USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Ngayon po ay Huwebes, a-otso ng Abril, muli natin himayin ang mga hakbang ng pamahalaan para malampasan ng bansa ang tumitinding epekto ng COVID-19 kabilang na dito ang tuluy-tuloy na pagpapabakuna sa mga prayoridad na sektor at ang pamamahagi ng ayuda sa mga nangangailangan.
Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Umpisahan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Makakasama natin ngayong araw sa programa sina FDA Director General Usec. Eric Domingo; at si Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Kung mayroon po kayong katanungan, mag-comment lamang sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook at YouTube account.
Nasa maayos na kalagayan at kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte, ito po ang tiniyak ng Malacañang sa harap ng ulat na nagpositibo sa COVID-19 ang ilang tauhan ng Presidential Security Group. Sa katunayan, sa inilabas na mga litrato ni Senator Christopher “Bong” Go, tuluy-tuloy sa pagtatrabaho ang Punong Ehekutibo. Ang detalye mula kay Mela Lesmoras:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Sa isang pahayag kanina lamang po, iniulat ni Senator Bong Go na negatibo sa COVID-19 si Pangulong Rodrigo Duterte, ito po ay base sa kaniyang swab test nitong Holy Week.
Napanatili naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mataas na approval and trust rating sa harap ng pagsisikap ng kaniyang administrasyon na labanan ang COVID-19 pandemic. Base sa survey ng PUBLiCUS Asia nakamit ng Pangulo ang 64.886 percent na total approval ratings ngayong first quarter ng taon. Kasunod naman niya sa ranking sina Senate President Vicente Sotto III, Vice President Leni Robredo, ang kariretiro lamang na si dating Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta at House Speaker Lord Allan Velasco.
Pagdating naman sa total high trust ratings, nangunguna pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte ayon sa PUBLiCUS Asia. Ginawa ang survey noong March 20 hanggang March 29 sa buong bansa na may 1,500 respondents mula sa isang online research panel.
Sa iba pang balita, pamamahagi ng ECQ ayuda dapat siguraduhing maayos at walang bahid ng pulitika o korapsiyon ayon kay Senator Bong Go. Dapat din aniya na maipamahagi ito sa bawat kuwalipikadong Pilipino sa lalong madaling panahon. Narito ang detalye:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Kagabi lang po ay inaprubahan na ng FDA ang rekomendasyon ng Vaccine Expert Panel na gamitin ang CoronaVac sa mga senior citizen. Bukod diyan, sinimulan na ring iproseso ng ahensiya ang product registration ng anti-parasitic drug na Ivermectin sa gitna po ng kaliwa’t kanang diskusyon kaugnay sa safety nito.
At para bigyan tayo ng detalye sa mga isyung ito, panauhin muli natin sa programa si FDA Director General Usec. Eric Domingo. Good morning po, Usec.
FDA USEC. DOMINGO: Good morning, Usec. Rocky. Magandang umaga po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., unahin ko na po itong tanong ng ating mga kasamahan sa media, ano po, tungkol sa CoronaVac. Mula po kay Carolyn Bonquin ng CNN Philippines: Puwede po ba raw na i-further expound pa ang basis doon sa pagpayag na maibigay ang Sinovac sa senior citizens; at ano raw po ang naging basis para sabihing ito po ay safe and effective para po sa mga taong nagkaka-edad 60 pataas?
FDA USEC. DOMINGO: Opo. Iyon kasing Sinovac, iyong una po ay ni-limit natin sa 59 and below. Pero actually, mayroon pong mahigit 700 na mga healthcare workers na 60 and above na nagpabakuna po ng Sinovac by signing a waiver sa kanilang mga ospital. At noong tiningnan po natin iyong datos ay iyong kanila pong mga adverse events naman ay within the usual na limits po ng adverse events na nakikita sa ating mga bakuna.
At the same time, ni-request po sa atin ng DOH na rebisahin nga ang paggamit nito sa senior citizen kasi nga nangangailangan tayo ngayon ng bakuna dahil wala naman pong ibang available na bakuna sa Pilipinas at medyo mataas ang transmission rate ngayon lalo na po dito sa NCR bubble.
Kaya noong tiningnan po natin lahat iyon, nakita natin na iyong Phase 1 and 2 data ng safety naman po ay maganda. Iyon pong kanilang tinatawag na zero conversion rate ng senior citizens ay mataas. Bagama’t hindi pa natin mapiho eksakto kung ano ang efficacy rate niya sa senior citizen 60 and above, nakita natin doon sa early reports na baka po it is around mga 51 to 52 percent at the least.
Kaya po noong tiningnan natin lahat ng ito at iyong pangangailangan ng ating bansa na protektahan ang mga senior citizen ay binigyan na po natin ng go signal – ng FDA, ang DOH – na gamitin ang bakuna na ito sa mga senior citizen knowing that the benefit outweighs the risk when it comes to the actual situation right now dito po sa ating bansa.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ang susunod po niyang tanong, ano raw po specifically ang laman ng new document na pinasa ng VEP para po sa review ng paggamit ng Sinovac for senior citizens?
