Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Luzon, Visayas at Mindanao, at sa lahat ng ating mga kababayan saan mang panig ng mundo. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Ngayong unang Lunes ng Abril, sama-sama tayong makibalita sa katatapos lang po na second presidential debate kahapon at iba pang usapin tungkol sa Eleksyon 2022, at mamaya, mga isyu naman tungkol sa water supply dito sa National Capital Region. Iyan at iba pang balita na ating alamin dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Personal na aalamin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kalagayan ng ating mga kababayang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal. Ang detalye niyan, alamin natin mula kay Mela Lesmoras. Mela?

[NEWS REPORT]

MELA LESMORAS/PTV4: At sa puntong ito, Usec. Rocky, makakausap nga natin ang isa sa mga opisyal dito ng DHSUD. Makakasama natin si Atty. Jeck Otero, opo. Usec. Rocky, kasama natin ngayon si Atty. Jeck Otero, Regional Director ng DHSUD 4-A. Atty. Jeck, kumusta po ang inyong paghahanda dito? At ano po ba iyong mga inaasahan nating magiging aktibidad ni Pangulong Duterte dito sa lugar? At gaano na kahanda ang inyong pasilidad para sa mga evacuees?

DHSUD ATTY. OTERO: Well, first of all, good day sa lahat. Maayos naman po at mabuti naman po ang ating paghahanda. In fact, long time na talaga na we are always readying ourselves for the eventually of another explosion ng Taal. That is why mayroon … nandito tayo ngayon with this very beautiful evacuation center, along with other evacuation centers that are strategically located in different areas of Batangas.

So ang mangyayari, in terms of our readiness to respond and to accommodate evacuees, iyong mga evacuation centers na ating kinonstrak [constructed] will be cluster evacuation centers of nearby municipalities that, unfortunately, because of their location within the danger zone, we cannot put up evacuation centers there.

So itong evacuation center like in Mataas na Kahoy will cater to around two or three LGUs. So ganoon iyong mangyayari. And as we go along, tuluy-tuloy pa rin iyong assistance namin sa mga LGUs in terms of resettlement especially doon sa land use planning that will determine the future talaga, future ng mga LGUs in terms of disaster response.

MELA LESMORAS/PTV: Okay. Naku, maraming, maraming salamat po. Iyan po si Atty. Jeck Otero.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Oo, Mela, mga ilang evacuees ang puwedeng i-accommodate diyan, Mela?

MELA LESMORAS/PTV: Sa ngayon kasi, Usec. Rocky, maraming kuwarto na nakahanda rito. Pero isinasapinal ng ating mga awtoridad iyong magiging final na headcount na kaya nilang i-accommodate. Kasi alam naman natin ngayon, COVID, may pandemic pa rin, so ang gusto nila ay may safety. At ito, Usec. Rocky, isa sa tatlong malalaking evacuation centers na inihanda sa Batangas na talagang iinspeksyunin nga ni Pangulong Duterte mamaya. So sa iba pa nating panayam, aalamin natin kung may final headcount na sila kung ilan ba iyong kayang i-accommodate sa isang evacuation center na hindi naman siksikan at mapapanatili pa rin ang talagang comfort ng ating mga kababayan sa gitna ng pandemic. Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyo, Mela Lesmoras.

Sa gitna ng mga preparasyon para sa nalalapit na Eleksyon 2022, kasabay pa ng national at local election campaign, dapat umanong siguruhin pa rin ng mga lokal na pamahalaan na natututukan ang COVID-19 vaccination sa kanilang lugar, iyan ay sa gitna po ng panawagang paigtingin pa ang pagbabakuna lalo na ng booster shot. Kaugnay niyan ay makakausap po natin si DILG Undersecretary Epimaco Densing III. Magandang umaga po, Usec.

DILG USEC. DENSING: Magandang umaga, Usec. Rocky. At sa lahat po ng tagasubaybay ng inyong programa, magandang umaga rin po.

USEC. IGNACIO: Opo. Ngayong nagsimula na rin po iyong kampaniya para sa local elections, paano po masisiguro na tututukan pa rin ng ating mga LGU itong pagbabakuna sa kani-kanilang lugar?

DILG USEC. DENSING: Opo, isa sa napagkasunduan namin ay ituloy pa rin itong mga vaccination sites, wala pong isasara. At kaya minsan po kung wala po iyong local chief executive dahil nangangampaniya, [unclear] ay kausap naman namin ang mga local health officials para tuluy-tuloy pa rin ang pagbabakuna sa mga lugar dito sa buong Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Opo. Dahil booster shots na po ang usapan ngayon at hindi lang second dose, anong LGU po iyong may pinakamataas na booster rate? At ano naman po iyong LGU na dapat pang tutukan dito, Usec.?

DILG USEC. DENSING: Well, mayroon na tayong around 12 million na nababakunahan ng booster, at ang pinakamarami pa ring nababakunahan ay itong mga siyudad dito sa National Capital Region. Iyong ating mga probinsiya po ay mababa lalo na po sa BARMM, at ito po iyong lugar na kailangan talaga nating tutukan at kumbinsihin na magpabakuna. Hindi nga lang booster sa BARMM eh, pati iyong primary shots ay kailangan pa rin.

Pero, again, siguro gumagawa muna tayo ng mga istratehiya through the National Vaccination Operation Center para ho mahikayat iyong ating kababayan na magpa-booster.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa ngayon, papaano raw po mas kina-capacitate ng DOH at DILG ito pong mga lokal na pamahalaan para po mapaigting itong vaccination at booster drive sa mga ito, Usec.?

DILG USEC. DENSING: Well, ang istratehiya po natin is really on the policy side, Usec. Rocky. Halimbawa, pinag-uusapan natin ngayon na i-redefine ang tinatawag nating fully vaccinated. Kasi ngayon, kapag sinasabi nating fully vaccinated, ay nabakunahan ka na ng primary doses ‘no. At tinitingnan natin iyong posibilidad na i-redefine ito na kapag sinabi nating fully vaccinated ay dapat kasama na rito iyong booster shot o dapat tatlong bakuna, tatlong beses ka na naturukan.

