USEC. ROCKY IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas, nakaambang oil price roll back sa susunod na linggo, sitwasyon sa mga paliparan ngayong pinapayagan na ang pagpasok ng mga banyagang turista mula sa iba’t-ibang mga bansa at ang takbo ng vaccination roll out. Isyung tampok sa talakayan natin ngayong araw ng Sabado.
Manatiling nakatutok, ako po si USec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing#Laging Handa PH. Isinagawa kagabi ng Commission on Elections o Comelec ang ceremonial sealing sa mga gagamiting container truck na magdadala ng Vote Counting Machines o VCMs at iba pang mga election paraphernalia na tatagal ng labing walong araw.
Tatlong Comelec hubs mula sa malalayong lugar sa Mindanao ang unang makakatanggap ng mga nasabing VCM at election paraphernalia na tiniyak naman ng komisyon na walang magiging aberya sa pagdadala ng mga VCMs at election paraphernalia dahil escorted ang mga sasakyan ng mga miyembro ng Philippine National Police hanggang makarating ito sa kanilang mga destinasyon.
[VIDEO CLIP]
USEC. ROCKY IGNACIO: Dekalidad na edukasyon ang sagot para sa youth empowerment, iyan ang tiniyak ni Senator Bong Go, sa National Youth Assembly. Narito ang report.
[NEWS REPORT]
USEC. ROCKY IGNACIO: Magandang balita sa mga motorista, inaasahan po ang pagtapyas sa presyo ng gasolina sa susunod na linggo. Pag-usapan po natin iyan kasama po natin si Assistant Director Rodela Romero, ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy. Good morning po ma’am.
DOE ASST. DIRECTOR ROMERO: Good morning Ma’am Rocky, and to your followers.
USEC. ROCKY IGNACIO: Director, sa susunod na linggo inaasahang may rollback sa presyo ng produktong Petrolyo. Nasa magkano po iyong inaasahang pagbaba by next week at ano po ang indikasyon sa posibleng pagbaba nito?
DOE ASST. DIRECTOR ROMERO: Tama po, magandang balita sa darating na Martes April 5 na magkakaroon ng rollback o pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo gaya ng Gasolina, diesel at kerosene. Hindi po ako magbibigay ng numero or amount Ma’am Rocky, malay po natin mas malaki pa iyong ibigay na rollback ng mga industry para hindi nila gawin benchmark iyong numerong ilalabas ng Department of Energy.
Pero, ang kadahilanan po talaga sa nasabing rollback o pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo. Una po, nag-release ang United States sa kanilang strategic petroleum research para po mabalanse ang supply at demand sa World Market.
Kasi, sa pagre-release po ng United States naki-ayon naman po ang ITA iyong mga European countries na magbibigay din po sila ng volume na tutulong po sila sa pag-release sa mga stock price nila, kaso po, wala po silang sinasabi pa na exact amount.
Malalaman po natin next week and then dagdag po sa dahilan sa pagbaba ng presyo iyon pong nangyaring lockdown sa China, particularly iyong commercial hub nila sa Shanghai na mayroon pong around 26 million na residents dahil po doon sa paglaganap ng COVID.
Nakakalungkot man po iyong dahilan pero dahil po na-lockdown iyong nasabing mga provinces sa China bumaba po ang demand at saka sa simula din ng linggo isa pong kadahilanan iyong nangyari pong peace talk sa Russia at saka Ukraine na sabi nila ite-temper po o babawasan nila iyong military operation but not necessarily ceasefire. So, iyon po ang mga major reasons kung bakit po magkakaroon tayo ng roll back next week.
USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Ma’am, bagama’t hindi pa natin alam kung magkano iyong ibababa. Pero, sa nakalipas po parang mas malaki iyong taas kaysa pag nagkakaroon ng roll back. Pero, ano daw po iyong paliwanag bakit po mababa lang minsan iyong presyo ng ibinaba kapag may roll back kumpara po tuwing may oil price hike?
DOE ASST. DIRECTOR ROMERO: USec., talaga po tayong market pricing. Ibig sabihin kung ano iyong presyohan sa international market, iyong pagkakakuha natin, iyong import cost at saka iyong foreign exchange. Iyon lang ang ini-implement natin sa domestic pump price.
Katulad po ng basehan po natin for the past two weeks, halimbawa po iyong magiging adjustment this week ng April 5 na iyong linggong iyon bale po iyong week ng March 21 to 25 versus po iyong week last week ng March 28 to April kung anuman po iyong diperensiya sa dalawang nakalipas na linggo iyon po ang magiging adjustment for this coming week.