FDA DG DOMINGO: Well sa VEP po, pinakita nila nga iyong data na ni-review nila sa phase 1 and phase 2, pagkatapos iyong limited data ng phase 3 trial at iyong mga reports ng mga paggamit po ng Sinovac sa ibang bansa na mga 60 and above. And all of these were taken into consideration including of course iyon ngang actual situation natin ngayon na masyadong mataas ang transmission rate dito sa ating bansa.
USEC. IGNACIO: Opo. Huli pong tanong ni Carolyn Bonquin: Kung sapat po ba iyong supply ng AstraZeneca o ibang bakuna sa bansa? Ia-approve pa rin po ba daw ng FDA ang Sinovac for the elderly?
FDA DG DOMINGO: Well, ang maganda po kasi talaga sa Emergency Use Authorization ay continuously nari-revise natin ‘to ‘no. Kamukha nito nagkaroon na tayo ng data sa paggamit nito sa mga senior citizen natin na health care worker, kaya alam naman natin na safe na siyang gamitin ng mga senior citizen natin basta na-screen sila nang tama. At kapag nakita naman po natin sa ating actual na real world na experience sa Pilipinas na maganda siya, ang safety at efficacy, then it doesn’t mean na babalik siya doon sa dati niyang 18 to 59 years old kapag nagkaroon na ng ibang bakuna. So it really depends on the data that we continue on getting about the vaccine, not only doon sa paggamit natin dito kundi sa paggamit din sa ibang bansa.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Leila Salaverria ng Inquirer: Which factors po would exclude senior citizen from taking the Sinovac vaccine?
FDA DG DOMINGO: Well katulad po ng ibang mga sakit, iyong talagang kung mayroon kang acute illness, ang gusto rin po nating bantayan iyong mga may high blood kung talagang uncontrolled hypertension halimbawa or mayroon kang hypertensive emergency, hindi po kayo puwedeng bakunahan. Kung mayroon po talagang malubhang sakit, hindi po maaari iyan. So titingnan naman po kayo during the actual vaccination. During the actual vaccination, ang DOH po ay gagawa ng guidelines kung paano po iyong screening ng mababakunahan.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman kay Aiko Miguel ng UNTV: Ano po iyong percentage ng benefits versus risks na gamitin ang Sinovac for senior citizens?
FDA DG DOMINGO: Well, talagang malaki po kasi iyong risk for senior citizen dahil talagang sa ngayon alam natin na iyong senior citizen, 60 and above napakalaki po ng percentage na namamatay sa kanila kapag sila ay nagkaroon ng COVID-19. And at the same time nakita naman po natin na iyong adverse events following immunization sa senior citizens ng vaccine ng Sinovac ay mababa lamang at within acceptable levels. So in this case masasabi po natin ‘no, wala naman po tayong numerong maibibigay pero masasabi natin na iyon pong benefit outweighs the risk dahil sa COVID-19 po ay maraming namamatay na senior citizen pero doon po sa bakuna ay wala at napuprotektahan po sila.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Aiko Miguel: Nakaatang po ba iyong choice ngayon sa senior citizens na magpabakuna and take the risk kung may possible complication at hindi mahawa ng COVID-19 or hindi po magbakuna pero mahawa po sa COVID-19?
FDA DG DOMINGO: Of course Usec. Rocky, wala namang nagbago doon. Ang pagbabakuna will only be done kung mayroon pong full informed consent ng taong babakunahan. Kailangan po sumang-ayon siya at gusto niyang magpabakuna bago po siya bakunahan.
USEC. IGNACIO: Opo. May hihingin po ba daw na waiver sa pasyente na kapag hindi naging effective ang bakuna ay walang pananagutan ang nag-administer po nito at ano daw po iyong kaibahan nito sa paggamit ng Ivermectin lalo na’t maraming nagpapatotoo na nakatulong sa kanila ang Ivermectin?
FDA DG DOMINGO: Ah, well iyong informed consent po nakalagay na po lahat doon, sasabihin sa inyo ang mga possible positive benefits at saka ang mga possible negative na mangyayari at magdi-decide po kayo kung magpapabakuna kayo o hindi. Iyon lamang naman po ang pinipirmahan natin kapag nagpabakuna tayo, informed consent, wala naman pong ibang dokumento.
Iyon pong Ivermectin, hindi po siya bakuna. Ang bakuna po ay ginagamit para mag-build ng antibodies sa katawan and to combat kung mayroong possible na infection in the future. Iyong Ivermectin po is an investigational product na panggamot po ng Ivermectin[sic]. So gamot po siya, hindi po siya bakuna kaya magkaiba po iyong kaniyang gamit.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong ni Melo Acuña ng Asia Pacific Daily: Kasama po ba daw sa indemnification ang Sinovac?
FDA DG DOMINGO: Opo, kasama po ang lahat ng COVID-19 vaccines sa indemnification po na nakalagay sa ating batas.
USEC. IGNACIO: Opo. From Red Mendoza ng Manila Times: May mga binabalitang issue po tungkol sa mga namatay daw sa bakunang Sinovac ayon sa isa sa kanilang kolumnista. Ano po ang reaksiyon ninyo dito sa mga alegasyon na ito?