So ito iyong mga [unclear] shift na ating gustong gawin and hopefully mag-gain, magkaroon ito ng epekto sa ating kababayan na magpapabakuna pa lalo ng boosters.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano naman po iyong reaksiyon ninyo sa panukalang lagyan ng expiration date itong mga vaccine card at booster cards na i-require na po ipakita sa pagpasok sa mga business establishments?

DILG USEC. DENSING: Well, isa po iyan sa pinag-uusapan namin ngayon, iyong, again, inuulit ko, iyong mga istratehiya on the policy side para iyong tao ay ma-force ‘no na magpabakuna or magpa-boosters. So isa diyan, nabanggit ko na kanina, redefinition of fully vaccinated; at pangalawa, ito ngang posibilidad na kung hindi ka pa nakakapag-booster eh after six months, automatic iyong inyong vax card ay expired na.

At again, base sa ating polisiya, tuluy-tuloy pa rin ang pagri-require ng vax card para makapasok ho kayo sa mga area na 3Cs ‘no, na closed areas, na may close contacts at crowded areas, dapat mayroon ho kayong vax card na dinadala.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may mga report ba kayong natatanggap na may mga LGUs na medyo hindi na po nagagampanan itong pagsasagawa ng pagtuturok sa kanilang mga constituents?

DILG USEC. DENSING: So far, Usec. Rocky, sabi ko nga, nabanggit ko nga kanina, bukas pa lahat ng mga vaccination sites sa iba’t ibang lokal na gobyerno. Medyo ang kumukonti po ay iyong tao. Kaya nga ang pinag-uusapan namin, paano talaga mapaigting o paano ma—hindi naman ma-force ‘no, pero para maisip ng ating taumbayan na magpa-booster sila. Siguro kailangan pa natin ng tinatawag na marketing campaign para mahikayat po ang ating mga kababayan na magpa-booster na.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa eleksiyon naman tayo magpunta, Usec. Ano po iyong nakasaad sa batas laban sa mga barangay officials daw po na nag-i-engage sa electioneering o pangangampanya? Nagbabala po kasi si Usec. Martin Diño sa mga barangay officials tungkol dito. Ano daw po iyong parusa na puwedeng kaharapin ng mga lalabag dito?

DILG USEC. DENSING III: Tama po iyan, nabanggit ko na ilang beses na mayroong joint circular po ang COMELEC at ang Civil Service Commission noong 2016, [ang JMC no.] 001 series of 2016, ito po iyong pag-a-identify kung sino ang bawal at puwedeng mangampanya tuwing eleksiyon.

At babanggitin ko lamang po, base sa joint circular na iyon, ang puwede lamang pong mangampanya ay ang presidente at bise presidente ng Pilipinas, ang kaniyang mga Cabinet officials and political appointees, lahat ng mga halal na mga serbisyong-bayan puwera lamang ang barangay officials – malinaw po iyon nakalagay doon – mga staff at confidential staff nitong mga Cabinet officials or political appointees at mga elected officials, at siyempre po iyong mga reserved units ng Armed Forces of the Philippines – iyon lamang po ang pinapayagang mangampanya. Klaro dito, bawal po ang barangay officials.

Ang kaparusahan po, puwede ho silang makasuhan sa COMELEC as an election offense [ang pangangampanya] at tinitingnan namin ang tinatawag nating administrative offense dahil kasama po dito ang Civil Service Commission na nag-issue at ipa-file po natin ito sa Office of the Ombudsman.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa naging pahayag po ni DILG Secretary Eduardo Año, sinabi niya, dapat daw po magbuo na ng local governance transition team ito pong mga local chief executives para kung sakali daw po, maging smooth talaga iyong transition sa susunod na mga mahahalal. So, anu-ano pong LGU na ang nag-comply dito kung mayroon man po?

DILG USEC. DENSING III: Well, tama po iyan at base sa memorandum circular na aming pinalabas na [MC] 2020-029, lahat po ng lokal na gobyerno sa buong Pilipinas – mapa-probinsiya, mapa-siyudad o munisipyo – kailangan magbuo po ng local governance transition team na pinamumunuan po ng local chief executive, ng lahat ng department heads, representante mula sa DILG, iyong local sanggunian na secretary at isang representante mula sa civil society organization or people’s organization.

At base sa aming pinalabas na MC, kailangan po by April 7, so ilang araw mula ngayon, kailangan nabuo na po iyong local governance transition team at mayroon pong mga responsibilidad itong gagawin para ho malinaw po iyong pagta-transition ng luma o nakaraang administrasyon sa panibagong administrasyon by June 30 of this year.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, ito po ba ay mandatory sa bawat LGU o mungkahi pa lang po sa ngayon?

DILG USEC. DENSING III: Mandatory ito, Usec. Rocky. Banggit ko nga, mayroon na kaming pinalabas na memorandum circular and they have until April 7 para mabuo lahat ng mga local governance transition teams sa buong Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, ngayong tapos na rin itong pag-imprenta ng mga balota, kumusta po iyong paghahanda ng mga LGU para sa nalalapit na eleksiyon, lalo na iyong mga lugar na pagdarausan nito at iyong mga posibleng gawing isolation polling centers?

DILG USEC. DENSING III: Well, sa ngayon po, lahat ng ating mga local governments ay under the supervision of the Commission on Elections, mayroon po iyang mga election officer sa bawat lokal na gobyerno. So lahat po ay susundin lamang po kung anong ipag-uutos ng ating COMELEC, dahil sa kapanahunan ng ganitong eleksiyon/kampanyahan, ang pinakamakapangyarihan po na ahensiya ng gobyerno o iyong tinatawag nating constitutional body ay ang Commission on Elections. So susunod po kami, ang mga lokal na gobyerno, kung ano ang ipag-uutos po ng ating local election officers.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kumustahin ko na rin po itong pagpapatupad ng election gun ban?

