USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas at sa lahat po ng ating mga kababayan sa buong mundo. Ngayon po ay March 9, 2022, araw ng Miyerkules, tuluy-tuloy pa rin po ang pag-monitor natin sa epekto ng ikasampung linggo ng oil price hike sa Pilipinas at ang karugtong nitong hinaing mula sa ating transportation sector; makikibalita rin tayo sa pinakahuling sitwasyon ng ating mga kababayan sa Ukraine.
Ako po si Usec. Rocky Ignacio, simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH!
Una sa ating mga balita: Batas na nagtataas sa age of sexual consent sa 16 years old mula sa dating 12 years old pirmado na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Ilang linggo na rin pong nangangalampag ang mga driver at operators ng mga pampublikong sasakyan para pansinin ang panawagan nilang dagdag pasahe at kaugnay niyan, makibalita tayo mula kay LTFRB Executive Director Kristina Cassion. Good morning po, Director.
LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Good morning po Usec. Rocky and good morning po sa lahat po ng ating mga nanunood ngayong umaga po.
USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Tina, ano po ang reaksiyon ninyo dito sa ilang transport groups na nagsasabing masyadong mabagal daw po ‘di umano ang LTFRB na maglabas ng desisyon kaugnay sa hiling nilang taas-pasahe? Ano po ba ang mga isinasaalang-alang ng LTFRB tungkol sa desisyong ito?
LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Unang-una naiintindihan po natin ang sentimyento ng ating mga transport operators and drivers, alam po nating umaaray na po talaga sila. Pero isinaalang-alang din po kasi at masusing inaaral ng LTFRB ang lahat ng aspeto po kasi hindi lang naman po operators ang drivers ang apektado po sa kasalukuyang krisis at pandemya na kinakaharap po natin – nandiyan po iyong mga commuters din at epekto din kung sakaling magtaas po tayo ay iyong epekto naman po—domino effect ‘ika nga nito doon sa goods and services po.
On the one hand kasi, iyong mga operators, mayroon pa naman po tayong basket of solutions ‘ika nga na maibibigay sa kanila:
- Nandiyan iyong ating fuel subsidy na 2.5 billion. In fact, iyong ating economic cluster ay nagri-recommend din po ng karagdagang na 5 billion ‘no na they’re targeting na ngayong Abril po na mai-release po.
- And then we have the service contracting program in which po magbibigay ng libreng sakay po ang ating mga pampublikong sasakyan at kapalit po niyan, ang gobyerno po ang magbabayad sa kanila ng weekly po at ang weekly na bayad na ito will cover the operational expenses – ibig sabihin po, kahit iyong panggasolina ay covered po sa binabayad ng gobyerno.
- Aside from that, mayroon din pong pagpupulong ang DOE sa mga oil players sa pagbibigay ng diskuwento.
So there are so many options for operators and drivers na kayang ibigay ng gobyerno but on the other hand iyong commuters naman po ang problema natin dahil they will carry the burden naman po talaga. So, what will happen if they are burdened? Iyong kanilang take home pay mababawasan; so, anong mangyayari naman? They will ask for an increase in their salaries and wages po, ‘di ba? So may epekto na naman po ito sa kanilang mga employers – posible magri-retrench, posibleng may mga ganiyan na mangyayari just to save up doon sa mga expenses nila and of course iyong inflationary impact po ng whatever inflates us.
So hindi po natin sinasabi na hindi natin igagawad, hindi rin po natin sinasabi na igagawad natin iyong kanilang ibibigay na increase ‘no. Pero sinasabi natin, pinag-aaralan natin nang mabuti kasama po ang NEDA, inaaral natin dahil sa malaking epekto po nito sa ating ekonomiya, sa ating mga mananakay at sa lahat pa ng sektor na… iyong reach niya ay malaki po.
So pasensiya na po, humihingi kami ng paumanhin. Dapat nga ay Abril pa sana iyong susunod na hearing nito but because nanghihingi po sila na mas mapaaga kaya naging March 22 po iyong susunod na hearing natin. Iyong doon sa hearing po kasi natin kahapon, may mga dokumento naman po kasi na hindi po na-submit ng ating mga petitioners, hindi po kumpleto, kaya kinakailangan pa nating magkaroon pa ng isa pang hearing. So there are several factors kaya po hindi po natin masabi na mabagal dahil inaaksiyunan naman po natin at kailangan lang po talaga natin na iyong tinatawag natin na balancing of interest, tinitingnan natin lahat ng aspeto po.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyon nga, Ms. Tina, nabanggit mo na talagang binabalanse po ng pamahalaan especially ng LTFRB iyong sitwasyon ng ating mga drivers at ang operators at siyempre ito pong mga commuters natin.
