USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas; ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio.
Pinaiigting na ang bakunahan sa A3 priority list, rehabilitation efforts ng environment sector at ang nagpapatuloy na repatriation assistance para sa mga OFWs – iyan po ang usaping hihimayin natin ngayong araw ng Biyernes.
Manatiling nakatutok, simulan na po natin ang isang oras na talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH!
Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa pagsisimula ng taong 2022. Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority, 2.93 million na Filipino ang walang trabaho nitong Enero o katumbas ng 6.4% – mas mababa ito sa 3.50 million noong October 2021 at higit 2% na mas mababa kung ikukumpara sa 3.96 million noong Enero 2021. Dahil dito pumapalo na sa 93.6% or 43.02 million ng mga Pilipino ang may trabaho nitong Enero. Higit 2% naman na mas mataas kung ikukumpara noong January 2021. Inaasahan namang mas maraming Pilipino pa ang nagkatrabaho matapos mailagay sa Alert Level 1 ang maraming lugar sa bansa kabilang na ang Metro Manila.
Senator Bong Go isinusulong ang Super Health Centers na layong mas mapalawak pa ang serbisyong medikal sa buong bansa. Narito po ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nanguna sa inagurasyon ng ilang proyekto ng pamahalaan sa Leyte kahapon. Kabilang na riyan ang bagong gawang Leyte Provincial Capitol at Tacloban City Bypass Road at nag-turnover din ang Pangulo kasama ang iba pang opisyal sa lugar ng completed housing units at Certificates of Land Ownership Award para sa mga Agrarian Reform beneficiaries at former rebels sa Region VIII. Sa kaniyang talumpati, muling iginiit ni Pangulong Duterte na nagampanan niya ang kaniyang mga pangako para sa bayan sa ilalim ng kaniyang termino. Kasabay nito, nagpasalamat din siya sa patuloy na suporta ng ating mga kababayan.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Sa nalalabing buwan na kasalukuyang administrasyon, paano nga ba mas pinaiigting ng environment sector ang pagsasakatuparan ng mga nasimulang programa partikular ang mga isinasagawang rehabilitasyon sa ilalim ng bagong talagang Kalihim, para pag-usapan iyan, kasama po natin si Secretary Jim Sampulna ang Department of Environment and Natural Resources. Welcome po sa Laging Handa, Secretary.
DENR SEC. SAMPULNA: Maraming salamat Usec. Rocky Ignacio sa pagkakataon na ito. At good morning sa libu-libo ninyong tagapakinig.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, pag-usapan po natin itong ongoing rehabilitation sa Manila Bay, kumusta po iyong isinagawang inspection ng DENR dito kamakailan at saang areas po naka-focus ang rehabilitasyon ngayon?
DENR SEC. SAMPULNA: Yeah. Itong Manila Bay natin ay tuluy-tuloy lang ang trabaho natin isa rehabilitasyon ng Manila Bay. Nakatuon ang ating gawain sa mga [garbled] maayos natin ang water quality ng tubig sa Manila Bay, ang ginagawa po natin ay pagsasara ng mga outpost, naglalabas ng maruming tubig kagaya ng outpost na malapit sa embassy ‘no, sa Rizal Park, outpost ng Faura at Remedios. Naglagay din po tayo ng pump para mag-push ng tubig papunta sa—na tubig galing sa Faura, Remedios para ang tubig ay mapadaan natin sa ating STP [sewage treatment plant] sa Abad para malinis na ang lahat ng mga di-discharge na tubig sa Manila Bay.
Nagsasagawa rin tayo, Usec. Rocky, nang malawakang saturation drive, nagpadala po ang labing anim na region ng apat na representative para magsagawa ng saturation drive para ma-check lahat ng mga establishments na malapit sa Manila Bay – kung sila ay illegal na nagdi-discharge ng maduduming tubig. Ito ay tumutulong din sa ating ahensiya ng EMB sa iba’t ibang region para gawin ito.
Sa ngayon ay tinututukan na rin natin ang matapos na paglatag ng dolomite sand mula embassy then 500 meters papuntang Abad – matatapos natin ito siguro ng Abril ngayong taon. Kasama na rin dito, Usec. Rocky, ang tuluy-tuloy na pagbaklas ng illegal na fish pen sa Manila Bay at sa nasasakupan ng probinsya ng Cavite. Sa usapin ng basura, patuloy pa rin ang pag-monitor ng compliance ng LGUs sa RA 9003 – kasama natin dito ang DILG. Marami na tayong nakasuhang LGU official dahil sa paglabag sa RA 9003.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, iyan nga po iyong ating susunod na tanong, Secretary ano po. Secretary Jim, marami daw pong establishment na nga iyong binuksan sa ilalim ng Alert Level 1. So far daw po, kumusta iyong compliance dito sa water waste management ng mga business establishment around the area po?
DENR SEC. SAMPULNA: Iyon na nga, nagpadala iyong labing anim na rehiyon ng tig-aapat na representante para tumulong sa NCR sa pagku-conduct ng saturation drive. Ita-try natin kung saan nanggagaling iyong mga nagbibigay ng maruruming output… iyong kanilang tubig.
Ngayon ang ating Manila Bay ngayon ay from millions ay nasa—malapit-lapit na tayo sa target natin na 100 na—iyong tina-target natin na pamantayan, itong 100. So sa ngayon ay patuloy pa rin tayo, binabaklas pa rin natin ang lahat ng mga areas na dapat nating tingnan para itong mababaho – kasi when I visited the area, Usec. Rocky, may naamoy ako, masangsang pa rin na hindi masyadong kanais-nais – sabi ko, let’s look into this, tingnan natin para ma-perfect natin iyong ginagawa natin dito.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero ang tinatanong po ng iba, Secretary Jim, kung na-locate na po ba raw iyong mga nadiskubreng illegal drainage pipeline na dumidiretso po sa Manila Bay?
