Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas at sa lahat po ng ating mga kababayan saan mang panig ng mundo.

Ngayon po ay February 2nd, araw ng Miyerkules, espesyal po ang magiging talakayan natin ngayong umaga dahil sabay-sabay nating makakausap ang ilan po sa mga leader ng bansa pagdating sa pandemic response ng pamahalaan; pag-uusapan natin ang mga hakbang para mas paigtingin pa ang health care system sa bansa sa pamamagitan po iyan ng pagpapatatag ng Virology and Vaccine Institute dito sa Pilipinas.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio, simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH!

Tiniyak po ni Senator Bong Go ang kaniyang tuluy-tuloy na pagsuporta sa mga biktima ng Marawi Siege noong 2017 lalo na ngayong aprubado na ng Senado ang panukalang kompensasyong sa kanila. Narito an report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, aabot naman sa dalawampu’t isang pamilya ang nasunugan sa Angono at sa Teresa, Rizal ang inabutan ng tulong ng tanggapan ni Senator Bong Go kasama po ang ilang ahensiya ng pamahalaan. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Ang pagkakaroon nang sapat na kaalaman at maayos na teknolohiya ay napakahalaga hindi lang po sa pagsugpo ng COVID-19 kundi maging sa iba pang mga sakit. Kaya naman po nauna nang ipinanawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatayo ng Virology and Vaccine Institute of the Philippines o VIP na tutulong para mapaghandaan ng bansa ang mga posible pang dumating na sakit sa hinaharap.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, makakausap po natin ngayong umaga mula sa National Task Force Against COVID-19 Medical Adviser Dr. Ted Herbosa. Good morning po, Doc Ted.

DR. HERBOSA: Good morning Usec. Rocky and good morning sa mga nagsusubaybay dito sa Laging Handa.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted, kahapon nga po, February 1st ay sinimulan na po ang pagbaba sa Alert Level 2 sa Metro Manila, sa Cavite, Bulacan, Rizal, Batanes, Biliran, Southern Leyte at sa Basilan. So paano po natin masisiguro, Doc Ted, magtutuluy-tuloy na iyong magandang development na ito sa buong bansa?

DR. HERBOSA: Well iyong ating numbers kahapon ay below 10,000 ‘no, for the first time bumaba tayo to 9,000 plus cases—new cases of COVID-19. Hopefully tuluy-tuloy ang pagbaba basta sumusunod iyong ating mga mamamayan sa mga pagsuot ng mask, pagpapabakuna at pag-iwas sa matataong lugar.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted, marami nang bansa ngayon ang gumagawa ng sariling bakuna para sa COVID-19. Pero dito sa Pilipinas, ngayon pa lang po tayo magsisimulang magtayo at gumawa ng sarili natin pagawaan ng bakuna. Hindi po ba naman ito maituturing na nahuli tayo o nahuhuli sa mundo pagdating po sa vaccine development?

DR. HERBOSA: Tama po iyan. Actually we had a vaccine development even in the past ‘no. Noong dati mayroon tayo diyan sa area ng Fil-Invest where RITM is, mayroon tayong—gumagawa tayong mga bakuna sa tetanus, sa iba pang vaccines… anti-venom. Ang problema noong binenta iyon sa private sector, hindi tayo nagtayo ng ating sariling vaccine institute at nakita natin iyong hirap nitong panahon ng pandemya. During the pandemic itself, nahirapan tayong mag-source ng vaccines because the vaccines na pinu-produce noong ibang countries ay ginagamit din nila so hindi pa nila maibenta at ma-export sa atin so medyo naantala iyong vaccine program natin.

So talagang nakita natin na part of national security ang mayroon tayong sariling virology institute at vaccine manufacturing. Iyong mga ibang bansa, paligid natin nakapagbili sila ng bulk of the contents of the vaccine tapos may fill-and-finish facility sila – sa Indonesia nagawa nila ‘to for Sinovac, sa Thailand mayroon sila for AstraZeneca, ang Vietnam mayroon din silang sariling research ng sarili nilang vaccines. So medyo nahuli tayo dito at nakita natin iyong difficulties and I’m very happy the President is really prioritizing ang pag-develop ng Virology and Vaccine Institute of the Philippines kasi ito ‘yung ating protection and institutionalization of the science behind fighting epidemics and pandemics of the future.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted, makakasama rin po natin si Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang Tagapagsalita po ng Department of Health. Kayo po, Usec., ngayon pa lang po tayo magsisimulang magtayo at gumawa ng sarili nating bakuna o pagawaan ng bakuna. Para sa inyo, hindi po ba ito maituturing na talagang—nahuli daw tayo sa mundo pagdating sa vaccine development, Usec.?

DOH USEC. VERGEIRE: [Off mic]

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., naka-mute po kayo… Okay, babalikan po natin si Usec. Vergeire.

Doc Ted, bakit po sa tingin ninyo magandang kasama sa proseso itong conceptualization ng research and development sa bansa lalo na sa larangan ng vaccine and virology research ng ating mga mambabatas?

DR. HERBOSA: Nakita namin ‘yang experience namin sa National Task Force noong na-create iyong tinatawag na Inter-Agency Task Force at iyong National Action Plan, naghahanap tayo ng mga experts ‘di ba – ng infectious disease experts, epidemiology experts. Whereas, kung mayroon ka ng Virology Institute, nandudoon na iyong mga eksperto at ganoon din iyong mga datos at mga laboratoryo.

Pati testing nahirapan tayo dahil noong una, sa umpisa nitong pandemya, pinapadala pa natin all the way to Australia, at napakatagal nung turnaround time; so nahuli talaga tayo. Whereas, kung mayroon tayong Virology Institute, nandudoon na iyong kapabilidad para makapag-test ng bagong emerging infectious diseases.

