Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio.

Ngayong araw ng Huwebes, muli tayong makikibalita sa unang araw na pang-apat na National Vaccination Days, at kung ano po ang aasahan nating plano ng gobyerno upang mas paigtingin pa ang bakunahan sa buong bansa. Siksik na naman po tayo ng talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Opisyal na pong nag-umpisa ang Phase 4 ng National Vaccination Days ngayong araw. At upang makialam sa mga pinakahuling kaganapan, makakasama po natin ang Kalihim ng Department of Health, Secretary Francisco Duque III. Magandang umaga po, Secretary.

DOH SEC. DUQUE III: Magandang umaga sa iyo, Usec. Rocky, at higit sa lahat sa lahat ng inyong mga tagasubaybay.

USEC. IGNACIO: Secretary, kumusta po iyong preparasyon ninyo para sa unang araw ng Phase 4 ng National Vaccination Days?

DOH SEC. DUQUE III: So far, so good. Andito nga ako sa kasalukuyan sa Philippine Medical Association at kasama ko ang kanilang napakamasipag at ang malakas na suporta na ibinibigay ng PMA sa pamunuan ni Dr. Benny Atienza.

At ang lahat ng mga opisyal ng PMA, andito kami ngayon at nag-umpisa ng vaccination para sa ating mga mamamayan. Ito iyong ating A2, iyong mga senior citizens na mabigyan ng second dose, at kasama din ang 12 to 17 years pediatric age group for their second dose, at booster doses naman para sa ating mga health workers and the economic frontliners.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ano po iyong inaasahang programa o ano—

DOH SEC. DUQUE III: Sila ang bubuo ng 1.8 million na target.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano po iyong inaasahan dito sa programa na ito at ano po ba iyong mga magaganap sa unang araw ng bakunahan, Secretary?

DOH SEC. DUQUE III: Well, ang inaasahan natin ay makadagdag ito at mas malapit na nating maabot iyong ating 80% of the Philippine population which is 90 million Filipinos na target natin. Eh kasi ngayon, nasa 71% pa lang tayo more or less ‘no, ang ating vaccination coverage of our target population.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, aling mga areas o probinsiya po iyong nakikiisa para sa unang araw ng ating National Vaccination Day Phase 4? Sinu-sino po iyong mga priority na mababakunahan? Pero may nabanggit na po kayong A2 kanina.

DOH SEC. DUQUE III: Tama po kayo. Iyong ating A2, iyan ang binibigyan natin ng prayoridad. Pero pinaiigting natin ang vaccination coverage sa mga lugar na mababa rin ang kanilang coverage kagaya ng BARMM, Region VII, Region XII at Region V-B

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ilan naman po iyong target population na mababakunahan para po dito sa first day pa lamang po ng ikaapat na National Vaccination Day? At ilan naman po iyong – ulitin lang po natin – iyong kabuuang target natin ngayon?

DOH SEC. DUQUE III: Well, for the National Vaccination Day Round 4, ang ating pinupuntirya, 1.8 million more Filipinos. Ang overall target natin kasi 80% of the total population of a 111 million, which is about 90 million Filipinos.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ano naman po iyong latest information—

DOH SEC. DUQUE III: And today, we are at 71%.

USEC. IGNACIO: Opo. Opo, Secretary, 71% po. Sa kasalukuyan po ay mayroon na tayong total na nabakunahan na 71%, tama po ba ito?

DOH SEC. DUQUE III: Tama po kayo, 71% of our target population.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ano naman po iyong latest information kaugnay naman po dito sa booster shots ng mga kabataan sa edad na 12 to 17? Ano rin po ang masasabi ninyo tungkol sa pag-avail po ng mga kababayan natin ng pangalawang booster dose?

DOH SEC. DUQUE III: Iyong booster dose sa bata, wala pa tayong policy diyan, pinag-aaralan pa iyan ng ating Vaccine Expert Panel. So ang booster dose policy nasasakupan lamang ang edad labing walo pataas na age ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Sec., dahil nga po sa patuloy iyong vaccination rollout sa bansa ay bumababa po iyong mga kaso nang nagpupositibo sa COVID-19. Kumusta naman po iyong estado ng supply ng vaccine? Kailan po iyong pinakamaagang expiration date ng vaccine na mayroon tayo at gaano po ito karami?

DOH SEC. DUQUE III: Well, unang-una, iyong supply natin ng bakuna ay stable, kasi nagdagsaan nga ito noong October, nag-umpisa last year, so tuluy-tuloy. Iyong last na nabigyan tayo, four million doses ng… I think sa Pfizer. But iyon na nga, pagdating sa supply, walang problema.

