Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas, ako po ang inyong lingkod Usec. Rocky Ignacio.

Ngayong araw ng Huwebes muli tayong makibalita sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang pag-usapan ang mga isyung kinakaharap ng bayan.

Kaya mga kababayan manatiling nakatutok at maging alerto gamit ang mga impormasyong hatid namin sa inyo. Simulan na po natin ang talakayan dito sa Public Briefing Laging Handa PH.

Atin naman pong talakayin ang planong palakasin ang mga training programs sa mga Pinoy Seafarer and other concerns sa larangang ito kasama natin si Executive Director Joel Maglunsod ng National Maritime Polytechnic. Good morning po Director, welcome po sa Laging Handa.

NMP EXEC. DIR. MAGLUNSOD: Undersecretary Rocky Ignacio, magandang umaga po sa inyo po ma’am and then sa lahat ng mga nakikinig sa ating programa Laging Handa sa PTV-4. Magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Opo Director, sa kabila po ng mga restrictions na ipinatupad sa bansa noong nakaraang taon para labanan itong COVID-19, patuloy pa rin po itong mga isinasagawang pagsasanay ng National Maritime Polytechnic o NMP para po sa ating Pinoy Seafarer at assessors.

Sa inyo pong datos ilan po iyong mga training na mga nagawa o naidaos ang inyong ahensiya nito pong nakaraang taon at gaano din po karaming trainees ang nakinabang mula dito?

NMP EXEC. DIR. MAGLUNSOD: Well ma’am, tama iyong sinasabi natin na sa gitna ng crisis ng pandemya, tuluy-tuloy ang pagbibigay natin ng ating commitment sa ating mga seafarers bilang mandate natin at pagbigay ng serbisyo sa kanila.

So far, sa ngayon mayroon tayong 49 courses na offering natin sa NMP sa lahat ng ating mga seafarers at ito iyong sinasabi nating mandatory or STCW o Standard for Trading and Certifications.

Ang mayroon 2019 dito ma’am iyong sinasabi nating non-mandatory; out of the 49 training courses mayroong nagawa tayong training batches natin last year na 944 at nagkaroon tayo ng mga trainees na 9,000 at we issued certificates na umabot ng 10,032.

Kung titingnan natin ito Ma’am Rocky, that is 167% pagtaas doon sa target natin na 6,000 ang naabot natin ay 10,032 ma’am. Kaya, tuloy-tuloy even hanggang ngayon ang pagbibigay natin ng serbisyo sa ating mga marino o seafarers.

USEC. IGNACIO: [Cut] inyong ginagawa pa rin ng inyong ahensiya para po mapanatili iyong pagkilala sa ating bansa bilang world’s largest supplier of seafarers.

NMP EXEC. DIR. MAGLUNSOD: Yes Ma’am. Sa totoo lamang ma’am, Undersecretary, patuloy nating pinapalakas iyong kakayahan ng ating ahensiya upang pagtibayin na maisagawa natin, maipalaganap natin sa buong bansa ang ating mga trainings para sa lahat ng Pilipino seafarer natin despite na mayroon tayong mga ganitong pandemya.

Unang-una po nating itong ginagawa ma’am, patuloy na ina-upgrade natin ang ating mga training facilities and equipment. Pangalawa, iyong pag-enhance ng knowledge, skills and competencies ng ating mga instructors at mga assessors sa pamamagitan ng ating professional development courses at ito ma’am iyong sinasabi nating offerings natin ng IMO model course 609, IMO course 3.12 at 610 ‘no.

Iyong tatlong courses na ito at iba’t ibang mga paraan na pakikipag-partnership or collaboration sa mga maritime harbor education institutions at saka mga maritime institutes natin and then ang isa pa dito din, pangatlo dito ma’am, dahil doon sa pandemya naging mitsa ito na nag-adopt tayo ng mga iba’t-ibang paraan… ng mode of papaano magbibigay tayo ng mga trainings like iyong mga online na pagbibigay, mga plain bid na pagbibigay ng mga trainings natin maliban naman doon sa normal na ginagawa natin iyong face to face. So, ito iyong mga paraan natin upang magtuloy-tuloy iyong mandate ng NMP, magbigay ng serbisyo sa ating mga seafarers.

USEC. IGNACIO: Opo Director, para sa ating mga kababayang interesado ano po, pakibahagi naman po iyong mga programa ng NMP tungkol dito sa pagbibigay ng libreng kurso at pagsasanay doon po mayroon mga nais maging marino o assessors lalo na tayo po ay talagang nasa gitna pa rin ng pandemya at maraming nangangailangan po ng trabaho?

NMP EXEC. DIR. MAGLUNSOD: Yes Madam Undersecretary, dahil sinasabi ko na kanina na iyong iba’t ibang mga mode ng trainings natin na pinag-aralan natin sa gitna ng pandemya or crisis mayroon tayong mga libre na mga training courses na binibigay natin iyong mga non-mandatory iyong ‘no mga value added courses.

Una dito ma’am, iyong sinasabi nating STD/HIV-AIDS ‘no prevention in the maritime sector, iyong sa sakit, iyong sinasabi naming sakit; pangalawa, iyong prevention of alcohol and drug abuse in the maritime sector; and then pangatlo, iyong sinasabi nating GSTS, Gender Sensitivity Training for Seafarer.

Ito iyong mga sinasabi nating mga courses na ito ma’am, na that addresses iyong sinasabi nating psychosocial issues ng ating mga maritime o sa maritime industry natin. Pangalawa, nagkaroon din kami ng partnership ma’am sa Overseas Workers Welfare Administration o OWWA, kung saan mayroon pong scholarship program na puwedeng ma-avail ng ating mga seafarers.

