Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location New Executive Building, Malacañang

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Magandang umaga rin po sa ating mga kababayan saan mang panig ng mundo.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO ang muli ninyong makakasama para harapin ang mga napapanahong usapin sa bansa. Ating kukumustahin ang lagay din ng ating mga kababayan sa Ukraine ngayon pong puwersahan na silang pinapalikas mula doon; atin ding kukumustahin ang lagay ng ating bansa sa gitna ng pandemya ngayong patuloy na bumababa na ang mga nagpupositibo sa COVID-19; pag-uusapan din po natin ang lagay ng water level sa ating mga dam ngayong bumababa na rin ang mga ito.

Atin nang simulan ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa, naglatag ng mga rekomendasyon ang economic development cluster ng pamahalaan kay Pangulong Rodrigo Duterte para matugunan ang epekto nito. Ayon kay Socio-Economic Planning Secretary Karl Chua, kabilang sa mga nakikitang solusyon ay ang:

  • Pagsasailalim ng buong bansa sa Alert Level 1.
  • Pagbabalik ng face to face classes sa lahat ng paaralan.
  • Pagtaas ng pondo sa fuel subsidy sa public utility vehicle drivers sa five billion pesos.
  • Karagdagang buffer stock sa iba’t ibang supply ng krudo at iba pang pagtugon pagdating sa usapin ng pagkain.
  • Kung lalala pa ang sitwasyon, irirekomenda rin ng economic cluster kay Pangulong Duterte ang pagpapatawag ng special session sa Kongreso.

Paliwanag ni Finance Secretary Carlos Domingo III, hindi direktang apektado ang Pilipinas sa girian ng Russia at Ukraine pero malaki ang tiyansa na madamay rito ang ating ekonomiya at magsilbing collateral damage.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs o DFA na nakataas na sa Crisis Alert Level 4 ang Ukraine dahil sa patuloy na pag-atake ng Russia dito. Dahil dito, naglabas ng order ang Kagawaran para sa mandatory evacuation sa mga Pilipino na nasa Ukraine bilang pag-iingat na rin mula sa tensyon ng dalawang bansa. Tiniyak naman ng pamahalaan ang kaligtasan ng ating mga kababayan sa Ukraine habang sila ay naroon pa hanggang sa sila ay makauwi na sa bansa.

Kaugnay nga niyan ay makakausap po natin ang administrator ng Overseas Worker’s Welfare Administration, si Attorney Hans Leo Cacdac. Magandang umaga po, Attorney.

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Good morning po sa inyo, Usec., sa inyong mga tagapakinig at tagapanood.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, sapilitan na nga pong pinalilikas ang ating mga kababayan sa Ukraine. Sa panig ninyo po sa OWWA, ano po iyong magiging bahagi ninyo rito?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Opo, tayo po ay nakaantabay sa mga dumarating. At laking pasalamat po natin sa DFA, naatasan tayo ni Sec. Bello na mag-coordinate sa DFA sa pagdating ng mga mahal nating OFWs. May tatlong batches—apat na batches na po, kararating lamang nung pang-apat. So laking pasalamat natin kay Sec. Locsin at sa team niya sa DFA. Pagdating po nila, iyan po ang role natin mainly.

So, tatlong larangan po, may financial assistance tayo sa mga OFWs po and then, mayroon tayong livelihood na inu-offer din sa kanila kung saka-sakaling gusto nilang manumbalik. [Garbled] ang DOLE family kung magbibigay ng trabaho whether local or overseas sa ating mga OFWs. Ang Department of Migrant Workers nandiyan din po. Iyong kay Sec. [garbled] nandidiyan din para tumulong sa kanila.

At kami naman po sa OWWA, dahil tayo dito sa OWWA ay mayroong livelihood at scholarship, scholarship support, collegiate level dependent ay tutulong din po tayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Attorney, paano iyong pakikipag-usapan doon sa atin namang mga kababayan na ayaw pa rin pong umalis o lumikas sa Ukraine?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Opo, opo. Patuloy naman po tayong tumutulong din sa DFA. Iyong Labor Attaché po out of Prague ay alam ko inatasan din ni Sec. Bello na tumulong sa pag-reach out sa mga OFWs. [Garbled] sa ating hotline, iyong 1348 hotline ay nagri-reach out din sa DFA at saka sa Labor Attaché sa Prague sa mga OFWs po mismo na nangangailangan ng tulong.

