Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Napipintong pagsisimula ng rollout para sa second booster shot, Implementing Rules and Regulations o IRR ng Department of Migrant Workers at PhilHealth benefits para sa mga estudyanteng magbabalik face-to-face classes – ilan lang iyan sa mga usaping hihimayin natin sa loob ng isang oras na talakayan kasama po ang mga kinatawan mula sa mga ahensiya ng pamahalaan.

Manatiling nakatutok, ako po si Usec. Rocky Ignacio, simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Nakatakdang pangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 43rd Commencement Exercises ng Philippine National Police Academy “Alab-Kalis” Class of 2022. Muling isasagawa ang face-to-face graduation ceremony ng PNPA matapos po ang dalawang taon dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic. May detalye si Mela Lesmoras. Mela…

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Mela, may tanong lamang ako sa’yo. Kasi isa ito sa mga kauna-unahang mga aktibidad na talagang magkakaroon ng face-to-face graduation kasama pa si Pangulong Duterte. Papaano iyong ipinatupad na protocol, iyong health and safety protocol diyan? Gaano kahigpit, Mela?

MELA LESMORAS/PTV-4: Oo, Usec. Rocky, para din malaman ng ating mga kababayan. ‘Ayan kasama pa rin natin si Cadet Barcarse. Sa ngayon ‘no, sobrang higpit ng seguridad dito hindi lamang sa… kumbaga sa banta ng mga karahasan kung hindi pati sa health protocols. Usec. Rocky, sa ngayon bago makarating dito ay kailangan may negative swab test result at kailangan nga mapatupad nang maigi iyong minimum public health standards.

At mamaya nga, Usec. Rocky, kasama sa preparations ng PNPA ay mapatupad nga nang mahigpit iyong mga health protocols. So inaasahan na kahit nga ito ay medyo malakihang event ay maipatutupad pa rin naman iyong mga health protocols at lahat ng pag-iingat ay kanilang ginagawa para hindi naman ito maging superspreader. Usec. Rocky…

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong report, Mela Lesmoras.

Nanawagan po ang Chairperson ng Senate Committee on Health sa Commission on Higher Education na gawing mas simple ang paraan para makadalo sa face-to-face classes ang mga college students. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala para bigyan pa tayo ng karagdagang detalye kaugnay niyan, makakasama po natin si Dr. Shirley Domingo, ang Vice President for Corporate Affairs at Spokesperson ng PhilHealth. Good morning po, ma’am.

PHILHEALTH SPOKESPERSON DR. DOMINGO: Good morning, Usec. Rocky. Good morning din po sa lahat ng nanunood sa atin ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, nitong mga nakaraang linggo po, napag-uusapan na ito pong pagkakaroon ng face-to-face classes para sa mga estudyante. Required ba bawat college student na kumuha daw po ng PhilHealth insurance bago sila payagang makabalik sa face-to-face class?

PHILHEALTH SPOKESPERSON DR. DOMINGO: Ah, opo. Ito ay naaayon po sa department order—it’s a joint department order po ng DOH at CHED – nakalagay po doon na iyong estudyante ay kailangan pong magkaroon ng PhilHealth registration o kahit anong katumbas na medical insurance para magkaroon naman sila ng proteksiyon habang nagpi-face-to-face classes po sila.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Shirley, nakatanggap ba ang PhilHealth ng applications mula sa mga estudyante?

PHILHEALTH SPOKESPERSON DR. DOMINGO: Opo, may natanggap na po tayong mga applications. Mayroong dumidiretso sa ating mga offices, mayroong schools doon sa ating region na sila ang nakikipag-coordinate sa ating mga regional offices para doon na mag-register iyong ating mga estudyante sa school nila at sila na to forward sa offices natin. So mas maganda po iyon, mas madali sa ating mga estudyante po iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. So, ano po iyong magiging kategorya ng membership ng mga estudyante? At ano po iyong mga kailangang dokumentong isusumite?

PHILHEALTH SPOKESPERSON DR. DOMINGO: Okay. Kasi, sa ating national health insurance program, kung less than 21 ay dependents pa sila sa mga primary members like iyong mga magulang po nila ‘no. But 21 and above, then dapat primary members na sila.

Ngayon, kung less than 20 sila, kung naka-register na sila through their parents ay wala nang kailangan kasi naka-register na sila. So ipakita na lang nila iyong kanilang MDR doon sa school nila na member na sila.