Iyong sinasabing Seafarer Upgraded Program or SUP at Skills for Employments Scholarship Program, SESP sa OWWA at puwede silang mag-training sa NMP ng libre, libre dahil ang OWWA naman ang magbibigay ng bayad doon sa NMP.

So, ito iyong isa sa mga ginagawa natin, ang isa pa dito iyong sa professional development courses natin. Dati kasi, ang ginagawa iyong Seas online lang iyong medyo may libre na ano, igagarantiya ng OWWA sa ating mga professionals na mga seafarers na magkuha dito.

Pero sa intervention ng NMP noong 2019 nakipag-usap tayo sa OWWA Board of Trustees na dapat sana isama na nila o i-appeal na nila iyong dalawang courses, iyong treatment at saka 610.

So ano naman, siyempre makatao naman iyong Board of Trustees ng OWWA kaya sa pamamagitan ni Secretary Silvestre Bello III, being Chairman ng OWWA Board of Trustees, inaprubahan na iyong lahat ng kurso ay libre na ibibigay ng OWWA sa ating mga seafarers at nagbibigay ng trainings doon sa National Maritime Polytechnic natin.

At ang isa pa dito ma’am, dahil ang NMP natin the only maritime training and research institution ng gobyerno kaya ang tuition list natin dito ay subsidized, iyong ating mga dormitory natin ma’am subsidized po, mura masyado. Kaya, iyan ang mga garantiya ng gobyerno na tinutulungan natin iyong mga seafarers natin.

USEC. IGNACIO: Opo Director, dito sa nasabi namang usapin na nakitaan po ng European Commission na may pagkukulang ang mga maritime schools sa bansa patungkol sa pagsasagawa ng seafarers training. Pero, nabanggit ninyo nga po bilang kauna-unahang government-owned maritime training at research institution sa bansa. 

Ano po iyong masasabi ninyo dito po sa napag-alamang ito ng EC at European Maritime Safety Agency or EMSA dito nga po sa sinasabing pagkukulang, tama po ba ito, sa seafarer education training at certification system sa bansa?

NMP EXEC. DIR. MAGLUNSOD: Yes Ma’am, unang-una po, ang Pilipinas being a signatory to the Convention of the Standards of Trainings Certification and Watch keeping is under obligation to comply sa mga ganitong standards, hindi talaga puwedeng balewalain natin ito dahil signatory tayo.

So, sa ibang bahagi naman when it comes to maritime education is under the authority of the Commission on Higher Education. Sila po ang nag-i-isyu ng mga permit for a particulars school to operate.

Kaya, ayon nga sa mga balita dahil may mga schools, may mga maritime schools na hindi nakapag-comply kaya may mga nasasara. Pero may mga instance tayo ma’am for example ganito just ano lang may explanation tayo.

Dito sa Eastern Visayas, nandito iyong national office ng NMP, mayroon isang maritime school na eh isang iyong requirement nila na—ang sinasabi ng CHED ‘no, sige puwede kayong mag-operate pero kailanganin ninyo mayroon kayong partners na maritime training institution. So, nagpunta sila sa NMP and then nakita din natin iyung importance doon sa mga concerns nila kaya nagkaroon ng desisyon iyung executive management ng NMP na tutulungan sila.

So nagpunta sila sa NMP, and then nakita rin natin iyong ano nila, iyong talagang importance doon sa mga concerns nila kaya nagkaroon ng desisyon iyong management ng NMP na tutulungan sila.

Kaya nagkaroon tayo ng MOA, Memorandum of Agreement sa kanila na in the event na maaprubahan iyong operation nila, iyong magti-train doon sa mga estudyante nila, iyong pagbibigay ng mga basic courses ay iyong NMP. So iyan ang mga support din natin doon sa ganiyan na mga pangyayari, Ma’am.

Now, when it comes to training, Ma’am, sinisiguro po natin sa NMP na lahat ito ay compliance sa international standards seek by the International Conventions on Standards of Trainings, Certifications and Watchkeeping.

And then, maliban pa doon, Ma’am, ang NMP is equipped also with sinasabi nating state of the art facilities. Mayroon kaming sinasabing mga bridge simulator, mayroon kaming mga engine simulators. Halimbawa, kung kapitan ka sa barko, nag-aral ka, magda-drive ka, gusto ka na parang dadaong doon sa anong port ba iyon, so mayroon tayong ganito na mga equipment na halos mapagtutunan ng ating mga seafarers.  So iyon ang ano natin, Ma’am, isa sa mga paraan para masiguro talaga na in compliance ang NMP doon sa sinasabi nating international standards.

At ang isa pang garantiya natin dito na talagang masigurado na ma-comply natin ito, mayroon tayong sinasabing quality management unit or system na ito iyong nagsisiguro na lahat ng mga standards na ginagawa ng NMP, batay doon sa mandate niya as training and research institution kailangan ma-follow ito o ma-comply ito. So ito iyong mga iskima upang sigurado na lahat ng mga ibinibigay natin dito, ‘Cuentas Claras’ doon sa ating mga seafarers, Ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Direktor, ano naman po iyong maaaring maging impact nitong nasabing findings na ito sa bansa kung saan naman po kinikilala iyong ating mga marino bilang isa sa mga preferred choices ng mga international manning agency dahil na rin po doon sa angking galing, kahusayan? At ano po iyong hakbang o reporma iyong gagawin pa ng NMP bilang tugon doon sa mga nasabing findings, bukod po doon sa mga nabanggit pa ninyo?

