USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Luzon, Visayas at Mindanao, at sa lahat po ng ating mga kababayan saan mang panig ng mundo. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Ngayong araw ng Martes, atin pong tatalakayin ang pinakahuling balita tungkol sa bakunahan sa bansa at ang napipinto pong pagpapalit ng administrasyon at ang mga tugon ng business sector sa inaprubahang wage hike sa Metro Manila at Western Visayas. Simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Para po sa ibayong pag-unlad ng Armed Forces of the Philippines, isang bagong batas ang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na layong maipagpatuloy ang modernization initiatives sa ahensiya. Ito po ay ang Republic Act # 11709. Sa ilalim ng batas, itinakda na sa tatlong taon ang fixed term ng mga matataas na opisyal ng AFP at ginawa ring 56 hanggang 60 years old ang mandatory retirement age ng key officers nito.
Sa isang pahayag, ikinalugod naman ng AFP ang panibagong hakbang ng Malacañang na makakatulong anila sa pagpapalakas pa ng kanilang ahensiya.
Magandang balita para sa mga government workers na naka-duty bilang panggabi, may bago pong benepisyo na hatid para sa inyo ang pamahalaan. Pirmado na kasi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act # 11701 na nagbibigay ng night shift differential pay sa mga government employees. Pasok dito ang mga nasa posisyon ng division chief pababa, mapa-permanent, contractual, temporary o casual man. Maaari silang makatanggap ng nasa 20% na dagdag sa kanilang hourly basic rate kada duty tuwing alas sais ng gabi hanggang alas sais ng umaga.
Pinangalanan na po ng presumptive Marcos administration ang susunod na itatalagang Interior and Local Government Secretary sa katauhan ni dating MMDA Chairperson at Mandaluyong Mayor Benhur Abalos. At kaugnay niyan, kumustahin natin ang paghahandang ginagawa po ng ahensiya para sa maayos na transition ng pamamahala, makakausap po natin mula sa DILG si Undersecretary Epimaco Densing III. Good morning po, Usec.
DILG USEC. DENSING III: Magandang umaga, Usec. Rocky. At sa lahat ng tagasunod ng ating programa, magandang umaga rin po.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., reaksiyon po muna dito sa napipintong pag-upo ni dating MMDA Chairman Benhur Abalos bilang DILG Secretary sa ilalim po ng Marcos administration.
DILG USEC. DENSING III: Well, sa aming pananaw, napakagandang pagpili po iyan ng ating parating na Pangulong Bongbong Marcos dahil una sa lahat, si Chairman Benhur Abalos ay nagsilbing mayor ng ilang termino sa siyudad ng Mandaluyong, nagsilbi ring chairman ng MMDA, at more importantly, marami na ho siyang—lagi namin iyang kasama ‘no sa local government academy ng DILG. So, alam na alam niya na po ang mga patakaran, mga pagpapatakbo ng DILG. More or less, ang kailangan lang naming gawin ay i-update ho siya sa mga kasalukuyang program na ginagawa natin na kailangan niyang ipagpatuloy, mga natapos na na gusto niyang ipagpatuloy. At siyempre, titingnan ho natin ang magandang interaction sa kaniya kung saka-sakaling gusto niya na magkaroon ng advance briefing mula sa DILG.
USEC. IGNACIO: So, aside from dito sa pagbi-brief dito kay incoming DILG Secretary, papaano pa ho at kumusta po iyong paghahandang ginagawa ng DILG dito naman po sa nalalapit na talagang transition of government?
DILG USEC. DENSING III: Well, nabanggit nga natin, dalawang bagay iyan. Kami sa DILG, bilang ahensiya ng gobyerno, mayroon na ho kaming transition team. So, kung saka-sakaling si incoming DILG Secretary ay ready na rin sa kaniyang team na papasok sa DILG, magkakaroon tayo ng transition briefing.
Pangalawa, itong transition ng ating mga lokal na gobyerno, by June 30, 12:01 noon, papasok po iyong mga bagong halal na local executives, local chief executives at iba pang mga opisyales ng lokal na gobyerno. Kailangan ho by today ay nagsisimula na po ang transition briefing or local governance assessment briefing sa mga papasok na bagong opisyales ng lokal na gobyerno.
So far ay nagmo-monitoring po tayo. Mayroong mga LGU na nakapagsimula na ng transition sa susunod na administrasyon nila. Iyong iba naman ay naghahanda pa ng mga dokumento at nag-i-schedule ng turnover.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., hindi po ba maantala raw o maaapektuhan itong pagpapatupad ng pinirmahang batas ni Pangulong Duterte na full devolution of basic services and facilities dito po sa mga local government sa gitna pa rin po ito ng magiging transition? Ano na raw po iyong update dito?
