USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio ng PCOO.
Ngayong ikasiyam ng Abril, Araw ng Kagitingan, atin pong ginugunita ang katapangan at sakripisyo ng mga Pilipinong nakipagdigmaan noong World War II, tayo po’y magbabalik-tanaw sa kasaysayan. Panoorin po natin ang video na ito:
[VTR]
USEC. IGNACIO: At ilang dekada nga po ang lumipas, ibang uri ng kabayanihan naman ang ating sinasaluduhan ngayon. Tayo po ay nagbibigay-pugay sa lahat ng Pilipinong naglilingkod para labanan ang COVID-19 pandemic. Para sa mga frontliners na buong pusong nagmamalasakit sa kapakanan ng ating mga kababayan, narito po ang mensahe ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas:
[PRESIDENT DUTERTE’S MESSAGE]
USEC. IGNACIO: Samantala, kung mayroon po kayong katanungan sa mga panauhin natin ngayong araw, mag-comment lamang sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook at Youtube account.
Sa ating mga balita: Inanunsiyo ng Malacañang ang dalawang milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 ang inaasahan pong darating sa bansa ngayong Abril. Ayon po kay Presidential Spokesperson Harry Roque, 1.5 million doses dito ay mula sa biniling bakuna ng gobyerno mula sa Sinovac habang inaasikaso na ng gobyerno ang karagdagang 500,000 doses mula naman sa Gamaleya.
Bukod dito, iniulat din ng Kalihim na magpupulong bukas ang IATF para naman talakayin kung papalawigin pa o hindi na ang Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila at mga karatig probinsya.
Hinggil naman sa healthcare workers, tiniyak ng Palasyo na inaasikaso na ng pamahalaan ang hazard pay para sa kanila. Ayon kay Roque, ang lahat ng ito ay napagkasunduan kahapon sa ginawang pulong ng ilang miyembro ng Gabinete.
Samantala, sa patuloy naman na paglobo ng COVID-19 cases sa bansa, nanawagan si Senator Bong Go na makiisa at sumunod ang lahat sa mga ipinatutupad na minimum health protocols ng pamahalaan. Tiniyak naman ng senador sa publiko na maayos ang kalagayan ni Pangulong Rodrigo Duterte at walang dapat ipangamba. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Kahapon po ang huling araw ng pagpapatupad ng price cap sa karneng manok at baboy. Naglabas rin ng executive order ang Pangulo na pansamantalang nag-modify ng rates ng import duty sa mga fresh o frozen swine meat. Pag-uusapan po natin iyan kasama si Department of Agriculture Secretary William Dar. Secretary, welcome back po.
DA SEC. DAR: Good morning, Usec. Rocky. Magandang umaga po ating lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, sa pagtatapos po ng price cap kahapon sa mga karneng baboy at manok, ano na po ba iyong dapat maaaring asahan ng mga consumer na—nasa magkano na po ba maaaring maglaro iyong presyo ng mga karne sa ating pamilihan?
DA SEC. DAR: Ang ating mga iba’t ibang measures po na pinapatupad po natin, simula ngayon po iyong suggested retail price sa imported na pork products at ang kasim po ay nasa P270 at ang liempo ay P350.
Now baka tanungin ninyo bakit walang SRP ang locally produced pork products. Minabuti po namin na huwag lagyan ng SRP para ang titingnan natin lang ay iyong mga imported pork products.
Pero kung tatanungin po ninyo kung ano iyong kinalabasan ng aming pag-aaral doon sa cost structure as a basis, iyong cost structure kasi nag-adjust na ang cost of producing a kilo of pork – iyong mga agricultural inputs, feeds, mga ganoon, iyong mga piglets ay tumaas na. So ang kinalabasan po ng aming pag-aaral sa Kagawaran ng Pagsasaka, ang presyuhan sa locally produced meat ay nasa P320 kada kilo ng kasim at P350 kada kilo ng liempo.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary, may mga nagtatanong po, bakit hindi ninyo raw po in-extend ulit iyong price cap? Ano raw po ang dahilan?