Pero doon sa mga malapit nang mag-expire ay na-extend naman. Magandang balita, pumayag naman ang AstraZeneca, pero ang FDA na lamang ang inaantay natin para maaprubahan iyong extension ng shelf life by three months.

USEC. IGNACIO: Secretary, ano po iyong plano ng—

DOH SEC. DUQUE III: Ito iyong sa AstraZeneca vaccines.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ano po iyong plano naman ng DOH sa mga vaccines na hindi magagamit dahil nga po sa downtrend na iyong COVID cases sa bansa?

DOH SEC. DUQUE III: Well, alam ninyo, iyong hindi magagamit at malapit nang mag-expire, ang desisyon diyan ay i-donate sa mga bansang mababa ang vaccine coverage. At maganda naman iyang layunin na iyan para makatulong din tayo sa mga kapatid natin mula sa mga ibang bansa na namamayagpag pa rin ang COVID-19 pero ang supply ng bakuna ay kulang na kulang.

USEC. IGNACIO: Opo. So sa ngayon po tayo ay nasa Alert Level 1 na ang NCR, ano po iyong assessment ninyo sa sitwasyon natin so far, Secretary?

DOH SEC. DUQUE III: Well, so far, so good naman iyong ating Alert Level 1. At kahit na nag-maximum 100% capacity na ang mga establisyemento, patuloy naman na bumababa ang ating mga kaso. At anim na araw tayong below 1,000 cases daily, but hopefully mapababa pa natin ito ng 500 or even less on a daily basis para talagang—malay natin, baka naman puwede nang mag-de-escalate to Alert Level Zero. Pero iyong Alert Level Zero ay pag-uusapan pa iyan ng IATF, ano ba ang mga elements ng Alert Level Zero.

Kasi, iyong mga tanong, halimbawa, sa Alert Level Zero, puwede na bang magtanggal ng mask? Puwede na bang huwag gumamit ng mga … huwag nang sumunod sa hand hygiene, okay? O iyong mga ventilations, supisyente ba ‘no? So maraming mga tanong pang kinakailangang sagutin, at pinag-aaralan na ito ng ating mga expert panel, ang Technical Advisory Group natin, lahat pinag-aaralan ito, at magbibigay ng rekomendasyon sa ating IATF sa mga darating na araw.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, isunod ko lang po iyong tanong ni Tuesday Niu ni DZBB. Pareho po sila ng tanong ni Einjhel Ronquillo ng RMN.

Ang tanong po niya: Saan po ang mga bansa ninyo balak i-donate ang hindi nagagamit na bakuna? At kailan ito balak i-donate kasi hindi pa tapos magbakuna, hindi pa po naaabot ang 90 million na target?

DOH SEC. DUQUE: Mayroon tayong tinitingnan, iyong Myanmar, Cambodia at ilang bansa sa Africa.

USEC. IGNACIO: Opo—

DOH SEC. DUQUE: Pero kung ilan iyong bakunang mado-donate, iyan ay binubuo pa iyan ng ating National Vaccination Operation Center.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, posible ba daw sumailalim na sa Alert Level 1 ang buong Pilipinas? Kung hindi naman po, tingin ninyo, aling mga probinsiya po iyong susunod na magdi-declare ng Alert Level 1?

DOH SEC. DUQUE: Alam ninyo, gusto nga natin buong Pilipinas gawing Alert Level 1. Pero tatalakayin iyan mamaya sa IATF para tingnan kung ito bang mga nasa labas ng naunang 39 provinces, highly urbanized cities and independent component cities at puwede pang maisama sa susunod na evaluation at ma-deescalate para mas marami tayong ma-deescalate pero based on our compliance with the four criteria.

Itong mga four criteria na ito: Number one, ito iyong tinatawag na case load dapat low to minimal risk classification iyong kaso natin. Pangalawa, iyong ating healthcare utilization rate dapat nasa low risk. Pangatlo, iyong 70% na target population diyan, na population dapat makamit iyong completely vaccinated. At saka iyong pang-apat naman, ito iyong A2 na first dose na 80% of their target population.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, mayroon lang pong follow-up si Pia Gutierrez ng ABS-CBN. Nabanggit ninyo na nga po iyong mga bansang puwedeng i-donate kasama po iyong Myanmar na nabanggit ninyo. Ang follow-up po niya: Ilan pong doses iyong excess vaccine na balak pong i-donate? Ilang doses daw po?

DOH SEC. DUQUE: Well, aalamin pa natin iyong saktong bilang pero depende nga iyan dahil iyong ating application na i-extend iyong mga donated vaccines katulad ng AstraZeneca. Siyempre, kung na-extend iyan ay malamang ay mananatili pa iyan dito sa atin.

