Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

USEC. ROCKY IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas, at sa lahat po ng ating mga kababayan na nakakatutok sa ating programa saanmang panig ng mundo.

Ngayong araw ng Miyerkules, February 16, extended pa rin ang Alert Level 2 sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng bansa, habang pitong lalawigan naman ang itinaas sa Alert Level 3. Atin pong pag-uusapan ang mga balitang may kaugnayan sa pagbabakuna, presyo ng langis at sa isyu ng digital vote buying. Ako po ang inyong lingkod, USec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Pangulong Rodrigo Duterte, patuloy na nakatutok sa mga hakbangin ng gobyerno laban sa pandemya. Senator Bong Go, ibinida naman ang pagsisikap ng administrasyon upang makabawi at mapalakas ang ekonomiya ng bansa. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. ROCKY IGNACIO: Naghahanda na ang pamahalaan para sa pagpasok ng bansa sa new normal. Ayon kay Health Spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kahit bumababa ang mga kaso ng COVID-19 at tumataas ang vaccination rate ng bansa, mahalaga pa rin ang pagpapatupad ng mga safety nets kapag inilagay na sa Alert Level 1 o new normal ang Pilipinas.

Ngayong panahon ng election, dapat din aniya ang ibayong pag-iingat para hindi masayang ang mga pinaghirapan ng bawat isa. Iminungkahi pa ng DOH ang pag-double mask lalo na kung nasa matataong lugar. Paliwanag ni Vergeire, kung mapapanatili ang magandang COVID situation sa bansa, malaki ang inaasahang maibaba ang mga kaso ng virus sa mga susunod na buwan.

[VTR]

USEC. ROCKY IGNACIO: Sa kabila ng mataas na vaccine coverage na naitala sa ilang rehiyon sa bansa, may mga lalawigan pa rin po ang napag-iwanan pagdating sa pagbabakuna, karamihan dito ay mga probinsiya sa Mindanao.

Alamin po natin ang gagawing hakbang ng pamahalaan para tugunan iyan, makakausap po natin ang medical adviser ng National Task Force Against COVID-19 Dr. Ted Herbosa. Good morning po Doc.

DR. TED HERBOSA: Good morning, USec. Rocky. At good morning sa mga nanunood sa Laging Handa.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Doc., saan-saang lugar po sa Mindanao kayo mag-iikot para kumbinsihin po ang mga tao na magpabakuna?

DR. TED HERBOSA: Ang inanunsiyo ni Secretary Galvez ay pupunta siya ng Basilan, of course, at pupunta doon sa ibang areas ng BARMM para makumbinsi at matingnan po kung ano ang mga problema kung bakit mabagal ang ating vaccination progress diyan sa mga lugar na iyan.

Ang mga maganda doon sa report ni Secretary Galvez sa ating Pangulo ay madami-dami na rin ang ating mga lalawigan na umabot sa 70% vaccination rate of their target and iyon ang good news. And, of course, may mga lugar na mababa pa siyempre, titingnan at iaanalisa kung papaano natin mapapabilis pa at mabigyan ng bakuna ang ating mga mamamayan doon.

USEC. ROCKY IGNACIO: Doc. Ted, bago po ang nakatakda ninyong pagpunta sa mga lugar na iyan ano, may mga natukoy na po bang definite reason kung bakit mababa po iyong pagtanggap ng mga residente doon sa lugar sa COVID-19 vaccines?

DR. TED HERBOSA: Tama iyan ano, mga usapan noon na iyong ating mga kapatid na Muslim ay may nagduda tungkol sa pagka-halal. At nag-announce na ang National Commission on Muslim Affairs na aprubado naman ito at hindi po haram iyong ating mga bakuna at wala namang galing sa animals, and most of the vaccine that we got come from plant products. So, hindi siya totoo na haram siya.

So nai-communicate na iyan ng ating mga Muslim officials para puwede na rin silang mabigyan. At, in fact, although ito ay hindi pa talaga certified, mayroon tayong certified sa Indonesia, iyong kanilang halal certification board na certify iyong Sinovac as halal. So, iyan at least alam natin na certified talaga. Pero ang sabi ng ating mga Muslim leaders, ano raw iyan, basta for public good, iyan ay halal.

USEC. ROCKY IGNACIO: Pero, Doc., ano po iyong ginagawa at gagawin aside from that po na mga binanggit ninyo, para po i-address ito at paano po natin sila makukumbinsi?

DR. DR. VTED HERBOSA: Tama iyan, USec. Rocky. It’s really about communications, increasing—kagaya nang ginawa natin dito sa NCR at saka iba pang regions ‘no, talagang pinaigting natin iyong communications at pag-uusapan doon sa ating mga kababayan na nagdududa. Maraming nakukumbinsi kapag nakikita nilang mas marami.

Iyong ating National Vaccination Days na in-extend natin hanggang February 18, Friday, ay talagang nakakatulong kasi may walk-in. Puwedeng mag-walk-in, hindi na magrehistro. So, iyan ang isa pang obstacle ‘no, iyong pre-registration. Ang another obstacle na nakikita natin, USec. Rocky, is the distance sa mga lugar na pinag-uusapan natin. Sa Mindanao medyo the vaccination sites are not as accessible as dito sa atin sa Metro Manila na nasa kabilang kanto lang iyong ating mga vaccination sites at madali siyang puntahan. So, kailangang gumasta pa iyong mga kababayan natin para makaabot doon.

