Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas at sa buong mundo. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio ng PCOO. Narito po kaming muli upang maghatid sa inyo ng mga napapanahong balita at impormasyon na kapaki-pakinabang sa panahon ngayon. Simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Una po sa ating balita: Hinimok ni Senate Committee on Health and Demography Chairperson Christopher “Bong” Go ang pamahalaan na agad nang buuin ang vaccine institute sa bansa para sa mga posible pang kaharapin na pandemya ng Pilipinas sa hinaharap. Narito po ang detalye:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Bukod po sa pagtatayo ng virology o vaccine institute, isa rin sa pinatututukan ni Senator Bong Go sa mga ahensiya ng pamahalaan ang construction nang mas maraming modular facilities at tents na magsisilbing isolation and treatment centers ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa. Panoorin po natin ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Dahil po sa dumaraming kaso ng COVID-19, hirap na po iyong mga ospital na tumanggap ng mga bagong pasyente dahil sa kakulangan ng espasyo para po sila ay gamutin kung kaya ang naging strategy po ay dalhin na lamang ang mga mild at asymptomatic na mga individuals sa mga quarantine facilities. Sasapat din kaya ang isolation centers na ito sa surge na mayroon tayo ngayon, aalamin po natin ang kasagutan na iyan mula mismo kay Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar. Good morning po, Secretary.

DPWH SEC. VILLAR: Magandang umaga po at maraming salamat sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, I understand mayroon po kayong presentation?

DPWH SEC. VILLAR: Opo. Mayroon lang akong iri-report na… sa ngayon, mamaya ay magbubukas na po iyong modular hospital natin sa Quezon Institute. Ito po ay isang 110-room facility na pang-critical cases of COVID. So upgraded version ng mga quarantine facilities, mayroon siyang high ceiling, mayroon siyang sariling oxygen supply para sa mga bed room units, mayroon din siyang mga features katulad ng nurse call button, CCTV monitoring, dressing area para sa mga nurses. Kumpleto na po, fully functional facility. At kasama po sa modular hospital ang living quarters ng ating mga frontliners.

So in total may 110 rooms iyong hospital at may 64 units iyong facilities para sa ating mga frontliners which is also complete with lounge, cooking area, laundry area para sa mga magtatrabaho sa ospital.

USEC. IGNACIO:  Opo. Secretary, aside po sa bubuksan ngayong quarantine facility, ano pa po iyong mga maaari pang buksan ng DPWH? Kasi hindi naman po lingid sa ating kaalaman talaga na talagang ang taas po ng COVID cases natin ngayon.

DPWH SEC. VILLAR: Opo. Naka-monitor po kami sa occupancy levels ng ating mga quarantine facilities. Sa ngayon po, nationwide, ang occupancy level po natin ay 15%. Ang NCR lang talaga ang pinakamataas. Sa ngayon po ay umabot na ng 75% ang occupancy level, kaya sa NCR kami nakatutok. At may plano na kaming magtayo pa ng additional quarantine facilities and ICU facilities dahil sa nakikita natin ngayon, kailangan pang madagdagan ang ICU capacity natin.

At ito pong modular hospital na ginawa namin, nasimulan noong November, and noong December ay natapos na po iyong physical structure. At that time, wala pang surge ng COVID, so hindi pa na-activate. Pero ngayon po, nakikita natin na kailangan na kailangan na, I think—and we worked with the DOH, kasama si Sec. Duque, Usec. Vega, para ma-operationalize kaagad.

So sa ngayon, 75%. Pero ang target namin, magtatatayo pa kami ng additional facilities – naka-focus kami sa NCR – para ibalik sa normal level iyong occupancy. Ang target sana namin mas lower than 60, maging less lower than 60% ang target ng ating mga facilities.

So nakikita ninyo po ngayon dito sa presentation na may 23,000 bed capacity na ang nagawa ang DPWH nationwide. And ang target po namin is madagdagan pa ito ng mga… more or less, three to four thousand. So magiging—ang target po namin ay 26,000 by next month ang magiging capacity ng ating mga bed space; and more towards NCR. Karamihan po ng mga itatayo namin ay nasa NCR dahil dito po talaga ang may mataas na occupancy rate.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may paraan bang ginagawa ang DPWH para naman daw po mas mapabilis ang construction ng mga ito? At ang tanong po dito pati ay ito po ba ay balak ninyong gawing permanente itong mga structure na ito, hangga’t hindi po natatapos ang pandemya?

DPWH SEC. VILLAR: Opo. Hangga’t hindi natatapos iyong pandemya kailangan talaga natin ng mga facilities. Ang kagandahan po ng mga facilities, ito po ay modular and kaya gumamit kami ng mga container vans, puwedeng ilipat sa ibang lugar. Kung halimbawa hindi na kailangang gamitin, puwede mong gamitin sa other purpose. Pero sa ngayon po kailangan na kailangan natin itong mga facilities.

