USEC. IGNACIO: Magandang umaga, mga kababayan. Magandang umaga rin po sa mga Pilipino saan mang sulok ng mundo, ako po si Usec. Rocky Ignacio, ang makakasama ninyo ngayong umaga upang saliksikin ang mga napapanahong usapin sa bansa.
Ngayong araw, Pebrero a-otso, ating kukumustahin ang naging unang araw ng pagbabakuna sa mga batang nasa edad lima hanggang labing-isa sa Metro Manila; makakausap din natin mamaya ang kasalukuyang officer-in-charge ng MMDA na si General Manager Romando Artes; hindi rin natin kaliligtaan ang mga maiinit na usapin patungkol sa eleksyon campaign period para sa halalan 2022.
Simulan na po natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH!
Sa kaniyang Talk to the People kagabi, muling nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa taumbayan na magpabakuna na lalo na po ang mga bata na pinagtutuunan ng pansin ngayon ng pamahalaan. Ayon kay Vaccine Czar at NTF Chief Implementer Secretary Carlito Galvez, Jr. sa inisyal na paglulunsad kahapon ng Resbakuna Kids sa mga edad lima hanggang labing-isang taong gulang, 7,416 agad na mga bata ang nabakunahan as of 4 o’ clock P.M.
Bukod dito, sa darating na February 10 at 11 ay maglulunsad din aniya ang pamahalaan ng ikatlong yugto ng National Vaccination Days na layong makapagbakuna ng dalawang milyong individual para sa primary doses at apat na milyon naman para sa booster shots.
Para naman magtuluy-tuloy ang tagumpay ng bakunahan sa bansa, mensahe ni Pangulong Duterte sa mga anti-vaxxers o tutol sa COVID-19 vaccination:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Patuloy po ang ating laban kontra COVID-19, at isa sa pinakamabisang proteksyon laban sa coronavirus ang bakuna. Kaya naman para sa proteksyon ng publiko, sinimulan na rin sa bansa ang pagbabakuna sa mga batang nasa edad lima hanggang labing-isa. Kaugnay niyan ay makakausap po natin si Undersecretary Myrna Cabotaje mula po sa Health department. Magandang umaga po, Usec.!
DOH USEC. CABOTAJE: Magandang umaga, Usec. Rocky, at sa lahat ng nanunood sa inyong programa ngayong umaga.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sinimulan na nga kahapon itong pagbabakuna sa mga batang nasa edad lima hanggang labing-isa dito sa Metro Manila, kumusta po ang naging proseso nito so far, gayundin po iyong pagtanggap ng publiko dito?
DOH USEC. CABOTAJE: Naging matagumpay at maayos naman ang pagsisimula ng ating bakunahan para sa pediatric five to eleven years old kahapon. Wala naman tayong na-encounter na report of any untoward incident.
Sa kabuuan, tayo ay nakapagbakuna ng 9,784 pediatric five to eleven years old as of 8 o’ clock kagabi ‘no sa 32 sites na nagsimula kahapon, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nito nga pong Biyernes ay dumating na itong paunang 780,000 na pediatric doses sa bansa. Kailan po raw inaasahan natin ang susunod na dating ng pediatric doses sa bansa at ilang doses po iyong inaasahan nating darating?
DOH USEC. CABOTAJE: May dalawang shipment tayong inaasahang darating ng February 10 at February 16. Kada shipment ay may 780,000 doses na bakuna para sa five to eleven. Tapos pagkaraan ng dalawang shipments na ito, may inaasahan pang dalawa ulit na after one week apart hanggang end of February.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., siniguro po ng ating pediatricians ang COVID-19 vaccines na itinuturok sa mga bata ay safe. Paano ninyo po ito nasisigurado, para na rin po sa mga magulang natin na nanunood na may agam-agam pa rin?
DOH USEC. CABOTAJE: Kagaya ng sabi ng ating eksperto, mga pediatricians ‘no, lahat ng bakuna ay safe and effective. Itong bakuna para sa five to eleven, gayundin ang mga ginagamit nating pagbabakuna sa bansa, ay dumaan sa masusi at istriktong pag-aaral ng ating Philippine Food and Drug Authority bago mabigyan ng ating tinatawag na Emergency Use Authorization. So hindi basta-basta silang nagbibigay ng Emergency Use Authorization hangga’t inaaral iyong kanilang safety at saka efficacy.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang brand nga po ng bakuna na itinurok sa mga bata na nasa edad lima hanggang labing-isa ay Pfizer vaccine. So gaano po kaepektibo at compatible ang nasabing bakuna para po sa kanilang age group?
