa na rin dito sa mga nasabi mong lugar in particular iyong mga katabi ng Metro Manila like Cavite and Rizal ay pababa na rin iyong bilang ng kaso. Itong mga ibang areas naman na nabanggit ninyo, iyong Southern Leyte at saka iyong Biliran ay mababa rin talaga iyong bilang ng kaso at mababa iyong ADAR nila.

As I mentioned kanina, may mga ibang indicators na tinitingnan iyong national and local government kasama diyan iyong vaccination coverage at ito iyong isang dahilan kung bakit may mga ibang lugar ay nasa Alert Level 4, mas mahigpit, kahit na sabihin ng iba bakit mas mataas ang bilang ng kaso sa isang lugar na ito pero Alert Level 3. Isa sa mga considerations iyong vaccine coverage at saka iyong healthcare capacity ng hospitals.

USEC. IGNACIO: Opo. Professor, sa ngayon ay nasa moderate risk classification ang Metro Manila, kung magpapatuloy pa ang downtrend sa COVID cases dito, kailan po iyong projection ninyo na mabalik sa low risk ang National Capital Region?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: USec. Rocky, iyong projection namin baka within two weeks, it would be earlier, within one to two weeks ay nasa low risk na. So, hinihintay na lang natin basically na bumaba iyong positivity rate na bumaba around less than 10% and iyong ADAR bumaba to less than ten at bumaba pa nang kaunti iyong hospital utilization, I think papasok na tayo sa low risk classification based doon sa metrics na ginagamit namin.

So, medyo aligned din iyong parang opinion ko lang na baka puwedeng naghintay tayo na malagay tayo sa low risk na ilagay sa Alert Level 2 pero, again, we respect the decision of the national and local governments, we support their decision.

Ang kailangan lang naman, USec., ay patuloy na pag-iingat nating lahat. Sumunod tayo sa minimum public health standards kasi kailangan rin naman nating tulungan iyong ekonomiya natin at iyong mga businesses na nalugi. So, ito iyong paraan para makabawi ang ekonomiya pero kailangan dito—hindi naman ibig sabihin puwede na tayong maging pasaway, kailangan pa rin talaga pagsunod sa minimum public health standards.

USEC. IGNACIO: Opo. Professor, sa ngayon, ano na po iyong ating positivity rate at itong ADAR po natin?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Yes, USec. Sa NCR, ay nasa 17% tapos iyong ADAR natin nasa 19.58 so parehong—considered as high. Iyong ADAR natin hinihintay natin bumaba to mga less than ten para masabi nating nasa moderate na ADAR, tapos iyong positivity rate hinihintay nating bumaba less than 10% din.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero tama po ba na posibleng umabot na lang sa 10,000 o mas mababa pa itong madadagdag sa COVID-19 cases sa bansa sa mga susunod na linggo, Professor?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Yes. USec., iyan iyung nakikita natin. Noong mga nakaraan na linggo medyo mahirap ang makita iyong trend kasi marami pang probinsiyang nagkakaroon ng pagdami ng kaso. Ngayon, base doon sa nakikita naming monitoring eh pababa na.

Almost all of Luzon nakikita natin pababa na iyong bilang ng kaso, nag-peak na or pababa na. Kasama doon iyong Baguio City, iyong CALABARZON, nabanggit na nga natin, Central Luzon. Pati Visayas, Cebu City, pababa na rin ang bilang ng kaso; Tacloban, pababa na rin; Iloilo. Sa Mindanao, Davao City, pababa na rin.

So, kakaunti na lang iyong mga regions na may acceleration pa ng cases kasama diyan ang Negros Oriental sa Visayas at saka mostly nasa Mindanao, kasama diyan ang Bukidnon at may mga iba pang regions sa Cotabato.

