Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas; ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio.

Ngayong ikalabing-isa ng Marso, araw ng Biyernes, ating makakausap ang mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang malaman at makialam sa mga impormasyong dapat mabigyan ng tugon at siksik po ang ating talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH!

Inilabas na ng Department of Budget and Management ang tatlong bilyong pisong pondo para sa iba’t ibang ayuda ng pamahalaan sa gitna nang mataas na presyo ng produktong petrolyo ngayon. Kabilang na rito ang 2.5 billion pesos para sa fuel subsidy program ng Department of Transportation at 500 million pesos para sa fuel discount program ng Department of Agriculture.

Para sa fuel subsidy program, 6,500 pesos na financial assistance ang matatanggap ng higit 377,000 public utility vehicles at delivery services drivers; habang sa fuel discount program naman nasa tatlong libong pisong halaga ng discount cards ang maaaring matanggap ng mga magsasaka at mangingisda na gumagamit ng mga makinaryang pinatatakbo ng krudo.

Ayon sa LTFRB, sisimulan ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga jeepney operator at tsuper sa susunod na linggo.

Pangungolekta ng excise tax sa mga produktong petrolyo makakatulong umano upang maiwasan ang lalong pagtaas ng presyo ng petrolyo sa bansa. Ang detalye, narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Idinagdag ng IATF ang Iloilo City sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 o new normal sa bansa epektibo hanggang March 15. Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar, napagpasyahan ito ng IATF matapos maabot ng lungsod ang criteria para sa deescalation. Sa ngayon apatnapung lugar na sa bansa ang nasa ilalim ng new normal kasama na ang Metro Manila.

At upang bigyan tayo ng karagdagang impormasyon tungkol sa maaari pong pag-deescalate ng alert levels sa Alert Level Zero at iba pang usapin sa lokal na pamahalaan, makakasama natin si Undersecretary Epimaco Densing III ng DILG. Good morning po, Usec.

DILG USEC. DENSING III: Magandang umaga Usec. Rocky. At sa lahat ng mga nanunood at nakikinig, magandang umaga rin po.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kinumpirma po ni Secretary Francisco Duque III na mababa pa rin po itong naitatalang kaso ng nagpupositibo sa COVID bagama’t nasa Alert Level 1 ang NCR at ibang probinsiya sa bansa. Sa panig po ng DILG, kaya na po ba ng buong bansa na ilagay na tayo sa Alert Level 1 sa darating na March 16?

DILG USEC. DENSING III: Tama po ‘yan, nagkaroon lang po ng pagpupulong ang IATF kahapon at nakita po natin na halos buong bansa na po ay puwede nang ilagay sa Alert Level 1 nga. Kaya lang naglagay ho tayo ng kuwalipikasyon bago ka magkaroon or mai-qualify para sa Alert Level 1 at isa sa pinakaimportante dito ang vaccination rate – kailangan sitenta porsiyento ng target population po ay kailangan ay nabakunahan na at 70% ng senior citizens sa bawat lokal na gobyerno kailangan nabakunahan na rin.

Mayroon tayong mga lokal na gobyerno na iyong kanilang case data na tinatawag ano – iyong average daily attack rate, iyong two-week growth rate, iyong health care utilization rate – ay pasok na rin. Kaya lang dahil hindi pa nila nakukuha ang vaccination rate na gusto nating makamit ng mga lokal na gobyerno eh hahayaan pa sila sa Alert Level 2 kahit iyong kanilang case data ay puwede na ring mag-Alert Level 1.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., bukod diyan sa mga sinabi ninyo, mayroon pa bang pagbabago sa mga guidelines sakaling matuloy ito at ano po iyong mga posible pang mabago bukod doon sa nabanggit ninyo na nga pong pataasin pa itong vaccination?

DILG USEC. DENSING III: Well noong nakaraang linggo, naipalabas po natin ang revisions ng alert level system, iyong Executive Order 151, at nailagay po doon iyong deskripsiyon kung ano iyong mga panuntunan sa Alert Level 1. Kasi kung titingnan natin iyung nakaraang alert level system na ipinasa ng IATF o in-approve ng IATF noong bandang Oktubre eh walang description ang Alert Level 1 at nagulat po tayo na marami ng lugar ang puwedeng mag-Alert Level 1 kaya po ito’y tinutukan ng ating IATF.