DOH USEC. CABOTAJE: Yes, age-appropriate iyong ating tinurok sa kanilang mga bakuna na Pfizer na five to eleven. Base sa kasalukuyang datos ng Pfizer at sinusugan din ng ating CDC sa America, ang bakuna sa five to eleven ay ligtas at epektibo. Nakakitaan ito ng 90.7% effectiveness laban sa COVID-19.
May tatlumpu’t tatlong bansa na, Usec. Rocky, sa buong mundo ang gumagamit ng Pfizer for five to eleven, at may anim ding mga bansa na ang gamit naman sa kanilang mga pediatric age group ay ibang brand.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa mga batang nasa edad lima hanggang labing-isa na nabakunahan kahapon, so far, Usec., ay anu-anong side effects po ang mga nakita sa kanila?
DOH USEC. CABOTAJE: Base sa report na nakuha natin kahapon, may isa po tayong report na nakapagtala ng isang kaso ng non-serious adverse event following immunization or AEFI. Isa itong 11 years old male mula sa Parañaque ‘no, namantal iyong braso at mga kamay niya pagkatapos mabakunahan. Pero sa araw ding iyon ay nawala na ito, iyong tinatawag na nag-resolve iyong kaniyang rashes.
USEC. IGNACIO: Opo. So inaasahan po na ngayong araw ay sisimulan din iyong pagbabakuna sa mga batang nasa edad lima hanggang labing-isa sa Central Luzon, CALABARZON. Gaano raw po kahanda ang pagbabakuna sa mga lugar na ito?
DOH USEC. CABOTAJE: Sa CALABARZON po, inumpisahan na rin kahapon. So mayroon tayo sa Batangas Medical Center at iyong sa Southern Tagalog Regional Hospital sa Bacoor. Ang Region III po ay uumpisahan bukas sa Jose B. Lingad, sa Bulacan Medical Center sa Malolos, sa PJG sa Nueva Ecija at saka sa—ano pa iyong isa? At isa po ‘no. So we also had Cotabato Regional Hospital that started yesterday. This is Cotabato in Mindanao, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., target nga po ng pamahalaan na mabakunahan itong 15.5 million na mga batang nasa edad lima hanggang labing-isa sa bansa. Gaano po katagal inaasahan na makamit ito?
DOH USEC. CABOTAJE: Depende iyan sa dadating na supply ‘no. There’s still shortage o hindi naman ganoon karami ang supply buong mundo. So ang dating ng ating mga bakuna, kagaya nang nasabi natin, in tranches from 700,000; may isang inaasahan tayo mga one million or two million so mga five million to six million sa February. So iyong 15 million hindi po kaagad dadating iyong mga iyan ng isang buwan. So it will come in tranches.
So we’re expecting na sana makumpleto iyong 15 million by first quarter or at least April, tapos bibili rin tayo ng another 15 million para makumpleto po iyong two doses na kailangang ibigay sa mga bata.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano po ang kahalagahan na mabakunahan itong pediatric population sa bansa lalo na po ayon sa datos ay umakyat sa 69.2% total pediatric cases sa bansa nito lamang Enero dahil na rin po sa Omicron variant?
DOH USEC. CABOTAJE: Yes, ang isang mensahe natin ay children can get infected; puwede silang magkasakit; puwedeng magkaroon ng malubhang karamdaman, maospital at puwede ring mamatay. So ang pagbabakuna ay nagbibigay sa kanila ng extra protection para iyong kanilang sakit ay hindi maging malubha; they can be mild and asymptomatic.
Tapos they also provide additional protection. Kung iyong batang five to eleven, iyong mga nanay, iyong mga adults sa bahay nila ay bakunado, protektado iyong mga zero to four na hindi pa nabibigyan ng mga bakuna.
