Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Muli ninyo kaming samahan para talakayin ang mga usapin na dapat ninyong malaman at maintindihan. Makakasama natin sa loob ng isang oras ang mga panauhin mula sa mga tanggapan ng pamahalaan na handang magbigay-linaw sa tanong ng taumbayan kaya tutok lang po kayo.

Mula sa PCOO, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH!

Pagbaba ng mga naitalang kaso ng mga nagpupositibo sa sakit na COVID-19 indikasyon nang unti-unting pag-recover ng bansa mula sa pandemya. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Low turnout ng booster shots at iba pang concerns para sa mga elderly o senior citizens ang atin pong pag-uusapan kasama po natin ang Chairperson ng National Commission of Senior Citizens Attorney Franklin Quijano. Attorney, welcome back po sa Laging Handa.

NCSC CHAIRPERSON ATTY. QUIJANO: Good morning, Usec. Rocky. Good morning everyone.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, mayroon ba kayong datos kung ilan na po iyong kabuuang bilang ng mga fully vaccinated nating senior citizens at ilan din po iyong mayroon nang booster shot?

NCSC CHAIRPERSON ATTY. QUIJANO: Actually we do not have much. In fact yesterday in a meeting with WHO and DOH, sabi ko sana naman bigyan tayo ng regional figures kasi hindi pareho iyong vaccination rollout, Usec. Rocky; for instance, ang Metro Manila ay talagang napakalapad ng implementation. And of course we are thankful na nangyari iyan kaya bumaba na iyong rates ng Metro Manila. Samantalang sa ibang lugar dahil nga bukod sa layo, kailangan din ng logistical support, hindi pa gaano kaya I was asking for details, I hope that next week we would be able to also ask all the senior citizens groups na tutulong doon sa mga gaps doon sa pagbakuna. But as it is, in the—mga metro areas like Cebu, Davao, Metro Manila – all… iyong mga malapad at makapal iyong population, mayroon na pong heavy na booster vaccination.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Attorney, talaga po bang mababa itong naitalang turnout ng mga senior citizen na nagpapa-booster shot at ano po iyong mga concerns ng ating elderly?

NCSC CHAIRPERSON ATTY. QUIJANO: I’m looking at depende sa LGU, Usec. Rocky. May mga LGU na maganda ang campaign, very methodical at saka may mga private-public partnership, may mga hospitals na tumutulong, mga private physicians, mga practitioners na tumutulong. Hindi naman yata—and I think the government’s moves to not only involve the health workers, also the pharmacists are really widening the circle of achieving herd immunity.

Ang ano na lang is we should be able to have the details para ma-identify iyong gaps and then ‘pag mayroon tayong details, we would be able to share it with the different senior citizens groups. Kasi basically ang mga senior citizens groups are convinced, may mga ilang lugar lang na hindi pa naipapaabot iyong information dissemination na communication; so kailangan talaga an extra mile for the health workers and for government to be able to bring it down to the LGU levels.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Attorney, masasabi ninyong walang vaccine hesitancy sa hanay ng ating mga elderly lalo na dito sa booster po?

NCSC CHAIRPERSON ATTY. QUIJANO: Ang concern diyan, one is ang dami pong walang vaccine hesitancy. You know, I belong to the generation na na-introduce iyong vaccine sa amin. So iyong mga seniors ngayon at their age of elementary and high school na-introduce na iyong vaccination sa kanila and therefore ready na sila. But there’s still are—there are still others who are afraid of the… ‘di ba, needle. Kasi iyong karayom talagang kung tingnan mo nakakatakot ‘di ba so we have to assure them that these are just temporary pains and after that tataas iyong immunity.

And there are also those who read so much and believe in all the theories including magiging ‘zombie’ and that is I think one difficulty we have. At hindi ho gaano kadami iyan sa seniors eh, mas marami pa nga iyan doon sa mga younger sets iyong nag-a-advocate ng mga new world order na issues. So to me, it’s just a matter of the LGUs not only doing the identification of the gap but also doing the campaigning. Marami pong mga best practices and I hope that will be the next stage of the campaign na i-encourage natin ang mga LGU to follow the best practices.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Attorney, sa hanay po ninyo, ano po iyong mairirekomenda ninyo sa pamahalaan at maging sa LGU para po mas mapabilis itong pagbabakuna especially ng booster dito po sa ating mga senior citizens?

NCSC CHAIRPERSON ATTY. QUIJANO: Well on the level for instance of the areas, like si Presidente Duterte is worried doon sa BARMM dahil mababa iyong utilization dahil nga may mga miscommunication.

So I was recommending and suggesting to the authorities including DOH to dialogue with the religious leaders, kasi may mga religious components din na hindi nagku-cooperate dahil may mga religious leaders na may mga misunderstandings; so iyan po ang una nating dapat gawin, iyong information education and communication program.

On the level of the logistics, I think a lot of health worker are very much cooperating. So it’s now the method that could be used by LGU. Marami pong mga doktor ang nagrireklamo na hindi sila tina-tap dahil iyong nasa public health sector lang ang gumagawa ng vaccination. This time I think we have to broaden and widen the cooperation and collaboration among the different sectors.

