Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Isang mapagpalang araw ng Lunes Santo po sa ating lahat. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Kasabay ng paggunita natin sa Semana Santa ngayong taon, binabantayan din po natin ang Bagyong Agaton na kasalukuyang nananalasa sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao, at mamaya, iba pa rin pong mga usapin tungkol naman sa Hatol ng Bayan 2022 at sa third phase ng service contracting program ng pamahalaan. Simulan na po natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Kumustahin natin ang mga kababayan nating apektado sa pananalasa ng Bagyong Agaton, humingi tayo ng update mula sa tagapagsalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na si Ginoong Mark Timbal. Good morning po, sir.

NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Usec. Rocky, good morning po.

USEC. IGNACIO: Sir, kahapon po ay may naitala na agad na casualty dahil dito sa pananalasa nitong Bagyong Agaton sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao. Sa ngayon, ilan na po iyong naitatala ng NDRRMC?

NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Isa pong dead count na atin pong bini-verify po as of this time, ito po ay biktima po ng pagkalunod diyan po sa Mindanao. Mayroong dalawa po tayong kababayan na na-injure, at isang missing.

Ngayon pong umaga, mayroon po tayong natatanggap na mga bali-balita tungkol sa mga karagdagan daw pong mga bilang ng mga kababayan nating nadisgrasya. Pero ito po ay ating bina-validate at bini-verify pa rin sa ating mga kasamahan sa local government unit level. Kaya so far po, ang ating count pa rin ay one dead, one missing and two injured as of this point.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero handa po ba ang tuluy-tuloy na pagtugon ng NDRRMC ngayong Holy Week lalo’t nakabuntot pa rin po iyong isa pang bagyong darating dito, kay Bagyong Agaton?

NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Totoo po iyon, Usec. Rocky. Ang atin pong paghahanda po para dito sa sama ng panahon ay nagsimula since last week pa. Kaya po iyong ating mga supplies, personnel, equipment ay ready for deployment na especially those coming from the national government, ready po nating i-deploy iyan kung kailanganin ng support ang ating mga LGUs doon po sa kanilang emergency management sa ground.

Naging maagap din po iyong pagkilos ng LGUs natin kasi po nakapag-evacuate kaagad tayo ng 13,049 katao na nag-i-stay po ngayon sa 71,000 na mga evacuation centers. Mayroon din po tayong mga kababayan na nasa labas ng evacuation centers, hindi nakituloy kung hindi doon tumuloy sa kanilang mga kamag-anakan – 25,000 families po iyan. At ito pong mga kababayan natin na nagsi-evacuate ay binibigyan ng family food packs ng ating LGUs, pati iyong mga hygiene kits at iba pang kagamitan.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Mark, itong mga binabanggit mong evacuees, saang mga lugar ito?

NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Galing po iyan sa Region VI, sa Region VII, Region VIII, iyong mismo pong binabagyo ngayon, iyon Region X, Region XI, Region XII, Caraga at the Bangsamoro rin po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero sapat po ba iyong resources natin para tumugon dito sa mga maaapektuhan, anticipation na rin po sa epekto ng dalawang magkasunod na bagyo?

NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Tama po kayo diyan, Usec. Rocky. Dito po sa national level, we have sufficient supplies po para ma-sustain iyong ating local government unit counterparts for the operations. Ngayon po, ang kanilang ginagamit ay iyong local supplies nila. At sa regional naman po, kasado for distribution iyong supplies natin in case na may manghingi ng tulong sa LGU level.

USEC. IGNACIO: Opo. Samantala, binaba na nga rin po iyong Alert Level 2 sa Taal, pero kumusta po iyong sitwasyon sa mga evacuation centers sa Batangas? Pinayagan na po ba silang makabalik sa kani-kanilang tahanan? At ilan po ang mga na-evacuate nating mga kababayan?

NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Actually, tama po kayo diyan, Usec. Rocky. Nagsiuwian na po halos lahat ng mga evacuees natin from the Taal emergency. Noong binaba po ng ating pamahalaan ang ating alert level status into Alert Level 2 for Taal, ang Regional Disaster Council po for CALABARZON ay nag-isyu po ng payo sa ating mga LGUs na puwede nang pabalikin pauwi iyong ating mga kababayan sa kanilang mga tahanan. At as of last week po, marami na po ang nagsiuwian at maraming evacuation centers na rin po ang isinara dahil po wala na pong mga tao; nakauwi na sila.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Mark, ano na lang po iyong paghahanda ang maipapayo ng NDRRMC sa ating mga kababayan kaugnay pa rin po sa binabantayang Taal Volcano, kasama na po itong Bagyong Agaton at itong sumusunod na posibleng manalasa pa rin na Bagyong Basyang?

NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Tama kayo diyan, Usec. Rocky. Alam ninyo naman na ngayon ay Holy Week at marami pong mga kababayan natin ang bibiyahe, iyong mga kababayan po natin na pupunta doon sa mga areas na binabagyo ngayon, maaari po munang ipagpaliban natin ang ating pagbiyahe lalo na kung tatawid ng dagat kasi malakihan pong suspensyon ng pagbiyahe sa dagat ang naisagawa dahil Signal # 2 and Signal # 1 po iyan.