Mabilis po ang pagtatayo ng mga COVID facilities. Ang estimate namin iyong hospital po aabot nang 45 days at most at may plano din kami na dagdagan pa iyong ating mga modular hospitals. So ang target namin is by next month madagdagan po nang 176-bed capacity ang ating mga hospitals. So magkakaroon pa tayo ng extension sa Quezon Institute na additional 88 beds at magkakaroon din tayo ng additional 88 beds sa Lung Center. So iyon ang sisimulan namin kaagad and ang target po namin is matapos by next month.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ito po ba daw ay puwedeng i-dismantle o itabi o ilipat sa mga lugar o ibang lugar na talagang nakikita natin iyong malaki po iyong pangangailangan? Puwede po ba itong gamitin doon sa iba pang pangangailangan din bukod po dito sa COVID, pero kung sakali daw po na magkaroon pa ng ibang mga sakuna?

DPWH SEC. VILLAR: Iyon ang kagandahan po ng design, puwedeng ilipat sa ibang lugar at puwedeng gamitin para sa evacuation center eventually o kung kailangan ng LGU, puwede rin nilang gamitin in case na magkaroon pa sila ng kalamidad in the future. So hindi po masasayang ang ating mga facilities na ginawa sa COVID dahil ito po ay puwede muna natin itabi at sana, siyempre ayaw din natin na magkaroon ng kalamidad, pero kung kailangan natin ng facilities, naka-standby lang ang mga facilities.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Secretary, ito po ba ay DOH ang dapat ay nagri-request mismo sa mga modular hospitals o puwede rin daw po ba iyong LGUs at iyong mga ICU beds din po dito ay para din sa maituturing na severe and critical cases? May koordinasyon po ba kayo sa LGU na pupuwede rin ito aside from DOH?

DPWH SEC. VILLAR: Definitely. Iyong ibang quarantine facilities, ang basis ng mga quarantine facilities namin ay mga request ng LGUs and tinitingnan po namin iyong occupancy rate sa region nila, kapag medyo mataas na iyon ang pina-prioritize namin. Katulad ngayon nakikita namin na mataas iyong occupancy rate sa NCR, 75% kaya ito iyong pina-prioritize namin.

But kami po ay nakikipag-coordinate kami palagi sa DOH, with Sec. Duque, with Usec. Vega at kaya nga natapos po itong hospital kaagad at nakapag-identify na kami ng additional sites para sa mga susunod na modular hospitals natin. Continuous naman ang coordination namin at para sa ating mga LGUs, puwede kayong sumulat sa DPWH kung kailangan ninyo po ng additional facilities at kami po ay handang tumulong para magkaroon po kayo ng additional facilities.

USEC. IGNACIO: Opo. Napakaganda po niyan ano, Secretary. Mayroon pong tanong iyong ibang kasamahan natin sa media, Secretary. If I may, basahin ko na po ano. Tanong po ni Rose Novenario para sa inyo, ng Hataw: Ano daw po iyong nangyari sa mga itinayong quarantine facilities noong nakaraang taon? Kaya po ba daw mabilis na kumalat ang COVID-19 mula noong Pebrero ay dahil hindi ninyo natutukan diumano ang maintenance ng quarantine facilities kaya ang mga nagpositibo daw po sa COVID-19 ay napilitang mag-home quarantine at nahawa ang kanilang pamilya?

DPWH SEC. VILLAR: Nakatutok naman kami. Iba-iba kasi iyong nagma-manage ng mga quarantine facilities. Usually tini-turnover namin sa LGU, mayroon ding mga AFP-managed, mayroon ding mga managed ng PNP. So marami pong nagtutulungan para ma-manage itong mga facilities dahil siyempre kailangang bigyan ng pagkain, kailangang linisin, kailangan iyong maintenance.

So tuluy-tuloy naman and sa nakikita namin ngayon, hindi pa full capacity ang ating mga COVID facilities. So kung mayroon pong kailangan magpa-quarantine, puwede po kayong tumawag either sa local government or sa One Hospital Command at makikipag-coordinate kami sa kanila kung kailangan ninyo ng assistance.

Ngayon siyempre iyong mga facilities na tinayo namin noong pasimula pa lang iyong COVID ay ginagamit pa rin hanggang ngayon katulad ng mga mega facilities, ginagamit pa rin. And they’re still opening sa mga mega facilities. At iyong maintenance naman tuluy-tuloy naman po ang maintenance, mayroon talagang naka-assign sa bawat facility at sila iyong nagma-manage sa day-to-day operations.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Leila Salaverria ng Philippine Daily Inquirer: What do you think of the Philippine College of Physician’s suggestion to convert hotels into treatment centers and put medical equipment in these? The group said this is quicker than building hospital extensions or setting up modular tents. Is this an option for the government daw po?

DPWH SEC. VILLAR: Well ako naman pagdating sa mga medical concerns, I will defer to the DOH kasi mas alam nila kung kaya nating i-convert iyong mga hotels into hospital facilities. But definitely quarantine facilities, puwedeng gamitin para sa quarantine, sa mga mild cases.

