Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga po, Luzon, Visayas at Mindanao, at sa lahat ng ating mga kababayan saan man pong panig ng mundo. Ngayon po ay May 2, unang Lunes ng buwan ng Mayo. Eid Mubarak po sa ating mga kapatid na Muslim na nagdiriwang ngayon ng Eid al-Fitr. Kasabay niyan ay pag-uusapan din po natin ngayong umaga ang update tungkol sa COVID-19 situation dito sa Pilipinas isang linggo po bago ang eleksyon, at ang pinakahuling balita rin kaugnay ng mga aktibidad sa West Philippine Sea. Ako po si Usec. Rocky Ignacio, simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Kumustahin po natin ang pinakahuling COVID-19 situation sa bansa sa gitna ng pagpasok ng Omicron subvariant na BA.2.12 dito sa Pilipinas isang linggo bago ang eleksyon. Makakausap po natin si Dr. Edsel Salvaña, Infectious Diseases Expert. Good morning po, Dok. Congratulations po sa latest TED Talk ninyo.

DR. EDSEL SALVAÑA: Magandang umaga, Usec. Rocky. Magandang umaga sa lahat ng nanunood at nakikinig.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, ano po ang balita ngayon sa mga Pilipinong naging close contact nitong Finnish national na nagpositibo po sa BA.2.12 subvariant ng Omicron? Mayroon na po ba na, huwag naman sana, nagpositibo sa kanila?

DR. EDSEL SALVAÑA: Wala naman akong nababalitaan sa ngayon. Bagama’t mga one o’clock, mukhang may media forum din kami ni Usec. Vergeire. Pero as of now, mukhang wala pa namang nababalitaan na additional cases ng BA.2.12. Pero siyempre babantayan po natin ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Dr. Edsel, ano po iyong aksyon naman na ginagawa kaagad ng DOH para po sakali talaga ay ma-contain itong sitwasyon?

DR. EDSEL SALVAÑA: Well, unang-una kasi, itong BA.2.12, Omicron pa rin talaga ito. Hindi pa naman siya tinataguriang kakaibang panibagong variant. And so iyong ating vaccines, we expect them to work the same way with Omicron, with BA.2 na nakita natin dito sa January, bagama’t mayroong konting ebidensiya na baka this is a little bit more transmissible. On the ground, tuluy-tuloy pa rin naman iyong ating paggamit ng masks, iyong ating contact tracing, iyong pagbabakuna and pagpapa-booster.

And so as long as we continue to follow these protocols and the policies that are in place, I think we will be okay naman po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano naman po iyong reaksiyon ninyo dito po sa isang kumalat na post na umano’y magdideklara ang DOH ng isang artificial COVID surge dalawang araw bago [ang] eleksyon para daw po magkaroon ng epekto sa pagboto ng mga tao?

DR. EDSEL SALVAÑA: Pinabulaanan na po iyan ng DOH. Wala po talagang dini-declare na kung anumang artificial or ano. Ang binabatayan po ng mga reports, number of cases is really iyong reports on the ground. Mayroon naman po tayong centralized repository na pinapatakbo ng Epidemiology Bureau. Kung anuman iyong cases na mayroon po, niri-report po ito, whether tataas, bababa or walang madadagdag. Hindi po kami gumagawa ng mga numbers. Ito po ay base sa ebidensiya. At puwede naman pong tanungin, transparent naman po ever since. Kung tumataas, niri-report naman ng DOH; kung bumababa, niri-report. Pantay-pantay po. Our systems are transparent. This can be seen naman po kung ano talaga iyong mga kaso na nakikita araw-araw.

USEC. IGNACIO: Doc Edsel, sang-ayon po ba kayo na huwag payagang bumuto itong mga positibo sa COVID-19? At all set na rin po kaya itong isolation precincts na pagbubotohan ng may mga sintomas o magkakaroon ng sintomas?

DR. EDSEL SALVAÑA: Well, iyong pagbuboto kasi, that’s really a fundamental right. And so, kung mayroon namang pamamaraan na puwede silang bumoto na hindi sila makakahawa ng ibang tao, bakit hindi. So may protocols po ang Comelec kung papayagan po nila. It’s always in consultation with the Department of Health, with the experts, with the IATF. As long as it can be safely done, I don’t see any problem po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc Edsel, kung ikukonsidera itong mga public activities ngayon ng mga tao at ang vaccination rate natin, ano po, nakikita ninyo po ba iyong posibilidad na talagang magkaka-surge nga sa bansa after ng election?