Ngayon, kung hindi naman nadeklara as dependent sa mga magulang nila, so ang advice po natin sa mga magulang na mag-update ng kanilang membership at idagdag itong mga estudyante na ito as their dependents.

Doon naman sa more than 21 years old ay magri-register po sila directly sa ating mga offices as primary members.

USEC. IGNACIO: Opo. May follow-up lang po iyong ating kasamahan sa media, si Racquel Bayan po ng PBS-Radyo Pilipinas: Ilang application na po from students ang natanggap ninyo as of now?

PHILHEALTH SPOKESPERSON DR. DOMINGO: I’m sorry, hindi ko hawak iyong ganiyang number ngayon because from regions[sic], lahat ng regions[sic] po natin ay continuously nagri-register sila ng mga estudyante. So sorry po, hindi ko po hawak iyong number na iyon ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero magkano po iyong babayarang kontribusyon ng mga estudyante na mapapabilang po dito sa direct contributors? At ano raw po iyong mode of payment nila? Saan po sila maaari raw na magbayad?

PHILHEALTH SPOKESPERSON DR. DOMINGO: Okay. Ang direct contributor, kung registered na sila ‘no, ang unang-unang gagawin ay magpa-register sila as direct contributor. Mayroon silang sa-sign-an [sign] na form, this is downloadable po from our website, at i-submit nila iyon doon sa ating offices.

So ngayon, kung registered na sila, they will have a PIN. Bibigyan sila ng PhilHealth Identification Number. Mayroon silang online account sa ating website at doon, they can pay online. Kung hindi naman, they can pay also in selected banks or in accredited collecting agents.

USEC. IGNACIO: Opo. Anu-ano raw po, Ma’am, iyong mga benepisyo na maaaring makuha o ma-avail ng mga newly registered PhilHealth members?

PHILHEALTH SPOKESPERSON DR. DOMINGO: Pare-pareho po ang ating mga benepisyo for all ‘no. Mayroon tayong mga in-patient benefits, itong COVID benefits po natin ‘no. At mayroon din tayong mga out-patient benefits na puwedeng makuha katulad ng mga dialysis and chemotherapy. Lahat po iyon ay puwedeng makuha. Pare-pareho po ang ating mga benepisyo po.

Para sa ating mga estudyante naman, napakaimportante na kaya nga sila niri-register, just in case lang po na magkaroon sila ng – huwag naman – pero kung ma-expose sila sa COVID at magka-COVID, then they can avail of the COVID benefits. Kung ma-isolate sila sa mga community isolation units, mayroon tayong benefits doon, or – huwag naman po – pero in-patient benefits, mayroon din tayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Shirley, tanong po mula sa ating kasamahan sa media mula po kay Red Mendoza ng Manila Times: Marami raw po ang nagrireklamo sa diumano’y requirement ng PhilHealth para sa mga magbabalik-face-to-face classes dahil daw po sa karagdagang hassle. Bakit daw po kailangan i-require ang PhilHealth coverage sa mga babalik sa face-to-face classes?

PHILHEALTH SPOKESPERSON DR. DOMINGO: Hindi po tayo ang nag-decide po noon ‘no. Sumusunod tayo sa Department of Health and CHED joint memorandum. Pero sa atin naman, ang masasabi natin is proteksiyon na rin iyon ng ating mga estudyante, kapag ma-register. Sa totoo lang, under Universal Health Care, lahat po ng mga Pilipino ay members na. But we encourage them to be registered in our database para po kung mangangailangan sila ng mga services ng PhilHealth ay nandoon na sila sa database natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Red Mendoza ng Manila Times: Kumusta rin daw po iyong mga payouts sa mga hospitals na una nang ni-raise sa PhilHealth? Tuluy-tuloy na po ba iyong bayad sa kanila? At kumusta na rin daw po iyong ugnayan sa pagitan ng mga hospitals at ng PhilHealth?

