USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Siksik sa talakayan kaugnay sa maiinit na issue ang ihahatid namin sa inyo ngayong huling araw ng Marso. Manatiling nakatutok, maya-maya lamang makakasama natin sa programa ang mga kinatawan ng ahensiya at eksperto para bigyang-linaw ang mga tanong at agam-agam ng taumbayan.
Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio, simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Habang mas lumalapit ang eleksiyon, kaniya-kaniyang paandar ang mga kumakandidato para makahikayat ng mga botante. Ang COMELEC, bumuo na ng isang task force na kinabibilangan ng iba’t ibang ahensiya kabilang na ang Department of Justice na magbabantay sa kaso ng vote-buying. Para pag-usapan iyan, makakasama po natin si Secretary Menardo Guevarra ng Department of Justice. Good morning po, Secretary.
DOJ SEC. GUEVARRA: Magandang umaga, Usec. Rocky at magandang umaga rin sa lahat ng nanunood sa iyong programa.
USEC. IGNACIO: Secretary, kapag sinabi po nating highest priority ng DOJ itong Task Force Kontra Bigay, ano po iyong magiging role at additional efforts ng DOJ para dito?
DOJ SEC. GUEVARRA: Usec., alam mo naman na itong ating campaign period ‘no, itong election period natin ay magtatapos sa election day on May 9. Ito naman ay hindi napakahabang panahon kaya bibigyan iyan ng priority attention ng Department of Justice – meaning to say na preferential attention will be given. Anyway, iyan naman ay for a limited period only ‘no, hanggang sa matapos lang ang eleksiyon, babantayan lang naman ang vote-buying.
Kaya ang lahat ng mga ahensiya na nasa jurisdiction ng Department of Justice ay magtutulung-tulong upang mabigyan ng preferential attention itong mga reklamo laban sa vote-buying. For example, Rocky, ang National Prosecution Service – iyan ang ating mga prosecutors ‘no – sila ang mag-i-investigate ng anumang complaint about vote-buying kaya bibigyan ko sila ng instruction na unahin ang mga kaso at mga complaints na may kinalaman sa vote-buying.
Ganoon din ang ibang agencies under the DOJ kamukha ng Public Attorney’s Office – nakausap ko na ang hepe ng Public Attorney’s Office at sinabi ko sa kaniya na ang mga field offices ng PAO ay tulungan ang mga tao na mangangailangan ng assistance para sa pagpa-file ng complaint – halimbawa ay paggawa ng mga affidavits and so forth and so on. Iyong mga DOJ action centers sa mga various regions ay imu-mobilize din namin para tumanggap ng mga kaukulang reklamo against vote-buying at iyan naman ay iri-refer ng action centers ng DOJ; kung kailangan ang tulong ng PAO, iri-refer sa PAO. At ang PAO naman ‘pag nagawa na iyong affidavit of complaints ay ipa-file naman iyan sa mga piskalya, sa mga prosecutors.
On the part of the NBI, I have requested the OIC-Chief ng NBI na iyong kanilang mga field and regional offices ay pagalawin, gawing more active para hindi iyong maghintay lamang ng mga tips or possible [na] reklamo on vote-buying kung hindi lumabas sila mismo at makihalubilo sa mga rallies, mga sorties, mga campaigns and so forth and so on para mahuli nila sa akto iyong mga nagku-commit ng election offenses like vote-buying. Kaya then and there, they can effect warrantless arrest kapag nahuli nila sa akto.
Iyon, nang masampolan nila iyong ilan ay magdudulot na ng pangamba doon sa mga nagbabalak na mamili o manghingi ng pera para bumoto. Kaya iyan ang mga efforts na gagawin ng DOJ bilang participation namin dito sa Inter-Agency Task Force Kontra Bigay na na-create na ng COMELEC, I think formally yesterday, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary, ngayon ba ay mayroon na kayong natatanggap na reklamo kaugnay dito sa vote-buying at ini-expect ninyo po ba, Secretary na dadami iyong mga reklamo na matatanggap sa pagkakatatag po nitong task force?
DOJ SEC. GUEVARRA: Well, iyong sa vote-buying ano, wala pang masyado kasi usually mga naririnig lang naman natin ‘yan eh na may vote-buying doon, may vote-buying dito… and so forth and so on. Pero iyong aktuwal na magpa-file ay parang limited na limited pa lang ano. We’re hoping na with this task force initiated by the COMELEC ay magkalakas-loob ang mga tao na lumapit doon sa mga kaukulang agencies ‘no na member nitong task force para i-report at magsumbong tungkol sa vote-buying. Ini-expect namin iyan and we’re hoping na dadami iyong mga nagrireklamo.
