USEC. IGNACIO: Magandang Umaga, Luzon, Visayas at Mindanao. Maligayang Araw ng mga Puso sa ating lahat. Ngayong Lunes, Valentine’s Day, patuloy nating tatalakayin ang maiinit na isyu sa bansa na may kinalaman sa COVID-19 response ng pamahalaan at sa mga kaganapan kaugnay ng eleksyon 2022. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Para kay Senator Bong Go, walang dapat maiwan sa mas pinaigting na pagsisikap na mabakunahan ang lahat ng senior citizens at mga pinaka-apektadong grupo para tuluyang makontena ang pandemya. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Bakunahan sa mga batang edad lima hanggang labing-isa isinagawa na sa buong bansa. At bilang pagpapalakas sa pediatric vaccination, isa pang vaccination site para sa mga bata ang binuksan ngayon sa Parañaque City. Ang update ihahatid ni Mark Fetalco live.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, Mark Fetalco.
Bukod po sa Valentine’s Day, isa rin sa inaabangan ngayong February 14 ay ang bagong anunsiyo ng pamahalaan kung mananatili ba sa Alert Level 2 ang Metro Manila at marami pang lugar sa bansa o puwede nang maibaba pa ito sa Alert Level 1. Iyan po at iba pang usapin atin pong tatalakayin, kasama po natin si Undersecretary Myrna Cabotaje ng DOH. Good morning, Usec.
DOH USEC. CABOTAJE: Good morning, Usec. Rocky, at sa lahat ng nanunood sa atin ngayong umaga.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kung kayo po ang tatanungin, pabor na po ba kayong subukang ibaba sa Alert Level 1 ang Metro Manila o huwag po muna?
DOH USEC. CABOTAJE: Baka nakakalimutan na depende sa assessment, while malaki na ang nababakunahan sa NCR [garbled]. Baka akala ng mga tao kapag nag-Alert Level 1 [garbled] mga minimum public health standards baka mag-surge [garbled].
USEC. IGNACIO: Opo. Pero ayon po kay DILG Secretary Año, kailangan pa nga raw po nang mas mataas na vaccination rate sa Metro Manila bago ito dapat ibaba sa Alert Level 1. So ilan na po ba iyong bakunado dito, dito lang po sa NCR?
DOH USEC. CABOTAJE: Doon sa first dose na [garbled] almost 100% [garbled] fully vaccinated, 99% na. Kailangan pataasin pa sa NCR iyong ating booster doses kasi added protection kapag may additional booster po tayo.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., para malinaw lang po ‘no, medyo choppy kayo, sa tingin ninyo ay kailangan pa po nating pataasin itong vaccination rate natin? Nakikita ninyo na mukhang hindi pa po kakayanin ibaba sa Alert Level 1, tama po ba iyon?
DOH USEC. CABOTAJE: Yes, kasi marami sa ating mga areas sa NCR, medyo mababa ang coverage ng A2, iyong ating senior citizen. While 99% ang fully vaccinated, kapag tiningnan sa lahat ng mga priority group [garbled] kailangan pang i-push natin iyong A2.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., sa ngayon ilan naman po ba iyong nababakunahan under the National Vaccination Days na nagsimula noong February 10?
DOH USEC. CABOTAJE: As of kahapon, mayroon tayong 1.5 million na nabakunahan sa Bakunahan, Bayanihan NVD 3.
USEC. IGNACIO: Opo. In total, ilan po iyong fully vaccinated at boosted sa Pilipinas, Usec.?
DOH USEC. CABOTAJE: Ang ating fully vaccinated ay 61.4 million na tayo tapos may nine million na po tayo na nagkaroon ng booster.
USEC. IGNACIO: Opo. So kaya kinailangan po nating i-extend ito hanggang February 18 instead na hanggang February 11 lang, Usec., kasi nakikita ninyo po na medyo kulang pa iyong ating sa target?
DOH USEC. CABOTAJE: Oo, kasi gusto nating bigyan nang mas maraming pagkakataon ang ating mga kababayan para mabakunahan. [Garbled] maraming hindi pa nakabakuna ng first dose tapos iyong ating booster ay mapataas pa.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero ito ba ay balak nating gawin buwan-buwan para po ma-hit natin iyong target natin sa pagbabakuna, Usec.?