So very important talaga na ma-institutionalize ang pagtayo ng isang virology center dahil iyong manpower, iyong mga scientists, iyong mga virologists na gagawing experts diyan ay makakatulong hindi lang sa human diseases, pati sa plant and animal diseases magagamit din iyan, sapagka’t sa ibang bansa, ganoon din ang … same center na nagpu-produce ng mga vaccine sa hayop at iyong epidemya sa mga halaman.

So very important talaga magkaroon ng Virology Institute, and of course, iyong vaccine production para sa ating …not only sa veterinary but pati sa humans na para sa mga epidemic na nangyayari.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok Ted, may tanong lang si Jena Balaoro ng GMA News: Pinag-aaralan na rin ba ng IATF-NTF iyong possibility na ibaba sa Alert Level 1 ang NCR by mid-February kung patuloy na bababa raw po iyong mga kaso?

DR. HERBOSA: Alam ko sa NCR, maingat ang ating mga local chief executives, iyong mga mayors. They really want to do it very slowly, kahit noong nakaraang mga taon ‘di ba. I believe iyong caution is better ‘no, mag-ingat kaysa mabilisang alisin ang mga restrictions at tayo rin ang mamumroblema kasi itataas uli natin iyong restrictions kapag nagkaroon ng pagbulusok ng mga kaso.

So ako, to me, mas maganda iyong mabagal nang kaunti, unti-unting alisin nang isa-isa iyong mga restrictions para hindi tayo masyadong mapahamak at umatras na naman.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok Ted, kunin ko lang po iyong reaksiyon ninyo, ano po, dahil alam kong nagsisikap po ang ating pamahalaan talaga labanan itong COVID-19. Mayroon lang pong tanong dito si Ivan Mayrina ng GMA News, kunin ko na rin po iyong reaksiyon ninyo – sana po ito’y sa DOH – iyon daw pong US CDC travel warning to almost 130 countries including the Philippines for high rates of COVID infection, nag-issue po yata sila ng advisory. Ano po ang reaksiyon ng NTF dito?

DR. HERBOSA: Yes, Rocky. Mukhang talaga ang basehan nila ay [garbled] a day for several days, baka iyon pa ang nakita nilang datos. Hindi nila alam kahapon ay 9,000 cases na lang at nagbaba na tayo ng ating alert level and risk classification sa National Capital Region. I’m sure maku-correct nila iyan as soon as the new data ay maging available sa kanila. So I’m sure ang binasehan nila diyan ay lumang datos natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Dok Ted; babalikan din po namin kayo maya-maya. Magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH!

[COMMERCIAL BREAK]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Samantala, makakasama na po natin sa kabilang linya ang Kalihim po ng Department of Science and Technology Secretary Fortunato dela Peña, kasama rin po natin sina Dr. Ted Herbosa at Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Good morning po uli sa inyong lahat.

Para po kay Secretary dela Pena: Secretary, ano po ang magiging main function ng Virology and Vaccine Institute at bakit mahalaga po na magkaroon tayo ng sariling vaccine institute dito sa Pilipinas?

DOST SEC. DE LA PEÑA: [Garbled] pagkapanganak pa lang ng bata ay kailangan na at napakaraming [garbled].

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, babalikan po namin kayo ‘no, aayusin lang po namin ang linya ng komunikasyon sa inyo.

Undersecretary Vergeire, ano raw po ang magiging role ng DOH sa oras po na maitayo na itong VIP sa Pilipinas?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky. Magandang tanghali po sa inyong lahat. Magandang tanghali, Usec. Rocky!

Ang Virology Institute of the Philippines magiging complementary po ito sa ginagawa ng Kagawaran ng Kalusugan with regard to disease prevention and control at saka surveillance. So ang Virology Institute of the Philippines, sila po ay magpu-focus talaga sa pag-aaral ng mga viruses, sa pag-aaral po na makagawa tayo ng mga bakuna.

At the same time ang DOH naman po dito po sa ating mandato, we’ll be complementing, because we will be the ones to effect kung ano po iyong mga kanilang mapapag-aralan atin pong isasa-polisiya at ipatutupad sa ating mga local governments.

And in terms of vaccine, of course, we will be completely supporting this Vaccine Institute of the Philippines (VIP) also together with our attached agency, the Food and Drug Administration.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, USec. Vergeire, sa palagay ninyo ay nahuli daw po ang Pilipinas dito sa paggawa ng sariling bakuna dito sa mundo?

DOH USEC. VERGEIRE: Sa tingin ko po, in terms of the other diseases, mayroon naman ho tayong pinag-umpisahan. Actually, noong 1950s pa ho mayroon na ho tayong biological manufacturing plant pagkatapos noong year 2000, nailipat po itong function na ito sa Research Institute of Tropical Medicine (RITM) kung saan nakakagawa na po tayo ng sarili nating bakuna on BCG at saka iyong anti-venom natin. Nagkaroon lang po ng kaunting issues on resources kaya po hindi na nagtuluy-tuloy after so many years.

Pero ngayon nga po, katulad ng atin pong pinag-uusapan, gusto na ho ng ating gobyerno, pangunahin sa ating Presidente, na magkaroon tayo ng sarili natin para tayo rin po ay makapag-produce on our own, we don’t need to spend too much resources because we can already produce our own.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, USec., sa palagay ninyo ay may kakayahan daw po ba ang Pilipinas na makipagsabayan sa ibang bansa pagdating po sa galing ng paggawa ng mga bakuna?

DOH USEC. VERGEIRE: USec. Rocky, ang dami nating magpagaling na scientists sa Pilipinas. We also have our University of the Philippines National Institute of Health kung saan ang dami-dami pong eksperto diyan.

At pangunahin po diyan ang Department of Science and Technology, nakapag-develop na po sila ng ang daming scientists na mayroon nga ho tayo ng ‘Balik-Scientist’ na mga programa kung saan napag-aaral po natin sa iba’t-ibang bahagi ng globe ang ating mga kababayan para kapag bumalik dito, matutulungan po tayo.

