USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Dumating na ang araw upang piliin ng mamamayan kung sino ang sa tingin nila ay karapat-dapat na susunod na mamumuno sa bansa. Gayunpaman, samahan ninyo po kami para sa kalahating oras ng talakayan upang kumustahin ang pagdaraos ng halalan at ang pinakahuling balita tungkol sa COVID-19. Siksik na naman po ang ating talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH para sa Hatol ng Bayan.
Una nating alamin kung ano ang mga susunod na plano ng Kagawaran ng Kalusugan hinggil sa vaccination rollout sa bansa at posibleng paghigpit ng restrictions matapos po ang halalan. Ating makakasama si Undersecretary Myrna Cabotaje ng Department of Health upang sagutin ang ating mga katanungan. Magandang umaga po, Usec. Welcome back po sa ating programa. Usec. Cabotaje?
Okay, pupuntahan po muna natin si DILG Undersecretary Malaya para po pag-usapan itong pinakahuling balita sa eleksyon. Usec. Malaya? Okay, babalikan po natin si Usec. Malaya maya-maya lamang.
Magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Ang inyo pong nakikita ay ang pagboto ni Mayor at presidential candidate Isko Moreno.
At para alamin po natin ang karagdagang detalye niyan sa kasalukuyang pagboto roon ni presidential candidate Isko Moreno, kasama natin si Patrick de Jesus. Patrick?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong report, Patrick de Jesus.
Samantala, Comelec nakapagtala ng maraming bilang ng depektibong voting counting machines. Ang detalye mula kay Karen Villanda live mula sa PICC.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyo, Karen Villanda.
Samantala, alamin natin kung ano po ang susunod na plano ng Kagawaran ng Kalusugan hinggil sa vaccination rollout sa bansa at posibleng paghigpit ng restrictions matapos ang halalan. Atin pong makakasama muli si Usec. Myrna Cabotaje ng Department of Health upang sagutin iyong ating mga katanungan. Magandang umaga po ulit, Usec. Welcome back po sa ating programa.
DOH USEC. CABOTAJE: Magandang umaga, Usec. Rocky, at sa lahat ng nanunood sa programa natin ngayong umaga.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., unahin ko na po itong hingiin, iyong datos ng vaccination sa bansa. Ilan na raw po iyong fully vaccinated at boosted sa ngayon?
DOH. USEC. CABOTAJE: As of May 8, mayroon na tayong 68.4 million na fully vaccinated. Ito ay 76% ng ating target na 90 million. Iyong ating booster one ay nasa 13.4 million, medyo mabagal. May mga 38.6 million pa, Usec. Rocky, na kailangan nating bigyan ng first booster
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., may balita na po ba kayo kung kailan uumpisahan ang pamamahagi ng second booster sa ibang priority groups? Naisapinal na rin po ba itong second booster para sa ating mga OFWs?
DOH USEC. CABOTAJE: As of the moment, Usec. Rocky, wala pang final recommendations ang ating Health Technology Assessment Council. Dinagdag natin iyong ating OFWs sa A1, pero wala pa rin pong final recommendation galing sa Health Technology Assessment Council.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., lahat po ba ng polling precincts ay may nakatalagang vaccination site? Paano po ang magiging proseso? At kung mayroon po, mayroon na po ba kayong datos kung naging maganda ang turnout nito?
DOH USEC. CABOTAJE: Ang ating latest report ay ay 216 vaccination sites in polling places. Pinakamarami ang Region XII with 60; may isa sa Region VII. Wala pong sinumite ang IV-B, V, VIII and BARMM.