So, ibig sabihin talaga po sa presyo iyong actual na presyo ng pagkakabili at saka iyong palitan ng peso at dollar. Iyon po, kapag po ang lumabas sa build-up ng dalawang linggo ay negative ibig sabihin po rollback siya.
Pero kapag positive po may increase po siya. So, nagkataon po for the past two weeks na build-up [ang] lumabas po, negative, kaya po may rollback tayo sa susunod na linggo.
USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Director, bagama’t kamakailan din po nagkaroon ng oil price hike. Hanggang kailan daw po ninyo nakikita na magpapatuloy itong unstable prices sa presyo ng mga produktong petrolyo?
DOE ASST. DIRECTOR ROMERO: USec. Rocky, lahat tayo umaasa na magtuluy-tuloy sana ang roll back. Pero kung masyado pong magalaw talaga ang presyo, ang term nga po nila nagse-seesaw within a week. Kamukha po noong nakaraang linggo, tumaas-bumaba within a week, bawat araw nag-a-adjust po.
Alam naman po natin na mere speculation o haka-haka lang o kaya iyong mga sentiments lang po nagti-trigger po ng adjustment. Iyon nga pong – for this particular week talaga po iyong pagkaka-release ng US ng SER nila is just to temper the price, sabi nila para pagaanin iyong nararamdamang bigat ng mga consumer but still, sabi po ng mga oil analysis temporary lang ito.
So, wala silang masabi kasi marami pong factors, katulad po ng sinasabi natin isang primary factor po iyong nangyayaring kaguluhan sa Russia at saka sa Ukraine. Kasi po 3 milyon barrels of crude po ng Russia ang mawawala sa merkado kapag po talagang na-implement iyong kanyang sanctions.
So, ibig sabihin po wala pong makapag-sabi although lahat is hoping at even the OPEC member countries and its allies is working na mabalanse po ang supply at demand.
USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Director, nagtaas na rin po ang presyo ang LPG. Naku ito po ang laging tinatanong. Aasahan pa po ba iyong taas sa presyo sa mga susunod na buwan?
DOE ASST. DIR. ROMERO: Katulad po ng sinasabi ko ngayon lang, walang kasiguraduhan po kung ano ang magiging presyo, pati po iyong kadahilanan po ng pagtaas ng presyo ng LPG for the month of April. Kasi minsan lang po tumaas ang presyo ng LPG, unlike po sa liquid fuels kagaya ng gasolina, diesel at kerosene na weekly. Sa LPG po, once a month lang, start of the month. Hindi ba, kamukha nitong April 1 nagtaas po siya dahil po tumaas ang demand ng West Africa at South Korea.
Sa West Africa po kasi ginawa na po talaga ang LPG being a green fuel, as a substitute po sa kanilang charcoal at saka fuel wood. Ibig sabihin, instead na gumamit sila ng mga kahoy sa pagluluto, pinu-promote po nila ang use ng LPG. So, 80% po talaga ng consumption nila is sa LPG na po napupunta sa kanilang mga household usage and then iyong 10% po, sa kanilang petrochemical.
So, wala pa rin po tayong kasiguraduhan. Hindi katulad po nang dati, considering na ang LPG po is byproducts ng refinery, minsan kung ano iyong taas po ng liquid petroleum products, nagiging ganoon po. Pero hindi po ngayon, kasi madami pa rin pong factors. Isa na po dito iyong pagtaas ng demand o pangangailangan sa gamit ng LPG.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, sa ibang usapin naman. Naglabas po kayo ng advisory sa mga government agencies kaugnay sa energy conservation. So, paano po mino-monitor ng Department of Energy kung nasusunod po o nakapagpa-participate dito ang ilang government buildings?
DOE ASST. DIR. ROMERO: Iyon naman pong sa energy conservation, tama po naglabas po ng advisory ang Department of Energy sa mga national government agencies na makipagtulungan para palaganapin o i-promote ang energy conservation.
So ang DOE po, nagku-conduct po kami ng energy spot check or audit sa nasabing government agency para ma-determine po natin ang kanilang compliance.
USEC. IGNACIO: Opo. Ito po ba ay for government offices lang o mayroon din po ba tayong kaparehong programa para sa po sa mga private sectors?
DOE ASST. DIR. ROMERO: Iyong advisory po ay para sa national government agencies, Usec. Talagang susunod tayo, makikiisa po tayo.
Sa private sector, ini-enjoin o kaya, ini-encourage namin po sila na makiisa para sa ating promotion ng energy conservation and efficiency programs. In fact po, mayroon po silang nominated establishments. So bale nakatali po sila kung sino po o ano pong [establishment], like for instance may isang mall na ni-nominate nila na makikiisa po para sa energy conservation program, and we require them to submit the list by April 15 po.
