Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga po Pilipinas. Muli ninyo kaming samahan para po talakayin ang mga usapin na dapat ninyong malaman at maintindihan. Makakasama natin sa loob ng isang oras ang mga panauhin mula po sa mga tanggapan ng pamahalaan na handang magbigay-linaw sa tanong ng taumbayan kaya tutok lang po kayo.

Mula po sa PCOO, ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Idineklara na po ni Pangulong Rodrigo Duterte ang araw ng halalan, May 9, bilang special non-working holiday para bigyan ng pagkakataon ang ating mga kababayan na makaboto. Kaugnay niyan, makikibalita tayo hinggil sa final preparations ng Comelec at para po bigyang-linaw ang ilang katanungan at concerns. Kasama po natin ngayong umaga si Commissioner George Garcia ng Commission on Elections. Magandang umaga po, Commissioner. Welcome po ulit sa Laging Handa.

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Magandang umaga po, Usec., at magandang umaga po sa lahat po ng nakatutok sa ating programa.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, kumusta na po iyong paghahanda para sa gaganaping eleksiyon sa Lunes?

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Actually po hanggang sa kasalukuyan, tayo ay nagti-test at nagsi-seal noong ating mga vote-counting machines na gagamitin po sa Lunes. Ito po’y nagsimula noong Mayo a-dos at matatapos po ito bukas. So far po sa napakadami na nating na-test po, nakaka-355 po tayo na mga medyo may problema na mga vote-counting machines. Subalit ito po ay napakaliit na porsiyento kumpara doon sa bilang ng maayos na maayos na mga vote-counting machines.

At lahat po ng mga iyan ay dinala na po sa ating mga repair hubs, kasalukuyan na pong ginagawa – madami na rin pong nagawa doon, mga almost 200 na. So, hopefully po hanggang bukas magsusubok tayo, ay hindi ganoon pa kadami ang mga makina na magkakaproblema.

Tatandaan po natin, iyong mga makinang ito, medyo matatandang makina na rin po ito dahil ilang beses na po natin nagamit sa ilang election pero effective pa rin po at efficient iyong mga makinang ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Commissioner, sa kasalukuyan, ano na daw po iyong estado sa distribution ng mga VCM, ballot boxes at official ballots? Ano raw po iyong mga susunod na hakbang once daw po na ma-distribute na po ito lahat?

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Iyon pong vote-counting machines, 100% na po ang distribution; iyong mga batteries, 100%; CCS 100%; iyon pong  balota na-distribute na po sa lahat ng parte ng Pilipinas – itong NCR sinimulan na po ngayong araw na ito para po kahit paano pupuwede na po itong mapadala natin sa ating mga guro. So technically po, lahat po halos ay na-distribute na at nakahanda na para sa Lunes, na araw ng eleksiyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Commissioner, gaano po kaya katagal bago daw po maproklama ang mga nanalong kandidato matapos po itong botohan at paano daw po iyong gagawing proklamasyon?

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Siyempre po kapag po ang posisyon ay mayor, vice mayor, sanggunian ho, mga ordinaryong mga municipalities po natin… usually po sa ating karanasan, minsan sa gabi pa lamang ay nagpuproklama na. Kung medyo nadi-delay man, hanggang kinabukasan ng madaling araw ng Mayo a-diyes iyong sa posisyon ng mayor, vice mayor, sangguniang bayan dahil lang sa medyo may mga vote-counting machines ang hindi nakapag-transmit and therefore kinakailangang dalhin po mismo sa canvasing area sa bayan.

Kapag naman po city o kaya naman po provincial governor, vice governor, sangguniang panlalawigan… sa karanasan din po natin, kinabukasan din, Mayo a-diyes, ay nakakapagproklama na po tayo lalo na doon sa mga hindi naman kalakihan na mga probinsiya po. At minsan lang ang dahilan nga muli, hindi lang nakakapag-transmit kaagad iyong mga vote-counting machines.

‘Pag po posisyon ng congressman, usually po kasabay ng governor, the next day din po ang atin pong nagiging proklamasyon. Kapag po posisyon ng senador at partylist, baka po aabutin tayo ng mga hanggang Mayo a-kinse/a-disisais mula sa botohan po natin ng Mayo a-nuwebe. Hopefully po ha, kung magiging mabilis at maayos ang ating halalan ay makapagproklama na po ang Commission on Elections bilang National Board of Canvassers sa dalawang posisyon na ito ng ating mga kandidato for senators and partylist.

Ngayon po sa posisyon po ng presidente at bise presidente, nakalagay po kasi sa ating Saligang Batas na ang Kongreso bilang isang body, isang tinatawag na joint session nila ang magpuproklama ng ating bagong pangulo at bise presidente. Nangangahulugan, sila po ang magka-canvass ng result for the president and vice president.

Ganoon pa man usually po, Usec., bago po mag-convene ang Kongreso ay may mga kumakalat na rin po na mga partial unofficial – unofficial pa po iyon ha, sa ating mga kababayan – dahil mayroon po kasi tayong transparency survey nagbabato ng result sa atin pong mga citizens arm katulad ng PPCRV, katulad po ng NAMFREL at sa atin pong major networks o media entities. So sila po mismo ay nagkakaroon na ng idea base sa nagbabato nating result magmula sa presinto kung sino ang mga lumalamang at nananalo sa bawat posisyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero masasabi na po natin, Commissioner, na magiging smooth po ang hatol ng bayan sa Lunes?

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Naku sana po ay atin pong ipanalangin na talagang magiging dire-diretso po iyan at inaasahan natin na talagang dadagsain ang ating mga polling places/presinto. Historic po kasi ang 2022 election at siyempre despite the fact na mayroon po tayong pandemya, inaasahan po natin ang ating mga kababayan kung gaano kainit iyong pagtanggap nila sa mga kandidato habang sila ay nangangampanya, sana po’y mas doble ang init natin kahit mainit ang araw sa araw po ng Lunes eh kinakailangan po [na] tayo’y boboto.