So, gagawan natin ng solusyon iyan, magkakaroon ng mga paraan para mapalapit natin lalo iyong mga vaccination centers. Iyong ibang probinsiya nga naggawa na ng tinatawag na barangay by barangay na ang kanilang pagbabakuna para dalhin iyong bakuna talaga malapit sa ating mga kababayan.

USEC. ROCKY IGNACIO: [OFF MIC] … certify as halal dito sa Pilipinas iyon pong mga bakuna?

DR. TED HERBOSA: Opo ‘no, nagsalita na iyong ating Secretary ng Muslim Affairs na considered halal na for public good. Although, iyon nga, hindi pa rin naaaral ng ating halal certification body pero sa ibang bansa ay na-consider na iyan na halal.

In fact, madami tayong Muslim countries that are proceedings with their vaccination, at mas matataas ang kanilang vaccination rate sa atin. So, hindi totoo na mayroon iyang iba pang bawal na produkto, iyong especially animal products. And nag-declare iyong mga vaccine companies na most of their vaccines for COVID-19 only come from plant products and none have animal products, so malamang iyan ay halal

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. So, Doc, ilan po iyong target nating mabakunahan pa sa mga lugar na pupuntahan ninyo ni Secretary Galvez?

DR. TED HERBOSA: Well, ini-increase natin na makuha natin lahat noong eligible population. So, iyong five years old hanggang eleven para sa pediatric vaccination, magdi-deliver na tayo sa kanila sa lahat ng regions sapagkat mamayang gabi ay may dadating na naman tayong 780,000 doses of the pediatric Pfizer. So pangatlong deliver na ito ng ating pediatric ano, similar amounts, so parang nasa 2 million plus na ang ating supply nitong mga five to eleven (5–11) and lahat ng region pinapayagan nang magbakuna ng five to eleven (5–11).

And then, of course iyong sa adolescent at adult, tuluy-tuloy ang pagbabakuna natin niyan at marami tayong supply. Eventually dapat mabigyan natin lahat ng mga hesitant pa, iyong mga ayaw pa or hindi lang makapunta at hindi lang maka-register para magpabakuna.

USEC. ROCKY: Opo. Pero, Doc Ted, itong sa mga lugar na natukoy ninyo sa Mindanao, kumusta po ang availability ng bakuna doon? Hindi po ba nagkakaproblema pagdating doon sa pag-transport sa mga malalayong lugar?

DR. TED HERBOSA: Tama ‘no, iyan ang isang challenge namin, Usec. Rocky, because cold chain itong mga bakuna na ito ‘no. Although karamihan nila ay puwede na sa refrigeration only, siyempre marami rin tayo ng Pfizer at Moderna na kailangan ng ultra-low temperature freezer.

So, because of that, hindi mo agad ma-deploy sa mga remote areas and you have to be parang ano, na ang supply chain management mo kailangan precise para walang masasayang na mga bakuna. So, very important na mamintena ang ating cold chain habang ang mga bakuna ay dini-deliver sa malalayong lugar ng ating mga kababayan sa Mindanao.

USEC. ROCKY: Opo. Sa ngayon, Doc Ted, may mga bakuna po ba tayo na near expiration na? Paano po naman ang gagawin ng pamahalaan para siguradong wala pong maaaksayang bakuna?

DR. TED HERBOSA: Ah, maganda ang sistema ng ating logistics and supply chain. Inuuna nating ilabas at i-deliver iyong mga expiring ‘no. So, may petsa tayo ng ‘expiring’. In fact, iyong some vaccines, in-extend ang kanilang shelf life ‘no. Dati 6 months lang lahat sila at some of the vaccine manufacturers have extended their shelf life which is good for us, kasi puwede natin silang ma-hold for a longer period of time at mabakuna. So iyan, naka-program talaga iyan, iyong mga malapit nang mag-expire, iyon ang unang idi-deliver at iyon ang niri-recommend sa mga LGU na ibigay muna.

Iyan ang rason kaya iyong iba hindi nakakapili kasi nga kung ano iyong available, niri-recommend namin, kunin ninyo na, kaysa masayangan tayo ng mga bakuna. Lahat po ng bakuna epektibo, beneficial at safe.

USEC. ROCKY: Opo. In general, Doc Ted, posible po bang maabot ng buong bansa itong target vaccination rate natin by March para po sa transition natin sa new normal?

DR. TED HERBOSA: Naku, lahat tayo umaasa, Usec. Rocky, nasa 60 million na tayo na fully-vaccinated ano. Parang 61 iyong 1 dose – 61 million, so, palapit nang palapit tayo doon sa 77 million fully vaccinated by the end of March.

At the current rate, kailangan magbabakuna tayo ng half a million Filipinos araw-araw para tayo ay umabot doon sa 77 million by the end of March 31 at maabot din natin ang 90 million sa katapusan ng termino ng ating mahal na Presidente sa June 30, gusto natin 90 million Filipinos na ang fully-vaccinated.

USEC. ROCKY: Opo. Doc Ted, may tanong lang po ang ating kasamahan sa media. Mula po kay Mark Fetalco ng PTV News: Ayon daw po kay Secretary Carlito Galvez Jr., posibleng hindi na mandatory ang pagsusuot ng face mask sa fourth quarter ng taon. Ano po ang pananaw ninyo dito? At ano ang safeguard natin kung sakaling tanggalin ang pagma-mask para hindi matulad daw po sa mga bansang nagpatupad din nito kung saan tumaas po ang mga kaso?

