USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Tuluy-tuloy po ang ating balitaan tungkol sa pinakamainit na isyu sa bansa kabilang na po dito iyong mga usapin tungkol sa resulta ng Hatol ng Bayan 2022 at sa pagpasok ng sinasabing mas nakakahawa na BA.2.12.1 dito sa Pilipinas. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Bilang bahagi ng patuloy na pagtugon ng pamahalaan sa pandemic, inilabas na po ng Department of Budget and Management ang higit isang bilyong pisong pondo para sa Department of Health na gagamitin sa COVID-19 compensation ng mga healthcare workers sa bansa.
Ayon sa DBM, 15,ooo pesos ang matatanggap ng mga manggagawang tumutugon sa pandemic na nagkaroon ng mild or moderate COVID-19; P100,ooo naman ang severe o critical case, habang isang milyong piso ang matatanggap ng mga naulilang pamilya ng mga namatay sa virus habang naka-duty.
Pagtitiyak ng ahensiya, patuloy po ang kanilang paghahatid ng naaayong pondo para sa ibayong pagbangon ng bansa mula po sa pandemic.
Samantala, malaking bahagi ng bansa, kabilang na ang Metro Manila, ay mananatili sa Alert Level 1 hanggang sa katapusan ng buwan. Ang report, ihahatid ni Mela Lesmoras. Mela?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, patuloy pa ring minu-monitor ng Department of Health ang mga kaso ng BA.2.12 sa Pilipinas noong nakaraang buwan, heto’t na detect na rin po sa Metro Manila at sa Palawan ang isa pang Omicron subvariant na BA.2.12.1. Alamin po natin ang detalye mula po kay Infectious Diseases Expert na si Dr. Edsel Salvaña. Dok Edsel, magandang umaga po.
DR. EDSEL SALVAÑA: Magandang umaga, Usec. Rocky. Magandang umaga sa lahat ng nakikinig at nanunood.
USEC. IGNACIO: Opo. Dok Edsel, ano raw po ang pinagkaiba nitong BA.2.12.1 dito po sa naunang BA.2.12? Alin daw po ang mas nakakahawa o masasabing mas delikado base po sa mga pag-aaral?
DR. EDSEL SALVAÑA: Usec. Rocky, sa ngayon ‘no, napaka-preliminary pa rin iyong mga alam natin dito sa mga panibagong Omicron subvariants. Iyong BA.2.12 parang iyon iyong tatay ng BA.2.12.1 – kaya nga point one siya parang anak po siya. And sa ngayon, itong mga Omicron subvariants, kasama diyan iyong BA.2.12., mukhang mas nakakahawa siya nang konti kung iku-compare doon sa original na Omicron, about 23 to 27%. I don’t know how accurate iyong … ganoon ka-accurate iyong sinabi nila. But more or less, between 20 to 30% mas nakakahawa compared doon sa original Omicron variant.
Bagama’t wala namang pinapakita itong mas malalang disease, more severe disease na nakikita natin, for now ang nakikita natin ay hindi naman siya nagti-takeover. Nakikita pa rin natin karamihan dito sa Pilipinas iyong BA.2, at paminsan-minsan ay nagpapakita pa rin iyong Delta.
At ang alam po natin talaga dito ay gumagana naman iyong ating interventions, ang patuloy na paggamit ng mask ay nakakaprotekta sa atin. At iyong mga bakuna natin ay patuloy na nagpu-protect against severe disease. Katunayan, itong mga bagong cases ng BA.2.12.1 ay puro mild cases, in most cases nga, asymptomatic. Kaya alam natin, bagama’t kinakailangan talaga we remain vigilant, iyong vaccines continue to protect us po.
USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit ninyo nga po na for now mukhang hindi naman po severe iyong nagiging epekto pero nandiyan pa rin po nga iyong sinasabi nating Delta na talagang deadly. Pero gaano po kahalaga iyong patuloy pa rin na nag-i-evolve po iyong pag-aaral sa bakuna laban sa COVID-19? Ang Moderna raw po, halimbawa, ay may ginagawang bivalent vaccine na sinasabing mas epektibo laban sa mga bagong strains ng COVID-19?
DR. EDSEL SALVAÑA: Well, yes, Usec. Rocky, kinakailangan talaga tuluy-tuloy iyong pag-aaral sa ating bakuna dahil iyong mga vaccines na ginagamit natin ay pinatern [patterned] iyon after the original Wuhan virus back in 2020.
And alam naman natin na ano talaga, nag-i-evolve talaga itong virus, at mas maganda talaga ay pag-aaralan kung if we can make even better vaccines. Alam natin iyong vaccines we have right now are pretty good lalung-lalo na kung boosted ka in protecting you against severe disease.
Pero kung mas madadagdagan natin iyong protection even against infection and transmission, iyon po talaga iyong pinag-aaralan ng mga iba’t ibang vaccine manufacturers kaya ina-update nila iyong vaccines nila, hindi lang bivalent, baka multivalent pa. In other words, baka ipaghalo na nila diyan lahat ng mga variants of concern para sigurado talaga at habang may lumalabas na bago, dinadagdag. So, iyong mga pag-aaral na ito ay importante para at least we stay one step ahead of the virus.
USEC. IGNACIO: Opo. Habang sinasabi ninyo na napakaimportante po ng mga pag-aaral na iyan, iyon pong sinasabing patuloy na pagpasok ng iba’t ibang subvariants sa Pilipinas na sinasabi, sinabi ninyo naman na hindi naman humihina ang epekto ng bakuna sa ating katawan lalo na iyong mga hindi nagpapa-booster, pero posible po bang paulit-ulit lang ding mararanasan iyong surge dito sa Pilipinas?