So the best example I can give you is sa Cebu, iyon ngang malalaking hospital they inoculate for free, nagba-vaccinate po sila and then it’s being announced to the public. And then iyong mga nasa public health workers, sila na iyong pumupunta sa mga interior areas – in fact may mga house-to-house na rin. In the case for instance of Metro Manila, si Mayor Olivarez has been doing house-to-house and then may mga fast service pang ibinibigay; so all these best practices, Usec. Rocky, can now be replicated nationwide.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, ano naman po iyong mga planong proyekto at programa ng inyong ahensiya ngayong taon para po dito sa ating mga nakakatanda especially po siyempre iyong usapin po sa kanilang kalusugan?

NCSC CHAIRPERSON ATTY. QUIJANO: May mga interagency initiatives tayo, Usec. Rocky. For instance WHO, DOH at DILG and DSWD is now going to the direction of age friendly cities and communities. Iyong know being age friendly is not just being friendly in person, on face-to-face – sometimes practices have to improve. Iyong mga infrastructures, accessibility, iyon pong how we will be able to treat the senior citizens and iyong mga listening sessions, itong lahat – the age-friendliness of our society which we have done in the past.

Alam ninyo during the pre-Spanish times, magaling po iyong mga relasyon and I think it’s about time to bring that back. Of course the senior citizens also needs to be tapped, marami pong abilidad si senior citizen at makakatulong ito sa turnaround and rebound of this economy. So gagawin din natin itong mga skillsets and experience inventories para sa ganoon maibabalik natin iyong mga expertise ng senior citizen and maibibigay natin sa next generations, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, ngayon nga po na may National Commission of Senior Citizens na at may implementing rules and regulation na rin po, kumusta po iyong pagpapatupad ng mga programa ninyo? Mayroon po ba kayong mga office o tanggapan sa lahat ng cities and municipalities at kung may hotline din po ba kayo para dito po sa mga urgent inquiries ng inyong mga members?

NCSC CHAIRPERSON ATTY. QUIJANO: Yeah. Inuumpisahan na po natin, Usec. Rocky ano, nagpapasalamat tayo sa DBM kasi last December nagbigay na sila ng go signal na mag-open ng eight clustered regions dahil nga may mga limitasyon lalung-lalo na may pandemic, pumayag na po kami na eight regions lang muna ang uumpisahan. So ang Northern Luzon, Region I, II, CAR and Region III could be clustered into one region and then you have NCR and then you have IV-A, IV-B and Region V to be another clustered region. Sa Visayas we have VII and VIII and Region VI and sa Mindanao we have XI, XIII, XII and X and then BARMM and Region IX.

These are tentative clustered regions that we can expand later on but inuumpisahan na natin iyong regional, of course we are appealing for government’s understanding lalo na ang DBM and Civil Service na puwedeng bababa pa tayo doon sa municipal and city levels kasi nandoon iyong ano eh—this where the action is. So there are certain timelines that we are trying to follow and I would like to thank DSWD kasi may turnover po ano, Usec. Rocky. Eventually iyong mga functions sa DSWD pertaining to the senior citizens will be transferred to the National Commission of Senior Citizens.

Sa ngayon sila pa ang namamahala but we are entering into a memorandum of agreement so that the transfer will be seamless and then now eventually we’ll be taking care of the social pension, the centenarian, iyong suporta natin sa senior citizens in crisis – itong lahat po gagawin ng National Commission of Senior Citizens and I hope you understand the birthing. Kapapanganak lang po kasi ng National Commission of Senior Citizens so we need the help not only of government and public but also the senior citizens groups as well, kasi kailangang mapaabot natin iyong mga nauunang concerns and challenges para mas maging effective iyong trabaho sa senior citizens, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. So lahat po ng mga aktibidad na may kinalaman po sa senior citizen na hinahawakan ng DSWD noon maiti-turnover sa inyo. Ano po ang magiging ibig sabihin nito, mas mapapabilis po ba lalo ang inyong pagtugon dito po sa mga concerns ng ating mga senior citizens?

NCSC CHAIRPERSON ATTY. QUIJANO: The answer is yes, Usec. Rocky. Pero naka-focus si National Commission of Senior Citizens sa isang sectoral group and that is the senior citizens. In fact we are happy that Congress, with the help of the partylist ng senior citizen, is really gung-ho over improving the welfare of the senior citizens and Senate as well, sumasama din ang Senate doon sa pag-improve ng senior citizens. So ang pinag-uusapan ngayon sana magkatotoo na iyong mga proposal na pagdating ng 101 years old, one million ang matatanggap.

Although hindi pa po iyan batas at kailangan pa nating hintayin ang the whole legislative process na hindi pa umabot sa Senado. Sana darating na iyan sa opisina ng ating Pangulo para mapirmahan at masuportahan. Mayroon ding mga moves like sana universal pension na para wala nang gulo kung sino makakatanggap at hindi – this is being supported by the Commission and of course we also want to hope that maa-address din iyong issue ng poverty – iyong pinakanaghirap, dapat mas malaki-laki ang matatanggap; iyong mga nasa tamang-tama lang na antas, baka maliit-liit nang kaunti.

So iyon ‘yung mga initiatives ng legislature na nakikita natin na dapat ikatuwa ng mga seniors but this is still a work in progress and I hope that we will all unite and convene all our thoughts on how we will be improving the welfare of the senior citizens, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, ito na nga po, nalalapit na po iyong eleksiyon 2022. Ano po iyong mga preparasyon na hinahanda para sa mga botante nating seniors? Ano daw po iyong mga adjustments na kinakailangang gawin para po sa kanila?