So, sa tingin po namin, kayang-kaya po ng ating bansa, kayang-kaya po ng ating mga scientists dito po sa Pilipinas ito pong paggawa nitong mga sinasabing vaccines. And also not that but also studying ito pong mga iba’t-ibang organismo na nagku-cause ng mga sakit dito sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., itong planong ito, itong programang ito ay isang napakagandang balita ano para po sa ating mga kababayan pero, USec., ano naman po daw ang posibleng maging impact ng VIP dito sa pharmaceutical industry sa bansa natin?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, unang-una, matutulungan po natin ang local manufacturing po natin dahil magkakaroon na po tayo ng pag-aaral, magkakaroon na tayo ng institute for this type of technologies.

So, ibig sabihin po, matutulungan natin ang ating mga local producers at the same time even iyon pong atin pong mga nakakatrabaho na international na pharma, they will also benefit from this as long as they help with government.

So, mas magiging competitive po ang market natin, mas magkakaroon po ng tsansa ng access ang ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero naniniwala din po ba kayo, USec., na mas magiging kampante o mas tiwala itong ating mga kababayang Pilipino kung ang Pilipinas po talaga na iyong—dito na gagawa ng sariling bakuna?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, yes ‘no, kasi hindi naman ho tayo papahuli dahil iyong mga standards po na gagamitin natin dito po sa ating mga gagawin, dito sa ating pag-produce ng vaccines, would be international standards as well. Kung ano man po ang ginagawa sa ibang bansa, magagawa rin po natin dito, based on international standards, based on research to be done; pag-aaralang maigi; may mga eksperto po tayong gagamitin at kung ano po iyong mga kinakailangan na mga equipments na highly technical ay magkakaroon din tayo sa ating bansa so that we can be able to be at par with other countries as well.

USEC. IGNACIO: USec. Vergeire, babalikan ko lang po si Secretary Dela Peña. Secretary Dela Peña, magandang umaga pong muli!

DOST SEC. DE LA PEÑA: Magandang umaga din!

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ano daw po iyong magiging main function ng Virology and Vaccine Institute at bakit po mahalaga na magkaroon tayo ng sariling vaccine institute dito sa Pilipinas?

DOST SEC. DE LA PEÑA: [garbled] napakalaki na ng ating populasyon ano, isandaan at sampung milyon, Pangalawa ay maraming bakuna ang kailangan natin hindi lang para dito sa COVID-19 vaccine ang ating inisip.

At kahit nandito sa COVID-19, kahit na ito ay from a pandemic to an endemic category ay kakailanganin pa din natin ng bakuna para [garbled] bakuna natin sa flu na inuulit-ulit.

Ang ating gagawin dito sa Virology and Vaccine Institute, unang-una, ito ang mangunguna sa research on virology at saka sila iyong maggagawa ng [garbled] para makatuklas ng mga diagnostic devices [garbled]

At [garbled] tinatawag na [garbled] approach ay titingnan nito ang iba’t-ibang viruses regardless of their origin. Alalahanin natin ang virus ay umaatake sa halaman, sa hayop at sa mga tao. At may mga pagkakataon na ito ay lumilipat mula sa hayop sa tao [garbled]

At siyempre, kailangan din natin ng mga serbisyo na technical services at saka iyong tinatawag nating technology transfer activities kaya itong mga laboratory na aming ipinu-propose at technical services facilities, pati na rin iyong training ay ilalagay natin doon sa Virology and Vaccine Institute both for human, plants and animal virology.

Kaya gustuhin natin na—sabi ko nga iyong industriya ng parmasyutika ay maaapektuhan nito, gustong-gusto natin na kung ano man ang made-develop nating mga produkto sa ating institute ay mailipat natin sa private sector para nang sa ganoon ito ay maging bahagi ng industriya ng parmasyutika.

So, [garbled] surveillance function ang Virology and Vaccine Institute, ito naman ay makikipag-coordinate na sa ating ipinu-propose na Center for Disease Control at gayundin naman sa Bureau of Animal Industry kung animal ang pag-uusapan at sa Bureau of Plant Industry para sa datos ng mga halaman.

USEC. IGNACIO: Secretary, puwede po ba nating sabihin na hindi naman po tayo nahuhuli sa mundo sa paggawa po ng sarili nating bakuna?

DOST SEC. DE LA PEÑA: Kung kikilos po tayo ngayon ay hindi tayo masyadong mahuhuli pero alam mo hindi naman mangyayari iyan sa isang iglap ano kaya kailangan nating itayo iyong facility natin, [garbled] iyong ating mga eksperto at magsimula na ng mga research.

Kaya kami kahit hindi pa itinatayo at wala pa iyong batas ay nagsimula na kami ng paggawa ng mga research [garbled] ahensya na makatutulong para dito. Mayroon tayo ngayong inumpisahan na walong research projects at ito ay tungkol sa pagdiskubre ng mga diagnose kits, mga biosensor, iyong bakuna at saka iyon ding mga gamot.

So, doon sa walong nabanggit kong proyekto na iyan, isa diyan ay sa diagnostic, tatlo ay sa bakuna at ang isa ay [garbled] [garbled] sampu iyon. Ito ay [garbled] na parehong [garbled] ang bakuna. So, ongoing lahat ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Dela Peña, uulitin ko lang po. Sa kasalukuyan, ano na po itong mga proyekto ng DOST para sa vaccine development at gaano daw po kalaking pondo ang nailaan dito ngayong 2021 at ito ngayong 2022?