So, dahil kaunti na lang iyong pataas at karamihan ay pababa na, ang nakikita natin iyong overall numbers natin na kahapon ay I think nasa around 15,000 ay pababa na rin talaga. We’re projecting na — in fact, baka today baka makakita tayo ng mga close to 10,000 na lang. mga 10,000/11,000 and by next week hopefully talagang less than—I mean, mga four digits na lang iyong bilang ng kaso.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito nga iyong susunod na tanong: Kailan daw makikita o magri-reflect naman sa datos iyong epekto naman daw po ng Alert Level 2?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Well, hihintayin natin. Usually, mga one week, USec., makikita na natin iyong effects ng Alert Level 2.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po ang ating kasamahan sa media. Mula po kay Mark Fetalco ng PTV: Mula daw po sa mahigit 2,000 cases, dumoble pa sa mahigit 4,000 cases ang naitala sa NCR kahapon. Ano daw po ang posibleng dahilan nito at paano po ito makakaapekto sa trend sa National Capital Region?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Yes, Usec., madami nga ang medyo naalarma na nakitang tumaas iyong bilang ng kaso sa NCR from 2,000 to 4,000. Most likely ang explanation ay may backlog diyan, ibig sabihin, karamihan diyan ay lumang cases from early parts of January. At bakit sa tingin namin na backlog iyan, kasi iyong positivity rate bumababa pa rin naman, bumaba from 20% to 17%. Iyong reproduction number bumababa at saka iyong healthcare utilization patuloy na bumababa. And aside from that, Usec, na nakita ko rin iyong data ng ibang local government na patuloy ring bumaba iyong bilang ng kaso. So right now, hindi pa kami concerned na may pagtaas ng bilang ng kaso sa NCR. Ang ini-expect ay patuloy na bababa pa ito, pero siyempre hindi natin masasabi with 100% certainty, kaya binabantayan pa natin iyong mga numbers over the next few days kung sakaling pa ulit. Pero I am expecting na pababa na iyan, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit nga po ninyo sa inyong pahayag the worse is over sa most parts ng ating bansa sa pakikipaglaban sa COVID-19. Ibig sabihin po ba nito, nag-peak na malapit na ring mag-peak ang COVID cases sa iba pang lugar, bukod po dito sa Metro Manila?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Yes, Usec., nag-peak na at iyong sa iba ay malapit na rin mag-peak. Ang nakita natin sa South Africa na experience, mabilis lang talaga iyong wave. In fact dito sa Metro Manila, nakaisang buwan pa lang since nagkaroon ng pagtaas ng bilang ng kaso. Eh ngayon nandoon na tayo sa medyo mababa na, 2,000 cases at bumababa pa.

So, ganoon din sa mga iba’t ibang region, medyo late lang nagsimula iyong surge sa ibang regions especially sa Mindanao. Pero most of ano, I would say na Luzon worse is over, sa Visayas, sa worse part is over except siguro sa Negros Oriental pababa na iyong bilang ng kaso. Sa Davao City, I think sa worse is over, ganoon din sa Cagayan De Oro. May mga iba pang regions doon na mataas pa iyong bilang ng kaso, tumataas pa, pero malapit na rin sigurong mag-peak iyan.

Pero having said that, Usec., kahit na worse part is over, kailangan pa rin ng patuloy na pag-iingat kasi nandiyan pa rin iyong virus marami pa rin iyong hawaan, especially sa mga areas na medyo mababa pa iyong vaccine coverage. Kailangan siyempre patuloy na pag-iingat ng mga kababayan natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong muli ni Mark Fetalco ng PTV: Iminungkahi po ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na ibaba sa Alert Level 1 ang NCR pagdating po ng katapusan ng Pebrero.  Sa tingin po ba ng OCTA, handa ang NCR para dito? At ano po iyong mga posibleng risk kung ibababa ang alert level o tatanggalin na po itong alert level system?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Usec., magandang tanong iyan. I think pag-aaralan naman natin talaga iyong mga numero   pagdating ng katapusan ng Pebrero kung handa na sa Alert Level 1, hindi naman natin sinasabing hindi posible. In fact, binabantayan natin iyong mga numbers at mukha namang may possibility na mababa sa alert level, so titingnan natin iyong healthcare utilization, kung iyong positivity rate natin mga 5% na, possible talaga iyan. This is another way of living with the virus, iyong ginagawa natin, tulad ng ginagawa sa ibang mga bansa sa Europe.