DR. EDSEL SALVAÑA: Well, sa ngayon, Usec. Rocky, wala pa naman tayong nakikitang indication na tumataas. Of course, kinakabahan talaga tayo dahil doon sa ang daming rallies tapos iyong election day rin, siksikan ang mga tao. But right now, the numbers remain manageable. And even if the numbers do go up to several thousand, dahil sa mataas na antas ng pagbabakuna, iyong number of people who actually developed severe disease remained slow. So hindi na talaga tayo babalik doon sa 2020 na nagla-lockdown tayo dahil walang immunity iyong ating populasyon.
Sa ngayon, mukhang manageable naman ito. At kahit makalusot doon sa mga taong hindi pa nagpapa-booster, mayroon din naman tayong mga gamot na gumagana para to prevent further severe diseases like itong mga Paxlovid at iyong Remdesivir. Bagama’t mas importante talaga the more people who are boosted – at least one booster lang muna, iyon naman talaga iyong pinapayagan sa ngayon – malaking tulong iyan para ma-prevent natin [ang] any future surges. And even if mag-surge man, mananatiling mababa iyong number of people who have severe disease and mananatiling bukas ang ating mga ospital.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Dok Edsel, sa palagay ninyo, dapat na talagang muling magbalik sa paghihigpit ng COVID-19 protocols sa bansa sa gitna nga po ng pagkaka-detect nitong subvariant na ito dito sa Pilipinas?
DR. EDSEL SALVAÑA: Well, sa ngayon, ang nakikita naman natin, hindi naman umaakyat iyong cases, okay naman iyong healthcare capacity natin, so I don’t think kailangan na naman maghigpit. Mayroon naman tayong metrics kung saan natin itataas iyong alert level lalung-lalo na kung mukhang napi-pressure iyong ating healthcare system.
Sa ngayon, minimal or low-risk naman iyong mga healthcare capacity, iyong healthcare utilization rates natin. And so, I don’t think there is any reason na maghihigpit tayo. Ang importante is we have to keep reminding people, tuluy-tuloy po iyong paggamit natin ng ating mga public health standards. Gumamit po tayo ng mask, wear a mask properly and, of course, get boosted kung hindi pa kayo nabu-boost dahil ito po talaga iyong mga layers na nananatiling pinuprotektahan tayo kahit ano pa mang subvariant iyan. Pero sa ngayon nga, mukhang hindi naman natin kailangan itaas iyong alert level dahil maganda pa naman iyong capacity ng ating hospitals.
USEC. IGNACIO: Opo. So para sa inyo, okay or pabor kayo na talagang dapat manatili sa Alert Level 1 pa rin po iyong Metro Manila at iba pang lugar sa bansa, Dok Edsel?
DR. EDSEL SALVAÑA: Yes, Usec. Rocky. Again, may metrics po tayo kung kailan natin itataas. Kapag naghihigpit po tayo, may cost rin po iyan sa ating economy, may cost rin po iyan sa mga tao – it costs jobs.
And so, what we really want to do is we are able to live with the virus, mababalanse po natin iyong health at iyong economy at ang pamamaraan po talaga dito ay iyon nga, iyong vaccination rates natin, iyong boosting rates natin at manatili po muna ngayon iyong mga mask mandates dahil ito rin po ay nakakapag-contribute sa pagpapanatili ng mababang number of cases in the community.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Edsel, may inilagay pa rin po sa Alert level 2 na mga lugar. Ito po ba ay dahil mayroong nakita o na-detect na BA.2.12.1 sa nasabing lugar o puwede nating sabihing nagkaroon po ng local transmission?
DR. EDSEL SALVAÑA: Sa ngayon, Usec. Rocky, wala naman kaming nababalitaan na ganoon, and hindi naman nagiging basehan ang presence of a sub-variant to increase alert levels. More likely, ang hindi tinatamaan na metrics niyan ay iyong mga Alert Level 2, iyong tinatawag na metrics for minimum vaccination of their population. Kasi alam naman natin na dapat ay at least 70% ng eligible population are vaccinated, and higher – mga 80% – para sa elderly po natin. Iyong elderly group ay dapat mas mataas iyong levels of vaccination.
So, I think that’s really the sticking point for a lot of the Alert Level 2 areas dahil hindi pa nila nakakamit iyong level ng vaccination na puwede silang mag-deescalate to Alert Level 1. And ang wisdom nito is dahil kung mababa pa iyong antas ng pagbabakuna sa isang lugar at nagkaroon bigla ng surge – bagamat ngayon mukhang wala namang surge – mas mahihirapan talaga iyong mga ospital nila, at lalung-lalo na iyong mga elderly, kung marami pa sa kanila ang hindi bakunado [ay] marami talaga ang maoospital.
Iyon po ang nakita natin sa Hong Kong, iyon ang nakita natin sa Shanghai, dahil marami pa ring matatanda na hindi nabakunahan, nao-overwhelm po talaga iyong hospitals. And this is why these places really have to push and kailangan po natin silang tulungan na makamit iyong mga vaccination targets para ma-deescalate na rin sila sa Alert Level 1 para mas kampante tayo na kahit tumaas man iyong cases ay hindi po mao-overwhelm ang ating hospitals.
USEC. IGNACIO: Opo. So, Doc Edsel, may local transmission na itong sub-variant natin?
DR. EDSEL SALVAÑA: Sa ngayon, walang indication po iyan, Usec. Rocky. It’s possible lalo na sa pagkakahawa – ang bilis manghawa kasi ng Omicron – but usually kasi, para masabi namin na mayroon talagang local transmission, lalung-lalo na iyong tinatawag na sustained local transmission, tinitingnan natin itong transmission change niyan at makikita natin kung mati-trace pa natin.
Halimbawa, iyong sa Palawan, very clear naman [na] isang cluster iyon. Itong sa Metro Manila na, iyong dalawa na BA.2.12.1, sinusuri po natin iyong contacts niyan at kung saan man nila nakuha – is it abroad, is it something that was imported o mayroon ba talagang hidden community transmission?