Kaya kami nagtayo sa tabi ng ospital, iyon po ang request. Siyempre iyong mga nagtatrabaho sa hospital dahil logistically mahirap naman kung masyadong malayo sa hospital iyong venue ng hospital extension. At mas praktikal para sa mga operator kung nasa tabi lang ng ospital. Ito talaga iyong pinili namin, ito iyong naging focus namin at ito iyong ima-maximize muna namin, iyong mga lote sa tabi ng mga public hospitals.

So itong 110-room hospital ngayon, and also mabilis lang naman ang construction. Nakagawa na kami ng plano na modular na mabilis lang, kaya in the next few months we will see na tuluy-tuloy po magtatayo ng mga modular facilities at definitely tataas pa ang kapasidad ng ating mga hospitals.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po si Joseph Morong ng GMA News: How are we going to increase daw po the ICU capacity, the 75% capacity you talked about sa hospital ward at ang isolation or ICU?

DPWH SEC. VILLAR: Like I said earlier, itong ginagawa namin ngayong mga modular hospital ay mga critical care. So in effect ay puwede rin ang ICU, these are usable as ICU rooms. Mayroon din kaming mga features na nilagay sa hospital na specifically para sa COVID. Kaya ito po ay magagamit natin para sa mga severe cases ng COVID and today we’ll see an increase of 110-room capacity at may nakalatag na na mga areas at sisimulan namin kaagad. It will take 45 days but we can expect that by next month mayroon po tayong additional, minimum 176 additional hospital capacity. At hindi kami titigil sa pagtatayo ng mga critical care facilities.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon at pagpapaunlak sa amin, Isolation Czar at Public Works Secretary Mark Villar. Mabuhay po kayo and stay safe po Secretary.

DPWH SEC. VILLAR: Salamat po at stay safe din.

USEC. IGNACIO: Salamat po.

Samantala, sinabi ng Department of Health na maaga pa para masabi ang epekto ng Enhanced Community Quarantine sa NCR Plus. Sa kabila kasi nang pagbaba ng bilang ng mga kaso, sinabi ng Department of Health na maituturing itong artificial pa lamang at hindi pa ito isang indikasyon na bumabagal na ang COVID-19 transmissions sa Metro Manila at mga katabing lugar. Ang ulat pong iyan mula kay Mark Fetalco.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Umakyat na po sa 803,398 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 8,355 ang bagong naitala base po sa ipinalabas na datos ng Department of Health kahapon. 145 naman ang mga nadagdag na gumaling at sampu ang nasawi. Sa kasalukuyan po ay 646,237 na ang total recoveries at 13,435 naman po iyong total death tally.

Kahapon ay mababa sa 9,000 mark ang naitalang kaso, ito na po na ang ikatlong araw na sunud-sunod po na pagbaba ng COVID-19 cases matapos maitala ang pinakamataas na bilang noong April 2.

Nasa 17.9% ng kabuuang kaso ang nanatiling aktibo katumbas nito ng 143,726. 97.5% dito ay mild cases; 1.1% ang asymptomatic; .5% ang critical; .6% ang severe; at .34% ang moderate cases.

Sa kabila po ng pagbaba ng COVID-19 cases hindi pa rin po tayo dapat maging kampante ano po at manatili po tayo sa ating tahanan hangga’t maaari at sumunod po sa mga health protocols na ipinatutupad ng ating pamahalaan.

Bagama’t matagal na po ang ating pakikipaglaban kontra COVID-19 aminado po ang marami sa atin na marami pa tayong hindi alam tungkol sa virus na ito lalo na ngayong may mga lumabas na new variants, ito nga ba talaga ang sanhi ng nakikita nating paglobo ng mga kaso at upang ipaliwanag po sa atin ang detalye tungkol diyan, makakasama po natin si Dr. Cynthia Saloma, ang Executive Director ng Philippine Genome Center. Magandang umaga po, Doctor!

DR. SALOMA:Magandang umaga din sa inyo at sa ating mga tagapakinig.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc. as of today base po sa mga na-genome sequencing ninyo gaano na po karami ang new variants ang naitala sa ating bansa?

DR. SALOMA:So, gusto ko lang ibahagi sa ating mga tagapakinig na as of now, we have already sequenced 4,751 cases around the country at iyong mga naitala natin, may mga lineage 4,015 na. Tapos sa kabuuang 4,015 na ito, iyong ating B.1.1.7 – these are the variants of concern originally na nakita doon sa United Kingdom – mayroon na po tayong total na 237 at ang ating B.1.351 – ito naman po iyong variant na unang nakita natin doon sa South Africa – mayroon na po tayong mga 163.