DA SEC. DAR: Well, alam po ninyo, temporary lang naman iyong price cap – good for 60 days. At ngayon ay may iba’t ibang measures, hindi lang naman iyong price cap ang isang measure lang ay puwede nang hatakin pababa iyong presyo. At tamang-tama naman noong April 7 ay inaprubahan na ng ating mahal na Pangulo iyong rekomendasyon ng NEDA board tungkol doon sa pagbaba ng taripa ng pork products na galing MAV in-quota at MAV out-quota.
At gusto kong banggitin itong Executive Order # 128. Ito iyong pagbaba ng taripa, at ang mga dahilan that were mentioned, iyong damages effects of the African Swine Fever to the domestic swine industry leading to soaring prices and, of course, plummeting supply of pork meat. At minabuti po natin to immediately address the current shortage in swine meat and endeavor to strengthen food supply to ensure that Filipinos have equitable access to food, particularly itong pork meat products.
So may kapangyarihan ang mahal na Pangulo under Section 1608 of Republic Act # 10863 na in the interest of general welfare and national security and upon the recommendation of the National Economic and Development Authority to increase, reduce or remove existing rates of import duty. In this case, binabaan iyong taripa ng imported pork effective immediately. So itong tariff rates include iyong in-quota ay five percent ang taripa; out-quota ay 15% good for three months. Now, ito ay good only for one year, the whole lowering of tariff. So the next nine months after this first three months ay itinaas iyong taripa. Ang taripa in-quota ay ten percent at ang taripa out-quota ay 20%
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, dahil dito sa inilabas daw po na executive order, kung hindi naman daw po ba malulugi ang mga local producers dahil dito sa pagbaba ng imported na baboy sa merkado? Hindi pa nga raw po sila nakakabangon dito sa epekto ng ASF, tapos may ganito na raw pong balita.
DA SEC. DAR: We considered everything. Ang pinapa-approve po natin na MAV plus ay doon lang sa deficiency natin nitong taon gawa ng African Swine Fever. So with this lowering of tariff at saka iyong repopulation program na ongoing na ay we believe na every stakeholder including the citizenry in terms of affordable pork prices ay win-win lahat ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may tanong lang po ang kasama natin sa media na si Shyla Francisco ng TV5. Basahin ko po if I may: Mahirap daw pong ipakete ng 500 grams at 1-kilogram ang frozen pork sa palengke ayon daw po sa importers. May iba bang alternative or anong assistance daw po ang puwedeng ibigay ng Department of Agriculture?
DA SEC. DAR: Well, doon sa packaging ng one kilo or half a kilo, we try to understand iyong mga mamamayan mas lalo na sa wet markets. Now, the other part of the question ay kami sa Kagawaran ng Pagsasaka ay tutulong. Let me start with repopulation: Mayroong backyard and semi-commercial repopulation na 500 million po doon ang ACPC loan, zero interest, so payable in five years.
Another part of the repopulation program, mas lalo na doon sa apektado earlier ng ASF, iyong African Swine Fever, ay mayroon tayong backyard clustering following a ‘sentinel approach’. At mayroon tayong nakalaan doon na 600 million pesos.
Now, pangatlong parte ng programa ng repopulation ay mayroon tayong loans, concessional loans, doon sa Landbank ay nakalaan na iyong 15 billion pesos at sa DBP ay 12 billion, so a total of 27 billion na puwedeng i-access ng mga commercial hog raisers. At on top of that, to incentivize itong repopulation program ay for the commercial hog raisers, mayroong insurance premium subsidy at 22% of the insurance fee or premium ay babayaran ng Department of Agriculture. So again, these are incentives, as I’ve said, to encourage them to come forward and repopulate.
Doon sa mga backyard hog raisers in regard to insurance ay basta nakapagpatala sa RSBSA at i-enroll nila iyong mga projects nila every time na nanganganak or may mga bagong herd sila na iyong mga backyard raisers ay covered automatically ng insurance.