NMP EXEC. DIR. JOEL MAGLUNSOD: Usec., una, Ma’am, talaga namang hindi po talaga matatawaran ang kahusayan ng ating mga marinong Pilipino. Ngunit, sakaling makita ng European Union na ang Pilipinas ay hindi sumusunod sa mga international na mga pamantayan o mga patakaran na ito, maaari silang magpataw ng sanctions such as the non-recognition of STCW certificates issued by the Philippine government, iniisyu ng NMP na sa kalaunan ay magresulta ito sa pagka-displace ng ating mga marinong Pilipino at mawalan ng pagkakataon na makasampa sa mga European flag-registered ocean going vessels.

Pero sigurado ako, Ma’am, na ginagawa talaga lahat ng gobyerno ngayon ‘no, lahat ng mga ahensiya na involved sa maritime industry, nagtulung-tulong upang kailangan talaga na iyong mga standards na ito ay mapa-follow natin. And even doon sa ano ha, doon sa ano, Ma’am, if I [remember right] noong October, I think, 2020, mayroong isang forum na sinasabi ni Presidente, iyong Presidente natin ngayon, na kailangan i-strengthen natin ang maritime industry sa Pilipinas kasi nakikita niya na kailangan maraming mga aayusin. Kaya mayroon ngang mga ano eh, gusto ko lang, Ma’am, dito iano talaga, talagang parang i-inform iyong mga nakikinig sa ating programa ngayon na may mga ginagawa.

For example, iyong MARINA, na para hindi na masyadong masakripisyo iyong mga seafarers natin na nag-aaral eh papatapusin muna iyong bachelor’s degree nila. Kasi isa sa mga patakaran kasi ngayon, magkaroon ng ship boarding sa I think, third year college iyong mga seafarers natin, kailangan i-require iyong ship boarding. Pero iyan ang isa sa mga dahilan upang talagang matagal ang compliance ng ating mga cadets; lalo na ngayong may pandemya, maraming hindi nakapag-graduate.

So mayroong mga pinag-aaralan iyong MARINA natin na hindi na kailangan i-require iyon. Tatapusin muna nila iyong four-year course, mag-isyu sila ng diploma, and then, iyong mga ship boardings ay saka na lang iyan kung mayroon na silang deployment doon sa barko, something like that, part ng trainings pa rin nila ‘no, basic requirements.

And then pangalawa, iyong isa sa mga ginagawa ngayon ng gobyerno, gusto ko na lang iano dito kasi sumusuporta rin ang NMP dito, iyong efforts ng DOTr, ng MARINA, na libre na seaman’s book ng ating mga seafarers para, at least, ang ano kasi dito para makapag-employ kaagad. Ang ano natin dito, Ma’am, isa sa mga layunin kasi natin ng NMP iyong employment generation. Kasi malalaki talaga ang contribution ng ating seafarers sa ekonomiya ng ating bansa. Iyong mga remittances ng mga ano natin, lalo na mga OFWs, iyong mga overseas seafarers natin.

Kaya kung mangyari ito, hindi na tayo magiging preferred choice ‘no kung mayroon na tayong maano, so sa ibang mga manning agencies. Kaya kailangan din na iyong standing natin sa buong mundo, kailangan talaga ma-maintain natin iyan.

Pero, Ma’am, hindi talaga natin maiiwasan na tuluy-tuloy ang kompetisyon ngayon so kailangan din namin makikita iyong mga iba’t ibang mga paraan papaano iyong mga seafarers natin, i-update natin.

Ang isa nga, Ma’am, na na-develop namin na courses ngayong taon, iyong technical writing skills ng ating mga seafarers. Sa totoo lang, Ma’am, ang skills ng ating mga Filipino seafarers, talagang high ang standard nila. Paborito sila ng mga manning agencies natin. Pero dahil doon sa kakayahan nila na mag-communicate, kaya iyon ang isa sa mga dahilan upang medyo nalagay tayo disadvantage position. Kaya batay doon sa mga researches namin, nakikita namin ito kaya ginagawan namin ng paraan na makapag-develop ng technical working skills o courses para sa mga seafarers natin para makakuha sila para matulungan din natin sila. And then these courses, ngayong taon, hinay-hinay na natin itong inu-offer ng ating ano, Ma’am, mga seafarers. Ano raw, maliit lang ang tuition fees dito ‘no. Halos gratis lamang ito pero at least makatulong ito sa mga seafarers natin.

So ito iyong mga ano natin, Ma’am, mga paraan upang maimentina ng seafarers at ang kakayahan din na mag-supply ng ating mga Filipino seafarers sa buong mundo.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito nga pong susunod kong tanong, Direktor, kasi may mga seafarer po tayo na gusto nang tulong ng gobyerno, may programa po ba ang NMP para nga dito sa mga marinong walang pinansiyal na kakayahan – ulitin lang po natin – kumuha ng inyong mga training courses? Kung mayroon daw po, ano raw po iyong mga dokumentong kinakailangan nilang [garbled] maaaring isumite, Direktor?

NMP EXEC. DIR. JOEL MAGLUNSOD: Well, unang-una po, Ma’am, Usec., unang-una mayroon tayong program ngayon na last year pa ito naaprubahan ng board of trustees ng NMP, iyong “train now, pay later”. Ibig sabihin, dahil requirements ng ating mga seafarers na mayroon silang mga basic training bago sila makapagsampa ng barko, overseas man o dito sa local. And then, kahit iyong hindi mga seafarers, kung hindi iyong mga non-maritime related, halimbawa, mga HRM na sasampa rin sa barko, kailangan din sila ng mga basic trainings.

So para maano kaagad natin iyan, mayroon tayong “train now, pay later”. So puwedeng ang ano lang nila doon, iyong mga certification, naka-graduate sila, halimbawa kung sa HRM, HRM iyan. And then, ano ba iyong manning agency na ano nila para doon makipag-MOA tayo na itong si certain so and so ay mayroon siyang obligation dito na bayaran para iyon ang maibibigay natin na libreng serbisyo sa ating mga seafarers.

