Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location New Executive Building, Malacañang

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Ngayong araw ng Huwebes, muli ninyo kaming samahan para talakayin ang mga usapin na dapat ninyong malaman at maintindihan. Maya-maya lamang makakasama natin sa loob ng isang oras ang mga kinatawan ng pamahalaan na magbibigay-linaw sa mga tanong at agam-agam ng taumbayan. Kaya tumutok lang po mapa-telebisyon man o sa ating live streams.

Ako ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order Number 164 na naglalahad ng national position ng Pilipinas hinggil sa nuclear energy program. Sa ilalim ng naturang kautusan inilatag ang economic, political, social at environmental objectives ng programa na pangunahing tumutugon sa pagpapaunlad ng power supply at pagpapalago ng ekonomiya ng bansa. Dito ipinaliwanag din ang layon sa nuclear energy program na isama ang nuclear power sa energy mix ng bansa sa pamamagitan nang pagbuo ng mga nuclear power infrastructure and ang Department of Energy ang tututok sa programa at implementasyon nito.

Suportado ng Department of Energy ang panawagan ng Malacañang sa Kongreso na pag-aralan na ang oil deregulation law. Ayon sa DOE, matagal na nilang ipinanawagan sa Kongreso na review-hin ang naturang batas na may mga probisyon ito na tali ang kamay ng gobyerno para tugunan ang paglobo ng presyo ng krudo. Dagdag pa nga ahensiya, dapat din na magkaroon ng price unbundling para maging transparent ang oil companies sa presyo ng kanilang produkto. Sa tulong din nito malalaman din umano kung anong kumpanya ang may overpricing.

Samantala nagbabala din si Energy Undersecretary Gerardo Erguiza Jr. sa oil companies na hindi dapat umabot sa 90 hanggang 100 pesos ang presyo kada litro ng diesel o gasolina.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Kasabay po ng pagbaba ng ilang lugar sa Alert Level 1 ay ang pagpapaigting ng pamahalaan sa vaccination rollout para po sa senior citizens at sa may comorbidity kabilang na po ang may mga heart diseases na maituturing high risk. Para po magbigay-paalala at impormasyon sa kahalagahan ng bakuna at booster shot, makakasama po natin si Dr. Gilbert Vilela, ang Presidente po ng Philippine Heart Association. Doc, magandang umaga po.

PH HEART ASSOC. PRES. DR. VILELA: Magandang umaga po sa inyong lahat. So glad to be here.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, base sa datos ng PSA, nananatiling pangunahin po o leading cause ng death ang coronary heart disease na may higit 17.9% of total deaths. Kumpara po sa mga nakaraang mga taon, mas mataas po ba ang bilang na ito?

PHA PRESIDENT DR. VILELA: Oh yes, ma’am. Tumaas ng 28% – nakakagulat at nakakatakot! Halos treinta porsiyento [garbled]. Ito ay nangyari during the pandemic so ibig sabihin may epekto talaga ang pandemic sa cardiovascular disease. Dahil siguro noong panahon na iyon, takot ang mga tao na pumunta sa ospital [garbled] nagtatago sila kaya nagtiis ng mga nararamdaman, hindi bumibili ng gamot, hindi umiinom ng gamot kaya tumaas ang cardiovascular disease.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc, masasabi mo na bukod doon sa takot magpa-checkup, hindi bumibili ng gamot, iyon pong nag-iisip, iyong sa mental health nila, ito po ba ay nagiging dahilan din kasi iyong takot po sa pandemic? Nagiging dahilan din po ba ito ng sakit sa puso?

PHA PRESIDENT DR. VILELA: Oh yes, ma’am, definitely. Kasi iyong anxiety and stress and mental stress ano, it creates a massive systemic inflammation of the vascular system, iyong mga ugat natin causing obstruction. Iyong mga taong may sakit sa puso puwedeng matulak sa heart attack. Iyon namang mga taong walang sakit sa puso, puwedeng magkasakit sa puso. Bukod doon, it creates a behavior that is unfriendly to the cardiovascular health like for example nadadala sila ng kain ng mga bawal na pagkain – comfort food ‘ika nga. Pero nakabalita ka na ba ng comfort food na gulay o lumpiang sariwa? Ang comfort food nila iyong mamantika, deep fried, maalat and so on – it definitely adds to the problem.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc, ano iyong paalala ninyo, ano ang pupuwedeng gawin? Sinabi ninyo na nga—ito iyong tinatawag na stress eating ano po, talagang para mawala iyong takot mo, naiisip mo kumain ng kung ano-ano – crispy pata – para lang mapaligaya mo, mawala iyong takot mo. Pero, ano po iyong pupuwedeng gawin kapag po ang isang tao talaga ay hindi niya alam na siya pala ay mayroon nang—nagkakaroon na ng problema itong mental health na nga po?

PHA PRESIDENT DR. VILELA: Well ito ay—diyan papasok ang kahalagahan ng pamilya. Kasi iyong pamilya mo, iyong kasama mo sa bahay ang makakapansin ng mga kakaiba sa iyong mga pag-uugali. So number one, if the people around the person notices something that is odd sa behavior ng isang [garbled], kailangan siyang kausapin at bigyan ng advice. And sometimes or hindi naman sometimes – most of the time hindi ito kaya ng tayo-tayo lang o sa bahay-bahay lang – kailangan magpatingin ka sa isang eksperto like a psychologist or a psychiatrist.

