Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas; ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio.

Ngayong araw ng Biyernes muli tayong makikibalita sa takbo ng vaccination sa bansa; operasyon ng One Hospital Command Center; kasalukuyang sitwasyon ng mg COVID cases sa Visayas; at mga latest update po sa Balik Probinsiya Bagong Pag-asa program. Kaya mga kababayan, manatiling nakatutok sa mga impormasyong ihahatid namin sa inyo. Simulan na natin ang talakayan dito ang Public Briefing #LagingHandaPH!

Nanindigan ang pamahalaan sa kahalagahan ng pagbibigay-proteksyon sa mga batang edad lima hanggang labing-isa mula sa COVID-19, ito ay sa harap ng pagkuwestiyon ng ilan sa guidelines ng naturang bakunahan. Sa Lunes ay magsisimula na ang pediatric vaccination para sa naturang age group. Ang ulat na iyan mula kay Mark Fetalco:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At para bigyan tayo ng dagdag na paglilinaw tungkol po sa pagpapaliban ng pagbabakuna sa mga batang five to eleven years old, makakausap po natin muli si DOH Undersecretary Myrna Cabotaje. Magandang umaga po, Undersecretary!

DOH USEC. CABOTAJE: Magandang umaga, Usec. Rocky, at sa lahat ng nanunood sa inyong programa this morning.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., bakit po nagkaroon ng delay sa pagdating ng mga bakuna na gagamitin dapat ng pedia vaccination na nakatakda po sana ngayong araw?

DOH USEC. CABOTAJE: Nagkaroon problema sa Brussels, hindi naisakay ng ating third party logistics ng Pfizer – iyong DHL ‘no. So ang problema, doon sa originating site. Mayroon nang binigay na shipping document like that it was going to arrive yesterday pero nagkaroon ng problema doon. They tried all their best to have alternate routes at saka kung saan puwedeng dalhin, pero hindi rin nakaabot. We are sure that it’s going to be delivered this afternoon kasi naisakay na iyan kahapon sa eroplano.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano raw po iyong magiging epekto ng pagpapaliban ng bakunahan sa isinagawang paghahanda para sa mga vaccination sites; mayroon po bang epekto ito?

DOH USEC. CABOTAJE: Of course, medyo nabawasan iyong excitement. Alam naman natin na handang-handa na iyong ating mga launching sites — may mga balloons and so forth ‘no, pinaganda nila para maengganyo iyong mga batang magpabakuna. But we hope with this temporary delay ay ganoon pa rin kasigla iyong kanilang pag-prepare at gagawing maganda at kaaya-aya iyong ating pagbabakuna sa umpisa ng five to eleven sa February 7.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ulitin lang po natin itong bagong schedule ng rollout ng pagbabakuna sa five to eleven years old, para na rin po sa mga nanay o magulang na nakikinig at nanunood sa atin ngayon.

DOH USEC. CABOTAJE: Yes, Usec. Rocky. Sa NCR, February 7, mag-uumpisa na rin sa Region III and Region IV, hintayin ninyo na lang po iyong mga abiso ng mga lokal na pamahalaan na nakipag-coordinate sa inyo. Pero ang lahat po ng schedule ay uumpisahan na po sa February 7. Magdi-deliver na mamaya, pagdating mamayang gabi, so starting ng madaling araw ng five ay magdi-deliver na po iyan.

So start po ng [February] 7 at saka 8 for the areas of NCR and selected areas of Region III and Region IV-A. Nakikipagtalastasan din tayo kung maitutuloy natin iyong isang area ng Cotabato, doon sa Cotabato Regional Hospital, and one area in Davao. Kasi hanggang 7, 8, 9 na iyong mga launches natin – kasi 10, 11 Bakunahan Bayanihan Part III – tapos itutuloy sa iba’t ibang panig ng ating bansa ng February 14 iyong ating pediatric vaccination ng five to eleven, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., tungkol naman po sa inihaing petisyon ng ilang magulang para ipatigil ang vaccination sa five to eleven years old, ano po ang maidaragdag ninyong tugon dito?

DOH USEC. CABOTAJE: Mayroon ng official statement ang ating DOH, NTF. We will wait for the process to take its course. But sabi nga nila, we are committed to pursue the vaccination kasi sa ikakagaling naman iyan ng mga bata and for the whole of the country. Proof of that, sabi nga may mga nakarehistro, may mga nanay at even children who are eager to be vaccinated. So itutuloy natin iyan until we have … and let the process of the TRO takes its course.

USEC. IGNACIO: Ano po ba raw iyong main concern ng mga magulang sa kanilang inihaing petisyon at paano po natin sila o ninyo sila mahihikayat na pabakunahan ang kanilang anak? Usec., mayroon po ba kayong nakikitang magiging epekto nito sa isinasagawa nating pagbabakuna dito po sa naturang age group?