DR. TED HERBOSA: Ah, naintindihan ko iyong polisiya na by the fourth quarter, sapagkat by that time kung 90 million Filipinos ay fully-vaccinated, that’s already 90% of ng ating populasyon, ay i-add mo pa diyan iyong mga nagka-COVID na hindi pa nabakunahan, so marami-rami na rin ang may antibody at proteksiyon. So, malamang, matanggal nga iyan kung talagang protected na ang karamihang Pilipino.

Although may mga features pa tayo na dapat bantayan. Number 1, iyong paglabas ng mga bagong variant; number 2, iyong pag-wane ng mga antibodies ng isang taong matagal nang nabakunahan or matagal nang nagkaroon ng infection. So, alam natin na bumababa din. So iyan ang magandang pag-usapan at iimplimenta pero kailangan mag-ingat din talaga tayo para magsuot pa rin tayo ng mga mask sa enclosed spaces or iyong mga high risk na lugar. Palagay ko sa open air, puwede na tayong hindi mag-mask, kung sakaling malaki sa population ay fully-vaccinated.

USEC. ROCKY: Opo. Pero, Doc Ted, binabantayan din natin itong datos dahil naman sa mga kampanya na karamihan ay napapansin na mukhang hindi raw po nasusunod iyong ating social distancing?

DR. TED HERBOSA: Oo nga, Usec. Rocky, pinapanood ko iyong mga news report ng ating campaign, proclamation rallies, political rallies, maraming kamayan, pinagbabawal ng ano ang handshake. May mga nagsi-selfie, alam ko bawal din ang selfie kasi naglalapit iyong mukha nila; mayroong improperly iyong pagsuot ng mask, nakalabas ang ilong; mayroon naman hindi naka-mask at saka maraming sumisigaw. So, these are all high-risk activities na sana ikonsidera ng mga campaign managers na talagang masunod ng mga followers ng ating mga kandidato iyong minimum public health standard ‘no, iyong 1 meter apart, lahat naka-mask, kung puwede ang mga vaccinated lang ang sumali, at i-conduct ang mga rallies sa open space or sa mga malalaking lugar at hindi naman pupunuin at hindi siksikan.

Kailangan alert pa rin tayo, nandito pa rin ang COVID, I think it’s very important although may election tayo, it’s very important na iyong natutunan natin at iyong nagagawa natin noong nakaraang dalawang taon ay huwag natin sayangin, ‘di ba?

Umabot na tayo dito sa napakakaunting kaso araw-araw, 2,000 na lang yata, Usec. Rocky, kahapon eh sa buong bansa. So, very low na, so huwag na nating sayangin kasi pagdumami ulit iyan, tayo na naman ang mahihirapan.

USEC. ROCKY: Opo. Doc Ted, kunin ko na lamang ang inyong mensahe sa ating mga kababayan partikular po doon sa mga hindi pa nagpapabakuna. Go ahead, Doc Ted.

DR. TED HERBOSA: Thank you, Usec. Rocky. Palapit na palapit na tayo sa finish line ano, kumbaga sa marathon ay bandang dulo na. So, iyong mga kababayan natin na hindi pa nagpapabakuna, especially ‘yung binibilang na 2.9 million senior citizens na Pilipino, kayo po ang malaking benepisyo para dito sa bakuna, sapagkat na-prove na kapag kayo ay vaccinated, ang chance na mamatay ay bumababa.

Iyong mga magulang naman na nagdududa pa sa pagbabakuna ng ating kabataan, naku, almost 9 million na sa buong mundo ang nabakunahan sa mga bata at very little ang side effects. So, ito ay safe at beneficial, kaya pabakunahan na rin natin ang mga bata. At iyong mga nabakunahan ng November 16 or earlier, kayo po ay candidate na mabigyan ng tawag na 3rd dose or booster dose.

USEC. ROCKY: Okay, maraming salamat po sa inyong panahon at palagiang pagpapaunlak sa amin, Doctor Ted Herbosa. Stay safe po, Doc.

DR. TED HERBOSA: Maraming salamat, Usec. Rocky. Thank you very much.

USEC. ROCKY: Samantala, mas bumaba pa sa two thousand ten (2,010) ang dagdag na naitalang nahawaan ng COVID-19 sa bansa kahapon. Mula po iyan sa bilang na 2,730 new cases noong Lunes.

Sa kabuuan nasa 3,641,940 na ang lahat ng nagkasakit dulot ng pandemya. 6,293 naman po ang mga bagong gumaling sa kabuuang bilang na 3,514,489 total recoveries, habang 55,146 naman ang total deaths na nadagdagan ng limampu’t dalawang mga bagong nasawi. Sa kasalukuyan dalawang porsiyento na lang ng total cases ang nananatili pa ring aktibo sa ngayon. Katumbas iyan ng 72,305 active cases.

Bilang ng mga nabakunahan sa ilalim ng ikatlong ‘Bayanihan Bakunahan’, umabot na sa higit dalawang milyon ayon sa National Vaccination Operation Center. Ang iba pang detalye alamin natin mula kay Mark Fetalco. Mark?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Mark Fetalco.