At again, inuulit po natin, iyong ating mga kababayan na gusto pa ring pumasok sa mga tinatawag nating 3Cs area – closed areas at may close contact at crowded – kailangan tayo’y nakabakuna. So actually ang pundasyon nitong alert level system natin, Usec. Rocky, ay really mahikayat iyong ating mga kababayan na magpabakuna.

As of today medyo bumabagal po iyong ating rate of vaccination; as of yesterday we’ve started already with the National Vaccination Part 4 at medyo maganda-ganda po iyong resulta ng ating pagbabakuna. At ang kagandahan po nito, iyong ating mga barangay at mga lokal na gobyerno, nagbabahay-bahay na po. So in other words dinadala na po natin iyong bakuna sa mga bahay-bahay na hindi naaabot ang ating mga kababayan o iyong ating kababayan hindi makapunta sa mga vaccination centers.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nabanggit din ni Secretary Duque na pinag-aaralan ng gobyerno itong pag-deescalate ng alert level to Alert Level Zero. Napag-usapan na po ba ito, Usec.?

DILG USEC. DENSING III: Well, napag-usapan ang posibilidad na Alert Level Zero na tinatawag, ito na talaga iyong tinatawag nating “new normal” ‘no. Kaya lang hindi pa namin idinidetalye at tinatapos na po namin iyong tinatawag nating National Action Plan V. Ito na po ang magdedetalye ng pagrerekober ng Pilipinas economically mula dito sa COVID-19 ‘no.

Kaya lang, kailangan lang po nating tandaan as of today and until September 12 unless earlier lifted eh naka-National Public Health Emergency pa rin tayo kaya nga ipinapatupad pa natin ang Alert Level System. Pero ang kagandahan nito, Rocky, ipagpalagay natin na magkaroon ng Alert Level Zero na at talagang super normal na iyong ating sitwasyon, reding-ready na iyong ating sistema, itong alert level system, ang ating mga lokal na gobyerno natuturuan na.

At gusto nating sabihin kapag nag-Alert Level Zero, talagang binanggit ko sa pagdi-discuss o pag-uusap sa National Action Plan (NAP) 5 eh dapat nasa lokal na gobyerno na talaga ang pamamahala nitong COVID-19 dahil ang magiging pananaw na natin sa COVID-19 ay siyang ordinaryong sakit na lang o parang flu na lamang na nadadanas natin ng normal at regular.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, nabanggit mo na reding-ready tayo kapag posibleng ibaba tayo sa Alert Level Zero. Pero ano po iyong aasahan ng ating mga kababayan sakali pong ma-implement ito, maipatupad itong Alert Level Zero?

DILG USEC. DENSING III: Well, again, pinalalakas po natin iyong ating mga lokal na gobyerno kasi kapag nag-alert level system o Alert Level Zero na tinatawag eh talagang ang frontliner dito iyong mga local governments kaya isa sa mga gagawin po natin eh palakasin natin ang ating mga local government para ma-address itong mga potential na mga endemic na mangyayari sa kanilang mga lugar kasama na ang COVID-19.

At papasok ang national government kapag medyo napariwara at medyo kumalat sa buong bansa, papasok po diyan ang national government, papasok po ang IATF para sa policymaking and implementation at tutulungan ang mga lokal na gobyerno.

Isa sa mga mangyayari po dito, Rocky, baka kapag nag-Alert Level Zero at naipasa po iyong NAP 5 na tinatawag, eh baka mawala na po iyong National Task Force on COVID-19. So, ang mananatili na lang po dito iyong IATF base sa Executive Order na kapag mayroong endemic eh kailangan talagang IATF ang tumutugon nito. At again, local government na po ang mamamahala kung saka-sakaling magkaroon ng endemya at papasok ang national government to assist.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano po iyong dapat i-observe bago madeklara itong Alert Level Zero halimbawa po sa isang probinsiya?