DENR SEC. SAMPULNA: Yes, na iyan hindi pa nagsa-submit ng report sa atin iyong nagsa-saturation drive. They are supposed to submit report to us within the week ‘no. Baka matatapos na within the week iyong ginawa nila. Ngayon, kung sino ang nagtatapon ng madumi pa sa dagat natin kung mapapatunayan po natin ang isang establisyimento ay nagtatapon ng marumi sa ating karagatan ay pa-file-an po namin ng kaso; ipapasara na namin kaagad.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Jim, nabanggit ninyo na rin po itong Dolomite ‘no. Kailan daw po iyong target na muling buksan itong Dolomite Beach sa publiko? At sa inaasahan pong pagbubukas, ano raw po iyong ilang magiging guidelines?
DENR SEC. SAMPULNA: Yes. Number one is we go back to the guidelines, we’ll go back to the IATF guidelines – social distancing, maglalagay pa rin ng face mask at huwag natin masyadong punuin [ang Dolomite Beach], kasi minsan naku-compromise ang social distancing kapag hindi natin naku-control iyong mga pumapasok. So tingnan natin iyong capacity ng area na hindi naman nagkukumpulan ang mga tao.
USEC. IGNACIO: Opo. Ito naman pong Boracay, Secretary, naging usapin po kasi iyong na-obserbahan na green algae o lumot kamakailan. Ano po iyong paliwanag dito, Secretary?
DENR SEC. SAMPULNA: Yes, marami-rami. Kaya nga noong last time na bumisita iyong mga kasamahan—sa totoo lang, Rocky, we I left Iloilo, hindi pa ako nakakabalik ng Boracay. But I’ll try my best to go there. But iyong report nga sa amin, kumukonti na raw iyong mga algae. Ang phenomenon na ito, matagal na ito, nandoon pa ako. When I was still the regional director there, tuwing summer po ay lumalabas po itong algae na ito. Pero nawawala din sila kapag natapos na iyong summer.
Ngayon, according to the report, kumukonti na raw ang algae sa atin sa [Boracay]. But anyway, I have instructed our research sector to conduct a study, iyong reason bakit nagkakaroon ng algae na ito. Ang sabi nila, because of phosphate, itong sabing ginagamit sa sabon; lumalapit daw sila sa sabon. Pero possible na ganoon, but ang pinagtataka ko, doon sa Carabao Island na wala namang gumagamit ng sabon doon, mayroon din silang algae doon sa kabila. So there could be another thing, another reason kung bakit lumalabas itong mga algae na ito.
And another thing, zero na tayo as far as [nitrate], iyong ginagamit na sabon ay zero tayo lumalabas doon sa mga testing natin. Kasi every day iyan, mayroong nagti-testing ng ating water diyan sa Boracay.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero alam naman po natin itong Boracay ang pangunahing tourist destination. Pero paano raw po tinitiyak ng DENR na mapapanatili po iyong kalinisan sa Boracay dito po sa pagbabalik ng mga turista lalo ngayong peak season?
DENR SEC. SAMPULNA: Kami sa DENR po, Usec. Rocky, ay sa aming palagay, maaari nating mapanatili ang kalinisan doon kung ang lahat ng mga establisyimento doon kagaya ng mga resorts, hotels, tindahan at restaurant at saka iyong mga nagpapabili ng mga small things ‘no ay magiging disiplinado including iyong ating mga turista, magiging disiplinado at susunod sa ating mga environmental laws and regulations. Sisiguruhin po ng DENR na palalakasin ang aming compliance, monitoring ng business establishment para doon sa mga hindi sumusunod ay maaari nating ipasarado.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kumustahin ko na rin po iyong monitoring ninyo sa coliform level ng Boracay beach. Hindi naman po ba nakakaapekto dito iyong pagdami ng turistang bumibisita or, naku, mga bibisita pa po diyan?
DENR SEC. SAMPULNA: Actually, sa ngayon ay malinis pa ang tubig ng Boracay, at sa tingin namin ay maaari nating maiwasan ang problema ng fecal coliform kung maipapatupad natin ang carrying capacity sa Boracay. Sa pag-aaral natin, dapat may limitasyon lang ang dami ng taong papasok sa Boracay at a given time para sa ganoon ay ma-manage natin ang problemang environmental sa Boracay. Kung papasok diyan na para bang kuwan na, wala na tayong control, talagang magkakaproblema tayo, Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po iyong ating kasamahan sa media, Secretary Jim. Mula po kay Job Manahan ng ABS-CBN: Dumami po ba raw iyong plastic waste na nakolekta noong 2021 compared noong 2020? Ano raw po iyong datos natin about this, kung lumala raw po ba o bumuti?
DENR SEC. SAMPULNA: Sa datos, I will provide you, Rocky, with the complete data on that dahil kung magsasalita ako dito baka sabihin ninyo lasing ako. Pero bumaba po, halos wala na hong mga plastic ngayon dahil disiplinado na masyado ang mga tao ngayon doon sa Boracay.
USEC. IGNACIO: Dagdag pong tanong ito ni Job Manahan ng ABS-CBN: Paano raw po mina-manage lalo na na mas dumami raw po iyong paggamit ng plastic ngayong pandemya? Ano raw po iyong hakbang na ginagawa ng DENR para malutas ang krisis sa plastic lalo na raw po at nangunguna din ang Pilipinas sa mga bansang nagku-contribute ng plastic waste sa world’s ocean base po sa isang pag-aaral?
