Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Mapagpalang umaga, bayan. Ako po si Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO. Ngayong Martes ng umaga, hihimayin natin ang mga maiinit na isyu sa ating bansa, isa na po rito ang nalalapit na halalan at ang paghahanda para sa pagsisimula ng local campaign period. Kaisa rin po ang ating programa sa malawakang World Water Day, at makikibalita tayo sa mga usapin ukol sa supply ng tubig.

Simulan na po natin ang balitaan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Pangulong Rodrigo Duterte at kaniyang Gabinete muling nagbigay ulat ukol sa lagay ng bansa ngayong may COVID-19 pandemic at sa harap pa rin ng mataas na presyo ng produktong petrolyo. Ang mga iyan ihahatid ni Mela Lesmoras. Mela?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Mela Lesmoras.

Pagpapalakas ng healthcare capacity at pagtatalaga ng maraming Malasakit Centers iyan ang pinatunayan ni Senator Bong Go sa kaniyang pagbisita sa East Avenue Medical Center. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Sa nalalapit na local campaign period, ano kaya ang paalala ng DILG? At sa isyu naman ng e-sabong, masusi pa ring iniimbestigahan. Makakausap po natin ngayong umaga si DILG Undersecretary Epimaco Densing. Magandang umaga po, sir.

DILG USEC. DENSING III: Magandang umaga, Usec. Rocky. At sa lahat ng mga tagasubaybay ninyo sa programa, magandang umaga rin po.

USEC. IGNACIO: Usec., magsisimula na po itong local campaign period sa March 25, sa Biyernes na po iyan. Pero ikinababahala po ng NVOC itong posibilidad ng mas mababang vaccination turnout. Ano po ang tugon dito ng DILG?

DILG USEC. DENSING III: Opo. Ang gusto naming sabihin dito na ipagpatuloy pa sana natin ang pagbabakuna despite the fact na nagsisimula na po ang kampaniyahan sa lokal na eleksyon. So sabay-sabay na po starting March 25, national and local campaign, pero sana huwag pabayaan ang pagbabakuna. May mga lugar pa rin tayo sa Pilipinas na wala pang sitenta porsiyento ang target population ang nabakunahan.

At ito ang kadahilanan, Usec. Rocky, kung bakit mayroon tayong mga lokal na gobyerno, probinsiya, highly urbanized city at independent component city na despite the fact na iyong kanilang COVID-19 case data – ito iyong mga two-week growth rate, average daily attack rate at healthcare utilization rate – ay pasok na sa Alert Level 1, hindi pa natin sila binaba sa Alert Level 1 dahil ang kanilang vaccination rate ay hindi pa po tumatama ng 70% of the target population and 70% of their senior citizens.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., nitong  mga nakaraang mga araw, itong mga kababayan na dumadalo po dito sa mga campaign rallies at uma-attend sa mga pangangampaniya, sa kabila po nang mas mababang positivity rate at mas pinaluwag na alert level, pinapayagan po ba ng DILG na lumabas at makiisa sa pangangampaniya ito pong mga unvaccinated? Kung hindi po o pinapayagan man, ano po ang nagiging proseso? Mayroon po ba?

DILG USEC. DENSING III: Well, sa outdoor po, Usec. Rocky, whether vaccinated ka or unvaccinated, puwede naman hong makilahok iyong ating mga kababayan sa pangangampaniya ‘no. Kailangan lang masundan iyong mga niri-require na space at social distancing as much as possible. Pero sa indoor, mayroon po tayong limitasyon. Again, inuulit natin, kung indoor campaign po ito na maraming magsasalita sa loob ng enclosed area, kailangan po iyong fully vaccinated lamang po ang puwedeng makapasok, maski po sa Alert Level 1.

So sa ating mga nag-o-organize ng kampaniya, sa mga indoor, sa loob ng mga convention centers, make sure po na lahat ng papasok po ay fully vaccinated.

SEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., liwanagin lang po natin, ano po: Pinapayagan po ba ang iba’t ibang activities gaya po ng night events, paliga, beauty contest, at kung anu-ano pa pong contest kasabay po ng local campaign period?

DILG USEC. DENSING III: Opo. Sa Alert Level 1 halos puwede na po itong mga activities na ito ‘no. At ang gusto lang nating siguraduhin na dapat kung nasa indoor nga itong mga activities na ito, fully vaccinated lamang. Pero kung sa labas, puwede na ho up to 100% capacity kung nasa Alert Level 1. Malinaw naman ito sa ating mga panuntunan, at ito po ang importansiya ng sitwasyon natin ngayon na mababa na po ang ating mga kaso ng COVID-19 all over the country. So pinapayagan po iyong mga ganoong activities, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., anong oras daw po pinapayagan na mangampaniya ang ating mga kandidato? May sanctions po ba kung hindi ito masusunod?

DILG USEC. DENSING III: Well, kung pagbabasehan po natin ito sa Comelec Resolution 10732, wala naman pong limitasyon sa oras ng pangangampaniya. Unless, of course, kung mayroong curfew sa isang lugar ay hindi ito mapapayagan dahil kailangang sumunod sa curfew. Pero sa aming monitoring, wala ho kaming naririnig na isang lokal na gobyerno na nag-i-impose ng curfew lalo pa’t ngayon na medyo mababa o mababa ang mga kaso natin ng COVID-19.

So wala po tayong limitasyon. Mukhang kung kaya nilang magkampaniya ng 24 by 7, eh di gawin po nila. Pero may mga araw lang na hindi puwedeng magkampaniya kagaya po sa darating na Holy Thursday and Good Friday, bawal po ang mga araw na iyan sa pangangampaniya. And all the rest po, wala pong limitasyon maski po sa oras base po sa, iyon nga, Comelec Resolution 10732.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa usapin pa rin po ng halalan, Usec, pabor po ba ang DILG na i-stretch out pa rin iyong oras ng botohan sa darating na Mayo kahit daw po mababa na iyong positivity rate?

DILG USEC. DENSING III: Well, magdidepende ho kami sa assessment po ng COMELEC ‘no lalo pa’t kung anong mangyayari sa atin pong COVID-19 case situation by the time na dadating po ang linggo bago ang halalan. Ang halalan po natin May 9, eh kung medyo nagkakaroon po ng uptick sa numero ng kaso at magtaas po tayo ng alert level, maaaring magrekomenda po ang IATF o kami rin po sa DILG sa COMELEC na palawigin po iyong oras o araw ng pagboto. Pero sa ngayon po na mababa ang kaso at medyo halos normalized na po iyong sitwasyon eh hinahayaan na po namin ang COMELEC na magdesisyon tungkol diyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, mapunta na tayo dito sa mas maluwag na alert level system. Bagama’t nabanggit na nga po ni Health Secretary Duque na posibleng hanggang sa pagtatapos ng administrasyong Duterte iyong Alert Level 1. Pero nailatag na po ba ng DILG itong mas komprehensibong guidelines para dito?

DILG USEC. DENSING III: So far ang DILG bilang kasapi po ng Sub-Technical Working Group on Data Analytics ng IATF, nakapaghain na po kami ng detalye or health protocols under Alert Level 1 – iyan po ay inaprubahan ng ating IATF at iyan po ang aming pinapatupad ngayon including monitoring, and as of today, wala naman ho kaming dinadagdag na protocols. Ang gusto lang naming i-push is habang mababa pa po ang numero ng ating COVID-19 cases ay sana magpabakuna iyong ating mga kababayan.

So bakuna pa rin po ang pinakapundasyon ng ating ginagawa ngayon dahil later on kapag nadeklara na pong endemya ang COVID-19 ng World Health Organization at tayo din po sa Pilipinas makikita po natin na parang simpleng sakit na lamang po ang COVID-19 eh baka po mag-Alert Level Zero na tayo. Sa ngayon po tinatapos namin, pina-finalize ang pagbabalangkas po ng protocols under Alert Level Zero kung ito po ay mangyayari later on.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ng ating kasamahan sa media, mula po kay Carolyn Bonquin ng CNN Philippines: Secretary Año daw po announced the safety seal requirement will now be a requirement when applying for business permits. Kailan po ito officially magsisimula? Ilang percent na daw po ng businesses ang may safety seal at bakit hindi daw po maka-comply iyong iba?