Pero, kailan po iyong posibleng magkakaroon daw po ng final decision ito pong LTFRB tungkol dito kasi alam naman po natin na hanggang ngayon ang sinasabi inaasahan iyong patuloy daw po na magtataas ang presyo ng produktong petrolyo?
LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Yes po, ma’am. Mayroon po tayong isa pang hearing na ng March 22. Gaya nga ng sinabi ko, kahapon kasi hindi po kumpleto iyong dokumento na inano ng ating mga petitioners po ‘no so kinakailangan pa nila na magsumite ng karagdagang mga dokumento. So after March 22 po ay makapagpapalabas ng pinal na desisyon ang LTFRB. In the meantime po na hindi pa makapaglabas ng pinal na desisyon ang LTFRB, ang ating fuel subsidy program at service contracting program naman po ay tinataya na na magsisimula po.
USEC. IGNACIO: Opo. Isunod ko na iyong tanong ni Bernadette Reyes ng GMA News: Kailan daw po mailalabas ang resolusyon sa pisong provisional increase sa jeepney?
LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Yes po, ‘no. Iyong desisyon po on the one peso po ay for resolution na ng Board so anytime po after ng mga series of meetings po natin and technical consultations ay makapagpalabas na po iyong Board ng kanilang pinal na desisyon – whether or not to grant the provisional increase po.
USEC. IGNACIO: Opo. Isunod ko na lang din po itong tanong ni Sam Medenilla ng Business Mirror: May data na po ba kung kailan mai-implement ang fuel subsidy for PUV drivers? If yes, kailan po at kung ilan po iyong beneficiaries?
LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Target namin po by March—this March po mairi-release na po ang pondo po. Once po na-download na po ng DBM iyong funds at sabi naman po nila within this month po ay kanilang mairi-release na po iyong pondo ay makapag-distribute na po kaagad ang LTFRB sa more than 377,000 beneficiaries covering iyong PUJ, public utility buses, UV express vans, taxi, TNBS and even tricycles and deliveries po.
USEC. IGNACIO: Ms. Tina, ano naman daw po iyong masasabi ninyo sa mga driver na nagpapatupad agad ng taas-pasahe kahit wala pa pong basbas ng LTFRB?
Ganito rin po iyong tanong ni Maricel Halili ng TV-5 at ni Jun Veneracion at Ivan Mayrina ng GMA News: Ano raw po ang parusang puwedeng ipataw sa kanila sakaling may maghain ng reklamo?
LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Pinapaalalahanan po natin ang ating mga drivers and operators po na wala pang pinal na desisyon ang LTFRB kung kaya’t ang kasalukuyan po na fare natin ay nine pesos pa rin po. Maituturing na overcharging po ang sobrang paniningil po, at ang overcharging po ay may penalty na, first offense po ay P5,000; second offense ay P10,000 at impounding ng sasakyan; and third and subsequent offense po ay P15,000 po iyong fine niya at posibleng isuspinde or kanselahin po iyong prangkisa.
Kaya po tinatawagan namin iyong ating mga operators and drivers na sana po kung ano lang po iyong tamang singil, kung ano iyong nakalagay sa fare matrix ninyo po, iyon lang po muna iyong ating isingil doon sa publiko po.
For our commuters naman po na apektado po nito at inu-overcharge po sila, we are calling on to them na you can contact us through our hotline 1342, at mangyari po lamang banggitin kung ano po iyong plate number or case number po ng inyong sinakyan para po maisyuhan natin ng show cause order. Hindi po ibig sabihin na hindi caught in the act ng ating mga enforcers po na nag-o-overcharge sila ay hindi na sila papatawan po ng overcharging na penalty po ‘no. Kung sakaling may magreklamo po sa atin ay mag-iisyu po ng show cause order ang ating LTFRB at ipatawag, i-summon po ang operator. At kapag napatunayan po talaga ay pagmumultahin po sila.
USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Tina, dito naman po sa fuel subsidy, ang lagi po kasing concern o sinasabi/batikos ng mga PUV drivers ay hindi naman daw po umaabot sa iba itong fuel subsidy. Paano po nasisigurong nakikinabang nga daw po dito iyong ating mga drivers, Ms. Tina?
LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Admittedly po, ang ating batas ay sinasabi po na legitimate franchise holders. Kapag sinasabi po kasi nating franchise holders, ito po kasi iyong mga operators. On the one hand kasi din po, ang ating mga drivers ay come and go – minsan ngayon araw na ito ay driver ka ng ganitong operator; sa susunod na mga araw, hindi ka na niya driver. So walang permanency po. So mayroon na lang po tayong mga mechanisms po ‘no sa implementing guidelines po natin to make sure po na matatanggap po ng mga drivers ang kanilang fuel subsidy po, ano.
For example po, iyong ating card po mismo, nakalagay po iyong plate number ng pampublikong sasakyan, at iyong mga gasolinahan kung saan isa-swipe po iyon ay oriented naman po sila ng DOE ‘no na kung sino lang iyong nakalagay, kung ano lang ang nakalagay na plate number, doon lang po puwedeng magpa-gas po.
And then, iyong mga drivers po na magrireklamo po na hindi po napunta sa kanila ay puwedeng dumulog sa ating central office pati po sa ating mga regional offices para ireklamo po. Magbigay sila ng reklamo kasi may undertaking po ang ating mga operators, may sinumpaang salaysay po sila na kanila po talagang ibibigay sa mga drivers kung sino po iyong nagpapa-gas po na mga drivers ang fuel cash subsidy po.
USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Tina, kung sakali pong magkaroon nga po ng second tranche nitong fuel subsidy by April, sa mga operators pa rin po ba ibababa ito?
LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Depende po iyan, Ma’am. Kung ang batas po ay magsasabi na, iyong [batas] ilalabas po nila, depende po kung kaninong beneficiaries po nila pagbibigyan po ‘no. In the past lang po talaga, under the TRAIN Law and even under the GAA, operators po kasi talaga ang nakasaad, nakalagay po nito. So the LTFRB will wait po ‘no kung ano po iyong instruction na nasa batas po.
USEC. IGNACIO: Opo. Pinag-uusapan din daw po itong ipa-extend ang mga promo discount ng ilang oil companies para raw po makamura itong mga drivers ng one to four pesos. Pero kahit paano ba ay makakatulong ito para hindi nila masyadong indahin o maramdaman po itong oil price hike?
LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Marami po kasi ang ginagawa ng ating national government po ngayon, Ma’am. One of that is iyong pakikipagpulong nga ng DOE sa mga oil players na palawigin pa ang pagbibigay ng diskuwento. Malaking tulong din po ito, iyong from one peso to four peso na diskuwento po. And on top of that, iyong ating mga other programs po, iyong fuel subsidy, iyong service contracting, all of these are geared towards helping the operators and drivers to cushion the effect of series of oil price increases po.
Ibig lang pong sabihin po nito, ang ating national government po ay hindi po bingi at hindi po bulag sa nararamdaman po ngayon at nai-experience po ng ating mga operators and drivers po.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Maricel Halili ng TV5: May we have details daw po about the resumption of operations of public utility buses on inter-regional routes? Ganito rin po iyong tanong ni Ivan Mayrina ng GMA News: Can the commuting public expect more inter-regional routes to re-open and revert what they were pre-pandemic?
LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Yes po, Ma’am. In fact, noong February pa po ay nagpalabas na ng Memorandum Circular # 2022-023 ang LTFRB. Ito ang resumption of operations of provincial public utility buses on inter-regional routes during community quarantine na pinagtibay noong ika-16 ng Pebrero 2022, in which dinideklara ng LTFRB ang muling pagbubukas ng lahat ng pampublikong sasakyan na pre-pandemic na mga inter-regional routes touching and not touching Metro Manila, mula Luzon, Visayas at Mindanao.
Nakasaad po dito sa Memorandum Circular po na lahat ng mga public utility buses na operator na may valid po at umiiral na franchise po and iyong may mga provisional authority or special permits ay pinapayagan pong muling mag-operate at gumamit ng mga tinakdang end points ng mga terminal patungo at paglabas ng Metro Manila.