USEC. IGNACIO: Opo. Sakali naman daw po, ano naman daw po iyong mga inaasahan na ninyong magiging aberya – na huwag naman po sana ‘no, sa araw ng eleksiyon? At gaano daw po kahanda ang Comelec o gaano ka-confident ang Comelec na agad po itong masusolusyunan?

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Naku traditionally po, kalimitan minsan eh ang teacher bigla na lang hindi uma-attend, hindi pumupunta – mayroon na ho tayong mga pamalit kaagad sa mga miyembro po ng electoral boards. Iyan po ay may guidelines po tayo kung paano po sila papalitan. Minsan naman po nadi-delay iyon pong mga election paraphernalia, kung anuman pong mga kadahilanan. So, mayroon na rin po tayong contingency diyan dahil po nag-issue po ng resolution ang Comelec en banc na kami po’y pumapayag sa mga ilang lugar basta mag-request po sa amin na magkaroon ng early delivery ng election paraphernalia lalo doon sa mga lugar na talaga namang binabangka, talaga naman pong bago mapuntahan ay napakahaba ang lakarin o kaya’y kakailanganin mo ng transportasyon na mga maliliit para lang mapasok.

Iyan po binibigyan natin ng pahintulot basta may notice sa lahat ng parties, candidates, political parties and citizens arm na makapag-advance copy na—makapag-advance po sila ng mga election paraphernalia upang sa araw ng eleksiyon, eksaktong magbubukas ng ala sais po ng umaga. At siyempre, patuloy pa rin po nating minamanmanan ang iba’t ibang parte ng ating bansa lalo na sa issue ng seguridad, iyong violence and terrorism na maaari po na iyong ibang nag-iisip na mga kandidato, iyong mga ibang nag-iisip na grupo na gusto pong maghagis ng lagim dito sa ating bansa sa araw ng eleksiyon ay hindi po natin papayagan. Nandiyan po ang AFP at PNP at Coast Guard na nag-commit sa atin na available ang lahat ng assets nila ha para lamang magkaroon tayo ng isang matiwasay at maayos na halalan.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, update lang po. Napabalita po kasi na mayroong mga trained teachers na nagpuprotesta sa Comelec Cotabato City dahil ‘di umano ni-replace sila ng mga new and untrained teaching staff para po i-handle itong ating VCM sa BARMM noong May 4. Ano po ang aksiyon dito ng Comelec?

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Sa kasalukuyan po ay nakikipag-ugnayan na tayo at ginagawa na po iyan ng paraan, iyong naging initial na problema na iyan ng ating mga field personnel ng Comelec lalo na ang regional director, provincial election supervisor at iyong city election officer.

Tama po ha, paninindigan po ng Commission on Elections na kung ano iyong nakalagay sa ating guidelines na dapat ang makapaglilingkod lamang na mga miyembro ng electoral boards ay iyong mga na-train namin na napakahabang araw ha, talaga pong nagtiyaga sila na mag-training, at the same time, certified po ng DOST ang mga dapat na guro na magsisilbi as members po ng electoral board.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, bigyang-daan ko lang po iyong tanong ng ating kasamahan sa media. Mula po kay Karen Villanda ng PTV: Totoo daw po ba na may reshuffle, the Comelec field officers especially sa BARMM? Ilan daw po ito at bakit daw po?

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Tama po. May mga nangyari po na mga pagbabago at siyempre po iyan ay na-issue po ng atin pong kagalang-galang na Chairman dahil doon sa mga pangangailangan na dapat ayusin doon sa mga areas po na iyan.

At iyon pong tungkol sa kung ilan po iyong bilang ng mga na-reshuffle o na-reassign na mga election officers sa area po ng BARMM at iba pang area po sa ating bansa, babalikan ko po kayo sa bagay na iyan dahil medyo madami-dami rin po iyong mga nailipat na mga ilang election officers.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang po si Pia Gutierrez ng ABS-CBN: Will Vice President Leni have access to ER?

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Ganito po: Una po, kahapon ay naglabas tayo ng resolusyon na kung saan ang sinabi po ng Commission en banc [na] ang majority party ay PDP-Laban; ang minority party ay Nacionalista Party at mayroon po tayong kinilala na sampung pinakamalalakas na partido pulitikal sa ating bansa. Kung hindi po ako nagkakamali, ang Liberal Party ay number three.

Ngayon po, pupuwede po [na], kung saka-sakali ang isang kandidato na independent candidate, ay pupuwedeng makipag-ugnayan sa isang partido na kasama po doon sa sampu. Ngayon po, kung kayo po ay isang independent candidate at hindi po kayo kasama sa sampu ay maaaring hindi po kayo makakasama sa mabibigyan ng election returns sa tatlumpung kopya na mapi-print po sa bawat isang Vote Counting Machine sa buong Pilipinas na naka-assign.

So, ang mabibigyan lamang po ay iyong mga naka-enumerate doon po sa listahan na nakalagay po sa batas at sa atin pong umiiral na mga patakaran.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, mayroon po ba kayong natatanggap na mga reklamo, at ano naman daw po iyong aksiyon ng COMELEC sa mga isyu/reklamo na natatanggap ninyo?

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Mayroon po tayong tinatawag na operation center at diyan po sa operation center, lahat po ng mga reklamo ay diyan pumapasok, lalung-lalo na iyon pong reklamo patungkol sa pangyayari sa ginagawa nating final testing and sealing. Katulad din po ng mga pangyayari sa Cotabato City.

Minu-monitor po nating lahat iyan at kaagad po naming inaaksiyunan by, number one, informing our field personnel. Tutal sila po iyong mga frontliner natin na nandiyan upang ayusin kaagad or at the same time magbigay kaagad ng karampatang report.

[And] at the same time, kapag security issues naman po, kaagad mayroon din pong operation center ang PNP at Armed Forces of the Philippines na kung saan kapag ibinigay kaagad namin iyong atin pong kahilingan sa kanila, automatic din po na kaagad nilang inaaksiyunan.