DOH USEC. CABOTAJE: Oo, iniisip natin iyong iba-ibang strategy. Baka kahit gawin nating buwan-buwan [garbled] specific areas siguro o kaya specific targets ‘no [garbled] makikita natin medyo kailangan nating taasan iyong atin pang senior citizen. Baka one day senior citizen parang [garbled].
USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano po iyong ginagawang dagdag effort ng pamahalaan para nga po pabilisin ang pagbabakuna sa mga senior citizen at lalo po dito sa immunocompromised individuals, aside po itong plano ngang gawin na ito buwan-buwan?
DOH USEC. CABOTAJE: Ang ating mga local [garbled] health workers, ang ginagawa nila ay nagbabahay-bahay sila para makita kung sino iyong mga hindi pa nabakunahan. So papalapitin natin ang vaccination sites sa ating mga senior citizen. Gagawing mas madali para hindi sila mahirapan mag-register.
Sa ating mga immunocompromised naman, pag-iibayuhin natin iyong ating pakikipag-coordinate sa ating mga ospital, mga hubs. Kasi alam naman natin, ang mga immunocompromised ay may mga pinupuntahan – iyong may HIV/AIDS – sites sila, iyong ating may mga cancer, para doon dalhin ang ating mga bakunahan.
USEC. IGNACIO: Opo, Usec, itong sinabi ninyong planong gagawing pagbabahay-bahay, ang LGU ang mangungunguna? Kailan po ito puwedeng isagawa? At kapag sinabi pong magbabahay-bahay, kapag nalaman na walang bakunado, doon na rin po mismo gagawin sa kanilang mga tahanan? Iyon na rin po ba ang plano, Usec.?
NVOC USEC. MYRNA CABOTAJE: Ginagawa na ito sa ibang siyudad, kung hindi makalakad o bedridden o senior citizen, doon na sa bahay. Kaya ang gagawin nila iyong tinatawag nating mobile [garbled] kung saan doon mismo sa isang barangay o isang sitio, doon ilalagay ang ating mga bakuna center. Mayroon tayong mga buses, Usec, kung naaalala ninyo [garbled] sa mobile vaccination center.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa ngayon po ba ilan na ‘yung sa target population mula sa priority sector na ito ang hindi pa bakunado, Usec.?
NVOC USEC. MYRNA CABOTAJE: Sa ating A2 na sinasabi ni Dr. Raj, may 2.5 pa tayong A2 na hindi pa nabakunahan, 2.5 million, [garbled] na A3 [garbled] nasa 222,000 ang hindi pa po nababakunahan.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, paulit lang po. Nasa 200 plus po, pakiulit po iyong datos, USec.?
NVOC USEC. MYRNA CABOTAJE: Doon sa unvaccinated 2.5 million ang hindi pa nababakunahan sa senior citizen; sa ating A3, ating mga with comorbidities, 222,000 ang hindi pa nababakunahan.
USEC. IGNACIO: So ngayon, ilan pang vaccination sites po ang operational sa buong bansa? Ito po ba ay planong madagdagan pa?
NVOC USEC. MYRNA CABOTAJE: Sa ngayon po mga 30,400 ang vaccination sites that are actively reporting and, yes, binabalak nating dagdagan katulad ng magdadagdag tayo ng mga botika, ng ibang klinika, tapos iniisip na rin natin magbakuna sa mga clinic ng mga malalaking kumpanya.
USEC. IGNACIO: Opo, iyon ang isang sa mga pangunahing plano po ng pamahalaan ano po. Pero ano naman daw po ang reaksiyon ninyo dito sa isinusulong ng Philippine Foundation for Vaccination ng pagbabakuna sa below five years old?
NVOC USEC. MYRNA CABOTAJE: Alam naman natin na ang bakuna ay nagbigay ng proteksiyon. Alam din natin na marami sa 2 to 5 ang nagkakasakit. So, kung sa tamang panahon at may bakuna na, rekomendado na ito ng ating mga experts, inaral na ng Health Technical Assessment Council (HTAC), may emergency use authorization na ang bakuna, puwede nang ibigay ang pagbabakuna sa below 5 years old.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, may tanong lang po ang mga kasamahan natin sa media. Tanong po ni Racquel Bayan ng Radyo Pilipinas: Ano daw po ang update sa pakikipag-ugnayan ng Vaccine Expert ng Pilipinas sa international counterpart nito kaugnay daw po sa 4th dose ng COVID vaccine dito sa bansa? Kung may ongoing discussion po ba kaugnay nito sa posibleng pagbibigay ng 4th dose, if not for general population at least daw po for immunocompromised individuals?