In fact, ganoon din iyong ginagawa nila sa Europe, iyong tinatanggal nila iyong alert level mismo, iyong mismong system, wala ng alert. Iyan ay suggestions, pero maganda pag-aralan nating mabuti iyan at tingnan natin kung ano iyong mga risk nito. Hindi ko pa masasagot lahat kasi titingnan pa natin siyempre ano iyong mga possibilities kung tanggalin natin iyong alert level system, ginagawa na iyan sa ibang bansa, sa Europe.

So para rin silang experiment na puwede nating masdan at tingnan natin kung ano ang magiging epekto sa kanila para at least ma-project natin kung ano ang magiging risk din sa atin. Pero siyempre makakapaggawa rin naman tayo ng mga analysis kung ano ang mga risk nito and benefits nito.

USEC. IGNACIO: Opo tanong naman po ni Aiko Miguel ng UNTV: Based daw po on projections of current metrics, possible po ba ang resurgence sa NCR and how many cases po ang nakikita nating mairi-record in the entire Philippines and NCR by mid-February and end of February?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Well, Usec, iyong projection sa mid to late February, iyon nga sa buong Philippines, ang pinu-project natin bababa na to less than 10,000. In fact, by late February, I am expecting baka malapit na sa mga 5,000 cases per day na lang. Nakita naman natin na mabilis bumagsak iyong bilang ng kaso, ganoon sa South Africa pati sa Metro Manila.

So itong mga regions na bumababa na iyong bilang ng kaso, medyo mabilis na rin iyong pagbaba ng bilang ng kaso. Pero iyong resurgence, sa ngayon, Usec, dahil nakita natin na iyong BA.2 Omicron sub-variant nandito na rin, kumalat na rin. So, hindi ako ganoon ka-concern sa resurgence, hindi naman sinasabing hindi tayo mag-iingat. Mag-ingat pa rin tayo, pag nag-ingat tayo, most likely hindi naman tayo magkakaroon ng major resurgence, wala iyan sa projections namin, pero hindi naman nating sinasabing imposible iyan.  Sinasabi lang natin na it’s unlikely na magkaroon ng resurgence, as long as efficacious pa rin iyong mga bakuna natin. Kaya kailangan siyempre patuloy na magpa-booster shots ang mga kababayan natin para tumaas ulit iyong efficacy nila, iyong protection nila against the virus.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: OCTA Research recently issued a statement saying that the actual number of COVID-19 cases in the National Capital Region could 1.8 times higher than the Department of Health reports, yet the alert level was downgraded  from three to two (3 to 2). Are the OCTA pronouncements not considered at all by the government?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Well, Usec, kinu-consider naman ng government iyong mga recommendations namin and we make recommendations as a group. Itong 1.8 times naka-based ito doon sa magandang ginawa ng DOTr na nagku-conduct sila ng random antigen testing sa mga railway passengers. At in fact, itong 1.8 times na sinasabi natin, parang sinasabi natin na less than two times ng reported cases iyong actual number, bumaba na ito. Kasi noong kasagsagan ng surge, we estimated that it could be ten times higher iyong mga na-infect. Pero sa ngayon, ibig sabihin kapag isama natin iyong mga naghu-home test. Iyong mga hindi na nagri-report, iyong mga nagsi-self-medication, parang dinoble lang natin iyong bilang at mababa na ito. This is actually a good multiplier kapag sinasabi nating two times na lang  or less than two times ng reported cases iyong actual numbers compared doon sa nakaraan na numbers na nakita natin.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa pagsama ninyo sa amin ngayon umaga, Dr. Guido David ng OCTA Research. Mabuhay po kayo, Professor.

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Maraming salamat, Usec. Magandang umaga.

USEC. IGNACIO: Samantala, silipin naman natin ang mga huling tala ng COVID-19 sa bansa. As of 4:00 PM kahapon:

  • Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng total COVID cases count na 3,560,202 matapos po itong madagdagan ng 14,546 new cases. Patuloy pong bumababa ang mga nadadagdag na kaso kada araw.
  • Nasa bilang naman na 26,500 ang mga bagong gumaling mula sa virus.
  • Sa kabuuan, umabot na po ito sa 3,315,381 total recoveries.
  • 112 naman po ang nadagdag sa mga nasawi kung saan umabot na sa 54,003 ang total deaths.
  • 190,818 (5.4%) ng kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa ang nananatiling aktibo hanggang ngayon.