Tumutulong din tayo sa pagkumbinsi sa kanila, pakikipag-usap sa kanila ng directly through Zoom or videocall facility, pagkumbinsi rin sa kanilang umuwi na dahil, halimbawa, itong huling batch noong March 1, iyong pangalawang batch, ay talagang mayroon kaming nakapanayam at sinabi talaga niya, Usec., na she wanted to spend time with her family muna. So sana po ganiyan, in that spirit na umuwi muna given iyong matindi nilang pinagdaanan na krisis sa Ukraine, ay umuwi muna to spend time with their families, appreciate their time with their families. And then, tutulungan po natin sila sa whether its pre-employment or livelihood, tutulungan po natin sila.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, may datos po ba tayo kung ilan pang mga OFWs iyong nananatili sa Ukraine?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: I would rely on the DFA for the data, Usec. Ang alam lang po naming ay mayroon ng apat na batches na dumating around mga … sa count po namin, around mga 49, almost 50 na po ang nakauwi with the four batches, last one being this morning – iyong 21 seafarers [garbled]. Laking pasalamat po natin muli sa DFA sa pag-facilitate ng kanilang pagbabalik. At iyong licensed manning agency naku-coordinate din po natin ay nagpapasalamat din po tayo nakabalik sila.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, ngayong araw po iyong dating din sa Pilipinas nito pong mga Pinoy seafarers mula sa Ukraine. Ano naman daw po iyong assistance ng pamahalaan para sa kanila?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Yes, bibigyan po natin sila ng tulong lalo na sa aspeto ng pangkabuhayan. At kung may collegiate level sila na anak, tutulungan din po natin sila. Sa tingin ko, sa re-empleyo, sa trabaho, sa pagsampa muli sa barko, wala masyadong problema, Usec., kasi sila ay mga marino, seafarers, they are always in demand kahit anong mangyari lalo na’t tried and tested ang Filipino seafarers sa panahon ng krisis mas lalo silang naa-appreciate ng mga foreign ship owners and even domestic ship owners.

So hindi ko po nakikita na magkakaproblema sila sa kanilang re-employment, pagsampa muli sa barko. So tutulong po tayo, kung gusto nilang magtayo ng negosyo at kung may college level na dependent, tutulungan din po natin sila.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, inaayos na rin ba ng pamahalaan ito namang paglilikas din sa iba pang Pinoy seafarers na umapela po ng tulong? Ilan po sila?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Well, patuloy lang po ang ating paglilikas sa kanila. Again, I will rely on the DFA for the official count. But rest assured, Usec., we are in touch not just with the licensed manning agency but with the seafarers themselves, everyday po tayo nakikipag-touch base para malaman. Kahapon lamang ay may kapulong tayong mga LMA, mga licensed manning agencies, getting an update on each of the Fil crew, every Fil crew sa kada barko kaya’t ang alam po natin sa ngayon ay everybody is safe and sound. Ang talagang pinag-aaralan at isasagawa po ay iyong kanilang ligtas na paglilikas kasi iba’t iba pong sitwasyon doon sa mga puerto sa timog ng Ukraine eh. Mayroong ports that are farther away from land or farther away from iyong presence ng military forces.

So iyong mga ganoong sitwasyon po, mas [garbled] mayroon talagang malapit sa military forces and military action so iyon po ang talagang pinagkakaingatan lang na hindi basta-basta mapapauwi po, maililikas natin sila. But rest assured, while on board their ships, they are all safe and sound. Mayroong sufficient food provision doon po onboard para sila po ay maka-survive, maka-withstand nitong pinagdadaanan nila.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, tanong lang po ni Sam Medenilla ng Business Mirror: May additional batches of repatriated OFWs from Ukraine po ba ang babalik in the coming days? If yes, kailangan po kaya ang flight nila at mga ilan silang OFWs?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Well, as I said, it was the fourth batch that arrived this morning. Pasalamat tayo sa DFA muli [unclear]. And we’re expecting a few more lalo na sa mga seafarers. So, iyon po.

I thought I heard the part about the budget, huwag pong mag-alala, sapat na sapat po ang pondo natin sa OWWA para makatulong sa mga nanunumbalik mula sa Ukraine. Hindi lamang po sa mula sa Ukraine mula sa ibang bansa rin na mga distressed OFWs.

USEC. IGNACIO: Opo Attorney, sa iba namang usapin ano po. Inaasahan pong mapauwi ng pamahalaan ang mga OFWs sa Hong Kong nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 surge, ano po iyong update dito ngayon?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Opo. Ang update natin ay around 190 accounted for na COVID cases na mga OFWs. Ang isang magandang development ay mas marami ngayong mga employer na tinatanggap na sila sa kanilang bahay. In fact, more than half, 52% ay nagri-recover sa kanilang mga bahay ng employer. Iyong employer home isolation tinatawag.

