USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas at sa lahat po ng mga Pilipino sa buong mundo. Ngayong araw ng Miyerkules, February 23, atin pong aalamin ang pinakahuling sitwasyon tungkol sa COVID-19 pandemic sa loob at labas ng bansa.
Ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Metro Manila Council inanunsiyo na ang magiging rekomendasyon pagdating sa alert level ng National Capital Region pagdating ng Marso. Ang detalye alamin natin mula kay Daniel Manalastas. Daniel…
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Daniel Manalastas.
Samantala, kahapon po ay ibinigay na sa pamunuan ng Philippine Orthopedic Center ang sixty-five (65) million pesos na dagdag pondo para pambili ng dagdag na kagamitan sa naturang ospital. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, kumustahin natin ang kasalukuyang sitwasyon sa Mindanao partikular sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao kaugnay sa kanilang vaccination rate at sa mga paghahandang ginagawa sa nalalapit na eleksiyon. Makakausap po natin si BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim. Magandang umaga po, Chief Minister.
BARMM CHIEF MINISTER EBRAHIM: Magandang umaga po naman.
USEC. IGNACIO: Opo. Kumustahin ko po muna ang bilang ng COVID-19 cases sa buong rehiyon ng BARMM. Kung sa ibang lugar po ay nababawasan na po iyong daily recorded cases, diyan po ba ay mas bumaba na?
BARMM CHIEF MINISTER EBRAHIM: Okay. Ito iyong February 22, 2022: The Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao has reported cumulative number of nineteen thousand six hundred forty-four confirmed COVID-19 cases. Of these cases, 125 are active which are mostly asymptomatic to mild cases; 18,839 have already recovered and we have reported 680 deaths due to COVID-19 since the pandemic has started in 2020. All of BARMM provinces and cities is currently in Alert Level 2 classification.
For our vaccination efforts, our target individuals to be vaccinated is 3,487,070. We have already administered 1,817,782 doses of COVID-19 vaccines. As of yesterday, the following are our coverage: 246,061 or 7% are partially vaccinated; 880,821 or 18% are fully vaccinated; 62,272 have received their booster doses already.
BARMM is doing its best to reach out our target and soon reach the herd immunity. We are always calling on our constituents to go out and be vaccinated and that it is the safest way to achieve herd immunity and that we are doing this to protect ourselves or family and our community in general. So iyan po iyong summary ng aming kuwan.
So as of now iyon na nga, ang active case namin is .6% which is 125; ang recovery is 95.9% or 18,839; and then the percentage of death is 3.5%. So iyon po ang summary namin sa ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Chief Minister, masasabi po ba natin na bumaba na iyong vaccine hesitancy sa BARMM? Bagama’t kasi po ay nananatiling challenge po sa ilan pang lalawigan sa bansa iyong kawalan po ng tiwala sa bakuna. Pero ayon po sa DOH, bumaba na nga po iyong vaccine hesitancy sa 10%. Diyan po ba sa BARMM ay nararamdaman po ito?
BARMM CHIEF MINISTER EBRAHIM: Opo, nararamdaman din po kasi medyo kuwan na, at least nagtulungan na iyong mga religious group, iyong mga leaders, political leaders para makumbinsi iyong mga tao. Saka naman kasi nakikita naman nila na wala namang negative effect iyong vaccine. So medyo [garbled] iyong hesitancy is bumaba na po dito sa BARMM.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero paano ninyo po susuportahan ito pong plano ng national government na mag-house-to-house at magkaroon po ng mobile vaccination para naman po sa nga senior citizen?
BARMM CHIEF MINISTER EBRAHIM: Mayroong nang areas na ginagawa namin ito. Mayroon nang mga areas, so sinisimulan na rin namin iyong house-to-house. Kaya lang ang kailangan lang kasi iyong cold storage para sa mga vaccine, iyon ang pinakakuwan muna namin na magkaroon ng maraming—para medyo ma-increase natin iyong cold storage para madala sa mga rural areas.