DENR SEC. SAMPULNA: Yes, totoo po iyan. Actually, I myself, the DENR is supporting the bill banning the use of small plastic, ano. Kasi iyan ang hindi natin naku-control – shampoo, sabon, all of these things, hindi natin naku-control ito. Kaya sana, maipasa po iyong bill ng ban on plastic. Maraming nagla-lobby na hindi. Sana maawa po tayo sa ating daigdig, ano. Nag-iisa itong daigdig natin na sisirain natin. So I support fully the ban on plastic [unclear], Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pa rin pong tanong ni Job Manahan: Gumugulong na raw po ba iyong imbestigasyon sa Masungi Geo Reserve heckling incident? Paano raw po maa-assure ang publiko na protektado ang ating forest rangers?
DENR SEC. SAMPULNA: I would like to inform everybody that hindi forest ranger ng DENR iyong inatake doon. Iyon po ay forest ranger, hindi ko lang malaman ang forest ranger ng Masungi. But we are now on talking terms with Masungi, sana ma-solve na iyong problema dahil actually, the reason why they are there is only memorandum of agreement. Sana ay ma-formalize natin iyong stay nila diyan by issuing SAPA, iyong Special Agreement on Protected Area because Masungi, that area, there is a protected areas, nag-iisang protected area natin iyan dito sa banda ng country natin. So sana—we are now talking with Masungi and paanong magandang gawin namin.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa usapin naman po ng water supply, Secretary Jim. Ano daw pong paghahanda ang ginagawa sa bahagi ng DENR para daw po matiyak ang supply lalo na at pumapasok na po ang panahon ng tag-init?
DENR SEC. SAMPULNA: Yeah, actually ang DENR at ang National Water Resources Board or NWRB, which is also an office under the DENR, ay nakikipag-ugnayan sa ibang sangay ng pamahalaan kagaya ng MWSS at mga concessionaires, National Irrigation Association at mga samahan ng mga magsasaka sa Bulacan at mapangalagaan ang supply ng tubig na nanggagaling mula sa Angat Dam. Ilan sa mga ito ay sa pamamagitan ng paghahanda sa puwedeng mapagkunan ng karagdagang tubig bukod po sa Angat Dam, mula sa mga deep wells dito sa Metro Manila at mga water treatment facilities sa Laguna Lake, Marikina River at Cavite.
Naka-schedule din pong magsagawa ng cloud seeding operation na posibleng makatulong sa pagkakaroon ng ulan sa Angat water. Kasi napapansin ninyo, ulan ng ulan, hindi naman umuulan doon sa may Angat, malapit sa Angat Dam. Sa Mindanao, panay ang ulan, pero dito sa atin, wala.
Sa parte naman ng NIA at mga magsasaka ay sa tulong po ng tinatawag na shallow tube wells ay nagagamit po ng maigi ang tubig at least mula sa Angat Dam para mapangalagaan ang kasalukuyang nakatanim na palay.
Kaya kami po nananawagan sa ating mga kababayan na makatulong din sila sa pamamagitan ng responsible na paggamit ng tubig at pagtipid, matipid, mag-recycle at kung may pagkakataon, paano din po ang inyong lingkod, nakikipag-ugnayan sa ibang sangay ng national at lokal na pamahalaan na nagpapatupad ng water conservation. Ito po ay inisyu ng—may order pong inisyu ang ating Pangulo, itong Administrative Order Number 24 na iyong magtipid po tayo ng tubig.
USEC. IGNACIO: Secretary Jim, ito po ng sa natitirang ng administrasyong Duterte, ano daw po iyong—bukod sa mga nabanggit ninyo kanina, ano po iyong magiging focus sa nalalabing panahon sa ilalim po ng inyong pamumuno bagama’t alam po natin na medyo maikli po ito. Ano daw po iyong aasahan na ng publiko?
DENR SEC. SAMPULNA: Actually, tama ka, USec. Rocky at tatlong buwan na lang, actually magiging four months na trabaho ko dito sa atin. I focus on accomplishing what has not been done by predecessor, tatapusin ko dahil maggawa ng panibagong target natin or programa, dahil dapat ang ipu-focus natin ay kung ano ang mayroon tayo.
So, we will improve further our… itong administration natin ng environment and actually, number one na ginawa ko, USec. Rocky, sa organizational development sa DENR, after which—everything start from organization ‘no, so itong mga naka-focus natin, itong Boracay natin and so on and so forth.
Iyong ginagawa ng ating—mayroon po tayong Task Force Build Back Better na iniutos po ng ating mahal na Pangulo sa nasalanta ng Bagyong Odette. Iyon ay actually nagpalabas na po kami ng order na iyong mga kahoy na natumba during the typhoon Odette will be donated to the local government for our… para doon sa magamit ng ating mga nasalanta. Iyong mga ginagawa natin na nasa work plan natin at ipagpatuloy natin and hopefully we can deliver, USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Jim, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak sa amin, Secretary Jim Sampulna, Department of Environment and Natural Resources. Salamat po, Secretary!
DENR SEC. SAMPULNA: Marami rin pong salamat, USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Mas dumarami po ang mga kababayan nating nakakauwi ng bansa sa ilalim ng nagpapatuloy na repatriation assistance ng pamahalaan. Kaya naman po update sa pag-uwi ng OFWs at iba pang isyu, kaugnay niyan ay direkta pong sasagutin ng ating susunod na panauhin mula po sa OWWA, makakasama po natin si Arnell Ignacio, Deputy Administrator for Administration and Fund Management. Welcome po sa Laging Handa DA Ignacio?
OWWA DEPUTY ADMINISTRATOR ARNELL IGNACIO: Magandang-magandang umaga din sa iyo. USec. Rocky, it’s so nice to see you again.
