Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga sa lahat ng nakatutok po sa atin ngayon sa telebisyon maging sa social media. Mainit na isyu muli nating pag-uusapan. Hihimayin natin ang mga kaganapan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, maging ang mga usapin hinggil sa nalalapit na Hatol ng Bayan 2022. Tatalakayin din natin ang pinalawak na bakunahan sa buong bansa. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Matapos po ang trahedyang sinapit ng ilang lugar sa Visayas dahil sa Bagyong Agaton, iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang pagbayarin ang mga mayayamang bansa dahil sa pagpapalala umano ng climate change na nagdudulot ng matinding kalamidad.

Sa kaniyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na kahit maliit lang ang kontribusyon ng Pilipinas sa kabuuang polusyon sa daigdig, isa naman po ang ating bansa sa mga nakararanas ng pinakamatinding epekto ng climate change. Hiling naman ng Punong Ehekutibo, sana’y mas matutukan pa ng susunod na administrasyon ang pagtugon sa climate change at sa mga epekto nito sa ating bansa.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Labing-apat na lugar sa bansa na nasa ilalim ng Alert Level 1 ang nakitaan ng bahagyang pagtaas ng COVID-19 cases. Isa ito sa mga iniulat ni Health Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Duterte sa lingguhang Talk to the People. Ipinaliwanag din ng Kalihim na sa ngayon ay halos kapantay ng average COVID-19 daily cases ang mga kaso noong Disyembre bago magkaroon ng Omicron surge. May apat ding Omicron sub-variants na binabantayan at unang na-detect sa ilang mga bansa sa Asya, Europe at Africa.

Dahil dito, muling nanawagan ang Pangulong Duterte sa publiko na huwag maging kampante at patuloy pa ring sumunod sa minimum public health standards lalo na ang pagsusuot ng face masks.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Nagpaalala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulitiko laban sa paggamit ng sobra-sobrang bodyguards. Sa kaniyang Talk to the People kagabi, iginiit ng Punong Ehekutibo na kung mas marami sa dalawa ang bodyguards, maituturing na itong private army kaya dapat ay kontrolin na ito ng mga kandidato.

Dagdag pa niya, kung may banta sa buhay ay mas maiging lumapit ang isang pulitiko sa pambansang pulisya sa seguridad. Una na ngang nangako ang Pangulo sa mga Pilipino sa pagdaraos ng isang malinis at mapayapang halalan sa Mayo.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Sa punto pong ito—Pangulong Duterte, nilagdaan na para maging batas po ang apat na local hospital bills para sa pagtatayo at pag-upgrade ng mga local hospitals. Senator Bong Go, patuloy sa pagtulong para mas mapaganda ang serbisyong pangkalusugan sa buong bansa. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, Senator Bong Go nagpaabot ng tulong sa mga indigent na residente ng Sasmuan sa Pampanga. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, kumustahin muna natin ang kalagayan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM. Makakasama po natin si Minister Naguib G. Sinarimbo, ang Minister ng Interior and Local Government ng BARMM. Magandang umaga po, Minister.

BARMM MILG SINARIMBO: Magandang umaga ho. Magandang umaga sa mga kababayan ho natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, sa pinakahuli po ninyong datos, ilan na po iyong bilang ng fully vaccinated laban sa COVID-19 sa BARMM?

BARMM MILG SINARIMBO: Nasa [34%] pa rin po ang coverage natin sa vaccination natin, so, admittedly mas mababa pa rin po tayo kaysa sa national average natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, ano po iyong masasabi ninyo sa pahayag po ng DOH na ‘mini’ surge umano na maaaring mangyari sa BARMM?

BARMM MILG SINARIMBO: Tama po iyon. We share the concern of the Department of Health na maaaring magkaroon ng ‘mini’ surge sa region given na mababa nga ho iyong vaccination rate dahil nasa 34% lang tayo.

But iyong ibang data nagsasabi na mababa pa rin naman talaga ang cases ng COVID sa region kasi ang confirmed cases natin ay nasa [inaudible] 760. Of these, lima lang ho iyong active cases natin in the whole of the region. Mababa pa rin, but ayaw natin na magkumpiyansa dahil mababa iyong vaccination rate.

Magkakaroon tayo ng special vaccination days sa region para ho talaga matutukan natin iyong pagpapataas ng vaccination rate sa region natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Attorney, kumusta po iyong paghahanda ninyo dito po sa gagawing malawakang pagbabakuna sa Mayo? Nasa ilan pong katao iyong target nating mabakunahan sa inyong lugar?