DILG USEC. DENSING III: Ah, oo. Sa buong Pilipinas, mayroon na ho tayong mga COMELEC checkpoints. Kung hindi ako nagkakamali, close to 4,000 checkpoints ay nabuo na ng ating Philippine National Police at close to 5,000 kung isasama po natin ang joint checkpoint ng ating PNP at Armed Forces of the Philippines. As of the last report ng ating kapulisan, mayroon nang mahigit-kumulang 2,300 ng ating kababayan na hinuli po at inaresto dahil po sila ay nag-violate ng election gun ban.

So, sa ating mga kababayan na nakikinig ngayong araw, sana po huwag ho kayong magdadala ng iyong mga baril kung wala po itong exemption mula sa Commission on Elections. Otherwise, kayo po ay huhulihin at ikukulong.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kumusta iyong pagbabantay ng ating mga pulis at lokal na pamahalaan? May mga natukoy na ba na election areas of concern?

DILG USEC. DENSING III: Mayroon pong sinabmit [submit] iyong ating Philippine National Police na mahigit tatlondaang possible na areas of concern – iyon po ang tawag natin rather than election hotspot. Pero as of today, mukhang dinelay po ng ating COMELEC ang pagdideklara nitong areas of concern dahil gusto nila pong i-validate ng kanilang election officer na talagang election hotspot nga itong mga lugar na ito.

So hintayin po natin ang ilang mga araw para i-announce officially ng ating Commission on Elections itong mga areas of concern, para dito po malalaman natin kung ano talaga ang mga babantayang mga lokal na gobyerno na hindi magkaroon ng kaguluhan ngayong darating na eleksiyon.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at pagbibigay-impormasyon, Undersecretary Epimaco Densing III mula po sa DILG. Thank you, Usec.

DILG USEC. DENSING III: Salamat, Usec. Rocky at magandang umaga po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Kahapon naganap ang ikalawang presidential debates ng COMELEC kung saan muling nagtalastasan ang siyam sa mga kumakandidato sa pagkapangulo. Alamin natin ang ilang usapin kaugnay sa eleksiyon 2022, makakausap po natin si COMELEC Commissioner George Erwin Garcia. Good morning po, Commissioner.

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Good morning po, Usec. At good morning po sa lahat ng nakatutok at nanunood sa atin.

USEC. IGNACIO: Commissioner, ano po ang assessment ninyo dito po sa naganap na presidential debates kahapon?

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Ay naku, nag-improve naman po ang atin pong… well, preparation siyempre, pero at the same time, naku, ay mas lalo pong gumagaling ang mga kandidato natin. Mas lalo po nilang naipakita iyong kanilang mga posisyon sa bawat isyu. Siguro nga dahil sa bagong format, pero ako po siguro, dahil nga habang mas nakakausap nila iyong mga kababayan natin, nakakasalamuha nila kapag sila ay umiikot sa iba’t ibang parte ng Pilipinas, baka nag-iiba o mas nai-strengthen ang kanilang mga paniniwala sa kung paano susolusyunan ang problema ng ating bansa.

So maaaring wala po tayong nakita na mga medyo mas matinding talastasan, mas medyo mainitan, pero ang importante po nakita namin na halos magkakatulad ang kanilang position sa iisang issue. Nangangahulugan lamang na more or less, silang lahat, alam nila na iyon ang solusyon sa problema na hinaharap ng bayan patungkol sa naitanong po sa kanila.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, ano po daw iyong napagdesisyunan na ng COMELEC tungkol dito sa suggestion na gawing mandatory itong pagdalo sa COMELEC-sponsored debates?

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Opo. Ang posisyon po ng COMELEC diyan siyempre ay [ipu-push na gawing] mandatory lalo na sa mga susunod na debate sa susunod na mga halalan natin. Paano po namin gagawin iyan? Again, kukumbinsihin po natin ang ating kagalang-galang na Kongreso na sana po ilagay na po talaga na requirement na a-attend ang lahat ng mga magiging kandidato, lokal man at nasyunal, sa mga ipapatawag na debate ng Commission on Elections. Kung hindi, puwede siyang maging ground ng disqualification and at the same time, puwedeng maging ground ng election offense.

Sa kasalukuyan po talaga, hanggang ngayon, diyan nga po kami nagkakaproblema dahil wala po kasing umiiral na batas. Wala po tayong maidagdag na sanction maliban sa unang sanction lang tungkol sa e-Rally ang pupuwede nating maipatupad para sa ating mga kandidato. So hopefully po mas magkakaroon ng ngipin at magiging mandatory ito sa mga darating na eleksiyon pa sa susunod.

USEC. IGNACIO: Opo. Pagkatapos po nitong May 2022 election, will the COMELEC strongly push for legislating a law po na maging mandatory ang pagdalo sa mga debate para po sa mga susunod pang eleksiyon, Commissioner?

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Definitely po, ma’am/Usec, dahil iyon nga po, nakikita kasi natin iyong kahalagahan ng debate eh, na hindi ito basta-basta lamang isang aktibidad. Ang debate, sabi ko nga, eh para itong isang pintuan na magpapakita sa iyo ng kaloob-looban at kaisipan ng isang kandidato. Napakaimportante po ito dahil makikita rin ang kahandaan ng kandidato na humarap sa kaniyang mga kababayan na nililigawan niya, at the same time nailahad iyong kaniyang nasa isip at iyong kaniyang karanasan patungkol sa pagsolusyon sa problema ng bayan.

‘Di ba alam ninyo naman po na sa debate natin makikita, hindi lamang iyong itsura ang titingnan natin sa mga kandidato, kung hindi ano ang kanilang adbokasiya/plataporma para sa ikauunlad po ng bayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, kailan naman po nakatakdang maganap iyong panghuli nang COMELEC-sponsored vice presidential at presidential debate? Ano po ang dapat asahan dito sa town hall debate na ito?