Siyempre, iyong ibang ahensiya ng pamahalaan, lalung-lalo na rin po ang patungkol sa kalusugan, tayo po ay in close coordination and contact po sa kanila.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong lang, Commissioner: Labag po ba sa batas ang pag-publish ng pre-election surveys ilang araw bago raw po ang halalan?

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Dati po, labag po iyan dati subalit nagkaroon po ng desisyon ang Korte Suprema sa Social Weather Stations versus the Commission on Elections noong 2001. Ang sabi po ng Korte Suprema, iyong probisyon ng Republic Act 9006 o iyong tinatawag na Fair Elections Act, na nagbabawal ng publication ng kahit na anong survey fifteen days bago ang halalan ay unconstitutional. Pinawalang-bisa po iyan ng Saligang Batas. Sa kasalukuyan po, pupuwede pong mag-publish ng mga survey.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, kuhanin ko na lamang po ang inyong mensahe para sa ating mga kababayan ilang araw po bago ang halalan. Go ahead po, Commissioner.

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Muli po, tapos na po, matatapos na po ang panliligaw nila, kinakailangang mamili na po tayo kung sino po ang ating pipiliin. Napakahalaga ng inyo pong boto at may halaga ang inyo pong boto sa araw ng eleksiyon.

Huwag po natin itong sasayangin, huwag po natin itong ibebenta. Kinabukasan po ang at stake dito; [kinabukasan] ninyo, ng ating bansa, ng inyo pong salinlahi. Sana po bumoto tayo sa araw ng Lunes.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong oras, COMELEC Commissioner George Garcia.

Kumpiyansa ang Malacañang na magpapatuloy ang magandang serbisyo ng Philippine National Police sa ilalim ng pamumuno ng bago nitong lider.

Kahapon, kinumpirma ni Acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar na itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Police Lieutenant General Vicente Danao Jr. bilang bagong Officer-in-Charge ng PNP [at] epektibo sa May 8, araw naman po ng pagreretiro ni outgoing PNP Chief Dionardo Carlos.

Ayon pa sa Kalihim [ay] umaasa silang patuloy na pauunlarin ni Danao ang PNP [at] ganoon din ang maayos na paglilingkod sa taumbayan.

Tiniyak rin ng Malacañang na nasa mabuting kamay ang pondo ng gobyerno at maayos ang pangangasiwa rito ng mga otoridad. Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar, kahit pa umabot na nang mahigit P12 trilyon ang utang ng Pilipinas as of March 2022, naging epektibo naman ang paggamit dito.

Pangunahin, aniya, itong inilaan sa COVID-19 response and recovery na mahalaga para sa bawat isa [at] ganoon din para sa iba pang programang pangkaunlaran ng bansa.

Samantala, atin pong kukumustahin ang mga lugar na nakikitaan ng pagdami ng kaso ng COVID-19 at alamin kung ano po ang aksiyong isinasagawa ng pamahalaan upang mapigilan ang lalong pagtaas ng mga bilang.

Kasama po natin si NTF for COVID-19 [Adviser] Dr. Ted Herbosa. Magandang araw po, Doc! Belated happy birthday po, Doc Ted.

DR. HERBOSA: Thank you very much, Usec. Rocky at magandang umaga sa iyo at magandang umaga sa mga tagasubaybay ng Laging Handa briefing.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, umpisahan po natin ang talakayan dito po sa estado ng COVID-19 sa bansa. Ano daw po iyong pinakahuling datos sa mga lugar na may pagtaas ng positibong kaso?

DR. HERBOSA: So, mayroon pa rin tayong mga lugar na nasa Alert Level 2. As of yesterday doon sa report, parang ang daily rate ng buong bansa ay still nasa below 200 ‘no, so, mababa pa rin. Although may areas na may pagtaas, kagaya doon sa Puerto Princesa, may na-report noong isang araw na labinlimang turista na nagpositibo. So, medyo mataas iyon, pero iyong sumunod na araw, zero, wala na. So, ganoon din sa mga iba’t ibang lugar na binabantayan natin na nasa Alert Level 2 pa.

At tuloy naman iyong pagbaba ‘no. Ang thinking ko ay dahil ito sa ating very good vaccination rate. Siguro, Usec. Rocky, ibalita natin iyong vaccination status. Iyong two doses natin, umabot na tayo sa 68.3 million Filipinos ang mayroong dalawang doses. Ito ay 76% na ng target population natin na 77 million na gusto nating mabakunahan noong nag-umpisa tayo. At kapag tiningnan mo naman iyong kahit may one dose lang, 72.9 million ang mayroon nang at least one dose, ito ay 80% na.

And ito, [sa] palagay ko, ang rason kung bakit hindi tayo nakakakita noong mga muling pagtaas ng kaso sa ating bansa at kung mayroon man, ito ay sa mga lugar na below 50% iyong vaccination rate. Ito ay nasa mga regions sa Visayas at Mindanao; I think sa Luzon ay sa MIMAROPA at sa Bicol iyong may kaunting binabantayan kami.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc Ted, ano daw po iyong ginagawang pakikipag-ugnayan at aksiyon ng NTF dito po sa mga lugar o probinsiya na nakitaan po na dumadami itong naitatalang kaso ng COVID? Kabilang na po dito iyong Baguio City kung saan daw po naitala ang unang kaso ng Omicron BA.2.12 variant?

DR. HERBOSA:Tama iyon ano. All we do is, of course, the usual ano, contact tracing. Pero siguro ipaliwanag ko sa mga nanonood na nagbago na iyong approach ng ating Department of Health and the NTF, na nandoon na tayo sa tinatawag na sentinel surveillance. Hindi na natin binabantayan iyong number of cases everyday – iyong bago/new cases. [Kung] naaalala ninyo, for the past two years new cases lang.

Ang mas importante sa atin ngayon ay iyong mga vulnerable. Ito ang rason kung bakit siguro inuna natin sa second booster dose iyong ating mga immunocompromised sapagkat ngayon [ang approach natin ay ang] tinatawag na sentinel surveillance. Ang gusto nating bantayan [ay] iyong mga naoospital at [mga] namamatay.