DOST SEC. DE LA PEÑA: Noong 2021, sa kabutihang palad ay nag[garbled] ang DBM [garbled] para diyan sa research sa ating [garbled] vaccine. At noong 2022 ay [garbled] malaking [garbled]. Sa pagkakaalam ito ay aabot sa almost 800 million ano. At ang mga research na iyan ay nag-i-include ng mga sumusunod:

  • Mayroon tayong R&D na aaralin ang mga virus sa mga hayop whether [garbled] kasi nga ang ating pagkakaalam ay may mga virus na lumilipat mula sa animals papunta sa mga tao. Kaya ito ay makatutulong sa diagnostics at vaccine development.
  • Mayroon din tayong proyekto na inaaral, iyong kombinasyon ng mga plant extracts at saka iyong tinatawag na mga harmless viruses para naman ito makadiskubre ng mga gamot for multi-drug resistant bacteria.
  • Mayroon din tayong research na umaasa sa kaalaman sa properties ng tinatawag na bacteriophage. Iyong mga bacteriophage ay mga virus na [garbled] bacteria kaya kapag naaral [garbled] bacteriophage na ito, puwede rin tayo maka-develop ng mga low-cost, effective at quick-acting biosensors.
  • Mayroon din tayong isang proyekto na ito naman ang tinatawag nating [garbled] of a non-infective [garbled] virus as [garbled] reference for diagnostics and vaccine development. Ito ay para doon sa doon sa virus na [garbled] Kaya importante ding [garbled] development for [garbled] ito iyong hatid sa tao.
  • Mayroon tayong proyekto naman para naman sa African Swine Fever, ito ay iyong development sa RT-PCR test para sa African Swine Fever at ito, ang kaibahan nito ating dine-develop na ito. Ito ay maaring gamitin doon sa tinatawag na [garbled], kahit na iyong may-ari ng babuyan ay puwede silang mag-test na sa kanilang mga piggery kung may African swine iyong kanilang mga alaga.
  • Mayroon din tayong proyekto na nagdi-develop rin tayo ng test kit, ito naman ay para sa halaman ano, kasi ang ating kamatis ay inaatake din ng virus natin na tinatawag nilang Philippine Tomato Yellow Leaf Curl virus. Alam mo mahalaga na iyan ay maka-develop ng test kit ng sa ganoon ay bumaba ang loses natin due to the attack of the virus.
  • Mayroon din tayong isang proyekto naman na ang inaaral ay iyong mga antigenic potentials, peptides na may potential maging candidate for COVID-19 vaccines. Ito ay naka-sentro sa pagiging antigenic pet site na makikita sa SARS COV-2 virus.
  • Mayroon pang peptides na makikita doon sa starts, mayroon kang makikita sa membrane, mayroon kang virus na peptides na makikita sa envelop at mayroon kang peptides na makikita doon sa tinatawag na [unclear] ito ay sa mga front page ng SARS COV-2 at ito ay puwedeng maging [garbled] ng vaccines, a new kind of vaccine for SARS COV-2.
  • At huling-huli ay isang COVID-19 test kit pa rin ito naman ay iyong gumagamit ng enzyme immunoassay technology. So, ongoing na siya ngayon at mayroon tayong ginagawa sa DOST, sa Industrial Technology Development, mayroon ginagawa sa RITM, at mayroon ginagawa sa St. Luke’s.

So, sa lahat ng ito ay tumutulong ang ating mga balik scientist, mayroon na tayong pitong balik scientist na tumutulong sa ating virology and vaccines development research. So, [garbled] sabi ni USec. Vergeire, hindi tayo pakitang-tao, ang dami nating pinapaaral at sila naman ay nakahanda rin maglingkod.

Katunayan ang lahat ng pinaaral namin sa MD to PhD scholars ay aktibong aktibo sa [garbled] sa Philippine Genome Center, National Institute for Health at ang DOST. Kaya malaki ang naitulong ng ating scholarship program at kailangan dito talaga ay ma-develop ang industriya ng health na gagamit sa kanila.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary balikan ko lang si USec. Vergeire ano po. USec. Sa kasalukuyan po lahat ng bakuna sa national immunization program ng DOH ay imported. Maihahabol po kaya natin itong locally manufactured COVID-19 vaccines sa oras na maitayo ang VIP?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, pangunahin po iyan na objectives USec. Rocky. Kung matatandaan po natin ang dami po nating bakuna na kailangan maibigay po natin sa ating mga kabataan dito sa Pilipinas.

So, katulad po ng sinasabi ni Secretary Boy Dela Peña kanina, marami po iyong populasyon natin na nangangailangan ng mga bakuna. Ang pangunahin na po na magiging benepisyo sa ating mga mamamayan kung tayo ay magkakaroon nitong Vaccine Institute of the Philippines, so that we able to produce our locally manufactured vaccines also for our children which is part of the National Immunization Program.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you USec. Vergeire, babalikan ko po kayo maya-maya lamang. Samantala, makakasama na rin po natin si Presidential Legislative Assistant Under Secretary Orville Ballitoc, magandang umaga po USec. USec.

Okay, naririnig na ninyo kami USec.? Okay, babalikan po natin si USec. Ballitoc. Puntahan ko po muna si Secretary Dela Pena.

Secretary Dela Pena, ano daw po ang nakikita ninyong magiging impact sa pharmaceutical Industry dito po sa ating vaccine development? Opo, nawala din si Secretary Dela Peña. Babalikan ko rin kayo maya-maya lamang. Balikan na po natin si Presidential Legislative Under Secretary Orville Ballitoc, magandang umaga po USec.

PLLO USEC. BALLITOC: Magandang umaga rin po USec. Rocky at sa inyong mga tagapakinig, magandang umaga rin kay Secretary Dela Peña, at kay USec. Vergeire at kay Doc. Ted.

USEC. IGNACIO: USec., may panukalang batas na po tungkol dito sa VIP itong nakasalang at pumasa sa Kamara noong nakaraang taon. Ano na po iyong update dito USec.?

PLLO USEC. BALLITOC: Sa ngalan po ng aming Kalihim na si Secretary Luzverfeda Baby Pascual, ay we are happy to let everyone know na itong proposed Vaccine Institute of the Philippines kasama po ang kaniyang twin bill iyong CDC or iyong Center for Disease Control ay nasa top priority po ng Duterte administration.