Iyong mga sasakyang pandagat po ay hindi po papayagang lumisan sa mga puerto kaya umabot na nga po ng 2,000 katao ang na-stranded dahil dito. Ang atin pong payo ay ipagpaliban po muna nila iyan, ang kanilang pagbiyahe, para hindi sila ma-stranded. Antayin po nating lumipas po ang sama ng panahon.

Iyong mga kababayan naman po natin na nasa areas po na inuulan ngayon, binabagyo, ipagpatuloy po ninyo ang pakikipag-ugnayan sa LGUs at pagsunod sa inyong mga pamunuan para po masigurado ang kaligtasan natin, kasama iyong pag-iingat sa COVID-19, para ligtas tayo sa bagyo, ligtas din tayo sa sakit.

Thank you po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes, kami rin po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Ginoong Mark Timbal mula po sa NDRRMC.

NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Good morning po.

USEC. IGNACIO: Kahit na po Semana Santa, tuluy-tuloy pa rin po ang paghahandang ginagawa ng pamahalaan para masiguro ang ligtas at mapayapang halalan sa darating na Mayo. Kaugnay niyan ay makibalita tayo mula sa tagapagsalita ng Department of Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya. Good morning po, Usec.

DILG USEC. MALAYA: Magandang umaga sa iyo, Usec. Rocky. At magandang umaga po sa lahat ng ating tagasubaybay.

USEC. IGNACIO: Opo. Bago tayo magpunta sa mga tanong natin tungkol dito sa nalalapit na ring halalan, Usec., alam natin itong malakas na Bagyong Agaton, papaano po ang koordinasyon ninyo dito sa ating mga LGUs na naapektuhan o dinaanan ng Bagyong Agaton?

DILG USEC. MALAYA: Yes, bago pa po dumating itong Bagyong Agaton ay na-activate na ng DILG iyong aming emergency operations centers. At mayroon din po kaming regional operations center para sa mga lugar kung saan paparating iyong bagyo. So na-activate at nakapag-isyu na po kami ng warnings and advisory sa lahat ng mga LGUs para palakasin iyong kanilang disaster preparedness para sa bagyong ito.

Sa ngayon po, since dumating na iyong bagyo sa atin, at ngayon naman po ay nakikipag-ugnayan na kami sa NDRRMC. Tututok naman po kami sa rescue and rehabilitation immediately after matapos ang bagyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., may mga initial bang report din na nakakarating sa inyo kasi mayroon akong nakikita rin sa social media na sinasabing may mga natabunan ng lupa dahil sa bagyo o nalunod o nabahaan po? Nakarating na po ba sa inyo ito?

DILG USEC. MALAYA: Yes, mayroon po kaming mga reports ‘no, initial na reports galing sa mga DILG field offices. Pero ang pinaka-source of information po kasi sa panahon ng bagyo for validation is iyong National Disaster Risk Reduction and Management Council. So magdi-defer po kami sa kanila, sa Office of Civil Defense and NDRRMC, doon sa official figures na ipalalabas kung mayroon man tayong casualties dito sa bagyong ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Punta na po tayo dito sa nalalapit na halalan. Usec., ano raw po iyong naging basehan sa paglalagay ng color coding ng PNP sa mga inilista nila bilang election areas of concern? At ang mga ito po ba ay na-verify din ng DILG bago raw po ipinasa sa Comelec?

DILG USEC. MALAYA: Well, ang una pong magandang balita rito, Usec., ay mas mababa nga ngayong eleksyong ito ang ating mga election hotspots. Kasi kung maaalala natin, noong 2019, nine hundred forty-six lahat iyan and 546 ang red areas concern. So ngayon naman po, ang tinitingnan nating red areas ay 125, meaning [garbled] towns and 15 cities. At kung isasama po natin iyong … pagsasamahin natin lahat ‘no – red, orange and yellow – around 300 lang po iyan kumpara naman doon sa 946 noong nakaraang eleksyon.

So this is really an improvement in the peace and order situation of our country. Nonetheless, to answer your question, Usec., iyon pong naging basehan natin in recommending to the Comelec iyong tinatawag na red areas or iyong grave areas of concern will always be ‘no, number one, iyong kasaysayan or history of election-related violence. Pangalawa, iyong tinatawag nating presence of private armed groups and the New People’s Army or mga communist terrorist groups. At pangatlo, iyong monitored heated election contest.

So, based sa report ng PNP and – kami naman po kapag ang PNP ang nag-report, we make sure they give credibility to that report – iyan po ay ipinapasa natin kaagad-agad sa COMELEC para sila naman iyong gagawa ng tinatawag na secondary validation. So iyon po, red for those areas.

And then, kapag tinawag po naman nating yellow ay iyong may history na pero walang immediate area. Kapag orange naman, iyan iyong may armed threat and then that’s the immediate concern. Tapos kapag green naman po, iyan iyong no issues or no security concerns para sa Philippine National Police.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Usec, although hindi pa nga po isinasapubliko ito, once na ma-verify daw po ng COMELEC, ano naman daw pong hakbang ang gagawin ng DILG para daw po makipag-communicate sa mismong LGU na tinuring po o tinag (tagged) as areas of concern?