Ano po ang magiging proseso? Pagkatapos pong bumoto ng ating mga mamamayan, pumunta sila sa bakuna center para mabigyan ng first dose, second dose o booster shots. Kailangang ipakita iyong kanilang ID at saka iyong kanilang vaccination card. Pareho pa rin iyong proseso: Magko-consent sila, tapos pagkaraan na mabakunahan ay mag-observe ng 15 minutes kapag walang mga kumplikasyon, at 30 minutes kung sila ay may history ng mga allergy.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., lumabas po sa survey ng OCTA Research na mahigit sa 70% ng mga Pilipino iyong handa o willing na talagang magpaturok ng booster shot. Pero bakit daw po kaya medyo mababa pa rin iyong turnout ng mga nagpapa-booster?
DOH USEC. CABOTAJE: Dalawa ang tingin natin sa 70% willingness sa OCTA. Unang-una, gusto nilang magpabakuna pero iyong urgency, wala pa. Pangalawang tingin natin diyan, nagiging epektibo na iyong ating adbokasiya kasama ng ating mga friends in media, kaya lang ay naghihintay sila ng tamang panahon. We hope that after the Ramadan and after the elections ay talagang ma-convert na itong mga gustong magpabakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa ngayon po, Usec., may indikasyon po ba na posible daw pong maghigpit muli ng restrictions pagkatapos ng eleksyon ngayong araw?
DOH USEC. CABOTAJE: Ang ating alert level, Usec. Rocky, ay nababase sa case risk classification at saka iyong healthcare utilization rate. Wala namang nakitang pagtaas ‘no at we are adhering to our minimum public health standards. Kung tuluy-tuloy ito, ang ating FASSSTER projections ay baka bumaba tayo ng 28 cases per day by mid-May 15. Pero kung hindi tayo mag-conform, mag-adhere, bumaba iyong ating adherence sa minimum public health standard, baka tumaas ito ng mga 205 cases per day.
Of course, ang mga factors niyan: Mayroon ba tayong mga bagong variant; gaano ba iyong mobility ng population; at saka iyong vaccination rates ng ating mga areas.
USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit ninyo nga po, bagama’t mababa iyong ating kaso, pero sa pagpasok po o pagkakaroon ng mga subvariants, sa palagay ninyo po ba ay dapat nang ibalik iyong mandatory quarantine dito po sa mga foreign tourists gaya po ng suggestion ng ilang grupo?
DOH USEC. CABOTAJE: We remain adhering to the IATF Resolution 164-A. Ang ating restrictions and statutory provisions have [unclear]. So itutuloy lang po natin iyong mga current requirements ‘no: Mandatory quarantine, magti-testing tayo ng 48 hours sa RT-PCR or 24 hours antigen sa mga incoming passengers, dapat negative. Kung walang bakuna at sila ay foreigner ay hindi papasukin. Ngayon, kung sila ay mga kababayan natin, sila ang kailangan mag-quarantine. Itutuloy natin iyong ating isolation and testing procedures na ginagawa natin ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kumustahin na rin po namin iyong nagpapatuloy na Chikiting Bakunation Days. Ilan na po iyong mga batang nabigyan ng kanilang vaccine?
DOH USEC. CABOTAJE: I did not hear the initial kuwan [question], Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Doon sa ‘Chikiting Bakunation’ po, ilan na po iyong ating nabigyan ng vaccine, Usec?
DOH USEC. CABOTAJE: May naitalang 179,212 na nabakunahan noong April 28 at saka 29 ‘no about 70 to 80% noong ating target. Hindi naman lahat ay ating tinarget. At tinarget natin ay iyong mga probinsiya na malalaki ang population at saka iyong medyo mabababa iyong kanilang mga fully immunized child rates. So nasa 179,000 ang kabuuan ng ating bakuna, mga 5%. Alam naman natin, iba-ibang bakuna ito, mga 5 to 6% iyong pentavalent, pneumococcal, OPV at saka IPV; mga 7% iyong ating measles na nabakunahan, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kunin ko na lamang ang inyong mensahe at paalala po sa ating mga kababayan, lalo po iyong ating mga kababayan na mayroon naman pong vaccination site sa kani-kanilang polling precincts. Go ahead po, Usec. Cabotaje?