BARMM MILG SINARIMBO: Ang target ho natin para doon sa special vaccination days sa region, this will be across iyong limang probinsiya natin and then tatlong cities, ang tatargetin ho natin ay nasa 215,776.

Mangyayari itong special vaccination days in the provinces of Maguindanao, Lanao del Sur, Sulu, Tawi-Tawi at saka Basilan. For Maguindanao at saka Lanao del Sur including Marawi City, ang date ho ng vaccination natin ay May 5 – 7; sa Basilan at Sulu ay 11 – 13; sa Tawi-Tawi ho ay 16 – 30.

So, ito iyong mga dates na tina-target natin para magkaroon tayo ng mas mataas na vaccination rate. Iyong 215,776 ay commitment na ho iyon ng mga local government units natin na ma-achieve during the special vaccination days.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Attorney, ano po iyong pangunahing dahilan kung bakit naging mababa po iyong turnout ng ating vaccination sa BARMM?

BARMM MILG SINARIMBO: Una ho talaga, mayroong hesitancy sa [mga kababayan natin] na magpabakuna. So, nagiging problema ho natin iyon.

Pangalawa ho ay talagang may mga areas na malalayo, na mahirap i-access kaya nagkakaroon tayo ng challenge din doon sa pagbabakuna.

Pangatlo ho ay dahil mababa iyong cases ng COVID sa atin at generally ang global trend ay pababa na, ang pakiramdam ng mga tao ay hindi na kakailanganin iyong bakuna pa dahil paalis na iyong COVID daw – which is wrong.

Kaya ho babalik tayo ulit doon sa aggressive na campaign para ipaintindi sa mga kababayan natin na [kahit na] mababa iyong cases, kakailanganin pa rin natin na talagang mabakunahan para kapag dumating iyong panibagong variant o kaya nagkaroon ng panibagong resurgence iyong COVID ay protektado na ho sila. So, kailangan ho natin na balikan iyon.

USEC. IGNACIO: Pero, Attorney, sa kasalukuyan masasabi po ba natin na kumpiyansa po kayo na mas marami na po ngayon ang magpapabakuna?

BARMM MILG SINARIMBO: Sa ngayon ho ay ang gagawin ho ng regional government ay una, incentivize natin iyong pagpapabakuna; pangalawa ay dadamihan ho natin ang mga vaccination centers.

Ang latest na directive ni Chief Minister ay gamitin pati iyong mga Mosque kung saan nagkakaroon ng congregation/prayer para po ma-maximize iyong availability ng mga centers natin para puwedeng magpabakuna kaagad iyong [inaudible].

USEC. IGNACIO: Attorney, may request lang po iyong ating kaibigan sa media, si Einjhel Ronquillo, kung puwede daw pong maulit kasi medyo putul-putol po iyong inyong mga pahayag: Kung ilan daw po iyong target na mabakunahan sa BARMM?

BARMM MILG SINARIMBO: Ang target ho natin ay ma-achieve iyong at least [inaudible], nasa 1.4 million ho iyan. Pero for the special vaccination days lang, ang tatargetin ho natin at kinomit na sa atin ng mga local government units na partners natin ay 215,776.

USEC. IGNACIO: Opo. Ilang location po ulit iyong nakatalaga bilang vaccination site sa Mayo? Madadagdagan po ba ito?

BARMM MILG SINARIMBO: Opo, dadagdagan ho iyong vaccination sites. Dadagdagan rin po iyong mga—[technical problem].

USEC. IGNACIO: Opo. Medyo nasisira po iyong ating linya ng komunikasyon kay Attorney.

Attorney, sa usapin naman po ng pananalasa ng Bagyong Agaton, nasa ilang pamilya po daw iyong apektado sa BARMM? Ilan po iyong mga pamilya nang nailikas?

BARMM MILG SINARIMBO: Mayroon ho tayong total population na 80,000 na affected mostly ng flooding because of the typhoons. Wala naman pong tayo iyong sinasabi na forced na na-evacuate dahil mabagal naman ho iyong pag-akyat [inaudible]. So, nakakaagapay naman ho iyong mga kababayan natin.

Ang talagang problema lang po natin ay lumaki iyong tubig sa Liguasan Marsh. Iyong mga communities na malalapit dito ay apektado ho ng paglaki ng tubig na iyon. So, nasa 80,000 ho sa ngayon ang total population/families na affected.

Ang [unclear] ho natin, dahil mayroong election ban tayo doon sa pag-provide ng ayuda, hinihintay pa po natin iyong exemption natin na in-apply natin sa Commission on Elections. Ang nangyari ho ay ibinibigay natin sa Philippine National Red Cross iyong relief natin at sila ang nagpapaabot doon sa mga kababayan natin. Ang alam ko ho ay limited din iyong personnel at saka logistics ng Philippine National Red Cross para ho maabot talaga iyong mga kababayan natin.