DILG USEC. MALAYA: Okay. Mayroon na pong direktiba si Secretary Eduardo Año sa PNP para doon sa mga lugar na areas of concern, partikular iyong mga red areas.

Ang direktiba ni Secretary Año to the PNP is to suppress all election related violence, magsasagawa po at i-organize kaagad-agad iyong regional special operations task group ng PNP which should be led by the senior officials of the regional [police] office, iyong deployment po ng ating mga mobile force battalions doon sa mga areas of concern and even if necessary ay mag-deploy ng [special action force] doon sa mga lugar na iyon para masiguro iyong kaligtasan ng ating mga kababayan. So, the directive of Secretary Año is for a focused deployment and operations by the PNP in those areas.

Ngayon, on the part naman of the Local Governments, ang direktiba naman ni Secretary Año, is that the DILG will neither tolerate any form of election violence nor will it tolerate the private armed groups and the use of private armies to harass and intimidate voters.

So, kapag mayroon po kaming nabalitaan na ganoong klaseng mobilization or hakbang on the part of local government units, kaagad-agad ay magdi-deploy po tayo ng karagdagang kapulisan doon at kung mapapatunayang may kinalaman iyong pulitiko, we will file the necessary charges against them.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Usec, ilang police personnel iyong nakatakdang i-deploy para sa election?

DILG USEC. MALAYA: Kulang-kulang, Usec, around 16,820 PNP officers nationwide.  Lampas 1,200 ang police commissioned officers, while 15,612 are the non-commissioned officers. Sila po ay to be assigned to election-related duties.

Dito lamang po sa National Capital Region, mayroon po tayong 2,584 police officers who are undergoing training para sila ay maging handa to fulfill their election duties. So, marami po tayong mga kapulisan na madi-deploy, so sinisiguro po ng DILG at ng PNP ang kaayusan at kapayapaan sa paparating na eleksiyon.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Usec, sa ngayon ano naman po iyong action na ginagawa ng DILG laban po dito sa mga sinasabing vote-buying allegations na ipinapadala sa inyong tanggapan?

DILG USEC. MALAYA: Well, Usec, kami po ang ahensiyang nakiusap sa COMELEC na buhayin iyong Task Force Kontra Bigay. Because noon pong 2019 ang DILG rin po ang [garbled] Commissioner De Guia at that time, na magbuo ng inter-agency task force.

So, sa tingin ko po naging matagumpay ito dahil mayroon po tayong 356 violators who were accosted by the dedicated anti-vote buying teams of the Philippine National Police at mayroon po tayong 12 million in vote-buying money na na-confiscate which serves as evidence.  Bini-verify lang po ng DILG ngayon ang status ng mga kasong naisampa laban sa mga tao na in 2019, were accosted and or being involved in vote-buying activities.

So, para po ngayon sa 2022 inaasahan po ng DILG na kaagad-agad ay maaprubahan na ng COMELEC iyong reconstituting and reactivating the Task Force Kontra Bigay. In our meeting with the COMELEC last week, sinabi po nila na by Wednesday daw this week ay posibleng maaprubahan na ng COMELEC iyong COMELEC Resolution and immediately, siguro after Holy Week ay mag-i-initial meeting na itong task force na ito.

Itong task force na ito, Usec, kasama rin natin ang DOJ, because ang DOJ has concurrent jurisdiction when it comes to prosecution of people who are involved in vote-buying. So, hindi lamang po ang COMELEC, it’s not just the COMELEC who can prosecute but also the Department of Justice.

Kasi, iba-iba po ang pillars ng ating justice system. So, on the part of DILG-PNP, we will focus on making arrest of people or accosting them for violations of the Election Code. Pero, matapos po ang aming trabaho, ililipat na po namin iyan sa DOJ and sa COMELEC for the prosecution and the filing of charges, hanggang makarating sa korte.

So, sana po matutukan din natin ang prosecution naman ng mga taong ito para makita ng ating mga kababayan na seryoso tayo sa ating hakbang para pigilan o mabawasan man lamang ang ilang vote-buying sa ating bansa.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Usec, alam naman po natin na abala ang lahat dahil sa nalalapit na halalan. Pero, paano naman daw po sinisiguro ng DILG na natututukan pa rin po ng LGU itong bakunahan sa kani-kanilang lugar kasabay din po ng kabi-kabilang campaign activities?

DILG USEC. MALAYA: Alam mo, Usec, ini-expect na talaga namin iyan, na bababa ang ating vaccination rate sa panahon ng halalan. Ganoon talaga kapag panahon ng election, talagang bumabagal ang ibang mga aktibidades ng LGU, at kahit iba pang ahensiya ng gobyerno dahil nga sa political exercise na ito which is very, very important for our country. So, para po masiguro iyong tuluy-tuloy na momentum natin dito sa pagbabakuna, kailangan po ng pamahalaan ang suporta ng pribadong sector. Kailangan natin iyong suporta ng mga hospital, mga clinics to keep the momentum going.

But nonetheless, ang Pangulong Duterte ay nagbigay na rin po ng direktiba sa mga LGUs, especially doon sa mga lugar na mababa ang vaccination, to do house-to-house vaccination.