Kung wala ka namang kakayahan na magpatingin sa mga ganoong espesyalista, isipin mo na lamang na ang lahat ng bagay dito sa ibabaw ng mundo ay our choice – choice lagi iyan – choice mong huwag matakot o choice mong matakot sa mga nangyayari sa atin. Puwede rin iyang—just like war and peace, health, heart—a heartfelt is a choice na puwede nating piliin at mag-ingat. So iwasan ang nakakapagpasakit sa iyo, nagbibigay ng sakit sa iyo like may pandemic na nga kakain ka pa ng mga bawal, iinom ka pa ng alak na napakarami – eh ‘di ba’y lalo mong dadagdagan ang problema mo.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc, ano iyong sinabi mo na nakikitang pagkakaiba ng isang kapamilya mo na—sinabi mo nga na medyo may bago o iba sa kaniyang ugali. Ano po iyong posibleng isa sa mga unang makikitang sintomas na may problema na nga po sa—ito na nga pong mental health?

PHA PRESIDENT DR. VILELA: Well hindi ako isang psychiatrist pero sa aking clinic as a cardiologist, ito nakikita ko – hindi makatulog, hindi makatulog. Tapos sa araw hindi mapakali, balisa. Tapos iyon bang hindi makakain, hindi siya maka-concentrate ‘no, laging parang lutang ang isipan na kakaiba, hindi mo makausap so iyong mga iyon tapos para bang nagpa-panic lagi – konting sakit lang, may sipon lang o kaya sumakit lang ang tiyan, para bang feeling niya mamamatay na siya kaagad – that’s a panic attack. And that is, one of those na madalas masabi sa amin ng mga pasyente namin sa [garbled].

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, may datos po ba kayo pagdating sa turnout, itong vaccination rate na may mga comorbidities partikular iyong may mga sakit sa puso? May estimate po ba kayo kung ilang porsiyento na sa kanila iyong nakatanggap ng primary dose at booster dose na kailangan po talaga ‘no sa may mga sakit talaga sa puso?

PHA PRESIDENT DR. VILELA: Well we do not have data for that but what I know is inuna naman talaga iyong mga A3 ‘di ba, iyong mga may comorbidity. And this is what I know, mga 70 million na ng Pilipino ang na-vaccine na. And I will presume na karamihan doon ay iyong mga may comorbidity kasi alam ng mga taong may sakit siya, kailangan siyang magpabakuna.

Pagdating naman sa booster doses, ang alam ko – ito lang alam ko – mga seven million pa lang tayo so kakaunti pa iyong boosted. Tandaan ninyo, iyong primary vaccination, nagwi-wane ng effect iyon after a few months, around six months siguro. So kailangan kang maturukan ng third dose para tumaas ulit, sumirit ulit pataas ang iyong immunity laban sa COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, mayroon lang pahabol si Tuesday Niu ng DZBB. Ulitin lang po natin ang kaniyang sinasabi: Sa record ninyo, ilang porsiyento po ang itinaas sa bilang ng mga nagkasakit sa puso dahil sa pandemya mula po noong isang taon, nabanggit ninyo nga po kanina medyo alarming po talaga iyong itinaas? Pakiulit lang po, Doc.

PHA PRESIDENT DR. VILELA: Yes. Tuesday, comparing the PSA data from January to October 2020, comparing it to January to October 2021 – tumaas ng 28%, two-eight percent; at ang stroke around 12%; ang heart attack at saka stroke, pagkamatay sa stroke ay tumaas din. Ang stroke ay tumaas ng mga 12%.

Alam mo ba, ang COVID-19 deaths from number fifteen sumipa siya pataas, nag number 3 ang COVID deaths. Kaya when people realize na iyong mga kapitbahay niya, iyong mga kakilala niya, iyong mga kaibigan niya ay namamatay, it creates a havoc or a panic na nawawala ang kanilang huwisyo. Ang judgment nila is affected.

So they hide, they don’t want to seek help sa mga doktor. Kahit na masakit na ang dibdib mo, ang sakit na ng ulo, ang taas na ng presyon, ayaw nila magpunta sa doktor kasi natatakot na mahawa sa ospital at sa clinic ng doktor. Tapos iyong mga gamot, hindi sila makalabas kasi takot pumunta sa botika at hindi niya mapalabas ang mga anak niya para bumili ng gamot dahil natatakot siya para sa mga anak niya.

Iyong ganoon, iyong kaniyang panic creates a misbehavior/maling behavior. Kumakain ka ng comport food na sinasabi ko kanina, wala namang comfort food na healthy, kadalasan iyan is maalat, mamantika at sobrang taas ng carbohydrates.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc, ang dagdag na tanong ni Tuesday: Ilan daw po ang equivalent niyan sa numbers, ito pong 28%?

PHA PRESIDENT DR. VILELA: Naku, hindi ko memorize. Sorry, Tuesday, pero buksan mo, mag-log-in ka sa causes of deaths ng Philippine Statistics Authority. Causes of deaths – PSA, Philippine Statistics Authority, nandoon iyon. Nandoon.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero sa assessment ninyo, Doc, sa mga nakalipas na buwan, paano ninyo po madi-differentiate iyong naging impact ng COVID sa mga may comorbidities noong mga panahon na nagkaroon ng surge. Ito po iyong wala pang bakuna laban po dito sa marami na po ang vaccinated at may booster na?