Muli naman nating pag-usapan ang tungkol sa pagbabakuna sa mga batang nasa edad lima hanggang labing-isang (5-11) taong gulang. Makakasama po natin ang infectious disease expert at chairperson for vaccination ng Philippine Pediatric Society na si Dr. Timmy Jimenez.   Magandang umaga po, Doc.

DR. GIMENEZ: Magandang umaga po, Usec. Rocky Ignacio.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Timmy, itanong rin po namin sa inyo, bakit po mahalagang mabakunahan ang mga five years old pataas kahit na nauna nang sinabi noong nagsisimula pa lang ang COVID-19 sa bansa na may natural resistance ang mga bata sa coronavirus? Tama po ba ito?

DR. GIMENEZ: Okay, thank you, Usec. Rocky. Puwede pong ipaliwanag ko po iyan. Kasi there is no such thing as natural resistance. All of us are susceptible po to catching the virus, and that’s number one. Pero children do better po than iyong mga adults na tinatamaan po ng COVID, usually po kasi ang mga adults ang may comorbid. So ang reason po kung bakit tayo ay nagbibigay ng bakuna sa mga bata, kasi puwede rin silang maapektuhan po at isa pong layer of protection ang vaccination in general po against the virus.

USEC. IGNACIO: Go ahead, Doc. Pero, Doc may mga naitala na po ba tayong kaso ng reinfection sa ganitong age group?

DR. GIMENEZ: USec. Rocky, that is very hard to answer po ‘no, at para sa inyo po wala pa ho tayong naitatala dito sa mga bata. Kasi po kulang din po yata ang ating datos sa bagay na iyan. Pero maaari naman pong may posibilidad across all age groups po na magkaroon ng re-infections.

So, ang sinasabi po after a period of certain 10 months ‘no puwede pong… may posibilidad, may re-infection kasi po baka po itong re-infection na ito ay due to another strain po. So, iyon po ang basic na kailangan nating malaman po.

USEC. IGNACIO: Opo Doc. Timmy, tinitingnang posibleng side effect ito pong sakit ng ulo, pagkahilo at pananakit ng braso ano po. Ano pong pointers ang dapat malaman ng mga magulang para po sa after care ng isang batang binakunahan at ano po ang normal sa hindi?

DR. GIMENEZ: Ah okay, thank you for that. Alam mo USec. Rocky, ang mainam ay ang mga magulang may karanasan na sa mga effect ng bakuna. I’m not talking about COVID lang, iyong ating ibang mga bakuna na naibigay natin, katulad against measles, against flu. So, usually po iyan mayroon konting pamamaga, konting fever.

So, ang mga magulang po natin mayroon na pong karanasan diyan, so that’s the nice part po. So, ito pong sakit ng ulo, pagkahilo, this are – hindi naman po itong mga grabeng symptoms po na will warrant a trip to the ER po. So iyon usually ang puwede ninyong i-expect dito po sa mga epekto na natalaga natin doon sa roll out naman po na mga COVID vaccines sa mga adolescent. Konti lang naman po ang mga natalagang concerning na effect. Actually po, very ano po, very minor lang po ‘no, iyong usual na pamamaga.

Doon sa sites, ano pong puwede natin gawin? Number one po is to observe, kung may lagnat po maaaring magbigay ng paracetamol ‘no, tapos po magbigay po ng time to rest at saka mag-hydrate po ang mga batang undergoing this, kasi minsan po hindi ba kapag iyong fever that will also cause a little bit of a… let say excess po na fluid.

Kasi siyempre nag-fever ka ‘di ba, so your body will require more fluid. So dapat po hydrated iyong pasyente. So, lahat po ng sinasabi ko ay very supportive ‘no hindi po dapat tayo mangamba kasi naman po lahat po ng mga batang nabigyan they will be experiencing this. So, iyon po ang aking advice sa mga magulang.

USEC. IGNACIO: Opo Doc., siyempre alam naman po natin na may mga magulang pa rin na nag-aalangan lalo’t may mga balita nga po ng adverse effect sa mga bata ang bakuna kahit pa sabihin natin na slim iyong porsiyentong nakakaranas nito, masasabi rin po ba natin the benefits are outweigh the risk kung ganito po kabata ang edad na babakunahan, Dok Timmy?