FDA DG DOMINGO: Lahat naman po ‘no ng mga adverse events kapag severe ay tinitingnan po iyan ng ating National Adverse Events Following Immunization Committee at tinitingnan kung mayroon pong connection iyong adverse event doon sa bakuna, direct na connection or coincidental or kung anuman po ‘no. So iyan naman po ay niri-report po natin, gagawa po ng monthly report ang ating NAEFIC para po ma-explain ang mga kaganapan.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman kay Llanesca Panti ng GMA News Online: Ano po ba iyong sapat na efficacy rate ng isang bakuna para masabi ng FDA na kaya nitong maprotektahan ang senior citizens sa severe COVID-19 o base po sa FDA evaluation, ano daw po iyong efficacy rate ng Sinovac sa seniors?
FDA DG DOMINGO: Ang WHO po, ang ating sini-set ay 50% ‘no, so 50% or better. Doon po sa mga maliliit na study, doon sa study ng Sinovac na ginawa sa Brazil, mayroon pong senior citizen doon na mga apat na raan ‘no at ang nakita po nila na estimate na efficacy rate niya is about 51 to 52 percent. Kaya lang nga po medyo maliit pa iyong study na iyon ‘no so hindi pa natin maitukoy kung mas mataas pa doon iyong actual efficacy rate niya. Pero doon sa level po ng mga 50%, iyon po ay acceptable na po sa WHO standards.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman kay Cedric Castillo ng GMA News: Ngayong established na po ang link at kinukonsidiera na daw po iyong rare side effect ng AstraZeneca, ang mga kaso ng blood clotting [garbled] sa pag-administer po nito tulad ng partial suspension at ano po iyong abiso natin sa publiko na maaaring magkaroon daw po ng agam-agam sa AstraZeneca?
FDA DG DOMINGO: So ito po actually nakipag-usap na rin po ako sa DOH ‘no, iyon nga po ang nakita ng European Medicines Agency ay mayroong very, very rare ‘no, kasi out of 200 million na mga nabakunahan ng AstraZeneca, mayroon pong parang mga 16 cases na tinitingnan nila na possible connected nga po noong blood clotting saka iyong pagbaba po ng platelet. Tsinek ko po sa ating National Adverse Events Following Immunization Committee, wala naman daw po tayong kaso nari-report na ganito, na pagbaba ng platelet at saka po thrombosis dito sa atin.
Iyon nga po, nakikita ito usually daw sa mga kababaihan na less than 60 years old. So we asked DOH na kung mayroon pa pong natitirang AstraZeneca vaccines, siguro ay huwag muna nating gamitin sa mga people below 60 years old until we get clearer evidence at saka clearer guidance from WHO saka sa atin pong mga expert. Actually wala na po tayong AstraZeneca vaccine at this time dahil talagang naubos na po natin ito, may pailan-ilan na lamang daw at ang susunod natin na ini-expect ay baka sa isang buwan pa ‘no, within one month pa. So that will give us time to study the evidence and to see kung magkakaroon po tayo ng panibagong guidance sa paggamit ng AstraZeneca vaccine.
USEC. IGNACIO: Kaugnay naman daw po sa Johnson and Johnson vaccine, ano na daw po iyong estado ng aplikasyon nila?
FDA DG DOMINGO: Usec. Rocky, nagpa-submit na sila ng mga requirements nila. Iyong ating Vaccine Expert Panel ay magmi-meet, kung hindi ako nagkakamali po ngayon or bukas, to discuss iyong kanilang buong findings doon sa mga sinubmit nila and hopefully by next week po siguro magbibigay na sila ng rekomendasyon sa amin.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kasi may kinalaman dito iyong tanong ni Llanesca Panti ng GMA News Online ano po: Kumusta daw po iyong EUA ng Sinopharm? Nag-aalangan daw po kasi na ang Sinopharm, totoo ba ito, na ipagpatuloy ang pagpasok ng bakuna sa Pilipinas dahil sa ‘di umano’y bentahan ng pekeng Sinopharm vaccines dito sa atin? Totoo ba daw po ito at ano rin po iyong ginagawang aksiyon sa umano’y bentahan ng fake vaccines kung mayroon man po?
FDA DG DOMINGO: Well ang atin pong enforcement unit pati po ang PNP talaga pong nagbabantay niyan ano. Iyong sinasabi nga namin sa ating mga kababayan, kapag may nakita po kayong nag-aalok sa inyo ng vaccine—sabi nga namin sa ating mga kababayan, kapag may nakita po kayong nag-a-alok sa inyo ng vaccine, eh talaga wala pong maibibentang vaccine outside of the government system. Talagang fake po iyan at saka hindi po ninyo alam kung saan nanggaling iyan. Huwag na huwag po kayong bibili at i-report lang po ninyo sa amin.
Iyon po kasing applicants ng Sinopharm, as of now may dalawa pong sumulat, hiningian naman din natin sila ng mga requirements pero hindi pa po sila sumasagot at hindi nagsa-submit ng requirements. So technically, wala pong Sinopharm na application that is under evaluation dito po sa FDA.
USEC. IGNACIO: Usec., may guidelines po ba kayong ipinalabas o ang FDA ukol sa paggamit ng Asian Chinese medical drug na Lianhua-Qingwen? Nagbigay po kasi ng linaw ang isang Chinese medicine expert kaugnay sa tamang pag-prescribe po nito.
