Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Luzon, Visayas at Mindanao. Magandang umaga rin po sa ating mga kababayan saan mang panig ng mundo. Ako po si Usec. Rocky Ignacio, ngayong araw ng Miyerkules, atin pong tatalakayin ang mga usaping may kaugnayan sa Hatol ng Bayan 2022, COVID-19 pandemic at iba pang mahalagang isyu na may kinalaman sa seguridad ng bansa.

Simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Paulit-ulit naman po ang panawagan ng ating pamahalaan na magpa-booster na ang marami sa ating mga kababayan sa kabila ng posibilidad na muling tumaas ang bilang ng mga magkaka-COVID-19 sa bansa pagsapit ng Mayo. Kaugnay po niyan, muli nating makakausap si Presidential Adviser for Entrepreneurship, Secretary Joey Concepcion. Good morning po, Sir Joey.

SEC. CONCEPCION: Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Sir Joey, kunin ko po muna iyong reaksiyon ninyo dito po sa sinabi ng World Health Organization at maging po ng Department of Health na posibleng pumalo naman po sa 300 to 500 thousand ang COVID-19 cases sa bansa kapag daw po nagpatuloy ang pagiging pabaya sa pagsunod sa health protocols. Ano po iyong masasabi ninyo rito?

Ganito rin po iyong tanong, Secretary, ni Red Mendoza ng Manila Times: Ano daw po iyong steps ng business community para maiwasan ang projection na ito?

SEC. CONCEPCION: Well ang sinabi ng WHO dito sa dyaryo na ‘to at iyong DOH ‘no ngayong araw na baka tumaas [ang] mga kaso – may posibilidad iyan kasi—pero ngayon ha, iyong mga kaso natin, sa tingin ko it’s very low and kahit na bukas iyong economy, kahit maraming tao dito sa rallies. Pero iyong delikado dito is in the next coming months, in the second semester. Kasi ang vaccine/booster rate natin masyadong mababa, it’s way below… you know, halos dito sa nilunsad namin na kampanya, 13.7% ‘no pero sa fully vaccinated 74% ‘no.

Ang iniingatan natin itong mga booster shots natin ‘no, halos… we have 80 million vaccines now ‘no in the country – 27 million of that will expire in June and July ‘no. So, kung matumal ang pagkukuha ng mga bakuna natin, mga booster shots especially, it will definitely cause a waning immunity ‘no in the coming months ‘no. Ngayon okay pa tayo pero problema natin iyong bakuna na ‘to, hindi ito maghihintay hanggang katapusan ng taon na ‘to ‘no. So, we’re urging our people to get boosted, to just maintain that level of immunity.

I know many people are complacent kasi wala namang kaso, why will I take my booster? Saka na lang iyan kung tumaas iyong mga kaso natin. Pero baka mamaya medyo huli na iyan, either iyong mga bakuna natin expired and that will cause a surge ‘no once it happens.

USEC. IGNACIO: Pero, Sir Joey, pati po itong ating mga health experts suportado rin iyong panawagan na i-update din po iyong definition nitong fully vaccinated para isama itong mga na-booster dose na, pero iyong Health Department po medyo hesitant pa para dito. Ano po iyong palagay ninyo ditong tamang paraan para daw po hindi mabigla iyong ating mga LGU, mga business establishments at maging iyong mga kababayan natin?

SEC. CONCEPCION: Well, I think we should define fully vaccinated at the two primary doses ‘no at one booster shot ‘no at hopefully they would agree on that. Pero we’re trying to push it… to try to restrict the mobility pero hindi iyan gagawin kaagad ‘no. Let’s say we give them a 60-day leeway by maybe June or July to comply with the booster shots. Kung hindi nila kukunin ang booster shots, then the vaccine cards that are being checked should be updated also and they should not be allowed entry in these business establishments katulad ng nangyayari ngayon… towards June-July.

So iyong suggestion namin, hindi gagawin kaagad ‘no but we already set a deadline to our citizens by this date, dapat kunin ninyo na ang mga booster shots. And my recommendation there is 60 days from the time they agree with it ‘no pero ngayon medyo malabo pa, they’re discussing. So iyon ang challenge ‘no, iyong sinasabi ng WHO may threat – yes, may threat and there’s a new variant coming in. And kung waning immunity na tayo in the coming months especially in the second sem, then baka sumablay itong mga negosyante natin especially iyong MSMEs natin na bumabangon na ‘no.

So, with all of these activities, mobility, the rallies, ang daming tao… there is always that risk ‘no. And although now, wala pa naman iyan pero let’s not be complacent, let’s maintain our level of immunity ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, pero ano iyong worst case scenario para sa mga kababayan nating manggagawa at maging sa mga employer sakali pong bumalik sa kalahating milyon ito pong maitatalang active cases sa bansa at gaano daw po talaga kahalaga [na] magpabakuna tayo ngayong hindi pa nga nangyayari itong posibilidad na ito?

SEC. CONCEPCION: Well siyempre, if our immunity wanes ‘no at sabi nga ni Sec. Duque, sila Sec. Galvez pati noong mga medical advisor natin dito na sinasabi nila our immunity is waning – there is always that risk. So if we wait for that to happen and we take iyong boosters natin sa second sem – June onward or July onward – baka ang mangyayari diyan either iyong mga bakuna natin siyempre kokonti dahil siguro mag-expire iyong June at July, 27 million na iyan ‘no at iyong iba rin baka ma-expire rin.

So, what is at risk dito is the vaccines that are already in the Philippines and if it’s not taken, that is billions of pesos that will be lost. Now, kailan bibili pa tayo ng bakuna ulit for our citizens? Baka iyong next administration will be reluctant to do it already at ang mangyayari diyan, tuluy-tuloy ang risk natin. But, I’m not saying it is 100% ‘no, it may be a situation… it might never happen, but why take the risk ‘no? Ang nakikita natin dito sa China nahihirapan sila, dito sa Europa tumataas ang mga kaso, dito sa Italy, sa France, sa UK so medyo… there is always that risk.

So, bakit natin—why do we want to go back to where we came from? Sayang naman iyong gains na nangyari dito especially with our MSMEs, mahirap bumangon uli eh kung magsasarado tayo sa Alert Level 3, Alert Level 4… we will lose the momentum of this economic recovery at iyong Philippines incorporated will have also [a] hard time.