DILG USEC. DENSING III: Kapag-nag-Alert Level Zero, siguro ang tinitingnan natin diyan iyong kabuuan na ng ating bansa na ‘no, pare-pareho na po ito. Ang nakikita ho natin dito base sa mga datos na nakikita natin noong mga nakaraang linggo, iyong numero ng kaso ng COVID-19 in terms of percentage ay halos pareho na rin sa mga percentage o numero ng kaso na nagkakaroon tayo ng ordinary flu.

So, ang isang importante ditong mangyari ay kailangan ma-declare na endemya na itong COVID-19. Kapag sinabi nating endemya na nadeklara, ibig sabihin, ordinaryong sakit na lamang ito na kakaharapin natin sa pang-araw-araw at hindi na siya nakakaapekto sa buong bansa.

At itong mga sinasabi natin na for example, limitation sa pagpasok sa mga area na may 3Cs, mawawala na rin po iyan sa Alert Level Zero. So, in other words, whether vaccinated ka or unvaccinated, makakapasok ka na sa mga lugar na mga 3Cs.

But again, inuulit ko, hanggat hindi pa natin nararating iyan at hindi pa nadedeklarang endemya – sa ating mga kababayan na nakikinig ngayon – importante pa rin na magpabakuna tayo kung hindi pa nababakunahan at kung nabakunahan po kayo eh kung puwede po magpa-booster kasi after six months ng pagpapabakuna medyo nababawasan na po ang antibodies mula sa bakuna. So, niri-request po natin, hinihikayat natin ang ating mga kababayan na magpa-booster shots po.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa ibang usapin naman po. Ano po iyong reaksiyon naman ng DILG sa inilabas na TRO ng Korte Suprema dito po sa Oplan Baklas ng Comelec sa private properties? Ano po iyong bahagi ng DILG dito?

DILG USEC. DENSING III: Opo. Ang lokal na gobyerno, ang mga barangay natin specifically at ang ating Philippine National Police ay isa sa mga inaatasan ng COMELEC para magpatupad ng kanilang mga Comelec resolutions o rules of campaign ano.

At tatandaan po natin, sa tuwing kapanahunan ng kampanyahan at eleksiyon, ang COMELEC po ang isa sa pinakamakapangyarihang ahensiya ng gobyerno o constitutional body. So dahil po mayroon pong TRO ang ating Supreme Court, iginagalang po natin iyan, so ang ipinagbabawal lang naman po as of the moment, sa susunod na walo pang araw kasi ten days na TRO po ito at pinasasagot po ang COMELEC – huwag magbabaklas ng mga campaign materials na nakasabit po sa mga pribadong pag-aari o pribadong mga bahay,

So, in other words, kapag mayroong mga campaign materials na makikita natin sa mga bahay kahit gaano pa ito kalaki eh rerespetuhin po muna ito hanggat sa magkaroon ng pormal na desisyon ang ating Supreme Court kung tama nga ba na puwedeng baklasin ng COMELEC o ipag-utos ng COMELEC na baklasin ang mga campaign materials sa mga pribadong bahay at mga pribadong pag-aari kung ito ay lumalabag sa laki ng size ng campaign materials.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, dumako naman tayo sa issue ng e-sabong. May update na po ba sa imbestigasyon ng PNP at NBI hinggil sa mga nawawalang sabungero?

DILG USEC. DENSING III: Well, ongoing po, Usec. Rocky, ang pag-i-investigate ng ating kapulisan at base sa kautusan ni Executive Secretary Medialdea, isinasama po ang NBI para mag-imbestiga kung nasaan at anong nangyari sa mga nawawalang sabungero.

So, ongoing po ang investigation and kapag mayroon ho tayong latest na puwedeng ilahad o ihayag sa ating mga kababayan eh ipapasabi ho namin sa inyo para updated po kayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Kuhanin ko na lang iyong mensahe ninyo, Usec, sa ating mga kababayasn. Go ahead po.

DILG USEC. DENSING III: Sa ating mga kababayan, panahon na po ng kampanya, ang ipinapakiusap lang po namin na kayo ho mismo whether kandidato kayo, supporter o tagapakinig sa atig mga nagkakampanya, na pagsabihan po ang mga nagkakampanya na sumunod po sa mga health standards/health protocols natin kasi tandaan po natin hindi pa ho tayo officially na nakakalabas sa COVID-19 situation natin. Importante po ang disiplina sa pagkakampanya. Matuto po tayong manita at tayo na mismo ang magdisiplina sa ating mga sarili sa kampanyahan ngayon.