Tapos po iyong isang variant po na nakita natin na una doon sa Central Visayas iyong kabuuang po na naitala natin is already 104 at saka iyong  isang P.1 ano iyong Brazil variant na sinasabi nila, mayroon po tayong isa. So kung titingnan po natin sa kabuuan, iyong may mga lineages na assignment, parang mga 9.9% po iyong mga variants of concern na naitala natin sa buong Pilipinas simula ng nagsimula tayo ng genomic surveillance nitong Enero.

Tungkol naman po sa tanong ninyo tungkol sa contribution sa pagtaas ng kaso, alam naman po natin na iyong virus hindi naman po iyan mai-transmit kung hindi po tayo… ang alam naman natin iyong transmission root is really through droplets at saka kung mainam na tayo ay sumusunod sa minimum public health standards, talaga pong puwede nating maikontrol ang virus na ito. Kaso nga lang po, with the presence of this more infectious variants of concern nakikita po natin na mas marami tayong mga transmission na nangyayari sa mga kabahayan po di ba.

So I think iyong pag-surge ng cases na ito dito sa ating bansa particularly dito sa National Capital Region is really a combination of many factors, one of course is of course some people because of the long sacrifices we have done, so mayroon talagang lowering—nag-increase talaga iyong complacency; siguro totoo din na mayroong, you know, iyong ating belief na nandiyan na iyong vaccines so our guards are lowered and against this backdrop lumabas din po itong mga variants of concern, which have been found to be 50% more transmissible compared to the other variants.

USEC. IGNACIO: Opo, iyan nga po iyong susunod kung tanong, ito po sa mga variants po na nabanggit ninyo ano po, anu-ano po iyong pagkakaiba nila in terms of transmissibility and iyong epekto niya doon po sa taong dadapuan?

DR.  SALOMA:So, iyong WHO po may tatlong variants of concern, sa iba’t ibang bansa iba-iba rin iyong listahan nila. Iyong CDC may sarili rin siyang listahan, iyong United Kingdom mayroon rin siyang listahan.

So tingnan lang natin iyong mga variants of concerns na naitala ng WHO, number one, is of course iyong  B.1.1.7 na mas kilala bilang UK variant. Sa totoo lang po dine-discourage ko kayong magsabi ng origin ng virus, kaso nga lang mahirap din naman talagang imi-memorize itong mga numero ano, so for purposes of clarity sinasabi natin na iyong B.1.1.7 or ang UK variant mayroon siyang increased transmissibility, it can range from 40 to 70%, on the average about 50% more transmissible; at ang Pangalawa, po is based on the data, big data analytics na ginawa doon sa UK, mayroong 1.67, prang 64 more ang chances mas mataas iyong death rate. So of course within UK, they’ll keep on arguing kung totoo ito o hindi, pero based on a large analysis of the data more than 200,00 samples. Iyong UK variant na sinasabi natin has some the possibility of being more… having more severe, symptoms or a death.  Iyon po iyong sa UK variant.

Samantalang iyong B.1.351 or the so called South African variant naman iyong kaniyang  transmissibility is also estimated to be about 50% at saka iyong concern dito sa ating sa South African is there is a moderate effect dito sa vaccines na sinasabi natin, so kumbaga iyong mga vaccines, gumagana pa rin pero iyong kaniyang efficacy bumababa ng kaunti; iyon po iyong South African variants.

So makikita natin, Rocky, na sa iba’t ibang panig ng mundo independently lumalabas itong E484K mutation it can be South African, sa UK wala pong E484K except of course iyong mga [unclear] variants, kasi  within the UK variant lumabas na rin iyong some variant na may E484K.

Pero gusto lang nating sabihin na sa data ng iba’t ibang companies at iba’t ibang countries, iyong mga E484K mutation, there is a possibility of enumeration although sa pag-aaral nila,  ang effect naman is it can moderate the efficacy of some vaccines or some form of natural immunity; pero my bisa pa rin, matutulungan pa rin kung tayo ay magpabakuna.

USEC. IGNACIO: Unahin ko na lang may tanong po si Joseph Morong ng GMA News. Ang tanong po niya is: What is the dominant strain in the Philippines and what is driving the surge?

DR. SALOMA:Sa Pilipinas naitala natin dati pa na iyong pinakamarami dito sa 4,000 sequences na nagawa na natin are not really the variants on concern. Itong mga Hong Kong variant, sinasabi nilang Hong Kong variant at saka iyong UAE variant, iyon talaga iyong pinakamarami sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Ang second po niyang tanong: How many samples are we sequencing overall?

DR. CYNTHIA SALOMA: So far, I mentioned to you na we have sequenced about 4,800 samples, of which about 4,100 have been assigned lineages. So iyong kapasidad po natin is 750 a week ‘no. Marami, ang ibang mga tao ay nagsasabi, number one: Bakit hindi natin sini-sequence lahat-lahat, ‘di ba? Obviously because it is impossible to sequence everything, tapos mayroon din pong limit itong ating technology ngayon. Nakaka-sequence po tayo ng mga may Ct values below 30. In fact, the lower the Ct value, mas maganda po iyong pag-assemble ng ating genome.