And then kapag bakunado na iyong ating mga five to eleven (5-11), they are more confident kasi may layer of protection when they now go out. Matagal na ring nakakulong itong ating mga five to eleven (5-11), so, it’s high time that they also go out of the houses, of their homes.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kumusta naman po ba iyong tugon ng ating pamahalaan dito po sa petisyon ng dalawang magulang sa Quezon City Regional Trial Court na itigil po ang pagsasagawa ng COVID-19 vaccination para sa mga bata? Ganito rin po iyong tanong ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror. Ano daw po ang update sa usapin?
DOH USEC. CABOTAJE: Wala pa, but we respect the right to file. At the same time, iyong government maintains its position na base sa nga sa mga pag-aaral at nakita na that the benefits outweigh the risk, maraming mamamatay at marami ding magkakasakit na bata [kung hindi bakunado], so, importanteng mabakunahan.
Ipagpapatuloy ng Kagawaran ng Kalusugan at ng gobyerno ang pagbabakuna sa bata but we will respect the decision of the court kung mag-grant ng TRO but we will appeal ito because we know that iyong pagbabakuna ay for greater good for the greater number.
USEC. IGNACIO: Opo. Kumusta na rin po iyong paghahanda, Usec, ng DOH para naman sa isasagawang Bayanihan Bakunahan sa February 10 at 11?
DOH USEC. CABOTAJE: Yes. Tuluy-tuloy iyong ating pagkampanya sa bakuna. Iyong Bakunahan Bayanihan Part 3 sa February 10 and 11 ay nagta-target po iyong mga primary dose kasi marami-rami din po ang hindi pa rin natin nababakunahan in many areas ‘no.
Lalung-lalo na iyong ating mga A2, iyong mga senior citizen ‘no. So, importanteng makuha nila iyong primary dose. At kailangan na rin iyong mga boosters especially din ang ating mg senior citizen kasi alam naman natin na bumababa iyong efficacy ng ating mga bakuna after some time, medyo matagal-tagal na rin nagbakuna iyong iba.
We started March of last year, so halos mag-iisang taon na na nabakunahan iyong mga ibang karamihan sa ating mga mamamayan noong nag-umpisa, so kailangan na ring ma-booster para mapasigla iyong kanilang immune system at malakas ang kanilang panlaban sa COVID-19 disease.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kuhanin ko na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan kaugnay po sa pagbabakuna sa mga batang nasa edad lima hanggang labing-isa (5-11). Go ahead, Usec.
DOH USEC. CABOTAJE: Maraming salamat, Usec. Rocky.
Vaccines work. Naipakita na ito sa ating experience sa NCR noong ating Omicron surge, hindi gaanong marami ang nagkasakit ng malubha at namatay. So, importanteng pati ang mga bata kailangan nating proteksiyunan.
The FDA assures that the vaccines are safe and effective. Even our experts ‘no, our pediatricians, our infectious disease specialists, are saying na epektibo at kailangan itong mga bakuna.
So, huwag po kayong mag-alala, pinag-aralan po ito at tuluy-tuloy po nating pag-aaralan kung ano pa iyong mga kailangang gawin para mapagbuti iyong ating pagbabakuna.
Maraming salamat.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong pagpapaunlak sa amin ngayong umaga, Health Undersecretary Myrna Cabotaje. Mabuhay po kayo and stay safe po, Usec.
DOH USEC. CABOTAJE: Thank you.
USEC. IGNACIO: Samantala, narito ang mga huling tala ng COVID-19 sa bansa
As of 4 P.M. kahapon, nakapagtala na ang Health Department ng total COVID cases count na 3,616,387 matapos itong madagdagan ng 6,835 na mga bagong kaso.
Patuloy pang bumababa ang mga nadaragdag na kaso kada araw. Nasa bilang naman na 16,330 ang mga bagong gumaling mula sa virus. Sa kabuuan, umabot na ito sa 3,445,129 total recoveries.
12 lang po ang nadagdag sa mga nasawi kung kaya umabot ito sa 54,538 total deaths.
116,720 (3.2%) ng kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa ang nananatiling aktibo hanggang ngayon.