NVOC USEC. MYRNA CABOTAJE: Opo, nag-a-update na naman po ang ating mga eksperto sa mga data, sa mga trials, sa mga resulta sa iba’t ibang bansa. Pinag-uusapan po ito depende po sa trend, depende sa garbled], nagbibigay po sila ng kaukulang rekomendasyon ating Department of Health.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kunin ko lang po ang inyong paalala sa ating mga kababayan, lalo na po dito sa ating pagsasagawa ng Resbakuna pa? Go ahead, ma’am.
NVOC USEC. MYRNA CABOTAJE: Maraming salamat, Usec. Rocky. Alam natin vaccine works. Protektado tayo kung lahat bakunado. So, panawagan natin na tuluy-tuloy pa rin ang Bayanihan Bakunahan. Sa mga hindi pa nagpa-first dose, magpa-first dose na po kayo; iyong kailangan nang mag-second dose, magpa-second dose na po kayo at importante po, iyong booster. Huwag ninyo nang hintayin na tawagin kayo. Kung tatlong buwan ang pagitan ng second dose ninyo, puwede na po kayong magpa-booster. Maraming salamat.
USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong panahon, Undersecretary Myrna Cabotaje ng Department of Health.
Samantala, kaugnay pa rin po sa nagpapatuloy na Resbakuna Kids, makakausap naman po natin si Dr. Benito Atienza, ang presidente ng Philippine Medical Association. Good morning po, Doc. Atienza.
- BENITO ATIENZA: Good morning, Usec. Rocky. Narito na naman tayo para ipag-ano natin ang pagbabakuna sa ating mga five to eleven (5-11) years old. Kanina nga, katatapos lang ng aming [webinar], iyong sa Philippine Pediatrics Society mayroon kaming Webinar, “Love for our Children” ang tema.
USEC. IGNACIO: Opo. So, ano po sa palagay ninyo, Doc, dahil nga sinasabi nga po natin na patuloy po talaga itong pagbabakuna hanggang sa five to eleven (5-11) at may proposal na puwede na ito sa pababa mula five (5) years old and below. Sa palagay ninyo, dahil dito puwede nang ibaba sa Alert Level 1 ang Metro Manila by February 16 o hindi pa?
- BENITO ATIENZA: Sa akin, sa amin, parang ang tingin ko ang kailangan natin mabakunahan muna ang lahat kasi sabi nga, marami pa ring seniors at saka mga immunocompromised ang hindi pa nababakunahan. Tapos, iyong babakunahan nating mga kabataan na below five to eleven (5-11), ang dami niyan eh, ano ‘yan, 15.8 million. Eh ang nababakunahan pa natin, according to Doctor Cabotaje noong until Friday, ang nabakunahan pa lang is 69,800 sa 54 vaccination sites. Ito ang mga pilot sites para sa mga bata na five to eleven (5-11).
USEC. IGNACIO: Opo. Pero sakali pong bumaba na sa low risk ang Metro Manila by March, ito po ba ay susuportahan ng medical sector?
- BENITO ATIENZA: It depends po kung ano na, sabi nga namin, kung ang sitwasyon o kung susunod na ang mga tao sa protocol pa rin na minimum, ganoon pa rin naman kahit ibinaba iyan. Iyong minimum health protocol susundin pa natin, at saka sabi ko nga, sana ano i-natin, mabilis ang pagbabakuna natin.
Kasi as of now, iyong sa mga bata, ang worry natin mga bata natin ay 15.8 million pa ang babakunahan pa. Eh ang nababakunahan pa lang ngayon ay 70,000, buong Pilipinas na iyon. Kung magbababa ng alert siguro by region. Hindi pa puwede iyong [bansa], depende doon sa dami ng nabakunahan.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero kumusta po ang partisipasyon ng Philippine Medical Association sa bakunahan naman dito sa mga bata? Kayo po ba ay may napapansin pa rin pong vaccine hesitancy or somehow nababawasan naman po ito?
- BENITO ATIENZA: Actually, nababawasan naman. Ang mga tanong na nga ngayon is, kailan dadating sa probinsya ang bakuna? Kasi according to Doktora Cabotaje, noong isang linggo nang nagkaroon kami ng meeting with the pediatricians at saka itong mga bata, mga estudyante, nagkaroon kami ng webinar, in-update niya na ang nabakunahan lang nga noong isang linggo at iyong mga pilot areas na 54 sites lang. At ngayong Valentine’s Day ay nadagdagan na ito, naging 362 na ito. May karagdagang 318 na vaccination sites – hiwalay ito eh – for children sa buong Pilipinas.