PHA PRESIDENT DR. VILELA: Malaki ang difference. Kung matatandaan, ang aking ospital, ang Philippine Heart Center, ang unang-unang nabiktima ng COVID. Iyong mga unang mga namatay na doktor at nurse nasa sa ospital ko.

And grabe iyong impact sa amin, na-demoralize kami. Pero siguro mga first two weeks lang iyon. After that we embraced the pandemic and we adopted changes para makalaban tayo sa COVID-19.

There was a time noong umpisa alam mo, Ma’am, ang nagdu-duty doon sa ospital namin na mga pathologists, mga radiologists, iyong mga hindi clinical na doktor, kasi iyong mga residents and fellows namin, lahat tinamaan ng COVID.

Pero after na lumabas iyong vaccine, it think it’s around November, kaming lahat na-vaccinate, grabe ang impact. Walang na-ospital na muli at tapos bumagsak iyong incidence ng hawaan sa loob ng ospital.

In fact, sasabihin ko nga sa inyo noong November na iyon, on the day na magba-vaccinate ako nang alas-otso ng umaga, ala-una y media pa lang ng madaling araw gising na ako. Excited na akong bigyan ako ng bakuna kasi baka madala ko sa bahay ko ang COVID-19.

So, malaki ang impact ng vaccines sa safety ng mga taga-ospital at lalo na sa mga naka-expose talaga na may comorbidities.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, kasi dati nga noong kasagsagan talaga ng COVID na wala pang bakuna, hindi natin alam kung paano gagamutin ito, pero nandito na iyong bakuna, sana po iyong mga kababayan talaga natin huwag nang matakot. Kasi noong araw sinasabi natin sana magkabakuna na. Pero nandito na po iyong bakuna ‘no, Doc?

PHA PRESIDENT DR. VILELA: Oo. Makikiusap sana ako sa mga kababayan natin. Alam ninyo po, mamili naman tayo ng papakinggan nating balita. Ginagamit po ng mga salungat sa ating paniniwala ang media para takutin tayo at magdesisyon ng mali.

Ito po ang sasabihin ko sa inyo nang tapat. Wala naman akong mahihita kung sasabihin ko sa inyo ito, pero sa totoo lang, kapag kayo po ay nagpabakuna maliligtas ninyo po ang inyong sarili at pangalawa, ang mga mahal ninyo sa buhay. Kasi kapag wala kang bakuna at ikaw ay nagkaroon ng COVID-19, dadalhin mo sa kanila. Hindi ba sabi mo mahal mo sila? Bakit mo sila hahawaan?

Tapos ilang milyon na ang nabakunahan sa Pilipinas, nakabalita ba kayo ng namatay sa bakuna? So, pinapalala lang po ng mga taong salungat sa bakuna, tini-twist nila iyong katotohanan.

Yes, may myocarditis talaga, may thromboembolism sa ibang bansa. Pero po sa Pilipinas wala po akong nakita doon sa animnapu’t-limang milyon Pilipino na nabakunahan na nagkaroon ng myocarditis o nagkaroon ng thromboembolism dahil sa bakuna.

Kaya po, ano ba ang ating ikinatatakot sa bakuna?

We have everything to gain from having ourselves vaccinated and our loved ones will lessen our concern to them if we have ourselves protected also.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, since high-risk po sila sa infection, ibig sabihin daw po ba dapat talaga masundan pa ng another dose iyong kanilang booster? At ano po iyong nakitang strategy para po mapataas talaga iyong bilang ng nagpapa-booster lalo na dito sa A3 Priority list?

PHA PRESIDENT DR. VILELA: Oo, Ma’am. Actually, nakita namin dito sa Pilipinas at saka sa ibang bansa din na ang mga may comorbidity, sino ba iyon? I-define natin, hindi puwede iyong basta na lang comorbidity. Pero sakali cardiovascular system, sa amin po, ako po ay espesyalista sa puso, may high blood ka, may diabetes ka at may sakit ka sa puso, let’s say na may sakit ka sa puso, iyong baradong ugat mo sa puso or malaki ang puso mo dahil sa uncontrolled blood pressure, nakita po namin na tumataas ang panganib mong magkaroon ng severe disease, critical COVID or death compared doon sa mga taong wala ng mga iyon.

Actually, ang fatality rate ng may comorbidities ay 2.3% worldwide. Pero kapag may hypertension ka, alam ninyo ba kung ilang percent ang fatality rate? 6%, tumataas ng 6%. So, kaya ho nakikiusap kami doon sa mga may comorbidities to have themselves vaccinated.

And then nakita rin po sa mga maraming pag-aaral that after six months nagwi-wane ang proteksiyon na nakukuha natin sa ating primary vaccination. Kaya we need to have our booster doses para tumaas ulit at sumirit pataas. Ngayon, ang data lang, wala pang data kung gaano katagal iyong epekto ng booster dose. So, naghihintay po ang buong mundo. In fact, napakaraming bansa na nagmo-monitor kung hanggang saan magtatagal ang booster doses, including the US and Europe.

Now, ano ang dapat mong gawin para mabigyan mo ang sarili mo ng mas mataas na proteksiyon? Simple lang, iyong laging ipinupukpok ng gobyerno sa atin. Alam ninyo, hindi naman tayo ipapahamak ng gobyerno eh, lalo na ang DOH.

