USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Luzon, Visayas at Mindanao. Magandang umaga rin po sa ating mga kababayan sa iba’t ibang panig ng mundo, ako po si Usec. Rocky Ignacio.
Ngayong Lunes, mga usaping may kaugnayan pa rin sa COVID-19 response ng pamahalaan ang ating pag-uusapan, gayundin po iyong kontrobersiyal na Oplan Baklas ng Comelec. Iyan at iba pang isyung ating tatalakayin dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Una sa ating mga balita: Pinaghahandaang mabuti ng pamahalaan ang planong pagpapalawig ng face-to-face classes sa mga lugar na nasa Alert Level 2 at puwedeng maging Alert Level 1. Ang paalala ni Senator Bong Go, dapat siguruhin ang kaligtasan ng mga estudyante. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Higit 62 million na Pilipino na po ang fully vaccinated dito sa Pilipinas pero puspusan pa rin ang ginagawa ng pamahalaan para mapataas po ang bilang ng mga iyan lalo’t napag-uusapan na iyong posibilidad na ibaba sa Alert Level 1 ang ilang lugar sa bansa, kaugnay niyan ay makakausap po natin si Undersecretary Myrna Cabotaje mula po sa Department of Health. Good morning po, Usec.
DOH USEC. CABOTAJE: Good morning, Usec. Rocky, at sa lahat ng nanunood sa programa natin ngayong umaga.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., anong susunod daw pong plano ng pamahalaan at ng DOH matapos nga raw pong hindi maabot iyong target na five million na mga nabakunahan nitong Bayanihan, Bakunahan 3 na nasa 3.5 million lang po ba, tama po ba ito, Usec.?
DOH USEC. CABOTAJE: Tama ka, Usec. Rocky, nasa 3.447 million, about 68.94% ‘no. At marami tayong natutunan na iyong mga hamon dito sa pagbabakunahan. Magpapalit tayo ng mga strategies, iyong iba naman ay pag-iibayuhin natin iyong ating adbokasiya kasi alam naman natin na iyong iba ay hirap nang makumbinsi habang bumaba iyong hesitancy ‘no, iyong mga ayaw magpabakuna ay talaga nahirapan.
Pangalawa, iyong urgency ng booster; so kailangan natin pag-ibayuhin iyong ating adbokasiya ano iyong advantage ng booster, tapos iyong may mga problema sa brand preference. Tapos iyong palalapitin na natin iyong ating mga bakuna centers sa mga mamamayan. Hindi kagaya noon na pinupuntahan iyong mga malalaking vaxx site, hindi na sila pumupunta sa mga vaccination sites. So kailangang ilapit na iyong mga bakuna centers sa kung saan marami ang mababakunahan.
USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit ninyo po iyong brand preferences, eh ano pong dose ang karamihan sa mga nabakunahan sa Bayanihan, Bakunahan 3?
DOH USEC. CABOTAJE: Marami pa rin iyong ating mRNA, Pfizer, may mga AstraZeneca. Although tingnan natin kasi iyong mga bata, ang puwede lang naman sa 12 to 17 ay iyong Pfizer at saka Moderna. So iyan din ang isang rason kung bakit mataas iyong ating Pfizer and Moderna. Pero marami ring naghahanap ng kanilang mRNA Pfizer and Moderna, pero marami namang tumanggap ng ating mga AstraZeneca and then may mga ilan na naghanap din ng Sinovac.
USEC. IGNACIO: Opo. Ilan pa pong senior citizens ang hindi nababakunahan, Usec.? At ano po iyong pangunahing nakikita nating rason o ng DOH kung bakit marami pa rin pong mga senior citizens ang hindi pa nagpapabakuna? Nabanggit naman po ni Chairman Franklin Quijano na hindi naman daw po vaccine hesitancy ito.
DOH USEC. CABOTAJE: Two point four (2.4) million pa ang ating kailangang mabakunahan na senior [garbled] hindi nila naiintindihan na kapag sila ay nagkasakit ay ma-affect din iyong kanilang pamilya and then kailangan siguro mas mapadali iyong ating mga proseso ‘no kasi alam naman natin iyong mga senior ay ayaw ng napakaraming rikotitos. Kailangan kapag kuwan eh mabilis lang silang magbakuna; at ilalapit na natin sa kanila. Iyong iba nahihirapan pumunta sa malalayong vaccination sites.
Ang ginawa ng mga ibang lokal na pamahalaan, nag-house to house. Iyong iba ay nilapit iyong tinatawag nating mobile fixed posts kung saan mayroong maraming mga senior, doon nila ilalagay iyong kanilang bakuna center.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., so ibig sabihin, aside dito sa mga pediatric vaccination na inyong isinasagawa, magku-concentrate din iyong government, aside from booster, dito sa ating mga senior citizen na hindi pa po nababakunahan?
DOH USEC. CABOTAJE: Tama ka Usec. Rocky, kasi importante iyong senior citizen, sila ang most at risk at most vulnerable ‘no. Kung sila ay nagkasakit, sila mag-o-occupy ng ating mga ospital; sila ang magkakaroon ng serious disease, tapos sila ang malaki ang risk na mamatay [garbled] ibang age group. Pero hindi natin [garbled] pataas iyong ating bakunahan sa ating mga senior citizen. Marami [garbled] puwedeng dumami iyong ating mga kaso ng severe at saka iyong baka puwedeng mamatay.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., nakikipag-ugnayan na rin po ba ang DOH dito sa National Commission on Senior Citizens tungkol dito? Ayon nga po dito sa chairman nila na si Franklin Quijano, kung may maibibigay raw po sanang datos ang DOH kung saang mga lugar iyong may mga mababang vaccination rate para raw po ma-address itong gap at makatulong din po ang ilang senior citizen groups para dito?
DOH USEC. CABOTAJE: Yes, we can give them that data. Ang alam ko naman po, iyong ating mga lokal na pamahalaan ay nakikipagtalastasan sa kanilang mga OSCA, iyong mga senior citizen groups nila sa mga areas nila. Pero siguro maghanap pa tayo ng iba pang paraan makumbinsi natin na… tama kayo, focused target sa isa sa isang problema natin sa mga ayaw magpabakuna na senior ay nasa Autonomous Region of …Bangsa, iyong sa BARMM tapos some of the cultural dito sa north, kasi may mga cultural and religious beliefs.