USEC. IGNACIO: Opo. So, Attorney, sa nalalapit pong halalan, kumustahin po namin naman iyong ginagawang paghahanda ng BARMM dito? Madadagdagan po ba iyong mga itinatalagang special task groups?

BARMM MILG SINARIMBO: Sa halalan naman po ay handang-handa na po iyong Regional Commission on Elections pati ho iyong security sector natin, iyong PNP at saka iyong Armed Forces of the Philippines.

May mga areas na talaga hong [unclear]. Iyon ho iyong [unclear] ng troops, iyong security sector, para ho matutukan. Ang mga halimbawa nito, sa Lanao del Sur ay ang Municipality of Malabang and then dito sa Maguindanao may mga spots tayo sa [unclear] na medyo [unclear] elections diyan.

Pero so far, iyong mga citizens’ movement na watchdog ng COMELEC ay active din ho including the general populace. So, inaasahan ho natin na overall tama naman po iyong paghahanda and then iyong mga kababayan natin ay handa na para doon sa elections natin sa May 9.

USEC. IGNACIO: Opo. At ano daw po iyong pinakapinagtutuunan ng pansin ng pulisya na i-deploy po sa halalan?

BARMM MILG SINARIMBO: May mga task forces ho na creniate [create] iyong Philippine National [garbled] dito sa regional office niya – ito ho iyong mga areas kung [saan] mayroong mainit na competition doon. So, iyon ho ‘yung mga areas na [garbled] nila. We are in touch with the inspection [garbled] groups para ho magkaroon tayo ng malawak na—mai-report kaagad iyong mga incidents para ho hindi ito lumala.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, bago po tayo magtapos, kunin ko na lamang po ang mensahe ninyo sa ating mga tagapanood partikular po—especially dito po sa BARMM.

BARMM MILG SINARIMBO: Ang panawagan ho natin ay, una, mag-ingat pa rin ho tayo sa COVID – meaning mag-observe tayo noong minimum health standards, dapat ho wala pa ring pagbabawas doon sa pag-iingat na iyon. Pangalawa ho ay para sa eleksiyon sa May, ito ho ‘yung unang eleksiyon na sasali ho iyong Moro Islamic Liberation Front alinsunod doon sa peace agreement sa gobyerno ng Pilipinas.

Inaasahan ho natin na lahat noong sectors sa ating gobyerno ay i-welcome iyong democratic participation of the Moro Islamic Liberation Front [garbled] makaka[garbled] iyong lahat ng mga kababayan natin. Pangalawa ho, maging mapayapa ito; pangatlo ho ay hindi mangyari iyong mga dating nangyayari na nagkakaroon ng pilitan, bili ng boto… so sana ho mapayapa ito, democratic saka credible na election sa ating lahat.

Sa mga kababayan ho natin, ini-encourage ho natin sila na talagang [garbled] dito sa democratic exercise para i-determine natin kung sino iyong mga leaders na mamumuno ho sa atin in the next three and six years para sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Minister Naguib Sinarimbo. Salamat po, Minister.

BARMM MILG SINARIMBO: Marami pong salamat. Magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Sa punto pong ito, atin pong makakausap si Professor Froilan Calilung, isa po siyang political analyst para po pag-usapan ang mga pangyayari kaugnay po sa nalalapit na halalan. Good morning, Professor Calilung.

PROF. CALILUNG: Magandang, magandang umaga po sa ating lahat at sa mga nanunood po ng ating palatuntunan.

USEC. IGNACIO: Opo. Professor, naging mainit pong usapan this weekend iyong tungkol po sa nalalapit na halalan partikular po iyong press conference na isinagawa ng ilang presidentiables. Bilang isang political analyst, ano po ang inyong masasabi dito?

PROF. CALILUNG: Well, maliwanag naman po iyong naging pahayag ng tatlo nating kandidato doon sa kanilang joint statement ano, that they are not withdrawing, that they will go on through peak of the fight, until the very end. And at the same time, siguro iyong mas maganda nating tingnan dito ‘no, iyong akusasyon regarding the possible destabilization na kinakalaban nila or na ayaw nilang mangyari ‘no – either in the election day and right after our elections.

So I think this is the more benevolent stands noong ating tatlong nabanggit na kandidato – I’m referring to Mayor Isko Moreno, Senator Panfilo Lacson and Secretary Norberto Gonzales – na iyong kanilang hangarin na maging maayos, orderly, honest at matiwasay iyong ating halalan.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Professor Froilan, sa palagay po ba ninyo bakit po nagkakaroon ng ganitong mga pangyayari gaya po ng pag-udyok ng withdrawal ng candidacy lalo na’t ilang linggo na lamang po mula ngayon ay eleksiyon na?