Kasi alam natin na noong nakaraang Omicron, karamihan [ay] nasa bahay lang. Nagpagaling sa bahay dahil may bakuna or mild na iyong virus. So, iyong dalawang iyon [ay] nakatulong ‘no. Kahit itong mga bagong sub-variants, Usec. Rocky, iyong BA.2.12, ito ay hindi naman mas nakamamatay. So ang problema natin ay iyong mga taong mahina ang immunity. So, iyon ang tinatawag na sentinel reporting. Babantayan natin iyong puwedeng ma-ospital at iyong puwedeng mamatay.

Iyong dami ng kaso, alam naman natin [na] kapag nahawa ka ngayon ng COVID, kung mild lang at asymptomatic, sa bahay ka na lang, hindi ba at mag-isolate ka nang ilang araw at pagkatapos noon ay wala ka nang mararamdaman. So, parang regular flu na lang, parang regular trangkaso na lang ang tingin lalo na kung ikaw ay walang ibang sakit. Pero iyong mga tao na may comorbidities kagaya noong may cancer, iyong may kidney disease na nagda-dialysis, o iyong mga may HIV, sila iyong mga high-risk na puwedeng mamatay pa rin kung mahahawa dito sa mga bagong sub-variant ng COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted, patuloy naman ang paghikayat ng ating pamahalaan sa mga kababayan natin na hindi pa bakunado na talagang magpabakuna na [at] magpa-booster [iyong eligible na]. Sa paanong paraan po ulit na ini-encourage ng NTF itong mga mamamayan na magpabakuna? May mga bago po ba tayong activities para masiguradong magpabakuna na po sila?

DR. HERBOSA:Oo, iyong [sa] National Capital Region [ng] Department of Health [ay] maraming na-report na nagawang house-to-house na pagbabakuna on a daily rate. As of now, nasa 170,000 a day pa rin ang ating naibabakuna sa ating mga kababayan na gustong magpabakuna.

Pero, tuloy-tuloy ang paalala kasi nag-normal na tayo, Alert Level 1 na, may pandemya pa rin. Iyan ang lagi naming niri-remind sa ating mga kababayan. Hindi pa rin tayo nag-aalis ng pagsuot ng mask at very important na iyong booster, tingnan ninyo iyong last dose ng second dose ninyo, kung kayo po ay more than three months na ng second dose, kandidato na kayo para sa first booster.

At kung ikaw naman ay kabilang doon sa mga immunocompromised individuals, ikaw naman ay maghihintay lang ng four months from your first booster at puwede na kayong magpa-booster sa vaccination centers.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted, balikan ko lang itong house-to-house dito sa NCR. Naging maganda po ba iyong pagtanggap ng ating mga kababayan dito sa ginawang house-to-house na vaccination?

DR. HERBOSA: Oo, kasi iyong iba ay nagpapabakuna. Pagdating doon at mayroong hindi pa nababakunahan ay nababakunahan ng ating mga vaccinators. So, it’s actually very effective.

Alam mo, very inconvenient kasi, Usec. Rocky, lalo na sa mga kababayan nating mahihirap. Magbabayad ka pa ng pamasahe, mga kalahating araw ang mawawala sa iyo, pupunta ka sa vaccination center. Whereas, kung dumating na iyong vaccinator at mga magbabakuna doon sa bahay mo pati iyong mga may edad, iyong mga bedridden ay willing na silang magpabakuna kapag nandidiyan na.

USEC. IGNACIO: Ilang araw po ay eleksiyon na, Doc Ted. Ano daw po iyong preparasyon na ginagawa ng NTF para dito?

Isabay ko na po iyong tanong ni Mela Lesmoras ng PTV: Ano daw po iyong health reminders ninyo para sa araw ng halalan?

DR. HERBOSA: Well, ulitin natin ang mga reminders ano. Nagpahayag na ang Department of Health at COMELEC na kung kayo ay nag-positive na before May 9 at kayo ay nasa isang isolation facility ay hindi na po kayo papayagang bumoto. So, mag-ingat ngayon pa lang kasi baka magkasintomas.

Pangalawa, iyong mga mayroong mild symptoms ay ilalagay sa isang lugar at puwedeng makaboto basta nakasuot sila ng mask at ilalagay sila sa isang special polling place doon sa ating mga precincts sa voting place. At pagkatapos ay iti-test sila. Hindi na sila ibabalik at makikihalo sa ibang kababayan.

At Pangatlo, iyong mga kababayan nating boboto, make sure isuot pa rin natin iyong ating face mask at saka iyong status ng bakuna natin dapat updated, mayroon dapat booster.

At kapag nakakita kayo ng mga bumoboto na medyo hindi naka-mask or nasa baba ng ilong iyong mask, para na ring hindi naka-mask iyon kaya lumayo na kayo, distansiya naman at huwag makipagsiksikan sa mga polling precincts.

Pagboto niyo ay umalis agad. Ang estimate doon sa trial ay mga 30 minutes. Matagal na iyong isang oras sa polling precinct. Huwag nang maglagi doon, huwag nang magtingin-tingin at magtsismisan. Pagkatapos ninyong makaboto, nag-exercise [ng] iyong karapatan ay bumalik na kayo sa bahay at huwag na kayong magpahawa diyan sa botohan.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ulit ni Mela Lesmoras ng PTV: May chance daw po bang magkatotoo ang pangamba ng ilan na may panibagong lockdown pagkatapos ng eleksiyon sa dami daw po ng mass gathering nitong mga nakalipas na linggo?

DR. HERBOSA: Gusto ko sanang i-explain na iyong lockdown na ginagawa sa China ay hindi na natin gagawin ano. Ang sistema natin ngayon ay alert level at localized lockdown.

Kahit mag-Alert Level 5 tayo ay hindi naman tayo magla-lockdown ng buong Metro Manila. Ang ila-lockdown lang natin ay iyong mga lugar na mataas ang incidents ng new cases.