Iyong iba po ay nasa Hong Kong Government isolation facility at iyong iba po ay nasa NGO facility at mayroon din pong POLO-OWWA Boarding House na inatasan na pina-assign assign ni Sec. Bello na itayo rin.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, bukod daw po sa repatriation program, ano pa daw po iyong ginagawa ng ating pamahalaan sa ating mga kababayang nandoon pa sa Hong Kong?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Opo. Patuloy lang po iyong ating repatriation. It accounts to almost 960,000 returning to their home LGUs and patuloy lang po ang pagtulong natin sa mga nanunumbalik na OFWs lalo na iyong mga not fully vaccinated na kailangan pa nating i-quarantine.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, may mga report na rin po ba sa inyo ngayong iyong Hong Kong OFWs na tinanggal sa trabaho matapos pong magpositibo sa COVID-19? Ano na po iyong naging aksyon ng pamahalaan dito?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Opo. Unang-una, ang direktiba ni Secretary Bello ay magkaroon ng tulong in terms sa pagkakausap sa mga employers nila kasi under Hong Kong law, hindi rin talaga dapat mag-terminate ng OFW dahil sa COVID. Simple lang ho kaso ang solusyon, Usec.

Ang solusyon ay pagkakaroon lamang ng sick leave, iyong sick leave privilege or benefit ng OFWs. Kaya ay iyon po ang sinasabi natin sa employers, dagdag pa dito ay apat na dekada na po na maganda ang ugnayan ng OFWs at Hong Kong employers, so talagang hinihimok natin ang employers na ipagpatuloy lalo na sa gitna ng krisis ang napakaganda ng ugnayan na halos nagmamahalan po – masasabi ko na – ang Hong Kong employers at ang kanilang mga OFWs. So, kailangan lang po talagang unawain lang ang sitwasyon at huwag na pong i-terminate iyong mga kababayan natin.

At doon naman sa mga pauwi na, kasi iyong iba naman sa kanila finished contract na, talagang tapos na ang kanilang empleyo, tutulungan po natin sila magtayo ng hanapbuhay pag-uwi dito sa Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong impormasyon at pagsama sa amin ngayong umaga, OWWA Administrator Attorney Hans Leo Cacdac.

Samantala, inaprubahan ni Pangulong Duterte ang pag-amyenda sa Foreign investment Act of 1991. Layunin nito mas palakasin pa ang foreign direct investment sa bansa. Narito ang report.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Pilipinas na ang may pinakamababang COVID-19 cases sa Southeast Asia. Ito ang iniulat ni Health Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Duterte sa lingguhang Talk to the People.

Dagdag pa ni Secretary Duque, ang pagbaba ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 ay sinasabayan din ng pagbaba ng bilang ng mga naoospital sa naturang virus. Paliwanag ng kalihim, ang magandang datos ng bansa ay dahil sa pinaigting na bakunahan at pagsunod din ng publiko sa umiiral na health protocols.

Kaugnay diyan, iniulat ni Vaccine Czar at NTF chief implementer Carlito Galvez Jr., na magsasagawa ng panibagong yugto ng National Vaccination Days ang pamahalaan sa Huwebes, March 10 hanggang March 12.

[AVP]

USEC. IGNACIO: Sa kabila ng patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, mayroon pa ring ilan sa ating mga kababayan na patuloy na lumalabag sa ipinatutupad na health protocols.

Ating alamin ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan tungkol dito mula sa Health Department, kasama po natin si COVID-19 Treatment Czar at One Hospital Command Center Head Undersecretary Leopoldo Vega. Magandang umaga po, Usec.

DOH USEC. VEGA: Magandang umaga, Usec. Rocky. Magandang umaga sa lahat ng nakikinig ngayon sa PTV Philippines.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, ayon po sa OCTA Research ay nasa ‘Very Low Risk’ classification na po itong apat na siyudad sa Luzon, ang Angeles, Dagupan, Lucena, at Olongapo. So, paano po ba sila nakonsidera na nasa ‘Very Low Risk’?

DOH USEC. VEGA: Alam mo, kapag sinabing ‘Very Low Risk’ ang ginagamit pa rin natin na metrics dito, Usec. Rocky, iyong ano natin, iyong ADAR, iyong average daily attack rate. Actually, iyon ang measure [inaudible].

USEC. IGNACIO: Opo. Okay, Usec., babalikan namin kayo. Aayusin lang po namin iyong linya ng komunikasyon sa inyo.

Bayanihan ang isinusulong ni Senator Go kaya naman kaugnay nito ay nagtungo ang kaniyang outreach team sa Barangay Karuhatan ng Valenzuela City para magpaabot ng tulong. Narito ang report.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Balikan na po natin si Usec. Bong Vega. Magandang umaga po ulit, Usec. Ulitin ko lamang po iyong tanong natin bago tayo naputol. Ano po iyong nakonsidera na nasa ‘Very Low Risk’ na itong apat na siyudad sa Luzon – ang Angeles, Dagupan, Lucena at Olongapo?