DILG USEC. DENSING III: That’s correct! That has been approved during the IATF that we will issue a memorandum circular to all our local government units to require safety seal to specific/identified industries, lalo na iyong mga industriya o mga negosyo na closed door. Binabalangkas na lamang po, tinatapos itong memorandum circular.

As of the last time when we were looking at the safety seal as a requirement for Alert Level 1 na ngayon winaive na po natin, nasa anim na porsiyento pa lang po ang karamihan ng mga negosyo sa buong NCR at sa buong kapuluan ang mayroong safety seal ‘no. So gusto nating isama ito dahil tayo ay nasa national public health emergency pa, so importante dahil sa national public health emergency, iyong ating mga negosyo ay tumutupad sa mga pamamaraan o imprastraktura para maprotektahan ang ating mga kababayan na papasok sa kanilang mga establishment for whatever purpose for that matter.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa ibang usapin naman tayo, Usec. Kasalukuyan daw pong niri-review ng National Prosecution Service ang kaso sa e-sabong investigation kung saan 34 na e-sabong enthusiasts ang nawala. Ano po ang reaksiyon ng DILG rito? Aabutin po ba ng April ang pagsusuri para dito, kasi mayroon din po, Usec, na isinasangkot na umano ay mga pulis dito sa pagkawala po ng mga e-sabong enthusiasts?

DILG USEC. DENSING III: Opo. Sa latest report po namin, ayon kay Police Brigadier General Eliseo Cruz ng CIDG, binanggit niya po na mayroon na silang natukoy na witness ‘no at itong witness nag-identify na ng labing apat na potensiyal na tao. At sa labing apat, mukhang mayroong kumpirmasyon na iyong walo ay involved na po dito sa mga nawawalang sabungero dahil sa e-sabong. So dahil po nag-iimbestiga po iyong PNP kasama po ang NBI, hintayin na lang po natin iyong latest development na manggagaling sa kanila. Pero as of the last time, ito po iyong report na nanggaling sa ating kapulisan through the CIDG.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kunin ko na rin iyong inyong opinyon dito sa proposed 4-day workweek. Hindi po ba daw maha-hamper ang serbisyo ng DILG?

DILG USEC. DENSING III: Hindi po. Kami sa DILG kahit sabihin ho nating 4-day workweek, kami po ay nagtatrabaho when we are required to do so ‘no, so hindi po limitasyon sa amin ang 4-day workweek except most probably for the administrative side ‘no. Sa administrative side kung hindi naman sila kailangang pumasok ng limang araw at kaya nilang gawin ang trabaho sa extended day. Kasi ang proposal po is instead na 8 hours-5 days a week, magiging 10 hours-4 days a week.

So kung sila naman po, magagawa naman nila iyong kanilang administrative work within that four days with ten hours a day then, sila po ay magkakaroon ng additional free day – instead of two days, magiging three days. Pero doon sa kailangang pumasok regardless kung ito ay limang araw or even on a weekend lalo na kung mayroong sakuna, eh sila po naman ay papasok so hindi po limitasyon ang proposal na paikliin ito into four days. Wala pong epekto masyado sa amin.

USEC. IGNACIO: Okay. Usec, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak sa amin. Undersecretary Epimaco Densing III ng DILG, mabuhay po kayo.

DILG USEC. DENSING III: Salamat po Usec. Rocky at magandang umaga po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Samantala, sa pagdinig sa Senado kahapon, Senator Bong Go tinutukan ang criminal investigation tungkol sa e-sabong kung saan ilang pulis ang isinasangkot sa pagdukot sa mga nawawalang sabungero. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, susunugin umano ang mga defective ballots o iyong mga balota na hindi tama ang pagkakaimprenta, ayon po iyan sa COMELEC kahapon. At para po makibalita tayo, makakausap po natin si COMELEC Director James Jimenez. Magandang umaga po, Director James.