At saka kung mayroon mang nagsasabi na bakit 750 lang? Sa totoo lang po, sa genome sequencing dati, paisa-isa lang talagang ang sequencing ng mga virus at saka mga genetic material. Malaki na po talaga ang improvement of science na simultaneously, we can sequence 750 at a time. The reason I believe that it is 750 is because of the kit that we are using, it is called COVIDSeq from Illumina, the largest sequencing top pharma in the world.

So hindi lang tayo, kung makita ninyo iyong CDC, 750 a week din ang sini-sequence nila; at may marami pa pong bansa na 750. Iyong ibang bansa naman po, they sequence everything kasi iyong cases nila ay hindi naman masyadong marami. For example, Australia, they will sequence everything; Denmark, they will sequence everything because the caseload is not that high.  Denmark probably high, but Australia is not very, very high. But iyong 750 a week po kung iisipin natin, ginagamit na po natin iyong pinaka-powerful na machine ng Illumina na binili ng ating bansa. So the [unclear] several years ago, mga a couple years ago, nag-invest po ang ating bansa ng mga one million, at least million dollars sa machine na ito. Mura pa nga eh. So more than 50 million pesos. Iyan po ang kayang mag-sequence nitong 750 a week.

Other sequencers po natin, mayroon naman din tayong mga maliliit na sequencers, ang kakayanin lang po niya in at any given time, either 25 or 50 sequences. Kasi po mahirap naman talaga itong DNA sequencing; mas mahirap po ito kaysa sa RT-PCR na sinasabi natin. Kasi can you imagine, within the swab, for example, maraming genetic material iyon – may human DNA, may bacterial DNA at may virus DNA. So kung gusto nating piliin lang ang virus DNA, may sinasabi tayong sample enrichment. So pini-PCR po natin iyong virus specific sequences, using ARTIC primers na sinasabi na ginagamit naman din ng maraming sequencing groups around the world, at ito po iyong nakakapag-sequence tayo sabay-sabay nitong 750. And the reason we can do that is essentially, bawat pasyente kumbaga mayroon siyang barcode, may code siya na ABC sa lahat ng sequences nitong pasyenteng ito o case na ito. Sa computer na lang natin minu-multiplex na, ‘Ito, pagdugtung-dugtungin na natin,’ ito na iyong kakalabasan niya. So hindi po madali ang whole genome sequencing and, in fact, it’s really a great feat of science that we are able to do it many, many samples at a single run. Iyon lang po.

USEC. IGNACIO: May tanong po si Mark Fetalco ng PTV. Ang tanong po niya sa inyo: May pag-aaral na po ba kung mas severe ang puwedeng effect ng variants of concern sa isang particular sector, partikular daw po sa may comorbidity?

 

  1. CYNTHIA SALOMA:Magandang tanong iyan. So, of course, iyong mga variants of concern, for example, iyong UK at saka iyong mga South African variants because they have detected these much earlier, nag-aaral din po sila sa mga variants na ito.

So far po, iyong UK variant, ang data na lumalabas is the fatality rate is much higher in older individuals. That is the latest data they have, and of course, increase on transmissibility. In terms of comorbidity, wala po tayong datos tungkol diyan.

Sa South African naman po which is the B.1.351, so far what we know is, of course there is increase on transmissibility but more than that, there is the possibility na medyo bumaba po iyong efficacy ng ibang vaccines ‘no. Iyan po iyong data that we know.

Regarding naman po sa variant na nakikita natin na, nakita natin doon sa Central Visayas, sinisimulan pa lang po natin iyong pag-aaral diyan kasi hindi po natin alam. So far kasi, nang siniquence namin iyong mga taga-Central Visayas, iyong mga symptoms nila were really mild or some of them are asymptomatic. So wala pa po tayong masasabi kung may increase severity or anything for that matter, kaya kailangan nating pag-aralan. Kaya masasabi natin silang “variant under investigation”. Iyan lang po.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, pasensiya na may pahabol si Joseph Morong: So what is driving po the surge?

DR. CYNTHIA SALOMA: Oh, there are lot of factors. So number one nga, sabi ko there is this increase complacency, probably the enthusiasm for the vaccine and against that backdrop is the presence of all these highly transmissible viruses which we believed is really, really spreading through our homes. So nakita naman ninyo na iyong kaniyang virus mutations, naitala na nag-mutate siya at saka maganda iyong kapit niya doon sa ating ACE2 receptor kaya kung in the home setting, madali talaga siyang mag-spread kasi siyempre tayo ay kumakain nang sabay-sabay at because of its ability to attach fairly well or efficiently into the receptor. So iyan and together with of course iyong lowered complacency ng mga tao, nag-combine-combine siya na – pak! – tumaas iyong ating mga cases.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, pasensiya na may pahabol si Sam Medenilla ng Business Mirror: Kung na-identify na po ng Philippine Genome Center iyong variant which was first identified from Central Visayas is more infectious or fatal compared daw po sa usual kind of COVID-19?