At gusto ko ring banggitin na itinaas na ng PCIC iyong coverage, iyong indemnification. Kagaya sa fatteners ay hindi na lang iyong indemnification na binibigay natin na 5,000 kada ulo ng baboy na ma-depopulate. This time around, if they are properly enrolled doon sa PCIC ay 10,000 pesos na iyong indemnification para sa fatteners; at 14,500 naman kung ito ay breeders, at kung parental stock iyong na-depopulate ay 34,000 pesos po. So marami na itong mga incentives na binibigay po natin para ma-encourage po natin ang mga hog raisers to do repopulation.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, sa tingin ninyo naman po ay susunod itong mga meat vendors dito sa mga itinakda ninyong presyo, lalo na’t matagal na raw po silang lugi sa ipinatupad na price cap ng pamahalaan?
DA SEC. DAR: Base po doon sa aming pag-aaral at ito na nga, binibigyan po natin ng SRP ang imported pork ay it’s all a win-win arrangement for every stakeholder sa hog industry, sa pork.
USEC. IGNACIO: Secretary, bumuo kayo ng special committee, ano po, tama po ba ito na tututok sa umano’y alegasyon ng korapsiyon sa meat importation. Ano na po ang update sa ginagawang imbestigasyon? At paano po ito makakatulong sa ahensiya para po mabigyan ng linaw ang isyu sa import allocation?
DA SEC. DAR: Okay. Ang committee ay humingi ng another, I think, ten working days. So within next week ay mayroon na silang report. At even we might give update kung may update na sa Lunes doon sa Senate hearing.
USEC. IGNACIO: Secretary, so paano naman daw po ninyo ina-address iyong panawagan ng isang advocacy group na paigtingin daw po iyong inspection sa mga imported food items na pumapasok sa bansa at magkaroon daw po ng food inspection facility sa mga major ports? Nai-report daw po kasi ang excessive use of antibiotics ng fish farms sa China na isa rin po sa mga bansang malalaking importers natin.
DA SEC. DAR: Itong existing inspection po ay regularly ginagawa. Pero iyon nga mayroon tayong iko-construct dito sa Manila International Container Port (MICP), the first of its kind since time immemorial iyong Agriculture Commodity Evaluation Area (ACEA), so 521 million po iyon ang budget. Now, iyong apat na ports na may pangangailangan ng ACEA facility ay iyon po ay ililinya na po natin kung mayroon man tayo Bayanihan 3 program.
USEC. IGNACIO: Secretary, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon. Baka mayroon po kayong gustong ibigay na pahayag sa atin pong mga consumers, sa ating mga mamamayan?
DA SEC. DAR: Nakikiusap po tayo sa lahat ng stakeholders starting with the hog industry, this is the time much more and amidst the COVID-19 pandemic na tulung-tulong para malampasan po natin itong problema natin ng COVID-19 at the same time, we can properly handle the issues surrounding itong pagbaba ng hog inventory gawa ng African Swine Fever.
At sinisigurado po natin na mayroon na ring mga products po na being developed and tested by our Pilipino inventors tungkol doon sa may mga anti-viral properties ng against African Swine Fever at we will use that—I mean, test that muna under the process of accrediting them by the Bureau of Animal Industry and once we see that it has positive effects in terms of controlling and healing the African Swine Fever ay we will put this as major part to our repopulation technology support and all respect really this will help us continue to monitor and do proper surveillance and control all these emerging outbreaks if there are.
Also to mention, Usec. Rocky, na iyong datos natin ng ASF outbreaks kumpara noong last quarter last year vis-à-vis iyong outbreak this first quarter of 2021 ay talagang significantly has gone down. So, this will be a good sign na iyong elevated platform for fighting against African Swine Fever is really taking its desired outcomes.
Now, in regard to the food security outlook of the country today let me again mention, Usec. Rocky, na ang ating bansa ay may sapat na pagkain sa mga commodities na ito, we have enough rice, we have now enough vegetables and fruits, we have also enough fish, different types of fishes in the market, chicken ay more than enough at of course apektado sila sa lockdown, hoping that they can recover soon. We also have a package program for helping the chicken industry and of course dito po sa problema natin ng kakulangan ng pork meat ay we have all the measures that we have discuss today, para sa ganoon ay mayroon tayong supply augmentation meanwhile for one year. Itong pagbaba ng taripa is only good for one year and the repopulation will be a continuing big effort of the Department of Agriculture. So magandang hapon po or magandang araw po sa ating lahat.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Department of Agriculture Secretary William Dar.