COMELEC DIRECTOR JIMENEZ: Yes, po. Good morning po.

USEC. IGNACIO: Opo. Si Usec. Rocky po ito. Director, sa usapin pa rin po sa nalalapit na halalan. Ayon po sa inyong tanggapan ay nasa 105,853 ito pong defective ballots ang nalalapit nang sunugin – ito po ay naimprenta ng National Printing Office. At may mga nagsasabi daw po na kumuha daw po umano ang NPO ng subcontractors for ballot printing. Ano po ang masasabi daw dito ng COMELEC?

COMELEC DIRECTOR JIMENEZ: Well, ang aming kakontrata po ay NPO talaga ‘no, iyong mga makina nila ang ginagamit natin. At katunayan, nandoon nga tayo mismo sa mismong NPO kaya nandoon iyong mga printer. So nakikita natin ngayon kung mayroon silang mga printers na ginagamit eh baka sa ibang project nila iyon. But as far as the ballot printing is concerned, nakikita po namin na nasa NPO po tayo at doon tayo nagtatrabaho.

USEC. IGNACIO: Opo. Ayon din po sa COMELEC, Director James, nagkaroon daw po ng reclassification ng mga defective ballots. Dalawang milyong defective ballots daw po iyong nadagdag at considered na ngayong good ballots matapos daw pong magkaroon ng rechecking. Gaano daw po ka-reliable itong reclassification na nangyari?

COMELEC DIRECTOR JIMENEZ: Very reliable naman po iyan, USec. Kasi ganito po, kapag ang isang—ang balota po kasi pini-print iyan parang batches iyan.  Let’s say 1,000, may nakitang isang may damage, iyong buong 1,000 na iyan sine-set aside sa quarantine.   So titingnan ngayon isa-isa iyan. Then again, kung isa o dalawa lang diyan ang may damage, the rest are considered good. So, iyon ang nangyari doon ‘no. Ibig sabihin iyong mga na-reclassify as good, eh talagang wala namang physical glitch doon sa balota. It’s just that napasama sila sa batch ng mayroong damage, kaya sila originally classified as defective.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Director James, may plano po ba ang ating pamahalaan na hindi muna gamitin itong mga old printer ng NPO na nakapag-produce po ng faulty ballots?

COMELEC DIRECTOR JIMENEZ: Hindi naman po, dahil itong mga errors na ito, usually sa settings lang po iyan ng makina at kapag nakita natin na may error nga iyong isang balota ay ina-adjust naman po kaagad. Kaya nga nagtutuluy-tuloy din iyong run natin. Ang problema po kasi, USec, kapag pinigil natin ang paggamit dito sa mga printer na ito, eh mawawalan na tayo ng printer, baka hindi tayo umabot sa deadline natin. So, ang aming troubleshooting dito eh, as it happens, kapag kailangang i-adjust, ina-adjust natin kaagad.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero nababahala po, Director ang ilang grupo dahil napakalaking pera raw po diumano ang nasayang para sa pag-imprenta, kataka-taka raw po na dumami nang ganito iyong mga defective ballots?

COMELEC DIRECTOR JIMENEZ: Well, sa tingin naman po namin, hindi naman mangyayari iyan.  Katunayan itong bilang ng defective ballots natin, so far sa pagkakaintindi ko ay pasok pa ito sa margin of error ng mga ganitong klaseng projects.  Malaking projects po kasi ito, we are looking at 67 million ballots, 67 million, tapos ang defective mo, nasa 100,000 mahigit. That’s a very small percentage, right? And again, kung titingnan natin historically, talagang mayroon po tayong range ng error na nakikita na set ang ating wastage or errors. So, pasok pa naman po tayo doon.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero kailan daw po iyong sunod na inspection ng Comelec sa mga printing machine hinggil daw po sa isyu na ito ng defective ballots, Director James?