Hindi naman po dahil election na, ang DILG ay hindi naman ibig sabihin tumitigil na rin kami sa pagpapaalala sa ating mga LGUs. Nakatutok pa rin po ang DILG sa mga local government units kahit [unclear] ngayon because of the forthcoming political exercise.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Pero, Usec, nagsimula na ba iyong house-to-house vaccination?

DILG USEC. MALAYA: Yes, nagsimula na po iyan. Actually, matagal-tagal na rin, kailangan lang nating i-sustain. Kailangan lang natin i-sustain, kailangan natin siguruhin na [mapadala] iyong mga bakuna sa mga malalayong lugar, kasi nandoon na ngayon iyong ating kailangang tutukan. Iyong mga lugar kung saan mababa pa rin iyong vaccination which are mostly in geographically isolated areas.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Maiba naman po tayo Usec. Kailan naman daw po inaasahang maibibigay ng DILG ang listahan, mula sa mga LGU, ng mga Tricycle drivers at operators na mabibigyan ng fuel subsidy? Ito po ba ay target bago o pagkatapos nitong Holy Week?

DILG USEC. MALAYA: Okay. Sa ngayon po ay we are now collecting the data from the various local government units para ito po ay maipasa na namin sa LTFRB. Sa ngayon po kasi, katatanggap lang namin noong memorandum of agreement between the LTFRB and the DILG at inaasahan po natin itong mapirmahan kaagad ng dalawang panig, and iyong implementing guidelines din po nito ay ipinadala na rin namin sa aming legal [division] for review.

So, within the next few days ay mapipirmahan na itong memorandum of agreement na ito, and as soon as the MOA is signed ay dahan-dahan na po naming kukumpletuhin iyong pagsusumite ng mga datos sa LTFRB para makapagsimula na nga po iyong pamimigay ng fuel subsidy para sa ating mga tricycle operators and drivers.

USEC. IGNACIO: Opo. Sino po ang mamimigay ng cash card? Ididiretso ba ito sa mga LGU o LTFRB through LandBank?

DILG USEC. MALAYA: Alam ninyo kasi, USec., sa panahon po kasi ngayon, panahon ng halalan, so, hindi po puwedeng mamigay ng ayuda ang ating mga local government units because of the election ban.

So, base po doon sa draft MOA between the LTFRB and the DILG, ang LTFRB po ang magsasagawa ng pamimigay nito at ang magiging tungkulin lamang ng DILG at ng mga LGU ay magsumite ng beripikadong listahan sa LTFRB at ang LTFRB as I said, sila po ang magdi-distribute nito sa mga tsuper.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., kuhanin ko na lamang iyong mensahe mo and siyempre paalala sa ating mga kababayan kaugnay sa eleksyon at kasama na rin po iyong paggunita ng Semana Santa ngayong linggo. Go ahead, USec.

DILG USEC. MALAYA: Yes. Unang-una, maraming salamat, USec., for always inviting me to your program.

Bilang [pang]huli po ‘no, mayroon po kasing naging babala ang World Health Organization sa ating bansa na posibleng magkaroon ng surge matapos ang halalan. So, ibig pong sabihin, alam ko po karamihan sa ating mga kababayan na magsisiuwian sa probinsiya [ay] pupunta sa beach dahil nga sa Semana Santa, huwag po nating kalimutan na mag-mask pa rin. Always keep the mask on.

And most importantly, ang nakakapag-booster shot pa lang po sa atin ay 12 million people, bago sana po tayo makauwi sa ating mga probinsya or kaya naman [ay] i-involve ourselves in election activities kung saan napakaraming tao, magpa-booster shot na po tayo. Kasi by boosting ourselves, sinisiguro po natin iyong effectivity of the immunity that is given to us by the vaccines and sinisiguro po natin na protektado natin ang ating sarili which in turn will protect our family, our community and finally our nation.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyo, Undersecretary Jonathan Malaya ng DILG.

DILG USEC. MALAYA: Maraming salamat din po, USec. at mabuhay po kayo!

USEC. IGNACIO: Samantala, Bagyong Agaton, naramdaman ang lakas sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao, kabilang na diyan ang probinsiya ng Leyte. Ang update doon alamin natin mula kay Daniel Manalastas. Daniel?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Daniel Manalastas.

Samantala, binuksan na sa Cardinal Santos Medical Center ang bagong Center for Thoracic and Critical Care Medicine sa San Juan City. Ikinatuwa naman iyan ng Senate Committee Chair on Health na si Senator Bong Go. Narito ang detalye.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Mga biyaherong uuwi sa kani-kanilang probinsiya para sa Semana Santa, dagsa na sa Batangas Port. Pero ilan sa mga pasahero [ay] hindi pa makakabiyahe dahil sa Bagyong Agaton. Ang sitwasyon doon ihahatid ni Mark Fetalco.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat sa iyong report, Mark Fetalco.

Nagsimula na ulit ngayong araw ang Libreng Sakay program ng pamahalaan para sa mga piling ruta dito sa Metro Manila. Sakto po iyan dahil pansamantala rin munang tigil-operasyon ang LRT, MRT at PNR bilang paggunita sa Semana Santa. Makibalita tayo tungkol diyan mula po kay Undersecretary Mark Steven Pastor, ang Undersecretary for Road Transport and Infrastructure ng DOTr. Good morning po, Usec.