Siyempre iyong mga other election offenses na—election-related offenses, lagi namang nandiyan ‘yan eh ‘no at inaasahan namin na habang papalapit ang election ay lalong dadami iyan ‘no – mga complaints on harassment, on use of government property or slander, physical injuries and so forth and so on – iyan mga usual complaints iyan na election-related kapag malapit na ang eleksiyon. At iyan ay inaasahan din namin na darami sa mga darating na araw, kasama na rin siguro ang vote-buying, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, maaari pong may ilang mga kandidato na ilag dito sa usapin ng vote-buying dahil iba naman daw po ito sa tinatawag na ayuda. Pero para lang din po malinaw, Secretary, paano po ba daw natin masasabi na vote-buying na pala iyong ginagawa ng isang kandidato?
DOJ SEC. GUEVARRA: Usec., kasi dalawa ang main elements niyang offense ng vote-buying. Ang unang element niya ay iyong ‘act’, iyong act of offering, promising or giving money or anything of value ‘no. So iyan ‘yung unang element, mayroon kang inaabot, may binibigay ka na something of value to a voter. Ang pangalawang element ay iyong intention – kung ang intention noong pagbibigay o pangangako ay para ma-induce iyong voter to vote for or against a particular candidate or person ay iyon ang magiging—the combination of those two elements will make the offense of—will make up the offense of vote-buying.
So mahalagang-mahalaga iyong intensiyon diyan ‘no, iyong purpose. Kung ang pagbibigay ay binibigay lamang dahil gustong makatulong sa tao lalo na’t hindi pa naman campaign period, wala namang masama doon. Pero kung iyan ay maliwanag at makikita sa surrounding circumstances na ang objective at diretsahang sinasabi na iboto mo si ganoon or huwag mong iboto si ganoon… then that will be a form of vote-buying na punishable under the Omnibus Election Code, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, isunod ko na lang po iyong tanong ng ating kasamahan sa media. May tanong po sa inyo si Alvin Baltazar ng Radyo Pilipinas: Just recently po sinabi ni COMELEC Commissioner George Garcia na nasa radar na nila iyong impormasyon ng cashless transaction din ang paraan ng pagbabayad ng mga bumili ng boto. Sa palagay ninyo po, Secretary, mas madaling ma-prosecute ang pareho pong bumili ng boto at nagbibenta since puwede daw pong ma-trace doon sa kanilang transaction record?
DOJ SEC. GUEVARRA: Palagay ko ay kung makikita na maliwanag na may pattern iyang ganiyang mga bank transactions ay magiging isang matibay na ebidensiya iyan ng vote-buying, Usec. Kasi may record iyan eh ha, makikita iyong pinanggagalingan, makikita kung saan patungo so may mai-establish na pattern iyan. So hindi siya kumpleto by itself ‘no pero put together with other pieces of evidence, you can make out a case [garbled]—
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary—
DOJ SEC. GUEVARRA: —cooperation with our banking institutions – maybe with the AMLC likewise ‘no. So makikita natin ‘yan eh, bank transactions kasi iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pong tanong ni Alvin Baltazar: Iyon po ba daw matukoy ang isang bumili ng boto, na identified sa isang tumatakbo ay sapat nang grounds para maging liable din at idawit sa kaso iyong mismong kandidato?
DOJ SEC. GUEVARRA: Siyempre sa umpisa ang makakasuhan lamang ay iyong aktuwal na nahuli ‘no na namimili ng boto. And let me emphasize also, Usec., na hindi lamang iyong namimili ang punishable under the law. Under the Omnibus Election Code, iyong nanghihingi or iyong tumatanggap at nangangako na boboto or hindi boboto para sa isang tao in consideration of the money or the thing of value na kaniyang natanggap. Iyong person na iyon na nag-receive is also liable.
But going back to your question, iyong nag-abot, iyong nahuli sa akto ay iyon ang unang makakasuhan ‘no. At kung later on ay magsasalita siya at sasabihin na siya ay inutusan lamang ng kandidatong si ganito at iyong pera at inabot sa kaniya mismo ng kandidato or ng kanang kamay ng kandidato and so on and so forth, then that will be the beginning of an expanded investigation that will include mismo iyong kandidato ‘no.
Sa umpisa siyempre laging iyong nahuhuli muna ang iimbestigahan. Pero magsasalita iyan eh at maaaring mandamay iyan, sasabihin na, “Hindi ko naman po pera itong pinamimigay ko eh, galing po nito kay candidate X. Siya po ang nag-abot sa akin.” Eh di mayroon ng ebidensiya para habulin pati iyong mismong kandidato.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, sa case naman po ng namamahagi ng cash prizes kahit noong hindi pa opisyal na nagsisimula itong local campaign, posible rin daw po ba na maimbestigahan ito ng Task Force Kontra-Bigay?