USEC. IGNACIO: Opo. Kunin ko na lamang po iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan. At sana iyong sa Tuesday na rollback ay medyo mataas-taas naman po para makagaan naman sa bulsa ng ating mga kababayan.
Go ahead, Assistant Director.
DOE ASST. DIR. ROMERO: Okay. Maraming salamat, Usec. Rocky, sa pagkakataon.
So, ang Department of Energy, para po sa kalaaman ng ating mga consumer o mamamayan, patuloy po ang ginagawa nating pagmu-monitor sa pangyayari sa international market, sa oil market na nakakaapekto po sa domestic pump price.
Sinisigurado po natin na mayroon po tayong enough supply ng petroleum products sa bansa dahil required po ang oil industry na mag-stock, na mag-comply sa minimum inventory requirements. And then sana naman po, walang umabuso. Ibig sabihin po, bumili lang po kayo ng tamang petroleum products base sa inyong pangangailangan para huwag tayong magkaroon ng abnormal supply disruption. And then, bawal din po ang hoarding para sa industry, may kaukulang penalty din po iyon.
And then sinisigurado din po ng Department of Energy na ang mabibili ninyo pong petroleum product ay compliant sa standards on quantity and quality. Ibig sabihin, tamang sukat at tamang kalidad para hindi tayo mahagaran as consumers.
And then lagi din po nating ina-appeal na sana po i-implement po natin or paganahin po natin ang power of choice. Ibig sabihin, i-avail ninyo po iyong mga discount, promos and freebies and other marketing programs na ino-offer ng oil companies. Makikita ninyo po iyong mga listahan ng mga gasolinahan na nagbibigay ng discounts sa mga public transports at sa different consumers sa webpage po ng Department of Energy at saka sa individual webpage po ng mga oil companies.
At katulad po ng aming pakikipagtulungan sa ibang government agencies, tuloy na po iyong implementation talaga ng Pantawid Pasada Program ng LTFRB and LTO at saka po iyong sa DA para po sa ating mga kapatid na farmers and fisher folks.
And lastly, huwag po tayong umabuso sa paggamit ng kahit anong energy sources, mapa-kuryente man siya, mapa-petroleum products. So, let’s promote energy conservation and efficiency program.
Magtipid po tayo para hindi po tayo mahirapan sa pagbabayad and at the same time hindi po magkulang ang ating energy source. At kung may complaint po tumawag lang po sa DOE sa numbers 8840 and 2130.
Maraming salamat.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po sa inyong oras, Department of Energy Assistant Director Rodela Romero ng Oil Industry Management Bureau. Stay safe po.
DOE ASST. DIR. ROMERO: Thank you very much.
USEC. IGNACIO: Simula ngayong buwan ng Abril, pinapayagan na po ang pagpasok ng mga fully vaccinated travelers mula po sa lahat ng mga bansa.
Para kumustahin din ang sitwasyon sa mga paliparan, muli po nating makakasama si Miss Dana Krizia Sandoval, ang tagapagsalita ng Bureau of Immigration.
Welcome back po sa Laging Handa, Miss Dana.
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Magandang araw po, Usec. Rocky. Magandang umaga po sa inyo.
USEC. IGNACIO: Opo. Miss Dana, kahapon po ang unang araw na puwede na talagang pumasok ulit ng Pilipinas ang mga foreign travelers ng kahit anong bansa. So, kumusta po iyong assessment ninyo sa naging unang araw?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Usec. Rocky, so far po tumataas iyong bilang ng arrivals natin, although hindi pa po masyadong significant iyong itinaas compared noong last week ng March. Pero tinitingnan po natin iyong trends mula noong Pebrero, makikita po natin na gradually increasing na talaga iyong ating total arrivals.
Bago po tayo nag-implement ng loosened travel restrictions which was in February, ang nakikita po nating arrivals is less than 5,000 per day. Sa lahat na po iyon ng international airports nationwide.
After po tayo nag-implement ng loosened travel restrictions, tumaas po iyan ng around 8,000 during the first week and rose to around 9,000 po after two weeks. And then bandang first week po ng March naging 10,000 arrivals na po per day tayo. Noong nagsara po ang Marso, nakakita na po tayo ng around 11-12,000 daily arrivals. Majority po ay mga Filipino, siguro po mga around 30% of those arrivals are foreign nationals.
Noong pumalo po ang April 1 noong talagang bumalik na po tayo halos sa pre-pandemic visa policies, ang total arrivals po natin for yesterday is 13,525 individuals po ang pumasok sa ating bansa, and 90% po niyan ay galing NAIA.