DOTR USEC. PASTOR: Magandang umaga po, Usec, at sa mga nakikinig at nanunood sa atin ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, anu-ano pong klaseng PUV itong maghahandog daw po ng libreng sakay sa ating mga kababayan? Simula po ba ngayong araw? At ano raw po ang mga ruta nito?

DOTR USEC. PASTOR: [Garbled] Usec. Rocky, ang ating Libreng Sakay under the service contracting program, ang atin pong mga jeepneys, ganoon din po ang UV Express at mga modern jeepneys natin po ‘no, even traditional ones, ay kasama sa programa na magbibigay po ng libreng sakay. At ito po ay babayaran po ng gobyerno, iyong kanilang daily operational cost.

Para po sa araw na ito, bilang flagship na ruta po natin, nagsimula po ang libreng sakay sa ating EDSA busway na kung saan inaasahan po nating dadagsain po ng ating mga kababayan, lalo na po ngayong Semana Santa dahil alam naman po nating bibiyahe sila sa kani-kanilang mga destinasyon at hihinto nga rin po, katulad ng nabanggit ninyo, ang ating ibang railway system para po sa kanilang maintenance check.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, bakit po 550 units na lang ang naaprubahan sa Libreng Sakay program mula raw po sa rehistradong 532 [sic] units, tama po ba ito?

DOTR USEC. PASTOR: Dito po sa EDSA busway, Usec. Rocky, lahat po ng bus na tumatakbo riyan ay ina-allow na magbigay po ng libreng sakay. Ito pong 550 units ay inisyal lamang po, at kung kailangan pong dagdagan, iyan po ay dadagdagan ng ating gobyerno lalung-lalo na po ngayong Semana Santa through our LTFRB under the leadership of Chairman Delgra po.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kinukonsidera rin po ba ng pamahalaan itong patuloy na pagtaas ng presyo ng langis? Magkano na po kada kilometrong bayad sa mga PUV na kasali sa service contracting program?

DOTR USEC. PASTOR: Opo, ito po ay idinagdag natin sa ating matrix of computation po ‘no dahil umaangat nga po ang presyo ng petroleum products. Kung kaya’t dati po ang atin pong bus dito sa EDSA busway, 82 [garbled] kilometer po ang bayad, ngayon po ay 84 pesos per kilometer na po. Ganoon din po sa ating mga dyip. At sa bus po ay dinagdag po natin iyan mula po 54 pesos ay naging 55 pesos per kilometer na rin po sila in consideration po na tumataas nga po itong presyo ng petroleum product at para mas ma-ensure din po natin na lagi hong may public transportation sa mga nasabing ruta na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero kailan po inaasahang mag-i-expand itong third phase daw po ng service contracting program sa iba pang bahagi ng bansa?

DOTR USEC. PASTOR: Ito pong linggo rin na ito po, Usec. Rocky, ilu-launch na rin po natin, iru-rollout na po itong mga ibang ruta dito sa buong bansa ‘no under the service contracting program. Makakaasa po ang ating mga kababayan na babalik po itong libreng sakay, hindi lamang po sa National Capital Region kung hindi sa Luzon, Visayas at sa Mindanao. Lahat po ay makikinabang dito sa ating programang Libreng Sakay ayon na rin po sa mandato ni Secretary Tugade.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec, hanggang kailan naman po epektibo itong [programang] Libreng Sakay at maging itong third phase program ng pamahalaan?

DOTR USEC. PASTOR: Ito po ay epektibo, Usec. Rocky, hanggang mayroon po kaming pondo. Kami po ay naglaan ng seven billion at ito po ay uubusin natin upang masigurado po natin na [garbled] kinikita ng ating drivers at operators, at makakatipid po ang ating mga kababayan sa kanilang gastos po sa transportasyon upang pandagdag po [garbled] sa mga ibang bagay po sa kanilang mga [garbled].

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec, kumusta naman po iyong assessment ninyo sa movement ng ating mga kababayan nitong nagdaang weekend na umuwi o bumiyahe papunta sa mga probinsiya?

DOTR USEC. PASTOR: Dagsa po talaga ang tao, Usec. Rocky. Sa katunayan po ay nandito po kami ngayon sa PITX, at sobrang dami po talaga ang bumibiyahe ngayon kung kaya’t pinapaalalahan po natin ang ating mga drivers at operators na sundin po iyong mga regulasyon ng ating gobyerno. At sa ating mga kababayan naman po ‘no, sa ating mga pasahero po, na siguraduhin po na iyong mga biyahe po ninyo ngayon ay tuloy po. Katulad po dito sa Eastern Visayas na may nararanasan po tayong bagyo ngayon ay pansamantala pong inihinto ang biyahe na papunta po ng Matnog Port dahil nga po sa masamang kondisyon ng panahon dahil gusto siguraduhin ng gobyerno na ligtas po ang mga biyahe natin lalo na po ngayong Semana Santa.

USEC. IGNACIO: Opo. Dito po sa inyong programa na Oplan Biyaheng Ayos: Summer Vacation 2022 ay nagku-conduct nga po kayo ng random inspections sa mga terminal and buses. So far, ano po iyong naging assessment? Ano po ang naobserbahan ninyong mga problema dito sa ating mga terminal at ating mga bus?