At of course importante sa lahat, dahil kampanya at namimili po tayo ng ating susunod na mga lider ng ating bayan eh kilatisin po ninyo ang mga kalidad ng ating mga kandidato at makapili po sana kayo ng tamang mga kandidato. And again, inuulit ko, again within the standards of health protocols in campaigning.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong panahon, DILG Undersecretary Epimaco Densing. Stay safe po.

DILG USEC. DENSING III: Salamat din po, Usec. Rocky at magandang umaga po sa inyo.

USEC. IGNACIO: Atin naman pong alamin ang panig ng mga espeyalista ukol sa kahandaan ng Pilipinas sa maaaring pagsailalim sa bansa sa Alert Level Zero at iba pang usapin sa bagong variant. Makakasama po natin si Infectious Diseases Specialist, Dr. Rontgene Solante.

Magandang araw po, Doc!

DR. SOLANTE: Good morning, Usec. Rocky!

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, pinag-uusapan na po iyong posibleng maging guidelines sa ilalim ng Alert Level Zero. Sa tingin ninyo po handa na po kaya ang ating bansa o iyong ating mga kababayan para dito?

DR. SOLANTE: Well at this point, based on the metrics na nakikita natin ngayon especially sa pagbaba ng mga kaso at saka iyong healthcare utilization rate natin, ito iyong dalawang tinitingnan namin na if ever we will be downgrading to Alert Level Zero, mukhang ready na tayo, Usec. Rocky, ‘no.

But siguro, we still have to maintain iyong mask natin ‘no, iyong pagsusuot ng face mask even if we’ll be on Alert Level Zero because I think that’s the more important part of protection even if other limitations will be lifted.

USEC. IGNACIO: Opo. Bukod po diyan sa face mask, bilang infectious disease expert, ano po ba iyong tingin ninyo na dapat o mahalagang nakapaloob pa rin na guideline sa Alert Level Zero? Ano rin po iyong posibleng ipinagkaiba nito pagdating po sa paggalaw ng mga tao during pre-pandemic?

DR. SOLANTE: Iyong sa Alert Level Zero, nakita namin iyan na kumbaga parang ordinary infection na lang ang pagtrato natin ng COVID-19 ‘no kagaya ng influenza, kagaya ng tuberculosis or even Dengue. But since we know that the Omicron variant is still in the community and mataas pa rin ang hawaan and also an important factor din na iyong vaccination natin hindi pa rin umabot tayo ng 90%, then we presume that retaining these protocols – the facemask, hand washing should be an important component to an Alert Level Zero.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero kung kayo po ang tatanungin: How soon bago po maabot o posibleng ma-implement itong sinasabing Alert Level Zero, Doc?

DR, SOLANTE: [garbled] lahat iyan at titignan ng IATF iyan ‘no. Ang isa sa mga importanteng factors po dito – kung ako ang tatanungin – is kung sana maabot natin ang 90% vaccination rate ng population natin. In itself, medyo mataas-taas na ang rate natin. So, hindi na tayo matatakot sa mga spike or a little spike or surge of the COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. Tungkol naman po dito sa sinasabing COVID variant ng Delta Omicron o Deltacron na na-detect sa Europe. What do you know about this variant ba?

So far, ganito rin po iyong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times at ni Rafael Bosano ng ABS-CBN: May dapat po ba daw ikabahala ang publiko dito sa Deltacron?

Okay, nawala sa ating linya ng komunikasyon si Doc. Solante, babalikan po natin. Naririnig ninyo po ba? Babalikan natin si Doc. Solante.

Mga nasunugan sa Silay City at Pulo Pandan, Negros Occidental ang tumanggap naman po ng tulong mula sa tanggapan ni Senator Christopher Bong Go nitong Martes sa kabila ng napaulat na pagtaas ng kaso ng depresyon sa buong mundo dahil sa COVID-19 pandemic, tiniyak ni Go, na naka-agapay ang Duterte administration para mapagtagumpayan ang laban sa pandemya. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, sa Miranda Quiapo Church binuksan na rin po sa COVID-19 vaccination bilang bahagi ng ika-apat ng Bayanihan Bakunahan. Mga nais magpabakuna maaring mag-walk-in. Ang update ihahatid ni Mark Petalco:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong report Mark Petalco.