Sa katunayan, noong 2020 at 2021 na State of the Nation Address ng ating mahal na Presidente Duterte, kaniya pong isinulong sa Kongreso na i-prioritize nila ang pag-establish ng isang Vaccine Institute of the Philippines at Center for Disease Control.

Iyong LEDAC naman po, iyong Legislative Executive Development Advisory Council ay ginawa rin pong priority itong dalawang panukalang batas na ito and ikinagagalak po namin ipabatid na iyong ating congressman at senators heed the call of the President at noong July 28, 2021 iyon pong dalawang panukalang batas – iyon pong VIP at iyong CDC – ay nakapasa na po sa 3rd reading sa Kongreso.

And we are also happy to inform everyone na doon po sa Senado ngayong araw ang CDC or iyong Center for Disease Control ay iisponsoran na po ng committee ni Senator Pia Cayetano. Ang ating mga senators especially si Senator Bong Go, nagsulong ng panukalang batas na ito ay talagang binantayan para ito ay pagtuunan ng pansin ng Kongreso at ng Senado.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., magagandang proyekto nga po itong VIP ano po? Kung sa kasalukuyan ay may pondong inilaan na dito, bakit daw po kailangan pang hintayin na maisabatas iyong dalawang proyekto?

PLLO USEC. BALLITOC: Well, as you may know ano, ang Presidente po ay executive siya, hindi siya puwedeng magsulong lang ng wala sa batas because ang pag-create ng isang department or institute is by law.

Kung matatandaan ninyo just recently ay pinirmahan ng ating mahal na Presidente iyong Department of Migrant Workers na ginawa naman po ng Kongreso. So, dito po sa sitwasyon na ito iyong creation ng isang Vaccine Institute of the Philippines ay nangangailangan din ng isang enabling law na… it’s only being delegated by Congress ‘no.

So ano ba iyong enabling law? Itong enabling law na ito, ito iyong legislation na nagku-confer ng powers, entity. Samakatuwid, in this context po kailangan ng enabling law para mag-establish ng power and responsibilities of a government agency.

In this case, iyong VIP saka iyong CDC, hindi po siya simpleng reorganization lamang ng gobyerno na puwedeng gawan mo lang ng Executive Order. So, kailangan isang Republic Act na ide-delegate ng Congress para gumawa ng isang bagong departamento na i-implementa naman ng ating Presidente.

As you may know and nabanggit ninyo po kanina itong VIP at CDC ay mayroon na pong nakalaan na pondo sa ating budget ng 2021 at 2022 GAA, hinihintay lang po na maisabatas ito para ma-implement ng maayos.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., dito sa nalalapit pong pagbabago ng administrasyon. Papaano po kaya masisiguro na magkakaroon ng continuity ito pong mga programang ito?

PLLO USEC. BALLITOC: ‘Yun nga po, kaya talagang ang Malacañang is really bent on having this passed on third reading, maisabatas ito within the 18th Congress. Ang 18th Congress po ay matatapos hanggang June… I think it will June…first week, June 3, if I’m not mistaken. So, it will be May 23 to—dalawang weeks na lang po ang maiiwan ano. And ang Senado at Kongreso, they have only until tomorrow to have a… itong kanilang regular session before they go on a break.

But, nagkaroon po ng breakthrough, naisponsoran na itong… itong CDC na ito and I’m aware, I was told—we were told that magkakaroon po ng certificate of urgency para sa batas na ito. ‘Yung VIP po ay kailangan, ‘yung Vaccine Institute of the Philippines ay kailangan po talaga ng cooperation ng lahat para sana maihabol ito before the President steps down.

USEC. IGNACIO: Opo, Usec., bakit sa tingin ninyo ay magandang kasama sa proseso ito pong conceptualization ng research and development sa bansa lalo na sa larangan ng vaccine and virology research ito pong ating mga mambabatas?

PLLO USEC. BALLITOC: Well, as you know ‘no. Ang ating bansa o ang ating gobyerno ay isang presidential system of government na may tatlong branches and it’s characterized as separation of powers and checks and balances. So, ang executive, hindi makakapag-mend ng…ng batas ‘no, kung walang ginawa ang legislative department. So, it’s really the function of the legislators – our senators and congressman – na magpanday ng isang batas and—walang kuwan eh…it is really part of their job to become kumbaga “experts.”

That is why mayroong [garbled] committees and special committees doon sa Kongreso na kung saan ‘yung mga congressman at senators na deemed experts or marunong sa mga subject matters ng committees, sila ang mga naitatalaga, and for instance sa VIP at CDC sa Congress, it’s Congresswoman Helen Tan, na kung saan siya’y isang medical doctor.

But anyway, sa legislative process naman ay hihimay-himayin ‘yan. ‘Yung—sa 1st reading pa lang, pag-draft pa lang ng bill, mayroon nang gagawa para sa mga congressman ‘yan, mga technical people sa Congress. But, itong mga sponsors na ito nilang pag-aralan nang mabuti, that’s why they will conduct technical working groups at committee hearings, public hearings, na kung saan they will invite experts on the field.

So, in this case, nag-invite sila ng mga doctors, ng mga virologists, para magbuo sila, titingnan na maganda, at karapat-dapat at akma ‘yung batas na gagawin. So it’s not really necessary na expert yung congressman or senator. Itong mga panel of experts na I-invite nila sa kanilang mga TWGs, committee hearings, yan sila ang magbubuo kung anong akmang batas.

Then it will go through the process, ‘yung magkakaroon ng amendments kung ano man ang gusto ng mga experts na ito na ilalagay doon sa batas, it will… maisasakatuparan. So, until po ‘yung legislative mill, from the committee pupunta ‘yan sa plenaryo, maiisponsoran, and all other senators or congressman will input kung ano ‘yung mga gusto nilang ilagay doon sa batas.

It will go through debates, amendments, 2nd reading, 3rd reading, and ‘yun po. After ng 3rd reading sa Senate, since we’re are a bicameral government, kailangan i-harmonize mo ‘yung version ng House of Representatives at saka Senate.

USEC. IGNACIO: Opo.