DOH USEC. VEGA: Tama, USec. Rocky. Sorry, naputol tayo kasi talagang ang hina ng internet po siguro namin dito po. Ganoon iyong ating metrics na ginagamit sa ating pagbaba o deescalate ng mga lugar na iyon lalung-lalo na iyong nabanggit mo na mga [unclear] kasi ang baba ng kanilang growth rate, ito ‘yung measure ng growth ng—epidemic growth ng virus eh naka-negative na po siya – ibig sabihin negative na iyong growth at saka iyong ADAR niya, average daily attack rate, nagmi-measure po iyon ng infectivity ng virus eh talagang mababa. At pinakaimportante dito iyong ating health care utilization rate, napakababa na rin po, nasa 19% na po ang utilization kaya ito ay very low risk na masasabi po natin na talagang na-contain or manageable na iyong virus.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, ito pong NCR, Baguio, Naga City at Santiago nananatili ngayon sa low risk classification. Pero, ano daw po iyong mga ginagawa ng lokal na pamahalaan ng mga nasabing lugar para po sila makonsidera dito sa ‘very low risk’?

DOH USEC. VEGA: Alam mo dapat itong isa pa sa ating para to deescalation talaga ng mga [garbled] ma-maintain iyong very low risk ay kailangan talaga mabakunahan iyong kanilang targeted population lalung-lalo na iyong A2 kasi kailangan na mayroon mga 80% na dapat sa isang locality sa targeted population ay nabakunahan na iyan. So kailangan talaga ma-maintain po iyon at saka kung puwede mas mataas pa ang pagbakuna ng A2 kasi sila iyong pinaka-vulnerable sa ating society. At saka iyong sa targeted population po ng LGU ay dapat naman po mga 80% po iyan ano o 70% ng population ay talagang nabakunahan na from five to more than 60 years old. So kailangan talaga mag-i-increase ang vaccine coverage natin para mas magaganda ang ating tinatawag na immunological landscape, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., isunod ko na po itong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Tuluy-tuloy pa rin po ba ang pagbaba ng hospital utilization rate sa mga lugar na nasa Alert Level 1? Pareho pa rin po ba iyong reporting ng standard sa mga ospital ngayong nag-revise na po ng case bulletin ang DOH?

DOH USEC. VEGA: Pare-pareho pa rin ang analytics na ginagamit po natin, ang metrics natin pag-report ng mga different hospitals. Ang nagkakaroon ho ng downtrend na pero nagpa-plateau na ho tayo sa 19% saka sa mga 20 plus percent sa intensive care units. So bumababa pero nagpa-plateau na ang mga hospital utilization rate dito sa Metro Manila.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc Vega, ito pong One Hospital Command Center natin, iyong mga tumatawag po kumusta na po?

DOH USEC. VEGA: Marami pa ring mga tawag sa amin, Usec. Rocky, lalo—[LINE CUT]

USEC. IGNACIO: Opo… Okay, napuputol na naman si Doc Vega. Babalikan po natin maya-maya lamang si Doc—Doc Bong, naririnig ninyo na kami? Usec. Vega, okay na po? Magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Balikan na rin po natin ulit si Usec. Bong Vega. Usec., kumusta na po itong lagay ng ating One Hospital Command? Sabi ninyo marami pa rin po ang tumatawag, mga nasa ilan na po ngayon?

DOH USEC. VEGA: Maraming salamat, Usec. Rocky, at paumanhin po sa ating napuputol na internet connection. Anyway, ang ating One Hospital Command tumatanggap pa rin ng tawag, ng mga COVID calls pero karamihan ho ng mga tawag po namin ngayon ay nasa mga non-COVID calls saka mga coordination or referrals ng mga ibang pasyente na [garbled] lalung-lalo na iyong [garbled] na hospital sa mga tinatawag naming elective surgery at saka mga out-patient.

Nagbibigay din kami ng mga ano po, tulong sa telemedicine sa mga pasyenteng nangangailangan ng virtual platform. So sa ngayon, ginagawa po ng One Hospital Command o iyong tinatawag po nating National [garbled] Center na sana magiging institutionalized ito kasi magiging malaki ang parte nito lalung-lalo na sa pag-rollout ng Universal Health Care.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., isunod ko na po iyong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Marami po ang nag-aalala na baka maging complacent ang mga tao ngayong nawala na ang daily case bulletin ng DOH while ang iba po ay naguguluhan sa current format ng bulletin. Ano po ang inyong masasabi dito, Usec.?