Muling nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na huwag basta-basta bumili ng mga gamot kontra COVID-18 sa mga kaduda-dudang tindahan para hindi mapeke. Sa ulat kasi ni FDA OIC Dr. Oscar Gutierrez, nakasaad na mula sa mga sikat na gamot sa merkado tulad ng panlaban sa lagnat, sipon, sakit ng katawan at pagdudumi, hanggang sa mga diagnostic kits napipeke na ngayon.
Sa 926 drug outlets na kanilang binabantayan, 21 aniya ang hinihinalang nagbebenta ng mga pekeng gamot. Kaya paalala ng ahensiya, sa FDA-licensed drug outlets lamang bumili.
Samantala, nagsagawa na ng pagdinig ang Senado sa kontrobersiyang nalikha ng Philippine Athletics Track and Field Association at ng pole vaulter na si Ernest John “EJ” Obiena. At upang hindi maulit ang kahalintulad na kontrobersiya, iminungkahi sa Senate Sports Committee ang pagbalangkas ng Magna Carta para sa mga atletang Pinoy. Narito ang report:
[TECHNICAL PROBLEM]
USEC. IGNACIO: Magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Nagsagawa na ng pagdinig ang Senado sa kontrobersiyang nalikha ng Philippine Athletics Track and Field Association at ng pole vaulter na si Ernest John ‘EJ’ Obiena at upang hindi maulit ang kahalintulad na kontrobersiya, iminungkahi sa Senate Sports Committee ang pagbalangkas sa magna carta para sa mga atletang Pinoy. Narito ang detalye:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Puspusan na ang paghahanda ng mga kakandidato para sa election 2022 sa pagsisimula ng election campaign. Kaya naman ating alamin kung paano pinaghahandaan ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang pagsasagawa ng mga kampanya, kasama po natin si DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya. Magandang umaga po, Usec.!
DILG USEC. MALAYA: Yes. Magandang umaga Usec. Rocky at magandang umaga po sa lahat ng ating tagasubaybay sa inyong programa.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., paano po ba pinaghahandaan nga ng DILG itong election campaigns na maaaring isagawa ng mga kandidato para po dito sa election 2022?
DILG USEC. MALAYA: Yes, Usec. Ilang linggo na rin po kaming naghahanda ‘no, tuluy-tuloy po ang aming koordinasyon sa ating Comelec. In fact nagkaroon po ng pagpupulong ang National Campaign Committee sa pangunguna ng Comelec noong Friday.
At plano naman po ng DILG bilang deputized officials of the Commission on Elections ay may mga direktiba na po si Secretary Eduardo Año sa ating kapulisan at sa ating mga local government units kasama na rin po ang mga barangay official na kailangan ay mahigpit na ipatupad ang lahat ng probisyon ng Comelec Resolution 10732 partikular po iyong mga Sections 12, 14, 15 and 16 doon sa mga tinatawag nating ‘allowable campaign activities which corresponds to the prevailing alert level of the area.’
Maliban po diyan, Usec., ay nagtalaga din po si Secretary Año sa aming mga field officials ‘no na maging aktibong miyembro ng Comelec Campaign Committee mula sa region hanggang sa lebel po ng munisipyo.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ayon nga sa inyo ay stiff sanctions ang naghihintay sa political aspirants at kanilang mga tagasuporta sa oras po na malabag nila itong election campaign rules na itinalaga ngayon pong nasa gitna tayo ng pandemya; so, anu-anong penalty po ba ang posible nilang kaharapin?
DILG USEC. MALAYA: Opo. Ang mga penalties po ay depende sa violation, on the nature of violation.
Kung ito pong mga violation na ito ay violation Sections 87, 88, 89 which pertains to political rallies, meetings, the use of transportation, food and drinks ay mayroon po itong imprisonment of not less than one year but not more than six months; puwede rin pong mapatawan ng disqualification to hold public office and puwede pong matanggal iyong kaniyang karapatang bumoto.
Ngayon kung ito naman po ay violation of minimum public health standards, ito po ay may kaukulan ding pagkakakulong or imprisonment not less than one month or not more than six months and fine not less than P20,000 but not more than P50,000 at the discretion of the court. Ang korte po ang magdidesisyon kung ano ‘yung pinakapinal na penalty depende po sa finile na mga kaso ng Comelec o kaya naman ng ating kapulisan.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., itong mga violation nga po na hindi dapat isagawa, nakatala ito sa Comelec Resolution 10732. Maaari ninyo po ba kaming bigyan ng pahapyaw kung ano po iyong mga violation na nakatala dito?