Ang labindalawa (12) rito ay galing sa Region VI at saka iyong 47 new vaccination sites ay sa BARMM at alam natin na itong Bangsamoro, ito ang pinakakaunti ang nababakunahan as in general. Ngayon, naglagay sila ng maraming bakunahan para sa mga bata.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc, ito po ‘yung laging tinatanong po, ano po. May mga naitala naman po bang seryosong side effect na naranasan ang mga batang binakunahan?
- BENITO ATIENZA: So far po, doon sa pagmi-meeting namin kanina, doon sa 69,800, wala pa naman pong major adverse effects na na-report.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero marami pong magulang na natatakot sa posibleng side effect ng bakuna. Pero, Doc, ano naman po ba ang posibleng long term effect ng COVID sa mga bata kapag po nahawa sila?
- BENITO ATIENZA: Ah, iyon nga po, ‘di ba sinasabi natin, mayroon iyong in-explain kami kanina, itong isang sakit na kapag nagka-COVID ang mga bata itong MIS-C, ito iyong Multisystem Inflammatory Syndrome in children. Ito iyong namamaga ang mga parte ng katawan nila na hindi ma-explain o ibang sakit na kung minsan ito ay sanhi ng COVID sa bata na. Puwede itong umulit, kumbaga nagkaroon ka ngayon, puwedeng umulit uli iyong nararamdaman nila at ito ay multi-steady. Ito ang iniiwasan nating magkaroon sila at as usual ang karaniwang sintomas ng mga ito ay ubo at sipon, iyong nagkaka-pneumonia.
USEC. IGNACIO: Doc, isinusulong po ng Philippine Foundation for Vaccination ito pong pagbabakuna na sa mga batang below five years old, ano po ang masasabi ninyo dito?
- ATIENZA: Actually, katulad ko, isang pediatrician din ako. Ang COVID naman katulad din po ng mga sakit na iba natin, nagkataon lang na ito ay under EUA pa ang pagbabakuna. Pero ito po ay nakakatulong sa atin kasi at nakikita natin, sabi nga po more than 400 first na kabataan na ang nagka-COVID at saka nakita po natin ngayon ang dumadaming kaso ng COVID ay mga bata kasi wala pa silang bakuna. Kaya po iyong mga zero to four na hindi pa nababakunahan rin ay hinihintay na natin ang EUA niya. Kasi sa Amerika nagbibigay na ng two hanggang five years old na bakuna. Sa ibang bansa sa Europe, nakapagbigay na sila, ongoing na sila. At dito sa atin, hinihintay na lamang ang FDA at magbigay ng EUA at para saan po, ready na ang mga pediatrician na magturok niyan, depende na po sa pag-ano po ng DOH at saka IATF.
USEC. IGNACIO: Opo. Dahil nga po sa posible nga po magkaroon ng anunsiyo tungkol sa alert level system ng bansa ano po, pero kumusta po iyong hospital occupancy sa ngayon? May datos po ba kung may mga batang naka-confine dahil sa COVID-19?
- ATIENZA: Yes po, may mga datos po tayo kaya lang nga po, mangilan-ngilan na doon po sa aming ospital. Mayroon nga po silang na-identify na may Multi-System Inflammatory Syndrome for Children o MIS-C kung tawagin at pinako-confirm pa po nila. At nakita naman po natin na kumonti na iyong sa mga adult na nagkaroon ng COVID na na-admit, kasi karamihan po ng COVID ngayon, hindi naa-admit kasi kaya na po, mild symptoms lang iyong iba. Nagkakataon lang po iyong mga naa-admit ay ginagawa po kasi bago i-admit, bata o matanda, tini-test po ng antigen at saka RT-PCR, kaya nalalaman po na kung sila ay may COVID.
Pero karamihan po sa kanila, hindi na na-admit gawa ng COVID; na-admit po sila gawa po ng kanilang comorbidity o kaya po naka-schedule po sila ng surgery, naka-schedule po ng manganganak. Katulad po doon sa amin, limang manganganak ay lahat ay nag-positive sa COVID. Pero iyong mga new born ay wala naman, negative sa RT-PCR. Mga co-incidental na lang po ngayon.
USEC. IGNACIO: Pero kumusta naman po iyong infection rate sa hanay ng ating mga healthcare workers?