So, sa ngayon ay pinag-aaralan pa rin pa po iyan, but it’s always safer to assume na nandiyan na iyan kaya kinakailangan po patuloy iyong pag-iingat natin.
USEC. IGNACIO: Opo. So, Doc Edsel, mas marami po ba ngayon ang inilagay sa Alert Level 2?
DR. EDSEL SALVAÑA: I would have to take a look at it, Usec. Rocky; parang hindi naman po yata. In fact, I think, nagdagdag pa sila ng Alert Level 1 na places dahil nakamit na nila iyong vaccination rates nila.
So, again, I don’t see anything specifically na may tumataas na cases. May mga lugar na siguro ay kung Alert Level 2 man sila ay dahil tumataas iyong healthcare utilization rate not because ang dami ng cases, but because mababa iyong kanilang capacity to begin with. Kung lima/anim lang iyong ICU beds, kahit isa or dalawang cases [ay] puwede nang tumaas iyong healthcare utilization.
So, overall, sa tingin naman natin, hindi naman tumataas iyong number of cases bagamat nagpa-plateau nang kaunti, although, lalung-lalo na kapag mababa na talaga iyong numbers, we expect that to happen talaga. But for now, I don’t see any indications na may mga areas talaga na sobrang bilis ng pagtaas, to the point na mao-overwhelm ang kanilang healthcare system.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Edsel, ano daw po sa palagay ninyo ang biggest challenge na kakaharapin ng incoming administration pagdating po sa COVID-19 response at saan sila una dapat mag-focus?
DR. EDSEL SALVAÑA: Well, itong COVID kasi – alam mo, ang pandemya [ay] hindi pa rin tapos eh, hindi pa rin naman dini-declare ng WHO na tapos na ito and at any point puwedeng mag-emerge ang mga bagong variants na deadlier o mas nakaka-evade ng ating vaccines. So, mas maganda talaga na iyong mga ginagawa po natin ngayon na mukhang gumagana naman talaga – keep the mask mandates and everything – may continuity kahit papaano. At least until umabot sa point na sabihin na ng WHO na, “Okay, mukhang okay na itong pandemya.”
Kasi kung bigla po natin talagang palitan iyan, tanggalin natin iyong mask mandate or hindi tayo kasing tutok sa pagbabakuna, baka umakyat na naman ulit at mas mahirapan tayo. We are at a good stage right now na as much as possible we want to maintain it and then at some point kapag mukhang safe na talaga, puwede nating pag-isipan na tanggalin na iyong remaining restrictions.
Pero sa ngayon, I think [it’s] very important, especially for incoming administration, na ipagpatuloy po natin iyong magagandang nagawa at iyong mga interventions natin that are in place, the best practices, para po hindi biglang mag-surge iyan, kasi kapag nangyari po iyan ay medyo makakadiskaril talaga iyan.
And it’s very important na we keep our eye on the ball talaga na hindi po talaga natin titigilan itong mga efforts natin to eliminate COVID-19 in the Philippines and continue to control it until to a point where komportable na tayo na kahit i-decrease natin itong mga remaining restrictions ay hindi na talaga aakyat pa ulit at hindi na natin kakailanganing magsarado.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Edsel, may tanong po mula sa ating [mga] kasamahan sa media. Magkakapareho po ng tanong sina Maricel Halili ng TV5, si Mark Fetalco ng PTV at Alvin Baltazar ng Radyo Pilipinas: May kumausap na daw po ba sa inyo from Marcos’ camp to invite you to be part of the Cabinet? Are you willing to accept the position of Health Secretary?
DR. EDSEL SALVAÑA: May naririnig rin po akong ganiyan. Siguro, sa ngayon ay ‘no comment’ na lang po muna ako. Let’s go through the official channels kung mayroon man.
I would rather focus on our COVID prevention and control right now. Nananatili naman po ako sa Technical Advisory Group ng Department of Health at ibinibigay ko po [ang] lahat ng nalalaman ko tungkol sa pandemya dahil tuluy-tuloy pa rin po ito. The last thing that we need right now, is kung umakyat na naman iyong level [of infection] ng COVID sa atin.
So, sa ngayon [ay] nakatutok po ako diyan at siguro, kung mayroon mang mga ganiyang bagay ay siguro hintayin na lang po natin kung may announcements from the proper authorities po.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Edsel, ganiyan din po iyong naging tanong ni Ivan Mayrina ng GMA News. Maraming salamat po.
Ano na lang daw po muli ang payo ninyo sa ating mga kababayan sa gitna po ng pagkaka-detect ng mga bagong Omicron sub-variants sa Pilipinas? Go ahead, Doc Edsel.
DR. EDSEL SALVAÑA: Alam naman po natin na itong COVID [ay] patuloy po talagang nag-i-evolve ito at ilang beses na rin tayong binubulaga nito. Malaking problema po talaga dahil ang virus po ay hindi po napapagod, hindi po iyan natutulog at kung hindi rin po tayo magiging maingat at [hindi] tuluy-tuloy po iyong ating vigilance ay puwede pong lumabas ito ulit.
So, we are doing well right now. [It’s] very important na hindi po tayo maging complacent. So, iyong genome center, tuluy-tuloy naman po iyong pagsuri natin ng mga bagong variants at kung nagkakaroon ng problema [ay] alam po natin kung papaano i-treat at i-prevent ang COVID.
Manatili po tayo sa paggamit ng mask natin, magpa-boost po tayo kung hindi pa tayo nabo-boost at magtulung-tulong po tayo to continue to protect each other para po at some point ay we can really say goodbye to this pandemic and we’ve already learned to live with the virus at hindi na po madi-disrupt iyong ating mga buhay.
Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Opo. Kami rin po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Dr. Edsel Salvaña, Infectious Diseases Expert.
Isang linggo na po ang nakalilipas nang matapos ang ‘Halalan 2022’. Makibalita tayo sa ginagawang canvassing ng COMELEC at iba pang mga usapin; makakausap po natin si COMELEC Commissioner George Erwin Garcia.
Good morning po, Commissioner.
COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Good morning po, Usec, at good morning po sa lahat po ng nakatutok sa atin at nakikinig po.
USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, si Pangulong Duterte na po mismo iyong nag-request sa COMELEC na imbestigahan po itong mga alegasyon ng umano’y election fraud para po maibsan iyong duda at pag-alala daw po ng publiko sa umano’y dayaan daw sa eleksiyon. Ano po ang masasabi ninyo dito [sa request], Commissioner?
COMELEC COMM. GARCIA: Usec, sadya pong tama ang atin pong Pangulo. Kinakailangang ito ay aming malalimang tingnan, imbestigahan, hindi naman po para lang magparusa o para manisi ng mga involved o kung sino man iyong mga naging dahilan. Kung hindi, ito po ay para po magkaroon tayo ng direksiyon sa kinabukasan sa mga susunod nating halalan, paano ba maiiwasan ang mga ganitong klaseng pangyayari. Ano ba iyong mga dapat pang adjustment na gawin natin. Ano pa ba dapat ang solusyon, upang hindi na ito maulit na muli. So, for policy direction po ito at sadya pong tama, kami po ay nakikinig sa payo po ng ating Pangulo patungkol sa bagay na iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, so far, ilang COCs na po iyong na-canvass ng ating National Board of Canvassers as of yesterday? At wala daw pong naging movement sa mga pangalang pumasok sa Magic 12?
COMELEC COMM. GARCIA: Doon po sa naka-canvass natin at tayo po ay nakaka-159 na, out of 173. So more or less po, mayroon pa po tayong natitirang labing-apat (14) na COC na ika-canvas. Doon po sa labing-apat (14) na iyan, labing-isa (11) po diyan ay manggagaling overseas. At ito po ay manually prepared. Ibig sabihin, wala po kasing transmission, diyan po makikita ninyo, iyon pong labing-isang (11) iyan ay ballot box, may dala-dala na, ngayon po binubuksan natin, kahit nasa loob iyong manually prepared COCs.
Doon naman po sa tatlo pa na natitira, kasama na po diyan ang Lanao Del Sur, sapagkat magkakaroon nga po tayo ng special election, doon sa isang bayan, labing-apat (14) ang involved, kaya hindi (unclear) at siyempre kasama na rin po iyong Hong Kong diyan, dahil iyong Hong Kong po ay kasama po diyan iyong ibang areas sa China, katulad na rin po ng Shanghai and therefore po, hindi pa rin sila makapag-transmit. Hopefully po, ngayong araw na ito ay makapag-transmit ang Hong Kong, upang kahit papano makita nating mabuti, maging maliwanag, puwede na ba tayong magproklama? Talaga bang hindi na makaka-apekto iyong natitirang bilang ng mga boto o mga botante doon sa mga area na hindi pa naipapadala iyong COC.
Patungkol naman po doon sa kung nagbabago iyong sa magic 12. Kasi nga po, USec. Iyon pong mga lumalabas na galing po sa PPCRV, galing po sa NAMFREL. Bagama’t ito ay galing sa ating transparency server at saka galing sa iba’t ibang network o istasyon, iyan po kasi ay unofficial and therefore po, as far as the COMELEC is concerned, hindi po namin alam kung sino iyong top 12 doon o papaano iyong ranking doon. Kung hindi, naka-rely po kami dito sa ranking o top 12 na mayroon kami sa kasalukuyan, base sa 159 na COC.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Commissioner, dito naman po sa mga lugar o puwede bang–anu-ano pang mga lugar iyong hinihintay na magsasagawa naman ng special elections. At ilan daw po iyong katumbas nitong botante?
COMELEC COMM. GARCIA: Diyan po, USec., sa isang bayan lang po sa Lanao Del Sur, apat na presinto lang po iyan at kung hindi ako nagkakamali, mga kulang-kulang na 9,000 botante po ang involved dito. Bagama’t, kahit hindi ganoon kalaki at kadami, siyempre po, hindi kasi nagkaroon ng eleksiyon sa mismong Mayo 9, diyan, kaya magkakaroon po tayo ng special election, dahil otherwise, madi-disenfranchise po natin iyong mga kababayan natin doon sa lugar na iyan.
At iyon po ang kadahilanan, USec, kung bakit iyong bayan na iyan ng Tubaran, ay hindi pa nakakapagpadala ng result nila sa buong probinsya ng Lanao and therefore, iyong buong probinsya ng Lanao ay hindi pa rin po nakakapagpadala, electronically ng COC ng buong probinsya dito po sa atin, sa National Board of Canvasser. At gagawin po ang special election nila sa Mayo 24 po ng taon na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Kung may extra security measures po bang ipatutupad dito sa Tubaran, Lanao Del Sur, para daw po matiyak na magiging mapayapa ang pagdaraos ng special elections doon, Commissioner?
COMELEC COMM. GARCIA: Tama po, USec. Alam po ninyo, iyan ang sinasabi natin, kahit din po sa mga pulitiko, sa mga kandidato na huwag na huwag nilang nanaisin na magkaroon ng failure of election doon sa lugar nila. Sapagkat siyempre nakatutok ang buong Commission on Elections, kasama na po ang lagi nating tumutulong na Armed Forces of the Philippines at saka Philippine National Police. Tututukan po talaga namin iyan, hindi para pahirapin sa mga kababayan nating buboto ang pagboto, kung hindi para po, hindi maging madali sa mga maghahasik ng lagim na takutin ang ating mga kababayan na bumoto sa araw na iyan.