USEC. IGNACIO: Opo. Da Arnell, kumusta po ang naging implementasyon nitong repatriation program ng OWWA ngayon at dalawang taon na rin pong nagsimula ang pandemya. Gaano na pong karaming OFWs daw po iyong ating natulungan na makauwi at magkano din po ang nagagastos na ng pamahalaan para sa kabuuan ng repatriation efforts na nagsimula March 2020 hanggang buwan pong 2022; ang haba ba ng tanong ko, DA Arnell?
OWWA DEPUTY ADMINISTRATOR ARNELL IGNACIO: USec, kumapit ka muna diyan, kapit ka sa mesa mo, kumapit ka, ito na iyong figures na magugulat ka kung paano ito—hindi ka kumakapit eh.
We have brought home – iyan kapit ha – a total—ito iyong lahat na, hindi lang iyong mga napauwi natin sa probinsya ‘no – lahat-lahat – 1.7 million OFW tayong natulungan na mai-repatriate itong panahon ng pandemya. Sa budget na noong 2020 P5.68 billion, 2021 P17.3 billion for a total of P23.05 billion, iyon na po ang ating nagagastos. Iyan naman po ang budget na nanggaling sa emergency repatriation fund na atin pong—nakahiwalay na pondo iyan para lamang dito sa pandemya.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero sa inyong datos, DA Arnell, gaano karami na lamang itong OFWs na kasalukuyang nasa quarantine hotels at saang mga bansa po nagmumula ang karamihan sa kanila? Ang tanong dito: Sapat pa po ba iyong pondo ng OWWA dito sa pagpapatuloy nitong repatriation program?
OWWA DEPUTY ADMINISTRATOR ARNELL IGNACIO: Ngayon, mayroon tayong mga OFWs sa mga 92 hotels, about 1,704 na mga OFWs ang inaalagaan pa natin sa mga hotel. Pero ito ay pababa na nang pababa itong numero na ito, hindi kagaya dati, kasi aabutin sila ng mga 14 days diyan. So, ngayon dramatically bumababa na iyong ating gastusin.
USEC. IGNACIO: Pero kaugnay pa rin ng nasabing usapin, kumustahin naman natin itong repatriation effort para naman po sa mga kababayan nating nagtatrabaho sa Ukraine na apektado ng kasalukuyang kaguluhan ngayon doon. Ano daw po iyong tulong na ating ipinaaabot sa ating mga kababayan na na-repatriate mula sa nasabing bansa?
OWWA DEPUTY ADMINISTRATOR ARNELL IGNACIO: Dito naman sa mga kababayan natin na naapektuhang mabuti ng Ukraine and Russia crisis, unang-una, constantly, almost every day, tayo ay nakikipag-zoom meeting sa kanila para naman maramdaman ng ating mga seafarers na hindi sila nag-iisa. Kasama niyang buong-buo ang pamahalaan na inaalalayan sila.
So far, sa Ukraine nakapag-repatriate na tayo ng mga about 652 na mga OFWs natin including seafarers at nagbigay ng cash assistance sa kanila, lalung-lalo na itong mga seafarers na kung ano na lang iyong nakuhang gamit ay iyon na lang iyong kanilang baun-baon sa pag uwi. So, binibigyan natin sila ng P10,000 na cash assistance hanggang pinakamabilis nating maiaabot ay ibinibigay na natin. In spite of the great challenge, iyong ating team, ang team work natin with of course ang lead agency natin, ang Department of Foreign Affairs, marami, USec. Rocky, marami, marami ditong mga sumusulpot na talagang bayaning-bayani ang kanilang kabayanihan, na kanilang ginawa para sa ating mga kababayan sa Ukraine.
USEC IGNACIO: Opo. Sa usapin naman ng ating mga bayarin kaugnay nitong repatriation program ng OWWA. Ano daw po iyong nagiging problema kung bakit daw po nadi-delay ‘di umano ang pagbabayad sa inyong tanggapan sa mga hotel owners at iba pang service providers na kasama ninyo, katuwang ninyo sa repatriation efforts at paano po ito tinutugunan ng inyong tanggapan?
OWWA DEPUTY ADMINISTRATOR ARNELL IGNACIO: Unang-una, Usec, gusto ko muna ring pasalamatan muna iyong mga hotel owners, hotel general managers and totally iyong partner nating mga hotels and airline and transportation sector sa kanilang malawak na pang-unawa.
Before the numbers, I’d like to assure them that in spite of the delays imposibleng hindi kayo mababayaran. Kasi alam mo naman, Usec. Rocky, hindi naman hawak ng OWWA ang pondo, ito lahat ay nanggagaling sa Department of Budget and Management and ngayon, with the leadership of Sec. Canda, napakaganda ng aming [garbled] and ngayon naman tuluy-tuloy na tayong nakakapag-release ng funds para sa ating mga hotels.
So it’s more of reassurance that I would like to provide dito sa ating usapan para marinig naman ng mga hotel owners. And actually, ito kahapon lang kausap ko iyong mga leaders ng kanilang mga asosasyon at nabibigyan na ng OWWA sila ng rason para gumanda-ganda ang kanilang paggising sa bawat araw dahil mayroon na tayong mga tsekeng ilalabas.
USEC IGNACIO: Iyan. Ito na iyong susunod kong tanong diyan tungkol sa sinasabi mo hinggil dito sa pamamahagi ng cash assistance para sa mga OFW na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa pandemya. Nabanggit mo na nga, baka may dagdag ka pa ano: Naumpisahan na ba itong pagru-rollout ng AKAP para sa mga pending ngunit may approved application na? At kung ito ay muli nang naumpisahan, gaano daw po karami ang mga nakakatanggap nitong cash assistance sa ngayon?