PHILHEALTH SPOKESPERSON DR. DOMINGO: Yes, tuluy-tuloy na po ang ating bayad sa kanila ‘no. And nakikipag-ugnayan po iyong ating mga regions[sic] sa mga hospitals. They are doing reconciliation meetings. Nagbayad po tayo ng tinatawag na DCPM. So naka-DCPM releases na tayo, siguro mga tatlong types of DCPM – DCPM 1, ini-extend natin iyong one, and then two and three. So marami na po tayong na-release through that DCPM method.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, may tanong lang po iyong ating kasamahan sa media, si Celerina Monte ng NHK: Paano po iyong nagpa-member dati ang estudyante and nagbabayad po sa PhilHealth, puwede ba siyang maging free? At paano raw po iyong proseso?

PHILHEALTH SPOKESPERSON DR. DOMINGO: Kung nagbabayad na sa PhilHealth, member na siya; hindi na kailangan mag-register. Kung mag-require ang school ng proof, then ipapakita nila na member na sila ng ano, through the MDR or kung may ID silang nakuha, then may ID sila. So iyon na, hindi na kailangang mag-register. Kung nagbabayad sila, ibig sabihin registered na sila.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong lang po ni Sam Medenilla ng Business Mirror. Ma’am Shirley, basahin ko na lang po ‘no: Ilang new members po ang expected na magri-register with the PhilHealth, with the new policy?

PHILHEALTH SPOKESPERSON DR. DOMINGO: Well, hindi ko matantiya kung ilan ang 21-and-above na magpi-face-to-face kasi hindi rin naman lahat ng estudyante ay magpi-face-to-face. Ang pagkakaalam ko, selected pa lang ‘no, partial pa lang. So hindi po natin ma-estimate iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. And ang second question po niya: Ano po ang expected impact sa fund life ng PhilHealth with the implementation of the mandatory registration for students?

PHILHEALTH SPOKESPERSON DR. DOMINGO: Wala naman sigurong malaking impact iyon because, as I said, everybody is already a member of PhilHealth. We just want them to register sa database natin. And under the Universal Health Care din ay may immediate eligibility tayo. Ibig sabihin noon, if they are requiring in-patient services, then they can be admitted kaagad because they are eligible [garbled]. Unlike before na may qualifying contributions tayo, ngayon hindi na po. So okay lang po iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, puntahan ko lang po itong isyu sa umano’y corruption sa ilang mga ospital sa Northern Mindanao. Kumusta na po iyong ongoing investigation at pakikipagtulungan sa NBI regarding this? May nasampahan na po ba raw ng kaso?

PHILHEALTH SPOKESPERSON DR. DOMINGO: Okay. I-clarify po natin iyon ‘no, that statement or that news came out when actually nagkaroon ng MOA signing ang ating regional office noon at saka NBI para i-train ng NBI iyong ating regional personnel on fraud management or investigation. So iyon po talaga, MOA signing po iyon.

Natanong po tayo kung ilan ang na-revoke na, at ang sagot ng staff natin doon ay around five. But actually, matagal na po iyon, before pa iyon. And actually, the number of five [that were revoked] is nationwide ever since we started, so hindi lang iyon sa Region X. So may mga hospitals din na suspended pero tapos na iyon, several years ago na rin iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Mukhang nawala po sa linya ng komunikasyon natin si Doc Shirley. Doc Shirley? Okay, babalikan po natin si Doc Shirley para po sa iba pang mga tanong.

Samantala, nasa pitumpung pamilyang nasunugan sa Baesa, Quezon City kamakailan ang hinatiran ng tulong mula sa mga ahensiya ng pamahalaan. Narito po ang detalye:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Muli po nating balikan si Shirley Domingo ng PhilHealth. Ma’am?

PHILHEALTH SPOKESPERSON DR. DOMINGO: Hello.

USEC. IGNACIO: Paumanhin po kanina. Ito po iyong panghuli na nating tanong ano po. Pero kahit daw po ongoing itong investigation, ibig sabihin din po ba nito na hindi na rin muna maaaring tumanggap ng mga pasyente na PhilHealth member ito pong mga isinangkot na ospital?

PHILHEALTH SPOKESPERSON DR. DOMINGO: Iyong hospital, puwede naman silang tumanggap. As I mentioned earlier po, iyong mga hospitals na-suspend iyon dati pa at saka iyong sinasabing revoked ay actually, isa lang ang galing doon sa region na iyan, the rest were mga five iyon nationwide. Pero ever since, matagal na po iyon, hindi iyan current.

USEC. IGNACIO: Opo Doc Shirley, ano na lamang po iyong inyong paalala sa publiko? Go ahead po, Doc Shirley.