PROF. CALILUNG: Yes. Hindi naman po ito masasabi nating bago ‘no, maaari lamang naging mas pronounced itong pangyayari na ‘to dahil nga sa nagkaroon nga siya ng isang press conference. Pero iyong mga backchanneling talks especially noong mga candidates, that is something that normally happens. Iyon nga lang, hindi talaga… kumbaga it’s barely not out in the open. So nangyayari usually ‘to ‘no kapag palapit na iyong halalan dahil nga sa mas malinaw na iyong taya ng mga numero kumbaga ‘no. At I think what they really wanted to do is to have a united front, okay, na makakalaban doon sa ating virtual frontrunner na si BBM.

Unfortunately, I think none of them would like to give in, okay. Ang kanila lang kasing sinasabi rito is kinakausap sila allegedly ng kampo ni Vice President Leni Robredo for them to withdraw. And knowing for a fact that they have already invested a lot of time, effort, machinery, resources and political capital in the elections, they wouldn’t want to do that.

And umabot pa nga doon sa punto na binanggit nga ni Mayor Isko Moreno na kung mayroon dapat mag-withdraw, it should be the Vice President, Leni Robredo. Which of course, hindi naman sinang-ayunan din ni Senator Panfilo Lacson dahil para sa kaniya, wala namang dapat mag-withdraw, okay, na dapat makita natin kung sino talaga iyong ihahalal ng taumbayan because that is really how it is ‘no – the Rule of Law and the respect for [technical problem] as a democratic nation.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Professor, ano iyong masasabi ninyo sa ‘di umano ha, ‘di umano daw po na may cash offer daw po na ibibigay para mag-quit? Ibig sabihin o sa madaling salita, someone is urging them to withdraw from the 2022 national elections in exchange for money.

PROF. CALILUNG: Yes. Actually based on what I’ve heard, hindi lang naman po talaga money ‘no. Parang sinabi nga rin po ni Secretary Gonzales na parang quid pro quo, so ibig sabihin mayroon talagang palitan, okay. Maaayos ‘yun kung saka-sakali na sila’y magwi-withdraw or something else kagaya nga po nito ‘no, iyong money.

So I think, whether it’s true or not, I think it’s not really good especially doon sa kalakaran ng ating halalan dahil ito pong ating mga pinipiling kandidato are supposedly men and women of integrity. And then hindi ito healthy ‘no sa ating democratic process kung saka-sakali man pong totoo nga itong pagbibigay ng parang mga suhol, kung ganoon man ang ating magiging tawag dito ‘no. So, I think this is not something that we expect from them.

USEC. IGNACIO: Opo. Professor, pag-usapan naman po natin itong mga campaign rally na nagaganap sa ngayon. Ano po ba daw ang maaaring impact ng mga ganitong event?

PROF. CALILUNG: Well, malaki po ang impact nito lalo na ngayong homestretch ano dahil nga nakikita natin that we are already nearing… I think we only have, what, 20, 18 days to go before the election day and our electorate will actually go out and make their formal decision as who they will intend to choose in for this coming election. So I think ito iyong tinatawag natin na one last push, okay, na kung saan iyong ating mga kandidato ay kumukuha ng tinatawag nating voter mileage ano.

Kung saka-sakali iyong mga undecided voters, they’re willing to actually have them as swing votes to their favor. Iyon nga lang po, titingnan natin ang mga numero ‘no and if I may cite this study that was conducted by PUBLiCUS, this was published I think two days ago, that 77% of our voters are already highly decided and most [may] not likely change their mind come election day. So that’s 77% ano, 16% among them may or may not change their mind and only 1% is most likely going to change their mind and in towards the election day. So maliit na maliit na porsiyento ‘no kung titingnan natin iyong mga magbabago pa ng isip batay nga doon sa pag-aaral na iyon.

So I think what these rallies are doing right now, is further cementing iyong tinatawag nating strong voter base, particularly for those candidates na talagang mayroong malawak na suporta ‘no from their hard voting base kumbaga.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Professor, itong mga pre-election surveys, gaano po ba talaga kahalaga itong resulta ng mga survey lalo na sa ganitong panahon na less than three weeks na lang po ay eleksiyon na?

PROF. CALILUNG: Well that’s… as I always see ‘no, election surveys are actually snapshots at the point in time na kung saan ang tinatanong nga diyan is: “Kung ang eleksiyon ay gaganapin ngayon, sino sa tingin mo ang iyong iboboto?” It’s something to that effect. But we have to understand that this is only and the most, the closest thing we could get to a scientific analysis, iyong tinatawag nating voter preference from our electorates.