DILG USEC. DENSING III: Wala sigurong epekto iyan dahil iyong mga tinatawag nating local government transition document ay ready na po bago pa man din magsimula ang kampanyahan. So, kailangan lang mai-turnover ito nang maayos sa susunod na administrasyon sa isang lokal na gobyerno. Magkakaroon po ng briefing diyan sa local transition na iyan with regard to the Mandanas ruling o pagdi-devolve ng function sa lokal na gobyerno. Kailangan lang ito ma-absorb ng bagong administrasyon sa lokal na gobyerno.
So, hindi ito maaantala kasi ready na po. It’s just a matter of turning over these documents to them and giving the new administration in the local government a briefing of this transition plan.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., anu-ano raw po iyong naging priority ng current DILG administration na gusto po sanang maipagpatuloy ng … para sa susunod na administrasyon?
DILG USEC. DENSING III: Well, gusto nating maipagpatuloy sana ng susunod na administrasyon iyong ating war on drugs or illegal drugs ‘no. Kasi napakaimportanteng bagay ito kaya umusbong po ang pamumuhunan sa ating bansa dahil bumagsak po ang krimen, bumagsak ang iligal na droga. And if I remember the crime statistics, we’re down 50% ‘no compared to the crime statistics at the end of the previous administration, we’re less than 50%. So, dahil po mababa iyong crime rate ay marami pong pumasok na mamumuhunan sa Pilipinas dahil maganda ang peace and order. Sana po ay maipagpatuloy ito.
At nabanggit po sa isang panayam na napakagandang programa sana itong Stay Safe Philippines, kaso nga lang ay naantala nga dahil sa pandemic [unclear]. Pumasok kasi ang COVID so iyong ating funding requirement para dito sa Stay Safe Philippines ay hindi po natuloy, so we had to propose to cancel it.
USEC. IGNACIO: Opo. Ibig sabihin, isa po iyan sa mga una ninyong ibibigay sa incoming DILG Secretary, Usec?
DILG USEC. DENSING III: Well, ibi-briefing namin si incoming Secretary Benhur Abalos, then we will leave it up to them if they will continue the project or revive it in the next administration. But it’s something to look at dahil napakagandang peace and order program ito and security for our people. At least initially, we can start with Phase 1 nga sa NCR sana kung natuloy ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., maraming lugar pa rin po iyong mananatili pa rin sa Alert Level 1, kasama na po ang Metro Manila. Ibig sabihin, status quo pa rin po iyong ipapatupad na health protocols ng bawat LGU, tama po ba ito?
DILG USEC. DENSING III: Tama iyan, Usec. Rocky. In fact, buong kampaniya at buong araw ng pagbuboto, talagang minonitor [monitored] po namin iyong mga health protocols noong kapanahunang iyon at tinitingnan namin kung mayroong uptick ng dami ng nahahawa ng COVID-19. At salamat sa Diyos naman, ten days or more than seven days after the last elections ay hindi po tumaas talaga significantly iyong numero ng mga COVID-19 infections. So, pasalamat po tayo sa ating mga taumbayan dahil nagkaroon ho ng disiplina iyong kanilang pamamaraan ng pagkampaniya at pagboto nitong nakaraang May 9.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., paano naman iyong magiging patakaran dito sa mga probinsiya na nasa Alert Level 2 pa rin pero may component ng city na under Alert Level 1, may checkpoint po ba ulit dito?
DILG USEC. DENSING III: May IATF resolution po iyan ‘no. Dati ang ating binibigyan ng alert level is either province ka, highly urbanized city or independent component city. Sa isa sa pinakahuling IATF resolution, nagdesisyon po ang ating IATF na kung mayroon pong isang component city or municipality na na-meet na po iyong standards para i-Alert Level 1, dinideklara na po ng IATF na sila ay Alert Level 1 ‘no, particularly itong ating healthcare utilization rate, iyong ating bilang ng pagtaas ng kaso. At importante po iyong level of vaccination, kailangan mahigit sitenta porsiyento ng populasyon ng isang lokal na gobyerno, munisipyo o component city ay more that 70%.
So, kung ang isang probinsiya ay nasa Alert Level 2, pero iyong kaniyang component city or munisipiyo ay na-reach ang standards, ina-Alert Level 1 na po namin iyan. So kung mapapansin ninyo, marami kaming dini-declare na munisipiyo at component cities sa ilang probinsiya na nag-Alert Level 1 na despite the fact that the province is still under Alert Level 2.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa ngayon po ba ay may mga areas pa rin tayong mino-monitor na under granular lockdown, Usec?