PHILHEALTH SPOKESPERSON DR. DOMINGO: Doon sa nakikinig sa atin ngayon lalo na iyong mga estudyante at saka iyong mga iba po hindi lang iyong mga estudyante, advice po namin sa inyo, mag-register kayo sa PhilHealth kung hindi pa kayo registered sa PhilHealth.

As I mentioned po, lahat ng Filipinos ngayon, under the Universal Health Care, ay members na po ng PhilHealth. We just want you to register para hindi hassle kung magkaroon kayo ng need to use the services. Katulad kung maospital ay nandoon na kayo sa database. So, iyon po.

At maraming salamat po sa pag-imbita sa amin sa amin ngayon.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat din po, PhilHealth Vice President for Corporate Affairs and Spokesperson, Dr. Shirley Domingo.

Aprubado na ni Pangulong Duterte ang Implementing Rules and Regulations ng Department of Migrant Workers. Iyan naman po ang hihimayin at lilinawin natin. Kasama po natin si Administrator Bernard Olalia ng Philippine Overseas Employment Administration.

Good morning po. Welcome back po sa Laging Handa, Admin.

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Good morning po, USec. Rocky. At magandang umaga po sa mga nakikinig po sa inyong program.

USEC. IGNACIO: Admin, puwede ninyo ba kaming bigyan ng detalye? Ano po itong mga inaasahang laman ng Implementing Rules and Regulations o IRR sa ilalim daw po ng Department of Migrant Workers?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Opo, tama ho, USec. Rocky. Today ay inaprubahan na po ng Malacañang iyon pong draft IRR (Implementing Rules and Regulations) ng ating bagong-bagong departamento – Department of Migrant Workers.

Napakaimportante po nito dahil ito po ang magsisilbing backbone para po sa implementasyon noon pong DMW Act na tinatawag po natin ‘no. Nandoon po sa IRR iyong mga istraktura, iyong operations, iyong mechanisms, kung paano po patuloy na tutulungan natin ang ating mga OFWs ‘pag na-deploy papunta po ng abroad; kung papaano po natin puproteksiyunan iyong kanilang mga karapatan; at kung paano po natin ipu-promote iyong kanilang welfare para po sa Tuloy-tuloy na pagtulong po natin sa mga minamahal po nating bagong bayani ng ating bansa, ang mga minamahal po nating OFWs.

USEC. IGNACIO: Opo. Admin, pero base po sa pag-aaral o iyong series of conference na ginawa ninyo sa pagbuo nitong IRR, ano daw po iyong mga pagbabago na maaaring asahan ng mga kababayan nating OFWs pagdating daw po dito sa document processing at assistance?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Alam ninyo po, ang DMW Act, ang pangunahing layunin po nito ay magkaroon ng policy [unclear] at iyong serbisyo po ay ilapit natin sa ating mga clientele lalung-lalo na sa mga minamahal po nating OFWs ano.

Dahil po sa old …Ito pong ating mga existing system [unclear] highly professional po iyong ating proseso ‘no. Doon po sa DMW, dadalhin na po namin sa regional, provincial offices, iyong pangunahing serbisyo para po sa ating mga OFWs.

Ibig pong sabihin, makakapagproseso na po sila sa kani-kanilang mga probinsya. Hindi na ho sila kinakailangang pumunta sa Maynila at nang sa ganoon ay maiwasan po iyong napakaraming problema kapag kayo po ay nasa malalayong lugar.

Sa legal assistance naman po, ganoon rin, ilalapit na po natin sa ating mga OFWs iyong paghahanap ng solusyon at remedyo sa kanilang mga problema. Tulad po ng [unclear] functions ng POEA, idi-decentralize na po ito at ilalagay na po sa mga regional at provincial offices. Magkakaroon na po ng mga indicators diyan at maaari na pong magsampa ng mga recruitment violation cases iyong ating mga nabiktimang OFWs nang hindi na kinakailangang pumunta pa dito sa central office sa Maynila.

USEC. IGNACIO: Opo. Admin, isunod ko na rin po iyong tanong ng ating kasamahan sa media. Tanong po sa inyo ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Ano daw po iyong magiging timeline ng Department of Migrant Workers – Technical Working Group sa pag-craft ng staffing pattern and ito daw pong 2023 Budget para po sa DMW?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Opo. Alam ninyo po, iyong batas natin mayroon pong tinatawag na transitory provision iyon at ito pong batas na ito ay nagsasabi na kinakailangan within the period of 120 days from the effectivity of the DMW Act, iyong Republic Act 11641, dapat pong ipalabas na natin iyong staffing pattern ‘no.