DR. CYNTHIA SALOMA:  Grabe, ewan ko ba kung sino ang nag-post niyan sa Facebook. Sabi ko, mas marami pa siyang alam kaysa sa amin. Gusto ko lang i-correct iyong notion, the first time we detected this P.3 was only in January 2021. Iyong earliest case natin that we have sequenced based on the data is January 8. Pero iyong marami nating cases na na-detect doon was really because they were swabbed between January 30 to February 2. Wala po tayong sufficient evidence that it causes any more severe symptoms or increases fatality. Kasi ang sinasabi ko nga sa inyo, when the cases came to us and the samples were brought to us by Central Visayas, iyong cases po doon, either asymptomatic or very mild – mostly mild cases lang talaga, at nakaalis na nga po sila sa quarantine by the time the sequences came out.

So hindi po totoo at wala pong enough evidence to show na it is more, either more transmissible – that’s number one, that’s why we need to study that further; and number two, that it is more [garbled] wala pong data doon. At hindi rin po totoo iyong mga umiikot-ikot diyan sa mga kung anu-anong post na nakikita raw sa subdivisions, sa condominium, in the second quarter or third quarter of 2020 – hindi po iyan totoo. Fake news, iyan totoong fake news talaga iyan.

At saka sinasabi namin na iyong P.3 na una nating na-detect sa Central Visayas was first detected only in 2021. Iyan lang po.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong impormasyon at siyempre sa inyong pagpapaliwanag, Dr. Cynthia Saloma ng Philippine Genome Center, mabuhay po kayo. Sa susunod iimbitahin po namin ulit kayo, Dok, ha?

DR. CYNTHIA SALOMA: Sige. Maraming salamat po and you stay safe.

USEC. IGNACIO:  Salamat po.

Samantala, pagbabakuna kontra-COVID-19 sa mga residente ng Caloocan City na may comorbidity ipinagpatuloy ngayong araw. And detalye hatid ni Patrick de Jesus. Patrick?

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Patrick De Jesus.

Nagsimula na pong mamahagi ng family food packs ang lokal na pamahalaan ng Parañaque City sa mga residente nito na apektado ng umiiral na Enhanced Community Quarantine. Maliban dito inaasahan na bukas po ay sisimulan na rin ng lungsod ang distribution ng assistance na ipinangako ng national government. Ang update alamin natin kay Naomi Tiburcio. Naomi…

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Naomi Tiburcio.

Unang araw nga po ngayon nang pamimigay ng ayuda ng mga lokal na pamahalaan. Kumustahin po natin ang update sa pangkalahatang implementasyon kasama po natin si Undersecretary Jonathan Malaya ng DILG. Welcome back po Usec.

DILG USEC. MALAYA: Maraming salamat din Usec. Rocky and good morning sa iyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec. base po sa inyong datos, ilang LGUs po ang namamahagi ngayon ng ayuda sa kanilang mga residente at nakalap ninyo rin po ba iyong impormasyon kung ilan dito iyong in cash at ilan iyong piniling maging in kind po iyong ayuda?

DILG USEC. MALAYA: Opo. Marami na pong namimigay ng ayuda ngayon mula sa lokal na pamahalaan, ito po iyong charged sa kanilang mga local funds ‘no. Hindi lang po ito ngayong araw, Usec. Rocky, ilang araw na po ito magmula noong nakaraang linggo, noong Semana Santa noong nag-impose ng ECQ ang ating pamahalaan.

Gaya po ng nakita natin sa report, ang Parañaque, ang Caloocan, ang Lungsod ng Maynila at marami pang mga LGUs ay namimigay na ng mga food packs sa ating mga kababayan bilang tugon nila sa pangangailangan ng kanilang mga constituents sa panahon ng ECQ.

Ngayon dito naman po sa ating ayuda mula sa national government ‘no, tama po kayo, ay natanggap na nang almost 90% ng mga LGUs iyong ayuda from the national government, iyong cash at bukas na bukas po ay magsisimula na ang ating pamimigay. Magsisimula po kami sa Lungsod ng Parañaque sa umaga at sa hapon sa Lungsod naman kami ng Caloocan. And then sa susunod na araw ay Lungsod ng Maynila naman, Mandaluyong and Valenzuela. At sunud-sunod na po iyan, ang ipamimigay naman po na tulong ng national government ay cash naman po ito which is a maximum of P4,000 per family.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano po iyong paalala ninyo sa lahat ng local executives na maaring gamitin itong aid distribution, naku, bilang early campaigning daw po? Kakasuhan ninyo ba sila ‘pag napatunayan na gumagawa sila nito?

DILG USEC. MALAYA: Opo. Mahigpit po ang bilin ng ating Secretary, Secretary Eduardo Año kasama na rin po si Officer-In-Charge Bernardo Florece sa ating mga local government officials na huwag pong gamitin sa pulitika itong pamamahagi ng ating ayuda ‘no.