PLLO USEC. BALLITOC: At kung na-harmonize na ‘yan, they will ratify it, then at saka magiging enrolled bill siya, kami naman po sa PLLO ang mag-aayos ng transmittal kay Presidente. So ganoon po ‘yung law-making process natin ‘no, so the president, after 30 days, within 30 days, shall approve it into law, or veto it, or have it lapse into law.

USEC. IGNACIO: Opo, Usec., thank you ano, babalikan ko lang ulit si Secretary Dela Peña. Secretary Dela Peña, sa pagtatayo po ng VIP malaking pera po ang kakailanganin sa vaccine research and development. Paano po masisigurado ng DOST na may kaukulang kakayahan tayo dito, Secretary Dela Peña?

DOST SEC. DE LA PEÑA: Kung ang kakayahan sa pera ang pag-uusapan, siyempre umaasa tayo sa allocation from the national government ano, katunayan nitong 2021 at 2022, para doon sa facilities na itatayo, ay nagbigay na ng 50 million ang DBM sa DPWH para doon sa detailed design, at ngayon naman pong 2022 ay may inilaan na ang DBM din for DPWH Region 3 na magkaroon ng 150 million para doon sa unang phase ng pagtatayo ‘nung Virology and Vaccine Institute sa Green Area…diyan sa Green Zone sa Clark, sa Clark.

Ngayon ‘yung para sa ating Research and Development, nabanggit ko nga kanina noong 2021 pa lang, nag-allocate na ang DBM ng close to 300 million for the R and D. Ito ‘yung umpisa namin ngayon doon sa binanggit ko kaninang walong proyekto at for 2022 ay mayroon uling allocation, higit na malaking halaga para diyan, at siyempre pagka naumpisahan na ‘yan, ay sisiguraduhin natin na mabigyan ng prayoridad dahil ito naman ay napakataas ng benepisyo na maidudulot versus the cost that we will invest.

Kung sa kakayahan naman sa tao, ang masasabi ko, tayo ay nakahanda at ika nga eh excited na ‘yung ating mga pinaaral ng hanggang sa pinakamataas na antas hindi lamang dito kundi pati sa ibang bansa para maglingkod dito sa Virology and Vaccine Institute, pati ‘yung ating mga balik-Scientist ay tumutulong, mayroon na tayo ngayong pito at marami pang gustong tumulong para dito. So, kami naman sa DOST, ay pinalakas namin yung…pinapalakas namin ‘yung aming pharmaceutical center na siya ring tutulong dito sa Virology and Vaccine Institute.

Lilinawin ko lang na hindi naman lahat ng research ay dito gagawin, kasi marami naman tayong research agencies din whether in the other government departments or in the universities na sabi nga kanina ni Usec Vergeire, naandiyan ‘yung National Institute of Health at ‘yung iba pang mga ahensya na nakatutok dito sa health and research development.

Ang collaboration ng DOST, ng DOH, ng National Institute of Health ng UP, pati ang CHED ay nagsimula noong pang itayo ang ating batas para sa National Unified Health Research Agenda.

USEC. IGNACIO: Ah, Secretary, pagdating naman po daw sa ekonomiya, magkakaroon po ba daw ng malaking epekto o may magiging kontribusyon itong VIP sa pagpapaganda ng ating ekonomiya?

DOST SEC. DE LA PEÑA: Eh, kung ako tatanungin mo, oo, kasi itong area na ito kaya kami sa DOST ay nag-i-invest ng malaking pera para sa “Tuklas Lunas” program. Of course, kung sa Tuklas Lunas hindi naman talaga mga bakuna ang aming talagang binibigyan ng emphasis kundi ‘yung mga gamot lalo na ‘yung nakukuha natin sa natural resources natin, tulad ng mga halaman, pati ‘yung mga marine life ano, pati ‘yung mga sediments under the sea na makikitaan ng antibiotics. Alam mo napakalaki ng potential, at ngayon pa lang ay excited na ako na ito’y mai-translate into actual products.

Siyempre, hindi naman kami ang magku-commercialize niyan, kailangan mayroon private sector na magpi-pick up ng atin mga resulta ng R and D. Kailangan lang siguro ay magkaroon ng magandang ika-nga, environment or ecosystem para sa investment. Hindi lamang investments ng ating sariling mga kababayan, pati multi-national investments din, of course, under certain conditions, but we really have to put in more investments in the pharmaceutical industry.

Nagpaaral tayo nang maraming doktor pero kakaunti ‘yung mga talagang nag-aral na para maging researchers in the area of pharmaceutical development at ‘yan ay kinilala na namin at kaya isinama na namin sa scholarship program namin ang lahat ng may kinalaman sa pharmacy.

USEC. IGNACIO: Opo, Secretary, kunin ko na lamang po ‘yung inyong mensahe tungkol dito sa planong pagtatayo ng VIP dito sa Pilipinas. Go ahead, Secretary de la Peña.

DOST SEC. DE LA PEÑA: Salamat, Usec. Rocky. At aming kinikilala – ang DOH, ang DOST at ang iba pang mga ahensiya na kailangang-kailangan natin na magkaroon ng ‘ika nga eh self-sufficiency sa bakuna ano. Tayo ay nagsimula dito noong araw pa, dapat na nating i-revive at ituloy ano.

Binanggit kanina ni Usec. Vergeire, as early as 1950 gumagawa na ng bakuna sa BCG pati ‘yung mga serum na ginagamit sa mga bakuna para sa anti-rabies halimbawa, natigil lang ano. At ako nga ay nakakita ng litrato na 1939 pa nag-donate na tayo sa China ng bakuna. Sabi ko, kailangan nating buhayin ito at palakasin dahil hindi naman tayo puwedeng mahuli, may kakayahan tayo basta mayroon tayong determinasyon.