February 3 po ng taon na ito, na-approve after publication iyong DMW Act kaya hanggang June 3 po kinakailangan ang transition committee, sa pangunguna ng ating DMW Secretary, ay kailangang magpalabas na ng staffing pattern.

Nakita na iyon pong IRR natin ay tapos na, nai-publish na, so, ang susunod pong trabaho diyan ay staffing pattern and then iyong paggagawa po ng budget para sa 2023 GAA. Napakaimportante po ng budget ng DMW dahil diyan po manggagaling iyong tatawagin nating ‘action’ fund na kung saan kukuha po tayo ng pondo para po sa itutulong natin sa mga OFWs po natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Sam Medenilla ng Business Mirror? Ano daw po iyong salient points ng new IRR para daw po sa creation nitong DMW at ano daw po iyong pagkakaiba nito sa unang IRR na nai-publish last April 4, 2022?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Halos pareho po iyong IRR noong una at pangalawa. Wala namang malaking pagbabago doon, mga minor details lang.  Ang pinakaimportante po kung nagawa ang IRR at nai-publish, ang importante po may aprubado nang IRR ang Malacañang.

Pinakaimportante po nito, iyong ating opisina na Office of the Administrator ay magiging Office of the DMW Secretary na. Ibig pong sabihin niyan, hindi na po siya isang attached agency ng Department of Labor and Employment kapag fully operational na po iyong ating DMW.

Magkakaroon po siya ng direct access sa ating mahal na Pangulo. Iyon po ang number na kaibahan po niyan dito sa umiiral na istraktura natin sa ating Global Labor and Governance Migration Office.

At pangalawa, iyon pong Office of the Secretary will be assisted by no less than four Undersecretaries at saka mga Assistant Secretaries na siya pong mag-i-implement ng ating DMW Act.

USEC. IGNACIO: Opo. Admin, paki linaw ninyo na rin po, hanggang kailan daw po mananatiling independent agency iyong mga ahensya na inaasahang kabilang daw po dito sa Department of Migrant Workers?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Iyon pong tinatawag nating second verse or consolidated agencies tulad po ng POEA, NLP, ILAB, at saka NRCO na mula po sa DOLE family at ang DSWD, ‘yun pong OWWA at saka iyong [unclear] DFA. Sila po ay mananatiling independent agencies hangga’t hindi po fully operational ang ating DMW, ayon po iyan sa instruction ng Executive Secretary, Office of Malacañang, at iyan ho iyong aming kasalukuyan pong ginagawa.

USEC. IGNACIO: Opo. Lilipat po ako ng topic, Admin. Pag-usapan din po natin iyong partially lifted deployment ban of OFW sa Ethiopia. Hanggang kailan daw po ito tatagal at aling areas daw po ang included dito?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Mayroon pong walo na areas po sa Ethiopia ang atin pong ili-lift, dahil po sa sulat ng ating DFA na iyong alert level sa mga nabanggit pong lugar na  dating Alert Level 4 ay ginawa nang Alert Level 2 po. At dahil ito po ay Alert Level 2, ibig pong sabihin nito ay papayagan na muli ng POEA ang deployment po ng ating mga workers doon sa bansang Ethiopia, doon sa eight regions na nandudoon po sa aming Governing Board Resolution. Kapag Alert Level 4 po kasi, may total deployment ban. Dahil gumanda na po ang sitwasyon ng security doon, ayon sa sulat po ng DFA, kaya po ibinaba po from Alert Level 4 to 2, kaya papayagan na po natin na mag-proseso ulit ng OEC iyong may mga existing employment contracts.

USEC. IGNACIO: Opo. Kunin ko na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan, partikular po sa ating mga OFWs. Go ahead po, Attorney.

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Muli, salamat po, Usec. Rocky, at para sa mga kababayan po nating nagnanais magtrabaho sa abroad, palagi po ninyong tatandaan, kunin lang po ninyo ang tamang impormasyon sa amin pong POEA database. At ang pinakaimportante po, iwasan po ninyong maging biktima ng illegal recruiters. Mayroon po tayong tinatawag na red flags, na kapag kayo po ay sinisingil agad ng tinatawag na placement fee na wala pa pong pinipirmahang employment contract, kayo po ay magduda-duda na, kasi, kayo po ay magiging biktima ng illegal recruiter.  Muli po, para po sa kapakanan ng ating mga OFWs, tayo po sa POEA ay laging handa. Marami pong salamat.