So, that’s why we are really urging our citizens to already take especially iyong hindi pa kumuha ng first booster shot, iyon lang iyong target natin ‘no – at least the first booster shot. Kasi dalawang booster shot iyan, they’re approving the first and the second booster shot. And iyong mga 5 to 11, 12 to 17 are still being reviewed—5 to 11 na-approve pero iyong 12 to 17 years old, iyong papasok sa eskuwela, importante rin iyan, that they should be protected especially as we go face-to-face ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, patanong pa rin po ni Red Mendoza ng Manila Times: Marami pa rin daw po iyong nabubuyo ng misinformation and fake news tungkol dito sa booster shot na siya pong nagpapataas ng hesitancy at nagkukumbinsi sa mga tao na huwag nang kumuha ng booster. Ano daw po ‘yung inyong magiging hakbang para mas lalong makumbinsi ang tao sa pagkuha ng booster shot dahil hanggang ngayon daw po, 12 million pa lang din po iyong natuturukan dito?

SEC. CONCEPCION: Well, iyong private sector, iyong grupo namin na bumili ng mga bakuna para sa mga empleyado namin, walang problema – mataas naman ang compliance diyan ‘no at fully boosted ang karamihan ng mga empleyado natin. Pero dito sa general public especially sa B market, iyon nga ang problema natin. At dito sa eleksiyon, medyo nawala ang focus ng LGU kasi sa mga kampanya, election rallies, lahat iyan so medyo busy ang mga LGUs. Siguro pagkatapos ng election na ‘to, baka ma-focus na rin nila dito ulit ‘no.

Pero time is of the essence… time is of the essence kasi, one is that, these vaccines are here already and it’s not coming in. It’s in the Philippines already, right now. So, you’re counting the days before it expires. So, kung mag-expire iyan, then mas kakaunti iyong bakuna that will be available for our citizens at sayang ang pera.

So, the urgency is really at this point in time being called. Itong Vaccine Expert Panel, they are now reviewing the 12-17 (years old), sa mga bata natin that will be eligible to take the first booster shot or the third dose ‘no. So, I was talking to Dr. Solante and they are moving on that direction.

Dito sa mga bata natin na 5-11 (years old), that I think has been approved. I think they are looking for an approval for Sinovac. Kasi karamihan daw ng mga gustong gumawa ay they are looking at Sinovac.

So, I think everybody is moving but we have to move faster. Our citizens na medyo ayaw kuhanin ang bakuna, well, we cannot do anything. We cannot force them, pero that is the risk ‘no.

Sinasabi ng WHO ay 300,000; sabi ng DOH, tumataas ang mga kaso. Pero kinausap ko ang OCTA, ang tingin naman nila ay puwedeng mangyari iyan especially kung may bagong variant na dadating dito.

Siyempre, as we continue to be more relaxed, na unvaccinated with the booster, then the risk is talagang mas mataas towards, sa tingin ko, June onwards. [sic]

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary, totoo po ba na aabot din sa P40 billion po iyong halaga na masasayang sa vaccine supply natin dahil kakaunti lang daw po iyong willing na magpabakuna at magpa-booster shot?

SEC. CONCEPCION: Yes, I am told the cost of these vaccines amount to P40 billion. Siyempre, iba diyan dinonate ng COVAX, wala naman tayong bayad diyan. I think it’s about, if I’m not mistaken, about 30 million. Kami rin, ang mga vaccines namin na dinonate namin sa government, that’s about 2.5 million. That doesn’t cost the government anything but it costs us something.

So all of these, aside iyong pera na bilyon ang masasayang, siyempre iyong mga vaccine that will be available at that time ay mas kakaunti. Siyempre you cannot use an expired vaccine.

So, habang maaga pa [magpabakuna at magpa-booster]. That’s why I’m calling this really, because I am concerned that by the time na siguro gusto na ng mga tao [na] kumuha ng bakuna, baka wala nang bakuna kasi halos expired. Iyong next administration will come in towards June eh they might be hesitant also to buy the vaccines kung mauulit ito.

So, we’re trying not only to save these vaccines from getting wasted but what’s more important is we’re trying to save iyong economy natin kasi gumana [ang economy] despite the Ukraine-Russia crisis. [Ang Ukraine-Russia crisis ay] nagbibigay iyan ng problema sa atin kasi tumataas iyong mga bilihin natin at iyong gasolina tumataas, siyempre nahihirapan ang mga tao.

So, kung magsasarado tayo ulit sa Alert Level 3 and 4, then masisira iyong negosyo, pati iyong economy ng Pilipinas. May epekto rin iyan dahil paano natin babayaran ang inutang natin na trillion sa mga bangko at ibang bansa? So, we should realize the whole implication niyan ‘no.

USEC. IGNACIO: Sir Joey, ano naman daw po ang reaksiyon ninyo dito sa naging pagdagsa ng maraming tao sa Boracay na lampas daw po sa carrying capacity ng isla? Kung sa perspective ng ekonomiya at negosyo doon, sa palagay ninyo po ba puwede nang dagdagan iyong limit ng mga turista doon o huwag muna?

SEC. CONCEPCION: Well, siyempre, nakikita ng mga citizens natin na talagang bumagsak ang mga kaso at ang tagal nilang nasa bahay lang. For two years halos walang mobility at sabik na sabik na lumabas at nakikita natin iyan in the entire world ‘no. [It’s] what we call revenge spending or revenge travelling.

So, iyong halos lahat ng mga pamilya ay gustong magbakasyon at siyempre, Boracay during summer is the best spot. At malaking tulong din ito sa tourism sector na talagang for halos two years they’ve been closed ‘no, wala silang kita. Iyong air travel din natin, iyong mga Philippine Airlines, Cebu Pacific, talagang matumal ang negosyo nila at halos they’ve lost so much money.

So, this is important na talagang makikita natin itong mobility natin. Pero importante dito kung bakunado naman lahat sila na pumunta sa Boracay, kahit they get sick, magiging mild lang. Ang delikado is, if their immunity has started to wane and they get sick, then baka ang mangyari dito mapupuno ulit ang mga ospital natin.

So, that is the reason why we are encouraging these booster shots because it will maintain your level of immunity eh. It will actually buy you freedom to move around. Yes, you can still get infected but it will be mild because you have been vaccinated.

So, iyon ang pinoprotektahan natin – iyong wall of immunity para tuluy-tuloy itong freedom natin to go out, to dine-out with friends and or family, to travel abroad or in the Philippines. So, the price of that is to improve our level of immunity through vaccination and booster.

That to me, is important. Kung wala iyan, we will not take our boosters, talagang mas delikado ang mangyayari dito. If we get a next wave, marami diyan papasok sa ospital.