DOH USEC. VEGA: [Garbled] desisyon naman po iyong pag-maintain ng ating case bulletin once a week. Ito’y dahilan dahil nasa Alert Level [garbled] natin at ito pong parang pinakaparaan po para pagbukas ng economy [garbled]… Ito’y sinusubaybayan din ng Department of Health at saka talagang tinitingnan iyong surveillance system natin – kung kailangan ipalabas na po sa press o sa media ng pagtaas ay kailangan magawa po iyon. So ito iyong pamamaraan po na talagang ibigay natin sa indibidwal o sa citizens ang kanilang paggawa ng minimum public health standards na hindi sila pabaya at kailangan talaga nila sumunod dito para mababa ang transmission ng virus. Ito lang po siguro ang pamamaraan na medyo maipakita natin na puwede na nating ma-manage iyong pandemic ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., sang-ayon ba kayo sa pahayag ni Dr. Guido David ng OCTA na the worst of the COVID-19 pandemic is over for now?

DOH USEC. VEGA: Well for now ho, kung titingnan mo talaga, talagang bumababa na. It looks like we have touched the wall pero hindi natin masabi po iyan kasi alam natin [garbled] ang tinitingnan po natin at talagang handa tayo ‘no, nagkaroon tayo ng very flexible plan kung tataas man ang ating kaso dito sa Metro Manila o sa ibang probinsya. Kailangan mayroon tayong flexible plan na ayusin kaagad ang isolation, detection and treatment facilities.

Pero ang tingin po natin ngayon dahil bumababa na ito at saka maganda na iyong pagbakuna natin, mataas na iyong ating rate of vaccination and marami na rin na-infect ng COVID-19, we hope na ito na iyong ano—nagta-transition na tayo from an emergency response towards an adoptive recovery [garbled].

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., tanong pa rin po ni Red Mendoza ng Manila Times: Dalawang taon mula nang nagkaroon ng community transmission ng COVID sa ating bansa, sa tingin ninyo po ba ay mas naging handa na ang DOH sa mga susunod na hamon at sa mga puwedeng bagong mga pandemya?

DOH USEC. VEGA: Tama iyan, Usec. Rocky. Alam mo sa two years natin na nakipaglaban po dito sa COVID-19 pandemic, nagkakaroon na ho tayo ng lessons learned, alam na ho natin kung paano ho i-prepare natin ang sarili natin sa next pandemic especially the surveillance system lalung-lalo na iyong mga variants ng mga virus na kailangan talaga natin ma-genocide ang mga sub lineages. Dapat nandoon iyong surveillance system natin at saka hindi lang surveillance system at saka sa variant kung hindi pati na rin sa baba, sa frontlines – kung puwede ma-report kaagad ng mga local government units o sa mga regional health centers iyong pagtaas ng mga kaso ng—for any kind of contagious disease na dadating.

Pangalawa mayroon tayong—hinanda na rin natin iyong hospital systems natin, ang treatment, maganda na ho ang treatment natin nito compared two years ago. So marami na hong nangyari sa two years ago – mayroon na tayong antivirals, mayroon na tayong vaccines – more lately siguro in the future magkakaroon tayo nang more focused vaccines na talagang para tatamaan iyong mga variants of concern.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec, sa palagay ninyo ay posibleng magkaroon ng COVID-19 surge – huwag naman sana – pagkatapos ng election lalo na po at paniguradong dadagsain po ng tao ang bawat presinto?

DOH USEC. VEGA: Well, tama, Usec. Rocky. There is always a possibility, kasi alam natin itong virus, ang transmission nito ay airborne. So kailangan talaga nating mag-ingat, lalo nasa sa Alert Level 1 tayo. Ang sinasabi naming parati, dapat may mask kayo na dapat well-fitted mask. Kailangan mas maganda iyong mask mo, kung puwede kang mag-N-95 o K94 o kaya iyong mga surgical mask na gagamitin at huwag iyong cloth mask, kasi madaling mkahigop ng virus po iyon.

Pangalawa, kailangan tayo magkaroon tayo, lalung-lalo na kapag nasa indoor, kailangan maganda ang ventilation, ang air flow. Kailangan ingatan po natin ang sarili natin kapag nasa indoor tayo. At of course iyong ating hygiene ano, parating conscious tayo sa ating paglinis sa ating katawan.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong lang po ni Sam Medenilla ng Business Mirror para sa inyo, Usec. Vega: Kung may data po ba kayo, ang DOH, kung ilang hospital na po ang nag-reduce o nag-close down ng COVID wards?

DOH USEC. VEGA: Mayroon po kaming record diyan, pero hindi ko masabi ngayon kung anong mga hospitals ito, lalung-lalo na dito sa Metro Manila. Kasi iyong pag-umpisa ng mga February, mababa na po iyong number of cases natin sa Metro Manila o sa ibang mga regional areas, lalung-lalo na sa Mindanao at sa Cebu and Davao at sa mga Metropolis. Nakikita po natin na talagang binubuksan na ng mga public at private hospitals ang mga ibang mga areas nila na sinarado nila during COVID time. Especially iyong out-patient po nila at saka iyong elective procedures po nila na out-patient, nabuksan na po nila lalung-lalo iyong pag-oopera sa mga specialties like sa mata at saka sa other ambulatory surgery, binuksan na po nila iyan. Kaya dahan-dahan po bumababa na iyong number of COVID beds.