- ATIENZA: Ano na po sila magagaling na po sila. Actually, karamihan po niyan, ‘di ba kaya po bumagal ang ating bakunahan kasi nga marami nating mga healthcare workers ay nag-positive sa RT-PCR. Although wala naman silang symptoms, kanya lang hindi sila puwedeng magbakuna at that time. Pero ngayon po, lahat sila ay magagaling na. Even po sa ospital natin ay makikita po natin iyong transmission, napakaliit na po ng porsiyento; sila po ay nakakapasok na rin. Kaya nga lang, sabi nga natin sa ating mga mamamayan, huwag tayong maging kampante kasi nandidiyan pa rin ang threat, kasi airborne iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Ben, may tanong po ang ating kasamahan sa media para sa inyo. Mula po kay Red Mendoza ng Manila Times: May papel po ba ang Philippine Medical Association sa paggawa ng pandemic exit plan ng gobyerno? At ano po ang magiging mga suggestions ng PMA sa dapat maging pandemic exit plan ng gobyerno? Dapat na rin po bang tanggalin itong alert level sa new normal?
- ATIENZA: According po sa ating mga expert, pag-uusapan pa ulit namin iyan. At dahan-dahan lang po sana, hinay-hinay lang sa pag-aalis ng ating alert level. Kasi katulad nga noon, hindi natin alam iyong kalaban, hindi natin alam kung magkakaroon ng new variant. Kaya ang payo po natin eh, sinusunod naman po natin ang IATF at inaano po natin, iyong ano lang po, sundin lang po iyong mga expert natin. Kausapin po, mag-uusap-usap po lahat kung kailan po puwedeng tanggalin ang ating alert level at ang ano po para hindi po tayo mabigla.
Ang ano po natin ay dahan-dahan lang po. Pag-usapang mabuti ng DOH, IATF, ng mga medical experts po kung no po talaga ang dapat gawin natin. At ang Philippine Medical Association naman po ay bukas para sa mga solusyon na iyan at nag-uusap-usap naman din kami ng mga different specialists po sa sangay ng Philippine Medical Association.
At katulad po niyan, nagpasalamat po ang ating DOH Secretary para sa pagsuporta po ng Philippine Medical Association sa ating pagbabakuna sa five to eleven years old.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Red Mendoza ng Manila Times: Nag-aalala po ba ang PMA sa mga rally at kampanya ngayong panahon ng halalan? Ano po ang inyong payo sa mga tao at mga kandidato na nagpa-participate sa mga rally ngayong panahon ng kampanya? Ganito rin po iyong tanong ni Aiko Miguel ng UNTV, ano raw po ang komento ng Philippine Medical Association dito?
- ATIENZA: Kaya nga po, ayaw muna naming ibaba muna iyong alert level from two to one. Kasi nga po kapag alert two po, nag-alert two, nag-umpisahan naman iyong kampanyahan at makikita natin dinagsa iyong mga rally natin. Eh, hindi natin malaman diyan nasusunod ba iyong—hindi naman naano diyan kung sino iyong walang bakuna at may bakuna. Sa dami ng tao, hindi na po kayang i-control iyan ng gobyerno.
Ang payo lang po natin lalo na sa mga kandidato, mag-online muna tayo, i-limit muna natin. Dapat po sa alert two, kapag indoor po ay dapat 50% lang. Eh nakikita po natin mas marami pa, punung-puno. Tapos kung sa labas dapat 70% po ang ano, doon sa open air. Eh nakita po natin halos wala na pong distancing, ‘di ba dapat po ang distancing eh one meter, dapat nakasuot pa rin sila ng mask at saka iyong protocol hindi naman po natin natsi-check kung lahat po silang um-attend doon sa rally ay bakunado. Kaya po kami ay natatakot, kapag inano po iyong alert level, ito pong Alert Level 2 nga ang dami na pong, parang nadi-deviate doon sa minimal health protocol po natin.
At saka kung kami po, mahigpit nga po dito sa mga opisina, mayroon po tayong alcohol. Wala naman silang alcohol. Nati-test ba ang temperature? Baka nga mamaya may mga lagnat, may maka-attend po diyang isang super-spreader, may umubo diyan o may sakit, makapanghawa na siya.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Aiko Miguel ng UNTV: Ano po ang inyong reaksiyon sa sinasabi ng DOH na kapag Alert Level 1 na tayo aalisin na ang mga restriction sa mall at public transportation?