USEC. IGNACIO: Opo. Pahabol lang pong tanong ni Ivan Mayrina ng GMA News: What do we know about daw po the Deltacron with genes of Delta and Omicron identified in at least 17 patients in the US and Europe?

DOH SEC. DUQUE: Well, wala pang malinaw na characterization itong sinasabi nilang Deltacron. So, maghihintay tayo sa WHO kung ano ang kanilang gabay, ano ba ang mga katangian nitong sinasabing na-detect na Deltacron sa Europe and sa America pero iilan-ilan pa lang naman iyan.

So, binabantayan iyan ng ating Philippine Genome Center at tayo ay nakikibalita araw-araw, minu-minuto patungkol dito para makapaghanda naman tayo kung saka-sakaling medyo mabigat o seryoso kung mayroon mang ganoong pagtukoy o pagkilala nitong sinasabi nilang Deltacron.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Carolyn Bonquin ng CNN Philippines: WHO Director General said the drastic decline in testing inhibits our ability to see where the virus is, how it is spreading and evolving. Malaki na po ang ibinaba ng testing sa bansa. With this statement, will the DOH increase testing again?

DOH SEC. DUQUE: Well, our testing policy remains to be the same. It is risk-based and targeted, okay?

USEC. IGNACIO: Opo.

DOH SEC. DUQUE: Iyong testing kasi only has about 2% reduction value in terms of case transmissions ‘no. Ang mahalaga pa rin sa lahat, vaccination and minimum public health standards (MPHS). Iyong MPHS natin can provide 90% protection and risk reduction.

And ang bakuna ganoon din, 95% or even greater in preventing severe and critical COVID infection, therefore, preventing hospitalization and deaths.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Mela Lesmoras ng PTV: Ano daw po ang masasabi ninyo dito sa isang bagong report ng COA na nagsasabing halos P5 billion na pondo sa ilalim ng Bayanihan 1 and 2 ang hindi daw po nagamit, Secretary?

DOH SEC. DUQUE: Well, iyan ay hindi siguro nagamit pero ang kakausapin ko—Ito ba ay patungkol sa DOH o in general ito na hindi nagamit? Kasi mayroon akong nabasa sa pahayagan kanina na parang sa mga MSMEs na iyong nakita nilang unutilized Bayanihan 2 budget. So, aalamin ko pa iyan pagdating ko sa aking opisina kung ano ba iyang sinasabi ng COA na iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pong tanong ni Mela Lesmoras: Patapos na po ang termino ng Duterte Administration, generally, paano daw po natin ilalarawan ang naging paggamit ng gobyerno sa mga pondo para po sa COVID-19 response?

DOH SEC. DUQUE: Well, ginawa naman natin ang lahat ng ating magagawa para maibigay ang mga supplies na kinakailangan, sa ating tugon sa pandemyang ito. Marami naman na pinaggamitan, halimbawa ang mga personal protective equipment, ang mga testing kits, testing equipment at mga iba pang supplies na kinakailangan ng ating mga kababayan sa panahon ng pandemya lalo na noong kasagsagan nito at noong unang yugto ng ating pandemya noong 2020.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, tanong naman po mula—

DOH SEC. DUQUE: So ngayon, nakikita natin ang mga numero ay gumaganda naman ano. Mababa na ang mga kaso natin at ang hospital utilization natin mababa na rin. So, lahat ng ginagawa natin na paggamit ng pondo ay humantong sa benepisyo at kabutihan para sa taumbayan.

USEC. IGNACIO: Tanong po mula kay Raquel Bayan ng Radyo Pilipinas: Nakapaglabas na po ba ng guidelines ang DOH para po sa pagsasara o pagbabalik sa dating operasyon ng mga laboratoryo na ini-repurpose po para maging COVID labs? Ilan na po kaya iyong COVID laboratories na nakabalik na sa dati nilang operasyon?

DOH SEC. DUQUE: Ah hindi. Iyong atin namang laboratoryo, dati kung naaalala mo iisa lang iyan, RITM lang iyan noong unang pumasok ang pandemya sa bansa. Ngayon, nasa 380 more or less na—327 labs ang bilang, napaunlad natin ito ‘no.

So, tuluy-tuloy iyan dahil hindi pa naman nakaangat o itinaas ni Pangulong Duterte ang public health emergency ‘no. So, naka-under the State of Public Health Emergency pa rin tayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pong tanong ni Raquel Bayan: Ilan pa po ang COVID-19 laboratories na nananatiling operational nationwide?