Sinasabi po namin sa kanila na parating may plano pa rin tayo lalung-lalo na kung magkaroon ng surge rin, mayroon tayong very flexible plan. Kasi alam natin ito, ginawa na natin ito noon, parang accordion type po iyon na kapag nagkaroon ng pandemic of course ay bibigyan nating priority na naman iyong COVID beds at saka CRH (Covid-19 Referral Hospital) na naman ang buong structure para ma-admit iyong mga COVID patients natin kung magkaroon tayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Nitong nakaraang linggo lamang ay nagbigay po ang Japan International Cooperation Agency (JICA) ng worth P50 million na laboratory equipment po sa San Lazaro Hospital. Maaari po ba ninyo kaming bigyan ng detalye tungkol dito, Usec?

DOH USEC. VEGA: Wala akong detalye diyan, Usec. Rocky. Ito iyong JICA na donation sa San Lazaro Hospital, nasa picture, nakikita po. Ito iyong mga binigay po ng JICA, ng Japanese International Cooperative Agency through the Embassy of Japan, iyong mga gamit po for COVID-19 Molecular Lab. So nandoon po iyon, lahat ng mga gamit po ng Molecular Lab sa San Lazaro Hospital, tinanggap po San Lazaro Hospital po iyon.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa pagpapaunlak ninyo sa amin, Undersecretary Leopoldo Vega ng Health Department.

Ilang araw bago ang ika-apat na Bayanihan Bakunahan, nagsagawa ng Bakunahan kontra COVID-19 ang pamahalaan sa isang BPO company, kung saan target na maturukan ang nasa dalawa hanggang tatlong daang empleyado nito. Ang update alamin natin mula kay Mark Fetalco, live.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Mark Fetalco.

Sa kabila po ng mga krisis na kinakaharap ng bansa, isa rin sa sinusolusyunan ng pamahalaan ngayon ang pagbaba naman po ng water level ng Angat Dam. Ating alamin ang ginagawang hakbang ng pamahalaan dito. Kasama po natin si Dr. Sevillo David Jr., ang Executive Director ng National Water Resources Board (NWRB). Magandang umaga po.

Sir? Okay, babalikan po natin maya-maya lamang.

Ipinagdiriwang po ng People’s Television Network and International Women’s Day sa paglulunsad ng isang Bazaar sa mga negosyanteng kababaihan. Pinamagatang ‘Fairy God Natin Ito’ ng naturang Bazaar na nilahukan ng 15 small business owners mula sa PTV at iba pang ahensiya tampok po ang iba’t ibang produkto mula sa pagkain, handicrafts at mga damit. Ito po ay isang hakbang ng PTV Gender and Development Focal Points System para suportahan po ang mga negosyo ng mga kababaihang empleyado. Bukas ang God Fair sa publiko at magtatagal hanggang sa Huwebes.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Okay, balikan na po natin ang Executive Director ng National Water Resources Board (NWRB), Director Sevillo David Jr. Magandang umaga po ulit, Director?

NWRB EXEC DIR. DAVID: Magandang umaga, Usec. Rocky at sa atin pong mga tagapanood.

USEC. IGNACIO: Opo. Director kumusta po ang water level ng Angat Dam sa kasalukuyan?

NWRB EXEC DIR. DAVID: Opo. Sa ngayon po ‘no, ang level po ng Angat Dam ay mga 195 meters po ang kasalukuyang level niya at masasabi po natin kung ikumpara po natin ito sa mga naunang mga taon ay medyo mababa po ano kasi dapat po, bago magpasok ang taon, mga 212 iyan. Ang nangyari po, dahil wala po tayong masyadong ulan na naranasan diyan po sa watershed ng Angat, ang naging level po niya ay 202 lang. At mula po itong pumasok ang Enero, patuloy po iyong bumababa at ngayon po ay nasa 195 meters at sa ngayon po ang diperensiya po sa minimum operating level na 180 meters po iyon, so mga 15 meters pa po ang layo niya doon sa minimum operation level na tinatawag po natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, sinasabi ninyo na itong level na ito, ito iyong mas mababa kumpara sa mga dati. Ano po ang magiging epekto nito o ano ang ibig sabihin nito, lalo na rin po sa mga katulad namin na gumagamit talaga ng tubig?