So, what I am saying is, hindi ito makukuha sa pagtatanong in the streets or hindi lamang ito makukuha doon sa pagbili nga ‘no, sa isang popular convenience store ng kanilang pipiliin na cup, okay. Basically, mayroon talagang siyensya behind this, gumagamit ng tinatawag na margin of error, gumagamit tayo ng sample size ng population.

USEC. IGNACIO: Okay, Professor, nawala kayo sa ating linya ng komunikasyon. Naririnig ninyo ulit ako, Professor? Okay, babalikan po natin si Professor Froilan.

Huwag muna kayong aalis, dahil magbabalik pa po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

USEC. IGNACIO: Balikan na po natin si Professor Froilan Calilung.

Professor, ulitin ko lang itong importance nitong pre-election survey. Sa tingin po ba ninyo magkakaroon pa daw po ng pagbabago sa resulta ng mga survey sa mga susunod na araw?

PROF. CALILUNG: Actually, if we are going to base it, doon sa huling dalawang survey na inilabas last week – the one by OCTA and the other one by PUBLiCUS – very, very minimal actually iyong naging galaw. So, kung titingnan natin, I think parang, a gain of two percentage points for Bongbong Marcos and one percentage point for Vice President Leni Robredo at saka iyong iba, medyo nabawasan/nadagdagan. Iyon ang mga naging galaw nitong mga huling araw.

So, what I am seeing here, most likely heading into the elections, wala na halos sigurong magiging major na paggalaw pagdating dito sa mga pre-election surveys natin. Because, I think majority of the voting public – iyon nga binanggit ko kanina, iyong inilabas na pag-aaral regarding voter preference – majority of our voting public are actually belonging to the ‘heart voters’. So, marami sa kanila, I think, have already decided as to who they will be voting for in May 9.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Professor, lumabas nga din po dito sa isinagawang survey ng OCTA research na nasa 20% pa ng respondents o botante ang nananatiling undecided o iyong wala pang final choice sa ibobotong kandidato sa pagkapangulo. Ano daw po iyong implikasyon nito?

PROF. CALILUNG: Well, in so far as the undecided voters are concerned ‘no, batay nga doon sa kanilang pag-aaral na ginawa, if it’s 20%, I think, that is going to be statistically significant, lalo na, kahit sabihin natin na medyo malaki nga iyong agwat ni BBM. Pero we could surmise na itong 20% na ito, if ever this will go in the way of Vice President Leni Robredo, may actually also create a big effect on the voter turnout. But we really don’t know. Kaya nga iyong sa nangyari na presscon last Sunday, hindi naman nangangahulugan kasi na kapag umatras ang isang kandidato ay sigurado na na ililipat iyong boto.

So, iyong tinatawag nating voter elasticity and at the same time iyong kanilang preference, hindi naman iyon nangangahulugan na pupunta doon sa isang kandidato unless, magkakaroon talaga ng united front. So, I think, these undecided voters, right now, may actually become a potent game changer. That’s based on their research.

But in the other survey firms, ang natitira nilang undecided voters, kung minsan parang, I think, in the case of PUBLiCUS parang one percent (1%) or two percent (2%) na lang. So, statistically insignificant na iyon kung titingnan natin sa ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon.

Professor Froilan Calilung, isa pong political analyst at faculty member ng UST Political Science Department.

Maraming salamat, Professor.

Samantala, umabot na po sa 66,854,770 ang kabuuang bilang ng fully vaccinated laban sa COVID-19 sa bansa. Iyan po ay ayon sa datos ng Department of Health na inilabas kahapon, April 18, 2022.

Mula April 11 hanggang April 17, nakapagtala ang DOH ng 1,674 ng mga bagong kaso ng COVDI-19. Ang average na bilang na nagpositibo kada araw ay nasa 239 cases. Mas mababa ito ng 12% kung ikukumpara sa mga kaso noong April 4 hanggang April 10. Sa ngayon ay nasa 664 ang kabuuang bilang ng severe at critical cases.

Samantala, mayroon namang naitalang 200 na bilang ng mga nasawi sa nagdaang linggo.

Makibalita naman po tayo sa vaccination efforts at aalamin din natin ang update tungkol po dito sa second booster shot.

Kasama po natin ngayong umaga si Health Undersecretary Myrna Cabotaje.

Magandang umaga po, Usec.