Tatlong buwan bago po iyong nakatakdang Eleksyon 2022 sa Mayo, nagpaalala na ang AMLC o ang Anti-Money Laundering Council sa mga bangko na maging mapagmatyag sa mga posibleng maanumalyang transaksyon na maaaring may kaugnayan sa digital vote buying, alamin po natin ang detalyeng iyan mula po kay AMLC Executive Director Attorney Mel Georgie Racela. Good morning po, Attorney.

[Attorney, can you hear me? Opo, Attorney. Can you hear me? Naka-mute po ba kayo? Attorney?]

AMLC EXEC. DIR. RACELA: Good morning po, USec. Rocky. Can you hear me now po?

USEC. IGNACIO: Opo, naririnig po namin kayo loud and clear po.

Attorney, ano po bang mga red flags ang dapat tingnan na posibleng may criminal activities ang isang bank account?

AMLC EXEC. DIR. RACELA: Ang example po ng mga red flag na amin pong in-issue ay mayroon pong kunwari isang single large cash deposit followed by multiple transfers and withdrawals. Pangalawa po ay iyon pong transaction ng customer ay hindi consistent sa mga nakaraan niyang mga transactions or iyong kaniyang financial profile. Pangatlo po ay ang isang indibidwal ay gumagamit po ng multiple accounts and ginamit po naming halimbawa ay significant or large number of transactions happening during a short period of time particularly po dito sa issue na ito ay on or about election day.

So, combine po natin iyan sa mga several factors kasama na po ang location kung saan nakatira iyong mga recipients po and iyon pong frequency, again, ang nangyayari po mas madami during on or about the election day. Iyong number of transferees po significantly mas madami during the election day; and of course, iyong age po dapat po ito po ay voting age. Lahat po iyan kapag nai-combine ay nagiging red flag indicator, puwedeng maging ground for filing or submitting suspicious transaction report sa AMLC po.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, pero paano po kung maliit na halaga lang, nasa daang piso o libong piso lang po ang inilalabas o natatanggap na halaga, halimbawa, paano po matutukoy na may suspicious activities sa ganito?

AMLC EXEC. DIR. RACELA: Ang lahat po ng covered persons, kapag po sinabi nating covered persons kasama na po diyan ang mga bangko at sa mga electronic money issuers like PayMaya and GCash, sila po ay obligado na magkaroon ng electronic monitoring system. So, puwede pong lahat ng mga transactions ng kanilang mga customers ay mino-monitor nila. Ipa-factor in po nila iyong red flag indicators na nasabi ko.

So, regardless of the amount po ay kung mayroon po silang mga red flags na made-detect, mayroon po silang mga AML investigators and analysts sa kanilang hanay and iyon po ay magti-trigger ng kanilang mga analyst para mag-dig deeper or magtanong sa mga customers or maghanap ng mga impormasyon sa mga customers nila kung bakit nagkaroon ng ganoong transaction. So, kahit na po maliit ay captured po ng kanilang monitoring system.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, may kakayahan po ba ang AMLC o ang Central Bank na mag-trace ng digital vote buying sa iba’t-ibang mobile wallets at online banks? May kaugnayan po dito iyong tanong ng ating kasamahan sa media na si Ted Cordero ng GMA News Online: May ongoing investigation na po ba ang AMLC patungkol sa digital vote buying?

AMLC EXEC. DIR. RACELA: Sa hanay po ng Bangko Sentral ng Pilipinas, lahat po ng mga transactions ng operator of payment system ay pinuproseso po ng Central Bank, iyong Payments and Settlements Office. So, lahat po ng mga transactions ng mga OPS o Operator of Payment System like InstaPay or PesoNet, iyon po ay dumadaan sa Central Bank, so, kaya pong ma-monitor ng Central Bank.

Sa AMLC naman po, ang lahat po ng mga reports na isina-submit sa AMLC, iyon po naman ay aming kinukolekta at aming ina-analyze and iyon po iyong aming mga puwedeng mai-share sa amin pong law enforcement counterparts.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, mayroon lang din pong tanong ang ating kasamahan sa media. Si Sam Medenilla po ng Business Mirror, ito po ang tanong niya: Puwede po bang maging accountable electronic wallets or bank in case their platforms are used for online vote buying and vote selling? If yes, ano daw po iyong sanction na puwede nilang harapin?

AMLC EXEC. DIR. RACELA: Doon po sa tanong na kung puwede silang ma-hold liable for facilitating po iyong vote buying and vote selling, wala po akong nakikitang criminal penalty under the Election Code.

Pero on the part po ng AMLC, kung sila po ay very obvious na maraming red flag indicators ngunit hindi sila nag-analyze o nag-request ng additional information na, hindi sila nag-file ng suspicious transaction report sa AMLC, ito po ay puwedeng maging basehan para po sila ay ma-impose-an ng both administrative sanction and criminal sanction po.

USEC. IGNACIO: Opo. Wala po bang magiging paglabag daw ito sa Data Privacy Act sa pag-monitor ng mga bangko at ng Central Bank?

AMLC EXEC. DIR. RACELA: Sa hanay po ng AMLC, as early as 2017 po ay nakakuha na po kami ng opinyon sa National Privacy Commission na ang pag-share po ng impormasyon ng AMLC ay exempted po sa National Privacy—or sa Data Privacy Act dahil ito po ay mandato ng AMLC.