So, kapag sinabi sa atin, mag-mask ka lalo na kapag nasa isang lugar ka na masikip at maraming tao, enclosed spaces. Do not remove your mask, tapos maghugas kayo ng kamay, kasi iyong mga door handles, iyong mga sa elevator na number na pinindot mo, nandito ang virus na nabubuhay nang matagal tapos ikukuskos mo sa mata dahil makati ang mata mo o kaya kakamutin mo ang ilong mo, parang in-apply mo sa mukha mo iyong virus.

And then of course stay healthy, eat lots of fruits and vegetables para tumaas ang iyong proteksiyon kasi mataas ang antioxidants ng mga iyon, it improves your immunity. Eat well and sleep well. Bakit kailangan mahaba ang tulog mo, 7.5 hours? Kasi ang antibodies ng katawan natin ginagawa iyan while we are sleeping. Kapag hindi ka nakakatulog nang enough, mababa ang production ng antibodies mo.

S0, those are the things that you should do on top of the advised minimum safety protocols.

USEC. IGNACIO: Opo. Panghuli na lang, Doc. May bilang po ba tayo kung ilang COVID patient ang naka-admit sa Heart Center ngayon?

PHA PRESIDENT DR. VILELA: Ay, halos wala na po. Kaunting-kaunti na lang siguro, mga less than ten po. Alam ninyo po ang Philippine Heart Center ay hindi po isang COVID-referral center pero noong kasagsagan, mahigit 150 ang nasa sa loob ng Philippine Heart Center. Ngayon po, siguro ano na lang – I don’t have the latest data pero kaunting-kaunti na lang, mabibilang mo sa iyong mga galamay.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, kami po ay nagpapasalamat sa inyong impormasyon at siyempre iyong pagbibigay ng payo sa ating mga kababayan ano po. Napakalaking tulong po niyan. Dr. Gilbert Vilela, ang Presidente po ng Philippine Heart Association. Salamat po sa inyo.

Isa po ang sector ng turismo sa mga pinakanaapektuhan mula ng magpatupad ng lockdown sa bansa at sa pagbaba ng ilang mga lugar sa Alert Level 1. Ano nga ba ang mga guidelines ng mga biyahero at inaasahang epekto ng muling pagluluwag sa local na turismo, pag-uusapan po natin iyan kasama po natin si Secretary Bernadette Romulo Puyat ng Department of Tourism. Good morning Secretary Puyat.

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Yes, good morning USec. Rocky, and good morning sa lahat ng nanunood sa iyo ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kumusta po iyong assessment ninyo so far Ilang araw po mula ng ibaba ang ilang lugar sa Alert Level 1, ramdam na po ba iyong epekto nito lalo na sa mga ilang travel destinations natin?

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Actually USec. Rocky, kahit na noong bumaba tayo sa alert level 2 marami na talaga ang nagbibiyahe. Like for example, sa Boracay noong February alone, naka-receive sila ng 80,882 na turista kumpara ito noong 2020 na 13,834. So, halos malapit na 77%.

So talagang tuloy-tuloy na ang pagpunta ng ating mga turista sa ating mga tourist destinations. Ganoon din sa Baguio, noong nag-Alert Level 2 tayo marami na rin talaga ang pumupunta sa Baguio at saka siyempre sa Tagaytay, which is in Cavite at basta sa Calabarzon area.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Secretary, ano daw po iyong paghahandang ginagawa ng tourism sector ngayon talaga na marami ng lugar na naibaba sa Alert Level 1 at inaasahang paparating na peak season?

Kayo po ba ay may nakikita ring epekto dito naman sa pagtaas ng mga presyo ng produktong petrolyo sa ating tourism sector, kung mayroon pong epekto ano po iyong ginagawa ninyong paghahanda dito?

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: So far naman, hindi naapektuhan iyong mga—tuloy-tuloy pa rin iyong mga nagbu-book at nakausap ko ang ating mga tourism stakeholders tuloy-tuloy marami daw nagbu-book, nagbabayad na. Even mga foreigners gusto daw nila talagang pumunta dito.

Sa paghahanda, tuloy-tuloy naman ang pag-i-implement ng minimum health and safety protocols at pinaka-importante is vaccinated ang ating mga tourism workers or kunwari for example nasa isang island destination sila bakunado lahat.

Dito sa NCR hindi lang bakunado pero we are already giving booster shots like for example sa hotel workers 55% na ang may booster shots and we are doing this in all parts of the country. Hindi lang vaccinated but booster shots para protektado ang mga tourism workers pati na iyong mga turista.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ang sunod na tanong diyan. Paano naman daw po iyong contact tracing app and health declarations forms, required pa rin po ba ito o nakadepende sa ating mga LGUs at accommodation establishments?

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Naka-depende pa rin ito talaga sa ating mga LGU pero kapag kausap ko iyong ating mga LGU madali na, hindi gaya noong simula nagkakaroon ng… iyong nali-late iyong pagbibigay ng QR code etc. Ngayon mabilis na, mabilis na iyong pag-implement.

USEC. IGNACIO: Nabanggit ninyo na kailangan fully vaccinated, Secretary. Pero, mayroon po ba kayong ibibigay na requirement sa mga unvaccinated?