COMELEC DIRECTOR JIMENEZ: Well, sa Thursday po, bubuksan natin iyong ating NPO para sa mga observers, sa mga stakeholders natin para mabalikan nila iyong mga naimprenta na ‘no. If you remember, isa iyan sa mga isyu nila, isyu nila may naimprenta tayong mga balota na hindi na-observe ng witnesses. So, ang gagawin natin, bibigyan natin sila ng pagkakataon ngayon na balikan iyong mga balotang na-imprenta, pipili sila ng random na balota at itsi-check nila kung okay ba iyan. In the meantime, tuluy-tuloy po ang observation sa NPO. Bukas po ang NPO sa mga observers, sa mga stake holders. In fact, mayroong tatlong observation room. Isang dedicated na kuwarto para lamang sa media at sa mga political observers para mapanood nila iyong proseso.

USEC. IGNACIO: Opo. Director James, ito pong over the weekend, isa po sa pinaka-pinag-usapan ito pong debate ng presidential and vice-presidential bet. Bilang bahagi po ng Comelec, bakit po kailangang magkaroon ng sanction ang hindi raw po dumadalo sa mga debate na inilatag ng Comelec?

COMELEC DIRECTOR JIMENEZ: Ang gusto po kasi natin ma-emphasize kung gaano kahalaga ito para sa pagbubuo ng isang informed electorate, iyan po ang purpose talaga ng Comelec sa pag-i-stage ng debate, para magkaroon ng pagkakataon iyong ating mga botante na marinig iyong mga plataporma ng mga kandidato. Ngayon, para malaman ng mga kandidato, maramdaman nila na isa itong mahalagang parte ng kanilang kampanya, naglagay tayo ng maliit na penalty. Maliit lang naman eh, it’s only a penalty that affects an innovation that the Comelec itself introduced, hindi natin ipinagbabawal iyong mga pangangampanya or anything like that. It’s just that we want to make sure na malinaw sa mga kandidato at sa lahat na siniseryoso po natin itong debateng ginagawa natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero mailalabas po kaya itong posibleng sanctions bago matapos ang Marso o masyado daw pong matagal kung hihintayin pa iyong Abril, ayon po sa ilang grupo at ano po iyong masasabi ninyo dito, Director James?

COMELEC DIRECTOR JIMENEZ: Well, sa tingin ko po, may mga grupo na gustong penalty kaagad, may mga grupo naman na gustong mas mabigat ang penalty kaysa doon sa sinasabi nating pagbabawal sa paggamit ng ating e-platforms ‘no. Pero, pag-aaralan pa po ng en banc ito, pag-uusapan ng en banc and makakaasa kayo na kapag naglabas ng desisyon iyong en banc, ito ay magiging reasonable at angkop doon sa extent noong kailangan na ayusin.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po mula kay Athena Imperial ng GMA News. Puwede po ba under Comelec guidelines iyong mga pa-dance contest daw po sa campaign rally or sortie? Tapos may premyong cash prize?

COMELEC DIRECTOR JIMENEZ: Well, iyong pamimigay po ng cash, medyo talagang duda tayo diyan. Kaya nga po iyong mga ganiyang instances ay niri-refer po natin sa ating mga local officials for investigation. Remember from the national level, kung ang pagbabasehan lang natin ay news report, medyo unfair naman po iyon. So, ang ginagawa po natin, kapag may mga report na nakukuhang ganiyan ay talagang iniri-refer po natin sa local officials, local Comelec officials for investigation and if necessary referral to the law department for filing of a case ‘no. Again ang malinaw sa atin, is that giving free money for the purpose of soliciting votes, vote buying po iyan. Kailangan lang natin patunayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Director James, may update na po ba dito sa changes sa oras ng botohan sa darating na Mayo, magsisimula ba raw po nang mas maaga na magpapasok po sa mga presinto?