DOTR USEC. PASTOR: Opo, magandang katanungan, Usec. Rocky. Dito ho sa Oplan Biyaheng Ayos, ininspeksiyon nga po natin ang ating mga terminal po ‘no lalo na po dito sa PITX, being the first land port in the country po, at talagang dinagsa po ito ng tao at maayos [naman] po ang sitwasyon. May pila po ngunit mabilis po ang pagkilos dahil tuluy-tuloy naman po ang pagdating ng sasakyan at dinudumog nga po iyong ating libreng sakay.

Para po sa mga private terminals, nagkaroon po ng inspeksiyon diyan at nakita nga po namin na may kaunting kakulangan sa mga ibang [regulasyon] ng gobyerno katulad po ng maayos na palikuran, maayos po na [garbled] para sa ating mga kababayan. At ipinaalam po natin ito sa management ng mga private operators na ito, ganoon na rin po sa ating MMDA upang siguraduhin pong maaayos ito sa pinakamabilis na panahon.

Madagdag ko rin po, Usec. Rocky, na bukod po sa inspeksiyon ng ating mga terminal, minandato na rin po ni Secretary Tugade na magkaroon po ng mas maigting na pag-obserba sa ating mga drivers at ating mga conductors na dapat po ay nasa maayos silang kondisyon kung kaya’t mayroon po tayong Oplan Harabas, kasama po natin ang PDEA, na kung saan ho ay more than 4,000 drivers na po ang na-random drug testing natin, at may 62 na po na nagpositibo rito at sila po ay tinanggal na po sa mga bus or dyip na kanilang minamaneho at under investigation po sila ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec, ano naman daw po iyong aksiyong ipinapatupad ninyo dito naman daw po sa mga bus at terminal na hindi nakakapasa sa standards ng DOTr? Maaari pa rin ba silang bumiyahe, ito pong mga bus na ito?

DOTR USEC. PASTOR: Opo. Binigyan ho natin sila ng notice ‘no kung ano po iyong mga pagkukulang nila, Usec. Rocky. Kailangan ho nilang maaayos ito sa pinakamabilis na panahon. Alam naman po natin na ang pinakaimportante ho ngayon ay hindi lamang ligtas ang kanilang pagbiyahe ngunit idagdag pa ho dapat dito ay dapat hindi magkaroon ng hawaan dahil nasa gitna pa rin po tayo ng pandemya, kung kaya’t ito po ay kinu-coordinate na po natin sa mga operators.

Alam naman po natin na nandiyan din ang MMDA na nagpapatuloy po iyong kanilang dry run ng 10 P.M. to 5 A.M. na window scheme para sa mga provincial buses dito sa may bandang EDSA. At sinisigurado ho natin na magiging maayos po iyong pagpapalakad ho diyan at magkaroon ho ng physical distancing at observance of the minimum public health protocol.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, panghuling mensahe na lamang o paalala dito sa ating mga kababayan. Go ahead, Usec.

DOTR USEC. PASTOR: Opo. Thank you, Usec. Nais lang ho naming ipagbigay-alam sa ating mga kababayan na mayroon pong hotline ang DOTr ‘no. Ito po ay 8790-8400[garbled] tutukan po itong inyong mga concerns [garbled] LTFRB, LTO, TRB at iba pa hong ahensiya ng DOTr [garbled] inyo po itong makikita sa FB page ng DOTr para po maging maayos po ang ating pagbiyahe nitong Semana Santa.

Inaasahan namin ang pakikiisa hindi lang ng ating mga drivers at operators at lahat ng nagtatrabaho sa terminal sa buong bansa kung hindi na rin po ang ating mga kababayang pasahero. Ang lahat po ng paghahanda na ito ng DOTr ay mas paigtingin pa natin sa mga susunod na araw sa ngalan po ng maayos at ligtas na paglalakbay. Maraming salamat po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Kami rin po ay nagpapasalamat sa iyo, Undersecretary Mark Steven Pastor, mula po sa DOTr.

Samantala, kumustahin naman natin ang pagbabantay na ginagawa ng pulisya kaugnay sa paggunita ng marami nating mga kababayan sa Semana Santa ngayong taon. Makakausap po natin sa kabilang linya si NCRPO chief, Police Major General Felipe Natividad. Good morning po, Major [General].

NCRPO CHIEF PMGEN NATIVIDAD: Yes, magandang umaga po sa inyong lahat. At of course, sa ating mga tagapakinig, magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Opo. General, kumusta naman po ang pagbabantay na ginagawa ng ating mga kapulisan simula po nitong nagdaang weekend kaugnay pa rin po sa paggunita ng Semana Santa ng ating mga kababayan?

NCRPO CHIEF PMGEN. NATIVIDAD: Yes. Actually, ito nga hong weekend, we started already deploying our PNP personnel doon po sa mga bus terminals at saka doon po sa mga places of convergence like churches and of course, kasama rin po iyong mga malls na binabantayan natin because we know, alam naman po natin na iyong Semana Santa puwera lang siguro iyong Maundy Thursday and Good Friday, pagdating po ng Sabado at Linggo, naglalabasan din po ang ating mga kababayan. So, they tend to go to malls and sa iyong mga places of convergence, para na rin siguro samantalahin na makapagbakasyon. So, binabantayan din po natin iyan dito sa Kalakhang Maynila.