DILG USEC. MALAYA: Opo. Maganda po basahin ng ating mga kababayan ‘no iyong 10732 dahil nakalagay po dito iyong guidelines for the conduct of election-related activities amid the continuous threat of the COVID-19, ngayon po, ito pong mga regulasyon na ito ay nakadepende po sa alert level.
So for example po dahil po tayo ay nasa Alert Level 2 ‘no, kailangan po sumunod ang mga political rallies o mga pagtitipon sa allowable capacity which for Alert Level 2 is 50% of the operational capacity. Kung may safety seal, puwede rin pong additional 10% ‘no. So nakabase po iyan sa alert level kasi po ‘pag umabot na po sa Alert Level 4 and 5 ay wala na pong gatherings na puwedeng mangyari ‘no.
Ang mga pinagbabawal din po, iyong mga physical contacts between the candidates and the supporters o kaya naman po iyong publiko. So iyong mga pagkakamay, iyon pong hugging, paghalik ‘no, going arm-in-arm or any action that involves physical contact among the candidate, their companions and the public ay lahat din po ito ay ipinagbabawal under Comelec Resolution No. 10732.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nakabase po sa alert level ng isang lugar ang higpit o luwag ng physical campaigns, rallies at meetings na maaari pong isagawa ng sino mang political aspirants. Para po dito sa ating sa Metro Manila, ano po iyong panuntunan habang tayo ay nasa Alert Level 2 pa?
DILG USEC. MALAYA: Ah, okay. So mas maluwag po nang konti dito sa Metro Manila kasi Alert Level 2. So kung magsasagawa po ng mga pagtitipon, political rallies – ito proclamation rally ‘no, marami pong proclamation rally – 50% to 60% lang po ng operational capacity of the venue regardless of whether indoor or outdoor ito, iyan po ang kailangan sundin. At kung mag-i-in-house campaigning naman po, in-person campaigning, puwede po ito dito sa Alert Level 2 but the candidate must be only be accompanied by a maximum of five campaign support staffs in Alert Level 2.
At ‘pag nag-Alert Level 3 po ay tatlo na lamang ‘no. ‘Pag nag-Alert Level 1, wala na pong problema sa numero ng kandidato; pero kung ito po ay house-to-house, hanggang sa labas lamang po ng bahay – hindi po puwedeng pumasok dahil bawal po ang pagpasok sa mga kabahayan ng ating mga kababayan even if pumapayag iyong may-ari dahil ito po ay violation ng minimum public health standards na siyang binabantayan natin sa panahon ng pandemya.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, nabanggit nga po ninyo itong mga ipinagbabawal ng COMELEC ngayong panahon ng campaign period tulad po ng ano mang physical contact at iyong house to house po ng mga kandidato. So, ano po iyong inyong inilatag na aksiyon para masiguro na masusunod po ang mga ito?
DILG USEC. MALAYA: Well, sa totoo lang po, malaking challenge po ito sa amin sa DILG. So ang atin pong kapulisan ay na-orient na natin, dahan-dahan po nating in-orient para po alam nila iyong mga allowable at not allowable ‘no. Iyong DILG field Officials ay atin din pong in-orient. Pero ang panawagan po ng DILG, sana po mag-self police na iyong mga kandidato. Alam naman po nila iyong batas, sana po sila iyong manguna sa pagsunod sa batas para po iyong kanilang mga supporters ay sumunod din sa kanila. Kung baga, they should lead by example, para hindi na po mahirapan ang ating mga law enforcement agency sa pag-implement ng mga resolusyon ng COMELEC.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, ano daw po iyong mga posibleng malabag ng isang kandidato bago po magdesisyon na siya ay ma-disqualify?
DILG USEC. MALAYA: Ang disqualification po kasi ay ibang probisyon ng Omnibus election code, under section 68 po iyon. So, ang mga grounds for disqualification ay kung sila po ay nagbu-vote buying. Ang tawag po diyan under 68 ay giving money or other material consideration to influence, induce or corrupt voters. So kung napatunayan po ang vote buying, that is a ground for disqualification. Act of terrorism is also a ground for disqualification.