So iyong mga like for example po, iyong mga rutang inter-regional touching and not touching Manila, kasama na po dito ang mga provincial commuter routes na nagmumula po sa Region IV-A, sa CALABARZON na iyon dati po na end point nila na Cubao at nilipat po natin sa PITX ay ngayon po muli ay papayagan na nating maibalik doon sa original nila na terminal, iyong sa Araneta bus terminal po.
So iyon po ang ano natin po na lahat na po, ibig sabihin kapag bukas po ang lahat ng ruta, expectedly lahat po ng mga units nila ay kailangan po na ipalabas na rin po nila para magamit sa publiko po. So we are constantly monitoring also the bus operators po ‘no kung lahat na ba ng mga bus nila ay kanilang mga pinapalabas na. We have monitored so far iyong iba po ‘no na hindi pa totally lahat. Ang rason naman po nila ay niri-rehabilitate pa nila at inaayos po para maging safe and secured naman po para sa mga pasahero po.
And for Metro Manila po, may mga binuksan na rin po tayo na mga dating ruta rin po natin. And in a few days po ‘no or in the coming weeks, there are 71 routes that also will be re-opened po for Commonwealth routes po.
USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Tina, tanong naman po ni Joseph Morong ng GMA News: Do you see any effect daw po of the recent oil price hikes on ride delivery services like Grab and Lalamove? Magtataas po kaya sila ng rate? Nagpasabi na po ba sila o papayagan po ba sila?
LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Actually po, I’m sorry po ‘no, hindi po kasi ang LTFRB ang regulatory body nitong mga deliveries, it is the DTI. Pero we are sure din po na apektado naman po sila, that is why iyong ating fuel subsidy program ay kasama po sila dito po. Kaya ang LTFRB ay nakikipag-ugnayan sa DTI. Sumulat na po tayo sa kanila for a listing ng mga delivery services like Lalamove—
USEC. IGNACIO: And Grab, opo. Ms. Tina, isa rin po sa recommendation ng economic cluster ay ang full implementation at expansion ng service contracting program para sa lahat po ng public transport routes. Ano po ang masasabi ninyo po rito, Ms. Tina?
Okay. Mukhang nawala sa ating linya ng komuni—Ms. Tina, can you- hear me again?
LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Yes po, ma’am. Sorry po.
USEC. IGNACIO: Oo. Ulitin ko na lang po iyong tanong, Ms. Tina. Isa po doon sa recommendation ng economic cluster ito pong full implementation at expansion ng service contracting program para sa lahat po ng public transport routes, ano po ang masasabi ng LTFRB dito?
LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Sa kasalukuyan po, we are just waiting for the downloading of funds from the DBM. Ang sabi naman po nila, pinoproseso na nila. We are expecting ngayong March po ma-download na nila at ready na po ang LTFRB po na to implement po ng service contracting program.
USEC. IGNACIO: Opo. Bilang panghuli na lang po, Ms. Tina. Ano po iyong commitment ng LTFRB sa mga PUV drivers at operators natin na talaga pong nagpapasaklolo dahil po sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng langis? Go ahead, Ms. Tina.
LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Nararamadaman po natin ang kasalukuyang nangyayari ngayon sa ating mga drivers and operators and rest assured po ‘no that on the matter of your petition for fare increases, aminado naman po ang LTFRB particularly ang Board na kailangan na po nila talaga as early as they can na mai-release na ang desisyon about this.
And on the matter po ng ating mga programs po na iyong sinasabi nga po nating ‘basket of solutions’, rest assured po we are doing our best to coordinate with DBM po… halos inaaraw-araw na po ng ating Chairman ang pakikipag-coordinate sa DBM na ma-release na po ang pondo para makapagsimula na po tayo ng distribution sa fuel subsidy at makapagsimula na po tayong muli ng service contracting program natin.
Ito pong lahat ay patunay po na ang LTFRB, and DOTr, at ang national government ay patuloy po na naghahanap ng solusyon para matulungan na maibsan po ang dinadanas ngayon ng ating mga operators and drivers.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Ms. Tina, LTFRB Executive Director Kristina Cassion, salamat po.
LTFRB EXEC. DIR. CASSION: Thank you din po. Good morning po.