DA SEC. DAR: Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Samantala, sa ibang balita: Wala pong patid ang pagpapaabot ng tulong ng pamahalaan sa mga kababayan natin sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Kamakailan aabot na po sa 400 displaced workers ang nakatanggap ng ayuda sa Jaro, Iloilo City. Narito po ang detalye:
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Kahit po piyesta opisyal ngayong araw, tuluy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng financial assistance sa mga residenteng apektado ng Enhanced Community Quarantine sa NCR plus. Sa Quezon City maagang pumila ang ilang mga benepisyaryo para po makuha ang kanilang ayuda, mahigpit naman po na ipinatutupad ang health protocols tulad ng physical distancing. Ang update na iyan mula kay Bea Bernardo:
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Bea Bernardo. Mag-ingat kayo.
Samantala, bukas ang Department of Social Welfare and Development o DSWD kung sakaling hilingin ng ilang lokal na pamahalaan na bigyan sila ng extension sa pamamahagi ng financial assistance sa mga residenteng apektado ng Enhanced Community Quarantine. Inihayag ito ni DSWD Secretary Rolando Bautista sa kanya pong pagbisita sa financial aid distribution sa Marikina City. Ang detalye mula kay Louisa Erispe:
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Louisa Erispe. Mag-ingat kayo, Louisa.
Marami pong manggagawa sa NCR Plus ang muling nahinto sa pagtatrabaho dahil sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine sa NCR Plus. Alamin natin kung ano pa ang maiaalok na tulong ng Labor Department sa kanila. Muli po nating makakasama sa programa si Attorney Ma. Karina Perida-Trayvilla, Director IV ng Bureau of Workers with Special Concerns ng DOLE. Good morning po, Attorney.
DOLE ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Good morning po Usec. Rocky, sa lahat PO ng nanunood ng #LagingHanda. Salamat pong muli at inimbitahan ninyo kami.
Yes po, mayroon po tayong program na inu-offer, iyong atin pong tulong-panghanapbuhay sa ating disadvantaged or displaced workers. But this time po, dahil mayroon po tayong health crisis na kinakaharap, ito pong Emergency Employment Program ng Department of Labor and Employment ay gagamitin po natin para sa contact tracing. So ito po ay initiative ng DOLE para po maibsan ang patuloy na pagtaas ng COVID-19 dito sa Pilipinas kasi recently po mayroon na naman po tayong spike ng COVID cases.
So inaasahan po natin na maumpisahan iyong contact tracers natin, pagha-hire po nito. Hopefully by next week po, Usec. Rocky, makapagsimula na tayo after po na ma-finalize iyong details among DILG and MMDA. So iyong ibibigay po ng pasahod ng Department of Labor and Employment po ay base rin sa regional wage rate sa National Capital Region at doon sa bubble area in Region IV-A. So kung halimbawa po sa NCR, makakatanggap po sila ng P537 per day at 1 month po, that’s P16,110.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, ilan itong mga balak ninyong i-hire na contact tracers? At ulitin lang po natin, saan ninyo po sila balak i-deploy at mayroon ba kayong panuntunan na ibibigay o guidelines hinggil dito sa sinasabi nating emergency employment na ito sa ilalim po ng TUPAD program?
DOLE ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Yes po, Usec. Rocky. Nagkaroon na po nang initial na pag-uusap sa pagitan po ng MMDA at ng DOLE, pati na rin po iyong mga Metro Manila mayors and then na-mention na po nila sa amin, na-discuss na po nila sa amin ano iyong mga requirements ng LGUs para sa contact tracers. And then naipaalam na rin po sa DOLE kung ano iyong qualifications na kailangan bilang isang contact tracer. Pati na rin po iyong mga kaukulang trainings na dapat i-undergo ng isang contact tracer which is online naman po, ito po ay through the DILG online classroom.