As a financial intelligence unit, ang mandato po ay to preserve integrity of the bank accounts and to ensure na ang Pilipinas po ay hindi ginagamit to launder proceeds of unlawful activities. And kung hindi po tayo magsyi-share ay napakahirap pong ma-execute iyong aming mandato. So, mayroon po kaming exemptions sa National Privacy Commission.

On the part po of Bangko Sentral ng Pilipinas, siguro po mas maigi kung sila po iyong inyong matatanong sa area na iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. May follow-up po iyong ating kasamahan sa media na si Ted Cordero ng GMA News Online: Ilang suspicious transaction na po ang nai-report sa AMLC since mag-start po ang election period or are there any suspicious transactions reported related daw po sa elections?

AMLC EXEC. DIR. RACELA: USec., ang amin pong advisory ay in anticipation lang po ng influx ng digital transactions or financial transactions during the election period. So, although hindi po namin puwedeng i-disclose kung may suspicious transaction report na nai-file, but ito po ay parang advisory lang sa ating mga covered persons na kung mayroon pong mga sirkumstansya na sila ay dapat mag-file ng suspicious transaction report in relation to vote buying and vote selling, dapat po ay sila ay mag-file ng STR.

So, reminder lang po ito and in anticipation po ng ating election day—sa election day.

USEC. IGNACIO: Attorney, pero, sinu-sino po iyong tinap ng AMLC para po bantayan at makipagtulungan laban sa mga posible nitong gawain lalo’t simula na nga po ang pangangampanya, Attorney?

ATTY. RACELA: Si Bangko Sentral ng Pilipinas po ang nag-initiate ng activity na ito in coordination with Commission on Election or COMELEC and siyempre kailangan din po natin ng assistance ng law enforcement agencies like the PNP and the NBI and other law enforcement agencies, so iyon po iyong aming mga partners din. Ang PNP po at saka NBI ay mayroon po kaming memorandum of agreement on information sharing. Mayroon din po kaming memorandum of agreement with Bangko Sentral ng Pilipinas, so we can always provide assistance to these law enforcement agencies and government agencies po.

USEC. IGNACIO: Opo.  Attorney, sa palagay po ba ninyo ay kailangang magkaroon nang mas pinalawig na batas tungkol dito sa digital vote-buying the Pilipinas?

ATTY. RACELA: Hindi po ako expert sa election law, but ang nababasa po namin, ang tingin po namin ay sufficient po iyong provisions po ng Omnibus Election Code, criminalizing iyong vote-buying and vote-selling. So hindi lang po iyong pagbili ng boto kung hindi pagbenta rin po ng boto ay kini-criminalize po under the Omnibus Election Code.  And iyong penalty po na minimum of one year and maximum of six years ay tingin ko po ay medyo mabigat na po and for public officials mayroon po silang accessory penalty of disqualification from holding public office, both permanent or temporary. So tingin ko po ay sufficient iyong batas na iyan to counter po iyong vote-buying ang vote-selling.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, kunin ko na lamang po iyong mga paalala ninyo sa ating mga kababayan at sa mga tumatakbo na rin po kaugnay pa rin sa isyu ng digital vote-buying. Go ahead, Attorney.

ATTY. RACELA: So, dalawa po ang aking reminder: Sa general public po, mayroon po tayong tinatawag na vote-buying and vote-selling, ito po ay ipinagbabawal ng batas. Ang criminal penalty po dito ay minimum of one year and maximum of six years. At iyon pong mga transactions ninyo sa inyong mga covered persons including banks and electronic money issuers such as GCash and PayMaya, recorded po iyon and anytime po na magkaroon ng leads ang Anti-Money Laundering Council, ito po ay puwede naming makuha and puwedeng ma-introduce as evidence for prosecuting vote-buying and vote-selling.

And para naman po sa aming covered persons, ang amin pong mga paalala ay patuloy po nating babantayan iyong ating pong KYC kung tawagin, para po maiwasan natin iyong multiple accounts being utilized by a single individual and subsequent transfers, kasi po, limited iyong mga transactions ng ibang mga covered person so, ang gagawin po ay magki-create ng mga additional accounts. So iyon pong aming reminder, maging mahigpit po tayo sa ating KYC para  po alam natin na iyong nag-o-open ng bank account ay iyon po talaga ang individual lamang. And pangalawa po iyong ongoing monitoring, after po maging costumer ninyo iyong mga individual, kailangan pa rin po nating i-monitor iyong kanilang mga transactions, ima-match po natin ito sa red flag indicators na na-mention namin pati iyong mga factors and then kung mayroon po tayong sirkumstansiya ay magpa-file po tayo ng suspicious transaction reports. Marami pong salamat, Usec.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po, Atty. Mel Georgie Racela, ang Executive Director ng Anti-Money Laundering Council. Salamat po, Attorney.

ATTY. RACELA: Thank you po.

USEC. IGNACIO: Samantala, nasa isandaang residente naman sa Quezon City ang hinatiran ng tulong kamakailan ng tanggapan ni Senator Bong Go, kasama po ang ilang ahensiya ng pamahalaan. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Sa ikapitong linggo pa lang po ng taong 2022, wala rin pong naging palya iyong lingguhang pagtaas ng presyo ng langis sa bansa at sa pandaigdigang merkado. Kaya naman po ang ating mga kababayan, patuloy pa rin po sa pag-aray sa pagtaas naman ng presyo ng mga bilihin. Kaugnay niyan makakausap po natin si Assistant Director Rodela Romero mula po sa Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy. Magandang araw po.