- ATIENZA: Dapat pong pag-aralang mabuti iyan. Kasi nga po sabi ko nga sa inyo lalo iyong kabataan natin wala pang bakuna, eh 15 million po iyan, mamaya mahawahan. Iyon po ang inaano natin, sana po [garbled] ng mga ano natin ay mataas na po iyong vaccination rate natin. At saka sinabi po kanina, ang dami pala nating immunocompromised na hindi po nababakunahan.
Sana po, bago mag-lift ng alert level ay mataas na po iyong mga bakunahan. Kasi buti po dito sa NCR, mataas-taas na, malaki na ng porsiyento. Meron pa po tayong mga probinsya na hindi pa po nakakaabot po doon sa kanilang percentage ng babakunahan. At saka sabi ko nga po palagi, kasi po nag-ano tayo kaagad ng restriction, nagbaba kaagad na bigla-bigla, na kailangan po makipagtulungan po lahat, lahat po ng ano lalo na po iyong mga bara-barangay. Kasi kapag tinanggal po natin baka mapagaya po ito sa ibang bansa na nagkaroon ng super-spreader.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, Atienza, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at pagsama sa amin. Dr. Benito Atienza, mula po sa Philippine Medical Association. Salamat po.
- ATIENZA: Maraming salamat din po.
USEC. IGNACIO: Samantala, MMDA tumutulong na rin sa pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga bata. Ang update niyan alamin natin mula kay Rod Lagusad:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong report, Rod Lagusad.
Samantala, base sa pinakahuling tala ng Department of Health kahapon, nadagdagan ng three thousand fifty (3,050) ang mga nahawaan ng COVID-19 sa bansa. Dahil dito ay umakyat na sa three million six hundred thirty-seven thousand two hundred eighty (3,637,280) ang total cases sa Pilipinas.
Higit tatlo’t kalahating milyong Pilipino naman po ang gumaling mula sa sakit. Pumalo na sa three million five hundred thousand nine hundred fifty-six (3,500,956) recoveries matapos madagdagan ng five thousand eight hundred eleven (5,811).
Dahil naman sa technical issues sa COVID-KAYA, walang naitalang bagong nasawi ang DOH. Dahil dito, nananatili pa rin sa fifty-four thousand nine hundred thirty (54,930) ang total deaths.
Eighty-one thousand three hundred ninety-four (81,394) naman o 2.2% ng total cases ang nananatili pa ring aktibo sa ngayon.
Puspusan na ang pangangampaniya ng mga pulitikong tumatakbo sa national position sa darating na eleksiyon. Kasabay diyan ay puspusan na rin po ang paghahanda ng ating pulis para siguruhin ang ligtas at mapayapang halalan pagdating ng Mayo at kaugnay niyan ay makakausap po natin ang tagapagsalita ng Philippine National Police, Col. Jean Fajardo. Good morning po, Colonel.
PNP SPOKESPERSON COL. FAJARDO: Good morning, Usec. Ignacio, ma’am, at sa lahat ng inyo pong tagapakinig.
USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, kumusta po ang partisipasyon ng ating mga pulis sa nagaganap na kampanya ngayon ng mga tumatakbo po dito sa national position?
PNP SPOKESPERSON COL. FAJARDO: Yes, ma’am. Patuloy po tayo, ma’am, na nagbibigay ng seguridad sa lahat po ng ating mga kumakandidatong pulitiko lalung-lalo, ma’am, doon sa mga identified po nila na mga areas kung saan po nila gaganapin iyong kanilang mga campaign sorties po.
USEC. IGNACIO: Opo. Isunod ko na iyong tanong ni Racquel Bayan mula po sa Radyo Pilipinas: Ano po ang overall assessment natin sa health and security compliance sa unang linggo po ng pagsasagawa ng election campaign activities?
PNP SPOKESPERSON COL. FAJARDO: Ma’am, pagdating naman po sa seguridad ay masasabi natin na naging mapayapang pangkalahatan naman po iyong nangyaring pagsisimula po ng campaign period natin simula noong nakaraang Tuesday hanggang po kahapon sa pagmo-monitor natin. Subalit may mga napansin po tayo at naobserbahan, ma’am, na may mga paglabag po sa mga umiiral na mga health and safety protocol na itinakda po ng IATF.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa palagay ninyo po ba ay mas napadali o mas naging organisado iyong pangangampaniya dahil may pandemya dahil nga po sa mga bagong panuntunan na inilabas ang COMELEC, kagaya po ng pag-secure ng permit para sa rallies at iba pang campaign activities?