COMELEC DIRECTOR JIMENEZ: Maaga po, dahil kasi ang ating hours ay extended ‘no, because of COVID. So, sisimulan po natin nang alas-sais, matatapos po tayo ng mga around six or seven ng gabi.  Pero even that, iyong nasa dulo ay puwede pong ma-extend iyan kung may tao pa na hindi pa nakakaboto at nandoon naman sa polling place ay pabobotohin po  iyan kahit anong oras  abutin. Ulitin ko lang, USec., 6 o’clock po tayo magsisimula on election day.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa inyong panahon, director James Jimenez ng

Commission on Elections

Samantala binigyang pagkilala ng pamahalaan ng Best Performing LGU sa iba’t ibang programa pagdating sa pagtugon sa COVID-19. Kabilang na dito ang safety seal certification program, VaxCertPh program at National Vaccination Days. Ang detalye niyan mula kay Mark Fetalco. Mark?

[NEWS REPORT]

LAGING HANDA – PART 4 – MARCH 22, 2022

LWUA OIC DELA VEGA: [CONT] Dito sa ating  mga challenges like, siyempre itong COVID-19 pandemic and iyong impact ng Typhoon Odette sa mga water district natin noong patapos ng 2021.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Ma’am, gaano po ba kahalaga na talagang binigyan ng importansiya itong World Water Day. Bakit po natin ito ginugunita?

LWUA OIC DELA VEGA: Since 1993 po every year, every March of the year, sini-celebrate natin ang World Water Day para po ma-increase ang awareness ng public doon nga sa importansiya ng freshwater at ang conservation nito pati po ang pag-manage ng ating freshwater resources. So, napakahalaga po nito.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Ma’am, ano po iyong mahalagang aktibidad ng inyong ahensiya dito nga po sa selebrasyong ito? Ano nga po iyong nakalinya sa inyo?

LWUA OIC DELA VEGA: Usec. Rocky, mayroon kaming maliit na exhibit dito sa lobby ng LWUA para naka-focus doon sa theme ng World Water Day ngayon iyong groundwater making the invisible visible and then may participation tayo sa mga discussions forum/fora katulad ng hinost ng DENR to discuss the problems on water supply and sanitation.

Mayroon din tayong na-name na mga water districts na tatanggap ng Huwarang Tubig Award in recognition of their efforts noong nagbigay sila ng assistance sa mga water districts na kalapit sa kanila at mga communities na naapektuhan ng Typhoon Odette. Ito iyong Puerto Princesa Water District representing Luzon, Bayawan Water District sa Visayas and San Francisco Water District sa Mindanao. And mayroon tayong ‘bull-high chute’ [sic] na information education virtual program in partnership with Manila Water, Maynilad, Puerto Princesa City Water District and Philippine Water partnership.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am nabanggit ninyo iyong sa napinsala po ng Odette. Kumusta na po iyong daloy ng tubig dito sa mga lugar na napinsala po ng Bagyong Odette?

LWUA OIC DELA VEGA: Sa ngayon, Usec. Rocky, siguro 80 to 85% fully restored na iyong water services doon sa mga nasalanta or tinamaan ng path Typhoon Odette. Mayroon pang kaunti partially restored, so hopefully very soon makabalik na rin iyong 100% na serbisyo nila sa kanilang mga komunidad.

USEC. IGNACIO: Ma’am, saan pong mga lugar ito, iyong hinihintay talaga natin na makabalik sa normal?

LWUA OIC DELA VEGA: Iyong sa Dinagat Islands, iyan talaga iyong hinihintay natin na makabalik na buo iyong kanilang serbisyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Para po sa kaalaman ng mga taga-Dinagat baka mayroon po kayong timeline kung kailan po magbabalik sa normal iyong supply ng tubig sa kanila, Ma’am?

LWUA OIC DELA VEGA: Siguro tinitingnan natin na hindi matatapos ang second quarter na maibalik na rin iyong kanilang serbisyo. Kasi talagang malaki iyong tinamaan dito sa Dinagat Islands.