DOH SEC. DUQUE: Lahat naman ng 327 laboratories nationwide operational pa rin sila.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kuhanin ko na lang po iyong paalala at mensahe ninyo sa ating mga kababayan partikular po iyong hindi pa nakakapagpabakuna. Go ahead, Secretary.

DOH SEC. DUQUE: Maraming salamat sa pagkakataon.

Ako po ay muling nananawagan sa atin pong mga kababayan: Tara na po, magpabakuna na po tayo. Samantalahin na po natin itong programa ng ating national and local governments. Ito po ay talagang nakakapagbigay ng proteksyon para sa inyo, para sa inyo pong mahal sa buhay, para po sa inyong mga kamag-anak, para po sa inyong mga kaibigan, kamag-aral, ka-opisina ay kinakailangan po na pagkaisahan po natin na maabot ang ating pinupuntiryang otsenta porsiyento ng ating populasyon.

Iyong 90 million Filipinos na mabigyan natin ng proteksyon sa pamamagitan ng ating mga ligtas, dekalidad, epektibo at libreng mga bakuna. Ito po ang susi para manumbalik ang normal sa buhay ng ating mga kababayan at maisulong natin ang pag-unlad ng atin pong lipunan sa pamamagitan po ng isang malusog na sambayanang Pilipino.

Huwag kalimutan ang bakuna at ang minimum public health standard sa pagsunod po rito ang mahalagang pamamaraan higit sa lahat.

USEC. ROCKY IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong panahon, Department of Health Secretary Francisco Duque III. Stay safe po, Secretary. Salamat po.

SEC. FRANCISCO DUQUE III: Okay. Stay safe too and keep well, maraming salamat po at magandang araw po sa ngalan ng Department of Health at sa Inter-Agency Task Force.

USEC. ROCKY IGNACIO: Salamat po. Pagdami ng mga bakunadong mamamayan at pagbaba ng naitatalang kaso ng COVID sa bansa resulta ng mas dekalidad na health care system, ang detalye tunghayan sa report na ito:

[NEWS REPORT]

USEC. ROCKY IGNACIO: Higit isang milyon doses na COVID-19 vaccines ng Pfizer ang dumating sa bansa kagabi. Ang naturang mga bakuna ay binili ng gobyerno sa tulong ng World Bank, higit 228,000 doses ng mga bakuna ay para sa adult population habang higit isang milyong doses naman para sa bakunahan sa mga batang edad lima hanggang labing-isa.

At sa harap ng patuloy na pagdating ng mga bagong supply ng bakuna, hinimok ng pamahalaan ang publiko na makibahagi sa ikaapat na Bayanihan Bakunahan na nagsimula ngayong araw.

Katuwang po ang Philippine Medical Association sa phase 4 ng National Vaccination Days, kaya naman ating makakausap po ngayong araw si Dr. Benito Atienza, ang presidente po ng Philippine Medical Association. Magandang araw po, Doc. Good morning, Doc. Ben.

  1. BENITO ATIENZA: Magandang araw, USec. Rocky. Good morning.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Doc., ano po itong layunin sa pakikiisa ninyo sa vaccination drive na ito?

  1. BENITO ATIENZA: Actually, ang aming pakikiisa sa ating IATF saka DOH sa pagbabakuna ay nag-umpisa pa noong last year, noong 2021 pa, at ipinangako natin na ang Philippine Medical Association ay makikiisa sa pagtuturo, pagpapalaganap ng ating vaccination.

Pagtuturo sa ating mga mamamayan at saka itong mga… kasama tayo sa screening, pagpapabakuna at pagmo-monitor after vaccination even iyong pag-report kapag nagkaroon ng adverse event following vaccination at tayo rin ang nagmungkahi sa DOH at saka IATF na magkaroon ng National Vaccination Days.

Nag-start ng Part 1 tayo noong November … noong Part 1, tapos noong December nagkaroon tayo ng Part 2 involving ng 12 to 17 years old; and then iyong Part 3, we introduced namin iyong pagbabakuna ng 5 to 11.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo, babalikan po natin si Dok Ben, maya-maya lamang. Aayusin lamang po natin ang ating linya ng komunikasyon with Dok Ben. Dok Ben, naririnig na ninyo po ba ako ng maayos?

Opo, babalikan po natin si Dok Benito Atienza.

Senator Bong Go, binisita ang daan-daang nasunugan sa siyudad ng Maynila, nangakong tutulungan ang mga kababayang nasa gitna ng krisis. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Mga kababayan, tutok lang po kayo at magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Atin pong itutuloy ang ating panayam kasama po si Dr. Benito Atienza ng Philippine Medical Association. Doc, with this partnership po, ano po iyong aasahan ng ating kababayan, now that they can avail vaccinations sa mga public and private hospitals?