DOH USEC. CABOTAJE: Salamat din, Usec. Rocky. Dapat pangalagaan natin ang natamo nating kalagayan ngayon dahil sa pagbabakuna, ito iyong tinatawag na ‘game-changer’; at pagsunod sa minimum public health standards, itong ating differentiator. Nakaraos na tayo, but we are not yet out of the woods, ‘ika nga, so, kailangan, mag-prepare tayo. So, importanteng tuluy-tuloy pa rin iyong ating mga bakunahan. We have provided the opportunity in some of the polling places, kasi dadagsa iyong mga tao.
So, kung pagkatapos ninyong bomoto, pumunta po kayo para sa inyong first dose, second dose and booster. At kailangan pong pag-ibayuhin natin iyong pagbibigay natin ng mga booster at saka iyong pagbabakuna ng 5 to 11 years old. Maraming salamat.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po sa inyong paglalaan ng inyong oras at panahon para sa aming programa, Department of Health Undersecretary Myrna Cabotaje. Stay safe po.
USEC. IGNACIO: Samantala, sa Naga, Camarines Sur, kumustahin natin ang naging pagboto doon ni presidential candidate Vice President Leni Robredo. May update diyan si Kenneth Paciente. Kenneth?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Kenneth, sinabi mo [na] halos isang oras na nakapila. Ano ang dahilan ulit ng medyo matagal iyong nagiging botohan diyan, Kenneth?
KENNETH PACIENTE/PTV CORRESPONDENT: Usec, kagaya rin ng ibang mga botante ‘no. Matiyagang naghintay itong si VP Leni dahil nga pandemic pa rin tayo, eh sampu kada polling precinct lamang iyong pinapapasok o pinapayagan ng COMELEC.
USEC. IGNACIO: Oo. Kenneth, sino ang kasama ni Vice President Leni ngayon diyan noong siya ay nakapila?
KENNETH PACIENTE/PTV CORRESPONDENT: Kanina, akala natin, Usec. Rocky eh makakasama niya itong dalawa niyang anak na si Aika at si Tricia, pero pagdating nga ni VP Leni dito, eh tanging mga security personnel lamang ang kaniyang kasama. At may ilang kaibigan din siyang kasama na pumasok dito sa eskuwelahan. At iyan nga, Usec. Rocky, kasalukuyan nang bumoboto itong si presidential candidate at Vice President Leni Robredo. Nakita natin na nakaupo na siya at kasalukuyang pini-fill out iyong kaniyang balota.
USEC. IGNACIO: Kenneth, sa iyong obserbasyon, dito sa mga naunang bomoto kay VP Leni, mga ilang minuto kaya ang itatagal nitong kaniyang pagboto?
KENNETH PACIENTE/PTV CORRESPONDENT: Siguro, Usec. mabilis lamang naman ng mismong pagboto eh ‘no, lalo na kung halimbawa [ay] may listahan naman ang isang botante. Tanging tumatagal lamang talaga, eh iyon nga, sampu kada-polling precinct lamang iyong pinapayagan, kaya medyo mahaba, nagkakaroon ng volume ng mga botante sa kada-polling precinct. Pero kung iyong pagboto, the process, eh mabilis lamang. Kaya, siguro tatagal lamang ito ng tatlo, lima hanggang sampung minuto, Usec?
USEC. IGNACIO: Kenneth, nabanggit ba sa inyo na after niyang bomoto, siya ay makikipag-usap ng kaunti sa mga media na kasama mo diyan? At mula diyan, may plano ba kung saan siya magtutungo?
KENNETH PACIENTE/PTV CORRESPONDENT: Usec, nakaantabay tayo kung papayag itong si presidential candidate at Vice President Leni Robredo na magpa-interview sa ating mga kasamahan sa media. Actually, Usec. Rocky, ikukuwento ko na lamang din ‘no, na mayroong designated area ng media dito sa Carangcang Elementary School, hindi puwedeng pumunta doon sa polling precinct kung saan bumoboto si VP Leni, para siyempre maging maayos. So, titingnan natin kung papayag siya sa isang ambush interview. Pero sa balita natin eh, after niya dito bomoto ay pupunbta siya sa isang simbahan o chapel na tinatawag na Amang Hinulid.