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Naku, eh siyempre gagawin po sa Abril a-bente tres at bente kuwatro dahil sabi ninyo nga po, ito ay isang town hall debate, mas makikita po natin iyong partisipasyon ng ating mga ordinaryong mga kababayan na gustong makapagtanong, makapagbigay ng kanilang kuro-kuro, manghihingi ng reaksiyon sa ating mga kandidato.

Hindi na po ito iyong katulad ng isang—isa iyong atin pong nagaganap na presidential at vice presidential debate na mayroon tayong moderator na nagbibigay ng mga katanungan base sa mga piniling tanong ng mga ekspertong tumutulong sa Commission on Elections, ito po, town hall, kaya mas makikita po natin dito iyong ano eh, mas ma—palagay ko po atin pong ninanais at iyong status sa ating buhay na iyan po, puwede kayong mag-participate. Mas maganda po iyan para madinig nila iyong boses ninyo at sila mismo ang magsabi, “Ito ang solusyon ko sa katanungan mo at sa problema mo.”

USEC. IGNACIO: Opo. Samantala, sa ngayon Commissioner, saan-saan daw pong mga lugar na po napapadala itong Automated Election System supplies simula po noong Sabado at bakit daw po kinakailangan ituloy ito ng COMELEC despite daw po iyong protest or call for postponement ng partido ng isang kandidato?

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Unahin ko po muna iyong katanungan na pangalawa tungkol sa pagpo-postpone at iyong naging reklamo po.

Naipaliwanag naman po doon sa grupo po at abogado noong nagrereklamo na kahit nga po kaming mga Commissioner eh bandang hapon lang din kami na-inform tungkol po sa gagawin na – ano po iyon eh, kick-off lang naman po, parang ceremonial – kasi nga po, alam ninyo po kasi kapag ang isang container van ay isasakay sa barko, iyan po ay kalimitan ibinibiyahe nang madaling araw.

Kasi—bakit? Madaling araw din po kasi ang pag-alis ng barko and therefore hindi pupuwedeng mahuli kahit pa iyan ay galing sa COMELEC dahil kung may oras iyong pagdaong at pag-alis ng barko doon sa port kung saan po dadalhin iyong mga container van.

Kaya po talaga kung napansin po ng lahat ay 12:01 po kami nag-ceremonial kick-off dahil po kinakailangan masaraduhan kaagad iyong mga container van na inisyal na ipinadala namin at incidentally, iyong unang katanungan ninyo po, ipinadala po namin iyan sa region—sa Bangsamoro.

Iyon pong mga malalayong rehiyon muna ang atin pong inuuna at the same time during the preliminary activity po na—ibinigay din po namin magmula sa PPCRV, magmula po sa NAMFREL at iba pang grupo na nandoon, iyong mismong schedule para alam po nila kung anong oras aalis sa Sta. Rosa warehouse, na iyan ay iko-convoy sa port at alam din po nila kung anong oras naman darating sa mga port para po puwede nilang maabangan, puwede nilang masubaybayan, puwede nilang masamahan.

Ma’am, USec., gusto ko lang ulitin, hindi pa po ito idi-distribute sa local COMELEC, sa mga treasurer, hindi pa po. Ito po ay amin pa lamang ilalagak sa aming mga tinatawag na regional hubs at diyan po, diyan ngayon ang magiging lugar kung saan manggagaling naman iyong mga ipadadala sa mga opisina ng local COMELEC.

Iyan po ay mga Vote Counting Machines at the same time iyong mga CCS (Consolidation and Canvassing System), iyon pong tinatawag na consolidation system at iyon pang mga ibang ginagamit na mga paraphernalia para sa eleksyon. Wala pa pong original ballot na ipinapadala ang COMELEC sa iba’t ibang regional hubs po namin.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Commissioner, ito po iyong tanong talaga ng ilan: Paano naman po masisiguro raw iyong seguridad ng mga equipment na ito sa mga paglalagakang lugar hanggang dumating daw po itong May 9 elections?

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Tama po iyon. Sana po doon po sa ating mga Citizen’s Arm magmula sa NAMFREL, PPCRV at the same time doon po sa mga political parties, makagawa po kayo ng karampatang mga kasulatan, i-address ninyo doon sa ating mga Regional Directors ng COMELEC para po kayo ay mabigyan ng tamang akreditasyon upang kayo ay mapayagan na makapunta diyan sa mga hubs, makapagbantay at the same time naman po, huwag po kayong mag-alala dahil lahat kayo ay bibigyan ng notice sa pagdating at iyong pagdidispatsa nga ng mga gamit para sa iba’t ibang parte ng ating bansa.

At the same time po, iyon naman pong mga seal na inilalagay po namin sa mga container van bago po umalis sa Sta. Rosa ay sigurado po [na] pagdating na pagdating diyan, i-verify ninyong mabuti. Intact po iyan, kung may contact po kayo dito sa main office ninyo na Citizen’s Arm, nakita po nila kung anong number noong mismong seal and therefore po dapat iyong seal na iyan, iyan pa rin ang seal na makikita ninyo kapag dumating sa daungan iyang mga container van na naglalaman po ng mga gamit na ipinapadala namin sa mga regional hubs.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, ngayong natapos po ahead of time ito pong pag-imprenta ng target na 67.4 million ballot printing, hanggang kailan po isasagawa ang verification process dito para daw po masigurong tama at gumagana ang balota?

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: USec., ang subject na lang po ng verification ay 320,000 po na mga balota. Naku, isang araw lang po nga kayang ma-verify po dahil napakadami naman naming tao na nagbi-verify. Pero bigyan po natin, halimbawa ng dalawang araw simula kahapon hanggang ngayon para ma-verify po iyong 320,000 na balota.

Gusto ko lang linawin, USec., ang na-imprenta po natin na completely ay ang official ballots. So, tayo po ay sobrang advance kasi po, tama po kayo, dapat po ay a-bente kuwatro pa ng Abril ang aming target na matapos iyan, eh napaaga po dahil nga sa may mga makabago kasing printing machine na ginagamit diyan.