USEC. IGNACIO: Kami rin po ay nagpapasalamat sa inyong oras, POEA Administrator, Atty. Bernard Olalia. Mabuhay po kayo.

Bago matapos ang buwan, inaasahang aarangkada na ang pamamahagi ng second booster o fourth dose para sa mga nasa priority groups. Para pag-usapan ang guidelines ukol diyan, muli po nating makakasama si Dr. Nina Gloriani, ang chairperson ng Vaccine Expert Panel. Good morning po, Doc at welcome back po sa Laging Handa.

DR, GLORIANI: Yes, good morning, Usec. Rocky at sa inyong lahat. Sana matuloy.

USEC. IGNACIO: OO nga po. Doc, unahin ko na po itong tanong kung kailan daw po mailalabas ang recommendation ng Health Technology Assessment Council o HTAC dito daw po sa pamamahagi ng second booster dose o itong fourth dose?

DR, GLORIANI: Sa pagkakaalam ko po, Usec. Rocky, naka-route na ngayon sa office ng Secretary. So hinihintay na natin. Anytime soon, lalabas po iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong din po ng marami: Kung may target schedule po ba kung kailan sisimulan itong pamamahagi ng second booster?

DR, GLORIANI: As soon as lumabas po iyong HTAC recommendation at iyong napirmahan na ni Secretary Duque. Actually, ready na po iyong ating NVOC, iyong guidelines nila ay naiayos na at ma-employ na sa magpa-vaccines. So, any time after that, maaaring bukas. Basta soon, for those who are eligible.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito naman po iyong mga tinatanong din sa atin ano po. Ano daw po iyong kailangan dalhin ng mga eligible population na magpapa-second booster dose. Magbibigay din daw po ba ng booster card as proof na may second booster dose na?

DR, GLORIANI: Oo. Ang dapat nilang dalhin ay ang kanilang original vaccination cards ‘no, na naka-receive na sila ng primary series noong vaccination at iyong booster nila, iyong first booster; tapos, isang ID nila and then kung nasa A3 sila, medical certificate na sila ay immunocompromised nga at mayroong mga conditions that will allow them to be given the second dose.  So, iyon lang naman ang kailangan – iyong proof na nabakunahan na sila before at puwede na silang bigyan ng second dose.

USEC. IGNACIO: Doc Nina, ulitin lang po natin ‘no. Binanggit po ninyo, pagdating po dito sa A3, kailangan po magdala ng medical certificate? Kahit po nakatanggap na rin ng booster?

DR, GLORIANI: Iyon iyong nakasulat ngayon sa guidelines for the second dose ng mga individuals with comorbidities and immunocompromised state. Although ang alam ko, iyong may mga chronic na mga diseases, like iyong diabetes, maaaring puwede rin. So, lalabas din iyong guidelines.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Nina, pagdating po naman dito sa brand ng second booster na ibibigay, dapat po ba raw na kapareho pa rin ng first booster o nakadepende rin po ito sa brand na available sa vaccination site? Paano daw po iyong magiging sistema?

DR, GLORIANI: Hindi kailangang pareho doon sa dati, doon sa first dose. So, kung ano iyong available sa LGU o doon sa vaccination sites, iyon ang ating ibibigay. So, actually we prefer iyong heterologous sana na booster, kasi alam natin na ang data doon ay mas maganda ang proteksiyon na naibibigay noong heterologous.

USEC. IGNACIO: Ah, okay po. Pero ito raw pong Janssen vaccine, kung puwede na rin po ba itong gamitin bilang booster? At kung puwede, ano raw po iyong brand ng primary series na puwede raw po sa Janssen as booster?