USEC. IGNACIO: Opo. Chief Minister, puwede po bang pakiulit iyong datos kung ilan po iyong confirmed cases sa kasalukuyan diyan sa BARMM ngayon?
BARMM CHIEF MINISTER EBRAHIM: Ang confirmed cases is .6% or 125. Mayroong seven na new cases. So iyon po ang confirmed cases.
USEC. IGNACIO: Pero, Chief Minister, kumusta naman po iyong ginagawa ninyong paghahanda, itong BARMM, para naman po sa nalalapit na eleksiyon? Ito po iyong kauna-unahang national election na sasalihan ng BARMM, tama po ba ito?
BARMM CHIEF MINISTER EBRAHIM: Actually, itong national election, this coming national election, hindi pa po iyong BARMM mismo as a parliamentary form of government ay hindi pa rin sasali sa 2022 na eleksiyon kasi extended po iyong transition period namin until 2025. Pero iyong sa local government na under sa BARMM ay sumasali na po kami. So mayroon kaming official political party, iyong United Bangsamoro Justice Party, so mayroon pong mga kandidato sa mga local government from the municipalities at saka iyong mga provinces.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Chief Minister may mga—kumusta po iyong peace and order naman na nakikita ninyo? Mayroon po bang mga election hotspot na binabantayan ngayon sa BARMM? Paano po masisiguro iyong peace and order diyan pagdating mismo rin po ng halalan?
BARMM CHIEF MINISTER EBRAHIM: Presently, we are coordinating with PNP para po ma-ensure natin na magkaroon ng peaceful na eleksiyon at saka malinis na eleksiyon. Now, sa ngayon po, mayroong mga insidente na nangyayari na mga isolated incidents, pero hindi pa naman confirmed na related ito sa eleksiyon. So, iniimbestigahan pa natin kasi karamihan naman dito ay nakikita natin na wala ring relation sa eleksiyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Chief Minister, mayroon lang pong tanong sa inyo iyong ating kasamahan sa media, si Celerina Monte po ng NHK. Anong tanong po niya: Of those 15 ministers and 15 deputy ministers who submitted daw po their courtesy resignation, how many have you accepted? And who are ministers to be replaced? Why? At kailangan po magti-take effect ang Cabinet revamp?
BARMM CHIEF MINISTER EBRAHIM: Well, pina-process na namin po ito. Actually, sa ngayon, today, mayroon na akong accepted na dalawa na resignation and then, mayroong lima na reappointed. So, iyong iba is still under process sa assessment namin. So, iyon ang status ngayon. So, ongoing ang aming assessment and evaluation, at the same time, iyong hiring at rehiring ng mga ministers.
USEC. IGNACIO: Opo. Pahabol lang pong tanong ni Tuesday Niu: Puwede po bang sabihin kung bakit daw po sila nag-courtesy resignation?
BARMM CHIEF MINISTER EBRAHIM: Well, bahagi ito ng proseso namin dahil we are ending our three-year term. So, gusto namin na mabigyan ng very accurate na assessment iyong mga performances ng ating mga ministries. So, kaya we opted na … nag-isyu kami ng memorandum na all the ministers and deputy ministers will tender their resignation para mayroon kaming free-hand in the assessment of the ministries, at the same time, mayroon kaming free hand kung sino ang gusto namin na—kung makikita namin na hindi masyadong nagpi-perform, then we can hire or we can replace iyong mga kuwan. So, iyon po ang dahilan, because we are … it is now our third year in the transition authority and we will have another three years. So, kailangan within the next three years ay makita namin na talagang magiging effective iyong function ng ating gobyerno.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero may karagdagan po bang update sa paghahanda naman ninyo tungkol po sa pagbuo naman ng regional government ng BARMM? Kailan po ito inaasahang maisasapinal, Chief Minister?