Ibig sabihin, mag-training muna sila, hindi muna natin sila kolektahan ng mga fees nila. Saka na sila magbayad after na ma-employ na sila o maestabila o ma-stabilize na iyong mga trabaho nila. So iyan ang isa sa mga programa natin, ma’am, na ginagawa ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Director, paano at saan maaaring magtanong o sumangguni ang atin pong mga marino na nagnanais na mag-avail nito pong mga isinasagawa ninyong trainings na inu-offer na maritime-related courses?

NMP EXEC. DIR. MAGLUNSOD: Ito, ma’am, ang unang-una po mayroon tayong website ‘no, official website natin – unang-una po, magtanong sila kung ano iyong mga gusto nilang concerns. So magtanong lang sila sa www.nmp.gov.ph at NMP official Facebook account – NMPT Training Center kung saan po tayo nagpa-publish ng mga latest updates about sa NMP programs natin. And then iyong mga gustong mag-register o mag-enroll ng ating training courses, pumunta lamang sa register.nmp.gov.ph at sundin lamang ang mga instructions.

At kung related doon sa mga researches na nagawa natin at nagagamit na ‘no, nagagamit na sa maritime industry, punta lang tayo doon sa research portal ng NMP, iyong www.research.nmp.gov.ph kung saan makita ang mga completed researches and research agenda; kaya ito iyong ano, ma’am, paraan upang ma-reach out nila ang NMP natin ‘no.

Pero ang ginagawa ngayon, ma’am, ng NMP para malaman nilang ano… isa sa mga ano namin ngayon, agresibo kami na pumupunta doon sa iba’t ibang mga rehiyon natin lalo na may pandemya; ang isang ano namin dito, ma’am, program iyong sinasabi nating offsite trainings.

Halimbawa ngayon, nandito kami sa Davao ‘no dahil nagbibigay tayo ng basic safety training for motorboat handlers operators and fisherfolks with typhoon preparedness. So kahapon doon kami sa Davao Oriental nagbigay kami more than 57 na mga fisherfolks, mga bantay-dagat o ano pa ‘yung mga ano kasi importante ito sa kanila eh kasi ang pinag-aralan natin dito iyong mga personal survival, iyong mga advanced firefighting just in case masunog sila doon sa kalagitnaan ng dagat.

Pangatlo iyong mga ano, ma’am, iyong mga medical aid, iyong papaano tulungan mo kung naano ka – nalumod ka o ano pa ba iyong mga ano doon; so, ito iyong ginagawa natin. Ngayon Davao City kami, bukas Davao del Sur kami kasi noong isang buwan nandoon kami sa Hernani, Eastern Samar so ito iyong mga offsite trainings.

Pangalawa, mayroon tayong mga—pinalakas natin iyong partnership natin with Maritime [Garbled] and exclusion. So halimbawa dito sa Mindanao, sa Davao pinalakas natin iyong ano natin sa DMMA ‘no, nagbibigay sila ng machine, tinutulungan natin iyong mga instructors nila na pagbigay ng mga ano nila… mga trainings.

Pangalawa dito sa Agro-Industrial Foundation College and then mayroon tayong bago, ma’am, na gusto namin magpatulong sa NMP, iyong St. Joseph Institute of Technology, ang Misamis Institute of Technology sa Ozamis and then iyong Our Lady of Triumph sa Dipolog and then sa Zamboanga, iyong Zamboanga Peninsula Polytechnic State University. So ito iyong sa ano—and dito sa Cebu mayroon tayo iyong sinasabi nating Apostleship of the Sea ‘no – ito iyong mga ano natin, partnership. Sa Luzon, maliban doon mayroon tayong satellite office sa Department of Labor and Employment, mayroon tayo sa LPU sa Batangas.

Ang isa pa natin na ano dito, ma’am, iyong Coast Guard ‘no, mayroong bunga tayo sa Philippine Coast Guard dahil marami silang mga cadets, tumutulong din tayo doon sa mga [overlapping voices] requirements ng Philippine Coast Guard, iyong grupo ni Commodore [unclear] at mga… I think limang branches ng Philippine Coast Guard; so ito iyong mga ano natin para ano… upang malaman nila iyong ano pala iyong mga serbisyo ng National Maritime Polytechnic.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, pasensiya na po. So sa mga susunod pong panahon dahil alam ko po marami kayo talagang gustong ikuwento sa amin. Kayo po’y iimbitahan namin ulit, medyo nagkukulang po tayo sa oras. Kami po ay nagpapasalamat, Director, sa inyo pong binigay na panahon sa amin. Uulit po kami sa inyo ha. Maraming salamat po, Executive Director Joel Maglunsod ng National Maritime Polytechnic, mabuhay po kayo, Director!

Samantala, patuloy po ang pinaigting na bakunahan sa mga batang edad lima hanggang labing isa kontra COVID-19 at kasabay niyan ay ang pagdating din ng karagdagang supply ng reformulated Pfizer vaccines kagabi na umabot sa 780,000 doses. Ang detalye mula kay Mark Fetalco:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Mark Fetalco.

Samantala, kasabay ng pagbaba sa low risk classification ng bansa mula sa COVID-19, inaasahan ang pagbubukas ng mga oportunidad sa iba’t ibang sektor ng ating ekonomiya. Gayun pa man, muling pinaalalahanan ni Senator Bong Go ang mga kababayan na huwag maging kampante at panatilihin ang pagiging alerto. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Inilunsad ng Department of Health sa pakikipagtulungan ng Department of Information and Communications Technology ang digital vaccination certificate sa Pilipinas noong Setyembre ng nakaraang taon. Ngayong taon naman po ay naglabas ng bagong version ng VaxCertPH. At para alamin kung ano ang mga binago dito, atin pong makakausap si Acting Secretary Emmanuel Rey Caintic, ang OIC ng Department of Information and Communications Technology. Magandang umaga po, welcome back po, Sir.