DR, GLORIANI: Medyo may specification ang Janssen, kasi nahuli iyan sila. Kasi ang Janssen, applied for only one dose as primary. So, ito sorry ha, actually [unclear] for implementation itong nasa akin pa. Ang kaniyang primary ay Janssen, so sana iyong second niya ay homologous. Pero puwede ring heterologous, iyong iba, whatever is available at walang contraindication iyong ating mga mababakunahan. So, iyon, ang mayroon kung magsi-second dose. Actually matagal ko na ring sinasabi na sana may second dose ang Janssen, tapos may booster at may second booster. Pero iyon, because it’s only one, so booster iyan, pero mayroon siya dapat additional dose na homologous, pero puwede ring heterologous. Iyon ang ating nasa [unclear].

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc, kung kayo po ang tatanungin: Pabor po ba kayo na hindi maituturing na fully vaccinated iyong mga individual na walang booster dose?

DR, GLORIANI: Iyong mga pag-aaral actually, iyong galing sa WHO, that certain selected vaccine, ang efficacy ay nakita na medyo mababa. Sana ang tatlo ang doses actually ng primary series. So, kung para sa akin – personally po ito ha, baka maunahan – I would prefer na three doses sana iyong primary and then a booster dose doon sa mga bakuna who have data na medyo mababa ang efficacy niya.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Nina, bigyang-daan ko lang po iyong tanong ng ating kasamahan sa media. May tanong po sa inyo si Red Mendoza ng Manila Times: Ngayon daw pong naaprubahan na po itong second booster sa mga high-risk groups, inaasahan na rin po ba iyong pag-aaral at pag-apruba sa second booster naman para sa ibang may comorbidity at mga healthy individuals?

DR, GLORIANI: Well, actually iyong sa generally healthy medyo, well, pinag-aaralan, pero baka malayo-layo pa. Iyong sa may chronic comorbidities, mga chronic medical conditions, actually, mayroon kaming ganoong rekomendasyon pero hindi ko lang alam kung naisama doon sa magiging final guidelines ng DOH. Mayroon kaming ganoong rekomendasyon. Younger than [unclear].

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Mark Fetalco ng PTV: Para raw po sa mga batang magbabalik-face-to-face classes at sa harap ng waning immunity ng COVID vaccines, napag-uusapan na raw po ba kung kailan maaaring simulan iyong pagtuturok ng booster shots sa pediatric population? Ano po ang update ng experts hinggil dito?

DR, GLORIANI: Okay. Actually, may rekomendasyon na rin kaming sinabmit sa FDA. Kaya lang nasa HTAC pa ulit iyong ating final decision and recommendation especially iyong 12 to 17. Wala pa po talaga for the five to eleven, pero 12 to 17 mayroon na po kaming rekomendasyon, waiting na rin po noong pag-aaral pa na additional ng ating HTAC.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyon pong rekomendasyon ninyo dito sa 12 to 17?  Ano po iyon, Doc?

DR, GLORIANI: Na bibigyan sila ng booster doses. First booster, iyon ang ibig kong sabihin,  iyong una.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Red Mendoza pa rin ng Manila Times: Sa tingin po ba ng VEP ay maaaring maaprubahan sa Pilipinas, iyon daw pong dini-develop na mga bakuna na reformulated na kung saan kasama daw po iyong mga variants of concern?

DR, GLORIANI: Yes, yes. Actually, we have been monitoring that ‘no. Iyong mga unang lumabas na data, pareho lang iyong effect noong reformulated o iyong may variant. Pero may lumabas recently, pero press release lang po ito ‘no ng Moderna, mayroon sila iyong tinatawag na bivalent vaccine – ibig sabihin ano ang kasama doon – iyong unang strain, iyong Wuhan plus nilagyan nila ng beta variant. Doon mayroon silang magandang resulta—sabi nila ‘no, although hindi pa namin nakikita iyong details na iyon, maganda ang resulta tapos iyong effect/protection against the variants. So ang laman nito, Wuhan plus Beta pero ang effect niya ay maganda, iyong protection against Beta, Delta and Omicron.

So tingnan natin, wala pa po kasi iyong technical details and then they are on track na yata rin, iyong Wuhan plus Omicron. So iyon ‘yung wala pa iyong sinasabi even sa press release, iyong Beta mayroon na. So maganda daw ang resulta ‘di titingnan natin, we’ll open the path kasi talagang medyo iba si COVID, si SARS CoV2 ‘no. So we really have to monitor and consider kung ano iyong mas makakabuti para makabili ng [unclear].