DOH USEC. CABOTAJE: In a sense ‘no, medyo magtatanong iyong ating mga magulang, but we had provided opportunities for them. Unang-una, mayroon tayong townhalls para sa ating mga healthcare workers para i-explain iyong scientific basis, iyong mga benefits, ano iyong … bakit kailangan nating magbakuna ng mga bata. And then, these healthcare workers are the best sources of information.

We also had townhall meetings with our mothers and parents para ma-explain sa kanila ang kabutihan ng bakunahan. And there are still mothers who continue to have their interest na bakunahan iyong mga bata para naman may layer of protection, makalabas na iyong mga anak nila, maka-face-to-face classes.

Marami ring mga magulang na already enlightened and are still willing to have their children vaccinated. Sana sila rin ang magkumbinsi sa mga magulang na ito ayaw magpabakuna ng kanilang mga anak.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po iyong ating mga kasamahan sa media, ano po. Usec., mula po kay Red Mendoza ng Manila Times: Ano po ang magiging contingency plan natin if nag-issue po ng TRO ang korte laban sa pagbabakuna ng mga bata?

DOH USEC. CABOTAJE: Of course, there’s always the—anong tawag diyan, ano iyon—recourse to also answer the courts, hindi ba. So ang contingency plan, we will see kung ano ba iyong mga puwede nating gawin especially for the mothers who want to have their children vaccinated.

Kagaya nga ng sabi sa statement, this had been studied abroad. Ginagawa naman iyan sa iba-ibang bansa at may mga eksperto na talagang nag-aaral to show that the benefits are greater than whatever risks are involved.

USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Assured na po ba raw iyong pagdating nang mahigit 700,000 na bakuna sa bansa mamayang gabi at ano po ang magiging allocation ng mga bakunang ito sa mga sites sa Lunes?

DOH USEC. CABOTAJE: Yes, it has already left Brussels. The airplane has left Brussels. It was in Hong Kong and then it’s going to arrive tonight ‘no. So mayroon na rin kaming allocation pero area, depende kung ano iyong immediate na nai-submit nila na registration nila. So NCR, karamihan niyan sa NCR kasi lahat ng NCR ay magsisimula next week; and then may ibang areas ng … piling areas ng Region III at saka Region IV-A, idi-deliver iyan ng Sabado at saka Linggo. Yes, it’s going to arrive.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Carolyn Bonquin ng CNN Philippines: Ilang five to eleven years old na po ang naka-register mabakunahan ngayong buwan at kailan na raw po ang rollout nito sa mga probinsiya?

DOH USEC. CABOTAJE: Iyong initial, continuing iyan ‘no, ang ating mga registration. So, we have about one hundred sixty (160), mga about a hundred thousand (100,000) sa NCR. Pero alam naman natin hindi natin kaagad-agad magagawa lahat iyan, so, it will be safe depending kung ano iyong experience sa first rollout.

The Philippine Heart Center for instance, has set about five hundred (500) ng kanilang mga pasyente who may be accommodated in one or two days. So, depende iyon kung ano iyong gagawin. Iyong rollout naman sa ibang panig ng bansa, February 14 magsisimula iyong piling mga sites. They will also start in identified site para makita nila kung paano sila magri-recalibrate.

We have another supply, another delivery for Pfizer on February 9, child vaccine, about the same quantity – seven hundred eighty (780,000) doses.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kumusta naman daw po ito ng ‘Resbakuna sa Botika’ drive? Gaano na po karami ang nabakunahan dahil sa programang ito, Usec.?

DOH USEC. CABOTAJE: The latest count for those who are able to submit, kasi medyo slow naman ito, we have about four thousand six hundred (4,600) who have already been vaccinated. Nagsimula tayo sa seven areas dito sa NCR and then nag-expand ng one or two areas, nag-kuwan tayo sa Baguio ng isang area. And then our Secretaries were in Cebu, Bacolod and Iloilo.

Tuluy-tuloy pa rin iyan, may mga challenges sa administration but that is another strategy and another pair of hands na tutulong sa ating mga local government health care workers na magbakuna lalung-lalo na sa booster.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Lei Alviz mula sa GMA News: Ano po ang update sa imbestigasyon sa vaccine wastage sa Malolos, Bulacan, kung saan halos 1,000 vials daw po ng Pfizer ang nag-expire?

DOH USEC. CABOTAJE: I don’t have the data now but the investigation is ongoing. We leave it to the local government unit to do its own investigation first and then inaantabayanan naman at tinitingnan ng ating Regional Health Office sa Region III. We will give them update as soon as we have the report.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Einjhel Ronquillo ng DZXL-RMN: Kailan po ang Bayanihan Bakunahan Part 3 at saan po ito gagawin?