Pero at the same time po gusto ko lang ding liwanagin na natapos man po tayo sa mga official ballots, mayroon pa po tayong mga ilang iimprenta na iyong mga training, iyon bang testing ballots na gagamitin natin sa final testing and sealing. Iyon po ay iimprenta pa dahil iyan ay although official ballots pero iyan po ay hindi na kasama doon sa 67.4 million. At the same time din po maggagawa rin po kami ng mga iba pang mga ipi-print pa na mga papel na gagamitin po sa mismong araw ng eleksyon.

So, then ang pinakaimportante po, tama po kayong lahat na ang official ballots at least na-print namin nang napakaaga, tapos na, and therefore undergoing na lang po ng quarantine iyong 320,000. At doon naman po sa mga nakitang may defect, 178,000 pa rin po hanggang sa araw na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, may tanong po ang ating kasamahan sa media, basahin ko po if I may? Mula po kay Sam Medenilla ng Business Mirror: May date na po kaya kung kailan daw po ide-destroy ng COMELEC ang mga defective ballots at kung kailan po magpi-print ng replacement ang National Printing for this?

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: USec., iyon pong pag-destroy ng defective ballots, definitely, gagawin po natin iyan kapag tapos na tapos na po ang lahat ng proseso. So, ngayon po, hindi pa natin made-destroy iyan sapagkat may posibilidad po doon sa mga naka-quarantine na may mapadagdag pa po doon sa 178,000 na mayroon tayong defective ballots ngayon.

So, iyon po ay ia-announce namin kung kailan tayo magsusunog ng mga balota na defective po ang classification para po present ang lahat magmula sa media, representatives ng parties, political parties, mga kandidato at saka mga Citizen’s Arm.

Iyon naman pong pag-iimprenta, tutal naman po lagi tayong may bantay ngayon diyan po sa atin pong NPO at the same time naka-livestream pa rin po tayo hanggang sa kasalukuyan, ia-announce din po namin kung kailan but uunahin po muna namin iyong mga pang-testing ballots at pagkatapos po noon isusunod na po natin iyong pagpi-print naman noong mga defective ballots kasi po siyempre, iisa-isahin ninyo iyon depende sa kung ano iyong presinto o ano iyong lugar na pinanggalingan noong defective ballot po na iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Sam Medenilla ng Business Mirror: May na-report o na-refer na po kaya ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) daw po na suspected vote-buying incident using online payment? If yes, ilan na po kaya ang nasabing cases at from ilang banks or e-wallet firms?

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: So far po, sa aking pagkakaalam dahil siyempre dapat ang opisina natin eh malalaman din natin, wala pa po akong nalalaman na report po mula sa AMLC na patungkol doon sa mga nari-report diyan sa online vote-buying na iyan but at the same time po at magana rin po lalung-lalo na sa mga kapatid natin sa media na lagi po kayong makikipag-ugnayan sa opisina ni Commissioner Aimee Ferolino na siya pong itinalaga natin bilang mamumuno doon po sa ating Task Force Kontra Bigay. Iyan pong mga impormasyon na iyan ay mabibigay niya po lahat-lahat, pati iyong mga aksyon na inisyal na ginawa po ng task force.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Asher Cadapan ng UNTV: May desisyon na po ba ang COMELEC tungkol daw po sa apela ng LTFRB na exemption sa disbursement ng pondo? As per LTFRB, ito na lang po kasi ang hinihintay nila to proceed sa disbursement ng fuel subsidy at implementation ng Service Contracting Program.

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Tama po, noong nakaraang linggo po, USec., ay amin pong dininig na, pinag-submit namin ng mga ebidensiya ang LTFRB at pinag-submit din namin ng tinatawag na position paper or memorandum at iyan po ay na-comply na po nila.

Ito po ay kasalukuyan ng nag-a-undergo ng study and therefore Miyerkules po may maisa-submit po na recommendation sa en banc at i-expect ninyo hanggang Thursday ay maia-announce na po natin iyong aksyon ng COMELEC patungkol po sa request po ng LTFRB.

Huwag po kayong mag-alala lalung-lalo na sa mga kababayan natin na mga driver ng pampublikong sasakyan at iyong umaasa sa fuel subsidy, kaagad po namin iyang aaksyunan, hindi na po natin idi-delay iyan. Pero at the same time, titingnan po natin kung tama ba iyong naging petisyon, tama ba iyong procedure na gagawin ng LTFRB sa pamamahagi nitong mga fuel subsidy at papaano ang implementasyon ng proyekto pong ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Karen Villanda ng PTV: Kasama po ba sa mga tututukan ng Fake News Task Force iyong mga maling impormasyon sa kandidato, o sa COMELEC lang po daw? Magiging effective daw po ba ito, ngayong 35 days na lang po bago ang halalan?

COMELEC COMMISSIONER. GARCIA: Usec, iyong akin pong pinaplano na makumbinsi ang ating Commission En Banc patungkol sa pagki-create ng task force na iyan kontra nga po sa fake news, iyan naman po ay limited lang sa fake news patungkol, hindi lamang sa COMELEC, kung hindi sa entire electoral process.

Iyon pong fake news para sa mga kandidato, naku, napakadami po noon, baka hindi na po namin kayanin iyon, dapat po talaga isang buong departamento ng pamahalaan iyan. Pero iyon pong fake news patungkol sa mga kandidato, mga kandidato na po ang bahala doon, kung paano nila puprotektahan ang sarili nila. Kaya lang po, naisip po kasi natin, iyang Task Force Kontra Fake News, sapagkat ang dami po kasing naglipana. Gusto kong samantalahin ang pagkakataong ito, itong atin pong ginagawang briefing po, na iyon pong mga lumalabas katulad ng may mga balota daw na naglipana, na original ballots, tapos sini-shade na, may mga nakawala raw na balota mula sa NPO, eh wala pong katotohanan iyon. Mayroon naman po, pinapakita sa video na tapos na raw po ang eleksiyon, may mga boto na ang mga kandidato. Eh nakita po ninyo, ang nakalagay na number of voter’s turnout, 100%. Diyos ko po naman, paano naman paniniwalaang iyong 100% na iyon.