So, localized lockdown ang approach natin at testing pa rin, iyong expanded targeted testing. Ma-test ang maraming tao doon sa lugar a localized ang lockdown para mai-isolate kaagad iyong mga taong magpa-positive.

At marami na rin tayong pamamaraan na iba. Nakakagamit tayo ng antigen test kapag nagkaroon tayo ng outbreak uli.

So, hindi dapat mangamba iyong ating mga kababayan. Mas naiintindihan na natin itong sakit na ito. May bakuna pa kaya kita naman natin [na] epektibo talaga iyong bakuna. Nakabalik tayo sa Alert Level 1 na parang normal. May face-to-face classes na, may opisina na at umaandar ang ating mga public transport.

So, kailangan tuluy-tuloy lang. Isuot natin iyong ating face mask at kung may sintomas ay maglagi lang sa bahay, huwag nang lumabas.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin ni Red Mendoza ng Manila Times: Satisfied daw po ba ang NTF sa mga preparasyong isinasagawa ng COMELEC para sa halalan sa Lunes?

Hindi po ba nag-aalala ang NTF sa maaari daw pong paglobo ng mga kaso dahil sa posibilidad na pagboto ng mga taong may sintomas sa mga presinto?

DR. HERBOSA: As of now, mababa kasi iyong ating tinatawag na test positivity rate. One point something lang yata or 1.3 ang ating test positivity rate. Ibig sabihin noon, very low risk kahit mayroon tayong—

Kita niyo naman madami tayong political rally, miting de avance at walang nari-report na nag-a-outbreak. So, talagang very low ang incidence. I think nag-work talaga iyong ating madaliang pagbabakuna nitong 2021.

Iyong mga hindi pa nagpapabakuna, talagang safe and effective siya. Talagang dapat ay magpabakuna na kayo kung ayaw ninyong maospital o ma-infect uli nitong mga bagong variants.

USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Ano rin daw po iyong abiso ninyo sa mga pupunta sa mga miting de avance sa Sabado na kung saan daw po ay expected siyempre ang maraming tao kung saan magkukumpul-kumpol ang mga ito?

DR. HERBOSA: Well ganoon din ano, kailangan vigilant tayo sa pagsuot ng face mask. Kung tayo ay may mga sintomas ay huwag na tayong mag-attend ng mga miting de avance.Kung kayo po ay medyo elderly, iyong senior citizen na ating mga kababayan at iyong may mga comorbidity, ang payo ko ay manood na lang sa TV o makinig sa radyo kung sa miting de avance. Kasi baka ilagay niyo pa ang sarili niyo sa risk.

So, maging risk-free tayo para hindi tayo maospital or magkaroon ng infection. So, very important iyon at saka I’m sure mayroong mga protocol diyan iyong mga nagti-test ng temperature at kung fully vaccinated ay mas maganda iyon ang status mo kapag nag-attend ka nitong mga miting de avance.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Red Mendoza ng Manila Times: May mga plano na rin po ba ang NTF sa posibleng susunod na pangulo ng bansa?

May nakahanda po bang transition plan ang NTF na maaring ibigay sa susunod na pangulo?

DR. HERBOSA: Technically ang ating National Action Plan Phase 5 ay mostly economic recovery. Sapagkat ang dapat na ituloy ay iyong vaccination ng ating mga kababayan at magkaroon pa rin [ng] evidence-based na polisiya kung bibili pa tayo ng additional vaccines para doon sa susunod na mga …iyong mga reformulated o iyong nagku-contain na nung mas bagong variant. At saka itutuloy pa rin natin iyong pagbakuna sa ating mga kabataan, sa pediatric age group at sa mga younger than the five age group.

So, iyan ang mga importanteng gawin. I think, ang next transition plan really is how to move  towards an endemic surveillance and monitoring nitong mga sakit na ito.

So, magiging para siyang ILI. Ang minu-monitor kasi ng ating Epidemiology Unit ay iyong ILI or influenza-like illnesses. So, iyan na iyong paghahanda sa any influenza outbreak. Kasama na iyong sintomas ng COVID-19 diyan sa ILI monitoring or influenza-like illness monitoring at kung mayroong outbreak ay gagawan natin ng outbreak investigation at contact tracing.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin po kay Mela Lesmoras ng PTV: Kasabay ng pagtatapos ng termino ng Duterte administration, magtatapos din ang mga nanunungkulan ng mga nasa NTF Against COVID-19.

Kung iri-rate niyo daw po ang inyong naging pangangasiwa sa pandemic ng task force, anong grade daw po ang ibibigay ninyo?

DR. HERBOSA: Passing grade. Passing grade siguro at saka pinuri din naman tayo ng G20 at tayo ay natawag na model country sa vaccine administration sapagkat marami ang tumuligsa sa atin na aabutin daw kami ng 25 years bago mabakunahan ang Philippine population. In one year nakapagbakuna tayo ng 75% ng ating mga target population. At talagang ang hirap na lang ay doon sa mga geographically isolated areas at iyong mga talagang hesitant at ayaw nang magpabakuna.

So, I think naging maganda ang naging resulta. Nakita naman natin ang sitwasyon sa ibang bansa ngayon ay dumadami ang cases, pero sa Pilipinas kahit tuluy-tuloy ang mga political rally ay tuloy na mababa ang ating mga kaso.

So, hindi lang passing siguro. Napakaganda na napunta tayo sa sitwasyon na ito at may pag-asa tayong mag-recover ng economy lalo na doon sa mga nahirapan, nawalan ng trabaho, nagsara ang hanapbuhay. Panahon na para maka-recover tayo at sana hindi tayo masyadong maapektuhan nung giyera sa Europa, between Russia and Ukraine dahil sa pagtaas ng gasolina.

Mas mukhang iyon ang magiging problema nung susunod na administrasyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, kunin ko na lamang po ang inyong mensahe at payo sa ating mga manonood at siyempre doon sa mga hindi pa nagpapa-booster, hindi pa nagpapabakuna.