FDA DG DOMINGO: Ang FDA po ay hindi naglalabas ng guidelines po dito, pero approved po ito na gamot, it’s a traditional Chinese medicine for mga lung ailment at saka mga general body… iyon pong mga paglalagnat ganiyan at iyon pong doktor—prescription drug po ito so kapag nireseta po ng doktor, iyong doktor po ang magbibigay ng guide sa pasyente kung paano po ito iinuman.
USEC. IGNACIO: Usec., dahil daw po sa mga umano’y iregularidad at mga kuwestiyunableng desisyon daw po ng FDA, may mga nagsasabi raw po na dapat magbitiw na raw po kayo sa puwesto bilang Director General ng FDA ano po. Pero ano po ang masasabi ninyo dito?
FDA DG DOMINGO: Well, ako naman po sumusunod lang ako sa mga proseso ng FDA. Siguro po may mga iba hindi sila natutuwa sa ating mga desisyon pero based naman po tayo on processes at saka scientific evidence, hindi po kasi puwedeng madaliin ang mga bagay-bagay kung hindi po kumpleto ang pinagdaanan na proseso, hindi po kumpleto iyong mga dokumento na sinubmit sa atin. Ginagawa lang naman po natin iyong ating trabaho at kung mayroon pong hindi natutuwa—basta naman po ang pangako lang namin sa FDA basta po sundin natin ang proseso lahat po ay gagawin namin at ipa-process namin lahat.
USEC. IGNACIO: Usec., pasensiya na may pahabol na tanong si Leila Salaverria sa iyo ano po: May we get daw po an evaluation on the compassionate use permit application for Ivermectin?
FDA DG DOMINGO: Mayroon na po kaming na-grant dahil nga po ang Ivermectin ay isang investigational product na alam naman natin may mga clinical trials ongoing dito para gamitin against COVID-19. So ang pagkakalaam ko po, may isang ospital sa amin na nag-apply ng compassionate special permit for the use of Ivermectin at ito po ay na-grant na ngayong araw na ito.
Mayroon na rin po kaming dalawang application for certificate of product registration. So, binigyan na rin po sila ng mga listahan ng kanilang mga requirements na kailangang i-submit para o umandar iyong kanilang application at ma-evaluate.
So nakakatuwa naman po, ito lamang po ang lagi aming sinasabi ng FDA, hindi po kami kontra sa Ivermectin, pero kailangan po irehistro iyong produkto at dumaan lamang po sa tamang proseso ng pagsiguro po ng quality ng gamot na makakarating sa tao.
USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat sa iyong pagbibigay ng linaw sa mga isyu ano po, FDA Director General Eric Domingo. Ingat po kayo, Doc.!
FDA DG DOMINGO: Maraming salamat Usec. Rocky, ingat po tayong lahat!
USEC. IGNACIO: Samantala, upang maibsan ang tumitinding hamon ng COVID-19 sa healthcare system ng NCR Plus, dumating na po sa Metro Manila ang 50 healthcare workers muna sa Cebu City, binubuo ito ng mga doktor, medtech at nurses na inaasahang tutulong sa krisis a NCR Plus Bubble sa loob ng tatlong buwan. Narito po ang detalye:
(NEWS REPORTING)
USEC. IGNACIO: Kami po ay talagang sumasaludo sa ating mga frontliners sa buong bansa.
Samantala, nasa dalawang libong beneficiary sa Mandaluyong City po ang target na mabigyan ng cash assistance mula sa national government ngayong araw, kabilang dito ang low income individuals at persons with disability. Si Louisa Erispe sa detalye:
(NEWS REPORTING)
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Louisa Erispe. Louisa, ingat kayo ha.
Samantala, umarangkada na rin ang Valenzuela sa pamamahagi ng financial assistance mula sa national government sa mahigit isandaan at limampung libong residente nito. Para naman masunod ang physical distancing, nagpatupad ng istratehiya ang lungsod para matiyak na magiging organisado at hindi dadagsa ang mga benepisyaryo. Ang report mula kay Naomi Tiburcio. Naomi?
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Naomi Tiburcio. Naomi, ingat kayo ng team mo ha!
Samantala, para naman po alamin ang istratehiya ng Quezon City sa pagharap sa tumataas na kaso ng COVID-19 at update sa pamamahagi ng ayuda para sa mga apektadong residente, makakausap po natin si Quezon City Mayor Joy Belmonte. Good morning, Mayor.
QC MAYOR BELMONTE: Good morning, Rocky. At good morning po sa lahat ng ating mga nakikinig.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, kumusta na po kayo? Pang-ilang araw na po, kayo po ba ay ano na, okay na po ba, kayo ba ay naka-quarantine pa?
QC MAYOR BELMONTE: Ako po ay iri-release na po today. Discharge date ko na po ngayong hapong ito.
USEC. IGNACIO: Opo, salamat naman po. Sa ikalawang pagkakataon po, Mayor, ng pagkakaroon ng COVID-19, may mga pagbabago po ba kayong naramdaman?