DR. EDSEL SALVAÑA: Well, the more people are around, the more superspreader events ang nakikita natin. Of course, mayroon talagang risk na tumaas iyong transmission ng COVID-19. Bagama’t kapag titingnan naman natin noong January, napakataas po ng number of cases natin, and it was BA.2, the worst kind of Omicron at that time. And even though mas marami talaga iyong cases compared to Delta, several times more, hindi naman po na-overwhelm iyong hospitals natin.

And so, what this really tells us is that iyong level of immunization natin at boosting, although we can do better with boosting, is enough to protect our healthcare system, as long as patuloy po nating gagamitin iyong masks natin, iyong ating public health standards, at hopefully po ay mag-push pa tayo para mas maraming tao iyong ma-boost kaya para mas maging resilient. Kung sakali mang tumaas nang bahagya iyong cases ay maaagapan agad ito dahil mayroon tayong tinatawag na immune resilience.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Edsel, nabanggit ninyo na nga po na bahagyang tumaas ang hawaan dito sa COVID-19 dito lang sa Metro Manila, ayon po sa OCTA Research. Base naman po sa report ng PNP, tatlong lugar sa Maynila ang naka-lockdown. Hindi pa po ba natin ito ikinakabahala?

DR. EDSEL SALVAÑA: Well, iyong number of cases, kasi titingnan mo iyong percentage. Sasabihin nila, seven percent eh less than one hundred cases per day naman ang nakikita natin sa Metro Manila so that’s seven cases increase. So hindi ko naman sinasabing wala iyon, pero hindi naman iyon isang libo, hindi naman iyon limang libo.

So the fact na nagkakaroon tayo ng mga few areas under lockdown, ibig sabihin, iyong surveillance natin ay gumagana po at ginagawa po ng mga LGUs iyong kailangan nilang gawin para hindi po mag-spread lalo iyong cases.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc Edsel, kumusta naman po ang rollout nitong second booster dose sa mga immunocompromised? Ilan na po iyong nabakunahan sa ngayon?

DR. EDSEL SALVAÑA: I will defer that to DOH po. Sila po iyong may latest data diyan, at iyong NVOC po natin. Definitely po ay pinayagan naman ng FDA iyong pagbigay ng mga second boosters. Pero sa akin po, iyong pinakaimportante po talaga, maraming-marami pa rin po ang hindi nagpa-first booster. So kinakailangan, nananawagan po kami na kung naging three months na sila since your second dose of your vaccination, kumuha na po kayo ng booster para mas lalong maging maganda ang proteksyon laban sa COVID-19.

USEC. IGNACIO: So sang-ayon po kayo, Doc Edsel, na i-expand po itong rollout ng second booster sa iba pang priority sector na?

DR. EDSEL SALVAÑA: Well, pinag-aaralan naman lagi ang batayan dito sa siyensiya. At kung mayroon naman tayong ebidensiya, bakit hindi. Sa US kasi, pinapayagan nila iyong above 60 years old at iyong mga immunocompromised bagama’t hindi siya malakas na rekomendasyon. At bakit naman ito? Dahil kung titingnan natin iyong siyensiya, iyong first booster dose, maganda talaga ang pinapakita niya pero nakakadagdag iyong second booster dose at least for those na vulnerable population. Hindi pa napapag-aralan nang maigi ito sa mga younger populations.

Kaya sa ngayon ay binabantayan po natin kung ano iyong mga bagong pag-aaral bagama’t hindi naman pinagbabawalan sa 60 and above. Hinihintay rin natin po iyong rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council na sa ngayon, ang pinayagan pa lang talaga na klaro is immunocompromised.

USEC. IGNACIO: Pinag-aaralan din daw po ngayon ng NVOC na mag-set up din ng vaccination areas sa mga polling precincts. Kayo po ba, sa panig ninyo, pabor po kayo dito?

DR. EDSEL SALVAÑA: Yeah, I think whatever it takes to vaccinate and boost people, very, very important. Mayroon naman tayong protocols para makabawas sa risk, bakit hindi, lalung-lalo na alam naman natin na iyong ating mga kababayan ay mas maganda talaga kung convenient sa kanila [na] makakuha ng vaccine para mas maganda rin iyong magiging update.

USEC. IGNACIO: Opo. Panghuling mensahe na lang po at paalala po ulit sa ating mga kababayan, Doc Edsel, partikular po doon sa mga wala pang booster. Go ahead po.