DR. HERBOSA: Thank you, Usec. Rocky. Paalala sa ating mga kababayan. Ito ang kauna-unahang eleksyon na gagawin dito sa Pilipinas sa panahon ng isang pandemya. Nandito pa rin po iyong COVID-19.

Right now, low risk ang situation natin pero nakita niyo naman sa ibang bansa puwede itong magbago sandali lang. So very important pa rin na sumunod pa rin tayo doon sa minimum public health standards: Kung may lagnat, huwag nang lumabas at bumoto; kung boboto, magsuot ng mask properly at huwag magtagal doon sa voting precinct; at magpabakuna, ipa-update natin iyong mga vaccines natin para tayo ay protected in case tayo ay mahawa. At good luck sa ating mga kababayan na boboto sa ating election day sa May 9.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin at pagbibigay-impormasyon, Dr. Ted Herbosa, Medical Adviser ng NTF Against COVID-19. Salamat po.

DR. HERBOSA: Salamat, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Malaki ang ipinagbago ng serbisyong-medikal sa bansa mula po [nang] mag-umpisa ang pandemya. Ngunit ayon kay Senator Christopher ‘Bong’ Go, dapat po ay paigtingin pa ang pagpapalakas ng health care system sa bansa. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, alamin naman natin ang update sa paghahanda ng Department of Education para sa halalan sa Lunes. Ihahatid sa atin iyan ni Mark Fetalco. Mark…

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Mark Fetalco.

Para po sa selebrasyon ng Labor Day, nagsagawa ng Labor Day jobs at business fair ang Department of Labor and Employment para po sa mga kababayang naghahanap ng trabaho at mapagkakakitaan. Atin pong kumustahin at alamin ang naging resulta ng kaganapang ito. Kasama po natin si Assistant Secretary Dominique Tutay mula po sa Employment and General Administration Cluster ng DOLE. Good morning po, Asec. Tutay, at welcome po sa ating programa.

DOLE ASEC. TUTAY: Good morning po, Usec. Rocky at sa lahat po ng ating mga tagasubaybay.

USEC. IGNACIO: Opo. ASec., kumusta po itong ginanap na job fair sa iba’t ibang site sa bansa? Maaari ninyo po bang ibahagi sa amin ano po ang naging resulta?

DOLE ASEC. TUTAY: Opo. Successful naman po iyong ginanap po natin na job fair noong Labor Day. First time po tayo na nag-face-to-face, although mayroon pong kasama na online pa rin po sa ibang bahagi po ng bansa, subalit mayroon po tayong nakalap na mga 153,000 na job vacancies. Iyan po ay mula sa local employment po at saka sa overseas employment opportunities.

And karamihan po dito, Usec. Rocky, ay naibahagi po natin sa ating mga job seekers noong May 1, subalit hindi naman po lahat ay na-fill up-an itong mga bakante na ito kaya ninanais pa rin po natin na i-post po ito sa ating mga website at i-offer pa rin po sa mga susunod po natin na mga job fair events.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec, ano po iyong industriya na in-demand at talaga naman daw pong maraming nag-apply during itong job fair natin?

DOLE ASEC. TUTAY: Opo. Karamihan po sa mga vacancies po na ini-offer po during May 1 ay nasa manufacturing sector, and then mayroon din po sa retail trade, mayroon po sa construction at saka sa information technology and business process outsourcing. Pagdating naman po sa overseas employment opportunities, marami po iyong mga health-related po at saka ganoon din po iyong ating construction-related din po na mga vacancies po.

In terms of na-fill up-an na mga vacancies po, marami po iyong sa manufacturing sector lalung-lalo na po doon po sa mga production operators. And then sa retail trade naman po, mayroon pong sales clerks, iyong admin staff; and then pagdating po sa construction, iyon pong ating mga construction workers po.

USEC. IGNACIO: Opo. Bukod nga po sa nakatulong ang aktibidad na ito sa ilan nating mga kababayan, malaking bagay din daw po iyong maiaambag nito siyempre sa pagbangon ng ating ekonomiya. May maaasahan po ba ang mamamayan na mga programa o proyektong tulad nito bago po tuluyang magtapos daw po ang Administrasyong Duterte?

DOLE ASEC. TUTAY: Opo. Tuluy-tuloy naman po iyong tinatawag natin, Usec. Rocky, na Employment Facilitation Program, this is year-round. Kaya lang po kapag mga big events na po kagaya ng May 1, ang susunod po natin ay iyong Independence Day naman po which is on June 12, mayroon din po tayong malawakan na job fair. So iyong iba pong mga vacancies po na hindi po natin na-fill up-an noong May 1, io-offer po natin ito sa June 12.

Pero huwag pong mag-alala ang ating mga kababayan [dahil] puwede po kayong lumapit sa pinakamalapit na Public Employment Service Office po or PESO kung saan ang mga vacancies po ay nakatala din po sa kanila. At puwede rin po ninyong bisitahin iyong website po ng Bureau of Local Employment, that’s ble.dole.gov.ph [at] hanapin ninyo lamang po iyong TNK or Trabaho, Negosyo, Kabuhayan webpage at naka-post din po doon iyong mga vacancies po na hindi pa rin po na-fill up-an noong May 1.

USEC. IGNACIO: Oo. Pero kumusta naman po itong livelihood projects ng inyong ahensiya? Ano po iyong mga programa ng DOLE na sinisikap ninyong ma-accomplish bago man lang po matapos ang administrasyon?

DOLE ASEC. TUTAY: Opo. Tuluy-tuloy po iyong pamimigay po natin ng livelihood assistance sa ating mga kababayan, lalung-lalo na po doon sa mga informal sector workers po natin. Ganoon din po, iyong emergency employment program under TUPAD ay tuluy-tuloy po ito.

Ang tinututukan natin ngayon, Usec. Rocky, ay iyong pagbubukas fully ng ating OFW Hospital dito po sa San Fernando, Pampanga. Sa ngayon po, after po na ma-inspect ito ng ating Pangulo noong May 1, open na po at nag-o-operate na po iyong hospital as a polyclinic. Ito po ay outpatient muna at hindi pa po kumpleto iyong ating services. Subalit ang gusto po ng ating Kalihim ay mabuksan po ito for the inpatient po natin bago man lamang po magtapos ang kasalukuyang administrasyon at iyon po ang ating tinatrabaho sa ngayon.