DOH USEC. CABOTAJE: Ay, maraming salamat, that’s very important.

We are doing it February 10 and 11 nationwide para mabigyang-diin na kailangang magbakuna ng mga first doses, iyong due na first doses, tapos iyong ating mga booster, importante iyong mga booster at importante iyong ating pag-ramp-up ng pagbabakuna ng ating mga A2 at saka mga A3 kasi medyo mababa, nasa 60/70% pa rin tayo sa mga senior citizen. Alam naman natin na sila ang pinaka-vulnerable na sektor kapag sila ay nagkasakit.

It will be nationwide, although ipa-prioritize natin sa mga areas na kailangang-kailangan ng additional booth para tumaas iyong kanilang vaccination coverage especially sa senior citizens.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano na lamang po ang inyong mensahe para sa ating mga kababayan?

DOH USEC. CABOTAJE: Maraming salamat, Usec. Rocky.

Again, we would like to assure the public, may Emergency Use Authorization po ang ating mga bakuna. Bago po iyan bigyan ng ating Philippine FDA, may mga masusing pag-aaral ng ating mga eksperto sa FDA, nakikipagtalastasan sa mga iba’t-ibang panig ng mundo na regulatory agencies.

Kapag binigyan ng FDA [ng EUA, it is] safe and effective. Kailangan lang po tayong magtulungan para tuluy-tuloy po iyong ating proteksiyon. Vaccine works and then ito po ay ipinakita sa ating Omicron surge dito sa NCR, mabilis na bumaba dahil po karamihan ay nagpabakuna.

Maraming salamat!

USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahong inilaan para sa aming programa, Undersecretary Myrna Cabotaje ng Department of Health.

Muling nanawagan si Senator Christopher ‘Bong’ Go sa mga mambabatas na suportahan ang pagbuo ng Philippine Center for Disease Control and Prevention para labanan ang mga sitwasyong tulad ng COVID-19 pandemic. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Muli nating kumustahin ang kalagayan ng One Hospital Command Center. Kasama po natin si Medical Officer Dr. Marylaine Padlan. Magandang umaga po, Doc. Welcome back po sa aming programa.

OHCC DR. PADLAN: Hello po. Magandang umaga po, Usec at magandang umaga po sa lahat ng nanunood po.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, kumusta po iyong dagsa ng tawag sa inyong tanggapan sa nakalipas na linggo? Alin pa rin po iyong mga region na nakapagtala ng pinakamaraming tawag?

OHCC DR. PADLAN: Kumpara po last week, bumaba po iyong mga number ng tawag na nari-receive namin dito sa National One Hospital Command Center. So, ngayon po, [garbled] ang average calls po natin ay nagri-range around two hundred to three hundred (200 – 300) calls per day.

Then sa regions naman po na tumatawag po sa amin dito sa National OHCC, it’s mostly from, still, NCR and Region IV-A. Pero sa ating mga Regional OHCC, ang mga may naitalang mataas na tawag or request is from Region XI, Region I and Region VIII po.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Padlan, ito po bang two hundred (200) na tawag ito na iyong mga naitala nating pinakamababa na natatanggap ninyong tawag simula po noong nakaraang taon?

OHCC DR. PADLAN: Mas mababa pa rin noong December, iyong bago mag-Bagong Taon, iyong bago mag-surge mas mababa pa rin iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. So, ano daw po iyong kadalasang concern na idinudulog ng ating mga kababayan sa mga nakalipas na araw?

OHCC DR. PADLAN: Sa mga nakalipas na araw ngayong linggo, ang mga karaniwang concerns pa rin natin ay iyong isolation request pa rin. Mas marami pa rin kasi tayong mga COVID cases or COVID-related cases na mga nari-receive, pero usually again karamihan ng mga na-receive namin ay either asymptomatic or mild sila.

Then mayroon pa rin namang mga nagri-request ng hospital admission, mostly pa rin nito ay COVID-related pa rin and then mga inquiries po regarding sa vaccination, regarding ano ba iyong mga protocols for quarantine and isolation po.

USEC. IGNACIO: Opo. So, paano ninyo po inaaksiyunan iyon pong surge ng referral call sa inyong tanggapan?

OHCC DR. PADLAN: In general, nagdagdag kami ng mga tao kada araw para mas maraming maka-receive ng tawag. Ito iyong naging adjustment namin during the surge. And then sa mga isolation request ‘no, aside from referring them to their isolation facilities, iniri-refer din namin sila sa LGU para din ma-monitor din sila.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero alin pong region, Doc, na nakikitaan ng pagtaas o lalo pang pagtaas ng mga kaso COVID-19 at nasa ilalim ng high-risk classification?