DR. EDSEL SALVAÑA: Yes, thank you, Usec. Rocky. Nananawagan po kami, mga doktor, mga scientists, ayaw na po naming bumalik doon sa two years ago na halos po punung-puno po talaga iyong mga ospital natin at marami pong namamatay. Kung hindi pa po kayo nababakunahan, magpabakuna na po kayo. At kung hindi pa kayo nabu-boost, please po magpa-boost na po tayo dahil ito po ay nagsisilbing insurance na hindi na po talaga tayo babalik doon sa …ayaw na nating isipin, para na pong nightmare iyong nangyari dati. Sa ngayon ay maganda po ang pinapakita ng Pilipinas – mababa po iyong cases, naging immune resilient po tayo. Nananatili naman iyong paggamit ng mask ng mga tao na ikinatutuwa po talaga namin dahil this is what is really keeping the cases down. Kahit marami po itong mga rallies, we’re getting back to normal.

So ang COVID ay nandiyan pa rin po; hindi po napapagod iyan. Wala pong tinuturing na pulitika ang COVID. Very, very important po that we protect ourselves with the tools that science has given us. Keep wearing your mask po, and make sure your vaccination is up-to-date, lalung-lalo na po kung kailangan na ninyo ng booster.

Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po sa inyong panahon, Dr. Edsel Salvaña, isang Infectious Diseases Expert.

Simula ngayong araw [ay] partially operational na po ang bagong gawang OFW Hospital sa San Fernando City, Pampanga.

Kahapon, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-inspeksiyon sa ospital na inaasahan pong makakatulong hindi lamang sa overseas Filipino workers, kung hindi maging sa kanilang dependents [din].

Sa kaniyang talumpati, kinilala ng Pangulo ang mga personalidad at grupong nagtulung-tulong para maisakatuparan ang proyekto. Alay aniya ng pamahalaan ang naturang pasilidad para sa ating mga bayaning Pilipino.

[AVP]

Mahigit 140,000 na local and overseas job opportunities ang binuksan ng Department of Labor and Employment kahapon sa selebrasyon ng Labor Day. Sa buong bansa, 26 na job fair sites ang ikinasa ng pamahalaan at isa rito ay sa San Fernando City sa Pampanga.

Nagtungo roon sina DOLE Secretary Silvestre Bello III at DTI Secretary Ramon Lopez. Bukod sa mga trabaho, namahagi din ng mga ayuda at pangkabuhayan packages. Kapwa tiniyak ng dalawang kalihim na kahit patapos na ang termino ng Administrasyong Duterte, patuloy ang pagsisilbi ng mga awtoridad para sa mas komportableng buhay ng mga Pilipino.

[AVP]

Samantala, kumustahin din po natin ang patuloy na pagbabantay na ginagawa sa ating mga karagatan partikular po sa West Philippine Sea. Makakasama po natin [nang] live mula dito sa studio si Philippine Coast Guard Rear Admiral Roy Echeverria, ang direktor ng National Coast Watch Center. Good morning po, Admiral.

NCWC DIRECTOR RADM. ECHEVERRIA: Magandang umaga din po, Usec. Rocky, at magandang umaga sa inyong mga tagapanood.

USEC. IGNACIO: Admiral, una po sa lahat ay ipakilala ninyo po muna ulit sa amin ito pong National Coast Watch. Ano po iyong pangunahing role na ginagawa nitong pagbabantay sa mga aktibidad dito sa West Philippine Sea at ano po ang pangunahing pakay nito? Anu-ano raw po ang mga ahensiyang kabilang dito?

NCWC DIRECTOR RADM. ECHEVERRIA: Ang National Coast Watch Center, as a backgrounder, is created by virtue of Executive Order Number 57 series of 2011. Ang pangunahing role po ng National Coast Watch Center is to implement and monitor all maritime security operations within the national maritime jurisdiction of the Philippines.

Ang kasama po natin dito or mga member agencies ay kinabibilangan ng Philippine Coast Guard, Philippine Navy, Philippine [National Police]-Maritime Group, Philippine Transnational [Center on] Crime, Bureau of Immigration, National Bureau of Investigation, including the National Prosecution Office ng DOJ, and just lately iyong Philippine Drug Enforcement Agency din po at saka iyong ating Bureau of Fisheries and Aquatic Resources and [Bureau of] Customs

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Admiral, paano po nito nari-reinforce iyong pagbabantay ng Philippine Coast Guard, ng Philippine Navy, ng PNP-Maritime Group at iba pang ahensiya sa atin pong mga karagatan?