DOH USEC. CABOTAJE: Magandang umaga, Usec. Rocky, at sa lahat ng nanunood sa atin ngayong umaga.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, pinauna na po ng DOH na naka-hold daw po iyong implementation ng second booster shot.

Ano po iyong dahilan daw nito, Usec. Myrna?

DOH USEC. CABOTAJE: Kahit nakalabas po

USEC. IGNACIO: Opo. Usec? Okay. Usec? Nawala po sa ating linya ng komunikasyon si Usec. Myrna.

Usec, aayusin lamang po namin iyong linya ng komunikasyon sa inyo, babalikan po namin kayo.

Usec, naririnig niyo na ako, Usec?

DOH USEC. CABOTAJE: Yes. I can hear you, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Ulitin lang natin iyong unang tanong, Usec. Iyong pinauna na ng DOH na naka-hold daw po iyong pagpapatupad ba o implementasyon ng second booster shot.

Ano daw po iyong dahilan nito, Usec?

DOH USEC. CABOTAJE: Hinihintay natin, Usec. Rocky, iyong ating review and recommendations ng Health Technology Assessment Council para ma-rollout na ito. Ready na iyong ating guidelines, idadagdag lang natin iyong provisions na ng FDA-EUA at saka nitong final recommendations ng ating Health Technology Assessment Council.

USEC. IGNACIO: Opo. Kailan daw po iyong estimate time na maaaring masabi na ready na, ready to jab itong second booster shot?

Sino po ang priority na mabigyan ng second booster shot?

DOH USEC. CABOTAJE: Ang tinarget natin is really sana April 20 but may kaunting delay sa ating HTAC recommendations. Hopefully maka-rollout tayo earliest by the end of the week, latest by start of next week.

Ang ating mga priority po ay iyong heath workers natin, iyong ating senior citizens, iyong ating immunocompromised, iyong mga A3 na may mga rason kung bakit kailangan nila ng additional booster shots. Tapos gagawin natin sa NCR muna although nagri-request ang Region III at saka Region IV-A na isama sila. And then expand natin nationwide pagkatapos, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, anu-ano daw pong brand ng bakuna ang ibibigay sa ating mga kababayan dito po sa implementasyon ng second booster shot?

DOH USEC. CABOTAJE: Ang in-approve po ng [unclear] but we have to adjust kung ano iyong recommendation ng [unclear]. For second booster ay Pfizer, Moderna, Sinovac, AstraZeneca, Sputnik Light, at puwede na nating ibigay iyong ating Janssen, iyong ating J&J.

USEC. IGNACIO: Opo. Ilang buwan po iyong matapos iyong unang booster shot na puwede na pong maturukan ng second booster shot, Usec?

Opo. Usec. Myrna? Usec. Myrna? Nawala na naman po sa ating linya ng komunikasyon si Usec. Myrna. Babalikan po natin siya maya-maya.

Usec., go ahead.

DOH USEC. CABOTAJE: Sorry. Four months, Usec. Rocky, ang interval from the second booster sa first booster.

USEC. IGNACIO: Opo. Puntahan ko lang po itong tanong ni Lei Alviz ng GMA News: May improvement daw po ba [sa] vaccination rate ng booster?

DOH USEC. CABOTAJE: Nasa 12.6 million pa tayo. May mga 36 million na kailangan i-booster at iyan iyong mga naka-receive na na fully vaccinated.

Hopefully, aarangkada na tayo after the Holy Week and during the last remaining days of April and

.

USEC. IGNACIO: Usec, naputol po kayo. April hanggang ano po? Pakiulit, Usec.

Usec. Myrna?

DOH USEC. CABOTAJE: Yes, yes. Can you hear me?

USEC. IGNACIO: Naputol lang iyong bandang huli ng sinabi ninyo, Usec. iyong hanggang April po. Iyong bandang huli po.

DOH USEC. CABOTAJE: Hopefully, marampa natin by the end of this two weeks ng April [garbled].

USEC. IGNACIO: Usec, talagang medyo mahina po ang ating linya ng komunikasyon. Babalikan po namin kayo, Usec. Myrna.

Samantala, mahigit pong isandaang residente sa Barangay Langub, Talomo, Davao City, nakatanggap ng iba’t ibang serbisyo mula sa pamahalaan sa katatapos lamang na ‘Duterte Legacy: Barangayanihan Caravan.’

May ulat si Julius Pacot.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Balikan na po natin si Health Undersecretary Myrna Cabotaje.

Usec, paumanhin po, Usec.

DOH USEC. CABOTAJE: Can you hear me now?

USEC. IGNACIO: Yes, Usec, naririnig na namin kayo.

Ulitin ko lang po iyong tanong ni Lei Alviz ng GMA News: May improvement daw po ba sa vaccination rate ng booster?

