Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas, at sa lahat ng ating mga kababayan sa ibang bansa. Ngayon po ay araw ng Miyerkules, a-trenta ng Marso, kabi-kabilang isyu ang kinakaharap ngayon ng ating industriya ng agrikultura dahil sa umano’y nagaganap na smuggling ng iba’t ibang agri products kasabay ng pagbabalik ng Bird Flu outbreak dito sa Pilipinas. Bukod diyan, tatalakayin din po natin ang paghahandang ginagawa ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas sa nalalapit na Hatol ng Bayan 2022, at mamaya ang pinakahuling usapin tungkol sa COVID-19 response ng pamahalaan. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno inilatag kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga hakbang para matugunan ang pangangailangan ng mga kababayang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal. Ang kabuuang detalye niyan, alamin natin mula kay Mela Lesmoras. Mela?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Mela Lesmoras.

Noong Lunes ay nagkaroon ng inquiry ang Senate Committee of the Whole kaugnay sa isyu ng umano’y smuggling ng mga gulay mula sa China na siya namang ikinalulugi ng sarili nating mga magsasaka. Mariin naman itong kinukondena ng Kagawaran ng Agrikultura. Kaugnay niyan ay makakausap po natin si Agriculture Secretary William Dar. Magandang umaga po, Secretary.

DA SEC. DAR: Magandang umaga, Usec. Rocky, at sa lahat po ng televiewers po natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, July to August pa lang noong nakaraang taon ay nag-report na raw po kayo sa Department of Agriculture ang League of Association at ito pong La Trinidad Vegetable Trading Areas kaugnay nga dito po sa smuggling ng mga gulay, pero itinanggi lang daw po ito ng Department of Agriculture. Totoo po ba ito?

DA SEC. DAR: Parang hindi ko masyadong naintindihan iyong tanong. Of course, ang ginagawa po natin ay simula’t sapul naman, continuous ang aming pagmamanman sa mga smugglers. Ang problema ay siguro doon sa technical smuggling. Kasi doon sa technical smuggling ay mayroong tatlong forms iyong … itong technical smuggling, technically ay they pass through legal trade channels. Pero there are possibilities of misdeclaration, undervalue or misclassification. Beyond this, iyong mga dinadating dito sa bansa na smuggled ay hindi iyan dumadaan sa legal trade channels.

Kami ay talagang puspusan iyong pagbabantay ng ating mga quarantine officers. At in partnership with BOC ay marami na kaming nasabat. For the last six months, almost a billion pesos worth of vegetables coming from mostly China ay nasabat na natin.

USEC. IGNACIO: Opo. May internal investigation din po ba ang Department of Agriculture kung posible pong may incumbent officials po ng inyong tanggapan ang umano’y sangkot dito sa isyu ng vegetable smuggling? Ganito rin po, Secretary, ang tanong ni Cleizl Pardilla ng PTV: Ano po ang parusa na handa ninyong ipataw sa mapapatunayang involved dito?

DA SEC. DAR: Continuous din ang pagkakalap natin ng impormasyon at imbestigasyon kasi alam natin, we would like to do due diligence, proper due diligence. At sana iyong mga may interaksyon o mayroong kuntsabahan diyan ay sasabihin dapat sa amin lahat itong impormasyon para mas mabuo pa natin at malaman natin kung sino po iyong mga involved na opisyales ng Department of Agriculture.

Of course, kung mapapatunayan po natin kung sino po sila ay irirekomenda po natin base doon sa existing laws kung ano iyong karampatang mga … what are the repercussions of their illegal act. At the end of the day, kung i-suspension muna, [eh di i-press iyong] suspend upon recommendation of the Department of Agriculture.

USEC. IGNACIO: May ongoing charges na rin [na] inihain si DA Assistant Secretary Federico Laciste sa mga aniya ay dati at kasalukuyang opisyales na umano’y sangkot sa smuggling. Ano na raw po ang update dito, Secretary?

DA SEC. DAR: Well, [continuous] iyong imbestigasyon. At sana iyong mga involved ay makonsensiya dapat sila. Ang ating vegetable industry ay nagsa-suffer. At we don’t know even itong mga parating na mga products, smuggled products, [may] mga isyu tayo doon sa … I mean, food safety considerations. At baka maka-transfer din ng mga transboundary [garbled]. So lahat po iyan ay tinitingnan natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Isa rin po sa naungkat, Secretary, sa Senate investigation ay itong discrepancy sa datos na hawak ng Customs at sa datos na hawak po ng Department of Agriculture. Paano po ba mino-monitor ng DA ang mga pumapasok na imports mula sa ibang bansa? Ang BOC daw po kasi ay nakabase dito sa actual import volumes. Ang import permits na iniisyu lang po ng DA ang naging basehan ng datos ninyo tungkol dito?