Kaya importanteng-importante po na itong dalawang batas na nakasalang ngayon sa Kongreso – ang Center for Disease Control at ang Virology and Vaccine Institute of the Philippines – ay maisabatas at nang ito ay ma-implement na. Maraming salamat.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga, Secretary Fortunato de la Peña. Mabuhay po kayo!

DOST SEC. DE LA PEÑA: Salamat, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Samantala balikan po natin sina Usec. Vergeire at si Usec. Ballitoc. Sa puntong ito, puntahan po natin ang tanong mula sa mga kasamahan natin sa media. Una pong tanong mula kay Red Mendoza ng Manila Times para po kay Usec. Vergeire: Sa tingin po ba ng DOH, ang paglipat sa Alert Level 2 ay daan patungo sa pagiging endemic ng COVID kahit na may malaki pang debate sa kung paano dapat ituring ito lalo na sa pagiging airborne daw po nito?

DOH USEC. VERGEIRE: [Off mic] natin ngayon na ginagawa with policy shift. Ito po ‘yung sinasabi natin na kailangan dumating tayo doon sa point that we can be able to live with the virus, makita natin na ang focus ng atin pong response would be for severe and those dying, iyon pong ating mga ospital kailangan nakikita po natin at nai-improve na dumami ang mga kama.

So having said that, we do not—to engage ourselves with this ‘endemic’ na term pa rin ano. Pero iyan na rin po ang ating direksiyon sa ngayon, makita po natin that all of us can live with the virus but let us try to see first ‘no kasi itong endemicity marami pong components ‘yan – kailangan makita natin sustained talaga, iyong naku-control na iyong numero ng mga kaso, nakikita natin na marami nang bakunado, nakikita natin iyon pong mga nagkakasakit na mga severe infections hindi na rin po ganoon kadami.

So marami po tayong titingnan diyan but definitely we can say that, yes, we are shift [garbled] ating policy kung saan tinitingnan na ho natin kung paano unti-unti na ang ating mga kababayan, tayong lahat ay makakapamuhay ‘no na kasama na po itong virus na ito at tayo po ay hindi magkakaroon ng [garbled] the different sectors of society.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Red Mendoza ng Manila Times: Usec. Vergeire, ano rin po ang inyong reaksiyon sa sinasabing excess na pagkamatay ng tao dahil sa COVID dahil hindi daw po nagtugma iyong datos ng pagkamatay ng PSA sa datos ng DOH? Ang datos daw po ng PSA ay mahigit 100,000 mula Marso 2020-Oktubre 2021 at sa DOH daw po ay 54,000 pa lang mula noong nagsimula daw po ang pandemya.

DOH USEC. VERGEIRE: Ah yes, Usec. Rocky ‘no. So kailangan maintindihan ng ating mga kababayan, talagang hindi po magtutugma ang numero at datos ng Philippine Statistics Authority with the data of the Department of Health. Ang Philippine Statistics Authority po, kumukuha po sila ng datos galing sa mga death certificates na sinusumite ng mga local government units at mga implementing units nila.

Ngayon ‘pag tiningnan ho natin ‘yan, ikukumpara sa datos namin, iyong sa amin po bina-validate pa ho namin ano. So you might find in the death certificates na ang pangunahing ikinamatay ng tao, maaari ay vehicular accident pero may COVID siya – so kinukuha po iyon at naitatala na COVID na rin as compared to the DOH kung saan ‘pag vinalidate po natin ang cause of death, ‘pag tiningnan ho namin, ‘pag [garbled] vehicular accident tapos incident pa lang ang COVID, ang pangunahing pagkamatay is vehicular accident not COVID. So kaya hindi po talaga magtutugma ang Philippine Statistics Authority at DOH sa ngayon.

So we are trying to harmonize our systems and process with the Philippine Statistics Authority para eventually po magtutugma na tayo and we can also—and they can also adopt the validation process that DOH is doing.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Jena Balaoro ng GMA News: Usec. Vergeire, pinag-aaralan na rin ba daw ng pamahalaan ang posibilidad na ibaba sa Alert Level 1 ang National Capital Region by mid-February kung patuloy daw po na bababa ang mga kaso?

DOH USEC. VERGEIRE: Well unang-una, Jena, mayroon tayong metrics na ginagamit para po tayo ay makapag-estima o makapag-determine ‘no kung ano ‘yung alert level ng isang lugar. Pero tandaan natin iyong metrics natin for Alert Level 1, mayroon siyang kasama na vaccination coverage, mayroon din siyang kasama na safety seal requirements. So itong dalawang ‘to ang magbabalanse ‘no at magsisiguro sa atin na kung mataas ang bakunahan ng ating populasyon sa isang lugar na iyon – katulad NCR. At saka iyong safety seal, iyong mga pupuntahan ng mga tao, sisiguraduhin natin na safe spaces ‘yan kasi may safety seal siya – ibig sabihin there’s adequate ventilation, iyong kanilang minimum public health standards ay patuloy na ini-implement.

Pero sa isang banda, aside from these metrics, kailangan tingnan din natin ano ba ‘yung evolution na nangyayari ngayon dito sa virus na mayroon sa COVID-19, itong SARS CoV-2? A lot of experts are saying because there are still a lot of unvaccinated individuals not just here in the Philippines but all over the world, maaaring may lumabas uli na bagong variant of concern. So kailangan lagi tayong handa, dapat closely monitoring tayo, tinitingnan natin day-by-day kung ano ang nangyayari.

I’m not saying na hindi tayo pupunta sa Alert Level 1. Ang sinasabi lang natin pag-aaralan nating maigi ‘yan para tayo’y makasiguro ‘no na mayroon tayong adequate safeguards kapag tayo ay nagbaba ng Alert Level 1 and people will be protected also by our government because of these metrics.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman kay Lei Alviz ng GMA News: Usec. Vergeire, kumusta daw po ‘yung paghahanda para sa vaccination ng mga batang edad 5 to 11; ilang bakuna na po daw ang dumating at ilan po ang target mabakunahan?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So sa pagkakaalam ko at base sa report na ibinigay sa amin, darating po ang mga bakuna nang February 3; so inaantay po natin iyan, ano. Mayroon na hong flight manifest para po dito sa mga bakunang ito.