NCWC DIR. RADM. ECHEVERRIA: The center acts as a fusion of information, and kami po ang nagpo-provide ng common operating picture po on member agencies ng National Coast Watch Center.

So, when [we] receive any information from these agencies or from anybody else, pinapa-submit or we forward the information to the respective agencies for their appropriate action.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero kumusta po sa ngayon ang ating mga karagatan, partikular po dito sa West Philippine Sea? May mga namamataan pa rin po ba kayong suspicious activities doon?

NCWC DIR. RADM. ECHEVERRIA: So far, wala naman lately, although may mga presence pa rin ng Chinese maritime militia and mangilan-ngilan rin po ng ating mga fishermen po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero paano po ninyo natutulungan itong sinasabi ng ating mga fishermen na parang nawawalan sila ng aktibidad doon sa nasabing lugar? Papaano po iyong ginagawa ninyo?

NCWC DIR. RADM. ECHEVERRIA: Ang alam ko po ay lalong pinaigting ng ating Philippine Coast Guard ang kanilang pagpapatrulya hindi lang po sa West Philippine Sea kung hindi sa iba pang borders ng ating karagatan, kasama na rin ang ating Scarborough Shoal at iyong sa Philippine Rise.

So, with their presence, sustained presence ng mga barko ng ating Philippine Coast Guard doon sa area ng nabanggit ninyo ay mas nabibigyan natin ng karampatang assistance at tamang proteksiyon ang ating mga fishermen.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Admiral, ano po iyong ginagawa ng pamahalaan through NCWC para po pangalagaan at protektahan ito pong interes ng mga mangingisda natin at siyempre, ng ating bansa?

NCWC DIR. RADM. ECHEVERRIA: Iyon nga po, we have several programs. I believe, iyong Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ay mayroon silang mga plano, and including iyong Philippine Coast Guard and our Philippine Navy, lalo po nilang pinapaigting ang kanilang mga pagpapatrulya sa mga lugar na iyan. And I believe, iyong iba pang ahensiya ay ginagawa rin ang kani-kanilang mga roles upang mas mabigyan natin ng proteksiyon ang ating mga mangingisda.

Yearly po nating ginaganap ang ating ‘Maritime [and Archipelagic] Nation Awareness Month’ (MANA Mo). Ito po ay [ang] bawat ahensiya ay magko-conduct ng kani-kaniyang activity in support of iyong pag-aano sa West Philippine Sea at nang sa ganoon ay lalo pa nating mapa-increase ang awareness ng ating mga tao sa maritime domain awareness natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano po iyong mga hakbang na ginagawa natin para palakasin pa ito pong capabilities natin sa maritime security?

NCWC DIR. RADM. ECHEVERRIA: Sa ngayon, of course, iyong pagpapalago ng ating mga capabilities through the big support ng ating administrasyon, lalung-lalo na ng Administrasyon na ito. We have seen a great support from the President in improving our capabilities hindi lang sa ating mga barko kung hindi pati na rin sa ating mga monitoring capabilities like our radars and even sa mga proyekto ng iba’t ibang ahensiya na sakop nito.

USEC. IGNACIO: Opo. Ulitin ko lang po iyong naging tanong ko kanina dito sa West Philippine Sea. Sabi ninyo, may mga pangilan-ngilang [mga Chinese vessels]. Mga ilan pa po iyong mga Chinese vessel na nasa lugar na inyong namataan? Dumami po ba o nabawasan ito?

NCWC DIR. RADM. ECHEVERRIA: So far this month, iyong dami nang dati, ganoon pa rin sa ngayon. Pero may mga previous months na talagang dumagsa po sila at nabawasan naman po as compared to those months.

USEC. IGNACIO: Opo. Ngayong nalalapit na po iyong pagtatapos ng Duterte Administration, ano po ang masasabi ninyong major accomplishment ng National Coast Watch Center at ng Philippine Coast Guard? At ano po iyong maipapamana ninyo sa susunod na administrasyon?

NCWC DIR. RADM. ECHEVERRIA: Sa nalalapit na pagtatapos nitong Administrasyon, I believe na mas lalo po tayong lumakas, lalo pong nag-improve ang ating mga capabilities at mas nagagampanan natin ang ating mga tungkulin at napapaigting natin ang ating monitoring capability doon sa mga problematic na lugar po.