DA SEC. DAR: Well, mayroon pa ring tiyansa, Usec. Rocky, na doon sa green lane ng BOC ay hindi kami involved doon. So mayroon talagang discrepancy. Ang mino-monitor natin, mayroon din tayong datos na import clearance na naibigay at saka iyong actual arrival [garbled] tayo. So ganoon po, we stand by our own record system. Kasi we cannot record iyong arrival kung hindi kami involved.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ano po ba ang naging efforts ng Kagawaran nito pong mga nakalipas na taon kaugnay naman sa digitization ng inyong sistema?

DA SEC. DAR: [Garbled] marami na tayong naumpisahan na digitization. At if we relate it to this case of smuggling, kasi I said earlier, doon sa smuggling ay [garbled] misdeclaration, undervalue and misclassification. So mas maigi kung we will see to it that our quarantine officers manning all these ports ay mabigyan sila ng iPad para mapiktyuran lahat, ma-input doon sa database po natin. This will help us reduce iyong [elbow room] ng mga quarantine officers kung sila po ay kasabwat dito po sa misevaluation. Of course the valuation is done by BOC. Pero kung kasabwat ang aming mga kawani ay gusto rin namin na maimbestigahan sila.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, Sa ngayon ano daw po iyong immediate relief na puwedeng i-extend ng Department of Agriculture sa mga magsasakang nalulugi dahil nga po sa mga nasasayang na gulay dahil wala daw pong bumibili? Posible ba iyong suggestion nilang bilhin na lang daw po ito ng pamahalaan para daw po ang gobyerno na rin ang magbenta sa mababang presyo sa mga consumer?

DA SEC. DAR: Ang gagawin po diyan, Usec. Rocky, ay iyong mga kaakibat na farmers’ cooperatives na nagbigay ng mga crops ay sila na po iyong tutulungan namin na magtinda dito sa Metro Manila areas para sa ganoon ay hindi malugi po ang ating mga magsasaka. So iyong transportation, that’s part of our assistance kasi nabigay na namin iyong mga trucks, ang dami na pong napamigay para sa [ganoon] ang groups of farmers ay maibenta po nila na tama iyong mga produkto nila dito sa Metro Manila. Metro Manila pa rin ang magandang market.

USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit ninyo po na malaking factor din itong smuggling ng agricultural products sa mga sakit o virus na nakakarating dito sa Pilipinas at ngayon nga po mayroon po tayong outbreak ng H5N1 o itong tinatawag na bird flu. Ilang mga lugar na po ang apektado ng bird flu na ito at ilang poultry animals in total po ang namatay o kinakailangang i-cull dahil dito?

Ganiyan din po ang naging tanong ng ating kasamahan sa media na si Janice Ingente ng UNTV: Gaano na daw po kalawak o karami ang mga lugar na apektado ng avian flu? Saan-saan daw po ito?

DA SEC. DAR: Iyong apektado ay karamihan dito po sa Central Luzon kasi nandiyan iyong [swamp] karamihan. Pero around that area may mga small spots pero mostly ducks and quails. At mayroon naman tayong pagtugon agad doon sa mga apektado at culled-out na at nabibigyan na rin ng ayuda ang mga naapektuhan. So kami ay in tandem with local government units, even with the Department of Health kasi kailangan po iyong relationship sa human health ay matingnan continuously. Ito po ay properly handled and we are seeing iyong pag[garbled] noong bird flu.

Pero alam ninyo ang number one na rason bakit tayo may bird flu – ito iyong panahon na iyong mga migratory birds coming from other countries. Ito po iyong nagdudulot nitong problema natin ngayon ng bird flu. So dapat ang mga local government units, mga officers nila ay magmanman doon sa mga local hotspots. Alam naman nila iyong teritoryo nila kasi iyong mga swamp areas, water-based areas ay dito po talagang nag-uumpisa iyong pagdating din ng mga migratory birds at doon na po ang mga habitat po nila and that’s the time the transmission starts.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary, hindi pa naman po ba ito nakakalabas sa Luzon? Ano pong ginagawang measure ng DA para po masigurong hindi na ito kumalat sa iba pang bahagi ng bansa?

DA SEC. DAR: Iyon po ay mayroon nang ugnayan ang bawat quarantine officers bawat probinsya at mayroon naman mga protocols na sinusundan at ini-implement. So ganoon po talaga ang pagmamanman at pagku-quarantine and mga checkpoints ay nakatalaga para hindi po makakalusot para hindi po pupunta sa iba’t ibang areas ng bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, tanong pa rin po ni Janice Ingente ng UNTV: Ano daw po ang panganib na dala ng avian flu sa tao?