So, ibig kong sabihin, iyang mga ganiyan pong fake news, siyempre po sa mga kababayan natin na maaaring hindi gaanong nauunawaan, eh mapapaniwalaan po iyan. It will create or destroy the integrity of our electoral process. We will never allow that, kanda-hirap na po lahat ng sektor, pati po kayo, pati po iyong mga kapatid natin sa pamamahayag, para lang ayusin ang eleksiyon.

Ang Commission on Elections, iyong mga tao namin dito, wala na nga pong pahingahan, sisirain lang ng mga ganoong klaseng fake news? Hindi po natin papayagan, we will go after them, we will prosecute them, and we will put a stop to this illegal activities po.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, dagdag pong tanong ni Karen Villanda ng PTV: Ano raw po iyong last minute preparation para sa pagsisimula ng absentee voting this April?

COMELEC COMMISSIONER. GARCIA: Okay po. Siyempre po, doon sa absentee voting, handang-handa na rin po tayo, iyong local absentee voting po natin na halos mahigit 60,000 po ang magpa-participate. Nakakapanghinayang po na madaming natanggal sa nag-apply o hindi na-approve, dahil hindi pala rehistradong botante o kaya naman po, ang iba nating kapatid sa media ay hindi naman pala nakaboto ng dalawang magkasunod na elections, so wala na po silang registration in the meantime, deactivated. Pero handang-handa na po tayo magmula po sa mga nasa PNP, nasa military, iyon pong mga kapatid natin sa media. In fact po, handa na rin po kami para po doon sa mga Persons Deprived of Liberties. Mayroon po tayong mga more or less 56,000 na magpapa-participate po diyan. So, all systems go na po kami, patungkol sa absentee voting.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Sam Medenilla ng Business Mirror: For overseas voting, nag-apela po ang COMELEC sa Congress na mag-allocate ng budget para po sana sa pagbayad ng postage stamp for mail voting. Naisama po kaya ito sa 2022 budget ng COMELEC?

COMELEC COMMISSIONER. GARCIA: Siyempre po, opo. Ginawan naman po namin ng paraan iyan para lang makaboto ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng koreo, dahil isa po iyan sa pamamaraan. Sana nga po sa mga susunod na panahon, at nananawagan tayo sa Kongreso, na mapag-isipan na rin po natin iyong online voting. Naku, eh napakaganda po iyan, basta ba tama iyong security, mapuprotektahan ang boto ng ating mga kababayan. Pero iyong sa koreo po, huwag po kayong mag-aalala, makakaboto po iyong ating mga kababayan sa pamamagitan ng pagpapadala through the mails. At the same time, again inuulit ko po – samantalahin ko na rin po iyong pagkakataon – magsisimula na po iyong pagboto natin sa Abril 10 at matatapos po ito sa Mayo 9, isang buong buwan po halos ang atin pong pagboto.

Again, kung ano pong oras doon sa bansa kung nasaan sila, alas-otso (8) po sa April 10, sila po ay makakaboto na and therefore ay makakatanggap na rin po kayo ng inyong mga balota magmula sa koreo, kung ang pinili po ng ating overseas voter/absentee voter ay sa pamamagitan po ng matatanggap mula sa mail, mula sa lugar kung saan po sila buboto.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Commissioner, bakit hanggang ngayon po, hindi pa rin inilalabas ng COMELEC itong listahan ng election areas of concern?

COMELEC COMMISSIONER. GARCIA: Tama, Ma’am. Kasi nga po, we have to re-verify and verify. Alam po ninyo napakahirap, nari-realize po natin iyong kalagayan ng isang lugar na ideklara po ninyong red – sa atin po dati noon, hotspot na hotspot, pero areas of concern po ang tawag – kung bigla pong ideklara namin ang isang lugar na red, isipin po ninyo iyong negosyo o iyon pong possible na investment doon sa lugar o iyong buhay po ng tao na normal na normal doon, mga mamamayan natin, bigla pong magugulo dahil malalagay sila sa critical area of concern.

Halimbawa po, kulay red, ibig sabihin po noon magulo ang lugar. Kaya po ang gusto namin, ipa-verify muna namin sa aming field personnel, lalo na ng regional offices namin kung talaga bang red diyan o kaya eh, nagkabarilan noong isang araw eh, talaga bang green pa iyan? Eh green na iyan dati, baka naman pupuwedeng maging orange na iyan o yellow o red na iyan?

We have to verify and verify and verify. And that is why, we are even contemplating of even authorizing our Chairman to immediately issue the order to place a particular area in the country under COMELEC control, subject to our confirmation doon sa ginawang aksiyon ng Chairman. Kasi po, kung laging maghihintay po every week sa meeting ng en banc ng Komisyon, baka po matatagalan. Eh kinakailangang umaksiyon kaagad to prevent violence o iyong medyo pag-igting ng kaguluhan doon sa lugar na iyan. So, iyan po iyong kalagayan and therefore, iyon po ang kadahilanan kung bakit hindi kaagad namin inilabas ang listahan po na iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Panghuling mensahe o paalala po sa voting public. Go ahead, Commissioner Garcia?

COMELEC COMMISSIONER. GARCIA: Ako po ay mas nananawagan, lalung-lalo na sa kasalukuyan sa ating mga kababayang nasa abroad. Naku, eh 1.6 million po kayo na buboto para sa overseas voting, huwag po sana ninyong babalewalain ito. Ito po iyong pagkakataon ninyo na makapaghalal kayo ng lider para sa kinabukasan natin. Ito po ay hindi lamang para sa mga kababayan ninyo o kamag-anak ninyo dito sa ating bansa. Kung hindi lalung-lalo na sa inyo po ito, sapagkat bilang Pilipino kayo po, hindi lang [bilang] obligasyon, pero kayo po ay may karapatan na magsabi kung sino ang lider na [dapat] ay mahahalal natin para sa darating na eleksiyon. At tatandaan naman po natin na noong nakaraan, napakakaunti po kasi, hindi po ganoon kadami ang nakakaboto. Naiintindihan po namin, maaaring may pasok po kayo o maaaring busy po kayo o hindi pinayagan ng inyo pong mga employer, pero sana po mabigyan ninyo ng pagkakataon para makaboto po kayo para sa halalan 2022.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras at impormasyon, Commissioner George Erwin Garcia mula sa COMELEC. Salamat po, Commissioner.