DOE ASST. DIR. ROMERO: Magandang araw, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, ano po ba iyong pangunahing dahilan dito po sa consistent na pagtataas ng produktong petrolyo simula pa po noong nakaraang taon? Wala po ba tayong maaasahang rollback sa mga susunod na linggo?

DOE ASST. DIR. ROMERO: Iyon nga, Usec., nakakalungkot man po na sunud-sunod na ang pagtaas ng petroleum products dahil po din sa pangyayari sa international oil market. Kung papansinin po ninyo at talaga naman pong ang katotohanan, eh net importer tayo ng petroleum products. Ibig sabihin, halos 100% po ng requirements dito sa bansa ay kinukuha po natin sa labas ng bansa, sa iba’t iba. Like for instance, iyong mga krudo po o iyong raw materials kinukuha po natin sa Middle East, and then iyon pong mga finished products, like gasoline, diesel and kerosene sa mga neighboring countries po. And then, base po doon sa nakaraang data, sinasabi po sa world supply forecast na nag-negative po tayo, ibig sabihin po, deficit po, kulang ang supply noong December 31, 2021 ng 1.85 million barrels per day.

So, ibig sabihin nagsisimula pa lang ng taon, kulang na po iyong supply, tapos tumataas po ang demand. So kapag mataas po ang demand kulang ang supply, definitely po talagang mataas ang presyo, nasabayan pa po ng mga supply disruption na tinatawag po natin. Ang una po dito iyong conflict po ng Russia at saka ng Ukraine, alam naman po nating lahat na nag Russia, isa siya sa mga top exporter ng petroleum products po. Tapos ang Ukraine po dinadaanan naman po siya, parang oil and gas hub po siya ng mga produktong petrolyo papunta ng Europe at saka ng Russia. So ibig sabihin napakaimportante po ng dalawang bansa na iyon.

Tapos bukod pa po doon, talagang iyong nagkasunud-sunod po iyong mga dahilan ng supply disruption kagaya po noong explosion sa Nigeria. Mayroon din pong maintenance disruption saka pipeline leaks sa Libya, ganoon din po na may oil spill sa Ecuador at saka po iyong sa Kazakhstan.

So ibig sabihin, lahat po ng mga pangyayaring iyon, nag-contribute po para maging tight ang supply sa buong mundo. So iyon po ang dahilan kung bakit nagkasunud-sunod po ang pagtaas na apektado po ang Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Opo. Nakakalungkot po iyan ano, Director. Pero matagal na rin pong napag-uusapan itong pagpapabilis naman sa pagbuo ng oil stockpiling program ng pamahalaan. So, ano na po ang update dito at paano ito makakatulong sa problema natin sa oil price hike? Katulad nga po ng nabanggit ninyo na halos nagkasunud-sunod iyong mga pangyayari na talagang apektado iyong presyo sa produktong petrolyo sa mundo?

DOE ASST. DIR. ROMERO: Opo. Salamat, Usec. Rocky. Totoo po iyon na may mga pangyayari po na parang mga long-term plans ang gobyerno para matugunan itong mga ganitong isyu sa supply disruption or even the price increase ng petroleum products na hindi natin control. So, doon sa mga controlled natin, so gumagawa po ng paraan ng gobyerno, isa nga po diyan iyong paglalagay ng sarili nating stocks or stockpiling or strategic petroleum reserves. So naatasan   na rin po ang Philippine National Oil Company ng Department of Energy na pag-aralan ito. Kasi una po, malaki pong investment ito and then second po, iyon po kailangan may detailed feasibility studies po para makita po natin kailan po talaga dapat na mag-stock tayo ng oil, paano po iyong withdrawals, sino po iyong mga priority sectors.

So mayroon po nang ginagawa ngayon. In fact, mayroon din po tayong inu-organize na oil contingency task force to address those supply disruption whether internal or external.

Sa ngayon po, close po ang coordination ng Department of Energy with the Philippine National Oil Companies and other government agencies para malaman po natin iyong mga demand nila o pangangailangan nila. Ano ba ang kailangan for instance ng ating transport sector, ano ang pangangailangan ng ibang mga industries para mabuo po natin iyong oil contingency plan?

USEC. IGNACIO: Opo. Director, ongoing na po ba itong feasibility study para sa Philippine Strategic Reserve Petroleum Program? Marami pong nagsasabi na dapat pabilisin o i-fast track na iyong implementasyon nito, kailan po inaasahang matatapos ito?

DOE ASST. DIR. ROMERO: Tama po, Usec. Rocky. So mayroon po kaming naka-set na meeting ulit. In fact, nagsimula na kami ng meeting for the past two years halos ‘di po ba. Talaga pong nilatag na. Kaso po, iyon pa lang po sa pagkuha ng parang adviser to do the detailed feasibility study for the strategic petroleum reserve ng PNOC, nag-failed bidding po.

So ngayon, ni-review po namin ang TOR, iyong terms of reference, para mapaayos po at may sumagot o tumugon doon sa ating public bidding para sa nasabing consultancy services.

So makakaasa naman po na hindi nagpapabaya ang Department of Energy. And then, nagkaroon din ng mga proposal po para sa ating Congress na malagyan ng batas na magbibigay ng kaukulang power for the Department of Energy to put up a strategic petroleum reserve whether commercial or strategic to address some supply disruption na apektado ang ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, alam naman po natin na nalalapit na rin iyong eleksyon. Pero sigurado po bang mai-implement ito kahit na magbago ang administrasyon?