So, yes, we will work more closely with all the senior citizen groups para ma-focus natin ngayon kung sino talaga ang kailangang area na bigyan ng pansin.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kumusta naman daw po iyong tala ng booster shots sa mga senior citizens at in general, masasabi ba nating maganda iyong naging turnout ng booster shot sa Pilipinas o kailangan din po itong mas pabilisin pa?
DOH USEC. CABOTAJE: Kailangang mas pabilisin pa kasi alam naman natin na kung may booster shot mas maganda iyong kaniyang proteksiyon. Sa senior citizen, nasa 19% pa lang tayo ng booster; sa health care workers, nasa 44%. Eh, alam naman natin karamihan ng mga health care workers eh nabakunahan na nang mas maaga. So, kailangan nating i-push talaga iyong ating pagbo-booster.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod ko na po, Usec, iyong tanong ng ating kasamahan sa media ano. Mula po kay Aiko Miguel ng UNTV: Anu-ano ang mga strategies daw po na puwede pang gawin ng pamahalaan para palakasin ang booster vaccination at ilan na daw po ang bilang ng mga naka-due for booster shot?
DOH USEC. CABOTAJE: Ang ating National Vaccination Day target na five million, 2/3 of that ay dapat booster kasi sila na ang due for booster. So, kung mga 2/3, about three million dapat ang due na for boosters during the National Vaccination Day.
Pero ang sumipot lang ay mga one million kasi hindi nila nakikita iyong urgency. Alam nila na importante ang bakuna, alam nila na importante ang booster pero hindi nila alam iyong urgency ‘no. So, ayaw nilang mag-miss ng kanilang trabaho kasi isang araw na hindi pumasok o kaya mag-side effect eh kung ano man iyong maramdaman nila ay mawawalan sila ng trabaho.
So, tinitingnan natin iyong mga arrangements niyan para gawin natin ng mga Friday o mga Sabado iyong mga bakunahan para maka-rest iyong mga nagtatrabaho o kaya kung Saturday o Sunday naman malakas iyong trabaho nila, eh ‘di sa weekdays gawin iyong kanilang bakunahan.
So, we will now need to adjust by area at by sector kung ano iyong kailangan nating gawin para sa booster.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kumusta naman po iyong pagpunta ni Secretary Galvez dito po sa mga lugar na may mababang vaccine coverage? Nagkaroon po ba ng positibong epekto sa vaccination rate ito pong mga probinsiyang kaniyang nabisita?
DOH USEC. CABOTAJE: Na-analyze natin na siguro hindi pa makikita ngayon kaagad-agad pero diniscuss niya kung ano pa iyong mga ibang puwedeng gawin pa ng ating mga health care workers, ng ating mga local government executives lalung-lalo na po iyong ating mga barangay officials, ng ating mga barangay captains.
And then we also thanked the military kasi malaki din iyong papel nila, iyong pag-screen sa mga pumapasok – ‘no vax no entry’, tapos nagbibigay na rin sila ng mga adbokasiya at iyong mga military uniformed personnel ay tumutulong na rin sa pagbakuna, sa pag-encode ‘no.
So, sa pagbisita ng ating Vaccine Czar ay nakita niya ano pa ba ang puwedeng itugon, ano pa ba iyong puwedeng itulong ng national government at ano pa ba iyong puwedeng gawin ng local government naman.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, may kaugnayan po iyong tanong ni Carolyn Bonquin ng CNN Philippines tungkol diyan although may nasagot na rin po kayo pero basahin ko na rin po baka may maidagdag pa kayo: What is the government doing to further increase daw po the vaccination in Mindanao? Bakit po despite all efforts nananatiling mabagal at mababa ang bakunahan doon?
DOH USEC. CABOTAJE: Noong nag-National Vaccination Day, tumaas iyan. Bigla siyang tumaas, kailangan parang festive mood. Ang sinasabi nila, may hesitancy, may religious beliefs ‘no pero ang sabi naman namin: Kung ang Malaysia at Indonesia na Muslim counties eh mataas iyong bakunahan, ano pa kaya ang puwede pang gawin sa BARMM? So, we are looking at sharing experiences.
Ano ba ang ginawa sa Malaysia at saka sa Indonesia na nagkumbinsi sa ating mga mamamayan na magpabakuna?
Pinakamatas na bakuna Kingdom of Saudi Arabi at UAE yata. So, these are Muslim countries, so, baka hindi totoo iyong religious beliefs. Baka may kailangan pang gawin ‘no. We have been talking with the Imams, we have been talking with the – [anong tawag diyan?] – iyong mga Minister of Health, iyong ating mga officials ng BARMM, iyong mga local chief executives.
We have one another, magtingin pa tayo kung ano pa iyong puwede nating gawin para mapataas iyong pagbabakuna sa ating mga Muslim areas.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, may pahabol lang si Jena Balaoro ng GMA News: Ilang doses iyong may e-expire na? According daw po to Usec. Vega, mayroon daw pong mag-e-expire sa February at March. Ano daw pong mga brand ito?
DOH USEC. CABOTAJE: May mga shelf life iyan na tinitingnan natin na short shelf life sila ‘no. Some of them are iyong AstraZeneca. Wala pa tayong binili na AstraZeneca, ito po iyong binili ng local government at saka ng ating mga private sector and some donations.
Kaya po nagtutulungan tayo para maibigay ang mga boosters kahit pakaunti-kaunti lang sa iba’t ibang areas. Kasi may mga nari-receive tayong report ‘no kung gusto nila ng Sinovac, kung gusto nila ng AstraZeneca, some of these are not available. So, iyong distribution tinitingnan din natin na available sa mga health center iyong iba-ibang klase ng ating bakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. Kung sakali daw pong ibaba nga sa Alert Level 1 ang Metro Manila at marami pang lugar sa bansa, mas magiging matimbang po bang basehan itong pagtaas ng vaccination coverage o pagbaba po ng daily COVID cases?
DOH USEC. CABOTAJE: Both, although alam naman natin na ang ating vaccination ang game changer, na we are looking at magbigay tayo ng requirements. So, at least 70% nabakunahan na sa area. Nakita naman natin dito sa NCR mataas ang bakuna, so, hindi masyadong nagsu-surge ang cases.