Panibagong bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang nakatakdang ipatupad ng mga kumpanya ng langis. Batay sa pagtataya, aabot sa P2.70 ang tapyas sa presyo ng kada litro ng gasoline. Nasa P2.20 naman sa diesel, habang P1.70 hanggang P1.90 para sa kerosene. Una nang sinabi ng Department of Energy na kabilang sa mga dahilan ng rollback ngayong linggo ay ang pagpapalabas ng Estados Unidos ng kanilang oil reserve para mabalanse ang supply at presyo ng krudo sa world market.

Nakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa ating mga kababayang Muslim ngayong nagsimula na ang buwan ng Ramadan. Ayon kay Pangulong Duterte, nawa ay magbunga ang disiplina at repleksiyon ng ating mga kapatid na Muslim ng mga magagandang bagay at mas malalim na koneksiyon kay Allah. Sa pamamagitan ng okasyong ito, sana mas manaig din aniya sa bawat desisyon ng ating mga kababayan ang mabubuting aral ng Koran. Bukod dito, hiling din ng Pangulo, nawa’y ang liwanag na dala ng Ramadan ay magsilbing gabay ng mga Muslim tungo sa buhay na may integridad, hindi lang para sa kani-kanilang sarili, kung hindi para sa bayan.

Samantala, makibalita naman tayo sa lagay ng water supply sa bansa partikular dito sa Luzon. Makakausap po natin si Director Sevillo David Jr., ang Executive Director ng National Water Resources Board. Good morning po.

NWRB EXECUTIVE DIR. DAVID JR. Good morning, Usec. Rocky at sa ating mga tagasubaybay at tagapanood po sa inyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, sa ngayon kumusta na po ang sitwasyon ng Angat Dam? Nagbubunga na po ba iyong ginagawang cloud seeding ng PAG-ASA dito?

NWRB EXECUTIVE DIR. DAVID JR. Opo ‘no, Usec. Para po sa kaalaman ng mga kababayan po natin, kaninang umaga po ay nasa 190.75 liters po ang level po ng Angat Dam at masasabi po natin na medyo mababa po ito kung ikukumpara po natin sa mga naunang mga taon.

Pero ito pong cloud seeding operations ay sa tingin po natin ay nagdudulot ng magandang resulta sa kadahilanan sa ngayon po ay medyo mabagal po ‘no, bumagal po iyong pagbaba ng level ng Angat Dam. At noong isang araw nga po, medyo tumaas na nga po nang konti ‘no. Pero ito po sa ngayon ay patuloy po nating isinasagawa ‘no sa pamamagitan ng MWSS at ng PAG-ASA. At umaasa po tayo na sa mga susunod na araw ay parehas po ang magiging resulta, at sa tingin po naman natin ay malaki ang naitutulong po nitong cloud seeding operations para po mapanatili sa mas magandang level po ang kasalukuyang level po ng Angat Dam.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, kung magpapatuloy po ang kasalukuyang malakas na water consumption kasabay po ng patuloy na pagbaba ng water level sa Angat Dam, sa palagay ninyo ay hanggang kailan na lang po ang itatagal ng water supply natin mula dito? At gaano po kahalaga na magsimula nang magtipid sa tubig ang ating mga kababayan sa ngayon?

NWRB EXECUTIVE DIR. DAVID, JR: Tama po ‘no, Usec. Rocky. Bago pa nga ho pumasok iyong taon ‘no at bago magsimula itong January po ay nag-abiso na po tayo sa mga kababayan po natin na magtipid kasi nga po medyo mababa po sa inaasahan natin ang level po ng Angat Dam. Halos mga sampung metro po ang binaba niya ‘no.

At sa ngayon po, sa mga projections natin, 190 level po ay aabot po iyan siguro ng mga parte po ng Mayo bago umabot doon sa 180 na minimum operating level. Sa ganoong punto po, Usec., ay mabibigyan po natin ng priority ang supply ng tubig po para sa mga Metro Manila [areas]. So, sa tingin po ng [unclear] sa ngayon ay may sapat po tayong tubig. Pero mas maganda po na paghandaan pa rin naman natin ito kung sakali po na magpatuloy po iyong pagbaba ng level ng Angat Dam hanggang umabot po iyong mga … bago umabot po iyong mga panahon ng tag-ulan, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, bakit po mas piniling bawasan daw po iyong water supply para sa irigasyon sa halip na ang supply daw po sa residential areas sa Metro Manila? Ganito rin po ang tanong ng ating kasamahang si Cleizl Pardilla ng PTV at Jena Balaoro ng GMA News: Gaano raw po karami ang binawas at ano raw po ang magiging epekto nito?

NWRB EXECUTIVE DIR. DAVID, JR: Yes, Usec., sa kasalukuyan po kasi ‘no, malapit na po kasing mag-ani ‘no iyon pong mga kasama nating magsasaka diyan sa Bulacan at Pampanga. Kaya kapag ganito po kasi na malapit na silang mag-ani ay hindi naman po ganoon kalaki iyong pangangailangan nila sa tubig para po sa irigasyon. Kaya nga po itong buwan ng Abril, mula po sa 15 cubic meters per second ay nagkaroon po ng reduction para sa Abril po na mga five cubic meters per second sa kadahilanan na malapit na po silang mag-ani.