Sisiguraduhin natin na lahat ng botante sa lahat ng labing-apat (14) na presintong iyan sa bayan na iyan ng Tubaran ay makakaboto sa Mayo 24.
USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, may update na rin po ba sa imbestigasyon dito po sa nanggulo, nanira ng VCM at may nagnakaw ng mga balota sa Lanao del Sur. At ano daw po iyong posibleng isampang kaso ng COMELEC sa kanila?
COMELEC COMM. GARCIA: Mayroon na po, mayroon na pong tinanggap ang ating Deputy Executive Director for Operations. At the same time, mag-report na rin po ang aming Regional Director patungkol diyan. At siyempre po, in the meantime, naka-focus po muna kami, USec., sa paghahanda, para sa atin pong special election. Gusto po natin na matuloy iyan, ipakita sa mga naghahasik na iyan ng lagim at saka iyong pumipigil na magkaroon ng malayang pagboto ang ating mga kababayan na hinding-hindi patitinag, lalung-lalo na ang Commission on Elections.
Hahabulin po namin sila, at the same time, tatandaan po natin, napakaliwanag niyan sa section 261 ng Omnibus election Code na ang ganitong klase ng panghahablot, pagkuha ng mga election paraphernalia ay isang election offense. Maliban pa diyan, mayroon pa silang kakaharapin na ibang kasong kriminal na nakalagay po sa ating Revised Penal Code. At the same, kung may involved po dito na opisyal ng pamahalaan, halimbawa ay mahaharap din po sila sa kasong administratibo.
USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, kailan daw po iyong target na proklamasyon ng kongreso sa mga nanalong Presidente at Vice President?
COMELEC COMM. GARCIA: Siyempre po, USec, iyan ay jurisdiction ng ating Kongreso. Base po sa ating pagkakaalam, ang Kongreso po ay magko-convene ngayong darating na Mayo 23 upang simulan na po iyong tinatawag na canvassing na katulad ng ginagawa po namin dito sa Commission on Elections bilang National Board Canvasser para sa Senador at Party-list. At mukha pong sila ay matatapos ng hanggang June 3, doon sa kanilang pagka-canvas. And hopefully po, matapos nila iyong 173 COCs na katulad ng kinanvas (canvassed) namin for senators and party-list ay ganoon din po ang ilang na ika-canvass po sa ating Kongreso. Eh, hopefully po matapos nila iyan bago po sila mag-end ng kanilang sesyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, tuloy po ba iyong proklamasyon ng mga nanalong senador at party-list ngayong linggo? Isunod ko na po iyong tanong ni Sam Medenilla ng Business Mirror. Ano po ang magiging protocols ng COMELEC sa proclamation for winning Senators and Party-list groups which still have pending cases?
COMELEC COMM. GARCIA: Tama po. Ang plano po natin ay magproklama ngayong Miyerkules ng hapon, para sa nanalong labing-dalawa (12) po. Hindi po tayo nag-iisip na magkaroon ng partial proclamation, gusto po natin ay lahatan. Para wala ng maiiwan na mga maaaring nanalo na mga kandidato para sa senador.
So, ito pong hapon ng Miyerkules na darating na ito ay hopefully makapag-proclaim na tayo ng labing-dalawang (12) senador. Hihintayin lang po natin ngayong makapagpadala doon sa labing-apat (14) na natitira lalung-lalo na po ang Hong Kong. Iyon pong Lanao del Sur, hindi na po natin mahihintay, mahirap hintayin, dahil 24 po ang Tubaran, ang special election. So, the most na makapagpadala po sila ng COC, baka po 24. And therefore, kung saka-sakali baka po 24, 25,26 tayo makapagproklama, kung hihintayin po natin. Samantalang kung base sa computation naman po ay puwede ng makapagproklama, kahit hindi pa nahihintay iyong ibang darating. Maliban na lang kung papasok halimbawa ang Hong Kong ay pupuwede na po tayong mag-push ng proclamation sa Miyerkules lalo pa po, USec., kung hindi makaka-apekto na sa ranking o sa result ng halalan iyong mismong natitirang mga presinto.
Pero, siyempre po, ito po naman ay kahit nagproklama na tayo makakapagproklama na tayo ay siyempre po tuloy pa rin po ang pagka-canvass natin, dahil hindi pupuwedeng may maiwan na boto na hindi po naisasama sa overall canvas. Maaaring hindi nga lang ito na makaka-apekto po sa atin pong ipoproklama o sa ranking ng mga ipoproklama.
Sa huwebes naman po, plano natin sa bandang hapon, makapagproklama ng mga party-list, ilan po, hindi naman lahatan sapagkat may natitira pa nga pong COC. Unless dumating iyong mga COC na iyan. Iyon po naman sa mga party-list natin, USec. Ang hope natin, makapag-proklama tayo doon sa may mga guaranteed sits na. Ibig sabihin, kung sino iyong number one, na lumalabas at may natitirang COC and at the same time, iyong may mga 2% na, kapag may 2% na kasi, more than 2% pa halimbawa, ikaw po ay may guaranteed na isang seat pa.
Ngayon po, saka pa namin pag-uusapan kung paano iyong dagdag na seats na tinatawag na alokasyon o kaya naman doon sa mga nasa ranking pa na nasa baba ng less than 2%, pag-uusapan pa po iyan ng commission en banc. Basta po ang maliwanag, iyong may 2% o iyon nakakauna, iyan po ay may automatic na seats na iyan, therefore puwede na po naming iproklama po sila. Ngayon po, paano po iyong mga may pending na kaso o disqualification or whatever. Ang rule po kasi natin, kapag po mayroong disqualification lalo pa po ito ay isang tumatakbong indibidwal, hangga’t wala po kasing final na decision doon sa isyu ng disqualification na pine-prevent kami pati magproklama ay wala po kaming choice kung hindi iproklama po ang mananalo lalo pa ang mananalo ay sa senador halimbawa.