And then alam natin at risk and vulnerable, baka kailangan bago ibaba sa mga alert level, pinag-uusapan iyan, eh taasan iyong coverage ng mga senior citizen sa 80% para ng sa ganoon ma-push din natin iyong ating pagbabakuna kasi alam naman natin sila ang pinaka-most at risk, sila din ang magpu-push ng ating mga kaso kung sila ay nagkasakit.
USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag na tanong ni Carolyn Bonquin ng CNN Philippines: Pupuwede daw po kayang maibaba sa Alert Level 1 ang NCR?
DOH USEC. CABOTAJE: Pinag-uusapan iyan, may mga pros and cons. Ang gusto ng NCR dati, mga MMDA, ay huwag [TECHNICAL PROBLEM] para at least nakaka-adjust iyong ating mga mamamayan, naa-adjust ang mga protocol at saka tingnan natin kung ano iyong mga rates in the next few days.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Wena Cos ng ABS-CBN: Ano po ang masasabi ng DOH sa bagong clinical trial na ginawa sa Malaysia na nagsasabing hindi napi-prevent ng Ivermectin ang severe disease ng COVID-19 at ano daw po ang recommendation ng DOH for Ivermectin at ano ang dapat na gamiting method of treatment ng COVID-19?
DOH USEC. CABOTAJE: Titingnan natin iyong mga pag-aaral na iyan. May mga dati ng statement ang DOH, we may need to review. Pero ang gamot talaga po sa ating COVID iyong approved na, iyong mayroon na siyang Emergency Use Authorization, iyong ating Molnupiravir at saka iyong isang gamot ‘no, which can be used within five days kapag mayroon ka ng sintomas ng COVID-19 disease.
Now, tungkol sa Ivermectin, then we will just need to review again and issue a statement kung ano iyong stand ng DOH.
USEC. IGNACIO: Opo. Last na lang po from Sam Medenilla ng Business Mirror: Ano daw po ang updated figures ng vaccine wastage?
DOH USEC. CABOTAJE: I don’t have the figures right now but we are .00 something, we are even less than 1% as of the moment. Out of the millions, we don’t have even 1% of the – [Ilang jabs na ba tayo?] – 160 million jabs that we have done. Wala pa pong 1% iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kami po ay nagpapasalamat sa lagi ninyong pagpapaunlak sa amin. Undersecretary Myrna Cabotaje mula po sa Department of Health.
DOH USEC. CABOTAJE: Thank you! Good morning.
USEC. IGNACIO: Samantala, nadagdagan ng 1,712 ang bilang ng mga nagka-COVID-19 sa Pilipinas base sa inilabas na COVID-19 Bulletin ng Kagawaran ng Kalusugan kahapon.
Iyan na po ang pinakamababang bilang ng new cases simula nang pumasok ang taong 2022. Sa kabuuan, 3,652,203 na po ang lahat ng nahawaan sa bansa. 3,686 naman ang mga bagong gumaling kaya umabot na sa 3,535,987 ang total recoveries. Habang 55,684 naman po ang mga nasawi matapos madagdagan ng 77 new deaths, 1.7% na lang ng total cases ang tinatayang aktibo pa rin hanggang ngayon katumbas po iyan ng 60,532 individuals na nagpapagaling pa mula sa COVID-19.
Bukas inaasahang pong magpupulong ng Metro Manila Mayors tungkol sa magiging rekomendasyon nila kung puwede na nga bang ibaba ang Kalakhang Maynila sa Alert Level One, makakausap po natin si MMDA General Manager Romando Artes. Good morning po, sir.
OIC MMDA GENERAL MANAGER ARTES: Good morning, USec. Rocky at sa iyong tagasubaybay.
USEC. IGNACIO: Opo. GM noong nakaraan po unanimous iyong mga alkalde ano po na panatilihin sa Alert Level Two ang Metro Manila. Pero sa palagay ninyo po ba sa ngayon ay puwede na tayong ibaba sa Alert Level One? Ganito rin po iyong tanong ng ating kasamahan sa media na sina Jayson Rubrico ng SMNI News and ni Jena Balaoro po ng GMA News: Ano daw po ang tiyansa na maibaba sa Alert Level One and NCR sa darating na Marso?
OIC MMDA GENERAL MANAGER ARTES: Iyan po ay pag-uusapan namin bukas ng gabi. Mayroon pong gaganapin na pagpupulong ang mga Mayor ng Kalakhang Maynila. I don’t want to preempt, USec. Rocky, iyong magiging desisyon ng mga Mayors; pero asahan po ng ating mga kababayan na iyan po ay ibabase ng mga Mayor sa datos po na araw-araw naman po nari-receive namin from DOH, IATF, NTF at ganundin po iyong kanilang experience sa ground. So bukas po asahan ninyo na magkakaroon po ng desisyon ang Metro Manila Council hinggil dito.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero GM, ano po iyong ikino-consider ng Metro Manila Council para po magkaroon kayo ng rekomendasyon dito sa IATF?
OIC MMDA GENERAL MANAGER ARTES: Opo. Lagi naman pong tatlo ang basehan ng mga Metro Manila Mayors sa kanilang pagdidesisyon: Unang-una po, iyong risk classification po ng mga lungsod dito sa Kalakhang Maynila; pangalawa po, iyong healthcare utilization rate; at pangatlo po iyong patuloy na pagbaba ng kaso dito sa NCR. So, iyan po ay ibabase natin doon sa mga panuntunan po na iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. So GM, ibig sabihin kinukonsidera po ng Metro Manila Council ito pong mungkahi ng economic sector at health sector dito sa Metro Manila, tama po ba ito?
OIC MMDA GENERAL MANAGER ARTES: Opo. Lahat naman po ng rekomendasyon ng ating mga Cabinet Secretaries at iba’t ibang ahensiya ay kino-consider naman po ng mga Metro Manila Mayors sa kanilang pagdi-decide ng rekomendasyon sa IATF kung dapat na pong babaan or ibaba sa Alert Level One iyong classification po ng Metro Manila.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero itong datos, ilan na po ba itong nabakunahan na sa Metro Manila; sapat po ba itong datos na ito para ik0-consider itong pagbaba sa Alert Level One, GM?