DOJ SEC. GUEVARRA: Sabi ko nga kanina, Usec, ay dalawa ang elemento na dapat nating makita – iyong act ng pagbibigay; pangalawa, iyong intention niya. So kung maliwanag na ang intention niya at iyon naman ay papatunayan ng mga taong tumatanggap or tumanggap ng mga papremyo or mga prizes na iyon ay binibigay ng particular candidate, not necessarily iyong nag-aabot na let’s say, local government officials. Pero sinasabi niya na binibigay niya iyon para maiboto ng pinagbigyan si ganitong official, halimbawa national official, then there is sufficient basis to conduct an investigation ng possible vote-buying. Kasi nga, iyon nga ang definition ng vote-buying eh, iyong nagbibigay ka ng thing of value and ang purpose is to induce somebody to vote or not to vote for someone. Not necessarily for yourself, maaaring to vote for someone else, that’s still vote-buying kasi iyon ang definition noon under the law, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may ilan po kasing hindi na umano itinutuloy iyong reklamo sa mga kandidato dahil sa usapin ng kaligtasan at maaaring natatagalan sila sa proseso. Dito raw po sa pagkabuo ng Task Force, gaano naman daw po kabilis ang aasahan ng publiko na magiging aksiyon sa kanilang mga posibleng reklamo?
DOJ SEC. GUEVARRA: Well, naipaliwanag ko na kanina, Usec, na bibigyan iyan ng preferential attention. Kaya makakaasa naman ang mga tao na right away ay aaksiyunan iyan ng mga members ng inter-agency task force particularly the DOJ agencies ‘no. Kaya nga lamang siyempre tayo ay sumusunod sa principle ng due process kaya siyempre bibigyan din naman natin ng pagkakataon iyong inireklamo na magpaliwanag kaya susunod tayo sa proseso.
Usec, ang mahalaga dito ay hindi iyong bilis. Para sa akin ang mahalaga ay iyong pagkilos ng mga tao na nakakakita na mayroong ganitong mga violations. Ang mahalaga ay mag-file ng complaint. Iyong complaint na iyon ay maaaring mabilis ang proseso, maaaring matagalan pero ang mahalaga ay nag-file ka ng complaint. Kasi kung hindi ka naman magpa-file ng complaint eh di parang nagkukuwentuhan lang tayo, nagtsitsismisan lang tayo na may vote-buying dito, may vote-buying doon pero wala naman tayong ginagawa. So iyon ang mas mahalaga – kumilos tayo, magsumbong tayo. At kapag nagawa natin iyan, leave it to the agencies concerned to process your complaint. Bibilisan namin, we are hoping to be able to do that. But we’ll have to respect due process also.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary, puwede po bang direktang lumapit sa DOJ para sa kanilang complaint kung nais po nilang itago iyong kanilang identity at ipadala na lamang po iyong kanilang
, sakaling nakuhanan nila ng video? Ano raw po iyong prosesong puwede nilang gawin, Secretary?
DOJ SEC. GUEVARRA: Puwede iyon ‘no. Puwede namang anonymous iyan. Halimbawa, lumapit kayo sa Public Attorney’s Office or sa DOJ Action Center para i-submit iyang ebidensiya na, halimbawa, mayroon kayong video recording, i-submit ninyo lang iyan kahit na hindi ninyo ibigay ang inyong buong pangalan or address for security reasons, and we will take care of the rest.
Most likely, ang gagawin namin diyan kung talagang may matibay na ebidensiya na ipinapakita ‘no, kaya nga lamang ay ayaw magpakilala ng complainant, normally ang gagawin namin diyan ay iri-refer namin iyan sa National Bureau of Investigation for case build-up. Kasi mayroon nang nakita eh, mayroong nang sinabmit na ebidensiya, hindi lang kumpleto iyon dahil ayaw magpakilala ang complainant, wala siyang affidavit and so forth and so on. Mayroon lang siya, halimbawa, video, ang pupuwede naming gawin, iyon nga, magbi-build-up ng case ang National Bureau of Investigation on the basis of what has been presented. So makikita naman kung sino iyong mga tao doon na involved, makikita iyon sa video. So on that basis, magsisimula ng sariling investigation ang NBI.
So kapag nakapag-gather ang NBI ng sufficient evidence, ipa-file ngayon iyan ng NBI sa Department of Justice para naman ang DOJ prosecutors ang magku-conduct ng preliminary investigation. Kung makita ng DOJ prosecutors na mayroong probable cause, na mayroong violation ng Omnibus Election Code, that an election offense has been committed, then ang gagawin ng DOJ ay ipa-file naman iyan sa Regional Trial Court na siyang may jurisdiction sa mga election offenses.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, punta naman po tayo dito sa isa pa ring mainit na usapin, ano po, kaugnay naman dito sa mga nawawala pa ring e-sabong bettors. May latest na po ba sa imbestigasyon ng NBI tungkol dito, Secretary?
DOJ SEC. GUEVARRA: Usec. Rocky, patuloy ang investigation na ginagawa ng NBI ‘no. Hindi sila tumitigil dito dahil mayroong direct na order ang Presidente. Bukod pa doon sa aking department order ay inutusan directly ng Presidente ang NBI at ang PNP na i-solve itong kaso ng mga nawawalang sabungero ‘no.
At ang NBI naman ay may mga nakita na na mga witnesses dito. Kamakailan ay mayroon silang bagong witness na natagpuan na magbibigay ng napaka-useful na information kung ano ang nangyari dito sa mga nawawalang sabungero. Kaya lang, Rocky, hindi ko muna maibibigay iyong detalye ng kanilang findings kasi baka mabulabog iyong investigation na ginagawa nila.