USEC. IGNACIO: Makibalita naman po tayo tungkol sa budget para fuel subsidy ng pamahalaan sa mga apektadong sektor ng oil price hike, makakausap po natin si Acting Secretary Tina Rose Canda ng Department of Budget and Management.
Magandang umaga po, Secretary!
DBM ACTING SEC. CANDA: Magandang umaga.
USEC. IGNACIO: Opo. Kumusta na po ang pagproseso ng DBM sa budget po para sa fuel subsidy? Kumpleto na po ba iyong documentary requirement po at kung hindi pa, ano na lang po iyong hinihintay daw po, Secretary?
DBM ACTING SEC. CANDA: Ang hinihintay na lang namin dito is iyong joint memorandum circular among DBM, DOTr, DOE. So iyon na lang ang hinihintay namin.
Nakaumang na actually iyong mga release documents. So, once ma-provide namin – parang ang sabi ni Secretary Tugade nira-route pa na daw nila – once na makarating sa amin iyon pipirmahan kasi nakita na namin iyong draft and then isasabay na namin iyong release documents for that, iyong P2.5 billion.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, talaga po ba daw kailangang hintayin munang umabot nang tatlong buwan na lampas po sa $80 per barrel ito pong langis bago po maglabas ng pondo ang pamahalaan para po sa fuel subsidy?
DBM ACTING SEC. CANDA: Yes, yes. Pero ginawan namin ng adjustment iyan at ang DOE na ang nag-decide na isama sa computation iyong December; so, December, January, February. Kasi kung halimbawa hihintayin natin iyong three months, dapat Abril pa iyon mare-release.
USEC. IGNACIO: Opo. Ito po palagian po itong tanong, Secretary, ulitin ko na lang po: Kailangan daw po iyong target na maipalalabas daw iyong pondo para sa fuel subsidy at sa PUV at agri workers? Gaano daw po katagal bago ito maipamahagi sa mga beneficiaries?
DBM ACTING SEC. CANDA: Iyong pamamahagi o pagtanggap ng mga kinauukulan dito, iyong mga PUV drivers, ito will depend doon sa sistema ng DOTr at saka noong ibang ahensya.
Kagaya niyan, I think ang kasama lang sa LTFRB hindi iyong mga drivers and mga PUV drivers ‘no, pero iyong iba kagaya ng mga delivery at tricycle, mga TODA iyan, sa local government units din iyan. DBM, madali lang iyon, within 24 hours upon receipt ng approval [garbled] ng DOTr iyan. Pero ang question mo kasi kailangan matatanggap iyan ng mga driver? Iyon ang medyo hindi masasagot na, it will depend sa LTFRB.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, inirekomenda na po ng NEDA itong dagdag fuel subsidy para po sa mga PUV at agri sector. Ganito rin po iyong tanong ni Mela Lesmoras ng PTV at ni Ted Cordero ng GMA News Online: Saan daw po kukuhanin at may sapat daw po bang pondo ang gobyerno para dito?
DBM ACTING SEC. CANDA: Kaya ang sabi ni Secretary Karl Chua is iyong 2.5 for March tapos another 2.5 in April. Ang dahilan nito is that by end of March magkakaroon na tayo ng karagdagang kolekta sa revenue na hindi natin kumbaga inaasa—hindi kasama sa computation natin na 2022 Budget, ang tawag natin dito ‘excess revenues.’
Kapag may excess revenues, mayroon tayong proseso within the budget na para ma-release iyong tinatawag nating unprogrammed appropriation or it’s called a standby appropriation. So, ang magti-trigger lang niyan is the additional revenues. So, we estimate na pagdating katapusan ng Marso mayroon na iyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero sa palagay po ninyo dapat talagang magdeklara ng State of Economic Emergency ang Pangulo para po tugunan itong krisis sa langis?
DBM ACTING SEC. CANDA: I do not want to preempt that decision. At the moment kasi I think we have to be a little more patient and not panic too much ‘no. Kasi itong nangyayari na ito is dahil doon sa Ukraine at saka Russia eh; so, noong huling away ng Russia umabot ng isang buwan. So, baka tingnan din at the end of March po anong magiging desisyon ng ating Pangulo.