USEC. IGNACIO: Opo. Panghuling mensahe na lamang o paalala, Sir Joey, para sa ating mga kababayan. Go ahead po.

SEC. CONCEPCION: Well, Usec. Rocky, salamat din.

I think it’s very important na sa panahong ito [ay] nakita natin na talagang umuusad na ang economy natin, gumaganda na at talagang nabubuhay especially iyong tourism sector.

At nakikita rin ng ibang tao na hindi na delikado. Ang infection level, kahit ang daming tao, halos pareho pa rin at bumababa pa rin. Pero kung ang eksperto natin – ang WHO, ang DOH – ay may panawagan na the Philippines should watch it, then we should be concerned. WHO is a well-respected organization, so let’s take it seriously!

We have freedom now, pero if we want to maintain this freedom, we need to be fully boosted ‘no or we have to maintain our level of immunity para tuluy-tuloy ang pagbukas ng economy and of course iyong pagbubukas ng economy, importante diyan iyong health ng mga citizens natin. Kasi kung tumaas itong mga infection, our health will be affected, that will trickle-down back to alert level.

So, we are trying to save the economy and help people get their jobs. So, I’m really urging everybody, habang marami tayong bakuna dito, halos 80 million, kuhanin natin ang booster natin and let’s maintain the wall of immunity at huwag nating sayangin ang binayaran ng government para dito sa mga tao natin for these booster shots.

We don’t know what the next administration will do and let’s protect ourselves ‘no, and allow this economy to continue to grow and help many of our citizens.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Secretary Joey Concepcion, Presidential Adviser for Entrepreneurship.

SEC. CONCEPCION: Salamat, Usec.

USEC. IGNACIO: Sinimulan na po ng Commission on Elections ang pagpapadala ng mga opisyal na balota na gagamitin para sa 2022 National Elections. Kagabi po, ipinakita ng COMELEC ang paghahandang ginagawa sa kanilang warehouse sa Pasig City.

Dito po ipinaliwanag ng poll body ang proseso para masigurong ligtas na makakarating ang mga balota sa kani-kanilang destinasyon kung saan ay aalalay din po ang mga tauhan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.

Ayon po kay COMELEC Spokesperson, Atty. James Jimenez, magiging katuwang din nila ang PPCRV para sa transparency ng May 9 elections.

[AVP]

USEC. IGNACIO: Iimbestigahan ng Commission on Elections ang pagpapaputok ng baril sa grupo ni presidential candidate Ka Leody de Guzman sa Bukidnon na ikinasugat ng ilang indibidwal.

Ayon kay Comelec Chairman Saidamen Pangarungan na mariin nilang kinukondena ang anumang karahasan na posibleng may kinalaman sa 2022 national elections. Handa naman aniya ang Comelec na magbigay ng dagdag na security detail sa mga presidential at vice-presidential candidates kung hihilingin ng mga ito.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi naman ni Comelec Commissioner George Garcia na kung mapapatunayan na election-related ang naturang insidente, gagawin ng poll body ang lahat para mapanagot ang mga nasa likod nito.

Samantala, para sa ating mga balita ngayong araw: Nanawagan po si Senator Bong Go sa mga awtoridad na tiyakin ang kaligtasan ng mga Pilipino sa nalalapit na halalan. Dagdag pa ng Senador, seryosohin umano ang anumang banta na maaaring makasira sa kapayapaan ng eleksyon. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Sa nalalapit na pagtatapos ng administrasyong Duterte, atin pong iisa-isahin ang mga naging accomplishments ng Philippine National Police partikular ngayong unang quarter ng taong 2022. Kumustahin din natin ang kanilang paghahanda sa nalalabing labinsiyam na araw o 19 days bago po ang Hatol ng Bayan 2022. Makakasama po natin live dito sa studio si PNP Chief Police General Dionardo Carlos. Magandang umaga po, General.

PNP CHIEF PGEN CARLOS: Yes, Ma’am Rocky, at lahat po ng nanunood ng LagingHandaPH, magandang umaga po sa ating lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. General, tapos na po ang Holy Week, sa ngayon po ay balik na iyong focus natin dito sa Hatol ng Bayan 2022 sa May 9, kumusta po iyong paghahanda ng ating pulis para dito?

PNP CHIEF PGEN CARLOS: Gaya po ng programa na Laging Handa, ang inyo pong Pambansang Pulisya ay handa na po. Kahapon po ay I closed my command visit sa National Capital Region Police Office. Ito ay pag-iikot sa lahat ng region, ating mga police regional offices para tingnan natin iyong kanilang paghahanda para sa darating na eleksyon.

And I am happy to report that your Philippine National Police is now ready. In the next 19 days, ang amin pong gagawin ay supervision, monitoring and direction na lang. Kung may mga insidenteng nangyayari, how do we immediately resolve this incident. But generally, ang atin pong PNP ay handa na po, even after the election day. Nagsagawa na po kami ng mga pagpaplano bilang pagsunod sa direktiba ng ating Pangulo at ng ating Secretary Ed Año ng DILG, so nakahanda po iyong National Task Force for Safe 2022 Election. So, the details can be given later on by our commander ng National Task Force for 2022 Election.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, General, kumusta raw po iyong presensiya ng ating mga pulis sa itinalagang election areas of concern lalo na iyong mga tagged as red areas?

PNP CHIEF PGEN CARLOS: Opo, iyong amin pong sinabmit [submitted] o nirekomenda sa Comelec ay 114 cities and municipalities na posible po itong maging election areas of concern.

But iyong amin pong preparation ay itong mga identified na mga lalawigan na ito, naglagay po kaagad kami ng Regional Special Operation Task Group, additional manpower, personnel, at sila po ngayon ay nakatutok para masiguro na iyong maiwasan iyong kanilang intense political rivalry at iyon pong posibleng gumawa ng gulo. Iyon po iyong aming kinukontra sa pamamagitan po ng deployment ng amin pong RSOTG.

So, as early as March 8, tsinek ko na po iyan during the command conference. And ang huli ko pong dinagdagan ng additional police presence ay sa apat na bayan sa Bondoc Peninsula at iyong Pangasinan. Iyong Pangasinan naman po ay aapat na bayan lang iyan pero nagpalagay na po ako ng RSOTG, and all the rest were already in place by the regional directors.

USEC. IGNACIO: Opo. Puwede ba nating mabanggit iyong mga bayan na iyon, General?

PNP CHIEF PGEN CARLOS: I don’t have the details. Kasi noong huling visit ko sa PRO 1 sa Region I, nabanggit sa akin during the briefing so I gave directive na lagyan ninyo na ng RSTOG iyan para we can control, we can prevent incidents in these four towns in Pangasinan. Isa sa La Union, kaya na ho, kayang-kaya iyan ng additional forces natin doon.