PNP SPOKESPERSON COL. FAJARDO: Medyo ano, ma’am, very peculiar itong ginagawa natin ngayon na election-related activities kasi ito ang kauna-unahang election period na tayo ay nahaharap sa pandemya. Kaya ito, ma’am, ay Napakalaking challenge hindi lang, sa PNP pati na rin doon sa ating mga kumakandidato at siyempre, ma’am, iyong kanilang mga supporters dahil maraming limitasyon ang ibinigay ng Comelec, lalung-lalo patungkol doon sa mga tinatawag po nating in-persons campaign sorties po nila.
USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, ano pong kabilang sa standard security package na ipinu-provide ng PNP para sa mga kumakandidato? Ito po ba ay pantay-pantay sa lahat ng kandidato anumang posisyon ang tinatakbuhan po nila?
PNP SPOKESPERSON COL. FAJARDO: Yes po, ma’am. Malinaw naman po iyong tagubilin ng ating Chief PNP na lahat po ng naitakda na security package mula po doon sa pagbibigay po ng mga security doon po sa naaprubahan na application ng COMELEC para ma-exempt po sila sa pagbibigay po ng police escorts, pati na rin doon sa mga additional security doon sa kanilang mga motorcade, doon po sa kanilang mga campaign sorties at iba pa pong mga election-related activities ay pantay-pantay po ang ibinibigay ng PNP kayo man po ay mapa-administrasyon o mapa-oposisyon po.
Basta provided po, base na rin, ma’am, sa guidelines na ibinigay ng COMELEC ay bago po sila magsagawa ng kanilang mga campaign sorties po ay dapat po may permit po sila sa Comelec Campaign Committee kung saan po sila gagawa ng kanilang mga actual campaign sorties po.
USEC. IGNACIO: Opo. May dagdag pong tanong si Racquel Bayan ng Radyo ng Pilipinas para sa inyo: May natatanggap o naitatala na po ba tayong posibleng maging banta for May elections? And what are we doing to address this?
PNP SPOKESPERSON COL. FAJARDO: Yes, ma’am. Sa ngayon, Ma’am, marami pa po tayong bina-validate na mga risk factors that may somehow affect iyong peaceful conduct of election. Isa na rin po diyan, ma’am, iyong mga possible employment po ng mga private armed groups. At ito naman, ma’am, ay pinagtutulungan ng PNP at AFP na masiguro na hindi po sila magagamit ng sinumang kandidato o pulitiko, incumbent man o bago para masigurado po na magkakaroon po tayo ng maayos at tahimik na eleksiyon po. Kaya patuloy po, ma’am, iyong ginagawang police and military focus operation to run after these potential private armed groups po.
USEC. IGNACIO: Opo. Huling tanong po ni Racquel Bayan ng Radyo Pilipinas: Ilang lugar po sa bansa at anu-anong mga lugar po sa bansa iyong tinututukan ng PNP dahil sa posibilidad na pagkakaroon ng election-related incidents?
PNP SPOKESMAN COL. FAJARDO: Yes, ma’am, ang PNP at AFP ay mayroon na pong initial listahan ng mga lugar na po. At ito po, ma’am, ay dumadaan sa continuous validation at nai-present na po natin ito sa COMELEC noong nakaraan po nating Comelec Command Conference. However, iyong final list po ay ia-announce po ng Comelec once ma-approve po iyan ng Comelec en banc po.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero hindi pa po natin puwede pang banggitin iyong mga lugar na sinabi ninyo sa Comelec, Colonel?
PNP SPOKESMAN COL. FAJARDO: Yes, sa ngayon, ma’am, initial list pa lang po iyon, ma’am. Gaya po ng nasabi ko, may inaasahan po ng PNP at AFP na magkakaroon po ng adjustment depende po iyon kung iyon po ay magka-qualify sa mga parameters na ibinigay ng Comelec. At hindi ko pa maibigay, ma’am, sa ngayon iyong specific areas and pigura, ma’am, subject to the validation being conducted jointly by AFP and PNP po.
USEC. IGNACIO: Colonel, kumusta naman po iyong pagbabantay ng ating mga police sa mga Comelec checkpoints? Ilan na po ang na-apprehend ng pulisya na lumalabag sa election gun ban?