DA SEC. DAR: Well, there is a possibility na makahawa sa health pero wala pa namang na-monitor natin na transmission of this H5N1 virus to humans. Pero may mga pag-aaral na there is that possibility.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano po iyong assistance na ibinibigay ng DA para po sa mga poultry raisers na namatayan ng mga alagang poultry dahil po sa bird flu?

DA SEC. DAR: Mayroon na pong ayuda at every bird ay mayroong kaakibat na value, parang indemnification para makapag-umpisa ulit itong mga raisers na ito. At tutulungan po rin namin sila na mag-umpisa kapag wala na itong bird flu incidence.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po, Secretary, ni Janice Ingente ng UNTV: Hanggang kailan daw po inaasahan ang travel suspension sa pagbiyahe ng mga pato, itik at manok?

DA SEC. DAR: Well, every opportunity na madeklara po natin iyong area na nadapuan ng bird flu at imu-monitor po natin iyan and we also look at the whole situation ng municipality and the province. Of course these are all the factors that we need to consider na magdeklara na free na tayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Sheena Torno ng SMNI News: Maliban daw po sa mga gulay at manok, ramdam na rin iyong pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado. Ano po iyong nakikita ninyong solusyon dito para daw po maibsan ang problema ng mga magsasaka at mamimili?

DA SEC. DAR: Well doon sa rice farmers, mayroong continuous [na tulong]. Kagaya ngayong taon starting this April, magbibigay ulit tayo ng Rice Farmers Financial Assistance. I think everybody knows na there is an increasing petroleum prices and also the impacts of the Ukraine war, so everyone is affected. So lahat po ng makakaya po natin kagaya ng hinahanda na po natin dito sa next cropping season sa rice, particular sa wet season ay mamimigay po tayo ng punla, mamimigay po tayo ng fertilizer at hindi lang inorganic fertilizer [dahil] masyadong mataas ang presyo, tinitingnan na rin natin iyong pamimigay ng biostimulants para ma-sustain natin iyong gains that we have achieved in rice production. So tuluy-tuloy naman iyong mga programa po natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pong tanong ni Sheena Torno ng SMNI News: Ano daw pong klase ng bigas ang tumaas ang presyo ngayon? Dapat na daw po bang palakasin ang local agricultural products nang sa ganoon daw po, hindi maaapektuhan ang bansa sa krisis kagaya sa langis na isa daw po sa mga pangunahing kailangan ng mga magsasaka at mangingisda?

DA SEC. DAR: Well, iyon po naman ang aming unang priority – iyong palakasin ang sektor dito sa bansa ng agrikultura. Local food production is the first priority of the Department of Agriculture – nothing more, nothing less. Kasi gusto natin mas mataas iyong ating supisiyente na lebel ng pagkain para hindi tayo aasa, mas lalo na dito po sa idinulot ng COVID-19, ang daming problema. Itong dinulot ng Ukraine war, ang daming problema. So we have to [level] up our game and that’s why I’ve been calling on additional resources for the Department of Agriculture to really enhance food production in this country.

Alam ninyo iyong budget po ng Department of Agriculture ay hindi naman ganoon kataas at doon sa annual budget natin ay 1.5% level. So palagi kong sinasabi, we are doing our best and our best is showing results in terms of increasing sufficiency level in rice, in corn pero hindi pa rin sapat at mas lalo na sa high-value crops, sa livestock, poultry, fisheries – kulang na kulang ang budget.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak sa amin at pagbibigay impormasyon. Secretary William Dar, ang Kalihim ng Department of Agriculture. Salamat, Secretary Dar.

DA SEC. DAR: Maraming salamat po. Maraming salamat, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Sa ibang balita. Umaasa rin si Senator Christopher Bong Go na iaanunsiyo na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga susunod na araw ang kandidatong susuportahan nito sa nalalapit na halalan. Narito ang report.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, makibalita naman tayo sa mga paghahandang ginagawa ng Armed Forces of the Philippines kaugnay pa rin  sa Eleksyon 2022 sa Mayo 9 at iba pang mahalagang issue tungkol sa seguridad ng bansa. Makakasama po natin dito sa studio si AFP Spokesperson Colonel Ramon Zagala. Good morning po Colonel.

AFP SPOKESPERSON COL. ZAGALA: Good morning Ma’am Raffy.

USEC. IGNACIO: Rocky.

AFP SPOKESPERSON COL. ZAGALA: Rocky pala. Good morning po.

USEC. IGNACIO: Colonel, kumusta po raw iyong paghahanda na ginagawa niyo para sa May 9, Hatol ng Bayan 2022? Ano po iyong  preparasyon na ginagawa ng AFP? Isa po kasi sa pinangalanang ita-tap ng COMELEC para sa Task Force Kontra Bigay laban sa vote-buying itong AFP.