DR. GIMENEZ: Yes, iyan po ang sagot ko sa inyo. Yes, definitely ‘no, bakuna in general iyan po ang reason kung bakit tayo nagbibigay ng bakuna, to get added protection. So, with this hindi lang po COVID pero other vaccines, you have to remember that benefits will outweigh the risk.

Pero, hindi po sinasabi na hindi natin imu-monitor through years. Wala naman hong nag-claim na any vaccines is a 100% effective or any medicine for that matter will not give you effects, hindi ba? In this case po kasi its a public health concern ‘no, ang COVID-19 po is a public health concern.

So, dapat po ang ating understanding ng sitwasyon nating kinakaharap ngayon is very clear. Now, kung mayroon po kayong mga agam-agam – alam mo USec. Rocky – ang pinaka-maganda po ay kumausap kayo ng isang health professional that you trust no.

Sa amin po iyong mga pasyente namin, iyong mga pediatric patients namin po hindi nag-aatubili na tumawag sa amin or mag-teleconsults rather po na tayo ay mag-rely sa social media. Kasi, minsan po may misinformation. So, take it from the experts po who can give you the right advice.

USEC. IGNACIO: Opo Doc. Timmy, may tanong lang iyong ating kasamahan sa media ano po. Tanong po ni Cedric Castillo, ng GMA News: Kumusta po ang pagtanggap ng  publiko sa 12 to 17 years old vaccination drive; para naman po sa 5 to 11 age bracket inaasahan po ba ang favorable response o may problema pa rin po ang vaccine hesitancy?

DR. GIMENEZ: Ito no USec. Rocky, napakalawak ng iyong tanong. Pero, bibigyan kita ng idea kung gaano ka—or paano tinatanggap at para sa inyo around 6 million adolescents na po iyong 12 to 17 ang nabakunahan, iyong naka-complete ng doses and second po habang tayo po ay nag-uusap no sa amin pong tanggapan may nakatalaga na pong 1,000 na pasyente na nasa 5 to 11 na nag-signal po ng kanilang intention to have their children vaccinated.

So, that’s in itself po give to snap shot po na may mga segment of our society ‘no that are willing to have their children vaccinated. Nagulat din po kami, hindi pa ho natin naru-rollout… within the community pa po namin sa aming institution around a thousand have registered with us already.

USEC. IGNACIO: Opo. Ngayong nag-Alert Level 2 na po tayo at siguradong may ilang magulang iyong ipapasyal uli iyong mga anak nila sa labas. Kung tayo pong matatanda ay puwedeng magsuot ng face mask, ano po ang puwede daw gawin nila for prevention para naman po sa mga bata, Doc. Timmy?

DR. GIMENEZ: Number one USec., kung hindi naman talaga very important ang paglabas we still  have to be cautious kahit na ba, maski na ba sinabing tayo ay Alert Level  2. Now, kung hindi natin maiiwasan ang edad na puwedeng maglagay ng face mask is to two and above, kahit na two years old and above at may kakayanan to either remove or put on their face mask properly.

Kasi kung may ibang condition that would ano, you know, hinder iyong pagtanggal kung hindi sila makahinga. Iyong mga iba kasi mga two years old na ba kaya na nila eh. So, ang aming general rules for two years old and above puwede mag-mask. Anybody less than two mahirapan tayo dahil you know hindi sila… hindi nila kaya na sila ang magtanggal ng kanilang face mask kung hindi makahinga.

So, number two is siguro iyong ating minimum health standards no, iyong social distancing iyong pag-wash ng hands ‘no and siguro ‘no, isa pa sa mga tatawagan ko is mayroon pa din po na mga taong hindi nagpapabakuna, iyong mga adults po.

So, let’s take advantage po of the fact mayroon tayong mga bakuna that are available. So, kung hindi pa kayo nagpapabakuna, kayo kasi naman po ang need lumalabas kaysa sa mga bata ay avail of the free vaccination; so, iyon po ang aking mga recommendations.