Samantala, balikan na po natin si Doctor Solante, Doc. Solante. Doc. Rontgene, ulitin ko lang po iyong tanong kanina bago po tayo maputol.

Ito po iyong tungkol doon sa sinasabing COVID variant na Delta Omicron o itong Deltacron na na-detect daw po sa Europe. Ano daw po itong variant na ito so far?

Ganito po iyong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times at ni Rafael Bosano ng ABS-CBN: May dapat daw po bang ikabahala ang publiko dito sa Deltacron.

Doc. Solante, naririnig ninyo po ba ako? Doc. Rontgene.

Okay, aayusin pa po natin ang linya ng komunikasyon kay Doc. Rontgene Solante. Magbabalik po ang Public Briefing LagingHanda PH!

[ADVERTISEMENT]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Samantala, atin pong alamin ang mga karagdagang impormasyon ukol po sa mga vaccines na binabalak i-donate sa ibang bansa at update tungkol sa mga COVID medicines. Kasama po natin si Director Oscar Gutierrez, ang OIC po ng Food and Drug Administration. Magandang araw po, Director?

FDA OIC/DIR. GUTIERREZ: Magandang araw, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Director, sa panayam po kay DOH Secretary Duque, sinabi niya na ido-donate daw po iyong mga vaccine na malapit nang mag-expire sa mga bansang nangangailangan pa nito. Inihayag din niya iyan, na naka-base po sa desisyon ng FDA, kung i-extend daw po iyong shelf life ng mga malapit na pong mag-expire na vaccine. Ano po ang update dito, Director?

FDA OIC/DIR. GUTIERREZ: Usec. Rocky, magandang desisyon iyon kung ang Pilipinas ay makapag-donate ng bakuna sa ibang bansang nangangailangan. Ang pag-extend po kasi ng shelf life ay ayon po iyan sa WHO guideline on stability evaluation ng bakuna. Ito po ay na-publish pa ng 2006. Marami na pong na-extend na shelf life ang FDA, hindi po bababa sa walo. Ngayong araw lang po, apat po iyong ilalabas namin, extension po ito ng shelf life ng bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Director ano po iyong kailangang i-consider sa pag-extend ng shelf life ng vaccines, bukod po dito sa sinabi ninyong wala pong guidelines sa WHO?

FDA OIC/DIR. GUTIERREZ: Ang manufacturer po kasi ay sadyang nagtatabi po iyan ng mga bakuna, bawat batch po ng bakuna, mayroon pong itinatabi iyan na tinatawag na retention sample. Patuloy po ang kanilang pag-conduct po ng test para masiguro po ang produkto ay stable. Several parameters po ang inaaral nila, mayroon pong tinatawag na chemical, physical, biological at microbiological. Sa FDA po, importante po na ang value ng mga test na ito ay hindi po nagbabago. Kaya po ang bakuna po, ang pinakaimportante po dito ay iyong tinatawag na potency, hindi po nagbabago iyong potency. Kapag ang bakuna po ay hindi po nagbago itong tinatawag na chemical, physical, biological and microbiological properties, hindi rin po nagbabago ang profile ng safety, efficacy and quality ng produkto.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyan nga din po ang sunod na tanong ng ating kasamahan sa media. Baka may maidagdag lang po kayo. Mayroon po bang epekto sa bisa ng bakuna ang tatanggap ng bakuna sakali pong i-extend ang shelf life nito? Ganito rin po iyong tanong ni Vivienne Gulla ng ABS-CBN: Anong brands daw po at gaano katagal po ang extension at gaano karaming doses ang ipapamahagi?