USEC. IGNACIO: Opo. May masasabi ba o may comment kayo dito po sa panukala rin na isuspinde po muna itong excise tax at VAT sa petroleum products o kahit daw po bawasan lang ito ng 50%, posible po kaya ito?
DBM ACTING SEC. CANDA: Again, ang magiging epekto nito is magiging—matutulungan natin ang sektor ng transport/transport sector and probably agriculture. Pero ang tatamaan sa pagtanggal ng excise at saka VAT will be iyong other social services natin.
Ang education mawawalan ng pondo para sa K to 12, hindi lahat iyan mapopondohan. Ang DOH, maaapektuhan ang kanilang health facilities plus iyong kanilang assistance to individuals in crisis, tapos ang—hindi pala, medical assistance ano. Tapos ang DSWD ang tatamaan naman sa kanila iyong assistance to individuals in crisis situations.
So, iyon iyong mangyayari. Matutuwa ang isang sektor pero siguro mga tatlo o apat na sektor naman ang hindi mapopondohan sa pagtanggal ng excise tax. Iyon ang dapat nating ibalanse kung halimbawa eh itong usapin sa excise tax at VAT ang gagawin natin, iyong pagtanggal nito.
USEC. IGNACIO: Opo. May ilan pong agricultural groups din po iyong humihirit ng cash aid na P10,000 each at production subsidy na P15,000 sa mga apektadong sektor. Mapagbibigyan po ba ito ng pamahalaan, Secretary?
DBM ACTING SEC. CANDA: Mayroon din doon – kasama din sa 2.5 billion mayroong 500 million na subsidy to farmers, to the agricultural sector at iyon puwedeng gamitin agad ng Department of Agriculture subject to their own guidelines. Hinihintay naming mag-request ang Department of Agriculture doon. Mayroon ding usapin na maaaring magkaroon pa ng additional 600 million for next month [garbled] po nandoon sa transport sector.
So, iyon po iyong tinitingnan na namin na puwede. Mayroon ding built-in actually na appropriation ang DA to assist the farmers groups; mayroon silang built-in diyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, baka may mga pahabol pa kayong mensahe o dagdag paglilinaw para po sa ating mga kababayan. Go ahead po, Secretary.
DBM ACTING SEC. CANDA: Yes, minamadali na namin iyong pag-release ng pondo. In fact pina-follow up namin ito sa DOTr. We expect na within this week, at the latest, early next week ang pagri-release nito. So, nakikiusap lang kami ng kaunting pasensiya, pero talagang minamadali na namin ito. Medyo hindi lang kami makagalaw dahil may mga batas na kailangan naming tuparin bago namin ma-release itong pondong ito. Iyon lang po, Ma’am.
USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa iyong panahon at impormasyon, DBM Secretary Tina Rose Canda.
DBM ACTING SEC. CANDA: Thank you po.
USEC. IGNACIO: Samantala, CODE Team sa pangunguna ni DILG Secretary Eduardo Año, nag-inspeksiyon sa isang vaccination site na nasa grocery store sa San Fernando, Pampanga. Nasa limang daang indibidwal ang target mabakunahan. Ang update diyan mula ky Mark Fetalco, Mark?
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong report, Mark Fetalco.
Idineklara na ng Department of Foreign Affairs ang Alert Level 4 sa bansang Ukraine kung saan nagpapatuloy pa rin ang sigalot sa pagitan ng Ukraine at Russia. Ibig sabihin po mandatory na ang pag-evacuate sa mga kababayan nating naiipit pa rin sa kaguluhan doon. Makakausap po natin si Undersecretary Sarah Lou Arriola mula po sa DFA Migrant Workers Affairs. Magandang umaga po, Usec.
DFA USEC. ARRIOLA: Magandang umaga, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, ilan pa po iyong mga Pilipinong naiwan sa Ukraine at ano po ang ginagawa ng pamahalaan para po tulungan sila na ma-evacuate. Ang ilan daw po ay naipit na sa gulo, kaya hindi raw po makalikas, tama po ba ito, Usec?