AFP SPOKESPERSON COL. ZAGALA: Again, magandang umaga, Usec. Rocky.

So, ngayon kasama natin ang COMELEC under tayo ng Committee on the Ban of Firearms and Security Concerns at partner natin po ang Philippine National Police. At lahat po ng any security concerns na related sa eleksyon ay tinitingnan natin, in particular dito iyong anything to do with harassment or violence na puwedeng maganap during election. Ini-ensure po natin na kasama ang Philippine National Police na magkaroon tayo nang safe and credible election. At commitment ng ating Chief of Staff na si General Andres Centino upang mag-allocate kami ng kasundaluhan na magsusuporta sa COMELEC at sa Philippine National Police.

Itong last Saturday nga galing si General Centino kasama ang mga miyembro ng PNP at ng COMELEC upang mag-signoff ng peace covenant dito sa Marawi para ipatunay na gusto natin na magkaroon tayo ng safe elections at magkaroon tayo ng commitment sa ating mga kandidato. At nagawa rin natin iyon kahapon sa Samar.  Itong mga aksyon na ginagawa natin ngayon ay isang patunay na seryoso po ang AFP na magkaroon tayo ng safe election.

USEC. IGNACIO: Opo. Sinabi mo nagpunta kayo ng Samar. Ano iyong naging assessment niyo sa pagbisita sa Samar pagdating dito sa peace and security?

AFP SPOKESPERSON COL. ZAGALA: Well, humingi tayo ng commitment sa mga kandidato doon kasama natin ang COMELEC. At nag-assure tayo sa COMELEC at sa mga kandidato na pagdating ng eleksyon kasama ng AFP na magkakaroon tayo ng safe elections na walang dapat ikatakot ang ating mga kababayan para bumoto. That they can go to the polling precincts and vote na hindi sila iha-harass o tatakutin.

At the same time, ito ay naging demonstration ng result ng AFP at PNP under the COMELEC na babantayan natin, not only the polling precincts, but hanggang bago dumating ang eleksyon maglalagay tayo ng kasundaluhan at kapulisan na magma-man ng mga checkpoints, titingin sa mga illegal activities na puwedeng mangyari at itigil iyong mga ganung mga pangyayari.

USEC. IGNACIO: Ito, kasi parang mainit na usapin ngayong eleksyon itong vote-buying. Pero mayroon bang means ang ating mga otoridad para i-monitor at aksyunan iyong magiging posibleng digital vote-buying?

AFP SPOKESPERSON COL. ZAGALA: Well, sa ganiyang bagay kasama rin tayo sa Committee on Ban of Firearms and Security at iyon ay part of the security concern. Sa panig naman ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, puwede tayong mag-provide ng unang-una pagka mayroong ganiyan, support to law enforcement kung kinakailangan nila ng sundalo na mag-implement ng kahit anumang security concern, gagawin natin.

Pangalawa, we can provide information. Kung mayroon tayong information na makukuha, binibigay po natin sa COMELEC at sa Philippine National Police and we can act on it legally.

USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, sa ibang issue naman. Ano naman daw iyong paghahandang ginagawa ng AFP sa nalalapit na Holy Week? May mga lugar bang tinukoy na mahigpit na babantayan ng AFP?

AFP SPOKESPERSON COL. ZAGALA: During Holy Week   mayroon tayong mga kababayan na magma-mass gather lalo na sa mga simbahan. Of course, concern natin iyan and we will deploy forces kung saan kinakailangan. Of course, always in coordination with the Philippine National Police.

Ang primary law enforcement agency natin that will conduct security for Holy Week will be the Philippine National Police. At kung saan mang lugar na kinakailangan kami, nationwide naman ang coverage ng Armed Forces. We can easily provide necessary forces kung saan nila kailangan.

USEC. IGNACIO: Okay. Pero mayroon ba kayong nakitang direktang banta sa peace and order ngayong Holy Week or kasi alam natin na kasama pa rin dito iyong pangangampanya ng ating mga kandidato?

AFP SPOKESPERSON COL. ZAGALA: Sa ngayon wala pa. In fact, very generally peaceful pa. Although wala pang information it doesn’t mean na hindi tayo nagmo-monitor. Continuous ang monitoring natin at patuloy iyong pagko-coordinate sa Philippine National Police.

Ang importante kasi iyong any information na makuha natin ay we can act on it at diyan tayo hihingi ng tulong sa ating mga kababayan lalo na kung acts of terrorism or acts of violence. Hihingi tayo ng information sa kanila kasi ang security ay we consider shared responsibility hindi lamang po security forces kundi pati ang public. Kung may nalalaman sila, coordinate with the PNP and the AFP and we will act on it immediately.