NWRB EXEC DIR. DAVID: Tama po iyon, sa ganito pong sitwasyon na medyo mababa po ang level ng tubig sa Angat Dam ay kailangan po nating paghandaan ito para naman po pagdating ng summer. Sa ngayon po, partikular po ng March at April ay mayroon pa rin pong sapat na tubig tayong matatanggap partikular po dito sa Metro Manila. Alam naman natin, Usec. Rocky na nandiyan pa rin po iyong pangamba ng COVID at iyong steady na supply ng tubig ay napakaimportante po sa ganitong panahon. Kaya po tayo ay nakikipag-ugnayan, kasama po natin dito ang MWSS at ang National Irrigation Administration. Katulong po natin sila, para po ma-manage itong kasalukuyang limitadong supply po ng tubig sa Angat Dam at may mga hakbangin po silang isinasagawa para naman po maging sapat pa rin ang tubig dito sa kasalukuyang sitwasyon po natin para sa irigasyon at particular po sa water supply sa Metro Manila.

USEC. IGNACIO: Director, ulitin lang natin: Papaano po natin maikukonsidera na nasa mababang water level na ang isang dam, at ang ibig sabihin po ba nito ay aasahan na rin natin ang sinasabing kakapusan ng supply ng tubig ngayong summer?

NWRB EXEC DIR. DAVID: Hindi naman po, Usec. Rocky, kasi sa ngayon po, kung 195 iyan, sa tingin po natin ang ideal situation po diyan ay mga 200 ang level po. Pero dahil na rin po sa medyo mababa siya ay para patuloy pa rin po tayong magkaroon ng sapat na supply ay nagkakaroon po tayo ng adjustments, Usec. Rocky.

Una po sa parte po ng irigasyon ay binabawasan po natin ‘no, nag-a-adjust tayo sa alokasyon, binababa po natin iyan ‘no. Pero mayroon pa silang ginagawa ‘no para naman po hindi, hindi naman makaapekto doon sa mga kasalukuyang nakatanim diyan ‘no sa Bulacan at Pampanga. At sa parte naman po ng MWSS at iyong mga konsesyonaryo ay mayroon po tayong nakahanda kagaya po ng mga treatment facilities at iyong mga de gas po ‘no.

Ito po ay mga hakbangin na magkakaroon po ng karagdagang tubig na makakadagdag po sa pangangailangan ho natin kung sakali pong patuloy bumaba iyong lebel dito sa Angat Dam. At ito pong hakbang na ito ay kaakibat na rin po ng cloud seeding operation ‘no. Umaasa po tayo na itong cloud seeding operation ay makakatulong din po sakali pong, para naman po ‘no magkaroon ng kahit papaano ay kaunting pag-ulan diyan ‘no sa watershed ng Angat para naman po makatulong, makadagdag sa lebel o kung sakali po ay makabagal o makapagpabawas nung pagbaba po niyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Ayun nga po Direktor, pinaplano nga po ng pamahalaan na magsagawa ng cloud seeding operations, maaari ninyo po ba kaming bigyan ng detalye tungkol dito?

NWRB EXEC. DIR. DR. DAVID JR.: Opo. Sa ngayon po ay nakikipag-ugnayan po ang MWSS sa PAGASA po ‘no kasi ito pong cloud seeding operations ay napaka-importante po ng mga advisory ng PAGASA kasi po kailangan nito iyong mga namumuong ulap diyan po sa watershed ng Angat. Kung mayroon na pong namumuong ulap ay magkakaroon po ng… magpapalipad po ng eroplano at i- induce po ‘no iyong mga pag-ulan diyan sa area ng Angat ‘no. At sa ngayon po ay naka-ready ito anytime at nag-aabang lang po o naghihintay lang po tayo ng abiso sa PAGASA kung nararapat na po na magpalipad para po mag-conduct ng cloud seeding operations.

So anytime po ‘no, Miss Rocky, nakikipag-ugnayan po tayo, patuloy po ang pakikipag-ugnayan natin sa PAGASA para po at minu-monitor iyong mga namumuong ulap diyan sa watershed po ng Angat.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, ngayon pa lang dama na natin iyong mainit, init ano dahil sa pagpasok po ng tag-araw. Paano po ito pinaghahandaan kung ngayon pa lamang po bumababa na iyong water levels a Angat Dam, Director?

NWRB EXEC. DIR. DR. DAVID JR.: Opo ‘no. Kasama po iyong ano—sinasabi nga natin nakahanda na po iyong mga deep wells ‘no at saka iyon pong treatment facilities. At kasama din po iyan iyong pag-manage din natin ng alokasyon at isa na rin po diyan ay iyong pagbabawas ng alokasyon po ‘no.

Pero sa ngayon po ‘no ay sa tingin naman po natin ay may sapat pa tayong tubig ‘no partikular po iyong panahon ng tag-init ‘no, itong summer natin na Marso at Abril.

Ang ginagawa lang po natin dito, Usec. Rocky, ay pinaghahandaan po natin kung sakaling magpatuloy ‘no na hindi tayo makaranas ng pag-ulan. So pinag-uusapan po natin dito iyong mga buwan na ng mga Mayo at Hunyo ‘no na usually po ay panahon ng tag-ulan iyan pero kailangan pa rin po nating paghandaan, Usec. Rocky, at i-monitor iyong mga developments diyan sa Angat Dam.