DICT ACTING SEC. CAINTIC: Hi, Usec. Rocky. Magandang umaga sa inyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, kailan po ba ni-launch itong updated version ng vaccination certificate sa bansa. Ano po ba ang dahilan talaga ng pag-a-update nito? At ano po iyong mga bagong features ng VaxCertPH? 

DICT ACTING SEC. CAINTIC: Una, nagdagdag lang tayo ng mga security features dulot na rin sa pag-prepare na 39 na ang countries na gumagamit nito. Kailangan lang dagdagan in accordance to the standards. At saka ang pinakamahalagang update is iyong pagsama noong booster shots, iyong pangatlong shot noong tao So, ngayon kapag kumuha kayo ng mga VaxCert, eh makikita na rin ninyo iyong pangatlong jab ninyo doon sa Vaccine certificate.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Manny, para sa hindi pa po nakakapag-register ano po. Maaari po ba ninyong ibahagi kung paano iyong magiging proseso nito?

DICT ACTING SEC. CAINTIC: Parehas lang ng dati, Usec. Rocky, puntahan ninyo iyong vaxcert.doh.gov.ph. Hinihingi pa rin iyong datos ng pangalan ninyo at saka iyong mga petsa  noong inyong pagbakuna at lalabas na rin iyong  pangatlong booster shot. Kung nahihirapan kayo, tulad ng dati, puwede rin ninyong puntahan ang inyong malapit na LGU at kaya rin nilang tulungan kayo sa kanilang mga VaxCert boost, so may mga tao doon na tulad ninyo na nakikita ninyo sa screen, puwede silang tumulong sa inyo. Ang maganda din diyan, kung halimbawa may problema sa inyong datos, agad-agad na rin nilang maiwawasto.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Sir Manny, para doon sa mga nakakuha na o nakapag-generate na ng kanilang VaxCert dati, ano po iyong kinakailangang gawin sa pagkuha nitong bagong [certificate ngayon]?

DICT ACTING SEC. CAINTIC: Balik lang sila sa vaxcert.doh.gov.ph. In a couple of minute or less than a minute or a minute pa nga, kaya nilang i-click iyong generate VaxCert at lalabas naman din iyong panibago nilang VaxCert. Madali lang makakuha ulit iyon, lalabas lang iyong bago nilang QR code.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito naman po iyong laging tinatanong. Saan daw po ba talaga iyong vaccination certificate na ito? Saan po ba daw ito pupuwede pang gamitin?

DICT ACTING SEC. CAINTIC: Ang maganda ngayon, 39 na po ang mga bansa, kabilang dito ang Canada, US, Australia at marami pang malalaking bansa na mga WHO members na  kinikilala na iyong ating VaxCert and vice versa. Iyong kanila ding katumbas na VaxCert, eh nababaril [scan?] na rin natin dito sa ating mga ports of entry. Kagaya nga noong sinabi natin noon, isa tayo sa naunang bansa at ngayon, kung kaya maganda na rin at nauna tayo. At 39 countries na rin ang agad-agad na puwede nilang basahin ang ating vaccine cert.

Sa domestic travel naman, iyong ating mga airports and piers, naturuan na rin kung paano basahin ang ating VaxCert at nagiging convenient na rin sa ating mga maglalayag domestically. Mayroon ding mga kaunting establishments na ito na rin ang ginagamit, ang pagbaril sa halip na tinitingnan lang [kung] ipapakita mo ang iyong LGU vaccine card.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Manny, may tanong lang po iyong ating kasamahan sa Malacañang Press Corps. Si Leila Salaverria ng Inquirer: Kumusta po iyong pag-update ng LGU ng data, mabilis na ba or may delay pa rin po ba?

DICT ACTING SEC. CAINTIC: Bumibilis kapag hindi iyong bultuhan. Mayroon tayong mga sunud-sunod din na mga vaccination days, understandably, dahil iyon iyong mga tipong twice, three times the volume. Malaking pasasalamat natin sa ating League of Cities, League of Mayors and League of Municipalities and League of Provinces, kasi patuloy iyong ating pakikipag-coordinate sa kanila. Katuwang natin ang DILG at binibigay natin lagi kay DILG ang listahan ng may mga backlog, bumibilis na po, nagdadagdag na po sila ng mga tao at  isa na  rin sigurong dahilan, eh marami nang nakakuha, so kaunti na lang ang kailangan nilang habulin na backlog.  Tuluy-tuloy naman po ang pag-update na nila.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Manny, sa iba naman pong usapin ano. Sinusuportahan ng inyong ahensiya ito pong pagsisikap na makapag-establish nitong satellite-based internet connectivity services sa bansa. Ano na po ang masasabi ninyo dito o iyong plano ninyo tungkol dito. Kumusta na po ito?

DICT ACTING SEC. CAINTIC: Salamat, Usec. Rocky sa tanong. Dahil dito sa pag-allow ng mga bagong players sa satellite, mas mapaparami ang posibleng makakapag-benefit sa internet lalo na sa ating mga kapuluan na mahirap makakuha ng internet. With the entry of these new players, mas madali silang makakuha, using a small VSAT equipment para ka na lang kumuha ng dating mga cable TV, parang ganoon.

Ang ating suporta ngayon, kasi kalalabas lang din naman noong mga batas ay tinutulungan natin itong mga new players na makapag-set-up ng maayos at hindi sila mahirapan makapag-operate soon. Siguro in a few months or maybe optimistically ay years’ time, makikita na natin ang mga panibagong players in the satellite internet space.