I just want to assure the families ng mga nawawalang sabungero na gumagalaw at kumikilos ang NBI para ma-solve itong misteryo ng nawawalang kamag-anak nila.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary, nabanggit po ni Pangulong Duterte na hindi raw po niya ipatitigil itong e-sabong sa harap po ng nagpapatuloy na imbestigasyon dito sa mga nawawalang sabungero—
DOJ SEC. GUEVARRA: Nawawala, Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo, ulitin ko lang po iyong tanong, Secretary. Nabanggit po ni Presidente na sa kabila po ng imbestigasyon, hindi po niya ipatitigil itong e-sabong. Pero sa usapin po ng ligalidad, may basehan po ba na masasabing ligal na ipagpatuloy pa rin itong e-sabong sa kabila po ng isinasagawang imbestigasyon?
Secretary? Nawala po iyong audio ninyo, Secretary.
DOJ SEC. GUEVARRA: [OFF MIC] … for some, it’s just recreation ‘no. Kumbaga, leisure. Pero for many, iyong sa higit na nakakarami, it’s a form of gambling. So, iyong moral aspect aside, iyang gambling na iyan kung hindi siya regulated or hindi siya licensed ay magiging iligal talaga. Pero dahil ang PAGCOR naman, ang ating Philippine Amusement and Gaming Corporation ay kumbaga, parang nag-assume na ng jurisdiction over e-sabong at siya ay nagri-regulate na at nag-iisyu ng lisensiya or permits, nag-a-acquire na ng semblance of legitimacy ang e-sabong operations because under regulation na by the proper government agency.
Ngayon kung ang Kongreso at ito ay sinabi naman ng Presidente, Usec. Rocky, kung ang Kongreso ay tingin nila ay kailangan ng legislative franchise na hindi sufficient na ang PAGCOR lamang ang mag-i-impose ng rules and regulations at kailangan ng legislative franchise, then so be it. We leave it to Congress to do what is necessary.
If Congress also believes that e-sabong should be outlawed, i-declare na labag sa batas, nasa kanila rin iyon. Ang [unclear] ay sila ang magpahayag ng ganoong policy. It’s a legislative matter.
Pero kung hindi sila gagalaw sa ngayon ay kakailanganing kumilos ng Executive Department kasi nagbigay din naman ng opinion ang Department of Justice pati ang Office ng Solicitor General na saklaw ng general jurisdiction ng PAGCOR ang pag-regulate sa ganitong klaseng operation. Iyon naman ay nakasaad din doon sa kanilang Charter. Although hindi naman nila mini-mention iyong e-sabong dahil ngayon lang naman iyang e-sabong nauso, noong dati naman ay wala niyan.
So, masasabi ko sa ngayon dahil regulated iyan, ay masasabi nating legal naman ang operation. [May] proper license and permit either from both the PAGCOR and from the local government unit concerned.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, puntahan naman po natin itong naging direktiba ni Pangulong Duterte sa PDEA na magbigay sa ICC at human rights advocates ng datos ng mga nakukumpiskang iligal na droga. Ano po ang tingin dito ng DOJ? Handa po ba naman ang PDEA at iba pang law enforcement agencies para dito, Secretary?
DOJ SEC. GUEVARRA: Usec. Rocky, palagay ko ay handang-handa ang mga agencies na ito na i-submit iyong data tungkol sa mga confiscated drugs and so forth and so on na nahuhuli over the years para maipakita kung gaano kalawak ang problema natin sa illegal drugs.
Ngayon iyan ay kung isa-submit sa human rights or sa ICC ay para lamang siguro maunawaan nitong mga ahensiyang ito lalo na ang ICC kung bakit ganoon katindi ang kampanya ng Philippine government against illegal drugs kasi nga ay napakalawak at napakaraming mga tao, lalo na ang kabataan ang nabibiktima ng illegal drugs.
Kaya sana ay makuha nila ang context na iyon sa kanilang investigation na ginagawa tungkol sa alleged human rights violations in relation to the conduct of the drug war ng Philippine government.
Iyon naman kasi talaga ang purpose nila, to find out kung mayroong crime against humanity, I’m talking about the ICC. Crime against humanity committed by certain people in the Philippines in connection with the campaign against illegal drugs.
At kami naman, ang DOJ naman ay tumutulong para ipakita na ang ating mga domestic institutions ay gumagana para i-address iyang ganiyang klaseng [unclear] laban sa illegal drugs. Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, follow up lang po ‘no. Sa bahagi po ng DOJ naman, kumusta naman daw po iyong imbestigasyon ninyo sa drug war-related cases?
Opo, Secretary?
DOJ SEC. GUEVARRA: Usec, sorry ha. Hindi ko narinig iyong huli. Nawala kasi.
USEC. IGNACIO: Pero sa bahagi po ng DOJ, Secretary, kumusta po iyong imbestigasyon sa drug war-related cases?