At sa ngayon po, ito po namang water supply para sa Metro Manila ay mananatili po ‘no na 48 cubic meters per second kasi nga po ay nandiyan pa rin po iyong pangamba ng COVID, at napakaimportante po ng tubig sa ganitong panahon para po maiwasan iyong paglaganap nitong COVID. At medyo mainit po ang panahon kaya po minabuti po ng NWRB na i-maintain po iyong kasalukuyang alokasyon at wala pong pagbabawas na mangyayari po.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa ngayon po, ano raw po iyong mga option na mayroon tayo para makahanap pa ng dagdag na water sources or ilang alternative water resource po ang tinitingnan na i-develop pa?

NWRB EXECUTIVE DIR. DAVID, JR: Sa ngayon po, itong mga sinasabi nating mga immediate at mga short term po ay nandiyan po iyong mga deep wells, pinapayagan po natin ang MWSS at mga konsesyunaryo na ihanda po ang mga deep wells. At iyon pong mga treatment facilities ‘no diyan po sa Laguna Lake at dito po sa may Marikina River ay nakahanda na rin po.

Doon naman po sa mga medium to long term ay kasalukuyan po ay mayroong mga projects diyan sa Marikina River, at dito naman po sa Laguna Lake ay mayroon din po na medyo malaki-laking proyekto. At dito po iyong nababanggit natin before pa, iyon pong Kaliwa River. So ito po iyong mga proyekto na magbibigay nang mas pangmatagalang solusyon po sa mga pangangailangan po natin at seguridad sa tubig, Usec. Rocky.

Pero sa ngayon po, iyong mga deep wells at mga treatment facilities ay puwede pong makatulong na sa ngayon kung sakali pong magkaroon ng pangangailangan at karagdagang pangangailangan po ng tubig.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Director, ano po iyong reaksiyon ninyo dito sa sinasabi ng ilang eksperto na kailangan na natin ng water supply strategy lalo’t para tugunan din po itong mga rural areas na talagang wala pong maayos na supply ng tubig?

NWRB EXECUTIVE DIR. DAVID, JR: Tama po iyon, Usec. Rocky. Sa ngayon po ay ni-launch na po ng pamahalaan ‘no, through NEDA, iyon pong tinatawag nating Philippine Water Supply and Sanitation Master Plan. So, itong master plan na ito ay nagbalangkas po ng mga strategies na paano po mabibigyan ng seguridad, iyong pangangailangan po natin sa tubig at kasama na rin po iyong issue natin sa sanitation.

At tayo naman po sa MWRB ay binalangkas na rin po natin iyong sinasabi nating water security roadmap. At ito po ay nagsasagawa tayo ng konsultasyon sa ngayon, kasama po iyong mga regional offices po natin para po maglatag nang mas concrete na proyekto po para po mabigyan ng seguridad ‘no hindi lang po iyong sa Metro Manila, kasama na rin po iyong buong bansa natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa kasalukuyang lagay po ng ating water supply, matatawag po ba natin na manageable pa rin po ito?

NWRB EXECUTIVE DIR. DAVID, JR: Iyan po iyong pinakaginagawa po natin, Usec., ito pong kasalukuyang level po natin, iyong sinasabi nga ho natin ay medyo mababa po. Pero sabi ko po, may mga paghahanda po tayong ginagawa para naman po ang pinakalayunin natin ay mapangalagaan at mabigyan po ng steady supply ng tubig iyong mga kababayan po natin. At ito po ay pinagtutulungan natin kasama po ang MWSS at kasama rin po iyong mga kasama nating magsasaka diyan at ng NIA para sa Bulacan at Pampanga po.

USEC. IGNACIO: Pero hindi po natin maaaring sabihin na tayo po ay magkakaroon ng krisis sa supply ng tubig, tama po ba?

NWRB EXECUTIVE DIR. DAVID, JR: Opo, sa tingin naman po natin ay hindi po tayo magkakaroon, at may mga paghahanda na po tayong ginagawa, Usec. Kasi nga po, para ho kung sakali pong umabot, iyong patuloy na bumaba, ay may mga alternatibo po tayong mga pagkukunan ng tubig.

At sa tingin naman po natin, Usec., hindi naman po mangyayari iyong nangyari noong 2019 kasi nga po kung ikukumpara po natin iyong taon na iyon sa ngayon, may mas nakahanda po tayo sa mga puwedeng mapagkunan po ng karagdagang tubig po.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano na lamang po iyong inyong panghuling payo o paalala sa ating mga kababayan sa gitna pa rin po ng sitwasyon ng water supply natin sa ngayon? Go ahead, Director.

NWRB EXECUTIVE DIR. DAVID, JR: Opo. Sa ngayon po, para sa po mga kababayan natin ay ginagawa naman po ng pamahalaan iyong atin pong mga nararapat na paghahanda para naman po mapangalagaan iyong pangangailangan po natin sa tubig. Pero po iyong mga kababayan po natin ay puwede rin po, malaki po ang maitutulong nila ‘no doon po sa tamang paggamit at responsableng paggamit, at kung may mga pagkakataon ay i-recycle at ipunin po itong mga tubig na ito na sa tingin po natin ay kapag pinagtulungan po natin ito ay mas mabibigyan natin nang sapat na supply ng tubig iyong mga kababayan po natin.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Executive Director Sevillo David, Jr. ng NWRB. Salamat po.

NWRB EXECUTIVE DIR. DAVID, JR: Maraming salamat din po, Usec., at magandang umaga po

USEC. IGNACIO: Samantala, aabot sa dalawanlibong mga residente mula sa Antipolo ang hinatiran kamakailan ng ayuda ng ilang ahensiya ng pamahalaan sa pangunguna ng outreach team ni Senator Bong Go. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Dobleng pag-iingat naman sa mga manok dahil sa kumakalat na Avian Influenza or Bird Flu ang tinututukan ngayon sa Davao. Si Regine Lanuza para sa detalye:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Dumako naman tayo sa mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service. Magbabalita si Czarinah Lusuegro:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Czarinah Lusuegro ng PBS Radyo Pilipinas.

Maraming salamat po sa ating mga partner agencies para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center