Kung tayo po ay sosobra doon sa allowable campaign expenditure o iyong tinatawag pong excessive spending, that is also a ground for disqualification. Iyon pong kung tatanggap po tayo ng ipinagbabawal na campaign contribution, for example po galing sa ibang bansa ‘no, foreign funding, ipinagbabawal din po iyan. And then kung kayo po ay green card holder or permanent resident or immigrant sa ibang bansa, that is also a ground for disqualification and finally, if the COMELEC rules you as a nuisance candidate you can be disqualified from running.
USEC. IGNACIO: Opo. Nagbigay nga po ng order si Interior Secretary Eduardo Año sa Local Government Unit, sa PNP para po masigurado na nasusunod itong poll campaign guidelines. Sa ngayon po ba kumusta iyong inyong paghahanda at pagpapatupad ng mga ito?
DILG USEC. MALAYA: Well, as much as we can, sa tingin po namin handa na kami, pero kami po ay hihingi pa rin ng mas maraming orientation mula sa Commission on Election, dahil nga po kakaiba po kasi itong ating kampanya ngayon. Hindi po ito kagaya noong dati, Usec. Rocky ‘no, iba po ngayon ang mga pamantayan ‘no. Mayroon nga pong mga digital campaigning din na nangyayari. So, we are as ready as we can, pero we need the guidance and orientation and continued support of the Commission on Elections.
USEC. IGNACIO: Opo. Kasama na po dito iyong pagsigurado kung papaano daw po na hindi magiging super-spreader event and election campaigns na isasagawa lalo na ngayon na patuloy naman pong bumababa ang mga kaso ng COVID-19 kada araw?
DILG USEC. MALAYA: You know, Usec. I think it’s a collective responsibility ng lahat iyan. Kasi hindi naman po mababantayan 24 hours ng ating kapulisan o ng ating Local Government Units ang lahat ng mga campaign activities ng ating mga kandidato. So, sa tingin ko po, kagaya po ng nangyayari sa pang-araw-araw nating buhay na kung minsan ang mga nagdadala ng COVID ay iyong mga kapamilya rin naman na lumalabas at pumapasok sa mga trabaho at pag-uwi dala nila iyong COVID. Ganoon din po ang mangyayari sa mga campaign activities kung hindi magiging maingat ang ating mga kababayan.
So, I think iyong pagbabantay po laban sa mga super-spreader event sa ating bansa should be a collective responsibility ng mga kandidato, ng kanilang mga supporters sa kanilang political parties at ng ating mga kababayan, kasama na po of course ang DILG, PNP at ang Armed Forces of the Philippines.
USEC. IGNACIO: Opo. Katanungan naman po ng ating kasamahan sa media. Tanong po ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Under po sa COMELEC resolution 10732, kailangan pong humingi ng candidates sa mga LGU and other members ng COMELEC Committee campaign ng permit for onsite campaign activities. Ilang 2022 candidates na po ang nag-apply ng nasabing permit at ilang applications po ang na-deny?
DILG USEC. MALAYA: Alam po ninyo, Usec. Rocky, iyan pong mga datos na iyan ay nasa level ng lokal na campaign committee. Ang COMELEC po ang siyang may datos niyan, wala po kami sa DILG ‘no, buong bansa po kasi iyan. Pero ang alam po namin ay marami pong proclamation rallies na ng ating mga national candidates ang napagbigyan na at naisyuhan na ng mga campaign permits ng mga Local Government Units through the local campaign committee para sa araw na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Kunin ko na lamang po ang inyong mga paalala para sa ating mga kababayan at kandidato sa pagsisimula ng election campaign. Go ahead, Usec. Malaya.
DILG USEC. MALAYA: Okay. So kami po ay nanawagan sa ating mga kababayan na sana po ay maging maayos iyong ating parating na pangangampanya at sana po hindi po ito maging dahilan ng mga super-spreader events. Iyan po iyong dahilan kung bakit naging mahigpit ang COMELEC sa kanilang resolution on what is allowed and what in not allowed. And sana po suportahan ng mga kandidato at ng ating publiko ang mga pamantayang inilabas ng COMELEC. Para naman po sa miyembro ng ating mga COMELEC Campaign Committee sa buong bansa, we call on them to please avoid partiality and bias in granting the approval of these campaign activities. Unahin po sana natin ang kaligtasan ng ating mga kababayan bago ang pamumulitika at sana po ay huwag silang mapulaan na sila ay bias or partisan towards any of the candidates.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon at impormasyon, DILG spokesperson, Undersecretary Jonathan Malaya. Mabuhay po kayo and stay safe po, Usec.