OHCC DR. PADLAN: Ngayon po, ang binabantayan talaga natin ay iyong mga nasa Alert Level 3. As of this February, wala na tayong nasa Alert Level 4 na classification. So, ang binabantayan natin ngayon ay iyong mga provinces na medyo marami-rami pa sila na nasa Alert Level 3. So, iyon po iyong mga binabantayan po natin ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. So, ano naman daw po iyong mga kasalukuyang sitwasyon ng mga ospital dito po sa mga high-risk area sa bansa, Doc Padlan?

OHCC DR. PADLAN: Iyong mga nasa Alert Level 3 po na mga provinces or regions, actually, wala naman pong nasa high-risk or critical risk na ngayon in terms of hospital utilization rate, pero lahat ng mga nasa Alert Level 3 halos nasa moderate risk. So, iyong mga nasa moderate risk po natin na regions or iyong CAR, Region VI, VII, IX, X, XI, XII, and XIII po, then the rest nasa low risk na po iyong hospital utilization rate po.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, kukumustahin naman po natin itong health care workers, ano pong mga assistance ang kanilang kailangan at dapat pagtuunan pa ng pansin?

OHCC DR. PADLAN: Compared po doon sa last two weeks ‘no ng January, ‘di hamak po na bumaba na rin po iyong request natin na mga health care workers na nagri-request for isolation ‘no. And this is reflected din sa mga reported cases ng mga health care workers na nag-ano sa isolation ngayon ‘no so talagang bumaba po ‘yung bilang nila. Then ang ginagawa po natin ‘no para matulungan itong ating mga health care workers aside from providing isolation facilities for them when they are positive po ‘no sa COVID-19, prioritize din sa vaccination and then we continuously provide them with their PPEs naman po.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, ‘pag sinabi ninyo pong bumaba na, may datos po ba kayo kung mga ilan po ito?

OHCC DR. PADLAN: Dito lang sa OHCC ‘no, parang ngayong nakaraang linggo may mga araw na halos wala na kaming nakukuhang mga request na health care workers iyong mga client namin; pero minsan nakakakuha pa rin kami dalawa or tatlo kumpara ‘to noong January.

USEC. IGNACIO: Opo. Kayo po ba ay mayroong karagdagang impormasyon o nais na mensahe na gustong maipaabot sa ating mga kababayan, Doc Padlan?

OHCC DR. PADLAN: Ang gusto lang po namin sabihin ngayon ‘no, patuloy pa rin ang laban natin against COVID-19. So ang gagawin lang po natin ‘no, patuloy lang po tayo sa health protocol—pagsunod sa mga health protocol, iyon pag-vaccine po ‘no hopefully na—mas lumuwag na iyong ating alert level ngayon, mas makakapagpabakuna na tayo and iyong pamilya natin. And then kapag anytime po na nagka-symptoms, please do know that—na katuwang ninyo ang community ninyo rin ‘no in facing COVID-19. So please do inform your BHERT ‘no kung kailangan ninyo ng gabay, kailangan ninyo ng tulong please do not hesitate to call One Hospital Command Center using our hotlines po.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagpapaunlak sa aming programa, One Hospital Command Center Medical Officer Dr. Marylaine Padlan. Ingat po kayo, Doc.!

OHCC DR. PADLAN: Maraming salamat po, Usec. Maraming salamat sa mga nanunood po.

USEC. IGNACIO: Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa Pilipinas:

  • Naitala po ang 8,702 na mga bagong kaso ng COVID-19 kahapon kaya umabot na ito sa kabuuang bilang na 3,585,461.
  • Mayroon naman pong 71 na katao ang naitalang pumanaw sa sakit kaya umakyat na sa 54,168 ang total death tally.
  • Samantala nasa 3,377,958 ang lahat po ng mga gumaling sa virus matapos madagdagan ng 15,290 na katao kahapon.
  • Umakyat naman ang active cases natin na ngayon po ay nasa 153,335 na kabuuang bilang.

Noong nakaraang linggo po ay nakitaan nang pagtaas ng COVID cases ang ilang bahagi ng Visayas partikular po sa Western at Central Visayas, atin pong kumustahin ang lagay ng sitwasyon doon, kasama po natin is IATF Visayas Chief Implementer General Melquiades Feliciano. Good morning po, General. Welcome back po sa Laging Handa.

GEN. FELICIANO: Magandang umaga po Usec. Rocky saka sa mga tagapanood ng PTV-4.

USEC. IGNACIO: Opo. General, kumusta po ang lagay ng COVID cases sa inyong lugar, gaano po karami itong naitalang bagong kaso ngayong linggo?

GEN. FELICIANO: Well dito sa Central Visayas actually, Usec. Rocky, nakakaranas tayo ng mga downtrend ng mga statistics ngayon especially the cases at saka iyong mga mortalities. And what I would like to inform the public of the situation by region ‘no. Umpisahan po natin sa Western Visayas ‘no, ito po ‘yung distribution of cases sa Western Visayas.