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Oo. Very strict talaga ang IATF na dapat ang puwede lang indoor ay fully vaccinated. Pero, sa mga hindi pa nagpapabakuna mas madali na siguro na magpabakuna na kayo. So, you are protected.

So walang restrictions—halos wala ng restrictions basta bakunado ka. So, we hope that these can also be—iyong mga bakunado magpabakuna na kayo para talagang mas less ang restrictions at talagang easier at seamless iyong travel ninyo.

USEC. IGNACIO: Secretary, bigyan daan ko lang iyong tanong ng media. Mula po kay Jopel Pelenio ng DWIZ: Required po ba sa ilang tourist destination under Alert Level 1 na dapat bakunado ang mga batang 5 to 11 years old bago daw po papasukin sa mga mall or establishment kahit pa fully vaccinated or may booster shots na po iyong kanilang kasamang magulang or guardian?

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Oo. Sa ibang mga—like for example, Baguio and Boracay, at a certain age, below a certain age hindi naman kailangan bakunado as long as kasama nila ang kanilang mga magulang lalo na iyong 5 years and below, hindi na kailangan. Pero, iyong mga for example iyong mga eligible naman, for example 12 to 18 puwede naman magpabakuna hinihingan na lang ng negative RT-PCR test.

USEC. IGNACIO: Opo. Paano naman daw po iyong mga resorts at saka iyong mga accommodations. Ano daw po iyong mahigpit na paalala ng Department of Tourism sa kanila?

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Kailangan talaga kahit na Alert Level 1 na tayo at iyong mga tourist destination ay Alert Level 1 dapat talaga ini-implement ang health and safety protocols gaya iyong mga waiters, etc., iyong mga sa front desk dapat palaging naka-mask pa rin iyan. So, iyon ang ating laging pinapaalala at iyong mga puwede lang pumasok sa indoor dining ay dapat fully vaccinated.

USEC. IGNACIO: Opo. Kumustahin na rin po natin iyong pagdating, Secretary, naman ng mga international travelers mula ng payagan silang pumasok last month. Ilan na po iyong estimate ninyong dumating sa bansa at ilan pa daw po ang inaasahan sa mga susunod na buwan?

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Masayang masaya kami USec. Rocky, kasi we didn’t expect na may talagang dadating. Because normally ang dating ng mga turista usually ‘pag due term months nila or pag-school break ng mga bata. But from February 10 to February 28 may recorded ng dumating ng 47,715 turista, 45% ito ay balikbayan at 55% ay mga foreign tourist – number 1, coming from the United States; number 2, Canada; number 3, United Kingdom; number 4, from South Korea; fifth, Australia; tapos Vietnam and Germany.

USEC. IGNACIO: Pero sa estimate ng Department of Tourism Secretary, gaano kalaking halaga daw po iyong maibabalik sa sektor ng turismo at trabahong mage-generate ulit sa pagbaba ng ilang mga lugar sa Alert Level 1?

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Mahirap mag-predict pero iyong nagka-trabaho dahil sa turismo noong 2019 ay mahigit sa 5.7 milyon. Dahil sa pandemya ang naapektuhan na trabaho ay 1.1.

kapag kinakausap namin ang iba’t-ibang mga hotels at mga tourist destination, iyong mga LGU, sabi nila na marami na silang niri-rehire kasi ang dami ng pumupunta sa kanilang mga destinations or pumupunta sa mga hotels. Marami nga ang mga hotel ay fully booked already. So, this is a good sign and they are rehiring.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, pasensiya ka na mayroon lang pong tanong si Cedric Castillo ng GMA news: Bago daw po makalipad may kailangan daw po bang documentation requirements sa mga pasahero sa NAIA like Vax card, RT-PCR or Antigen? Kailangan po ba ang mga ito sa domestic and International foreign?

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: It’s always dependent on the pupuntahang destination. So they have to check kunwari pupunta ka ng Boracay kung ano iyong hinahanap ng Boracay LGU and of course when you travel abroad you have to check kung ano iyong requirements ng pupuntahan mo abroad.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, kunin ko na lamang po ang inyong paalala at mensahe mo sa ating local at international travelers. Go ahead Secretary.

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Oo. Maraming salamat USec. Rocky sa pag-imbita sa Department of Tourism.

We’re encouraging everybody please kahit na fully vaccinated please follow the minimum health and safety protocols para tuloy-tuloy na ang pagbaba ng kaso at tuloy-tuloy ng magka-trabaho ang ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong oras at paglilinaw, Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat. Mabuhay kayo Secretary.

DOT SEC. ROMULO-PUYAT: Thank you.

USEC. IGNACIO: Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa Pilipinas. As of March 2, 2022:

  • Nadagdagan ng 866 ang mga bagong kaso kahapon kaya umabot na sa 3,663,920 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.
  • 53 naman po ang mga nasawi kaya nasa 56,504 ang ating total number of deaths.
  • 1,622 ang new recoveries kahapon kaya umakyat na sa 3,556,289 ang total recoveries.
  • Ang active cases natin sa ngayon ay 15,827 o katumbas ng 1.4% ng kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit.

Ilan pong mga nangangailangan ng tulong medical sa mga probinsiya ng Batanes at Quirino ang inaasahang matutulungan sa pagbubukas ng mga bagong Malasakit Center sa bansa. Senator Go, nanawagan naman sa mga hospital at medical frontliners na bigyan prayoridad ang mga kapus-palad at senior citizen natin kababayan. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, muli nating kumustahin ang sitwasyon ng mga kababayan natin sa Hong Kong sa gitna ng COVID surge na nararanasan doon. Makakasama po natin si Labor Attaché Melchor Dizon ng Philippine Overseas Labor Office-Hong Kong. Magandang umaga po, Sir.