QC MAYOR BELMONTE: Well, una po, Usec., noong una kong sakit ay wala akong sintomas at all – asymptomatic – kung kaya’t hindi rin ako nakapag-develop ng antibodies which is the reason tingin ko kung bakit ako nagkasakit ulit.
Ito namang second time, mayroon na akong symptoms kaya umaasa ako na sana may antibodies na kaakibat ito. And sa awa naman ng Diyos ay sandali lang naman ang symptoms, at pagkaraan ng ilang araw ay okay na rin ako. Kaya after even less than two weeks, I think this is only my 12th day, ay dineclare [declared] na akong recovered ng ating mga doktor.
USEC. IGNACIO: Opo. Pinapayagan na po, Mayor, ngayon iyong magpabakuna ang mga alkalde, ano po. Kayo po, Mayor, kailan ninyo balak magpabakuna upang maproteksiyunan po kayo sa sakit dahil alam po natin na talagang abala rin kayo, talagang nag-iikot pa rin po kayo?
QC MAYOR BELMONTE: Opo, siguro po sa lalong madaling panahon kung tayo po ay bigyan ng clearance ng ating doktor. Alam ko, mayroong ilang palugit na araw bago ka puwedeng magpabakuna pagkatapos mong gumaling sa COVID. Pero papakinggan ko na lang po ang payo at abiso ng akin pong mga doktor. Pero siyempre nais ko rin pong magpabakuna dahil kailangan pong maproteksiyunan dahil madalas po akong nasa baba eh at umiikot po sa ating mga komunidad.
USEC. IGNACIO: Opo, totoo po iyan, Mayor, ano po. Nitong nakaraang araw po ay pansamantala munang natigil iyong pagbabakuna sa ating mga senior citizens sa Quezon City dahil paubos na po iyong supply ng AstraZeneca vaccine. So ano po ang masasabi ninyo na kagabi po ay inaprubahan na ng FDA iyong paggamit ng Sinovac sa mga senior citizen?
QC MAYOR BELMONTE: Well, malaking tulong po iyan sapagka’t maraming-marami sa mga senior citizens natin ay talagang interesadong magpabakuna. At sayang naman ang kanilang interes at lalo na’t tayo talaga ay nagkaroon ng proactive campaign para hikayatin ang lahat magpabakuna, at ngayon naman ay willing na sila; malungkot kung hindi naman sila puwedeng mapabakunahan, na nadi-disappoint lang po sila. Kung kaya’t we welcome very much iyong announcement kagabi ng atin pong Kagawaran ng Kalusugan na papayagan na pong magpabakuna ang ating mga senior citizens ng Sinovac, na safe po ito at tingin nila ay puwede pong gamitin sa ating mga seniors.
Tingin ko ay malaking tulong ito, at alam ko ngayon pa lang kahit na hindi pa po tayo nabigyan ng go signal ng DOH dahil mayroon pa silang kina-craft na guidelines ay mahaba na po ang pila ng mga seniors natin na nag-aabang para mapabakunahan ng Sinovac.
USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po si Tina Panganiban-Perez ng GMA News: Kailan po magsisimula sa Quezon City iyong pag-vaccinate sa ating mga seniors?
QC MAYOR BELMONTE: Dapat sana today na kami magsisimula, Usec. ‘no. Kaya lang nga sinabi nga ng DOH na kailangan pa nilang mag-release ng guidelines. So tayo naman po ay masunurin at hinihintay lang po natin ma-release ang guidelines na ito dahil ayaw po nating magkamali. At as soon as these guidelines have been released, puwede na po tayong magsimulang magpabakuna. Actually, reding-ready na po ang Lungsod Quezon.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero so far po, kumusta po iyong vaccine rollout ng lungsod? Nahikayat ba lalo iyong ating mga taga-Quezon City na magpabakuna dahil po, naku, grabe po iyong surge ng mga kaso, Mayor?
QC MAYOR BELMONTE: As of now po, Usec., we have already documented 67,286 na mga taga-Quezon City na nagpabakuna na, I think that’s quite a good number. At kapag bumisita po tayo sa ating mga vaccination sites na dumoble na po from six noong first week naging 12 na po tayo ngayon, at ready na po tayong mag-rollout in more vaccination sites by the weekend. Tingin ko dadami pa at dadami pa ang magpapabakuna lalo na’t ang mga seniors ay papayagan nang magpabakuna.
So, I’m quite confident na nagiging matagumpay po ang vaccination program dito po sa Lungsod Quezon.
USEC. IGNACIO: Opo. Nakatanggap po ang Quezon City ng nasa 2.4 billion pesos, tama po ba ito, na cash assistance program ngayong ECQ? Gaano na po karami ang nakatatanggap ng ayuda? At kailan ninyo po target matapos iyong pamamahagi ng ECQ ayuda?
QC MAYOR BELMONTE: Opo. Ang Quezon City po ang pinakamaraming natanggap na pondo mula sa national government. This is 2.48 billion which is good for 2.48 million beneficiaries ‘no, kung tig-wa-one thousand ‘no. Tapos pag-usapan ng pamilya, siguro 800,000 families minimum ang makakatanggap ng ayuda ‘no, at napakalaking tulong nito. Tingin ko this will cover all of the families that are belonging to the low-income bracket here in our city, maging iyong mga vulnerable sectors. Tingin ko ay makakatulong itong pondong ito para sa kanilang lahat.