DOJ SEC. GUEVARRA: Tuluy-tuloy iyan ano at as a matter of fact, Usec. Rocky, iyong mga cases na ini-refer namin sa NBI for case buildup, ito iyong 52 cases na nanggaling mismo sa PNP at sinasabi ng PNP na mayroon sila mismo na nakita na mga lapses o pagkukulang on the part of law enforcement agents.
Iyang mga inassign namin sa NBI ay iniimbestigahan ng NBI at mayroon na silang mga cases na ipinile [filed] sa Department of Justice. Meaning, nakapag-case buildup sila at nakita nila na may possible criminal liability iyong some police officers who were involved in these illegal drug operations.
As a matter of fact, kamakailan lamang ay tatlong bagong complaints ang ipinayl [filed] ng NBI sa Department of Justice na may kinalaman sa mga police officers na involved sa illegal drugs operations na may mga napatay na suspect. Kaya iyan ay patuloy na ginagawa ng DOJ at ng NBI at ire-report namin ang progreso ng investigation from time to time. At iyan ay pinaparating din namin sa UN Human Rights Council dahil iyan ay isa sa mga undertakings ng Philippine government sa UN Human Rights Council na imbestigahan ang mga kaso na sinasabi nila na may possible human rights violations. Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may tanong po si Leila Salaverria ng Inquirer: In releasing daw po Dr. Natividad Castro, Judge Fudalan of the Bayugan RTC slammed the failure to issue a subpoena to her saying this was offensive daw po to due process and that claiming she was an NPA with no permanent address is not a justification. What does the DOJ say about this and what it is going to do about the court’s criticism of how the case was handled? Will the action of the prosecutors be looked into?
DOJ SEC. GUEVARRA: Usec. Rocky, nawala uli.
USEC. IGNACIO: Opo. Sige ulitin ko na lang po iyong tanong, Secretary, ni Leila Salaverria.
Doon daw po sa pagka-release ni Dr. Natividad Castro, Judge Fudalan of the Bayugan RTC slammed the failure to issue a subpoena to her saying this was offensive daw po to due process and that claiming she was an NPA with no permanent address is not a justification.
Ano daw po ang masasabi ng DOJ dito?
DOJ SEC. GUEVARRA: Sorry, Usec. Rocky, medyo napuputol kasi. Could you hear me now?
USEC. IGNACIO: Opo. Naririnig ko na kayo, Secretary. Ako po, naririnig ninyo? Naririnig ninyo na ako, Secretary? Opo. Can you hear me, Secretary?
Okay. Mukhang nawala po sa linya ng komunikasyon natin si Secretary Menardo. Babalikan po natin siya maya-maya lamang.
Senate Bill 205 o pagbuo sa Department of Disaster Resilience, ahensiyang tututok sa rescue operations and rehabilitation efforts sa panahon ng kalamidad, muling isinusulong sa Senado.
Senator Go, iginiit ang kahalagahan ng panukalang batas lalo’t nahaharap na naman ang ilang mga probinsiya sa banta ng patuloy na aktibidad ng Bulkang Taal. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, balikan na po natin si Secretary Menardo Guevarra.
Secretary, pasensiya na po. Ulitin ko na lang po ulit ang tanong ni Leila Salaverria ng Inquirer: Sa pag-release daw po kay Dr. Natividad Castro, Judge Fudalan of the Bayugan RTC slammed the failure to issue a subpoena to her saying this was offensive to due process, and that claiming she was an NPA, with no permanent address, is not a justification. What does the DOJ say about this and what it’s going to do about the court’s criticism of how the case was handled? Will the action of the prosecutors be looked into?
DOJ SEC. GUEVARRA: Usec. Rocky, ito yatang preliminary investigation dito sa kasong ito ay matagal nang nangyari kaya hindi ako very familiar about the factual background of this case. Ang nalaman ko na lamang ay noong maaresto si Dr. Castro at iharap na sa husgado. So, kung ganiyan pala ang nangyari, at I am not sure whether dinismiss na ng judge, ay I will just have to probably discuss with the handling prosecutors kung ano ang dapat gawin under the circumstances. Kung talagang hindi naman nabigyan ng pagkakataon si Doktora na mag-submit ng kaniyang counter-affidavit at hindi siya nabigyan talaga ng due process, iyan naman ay hindi naman magtatapos sa ganoon. Dahil pupuwede namang ulitin ng Department of Justice ang preliminary investigation para siya ay mabigyan ng pagkakataon na ipakita na wala namang probable cause against her for the charges na ni-lodge against her. Wala pa naman tayong masasabing double-jeopardy, dahil hindi pa naman siya binabasahan ng demanda, hindi pa naman siya nagpi-plead ng guilty or not guilty at hindi pa naman nagta-trial on the merits.