DOH USEC. CABOTAJE: Medyo mabagal. Nasa 12.6 million pa rin ang ating boosters. So, kailangan na i-ramp pa natin for the rest of April, natitirang araw sa April and then sa ating May and June.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Red Mendoza ng Manila Times: Kailan daw po matatapos iyong review ng FDA para sa booster ng 12-17 years old? At ang paggamit ng Sinovac para po sa six years old pataas.

DOH USEC. CABOTAJE: Pina-follow up po natin iyan. Hopefully in the next one or two weeks by the end of April sana lumabas na iyong FDA-EUA for 12 to 17.

Mayroon na pong Sinovac EUA for six to 11, ang wala na lang po iyong ating HTAC recommendation for Sinovac use for six to 11.

USEC. IGNACIO: Opo. Ayon po kay WHO Acting Representative to the Philippines Dr. Rajendra Yadav, maaari daw pong magkaroon ng surge mid-May kapag hindi daw po sinunod iyong minimum health protocols.

Ano po iyong hakbang na maaaring gawin ng pamahalaan para po ito maiwasan?

DOH USEC. CABOTAJE: Tuluy-tuloy pa rin, Usec. Rocky, ang ating kampanya para sa Bida Solusyon Plus. Alam na natin [ang halaga ng] mask, iwas, hugas, air flow at saka iyong distancing.

Atin pong kinakausap ang mga LGUs sa pamamagitan ng DILG para ma-implement strictly iyong MPHS especially sa ating mga public areas. And our healthcare capacity is being prepared and monitored continuously para maging responsive and ready tayo to match the increase of COVID-19 cases nationwide.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, may datos kamakailan ang DOH na bumaba iyong compliance rate sa health protocols ng -7% nationwide at -12% sa Metro Manila. Ano po ang masasabi ninyo dito?

DOH USEC. CABOTAJE: The DOH, through our [communications] unit, both from the national and our regional offices are currently addressing the emerging complacency of the public. Again, our Bida Solusyon Plus campaign is being strengthened and they are looking on other ways on how to further address this issue.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano daw, Usec, ang binabalak ng gobyerno para daw po makamit itong 70% vaccination rate at herd immunity sa Pilipinas?

DOH USEC. CABOTAJE: Usec. Rocky, nasa time tayo na tinatawag na last-mile, kasi iyong 2/3 na-meet na natin. Ang mahirap talaga, i-risk ang 1/3 ng population. So, marami pang hindi pa nababakunahan o ayaw magpabakuna o hindi pa kumbinsidong magpabakuna dahil complacent o kaya nasa hard-to-reach areas sila or iyong access nila.

Para sila ay makumbinsi at mabigyan ng kanilang bakuna, ating pinapaigting sa ngayon ang ating house-to-house vaccination strategy, as mandated by the President. Naka-focus tayo sa mga approach natin sa mga areas na mabababa ang coverage. Nagsasagawa ang ating mga LGUs ng mapping upang mahanap ang mga hindi pa nababakunahan.

Again, we are working closely with our DILG and our local government unit counterparts.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Ilan po daw na individuals ang na-vaccinate ng government dito daw po sa house-to-house inoculation drive?

DOH USEC. CABOTAJE: We don’t have the exact figures [on house-to-house inoculation]. But kagaya ng nasabi ko kanina, Usec. Rocky, we have now vaccinated about 67 million, fully vaccinated, and naka-65 million tayong fully vaccinated (sic).

During the last part, ito na iyong ginawa na nating house-to-house vaccination. Mas mahirap, mas kakaunti ang nari-reach. Mas marami tayong naabot noong ating umpisa, iyong ating Mega Vax Site tapos iyong marami tayong ‘National Vaccination Days.’

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Is the low number of people with booster shots a cause for concern for the government amid the upcoming 2022 polls?

DOH USEC. CABOTAJE: Yes. Pinu-push po ng ating DOH na sana ma-include iyong addition of booster para sa updated vaccination, we have about 36 million, sabi ko nga. And nag-i-increase ang hindi pa nabakunahan ng kanilang boosters.

An additional protection is necessary. Alam naman natin na nagwi-wane ang immunity ng ating mga bakuna as time goes by.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Alvin Baltazar ng Radyo Pilipinas: Kaya pa rin daw po ba maabot ang target na 90 million Filipinos na maging fully vaccinated by June 30 o bago daw po matapos ang termino ng Administrasyong Duterte?