Ang pinaka-challenge sa atin, Usec., is the fact that our city is 25% of Metro Manila; ang mga taong kailangang tumanggap ng ayuda ay napakarami kumpara sa ibang mga lungsod. Ngunit ang deadline po na binigay sa amin ng national government ay pare-parehas lang po kaming lahat ‘no.
At ngayon, dahil dito ay siyempre lahat ginagawa ko para makapag-comply dahil ayaw ko naman baka kakasuhan na naman kami o ano. Ayaw ko naman na malagay sa ganoong sitwasyon kaya’t lahat ng kaya kong gawin ay ginagawa ko para maka-comply.
Pero siyempre ang nagiging problema natin dito, Usec., ay paano tayo magmi-maintain nang maayos na social distancing at paano natin mami-maintain iyong minimum health standards kung minamadali naman tayong tapusin itong pagbibigay-ayuda sa loob ng 15 days na hindi iniisip na ang size at ang scope at ang laki ng lungsod ay iba doon sa ibang mga lungsod ‘no. Sana i-consider ito ng national government, iyan lang po ang aking apela ‘no.
Kasi ayoko pong magkasakit ang mga tao at lalung-lalo na ang Quezon City, mataas ang bilang ng COVID, ayokong maging super spreader event ang pagbibigay natin ng ayuda sapagkat ang ayuda ay dapat mapunta sa pagkain at iba pang batayang pangangailangan ng isang pamilya. Hindi po dapat mapunta sa pag-oospital ng mga mamamayan namin ‘no.
So this is our main challenge at the moment. But having said that, Usec. Rocky, we tried our best like last week—I mean, yesterday nakapagbigay tayo sa 41,082 families so medyo madami na nga iyon and then today our target is 74,000 families. Yesterday we already helped 40 barangays, today 39 barangay naman po ang target natin at bagama’t may mga ilang barangay na talagang nahirapan kaming i-control ang crowd dahil ang mga tao iniisip nila first come-first served. At gumawa na kami ng sistema sa pamamagitan ng ating mga barangay captains ng pagbibigay rin ng stub ‘no.
So we are trying to limit the number of people that will receive ayuda per day to 2,000 at itong 2,000 na ito iba-ibang oras pa ang nakasulat o kaya iba-ibang lugar ‘no. Kunwari by purok o kaya by last name o kaya by street ‘no para hindi sabay-sabay o hindi nagkukumpulan.
Pero hindi naiiwasan iyong mga tao sabik na sabik na ring makatanggap ng ayuda so kahit wala silang stub ay pumupunta pa rin sila, pumipila at kailangan natin ipaalala sa kanila na huwag silang mag-alala sapagkat basta’t nandoon sila sa original SAP list at sa SAP waitlist at sila po ay kabilang sa mga low income families, sila naman po talaga ay makakatanggap ng ayuda.
At kung wala man po sila sa listahan, mayroon po tayong grievance committee or appeal committee kung saan puwede nilang ilista ang kani-kanilang mga pangalan at puwede po natin silang bigyan ng tulong at ayuda kahit wala po sa listahan ang kanilang mga pangalan. So wala sila dapat ipangamba or ikatakot na makakalimutan sila o makakaligtaan dahil basta’t sila ay nasa tamang kategorya which is low income, vulnerable, nawalan ng trabaho, no work-no pay ay hindi po sila pababayaan ng pamahalaan.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, iyan din po iyong tanong ni Valerie ng GMA News at ni Rose Novenario ng Hataw. Iyong reaksiyon ninyo nga daw po Mayor doon sa danger ng bigayan ng ayuda and ang dami pong tao na na-delay po iyong pagbibigay kahapon. Also bakit iyong bigayan, sino po ang nagdi-decide daw po kung magkano ang makukuha at ano ang criteria? May mga SAP form po ba para sa members ang family? Iyong 4 members kasi sinasabi po 2K lang daw po ang nakuha. May mga nagsabi na po bang ganiyan sa inyo, Mayor?
QC MAYOR BELMONTE: Well ang sinusundan po natin ay iyong DSWD list, iyon po talaga ang utos sa amin ng national government. Sundan lang po ang listahan ng DSWD, so iyan po ay ang SAP 1, okay, tapos iyong SAP waitlisted, tapos iyong 4Ps, tapos ang dinagdag lang po natin kung maalala ninyo sa SAP 1 kasi marami pong na-disqualify dahil nakatanggap po sila ng ayuda mula sa LTFRB, sa SSS, sa social pension ng mga seniors at sa DOLE, disqualified tuloy sila sa SAP 1. Pero tingin ko sila ay nangangailangan din sa ngayon at hindi rin sila makakatanggap ngayon doon sa dati nilang pinagkuhanan ng ayuda, sinama na rin natin sila sa listahan ‘no.