Sa ngayon ang Western Visayas compared to the other regions na Central Visayas at saka Eastern Visayas, sila iyong may mataas in terms of active cases and deaths ‘no. Ang mga active cases, ito po iyong sa: Iloilo City ang nangunguna ngayon 5,030; sa Iloilo City 2,818; Negros Occidental is 2,401; Bacolod City 2,045; Capiz 1,468; Aklan 1,345; Antique 1,312; and Guimaras is 112 – with the total of 16,531.

Now as to the deaths: Nangunguna po ang Iloilo Province 189; pumapangalawa ang Negros Occidental 58; pumapangatlo ang Aklan 12; tapos ang Iloilo City 9; at ang Capiz 5; and the last is Guimaras 1 – with the total of 274.

Now dito naman po sa Central Visayas: Sa mga active cases nangunguna po ang Cebu City 4,214; pumapangalawa ang Cebu Province 2,546; next is Lapu-Lapu City 723; next Mandaue City 541; and then Negros Occidental 695; Bohol 481; and Siquijor 8 – with the total of 9,208.

As to the deaths: nangunguna po ang Cebu City 12; at iyong Cebu Province, Lapu-Lapu City at Bohol ay nag-report ng tig-iisang death for the week so with the total of 15.

Now sa Eastern Visayas: Ang nangunguna po sa active cases ay ang Leyte 617; pumapangalawa ang Tacloban City 268; then Northern Samar 266; Samar 160; Ormoc 130; Southern Leyte 69; Eastern Samar 69; and Biliran 42 – with the total number of active cases of 1,621.

Now sa mga mortalities naman: Nangunguna po ang Northern Samar, anim; pumapangalawa po ang Leyte, 5; pumapangatlo ang Samar, may apat na deaths; at next is Biliran, dalawa; at ang last ay ang Tacloban which is 1 – the rest they did not report any deaths ‘no – [garbled] total number of 18 cases.

Iyon po ang kalagayan ng mga COVID cases at mortalities natin dito sa Visayas.

USEC. IGNACIO: Opo. General, nabanggit ninyo na may nakikita kayong pagbaba ng kaso ano po. Pero nakikita ninyo ba o puwede po ba natin sabihing may improvements po sa inyong sitwasyon ngayon kumpara po noong nakaraang linggo; kung mayroon po, anu-ano po ang mga ito?

GEN. FELICIANO: Well ito po ‘yung nakita nating improvement ‘no. Ang the best way to assess iyong sitwasyon ay sa pagtingin sa capacity utilization rate noong ating mga hospitals – both the public and private hospitals.

Now for Region VII which is nandito po sa Metro Cebu ang concentration ng mga public and private hospitals natin ‘no, as of last week, iyong CUR or capacity utilization rate ng mga private hospitals dito sa Central Visayas is 61% which is moderate risk and iyong public hospital is 72% which was high risk.

Now for this week, bumaba po iyong mga CUR ng mga hospitals natin ‘no: For private hospitals nasa 57% na nasa low risk na at iyong public hospitals nasa 67% or moderate risk na. So usually po ang trend dito, whatever variant of concern na pumapasok sa Visayas, nauuna po ‘yung Central Visayas then it spreads to the other regions. But right now, we are seeing a downtrend in cases and deaths in the region.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, General, anu-ano po iyong mga restrictions at protocol na ipinatutupad sa inyong mga lugar para po ma-control itong pagkalat ng COVID?

GEN. FELICIANO: Well, Usec. Rocky, mayroon pong mga emergency operations center iyong mga LGUs ‘no. Now when Level 3 was implemented dito sa Region VII at nagpi-peak iyong cases ‘no, nag-implement po iyong mga LGUs natin through executive orders ng curfew na 11 to 4 – of course exempted po ‘yung mga APOR diyan ‘no particularly iyong mga BPO workers plus marami po silang protocols na ginagawa ‘no – kinausap iyong business sector para po, again, to guide them now to make their business establishment safe for everyone.

Kasama rin po iyong mga transport sector ‘no, papaano maging safe ang mga public transport natin at saka po iyong mga military or uniformed personnel at saka iyong task forces na na-organize ng mga LGUs natin, umiikot po sila sa mga communities, sa mga barangay to remind the people of the minimum health protocols ‘no. At saka iyong different business establishments umiikot po iyan sila ini-inspect nila para for their safeness and of course for them to follow the guidelines by the national government.

USEC. IGNACIO: Opo. General, kahit nga po may sinasabing downward trends ito pong highly urbanized cities sa Visayas ay nananatili po bang high risk at very high risk ang mga nasabing HUC? Papaano po kayo nagku-coordinate sa LGU para po tugunan ito?