USEC. IGNACIO: Opo. Panghuling mensahe na lamang po at paalala sa ating mga kababayan, Admiral?

NCWC DIR. RADM. ECHEVERRIA: Paalala lang po natin sa ating mga kababayan na ang inyo pong gobyerno, [partikular] ang inyong National Coast Watch Center ay patuloy pong ginagampanan ang aming duties para mabantayan ang ating mga karagatan at maproteksiyunan ang mga pangangailangan at interes ng ating mga kababayan lalung-lalo na ang ating mga fishermen.

Sana po ay makipag-ugnayan po sila sa amin nang mahusay, iyong mga kababayan natin. Instead of magiging kritiko po tayo, sana ay tumulong na lang po tayo upang tayo po ay magsama-sama at makipag-tulungan.

USEC. ROCKY IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat sa pagbisita ninyo sa amin dito sa studio, Rear Admiral Roy Echeverria, mula po sa National Coast Watch Center. Salamat po.

NCWC DIR. RADM. ECHEVERRIA: Salamat din po, USec. Rocky.

USEC. ROCKY IGNACIO: Huwag po kayong aalis magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

USEC. ROCKY IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Inaasahan pong didesisyunan na ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte, kung dapat nga bang ihinto ang operasyon ng E-Sabong sa bansa.

Sa isa niyang talumpati kahapon, sinabi ng Pangulong Duterte, na tapos na ang imbestigasyon ng mga awtoridad ukol dito at hawak na niya ngayon ang kanilang rekomendasyon.

Bagama’t pinag-iisipan pa ng Presidente ang kanyang susunod na hakbang, muli niyang ipinupunto na kaya hindi niya ito ipinahinto noon ay dahil sa hatid nitong pondo para sa mga programa ng pamahalaan. Ngunit batid din umano ng Punong Ehekutibo ang masasamang epekto ng naturang sugal.

[VTR]

USEC. ROCKY IGNACIO: Ngayong araw po ipinagdiriwang ng ating mga kapatid na Muslim ang Eid’l Fitr or ang tanda ng pagtatapos ng Ramadan. Alamin po natin ang mga dapat asahan sa Eid’l Fitr ngayong taon sa gitna po ng pandemya. Makakausap po natin mula sa Ulama Sector ng National Commission on Muslim Filipinos, Commissioner Jamal Munib. Eid Mubarak po, Commissioner.

NMF COMM. JAMAL MUNIB: Eid Mubarak sa inyong lahat ma’am.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Commissioner, nakagawian na po ang social gatherings at sama-samang pagkain kapag po panahon ng Eid’l Fitr bilang tanda po ng pagtatapos ng Ramadan ngayong taon. Papayagan po ulit natin iyong ganitong pagtitipon Commissioner?

Okay, babalikan po natin si Commissioner maya-maya lamang. Samantala, personal naman pong binalikan ni Senator Bong Go, ang nasa 1,000 pang residente sa Samal Island para po muling mamahagi ng ayuda nitong nagdaang lingo. Ang detalye sa report na ito.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

USEC. IGNACIO: Balikan po natin sa kabilang linya si Commissioner Jamal Munib ng National Commission on Muslim Filipinos. Eid Mubarak po, Commissioner.

NCMF COMM. JAMAL MUNIB: Eid Mubarak, Ma’am; sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Commissioner, nakagawian na po itong social gatherings, pati iyong sama-samang pagkain kapag po panahon ng Eid’l Fitr bilang tanda po ng pagtatapos ng Ramadan. Ngayong taon po ba, papayagan na ulit ang ganitong pagtitipon para po sa ating mga kapatid na Muslim?

NCMF COMM. JAMAL MUNIB: Yes, Ma’am. So far, thanks God, at least sa taon na ito, kaming mga Muslim very excited talaga kami, Ma’am, [dahil] at least sa taong ito nagkaroon na po, pinayagan na po ang pagtipun-tipon dahil sa Level 1 na po tayo ngayon hanggang sa May 15 yata, so thanks to God. Hindi po namin halos maipaliwanag ang kasiyahan namin sa mga ganitong bagay. After two years, at least sa ngayon nagkaroon na po ng pagtipun-tipon especially iyong mga Muslim together with our mga neighbor na Christian. At least nagsalo-salo po sa ngayon lahat, iyon po ang pinakamaganda dito, at least. Sana po itong COVID-19 na ito ay mawawala na po, nang sa ganoon ay makabalik na po tayo sa normal life natin.