Mayroon na po tayong mga pasyente na nagmumula sa iba’t ibang bahagi po ng ating bansa. Caution lamang po: Ang atin pong ospital sa ngayon ay outpatient muna, hindi pa po tayo tumatanggap talaga ng inpatient at lalung-lalo na po kung magpapaopera po kayo ng inyong karamdaman, or kung anuman po iyong findings ng doctor. Hopefully po, bago po bumaba ang kasalukuyang administrasyon, we will be opening the hospital na po fully for inpatient naman.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, ASec., nagri-reach out po ang DOLE sa mga companies para po alamin iyong mga kondisyon at concerns ng mga empleyado?

DOLE ASEC. TUTAY: Opo. Patuloy naman, USec. Rocky, iyong labor inspection program po natin kung saan ito pong ating mga employers, ang atin pong mga kompanya, ay binibisita ng ating mga labor inspectors para alamin iyon pong, una, mga reklamo po ng ating mga manggagawa patungkol po sa pasahod, patungkol po sa working condition, patungkol po sa mga leave credits, at saka po lalung-lalo na iyong payment po halimbawa ng mga premiums nila for SSS, for PhilHealth at Pag-IBIG.

So, ito po iyong mga nakikita po natin na kailangang tugunan at ayusin ng atin pong mga employers para naman po makapagbenepisyo naman po iyong ating mga manggagawa.

USEC. IGNACIO: Opo. ASec., bigyan-daan ko lang po iyong tanong ng ating kasamahan sa media. Mula po kay Naomi Tiburcio ng PTV: Narating na po ba ng bansa ang pinakamababang unemployment rate simula po noong pandemic? Saan daw po maa-attribute ng DOLE ang pagtaas ng employment na ito at ano po ang gagawin ng DOLE para maipagpatuloy ang pagbaba ng unemployment rate?

DOLE ASEC. TUTAY: Opo. Kaninang umaga po, inilabas na po ng Philippine Statistics Authority iyong resulta po ng March Labor Force Survey and we are happy na for the first time after the pandemic ay bumaba na po nang husto ang ating unemployment rate at 5.8%. Iyan po ay katumbas ng mga 2.87 million unemployed Filipinos.

Kung tutuusin po, ito po ay malapit-lapit na, pero medyo malayo pa nang kaunti doon sa pre-pandemic level po natin na 5.1% unemployment rate. So, kailangan po ay tuluy-tuloy lang iyong mga programa po ng ating pamahalaan.

Ang sinasabi po natin na ang pagbangon naman po ng ating ekonomiya at ng ating unemployment situation ay whole-of-government approach. So, ibig sabihin po, lahat ng ahensya ng pamahalaan under the current Administration ay tuloy-tuloy lamang po pero katuwang po natin diyan siyempre ang ating employer’s group na nagbibigay naman po talaga at naglilikha ng trabaho para sa ating mga kababayan.

At siyempre, iyong atin pong labor sector na lagi po nating kinukonsulta para po mabigyan din po natin sila ng disente at maayos na trabaho.

USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pang tanong ni Naomi Tiburcio ng PTV: Sa kabila po ng mababang employment rate, tumataas po naman ang halaga ng mga bilihin. Ano po ang development sa hiling na wage increase ng mga manggagawa? Maihahabol po ba iyong taas sa minimum wage sa ilalim po ng Administrasyong Duterte?

DOLE ASEC. TUTAY: Opo, nasa 4.9 po ang ating inflation rate. Ito po ay mataas kung tutuusin. Sa ngayon po, ang ating pong mga Regional Wage Boards po ay nagkakaroon po ng pagkonsulta or wage hearing na tinatawag. Mayroon na pong apat na rehiyon kung saan natapos na po ang kanilang tinatawag na public hearing. Iyan po ay ang Cordillera Administrative Region; Region I; Region VI; at saka Region IX.

So, pagkatapos po ng tinatawag po natin na public hearing, ii-evaluate po iyong posisyon ng bawat panig na inihain po ng ating employer’s sector at saka ng ating labor groups. At titingnan din po iyong mga iba’t ibang posisyon ng mga stakeholders na ito plus the fact na iyong mga economic conditions kagaya nitong mataas na inflation rate.

So, ito po ay babalansehin lahat and hopefully po naman bago bumaba ang kasalukuyang administrasyon ay may mga rehiyon na rin po na makakapag-issue ng wage order. Sana po, sana.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., kuhanin ko na lamang ang inyong paalala at mensahe [para] sa ating mga manggagawang Pilipino.

DOLE ASEC. TUTAY: Opo. Kapit lang mga kababayan dahil napatunayan naman po natin iyong ating pagiging isang matatag during the COVID-19 pandemic. At ngayon po, kahit tayo po ay bumabangon nang unti-unti, tayo po ay magsikap pa rin at manatili po ang ating tiwala sa ating pamahalaan na tumutugon po sa lahat ng ating mga pangangailangan.

Maraming salamat po, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Kami rin po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay. Mabuhay po kayo!

Patuloy po ang pagsulong sa paghatid ng mas maayos at kalidad na serbisyong-medikal ng ating pamahalaan at isang patunay ang isang bagong Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Maynila. Narito po ang report.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Makibalita naman tayo sa pinakahuling pangyayari sa iba’t ibang mga lalawigan sa bansa. Puntahan natin si Czarinah Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Czarinah Lusuegro.

Samantala, alamin din natin ang final preparations ng PPCRV para po sa hatol ng bayan sa Lunes, makakasama po natin via phone patch si Dr. Arwin Serrano, National Trustee and Director ng PPCRV.

Good morning po! Welcome po sa Laging Handa, Director!

PPCRV DIRECTOR SERRANO: Yes, good morning din sa inyong lahat!