GEN. FELICIANO: Well, Usec. Rocky, mayroon pong mga kaniya-kaniyang emergency operation centers, ito iyong mga LGUs particularly the highly urbanized cities. So, dito po lahat ng coordination na nangyayari especially how to follow the referral system established by the different LGUs in coordination and partnership with the different hospital within their own localities.

Mayroon po silang sinusunod diyan at tapos iyong mga LGUs tumutulong din sila, together with the business sector on how to have more beds – iyong facilities, pag-develop ng mga TTMF – para ma-decongest iyong hospitals natin.

So far, sa ngayon and I don’t think it will go to that critical level, iyong mga CURs ng mga hospitals natin particularly. Ito po kasi iyong trend na kapag nag-peak na iyan, dito sa Central Visayas is starting to go down and hopefully to other regions pababa na rin po iyong ating mga cases.

USEC. IGNACIO: Opo. General, mayroon po ba daw kayong mga programa o proyektong isinasagawa para po suportahan itong mga healthcare facilities and workers sa inyong lugar?

GEN. FELICIANO: Well, ang kagandahan po dito, there is established partnership between the local government units and business sector. Noon pong mag-start na mag-rise iyong case kaagad pong naglaan ng pondo iyong business sector to help the public and private hospital sa pag-recruit ng mga staff workers nila to augment their existing staff workers.

Plus ito po, actually mayroon pong isang facility dito, iyong IEC, nakikita ninyo po sa picture diyan na pinag-usapan na po ito more than two month ago, December, when mababa pa iyong cases, single digits pa lang noon but in anticipation of the rise of any variant of concern iyong pagdating.

So, ito po na-develop po itong IEC na ito, it’s a 120 beds. Actually ngayong araw po iyong opening nito, sabay dito i-inaugurate nila. Then ito po ay magiging step down sa Vicente Sotto Memorial Hospital. So, madi-decongest po natin iyong mga public hospitals natin and also to admit other patients.

Actually po, iyong public hospitals dito isa pang measure is parang accordion type ang opening ng mga regular beds and ICU beds. Kasi po, mina-maximize po nila iyong utilization ng hospitals to provide other specialties, to non-COVID patients.

Kapag dumadami po iyong cases dinadagdagan po iyong COVID beds, kapag medyo bumaba po binabalik nila doon sa non-COVID beds iyong mga available nila para to accommodate other non-COVID patients. So, iyon po iyong ginagawang tulungan ng public at saka private sector po dito.

USEC. IGNACIO: Opo. General, ano na lamang po ang inyong panawagan o mensahe sa mga residenteng nanunood sa ating programa, particular po sa mga kababayan natin sa Visayas?

GEN. FELICIANO: Well, as experienced since the start of COVID, marami na po tayong lessons learned and the way to go really in this time of pandemic is vaccination. So, sa mga hindi pa po naba-vaccinate magpa-vaccinate na po tayo.

Mayroon po tayong data dito na sa mga patients na na-admit, 80% are not vaccinated at saka po lalo na po ngayon sa mga vaccinated mababa po iyong ICU beds natin nasa 5% lang at saka iyong sa mga regular beds natin is 95% also sa mga mortalities po natin 80% din iyong unvaccinated.

So, the way to go with this pandemic is really vaccination. Iyan po iyong karanasan natin dito sa Omicron. Kung tayo po lahat ay vaccinated and even boosted no, mababang-mababa po ang ating hospital admissions and I believed ito po siguro iyong moving forward, for this pandemic to be endemic is vaccination po.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak sa aming programa General Melquiades Feliciano, IATF Visayas Chief Implementer. Mabuhay po kayo.

GEN. FELICIANO: Salamat din po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Sa puntong ito ating alamin ang pinakahuling update sa ‘Balik Probinsiya Bagong Pag-asa’ Program ng National Housing Authority. Upang bigyan tayo ng karagdagang impormasyon, makakausap po natin si NHA BP2 Head of Secretariat and Administrative Support, Miss Agnes Agay. Magandang umaga po, Miss Agnes.

MS. AGNES AGAY: Good morning Usec. Rocky at good morning po sa lahat ng nanunood ng programa ninyo.

USEC. IGNACIO: Miss Agnes, kumusta na po itong ‘Balik Probinsiya Bagong Pag-asa’ Program? Sa ngayon ilan na po iyong nakapag-avail nitong serbisyo at open na po ba ito this year?

MS. AGNES AGAY: Definitely open na po ang Balik Probinsiya, hindi naman ho nagsasarado ito at patuloy ang pagtanggap ng NHA at tatawag lang po kung sino ang gustong mag-avail, tatawag lang sa aming contact numbers at bine-verify po, continuous po ang verification ng NHA at kung nagpasa naman po sa DSWD for further evaluation tatawagan at tatawagan po ang aplikante kung sila po ay eligible under the program.