Tayo po ay nakapaghanda na. Nai-train na ho natin ang atin pong mga vaccinators, ito po ay isinagawa ng Pfizer, together with other agencies of government. Tinuruan na po iyong mga magbabakuna. Iyong mga logistics po natin ay nakahanda na po dito sa mga piling lugar na uumpisahan natin.

We will start on February 4 kung saan mayroon po tayong mga piling ospital at saka piling local governments dito po sa NCR na mag-uumpisa. And then on February 5, the following day, mayroon po tayong 38 sites in NCR, kasama rin ang Region 3, kasama rin ang Region IV-A kung saan itutuloy po natin ang pag-uumpisa nitong pagbabakuna sa ating mga kabataan.

Nakapaglabas na rin po tayo ng guidelines from the Department of Health. Mayroon na rin po tayong operational guidelines. Alam na po ng ating mga vaccinations sites ano ang mga kailangang gawin, ano iyong mga forms, ano iyong mga gagawin para makapag-register, ano iyong mga dadalhin ng ating mga magulang at mga bata kapag sila ay nagpunta doon.

Naglabas din po tayo ng parang handbook para maturuan natin ang ating mga nanay kung paano po ang pagpiprepara sa ating mga kabataang bago po sila bakunahan.

So all of these things are being done. And of course, we are trying to assure lahat po ng ating kababayan lalung-lalo na ang ating mga nanay, safe po, ligtas po ang bakuna ng ating five to eleven years old. Kailangan po nila ito dahil po sila po ay walang bakuna at sa patuloy … kung patuloy na magtataas ang kaso lalung-lalo na sa ibang lugar, kailangan po protektado rin po sila.

Ang atin pong target for five to eleven years old would be around 15.48 million individuals o mga kabataang ang five to eleven years old.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa pagtugon ninyo sa aming imbitasyon. Muling nakausap po natin ang tagapagsalita ng Department of Health, Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Usec., salamat po.

DOH USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Balikan ko naman po si Usec. Ballitoc. Usec., may tanong po ang kasamahan natin sa media. Mula po kay Llanesca Panti mula sa GMA News Online: What are the bills that the Palace is expecting Congress to pass so the President can sign them into law before his term expires? Kasama po ba rito iyong Marawi Compensation Bill?

PLLO USEC. BALLITOC: Yes po. Sa katunayan ay napakarami pong panukalang batas na nasa advanced stage na ngayon, that have been approved on third and final reading in both Houses of Congress. At napakarami ring batas, ang mga panukalang batas na nag-a-undergo ngayon ng mga bicam o bicameral conference committees tulad ng PSA, iyong Public Service Act. Marami po, hindi ko maisa-isa ngayon pero sa sobrang dami ay—it now goes by the hundreds.

But we are happy to note na … to let you know also na ang mga panukalang batas ni PRRD, iyong mga presidential legislative priorities, napakaraming pumasa sa ngayon.

And kasama rin po iyong Marawi Siege Compensation Act sa mga, I believe, na magiging batas soon. Kasi sinusulong po iyan ng ating mahal na Pangulo.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Usec. Ballitoc! Panghuling mensahe ninyo na lang po sa ating manunood.

PLLO USEC. BALLITOC: Maraming salamat, Usec. Rocky. Ang Presidential Legislative Liaison Office, ang mandato po namin ay mag-shepherd, magsulong, mag-lobby para sa mga presidential legislative priorities ng ating Pangulo.

And ang aming tanggapan, sa pamumuno ng aming mahal na Secretary Luzverfeda “Baby” Pascual, ay patuloy na makikipag-ugnayan sa dalawang kapulungan ng Kongreso at sa mga miyembro ng Ehekutibo upang maisabatas itong dalawang panukalang batas – ang VIP at ang CDC – na magbibigay ng sapat na kahandaan para sa ating bansa sa COVID-19 at sa mga darating pa na mga pandemic or diseases in the future.

Maraming salamat po!

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Undersecretary Orville Ballitoc!

Samantala, balikan po natin si Doc Ted Herbosa. Doc Ted, may nais po ba kayong idagdag tungkol dito sa paghahanda ng pamahalaan sa nalalapit na bakunahan sa mga bata? Sa Friday na po ito, Doc Ted, ano po?

DR. HERBOSA: Yes, on Friday, anim na lugar po ang ating uumpisahan, tatlong ospital – ang Philippine Heart Center; Philippine Children’s Medical Center; National Children’s Hospital; iyong Skydome sa SM North EDSA sa Quezon City; iyong Manila Zoo sa Maynila; at iyong FilOil Gym sa San Juan. Diyan po mag-uumpisa ang ating bakunahan sa February 4 ng ating five to eleven years old.

Tandaan lang po iyong mga pangangailangan na mga ID, government ID, birth certificate, etc., ng ating kabataan.

USEC. IGNACIO: Opo. Kayo po ba ay may payo sa ating mga magulang para po sa mga anak na dapat ay mabakunahan na?

DR. HERBOSA: Well, iyong sa mga nag-aalala pa, kahit na iyong asosasyon ng mga espesyalista sa bata, iyong Philippine Pediatric Society at saka iyong pediatric infectious disease na mga espesyalista ay nagrekomenda at sumang-ayon sa programa ng pamahalaan na bakunahan na rin natin ang five to eleven years old.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong pagsama sa amin, NTF Adviser Dr. Ted Herbosa. Dok, salamat po!

DR. HERBOSA: Salamat, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa Department of Science and Technology at kay Usec. Rowena Guevara para sa ating programa ngayong araw.

Salamat din po sa ating mga partner agencies sa kanilang suporta sa ating programa, gayundin sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Maraming salamat po sa inyong pagtutok ngayong umaga. Hanggang bukas pong muli, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH!

##


News and Information Bureau-Data Processing Center