LABOR ATTACHÉ DIZON: Magandang umaga po, Usec. Rocky at saka magandang umaga din sa mga tagasubaybay ng iyong palatuntunan.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, kumusta na po iyong sitwasyon ninyo, kasama na din po ang ating mga OFWs diyan sa Hong Kong sa gitna nitong nararanasan ninyong COVID surge dahil sa Omicron variant? Sa inyong datos ilan na pong OFWs iyong nagpositibo sa COVID at kumusta na rin po iyong kanilang kalagayan?

LABOR ATTACHÉ DIZON: Doon sa amin pong mga na-receive na reports, mayroon na tayong 221 na Filipinos dito na nagkaroon ng COVID. Dito sa two hundred twenty-one (221) na ito mayroon na tayong forty-three (43) na naka-recover. Mayroon tayo dito na ninety-five (95) na nasa bahay ng employer. Kasi ho dito kapag nag-positive ka na na-subject ka sa mandatory testing notice at nag-positive ka, makaka-receive ka ng text message na stay home and wait for the call ng Center for Health Protection para ma-schedule iyong pag-pickup para madala sa quarantine facilities. So, ninety-five (95) iyong nasa employer’s home, iyong mga nasa government quarantine facility ay twenty-two (22), iyong mga nasa NGO facility na isolation is 22 din and iyong mga nag-i-stay pa sa boarding house waiting for the call ng Center for Health Protection ay twenty-two (23), iyong nasa sa hotel facility ay six (6), ang iyong nasa sa hospital naman ay eight. So iyon po iyong total ng ating two hundred twenty-one (221) na nagka-COVID na OFWs dito.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Sir, patuloy pa po ba iyong paglobo ng COVID cases diyan at ano po ba iyong umiiral na policy ng Hong Kong Government para sa mga nagpupositibo sa COVID-19 partikular po sa ating mga OFWs?

LABOR ATTACHÉ DIZON: Medyo tumataas nga, iyon nga sa kasamaang-palad medyo tumataas. So last year iyong early part ng 2021, mga zero pa iyong cases dito ng COVID pero nang dumating nga iyong Omicron, so dumating iyong mga imported cases na galing sa ibang bansa at mayroon silang policy dito na kapag ikaw ay nakalimang positive cases na dumating dito ay isu-suspend for two weeks iyong lahat ng flights from kung saan nanggaling iyong mga cases. So nag-impose po sila ng suspension doon sa mga walong bansa kasama na doon iyong Pilipinas. Kasama iyong Canada, iyong US, iyong United Kingdom, iyong Nepal, Pakistan, so iyon kasama doon.

And then in-extend pa nila nang hanggang April 20 iyong suspension ng incoming flights para dito sa mga countries na ito. So ang policy dito, medyo naghigpit sila doon sa pinaiiral nila ang social distancing. Dati iyong apat iyong mga gatherings, ngayon dalawa na lang. So laging may nag-iikot na mga pulis and mayroong megaphone na niri-remind iyong ating mga kababayan during their rest day na nagga-gather sa dito sa isang lugar dito sa Hong Kong na hanggang dalawa lang sa isang grupo. And then iyong mga restaurants sarado pa rin hanggang ngayon pagdating po ng six o’clock, wala sarado na iyong mga, iyong mga restaurants or puro mga takeout na lang. Sarado din iyong mga parlor.

And starting, nag-umpisa na noong February 24, mayroon na ditong mga certain establishment na kailangan na iyong vaccine pass. So kapag ikaw ay hindi bakunado, hindi ka makakapasok like iyong sa restaurant, sa mga parlor, sa mga gyms, iyong mga ganoong mga establishment. And then itong March na ito, i-implement na rin iyong mandatory testing na para sa lahat. Iyong sa 7.5 million na residente dito, temporary at saka iyong mga permanent kasama na doon na babakunahan nang tatlong magkakasunod kada lingo. So three times. So iyon.

At sa kasamaang-palad nga, medyo tumaas iyong mga cases from zero noong January nagkaroon ng mga more than 100. Tapos nitong February nag-start nang tumaas, nag-6,000 tapos nag-10,000, nag-20, tapos noong March 1 ay 32,000. Sa kasamaang-palad, kahapon ang reported cases ay 55,000. So ganoon kadami iyong cases.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Sir, ito po bang sinabi ninyo kanina mass testing ano po, kasama po itong ating mga OFWs sa ipatutupad na mass testing ng Hong Kong government?

LABOR ATTACHÉ DIZON: Yes Usec. Kasama sila lahat, pati iyong mga temporary at saka iyong mga citizen dito at saka iyong permanent resident, kasama lahat sa mass testing. Tatlong beses iyon, magkakasunod every week.

USEC. IGNACIO: Opo. Kahit wala pong nararamdaman o ano talagang ito itsi-check, Sir, ano? Pagdating po sa pangangalaga sa ating.

LABOR ATTACHÉ DIZON: Kahit wala.