BARMM CHIEF MINISTER EBRAHIM: Actually, sa ngayon is nakalatag iyong reappointment ng mga miyembro ng parliament sa opisina po ng Presidente for his signature kasi po mag-i-end sa 2022 iyong aming appointment as member of the parliament. So, iyong 80 members ay kailangang mai-reappoint or magkaroon ng new appointment sa 80 members na miyembro ng parliament.
USEC. IGNACIO: Opo. Chief Minister, may pahabol lang po na tanong ang ating kasamahan sa media, si Celerina Monte ng NHK. Sino daw po iyong dalawang ministers na tinanggap ang resignation, ang courtesy resignation?
BARMM CHIEF MINISTER EBRAHIM: Sa ngayon po ay, sorry po, but we will—kasi ihahayag namin ito in full kung nakuwan na, so hindi muna namin ipa-publicly na ihahayag sa ngayon. But in a week time siguro, then we can fully divulge kung ano ang changes sa BARMM
ministries.
USEC. IGNACIO: Opo. Chief Minister, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak sa amin. Maraming salamat po BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim.
BARMM CHIEF MINISTER EBRAHIM: Thank you po. And then, siguro po, kasi gusto rin namin—sa ngayon, ang BARMM po ay wala kaming officially na anointed na kung sino sa presidential na aming kuwan. So, anyway, hindi pa decided ang BARMM kung sino ang i-endorse namin na candidate for president. But we are inviting all the presidential candidates na puwedeng bumisita sa amin and then para maipahayag nila ang kanilang mga plataporma. So, iyon lang po. Thank you very much.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po, Chief Minister Ebrahim.
Base naman sa tala ng Department of Health kahapon, nadagdagan ng 1,019 ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, mas mababa kumpara sa 1,427 new cases noon Lunes. Dahil dito, umabot na sa 3,654,284 ang lahat ng nagkasakit sa Pilipinas. Two thousand nine hundred eighty-eight (2,988) naman po ang mga dagdag na gumaling kaya 3,541,840 naman po ang total recoveries. Fifty-five thousand seven hundred seventy-six (55,776) ang total deaths matapos po nitong madagdagan ng labintatlo. Sa kasalukuyan, 1.6% o katumbas ng 56,668 ang active cases sa Pilipinas.
Samantala, Lungsod ng Biñan sa Laguna ay may bagong diskarte para po mahimok ang kanilang magulang at kanilang mga anak na edad lima hanggang labing-isa na magpabakuna kontra COVID-19. Ito ay ang pagbubukas ng kanilang sikat na water park para sa pediatric vaccination. Ang update mula kay Louisa Erispe. Louisa?
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Louisa Erispe.
‘Ika nga, “The worst is over” pagdating sa Omicron surge na nararanasan ng iba’t-ibang bansa kabilang na po ang Pilipinas. Pero panibagong surge na naman umano ang nararanasan sa ibang bansa kagaya po sa Estados Unidos. Ang sinasabing dahilan ay ang Omicron variant na tinaguriang ‘stealth’ Omicron.
Atin pong muling pag-uusapan iyan kasama po ang infectious diseases expert at Vaccine Expert Panel member Dr. Rontgene Solante. Good morning po, Doc!
DR. SOLANTE: Good morning, Usec. Rocky! Good morning to our listeners!
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, lumilitaw nga po na itong stealth Omicron na matagal na rin po namang na-detect dito sa Pilipinas ano po, pero sa ngayon, may bagong development po ba o datos tayo tungkol dito?
DR. SOLANTE: Well, ang [recent development]although these are yet in small studies ‘no na aside from being highly transmissible itong BA.2 it [has also the potential] to cause also severe infection especially the vulnerable population.
And that’s what we are trying to monitor and find out if the increase in the cases in other country is also associated with increase in healthcare utilization kung saan it is caused by a severe type of a BA.2.