DOH USEC. CABOTAJE: Mahirap na, Usec. Rocky, we are [unclear]. We are now looking at the 77 million [na] sana ay fully vaccinated and then improving our booster doses. So, that will mean about 900,000 jabs per day. So, kailangan talagang i-ramp-up natin nang husto iyong ating pagbabakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag na tanong po ni Alvin Baltazar ng Radyo Pilipinas: Contributory factor daw po ba ang mababang percentage ng mga nagpapa-booster para daw po mangyari ang posibilidad na magkaroon ng COVID-19 surge by mid-May since nawawalan nga daw po ng bisa ang preliminary vaccines?

DOH USEC. CABOTAJE: Yes, that is a possibility. Alam naman natin na very unpredictable itong ating COVID-19 virus, [unclear] many things are evolving. So we need to [unclear], kailangang mag-additional shots iyong ating 18 years old and above para may layer of protection ang buong bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, iniulat po ni Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez na kinilala ng G20 ang Pilipinas bilang example country sa pagbabakuna kontra COVID-19. Bilang NVOC chair po, ano po ang reaksiyon ninyo dito, Usec?

DOH USEC. CABOTAJE: Yes, we are very happy about that. Through the leadership of our principals ‘no, Secretary Duque, Secretary Galvez, even Secretary Dizon, we were notably recognized for our advocacy and we attribute them sa inyo sa PCOO, sa ating [unclear] and even the media who are helping us continue to advocate for our vaccination.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, sa sinasabi pong case surge sa Mayo, may posibilidad po kaya na muling taasan ang alert level sa mga susunod na buwan o sa nalalapit na halalan?

DOH USEC. CABOTAJE: There’s that possibility, pero ang pinu-push natin, Usec. Rocky, iyong de-escalation. Kaya aside from the preparation of the [unclear], etc., iyong ating vaccination ‘di ba, 70% fully vaccinated and the 85% of our senior citizen kasi sila ang magko-cause ng ating cases na dumami. So, kailangan bakunahan sila and booster na, kung kailangan.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, ano naman daw po iyong ginagawang hakbang ng gobyerno para po masigurong ligtas kontra-COVID-19 ito daw pong nalalapit na eleksiyon?

DOH USEC. CABOTAJE: We continue to work with our other members of the national government – all sectors. Sinasabi ngang whole-of-government. Hindi lang iyong sa gobyerno, even the whole society, pati [sa] ating private sector, nakikipag-coordinate tayo para ma-maintain iyong ating minimum public health standards, and then nandiyan pa rin siyempre iyong ating pagbabakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, pahabol na tanong po ni Red Mendoza ng Manila Times: Reaksiyon daw po ng DOH sa pagpanaw ni Ambassador Chito Sta. Romana na siya pong naging susi para makakuha ng mga unang bakuna galing po sa China tulad po ng Sinovac? Go ahead po, Usec.

DOH USEC. CABOTAJE: We deeply regret his passing. Ngayon ko lang din nalaman, Usec. Rocky. But kung magbalik-tanaw tayo one year ago, it was very difficult to find vaccines and our surplus now is showing that after so much hard work and we acknowledge the hard work of our Ambassador. Hindi tayo mabibigyan ng bakuna at the start, we would not have protected many of our health workers at the start.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kami po ay nagpapasalamat muli sa inyong panahon, Undersecretary Myrna Cabotaje mula po sa Department of Health. Mabuhay po kayo.

DOH USEC. CABOTAJE: Thank you. Good morning.

USEC. IGNACIO: Samantala, mga pinakahuling kaganapan sa Central Visayas ihahatid sa atin ni John Aroa ng PTV-Cebu.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs ang pagpanaw ni Philippine ambassador to China, Ambassador Jose Santiago ‘Chito’ Sta. Romana. Buong puso pong nakikiramay ang Department of Foreign Affairs sa pamilya at kaanak ni Ambassador Chito Sta. Romana.

Sa pahayag ng DFA, nakikipag-ugnayan na ang Philippine Embassy sa Beijing sa Chinese authorities para sa repatriation ng labi ng opisyal.

Taong 2016 nang ma-appoint bilang ambassador sa China si Sta. Romana, ito ay bilang pagkilala sa malalim niyang kaalaman sa kasaysayan ng China. Ayon pa sa DFA, sa ilalim ng kaniyang pamumuno ay lalo pang napagtibay ang relasyon ng Pilipinas at China.

Kinilala rin ng DFA ang mahalagang legasiya ni Ambassador Sta. Romana sa kaniyang paninilbihan para sa mga Pilipino. Ang amin pong taos-pusong pakikiramay sa pamilya at kaanak ni Ambassador Chito Sta. Romana.

At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Maraming salamat po sa ating mga partner agencies para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Hanggang bukas pong muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center