So, essentially po nakikita natin, dahan-dahan po. Although gradual iyong pag-angat po ng bilang ng bumibiyahe papasok po ng bansa, nakikita po natin na consistently, tumataas po ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Miss Dana, mayroon na po ba kayong projection, ang Immigration, kung saan aabutin iyong inbound travelers sa mga susunod na linggo? Sa tingin ninyo, tataas pa ito? At saang mga bansa po usually nanggagaling iyong karamihan na inaasahan natin na darating dito ngayon?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Yes. Given the summer season, tingin po natin na tataas po talaga ito lalo’t itong Abril, talagang kasagsagan po ng summer iyan. At historically, marami po talagang pumupuntang foreign nationals dito po sa bansa tuwing summer because of our climate. Napakaganda po ng klima natin compared po doon sa kani-kanilang mga bansa na malamig and siguro uncomfortable, so pupunta po sila dito to enjoy the warmth of the tropics kumbaga.
So, we’re projecting po around siguro 12 to 14,000 arrivals for April baka even more pa po as the summer season goes by.
Ngayon po, bukas na iyong ating borders dito po sa mga fully vaccinated tourists. Karamihan po sa ating arrivals ay Filipinos, mostly po from the Middle East ang nakikita natin na trends but nakakakita po tayo ng uptick ng arrivals from the United States, Japan and Korea which is already expected. Ang Korea po kasi, for the longest time has been the top arrival sa bansa natin and Estados Unidos naman po and Japan, marami rin po tayong mga kababayan diyan na may mga pamilya na po na mga foreign nationals. So, ito po kasi iyong nakikita natin [unclear] iyong mga family po ng mga kababayan natin.
USEC. IGNACIO: Pero dito po sa departure for international travels sa ating mga kababayan na nagbabakasyon sa ibang bansa, mas tumaas rin po ba kumpara noong mga nakaraaang buwan o taon?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: So far, Usec. Rocky, steady pa po iyong figures natin for departures for the past few months. Wala naman po tayong naidagdag na travel restrictions or travel requirements for departing passengers mula po noong una tayong nag-require ng travel and health insurance para po sa mga departing Filipino tourists. But ang sinusunod po nila, essentially, ay iyong travel restrictions and requirements po ng bansa pong pupuntahan nila.
USEC. IGNACIO: Opo. Paalala na lang din po ulit. Anu-ano daw po iyong mga requirements na kailangan pa rin sa pagpasok ng bansa kung bakunado na?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Yes, effective kahapon po April 1, iyong mga foreign nationals po ay maaari na pong pumasok sa bansa without the need of an entry exemption documents. Ang kinakailangan po una sa lahat, pinaka-importante kailangan po sila ay fully vaccinated.
Siyempre with the basic requirements po, iyong usual requirements for travel, iyong kanilang valid passport for six months, return ticket and bukod po diyan kailangan po sila magpakita ng acceptable proof of vaccination as approved by the IATF.
Iyong kanilang negative RT-PCR test taken 48 hours prior to departure o di kaya ang puwedeng kapalit niyan is a negative laboratory-based Antigen test taken within 24 hours prior to departure.
Bukod po diyan they would also have to present a COVID-19 insurance with a minimum coverage of $35,000.00 valid for the entire duration of their stay in the Philippines. May I clarify lang po iyong coverage po iyong $35,000.00 hindi po iyon iyong cost of the insurance.
Marami na pong affordable options that the inbound travelers can take that covers the required – that also has the required coverage. Also, i-reiterate ko lang po, exempted po exempted from the insurance and the plane ticket requirement iyong mga foreign spouse, iyong mga pamilya po ng mga kababayan natin.
Foreign spouse and children of Pinoy, former Filipinos iyong mga tinatawag po nating balikbayan at saka iyong mga may long term visas po dito sa Pilipinas. Mga immigrant visas, working visas, students, retirees and other special long-term visas. Exempted po iyan sa travel insurance and return ticket requirements.
USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Miss Dana, may tanong lang po iyong ating netizens ano? Hindi ko lang po alam kung masasagot ninyo ito, pero, ang tanong po nila – nasa abroad sila pupunta sila sa Pilipinas. Kailangan po ba raw nila kumuha ng VaxCert.PH?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Kung sila po ay Pilipino po – pag foreign national po hindi po nila kinakailangan. Mayroon pong mga approved na proof of vaccination ang IATF, naalis na po iyan doon sa websites ng IATF.