So, sa ngayon, wala pa tayong ganoong klaseng data na nakikita but it has a potential to cause a severe disease and that’s what we will be monitoring.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero base daw po sa initial studies tungkol dito ay hindi naman daw po gaanong nalalayo itong BA.2 sa mismong Omicron variant. Pero totoo po bang mahirap daw itong ma-detect, Doc?
DR. SOLANTE: Well, so far, sa detection naman ‘no, I would like to emphasize this that even with our tests, our currently available tests like the RT-PCR can detect it. So, ibig sabihin, it is not a major problem in terms of detection. The problem with the BA.2 is more on its high transmissibility higher than that of the BA.1.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc, ito po ang concern ng marami sa atin, gaano daw po kaepektibo ang mga bakunang mayroon tayo laban dito sa ‘stealth’ Omicron?
DR. SOLANTE: Okay. So far, the data are telling us that it did not make a significant impact in terms of affecting our current vaccine platforms. And in fact, when given the booster, kapag nagpa-booster ka, mas tataas ang proteksiyon natin.
Kaya siguro ang message natin dito is we need to encourage everyone, especially the vulnerable population to get their booster so that your risk of getting [infection from BA.2] it will also be lower.
And that’s also why the current vaccination will really focus on vulnerable population, especially kapag nagluluwag na tayo ng alert level natin because of its high transmissibility at puwede pa rin tayong makakuha ng infection but what we want to prevent is developing the more severe infection and that will be prevented with a booster shot.
USEC. IGNACIO: Pero ano naman daw po iyong advice mula sa World Health Organization tungkol dito? Dapat po ba tayong mabahala, Doc Rontgene?
DR. SOLANTE: For now, kung titingnan natin iyong situation natin, our cases are going down, the number of those in the hospitals are also significantly lower. So, ang nakikita natin dito, we may have a lower rate of transmission now in the community.
So, mababahala tayo dahil nandito pa rin ang Omicron variant, mayroon pa ring puwedeng mahawaan and that’s why even if we will transition to a lower level dapat pa ipapanatili pa rin natin ang health protocol particularly the wearing of the face mask, the physical distance, the hand washing and other important measures to prevent getting the infection; particularly vaccination.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Rontgene, dahil dito sa panibagong concern na dulot ng ‘stealth’ Omicron, sa palagay ninyo napapanahon pa rin po bang pag-usapan itong pagbaba sa Alert Level 1 o dapat muna itong ipagpaliban ulit? May kaugnayan po ang tanong ng ating kasamahan sa media mula po kay Red Mendoza ng Manila Times at Jena Balaoro ng GMA News: Sa tingin daw po ba ninyo kakayanin ng NCR ang pagluluwag sa Alert Level 1?
DR. SOLANTE: Personally, I don’t see any indicator now that it will affect us especially kung magluluwag tayo ‘no. So, kumbaga, in short, mukhang ready na ang NCR for the Alert Level 1.
Now, it doesn’t also mean na kapag nagluluwag tayo mas lalo tayong complacent sa mga ginagawa natin. Kung magluluwag tayo we need to also protect our self. It’s now the important part here na kung nagluluwag tayo, panatilihin natin iyong mga ginagawa natin, iyong pag-follow ng health protocols.
So, in short, I have no problem if Alert Level 1 [technical problem]. We will now transitioning to Alert Level 1 especially in the NCR pero tuloy pa rin ang bakunahan, tuloy pa rin health protocol at tuloy pa rin ang pag-monitor sa mga kaso.
USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag na tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Dalawang taon mula nang unang kaso ng COVID-19 sa bansa, masasabi po ba natin na handa na ang bansa para mag-exit palabas ng pandemic response tungo sa pamumuhay na kasama na daw po ang COVID-19 at hanggang sa maging endemic na ito?
DR. SOLANTE: Yes, I think we are on that process now ‘no. Our mindset is hopefully we can be exiting with this pandemic, we can exit with this pandemic.