And then inalam din po natin, inintindi din po natin iyong ratio ng contact tracers as against the population. So ang sinasabi po ng ating DILG ay kailangan ang isang contact tracer para sa 800 na individuals ‘no – iyon po ‘yung pinaka-ideal na number. So sa atin naman po, dahil TUPAD po ito, [unclear] po natin iyong guidelines ng TUPAD; ang gusto po natin sanang ma-hire dito iyong ating mga nasa impormal na sektor na workers at iyong mga na-displace po doon sa trabaho at kung maaari po ay kahit ang qualification na high school graduate ay tanggapin bilang isang contact tracer. So ang kailangan lang naman po ng ating contact tracers ay mayroong basic knowledge sa paggamit ng telepono at sa paggamit po ng internet.
USEC. IGNACIO: Attorney, ulitin ko lang ano. Ilan po iyong estimate ninyo na maiha-hire dito as contact tracer? Ganito rin po iyong tanong ni Joseph Morong ng GMA News at sinabi ninyo na nga kung ano iyong mga qualification. Pero paano daw din mag-a-apply?
DOLE ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Yes po. As to the numbers po kasi, ang binigay po sa amin na number ni Secretary initially is 12,000 for 30 days po and then in-increase po ito yesterday, dinagdagan pa ng 2,000 but the thing is 30 days po iyong nasa idea niya. Kaya lang po ang requirement daw po pala ng mga LGUs ay medyo mahaba-haba at gawing 90 days. So with the budget of 14,000 workers, i-stretch na lang po namin sa 90 days kaya siguro mga roughly mga limang libo po ang maa-accommodate para magkaroon sila nang mahaba-habang duration na trabaho.
And so po ang gagawin po natin, kasi po LGU po talaga ang magha-hire kasi sila ang pagdi-deploy-an ng ating mga contact tracers, much better po na mga taga-residente po ng lokalidad kung saan po gaganapin iyong mga contact tracing activities. So, sa atin po sa DOLE po, ang ating conduit ay ang Public Employment Service Office, so maaari pong ang pagpasa ng kanilang application ay sa Public Employment Service Office po. Ito po ay detalye naman pong iti-thresh out pa natin by next po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, halimbawa katulad ko, gusto ko ho sanang makuha sa mga ganiyan. So magkakaroon po ba ng training ang lahat ng mga magiging benepisyaryo sa NCR Plus at sila din po ba ay mabibigyan din ng allowance habang sila ay nagsasanay muna kung sakali po?
DOLE ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Yes po, Usec. Rocky. Ang gagawin po kasi, this is an online training, may online classroom po na institutionalized na po ang DILG. It will only take them daw po 1 to 2 days to learn the modules, modules 1, 2, 3 and 4. Ang una po ay nagsasaad noong ano iyong ating mga interventions para mapuksa ang COVID-19, wakasan ang COVID-19 and then iyong understanding the virus; and then maintindihan nila iyong data-gathering tool, iyong paggamit ng mga survey tool; and then iyong fourth module is the effective communication and questioning skills. And so habang nagti-train po, day 1, sasahuran na po sila under the TUPAD program.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, nasa magkano daw iyong susuwelduhin ng ating mga contact tracers?
ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Yes po. At 30 days po, it’s 16,110 based on the National Capital Region minimum wage rate na 537 pesos per day po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, kung sakali pong magkaroon ng isyu o alalahanin ang ating mga manggagawa mula po sa informal sector sa kanilang lokal na pamahalaan tungkol dito sa pagpapatupad ng TUPAD program, saan po kaya raw sila puwedeng sumangguni?
ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Yes po. Puwede po silang pumunta sa pinakamalapit na field office ng Department of Labor and Employment; maaabot din po kami sa hotline na 1349; at puwede rin po kaming tawagan sa 84043336, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, sa isa pong panayam ay nabanggit ninyo na kung maaari ay bigyan din ng tulong ng lokal na pamahalaan ito nga pong mga contact tracers na kukunin ng DOLE ano po, gaya ng siyempre napakahalaga iyong shuttle service at iba pa. Nagkausap na po ba kayo ng mga local executives tungkol dito?
ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Iyon po ang magiging topic for discussion mamayang gabi kasi po we just had a meeting with MMDA, si Chair Abalos po ang magdi-discuss po ng mga details na napag-usapan yesterday. So ang hinihingi po kasi ng DOLE kung maaari ay i-counterpart po ito ng LGU kasi hindi po ito part ng subsidies ng TUPAD program.
So maaari pong mangailangan, mangangailangan po talaga ng communication expenses and then iyong transportation din ay kailangan din ho kasi pupunta po roon sa area kung saan sila magku-contact tracing. So kung maaari po ay dapat i-counterpart po ito ng LGU.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, sa iba naman pong ano ‘no, plano raw pong i-ban ng Hong Kong ang flight mula sa Pilipinas dahil sa mga nagpupositibong Pinoy domestic helpers na dumarating doon. May pag-uusap na po bang nangyari between Hong Kong at Pilipinas tungkol dito; at ano po ang reaksiyon at ginagawang aksiyon ng DOLE rito?
ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Usec. Rocky, pasensiya na po, I’m not at liberty to talk about it po kasi hindi po ako ang in-charge dito kung hindi ang aming International Labor Affairs Bureau.
USEC. IGNACIO: Opo. Okay, baka mayroon po kayong gusto pang mensahe sa ating mga kababayan at siyempre doon po sa mga mag-a-apply dito sa DOLE para sa ating magiging mga contact tracers. Attorney, go ahead po!
ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Yes po. Para po doon sa gusto pong maging contact tracers, so we just have to wait po iyong further announcements from the Department of Labor and Employment, MMDA and DILG. We have to finalize pa po the details, and we will let the public know naman po. And we can be reached naman po in the numbers that I have stated.
And also, I’d just want to emphasize po na ang DOLE keep on thinking of programs and policies para po makatulong po tayo dito sa ating campaign against the COVID-19 para mawakasan na po itong pandemic na ito.
So Usec. Rocky, maraming, maraming salamat po from DOLE Bureau of Workers with Special Concerns.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat din po sa inyong muling pagsama sa aming programa, Atty. Ma. Karina Perida-Trayvilla, ang Director po ng Bureau of Workers with Special Concerns ng DOLE. Salamat po. Ingat po.
ATTY. PERIDA-TRAYVILLA: Thank you po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Samantala, sabay-sabay ipinamamahagi ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas City po ang pinansiyal na tulong mula sa national government sa dalawampung barangay sa lungsod. Iminungkahi naman ng DILG ang pagkakaroon ng schedule system sa mga payout center para po maiwasan ang pagkukumpulan ng mga benepisyaryo. Si Naomi Tiburcio sa detalye. Naomi?
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, Naomi Tiburcio. Mag-ingat kayo, Naomi.
Samantala, ilang pamilya na biktima ng sunog noong 2019 sa Barangay Inayawan, Cebu muli pong tinulungan ng tanggapan ni Senator Go; ang National Housing Authority ay namahagi rin ng financial assistance. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan naman natin ang iba pang ulat mula sa mga lalawigan. Makakasama natin si Czarina Lusuegro ng Philippine Broadcasting Service.
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Czarina Lusuegro mula sa Philippine Broadcasting Service.
Alamin naman natin ang pinakahuling kaganapan sa Cordillera Region, kasama si Florence Paytocan. Florence?
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Florence Paytocan.
Tumungo naman tayo sa katimugang bahagi ng bansa, may report si Regine Lanuza mula sa PTV-Davao.
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Regine Lanuza.
Narito naman po iyong pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong bansa base sa report ng DOH kahapon, April 8, 2021. Umabot na sa 828,366 ang total number of confirmed cases, matapos makapagtala ng 9,216 na mga bagong kaso; 60 katao naman ang bagong nasawi kaya umabot na po ito sa kabuuang bilang na 14,119. Nadagdagan naman ang mga kababayan natin na gumagaling sa sakit na ngayon po ay nasa 646,968 matapos makapagtala ng 598 new recoveries kahapon. Ang total active cases naman sa kasalukuyan ay 167,279.
Ay iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Ang public briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.
Tandaan mag-mask, hugas, iwas; mag-ingat po tayong lahat. At sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio.
Magkita-kita muli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center