Kaya kung sakali man na totoo na maaaring may lapses somewhere, iyan naman ay pupuwede pang i-correct para naman mabigyan din ng opportunity ang law enforcement agents o ang mga prosecutors na ituwid kung anuman ang hindi tama sa nangyari before. Kung sa tingin naman nila ay tama at wala naman silang pagkukulang, then I suppose a motion for reconsideration will be in order, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Leila Salaverria ng Inquirer: How does the DOJ po address observations that this case supports allegations that the government is engaged in baseless red-tagging?
DOJ SEC. GUEVARRA: It’s hard to say. Hindi ko kasi alam iyong mga facts, kung iyong ebidensiya na nakalap ba ng law enforcement [agents] would really tend to show na mayroong possible violation of law itong respondent natin na doktora. Kaya, it’s really hard to say na iyan ay part ng isang parang general effort or campaign to red-tag certain individuals. So, it all depends on what evidence is being presented, kasi kung talagang mayroon naman na makikitang ebidensiya ay hindi naman natin masasabi na iyon ay part lamang ng so-called red-tagging ‘no. So, it depends on the available evidence. It’s not for me to comment, kasi hindi ko naman nakita pa iyong ebidensiya diyan. I think it’s a case that was filed a few years ago, kaya I have no personal knowledge about the facts surrounding this case, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak sa amin at pagbibigay impormasyon, DOJ Secretary Menardo Guevarra. Mabuhay po kayo, Secretary. Salamat po.
DOJ SEC. GUEVARRA: Maraming salamat, Usec. Rocky. At maraming salamat sa mga tagasubaybay ng iyong programa.
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Monitoring ng DTI sa presyo ng bilihin sa mga lugar na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal, pagbabalik ng mga manggagawa onsite at suporta para sa mga MSMEs atin pong tatalakayin muli. Kasama po natin sa programa si DTI Undersecretary Ruth Castelo. Usec, good morning.
DTI USEC. CASTELO: Hi! Usec, good morning. Good morning po sa lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, so far kumusta po ang monitoring ng DTI sa mga presyo ng mga pangunahing bilihin dito po sa mga lugar na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal?
DTI USEC. CASTELO: Usec. Rocky, kasi mayroon tayong suggested retail price bulletin sa DTI. So, iyong mga basic necessities and prime commodities natin, especially in Taal Volcano eruption areas ay hindi po siya gumagalaw. Very stable ang presyo, hindi umaakyat ang SRP natin. Pati po ang supply, tuluy-tuloy din naman ang replenishment.
USEC. IGNACIO: Opo. Bagama’t patuloy nga po na binabantayan ng Phivolcs itong aktibidad ng Bulkang Taal, pero gaano po kalaki ang epekto nito sa kabuhayan sa probinsiya ngayong inaasahan pa lang din po natin na makakabawi sa kita dahil sa mas maluwag na alert level?
DTI USEC. CASTELO: Iyong mga MSMEs natin na nasa listahan ng DTI, Usec, hindi sila masyadong naapektuhan. In fact, naka-monitor talaga tayo kasi, siyempre sinusundan natin kung ano ang magiging next action nila or next move. Pero mayroon kasing mga pamilya, may mga negosyo, iyong fishing sa Taal at saka iyong maliliit na sari-sari stores, ito iyong naapektuhan. We also have account of the number of families na affected.
For Laurel, we have 487 families na nasa evacuation centers. For Agoncillo naman, iyong Agoncillo Town sa Batangas, 375 families ang nasa evacuation centers. Tuluy-tuloy naman, Usec, ang pag-profile natin sa kanila. Titingnan natin kung mayroon tayong mga grants doon sa MSME, iyong sa Livelihood Seeding Program natin na ‘Negosyo [Serbisyo] sa Barangay’ na puwedeng ibigay sa kanila.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, sakali lang – pero huwag naman po sana magtuluy-tuloy ito – mayroon po ba tayong tulong na nakahanda para sa mga maliliit na negosyong maaapektuhan?
DTI USEC. CASTELO: Yes, Usec. Iyong profiling nga natin tinitingnan natin, kaya’t nakasunod din ang DTI sa mga evacuees. Kasi kung nasa listahan natin sila, eh itutuloy lang iyong profiling and then we will give them the livelihood kit, iyong project ng ating Livelihood Seeding Program. Para kung qualified sila or kung makakapasok sila doon sa listahan natin, pagbibigyan natin sila, tutulungan natin.
At saka, Usec, another initiative also, we make sure nga na iyong mga presyo natin ng mga pangunahing bilihin, hindi gumagalaw para siguradong afford pa rin nila, mabibili pa rin nila iyong mga pangunahing bilihin natin.
USEC. IGNACIO: Usec, sa ilalim ng Bayanihan 2, nasa higit 50% pa ng CARES program ng SB Corp. ang unutilized. Ano daw po iyong factors, bakit ganito? Magkano po iyong halagang natira dito. USec?