Napakaimportante ang [unclear] ‘no because this is an important indicator na once na lower na iyong cases natin we can deal with the virus, we know how to deal with it and I think isa sa mga punto natin dito is we also have available antiviral agents that are appropriate against this infection.
We have oral antiviral, we have IV (Intravenous) antivirals. Our healthcare facilities are already equipped with how to deal with severe COVID. So, for me, we are better off prepared now compared to two years ago or one year ago.
USEC. IGNACIO: Opo. Lumalabas po kasi doon po sa latest ng DOH, 29% lang daw po ng eligible population ang nababakunahan ng booster shot. Sa ibang bansa naman po ay naitatala rin iyong booster hesitancy. Ulitin lang po natin, Doc, bakit mahalagang mabakunahan ang bawat isa ng booster shot bukod po sa primary dose?
DR. SOLANTE: Okay. Importante ang booster shot ‘no because ang data natin ngayon nakikita na kapag wala kang booster, mataas ang risk mo na makakuha ka pa rin ng COVID at mataas pa rin ang risk na makakuha ka ng severe infection.
With booster, with the third dose, that will give us a better protection. That will give us a better protection against getting the infection, against getting the severe infection, against getting to be hospitalized because you are also protected.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero hanggang kailan po daw itong efficacy ng booster shot? Matagal pa po ba bago ikonsidera ng pamahalaan ang posible daw pong pagkakaroon ng fourth dose o iyong tinatawag nating second booster shot?
DR. SOLANTE: Okay. The fourth dose will now depend on how the third booster shot will play-in in terms of controlling the infection. Like for example, I’ll give you a scenario: If the next three to four months cases will continuously go down to the level na hindi na siya alarming, then why still we need a fourth dose? We don’t need that ‘no because the booster shot is already enough na napababa natin ang kaso.
The second answer to that is that with the third booster dose, it has been found out sa mga data na iyong T cell component of the vaccine is longer protecting us and the one that will protect us against severe infections.
So, for now, I think the third dose or booster will be enough and we will gather data of how effective if a fourth dose will really be indicated
USEC. IGNACIO: Opo. Sa isang pahayag naman po, sinabi ni Dr. Tony Leachon na posibleng matanggal ang vaccine hesitancy ng mga Pilipino kung bibigyan daw po ng full authorization ang mga COVID-19 vaccines natin. Ano po ang masasabi ninyo dito?
DR. SOLANTE: I don’t think a full authorization will make a difference in terms of increasing hesitancy ‘no. Sa ngayon kasi ang mga bakuna ay libre na nagagamit, galing sa government. If we give a full authorization, then there will also be a chance of the other sectors like the private, the doctors, the physicians can also give it but they have to pay for that vaccine ‘no.
Siguro ‘yun lang ‘yung aspeto siguro na nakikita ko na kung ang isang pasyente or kliyente na ayaw magpabakuna sa government or ayaw magpabakuna sa center, gusto nila doon to talk with their private physician on how to give it, isa ‘yan sa mga aspeto but I don’t think that’s a significant part of increasing vaccine hesitancy.
Ang importante now is delivering the important message sa lahat na ang bakuna ay importante at mahalaga when we want to control the pandemic and if we want to move to a new normal.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, ano na lang po ulit ‘yung inyong mga paalala sa atin pong mga manunood lalo po ‘yung mga kababayan natin na talaga namang hindi pa nagpapabakuna, ito po ay sa gitna ng developments na ito sa pandemya?
DR. SOLANTE: Okay. So sa mga kababayan natin na hindi pa nagpapabakuna ‘no, as we move on with our [garbled] to a lower alert level, napakaimportante mas lalo nating paigtingin ang bakunahan because that’s the reason why nagiging mababa ang mga kaso natin.