DFA USEC. ARRIOLA: But actually, Usec, masaya tayo na 199 Filipinos are out of harm’s way, 63 na po iyong nakabalik sa Pilipinas and 136 are awaiting repatriation. Mayroon pa po tayong tinataya, sa land-based po, a little over a hundred na ayaw pa nila talagang umuwi. But we are pleading to them, we have been calling them and we are asking them na umuwi na sila ‘no. Pero, Usec, medyo ang problemado tayo dito doon sa sea-based. POEA is closely monitoring how many Filipinos are stranded po sa kanilang mga vessels. Pero yesterday dumating po talaga iyong ano natin, 21 seafarers po mula sa MV S-Breeze, kasama rin po iyong MV Joseph Schulte and we are expecting more to arrive today and the following days.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, ulitin lang po natin ‘no. Alam na po ba natin itong lokasyon ng mga naiwang Pilipinong ito at ilan po iyong nasa evacuation centers na dito po sa Ukraine?
DFA USEC. ARRIOLA: But actually po iba-iba. As of last week, ang pinaka-concentration sa Lviv saka sa Kyiv pero karamihan po nito, iyong mga may asawa po na Ukrainian. Alam po natin iyong mga kalalakihan, hindi po talagang puwedeng lumabas eh. So, it is always a very difficult decision for the wife or for the mother to choose to leave the husband and bring the child with them. Iyong iba naman po, mga household service workers na nananatili sa kanilang mga employers dahil they stay where their employer goes.
Iyong iba po alam natin kung nasaan sila, dahil nandoon sila sa mga barko nila na hindi rin po sila makaalis kapag heavy po iyong shelling at saka heavy po iyong fighting. And kapag ganoon po iyong pagkakataon, we have been advised by our security sector that you have to hunker down and take cover at hintayin po na tumigil iyong putukan, kasi huwag po sila mag-aalisan doon sa mga barko nila, baka lalo po silang mapahamak.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero alam natin na medyo mahihirapan tayong magpaabot ng tulong sa mga ito. Pero kahit papaano po, ano po iyong naibibigay nating suporta/tulong dito po sa ating mga kababayan natin na kailangan pong ma-evacuate na.
DFA USEC. ARRIOLA: Well, actually doon po sa iba talaga who refused to go back home, binigyan po sila ng financial assistance, iyong Honorary Consulate natin sa Kyiv at iyong presence po ng ating embahada sa Lviv, pero iyong mga seafarers po natin, nakikipag-ugnayan po ang DFA with POEA and the local manning agencies and we are doing everything we can, para po ma-extract sila, para po ma-evacuate sila. In fact, our Honorary Consul in Moldova, is helping out po na para maitawid po sila sa border. Usually po kapag mga seafarers po, mayroon silang enough food naman and supplies. Kaya lang po ang pangamba talaga nila, iyong lumalala pong security situation po doon sa lugar.
USEC. IGNACIO: Opo. Ito may nasabi na po kayo, pero basahin ko na lang po itong tanong ni Raquel Bayan ng Radyo Pilipinas. Baka may idadagdag lang kayo, Usec: Ano daw po ang challenges na na-encounter ng pamahalaan sa implementasyon ng mandatory repatriation doon?
DFA USEC. ARRIOLA: Well, una po talaga may mga kababayan tayong ayaw umuwi sa Pilipinas, kasi nandoon daw po iyong mga trabaho nila. And some of them, iyong mga employers nila are continuing giving salaries para bantayan lang iyong bahay. And they feel na they won’t be able to get that kind of pay kapag nandito po sa Pilipinas. We understand that, but we would like to tell them na over two million na po iyong refugees na tumawid. Ibig pong sabihin noon, lumalala na iyong sitwasyon and they should exercise their sound judgment. And of course iyong pinakamalaki po talagang challenge is iyong mahiwalay iyong mga kababayan natin sa kanilang pamilya. Although, we have several Filipino women who came home with their children at iniwan nila iyong kanilang spouse, iyong kanilang husband sa Ukraine. Medyo mahirap po iyong desisyon na iyon. So, that’s the challenge, the main challenge that we are facing.
USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pong tanong ni Raquel Bayan, baka may dagdag pa rin po kayo. May nabanggit na rin po kayo tungkol dito: Marami pa rin po bang mga Pilipino doon, ayaw pa pong bumalik ng Pilipinas? Kumusta po sila at saan po nananatili ang mga ito sa kasalukuyan?