And of course, iyong mga bus terminals natin, we are included po ano, kasama kami doon sa ating Malasakit Desk ng ating LTFRB. Mayroon pong mga PNP rin diyan sa mga bus terminal aside from the Police Assistance Desk, kasama po namin iyong iba pang mga ahensya ng gobyerno dito po sa Malasakit Desk na itinaguyod po ng ating LTFRB. Iyan po.

USEC. IGNACIO: Opo. Kayo po ba ay wala o mayroong natanggap na impormasyon na may direktang banta sa bansa, partikular dito sa National Capital Region, kaugnay pa rin po ng paggunita ng Semana Santa at ito pong nalalapit na halalan?

NCRPO CHIEF PMGEN. NATIVIDAD: So far po, wala naman po tayo—We did not receive any threat. Wala po tayong mga nabalitaan na ganiyan pero at the same time, we are not bringing down our guards ano.

So, kaya nga po tayo nagde-deploy ng ating mga pulis doon po sa mga lugar na nabanggit ko – bus terminals, mga places of convergence, dahil nga po para [unclear] pa rin po natin iyong pag-iingat ano.

We don’t have really an impending threat, though we have to expect siyempre. Alam ninyo na ho ngayon bumaba ho iyong ating Alert Level 1 status, alam ninyo mayroon ho tayo iyong mga masasama nating elemento sa komunidad gaya ho ng mga mandurukot, iyong mga ganiyan, they might take advantage. So, kaya po tayo nagdi-deploy ng ating mga pulis dito po sa buong Metro Manila, dito po sa NCR. Iyon po.

USEC. IGNACIO: Opo. General, ilan po iyong naka-deploy at saan-saan pong lugar nakasentro iyong presensiya ng ating mga NCRPO police at hanggang kailan daw po ang mahigpit na pagbabantay na gagawin ng NCRPO?

NCRPO CHIEF PMGEN. NATIVIDAD: Yes. Actually, iyong exact number po ng ating deployment, hindi ko po ano, pero ang kapulisan po natin dito sa buong Metro Manila ay nasa 24,000 po lahat ng ating pulis, ano po.

So, lahat po sila kapag kagaya niyan, itong Semana Santa we are on full alert, bale, they will be deployed 24/7 doon nga po sa mga lugar na sinabi ko na simbahan.

And of course, iyong atin pong tinatawag na Enhanced Managing Police Operation, iyong mga lugar po na alam natin na talaga pong may kadalasang nangyayaring mga krimen.  Diyan po talaga tayo nagdi-deploy ng mas maraming tao, iyong lahat po ng assets natin even the Motorcycle Riding Units natin and then iyong mga patrol cars natin, that is where we deploy them, doon sa mga lugar na iyan.

And of course, iyong atin pong mga nakalagak na mga checkpoint because of this election, nandidiyan pa rin po sila which also serve as our deterrent po iyan doon po sa, alam ninyo na, iyong atin pong mga criminal elements na once na they see the presence of our policemen on the street, iyan po eh nakakaano po iyan ano—that will at least stop them kung mayroon man ho silang mga masamang hangarin o balakin po eh medyo magdadalawang-isip po sila once they see the presence of our police personnel on the streets. Iyon po iyan.

USEC. IGNACIO: Pero, General, mayroon din po ba kayong ‘No Day-Off at No Absent’ policy na ipinatutupad?

NCRPO CHIEF PMGEN. NATIVIDAD: Yes. Actually, iyong kagaya po niyan noong nabanggit ko sa inyo, kapag po tayo ay naka-full alert, talaga pong ang mga pulis natin eh kailangan po muna, siyempre mauuna ang ating serbisyo.

So, dito po sa NCR, not only this Holy Week, but of course, doon po sa mga darating na mga okasyon ‘no gaya po ng May 1, iyon pong ating eleksyon, especially the elections, talaga pong we really need more police personnel on the street kaya po iyong sinabi pong day-off, medyo hindi pa ho natin maga-grant iyong kanilang day-off.

Most probably after po nitong ating mga pagdadaanan na mga activities o itong mga okasyon na importante na kailangan nating magtalaga ng mas maraming pulis sa lansangan eh iyan po ang gagawin natin. Susundin po muna natin siyempre iyong pagseserbisyo po sa bayan. Alam naman po ng ating mga kapulisan iyan dito sa NCRPO.

USEC. IGNACIO: Opo. General, tama po ba na sa ngayon ay wala nang area sa Metro Manila ang nakasailalim sa granular lockdown?

NCRPO CHIEF PMGEN. NATIVIDAD: Sa atin pong coordination sa IATF, so far wala naman po pero iyan po, maigi po na ipinapatupad pa rin po sa atin sa PNP iyan pong pagpapaalala po sa ating mga kababayan na sana eh iyong ating minimum public health standard pa rin po na to wear their mask always, we keep distancing and  of course, iyon pong mga places na medyo marami pong tao na eh kaunting ingat po tayo, na kung puwede ho huwag na ho tayong makipagsiksikan, kung maaari ho sana umiwas na ho tayo doon sa mga maraming taong nag-uumpukan ‘no.