NCSC CHAIRPERSON ATTY. QUIJANO: Well the good thing is unlike the youth, ang seniors ay lahat eligible of voting – the youth kasi kung 17 ka pa, hindi ka pa makakaboto. All the seniors and the latest estimate is there are about more than 11 million of them ay makakaboto. We just hope that COMELEC will heed our plea for a lot of liberality and support. Alam namin na may mga senior lanes na po, sana hindi lang priority doon sa pagboto pati po iyong transport of senior citizens mabibigyan ng suporta ng government.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, saan daw po maaaring lumapit itong ating mga senior citizen para po sa support and other concerns?

NCSC CHAIRPERSON ATTY. QUIJANO: Usec. Rocky, nandiyan po tayo sa Facebook so marami na pong senior citizens na very literate and gumagamit ng Facebook. In fact maybe it’s a blessing in disguise na noong pandemic hindi pinalalabas iyong mga senior citizen kung kaya doon na sila sa Facebook at marunong na sila makipag-Zoom. So we are open sa mga suggestions and calling our attention, may Facebook page po tayo – iyong NCSC Philippines. Mayroon din po tayong email address na puwedeng mapaabot ninyo iyong mga suggestions and maybe challenges. Ang email address po ay ph.ncsc@gmail.com.

So sana po we will be improving some more and I hope the public will understand, kauumpisa pa lang natin so we will be giving to you some more links when we will be able to find ourselves in the regions. Next week we are still operationalizing some more activities so we are on the operational level, we need a lot of help. We still don’t have regional offices and if we have seniors who would be able to offer us some good places for them for the seniors to not only meet but hold the office, we’ll be very glad and happy.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras at impormasyon, Attorney Franklin Quijano ng National Commission of Senior Citizens. Stay safe po.

NCSC CHAIRPERSON ATTY. QUIJANO: Thank you Usec. Rocky and thank you everyone. God bless.

USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa, base po sa report ng DOH kahapon February 18, 2022:

  • Nadagdagan ng 2,232 ang bilang ng mga bagong kaso kaya naman umabot na 3,648,925 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.
  • 3,010 ang new recoveries dahil diyan umabot na sa 3,527,720 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.
  • 79 naman po ang naitalang nasawi kaya umakyat na sa 55,409 ang ating total death tally.
  • Samantala, 65,796 o 1.8% naman po ang nananatiling active cases.

Alamin naman po natin ang estado ng ating mga transportation partikular na sa mga paliparan kasabay ng pagdami po ng mga pasaherong pumapasok at lumalabas ng bansa, pag-usapan po natin iyan kasama po natin si Undersecretary Raul Del Rosario, ang head ng One Stop Shop and Office for Transportation Security Administrator. Good morning po and welcome back sa Laging Handa USec.

DOTR USEC. DEL ROSARIO: Good Morning Usec. Rocky, sa ngalan po ni Secretary Arthur Tugade, bumabati po kami sa DOTr sa inyong mga tagapakinig at tagapanood.

USEC. IGNACIO: Opo USec., dumarami na itong mga foreign tourists na pumapasok at nais pang makapasok sa ating bansa ano po, matapos na i-anunsiyo na maari ng tumanggap ng mga travelers abroad. Kumusta po ang sitwasyon sa ating mga paliparan ngayon?

DOTR USEC. DEL ROSARIO: Totoo po iyan USec. Rocky, magmula noong February 10 ay ini-open natin ang mga tourist arrival from non-visa required country. Of course, patuloy pa rin naman ang pagdating ng ating mga kababayang balikbayan at iyong ibang mga foreign nationals na may DFA exemption.

Nakita natin ang pagdami ng mga pasahero at halos 10% doon sa average arrival natin pero na-anticipate po natin ito dahil pinaghandaan nga natin ang pagdagsa nga dahil sinasamantala ng ating mga pasaherong padating iyong wala na kasing quarantine sa mga pasaherong darating na fully vaccinated at wala na rin RT-PCR test.

Maliban na lang sa mga unvaccinated kung saan magkakaroon pa rin sila ng 5th day facility based quarantine at RT-PCR testing. Pero, kokonti na lamang po ito, halos 91% ng mga dumarating na pasahero ay fully vaccinated.

Marami po tayong paghahandang ginawa diyan, unang-una ay automated naman na ang sistema sa pag-process ng mga pasahero, mayroon po tayong tinatawag na one-health pass kung saan bago pa lamang umalis ang mga pasahero sa panggagalingang bansa ay nakapag-register na sila, na-upload na nila ang kanilang mga travel at health documents. Ini-adjust pa natin ito para ma-cater ang mga arriving tourist.

Maliban diyan ay nagdagdag tayo ng mga verification officers dito sa NAIA dahil nga baka talagang dumami ang pasahero. Mas maraming BOQ at Philippine Coast Guard verification booth ang itinatag, nasa 10 to 20 booths at nagdagdag din tayo ng karampatang personnel.

Maliban diyan ay siniguro pa natin na ma-streamline natin ang process. As much as possible wala na tayong mga manual filing-up of forms at kung puwedeng sa eroplano na gawin iyan at kung puwedeng ma-automate ay inu-automate natin.

Ang pakay po natin at dahil sa kautusan ni Secretary Tugade, ay no delays, no congestion at mabigyan ng convenience ang mga pasahero lalung-lalo na nga at inaasahan natin itong pagdagsa dahil sa bagong protocol natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero USec., ulitin lang po natin, gaano karami itong estimated tourist arrivals mula po ng magbukas iyong bansa sa foreign visitors? Sabi ninyo ay tumaas ng 10% at ilan naman pa iyong inaasahang darating sa mga susunod na araw?