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, base na rin po sa WHO, posible daw pong makaranas uli tayo ng COVID surge by mid-May kung hindi susundin itong minimum health protocols. Sa bahagi ng vaccination rollout naman, ano po iyong puwede pang gawin para po maiwasan ang surge? Are we still on track daw po pagdating sa vaccination rollout?

DR, GLORIANI: Iyon kasing vaccination natin, medyo nahihirapan tayo doon sa last ano, itong last leg kumbaga. Iyong una mas madaling i-rollout iyon ‘no pero that is true for any vaccine. Iyon hong problema gusto po sanang maka-90% or even higher than that… medyo mahirap iyan. But the government is trying its best para ma-reach natin iyong ating goal, medyo mahirap ‘no pero we have to really, really try very hard na suyurin iyong mga hindi pa nababakunahan.

Importante iyan dito sa mga variants na dumadating at sinasabi natin paulit-ulit, hindi pa tayo ‘off the hook’ sinasabi nga ‘no. Marami pang mga bansa na tumataas ang kaso, nandiyan lang, malapit lang sa atin ‘no although medyo bumababa na rin sila pero nandiyan pa iyong threat. At kung mag-i-emerge pa, may bago pang variant, makakatulong iyong ating booster doses especially.

But of course, you have to take the primary muna bago iyong first dose – very clear na iyong first dose [ay] magandang, maganda ang proteksiyon at iyong fourth dose ay makakatulong pa rin dito sa surge, but of course ang minimum public health protocols.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero masasabi po ba natin na posible talagang makatulong sakali agad itong masimulan ang pamamahagi ng second booster sa mga susunod na araw para po mapigilan itong surge?

DR, GLORIANI: Yes. Actually ‘pag nagbigay tayo ng booster, in a few days, usually mga five hanggang seven days – mahaba na iyong seven days – in fact with some people, mga two/three days lang, babalik agad iyong kanilang neutralizing antibodies ‘no. So makakatulong iyon sa pagtaas ng proteksiyon against any possible… iyong exposure o iyong surge.

So importante na timely din ang ating action ‘no para hindi nahuhuli at mai-expose iyong ating mga kababayan. So importante po iyon na makakuha. Pero mayroon tayong ano ‘no, ang interval ay dapat four months after the first booster or after the third dose, at least four months para naman mas maganda iyong ating response. Pero as soon as possible.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Nina, kunin ko na lamang po iyong mensahe sa ating mga kababayan partikular po doon sa, naku, may agam-agam pa rin po sa pagbabakuna. Go ahead po, Doc Nina.

DR, GLORIANI: Paulit-ulit lang namin na iyong mga hindi pa talaga nababakunahan – prayoridad po kayo – kayo talaga lalo iyong mga seniors natin kasi kayo ‘yung maoospital, kayo ‘yung mas grabe [ang] magiging COVID kung sakali ‘no. [Sa] COVID na dumadating, mayroon tayo ngayong mga bagong information na itong BA.2 ay mas iba, hindi siya kasing-mild noong BA.1.  So, we have to consider all those new data ngayon.

So, after makakuha ng complete dose, iyong primary dose, magpa-booster po kayo kasi paulit-ulit ko na ring sinasabi – malinaw na malinaw ang data na makakatulong nang malaki iyong third dose at doon sa nagwi-wane ang immunity. ‘Ayan, kaya mayroon po tayong mga priority groups na bibigyan noong second booster ay iyong fourth dose naman po after four months from the third dose.

So huwag ninyo pong kalilimutan ang minimum public health precautions pa rin, huwag ninyong iiwanan—huwag itatapon ang inyong mga mask at tuloy pa rin ang iwas natin sa maraming tao o doon sa mga hindi natin kakilala. So, tuloy pa rin po ang ating [unclear]. Thank you.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Dr. Nina Gloriani, ang Chairperson ng Vaccine Expert Panel. Stay safe po. Maraming salamat po, Doc.

DR, GLORIANI: Thank you, Usec.

USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman po tayo sa pinakahuling pangyayari sa iba’t ibang mga lalawigan. Puntahan po natin si Al Corpuz ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Babalikan po natin si Al Corpuz ng PBS-Radyo Pilipinas.

Tourist Police Unit ng Baguio City, patuloy po ang pagsasakatuparan sa pagtulong sa mas maraming kapus-palad sa ilalim ng kanilang “Kapwa Ko, Sagot Ko” program. Ang detalye, sa report ni Eddie Carta ng PTV Cordillera:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)