USEC. IGNACIO: Pero pagdating po sa pangangalaga sa ating mga OFWs, ano po iyong tulong na ipinaaabot ng inyong tanggapan sa mga nagpupositibo o magpupositibo kasi nga po, sinabi ninyo na nga po na magkakaroon ng mass testing na isasagawa diyan sa Hong Kong?

LABOR ATTACHÉ DIZON: Mayroon tayong pinu-provide dito na mga food packs doon sa mga naapektuhan, especially iyong sa mga nagka-COVID na nandoon ho sa mga isolation center. Binibigyan natin sila ng mga pagkain at saka kung minsan para sila ay tuloy iyong communication, binibigyan natin ng power banks. Tapos kung sila ay maka-recover na, they are entitled doon sa $200 na aftercare financial assistance na manggagaling sa OWWA. Papakita lang nila iyong proof na sila ay nagkaroon ng COVID at sila ay makakatanggap ng financial assistance na iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Kumusta naman po daw iyong imbestigasyon na isinagawa ng inyong tanggapan patungkol sa mga ulat na diumano’y pagkakaroon ng problema sa trabaho ng ilang OFWs partikular po ang ating mga domestic workers na nagpositibo sa COVID-19?

LABOR ATTACHÉ DIZON: Mayroon kami dito na tatlo na na-receive na reports na sila ay na-terminate dahil sa COVID and then ang ginawa namin tinawagan namin iyong employer and they reconsider their decision. And sa kadahilanan din doon sa mga nari-receive na napapaulat na mga termination dahil sa COVID, ang Hong Kong Government ay nagpadala ng official communication dito sa Philippine Consulate General na sila ay tutulong sa pag-assist doon at mo-monitor at nagbigay na rin sila ng warning sa mga employer na ito ay labag sa employment ordinance, iyong pag-terminate ng worker kung sila ay nagka-COVID.

At sila ay mananagot at kapag napatunayan na tinerminate nila iyong kanilang worker dahil sa COVID, magbabayad sila ng fine na 100,000 Hong kong dollars, that is equivalent siguro sa mga P650,000 aside sa mga posibilidad na dapat na ibigay sa ating kababayan.

At kami dito sa POLO, naggawa kami ng team na lahat ng mga nari-receive namin na report, tinitingnan namin iyong status ng kanilang employment at kung mayroon kaming makikita na tinerminate dahil sa COVID ia-assist namin. Kasi noong kami ay nakipag-coordinate doon sa aming counterpart na nasa Hong Kong Labor, ang puwede naming i-file, i-assist namin, pagpa-file ng complaints doon sa Labor Tribunal Division at saka sa Equal Opportunities Commission iyong kanilang complaints against doon sa employer kung mayroon.

Pero sa ngayon, iyong tatlo na in-assist namin na-reconsider na. So, tinanggap na ulit ng employer, after na sila ay maka-recover.

USEC. IGNACIO: Sir, basahin ko na lang po iyong tanong ni Sam Medenilla ng Business Mirror na may kaugnayan din po sa sinasabi ninyo, baka may maidagdag lang po kayo, basahin ko na rin po, ano po: May na-record na kaya ang POLO na foreign employers who are facing complaints or cases for dismissing OFWs who were infected with COVID-19? If yes, ilan po kaya at ano po ang mangyayari dito daw sa affected OFW?

LABOR ATTACHÉ DIZON: Sa ngayon kasi at kinukontak nga namin iyong mga workers na sinasabi na terminate ng dahil sa COVID. Pero doon nga, iyong tatlo lang na-terminate because of COVID, pero na-reconsider na siya. So sa ngayon, wala pa kaming naipa-file na kaso.

Kaya nga ang panawagan natin sa ating mga kababayan, kung sila ay may mga information na mayroong tinerminate dahil sa COVID ay ipagpaalam lang nila sa opisina namin at amin silang ia-assist para makapag-file ng complaint sa Hong Kong Labor at ito po namang Hong Kong Labor ay gumagarantiya na tutulungan nila tayo para sa pagpa-file ng complaints dito sa mga workers na ito.

So far, iyong sa record namin—kasi dito mayroong mga terminations before na magka-COVID. Kaya iyong iba nasasabi nila na na-terminate sila because of COVID, pero mayroon dito na nag-terminate iyong employer, sa record namin, noong after our verification 25 dito iyong na-terminate na bago nagkaroon ng COVID at sila ay kasalukuyang nagpa-process ng kanilang working permit para sa bagong employer.

Mayroon pa kami ditong record na sampu na iyong worker mismo ang nag-terminate ng kaniyang contract bago siya nagkaroon ng COVID. So, ganoon din, naghahanap din siya ng—nagpa-process siya sa bagong employer.

At mayroon naman dito na pito na finish contract na, tapos na iyong kaniyang kontrata at mayroon naman dito na 136 na out doon sa mga kaso na iyon, na still working with their employer. At mayroon pa kami dito na tsini-check pa lang iyong status, kasi araw-araw mayroong dumadating na mga reports, mayroon pa kami na bine-verify ng kanilang employment status na 43.

So, iyon pa lang iyong pending namin, pero hindi natin masabi, kung mayroong tinerminate o still working, bine-verify pa namin iyong kanilang employment status.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, ulitin lang po natin ano po. Iyong may kinalaman pa rin sa isyu na iyan kung ano iyong umiiral na labor policies ng Hong Kong government tungkol po sa ganitong sitwasyon. Ganoon din po iyong maaaring magiging pananagutan ng isang employer kung sakaling mapatunayan na inabandona nito iyong kaniyang manggagawa na nagpositibo sa COVID-19?