USEC. IGNACIO: Ma’am, maaari ninyo po din ba kaming ma-update naman dito sa isinusulong na Department of Water. May pag-asa po bang maaprubahan ito sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Duterte?

LWUA OIC DELA VEGA: Noong November 2020 ‘no, lumabas po at naipasa sa House of Representatives iyong House Bill 9948 creating the Department of Water Resources. Kaya lang po iyong counterpart bill niya sa Senate hindi po siya nai-release. So, dahil po ngayon po given that naka-recess na iyong two chambers of Congress, medyo doubtful na po tayo na mayroon na mai-enact na law dito sa 18th Congress natin. Baka po sa susunod.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, magkano po iyong inilaang budget para dito? Sa kabuuan po kasi ilang water district na po iyong naisaayos po?

LWUA OIC DELA VEGA: Para po sa Typhoon Odette ang estimate po natin is about 275 million. We need about 175 million po sana ngayong taon na ito and then for 2023 mga 90 million and then 10 million sa 2024.

So, naipasa na po natin itong pangangailangan na ito sa NDRRMC para po mabigyan ng prayoridad. Hinihintay po natin iyong kalalabasan po nitong ating request na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Ngayong summer, Ma’am, ano po iyong latest monitoring ninyo sa sitwasyon ng mga pangunahing dam sa bansa, partikular po ang Angat Dam, Magat Dam at La Mesa Dam?

LWUA OIC DELA VEGA: Iyon po kasing mga operational dam na ito like La Mesa Dam supposed to be operated by MWSS, and Angat Dam by NTC, iyong Magat nasa jurisdiction po iyan ng iba, so ang lahat po ng regulasyon nito ay under ng MWRP. So, sila po ang naglalabas ng mga pag-monitor ng mga levels nito.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, anu-ano pong mga hakbang naman ang ginagawa ng LWUA para maiwasan po iyong madalas na water interruption sa bansa hindi lamang po sa Metro Manila?

LWUA OIC DELA VEGA: Usec. Rocky, mayroon kaming continuous na programa para diyan, like we have the non-revenue water reduction programs through the water district. Ito po kasama dito iyong pagkukumpuni ng mga leaks, pagpapalit po ng mga deteriorating pipes.

So, mayroon din po tayong tinatawag nating source protection iyan po ay pag-aalaga ng ating watersheds, kinu-co-manage natin iyan with the DILG, DENR, Bureau of Forest Management and of course, wala po tayong tigil ng pag-educate sa public about water conservation. Aggressive po ang mga water district natin diyan.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Ma’am Eileen Dela Vega, ang OIC po ng Local Water Utilities Administration. Keep safe po, Ma’am.

LWUA OIC DELA VEGA:  Marami pong salamat. Ingat din po.

USEC. IGNACIO: Samantala, umabot na sa 65, 171, 415 ang kabuuang bilang ng fully vaccinated. Iyan po ay ayon sa datos ng March 21, 2022.

Mula po March 14 hanggang March 21, three thousand five hundred seventy-two (3, 572) na ang mga bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng nagpositibo sa linggong ito ay nasa 510, mas mababa po ito ng 13% kung ikukumpara sa mga kaso noong Marso a-siete (7) hanggang labintatlo (13).

Sa bagong kaso, isa (0.3%) ang nadagdag sa severe and critical cases na may kabuuang 805 cases. Samantala, mayroon naman naitalang 655 na bilang ng mga nasawi sa nagdaang linggo.

Samantala, dumako muna tayo sa mga balitang nakalap ng PBS-Radyo Pilipinas hatid po sa atin ni Ched Oliva. Ched?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH

As of March 21, 68.3% sa target population ng Davao City o higit 4.3 million ang fully vaccinated na. May report po ang aming kasamang si Hannah Salcedo ng PTV-Davao:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At dito na po nagtatapos ang isang oras nating pagsasama. Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Hanggang bukas po muli. Ako po si Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)