USEC. IGNACIO: Pero, General, nakakabahala po itong mga alegasyon na umano’y pinaplanong election sabotage. Mayroon po ba kayong report na ganiyan? Ito po ba ay dapat na ituring na serious cause for concern ng ating mga kababayan? At kung mayroon man, ano po iyong hakbang ng PNP para po ito pigilan?

PNP CHIEF PGEN CARLOS: These are raw information. So, kaya may word na ginagamit “baka”. So kami naman po ay we will coordinate with the … iyong nagbibigay ng impormasyon na ito for our verification. And ang gagawin po namin diyan, paghahandaan namin. Kaya nga po sabi ko, mayroon po kaming mga plano na, iyong National Task Force for Safe Election, mayroon na po kami. Kapag ganito ang mangyari, anong gagawin? Anong aksyon? So all of these were already placed in the planning. Ang next na po niyan ay iyong NCRPO ay may mga paghahanda na po silang gagawin in the briefing I got yesterday just to make sure that we will prepare for a peaceful election and when the result is out, hanggang June 30 ho iyan, ang preparation po na ginagawa ng ating national task force.

USEC. IGNACIO: Opo. General, bilang katuwang nga po ang PNP, ng Comelec para masiguro po iyong ligtas at maayos na halalan, so ano po iyong reaksiyon ninyo dito sa naging insidente ng pamamaril kahapon sa isang pagtitipon na kinabibilangan po ni presidential aspirant Ka Leody de Guzman? At paano po kung mapapatunayang may kinalaman din sa eleksyon ang insidente, ano pong hakbang ang gagawin ng PNP dito?

PNP CHIEF PGEN CARLOS: Mayroon nga po ang nangyaring pamamaril, mayroong nasaktan, natamaan sa paa. Iyan po ay inulat sa akin ng regional director, si PBGen. Benjie Acorda ng Region X. Iyan ay naganap sa Quezon, Bukidnon. Ngunit sa initial na imbestigasyon ay iyong guwardiya po iyong nagpaputok dahil may group of people, mga petitioners po ito na gustong pumasok sa isang lugar at hindi po niya napigilan, nag-warning shot, unfortunately ay may tinamaan.

Ngayon, may koneksiyon ba ito doon sa presence ng isang presidential aspirant? Wala pa ho tayong koneksiyon na nakikita during the ano. It just so happened that he was there. Was he the target? No. Is this an election-related incident? Wala pa ho kaming indicator or indication that would say that this is connected with the election. Kasi ho iyong mga nagpunta roon ay they are concerned with a property and under contest, iyon po iyong binigay po sa aking ulat. But we assure them that this is going to be a continuing investigation kasi mayroon nga pong insidenteng nangyari. But ang tinitingnan po natin for the meantime ay isolated ho iyon, wala hong koneksiyon sa presence ng isang presidential candidate.

USEC. IGNACIO: Opo. Isunod ko na rin po iyong tanong ng ating kasamahan sa media. Mula po kay Karen Villanda ng PTV, to clarify lang daw po: Sakop daw po ba ng gun ban ang mga security to private areas?

PNP CHIEF PGEN CARLOS: Security agencies, they are ano… sakop po iyan, kaya humihingi po sila ng exemption from the COMELEC. So isa po iyan sa na-discuss namin early on with the different [stakeholders], iyong PADPAO, Representative(s). We asked them, just apply for the exemption with the COMELEC.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa ngayon daw po, kumusta na po ba iyong pinaigting na program ng pamahalaan laban dito sa insurgency? Ilang former rebels na po iyong nagbalik-loob at sumailalim sa decommissioning process?

PNP CHIEF PGEN. CARLOS: opo. Tuluy-tuloy po iyan under the National Task Force ELCAC. Marami po tayong nahikayat na mga kababayan natin na bumaba na sa pamumundok and have a peaceful life. Kami po is active support of the Armed Forces in the campaign against insurgency or the NPA, so tuluy-tuloy po iyon. Ang amin pong role is to be partners, ang ginagawa po namin diyan ay iyong amin pong RPSB, ito iyong pagdadala ng serbisyo ng gobyerno sa mga lugar kung saan ang ating mga kababayan ay hindi na po naiimpluwensiyahan ng armadong grupong NPA. So, marami po, sa Region VIII na lang ay mahigit 1,500 iyong bumaba.

USEC. IGNACIO: Nagbalik-loob.

PNP CHIEF PGEN. CARLOS: Kasi iyon ang ‘Centro de gravedad’ nila eh. So, kung wala po silang mass base, wala po silang supporter, mismo na rin po iyong kanilang armed rebels ay hihina at hihina po ito. At iyan na nga po ang maganda dito sa ginawa ng ating Pangulo, ito nga pong EO 70. Ito pong ating National Task Force to End the [Local] Communist Armed Conflict (NTF- ELCAC). We hope that this will continue because this will end our problem, the 52-year problem on insurgency. Nagkaroon ng solusyon na whole-of-government approach, hindi lang po military at police ang nakikibaka [kung hindi] buong puwersa ng gobyerno sa tulong ng taumbayan.

USEC. IGNACIO: Opo. General, kamakailan nagsagawa rin kayo ng internal cleansing sa hanay ng ating mga pulis. Ano po iyong kadalasang grounds sa mga police personnel na dinismiss o kaya binigyan ng sanction o parusa?

PNP CHIEF PGEN. CARLOS: Opo. Ang amin pong record ay nagkakaroon po sila ng mga matitinding kaso, dismissible cases na kapag ito po ay grave misconduct o sila po ay nag-AWOL, sila po ay na-involve sa droga, sila po ay na-involve sa krimen. So, dalawa po kasi kaagad ang haharapin po nila diyan – administratibong kaso at saka kriminal na kaso. So, tumatakbo kaagad ang amin pong administrative case against them through a summary hearing procedure. And then, nadi-dismiss po sila kapag sila ay napapatunayan na may sala.

Ngayon, marami po tayong na-dismiss in the past and under this administration from July of 2016 to end of March of this year. So, marami po ang na-dismiss, dahil seryoso iyon pong ating gobyerno at ang atin pong PNP na iyong nagkakamali ay sila po ay ma-sanction o makasuhan.

USEC. IGNACIO: Mukhang todo kayod kayo ngayon, General? Kasi alam natin magreretiro ka, May 8, pero ilan po iyong mga sumailalim dito sa pagdi-dismiss sa serbisyo? Ito po ba ay irerekomenda ninyong gawin regularly ng PNP?