Pero over and above all this, ang listahan ay nanggagaling sa DSWD at doon po sa listahan mayroon pong nakasulat na dependent ‘no. So kung ilan po ang mga miyembro ng kanilang pamilya at iyon po ang naging batayan kung paano po idi-distribute iyong ayuda doon sa ilan ang dependents nila na nakasulat po sa listahan. So kung puwede po nila iyang—halimbawa nanganak po ang misis nila, nadagdagan po ang dependent sa kanilang pamilya, puwede po nila iyang i-appeal sa grievance committee kung nadagdagan po nag miyembro ng pamilya nila.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, pahabol na tanong ni Rose Novenario ng Hataw: Ano daw po iyong naiisip na paraan ng Quezon City LGU upang makontrol ang pagdami ng kaso ng COVID-19 maliban sa lockdown ngayong kapos pa ang supply ng bakuna?
QC MAYOR BELMONTE: Well dito naman sa Quezon City, una with regards to testing, we are one of the cities that test the most. I think we test about 4,000 a day ‘no at nadagdagan pa iyong mga testing sites po sa communities. Dinagdagan ko pa ng tatlo iyan out of 6, naging mga 9 na. Bukod sa pagti-test sa communities, mayroon tayong more than—almost 40 lockdown areas so naka-lockdown iyong ibang mga barangays natin—hindi barangays but mga purok, mga kalsada, mga eskinita, mga compound kung saan nakakakita tayo ng community-based transmission ‘no. So naka-lockdown sila doon, pinapakain natin sila, inaalagaan at tini-test din natin sila doon.
And in addition to testing and lockdowns, we have also now been increasing the number of isolation facilities. So at the moment, the city has about 2,000 pero we are planning to open another 1,000 isolation facilities sometime this week iyong iba and then iyong iba next week po. So ilan lang po iyan sa mga ginagawa po ng city and—at in addition of course, tuluy-tuloy lang po ang enforcement natin ng ating mga ordinances at ang ating mga minimum health standards and other protocols ‘no.
But having said that, I also want to keep stressing, people keep forgetting that when you do the math, Quezon City is the biggest city so huwag po nilang isipin na just because we’re the biggest city, we are also the worst city in terms of controlling COVID. In fact number 13 lang ang Quezon City sa kabuuan ng NCR ‘pag pinag-usapan po natin ang attack rate which is the number of cases per 100,000. ‘Pag pinag-usapan po natin iyong positivity rate, hindi naman po Quezon City ang pinakamataas; at ‘pag pinag-usapan po ang reproduction rate, hindi rin po Quezon City ang pinakamataas.
Mataas lang po tayo in absolute numbers because of the sheer size and scope of our city.
So at the moment medyo naku-control naman natin, we are able to work with a lot of volunteer groups. Marami pong nakikipag-ugnayan sa amin mula sa Philippine Medical Association, Quezon City Medical Society, etcetera na nagdadagdag ng doktor sa aming roster of medical professionals para tumulong sa atin, para rin mas mabilis gumaling ‘no.
Kasi kung mapansin mo, although we have 10,000 active cases, ayon sa mga datos namin, doon sa mga active cases na iyan, mga 2,500 diyan mga lumang kaso na. Kaya lang dahil sa kakulangan ng mga doktor na nagsi-certify as ‘recovered’ doon sa mga pasyenteng iyan, hindi pa sila nadi-delist ‘no. So ang akin ngayong ginagawa ay nakikipag-ugnayan sa mga doctors para mag-concentrate sila sa pagdi-delist noong mga masasabi nating recovered patients na para maging mas makatotohanan din ang bilang na niri-report ng media at ng niri-report din natin sa mga tao ‘no kasi marami rin talagang gumaling na sa mga iyan.
So based on that, I think hindi pa naman kailangan masyado mag-panic tayo. Dahil ang mga ospital natin ay punung-puno na, doon ako medyo nababahala dahil that is beyond also the control of the local government, iyan ay mas responsibilidad ng DOH ‘no. Pero in terms of isolation facilities, iyan, marami po tayong bubuksan niyan at sisiguraduhin natin na mas dumami pa ang bubuksan nating facilities para iyong mga tao na positive, hindi na sila kailangan mangamba na mahahawa ang pamilya nila. Mayroon talaga silang lilipatan and that’s where I’m concentrating our efforts now on.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero bases po sa inyong observation sa estado po ng healthcare system at ekonomiya, pabor po ba kayong palawigin pa – in case lang po ha – ang Enhanced Community Quarantine sa NCR Plus; at sakali pong ma-extend pa ang ECQ, kakayanin po ba ito ng inyong LGU?
QC MAYOR BELMONTE: Well iyong sa pag-extend po ng ECQ, tingin ko hindi po dapat desisyon iyan ng local chief executive, iyan po ay desisyon ng mga [garbled] practitioners. I think we should depend more on the opinions of our medical practitioners. At the end of the day, this is a medical and health crisis ‘no. So I will defer to the decisions of our experts in the medical field as to what should be done.
Pero dito naman sa Lungsod Quezon, tingin ko nakapagtabi naman po tayo nang konting… siguro masasabi nating alokasyon o pondo para saka-sakaling mag-worst case scenario pa tayo. Kasi alam naman natin na sa ibang mga bansa, kahit sa first world countries like Europe, nagti-third surge na sila ‘no, nasa third wave na sila ‘no kaya hindi malayong mangyari rin sa atin iyan in the latter part of the year.