Kung matatandaan natin, Usec. Rocky, noong 2016 vice presidential race ay parang naging kaugalian na nitong si VP Leni na pumunta doon sa chapel na iyon, na para bang tila lucky charm, kaya siya pumupunta roon. So, after niya raw rito ay pupunta siya doon.
USEC. IGNACIO: Kenneth, nabanggit din ba sa inyo na si VP Leni ay mananatili sa Camarines o sa Naga hanggang ngayong araw na ito o hanggang bukas o hanggang sa matapos itong halalan?
KENNETH PACIENTE/PTV CORRESPONDENT: Sa ngayon, Usec, hindi pa ganoon kalinaw iyong magiging schedule nitong si VP Leni. Pero, most likely mag-i-stay siya rito ng ilang araw pero hindi rin ganoon katagal dahil mayroon ding graduation, actually ga-graduate iyong kaniyang bunsong anak na si Jillian Robredo sa Estado Unidos. So anytime soon, kailangan rin niyang lumipad palabas ng bansa. So, aantabayanan natin, Usec. Rocky ang schedule ni VP Leni kung mag-i-stay pa ba siya ng ilang araw o linggo dito sa Camarines bago bumalik ng Maynila. Usec?
USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat sa iyo, Kenneth Paciente, live mula sa Camarines Sur.
Susunod naman po nating pag-uusapan ang pinakahuling balita sa eleksiyon na kasalukuyan ring nagaganap at kumustahin ang plano ng ating gobyerno matapos ang halalan. Narito po ngayon si Undersecretary Jonathan Malaya ng Department of the Interior and Local Government upang ibigay po iyong mga kasagutan para sa ating mga tanong. Good morning po, Usec, at welcome po sa Laging Handa.
DILG USEC. MALAYA: Yes, magandang umaga, Usec. Rocky and magandang umaga po sa lahat ng ating tagasubaybay.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kumusta po iyong pagdaraos ng halalan so far? Ano po ang reported incident ang nakakarating po sa LGU simula po nang magbukas ang botohan kanina?
DILG USEC. MALAYA: Opo. Usec, nakapag-ikot-ikot po tayo sa ilan sa mga polling centers natin dito sa Southern Metro Manila, sa Parañaque ‘no, at lumalabas na napakaraming tao po, napakataas ng turnout natin ng botohan na ito. And, kagaya ng sinabi ng COMELEC kanina, may mga nakita po tayong incidents ng malfunctioning Vote Counting Machines, pero kaagad-agad naman itong inaksiyunan ng ating Commission on Elections at saka lahat ng ating malfunctioning VCMs ay maayos kaagad-agad.
Kasi sa isang polling center sa BF Homes Parañaque, nakausap ko iyong ilan nating kababayan na tatlong oras nang nakapila, ang haba-haba ng pila at hindi sila makaboto dahil gusto nilang maayos iyong Vote Counting Machine at makita nila na binibilang mismo ang kanilang mga boto.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, ano daw po iyong update sa gunfight incident sa pagitan daw po ng supporters ng rival candidates sa Ilocos Sur? May report na po ba kayo?
DILG USEC. MALAYA: Opo, USec. Iyan po ang binabantayan natin, iyong sa Magsingal, Ilocos Sur. Diffused na po iyong situation, nagbalik na po sa normal. Ito pong insidente na ito ay ilan lamang sa mga kaunting insidente ng karahasan ‘no. Mayroon din tayong isang sitwasyon sa Buluan, Maguindanao, kung saan may tatlong presumed na napatay dito ngunit ito pong lugar ay na-cordon off na ng ating kapulisan at iyong sitwasyon po ay balik na rin sa normal.