USEC. IGNACIO: Okay. Nitong nagdaang Biyernes lang nagkaroon ng sagupaan sa Basilan sa pagitan ng tropa ng militar at ilang miyembro ng Abu Sayyaf kabilang na daw iyong top leader nito. Sa ngayon, kumusta iyong patuloy na banta ng nangyayari dito sa bahagi ng Mindanao?

AFP SPOKESPERSON COL. ZAGALA: Well, ang local terrorist groups as you know concerned din ang AFP. Kasama na rin sila sa ating kampanya na sila ay mawala na. Pero alam naman natin na ang terrorism ay hindi basta-basta nawawala.

So, napakaimportante po na mayroon tayong mga information na nari-receive. Sinabi ko nga earlier na ang terorismo ay posibleng mangyari anytime at importante ang participation ng ating mga kababayan sa pagbibigay ng information lalo na sa terorismo.

Madami tayong hinaharap na local terrorist group isa lamang po iyong Abu Sayyaf Group, mayroon pang Daula Islamiya, mayroon pa tayong mga BIFF. At lahat itong mga local terrorist groups na ito ay naku-consider na natin na well under control at very generally peaceful na po ang areas kung saan sila gumagalaw. Pero ito’y magagawa lamang natin kung mayroon tayong information. In fact, iyong BIFF nasasagupa natin at ang Daula Islamiya nasasagupa natin dahil sa information na na-receive natin.

In fact, ito lamang last week ‘no, may mga nag-surrender after namatay iyong sub-leader na si Radzmil [Jannatul], at nag-surrender din ng eleven (11) firearms. So, iyong mga ganitong bagay nakikita natin as an improvement sa security environment ‘no, kapag may nagsu-surrender at may nagbibigay ng information.

USEC. IGNACIO: Opo. Noong sinabi mong kontrolado na ng AFP iyong sitwasyon dito sa peace and order, ibig sabihin humihina ba iyong puwersa ng mga terorista dito sa bansa?

AFP SPOKESPERSON COL. ZAGALA: Yes. Sa areas ng local terrorist groups, nakikita natin na stable [dahil] hindi sila nakakapag-conduct ng any atrocities at hindi sila nakakapagplano, iyon ang importante, at hindi nila nagagawa ito dahil sa tulong ng ating mga kababayan na continuously nagbibigay ng information.

USEC. IGNACIO: Okay. Kumusta naman iyong decommissioning process ng mga dating rebelde na nagbabalik-loob sa pamahalaan? Gaano daw po kaepektibo iyong mga program ng pamahalaan para po sa development ng mga lugar na dati nang nakilala natin na sinasabing naging talamak o naging lair ng rebelde?

AFP SPOKESPERSON COL. ZAGALA: Mayroon tayong naging peace process na naging successful pareho with MNLF, the MILF, the CPLA. In fact, dahil sa peace process na ito ay naging partner na natin sila. They are now called peace-inclined groups at parte ng proseso nito ay ang disarmament, iyong kanilang pagbalik-loob at pagbibigay sa kanila ng mga programa na they could live their lives, reintegrate into society. So, sa ngayon ang design po natin is 40,000 former fighters will be decommissioned, mayroon silang mga baril, ibabalik nila at the same time, kasama na sila sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program natin wherein kapalit ng kanilang mga armas, bibigyan sila ng livelihood, bibigyan sila ng necessary government support para bumalik sa normal iyong buhay nila.

USEC. IGNACIO: Kumustahin naman natin ulit iyong ongoing ‘Balikatan Exercises’ ngayong taon. Sa ngayon ano daw po iyong aktibidad na ginagawa ng ating mga sundalo at ng American counterparts ninyo?

AFP SPOKESPERSON COL. ZAGALA: Ang Balikatan ay anchored po ito sa 1951 Mutual Defense Treaty wherein ang lessons learned from World War II na kapag tayo ay nasagupa, dadating ang Estados Unidos sa ating pangangailangan, kung tayo ay maatake ‘no. So sa ganiyang kadahilanan, kailangan nating maging prepared, magkaroon tayo ng planning at magkaroon tayo ng interoperability. So kada taon – this is the 37th iteration ng Balikatan – kada taon ay ginagawa po natin ito

And there are three main events: Iyong joint interoperability exercises kung saan ang ating Army, Air Force, Navy ay kasama ang [Army, Air Force at Navy ng Estados Unidos] at tayo ay gagawa ng mga series of activities for the defense of our country; mayroon din tayong staff exercise kung saan mapa-practice natin ang command and control ng dalawang bansa; at iyong humanitarian assistance ‘no, so mayroon tayong civil assistance na ginawa jointly sa pagtatayo ng eskuwelahan dito sa Cagayan at sa Isabela Province.