OIC MMDA GENERAL MANAGER ARTES: Opo. In fact, sobra-sobra na po tayo sa target natin, USec. Rocky. Ngayon nga po nasa pedia vaccination na tayo iyong pagbabakuna sa mga may edad na lima hanggang labing-isa. So, sinisimot na lang po natin dito sa NCR iyong mga may comorbidities at iyong mga ilan pa pong mga senior citizens na dapat pa pong mabakunahan at gayundin po pinapalawig pa rin po natin iyong booster shot na medyo iyon po ang medyo below target po tayo.
USEC. IGNACIO: Opo. Sakali nga daw pong bumaba na sa Alert Level One ang NCR, asahan na rin po siyempre iyong posibleng mas masikip na daloy ng trapiko. May paghahanda na po bang gagawin dito ang MMDA?
OIC MMDA GENERAL MANAGER ARTES: Opo. Patuloy po nating inaaral or binabantayan iyong sitwasyon sa ating lansangan. Unang-una na pong ginawa natin, USec. Rocky, iyong paglilinis pong muli ng ating mga Mabuhay Lanes o iyon iyong mga alternatibong daan. Pangalawa po, inaaral po natin kung kailangan na na palawakin iyong coverage po ng ating number coding scheme. Sa ngayon po kasi, it’s only Monday hanggang Friday, between 5 to 8 PM lamang po. So, aaralin po natin kung kailan talaga mabigat iyong daloy ng trapik within the day, baka po i-expand po natin iyan, USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. GM sa ngayon ay ano na po ang ginagawang aksiyon naman ng MMDA tungkol sa mga aksidenteng nangyayari dahil sa concrete barriers?
OIC MMDA GENERAL MANAGER ARTES: Opo. Sa ngayon po binuksan na po uli natin iyong pag-aaral ng paglalagay ng alternatibong paraan para ma-separate po iyong ating bus carousel sa rest of the street, inaaral po natin iyong paglalagay ng bollard, instead of concrete barriers at lalo na dadagdagan pa po natin siguro iyong mga safety sign.
Sa ngayon naman po mayroon po iyang safety signs na kita naman po sa gabi at dadagdagan lang po siguro natin. In line po diyan, kung napapansin ninyo USec. Rocky, na maliwanag naman po ang EDSA dahil naglagay po tayo ng mahigit 2,000 solar street lights na highway grade po sa EDSA. So, maliwanag naman po ang EDSA, iyon lamang po, uulitin ko na ang sanhi naman po ng aksidente involving concrete barriers, 90% po ay nakainom, nakatulog or nagsi-cellphone. Kaya po hindi naman din po masisi iyong concrete barriers sa mga naganap na aksidente involving that.
USEC. IGNACIO: Pero, GM, hindi po ba puwede ba iyong orange barrier na lang ang ipalit gaya po ng mungkahi ng ilang motorista?
OIC MMDA GENERAL MANAGER ARTES: Ang problema po sa orange barriers natin, dahil po siya ay magaan. Unang-una po kapag mabilis ang sasakyan, natatanggal po siya sa puwesto, Ganundin po kapag nagkaroon ng tubig, medyo lumulutang din po siya at ganundin po kapag mayroong gustong sumingit ay pumasok sa lane madali po siyang natatanggal. So, nadi-defeat po iyong purpose ng pagiging exclusive nitong ating bus lane sa bus carousel. Anyway USec. Rocky, iyan po ay pag-aaralan pa rin natin kung ano po iyong puwedeng alternatibo na hindi po made-defeat iyong purpose, at the same time, mas magiging mas safe po siya para sa ating motorista.
USEC. IGNACIO: Opo. GM bilang kabahagi po ng Comelec ang MMDA sa Operation Baklas, kunin ko na rin po iyong reaksiyon ninyo sa mga nagrireklamo sa umano’y pagtatanggal ng campaign materials sa mga private property. Sa pag-iikot po ba ng MMDA ay may resistance kayong nararanasan kaugnay dito?
OIC MMDA GENERAL MANAGER ARTES: Unang-una po, USec. Rocky, ika-clarify ko lang po, ang Comelec po ang may mandato regarding Operation Baklas. Kami po ay nahihingan ng tulong para mag-provide ng equipment at manpower. Sila po ang nagdi-determine kung dapat tanggalin o hindi iyong mga billboards or mga posters, kung ito ay mali ang sukat or mali ang pinagkakalagyan. So, far may ilan pong mga reklamo kaming natatanggap, pero as I’ve said hindi po kami, ang Comelec po ang nagdi-decide kung dapat tanggalin, kami po ay tumutulong lamang.
USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po iyong ating kasamahan sa media, mula po kay Jayson Rubrico ng SMNI News: May napag-usapan na daw po ba ang Metro Manila Council hinggil sa direktiba ng DILG sa mga LGUs na magpasa ng ordinansa na huwag nang payagan daw po ang mga sari-sari store na magbenta ng gamot? May ibinigay po ba na timeline ang DILG kung kailan dapat ito ma-isyu sa bawat LGU?
OIC MMDA GENERAL MANAGER ARTES: Wala pa po kaming pag-uusap regarding that directly. Siguro po isama na lang po namin, USec. Rocky, sa aming pagpupulong bukas iyang direktiba po ng DILG regarding sari-sari store na nagbibenta po mga gamot.
USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa inyong panahon, GM Romando Artes ng MMDA. Mabuhay po kayo!
OIC MMDA GENERAL MANAGER ARTES: Salamat po at magandang araw po sa inyo.
USEC. IGNACIO: Higit dalawang buwan na lang bago ang itinakdang eleksiyon sa Mayo, puspusan pa rin po ang ginagawang paghahanda ng Comelec para dito, gayundin ang pagpapatupad ng mga patakaran para sa ligtas at patas na pangangampanya. At para makibalita sa ilang isyung may kinalaman sa campaign period, makakausap po natin si Director James Jimenez, ang tagapagsalita ng Comelec. Good morning po, Director?
SPOKESPERSON JIMENEZ: Good morning, USec.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir James, marami pa rin po ang kumukuwestiyon sa “Oplan Baklas” ng Comelec lalo na po sa mga private properties. Puwede po bang pakilinaw kung ano lang pong election materials at saan-saan ito puwedeng ilagay?