PMA PRES. DR. ATIENZA: Yes po. Inaasahan po natin na ang ating mga kababayan po [makapagpabakuna na]. Marami pong mga doctors tayo na willing pong mag-extend ng kanilang tulong na gawin ang kanilang mga clinic as vaccination site po and nagpapalista na po kami sa mga doctor na gusto pong makiisa dito sa ating vaccination ng ating mga kababayan. Ito po ay para sa booster doses po, para sa 18 years old and above.

Iyon pong mga bakuna for our five to eleven (5-11) at saka itong 12 to 17 (12-17) ay usually po sa hospital po iyan, kasi ang sa mga bata po, sa mga adolescent special vaccine po iyan, kailangan po ng cold chain, kaya po sa hospitals. Iyong sa eighteen (18) years old and above ay puwede na pong ibigay sa mga clinic, dapat po lang nakalista sa DOH at saka sa LGU ang clinic ng mga doctor na ito at mayroon po kaming ginawang proseso na dapat mag-sign po, kung papayag po ang doctor na maging vaccination site po iyong kaniyang clinic ay kino-coordinate po namin iyan sa DOH at ang DOH po ay kino-coordinate po sa local government units, sa LGU para bigyan po sila ng sapat na supply ng bakuna, syringes at saka iba pong paraphernalia.

Iyong mga sina-sign po, iyong mga consent, assent at saka verification, iyon pong mga consent na kailangan po sa mga clinic. At inaasahan po natin na ang mga bakuna pong ito is safe, kasi po itsi-check din po ng DOH kung karapat-dapat po iyong kanilang pag-store ng kanilang vaccine doon sa clinic ay maayos po at ito rin po ay may kaukulang pagri-reporting, ng tamang reporting po daily para ibibigay po sa DOH po at saka sa local government unit.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, sa unang araw po ng bakunahan. Ano po iyong inyong inaasahan at ano po iyong preparasyong ginawa ninyo para dito?

PMA PRES. DR. ATIENZA: Actually po, naririto po kami sa Philippine Medical Association compound po at iyong amin pong auditorium ay puno po ngayon ng ating mga media partners natin at nagkaroon po tayo ngayon ng launching ng ating National Vaccination Days in cooperation with the Philippine Medical Association and IATF po and DOH. At nakita po natin na dinagsa rin po ng mga mamamayan natin for boosters ang ating mga bakunahan. At nakikita po ninyo diyan sa inyong monitor, ito ay kanina pa po silang umaga naghihintay para sa booster doses, at nag-set up na rin po kami ng isang clinic para magdiri-diretso po iyong pagbabakuna namin. Kasi iyong bakunahan po namin dito sa PMA ay during Thursday and Friday lang, pero maglalagay na po kami ng isang clinic para po diyan sa mga walk-in at saka po iyong mga dating pasyente ng Philippine Medical Association. Kasi may indigency clinic po kami dito na pansamantalang nahinto po, kasi gawa ng COVID, pero i-open na po namin iyon for vaccines po.

Kaya po hinihikayat po namin iyong mga gustong magpabakuna, walk-in po for booster doses o dati na po nabakunahan. Basta dalhin po ninyo ang card at nakakonekta po kami sa City Health po ng Quezon City at naano po namin na ibibigay po doon ang mga karampatang bakuna po para sa booster dose at ito po ay magiging araw-araw na rin po, katulad po ng mga gagawin po namin sa ibang mga clinic ng mga doctor. At ito pong clinic na mga ito, eh naka-coordinate po lahat sa Regional DOH.

Ito pong plano po naming ito ay pinalulunsad muna namin sa National Capital Region, Central Luzon at Southern Tagalog Region po. And katulad po kagabi, nag-meeting po kami ng mga pinuno ng mga regional governors po ng Philippine Medical Association at sa mga component societies at interested din po ang ibang mga regions at siguro next week, i-extend na po natin ito sa ibang regions, especially in Luzon and sa Visayas and Mindanao po na regions ng Philippine Medical Association. Ito po ay coordination ng mga regional governors, through the Regional DOH po, para direct po ang aming komunikasyon with the DOH and sila po ang magkukonekta sa LGU.

At inaasahan po namin na marami pong sasama dito, kasi ngayon po, nakita natin na nag-umpisa na ang mga clinic ng mga doctor, kasi nasa Alert Level 1 na po tayo at bumaba na ang ating kaso ng COVID, unlike po doon sa ibang country na nagsi-surge pa, pero tayo mababa na at pinapaalam natin sa ating mga kababayan na huwag maging kumpiyansa at tayo po ay patuloy pa rin ang pagbabakuna lalo na po, we need po mabakunahan pa natin iyong 15 million po na kailangan ng boosters.