USEC. IGNACIO: Pero, Commissioner, ano po ang mga paghahanda na ginagawa ng ating mga Muslim leaders para po masigurong masusunod pa rin po ang health protocols, dahil nasa gitna pa rin po tayo ng pandemya?

NCMF COMM. JAMAL MUNIB: Yes po. Sa ngayon po dito sa amin, at least iyong minimum health protocols, pinapatupad pa rin po namin, especially iyong mga pagsuot ng mask, iyan po ay pinapatupad pa rin namin po lahat dito. So, so far po, Alhamdullilah/thanks to Allah, ang lahat ng ito ay naging mapayapa po at wala po tayong mga untoward incident. So, ang lahat ng bagay na ito, iyon po, at least iyong minimum health protocols na napatupad po natin sa mga congregational prayer natin. Alhamdullilah!

USEC. IGNACIO: Opo. May mga restrictions po bang ipatutupad sa selebrasyon ng Eid’l Fitr o back to pre-pandemic activities po ang papayagan ngayong taon?

NCMF COMM. JAMAL MUNIB: Hindi naman po iyong talagang [lubusan], mayroon pa rin po, at least dito ho, iyong pag-wear ng mask po, pinapatupad po namin iyan, may mga restriction pa rin po. Ang restriction po kasi, I can speak dito sa Davao po, ang restrictions at guidelines po dito sa Davao na at least iyong pagsuot po ng face mask, iyan po ang dito sa amin sa Davao sa ngayon.  So, iyon na nga po, tulad ng sinabi ko, at least naisagawa na namin iyong [kung] paano namin gagawin, especially dito sa pag-celebrate ng Eid’l Fitr. Alhamdullilah!

USEC. IGNACIO: Commissioner, hindi po sikreto na marami po sa ating mga kapatid na Muslim ay nag-aalangan po na magpabakuna. Sa ngayon po ba ay ilan sa ating Muslim [populace] ang bakunado na at nakatanggap na rin po ng booster dose?

NCMF COMM. JAMAL MUNIB: Sa aking pagkaalam po, marami-rami naman po. Mayroon lang ibang lugar sa BARMM, mayroon pa rin po silang pag-aalangan. Pero sa narinig ko po ngayon, halos marami na po. Dito po sa amin, at least mga 90% na po ng mga Muslim nagpabakuna na po. At iyan po ay bilang Commissioner ng religious sector, sa Ulama sector, naipaliwanag ko na po sa kanila ang tungkol sa pagbakuna at unti-unti na po nawawala ang mga maling pagkaintindi o kaya mga misconception about sa pagbabakuna, especially iyong mga fake news na lumalabas. So, iyon po ay naipaliwanag na po natin sa lahat at naipaabot na po natin sa kanila na itong bakuna na ito, ito ang dapat gagawin natin nang sa ganoon, may proteksiyon tayo dito sa COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. Nitong nagsimula po ang Ramadan ay nag-isyu po ng religious guidelines po ang BARMM Islamic Grand Mufti para po i-encourage ang ating mga kapatid na Muslim na magpabakuna kahit po naka-fasting. Dumami pa po ba ang nagpapabakuna sa panahong ito, Commissioner?

NCMF COMM. JAMAL MUNIB: Yes, ma’am. Sa aking pagkaalam ay dumami po kasi katulad po ng sinabi ng mufti ng BARMM at naipaliwanag din natin sa kanila. Kasi iyong una po, ay alanganin po ang ibang mga Muslim, baka raw ma-null and void iyong pag-fasting nila kapag nagpabakuna sila. Hindi po, iyan po ay naipaliwanag na natin sa kanila na hindi po mana-null and void ang fasting kahit sa araw ka po magpabakuna. So iyon po, naintindihan na po ng karamihan ng mga Muslim ngayon. So nakikita po natin ngayon, dumadami na po ang mga Muslim na nagpapabakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano po iyong nananatiling challenge para po sa ating Muslim communities na mabakunahan bilang proteksyon po sa COVID-19, Commissioner?

NCMF COMM. JAMAL MUNIB: Ang isa sa mga challenges na nakikita namin dito, kasi marami pa naman sa mga Muslim na naniniwala na itong bakunang ito ay hindi siya halal. Mayroon siyang derivative na hindi siya halal. Pero iyan po ay naipaliwanag na rin natin sa kanila.