So, specifically po, doon sa Magsingal, Ilocos Sur, nagpadala po tayo ng mga karagdagang pulis mula sa Ilocos Sur Provincial Police Office, sa Police Regional Office I at mayroon na din po tayong Philippine Army team na naka-deploy doon para nga masiguro iyong seguridad ng ating mga kababayan. Mayroon na din pong dalawang suspects na inaresto; firearms had been confiscated and investigation is now being done thoroughly by the Philippine National Police para po tayo ay makapagsampa na ng kaso.
USEC. IGNACIO: USec., marami pa rin nga po iyong mga nasa Alert Level 1 sa kabila ng naitalang isang kaso ng Omicron variant. Sa palagay po ba ninyo, [mas] makabubuti kung magsisimula nang maghigpit muli ang gobyerno para po mapigilang muli iyong paglaganap ng virus?
DILG USEC. MALAYA: Opo. We are still under Alert Level 1, USec., and nakikita naman natin that the situation is under control. Nakikita po natin sa ngayon [na] wala pa po tayong indikasyon kung kailangan nating maghigpit immediately after the elections.
Kasi nga po kabi-kabilang mga rallies ang naganap, iyong iba, umabot pa sa milyun-milyon iyong kanilang mga participants doon ngunit wala pa po tayong nakikita na uptick sa mga kaso.
So, siguro po, what we need to do is just to keep our feet on the ground and monitor the situation very carefully para po malaman natin iyong mga hakbang na kailangang gawin natin moving forward.
But based on the data that we have right now, pasok pa rin po sa Alert Level 1 ang ating sitwasyon.
USEC. IGNACIO: Pero, USec., sa ngayon ba may mga lugar pa rin na nakailalim sa granular lockdown? Kung mayroon, saang lugar po ito?
DILG USEC. MALAYA: Yes, USec. Base po sa aming monitoring, wala na po tayong ni isang lugar sa bansa na under granular lockdown. Iyong dati po sa Maynila na may tatlong area ay nawala na rin po, hindi na rin po iyon effective, it has been lifted already.
So, napakaganda po ng ating sitwasyon because we no longer have any area in the country under granular lockdown.
USEC. IGNACIO: USec., paki detalye na rin po sa amin itong Anti-Vote Buying Teams na pina-activate po ng DILG sa PNP. Ano daw po iyong pangunahing layunin ng mga ito?
DILG USEC. MALAYA: Opo. Alinsunod po ito sa COMELEC Resolution No. 2022-0400 kung saan binuo ng Commission on Elections ang Task Force Kontra Bigay at miyembro nga po kami ng Technical Working Group nito, kami po ay miyembro ng Task Force.
Ngayon, hiningi na po namin iyong guidelines ng Komisyon para dito at ito po ay inilabas lamang ng COMELEC noong Tuesday o kung hindi ako nagkakamali sa Wednesday, kaya immediately after the release of the guidelines ay nagtalaga po si Secretary ng direktiba sa PNP na bumuo ng Anti-Vote Buying Teams sa lahat ng probinsiya at component and highly urbanized cities sa buong bansa.
So, ito pong dedicated Anti-Vote Buying teams, ang tungkulin po nito ay mag-imbestiga ng lahat ng sumbong na ‘di-umano ay mayroong vote buying sa kani-kanilang mga lugar. So, hinihikayat po natin ang ating mga kababayan na magsumbong kaagad-agad sa COMELEC o kaya naman ay sa PNP para ito pong Anti-Vote Buying Teams natin ay maaksyunan ang kanilang mga reklamo kung mayroon man sa inyong lugar.
USEC. IGNACIO: Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan po ng COMELEC ang sampung kaso ng umanoý vote buying. May update na po ba kayo [dito]?
DILG USEC. MALAYA: Well, base po sa, USec., sa COMELEC, sila po kasi ang may hawak nito, at tuluy-tuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon. Siguro po, sila po ay abala rin sa araw na ito dahil ngayon nga po iyong araw ng halalan.