If you will be left out without the vaccine among the majority who has the vaccine or already vaccinated, then you will be the target of this Omicron variant to get the infection and continue to be a risk ‘no, puwede kang maging risk to get the severe infection. So alalahanin natin, napakaimportante ang benefit ng bakuna.
Pangalawa, ‘pag nagbaba na tayo ng alert level, it doesn’t mean we don’t need the health protocol. Panatilihin natin ang pagsuot ng mask, panatilihin natin ‘yung physical distancing at panatilihin natin na we need to isolate kung mayroon tayong mga sintomas.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Dr. Rontgene Solante.
Samantala, patuloy ang nararanasang COVID surge sa bansang Hong Kong kung saan daanlibong mga Pilipino ang nagtatrabaho at naninirahan. Kaya naman alamin po natin ang kanilang sitwasyon doon, makakausap po natin si OWWA Administrator Atty. Hans Leo Cacdac. Magandang umaga po, Attorney.
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Magandang umaga po inyo, Usec. Sa inyong mga tagapakinig, tagapanood, magandang umaga po.
USEC. IGNACIO: Sinimulan na po ba ‘yung imbestigasyon tungkol sa isang Filipino OFW na tinanggal sa trabaho matapos magpositibo sa COVID-19? At nakikipag-ugnayan na po ba ‘yung ating pamahalaan sa Hong Kong government tungkol dito?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Yes po, yes po. Siguro, iuulat ko lang po na ‘yung latest report natin [garbled] ng mga OFWs natin sa Hong Kong, as of the beginning of today, 76 po ang nadapuan ng COVID, and walo po ay nasa ospital, admitted sa ospital and all the rest po ay nasa isolation facilities. It’s either nasa employer’s home isolation sila – karamihan nasa employer’s home isolation – or nasa government, Hong Kong government isolation or nasa NGO isolation. Walo ang nasa ospital.
Ngayon po, mayroon tayong reported cases ng mga na-terminate na mga OFWs, pero ang ipinag-utos po ni Secretary Bello ay kausapin ‘yung employers para makumbinsi sila. Kasi under Hong Kong law po ay hindi sila dapat i-terminate kasi puwede naman mag-sick leave o ‘di kaya ay makabalik sila after maka-recover. So hindi po sila kailangan i-terminate. Mayroon na pong mga nakumbinsi na mga employers na tanggapin muli ‘yung kanilang mga OFWs. ‘Yung hindi po makumbinsi – at sa talaan po natin ay parang isa lang po eh ang nag naka-record sa atin na hindi pa makumbinsi na employer – ay idudulog na po natin ito sa Hong Kong Labour Authority.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, bakit ganoon kalaki ‘yung takot ng ilang employer na pabalikin itong mga nagka-COVID nating OFW? Sila po ba ay, itong ating OFWs ay bakunado naman po?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Yes. Ang situation naman sa Hong Kong ay karamihan na ng mga OFWs natin ay bakunado. Kaya lang, siguro kailangan lang paliwanagan ‘yung mga employers natin. Roughly 85% are already vaccinated. Pero kailangan lang siguro paliwanagan na, unang-una, katulad ng nangyari sa atin dito ‘yung Omicron surge, hindi po contagious—contagious pero hindi po malubha ang Omicron. Plus, kung madapuan man ng Omicron ay asymptomatic o ‘di kaya hindi kumpleto, iilan lang sa mga sintomas ang naruroon lalo na sa mga bakunado. In other words, hindi life threatening, hindi nagiging severe ang tama ng Omicron.
So kailangan lang sigurong ipaliwanag, Usec., sa mga Hong Kong employers itong sitwasyon na ito. At in fairness, marami naman po sa kanila ang nakukumbinsi na tanggapin muli ang ating mga OFWs.
USEC. IGNACIO: Opo.