USEC. IGNACIO: Opo Doc. Timmy, sa oras na maging successful itong bakunahan sa mga batang edad pataas, sa palagay ninyo po ay dapat na rin mabakunahan ito naman pong batang nasa tatlong taon gulang o mas mababa pa?

DR. GIMENEZ: Siguro USec. Rocky, sa bawat na steps na gagawin natin ay pinag-iisipan natin. So iyan siguro ay kailangan din nating pag-isipan ng mabuti before we embark on the proposed plan. Kasi, dapat po kapag gumagawa tayo ng isang move madami po ang mga steps na kailangan nating i-consider.

Remember it is of public health importance. So, iyang tanong na po iyan, palagay ko po ay wala po akong kasagutan sa ngayon, kailangan muna nating tumingin, okay, sa evidence what is out there and study it and tingnan natin if this would be generally a good move for us to take after the 5 to 11 age group.

USEC. IGNACIO: Opo Doc., ano na lang po muli iyong inyong payo sa mga magulang kung paano nila ultimately maalagaan po ang kanilang mga anak laban sa COVID?

DR. GIMENEZ: Well, number one no, make sure na you yourself, iyong mga lumalabas sa bahay ‘no, nagta-trabaho tayo, iyong iba sa atin frontliners, make sure na bakunado kayo, that’s number one.

Now, kung mayroon sintomas ng COVID within your family or within your household, make sure po na you get quarantined, mag-isolate kung kakailanganin. Kasi, we cannot afford po no to go out there with symptoms at manghawa ng iba kung hindi tayo bakunado.

Well, number 1, make sure na you yourselves, iyong mga lumalabas sa bahay – nagtatrabaho tayo, iyong iba sa atin frontliners – make sure na bakunado kayo, that’s number 1. Now, kung mayroong mga sintomas ng COVID within your family or within your household, make sure po na you get quarantined, mag-isolate kung kakailanganin.

Kasi we cannot afford po to go out there with symptoms at manghawa ng iba kung hindi tayo bakunado, kung hindi tayo nag-o-observe ng mga minimum public health standards ‘no. Puwedeng kayo ang maging cause na manghawa ng iba.

Number 2 po, hindi lang naman po COVID ang nilalabanan ngayon. Usec. Rocky, gusto ko po itong iparating sa mga magulang ‘no, mayroong iba pa din na mga vaccine preventable diseases. Mababa po ang coverage rates ng national immunization coverage rates natin ngayon. Mayroong mga bakuna like measles that are for free in your local government units.

Ang akin pong panawagan: Kung ang mga anak ninyo po ay hindi pa nabibigyan ng mga bakunang ito, makipag-ugnayan sa mga local government centers kasi po there is a massive campaign po for catch up. So, iyong mga sanggol na wala pang mga 5-in-1, wala pang mga MMR, iyan po ay available sa ating mga local government units.

So it’s not all about COVID. Mayroon pong mga linya that you can call sa LGU ninyo para po iyong mga appointments are made to make sure po na hindi magka-crowd and to make sure po na masagot ang inyong mga katanungan.

USEC. IGNACIO: Okay. Doc Timmy, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at impormasyon sa amin ngayong umaga, Infectious Disease Expert Chairman for Vaccination ng Philippine Pediatric Society, Doctor Timmy Gimenez. Mabuhay po kayo, Doc.

DR. GIMENEZ: Maraming Salamat po.

USEC. IGNACIO: Samantala, nasa animnaraan (600) na mga residente at manggagawa naman ang tinulungan ng outreach team ni Senator Bong Go kamakailan, kasama po ang ilang ahensiya ng pamahalaan. Muli ring nagpaalala ang senador sa mga benipisyaryo na magpabakuna bilang proteksiyon sa COVID-19. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Puntahan naman po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service, ihahatid iyan ni Ria Arevalo mula sa PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Ria Arevalo mula sa PBS-Radyo Pilipinas.

Dumako naman tayo sa pinakahuling kaganapan sa Davao Region kung saan nasa higit isang daang (100) barangay ang naitala bilang critical risk barangay sa Davao City. Ang detalye sa report ni Julius Pacot:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Maraming salamat po sa inyong pagtutok ngayong umaga.

Hanggang bukas pong muli, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)