Iklaro ko lang Usec., hindi po ito SAP ‘no kasi iba po itong programang ito ‘no. Ang iba kasi sinasabi nila SAP 3 ito, hindi po ito Social Amelioration Program – ang tawag po natin dito ayuda ng national government.

So para po masiguro natin na hindi po ito magagamit sa pulitika, mahigpit pong ipinagbabawal ang paglalagay ng mga pangalan, ng mga initials or kaya naman picture, o kaya naman logo or kahit na anumang imahe ng ating mga politiko o local officials habang pinapamahagi itong mga ayudang ito from the national government. So hindi po puwedeng maglagay ng tarpaulin, hindi po puwedeng mamigay ng mga polyetos o hindi puwedeng isilid sa mga envelop na may picture nila at pangalan ang mga ayudang ito from the national government.

So ibig pong sabihin dahil ito po ay ipinagbabawal sa ating batas, magsasampa po ang DILG nang kaukulang kaso sa lahat ng mapapatunayang lumabag sa kautusang ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., tama po ba na may instruction kayo na ipaskil muna ang mga beneficiaries ng mga ayudang ito? Paano daw po na hindi handa iyong listahan at paano daw po kung may kuwestiyonableng recipient na nakalista, ano daw po ang dapat gawin?

DILG USEC. MALAYA: Tama po kayo, Usec. Kasama po doon sa laman ng Joint Memorandum Circular No. 1 ng DILG, DSWD at ng Department of National Defense na kailangan po ipaskil muna ang mga pangalan ng mga indibidwal na benepisyaryo ng ayuda ‘no. Ang nangyari po nito, ang DSWD ay ibinigay iyong kanilang listahan sa ating mga LGUs and coming from these lists ay hihimay-himayin po ng LGU itong listahan na ito at gagawa po sila ng payroll.

As part of the provisions of JMC No. 1, kailangan po ipaskil ang listahan na ito sa mga barangay hall at sa mga social media accounts ng ating mga LGU kasama rin po ang Facebook.

Ngayon kung sakali pong may makita kayo doon na sa tingin ninyo ay mali or may iregularidad, mayroon pong Grievance and Appeals Committee sa ating mga LGU, okay. Kasi nga po since ang pondo ay hawak ng LGU at sila ang gumawa noong payroll, sila rin po ang kailangan na tumanggap ng mga reklamo at mga apela. Kasi sigurado ako, Usec., may mga magsasabi, “Bakit ako wala sa listahan? Kami naman ay taga-dito, bakit hindi kami? Bakit may favoritism? Ito na namang mga kamag-anak ni kapitan…” o iyong mga ganoon. Mayroon pong mekanismo sa lebel ng LGU kung saan puwede tayong mag-apela. Puwede po tayong magreklamo na patanggal ang mga pangalan o kaya naman maisama iyong ating mga pangalan dito sa pamimigay ng ayuda mula sa national government.

USEC. IGNACIO: Opo. Unahin ko na lang po iyong tanong ng ating kasamahan sa media ano. May tanong po sa inyo si Rose Novenario ng Hataw: Bakit daw po naaantala ang pamamahagi ng ayuda gayung sampung araw umiral ang ECQ sa NCR Plus Bubble? Bakit po mahirap tawagan ang emergency hotline ng ilang LGUs kaya may COVID positive patient na hindi nasaklolohan at ‘di umano’y namatay sa kanilang bahay sa kahihintay ng aksiyon ng gobyerno?

DILG USEC. MALAYA: Opo. Liwanagin ko po, hindi po naantala ang pamimigay ng ating ayuda. Bakit po? In fact, kayo mismo po ang nagsabi sa inyong report na galing sa Parañaque for example, tuluy-tuloy ang pamimigay ng food packs ng mga local government units mula pa po iyan noong Semana Santa, okay.

Baka po siguro may mga LGU within the NCR plus bubble na hindi pa naipamimigay dahil may procurement process po kasi iyan, hindi naman pupuwedeng pumunta na lamang sa tindahan ang ating LGU at bumili na lang ng ipamimigay nilang food packs. Iyan po ay may tinatawag na bidding process na kung saan saklaw po iyan ng Republic Act 9184. Kung hindi po susundin ng LGU ang tamang proseso, sila naman po ay makakasuhan at baka isla pa ay makulong. So, bigyan po natin ng kaunting panahon ang ating mga LGU, kung mayroon pong iba na naantala sa kanilang pamimigay.

Ngayon, dito naman po sa ayuda ng national government. Tamang-tama po kasi ngayong linggo ay magsisimula na po ang pamimigay, kahapon po ay kalalabas lamang ng pondo mula sa Department of Budget and Management, dahil noong nakaraang linggo naman po ay Semana Santa at wala naman pong pasok. So, pumasok po, nagbukas po ang mga bangko kahapon, pumasok na po ang pera sa kanilang mga bank account.