PNP SPOKESMAN COL. FAJARDO: Yes, ma’am. Patuloy pa rin tayo, ma’am, nagsasagawa ng atin PNP Comelec checkpoint nagsimula po ng January 9. At mula po noong January hanggang kanina pong madaling araw ay nakapagtala na po ang PNP ng total arrested person n 1,085 na po ang ating mga naaresto, ma’am.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa buong bansa po ito, Colonel?
PNP SPOKESMAN COL. FAJARDO: Yes po, ma’am, nationwide na po iyan, ma’am.
USEC. IGNACIO: Opo. Kumusta po iyong koordinasyon ng PNP naman sa military at iba pang uniformed personnel para naman po masiguro itong mapayapang eleksiyon sa Mayo?
PNP SPOKESMAN COL. FAJARDO: Yes, ma’am, tuluy-tuloy po iyong ginagawa nating cooperation ang coordination and collaboration sa atin pong mga AFP counterpart at pati na po sa ibang mga law enforcement agency. At sa inyong kaalaman po, ma’am, ay halos linggo-linggo po ay ay nagbi-brief po ang AFP and PNP through the joint peace and security coordinate committee lalung-lalo po, ma’am, doon sa mga local na jurisdiction para masigurado po na maa-anticipate po o makapag-adjust po kami sa deployment lalung-lalo na doon sa mga areas na tinatawag nating may mga security concerns po.
USEC. IGNACIO: Colonel, kumusta po ang PNP, iyong datos, mayroon pa po bang may COVID sa inyong hanay?
PNP SPOKESMAN COL. FAJARDO: Yes, ma’am. Gaya ng nabanggit mo, ma’am, hindi exempted ang PNP dito sa COVID. So, as of February 14, ma’am, ay umabot na po sa 48,739 ang naapektuhan po ng COVID sa aming hanay at may active cases po tayo na 258 pa po until now.
USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, may iba pa po ba kayong paalala sa ating mga kababayan kaugnay pa rin po sa nalalapit na eleksiyon?
PNP SPOKESMAN COL. FAJARDO: Yes po. Maraming salamat po, USec. Ignacio sa pagkakataon. At muli, ma’am, kinukuha ko po itong pagkakataon upang muling umapela at humingi ng tulong po sa ating mga kababayan na tulungan po ninyo ang inyong PNP at napakalaki po ng challenge na ating hinaharap dito po sa papalapit na eleksiyon dahil nga po marami pong restriction dahil na nga po dito sa pandemya. Sana po ay sumunod pa rin po tayo, patuloy po tayong sumunod sa mga health and safety protocols na pinaiiral po ng IATF para masigurado po natin na hindi na po tuluyang kumalat itong virus po na ito, habang ina-anticipate po natin ang paparating na eleksiyon, ma’am.
USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, pasensiya na, may pahabol na tanong ang ating kasamahan sa media si Leila Salaverria ng Inquirer: Ano po ang aksiyon ng PNP about health and safety protocol violation, warning lang ba at what point magsasampa ng reklamo?
PNP SPOKESMAN COL. FAJARDO: Yes, ma’am. Patungkol po doon sa mga naobserbahan nating health and safety protocols, lahat po iyan, ma’am, ay tinake note na po ng PNP at naparating na po sa atensiyon po ng ating Comelec. At base kasi, ma’am, sa guidelines na ibinigay ng Comelec, ma’am, it is the department of Health po ang pangunahing ahensiya po ang tututok po dito sa pagpapatupad, katuwang siyempre ng ating PNP. At kung kinakailangan po na tayo po ay magsasampa ng mga kaso, iyan po ay i-coordinate natin sa Department of Health, siyempre, ma’am, pati na rin po sa Comelec who has jurisdiction over these cases po.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong impormasyon at panahon, Col. Jean Fajardo, ang tagapagsalita Philippine National Police.
Samantala, sa La Union naman nagtungo ang outreach team ni Senator Bong Go kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan para mamahagi ng ayuda sa micro entrepreneurs. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan na po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service kasama po si John Mogol. John, good morning.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol, mula sa PBS – Radyo Pilipinas.
Matagumpay naman ang naging pagsasagawa ng “Kadiwa on Wheels” sa Probinsiya ng Bohol sa pangunguna ng Department of Agriculture at lokal na pamahalaan ng Bohol. Narito ang detalye:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Maraming salamat po sa inyong pagtutok ngayong umaga. Hanggang bukas pong muli.
Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center