USEC. IGNACIO: Doc Ben, mayroon po ba kayong nakikitang concerns pa during ito pong duration ng National Vaccination Days? Kung mayroon, ano naman po iyong paghahanda ninyo para ito matugunan?

PMA PRES. DR. ATIENZA: Ang concern na lang po natin ay iyong mga doctor na sasali sa program na ito na dapat po sila ay makipagkonekta sa Philippine Medical Association, then ang Philippine [Medical] Association po ang nakikipag-coordinate po sa DOH and then the DOH will coordinate po sa LGU para po safe po iyong pagbabakuna natin sa mga clinic at saka po tama iyong proseso at saka ang magiging ano lamang namin dito, iyong reporting, kasi po kapag sa clinic, unlike po sa vaccination centers, may taga-encode, may taga-ano po, parang i-streamline na lang po iyong process ng pagri-report ng mga doctor para sa mga clinic.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ben, ano pa po iyong ibang plano ninyong partnership with the government pagkatapos po nito? Mayroon pa po ba?

PMA PRES. DR. ATIENZA: Ang partnership po natin, tutulong pa rin po tayo sa ibang mga concerns natin during this pandemic and after pandemic. Kasi ang isa pong concerns natin, bumababa po iyong pagbabakuna natin during this COVID pandemic. Iyong time po, bumaba po ang ating pagbabakuna among zero to two. Ibig sabihin po ay marami pa tayong mga bata na hindi nababakunahan kasi sa tagal na ng pandemic, umabot na ng two years, iyong mga bata pong ipinanganak noong 2020, 2021 ay magto-two years old na po iyan.

Dapat po magkaroon tayo ng [pagtutulungan]. Tutulong po ang Philippine Medical Association and the Philippine Pediatric Society sa pagbabakuna po, iyong tinatawag nating catch-up. Ibig sabihin, iyong mga hindi po nabakunahan during the pandemic ay dapat dalhin po sa mga health centers every Wednesday para po mabakunahan. At later on, siguro po, kung ano po, ganito rin po ang gagawin namin na puwede rin po iyong mga clinics namin ay magbigay din ng mga primary immunization sa ating mga pasyente na hindi po nabakunahan.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ben, kumusta naman po iyong estado ng ating doctors and hospitals ngayong patuloy po iyong pagbaba ng kaso COVID-19 sa bansa?

PMA PRES. BENITO ATIENZA: Medyo po ang nakikita po natin bumabalik na… higit sa lahat bumabalik na po iyong mga doktor sa kani-kanilang mga clinic na dati po ay natatakot mag-clinic at the same time iyong mga pasyente ayaw ring bumalik sa mga clinic ng mga doktor pero ngayon bumabalik na sila.

At ngayon makikita po natin na iyong mga naka-schedule na mga surgery, mga naka-schedule na mga procedures na dapat gawin sa ospital ay bumabalik na sila at nakikita na rin na sumisigla na iyong mga ospital at hindi na nakikita natin na dati na takot na takot iyong mga pasyenteng pumunta ng ospital.

At nakakatuwa kasi iyong mga healthcare workers wala nang masyadong nakaka-COVID tapos iyong mga medyo—ang sinasabi lang natin huwag tayong maging kampante, sundin pa rin natin ang minimum health care protocol, magsuot ng mask, huwag tayong mag-stay sa matataong lugar at saka ito pong mga kulong na areas.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ben, ano naman po iyong masasabi ninyo dito po sa pagbaba ng NCR sa Alert Level 1, ano po iyong naging epekto nito dito sa ating mga ospital at mga medical staff?

PMA PRES. BENITO ATIENZA: Itong sa level 1 naman natin, ang nakita natin na—katulad ng sinabi ko kanina, nagiging ano tayo, naging marami na iyong pumupunta sa mga ospital at saka nagiging ano na tayo parang malapit na tayo sa new normal kaya nga lang pinaalalahanan natin dapat talaga tayong mag-ano huwag maging complacent kasi nga katulad ng sinabi ko kanina nagiging ano iyong ating mga ano sa ASEAN ay mga ano, marami pa rin ang ano marami pa rin ang COVID like in Malaysia, itong Vietnam na dati ay wala ngayon ay nag-surge talaga ang COVID nila.