PNP CHIEF PGEN. CARLOS: Opo. Regular po iyan. Mga 5,599 na ang dismissed policemen from the time of Sir Bato up to the present. Over 21,000 po iyong na-sanction namin sa iba’t ibang infractions. So, seryoso po iyong PNP on our internal discipline.

Pero iyong amin pong programa, hindi lang po dismissal o pag-alis sa serbisyo. Tatlo pong aspeto: Mayroon po kaming restorative; mayroon po kaming punitive; mayroong reformative. So, may preventive po kami, through iyong amin pong mga pastor, mga pari, mga imam. There is a weekly interactive meeting, iyong spiritual and moral fiber of the policemen, napapaalalahanan. Tapos iyong amin pong reformative, may formed police kami, ina-undergo namin sila ng training na mabago, kung iyong kanilang mga offense ay light offenses. At iyong punitive – dismiss ka, kapag kalokohan ang ginagawa mo.

Ganoon kaseryoso, kasi nakakahiya po sa taumbayan. Eh iyon na nga ang laging sinasabi natin na we were able to get the support of the President himself through our salary, equipment and even the morale, tapos sisirain ng mangilan-ngilan! What’s the percentage of 5,000 over 250,000 good cops in serving the Filipino people? Tanggalin namin iyong mga paloko-loko diyan!

USEC. IGNACIO: Pero, General, ano ang reaksiyon mo doon sa sinasabi o lumulutang na mga isyu na posibleng magkaroon ka ng extension?

PNP CHIEF PGEN. CARLOS: Ang plano ko, bumoto sa May 9 bilang Mr. Carlos. Pero kapag may utos, katulad po iyong huling instruction sa amin, automatic, trabaho! Ganoon po iyon. So, ako, I follow.

I plan to be able to pursue my civilian career. I’m looking forward to that. Pero bilang isang sumusunod din po na isang unipormadong pulis, dating sundalo, dating PC, sumusunod po ako sa ipinag-uutos ng command line ko.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa usapin naman ng sabong o itong e-sabong, ano po iyong commitment ng PNP para po maresolba itong isyung ito?

PNP CHIEF PGEN. CARLOS: Tuluy-tuloy, Ma’am, iyan. Kahit na po nag-end po iyong Senate hearing ni Senator Bato Dela Rosa, we made a commitment that we will pursue this. Alam po ninyo, from the instruction of Secretary Ed Año last January, tiningnan po namin iyan. So, January 13, dalawang kaso kaagad. And because of that, noong nakita po ng CIDG, we backtracked [to] as early as 2020, 2021. Binack-track po namin, kaya nagkaroon po kami ng eight cases, involving 34 missing sabungeros. So, tuluy-tuloy po iyong aming imbestigasyon. We were able to file two cases now. Ang partner namin, ang NBI, mayroon din po silang pinu-pursue na isang kaso. Hopefully, we will be able to solve these cases and bring justice to the family of the missing sabungeros

USEC. IGNACIO: Opo. Panghuli na lamang po, ano po iyong masasabi ninyong naging main accomplishment ng PNP sa unang quarter ng 2022 na siya rin pong huling taon ng Administrasyong Duterte?

PNP CHIEF PGEN. CARLOS: Opo. Iyong sa PNP po, for the first quarter – ito po kasi iyong laban po ng ating Presidente from the start – there is the campaign against illegal drugs. So, in the first quarter, 1.6 billion worth of illegal drugs ang seized/confiscated by the Philippine National Police. Napakalaking seizure iyan.

Tapos tuloy po tayo na kapag mayroon kang ginawang paglabag sa batas, iyong atin pong mga wanted person, over 26,000 wanted persons were arrested. Iba’t ibang level po sila – most wanted, with reward, without reward – and seryoso po tayo na papanagutin sila doon sa kanilang nagawang krimen.

Tuluy-tuloy din po iyong amin pong campaign against loose firearms to have a better preparation for the elections. So, iyong atin pong loose firearms diyan 6,000 plus. Iyong amin pong eight (8) loose firearms, nakuha namin.

Pero mayroon po diyan, almost 5,000, more than 5,000. Ito naman po ay sinurender o sinafe-keeping. So, that only shows that iyong atin pong preparations for the elections.

And the crime incidents went down by as much as 19, almost 20%. So, mababa po iyong ating crime incidents. Ngayon po, because of the Alert Level 1, bumabalik sa normal o sabihin na po nating new normal, eh medyo may pag-akyat.

USEC. IGNACIO: May pagtaas.

PNP CHIEF PGEN. CARLOS: Pero ang bilin natin sa mga Regional Directors ay siguraduhin na hindi po ito mag-shoot up. Ano naman po iyan, expected po namin. But we make sure that we take the necessary preventive measures or steps or police actions, para maiwasan, kaya nagdi-deploy po kami ng mas maraming pulis ngayon. Wala na po sila sa mga quarantine facilities o mga quarantine control points, nasa border control, nasa police assistance desk at saka iyong regular patrolling to prevent crime incidents in areas where we consider as iyong mga—hindi naman hotspot, but crime-prone areas.

USEC. IGNACIO: Opo. General, kami po ay nagpapasalamat ano po, dito sa ginawa ninyong pagbisita sa aming studio. Salamat po sa pagbibigay ng panahon.

Police General Dionardo Carlos, ang Hepe po ng Philippine National Police.

Salamat po.

PNP CHIEF PGEN CARLOS: Thank you po.

USEC. IGNACIO: Samantala, umabot sa mahigit 22,000 na mga turista ang bumisita sa Boracay Island nitong nagdaang Holy Week. Iyan po ay sa kabila ng pagpapatupad ng 19,000 carrying capacity sa isla bilang pag-iingat pa rin po mula sa pandemya.

Alamin po natin ang magiging aksyon ng pamahalaan. Kaugnay niyan, makakausap po natin si Undersecretary Epimaco Densing mula sa DILG.

Usec, magandang umaga.

DILG USEC. DENSING: Magandang umaga, Usec. Rocky. Medyo paos lang ak0.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, ano po iyong magiging aksyon ng DILG, DOT at DENR dito po sa nangyaring overcrowding na lampas sa carrying capacity ng isla ng Boracay nito pong nagdaang Holy Week Break?