OWWA DEPUTY ADMINISTRATOR ARNELL IGNACIO: So far, sa DOLE-AKAP nakapagbigay na tayo ng aabot 554,648 sa mga motorists for a total of P5.25-B. And ito rin kapareho ng ating sitwasyon, ako rin humihingi ng pang-unawa doon sa magiging benepisyaryo ng AKAP.
Alam ninyo, iyong pondo kasi nito ay nanggagaling po ito lahat sa DBM. Wala po sa sangay ng OWWA o sa DOLE na nagpapabagal nito kasi alam ninyo naman ito ay public funds. So napakabusisi ng proseso para ito ay i-download sa amin para ito ay ipamigay.
Anyway, basta ito naman ay tuloy ang aming pag-uusap, tuluy-tuloy naman ang proseso para ito ay maipamigay sa lalong madaling panahon. Usec.
USEC IGNACIO: Opo. May tanong iyong ating kasamahan sa media DA Arnell mula kay Mela Lesmoras ng PTV: Kumusta naman daw po ang ating mga kababayan sa iba pang panig ng mundo tulad sa Japan matapos ang lindol doon, at sa Hong Kong at Korea kaugnay naman ng COVID surge? Ano daw po ang government response sa mga nabanggit na lugar.
OWWA DEPUTY ADMINISTRATOR ARNELL IGNACIO: Sa Japan wala naman tayong mga natatanggap na mga seryosong paghingi ng tulong pero ang Labor Attaché namin doon ay very, very effective naman, dalawa-dalawa ang ating POLO-OWWA diyan, isa sa Osaka at saka isa sa Tokyo. So, kung mayroon mang immediate na pangangailangan mabilis na matutugunan iyan ni Labatt Rose at saka ni Labatt Elizabeth Estrada, mga mahuhusay iyan.
Ngayon sa Hong Kong naman, sa Hong Kong ito sa ilang mga sumulpot na mga medyo [garbled] ibig sabihin lahat na iyan ay na-address, lahat na iyan ay natugunan na ng ating POLO-OWWA pati ng ating Con Gen sa Hong Kong. Kahapon lamang nag-zoom meeting kami with all the stakeholders and natugunan naman lahat iyan. Natugunan na lahat ng mga problema unless you will be forwarding a problem with me, so again I can respond with the specifics.
USEC IGNACIO: Opo. Pero DA Arnell, dito sa Korea mayroon bang mga Pilipinong humihingi ng tulong sa inyong tanggapan dahil nagkaroon din po ng surge ng COVID doon?
OWWA DEPUTY ADMINISTRATOR ARNELL IGNACIO: Oo, nagkaroon. Recently lang ano iyan, noong in-interview namin si Labatt Malaya, iyong ating Labor Attaché sa Korea. Ito, ang Korea kasi kaya ang numero kitang-kita natin na tumataas dahil sa napakabusisi nila talaga na pagti-test ng kaliwa’t kanan ng lahat ng mamamayan. Pero dito naman dahil sa efficiency ng kanilang sistema, very, very well-managed iyong kanilang response sa COVID.
Hindi naman nagkaroon ng dramatic effect ito sa pagtanggap ng mga trabahador, mga OFWs natin sa Korea. In fact, ano pa nga tuluy-tuloy tayong nagpapadala ng mga OFWs natin doon na pumapasok, lahat kadalasan sa manufacturing. And given the system it plays sa Korea, kung ano ang trato sa locals nila ganoon din ang binibigay na trato sa mga migrant workers natin. So, hindi tayo masyadong mag-aalala diyan in spite of the numbers of COVID dahil nga sa napaka-efficient nilang management ng kanilang COVID response.
USEC IGNACIO: Opo. Saan daw maaaring matawagan ang OWWA sakaling may concerns o nais na humingi ng assistance hinggil sa inyong mga programa ang ating mga kababayang OFWs o kanilang pamilya?
OWWA DEPUTY ADMINISTRATOR ARNELL IGNACIO: Ito ang hotline natin – 1348 para madali lamang ho ninyong mapindot. Apat na numero lang iyan – 1348, at mayroon na tayong nakuhang call center to answer your calls. Madalas naman ako ay nagla-live, sumali na lang kayo doon basta, Usec, ang panawagan ko lang lalo na doon sa mga may mga mahabang concerns sabihin lang nila iyong pangalan at huwag kalimutan ang bansa. Kasi kadalasan ikuwento, hindi naman binabanggit iyong bansa. At kung maaari madagdag na nila iyong mobile number nila, tatawag na kami kaagad kung ano iyong concerned na labor office natin para mabilis-bilis iyong response.
Kasi kapag mahaba iyong kuwento, Usec, mauubos iyong oras natin tutal naman iyong Welfare Officers natin all over the world they’re ready to get all the details. Ang importante lamang maibato natin doon kung sino ito – sino, anong bansa at ano iyong paanong paraan para sila ay makontak natin. And immediately we will act on it.
USEC IGNACIO: Opo. Hanggang kailan daw po inaasahang magpapatuloy itong repatriation assistance? Posible po bang maging permanent program daw ito sa ilalim ng Department of Migrant Workers?
OWWA DEPUTY ADMINISTRATOR ARNELL IGNACIO: Pagdating sa Department of Migrant Workers, ang IRR niyan ay binubuo pa iyong mga implementing rules and regulations pero initially, well ito ano, nasa nabasa ko lang ang repatriation niyan dahil iyan naman ay regular na programa ng OWWA – ang OWWA kasi hindi naman mawawala, hindi naman mawawala ang OWWA – it will remain as an attached agency of the Bureau of the Department of Migrant Workers, ang sinasabi iyong aming mandato ay tutuloy lamang.