Kaya dapat maging—hindi tayo maging kampante, tuluy-tuloy na tayo para mapakita natin kasi sa ASEAN countries tayo, ilan na country na lang iyong below, below ang COVID, below 1,000 at tayo ay nagbi-below… sana mag-below 500 pa.

At nakikita natin na napakagandang tingnan na ang ating ano po iyong pagbabakuna ay malaki talaga ang naitulong sa atin para mamintina na sa atin ang Alert 1 at bumaba ang COVID cases at naging malapit na tayo sa new normal.

Sana mas marami pa ang magpabakuna kasi sinasabi natin there are two million pa na mga mga senior citizen na hindi pa nagpapabakuna at saka itong mga may comorbidity 200,000, sana magpabakuna sila at ang inaano natin na sana magpa-booster dose iyong fifty million pa nating mga kababayan na nabigyan na ng first and second dose.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras, Philippine Medical Association President Dr. Benito Atienza. Mabuhay po kayo, Doc.

Sa puntong ito atin pong panoorin ang mensahe at panawagan ng Testing Czar at NTF Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon upang hikayatin ang publiko na magpabakuna. Narito po:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Nakasama pong nagbigay ng mensahe si NTF Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr.

Samantala, dahil sa patuloy na pagbaba ng COVID cases sa bansa sa tulong na rin nang maigting na pamamahagi ng bakuna sa ating mamamayan. Pinalakas pa ng pamahalaan ito pong strategies para lalo pang dumami ang mga bakunado sa bansa para tuluyan nang malabanan ang pandemya, kaugnay niyan makakasama po natin si NTF Against COVID-19 Medical Adviser Dr. Ted Herbosa. Magandang araw po, Doc Ted.

  1. TED HERBOSA: Magandang araw, Usec. Rocky. At magandang araw sa mga nanunood at sumusubaybay sa Laging Handa.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted, ano po iyong assessment sa mga bilang ng kaso ng COVID sa bansa at mga bilang ng mga bakunadong kababayan sa unang quarter po ng taon?

  1. TED HERBOSA: Well, napakaganda ano, napababa natin ang kaso ng mga Omicron or COVID-19 cases at tuluy-tuloy ang pagpadami ng ating mga vaccinated individuals ‘no. Nag-umpisa na nga tayo today, nag-launch tayo ng National Vaccination Days Part 4 para makuha natin ang another 1.8 million na vaccination ‘no.

Tutok tayo sa mga booster doses, tutok din tayo sa mga senior citizens na kailangan maprotektahan natin para tuluy-tuloy nang hindi na bumalik ang mga cases ng COVID-19 sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Doctor, kasabay po ng pagbaba ng kaso sa bansa ito pong pagbaba rin ng bilang ng mga nagpapabakunang mamamayan natin. So ano po iyong dahilan nito, ano po iyong sitwasyon sa ating mga vaccination sites sa mga nakaraang araw?

  1. TED HERBOSA: Well, tuluy-tuloy ang pag-engganyo natin doon sa mga hesitant ano. Alam natin naman na karamihan ng mga gustong magpabakuna nakapagbakuna na dahil mayroon tayong supply ng bakuna. So hinahabol natin iyong mga walang access sa vaccination. So ginawa natin iyong mga istratehiya kagaya ng pagha-house-to-house, pagpunta sa mga opisina, pagpunta sa mga mall, sa botika, ngayon pati sa doctor’s clinic at sa Sabado pupunta pa nga kami sa ating ano, sa mga jail.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc Ted, ano naman po iyong ginagawa – bukod sa sinabi ng pamahalaan natin – para matugunan pa talaga itong sinasabing agam-agam pa rin o talagang sabihin ba natin nagiging parang kampante na po itong ating mga kababayan na ayaw na rin kunin maski iyong booster shot nila?

  1. TED HERBOSA: That’s correct, Usec. Rocky, ano. Ang pagbaba ng alert level akala ng ating mga kababayan ay wala ng COVID. Eh pinaalalahanan natin nandidito pa rin po ang COVID, mababa lang ang cases natin ngayon at any time nagbabadya iyan na puwedeng tumaas kagaya ng mga bayan paligid sa atin – sa Vietnam, sa Hong Kong, sa Malaysia, South Korea ang tataas ng numbers nila ngayon. Tayo ay nasa panahon na maganda ang ating sitwasyon dapat ngayon tayo kumuha ng oportunidad na magpabakuna lalo.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyan nga po Doc Ted, ano iyong inaasahan nating mangyayari dito po sa ating three-day vaccination, itong ikaapat na phase na po ng ating vaccination day?