DILG USEC. DENSING: Oo nga po. Una sa lahat noong pinaalalahanan kami na lumampas sa carrying capacity iyong mga kababayan natin na pupunta ng Boracay specifically April 14, 15 ay nagpalabas na ho kami ng sulat kay Governor Miraflores at Mayor Bautista na pinaaalalahanan sila na siguraduhin na hindi po lalampas sa carrying capacity ang mga papasok sa Boracay Island otherwise magkakaroon ng negatibong epekto ito sa environment o kalikasan ng Boracay.

So, kasama sa warning ay kapag patuloy pa rin na lumampas ito sa carrying capacity ay maaari na namin silang bigyan ng show cause order para magpaliwanag kung bakit nila pinahintulutan sa carrying capacity ang mga turistang pumapasok sa Boracay Island.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Usec, ano po iyong magiging pananagutan ng Aklan LGU dahil sa nangyaring ito?

DILG USEC. DENSING: Well, una sa lahat ang pagpapaliwanag sa akin ay dumagsa nga noong April 13 iyong tao. I think 12,000 tourists ang pumasok kaya po nag-carry over ng April 14 and 15. Pero dahil umalis na sila noong April 16, bumagsak na from 22,000 to I think 18,000 noong pagdating nung April 16.

So as of today, bumababa na rin po iyong numero ng turistang dumarating sa isla, pero pinaaalalahanan namin sila. Mayroon naman tayong monitoring mechanism ng lokal na gobyerno sa papasok sa Boracay Island. Huwag na lang nilang palampasin sa 6,000 to 7,000 arrivals daily para hindi lumampas ng 19,000 carrying capacity.

Kapag lumampas ito at talagang whether negligence nila o sinadya, sila po ay padadalhan natin ng sulat para magpaliwanag. Otherwise, they can be held administratively liable for exceeding the requirements of government particularly sa carrying capacity ng Boracay Island.

USEC. IGNACIO: So, sinasabi niyo, Usec, hindi posibleng i-retain itong carrying capacity sa Boracay ng 19,000 o puwede itong i-retain? O puwede pang dagdagan ito para i-accommodate iyong mga sabik nating kababayan na magpupunta doon?

DILG USEC. DENSING: Sa ating mga kababayan, pasensiya na po kayo pero imi-maintain po natin iyong 19,215 tourism carrying capacity ng Boracay Island subject ito to review every three to five years. Almost probably two years time magri-review muli ang ating Department of Environment and Natural Resources pero in the meantime wala ho kaming irerekomendang pagbabago sa carrying capacity, nandoon pa rin tayo 19,215. Kailangan lang i-monitor ng ating mga ahensiya ng gobyerno lalo na ang lokal na huwag lumampas sa numerong iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Papayagan na rin po bang ibalik itong LaBoracay o itong nakagawiang selebrasyon sa isla kada May 1 o ito pong Labor Day?

DILG USEC. DENSING: Hindi po unless magbago iyong pananaw ng ating partner diyan ang ahensiya ng Department of Tourism. Sa aming pananaw, sa huli naming pag-uusap kasama ang DOT, DENR at iba pang ahensiya ay wala pa ho kaming balak na ibalik itong LaBoracay dahil hindi maganda ang naging epekto nito sa kalikasan ng Boracay, not to mention sa dami ng tao at basura na nadyi-generate nitong LaBoracay.

USEC. IGNACIO: Opo. So, paano po masisigurong hindi naman ito mangyayari sa iba pang sikat na tourist destination sa bansa habang may pandemic pa?

DILG USEC. DENSING: Well, klaro po sa aming mga pinadalang direktiba sa iba’t ibang lokal na gobyerno at Alert Level 1 pa tayo, wala pang Alert Level Zero so kailangan mami-maintain pa rin iyong social distancing, pagsusuot ng face mask, at importante sa lahat iyong hindi magkadikit-dikit lagi ang tao sa isang island, although open area naman ito. At importante iyong mga tao hindi ho nagkakasiksikan sa isang lugar.

Boracay po ngayon ang aming namo-monitor na talagang siksikan. All the rest of the tourist destinations sa iba’t ibang lugar ng bansa ang report po sa amin although dumadami hindi naman po siya nalagay pa sa sitwasyon na nagdidikit-dikitan ang mga tao.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, ngayong may babala po itong ating Health Department at maging ang World Health Organization dito sa posibleng mangyari kapag nagtuluy-tuloy po iyong complacency sa minimum public health standards, ano po ang direktiba o panawagan ng DILG sa mga local governments kung paano po nila paiigtingin ito pong pagsunod ng mga tao dito sa ating minimum public health standards?

DILG USEC. DENSING: Well, una sa lahat nakalatag na iyong ating mga protocol ngayong mga kampanya at iyan ang pinapatupad namin via the local government at siyempre hopefully aasahan po natin ang ating mga barangay officials.

Pangalawa, gusto pa rin naming ituloy ang pagbabakuna. Importanteng makakuha ng booster shots iyong ating mga kababayan. At uulitin ko nga, nagbabahay-bahay na iyong ating mga local health officials para mabakunahan iyong ating mga kababayan na wala pang booster shots at hindi pa nababakunahan. Ang aming patuloy na panawagan magpahanggang ngayon, iyong mga hindi pa nabakunahan ay magpa-booster shots na dahil sinabi na po ng ating Department of Health at World Health Organization na talagang pagkatapos ng ilang buwan na tayo ay nabakunahan ay mawawala na iyong pagkaka-effective nung ating bakuna.

So, sa ating mga kababayan, naglabas na iyong FDA ng kanilang go signal na puwede na rin magkaroon ng tinatawag nating second booster shot. Kung nakakaapat na buwan na, magpabakuna po sana iyong ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano naman po iyong reaksiyon ninyo sa sinabi ng World Health Organization na kailangan nang gumamit ng last mile approach ang local governments para daw po paigtingin iyong bakunahan sa kani-kanilang mga lugar. Nabanggit niyo na nga po dagdag na itong house-to-house vaccination o kaya iyong close-to-home vaccination daw po ang dapat.

Ano po ang masasabi niyo dito, Usec?

DILG USEC. DENSING: Well, ang banggit po namin diyan, very aggressive kami ngayon. In fact, Usec. Rocky, patapos na ho kami at pina-finalize na namin itong tinatawag nating documentation ng ating whole vaccination program mula noong simula hanggang sa ngayon. At hopefully itong manual na ito na ginawa namin sa National Vaccination Operations Center ay maibigay namin sa mga lokal na gobyerno at mga ahensiya ng gobyerno. Puwede nilang gamitin ito sa mga susunod na administrasyon.