DOTR USEC. DEL ROSARIO: Doon po sa data ng ating one health pass kung saan nata-track natin ang mga arrivals at ayon din sa monitoring ng Department of Tourism, magmula noong February 10 hanggang February 15, noong in-implement natin itong bagong protocols ay mayroon tayong 10,676 foreign national arrivals, kasama na diyan ang 4,579 na former Filipinos at ang foreign tourist po ay 5,795.

Ito po sa ngayon ang ating average—ang total data magmula noong February 10 pero inaasahan pa natin na darami pa ito pagdating ng summer months; sabi nga nila March, April and May ay inaasahan pa natin ang pagdami ng mga foreign arrivals.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, USec., ilang porsiyento po iyong inbound passenger capacity iyong advisable po o iyong pinapayagan sa mga paliparan kada araw po?

DOTR USEC. DEL ROSARIO: Sa ngayon ang ginagamit pa rin nating passenger capacity or daily passenger quota dito sa NAIA ay 5,000 daily; sa Clark ay 1,200; sa Cebu ay 2,000. Pero, lumalagpas po ang arrivals natin dito sa NAIA, umaabot ng 6,500 average daily dahil ang mga arriving Pilipino nationals ay exempted naman sa daily capacity.

Gayundin ang mga foreign nationals that are coming from non-visa required countries, exempted din sila sa daily capacity at mayroon tayong kabuuang 157 non-visa required countries na pinayagan ng ating bansa na makarating, na makapasok dito sa Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., anong bansa po iyong pinaka-maraming turista na dumarating o tinatanggap ng ating bansa at alin naman po iyong mga strictly na hindi pa ring pinapayagang makapasok? Mayroon po bang ganito?

DOTR USEC. DEL ROSARIO: Dito sa NAIA ang mga bansa na maraming tourists arrival ay pinangungunahan ng USA, Canada, Australia, UK at South Korea. Pero, doon sa Cebu, napansin namin na ang maraming mga tourist arrivals doon ay nanggagaling sa South Korea, Singapore, Qatar, at United Arab Emirates at inaasahan pa nga nating darami ito at sabi ko nga dahil dito sa mga summer months na parating.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, USec., ilang flights po iyong nadagdag mula ng lumuwag iyong travel restrictions sa bansa, ilan pa pong flights ang plano o maaring idagdag ng mga airline companies?

DOTR USEC. DEL ROSARIO: Sa ngayon ay mayroong tayong average na 36 to 43 flights dito sa NAIA. Ang ginagawa natin ng DOTr, ng NAIA at ng CAAP ay pinupuno muna iyong mga carriers, iyong mga airlines dahil nga doon sa quota noon ay limited ang maisasakay nila. Ngayon ay allowed na silang magsakay ng mas marami at ina-anticipate natin ang pag-increase ng mga flights kagaya nga ng sinabi ko pagdating nitong buwan ng Marso.

In fact, sa Clark ay mayroon ng initial increase na mangyayari sa March sa pagdagdag ng dalawang airlines at ganoon din sa Cebu mayroon ng mga airlines na nag-signify na magdadagdag sila. Inaasahan din natin iyan na mangyayari dito sa NAIA sa mga susunod na linggo, Rocky. Pero, sa ngayon ang priority ay madagdagan muna iyong maisakay nilang mga pasahero.

USEC. IGNACIO: USec., itong pagpasok ng Marso sinasabing posible lang po na maibaba na sa Alert Level 1 ang Metro Manila at ang iba pang lugar dito sa bansa. So, ano naman po iyong paghahanda na isinasagawa ng mga flight companies at personnel pagdating dito sa mga pasahero at ano iyong safety protocols pa rin po na ipatutupad sa mga paliparan at maging sa loob ng eroplano?

DOTR USEC. DEL ROSARIO: Ayon na rin sa aking pakikipag-usap sa mga airline operators council na kasama rin po namin sa ating DOTr One Stop Shop for the management of returning Filipinos. Talagang they are looking forward to increasing the arrivals by summer and that they are really preparing well.

Unang-una, ay iistriktuhan nila ang mga pag-check noong mga documentary requirements bago pa lang mag-board ang mga pasahero. Ibig sabihin ay titingnan nila iyong mga mandatory requirements kagaya ng vaccination documents, ng RT-PCR testing at iyong pag-register sa One Health Pass bago nila i-board ang mga pasahero. Kung wala ang mga documents na ito ay maari nilang hindi payagang mag-board.

Pagdating naman sa mga flights, istrikto naman ang airlines sa pagpapatupad ng mga minimum protocols on board or upon arrival at ang kanilang mga air crew, meaning mga pilots, and flight attendant ay covered ng complete medical monitoring and flight requirements upang maiwasan na makahawa or ma-expose.

Ito ang paghahanda na ginagawa ng ating mg airlines at excited sila dahil ito ay magbu-boost ng… of course, financial status ng mga airlines na dumaan din sa hirap nitong pandemya.

USEC. IGNACIO: Opo. So, sinasabi ninyo na talagang handa na po sila pagdating nga sakaling maibaba na tayo sa Alert Level 1. Pero, sakali lang po na may lumabag sa mga protocols, ano po ang gagawin?