NTF ADVISER DR. HERBOSA: Yeah, ang maganda dito sa Vaccination Day we accept all walk-ins ano, wala ng pre-registration. Basta malaman ninyong may bakunahang nangyayari sa inyong lugar na LGU, puwedeng pumunta kayo doon. Kung may vaccine na kayo, kagaya dito sa PMA, dala lang nila iyong vaccine card nila at binibigyan sila ng booster dose na kailangan nila.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc Ted, ano po iyong masasabi ninyo tungkol sa usapin naman ng pag-avail ng second dose ng booster shot?

NTF ADVISER DR. HERBOSA: Pinag-aaralan na po iyan. Mayroon tayong mungkahi sa ating Vaccine Expert Panel at nasa Technical Advisory Group of Experts kung kailangan ng second dose.

I think ang inirekomenda nila ay para sa mga senior citizen at iyong mga may comorbidity ang puwedeng bigyan after three months yata after the booster dose. Pero pinag-aaralan iyan para evidence-based ang polisiya natin. In the meantime, doon muna tayo sa first booster para sa ating 18 years old and above.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted, tanong ko lang iyong tanong ni Leila Salaverria ng Inquirer para sa inyo: Ano pa ang pinag-aaralan kaya hindi pa rin po pinapayagan ang booster shot sa twelve to seventeen years old? Hindi ba ito considered urgent kagaya ng pagpapa-booster sa adult?

NTF ADVISER DR. HERBOSA: Well, number one, mababa pa ang ating booster doses ‘no. 64 million na ang fully vaccinated pero nasa ten million pa lang ang ating booster. So, kapag nagbigay ka na ng second booster baka hindi na magpabakuna iyong iba.

So, unahin natin ang prayoridad, mabigay lahat ng primary booster doses sa lahat ng natapos na ng second dose three months or earlier.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, kuhanin ko na lang din iyong reaksyon ninyo dito sa higit isang linggong napasailalim na po tong NCR sa Alert Level 1 at ibang lugar pa. So, ano po ang masasabi ninyo sa sitwasyon natin ngayon, tingin ninyo po ba kaya na ng buong bansa na bumaba na sa Alert Level 1?

NTF ADVISER DR. HERBOSA: Well, maganda iyong sitwasyon natin. Kahit nag-open-up na ang National Capital Region, mayroon tayong mga campaign, nagkakaroon tayo ng tuloy na pagbaba ng kaso at so many days below 1,000 ang ating new cases.

Ang ginawang pamantayan naman ng IATF ay mayroon tayong batayan na maganda, criteria na maganda, apat iyon: Iyong ADAR mo below six, iyong Average Daily Attack Rate; iyong hospital utilization mo is less than 50%; tapos iyong vaccination rate mo mataas, above 70% of your target population; at 80% ng senior citizen or A2 nabakunahan mo na.

So, rirebyuhin ng IATF, alam ko may meeting sila ngayon, rirebyuhin nila iyong mga lugar na nasa Alert Level 2 kung puwede na silang ibaba sa Alert Level 1 kagaya ng mungkahi noong Monday ‘no.

So, maganda iyan. Basta walang bagong kaso, tuluy-tuloy lang tayo pagsuot ng mask, paghugas ng kamay at making sure umiwas sa matataong lugar.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted, kuhanin ko na lamang iyong mensahe ninyo sa ating manunood partikular sa mga hindi pa po nagpapabakuna. Go ahead po, Doc Ted.

NTF ADVISER DR. HERBOSA: Thank you, Usec. Rocky.

Naku! Lahat ng ating mga kababayan talaga pong epektibo lahat ng bakuna ‘no. Lahat sila ay nakita nating beneficial, nakalaban tayo sa Omicron dahil marami sa ating mga kababayan ay vaccinated.

So, habang mayroon tayong oportunidad, itong National Vaccination Days Part 4 ay inaanyayahan natin lahat ng hindi pa nabo-booster, lahat ng mga senior at lahat ng mga kababayan natin na hindi pa nabibigyan ng primary na magpabakuna na.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong pagsama sa amin, NTF Against COVID-19 Medical Adviser Dr. Ted Herbosa. Ingat po kayo, Doc Ted.

NTF ADVISER DR. HERBOSA: Maraming salamat, Usec. Rocky. Ingat kayo.

USEC. IGNACIO: Para po sa pinakahuling pangyayari sa iba pang mga lalawigan sa bansa, puntahan po natin si Jam Sison ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Jam Sison.

Iba’t ibang programa ang isinasagawa ng Baguio School of Arts and Trade bilang pakikiisa sa Women’s Month celebration sa summer capital ng bansa. Karagdagang detalye mula kay Eddie Carta ng PTV-Cordillera.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At iyon po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw.

Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita po uli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center