USEC. IGNACIO: Sir Manny, how about po dito sa mga phishing attacks dahil po sa pinaghihinalaang faulty OTP systems, kumusta po iyong inyong pakikipag-ugnayan sa mga bangko para po ma-prevent itong iba pang mga kaso, other cases. At paano daw po ito masosolusyunan?

DICT ACTING SEC. CAINTIC: Dalawang bagay po iyon, Usec. Rocky ‘no. Ang una iyong SMS phishing, magagamot iyon sa pagsuporta natin at sana maisabatas na ang SIM registration bill or SIM registration law. Malaking tulong ito, para maiwasan itong mga anomalous entities or individuals na ini-exploit ang ating mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kung-anu-anong mga text message na kung saan ibibigay nila ang kanilang mga personal na datos na dapat hindi basta-bastang binibigay.

Ang pangalawa naman, iyong alegasyon na may mga faulty OTP sa mga bangko, nakikipagtulungan tayo sa ating Bangko Sentral, being the oversight agency over the banks, sila naman po ay nakikipag-usap na sa Landbank at sa mga other, itong mga reported banks na may alleged OTP, hinihintay ko lang ang kanilang full report. We respect the independent jurisdiction of Bangko Sentral overseeing our banking system.          

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Manny, may pahabol lang po iyong ating kasamahan sa media, si Sam Medenilla ng BusinessMirror: Ilang percent na po ng database ng mga vaccination data from LGU ang naipasok na po sa VaxCert database at kung may target date pa po kaya kung kailan ito magiging 100%?

DITC ACTING SEC. CAINTIC: Dahil tuloy-tuloy pa iyon ating pagbabakuna ‘no, nag-a-average talaga to around 70 to 80% ang submission/ang completion. Kapag dumadami ang bakuna bigla, maghahabol ang datos.

Ang optimistic natin is siguro in a few months’ time, in three/four months’ time aakyat iyan to about significantly 90. Kung kailan tapos na iyong mga bakuna naman, puwede na lang mag-encode na lang nang mag-encode ang mga LGU.

Intindihin din natin ano, una sa lahat nagpapasalamat tayo sa pamununo ng Department of Health sa ating pagbabakuna at sa pag-alalay din. Ang mga LGUs natin ay ang inuuna muna talaga nila is makapagbakuna. Pagkatapos kasi ng araw, pagod na rin sila, kailangan nila iba ang maghabol ng kanilang datos.

So, ang tingin ko naman, aabot din tayo sa close to a 100% in due time. Huwag kayong mag-alala, dagdagan ko lang ‘no, huwag kayong mag-alala kayong mga maglalayag, ating mga OFWs, i-highlight ko lang na mayroon tayo dito sa enhancement nga noong February 7, mas pinaganda pa natin ang ating proseso kung saan mayroon na tayong idinagdag na priority travel.

Kung kayo ay maglalayag palabas, puwede ninyong ilagay—i-click iyong button na ‘Priority Travel’, puwede ninyong ilagay iyong proof of travel like iyong plane ticket or your travel order. Agad-agad inuuna iyan sa ating contact center. Uunahin kayo kasi siyempre mas urgent kayo. So, huwag kayong mag-alala, kayong mga maglalayag at lalung-lalo na sa ating mga bayaning OFW.

USEC. IGNACIO:  Opo. Sir Manny, ano na lang daw programa o proyekto ang pinaghahandaan ng DICT sa taong 2022?

DITC ACTING SEC. CAINTIC: Tuloy-tuloy ang ating focus on at least two matters ‘no; as we are winding down this Administration, tuloy-tuloy ang ating paggawa noong digital infrastructure.

Nangunguna dito iyong National Broadband Plan, sa pamamagitan ng pag-create ng common digital infrastructure or the National Broadband Plan, mas mapapalaganap natin ang paglatag ng mga fiber sa mga lugar kung saan kailangan pa at gutom pa talaga ng connectivity.

Pangalawa doon, kasama din doon kaya natin sinusuportahan iyong ating new satellite players kasi ang satellite din ang isang epektibo at mabilis na paraan para maipalaganap natin agad-agad sa 7,000 nating mga kapuluan.

In the other hand, tuloy-tuloy ang pagsuporta naman sa ating mga programa on digital government at saka mga Tech4ED Centers or DICT education sectors. Ito ay mga pamamaraan para makatulong tayo sa ating mga mamamayan, mabigyan sila ng education in terms of programming and higher level ICT skills.

Tapos doon naman sa digital government, tuloy-tuloy ang ating pakikipag-ugnayan sa mga government agencies kabilang na dito itong Department of Health. Kung napapansin ninyo itong vaccine system is an example of the collaborative effort of three major agencies – Department of Health, the DILG and the DICT and all the LGUs involved. It is a testament of what we can actually do together if we focus our efforts on creating a unified comprehensive approach in creating digital solutions.

USEC. IGNACIO: Okay. Sir Manny, kami ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak sa amin at siyempre sa inyong oras at impormasyon, Acting Secretary Emmanuel Rey Caintic ng Department of Information and Communications. Maraming salamat po, sir Manny.

DITC ACTING SEC. CAINTIC: Salamat, USec. Rocky, anytime.

USEC. IGNACIO: Narito naman po iyong pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

As of February 16, 2022:

  • Nadagdagan ng 2,671 ang mga bagong kaso ng COVID-19 kahapon kaya umabot na ito sa kabuuang bilang na 3,844,597.
  • 77 naman po na katao ang mga naitalang pumanaw sa sakit kaya umakyat na sa 55,223 ang total death tally.
  • Samantala, nasa 3,520,545 naman po ang lahat ng mga gumaling sa virus matapos madagdagan ng 6,130 na katao kahapon.
  • Ang naitalang active cases ay umabot na sa 68,829 o 1.9% sa kabuuang bilang.