So, ang repatriation ay kasama sa mandato ng OWWA, so most likely iyan ay magpapatuloy na programa natin. And of course abangan natin ang mga magiging improvements, enhancements o pagbabago kapag nabuo na ang implementing rules and regulations ng Department of Migrant Workers. But of course kami po sa OWWA kung ano ang kinakailangan as long as it’s within the boundaries of our mandate, wholeheartedly we will provide all the help that we can.
USEC IGNACIO: Opo. DA Arnell, dahil sa ating iyong pag-guest dito sa Laging Handa ay maroon na pong humihingi ng tulong sa inyo. Ito po ay inilapit ng aking kasamahan sa media, si Aileen Taliping ng DWIZ. May pamilya daw pong OFW na namatay sa Hong Kong. Kaibigan o kapitbahay niya sa Cagayan. Magri-request sila ng repatriation ng namatay na OFW. Ipu-forward ko po sa inyo iyong name. Noong March 2 siya namatay. Ano daw po iyong puwedeng gawin nila?
OWWA DEPUTY ADMINISTRATOR ARNELL IGNACIO: Ganito lamang po, ngayon na narinig ko na ano, kukunin ko iyong detalye mamaya pero para mas mabilis-bilis ang ating maging paraan ng pagkilos, pumunta na po sila doon sa ating Consul doon at tutulungan natin kaagad iyan. Mag-ugnayan tayo diyan. Hindi ho magiging mahirap iyan basta i-coordinate nila doon at the same time kikilos din kami dito. Kukunin ko lamang iyong mga detalye at para maibato natin doon iyong pangalan, iyong papaano sila makukontak. Parang narinig ko na ito. I think nasimulan na naming ayusin ito. I’m not sure kasi parang noong nabanggit mo iyong Cagayan parang naging pamilyar. Pero iyon po ang gawin nila. Iyon po ang gawin nila. And then after natin mag-off air kukunin ko rin po iyong detalye para dalawa, dalawa iyong magiging aksiyon natin.
USEC. IGNACIO: Totoo ‘yan. Lagi ko nga ring mini-message eh.
OWWA DEP. ADMINISTRATOR IGNACIO: Noong nakaraang Sabado, aba bagong kulot at bago ang lipstick.
USEC. IGNACIO: Okay. DA Arnell, nasa iyo ‘yung pagkakataon na magbigay ng mensahe sa ating mga papauwing OFWs, sa kanilang mga pamilya, gayun din po sa lahat ng mga katuwang na ahensiya at organisasyon ng OWWA. Go ahead, DA Arnell.
OWWA DEP. ADMINISTRATOR IGNACIO: Maraming salamat, Usec. Rocky. Ako naman, sa aking mga mahal na mahal na OFWs, ito lamang ang hinihiling ko sa inyo – bigay ninyo po ang tiwala ninyo sa OWWA. Kung minsan hindi kami nakakarating sa oras mismo nang ikaw ay tumawag pero ang sinisigurado ko po, ang OWWA po ay makakarating sa inyong tabi at hindi kayo pababayaan. Buksan ninyo po ang ating mga websites para—iyong OWWA app, mag-download ho kayo niyan para iyong detalye ng mga pangangailangan ninyo, sa mga programa eh kumbaga mayroon na kayong ideya kung ano. Huwag po tanung-tanungan lamang kapag hindi ho—ang tinatanong ninyo ay hindi naman taga-OWWA. Kaya kasi medyo naliligaw kami doon, Usec. Rocky, na kapag sila ay nabibigyan ng impormasyon na ligaw.
So ang OWWA naman ay mayroong OWWA apps, i-download ninyo ho iyan sa iyong mga cellphone o kaya kahit i-Google ninyo lang. Marami ho tayong programa, mayroon tayong mga scholarship program, mayroon tayong financing for your—kung mayroon kayong entrepreneurial plans, o tutulungan namin kayo diyan. Pero ang usapan lang natin eh ano rin, familiarize yourselves with the details of each program para ho mas maganda-ganda iyong ating palitan ng paliwanagan para mabilis-bilis iyong mai-deliver namin sa inyong serbisyo.
We have 17 offices in the Philippines and about 33 or 43 offices all over the world. Wala po diyan ni isa na mayroong pusong tatanggi na kayo ay tulungan. Iba-iba man ang pamamaraan ng pakikipagsalita pero magkakaterno po ang puso ng mga taga-OWWA – iyan po ay pumipintig para lamang sa inyong mga mahal naming OFWs. Totoo po iyan! Maraming salamat, Usec. Rocky!
USEC. IGNACIO: Maraming salamat din sa iyong panahon at pagbibigay-impormasyon, Arnell Ignacio, Deputy Administrator for Administration and Fund Management ng OWWA. Belated Happy Birthday!
OWWA DEP. ADMINISTRATOR IGNACIO: Salamat. I love you all!
USEC. IGNACIO: Samantala, mga nasunugan sa Mandaluyong City hinatiran ng ayuda ng tanggapan ni Senator Go at mga ahensiya ng pamahalaan. Narito po ang detalye:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Para tulungan po ang ating mga kababayan na mas maintindihan ang kahalagahan ng booster at pinag-aaralan na rin po kasi itong posibleng second dose o fourth dose para sa mga immunocompromised, makakasama po natin si Dr. Imelda Mateo, President ng Philippine College of Chest Physicians. Good morning po, Doc.