Actually, that is one thing na ito pong ating mga campaign rallies, na we are reminding our kababayan na panatilihin pa rin po iyong ating social distancing at saka lagi pong magsuot ng mga face mask.

USEC. IGNACIO: Opo. General, kumusta naman daw po iyong pagbabantay ng PNP kaugnay pa rin sa election gun ban? Ilan na po iyong mga nahuli ng NCRPO sa kasalukuyan?

NCRPO CHIEF PMGEN. NATIVIDAD: Ma’am, actually, since last year we’ve been preparing po dito sa ating eleksyon ‘no. So iyon, atin pong mga nabanggit ko kanina, iyong atin pong mga COMELEC checkpoints are still there, naka-in place po iyan. We also have border checkpoints, hindi ho natin binabago iyan.

Iyong exact number lang po ng ating mga nakumpiska, hindi lamang po mga baril, medyo marami na rin po tayong nakumpiska na mga baril at nakasuhan na nag-violate sa ating election gun ban.

And then hindi lang po baril, mayroon din po tayong mga nakuhang mga deadly weapons ‘no, mga pointed, mga kutsilyo, iyong mga ipinagbabawal pong mga gamit na nagkakasakit ‘no. So we also confiscated those items.

And iyong exact number po, I don’t have it kasi everyday po talaga nadadagdagan po iyan. But not compared noong una, ngayon po medyo pailan-ilan na lang po iyong ating mga nakukumpiska sa mga checkpoints. Iyan po.

USEC. IGNACIO: Opo. General, although hindi pa rin nga inilalabas ng COMELEC itong pinal na listahan sa mga itinuturing na election ‘areas of concern’, ito po ba ay pinaghahandaan na rin ng NCRPO? Mayroon po bang kabilang dito sa NCR?

NCRPO CHIEF PMGEN. NATIVIDAD: Yes, ma’am.  Actually, we’ve been preparing for that and awa ng Diyos po, hindi naman po tayo—wala naman po masyado except of course iyong Quezon City which medyo I think from ‘orange’, nag-‘yellow’, and then Caloocan is already included ‘no. Dati po, ‘green’ ang ating Caloocan ngayon po eh naging ‘orange’ na po iyong kaniyang status.

Pero nandiyan naman po iyong ating mga kapulisan, so, we are prepared for that. And hopefully ‘no until po sana ng ating election day ay wala naman po sanang mangyaring karahasan dito sa ating eleksyon nitong darating na May 9.

We are on top of everything po, ma’am. Don’t worry, isa po iyan sa ipinagbibilin natin sa ating kapulisan and of course sa atin din pong mga kababayan. Iyon po, thank you po.

USEC. IGNACIO: General, kuhanin ko na lang iyong panghuli mong mensahe o paalala dito po sa ating mga kababayan partikular po iyong mga aalis sa kanilang mga bahay para magtungo sa kani-kanilang probinsya. Go ahead, General.

NCRPO CHIEF PMGEN. NATIVIDAD: Yes, ma’am. Hinihiling po natin sa ating mga kababayan na—Gusto ko lang pong iparating na kami pong mga pulis dito sa Metro Manila ay handa pong mag-serbisyo sa inyo pero alam ninyo po, mas maganda kung kami po ay inyong tutulungan and of course, we really need your cooperation.

Sana po, kagaya po ng mga—Actually, we’ve been sending out mga leaflets or sa social media, iyong mga paalala po natin sa ating mga kababayan na uuwi po sa kanilang probinsiya na sana po ay pag-ingatan iyong kanilang mga bahay kasi alam ninyo naman kapag ganitong Semana Santa ay sinasamantala rin po ng ating mga criminal elements ‘no.

S0, we are reminding them na mag-ingat sa biyahe, iyong mga bahay nila, i-secure. Make sure na ito po ay secure o maipagbilin po sa mga pinagkakatiwalaan po nating mga kapitbahay para ho maiwasan iyong mga akyat-bahay, iyong mga pagnanakaw na pangyayari.

And mayroon din po tayong mga desk na nagpapaalala, iyong mga bibiyahe po nating mga kababayan na uuwi sa probinsiya na mag-ingat and the assistance would be there. So, iyon po ang paalala namin.

As a Regional Director here in NCR, tayo po ay magtulungan. Hindi lamang po kaming mga pulis ang makaka-solve or makakaiwas sa lahat po ng mga pangyayari na hindi po natin gusto. Tayo po ay magtulungan, kailangan na kailangan po namin ang partisipasyon at kooperasyon ng ating mga kababayan.

Iyon lamang po, ma’am. Marami pong salamat.

USEC. ROCKY IGNACIO: Kami rin po ay nagpapasalamat sa inyo, NCRPO chief, Police Major General Felipe Natividad.

Samantala, sa dalawang magkasunod na araw ay nagsagawa ng relief operation ang outreach team ni Senator Bong Go, kasama po ang ilang ahensiya ng pamahalaan para sa higit dalawanlibong (2,000) residente ng Caloocan City. Ang detalye sa report na ito:

[NEWS REPORT]

USEC. ROCKY IGNACIO: Puntahan naman po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service, ibabalita iyan ni Czarinah Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. ROCKY IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Czarinah Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas.

Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)