DILG USEC. MALAYA: Maraming salamat din po, Usec. Rocky at mabuhay din po kayo.
USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan muna natin si Jay Lagang para iulat sa ating ang mga napapanahong kaganapan sa Davao Region.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Opisyal na pong inanunsiyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Benhur Abalos na siya po ay nag-resign na sa kaniyang puwesto. Kaugnay nito, ang kasalukuyang Officer-In-Charge ng kagawaran ay si General Manager Romando Artes. Atin po siyang makakausap ngayong umaga dito sa Public Briefing. Magandang umaga po, GM?
MMDA-OIC GM ARTES: Magandang umaga po, Usec. Rocky, at sa tagapakinig at tagapanood.
USEC. IGNACIO: Opo. GM, kumusta po ang naging pag-uusap ninyo ni Chair Abalos nang siya po ay magbitiw sa puwesto? Mayroon po ba siyang mga pangunahing bilin sa inyo para po pangunahan ang MMDA? May kaugnayan po dito ang tanong ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror. As OIC daw po, what is iyong initial marching order for the MMDA?
MMDA-OIC GM ARTES: Nag-usap naman po kami ni Chairman Abalos, bago po siya tuluyang nagbitiw. Marami po siyang ibinilin sa akin. Sa totoo lang po, sa loob ng mahigit isang taon lamang na panunungkulan niya sa MMDA, itinirain [train] po niya po ako, itinuro lahat ng magandang gawain para mas maging maayos ang ahensiya at nailatag naman po niya iyong mga programang dapat gawin.
So, ipagpapatuloy ko lamang po siguro iyong mga programang ito, sa ngayon po ang priority po ng MMDA ay iyong steady ang vaccination po. In fact, nandito po ako ngayon sa launching dito sa SM Megamall ng vaccination po para sa mga bata na may edad 5 to 11 po.
USEC. ROCKY IGNACIO: GM, ongoing nga po itong pagbabakuna sa mga batang nasa edad 5 hanggang 11 dito sa NCR, ano po iyong initial assessment ninyo?
MMDA-OIC GM ARTES: Sa 29 po na vaccination sites na nagbakuna po ng bata na ages 5 to 11 halos sampung libo po ang nabigyan ng bakuna. So, tayo naman po ay hindi nagmamadali, inuunti-unti po natin iyong pagbabakuna sa mga bata at iyon po magla-launch pa po tayo ng maraming vaccination sites all over the Philippines para po sa mga bata edad 5 hanggang 11.
USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Patuloy nga po ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa partikular dito sa NCR, ano po ang isinasagawa ng MMDA para po mas bumaba pa ang mga kaso ng COVID-19 partikular po nga dito sa NCR?
MMDA-OIC GM ARTES: Opo, dito po sa Kalakhang Maynila mayroon na lang po tayo na—iyong latest po ay 1,271 new cases. Ito po ay patuloy na bumababa at ini-expect po natin na bago matapos ang buwan na ito ay bababa po ito sa isang libong kaso araw-araw.
So, ini-expect po natin na soon baka mag-Alert Level 1 po tayo, ang mga alkalde po ng Kalakhang Maynila ay handa para po sa pagbubukas muli ng mga iba’t-ibang industriya at sektor dito sa Kalakhang Maynila.
USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Ano naman po iyong masasabi ninyo dito po sa mungkahi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na i-require na iyong pagpapakita ng booster card sa mga establishment sa Metro Manila by March or April?
MMDA-OIC GM ARTES: Amin pong napag-usapan iyan noong linggo sa pagpupulong po ng Metro Manila Council, tinalakay na po iyan at sabi po nina Sec. Vince Dizon, at Sec. Charlie Galvez, iyan po ay pag-aaralan, may mungkahi po kasi ang mga Mayors ng Kalakhang Maynila kung paano po mapapaigting pa ang pagbibigay ng booster shot. I don’t want to preempt po, pero nasa table na po ang mga bagay na iyan.
USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Hindi po lahat sa ating mga kababayan ay aware dito sa isinasagawang vaccination roll out sa kani-kanilang mga lugar at iyong iba naman po ay hindi marunong mag-register online; so, paano ninyo po ito sinu-solusyunan, ano po iyong koordinasyon ninyo sa LGU kung mayroon man po?
MMDA-OIC GM ARTES: Sa ngayon po, ang mga ginagawa ng ating mga LGUs ay nagbahay-bahay na sila. Talaga pong inilalapit na natin iyong pagbabakuna sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila para hindi na po sila mag-commute at talagang pong ina-assist.
Kami rin po dito sa MMDA kung natatandaan ninyo kami po ay naglulunsad ng vaccination sites sa mga terminal o mga opisina po ng LTO, LTFRB at doon po nga in-coordination po with SM Supermalls, magbubukas po tayo ng steady vaccination sites sa iba’t-ibang SM po dito sa Kalakhang Maynila.
USEC. ROCKY IGNACIO: Opo GM, naging mainit din pong usapin itong unti-unting pag-aalis ng alert level system sa bansa, napag-usapan po ba ito ng Metro Manila Mayors, ano po ang naging majority decision?
MMDA-OIC GM ARTES: Wala naman pong discussion sa pagtatanggal. Ang amin pong napag-usapan ay kapag patuloy pong bumaba ang kaso ng COVID-19 sa Kalakhang Maynila baka po mag-request kami na ibaba na sa Alert Level 1 ang Metro Manila.
USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Ire-request ninyo po sa IATF tama po ba na ibaba na sa Alert Level 1, ano po iyong nakita ninyong mga dahilan kung bakit kailangan ninyong gawan ng rekomendasyon ito?
MMDA-OIC GM ARTES: Patuloy naman pong bumababa at pag na-reach po namin iyong threshold para ibaba na po ng tuluyan sa Alert Level 1, iyan po ay hihilingin namin sa IATF para maibaba na po at mabuksan na po talaga iyong ekonomiya dito sa Kalakhang Maynila na alam naman po natin na sentro ng komersiyo sa buong bansa.
USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. GM, sang-ayon po dito ba ang ating lahat na Mayors?
MMDA-OIC GM ARTES: Opo, iyan naman po ay napag-usapan at muli po namin pag-uusapan iyan pagdating ng tamang panahon.
USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Kunin ko na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan GM lalo na kayo po ang bagong OIC ng MMDA. Go ahead GM.
MMDA-OIC GM ARTES: Opo, sa atin pong mga kababayan lalung-lalo na dito sa Kalakhang Maynila, ang pagbaba po ng kaso ng COVID-19 dito sa Kamaynilaan ay dulot na rin po ng ating disiplina.
Sana po ay ipagpatuloy po natin iyong ating disiplina, mag-wear po ng mask, sumunod po sa minimum public health standard at ganoon din po magpabakuna lalung-lalo na po iyong booster shot.
Ito po ang ating paraan para makabalik na po tayo sa normal, gayundin po hinihikayat ko iyong mga magulang na pabakunahan po nila iyong kanilang mga anak para makabalik na rin po sila sa eskuwelahan. Iyon lamang po at maraming salamat po sa inyo USec. Rocky.
USEC. ROCKY IGNACIO: Opo, GM kami rin po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga MMDA Officer In-Charge General Manager Romando Artes, mabuhay po kayo and stay safe po.
MMDA-OIC GM ARTES: Salamat po.
USEC. ROCKY IGNACIO: Samantala, namahagi ng tulong ang tanggapan ni Senator Christopher ‘Bong’ Go, sa mga residenteng nasunugan sa Barangay Lourdes, Northwest Angeles City, Pampanga dahil dito lubos na pasasalamat ang kanilang ipinaabot sa Senador. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Louisa Erispe. Alamin naman po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service kasama si Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas. Maraming salamat din po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
At dito na po nagtatapos ang ating programa ngayong araw. Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtutok. Hanggang bukas po muli, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH!
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center