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: By way of illustration, again, of the 76 isolated cases, 27 ay nasa employers pa nila mismo mo. Binigyan ng isolation ng isolation room sa employer’s household ‘yung ating OFW.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Attorney, ano po ‘yung posibleng kaharapin ng isang employer? Paano sila puwedeng gawing accountable ng ating pamahalaan?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Ang posibleng kaharapin ay ‘yun nga, ‘yung labor case dahil nga kung talagang tuluyan nilang iti-terminate ‘yung ating OFW [garbled] susunod ay ‘yung dito sa POEA. Nagdeklara na rin si Sec. Bello na iba-blacklist ang mga employers na ganoon ang naging treatment sa ating mga manggagawa. So dalawa ‘yan, sa Hong Kong side and sa Philippine side. Sa Hong Kong side labor [garbled] labor authorities, illegal termination and then, dito naman sa POEA ‘yung blacklisting ng mga employers na nagsasagawa ng illegal termination.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero ang assistance po ang iniaabot ng ating pamahalaan sa mga apektadong OFWs sa Hong Kong dahil sa COVID surge, Attorney?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Okay. Ipinag-utos din ni Secretary Bello ‘yung laganap na assistance. Unang-una, as we speak, mayroong food assistance, mayroong basic hygiene assistance, hygiene kit na binibigay sa mga OFWs natin in isolation. Mayroong power bank kasi nga kailangan nila ng power bank sa kanilang cellphone. And then, of course, paglabas nila, ‘pag naka-recover na sila, nakaabang ‘yung US$200 financial assistance natin sa kanila. Mga dalawang taon na, Usec. Rocky, natin pinapalaganap ito.
Kung naaalala ninyo, pinag-utos ng OWWA Board led by Sec. Bello ‘yung $200 assistance sa mga OFWs na nadapuan ng COVID. Twenty thousand na po ang nakinabang ditong OFWs sa $200 benefits na ito. ‘Pag naka-recover ‘yung mga Hong Kong OFWs natin from isolation, gagawaran po natin sila ng US$200. At kung sila po ay nag-decide na mag-for good – karamihan po sa kanila ay finished contract na rin ‘yung mga nasa isolation, kasi nga nagpa-PCR test sila for IATF rules pauwi kaya lang nag-positive — bibigyan natin sila ng livelihood; at kung may college level dependent sila, scholarship contract para sa kanilang mga college level dependents.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, posible ba ‘yung mungkahi ng isang senatoriable na magpadala raw tayo doon ng medical team, ito pong DFA at DOLE, para daw po matulungan ‘yung mga kababayan nating positibo sa COVID-19?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Yes, kahapon sa pagpupulong ay ito na rin ay binanggit ni Sec. Bello, at ito na rin ay ipinaplano natin. Although, ‘yung [garbled] ng mga OFWs natin ay nandudoon nga sa isolation facility na pinasisinayaan ng Hong Kong authorities. So kailangan mayroon ding coordination, proper coordination with the Hong Kong authorities.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa March daw po ay magsasagawa ng tatlong beses na mass testing ang Hong Kong government sa mga residente doon. Kabilang po kaya dito ‘yung migrants at workers doon tulad po ng mga OFWs?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Yes, kasama po sila. In fact, kasama rin pati ‘yung POLO personnel. So, yes, yes, kasama po sila doon. Magiging kasama sila doon.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, extended din ‘yung flight daw po, ang flight ba ng Hong Kong sa mga biyaheng manggagaling ng Pinas hanggang April 20. Ilan pong kababayan natin ‘yung inaasahang maaapektuhan dahil dito?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Well, kukunin pa natin ang estimate sa POEA. Pero kasi ang kadalasang umaalis for Hong Kong sa isang buwan ay one to two thousand a month ‘no. But still, we are hoping, Usec., matagal pa ‘yung April 20 and even before that we are hoping na maaalpasan na rin ng Hong Kong ang sitwasyong ito. Kasi ang tingin ko naman diyan, dinadanas lang nila ‘yung dinanas natin last month, ‘yung Omicron surge. Kaya’t hopefully, mas maaga pa doon ay ma-lift na iyong ban at makaalpas na rin, makaahon na rin ang Hong Kong dito sa kanilang surge na dinadaanan ngayon.