Again, we repeat sa NVOC we are trying to be aggressive right now in the booster shots. In fact, dito lang sa amin sa DILG nagpalabas na kami ng isang memorandum para doon sa gustong magkaroon ng second booster shot, puwede na rin po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano po iyong nakikita ninyong pinakamalaki pa ring challenge sa ating mga lokal na pamahalaan na may mababa pa rin pong vaccination rate?

DILG USEC. DENSING: Well, right now ang pinaka-challenge natin is to really get on board itong ating mga lokal na opisyales dahil iyong mga local chief executives ay busy sa kampanyahan ngayon. So, gusto namin talagang gawin iyong kanilang trabaho although napapasa sa local health officials.

Importante iyong ating mga local chief executives [na] magpa-booster shots na rin. Tinitingnan natin iyong bilang ng mga may0rs and governors na hindi pa nagpapa-booster shot baka puwedeng ipakita natin sa kanilang mga constituency na magpa-booster shot din sila para sumunod din iyong kanilang constituency.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, bigyang-daan ko lang iyong tanong ng ating kasamahan sa media mula po kay Rose Novenario ng Hataw: May update na daw po ba sa imbestigasyon sa pagpapaputok sa grupo ni presidential bet Ka Leody de Guzman sa Quezon, Bukidnon kahapon?

DILG USEC. DENSING: Well, I think nabanggit na yata kanina ni General Carlos iyong update. Mukhang wala hong koneksiyon sa kaniyang pagkakampanya iyong nangyaring putukan. So, let’s leave it at that at hopefully ma-finalize na po ng ating PNP iyong final report.

USEC. IGNACIO: Opo. Basahin ko na rin po iyong dagdag na tanong ni Rose Novenario ng Hataw: Bakit daw po hindi naipapatupad ang batas na nagsasaad na pagmamay-ari ng mga Manobo ang kanilang ancestral land at ayon po kay Ka Leody ay hinayaan umano na maghasik ng karahasan at agawin ito sa kanila umano ni Mayor Pablo Lorenzo?

DILG USEC. DENSING: Well, una sa lahat those are just allegations. Siguro magandang magkaroon ng malinaw na imbestigasyon iyan at i-involve po natin iyong NCIP dahil ito po ang totoong ahensiya na namamahala sa mga kalupaan ng Indigenous People.

So, i-involve po natin ang NCIP, talagang imbestigahan nang tama para malaman natin kung ano ang totoong kuwento dahil ito po ay mga alegasyon lamang at ginagamit po sa politika.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, ano na lang po ulit ang panawagan at paalala ninyo sa ating mga kababayan at maging sa mga lokal na pamahalaan?

Go ahead po, Usec.

DILG USEC. DENSING: Sa Ating mga kababayan na nakikinig ngayon, una sa lahat ay importante ngayon na magpa-booster shots po tayo. Hinihikayat namin ang lahat na magkaroon ng booster shots. Ito po iyong isang pamamaraan para talagang mapigilan na natin iyong pagkalat ng COVID-19.

Pinapaalalahanan namin kayo na itong mga booster shots ay kailangan dahil nawawala na po iyong effectiveness ng ating mga bakuna. Sinabi na po ng ating health experts na sana po [ay] magpabakuna kayo. Pangalawa at importante sa lahat, malapit na po ang darating na election sa Mayo 9.

Importante ang ating mga health protocols at pangalawa, sana po pag-isipan natin na makapili tayo ng mga tao na may puso, may damdamin at may katalinuhan para ho magsilbi sa ating bayan sa susunod na administrasyon.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming Salamat po sa inyong panahon, Undersecretary Epimaco Densing, mula po sa DILG.

DILG USEC. DENSING: Salamat po.

USEC. IGNACIO: Samantala, makibalita naman tayo tungkol sa pinakahuling survey na ginawa ng grupong OCTA Research kaugnay po sa nalalapit na ‘Hatol ng Bayan 2022’. Makakausap po natin si Professor Guido David. Magandang umaga po, Professor David.

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Hi! Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Prof, sa election po muna tayo, ano. Consistent po ba ang mga pangalan na lumalabas na nagta-top sa mga survey, kabilang po iyong sa survey na ginawa ninyo at ano daw po iyong scope ng survey na ito? Ilan daw po iyong participants at saang sector sila karaniwang galing?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Yes, Usec. Iyong survey namin is nationwide, 1,200 respondents at conducted April 2 to 6, 2022. So, nationwide iyan. Iyong mga sectors ay hindi naman namin pinipili, it’s randomize iyan, Usec.

At iyong sa sinasabi mo nga, iyong result na nakita natin sa presidential and vice presidential [survey], ganoon pa rin iyong trends. Mayroong frontrunner for president and vice president and medyo significant iyong gap between the number one and the number two (2) sa surveys.

USEC. IGNACIO: Opo. Kapag sinabi ninyo pong significant, may tumaas po ba o ano iyong bumaba, professor?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Yes, actually tumaas iyong number 2 doon sa survey namin. Si VP Leni, tumaas from 15 to 22%. Pero sinasabi nating significant pa rin iyong gap at least doon sa numbers na nakikita natin sa survey ay kay former Senator BBM – 57%. So, malaki iyong agwat from 57 to 22. So, iyon ang nakikita natin sa ngayon.

And for vice president ganoon din, malaki rin ang gap between Mayor Inday Sara with 57% and iyong number 2 [na] si Senate President Tito Sotto, with 23%. So, that’s a 34% gap between the first and the second place sa survey.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Professor, sa palagay ninyo, posible pa bang magbago ang resulta nitong mga surveys kahit na 19 days na lamang po ay election na?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Well, Usec, we have to be realistic na 19 days [na lang] at malapit na and we can only do so much within 19 days. Pero, that means, siyempre mahirap namang ako ay magsabi ng tapos because surveys, may margin of error din naman iyong mga surveys and we are all interested to see kung ano ang mangyayari sa election day on May 9, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, ano po iyong reaction ninyo sa sinasabi ng iba na ang pre-election survey ay pointless at tanging mind-conditioning lang daw po ang ginagawa sa voting public?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Well, iyong pre-election survey, Usec. Rocky, this is just a snap siya. So, ang ginagawa natin nagtatanong tayo, nagsu-survey tayo, tapos pinapakinggan lang natin kung ano iyong sinasabi nila, so voter preference iyan. It’s not meant to be mind-conditioning.