USEC. IGNACIO: Paano naman daw nakakatulong itong ‘Balikatan Exercises’ dito sa pagbabantay at pag-assert natin sa ating teritoryo sa gitna ng panibagong tension sa pagitan po ng Pilipinas at China dito sa pinag-aagawang West Philippine Sea?

AFP SPOKESPERSON COL. ZAGALA: Itong Balikatan ay isang training exercises. So, ito ay makakatulong sa atin sa pamamagitan ng readiness ‘no. Habang tayo ay nagti-training, nakakapag-practice tayo with the US forces upang maghanda in any possible contingency. Hindi naman tayo nagsasabi na it is directed to anybody. Ang pakay ng Balikatan is any aggressive actions against the Philippines, mayroon tayong maaasahan na partner at iyan ay ang Estados Unidos.

USEC. IGNACIO: Okay. Pero sa ilalim naman ng AFP Modernization Program, anong bagong equipment iyong nagsidatingan kamakailan at ano iyong inaasahan pang darating?

AFP SPOKESPERSON COL. ZAGALA: Well, tatlo iyong ating horizons diyan ‘no, iyong Horizons I, II and III. Tayo ay patapos na po sa Horizon II at ang focus po natin ay external defense. So, mayroon tayong parating na mga missile systems, land-based missile systems, mayroon tayong pinaplanong multi-role aircraft, more command and control and monitoring equipment and so on. So, napakadami tayong equipment na nakaplano, na parating na makakatulong hindi lamang po sa external defense pati rin po, katulad ng aircraft, magagamit natin sa humanitarian assistance and disaster response.

USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, alam po natin kung gaano kalaking suporta iyong binibigay ni Pangulong Duterte sa ating military and uniformed personnel sa anim na taon niyang pamumuno. Ngayong nalalapit na rin po iyong pagtatapos ng termino o iyong kaniyang administrasyon, ano po iyong panawagan po o hiling ninyo sa susunod na uupong Commander-in-Chief para maipagpatuloy po iyong programa sa pagpapalakas ng ating Hukbong Sandatahan ng Pilipinas?

AFP SPOKESPERSON COL. ZAGALA: Una muna nagpapasalamat tayo sa ating Pangulo, President Rodrigo Roa Duterte at siya po ay sumuporta sa mga programa ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Sinuportahan po niya ang ating modernization at ang pinakaimportante, sinuportahan niya po iyong paglaban natin sa terorismo.

In particular iyong paglaban kasi natin sa CPP-NPA ay hindi lamang po military, iyan po ay socio-economic at political. So, sa pagtatag noong 2018 ni President Duterte ng NTF-ELCAC, nasagot natin ang mga problema  ng mga kababayan natin na sumasali sa NPA doon sa social and economic issues na kanilang hinaharap na hindi namin kayang gawin sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

So, sa ganoong bagay, from 2018 to this date, sa pagtulong ng ating Pangulo, malaki ang ibinagsak ng Communist Party of the Philippines-NPA-NDF sa kanilang rebolusyon laban sa ating gobyerno, sa kanilang armed struggle.

So, doon nagpapasalamat tayo sa Pangulong Duterte at inaasahan po natin na sana po ang susunod na administrasyon ay ipagpatuloy ang ganiyang programa para tuluy-tuloy na po na maging peaceful ang ating bansa at mawala na po ang armed struggle.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at pagpunta dito sa ating studio, Colonel Ramon Zagala, ang tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines, Thank you, Colonel.

AFP SPOKESPERSON COL. ZAGALA: Thank you, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Samantala, nasa isang daan at limampung (150) pamilya naman na nabiktima ng magkakahiwalay na sunog sa Taguig ang hinatiran ng tulong kamakailan ng pamahalaan sa pangunguna ng tanggapan ni Senator Bong Go.

Isang residente naman ang nagpasalamat sa Senador dahil sa naging tulong ng Malasakit Center sa kaniyang ina. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Mga nabiktima ng Bagyong Odette sa Bohol tinulungan ng TESDA sa pagtatayo at pagsasaayos ng mga bagong tahanan. Ang detalye mula kay Alah Sungduan, ng PTV4 Cordillera.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Tuluy-tuloy pa rin ang pagbaba ng COVID-19 positivity rate sa Pilipinas. Nitong nagdaang linggo na mula sa 2.5% ngayon po ay 2% na lang. Iyan po ay base sa ulat ng Department of Health kagabi sa Talk to the People ng Pangulo.

Makibalita tayo sa iba pang update kaugnay sa pandemya. Makakasama po natin si National Task Force Against COVID-19 Medical Adviser Dr. Ted Herbosa, good morning po Doc. Ted.

DR. TED HERBOSA:Good morning USec. Rocky, at pati sa mga nanunood sa Laging Handa.