USEC. IGNACIO: Attorney, makikibalita na rin po kami sa huling sitwasyon sa Ukraine. Papaano po natin minu-monitor ang mga kababayan natin na doon naninirahan at nagtatrabaho?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Yes. Sa ngayon ay iyon kung binabalot pa rin ng tensiyon ang Ukraine, lalo na iyong capital, iyong political capital na Kiev and naka-coordinate, naka-monitor naman tayo kasabay ng DFA at ang embahada natin sa Warsaw, Poland which is northwest of Ukraine dito sa sitwasyon.
Sa ngayon wala pa namang report ng naglalabanan na mga military forces but ang isinasagawa ngayon is in-country relocation sa mga OFWs, sa ating three batches of OFW have been relocated to a safer grounds. Hindi ko na lang babanggitin kung saan exactly but they have been relocated to safety.
And sa ngayon ay nag-offer din ng three commercial flights, free flights, libreng ticket ang DFA and may lima na nakarating noong Biyernes ng gabi. May dalawa na sponsor ng DFA particular doon sa plane tickets free flights. So, inaasahan natin na mayroon pang magpapasyang umuwi at tayo naman ay sasalubong sa kanila. Bibigyan natin sila ng ayuda.
USEC. IGNACIO: Attorney, kailan naman inaasahan makakauwi iyong ating ibang OFW by a repatriation flights? Hindi po ba nadagdagan iyong mga gusto talagang umuwi na ng bansa?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Ito, may inaabangan tayo, Usec, na at least two na padating. Wala pa kasing mass repatriation level, hindi pa umabot ng mass repatriation iyong sa Ukraine with respect to the declaration of the DFA and the DOLE-POEA po.
So, hindi po umabot sa ganoon, so ngayon voluntary pa lang ang repatriation and free plane tickets ang inu-offer sa mga OFWs natin doon and at present dalawa ang inaasahan natin. At least two ang inaasahan nating pauwi.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, pasensiya na po may pahabol lang na tanong si Sam Medenilla ng Business Mirror: Ilan na po sa infected OFWs ang naka-recover at puwede na pong i-repatriate at kailan daw po kaya sila expected na mapauwi? Ito po iyong Hong Kong.
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Okay. So far ang latest report ay dalawa ang naka-recover. So, iyon ay isinasaayos pa ang kanilang paglipad. Kasi, kung sila naman ay may babalikan pang employer baka hindi muna sila bumalik pero isinasaayos na rin iyong pagpapauwi ng mga makaka-recover sa kanila.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Atty. Hans Leo Cacdac, ang Administrator ng OWWA.
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Salamat po, Usec. Ipagdasal po natin ang isa’t isa.
USEC. IGNACIO: Ilang pamilya mula sa Novaliches, Quezon City ang nawalan ng tirahan dahil sa insidente ng sunog, kaya naman sila ay hinatiran ng tulong kamakailan ng pamahalaan at ni Senator Bong Go. Narito po ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Puntahan naman natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service. Magbabalita si John Mogol mula sa PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.
Samantala, kumustahin natin ang mas pinaigting na bakunahan sa Lungsod ng Davao. Nakatutok si Hannah Salcedo.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, Tuba, Benguet handa na sa pagbubukas ng turismo sa Marso. May ulat si Alah Sungduan.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Magluluwag na ang Cebu City sa kanilang mga panuntunan sa kabila ng pagbaba ng COVID-19 cases sa lungsod. Nakatakda namang maglabas ng executive order si Cebu City Mayor Michael Rama, ukol dito. May report si John Aroa.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Maraming salamat din po sa inyong walang sawang pagtutok sa aming programa ngayong araw. Magkita-kita tayo muli bukas.
Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)