LABOR ATTACHÉ DIZON: Sinasabi dito sa employment ordinance ng Hong kong na mananagot iyong employer na magti-terminate ng may sakit o kaya may COVID at magbabayad sila ng fine na 100,000 Hong Kong dollars, which is equivalent to 650,000. So, ang kailangan lang namin dito, eh kung talagang mayroon silang alam na tinerminate dahil sa COVID, ia-assist namin sila.

At sa atin naman on our side, doon sa ating jurisdiction, puwede natin silang i-blacklist iyong employer na iyan at puwede natin silang i-assist din sa pagpa-file ng complaints for illegal dismissal. Kung mapatunayan iyan na mayroong illegal dismissal sa ating jurisdiction, puwede silang managot, iyong unexpired portion of the contract, puwedeng managot iyong employer, iyon ang kanilang makukuwan. Aside from the blacklisting na hindi sila makakakuha pa ulit ng workers na manggagaling sa Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, sir, sa usapin naman po ang pagbabakuna, kumusta po iyong vaccination efforts diyan sa Hong Kong at mayroon din po bang tinatawag na vaccine preference sa nasabing bansa?

LABOR ATTACHÉ DIZON: Sa ngayon sa record namin is more than 13 million na iyong doses na administered dito. So, iyong sa mga fully vaccinated, iyong mga naka-second dose na, is around 5.2 million. At ang kanilang population, ang population naman dito is 7.5. So, around 70% na iyong mga vaccinated na dito. So, dito naman makakapamili ka, kung anong pine-prefer mo na vaccine. Ang available na vaccine dito iyong Sinovac, iyong BioNTech, iyong Moderna. Ikaw ang mamimili, hindi ka pipilitin kung anong vaccine iyong ia-administer sa iyo, mayroon kang kalayaan na pumili kung anong vaccine.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong lang po iyong ating kasamahan sa media Mula kay Naomi Tiburcio ng PTV News: May update daw po ba kayo sa plano ng Department of National Defense hinggil sa deployment ng mga air assets ng gobyerno para po i-repatriate iyong mga apektadong Pilipino?

LABOR ATTACHÉ DIZON: So, dito naman sa tingin ko, parang hindi pa kailangan, dahil mayroon naman tayong available na flights na manggagaling dito. Iyon pong na-cancel na flights ay iyon lang iyong mga manggagaling sa Pilipinas, pero iyong palabas po papunta sa Pilipinas, mayroon pa tayong flights.

Ang problema kasi dito iyong mga nari-release kasi na papauwi, iyong iba mga pauwi na ay dito kasi sa record namin, iyong mga cases na nag-positive sa airport ay 19, so iyon iyong mga possible na sila ay uuwi. Pero kapag na-release sila galing sa quarantine facility, ikinukuwan muna namin sa boarding house na amin pong pinu-provide sa kanila habang pina-process ulit iyong kanilang visa. Dahil iyong kanilang visa, nag-expire na at saka iyong kanilang plane ticket ay kinakailangang i-rebook.

So, iyon lang naman ang mga bilang, hindi pa naman siguro kailangan na magkaroon ng mga sabihin natin na chartered flight sa kanila, kasi kaya pang i-accommodate noong ating outgoing flights dito sa Hong Kong.

USEC. IGNACIO: Okay, kami po ay nagpapasalamat sa inyong impormasyon at pagbibigay ng panahon sa amin, Labor Attaché Melchor Dizon, Philippine Overseas Labor Office, Hong Kong. Stay safe po.

LABOR ATTACHÉ DIZON: Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Dumating na kagabi ang 804,000 doses ng reformulated Pfizer COVID-19 vaccines na gagamitin para sa mga batang edad lima hanggang labing isa. Ito na ang panlimang shipment ng bakuna para sa naturang age group. Ayon sa National COVID-19 Vaccination Operation Center nasa 778,268 na ng mga batang edad lima hanggang labing-isa ang nabakunahan. Ayon kay NTF against COVID Medical Consultant Dr. Maria Paz Corales, target ng pamahalaan na mapaigting pa ang pediatric vaccination para sa expanded face to face classes ng mga bata.

Samantala, nagpaalala naman ito sa publiko na sa kabila ng pagbuti ng COVID-19 situation ng bansa, patuloy pa ring sumunod sa minimum public health standards gayun din ang pagpapabakuna at booster shot.

Aabot sa tatlong daang mga empleyado ng Veterans Golf Club sa Quezon City ang binigyan ng ayuda at tulong pinansiyal ng tanggapan ni Senator Go at ng DSWD. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Makibalita tayo sa pinakahuling pangyayari sa iba’t ibang rehiyon, puntahan natin si Merry Ann Bastasa ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Merry Ann Bastasa ng PBS-Radyo Pilipinas.

Pagpapaigting sa mga programang layong maibalik ang sigla ng sektor ng turismo sa Cordillera ang tinutukan ng rehiyon. Ang detalye, narito po ang report ni Eddie Carta ng PTV Cordillera:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Sa Cebu City, naghahanda na ang rehiyon para sa mas pinaigting na pagbabakuna sa mga senior citizens sa probinsiya. Ang report mula kay John Aroa ng PTV-Cebu:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center