Sa party-list po, iba po ang rule natin doon. Ang nagiging rule po natin ay kapag ang party-list ay humaharap ng disqualification, hindi muna pinapaproklama. Kapag naman ang humaharap ng disqualification ay iyong nominees, hindi na muna pinoproklma iyong nominees, pero pinoproklara na po iyong party-list. So, iyon po ay amin pang pag-uusapan kung ano po ang magiging policy namin sa pagkakataong ito, sa 2022 elections.
USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, tanong naman po ni Margot Gonzales ng SMNI News: Ano po raw ang gagawin ng COMELEC sa May 24, sa pagsisimula po ng canvassing sa Kongreso?
COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Siyempre po, ang COMELEC ay magbibigay ng suporta lang sa atin pong Kongreso. At kung anuman ang mga pangangailangan o baka may hahanapin pa sila. Minsan po kasi, halimbawa, may mga COC (certificate of canvass), katulad po ng nasasaksihan nila na minsan po ay may mga manually prepared na mga COC, nandiyan po iyong mga ambassador, nandiyan po iyong mga consul na kung saka-sakaling may mga katanungan sila, kung saka-sakaling may correction, may nakitang deperensiya o mali, puwede pong masagot po, sasagutin po nila iyan.
Siyempre po, kapag ang nagdala ng COC ay iyong aming mga tauhan sa baba, iyon pong mga provincial election supervisor ay amin pong hinahanda kaagad sila at inaalam kung saan at kailan sila pupuwedeng maipatawag ng Kongreso kung sakali po na may isyu o kuwestiyon doon sa COC na ipinadala nila o dinala nila mismo, manually, sa atin pong Kongreso.
USEC. IGNACIO: Pero, Commissioner, kailan daw po madidesisyunan kung mabibigyan nga daw po ng additional honoraria itong mga nagsilbing poll workers nitong eleksiyon, kabilang daw po iyong mga teachers?
COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Usec, approved na po iyan in principle. Napag-usapan na po ng en banc kahapon iyan. Ang amin lang pong inaalam ngayon, anu-ano at saan po ba iyong mga medyo may nasira, nagkaroon ng deperensiya na machine and therefore, napilitang mag-extend iyong atin pong mga guro, electoral board members diyan po sa mga presinto po na iyan. Hindi na po pinag-uusapan kung anong oras, gaano kahaba, basta po nasira and therefore, kinakailangang alamin muna ng mabuti. Iyan po ay tiyak na ipapadala sa atin ng ating operation center.
Kung magkano, ayaw ko po munang sabihin. Basta po ang atin pong naging desisyon diyan ay across the board po doon sa mga presinto na nagkaroon po ng deperensiya at problema ang mga machine – ano ang ibig sabihin po? Hindi lang po ang mga guro natin ang kinakailangang mabigyan ng ating dagdag na honorarium, kung hindi pati po iyong mga nagsilbi na mga support staff, iyong mga technicians diyan po sa mga presinto na iyan. Kinakailangan na sila po ay pantay-pantay na makatanggap. Hindi porke’t si ganito, si chairman ay chairman dapat mas mataas ang kaniyang matatanggap na dagdag na honorarium – hindi po. Papantay-pantayin natin dahil pare-parehas naman po silang lahat na nag-overtime at naperhuwisyo o naistorbo dahil sa pagkasira po ng makina.
USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, base daw po sa mga nangyari po ngayong katatapos lang ng eleksiyon, ano raw po ang mga hakbang na gagawin ng COMELEC para raw po mas mapabuti pa iyong mga darating pang eleksiyon, lalo na raw po itong susunod na midterm elections sa 2025?
COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Siyempre po, Usec, madami tayong natutunan dito sa halalang ito. Iyon pong mga natutunang iyon ay kinakailangan – lalo na’t hindi nakaganda sa pagho-hold natin ng halalan – dapat hindi na maulit at mas ma-improve natin.
Dati nagkaproblema tayo sa mabagal na pagpapadala ng resulta; pinadali po natin. Kaya naman pala, so pupuwede naman po pala. Ngayon po, medyo may mga nasirang makina, so dapat po naman siguro sa 2025 ay ang COMELEC, maaaring mayroon, pailan-ilan pero hindi po ganoon kadami ang masisira na makina natin. Dapat ma-retire na natin itong mga nakatatanda nating mga makina. Napagsilbihan na po tayo niyan. Kahit na anong palit natin ng piyesa niyan o kahit ano pong ayos at refurbishment natin diyan ay hindi na po natin maaaring magamit nang ganoon ka-effective.
Kaya siguro po, nararapat na sa darating na halalan ng 2025 midterm elections, dapat naman po ay makakuha na tayo, kung hindi man bago ay makapagrenta muli tayo ng mga bagong makina na gagamitin natin para sa eleksiyon na iyon. At siyempre po, kinakailangan din natin na maalagaan pang mabuti iyong ating mga kababayang buboto. Eighty point four (80.4), Usec, for the first time ay ganiyan kataas ang bilang [ng botante]. [Iyan] ang pinakamataas na bilang ng botanteng bumoto. Dapat handa ang COMELEC sa mga ganoong klaseng buhos ng mga kababayan natin na buboto sa araw ng eleksiyon. Maaaring kayo po ay naistorbo, kayo po ay pinagpawisan nang dahil sa init ng araw, pasensiya na po kayo. Sadya po talagang sobrang dami ang gustong bumoto at mabilang ang kanilang boto sa araw ng halalan.
USEC. IGNACIO: Commissioner, kunin ko na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan na may agam-agam pa rin tungkol po sa naging resulta ng eleksiyon. Go ahead, Commissioner.
COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Natural lamang po, Usec., iyong mga agam-agam, natural lang po iyong mga nagdududa. Siyempre po ang dapat na solusyon namin dito sa COMELEC ay ipaliwanag nang tama ang mga kadahilanan ng kanilang mga agam-agam, kung bakit sila nagkakaroon ng tinatawag na pagdududa, kinakailangang masagot po namin iyon, iyon po ang tamang solusyon. Hindi natin sila dapat awayin o hindi kami dapat magalit. Natural po iyan sa isang demokrasya na sadyang kapag hindi ka sumasang-ayon, nagbibigay ka ng iyong nasa puso at iyong damdamin – iyon po iyong tinatawag nating freedom of expression.
Kinakailangan lang din po na sana ay mapakinggan din naman po iyong panig namin. Wala pong may kagustuhan ng mga pagkasira ng mga makina. Wala po naman ang may gusto na magkakaganyan-ganiyan o kaya hahaba ng sobrang haba ang mga pila. Kasi tatandaan naman po natin na may pandemya pa rin tayo. Hindi pupuwedeng ma-blame lang sa makina siyempre, iyon pong naging deperensiya. Siyempre kahit papaano ay may mga tao, at kami po ay responsible din sa lahat ng iyan.
But at the same time, kami po naman ay natutuwa rin na despite these problems na na-encounter natin na hindi naman po ganoon kalalaki ay napagpursigihan natin, talaga namang natapos natin ang halalan na iyan na generally peaceful po. At ang mga kababayan naman natin ay talagang sobra-sobra po nila na ipinaramdam sa atin na sila ay makabayan, na sila ay makabansa at sila ay nagmamahal sa atin kaya tayo ay nakapaghalal ng mga lider natin para sa mga susunod na taon.
USEC. IGNACIO: Commissioner, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Comelec Commissioner George Erwin Garcia. Salamat po, Commissioner.
COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Salamat po.
USEC. IGNACIO: Samantala, personal na dumalo at bumati sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Bong Go sa mahigit dalawandaang kadete na nagsipagtapos sa Philippine Military Academy kahapon. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Mananatili naman simula ngayong araw hanggang May 31st sa ilalim ng Alert Level 1 ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa. Kumustahin natin ang sitwasyon ng COVID-19 sa Pilipinas. Makakausap po natin si Dr. Guido David mula po sa OCTA Research. Good morning po, Professor.
DR. GUIDO DAVID: Magandang umaga, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Professor, pabor po ba kayong nananatili sa maraming lugar sa bansa ito pong Alert Level 1, kabilang na po ang Metro Manila?
DR. GUIDO DAVID: Yes, Usec, wala pa naman tayong nakikitang threat sa ngayon, although may na-detect na na Omicron sub-variant BA.2.12.1 especially in Palawan. Pero sa ngayon, wala pa tayong nakikitang pagtaas ng bilang ng kaso pero, of course, minu-monitor natin iyan closely, lalo na iyong sa Palawan. Kahapon ay may na-report na eight cases doon sa Puerto Princesa, so titingnan natin kung clustering of cases lang iyan or kung magpapatuloy na tumaas.
Pero siyempre, ito namang alert level system natin, Usec, flexible naman iyan. So kung may makita tayong pagtaas, puwede naman nilang baguhin pa rin iyan. Pero sa ngayon, wala pa naman – no threat pa naman tayong nakikita, Usec.
USEC. IGNACIO: Pero sa ngayon po, kumusta iyong growth rate at positivity rate ng COVID-19 sa Pilipinas?
DR. GUIDO DAVID: Yes, Usec, mababa pa rin iyong positivity rate, nasa 1.1%. Actually, hindi pa nga siya tumataas – sa buong Pilipinas iyan. Tapos, iyong reproduction number natin ay nasa mga 0.6 so hindi pa naman siya tumataas to greater than one, so we’re still okay; pati iyong hospital utilization rate, Usec, ay mababa pa rin naman.
USEC. IGNACIO: Opo. Isunod ko na lang po itong tanong ni Jena Balaoro ng GMA News: Can we compare daw po [ang] latest level classification with the previous? Dumami po ba ang mga lugar under Alert Level 2?
DR. GUIDO DAVID: USec., hindi pa natin na-check iyong monitoring ng mga alert levels kung dumami pero ayun nga, iyong pagkakaintindi naman natin [ay] mababa naman iyong bilang ng kaso. Wala naman tayong nakikitang area na may threat na tumataas iyong kaso sa ngayon. So, ang pagkakaintindi ko ay parang status quo pa rin tayo as far as alert levels, pero, again, hindi ko pa na-check iyong lahat ng mga regions under various alert levels.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero posible po kayang simula na daw po ng pagpasok ng COVID-19 cases dulot ng mass gatherings nitong nagdaang campaign at election period?
DR. GUIDO DAVID: Well, USec., wala pa tayong nakikitang increase ng cases doon sa mga campaign rallies/sorties. February pa tayo nagkaroon ng campaigns, wala pa namang nagkakaroon ng pagtaas ng kaso na talagang sustained kasi may nakikita tayong spikes pero maliliit lang iyon at nawawala agad, so, parang clustering of cases lang.
So, ang mino-monitor talaga natin ngayon – well, siyempre may mga nagsasabi na maghintay tayo up to two weeks – pero so far, wala pa naman tayong nakitang indication na may clustering of cases dahil doon sa recent election natin noong May 9.
So, mino-monitor pa rin talaga natin in case magkaroon ng pagtaas ng bilang ng kaso. Ang isa pa nating mino-monitor, siyempre, USec., iyong subvariant na na-detect na sa bansa.
USEC. IGNACIO: Opo. Professor, masasabi ba natin na simula nang na-detect nga itong BA.2.12 noong April at itong BA.2.12.1 nitong nakaraan, doon ninyo nakita na medyo nagkaroon po ba ng paggalaw sa COVID statistics natin?