PCCP PRESIDENT DR. MATEO: Good morning po, Usec. Marami pong salamat sa opportunity.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, mayroon tayong iba’t ibang chronic respiratory at cardiovascular diseases na kinu-consider na kabilang sa A3 priority list. Bagama’t paulit-ulit na rin po itong tinatanong: Gaano po ba kahalaga na mabakunahan itong nasa A3 priority groups?
PCCP PRESIDENT DR. MATEO: Naku importanteng-importante, Usec., kasi po sila iyong nasa top causes of morbidity and mortality sa Philippines ‘no – in fact nasa top ten, I think nasa top five pa nga po yata – mga COPD patient ‘no, iyong mga may lung cancer or cancer ng mga baga, malignancies at saka po iyong mga smoker din, iyong heavy dependent on smoking and nicotine ‘no. High risk po sila ‘pag nag-infect po sila ng COVID, they are in a category of having severe COVID-19 – ito po iyong nangangailangang ma-hospitalize at magiging seryoso or severe to critical ang magiging condition dahil sa infection sa COVID-19 kasi nga po may preexisting sakit na po sila sa baga ‘no. So iyan po, Usec., kaya importanteng mabakunahan po.
USEC. IGNACIO: Opo. Dito, Doc, sa isinusulong ng Vaccine Experts Panel, target po na mabigyan ng second booster iyong mga immunocompromised. So, ano po iyong mga added benefit nito at paano daw po ito makakatulong sa kanila?
PCCP PRESIDENT DR. MATEO: Okay. Kasi po sa pag-aaral, [garbled] experience with other country, after the two primary course ng vaccination, iyong booster really helps ‘no. Kasi number one, alam natin na nagkaroon ng Omicron strain ‘di po ba so may escape immunity po doon sa first two sets natin. So kinailangang magbigay tayo ng booster dose para ma-enhance uli iyong immunity natin ‘no kasi may naii-offer na better protection po iyong third dose natin kung same vaccines or first booster na tinatawag natin kung naiiba sa first two primary vaccination ‘no.
So mayroon po definitely kasi sinabi dito na after the third vaccine dose, the participant’s antibodies na-block iyong Omicron from infecting the cells ‘no pero hindi po kasing bisa nang binlock nila iyong sa Delta variant. But just the same, may proteksiyon po talagang naibigay sa atin ‘no. In fact iyon pong booster dose o third dose kung pare-pareho po iyong vaccines simula pa lang, iyong same platform na ginamit ay mRNA sa first two doses, pang-third dose po iyong booster natin for those na ang unang first two vaccines using the mRNA platform ‘no. So iyon lang po iyong tawag, nililinaw po natin.
So, nagkaroon po talaga ng protection tayo plus the fact na while highly infectious or infective ang Omicron, medyo milder po ang presentation niya clinically. Pero kahit mild po siya, iyong Omicron, kung kayo naman ay may preexisting sakit lalo na sa pulmonary diseases ‘no – COPD, asthma, may TB na kayo, may lung cancer na kayo ‘no, mayroong respiratory allergy problem – mas prone kay to have the severe form kahit na kayo ay—kahit Omicron lang ang tumama po sa inyo.
So, but mayroon po bang benefit ang vaccination? Definitely po especially the third dose, definitely po ‘no – that was proven by studies ‘no. In fact even WHO recommended the booster dose.
Now ang pinag-uusapan po is the second booster dose. Okay. Sabi po nila, a fourth dose of the same mRNA platform will offer 30% more protection against the infection on top of the three-dose course po na binigay ‘no.
For those who are immunocompromised, ibig sabihin po, senior citizen and with comorbidities lalo na kapag hindi controlled ‘no, so kasama na doon nga iyong mga problema sa baga as comorbidities – COPD, emphysema, chronic bronchitis, TB, chronic TB diseases. In fact, kahit po iyong ibang immunocompromising illnesses like HIV, okay, iyong may mga sakit na malignancies sa blood, iyong mga leukemia, thalassemia, lahat po iyan ay immunocompromised.
So iyong added 30% will matter po ‘no, importante po iyon. Tayo po ba, iri-risk po ba natin ang ating health or ating condition if offered more 30% protection. So iyon po iyong sinasabi ng mga experts. And in fact, that’s what the vaccine expert panel is stressing ‘no. Sa akin, small added protection provided by a fourth dose kung pare-pareho po iyong platform na ginamit simula sa first vaccine or a second booster dose maybe useful for special population. Kwinalify [qualified] naman po ‘no. With special population are those moderately and severely immunocompromised ‘no.
Ang niri-recommend po ng vaccine expert panel is iyong interval between the first and second booster dose, puwede hanggang one to three months, depende po sa assessment ng physician or ng doktor na nag-i-evaluate or nagma-manage doon sa pasyente.
Ano pa bo ba? Iyong fourth dose, they recommend also to be given to individuals most vulnerable to the severe form of COVID-19. Ano po itong mga population na ito? The elderlies, those with comorbidities and even those who are highly exposed ‘no, with a high risk of exposure to COVID-19 cases. Sino po ito? Mga healthcare works, airport personnel and the likes. So mga frontliners natin puwede po rin natin mai-recommend iyong fourth dose. Dito naman po, iyong interval na pini-prescribe nila by the expert panel, sabi nila, the third and fourth doses should be at least four months in interval.
So iyon po iyong vaccine expert panel recommendation, and we concur to that. We support that po dahil nakikita na ho namin kung anong puwedeng maging [unclear] or long-term effect sa baga kung magkakaroon ng severe to critical COVID-19 po ang mga taong mayroon nang pre-existing pulmonary problem.
USEC. IGNACIO: Dok, kung pagbabasehan po iyong naging experience sa ibang bansa na nauna nang namahagi ng second booster, kumusta po iyong impact sa sitwasyon ng kanilang laban kontra COVID?