SPOKESPERSON JIMENEZ: Naiintindihan po namin. As of now po ‘no, base sa aming interpretasyon ng batas at ng Supreme Court jurisprudence puwede nating i-regulate pagdating sa private property iyong sukat lamang, hindi iyong paglalagay or iyong dami ng ilalagay.
So, basically sukat lang talaga two feet by three feet. Iyon lang naman ang nagiging basehan natin. Although, naiintindihan natin, Usec, na marami ngang nagrireklamo, so ang Comelec ay bukas naman ang pintuan namin sa mga ganiyang klaseng opinion at willing naman kaming pag-aralan ulit iyong polisiyang ito.
USEC. IGNACIO: Pero, Direktor, talaga po bang sakop nito pati iyong mga inilalagay sa private properties? At paano po kung, halimbawa, sariling initiative lang po ng may-ari ng bahay ito pong pagpapa-print ng malaking tarpaulin at paglalagay nito sa tapat ng bahay niya?
COMELEC SPOKESPERSON JIMENEZ: Well, sa pagkakaintindi po kasi namin, depende iyan doon sa material na nilalabas. Kung ang ginagawa mo lang ay pinu-post mo lang iyong campaign poster ng kandidato, eh ibang usapan iyan; that’s just simple political campaigning ‘no. And ayon sa Supreme Court, puwedeng i-regulate iyan.
Pero kunwari, nagpagawa ka ng sarili mong banner at nagpahayag ka ng sarili mong adbokasiya at in the process ay nabanggit mo iyong pangalan ng kandidato, iyan ay maaari pang makalusot pa iyan kasi nga adbokasiya mo iyan. Pero kung gagamit ka lang naman ng poster na binigay sa iyo ng campaign or pina-print mo iyong disenyo ng campaign at wala ka namang dagdag diyan, eh ordinaryong campaign materials po iyan. At ayon po sa interpretasyon namin ng Supreme Court jurisprudence ay puwedeng ma-regulate.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir James, kaugnay po niyan iyong tanong ni Karen Villanda ng PTV News. Marami nga raw po ang reaksiyon tungkol dito sa isinasagawang Oplan Baklas ng Comelec wherein hindi raw po dapat basta-basta nagbabaklas sa private property ang Comelec. Ang tanong po ni Karen: Can you clarify po ano po ang naging protocol ng COMELEC sa last Oplan Baklas? Kung may na-violate po ba ang COMELEC pagdating sa mga may-ari ng private property noon?
COMELEC SPOKESPERSON JIMENEZ: Well, agree naman po ako na hindi talaga puwedeng basta-basta magbaklas ‘no. Kaya nga po ang polisiya ng COMELEC, at ang ginagawa ng ating officers ay nagpapaalam muna. Humihingi muna sila ng pahintulot doon sa property owner para magbaklas. In a lot of cases, iyong property owner mismo ang nagsasabi na sige kayo na ang magbaklas kasi may mga ladder sila, may mga kakayanan sila or kasama nila iyong MMDA, halimbawa. So hinahayaan na iyong aming COMELEC officials na magbaklas para sa kanila pero, always, with consent – iyan po ang polisiya namin.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang tanong naman po ni Tina Panganiban Perez ng GMA News: What is next for Oplan Baklas after the flak daw po it has drawn? Has any case been filed either against the COMELEC or owners of campaign materials?
COMELEC SPOKESPERSON JIMENEZ: No cases have been filed so far. And iyong cases naman na potentially mapa-file natin against illegally posted materials ay siyempre may notice requirement pa tayo diyan. So in any cases, hindi pa naman nagka-lapse iyong mga notice natin. Pero doon sa mga binaklas natin last week ay abatement lang po iyon, tinatanggal lang natin iyong bawal.
Patungkol naman sa pagpapaandar ng Baklas, eh tuloy pa rin iyan siyempre. Hindi naman iyong kabuuan ng Operation Baklas ang kontrobersiyal eh, doon lamang sa involved na private property. But for the streets, iyong mga nasa public places, iyong mga nakakabit sa mga kawad ng kuryente ay tuloy po kaming magbabaklas ng mga ganiyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir James, bakit daw po parang ngayong campaign period lang naging ganito kaingay itong Operation Baklas? At ngayon lang din po parang naging ganito kahigpit ang pagpapatupad dito, tama po ba ito, Sir James?
COMELEC SPOKESPERSON JIMENEZ: Ma’am, actually tama kayo na ngayon lang namin ito ginagawa kasi ngayon lang naman namin siya puwedeng gawin ‘no. Prior to the start of the campaign period, hindi po natin puwedeng baklasin iyong mga iyan dahil hindi naman iyan prohibited. Pero ngayong pumasok na iyong campaign period para sa national candidates, eh definitely bawal na po iyan kaya sinimulan na iyong Operation Baklas.
Now, as to the ingay that it is causing, eh siguro tama kayo, ngayon lang ito naging ganito kaingay pero sa totoo lang, matagal na naming ginagawa ang Operation Baklas.
USEC. IGNACIO: Opo. Ano raw ang sanction o parusa na puwedeng harapin ng mga lalabag sa patakarang ito ng COMELEC? May sagutin po ba raw ang mismong kandidato para dito?
COMELEC SPOKESPERSON JIMENEZ: May sagutin po iyong kandidato kung mapapatunayan na alam niya na ginagawa itong mga illegal campaign materials na ito at hinahayaan niyang mangyari o hinahayaan niyang magtuluy-tuloy. In that case, aabot sa kaniya ang accountability, definitely.
Ang parusa po rito ay range of penalties ‘no. Mayroon siyang kulong up to six years, mayroon siyang fine at mayroong possibility ng disqualification from holding office.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir James, ano naman po iyong masasabi ninyo na may ilang kandidato ang umano’y nag-iisip kung magsasampa ng reklamo laban sa COMELEC kaugnay nitong Operation Baklas?
COMELEC SPOKESPERSON JIMENEZ: Yes, maganda po iyon. Tuloy na lang po nila para malinaw din iyong isyu ‘no. Kasi, ang sa amin po, mayroong operational guidelines din naman kami. So kung, again, sabi ko nga, bukas ang COMELEC sa pagri-re-evaluate ng guidelines na iyan ‘no, sa pagtitingin ulit sa mga polisiya at mga prinsipyo na sinusunod natin. Pero, of course, kung gusto nilang magkaso, that is perfectly well within their rights po.