But I will expect they will have a resolution of all these complaints immediately after the elections. Lahat naman po ng reklamo sa vote buying na ibinabato sa atin sa PNP ay lahat naman po ay inaaksyunan. So, we hope that the COMELEC can resolve these issues and release the results immediately after the election.
USEC. IGNACIO: At ano po iyong next move ng DILG pagkatapos daw po ng halalan, USec.?
DILG USEC. MALAYA: Well, USec., ang kailangan nating siguruhin after the election ay paigtingin ang seguridad sa ating bansa dahil may mga ‘di-umano, posibleng pagtangka ng mga radikal na makakaliwang grupo para maghasik ng kaguluhan sa iba’t ibang lugar sa ating bansa.
So, from now until the time that the new President takes his/her oath of office ay sisiguruhin po ng DILG kasama ang PNP na paigtingin ang seguridad natin sa buong bansa. Handa naman po tayo hindi lamang sa araw ng eleksiyon kung hindi hanggang sa mismong proklamasyon ng mga mananalong kandidato. Kaya umaasa po kami sa DILG na kahit may kaunting aberya sa mga Vote Counting Machines natin ay sana po ay maresolusyunan na ito kaagad ng technical teams ng Commission on Elections at iyon naman pong lahat ng karahasan na nangyayari ‘no, iyong ilan kasi kaunti lang ito, gaya noong nangyari sa Maguindanao at sa Ilocos Sur, that those situations were already under control and the situation in those areas were already back to normal.
USEC. IGNACIO: Lilipat lang po ako ng ibang topic, USec. Ano daw po naman ang aksyon ng DILG matapos iyong desisyon ni Pangulong Duterte na ipatigil ang operasyon ng e-sabong?
DILG USEC. MALAYA: Maayos na po ang isyung iyon, USec. Sumunod naman po kaagad-agad iyong anim o pitong operators ng e-sabong sa bansa and they are no longer operating immediately after the President made his declaration.
Ang sabi nga po namin sa ating mga kababayan ay hindi namin kailangang maghintay ng written order from the Office of the President precisely because the directive of the President was made in a public manner. Siya po ay nagsalita sa Talk to the People at binigyan po ng direktiba ang Philippine National Police, the DILG. Given that instruction from the President, that is already a lawful order kasi it was done in a public manner.
So, with or without the written order from the Malacañang ay kami po agad-agad ay nagbigay ng notipikasyon sa mga e-sabong operators for them to stop operation and ang PAGCOR naman po did their part to inform the operators as well. So, dahil po sa pagtutulungan ng DILG, PNP, LGUs at ng PAGCOR, ay naipasara po natin kaagad-agad ang lahat ng mga operasyon ng mga e-sabong na ito sa ating bansa.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras at ibinahaging impormasyon, DILG Undersecretary Jonathan Malaya. Mabuhay po kayo and stay safe.
Samantala, balikan natin ang ginawang pagboto ni Vice President and Presidential candidate Leni Robredo sa Camarines Sur.
Natapos na po ang kaniyang pagboto. Ayon nga po sa ating reporter na si Kenneth Paciente, ito daw po ay posibleng bumisita sa isang Simbahan at hindi pa rin po alam kung [hanggang] kailan siya tatagal sa Camarines Sur.
Mga kababayan, sabay-sabay po nating tunghayan ang mga importante at pinakahuling kaganapan sa eleksiyon. Tumutok po kayo sa Hatol ng Bayan live coverage ng PTV at gamitin ang #PTVBantayBoto; #PTVElectionTV; #HatolNgBayan2022.
I-follow rin kami sa mga sumusunod na social media accounts at maaarin rin kayong magpadala ng mensahe sa pamamagitan ng Viber at Gmail.
At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Ako po si USec. Rocky Ignacio, magkita-kita po tayo bukas. Ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH para sa hatol ng bayan.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)