Kaya ‘pag tinatanong nga ako ng mga reporter, “Wala ka bang idadagdag doon sa P1,000 na ibibigay ng national government o doon sa P4,000 per family?” Sabi ko naman kung mayroon nang tulong ngayon ang national government ay iyon muna ang—let’s depend on that help muna because we never know what will happen in the future and I know that the national government will have a very hard time also in the future to give further help or ayuda. In times of need in the future, gusto ko naman na kahit papaano ang city government ay mayroon din namang maitutulong sa mga mamamayan.
So, siguro masasabi ko hindi naman din tayo—mayroon pa naman tayong maitutulong sa ating mga mamamayan bagkus hindi ganiyan kadami, pero hindi naman natin sila pababayaan kung saka-sakaling magkaroon pa tayo ng third surge.
USEC IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras, Quezon City Mayor Joy Belmonte.
MAYOR BELMONTE: Marami pong salamat Usec at marami pong salamat sa lahat ng nakikinig po ng ating programa.
USEC IGNACIO: Sa harap po ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 particular sa NCR plus tiniyak ng Department of Health na walang panibagong variant ng virus ang naitatala ngayon sa bansa. Ito po ay kasunod ng natuklasang bagong variant ng coronavirus sa Indonesia na tinawag na EEK na nagtataglay ito ng E484K mutation na sinasabing mas nakakahawa at nababawasan umano nito ang proteksiyong ibinibigay ng mga bakuna.
Sa kabila nito tiniyak ni Health Spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire na patuloy na minu-monitor ng Department of Health at ng Philippine Genome Center ang sitwasyon. Nasa 1,500 positive samples ang isinasalang ngayon ng PGC sa genome sequencing para ngayong linggo. Sa ngayon po nananatili pa rin sa tatlo ang variants of concern sa bansa kabilang na po ang B.1.1.7, B.1.351 at P.1 variants, habang under investigation ang p.3 variant na unang naitala sa Pilipinas.
(VOICE CLIP)
USEC IGNACIO: Nagpositibo po sa COVID-19 si dating House Speaker at kasalukuyang Davao Del Norte First District Representative Pantaleon Alvarez. Kinumpirma ito ng kaniyang anak na si Finance Assistance Secretary Paola Alvarez pero iginiit nito na wala sa seryosong kalagayang pangkalusugan ang kaniyang ama. Nagpapagaling na aniya ito sa Davao Del Norte sa kanilang tahanan. Pinabulaanan din ng anak ng dating Speaker na intubated na ito. Nagpasalamat naman si Assistant Secretary Alvarez sa concerns at mga panalangin para sa kaniyang ama.
Samantala, mga motor cab drivers sa Dipolog City, habang vendors at TODA members naman po sa Manuel Roxas, Zamboanga Del Norte ang natulungang maitawid ang ilang pangangailangan sa nagpapatuloy na pamamahagi ng ayuda ng tanggapan ni Senator Bong Go at mga ahensiya ng pamahalaan ngayong panahon ng COVID-19 pandemic. Narito po ang report.
(NEWS REPORTING)
USEC IGNACIO: Samantala, puntahan naman natin ang iba pang ulat mula sa mga lalawigan, makakasama po natin si Czarina Lusuegro ng Philippine Broadcasting Service.
(NEWS REPORTING)
USEC IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Czarina Lusuegro mula sa Philippine Broadcasting Service. Makibalita naman tayo sa Cordillera. Ang ulat ihahatid sa atin ni Eddie Carta, Eddie?
(NEWS REPORTING)
USEC IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Eddie Carta.
Mula naman sa Cebu may ulat si John Aroa, John?
(NEWS REPORTING)
USEC IGNACIO: Samantala, may ulat din si Julius Pacot mula sa PTV-Davao, Julius?
(NEWS REPORTING)
USEC IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Julius Pacot.
Samantala, narito po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong bansa base sa report ng Department of Health kahapon, April 7, 2021. Umabot na po sa 819,164 ang total number of confirmed cases matapos makapagtala ng 6,414 na mga bagong kaso; 242 katao ang mga bagong nasawi, kaya umabot na po sa 14,059 ang total COVID-19 deaths. Nadagdagan din naman po ang mga kababayan nating nakaka-recover sa sakit po ay nasa 646,404 matapos makapagtala ng 163 new recoveries kahapon. Ang total active cases naman sa kasalukuyan ay 158,701.
Kaya amin pong ipinapaalala, kung kayo po ay nakakaramdam ng anumang sintomas ng COVID-19 o na-expose sa isang COVID positive, huwag po mahiya o matakot na makipag-ugnayan sa inyong Barangay Health Center. Maaari rin po kayong tumawag sa hotline na (02) 8942-6843 or dial 1555. Nandiyan din po ang One Hospital Command Center hotlines upang tulungan kayo na ma-admit sa pagamutan kung kinakailangan.
At dito po nagtatapos ang aming mga balitang nakalap ngayong araw. Salamat po sa mga ahensiyang nakasama natin sa pagsiserbisyo publiko.
Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan po ng department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.
Tandaan: Masks, Hugas, Iwas. Mag-ingat po tayong lahat.
At sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po muli si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita muli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center