Samantala, tayo naman po ay makikibalita sa estado ng patuloy na vaccination rollout sa bansa. Muli nating makakasama sa ating programa si Undersecretary Myrna Cabotaje ng Department of Health upang ihatid sa atin po itong pinakahuling impormasyon ukol dito.

Good morning, USec. Welcome back po sa Laging Handa.

DOH USEC. CABOTAJE: Good morning, USec. Rocky at sa lahat ng nanunood sa ating programa ngayong Laging Handa.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., ano na po iyong assessment ninyo dito sa ating isinasagawang pagbabakuna sa mga batang edad lima hanggang labing-isa, ano daw po iyong average number ng mga batang nababakunahan kada araw?

DOH USEC. CABOTAJE: USec. Rocky, sa ating assessment, maganda at masigla ang kasalukuyang turnout ng ating pagbabakuna ng five to eleven years old. Noong nagsimula tayo ng nationwide rollout noong Lunes, February 14, ay nakapagtala na tayo ng average na 55,000 daily doses administered.

Ngunit kailangan nating isaalang-alang lalung-lalo na iyong mga LGUs pinapaalalahanan natin iyong pagplano nila na sa pagbabakuna ng five to eleven ay limitado pa ang ating supplies ng nasabing bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, USec., ilan po iyong kasalukuyang bilang ng mga nabakunahan at ilan naman po sa kanila ito daw pong nagpakita ng side [TECHINCAL PROBLEM] ng mga severe cases o pawang mga mild to moderate lamang ang mga ito hanggang sa kasalukuyan?

DOH USEC. CABOTAJE: As of February 16, 2022, USec. Rocky, nakapagtala na tayo ng 263,932 five to eleven years old na nabakunahan sa buong bansa ng kanilang unang dose ng Pfizer vaccine.

Wala pong serious na adverse side effect pero may walong kaso tayo ng non-serious adverse event sa ating mga nabakunahan ‘no. So, karamihan nito mga rashes – 4; makati iyong lalamunan; masakit sa pinagbakunahan; may nilagnat; at saka may nagsuka.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero USec., paano po iyong nagiging tugon sa mga batang nakaranas ng side effects, ano po iyong masasabi ninyo tungkol dito para po ma-assure itong public?

DOH USEC. CABOTAJE: Sa ating mga vaccination sites, mayroon tayong tinatawag na Post Vaccination Monitoring Area kung saan lahat ng nabakunahan ay inuobserbahan sakaling makaranas ng AEFI (adverse event following immunization) ang mga ito ‘no, may nakatalagang medical team para rumesponde agad at health facility kung sakaling mangailangan ng referral.

Kung sakaling late ang side effect, nakaalis na sila ng bahay, binibigyan sila ng number kung ano iyong mga iku-contact na mga health care worker or iyong mga facility para i-report ang kanilang mga nararamdaman at matugunan ang mga ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Sinabi ninyo nga po, USec., na medyo… iyong supply dito para sa mga bakuna sa five to eleven years old, papaano po iyong magiging second dose nila at kailan po inaasahang darating pa na bakuna para sa mga bata? Magiging sapat po ba iyong supply para sa kanila?

DOH USEC. CABOTAJE: Tinatawag natin – anong tawag diyan – isi-safe natin iyong second dose nila after 21 days. So, ang ating instruction, magtabi ng pangalawang dose sa mga batang nabigyan ng first dose.

For this month, we’re expecting a total of five million. So, kung tutuusin mga 2.5 o a little more na puwedeng bakunahan this month of February, tapos darating na naman ng another—sa second quarter ‘no, the next mga… [five, five] mga ten million are arriving in the second quarter pero iba-iba iyong kantitad kada delivery or shipment.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., mayroon lang pong habol na tanong si Raquel Bayan ng PBS Radyo Pilipinas: Ilan na po iyong five to eleven years old na nakaranas ng [TECHINCAL PROBLEM] adverse event?

DOH USEC. CABOTAJE: Walo po iyong sinabi natin kanina; iyong latest report, walo po ang non-serious adverse event ng five to eleven.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., saang mga [TECHINCAL PROBLEM] o probinsiya na po ipinapalaganap ang pagbabakuna sa mga bata? May target period po ba kayo para makumpleto itong ginagawang bakunahan?

DOH USEC. CABOTAJE: Ang ating nationwide rollout sa pagbabakuna ng five to eleven ay nagsimula na nga noong Lunes, February 14. Halos lahat ng probinsiya ay may mga selected site at nakapagsimula na ng rollout.

Ngayon, tulad ng sinabi ko kanina, ang pacing ng ating rollout ay supply-dependent dahil sa limitadong supply ng nasabing supply para sa ating bansa. Pero pinagsabay na natin, USec. Rocky, iyong with comorbidities at saka iyong walang comorbidities tapos dinistribute natin sa iba’t ibang parte ng ating bansa para hindi naka-concentrate sa iisang area lang.

USEC. IGNACIO: Usec, pinaghahandaan na rin po ba ng pamahalaan ang pagbabakuna sa mga batang edad apat pababa at ano po iyong pag-aaral o napag-uusapan ninyo pagdating po sa mga bakunang gagamitin at magiging epekto sa mga edad na ito?