DOE ASST. DIR. ROMERO: Opo, hindi naman po siya … tuloy naman po iyong ating mga aksyon kasi it is a long-term plan na parang kasiguraduhan lang po na kung sakali hindi masyado tayong dependent doon sa mga … o apektado kung anong pangyayari kaagad na mayroon po tayo dating oil contingency plan pero, iyon nga, more on supply disruption. Nakaakibat po doon iyong in the event na ganito iyong kakulangan sa supply, umabot ng 50% dapat ganito iyong prioritization sa sektor; dapat ganito na iyong implementation ng energy conservation program natin. So assurance po na matatayo po natin iyong nasabing strategic petroleum reserve basta sa tamang pag-aaral na hindi po malulugi ang bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, sa ngayon ay isinusulong pa rin po ng Department of Energy itong unbundling ng fuel prices kahit na pinu-push back ito ng mga oil companies sa bansa, tama po ba ito?

DOE ASST. DIR. ROMERO: Tama po, Usec., opo. Nag-issue po kami ng department circular para ma-unbundle po iyong presyo sa pump price at saka iyong mga adjustment para makita po talaga ng Department of Energy kung ano ba iyong nagpapabigat talaga. Kasi ang sa ngayon po, bagama’t naka-subscribe po tayo sa Mean of Platts Singapore so makikita na po natin hanggang doon sa landed cost. Pero iyong mga cost of doing business, wala po doon. Kaya lang po, ang industry po, deregulated under Republic Act 8479. So nagpanukala po kami sa Congress at saka Senate na i-unbundle in the event na, iyon nga dahil na TRO na injunction po iyong aming department circular. Pero ganoon pa rin iyong appeal namin na matulungan ang Department of Energy na maipasa sana ang batas na nakasama po iyong unbundling at additional power ng Department of Energy.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Director, paano po nakikita ng Department of Energy na makakatulong ito para isaayos itong competitive pricing ng oil products?

DOE ASST. DIR. ROMERO: Kasi, Usec., sa ngayon nga po, sabi ko nga, mayroon po tayong subscription sa Mean of Platts Singapore. Kaya lang, iyon nga, makikita—although, sa costing po talaga, halos 80% po ng cost ay talagang sa cost ng imported products, iyon pong 80% sa pump price, iyong ganoon.

Pero kapag unbundled, makikita po talaga natin. Like for instance, mula noong dumating iyong produkto sa Pilipinas and then magkano ba iyong cost niya para iyong storage, magkano ang storage cost? Magkano iyong refining cost ‘di po ba kasi may isa pa tayong refinery? So iyong iba mga bulk supplier, importers, iyong ganoon. So makikita po talaga natin ang difference sa bawat supply chain.

And then, kung sakali, like for instance, may mga in doing business, mahal iyong mga renta sa particular local government units and so on and so forth. So we can have a coordination with the concerned local government units kung paano ba matutulungan nila iyong industriya ng langis para mapababa, para maging [garbled] sa mga consumers po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero sa ngayon daw po, ano po iyong gagawing targeted relief ng pamahalaan para po maibsan iyong hinaing ng ating mga kababayan sa mataas na presyo ng langis?

DOE ASST. DIR. ROMERO: Okay. So ganito po ang ginawa: Una po, noong February 3 pa lang po, hindi basta sa presyo, rather in-ensure po natin na mayroon tayong supply. So mineet [meet] na po natin ang oil companies, ang mga bulk suppliers, importers para po siguraduhin nila na iyong kanila pong mga kontrata sa iba’t ibang kinukuhanan – although sa Russia po, hindi po tayo directly affected – pero iyong mga some kinukuhanan po natin ng finished petroleum products like gasoline, diesel and kerosine, kumukuha po sila sa Russia. So indirectly, affected din po tayo.

So sinigurado po natin na iyong kontrata po nila, ano iyong volume, magkano iyong pagkakakuha nila, so i-submit sa Department of Energy. So nagbigay na po kami ng directive sa oil companies na ganoon.

Tapos po, iyong sinasabi mga targeted relief, hindi man po si Department of Energy ang direct na nag-i-implement, we have a partnership with the Department of Agriculture. It’s a whole of government approach when, instead, ang DA may pondo po sila para matulungan at maibsan man lang ang problema sa petrolyo ng mga farmers at saka fisherfolks. So magbibigay sila ng fuel discounts. So inaayos na po iyong guidelines doon.

And then, siguro po part din ng temporary relief sa ating transport sector iyon pong initiative din ng ating DOTr through the LTFRB na Pantawid Pasada Program. Alam naman po natin noong mga nakaraang taon na nakatulong din po iyong Pantawid Pasada noong 2018 at saka 2019. So si DOE rin po ay nakikipag-coordinate rin po with LTFRB para masigurado po nila na iyong mga oil companies naman po ay tatanggapin iyong Pantawid Pasada card.