DOTR USEC. DEL ROSARIO: Existing naman ang ating mga procedures kapag may mga violations. Sabi ko nga kanina pag hindi kumpleto ang requirements ay hindi na nila pasasakayin. Pagdating naman dito sa bansa, ang mga protocol violations ay iniimbestigahan immediately.

Ang one stop shop ay nagpu-provide ng mga initial data at niri-refer po natin ito sa ating PNP, CIDG, NBI at even iyong Coast Guard at PNP-Aviation Security Group kung saan sila ang nagpi-pursue ng mga cases sa mga violators.

Kung ang mga violations naman ay patungkol sa quarantine, ang ating BOQ po ang nagti-take over diyan. Kinukuha nila ang mga violators at binabalik sa mga isolation facilities at sila ang nagmo-monitor o kaya ay tini-turnover sa mga health officers ng iba’t ibang LGU. Ang ibig sabihin lang ay dapat kontrolado ang mga violations at naipapataw ang karampatang mga parusa.

Ang DOTr naman ay naglabas noong pang January 2021 ng isang joint memorandum circular kung saan ang mga nagba-violate na mga airlines at mga aviation related services ay mapi-penalize kung mayroon silang violations na magagawa at ito ay mahigpit na ipinatutupad ng DOTr ayon na rin sa kautusan ng ating mahal na Secretary Arthur Tugade.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, ngayong tayo ay nasa Alert Level 2 pa rin, anu-ano na lamang po ang inyong paalala para sa mga biyahero at siyempre sa publiko?

DOTR USEC. DEL ROSARIO: Nais ko lang idagdag Usec. Rocky, iyong tanong ninyo kanina kung mayroon pa ba tayong binabantayang mga bansa? Wala na po iyong red list countries natin, lahat ay pinapayagang pumasok basta mayroon silang karampatang travel documents at nasusunod nila iyong mga health requirements – vaccination, RT-PCR test.

Dito naman sa aking paalala, well nandito na po tayo sa punto na nag-o-open na tayo dumadami na ang mga pasaherong gustong dumadating at magbiyahe. Paalala lang sa mga biyahero ay siguraduhin ninyong naka-register kayo sa one health pass. Iyan po ang magpapadali ng biyahe ninyo dahil kapag nabigyan na kayo ng QR code i-scan na lang iyan ng mabilis.

Siyempre huwag nating kakalimutan iyong ating mga minimum health protocols, huwag pa rin tayong maging kampante at sigurado. Hinihiling ko rin sana na sa ating mga biyahero ay alamin ninyo kung ano iyong mga requirements bago kayo dumating at iyan naman ay available sa iba’t-ibang websites at sa one health pass kapag nag-register kayo doon at nang sa ganoon ay handa kayo. Iyong mga documents na kailangang ihanda ay mayroon kayong kopya aside from iyong copies ninyo sa inyong mga cellphones.

Magtulungan po tayo. Ang iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno na under ng DOTR One Stop Shop kagaya ng NIA, PCG, CAAP, MARINA at iba pang ahensiya kagaya ng Department of Tourism, BOQ, Department Of Health, OWWA at ang ating mga partner airlines at mga partner laboratories ay handa, talagang nagsisikap at nagtutulungan nang sa ganoon ay maging maayos at mabilis ang inyong pagdating. Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat din po sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga at siyempre sa inyong impormasyon, Undersecretary Raul Del Rosario ng Office for Transportation Security. Salamat po.

DOTR USEC. DEL ROSARIO: Thank you very much.

USEC. IGNACIO: Samantala, dumating kagabi ang panibagong batch ng Pfizer vaccines para sa mga batang edad lima hanggang labing-isang taong gulang (5-11). Lulan ng eroplano ang 1,138,430 na reformulated Pfizer vaccines. Ang nasabing mga bakuna ay donasyon ng Australian government sa pamamagitan ng UNICEF, isang global humanitarian organization.

Ito na po ang pangatlong batch ng bakuna na dumating sa bansa para sa pediatric vaccination. Ayon kay Dr. Maria Paz Corales, ang medical consultant ng National Task Force Against Covid-19, nasa 329,000 ang mga batang edad lima hanggang labing-isang taon (5-11) ang nabigyan na ng bakuna simula noong February 7.

Patuloy pa rin po ang laban natin kontra COVID-19 kaya naman hindi rin tumitigil ang gobyerno sa pagsasagawa ng vaccination drive alang-alang po sa protection ng ating mamamayan at upang ihatid sa atin ang mga pinakahuling balita ukol dito at iba pang paalala po mula sa Department of Health, muli nating makakasama si Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Good morning po Usec, and welcome back po sa Laging Handa.

DOH USEC. VERGEIRE: Magandang umaga po, Usec. Rocky at good morning po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, ano naman po iyong inyong assessment sa National Vaccination Day part 3 na ginanap noong ika-sampu hanggang ika-labing-isa ng buwang kasalukuyan?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky. So, we were able to achieve about almost 3.5 million na nabakunahan natin during this Bayanihan Bakunahan 3. Bagama’t hindi po natin na-achieve iyong 5 million na ating target, atin pong ikinagagalak pa rin na mayroon po tayong achievement na at least 3.5 million nakadagdag po ito sa pagtaas ng antas ng pagbabakuna sa ating bansa. So, tuluy-tuloy lang po natin ang ating pag-ramp-up ng ating vaccinations so that we can be able to cover as much of the population as possible.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayroon po bang problema or difficulties na nai-encounter during the vaccination days? Ano po iyong naging tugon ninyo para dito, Usec?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes Usec. Rocky. So, hindi naman natin masasabing problema but there are really challenges. Unang-una, siyempre nahati po iyong ating mga health care workers between our Bayanihan Bakunahan and our children’s vaccination – that’s one.