USEC. IGNACIO: Doc. Ted, sa ngayon po ano iyong latest number natin dito po sa mga dapat mabakunahan po ba?

DR. TED HERBOSA: Tama. Well, the good news is maganda ang ating record ngayon ng ating vaccination. 65.6 milyon ang nagkaroon na ng two doses at mayroon tayong 11.68 milyon na mayroon ng booster doses.

So, kung tatantiyahin natin iyan kung 66 milyon, mga 33 milyon siguro dapat ang makatanggap ng tinatawag na booster dose and we’ve given about 12. So, parang 21 milyon na lang iyong hinahabol natin sa ating booster dose. Pero, tuluy-tuloy ang pagbabakuna natin.

If you look at the vaccination rate nasa 74% na tayo noong targeted na dapat mabakunahan at 75% noong ating A2, iyong mga senior citizens. So, sana tuluy-tuloy nating maabot iyong ina-attain natin [na] almost 80% na mabakunahan para lalong makapagpaluwag pa tayo ng iba’t ibang restrictions sa COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Ted, ano pong mga lugar iyong nakikita ninyong dapat na ring magsagawa ng targeted special vaccination days kagaya po ng ginagawa ngayon sa Cebu, Davao, Cotabato at BARMM?

DR. TED HERBOSA: Yes no, iyan ang ipinalit natin iyong sa national no. Ang mga lokal na pamahalaan ay nagpaigting ng kanilang vaccine administration by doing special vaccination rate sa local government and minention mo nga Cebu is one of them [unclear].

Ako, ini-encourage ko iyong iba pang local government to do special vaccination day para mahabol iyong mga taong medyo tinatamad na yatang magpabakuna dahil napakakonti na lang iyong new cases natin. 360 a day for the past 7 days, iyon iyong 7-day average natin 360 cases.

Dito sa PGH, 24 cases na lang ang confined na may positive COVID pinakamababa pero (unclear). So, wala ng masyadong bagong new cases na na-detect.

I think buong bansa below 1,000 tayo, iyong current na admitted 700 something ang active cases ng covid-19. So, napakaganda talaga ng balita.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, sa assessment ninyo po epektibo pa rin iyong ginagawang Bakunahan, Bayanihan para pabilisin sana itong vaccination roll out dito sa Pilipinas, Doc. Ted?

DR. TED HERBOSA: Yes no, nakita naman natin how the massive vaccination has helped us, we are ahead of the other countries no, dahil nasa 70% plus na tayong vaccinated. Kahit nag-open up tayo to alert level 1 at maraming campaign at mass gathering event ay hindi sumisipa ang ating mga kaso.

So, ang feeling ko talagang dapat habulin pa natin iyong mga puwedeng mabakunahan na mga kababayan natin at mabigyan ng booster iyong mga matagal na since their last vaccination.

USEC. IGNACIO: Doc. Ted, isunod ko na po itong tanong ni Red Mendoza, ng Manila Times. Reaction ninyo daw po sa concern ni Presidential Adviser Secretary Joey Concepcion, na maaaring magkaroon ng surge ng kaso dahil sa mababang booster shots na ina-administer dito sa bansa?

DR. TED HERBOSA: Posible iyon ano? In fact, gusto ko iyong recommendation na niya sometime bandang … lagyan daw  natin ng deadlines na maibigay natin iyong booster para magkaroon tayo ng parang panahon na itsi-check na pati iyong booster shots mo ay updated.

So actually, maganda iyon para ma-encourage at ma-incentivize ang mga mamamayan na magpa-booster na. Parang noong nag-alert level 3 tayo, pinigilan natin sumakay sa public transport iyong walang vaccination no. Iyon ang daming nagpabakuna noon actually.

So, maganda iyong may mga ganoong pamamaraan na ma-incentivize ang ating mamamayan to get their vaccines. Kasi, available naman USec. Rocky, at saka baka mag-expire lang iyong mga bakuna by the end of June. Mayroong six months since they were delivered, mga na-deliver sa atin na binili natin December. So, sana maubos natin iyan.

USEC. IGNACIO: Dagdag pong tanong ni Red Mendoza, ng Manila Times. Inaprubahan na sa America itong pangalawang booster dose ng Moderna para sa mga edad 50 pataas.

Sa tingin po ba ninyo maaaring daan na ito para maaprubahan ang pangalawang booster dose dito sa Pilipinas? Doc. Ted? Okay, mukhang nawala sa linya ng ating komunikasyon si Doc. Ted, Doc. Ted. Babalikan po natin si Doc. Ted.