Tapos on top of those, Usec., mayroon kaming regular monitoring talaga po ng prices sa pump, sa mga gasolinahan, and then pinu-post po namin sa DOE web page para makita po ng ating mga consumers kung saan sila makakamura. Sasabihin man po nila na parepareho ho ang adjustment kasi nga iyon lang po iyong benchmark ng ating mga importers and refiners, but still, pagdating po sa ground ay iba-iba po because sa tinatawag na kompetisyon. May mga areas po tayo na tinatawag nating price war areas, like sa kahabaan ng Commonwealth at saka Mandaluyong. So minsan makikita mo kahit the same brand ng oil companies, magkaiba po iyong presyo because of the competition lalo na po kung may mga new players. Kapag maraming nag-aagawan sa merkado, nagpapababaan po iyan; tapos mayroon din pong mga promos and freebies.

Iyon pong mga public utility vehicles po, minsan mayroon din po silang mga special lanes sa mga gas station na iyan, makikita rin po iyon sa DOE web page na naka-post po iyon para ma-empower po sila, parang iyong power of choice ay ma-implement po nila.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, bigyan-daan ko lang po iyong tanong ng ating kasamahan sa media.

Mula po kay Ted Cordero ng GMA News Online: What measures will be implemented to cushion daw po the impact of high cost of fuels especially daw po sa PUV drivers? Is E-VAT suspension an option?

DOE ASST. DIR. ROMERO: For those factors na sinabi ko po earlier na wala po tayong control, like iyong talaga pong pagtaas dahil nga sa kaguluhan or tight supply so talaga pong walang magagawa si Department of Energy doon. Pero iyon po, kanina po nasabi ko na rin po kay Usec. na mayroon po tayong mga temporary relief na ginagawa as far as public utility vehicles or transport sector is concerned. Iyon po, nakikipag-coordination na po tayo kay DOTr, LTFRB para mag-implement ulit o i-propose ulit iyong Pantawid Pasada Program na may pondo naman po sila. So malaking tulong din iyon para maibsan kahit papaano iyong bigat na nadarama sa sunud-sunod na pagtaas.

Tapos regarding din po naman doon sa suspension ng… siguro po iyong excise tax kasi dati naman po ‘di po ba, noon sa TRAIN Law, nagkaroon din po ng pagkakataon though it’s a fiscal measures na to be implemented by the Department of Finance. So nandoon din po, may proposal po sa nakaraang mga technical working groups ang Department of Energy na iyon nga po, kung temporarily baka puwedeng i-suspend po. Pero nandoon na po iyon sa Congress, at pinag-aaral.

So kung anuman po ang magiging desisyon doon, definitely makakatulong po iyon sa ating sektor na nangangailangan because of these continued price increases po.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, mula po kay Rose Novenario ng Hataw, kung sakop po ninyo ang usapin na ito ‘no: Iyong thin power reserves po ba sa second quarter ng taon ay posible raw pong magdulot ng brownouts na maaaring makaapekto sa halalan sa Mayo?

DOE ASST. DIR. ROMERO: Hindi ko man po siya nasa portfolio kasi sa oil lang po kami, pero alam ko po na pinaghahandaan po iyan. Mayroon na pong grupo or task force on election na sinisigurado po na hindi mangyayari po iyong power disruption sa oras ng halalan.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, kunin ko na lamang iyong inyong mensahe sa ating mga kababayan na talaga naman pong kailangang maghigpit ng sinturon dahil sa pagtaas po ng presyo ng langis. Go ahead, Director.

DOE ASST. DIR. ROMERO: Yeah, okay. Sa atin pong mga kababayan at saka lahat po naman tayo ay consumers, so katulad nga po ng kasabihan, sinabi po ni Usec. Rocky na maghigpit po ng sinturon. So habang maiksi po ang kumot, magtiyaga po muna tayo, magtipid po muna tayo. Ang una po, assurance lang po na ginagawa po ng pamahalaan ang lahat ng paraan para maibsan, hindi man po direct subsidy or whatsoever, pero assurance po na minu-monitor po namin kung ano man iyong pangyayari at kaukulang paraan. Like for instance, si Department of Energy ay patuloy pa rin po ang aming inspection to check compliance on both quantity and quality, kasi mahal na nga po iyong presyo ng langis tapos mahahagaran (malalamangan) pa tayo sa sukat at sa kalidad. So regular po iyong aming inspection.

Tapos at the same time po, pinu-promote pa rin po namin iyong ating energy conservation, iyong kaninang sinabi ko, na habang maiksi ang kumot, magtipid po tayo. Planuhin po natin iyong ating mga lakad. Iwasan po iyong idling, iyong pagpapatakbo ng makina nang hindi naman tumatakbo iyong sasakyan. Mga iba pong energy conservation, even po doon sa mga LPG na dapat ay nakaayos po lahat ang mga sahog bago tayo magluto.

So lahat po ng iyan ay gusto po naming iapela sa inyo, tulung-tulong po tayo na kahit paano ay malagpasan po natin itong mga pangyayari na ito sa patuloy na pagtaas ng langis lalo na sa mga bagay na hindi natin control. Maraming salamat.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po sa inyo, Assistant Director Rodela Romero mula po sa Department of Energy. Mabuhay po kayo.

Samantala, puntahan natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service. Magbabalita si John Mogol mula sa PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol ng PBS Radyo Pilipinas.

Puntahan naman natin ang pinakahuling balita mula sa hilaga, may report si Alah Sungduan mula sa PTV-Cordillera.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agencies para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Maraming salamat din po sa inyong walang sawang pagtutok sa ating programa ngayong araw. Magkita-kita tayong muli bukas. Ako po si ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)