DTI USEC. CASTELO: Usec, this is as of June 2021: Out of the eight (8) billion fund para doon sa loan assistance program ng national government, four (4) billion dito ay sa DTI, four (4) billion dito ay sa Department of Tourism. Iyong sa part ng DTI, naubos na natin iyon, iyong four (4) billion. Kaya lang, dahil medyo hindi kasing-bilis ng sa DTI iyong sa DoT dahil palaging nagsasara, di ba. Tumataas iyong alert levels, so nagsasara ang mga tourism sites natin, hindi agad nai-release ng DoT for the tourism-accredited businesses. So, nagamit na rin ng DTI iyong two (2) billion. So, mayroong arrangement ang DoT at ang DTI at naka-six (6) billion na po tayo ng release as of June 2021. Kaya iyong four billion na sinasabi hindi na po siya updated and iyong two billion na natitira, ito iyong sa mga DOT businesses—iyong mga tourism business na inaayos pa ng DOT currently.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., patuloy rin daw po iyong pagtanggap ng application loans ng SB Corp. mula po sa mga MSMEs na gusto pa rin po o nais mag-loan?
DTI USEC. CASTELO: Oh yes, Usec. But right now, mayroong inaayos lang doon sa system, sa IT system ng SB Corporation pero nagbigay sila ng QR code para makapag-prequalify na ang mga aplikante natin. Puwede na nilang i-submit iyon para maumpisahan na rin iyong profiling nila. But there is another four billion fund sa April, sa April mag-uumpisa so kung mayroong mga interesado na mag-loan or mag-avail ng assistance program ng SB Corp., mag-prequalify na ngayon sila. They can find the QR code, Usec., sa SB Corporation website.
USEC. IGNACIO: Opo. Hingi na rin po kami ng update, Usec., kung naaprubahan na po ba ng COMELEC itong hinihinging spending ban exemption ng DTI sa COMELEC para dito?
DTI USEC. CASTELO: Oo. We’re hoping, Usec., na iri-release na ng COMELEC or ma-grant talaga iyong… ma-approve talaga iyong request natin, pero so far hindi pa siya lumalabas as of today. We’re hoping sana until maybe… until early next week matanggap natin iyong approval ng COMELEC.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., simula bukas, April 1st, balik onsite na po iyong ilan pang manggagawa. Pero una na pong nilinaw ng DTI na mandatory lamang ito sa mga business enterprises na registered sa Philippine Economic Zone Authority o PEZA. Ano po ba ito? Paki-explain lang po ito, pakibigay ng konting detalye tungkol dito, Usec.
DTI USEC. CASTELO: Yes, Usec. Kasi alam naman natin ang PEZA, ‘di ba ito iyong nagbibigay ng mga incentives sa mga export-oriented manufacturing and service facilities natin so may mga negosyo diyan na accredited talaga ng PEZA or registered na sa PEZA. Ang gusto natin since we are already on Alert Level 1, gusto sana natin, Usec., na mabuhay nang todo iyong activities, iyong economic activities sa loob ng PEZA kaya gusto na natin na mag-face-to-face sila, iyong mga workers nila pumasok na para siyempre iyong circulation ng pera natin sa ekonomiya, iyon ang gusto natin. Kaya starting tomorrow iyong mga PEZA-accredited corporations or businesses, mag-face-to-face na sila.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., umaalma po iyong ilang mga manggagawa sa BPO industry para sa hybrid setup. Hindi daw po ba puwedeng i-adopt na lang ito kung nakikitang epektibo naman silang nakakapagtrabaho sa bahay or magkaroon ng exemption sa mga acceptable reasons?
DTI USEC. CASTELO: Oo. We saw it also of course, Usec., nakita naman din natin iyong benefit ng work-from-home kasi maraming mga trabaho na nagagawa kahit na nasa bahay. Puwede naman silang manghingi ng exemption kung talagang mai-justify nila, they can request DTI – Secretary Lopez will look into it – para kung makakapag-exempt. But ang thrust talaga natin, Usec., is to encourage economic activity, sana full economic activity kaya natin ginagawa na makapag-face-to-face na iyong mga workers nila.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kunin ko na lamang iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan. Go ahead, Usec.
DTI USEC. CASTELO: Oo. Usec., thank you very much for the invitation. Paalala lang po, iyong gustong mag-avail ng loan assistance program natin sa SB Corporation, mayroon pong QR code na makikita nila sa website.
At ang mga presyo ng pangunahing bilihin despite the Ukraine-Russia conflict, despite the Taal Volcano eruption, lahat po ng nasa Suggested Retail Price Bulletin natin, hindi po gumagalaw ang presyo at hindi po sila puwedeng gumalaw ng presyo until we publish a new Suggested Retail Price Bulletin.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, DTI Undersecretary Ruth Castelo. Mabuhay po kayo, Usec.
DTI USEC. CASTELO: Thank you, Usec.
USEC. IGNACIO: Para himayin kung paano nga ba makakatulong ang COVID-19 vaccines at booster dose para sa A3 priority group o persons with comorbidities partikular na sa mga kababayan nating may kinakaharap na diabetes, makakasama po natin si Dr. Carol Montano mula po sa Philippine Society of Endocrinology, Diabetes and Metabolism. Good morning po, Doc.
DR. MONTANO: Hello. Good morning po.