FDA OIC/DIR. GUTIERREZ: Kagaya po ng sinabi ko, hindi po mag-aaprub ang FDA kung mayroon pong nagbago sa safety, efficacy and quality profile ayon po sa datos na isinabmit sa amin ng manufacturer. Pagdating po sa dami ng ido-donate sa ibang bansa, ang National Vaccination Program po ang makakaalam niyan at hindi po ang FDA ang magdedesisyon.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang pong tanong si Tuesday Niu ng DZBB: Anu-ano daw pong brand ng bakuna ang ilalabas nila na may extension ng shelf life today?

FDA OIC/DIR. GUTIERREZ: Opo. AstraZeneca po iyon, apat na batches of vaccine iyong na-evaluate ng FDA. At noong nakaraan po, mayroon na po kaming naaprubahan na walo na AstraZeneca batches of vaccine.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, tanong naman po ni Red Mendoza ng Manila Times: May mga nadagdag po bang mga manufacturer ng gamot laban sa COVID-19, ang nag-apply ng compassionate permit or EUA sa FDA? Kumusta rin po iyong regulation sa mga gamot na ito?

FDA OIC/DIR. GUTIERREZ: Usec. Rocky, masaya ko pong binabalita sa iyo na naaprubahan na po namin ang Paxlovid kahapon. At mayroon pong nadagdag na isang Molnupiravir na gamot, ito po iyong galing ng Bangladesh, Molenzavir po ang pangalan. Iyon po ang update ko.

USEC. IGNACIO: Iyong inaprubahan po ninyo iyong para sa EUA po iyon ng FDA, Director?

FDA OIC/DIR. GUTIERREZ: EUA po iyon, Usec. Rocky. So, dalawa na po ang oral anti-viral treatment natin against COVID-19 – Paxlovid and Molnupiravir.

USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Kumusta na po iyong availability naman ng mga antigen test kits sa mga botika? May mga nadagdag na po bang mga brands na puwedeng ibenta na sa merkado?

FDA OIC/DIR. GUTIERREZ: Tatlo pa rin po iyong ating naaprubahan. Wala pong nadagdag sa ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, mayroon din po bang balita tungkol dito sa mga kumakalat daw po na pekeng medicine na binebenta sa mga sari-sari store? So far, ilan na po iyong mga nahuli at ano po iyong mga parusang ipinataw sa kanila?

FDA OIC/DIR. GUTIERREZ: Iyong mga ginawa naming kampanya noong bandang January, February, ayon po iyon sa reported cases po iyon eh. Mayroon pong nag-report na mga legitimate drug outlet at inaksiyunan po namin. So far po, wala na pong nagri-report at maganda po ang ginawa po ng DILG, naglabas po sila ng kautusan sa mga kapulisan na ma-monitor po natin ang sari-sari store. Patuloy naman po ang aming pakikipag-ugnayan sa DILG tungkol dito at ang masasabi po natin na pagdating po sa online COVID-19 related products ay patuloy po kaming nagmo-monitor, may ugnayan po kami sa Shopee, sa Lazada, even sa facebook para matanggal po itong mga produkto na hindi dapat ina-advertise o ino-offer for sale sa online. So ganoon po.

USEC. IGNACIO: Director, kunin ko na lamang po iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan, lalo ngayon na mayroon po kayong inaprubahang EUA. Go ahead po, Director.

FDA OIC/DIR. GUTIERREZ: Kagaya po ng lagi kong sinasabi, ang FDA naman po ay nandito, para siguraduhin po na ang produkto po na nasa merkado ay safe and effective and quality. Kung mayroon po tayong nalalaman, ipagbigay-alam po ninyo sa FDA. Iyon lang po, Usec. Rocky. Marami pong salamat.

USEC. IGNACIO: Kami rin po ay nagpapasalamat sa iyong pagsama sa amin ngayong umaga at sa inyong pagbibigay-impormasyon, FDA OIC director Oscar Gutierrez. Ingat po kayo.

FDA OIC/DIR. GUTIERREZ: Salamat po.

USEC. IGNACIO: Samantala, balikan na po natin ulit si Dr. Solante. Doc., magandang umaga po ulit!

DR. SOLANTE: USec. Rocky, good morning ulit!

USEC. IGNACIO: Opo. Ito po ulitin ko po ulit iyong tanong natin kanina, bago po tayo naputol, paumanhin po ano po. May dapat po ba daw ikabahala ang publiko dito sa Deltacron? Iyan din po iyong tanong ng ating mga kasamahan sa media.