USEC. IGNACIO: Opo. Bukod daw po sa Operation Baklas ay ilang campaign guidelines din po ang inaalmahan ng mga kandidato kagaya ng handshake, selfie at iba pa. Ang tanong po ni Karen Villanda ng PTV News tungkol diyan: Na-review na po ba ng COMELEC en banc kung nailatag na ang protocol for in person ng campaigning at ano raw po ang resulta?
COMELEC SPOKESPERSON JIMENEZ: Yes po. Mayroon na po tayong resolution niyan, 10732. At so far, wala namang naghahain ng formal request sa amin or formal complaint so tuluy-tuloy lang po ang pag-i-implement natin niyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir James, makikibalita na rin po kami sa iba pang paghahanda ng COMELEC para sa eleksyon gaya po ng printing ng mga balota, on track po ba ito?
COMELEC SPOKESPERSON JIMENEZ: On track po tayo sa printing ng balota. Katunayan, lampas na po tayo 17 million ballots na naiimprenta natin at medyo maaga pa naman kung tutuusin. And maganda po ang takbo ng printing natin ngayon, malapit na nating maabot iyong ating peak printing capacity na tinatawag. And kapag umabot tayo sa punto na iyan ay baka lampas isang milyon isang araw ang naiimprenta natin. So it’s going very smoothly.
Kasabay po niyan ay nagdi-deliver na rin kami ng ating mga election supplies and paraphernalia sa iba’t ibang lugar sa buong bansa. So talagang mapi-feel ninyo na talagang malapit na po tayo.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir James, ano pa po raw ba iyong iba pang proyekto ng Comelec para sa voter’s information campaign?
COMELEC SPOKESPERSON JIMENEZ: Well, nagsisimula na rin po iyong ating vote counting machine roadshow demo. Ibig sabihin po, all across the country, iyong ating mga officers na lumalabas ‘no at nagdadala ng VCM sa iba’t ibang mga community para makita ng publiko kung ano iyong itsura ng makina, paano siya gumana at kung paano nila gagamitin sa araw ng halalan. So ongoing po iyan at ini-expect natin na dadami pa ang mga roadshow demos natin na iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir James, may pahabol lang pong tanong si Leila Salaverria ng Inquirer: You said Comelec is willing to review its rules for Oplan Baklas. Kailan or paano masisimulan ang pag-review ng rules for this?
COMELEC SPOKESPERSON JIMENEZ: Well, kami mismo ay tinitingnan na namin ngayon ‘no. Pero siyempre kung mayroong may mga magbibigay ng taliwas na opinyon or iyong mga kakaibang interpretations ng policies or mayroon silang mga observations na gustong ipakita sa COMELEC, then we are willing to accept these written position papers po. Ongoing naman iyan, at kami nga dito sa amin, internally, tinitingnan na po namin.
USEC. IGNACIO: Opo. Isa pa pong tanong ni Tina Panganiban-Perez ng GMA: Any update raw po on the Salandanan et al., vs. Marcos case, as well as the motions for reconsideration on pending before the en banc?
COMELEC SPOKESPERSON JIMENEZ: Iyong mga motions for reconsideration po, pending pa lahat iyan; at iyong doon sa Salandanan case ay wala pa pong desisyon. So naghihintay rin po tayo diyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Gab Villegas mula po sa Daily Tribune: Ano po ang latest updates sa disqualification case na inihain ng Pudno nga Ilocano vs. BBM which is currently pending on the Comelec second division? Is it possible po ba na same lang din iyong magiging ruling from the previous cases na nadesisyunan na?
COMELEC SPOKESPERSON JIMENEZ: Ma’am, iyong Salandanan at saka Pudno, iisa lang po iyon, that’s the same case. And yes, it’s still pending. Whether or not posibleng pareho, siyempre possibility naman iyan pero hindi natin mapi-predict kung iyon ba talaga ang kalalabasan.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Sam Medenilla ng Business Mirror: May na-file na po kaya ang Comelec na complaint or warning against a candidate for violating minimum health standards sa campaign activities nila? If yes, ilan po?
COMELEC DIR. JIMENEZ: Sa pagkakaalam ko po, wala pang napa-file-an but under evaluation na po iyong mga reports tungkol diyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pong tanong ni Sam Medenilla: May update po kaya sa investigation sa recent alleged hacking sa Comelec servers, ano po ang naging instruction ng National Privacy Commission sa Comelec regarding the issue?
COMELEC DIR. JIMENEZ: As far as I know po, na-clear na po namin iyan. Wala po talagang hacking na naganap sa amin at wala namang further instructions ang NPC sa Comelec.
USEC. IGNACIO: Okay. Panghuling mensahe na lamang po, sir James, or paalala o paanyaya lang po sa ating manunood?
COMELEC DIR. JIMENEZ: Yes po, salamat, USec. ano.
inaanyayahan ko ang ating mga tagapanood, mga kababayan natin na suriin ninyo na iyong mga kandidato ngayon. Malapit na malapit na po iyong halalan. Tandaan po natin, napakahalagang lumahok po kayo dito sa ating darating na halalan, ito po ang pinaka-puso ng demokrasya ng Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po, Comelec spokesperson Director James Jimenez.
COMELEC DIR. JIMENEZ: Salamat po.
USEC. IGNACIO: Samantala, higit isanlibong residente naman mula sa Marikina at Quezon City ang hinatiran ng ayuda kamakailan ng tanggapan ni Senator Bong Go kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan.
Sa aid distribution, nagpaalala rin ang Senador na magpabakuna na ang mga hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, kabilang rin sa Comelec guidelines ang paglilimita sa public spending ng ilang ahensiya ng pamahalaan sa panahon ng campaign period mula Marso hanggang Mayo at kabilang po dito ang DSWD.
Ang tanong: Maaapektuhan ba nito ang ginagawang aid distribution ng ahensiya sa mga taong nangangailangan?
Iyan po ang usapin tungkol sa mga programa ng DSWD ang ating aalamin mula po sa kanilang tagapagsalita na si Director Irene Dumlao.