DR. GUIDO DAVID: Well, mayroon, USec. May kaunting clustering, may pagtaas nang kaunti pero hindi naman siya na-sustain, so, bumaba rin siya agad. So, that means hindi naman siya kumalat. It means siguro malakas pa rin iyong ating wall of immunity due to vaccines and natural immunity. Pero, again, hindi pa natin masasabi iyan definitely kasi baka magkaroon ng paggalaw ng kaso over the next few weeks kaya binabantayan natin iyan nang mabuti.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyong sinasabi ninyong medyo baka magkaroon ng paggalaw, so kailan po natin masasabing significant itong pagtaas o movement ng mga kaso ng COVID-19 na dapat ay ikabahala?
DR. GUIDO DAVID: USec., kung titingnan natin, for example iyong sa South Africa, nag-aaverage sila ng mga almost one thousand cases per day, iyon ang mababa, tapos ngayon nasa mga eight thousand na sila. So, iyon talagang significant iyong increase noon dahil may panibago silang subvariant doon, iyong BA.4 at BA.5 na sinasabi nilang mas nakakahawa.
So, ito, kung ikukumpara natin sa sitwasyon natin sa bansa, ngayon, nasa two hundred cases per day pa rin tayo, so, kahit tumaas iyan to two hundred fifty, hindi iyan significant. Pero kung makakakita tayo ng pagtaas na umabot ng mga four hundred/five hundred, definitely, may magiging concern na tayo at baka nagkakaroon na ng pagtaas ng kaso.
USEC. IGNACIO: Opo. Professor, may tanong po mula kay Mark Fetalco ng PTV: Kung magpapatuloy po daw iyong pagbaba ng kaso sa mga susunod na araw at linggo, masasabi daw po ba ng OCTA na mababa na rin iyong risk ng possible surge na dulot ng mass gatherings sa nagdaang eleksiyon?
DR. GUIDO DAVID: Yes, USec. Kapag mababa po iyong bilang ng kaso [ay] masasabi nga natin na mababa iyong risk ng surge due to the May 9 Elections pero ang game-changer diyan na binabantayan natin iyong panibagong subvariant nga, itong BA.2.12.1 at saka iyong nabanggit ko nga [na] BA.4 and BA.5 sa South Africa. Kung ito’y makapasok dito, puwedeng mag-iba talaga iyong trajectory, pero in terms of sa mass gathering sa elections, wala pa tayong nakikita at kung patuloy nga na bumaba ang kaso, masasabi nga natin na hindi nga siya nagdulot ng pagtaas ng kaso.
USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pong tanong ni Mark Fetalco ng PTV: Sa tingin daw po ba ng OCTA, posible pa rin itong sinasabing under detection ng mas nakakahawang BA.2.12.1 sa bansa at ano daw po iyong latest projection ng OCTA by the end of the month?
DR. GUIDO DAVID: Yes, USec. Rocky. Iyong panibagong mga subvariant, siyempre mino-monitor natin, pero iyong positivity rate, mababa pa rin eh – 1.1%, bumaba pa nga siya from the previous week na mga 1.2%. So, sa tingin natin ay wala pa talagang pagtaas ng kaso kahit na hindi natin nade-detect. We’re still testing more than 10,000 RT-PCR tests per day, so, hindi naman ganoon kababa rin iyong testing natin.
And iyong sa projections, kung hindi makapasok or hindi makapag-spread itong mga panibagong subvariants, we should still have around the same number of cases at nagpa-plateau na nga iyong number of cases natin to around one hundred to two hundred. So, iyon ang level na ini-expect natin pero kung may panibagong subvariant na makapasok at mag-cause ng increase, definitely, tataas iyon tulad ng nakita natin sa South Africa. We can have a few thousand cases. Although, we don’t foresee na kung magkakaroon ng surge ay kasing lala noong January, it will be at a much lower rate at kaunti lang ang maho-hospitalize.
USEC. IGNACIO: Professor, kuhanin ko na lang ang inyong mensahe para sa ating mga kababayan ngayon. Go ahead po, Professor.
DR. GUIDO DAVID: Yes, USec. Rocky. Maraming salamat ulit sa pag-imbita.
So, itong situation natin sa COVID, maganda pa rin sa ngayon pero kailangan pa rin ang patuloy na pag-iingat. At sana magpabakuna ang mga kababayan natin, iyong mga hindi pa bakunado kasi marami pa rin ang hindi pa bakunado, at iyong mga eligible for boosters sana magpa-booster rin.
Ang pinakamagandang strategy talaga ay preventive. At kung sinasabi natin na posibleng magkaroon ng pagtaas ng bilang ng kaso, this is a possibility. Puwede natin itong maiwasan kung magtutulong-tulungan tayo. Sumunod tayo sa protocols at magpabakuna tayo, magpa-booster and stay safe everyone.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Dr. Guido David mula po sa grupong OCTA Research.
Samantala, nagpaabot naman ng tulong sa mga residente ng Meycauayan at Bustos, Bulacan si Senator Bong Go kasama po ang ilang ahensya ng pamahalaan. Kasabay rin ito ng panawagan niyang magpabakuna ang mga hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19. Narito po ang report.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Dumako naman tayo sa mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service, ihahatid iyan ni Czarinah Lusuegro mula po sa PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Czarinah mula po sa PBS-Radyo Pilipinas.
Update sa bakunahan sa Davao City, alamin natin sa report ni Hannah Salcedo ng PTV Davao.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: COVID-19 situation sa Cebu City, patuloy na bumubuti. May report si John Aroa.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agencies para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
At dito na po nagtatapos ang programa sa araw na ito. Hanggang bukas pong muli, ako po si USec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)