There are certain countries po kasi na may reciprocity agreement po tayo at iyon po ang mga tinatanggap po na proof of vaccination. Puwede rin po iyong kanilang Yellow Card, iyong tinatawag na World Health Organization card.
Ito pong mga ito ay tsine-check po ng Bureau of Quarantine and ang Bureau of Quarantine po ang nagde-determine kung acceptable po itong proof of vaccination nila kung hindi po makita ito po ay – halimbawa, falsified, tampered o di kaya po ay hindi pasok doon sa listahan ng mga approved proof of vaccination ng IATF. Ito po ay nire-refer po sa amin for the implementation of exclusion proceedings.
USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Kaugnay naman po sa kaso ng pekeng passport. Ano po iyong posibleng parusa sa mga mahuhuling gumagamit ng fake passport? Ano rin po iyong paalala ninyo sa ating mga kababayan pati na rin po sa foreign nationals na gagamit ng fake passport? Pero, Miss Dana, mayroon pa rin po bang mga ganyan, gumagamit pa rin ng pekeng pasaporte?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Yes, earlier this week po naka-intercept po tayo dito po sa Ninoy Aquino International Airport ng isang Chinese national who was using a fake passport.
Ang paggamit po ng fake passport ay illegal, obviously po napaka-illegal po nito at sorry to say po doon sa mga forgers at mga namemeke ay madali na pong mahuli itong mga fake passport na ito with the technologies that we have today.
Ang paggamit po ng fake passports or any type of falsified document, counterfeit documents po ay violations of the Philippine Immigration Act and iyong mga foreign nationals po, mga aliens who will violate this ay isa-subject po natin sa deportation proceedings para ma-expel po sila dito sa ating bansa at sila po ay i-include natin, ilalagay po natin sa ating blacklist para hindi na po sila mapayagan na pumasok po ng ating bansa.
USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Kumustahin ko na rin po iyong datos ninyo pagdating naman sa mga documented alien or overstaying nationals. May report pa rin po ba kayong natatanggap kaugnay dito sa umano’y fake immigration officers na nangha-harass na naman at nananamantala sa mga undocumented foreign nationals?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Alam mo USec. Rocky, ang mga scammers talagang ito ay naglipana. They are taking advantage of people lalung-lalo na po during the pandemic. Apart po doon sa nabanggit ninyo kanina, napakarami rin pong iba’t-ibang uri ng scams kung saan po iyong mga scammers ay nagpapanggap po na immigration employees or officials na gagamitin nila po para makapang-harass o makapang-extort po ng mga tao lalo iyong mga foreign nationals na nandito sa bansa.
So, huwag kayong basta maniniwala, any legitimate operations of the BI would entail the presentation po of a mission order approved po and signed by the commissioners. So, titignan po natin kung tayo po ay foreign nationals na subject po ng isang operation ng BI, maaari ninyo pong tingnan ang mission order na ito.
Kasama po iyon sa mga karapatan ninyo para makita po na legitimate itong arrest na gagawin and of course ang pinakamaganda po talaga na advice doon sa mga foreign nationals is to legitimize your stay.
We have more than 60 offices nationwide, napakadali na po to file your documents in any BI office. So, ang amin po talagang advice to foreign nationals here in the Philippines is to legitimize your stay.
USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Miss Dana, ano na lamang ang paalala ninyo sa ating mga kababayan. Go ahead po.
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Yes po, salamat po USec. Rocky. Open na po ang ating border, so more or less po we are already back to our pre-pandemic visa policies as we enter the new normal.
Pero po, as we travel siguraduhin po natin that we are still able to adhere to basic health protocols. Iyong ating face mask, iyong atin pong sanitizers, alcohols. We wash our hands frequently po kung tayo po ay bumibiyahe para masigurado po natin that we keep ourselves and everyone else as safe and healthy. Iyon lamang po, salamat po USec. Rocky.
USEC. ROCKY IGNACIO: Kami rin po ay nagpapasalamat sa inyong panahon Dana Krizia Sandoval, Spokesperson of Bureau of Immigration. Salamat po Miss Dana.
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Salamat po, mabuhay po kayo.
USEC. ROCKY IGNACIO: Para po sa pinaka-huling pangyayari sa iba pang mga lalawigan sa bansa. Puntahan natin si Aaron Bayato, ng PBS Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Aaron Bayato.
Huwag po kayong aalis, magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Kumustahin naman po natin ang takbo ng vaccination rollout sa bansa at iba pang usapin kaugnay sa laban ng bansa kontra COVID-19, makakasama po natin si Department of Health Undersecretary Myrna Cabotaje. Good morning, Usec.