Babalikan po natin maya-maya lamang si Doc. Ted Herbosa. lkinabahala ngayon ng COVID-19 Task Force ang pagdagsa ng mga tao  sa kabubukas pa lamang ulit na Roxas Night Market. Ang panawagan ng lokal na pamahalaan alamin sa report ni Clodet Loreto.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Dumako naman tayo sa mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service, magbabalita si Czarinah Lusuegro.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Czarina Lusuegro, mula sa PBS Radyo Pilipinas. Balikan po natin si Doc. Ted Herbosa, Doc. Ted.

DR. TED HERBOSA: Yes, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Doc. Ted, ulitin ko lang po iyong tanong ni Red Mendoza. Sa tingin ninyo po ba maaaring daan na itong approval daw po ng Moderna shots as second booster sa America para po sa 50 years old pataas para maaprubahan po ang pangalawang booster dose  dito sa Pilipinas?

DR. TED HERBOSA: Tama po no, paliwanag siguro na… siguro last month pa nag-recommend na ang ating vaccine expert panel ng Department of Science and Technology, iyong mga vaccine expert sa DOH no, at inaaral ngayon iyong mga datos nito.

Pero, nalaman ko kailangan din pa lang mag-apply ng both Moderna and Pfizer na available siya sa amendment sa ating FDA for EUA amendment to permanently use authorizations.

Kailangan i-apply nila iyon for amendment for setting booster shots na binigay na sa kanila ng FDA ng America. So, iyon ang ating mga hinihintay na proseso para to weapon iyong mag-decide kung ibibigay natin iyan sa ating senior citizens at immunocompromised na mga tao.

USEC. IGNACIO: Doc. Ted, tanong pa rin po ni Red Mendoza, ng Manila Times. Ano daw po ang inyong payo sa mga kababayan natin na naghahanda na sa kauna-unahan nilang bakasyon pagkatapos ng 2 taon na pandemya na maaari daw pong makalimot sa safety protocols dahil sa patuloy na pagbaba ng mga kaso?

DR. TED HERBOSA: Huwag nating kakalimutan ibaon ang ating mga face mask, surgical mask at N-95 mask. Tuluy-tuloy pa rin ang recommendation ko na huwag nating alisin iyang recommendation na iyan.

Ang experience ng ibang bansa na mataas ang vaccination rate, inalis nila lahat ng mga restrictions ano? Iyong hindi pagsuot ng mask, tinanggal nila.  Inalis na nila iyong mask then tumataas iyong kaso nila.

So, ako ang recommendation ko habang tayo ay nandito pa rin sa alert level 1, mayroon pa ring paisa-isang may COVID  diyan at pag nagkasimtomas tayo kahit tayo nasa bakasyon, mag-isolate po tayo para hindi na natin maikalat iyong – kasi siyempre very important iyong minimum public health standard.

Kung sa tingin ninyo iyong isang event o lugar ay risky, maraming hindi siguro naka-mask, kung maraming sumisigaw, kumakanta. Baka ito ay mga high-risk or high chance of spreading ay mag-ingat na lang tayo at kung puwede hindi na tayo sumali sa mga ganitong klaseng bakasyon.

Mas maganda iyong mga bakasyon na medyo hindi masyadong risky. So, gamitin natin iyong ating kaalaman at common sense sa 2 taon na naman nating ginagawa. So, hindi na dapat maiba, even if we are allowed to do family vacation or visiting tourist destination dito sa Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Ted, panghuli na lang po. May update na po ba tungkol sa posibleng pagtatanggal ng alert level system dito sa Pilipinas? Puwede na po kaya itong gawin anytime soon? Kasi, sabi ninyo nga po patuloy na bumababa iyong kaso.

DR. TED HERBOSA: Oo nga no. Well, siyempre ang ginagawa ng ating IATF, pinapaanalisa nila iyong pinaka-latest na datos. So, ang next niyan – itong katapusan dapat mag-decide tayo kung tamang mag-e-extend pa ba tayo ng alert level 1, aalisin na ba or whatever?

So, very important kung ano iyong status noong isang lugar at nandito naman iyong apat na parameters. Naalala ninyo iyong ginamit natin na parameters hindi ba?  Iyong kung kailangan magtaas ang [unclear] na mababa iyong ADAR below 6.

Pangalawa, kailangan iyong hospital utilization natin below 50%. Pangatlo, iyong vaccination rate no kailangan 70% of the general population at 80% from senior citizen. So, iyon ang mga parameters na inaabot natin.

Iyong sa pinaka-huli iyong medyo hirap iyong ibang mga lugar. Kasi, naa-attain natin iyong [unclear] tatlo pero ang ating – iyong mga senior citizen ay hindi pa rin 80% iyong vaccination rate sa ibang LGU.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Ted, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon. Dr. Ted Herbosa, ang Medical Adviser ng National Task Force Against COVID-19.

DR. TED HERBOSA: Maraming salamat, thank you very much.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas o KBP.

At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito, ako po si USec. Rocky Ignacio, hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)