So kaya ngayon po, iyong Muslim perception na halal ba siya o hindi siya halal, ang dali lang, naipaliwanag na po natin sa kanila, ito po ay halal na po dahil dumaan po siya sa proseso na nagiging halal na po siya, na puwede na pong gamitin ng Muslim. At lalung-lalo na po dito sa Ramadan, puwede na pong magpabakuna ang Muslim sa bagay na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Kumustahin na rin po namin, Commissioner, ang preparasyon ninyo para po sa nalalapit na eleksyon sa May 9?

NCMF COMM. JAMAL MUNIB: Okay naman po. Sa amin po, ang tungkol sa eleksyon, karapatan po ng bawat isa at pinapaalala po namin sa lahat na bumuto kayo at piliin ninyo kung sino ang napupusuan ninyo para sa tingin natin ay sa ikabubuti ng lahat. Iyon lang po ang instruction na binibigay namin sa kuwan. Hindi po kami—ako bilang religious sector Ulama sector, hindi po ako nag-i-endorse ng anuman especially sa pagka-presidente. Pero ang sinasabi lang po namin, iyan ay choice ninyo, karapatan ninyo. Piliin ninyo kung sino sa tingin ninyo ay iyong makabubuti especially sa ating mga Muslim. Ganoon lang po ang instruction na ibinibigay namin sa mga constituent na Muslim.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, bigyan-daan ko lang po iyong tanong mula sa ating kasamahan sa media. May tanong po sa inyo si Paul Samarita ng TV5: Can we have daw po a statement in behalf of NCMF on the Comelec’s filing daw po of complaint to some NCMF officials, including Secretary Mamondiong? Apparently po, may mga positions daw po that were created during the Comelec ban of appointing personnel this election season. May statement daw po ba si Secretary Mamondiong ukol dito? At ano po ang course of action ninyo?

NCMF COMM. JAMAL MUNIB: Sa ngayon po ay wala pa akong naririnig na mayroon ng statement ang ating Secretary ng NCMF tungkol sa isyu na iyan, tungkol sa bagay na iyan. Wala pa po akong privy to that kasi nandito pa po ako sa Davao, hindi pa po ako nakakapunta sa Manila, sa nangyari sa pag-file ng complaint against our Secretary.

Pero ganoon pa man po, kailangan po ma-address natin itong isyu na ito because ang bagay po na ito, alam naman natin lahat, kami po dito sa NCMF, ginagawa po namin ang lahat upang …ano ang ikabubuti especially sa Muslim constituent, sa NCMF. Pero ang mga bagay na iyan po, dapat po ay tingnan natin muna nang maigi. Hindi pa po ako makabigay ng komento tungkol diyan kasi wala pa ho akong masyadong information hinggil sa bagay na iyan kasi hindi ko pa po nakakausap iyong mga nag-complain, lalo na po ang Secretary. Pero alam ko po, our group, Secretary will face this complaint squarely in [DIALECT]. Iyon lang po ang masasabi ko tungkol dito.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong pa rin po mula kay Paul Samarita ng TV5: Kagabi raw po ay marami raw po iyong nalito dahil according to the Bangsamoro Mufti, the formal end of Eid al-Fitr or the end of the Holy Month of Ramadan is today, May 2. But Executive Secretary Medialdea said in a message that the Palace will declare May 3 a holiday for the said event. May naging confusion daw po sa dalawang kampo tungkol dito. Mas sensible daw po ba kasi na maging declared holiday iyong mismong araw ng implementasyon. Pero, Commissioner, ngayong araw pong ito ay idineklara na po ni President Duterte na regular holiday sa buong bansa ang May 3 bilang bahagi po ng paggunita ng Eid al-Fitr.

NCMF COMM. JAMAL MUNIB: Yes. So, ganito ho kasi iyan, ang Presidente natin, ang mahal nating Presidente dineklara niya po sa May 3, kasi iyon po ang secured tayo.

Kasi, ganito po iyan. Sa amin kasi po, ang binabasehan namin ay lunar calendar. Islamic Lunar Calendar po ang binabasehan namin. So, ang pag-declare po ng Eid’l Fitr o ang pag-umpisa ng pag-aayuno, iyong pag-umpisa ng Ramadan, binabase po namin sa sighting of new moon. So, sa Islamic Lunar Calendar, ang [isang] buwan kasi sa amin ay it’s either 29 or 30 days.