DOH USEC. CABOTAJE: Magandang umaga, Usec. Rocky at sa lahat ng nanunood sa ating Laging Handa ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kumusta na po ang rollout ng bakuna nitong mga nakaraang linggo? Nasa ilang porsiyento na po mula sa mga senior citizens at pediatric age group ang may primary dose at booster?
Ganito rin po ang tanong ni Michael Delizo ng ABS-CBN News: Ano daw po iyong assessment ng DOH sa isinagawang special vaccination days?
DOH USEC. CABOTAJE: As of April 1, mayroon na tayong 67 million fully vaccinated.
Ang ating senior citizens ay nasa 75% na o 6.6 million out of 8.7, at naka-22.92% na booster ang ating mga senior.
Ang ating mga bata naman na five to eleven (5-11) ay nasa 15% o 2.1 million out of our target 14 million.
Tapos iyong ating twelve to seventeen (12-17) ay nasa 78% ang ating fully vaccinated.
Iyong ating SVD, special vaccination days sa Cebu at saka sa buong mga region ng Davao ay maganda – 80% and above. Medyo mahina iyong ating Cotabato at saka BARMM, nasa 10% at 29% pero mas mataas pa rin kaysa sa regular [vaccination days].
USEC. IGNACIO: Opo. Usec? Opo. Nawala kayo sa linya ng komunikasyon, Usec. Cabotaje.
DOH USEC. CABOTAJE: Can you hear me?
USEC. IGNACIO: Iyan. Opo. Naririnig po namin kayo.
Usec, bigyang-daan ko itong tanong ng ating kasamahan sa media mula po kay Red Mendoza ng Manila Times, tanong po niya: Ngayong 65 million lang iyong na-fully vaccinate na mga Pilipino at hindi nakaabot sa target ng gobyerno, ano daw po iyong mga hakbang para mas palawakin pa ang pagbabakuna at makaabot sa 70 million?
DOH USEC. CABOTAJE: Ginagawa na natin iyong ating house-to-house, dinadala iyong mga bakuna sa mga workplaces ng gobyerno at saka ng ating private companies.
Ang nakita natin na kinakailangan ay magkaroon tayo ng social mobilizers. Ibig sabihin, bago pumunta iyong mga mag-house-to-house ay kailangan may mag-i-inform sa community kung ano iyong mga side effects, ano iyong mga bisa, etcetera para makumbinsi silang magpabakuna.
DOH USEC. CABOTAJE: So, by next week na, magkakaroon tayo, sa tulong ng ating mga partners tulad ng UNICEF thru the relief international, magha-hire po tayo ng mga social mobilizers para sa mga areas na mabababa ang update ng bakuna.
USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Red Mendoza, naka-target pa rin po ba ang 90 milyon na fully vaccinated bago matapos ang administrasyon ni Pangulong Duterte? May ginagawa na rin po bang hakbang para magkaroon ng target sa booster vaccination?
Isunod ko na rin po iyong tanong ni Jonathan Andal, ng GMA News. Sabi po kasi ni USec. Kris Ablan, pag target ang 100% vaccination sa target population bago daw po matapos ang termino ng Pangulo, kakayanin po ba daw ito?
DOH USEC. CABOTAJE: Aaralin natin iyan with much difficulty, kailangan natin i-post napakalaki ng ating challenge, ngayon ay 67 milyon tayo. So, may 3 milyon tayong deficit tapos 90 milyon may mga 27 milyon.
Mahihirapan, pero titignan natin kung ano pa ang puwede nating gawin. After the Holy Week we will have more special vaccination days in areas na mababa iyong kanilang update.
USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. USec., tanong pa rin po mula kay Red Mendoza, naaalarma daw po ba ang NVOC sa mababang booster coverage? Handa na po ba ang NVOC na sundin iyong proposal ni Presidential Adviser Joey Concepcion, na magkaroon ng booster card at i-require ang booster sa ilang close setting?
DOH USEC. CABOTAJE: Pinag-aaralan natin iyan, we recognize that boosters are very important. Kasalukuyan tayong nagre-review kung puwede nang i-include ang booster or third dose as part of primary series no.
So, para makapasok sa mga offices, sa mga work stations, we may encourage the need for a booster dose. So, baka kailangan ng booster cards. In the next two to three weeks tingnan natin kung anong puwede pa nating maisagawa para makumbinse ang ating mamamayan na magkaroon ng booster doses.
USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Pahabol pong tanong ni Red Mendoza, sabi po ni PA o Presidential Adviser Joey Concepcion, ngayong araw na 27 milyon na dosena ng bakuna daw po ang mag-e-expire sa July at baka hindi daw po magamit.