Another thing would be ang health care workers natin hindi lang naman po COVID-19 vaccination ang ginagawa, may mga ginagawa pa rin pong mga ibang mga health related works sa kani-kanilang mga lugar kaya medyo iyong health care workers natin ay bawas po ngayon and of course iyon pong pagkakasakit ng iba nating health care workers kasama na diyan.

Pangalawa po, sa tingin po natin because some of our regions medyo mataas na rin po kasi ang antas ng pagbabakuna. So, nakita ho natin dito na talagang kailangan na talaga nating suyurin, ibig sabihin the strategy would be magbabahay-bahay, puntahan iyong malalayong lugar baka po ito na iyong susunod natin talagang intervention para po sa ating pagbabakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, ilan na po ba sa kabuuang bilang ng mga fully vaccinated na mamamayan natin simula po nang nagsimula itong vaccination drives at ilan na rin po iyong nakakuha ng kanilang booster shots?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes Usec. Rocky, no. So, sa ngayon mula po noong nag-umpisa tayo we have a total of 62.3 million individuals fully vaccinated already in the country. That translate to about sixty-nine point eight percent (69.8%) coverage if we talk about the target of 77 million.

Ngayon po sa pagbu-booster naman mayroon na ho tayong 9.6 million na individuals na nakapagbigay ng booster. Ito po ay medyo mababa po kaya hinihikayat nga natin ang ating mga kababayan na mag-receive na sila ng booster dahil kailangan po natin ito para mas tumaas ang antas ng protection natin sa ating katawan.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec. kumusta naman daw po ‘yung bakunahan ng ating mga kabataan, ilan na po ‘yung nabakunahang five to 11 years old at ilan naman po daw doon 12-17 years old ang fully vaccinated?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no, para po dun sa five to 11 years old natin na children, we already have 395,000 na mga kabataan na nabigyan na po natin ng initial dose or one dose natin.

And for our 12-17 years old, mayroon na ho tayong 9.4 million individuals. So ang atin pong total population na tinitingnan sa 12-17 would be 12.7 million. So mayroon na ho tayong mga 73.9% for the first dose and then for the second dose po ng 12-17 mayroon po tayong 8.2 million children 12-17 which is about 64.9% ng based on the targeted 12.7 million individuals.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec. kumusta rin daw po ‘yung planong pag-rollout ng booster shots para sa mga kabataang ang edad 12-17 years old, ano pong mga paghahandang isinasagawa para dito?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, hanggang sa ngayon Usec. Rocky ‘no patuloy ho ang pag-aaral at pag-uusap ng ating mga eksperto ukol dito kasi globally naman po wala pa talagang sapat na ebidensya para sa pangangailangan na bigyan ng booster ang ating 12-17. Pinag-aaralan pa rin po ng international experts ito pong safety at saka ‘yung maibibigay na effectiveness ng bakunang ito kung sakaling gagawin natin ‘yan.

Ang pamahalaan po natin nakahanda po tayo once completed evidence is available mayroon na ho tayong nakalaan na budget at saka mayroon na tayong negotiations for that if ever.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec. may mga susunod pa po bang vaccination days na magaganap? Kung mayroon, kailan po kaya ito at saan daw pong lugar sa bansa mag-focus ng gobyerno para po sa vaccination?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no, so unang-una base po dun sa mga naging activities natin ng Bayanihan, Bakunahan from the first one, second and then the third, nakita ho natin ‘yung naging epekto nito na maganda sa ating vaccination coverage, napapataas ho natin talaga in just a number of days.

So ang intensyon ho ng ating gobyerno is maipagpatuloy ang mga ganitong activities pero siguro mari-re-strategize nga tayo katulad po ng sabi natin kanina mukhang na-exhaust po natin ano o nama-maximize na natin ‘tong strategy ng fixed vaccination sites. Maybe later on ‘pag ginawa natin uli magkakaroon na tayo ng mga mixed na strategies where we are also going to do house-to-house and then we also go to those far-flung areas para po mas marami tayong ma-cover na mga kababayan natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nabanggit nga ninyo noong nakaraang linggo na kung madeklara ang Alert Level 1 sa bansa ay ito na ang magiging batayan ng ating tinatawag na new normal. Ito marami rin pong nagtatanong: How close are we to achieving this po?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, ‘pag tiningnan ho natin ano in terms of cases makikita natin mukhang magagawa naman natin ano kasi sa ngayon po pitong areas na lang sa buong bansa ang ating binabantayan na mayroon pa ring kaunting mataas na kaso like they are in moderate risk ‘yung iba, ‘yung iba naman ‘yung ospital ang binabatayan natin. Aside from that the rest of the areas in the country are all in Alert Level 2.

So ‘yun pong ‘pag pinag-usapan ang cases madali po nating ma-achieve ‘yang Alert Level 1 pero kailangan nating maintindihan hindi lang po kaso ang titingnan natin, hindi lang po ‘yung mga ospital ang titingnan, titingnan din natin ang bakunahan. So kailangan bago tayo makapag-deescalate sa Alert Level 1 mayroong adequate protection ang ating population through vaccination so that we can be confident na ‘pag binuksan natin hindi po ganoon bibilis ang transmission ng sakit. Mapipigilan natin through this vaccination na mataas.