Good morning, Director!
DSWD SPOKESPERSON DUMLAO: Magandang umaga po, USec. Rocky at magandang umaga din po sa lahat ng nanunood ng atin pong programa.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, ano po iyong reaksiyon ng DSWD dito nga po sa mungkahi ni Representative Joey Salceda na ipetisyon ng DSWD ito daw pong prohibition ng Comelec na public spending ban mula po sa March hanggang May na inaasahan pong pipigil o posibleng makaapekto sa pamamahagi ng ayuda ng DSWD partikular po sa mga nangangailangan?
DSWD SPOKESPERSON DUMLAO: Well, USec. Rocky, tulad naman po noong mga nakaraang eleksyon, ang Department of Social Welfare Development ay magsusumite muli ng request for exemption para nga po sa pagpapatuloy ng implementasyon ng mga mahahalaga nating programa at serbisyo kasama na diyan iyong mga infrastructure at iyong ating mga procurement projects.
Kagaya nga, sabi ko nga po, kagaya ng mga nakaraang eleksyon, umaasa muli ang ating ahensiya ng positibong desisyon mula po sa Comelec hinggil sa request nga natin for issuance for exemption upang maipagpatuloy na maipatupad natin iyong mga programa nang sa gayon ay tuloy-tuloy din nating matulungan iyong ating mga kababayan lalo’t higit nandiyan pa rin po ‘no iyong banta ng pandemya and anumang tulong na maipapahatid ng atin pong ahensiya ay mahalaga upang nga po maibsan iyong epekto ng pandemya lalung-lalo na sa mga mahihirap at vulnerable sector ng ating pamayanan.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, under this prohibition, tama po ba na kailangan muna talagang mag-seek ng approval or kuhanin iyong approval ng DSWD mula sa Comelec bago po makapag-disburse ng pondo para po aid distribution, tama po ba ito?
DSWD SPOKESPERSON DUMLAO: Iyon nga po, USec. Rocky, para po doon sa mga programa at serbisyo na nangangailangan po ng pagpapatuloy na disbursement of public funds dahil alam naman po natin sakop nga po sa Comelec prohibition iyon pong paggamit ng public funds sa panahon po na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Director, ano po iyong magiging aksyon naman ng DSWD dito po sa naging suggestion ni Representative Salceda?
DSWD SPOKESPERSON DUMLAO: Yes, doon nga po sa nabanggit ano po, para po doon sa mga programs and services ng Department na kinakailangan po nga sana natin ipagpatuloy lalung-lalo na sa panahon na ito, gaya ng nabanggit ko, ang atin pong ahensiya ay magsusumite ng request doon naman po sa Comelec, iyon pong sa exemption, USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Director, hanggang ngayon patuloy iyong assistance na ibinibigay ng DSWD dito po sa mga lalawigang lubhang naapektuhan ng Bagyong Odette noong nakaraang taon? So, ilang pamilya pa rin po iyong hindi pa rin nakakauwi sa kanikanilang mga bahay?
DSWD SPOKESPERSON DUMLAO: Well, USec. Rocky, tama po iyong ating ahensiya lalung-lalo na iyong ating mga field offices ay patuloy po na nagbibigay ng resource augmentation sa mga lugar na naapektuhan ng nagdaang Bagyong Odette. Kasama na po diyan iyong atin pong pamamahagi ng mga family food packs at ito nga po ay isinasagawa natin in partnership and in coordination with the local government units.
At present, USec. Rocky, hindi ko po hawak kung ilan pa po iyong mga indibidwal o mga pamilya na nasa mga evacuation centers pa po but what we could assure you is that the DSWD continues nga po to provide technical assistance and resource augmentation sa mga lugar na naapektuhan.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, kumusta naman iyong rehabilitation dito sa mga lalawigang ito? Kailan po ba sila target na maideklarang fully recovered mula sa epekto ng Bagyong Odette?
DSWD SPOKESPERSON DUMLAO: Well, ang Department of Social Welfare Development ay nakikipag-ugnayan naman po sa recovery cluster ng NDRRMC. Diyan naman po napag-uusapan kung papaano po natin matutulungan iyong mga naapektuhang pamilya in rebuilding their homes lalung-lalo na po iyong partially and totally damaged houses ng ating mga kababayang naapektuhan.
Again, iyan po ay isasagawa natin sa pakikipag-ugnayan sa mga iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan na kabilang nga po sa recovery cluster. On the part naman po of the DSWD, tayo nga po ay nakikipag-ugnayan para naman po sa implementasyon noong pamamahagi ng kagaya na nga po ng emergency shelter assistance para po matulungan iyong mga kababayan po natin whose homes have been totally or partially damaged.
And of course, iyon pong mga iba pang programa na makakatulong sa kanilang livelihood activities at matulungan nga po sila o magabayan for their total recovery from the impact or the effect of the typhoon.
USEC. IGNACIO: Opo. Director Irene, mayroon lang pong pahabol na tanong iyong kasamahan natin sa media. Mula po kay Jo Montemayor ng Malaya: Kailan po naisumite ang request ng DSWD sa Comelec; may specific programs po ba na sakop ang request?
DSWD SPOKESPERSON DUMLAO: Yes. Inaasahan po na sa linggong ito ay makakapaghatid na tayo ng request sa Comelec. Sa kasalukuyan lamang po ay kinakalap nga natin iyong mga iba’t ibang activities mula sa central office at gayundin sa ating mga field offices para ma-determine po natin ano po ba iyong pupuwede nating ma-fast track na disbursements at matukoy natin ano naman po iyong mga programa at serbisyo na kinakailangan nga pong magpatuloy and for that na kinakailangan natin ng exemption from the Comelec.
USEC. IGNACIO: Opo. Ngayon, Director, mainit na usapin po iyong bakunahan sa mga senior citizens. Ibahagi ninyo naman po sa amin ang programa ng DSWD para po dito sa ating mga senior citizens.
DSWD SPOKESPERSON DUMLAO: Well, ang DSWD patuloy po iyong ating ipinapatupad na mga programa. Isa na nga po diyan iyong social pension for indigent senior citizens, iyong atin pong Centenarian’s Act and of course iyon pong ating pagbibigay ‘no ng mga iba’t ibang interventions lalung-lalo na po doon sa ating mga senior citizens na nasa mga residential care facilities natin.