USEC. IGNACIO: Opo. Director, paano po nakikipagtulungan ang PPCRV sa COMELEC para po matiyak itong malinis na at tapat na halalan ngayong automated na nga po ang ating eleksiyon?

PPCRV DIRECTOR SERRANO: Well, una sa lahat, mayroon tayong mga ginagawang mga pagtulong sa pagdating ng mga Vote Counting Machines at election paraphernalia sa atin pong mga different voting centers.

And then, on election day [ay] mayroon tayong voter’s assistance desk na magga-guide sa ating mga botante kung saan sila boboto, anong room assignment nila, and even iyong sequence number nila doon sa talaan ng mga botante.

And then, kapag mayroong mga reports about various election violations at saka incident reports ay pinadadala rin natin ito sa COMELEC.

Hindi pa tapos iyong aming voters’ education. In fact, mayroon pa ako mamaya, kaya iyan din iyong mga ginagawa rin nating pagtulong sa COMELEC.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, ilang polling precincts po ang babantayan ng PPCRV sa araw ng eleksiyon? At ilan po iyong inyong volunteers? At ano daw po ang gagawin nilang pagtulong?

PPCRV DIR. SERRANO: Mayroon tayong 106,174 voting precincts – hindi pa kasama diyan iyong mga special polling precincts – at mayroon tayong 37,000 more or less na mga voting centers. So, lahat po iyan mayroon pong mga PPCRV presence.

USEC. IGNACIO: Sa tingin ninyo, Director, ano po iyong pinakamagiging challenge para po sa inyo ngayong unang beses po isasagawa ang halalan sa panahon po ng pandemya?

PPCRV DIR. SERRANO: Well, una iyong ating social distancing. Hindi natin alam kung talagang ganap na mapapasunod iyan; Iyong wearing of mask, most likely susunod naman iyong mga botante natin; and then iyong mga pagka-crowd ng mga tao not only in the voting centers but also outside. Sana wala na ring mga magsi-setup ng mga tables and chairs or tent outside the voting centers na nakikita natin. And then wala na sanang mag-a-attempt na mag-vote-buying at [vote]-selling ngayong nalalapit na nga iyong election day and more so, on election day. Wala na rin sanang magbibigay ng mga sample ballots kasi bawal din po iyan, it’s a form of campaign materials.

Lahat ng mga pinagbabawal sa buong pre-pandemic lalo talagang pinagbabawal iyan ngayong nasa pandemic pa rin tayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, ilang porsiyento po ang inaasahan ninyong voter turnout ngayong eleksiyon?

PPCRV DIR. SERRANO: Well, ako very positive ako at very optimistic, kaya ang iniisip ko diyan [ay] aabot tayo ng 85% sa voter turnout.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano naman pong mga programa na may kinalaman dito [sa] voters’ education ang naisagawa na po daw ng PPCRV, Director?

PPCRV DIR. SERRANO: Ay naku, napakarami na. Nagbabad kami ng husto doon sa aming [unclear] values para gabay sa ating mga botante sa pagpili nila ng karapat-dapat na kandidato mula nasyonal hanggang lokal.

Nagbibigay din kami ng tulong at impormasyon tungkol sa voting process, especially in this pandemic situation. Nagbibigay din kami ng voters’ education, partikular dito sa mga dos and don’ts – kung ano iyong mga pinagbabawal at saka pinapahintulutan ngayong darating na halalan.

And mayroon din tayong magti-training sa mga volunteers natin para maging mahusay, magaling at maging mulat ang mga poll watchers natin sa bawat presinto na kung saan tayo boboto.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, kunin ko na lamang ang inyong paalala at mensahe sa ating pong mga kababayan, partikular po sa mga boboto para sa darating na Lunes.

Go ahead, Director.

PPCRV DIR. SERRANO: Maraming-maraming salamat muli sa PTV-4.

Una, para sa ating mga volunteers, nawa ay matulog tayo nang maaga sa May 8 para magising tayo nang maaga on May 9. At nawa ay handang-handa na tayo sa ating susuutin na t-shirt, ID, at saka iyong mga ibang kagamitan natin na gagamitin natin sa ating pagbabantay.

Nawa’y iyong ating mga voters’ assistance desk ay nakapag-coordinate na ng maayos ng mga designated room sa bawat voting center para sa ganoon ay wala na tayong problema sa gagamiting mga tables and chairs at extension cord.

Para sa ating mga kandidato, dalawang araw na lang tayo ng kampanya. Nawa’y maging focused tayo sa ating kampanya. Iwasan natin ang negative campaigning at patuloy nating ipakilala iyong ating sarili at ang ating ‘plataporma de gobyerno’ kung tayo ay papalaring manalo on May 9.

At para sa mga tagapakinig, mga ginigiliw nating botante, lalung-lalo na iyong mga kabataang botante, dito nakasalalay ang ating kinabukasan at malaki ang pagpapahalaga namin dito bilang inyong nakatatanda, kaya dapat [ay] lalo na kayo bilang mga kabataan.

Napakahalaga nitong ating eleksiyon at nawa’y magkaroon tayo ng mananalong mga karapat-dapat na tunay na maglilingkod sa ating lahat bilang public servant.

Again, maraming-maraming salamat po, and God Bless.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat din sa inyong panahon at impormasyon.

Dr. Arwin Serrano, mula po sa PPCRV.

Davao City Police Office, handa na para sa eleksiyon sa Lunes. Magpapatupad din ng liquor ban sa lungsod isang araw bago magsimula ang halalan.

May report si Julius Pacot.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Bayan, sabay-sabay nating tunghayan ang mga kaganapan sa darating na eleksiyon. Tumutok po kayo sa ‘Hatol ng Bayan’ live coverage ng PTV at gamitin ang #PTVBantayBoto, #PTVEleksyonTV at #HatolNgBayan2022. I-follow rin kami sa mga sumusunod na social media accounts. Maaari rin kayong magpadala ng mensahe sa pamamagitan ng Viber at Gmail.

At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayo sa Lunes, dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)