So, today po we were able to dispatch already about 551 beneficiaries and families. Pero mayroon din pong mga beneficiaries na hindi na po nakapaghintay but they were also endorsed by their local government units at napauwi na po sila at sila po ay mabibilang sa about 2,500 beneficiaries na napabilang po sa over-all accomplishments po na napa-relocate na po natin, napalikas po for the program. So, iyon po iyong latest update in terms of numbers.

Kasalukuyan po this February mayroon po tayong dispatch operations, about 408 beneficiaries po to the regions – Region V, Region VI, VII and XII. So, iyan po iyong update natin in terms of dispatch operations.

USEC. IGNACIO: Opo. Miss Agnes, anu-ano daw po iyong mga proseso para makapag-avail dito sa programa? May mga bago po bang proseso, kung mayroon man pong nabago o nadagdag?

MS. AGNES AGAY: Wala naman pong nabago, ganoon pa rin po magpunta lang po sa www.balikprobinsiya.ph para mag-enroll po at sagutin iyong application forms.

So, hihintayin po iyong tawag from NHA para ma-verify po kayo at tawag ng DSWD. So, sa oras po na ma-identify ng DSWD na kayo po ay eligible under the program ay i-schedule na po iyong dispatch ninyo. So, ganoon din po iyong aming proseso wala pong nagbago, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Miss Agnes, para po lang malinaw sa ating mga kababayan. Mayroon po bang specific regions o probinsiya lang po ba na bukas dito para sa programa? Kasi, may ilang po bang mga probinsiya din ang naghigpit ano po dahil sa pagtaas ng mga cases sa pagpasok nitong Enero?

MS. AGNES AGAY: Open po itong programa to all the regions, wala pong paghihigpit. Depende na lang po kung willing ang mga lokal government units to accept the beneficiaries na na-screen po natin dito sa center po natin, dito po sa ating contact center at DSWD. Depende rin po sa evaluation ng DSWD. So, it’s open to all the regions po, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Para sa mga may tanong po o iba pang concerns sa ‘Balik Probinsiya Bagong Pag-asa’ Program, saan po daw sila maaaring tumawag Miss Agnes?

MS. AGNES AGAY: Naka-flash yata iyan sa screen ninyo ‘no, tumawag lang po sa – mayroon po kaming Facebook ‘no, they can connect with us through Facebook at Balik Probinsiya.ph or tumawag din po sa 0919-065-7896 or 0919-069-2530, iyan po iyong mga numbers na puwede kaming ma-contact.

Para naman po doon sa mga sending and receiving LGUs po at ano ang katanungan kung paano po sila makasali sa programa namin, maaari naman po silang mag-email no sa msg@nha.gov.ph. So, iyan po iyong aming contact information po.

USEC. IGNACIO: Opo, Ms. Agnes, mayroon po ba kayong mga health protocols na isinasagawa para sa mga uuwing beneficiaries?

MS. AGNES AGAY: Yes, definitely, Usec., kasi lahat sila ay mag-a-undergo pa rin ‘no ng libreng RT-PCR test, so, and—‘yun po ang protocols namin. So kung mayroon pong nagpositibo doon, hindi po namin sila isi-sendoff ‘no.

Only those who are found to be negative based on the test, ‘yun lang po ‘yung aming isi-sendoff.

USEC. IGNACIO: Opo—

MS. AGNES AGAY: Isi-sendoff to their respective provinces.

USEC. IGNACIO: Opo, pero ano pong assistance ‘yung ibinibigay ninyo kung mayroon man po dito sa mga makikitang nagpositibo sa COVID na gustong umuwi o mag-avail dito sa “Balik Probinsya, Bagong Pag-asa” program?

MS. AGNES AGAY: ‘Yung mga ano ho talaga, may package of benefits for all those who are validated by DSWD and eligible for the program, mayroon po talagang package o benefits na binibigay ang mga ahensya na involved in the implementation of the program. Unang-una ho—[signal cut]

USEC. IGNACIO: Opo… Ms. Agnes? Okay… Nawala sa linya ng ating komunikasyon si Ms. Agnes, susubukan po natin balikan si Ms. Agnes.

Samantala, patuloy po ang pag abot ng tulong ni Senator Bong Go sa mga nasunugan sa Quezon City, Pasig at Taguig City katuwang ang NHA, DTI, at DSWD. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Muli po nating balikan si Ms. Agnes Agay… Ma’am… Ms. Agnes? Opo, okay, susubukan po natin siyang balikan, puntahan muna natin o kamustahin natin ang mga pinakahuling balita sa ibang probinsya sa bansa, ihatid po ‘yan ni Merry Ann Bastasa ng PBS – Radyo Pilipinas:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Merry Ann Bastasa.