DFA USEC. ARRIOLA: Well, actually mayroon po tayong 136 pa po, outside Ukraine na awaiting repatriation. Pero iyong iba po doon na iniiisip na lumipat po sa ibang mga lugar po sa Europe, which we highly discouraged unless they have jobs waiting for them. Because ang Europe po ngayon punung-puno ng two million refugees and counting. Iyong iba naman po actually, tuluy-tuloy pa rin po iyong ating repatriation and we are expecting that several people will be arriving in the next few days. But the concentration talaga is really in Kyiv and Lviv po. At doon naman po sa mga seafarers, ang concentration po ay nasa Black Sea po sila and they are inside their merchant ships, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Magkapareho po itong tanong ni Maki Pulido ng GMA News at ni Naomi Tiburcio ng PTV: May mga Pilipino daw po ba na hirap pumunta sa Lviv dahil mapanganib at walang transportasyon? Ano daw po iyong maitutulong ng DFA sa kanila at ilan pa daw pong seafarers ang hindi pa naillikas?
DFA USEC. ARRIOLA: Well, actually, Usec, the only way to get to Lviv is through the train. So nakikita po natin talaga na punuan. But we encouraged them na tiyagahin na lang po nila, kasi that’s the safest and only available transportation. When they get to Lviv, naghihintay na po doon iyong ating embahada para bigyan po sila ng tulong para makatawid po sa border; as for seafarers po, DFA is closely monitoring with POEA. We are receiving several calls for evacuation and we are helping them. In fact po, iyong 21 po na umuwi kahapon, iyon po ay dahil po sa tulong po ng ating Consul po sa Moldova, si Consul Gaina at tumutulong rin po siya na makapag-evacuate ng mga na-caught in the crossfire. But as to the numbers, the best people who can give the exact number is POEA po, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. May assistance din po bang ibibigay dito sa mga nakauwi na rito sa Pilipinas, Usec?
DFA USEC. ARRIOLA: Nakikipag-ugnayan po tayo sa ating other government agencies like DOLE, OWWA and of course DSWD, especially kailangan din po nila ng stress debriefing. Dahil napansin po namin, doon po sa mga ibang umuwi, lalo na po doon galing sa medyo matindi po iyong armed conflict, medyo mayroon pa rin silang war shock. So, mayroon pa rin silang war shock eh, medyo tulala po iyong ating mga kababayan, which is understandable.
USEC. IGNACIO: Opo. Ano po ang paalala ninyo, USec., dito po sa mga kababayan natin sa Ukraine at sa pamilya nila dito? Go ahead USec.
USEC. ARRIOLA: Unang-una po, sa ating mga kababayan sa Ukraine, habang maaga po habang hindi pa po lumalala masyado iyong kaguluhan, please avail of repatriation, kung lalabas kayo thru Poland nandoon po sa Lviv iyong ating Embahada.
Kung lalabas po kayo through Romania, Moldova or Hungary nandoon na rin po sa Bucharest po ang ating Embahada po mula sa Budapest. Makipag-ugnayan lang po kayo doon sa dalawang embahada na po iyon or sa amin po dito sa DFA through OFW help or any of our hotlines at nakahanda naman po ang DFA to help out in Budapest to bring you home, marami pong salamat.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po sa inyong panahon, Undersecretary Sarah Lou Arriola ng DFA, salamat po.
Samantala, bakunahan sa mga batang edad lima hanggang labing-isa sa Pasig City isinasagawa na rin sa isang fast-food chain ang detalye alamin natin mula kay Patrick De Jesus:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Patrick De Jesus.
Samantala, ilang residente sa Iloilo City na nasunugan ng bahay at nawalan ng hanapbuhay hinatiran ng tulong ng tanggapan ni Senador Bong Go, kasama po ang ilang ahensiya ng pamahalaan. Panoorin po natin ito:
[AVP]
USEC. IGNACIO: Puntahan natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service, magbabalita si Ched Oliva mula sa PBS Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat Ched Oliva ng PBS Radyo Pilipinas.
Samantala, sa unti-unting pagbubukas ng turismo sa bansa, nakikita rin ng lokal na pamahalaan ng Benguet ang magandang idudulot ng strawberry festival sa pagbubukas ng ekonomiya ng lalawigan. Ang detalye mula kay Allah Sungduan:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito, ako po si USec. Rocky Ignacio, hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing Laging Handa PH!
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center