DOH USEC. CABOTAJE: Ito po ay patuloy na pinag-aaralan ng mga eksperto based on the studies sa ibang bansa ‘no at tila ngang masusi nilang ini-evaluate itong mga nagaganap na mga bakunahan. Ang isang problema natin, wala din pa tayong local EUA holder na nag-apply sa ating Philippine FDA para bakunahan ang zero to four (0-4). Ang mayroon lang po at approved ng FDA ay ang Pfizer lang po na five to eleven (5-11) years old. So hintayin natin ang final recommendation ng experts at tapos kung may mag-file na po ng pagpapa-approve ng zero to five (0-5) na manufacturer o tagagawa ng ating bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, paano naman daw po ang ginagawa ninyong monitoring sa iba pang vaccination program sa bansa, so far gaano na po karaming kababayan itong fully vaccinated at nagpa-booster shots?

DOH USEC. CABOTAJE: Tuluy-tuloy po ang ating Kagawaran ng Kalusugan sa pamamagitan ng ating mga regional health offices o iyong tinatawag nating Centers for Health Development, katuwang po ang ating maraming ahensiya lalong-lalo na po ang DILG ‘no. Sa katunayan sa NVD part 3 may mga monitors natin sa Central Office na bumaba para makita iyong ating daloy ng ating bakunahan at nag-augment din at tumulong sa mga LGUs ‘no.

So as of February 16, mayroon na tayong 61.9 million fully vaccinated individuals at 9.3 million ang ating booster shots.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec, itong third ‘Bayanihan Bakunahan’ na ginagawa natin, ano po ang update dito bumibilis po ba iyong bakunahan o marami na po bang nagpapabakuna na?

DOH USEC. CABOTAJE: Medyo matumal na pa rin ‘no. We are reaching about 2.6 million pa lang ‘no eh dalawang araw na lang ngayon at saka bukas, kailangan paspasan pa. So baka hindi natin maabot iyong ating five million na target ng dalawang araw sana noong last week tapos in-extend natin. Medyo hindi pa ganoon kabilis ang pagtanggap sa especially the booster. Nakikita nilang importansiya, importante ito pero kulang iyong tinatawag na urgency. Hindi nila nakikitang kailangang magpa-booster kaagad.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Usec, saang mga lugar ninyo nakikita na medyo mababa at mabagal po itong ginagawa nating bakunahan?

DOH USEC. CABOTAJE: Sa dating mga mababagal na rin at mababa ang vaccination rate ‘no. So nakikita natin sa BARMM me problema tayo lalo na ngayon, anong tawag diyan, nag-courtesy resignation at iba na ang chief minister ng BARMM so pumatak iyan sa mga assistant, mga deputy nila; tapos iyong Region XII ‘no, tingnan natin.

Although nag-improve iyong hesitancy, ibig sabihin bumaba na ang ating ayaw magpabakuna, kailangan sabihin sa kanila na dapat may urgency ng pagpabakuna. We are looking at Region VII although nag-improve na after the Odette. Tapos sa Region VIII and Region V ‘no. Hopefully, makarampa pa nang mas marami until sa dalawang araw pa na natitira, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, pasensiya na may pahabol lang si Leila Salaverria ng Inquirer: So ano po ang ginagawa para mapabilis pa ang bakunahan? May bago bang strategy at ano rin po ang masasabi ninyo dito sa plano na magkaroon ng monthly mass vaccination sa bansa, Usec.?

DOH USEC. CABOTAJE: Ang ating nakitang assessment, hindi na halos pumupunta sa mga malalaking vaccination sites. So ang isang adjustment na ginawa ng ating mga local health workers, dinala nila iyong vaccination site mas malapit kung saan ang mga tao. Iyong iba nagsusuyod, iyong iba nagha-house to house.

Ngayon kung gagawin nating mass vaccination sa buong bansa, noong umpisa maganda ang take ng NVD 1 at saka NVD 2 kasi nagtulung-tulong tayo.

So ia-assess natin, kailangan ba iyan nationwide? Kailangan ba iyan sa specific area lang o kailangan, kasi medyo mabagal pa rin ang pagbakuna natin ng mga senior citizen at na nasa 68% pa lang ang fully vaccinated. Importante mabakunahan iyong mga vulnerable. So baka gawin din natin na bakunahan lang para sa senior citizen.

So i-assess natin after this week kung ano pa iyong ibang strategies. Ang ginagawa din natin, pumupunta tayo sa mga national government agencies, tinitingnan natin sinong hindi pa nabakunahan, papupuntahin natin ang mga health workers doon. Pati sa ating malalaking private companies, baka importanteng dalhin din iyong bakunahan sa mga lugar nila.

USEC. IGNACIO: Okay. Usec, kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras at impormasyon, Undersecretary Myrna Cabotaje ng Department of Health. Stay safe Usec.

DOH USEC. CABOTAJE: Thank you. Good morning.

USEC. IGNACIO: Good morning din po.

Nasa 200 bata na may edad lima hanggang labing-isa (5-11) babakunahan kontra COVID-19 ngayon sa San Fernando, Pampanga. Ang ulat na iyan mula sa aming kasamang si Louisa Erispe. Louisa.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Louisa Erispe.

Muling nagpaabot ng tulong ang tanggapan ni Senator Bong Go sa mga nasunugang residente sa San Fernando, La Union. Maging ang mga micro entrepreneurs na hindi nakaligtas sa suliraning hatid ng pandemya ay inabutan din ng ayuda. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Para naman po sa pinakahuling pangyayari sa iba pang lalawigan ng bansa, puntahan natin si Merry Ann Bastasa ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT] 

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Merry Ann Bastasa.

Dumako naman tayo sa PTV-Cordillera, may ulat si Eddie Carta. 

[NEWS REPORT] 

USEC. IGNACIO: Modified liquor ban sa Davao City, inalis na. Ang detalye sa ulat si Julius Pacot ng PTV-Davao.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO, sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita po uli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)