USEC. IGNACIO: Opo.

NWRB EXEC. DIR. DR. DAVID JR.: Pero sa tingin po natin, sa ngayon po, sa nakikita natin, Usec. Rocky, sapat pa rin po, may sapat pa rin tayong supply ng tubig ‘no ngayong panahon po ng tag-ulan para, ngayong tag-init po ‘no patuloy pa na magkaroon ng steady supply dito sa Metro Manila.

USEC. IGNACIO: Opo. Nagpahayag nga po o may dapat bang ikabahala ang publiko dito sa pagbaba ng water level sa Angat Dam. Maaapektuhan daw kasi nito iyong water supply ngayong hot dry season months.

NWRB EXEC. DIR. DR. DAVID JR.: Sa ngayon po, sa tingin po natin ay patuloy pong mararanasan ng mga kababayan natin ngayong dry o hot season ‘no o summer season iyong steady supply po ng tubig ‘no at sa kasalukuyang lebel po niya kaya po ho iyan. Kaya lang po mas maganda pong paghandaan pa rin po natin kasi po tinitingnan ho natin dito kung patuloy na bumaba po iyong lebel ng Angat Dam pagkatapos po ng summer ‘no kaya ito po iyong minu-monitor po natin at para naman po magkaroon din ng karampatang abiso sa kababayan po natin. Ganoon pa man, Usec. Rocky, mas maganda hong pagtulungan po natin ito ‘no. Tayo po sa pamahalaan ay pinaghahandaan po natin ito at may mga hakbangin po tayong nakalatag para po mapangalagaan ‘no itong kasalukuyang sitwasyon natin na sapat pa rin iyong supply ng tubig na matatanggap ng mga kababayan po natin .

USEC. IGNACIO: Opo.

NWRB EXEC. DIR. DR. DAVID JR.: Kahit sino naman po ay makakatulong doon sa tamang paggamit at huwag pong aksayahin at kung may mga pagkakataon po ay magtipid at ipunin kung maaari.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Director, sa palagay ninyo posibleng maulit iyong naganap na water crisis noong 2019. Huwag naman po sana kung saan nagsagawa talaga ng water rotation services.

NWRB EXEC. DIR. DR. DAVID JR.: Iyon po iyong mga kung mas makukumpara po natin mula po noong 2019, Usec. Rocky, kasama po sa mga paghahanda na nailatag po natin mula po noon ay iyong nag-establish po ng mga treatment facilities at iyon pong mga deep well ‘no, Usec. Rocky. Ito po ay hindi nakahanda noong 2019 ‘no. So sa ngayong taon po ito iyong mga treatment facilities, iyong mga deep wells at iyong mga pag-recover po nila o pagri-recycle ng mga concessionaires sa mga treatment facilities nila ay ito po iyong mangilan-ngilan po ‘no ito iyong mga paghahandang nakalatag po ngayon na masasabi po natin noong 2019 ay wala pa po itong mga ito, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Okay. Kunin ko na lamang po, direktor, iyong inyong mensahe sa ating mga kababayan na nababahala pa sa water level sa ating bansa. Go ahead po, Director.

NWRB EXEC. DIR. DR. DAVID JR.: Salamat, Usec. Rocky, ‘no. Para sa mga kababayan po natin ‘no sa parte po ng pamahalaan po natin ay ang layunin po natin magkaroon po tayo ng sapat na supply sa ngayong panahon ng tag-init. Sa ngayon po ay masasabi po natin may sapat po tayong supply para po sa panahon ng tag-init po at mas magandang magtipid tayo ng tubig at gamitin nang tama, huwag aksayahin ‘no at i-recycle po kung may mga pagkakataon at sa ganitong punto po ay ito pong collectively po ‘no ay mama-manage po natin ang kasalukuyang sitwasyon po na medyo mababa ang [garbled] supply po sa mga pinagkukunan po natin ng tubig kagaya po ng Angat Dam.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong pagsama sa amin at pagbibigay impormasyon, Director Sevillo David Jr., ang Executive Director ng NWRB. Salamat po sa inyo.

NWRB EXEC. DIR. DR. DAVID JR.: Salamat, Usec. Rocky, at magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Samantala, dumako muna tayo sa mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service kasama po si Ched Oliva ng PBS Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Department of Tourism 11, target mapataas ang bilang ng mga turista sa rehiyon kasunod ng pagluluwag sa mga restrictions. Ang detalye hatid ni Julius Pacot ng PTV Davao.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa ating mga partner agency para kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Maraming salamat din po sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga.

Samahan po ninyo ulit kami bukas na alamin ang mga napapanahong isyu sa bansa. Ako po muli si USec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center