Bakit po may mga bakunang mag-e-expire ngayong July na ganito karami ang halaga at ano daw po ang gagawin ng gobyerno para hindi masayang itong 27 milyon na bakunang ito?
DOH USEC. CABOTAJE: Unang-una, dumating po nang sabay-sabay ng end of November, December and January iyong mga prenokyur ng ating national government. Iyong prenokyur ng ating private sector at saka local government unit tapos iyong mga donation.
Kung mas maaga sana na nai-distribute natin at nai-bakuna iyan, ang problema karamihan sa kanila ay short expiry – iyong tinatawag na short life. Iyong mga AstraZeneca at saka iyong iba pang bakuna, nag-request tayo na ma-extend iyong shelf life.
Iyong iba ay kasalukuyang pinag-aaralan, iyong iba ay binigyan ng extension ng 3 months shelf life. Iyong iba ay hindi na puwede. Alam naman natin tumumal ang ating pagbabakuna. Nag-peak tayo ng November and then bumaba ng December, January, February pababa nang pababa dahil bumaba din iyong ating mga kaso at naging complacent iyong mga taong magbakuna.
Kala nila tama na iyong two dose or hindi na kailangan ng bakuna kasi wala namang mga kaso. So, we are ramping up our advocacy tapos iyong mga special vaccination areas sa mga mababa ang output ng bakuna.
USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Mula pa rin po naman kay Jonathan Andal, ng GMA News. Gaano po karaming bakuna ang stock ngayon at ilan doon ang malapit nang ma-expire? Kailan po ba iyong expiration? Ano rin iyong plano po sa mga bakunang mag-e-expire na? Dati po may nasabi na ido-donate USec?
DOH USEC. CABOTAJE: Yes, we have initially considered to donate some of our vaccines to our nearby neighbors. Pinag-uusapan pa iyan ng DFA at saka iyong mga concern natin na mga bansa. Iyong mga dinonate sa atin, we are also coordinating with the COVAX kung puwedeng i-redeploy. Kung hindi na, iyong mga hindi pa magbabakuna idi-distribute pa rin natin sa buong bansa.
Ang target natin ay make all the vaccines available in the Bakuna center para kahit isa, dalawa ang magpabakuna ay may available na vaccines. We were thinking na mas maganda na ang over stock tayo kaysa wala tayong stock na bakuna.
USEC. ROCKY IGNACIO: Opo, follow-up lang daw po. Sa July po ba ilan iyong doses na mag-e-expire?
DOH USEC. CABOTAJE: We don’t have the exact figures, we are doing our wall-to-wall counts, Ibig sabihin may mga grupo tayo ng DOH at saka iyong ating mga partners na nagtalaga, nag-i-imbentaryo sa atin hanggang sa municipal level. Ilan ba talaga ang stock nilang bakuna? ilan na iyong mga expiry date at ano pa iyong mga puwedeng magamit sa kanila?
USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. USec., hihingi rin kami ng update sa vaccination roll out sa mga lugar na may mababang turn out. Nakitaan po ba ng epekto po, nagkaroon ng epekto sa kabila po kasi ng pagsisimula ng local campaigns dito po sa ating vaccine roll out.
DOH USEC. CABOTAJE: Yes. In some areas naging – may epekto. But we would like to congratulate sa NCR kasi sila pa rin ang nangunguna sa pinakamaraming nabakunahan lalung-lalo na sa booster.
May challenge tayo sa BARMM, naka-27% pa rin ang kanyang fully vaccinated. Ang Region XII nasa 57%. So, nagpa-plano sila after the Holy Week special vaccination days. Tapos may mga region tayo IV-B, V, VII, VIII and IX medyo mababa pa rin. Nasa 60 and above tapos iyong Region X and Region XI.
USEC. ROCKY IGNACIO: Opo, USec? Nawala sa ating linya ng ating komunikasyon si USec. Cabotaje, babalikan po natin siya maya-maya lamang. Mga nasunugan sa Caloocan City hinatiran ng tulong ng outreach team ni Senator Go, at ng National Housing Authority. Muli naman binigyang diin ng Senador ang pagpasa ng panukalang Bureau of Fire Modernization Law, narito ang report.
USEC. IGNACIO: Balikan lang po natin si Usec. Myrna Caboate.
Usec, balikan ko lang po iyong tanong kaugnay sa areas na may mababang turnout, kung may idadagdag pa po kayo. Go ahead po, Usec.
DOH USEC. CABOTAJE: Usec. Rocky, iyong Region X at saka Region XI nasa 68% at 69%. At talagang pagpupursigihan nila by the Holy Week na maka-seventy percent (70%).