Para naman po doon sa ating adbokasiya o sa pagpapabakuna ng ating mga senior citizens, patuloy po natin iyang sinasagawa sa pakikipag-ugnayan sa Department of Health. So iyong nararapat po na impormasyon, iyon ay ipapahatid po natin sa kanila. In fact, tayo nga po ay nakikipag-ugnayan sa ating mga field offices para iyon pong ating information dissemination campaign during payouts sa mga senior citizen’s pension ay natitiyak o naisasagawa po natin. Dahil naniniwala po tayo na iyong pagpapahatid ng nararapat at angkop na impormasyon ay makakatulong o makakapaggabay sa ating mga elderly sa pag-arrive ng informed judgment ukol nga po sa pagpapabakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. Dito po sa programang ito, Director, sinu-sino po iyong qualified at ano daw po iyong requirements?
DSWD SPOKESPERSON DUMLAO: Well, para po doon sa ating social pension for indigent senior citizens kagaya po ng ating nababanggit, dapat po sila ay 60 years old pataas, frail or sickly, who were frail or sickly at sila nga po ay walang tinatanggap na pension mula sa SSS, GSIS at mula din po sa ibang insurance companies and of course wala din po silang pangunahing pinagkakakitaan at wala rin pong suporta mula sa kanilang immediate family members. Iyan po ay para naman po doon sa ating social pension for indigent senior citizens.
Para naman po doon sa ating centenarians act. Iyong tayo po ay nagbibigay ng 100,000 pesos para doon sa ating mga elderly na nakaabot nga po ng 100 years old, tayo naman po ay nagri-require na maisumite iyon pong kanilang birth certificate and other information doon po sa ating Local Social Welfare Development Office and iyan po ay maisusumite sa ating DSWD Field Office for verification. And of course, mayroon rin po tayong assistance na pinapahatid sa mga abandoned at ito naman po ay ina-admit natin sa mga residential facilities na maaari po silang mag-walk in. Mayroon din naman pong referral, mayroon naman po tayong mga seniors na ina-outreach kung saan nagsasagawa po tayo ng mga outreach activities, para nga po makapagsagawa tayo ng initial interview at matukoy kung eligible ba sila sa mga services natin under our centers or residential care facilities.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero gaano po, Director, kadami iyong mga abandoned senior citizen na nasa pangangalaga ng DSWD? At ano pong benepisyo itong natatanggap nila?
DSWD SPOKESPERSON DUMLAO: Well, Usec. Rocky, iyon pong naa-admit sa ating mga residential care facilities ay nabibigyan nga po ng nararapat na intervention. Ina-assess po natin sila kung ano po ba iyong mga kanilang pangangailangan upang maibigay natin kung ano po iyong appropriate for their specific needs.
USEC. IGNACIO: Opo. At paano daw po matutulungan itong mga abandoned senior citizen at ano daw pong pension na puwede pa nilang matanggap?
DSWD SPOKESPERSON DUMLAO: Yes. Kagaya nga po ng nabanggit ko, may mga programa po ang DSWD para sa mga nakakatanda, kagaya nga ng social pension, ng assistance to individuals in crisis situation at iba pang mga psychosocial interventions ng atin pong ahensiya. Para po sa ating mga kababayan na sila ay abandoned, mga neglected, maaari pong ipaalam sa kanilang local social welfare development officer o iyong mga social worker sa mga LGU upang ma-assess at mailagay nga sa karampatang residential care facilities. Kung iyong nakakatanda ay nasa loob ng ating DSWD non-residential facilities at sila po ay nakakatanggap na o may tinatanggap na pension mula sa SS o sa GSIS o sa iba pang mga insurance agencies, ito ay matatanggap pa rin nila, even if they are inside our residential care facilities already.
Ang nasabi pong pension maaari po nilang gamitin sa iba pang mga personal na pangangailangan po nila. Subalit para sa social pension program, ang isang elderly ano po na nasa pangangalaga na ng residential facilities, ito man ay sa DSWD, sa LGU o privately-run, sila po ay makakatanggap ng ibang assistance na makakatugon naman po doon sa kanilang pangangailangan, habang sila po ay nasa loob po ng ating mga facilities.
USEC. IGNACIO: Opo. Panghuli na lamang po. Paano daw po ina-admit sa residential care facility ang isang abandoned senior citizen at may tala po ba ang DSWD kung marami na po ang mga senior citizens na nasa residential care facility ang bakunado na?
DSWD SPOKESPERSON DUMLAO: Yes. Nagsasagawa po tayo, iyong ating mga social workers sa ating mga residential facilities ay nagsasagawa ng initial interview doon sa client o doon sa referring party, upang matukoy kung sila po ba ay matatanggap ‘no o makakatanggap ng services under our centers or our residential care facilities.
Kung eligible, doon po magsisimula iyong admission phase, magsasagawa ng admission conference, inventory of belongings ng resident o ng client. Magbibigay din tayo ng mga kasuotan at iba pang mga kagamitan para sa kanila at magsasagawa tayo ng medical examination at i-endorse iyong ating clients doon na sa ating magiging houseparent. At doon na nga po, maibibigay na po iyong kanilang pangunahing pangangailangan and of course regular monitoring para po matiyak na talaga pong naipapahatid natin ang nararapat na serbisyo para sa kanila.
With respect to the number of clients sa ating residential facilities na bakunado na po, at present, Usec. Rocky, hindi ko po hawak iyong numero, but we can provide naman po, these figures.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero majority po bakunado na, Director?
DSWD SPOKESPERSON DUMLAO: Yes, Usec. Rocky. Kagaya nga ng nabanggit ko, tayo naman po ay constant na nagbabahagi ng impormasyon sa ating mga elderly at mga senior citizens para nga po sila ay maka-arrive at an informed judgment tungkol sa usaping pagbabakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong panahon, Director Irene Dumlao ng DSWD.
Samantala, puntahan na natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service, magbabalita si John Mogol mula sa PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.
Silipin naman natin ang kaganapan sa Davao. May report ang aming kasamang si Jay Lagang.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP). Maraming salamat din sa inyong walang sawang pagtutok sa aming programa ngayong araw.
Magkita-kita muli tayo bukas. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)