So ‘pag tiningnan po natin ngayon ang buong bansa iba-iba pa rin ho ang antas ng coverage ‘no, mayroon lang hong mga ilang region na medyo mataas na’t nakarating na ng 70% based on the targeted population. Pero ang tinitingnan ho natin kasi ngayon ‘yun din pong pagbabakuna sa ating mga nakakatanda at saka may mga comorbidities at dito po natin talaga dapat pagtuunan ang ating pagbabakuna so that we all deescalate to Alert Level 1 which is the new normal.

USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit mo nga, Usec., kahapon sa briefing ni CabSec ay nalampasan na ng Pilipinas ‘yung malalaking hamon na dulot ng pandemya. So ano daw po ‘yung mga paghahandang ginagawa ng ating pamahalaan para po makapag-shift na tayo sa new normal, ano po ‘yung restrictions at protocols na mari-retain at ano po ‘yung mga adjustment na kinakailangan pang gawin?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky no. So unang-una, tama po kayo tayo po ay naka-overcome nung challenge natin with Omicron, nakita ho natin kung gaano kadami ang kasong dumating at gaano rin kabilis natin napababa ang mga kaso sa ating bansa.

So with our continued efforts at tulung-tulong ‘no with the community and of course government mabilis po nating mau-overcome ang mga ganitong challenges.

Dito po sa new normal ‘pag pinag-usapan, Alert Level 1 doesn’t have any restrictions at all. Ang mga sektor po natin magbubukas, wala na ho tayong mga capacity restrictions sa mga iba’t ibang establisyimento. Tayo po ay makakabalik na ‘no doon sa dati nating mga kinagawian ngunit mare-retain ho natin ‘yung ating pag-self-regulate, ibig sabihin, ‘yung behavior po ng tao kailangan mabago.

Kailangan tuluy-tuloy pa rin tayong magku-comply sa minimum public health standards at kasama na diyan ang pagsusuot pa rin natin ng mask, ang palagian nating paghuhugas ng kamay, ‘yun pong physical distancing kung applicable ‘no dun sa isang sektor na pupuntahan natin, if it’s applicable and also ‘yun pong ventilation. Ito pong ventilation napakaimportante hindi lamang po sa mga establishments but also in our own homes, kailangan laging adequate ang ventilation so that we can help in preventing infections in our communities, in our families and in the whole population.

So ‘pag nag-Alert Level 1 ho tayo, we are planning ano, nagpaplano ngayon po ang ating national government ‘yung tinatawag nating NAP 5, this is the National Action Plan para maka-recover na po ‘yung ating bansa economically but at the same time providing safeguards para po mayroon po tayong panlaban kung saka-sakali at protektado tayo.

And ang major strategies po natin diyan of course is to still ramp up our vaccination. Kailangan po nating ma-imbibe sa ating mga komunidad at sa ating mga kababayan ‘yung atin pong practice ng safety protocols. Pangatlo, pinaghahandaan din po ng ating gobyerno ‘yung tinatawag natin na safe spaces or healthy settings approach kung saan ‘yung iba’t iba po nating sektor like schools, work places, establishments and of course communities will have this safe spaces na dapat maging kumpiyansa ang tao na pupunta doon kasi alam nila safe sila because there are safety protocols being implemented.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec. Isunod ko na ‘yung tanong ng ating kasamahan sa media mula kay Weng Hidalgo ng ABS-CBN: Kung sakali pong magdeklara na ng Alert Level 1 sa susunod na buwan paano po matitiyak na susunod ‘yung mga establishments sa pagpapatupad pa rin ng health protocols?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes ‘no Usec Rocky katulad po ng sabi ko kahapon sa press briefing with CabSec, what would be most critical for all of us would be the enforcement and monitoring of our concerned agencies of government. Pangalawa, siyempre ‘yung kooperasyon ng mga establisyimento at ng ating komunidad; so kung gusto ng ating establishments that we can be able to sustain this kind of alert level na walang restriction para makaahon tayo sa financial difficulties kailangan magku-cooperate tayo lahat.

So there would be enforcement and monitoring of our safety protocols, they will be closely monitored and of course ‘yun pong kooperasyon nga po ang hihilingin natin para po tayo ay magkaroon na ng kumpiyansa at makapunta sa mga ganitong lugar.

USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag po na tanong ni Weng Hidalgo ng ABS-CBN News: gaano po tayo ka-confident na maku-control ang pagkalat ng virus kapag daw po nagluwag na sa restriction. Hindi po ba dapat dahan-dahan ang pagtatanggal sa restrictions?

DOH USEC. VERGEIRE: Naging dahan-dahan na po tayo Usec. Rocky ‘no. So if you would observe, right after the Delta experience or situation of the country nag-shift po tayo ‘no nung ating mga strategies at interventions kung saan nag-adapt na tayo ng alert level system, kung saan instead of having national lockdowns nagkaroon tayo ng granular lockdowns kung saan binigay natin ang authorities sa ating local governments. ‘Yun pong ating mga capacity restrictions nakapag-shift din po tayo in transition kung saan kapag mataas ang bakunahan sa isang lugar maaari kang magkaroon ng additional na lift doon sa capacity restriction mo.