Mula po nang pumutok ang pandemyang COVID-19 sa bansa dalawang taon na po ang nakakalipas, umabot na sa labing-pitong libong indibidwal ang kinasuhan ng Davao City Police Office dahil po sa paglabag sa mga itinatag na minimum public health protocols. Ang report mula kay Julius Pacot:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Muli po nating balikan si Ms. Agnes Agay, Ma’am?

MS. AGNES AGAY: Yes, yes, Usec.!

USEC. IGNACIO: Opo, ah, pasensiya na po ano, hihingi po kami ng update, opo, para naman po sa ongoing efforts ng National Housing Authority para sa po sa mga kababayan natin nawalan ng tirahan dahil sa Bagyong Odette?

MS. AGNES AGAY: Oo, yes, oo… Ah, unang-una po, bago po mag-New Year last year, nakapag-download po ang NHA to the affected provinces and independent chartered cities ng about 487.5 million for 97,500 families po. Ito na ‘yung sinasabi nating Special Emergency Housing Assistance Program ng NHA kung saan nagtalaga po ng about 5,000 per family, alam namin po na hindi…this was just a stop gap ‘no, hindi ho lahat mabibigyan kaya based on our existing funds po ng Emergency Housing Assistance Program namin, nakapag-bigay po kami ng certain amount.

However, ‘nung nag-create na po ng cluster… ng shelter cluster ang NDRRMC, ang NHA po ay isa sa mga… with DSWD will be providing a bigger amount ‘no, a bigger allocation, for totally and partially damaged houses. NHA for ano ho, for damage, magbibigay po, ang proposal po is to provide them 10,000 cash assistance. But for the fully-damaged houses po, magbibigay ng 30,000 either cash or through housing materials.

So, ang proposal po na ito ay inihain, pinapadala na po, in-endorse na po sa Office of the President, para po mapondohan ‘no at maisama po sa doon sa 2022 budget natin. NHA po, ang nakatoka po for NHA is about 9.8 billion while DSWD is about 8.8 billion.

So, ang total po, ang total, we are…the proposal of the shelter cluster amounts to about 18.5 billion to provide housing assistance to about 1.2 million affected families. ‘Yan po ang latest update natin sa Odette, and NHA’s participation.

USEC. IGNACIO: Opo, Ms. Agnes, aling mga probinsya po ang nabigyan natin ng tulong at ano po ‘yung mga inaasahang tulong pa na maaaring ipaabot ng National Housing Authority?

MS. AGNES AGAY: Oo sa… doon po sa una nating sinabi kanina na we provided 487,500,000.00. Ang nabigyan na po natin sa Region 4-B Palawan, Puerto Princesa; sa Region 6, Iloilo City, Province of Iloilo, Province of Guimaras, Antique at Negros Occidental; sa Region 7 naman po we have Bohol, the Province of Cebu, Cebu City, Mandaue, Lapu-Lapu, Negros Oriental, and Siquijor; sa Region 8 Leyte, Southern Leyte; sa Region 10, Camiguin, Surigao Del Norte, Siargao; Region 13—ah, Region 10 is Camiguin; Region 13 is Surigao Del Norte, Siargao, Surigao Del Sur, Dinagat Islands, at Agusan Del Norte.

So ‘yan po ‘yung sinabi natin na nabigyan natin before the New Year ‘no, of around 487.5 million na to provide a Special Emergency Housing Assistance of about 5,000 per family, ‘yan po ay makaka-provide ng assistance to about 97,500 families.

USEC. IGNACIO: Opo, Ms. Agnes, kunin ko na lamang po ‘yung inyong mensahe o paalala sa mga sa ating mga kababayan, partikular po ‘yung gusto ditong sumama sa “Balik Probinsya, Bagong Pag-asa” program. Go ahead, Ms. Agnes.

MS. AGNES AGAY: Siguro po, ituloy na po natin ‘yung ating programa ngayon. As I have mentioned kanina po, mag-connect lang po kayo sa amin through the numbers that we provided, dahil tuloy-tuloy naman po ang pagtanggap at pagproseso ng mga applications. Sinisikap po namin na mas mapabilis pa ang pag-identify at pag-a-asses ng ating mga benipisyaryo upang mas madami po tayong applicants na mapauwi.

Patuloy din po kami nakikipag-ugnayan sa mga local government units para makapag-schedule na po nang mas madaming service [garbled]. Marami pong salamat po sa inyong tiwala at sa pag-a-apply ng BPP program. Thank you po, Usec.!

USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras, Ms. Agnes Agay ng National Housing Authority, stay safe po, Ms. Agnes!

At ‘yan po ang mga balita’t talakayan tampok namin ngayong araw, ang public briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita po ulit tayo bukas, dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center