DR. SOLANTE: Well for now ‘no the data are still limited, hindi pa ganoon kalawak kung ano ang behavior ng combination ng Delta at Omicron. But personally, I believe that, with this recombination, it will not affect much, so hindi masyadong nakadagdag ito sa virulence. But may implication ito, that ganoon pa rin sa transmission, because if the Delta is combined with an Omicron, the Omicron has the more and heavily mutations ‘no.

So, titingnan natin kung anong mga mutations nito, kung ano ang mas marami and I would surmise, mas marami dito ang Omicron over that of the Delta. And if this is the case, then we will still be dealing with the more transmissible virus, just like the Omicron, but I doubt it will cause severe infection and we are now at this point, USec. Rocky na marami na ring nabakunahan. So, I think humihina na rin talaga ang severity nitong virus na ito, especially for the younger population.

USEC. IGNACIO: Opo . Doc, ayon din sa WHO, dapat daw po maging maingat sa pag-interpret ng downward trend sa mga naitatalang COVID-19 cases, dahil posibleng dulot daw po ito ng mababang testing rate? Ano po ang masasabi ninyo rito, puwede rin po ba kaming bigyan kami ng clear picture pagdating po sa estado ng COVID testing natin so far?

DR. SOLANTE: Okay. Tama iyong sinabi ng WHO ‘no, kasi iyong current cases natin may not be the true picture of what is really going on in the ground. Unang-una alam natin may mga iba diyan na hindi na nag-RT-PCR, nagpapa-antigen test na lang at iyong mga naka-antigen test, hindi naman nagre-reflect iyan doon sa mga report natin ‘no.

And pangalawa, iyong mga may sintomas and I see it, there are still those who have symptoms and there are still those who are in the hospital ngayon, talagang mayroon pang severe COVID, but not as many as that compared during the Delta surge. Pero iyon nga, we have to be cautious in terms of interpreting these data and at times ‘no.

Iyong padalus-dalos na pag-declare ng Alert Level 1 to Alert Level Zero, I think that should be made in terms of a very extensive evaluation at decision-making dapat talagang susuriin muna. Hindi natin kaagad ibaba and as we always mentioned, napakaimportante ngayon ang [garbled] pa rin at saka iyong vaccination.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Red Mendoza ng Manila Times: Dalawang taon, matapos po itong community transmission nitong COVID at ang lockdown sa Luzon, ano na po iyong inyong masasabi sa naging response ng ating mga frontliners? Hopeful po ba kayo na kakayanin natin itong posibleng hamon ng resurgence ng COVID-19?

DR. SOLANTE: Well, sa frontliners naman ‘no, talagang we are always ready for that ‘no. Kasi iyon naman ang role natin sa hospital.

Pero at the moment na ngayon mababa ang kaso, dapat hindi tayo maging kampante pa rin, because I would say, there is still a possibility na puwede tayong mag-spike, puwede tayong mag-surge. Number one factor, because of the downgrading of the alert level, crowding, tapos iyong mga political rallies and the expected waning protection sa mga bakuna in the next few months.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, kunin ko na lamang iyong inyong mensahe sa ating publiko. Go ahead po, Doc Solante.

DR. SOLANTE: Okay. So may message here is we’ll focus on the vaccination, especially sa mga vulnerable population na tinitingnan natin na they will still be at risk kung hindi sila magpa-booster ‘no and that is why hinihikayat natin ang publiko to still get the vaccine and get the booster in their localities. Iyon lang, USec. Rocky. Maraming salamat po!

USEC. IGNACIO: Okay, kami rin po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay oras sa amin, Dr. Rontgene Solante, Infectious Diseases Specialist. Mabuhay po kayo, Doc!

Samantala, pumalo na sa mahigit tatlong milyong individual ang nabakunahan sa Davao Region. Kasabay po ng pag-arangkada ng ika-apat na Bayanihan Bakunahan, puspusan po ang paghikayat sa mga senior citizen at mga kabataan na mabakunahan kotra COVID-19, ang detalye ng report mula kay Julius Pacot:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayan tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Ako po si USec. Rocky Ignacio, magkita-kita po uli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center