So with that ibig sabihin nagta-transition na tayo simula pa nung isang taon. Ngayon po na atin na pong ipapatupad ang ganito, sa tingin namin handa na ang ating mga kababayan and with our high vaccination coverage at sana magtuluy-tuloy pang tumaas sa tingin namin at kumpiyansa tayo na tayo po ay makakaagapay at we can be able to prevent further infections once we deescalate to Level 1.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay MJ Blancaflor ng Daily Tribune: For five consecutive days, the Philippines daw po recorded below 3,000 daily COVID-19 cases. Based on our projections magtutuluy-tuloy po ba ito until the end of the month as we prepare for the new normal roadmap?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes Usec. Rocky ‘no. So we were able to issue out already our new projections coming from our FASSSTER team kung saan sinabi po dito sa projections natin na ang daily cases natin nationally maybe as low as 83 cases only ‘no pagdating ng March 15 kung magtutuluy-tuloy po tayo sa pagpapataas ng bakuna, kung ang mobility natin at saka ang compliance to minimum public health standards ay mari-retain natin na ganito po na lahat tayo sumusunod. Ngunit mayroon din sinabi sa projections na maaaring tumaas to about 7,748 cases by March 15 kung magkakaroon tayo ng pagluwag o magkakaroon ng reduction doon sa ating compliance by at least 19 or 20% doon sa minimum public health standards compliance natin tataas ang kaso.

So iyon ho ang lagi nating paalala sa ating kababayan, mababa ang mga kaso dahil nagtutulung-tulong at nagku-comply tayo sa safety protocols at nagpapabakuna. Pero once nag-increase ang mobility tapos nagkaroon po ng pagpapabaya or complacency sa pagsunod sa minimum public health standards, maaaring tumaas uli ang kaso dahil alam nating lahat nandito pa rin ang virus.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman mula pa rin po kay MJ Blancaflor: Na-finalize na po ba ng ating sub-technical working groups ang criteria para masabing ready na ang isang region to downgrade to Alert Level 1?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes Usec. Rocky ‘no. The metrics had always been there. When we were able to have our alert level system approved nandoon na po talaga iyong metrics natin na kailangan low to minimal risk ang ating case classification as well as with our healthcare utilization rate plus kailangan mayroon tayong vaccination coverage at least 70% of our eligible population are covered and vaccinated and ang pinakamahalaga, at least 80% of our senior citizens are vaccinated in our area before we can be deescalated. Tapos kailangan lahat tayo nagsi-self-regulate, ibig sabihin mapa-establishment iyan, mapakomunidad kailangan lahat tayo sumusunod sa minimum public health standards.

So yes, the metrics are there, kailangan lang talaga ma-achieve ng ating mga rehiyon para unti-unti makapunta po tayo sa new normal at ma-deescalate isa-isa sa Alert Level 1.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Athena Imperial ng GMA News: Posible po bang magkaroon din sa Pilipinas ng mRNA vaccine technology in WHO project tulad ng anim na bansa sa Africa?

DOH USEC. VERGEIRE: Maaari naman po iyan ano. That should always be possible. Actually, mayroon na ho tayo mga ginagawang hakbang. Sa atin pong Kongreso mayroon na hong nakahain na bill at saka nasa Senate na rin kung saan pinag-aaralan na iyong Virology Institute of the Philippines and the Vaccine Institute of the Philippines kung saan we will already start manufacturing ito pong mga bakuna. Hindi lamang ho iyan para sa COVID pati na rin po sa ibang sakit which are caused by viruses. Ito po ay uumpisahan, actually mayroon na tayo dati nito sa RITM, iri-revive at mas papalawigin pa. Mayroon na po tayong mga eksperto na nakaabang na tutulong sa atin dito.

So that is always a possibility. Kailangan lamang po natin talaga ng adequate supports especially from international experts like WHO.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Madz Recio ng GMA News: Nakarating na po ba sa DOH ang report ng pag-aresto kay Dr. Naty Castro, isang doktor na tumutulong po sa mga Lumad communities. Several human rights groups are calling for release of Dr. Naty. Ano po ang reaksiyon ng DOH dito?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, Usec. Rocky unang-una ‘no, kami po niri-recognize po namin ang efforts ng ating mga doktor, ng ating mga health care workers katulad ni Doktora Naty na tumutulong sa ating mga marginalized at disadvantaged groups. Lahat naman po tayo would be presumed innocent until proven otherwise.

So hintayin lang ho natin iyong proseso na sinasagawa ngayon para po makita po natin kung ano po ang kalalabasan. Ito po ay isa lamang po na gusto naming iparating that we value and we recognize the efforts of our health care workers like Dr. Naty who helps our marginalized populations in the country.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras at impormasyon Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Mabuhay po kayo.

DOH USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po Usec. Rocky.

USEC: IGNACIO. Samantala, Department of Agriculture outreach team ni Senator Go, nagsagawa ng inspection sa mga rice farmers ng Bohol na nasalanta ng Bagyong Odette. Narito ang report.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Makibalita naman tayo sa pinakahuling pangyayari sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Puntahan natin si Aaron Bayato ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC: IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Aaron Bayato.

At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Nagpapasalamat po kami sa Yap Group of Companies, kina Chairman Basilio C. Yap, Vice Chairman Emel C. Yap at kay Manila Hotel President Atty. Joey Lina para po sa setup namin ngayong araw. Salamat po.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita po tayo sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH

##


News and Information Bureau-Data Processing Center