USEC. IGNACIO: Doc, may datos po ba tayo kung mas dumami po iyong mga nadi-detect na may diabetes nitong panahon ng pandemya? Kung mayroon man po, mas tumaas po ba ito o bumaba kumpara sa mga previous years?
DR. MONTANO: Marami pong salamat sa tanong. Para po sa kaalaman ng marami, iyon nga po ‘yung nakita sa mga pag-aaral ng meta-analysis sa mga experience ng different hospitals locally and abroad na iyon pong nagkaroon ng mga COVID, nagkaroon po tayo ng pagtaas ng kaso ng diabetes ‘no. So this is compared po doon sa time na wala pa po tayo noong COVID-19. So, yes, nadi-detect po natin na mayroon pong nagkakaroon ng bagong diagnosis ng diabetes during this pandemic.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, pakiulit lang po. Iyon pong nagka—mayroon kasing nagsasabi ‘pag nagkaroon na ng COVID, nagkakaroon ng chance o room para magka-diabetes. Tama po ba?
DR. MONTANO: Yes po. Mayroon po tayong tinatawag na new-onset diabetes dahil sa pagkakaroon ng COVID. So nakita po ito sa isang meta-analysis na iyong 18 years old and above, nakakita po tayo ng pagtaas o pagdami ng kaso.
USEC. IGNACIO: Opo. Dok, anong proteksiyon po iyong maaaring ibigay ng booster dose para sa mga may diabetes naman?
DR. MONTANO: Opo. Iyon nga po, kaya kami sa Philippine Society of Endocrinology, Diabetes and Metabolism ay nakikipagtulungan sa DOH na mag-encourage ng maraming mga pasyenteng diyabetiko na magkaroon ng booster kasi po ito, napag-aralan namin at nakita natin din na bumababa po iyong kaso ng naoospital na mga pasyenteng may diabetes nang dahil sa COVID noong after po magkaroon sila ng booster.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Dok, ano po iyong kadalasang factor bakit saka lamang nila nalalaman na may diabetes pala sila noong nagka-COVID po sila?
DR. MONTANO: [Garbled] may naa-admit kami sa kahit anong sakit before the pandemic, iyong mga 140 and above na sugar, naku-control po iyon after ng infection. Ang nakita po natin na may mga pasyente last year and this year, iyong mga 140 and above, diabetic na po pala sila for the past six months or three months ago. So, the more po na nadi-detect natin dahil sa pagmo-monitor ng blood sugar, mas nakikita po natin na marami na palang may diabetes.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Dok, may datos po ba kayo sa vaccination at booster turnout para po sa mga may diabetes? May hakbang din po ba tayo para mas marami po sa kanila iyong makapagpa-booster?
DR. MONTANO: Locally po, sinisimulan po namin iyong pag-aaral. Pero internationally at pati na rin po sa CDC at sa American Diabetes Association, nakita po natin na tumaas ang proteksiyon ng mga may diabetes na maospital noong nagkaroon po sila ng booster, not just the full dose. Hindi po naging enough iyong full dose eh. Marami po sa mga pasyenteng may diabetes, after four months, nagkaroon po sila ulit ng either new variant na COVID-19. Kaya po talagang pinu-[push po natin na] mag-booster doses ang mga pasyenteng may diabetes.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Dok, para naman sa mga may diabetes, baka naman po dahil bakunado na sila ay hindi na sila nag-iingat sa banta ng COVID. Bakit po mahalaga pa rin ma-monitor nila iyong blood sugar kahit bakunado na sila?
DR. MONTANO: Opo, guilty po diyan iyong mga iba nga nating pasyente. Nakikita po namin ngayon sa clinic. Iyong mga may booster po, medyo lumalakas na po ang loob, lumalabas and at the same time, medyo nakakakain na po ulit sila sa labas. Ang lagi po naming paalala, ang natatapos lang po ay iyong COVID pero po iyong diabetes ay hindi natatapos. So, kailangan po nating panatilihin iyong pag-aalaga [sa sarili] kasi po may iba pa pong kumplikasyon bukod sa COVID ang puwede nilang makuha.
USEC. IGNACIO: Opo. Dok, kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras, Doctor Carol Montano ng Philippine Society of Endocrinology, Diabetes and Metabolism. Ingat po at salamat po sa inyong panahon, Dok.
DR. MONTANO: Thank you po.
USEC. IGNACIO: Kasabay ng pamamahagi ng ayuda ng outreach team ni Senador Go para sa mga taga-Sto. Domingo, Nueva Ecija ang paghikayat sa mga residente na magpa-booster dose. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Dumako naman po tayo sa pinakahuling pangyayari sa iba’t ibang mga lalawigan. Puntahan natin si Al Corpuz ng PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Al Corpuz ng PBS-Radyo Pilipinas.
UV Express/Cordillera Van Federation patuloy ang paghimok sa LTFRB na maibalik na ang iba pang ruta sa probinsiya. Ang detalye sa report ni Eddie Carta ng PTV Cordillera:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center