Ngayon pong araw ay pina-finalized iyong payroll at pina-finalized na rin po iyong kanilang executive order doon sa magiging proseso ng pamimigay at bukas na bukas po ay mamimigay na ang Parañaque at Caloocan at iba pang mga LGUs sa buong Metro Manila at kahit po sa mga probinsiya ay naka-schedule na rin po silang mamimigay sa Cavite, Laguna, Rizal and Bulacan.

USEC IGNACIO: Opo, tanong naman po ni Pia Gutierrez ng ABS-CBN: Ano po ang ginagawa ng DILG sa kaso ng isang residente ng Cavite na umano ay namatay pagkatapos pinag-push up ng mga pulis na matapos mahuli na lumabag sa curfew?

USEC. MALAYA: Opo, nakarating na po sa amin iyong report na iyan kahapon and immediately ito po ay tiningnan ng DILG at nagbigay na po ng direktiba si Officer-In-Charge Bernardo Florece sa Philippine National Police. Idinulog po namin ito sa Kampo Crame mismo sa pinuno ng Joint Task Force COVID-Shield, si Lt. General Cesar Binag. At si General Binag po mismo ang nagbigay ng assurance sa DILG na may isang team mula sa PRO-4A, sa Police Regional Office 4-A na magsasagawa ng kaukulang imbestigasyon.

At I wish to assure the public na kung may lalabas pong paglabag ang ating kapulisan dito sa nangyaring ito sa Cavite ay papanagutin po natin, sasampahan po natin ng kaukulang kasong administratibo at kasong kriminal ang sinumang mapapatunayan na lalabas sa imbestigasyon na may kinalaman sa paglabag sa batas dito sa  diumanong nangyari sa Cavite.

So, hayaan po nating gumulong ang imbestigasyon ng PNP. Sa level naman po ng LGU ay nangako din po sa DILG ang local government unit nitong nasasakupan kung saan nangyari itong insidenteng ito na sila din po ay magsasagawa ng kaukulang imbestigasyon kung may pagkukulang naman iyong barangay na nakakasakop dito sa insidenteng ito.

USEC IGNACIO: Tanong ni Leila Salaverria: Ano ang response ng DILG sa DOJ recommendation na community service na lang ang iparusa sa mag-violate ng quarantine rules, imbes na ikulong o multa?

USEC. MALAYA: Opo, sinusuportahan po namin iyang mga panukalang iyan mula kung saan mang grupo at sa ating mga netizens. But let me first say na hindi po kulong kaagad ang ating polisiya. In fact warning lang po kadalasan ang first offense, second offense ay usually fine po iyan. At ito pong mga parusang ito ay saklaw ng ordinansa na ipinasa ng mga munisipyo at mga lungsod na ipinasa ng sangguniang bayan at sangguniang panglungsod at pinirmahan ng ating mga mayor. So hindi po ito kontrolado ng National Task Force or ng Inter-Agency Task Force ngunit ito po ay mga polisiya ng iba’t ibang LGU sa buong bansa.

Having said that, kagaya nga po ng sinabi ko kanina, we support itong initiative na ito kung mamarapatin po ng ating mga konsehal na amyendahan ang kanilang mga ordinansa, well and good. Mas maganda nga po na community service na lamang na patulungin sa barangay, maglinis sa kalsada o kaya naman maghakot ng basura. Kung ano man po ang magandang serbisyo na maibibigay sa ating mga kababayan nitong mga lumabag sa quarantine protocols ay maganda pong serbisyo iyan kaya sinusuportahan po iyan ng DILG.

USEC IGNACIO: Pahabol na tanong ni Madelyn Recio ng GMA News: Kung puwede po explanation sa latest memo issued by DILG which states the policy on official spokesperson and media relations as reminder na rin po sa media partners?

USEC. MALAYA: Opo, iyon naman pong ipinalabas na memo ng public affairs and communication service is self-explanatory. Sa tingin ko po hindi ko na po kailangan ipaliwanag iyon. Ang gusto lang po ng DILG ay isang boses lang po kami, isang mensahe lang po ang makakarating sa ating mga kababayan. So minabuti po namin na ipadala sa ating mga media partners iyong panuntunan ng DILG in so far as statements to the public is concerned.  Ayaw po naming nalilito ang publiko kung iba’t ibang mga statements ang lumalabas. Kaya po namin ibinahagi iyon sa media para guided din po ang ating mga media partners when they conduct interviews and other media activities.

USEC IGNACIO:  Okay, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, DILG Undersecretary Jonathan Malaya. Stay safe po, Usec.

USEC. MALAYA: Maraming salamat sin Usec. Rocky at mabuhay kay0.

USEC IGNACIO: Samantala, dito po nagtatapos ang ating programa, magkita-kita po tayo muli bukas. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po muli si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO at ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

###

News and Information Bureau-Data Processing Center