PCCP DR. IMELDA MATEO: Tingnan po natin, kasi ang Israel po ay mayroon silang experience ‘no. They gave, for example, as of ano po ito, February 2022, five hundred fifty thousand received the fourth dose already ‘no. Sa kanila, ang binigyan nila are 60 years old and older, immunocompromised and the medical workers ‘no.
Ang sinasabi kasi po nga nila, iyong protection na puwedeng ibigay nito, the 30%, is important ‘no. It’s vital and critical. Kasi ayaw nating isugal na magkakaroon ng sakit itong mga immunocompromised patients. So, so far, iyon po iyong ginawa nila.
Tapos nitong January po, 2022, this year, even Chile is already administering the fourth vaccine shot ‘no. Sa kanila nga po, younger ang age limit, 55 and older, kasi I think 55 sa kanila ay senior citizen na; and who are at least six months past their initial booster shot. They started this February 7 po ‘no.
Iyong ibang countries that are considering to offer the fourth dose to specific group are Cambodia, Denmark and Sweden. Iyong experience po nila, hindi pa natin nalalaman. Pero dahil po nga, dahil sa study na pinakita na mayroong maio-offer na additional protection ang fourth dose, iyon po ang rationale why they are implementing the administration of the fourth dose.
USEC. IGNACIO: Opo. Dok, kunin ko na lamang iyong inyong paalala sa ating mga kababayan lalo na po doon sa mga nagdadalawang isip pa rin na magpa-booster. Go ahead, Dok.
PCCP DR. IMELDA MATEO: Opo. Alam ninyo po, almost two years na-prove naman po siguro natin na effective po at safe ang mga bakuna kontra COVID-19 ‘no. So wala na dapat, at this point, na nag-aatubili or nagsi-second thought na magpabakuna. Kung sa tingin ninyo hindi kayo comfortable sa isang klaseng platform, marami naman pong choices, kasi iba-ibang klase naman po iyong platform ng bakuna.
But definitely po, it really renders us greater protection kahit po tayo nagpa-practice ng minimum public health standards and personal health protocols, importante po ang bakuna. In fact, proven and tested naman po ang mga bakuna para sa ibang sakit, talagang kailangan natin iyan, much more po doon sa viruses na mutate or nagbabagu-bago ‘no, nagkakaroon ng variations. So importanteng continuous ang pagpapabakuna natin. Huwag na pong mag-atubili.
Ngayon, kung kayo po ay mayroon nang first and second dose, magpa-booster shot na po kayo. Simulan ninyo na po iyong first booster shot ninyo para mai-schedule na rin po iyong fourth booster [fourth dose] shot ninyo kung sakali pong irekomenda ng Department of Health, ng IATF iyong rollout ng second booster shot. Safe po ito, lalo na po doon sa may mga sakit, lalo na iyong may mga comorbidities. Ika-qualify naman po at i-evaluate kayo kung kaya ninyo pong mag-receive especially kapag controlled naman po iyong comorbidities ninyo.
So tayo ay nananawagan po sa ating mga kababayan, para sa ating lahat po ito ‘no. Proven and tested, safe ‘no. Kung mayroon mang mga adverse effect, very, very minimal, at ano po iyon, those are idiosyncrasies to the vaccines, hindi po ito iyong talagang inu-offer na safety ng vaccine na proven and tested. Magpabakuna po. Sana ay ma-relieve ang inyong agam-agam or doubt. Hindi naman po iri-recommend kung hindi safe para sa lahat at kung hindi para sa ikabubuti po natin. Kailangan po natin ito para rin mapigilan na ang pag-transmit at pagkalat pa.
Tandaan po natin, Usec., sa ibang countries, bumabalik na naman po ang surges ‘no. And we hope that it will be prevented sa ating bayan, and one intervention and one great strategy is to be vaccinated and be protected po.
Thank you very much, Usec., for the opportunity.
USEC. IGNACIO: Kami rin po ay nagpapasalamat sa inyong pagbabahagi ng impormasyon, Dr. Imelda Mateo, President ng Philippine College of Chest Physician. Mabuhay po kayo.
PCCP DR. IMELDA MATEO: Mabuhay din po at God bless po sa lahat.
USEC. IGNACIO: Para po sa pinakahuling pangyayari sa iba pang lalawigan sa bansa, puntahan natin si Al Corpuz ng PBS Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Al Corpuz ng PBS Radyo Pilipinas.
At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO, sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
At bago po tayo magtapos, narito po ang mensahe ng pagbati ni Secretary Martin Andanar para sa ating week-long anniversary celebration ng Public Briefing Laging Handa:
SEC. ANDANAR: Malugod po naming ipinagdiriwang ngayon ang ikalawang anibersaryo ng Public Briefing #LagingHandaPH. Dalawang taon nang tapat na pagsiserbisyo at pagbabahagi ng wastong impormasyon sa ating mga kababayan.
Lubos din po ang aming pasasalamat sa mga naging parte sa programang ito, ang iba’t ibang media organizations, ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), sa PTV management, Radyo ng Bayan, Philippine Information Agency at lahat ng masisipag na bumubuo sa programang ito at sa iyo, Usec. Rocky Ignacio, na naging ka-partner ko sa ating pagbibigay serbisyo at tamang impormasyon sa gitna ng pandemya.
Sa ating mga manunood, asahan po ninyo na patuloy kaming maghahatid ng mga napapanahong balita patungkol sa mga maiinit na usapin sa bansa.
Muli, maligayang ikalawang anibersaryo po sa Public Briefing #LagingHandaPH.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Secretary Martin Andanar.
Ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po uli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center