So, kaya nga po kagabi ang sighting of new moon. Kung hindi nakita kagabi ang new moon ng the following month sa lunar calendar – sa Islamic Calendar which is month of Shawwal – pero nakita po doon sa Indonesia, hindi po nakita dito sa atin. So, iyon na po, nag-declare na ngayon ang Eid. So, ang Malakanyang po ang dineklara niya is a national holiday.

Ganoon po iyon. Bakit po sa May 3 idineklara ang Eid’l Fitr? Kasi po, kung saka-sakali po idineklara sa May 2 at hindi po nakita kagabi magkaroon din po ng confusion. So, ito po sigurado na po tayo because sighted or not sighted ang new moon kagabi ng [month of] Shawwal, definitely kung hindi po nakita kagabi, eh bukas po iyong Eid’l fitr. So, since it was sighted in Indonesia, so ngayong araw po ang nagiging Eid’l Fitr, iyon po ang dahilan.

So, dito po wala na tayong problema kasi ang national holiday ay considered pa rin po sa pag-Hari Raya ng mga Muslim constituent dito sa Pilipinas at sa buong mundo.

Iyon po ang dahilan kung bakit sa May 3 na-declare po ang national holiday in commemoration with Eid’l Fitr.

USEC. ROCKY IGNACIO: Commissioner, ano na lang po iyong inyong mga paalala sa ating mga kababayan na Muslim na buboto po sa darating na election at ganoon din po siyempre, sa selebrasyon ng Eid’l Fitr?

NCMF COMM. JAMAL MUNIB: Ang aking paalala po sa lahat, bumoto po tayo sa araw ng pagboto at piliin po ninyo, ano sa tingin ninyo ang ikabubuti sa ating [lahat], lalung-lalo na po sa ating mga Muslim, ang ikabubuti sa atin ay iyon po ang piliin natin.

Huwag po natin i-suppress ang right natin para bumoto. Ang panawagan po ng lahat at ganoon din po ay ang paalala natin sa mga kapatid na Muslim na nag-celebrate ng Eid’l Fitr ngayon ay ipagpatuloy po natin ang mabuting gawain. Kung na-develop po natin ang personality natin sa buwan ng Ramadan – natuto po tayo upang magiging mabuting tao, iyan po ang nakasanayan natin – ipagpatuloy po natin ito para po tayo ay magiging productive dito sa komunidad natin o kung saan man tayo nandoon ay magiging productive po tayo sa lahat ng bagay, Insha’Allah Subhanahu Wa Ta’ala.

So, ipagpatuloy po lamang natin iyong kabutihan na naumpisahan natin sa buwan ng Ramadan. Nakasanayan natin, na-pray natin ang sarili natin sa paggawa ng kabutihan, dapat po ipagpatuloy natin iyan. At sana, itong Ramadan na ito ay maging daan po natin upang makamit natin po na magkaroon talaga tayo ng tunay na kapayapaan sa ating bansa, Insha’Allah Subhanahu Wa Ta’ala.

USEC. ROCKY IGNACIO: Commissioner kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Commissioner Jamal Munib, mula po sa National Commission on Muslim Filipinos. Mabuhay po kayo at maraming salamat po.

NCMF COMM. JAMAL MUNIB: Salamat po.

USEC. ROCKY IGNACIO: Samantala, dumako tayo sa mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service. Ihahatid iyan ni Czarinah Lusuegro, mula po sa PBS-Radyo Pilipinas:

[NEWS REPORT]

USEC. ROCKY IGNACIO: Maraming salamat Czarinah Lusuegro, mula po sa PBS-Radyo Pilipinas.

Farmers’ Market Day binuksan sa isang mall sa Davao. May report si Jay Lagang: 

[NEWS REPORT]

USEC. ROCKY IGNACIO: Samantala, sa kapapasok lang na balita, idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na regular holiday sa buong bansa ang May 3, 2022, bukas araw ng Miyerkules bilang bahagi ng selebrasyon ng Eid’l Fitr.

Batay sa proclamation number 1356, iginiit ng Malacañang na nakikiisa ang pamahalaan sa pagdiriwang ng mga kababayan nating Muslim ng Eid’l Fit’r o ang selebrasyon ng pagtatapos ng Ramadan.

Sa proklamasyong ito ay ipinapaalala rin ng mga awtoridad na sumunod ang bawat isa sa public health measures sa gitna ng pagdiriwang.

Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito at hanggang bukas pong muli. Ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)