Tapos iyong mga ibang mga lalawigan, iyong mga munisipyo at saka siyudad ay individually na nagta-target ng 70% sa fully vaccinated at 70% ng kanilang 85% ng A2 ay mabakunahan.
USEC. IGNACIO: Opo. May follow up lang po Usec, si Jonathan Andal ng GMA News: Paano po idi-discard ng government ang pa-expire na mga bakuna? Hindi kaya magamit ang mga expired na mabenta?
DOH USEC. CABOTAJE: Hindi po. Mayroon tayong tinatawag na reverse logistics. Sa umpisa pa lang ng bakunahan at sa lahat ng bakunahan ay may ganitong proseso. So, lahat ng hindi nagamit na bakuna at na-expire na, nilalagay sa Ziploc [plastic bag], lalagyan ng cable, tapos gagawaan ng report, tapos ay kokolektahin iyan ng ating third party logistics provider at pagkatapos ito po ay ating idi-dispose through our third-party provider na [unclear] sa ganitong mga bakuna para hindi na magamit.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec. Myrna, may mga report po ba daw na nakarating sa DOH, kung saan nakatanggap ang ilang individual ng sobra-sobrang dose? May sanction din po bang maaaring ipataw sa kanila kung sakali?
DOH USEC. CABOTAJE: Oo. May mga mangilan-ngilang report na naka-fourth dose, five dose ang ibang individual. Karamihan sa kanila ay gusto nilang magkaroon ng bakuna na tatanggapin kapag sila ay nag-abroad.
May mga mangilan-ngilan na ang gusto nila, kagaya ng mga sampung beses nagpabakuna ay magkaroon ng vaccination card tapos pinagtitinda nila para may vaccination card ang hindi nagpabakuna. Iyon may sanction!
Iyong mga pansarili lamang na purposes, ang inaabisuhan lang natin iyong consequence nila. Kasi kung hindi sila mag-adhere sa ating policy, kung may mangyari sa kanila, hindi tayo answerable. Pero kahit na ganoon pa man, kailangan pa ring i-monitor kung ano iyong mga side effects nila
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, gaano po kalaki iyong tsansa na masimulan na iyong target rollout ng second booster? By this month?
DOH USEC. CABOTAJE: Yes. Tungkol diyan, hinihintay lang natin iyong EUA ng ating FDA, kung maaaprubahan na siya. Tapos iyong abiso mula sa Health Technology Assessment Council. Nakakasa ang ating mga guidelines, tapos aayusin na lang natin, depende kung ano ang lalabas na EUA ng FDA at saka iyong recommendation ng HTAC.
USEC. IGNACIO: Opo. Kumusta rin daw po iyong imbestigasyon ng DOH kaugnay sa kaso ng pagkamatay ng isang bata matapos daw po magpatuli?
Sakali rin pong mapatunayang may naging kapabayaan, ano naman daw po iyong posibleng gawing aksiyon mula sa bahagi ng DOH?
DOH USEC. CABOTAJE: Ini-investigate po ng ating lokal na pamahalaan ng Lucena kung ano na ang nangyari dito, katuwang iyong ating Regional Health Office sa CALABARZON. We will provide updates as soon as mayroon tayong mga report.
Depende sa investigation, titingnan natin kung sino ang mga may kasalanan, kung intentional iyon o kung anuman ang mga nangyari. Ang kailangan lang, mag-remind tayo na sa mga ganitong pagkakataon, kailangan trained iyong ang mga personnel at sumusunod sa standard safety procedures.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Jenna Balaoro ng GMA News: Ano raw po iyong reminders ng DOH sa mga naliligo ngayon sa mga resort at sa Baseco Beach dahil sa init ng panahon? Anong posibleng sakit ang puwedeng makuha sa pagligo daw po sa maruming tubig?
DOH USEC. CABOTAJE: Unang-una, skin disease iyan that will get in contact with our skin. Tapos puwede ka naman makalulon ng maruming tubig, kaya puwede din iyong mga tinatawag nating diarrhea, tapos may mga infection ng buong katawan.
So, kailangan siguraduhin natin na malinis iyong ating paliliguan and we are protected from [skin disease].
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak sa aming imbitasyon sa ating programa, Department of Health Undersecretary Myrna Cabotaje. Stay safe po, Usec.
DOH USEC. CABOTAJE: Thank you.
USEC. IGNACIO: Samantala, muling nagpaalala ang mga otoridad sa Davao City kaugnay sa pagsuot ng face mask at pagsunod sa health protocols lalo na sa mga pampublikong lugar. Ang detalye sa report ni Julius Pacot:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw.
Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
##
News and Information Bureau-Data Processing Center