In fact, hindi namin per se niri-release iyan sa public kasi this is for the use of the end-user and for the media. Ngayon iyong public, they should really vote who they want to vote. Ganoon naman iyong democracy natin eh, hindi naman tayo dapat magbabase sa survey results kung sino iyong pipiliin natin na iboboto. So, it’s just a snapshot and just an estimate of the voter preference. Again iyong totoong pulso ay makikita natin sa May 9 elections, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Professor, ano daw po ang ibig sabihin nitong plus/minus 3% na margin of error? Tungkol ba ito sa accuracy ng survey results?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Tama iyan, Usec. Rocky. So, naka-depend ang margin of error kung ilan ang respondents and at the scale of the responses, iyon iyong margin of error. Ibig sabihin, puwede natin bawasan ng 3% or dagdagan ng 3%, nandoon sa range na iyon iyong most likely kung ano iyong bilang ng mga respondents na may ganoon na sagot.

So, kunwari si former Senator BBM, nasa 57%. So, kapag dagdagan natin or bawasan ng 3% iyong range niya is between 54 to 60%. So, mas malaki ang range na nakikita natin na parang sinasabi natin na within 54 to 60% ang count na ini-estimate natin sa voting population.

USEC. IGNACIO: Opo. Professor, magkakaroon pa ba ng election related survey ang OCTA Research?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Yes, Usec. Rocky. We are conducting one and hopefully, I mean, baka mailabas iyan ng last week of April or first week of May. Hindi ako sure, kasi trimmed down iyong surveys namin ngayon. Ibig sabihin tinatanong na lang namin ang presidential at saka vice presidential at saka senatorial.

Iyong normal surveys kasi namin maraming questions, mga 50 questions, kaya medyo matagal iyong process. Ito, dahil maliit na lang iyong survey ay kaunti na lang iyong questions, mas mabilis naming ma-process within one to two weeks. At least, mas may idea tayo kung ano iyong pulse getting close to the election period.

USEC. IGNACIO: Opo. Professor, lilipat naman ako sa isyu ng COVID. Tungkol po sa COVID-19, kumusta po iyong monitoring ng OCTA dito? Nabanggit nga po na 14 areas daw po ang nasa Alert Level 1 ang may pagtaas ulit sa COVID cases?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Well, totoo Usec, na may tumataas na cases. Pero, iyong pagtaas ng cases na ito is at a very low level pa sila sa ngayon. Hindi natin sinasabing forever iyan, puwedeng magbago. Pero sa ngayon, ito ang nakikita natin. Kunwari, may area na tumaas iyong cases niya from 1 to 2, kapag titingnan natin iyong percentage increase, malaki eh, 100% increase kasi 1 case naging 2 cases. Pero at that level, sobrang mababa at hindi pa natin ma-distinguish between statistical noise and iyong actions, pagtaas ng cases.

So, sa ngayon ano muna tayo, wait and see tayo. Continuous monitoring ng data para makita natin kung may patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso. Kasi, iyon ang titingnan natin eh, kung tumaas siya for one week lang hindi naman siya significant. Pero kung patuloy na tumataas sa two weeks, three weeks tapos malaki ang itinataas niya talaga, then we start to become concerned and iyan ay iri-report natin talaga, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Isunod ko na po itong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Sa tingin po ba ng OCTA, itong mga pagtaas na ito sa ilang mga probinsiya ay maaaring pagsimulan ng isang surge ng mga kaso ng COVID-19 or ito po ay isang temporary increase lang at hindi makakaapekto sa mga kaso ng COVID sa bansa?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Sa ngayon, Usec, it looks like ano sila, parang statistical noise, baka temporary increase lang or upticks. Pero, again, we have the right to change our analysis. Siyempre kapag makakita tayo ng additional data over the next week, puwedeng magbago iyong pananaw namin. Pero, sa ngayon it looks like mga upticks pa lang ito at hindi pa naman siya leading to a surge sa ngayon.

Pero again, Usec, may mga sinasabi din ang mga health experts na kailangan pa rin iyong patuloy na pag-iingat. Hindi naman natin kailangang hintayin na magkaroon ng increase ng cases bago tayo mag-react. Dapat proactive tayo and preventive iyong mga measures na ginagamit natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, ano naman po daw iyong mga lugar na consistent na mababa pa rin iyong COVID cases?

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Mayroon, Usec, may mga lugar na zero cases for some time, kunwari sa Eastern Visayas. May mga iba ay dalawang linggo na na walang cases. Magbibigay lamang ng halimbawa, kunwari Northern Samar, isang halimbawa lang iyan. Actually, marami-rami sila na zero cases naman or walang cases in a long time.

Kunwari, Batanes, almost two weeks na rin na wala pang new cases na nari-report, or Sorsogon. So, medyo marami-rami naman iyan, Usec, and even iyong mga areas na may cases ay hindi naman mataas ngayon ang nakikita natin. Even NCR, iyong ADAR sa NCR is 0.6, it’s less than 1, ang baba pa rin niyan. Kahit na sabihin natin na medyo nagpa-plateau, it’s at a very low level. So, we consider all the provinces right now are still at a very low risk for now.

USEC. IGNACIO: Opo. Professor, anong reaction ninyo sa prediction ng DOH na posibleng pumalo ulit sa kalahating milyon ang magkaka-COVID sa Pilipinas kapag po nagtuloy din ang pagbaba ng compliance sa health protocol? Nabanggit din po iyan ng World Health Organization.

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Yes, Usec. Iyong actual numbers naman, siyempre depends sa models and sa forecasting average [unclear] na ginagamit nila and iba-iba ang kanilang models. Ang masasabi ko lang naman, iyong mahalaga dito ay iyong pag-remind lang sa public to follow minimum public health standards and to get vaccinated and to get the booster shots para proactive tayo and ma-prevent natin itong mga ganitong surges.

Kasi sa ngayon, wala pa naman tayong nakikita, ibig sabihin puwede pa natin maiwasan itong surge and iyon ang gusto nating mangyari, to protect our economy na maiwasan itong pagtaas ng kaso. We can do that by preventive measures tulad ng vaccinations and boosters. Huwag na natin hintayin na makapasok dito iyong sub-variant at tumataas na iyong kaso at saka tayo nagpapa-boosters. Unahan na natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming Salamat po sa inyong panahon, Dr. Guido David, mula po sa grupong OCTA Research. Thank you Professor.

OCTA RESEARCH DR. DAVID: Maraming Salamat, magandang umaga, Usec.

USEC. IGNACIO: Samantala, Senator Bong Go, naghatid ng tulong sa Olongapo, Zambales. Nagpasalamat din ang Senador dahil sa Pakikipagkaisa ng mga taga-rito sa malawakang bakunahan. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Hanggang bukas pong muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center