DILG USEC. DENSING III: Iyong huling balita ko bago mag-eleksiyon [ay] nagkaroon tayo ng dalawa o tatlong area na naka-granular lockdown, but as of today mukhang wala na tayong naka-granular lockdown ulit ‘no. So, again, isang magandang balita ito na nakukontrol at nako-contain po natin ang pagkalat ng COVID-19 at hopefully, ituluy-tuloy na po natin ito.
Naghihintay na lang po tayo ng isang hudyat mula sa World Health Organization na sana maging endemya na nga itong COVID-19 para iyong pinakahuling yugto ng ating pagpigil ng pagkalat, itong pagsusuot ng face mask, eh ma-lift na rin po natin. Pero in the meantime, in the absence of that declaration of the World Health Organization, including that of our Health officials, we will maintain our current alert level system status. And of course, for everybody’s peace [of mind], continue to do minimum public health standards at pagsusuot siyempre ng face mask.
USEC. IGNACIO: Lipat naman po ako dito sa katatapos na eleksiyon. Sa ngayon po [ay] marami pa ring campaign paraphernalia na nakasabit o nakakabit sa mga public places, hanggang kailan daw po binibigyan ng [panahon ng] DILG ang mga LGU para po matanggal ang mga ito?
DILG USEC. DENSING III: Actually, lumampas na po ang deadline na nai-set ni Secretary Año. Pero kung may mairi-report po sila sa amin, pakisabi na lamang po.
Ako naman, nag-ikot rin ako kahapon at noong isang araw, noong Linggo ‘no, nakita ko karamihan ng mga area ay wala na ho akong nakikitang mga campaign materials. Pero kung ang ating mga kababayan [ay makita na] mayroon pang area na hindi pa po natatanggal ng inyong lokal na gobyerno itong mga campaign materials, pakisabi na lang po at papupuntahan namin kaagad.
USEC. IGNACIO: Opo. Ano na daw po ang sanctions sa mga local government na lalampas dito sa itinakdang deadline?
DILG USEC. DENSING III: Well, ang mangyayari lang po diyan, kung mayroon pong lugar sa isang lokal na gobyerno na hindi natanggal at hindi na-meet iyong deadline ng paglilinis, padadalhan lang naman ho natin ng notice para magpaliwanag lang. Baka mamaya katanggap-tanggap naman kasi baka looban talaga iyong mga campaign materials at hindi nakita ng kanilang mga tagapaglinis.
We will not be very strict about that issue. Ang importante po, substantial iyong natanggal na at kung hindi pa natatanggal, pasabi lang po sa lokal na gobyerno. Kailangan lang pong umaksiyon kaagad ang mga local officials para linisin ito kaagad.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec, paano iyong mga mural at iyong mga nakasabit sa gate na residential area, hindi po ba ito kasama?
DILG USEC. DENSING III: Kung private property po iyan, base sa Supreme Court ruling, hindi ho natin basta-basta matatanggal iyan on our own, but we can advise the owners or the private owners of a facility or a home na sana tanggalin na rin iyong mga campaign materials.
Tandaan po natin [na] kasama po iyan sa karapatang pantao ng mga individual private owners. Pero again, dahil hindi na po panahon ng kampanyahan, puwede na pong pakiusapan na lang po ang may-ari ng bahay na pribado, na tanggalin na po iyong campaign materials.
USEC. IGNACIO: Opo. Tayo po ay nasa transition na ngayon, Usec, kuhanin ko na lamang ang iyong panghuling paalala o mensahe po para sa ating mga kababayan.
DILG USEC. DENSING III: Sa ating mga kababayan na nakikinig ngayong umaga, nagpapasalamat po kami sa inyong lahat, sa inyong pakikiisa sa pagkakaroon ng isang malinis na halalan. Masaya po kami dahil puwede nating masabi na close to a hundred percent or most probably 90-99% naging malinis iyong halalan. Mayroon mang nagkaroon ng kaunting kaguluhan, hindi po ito nakaapekto sa maraming lugar. So, ito pong bagay na ito ay pasasalamat natin sa ating mga sarili bilang mga Pilipino.
Ang mensahe ko rin po ay suportahan na po natin ang susunod na administrasyon. Ito po, sa unang pagkakataon sa maraming eleksiyon [na] nagkaroon tayo ng presidente at bise presidente na nakakakuha ng boto na mahigit sa mayorya o more than 50% of the total votes cast. So, with this kind of result, ang ating mga kababayan [ay] pinapakiusapan natin [na] suportahan po natin na maging matagumpay ang susunod na administrasyon dahil kung magiging matagumpay po sila [ay] kasama po tayo sa magbebenepisyo sa pagiging matagumpay ng ating gobyerno.
USEC. IGNACIO: Usec, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak sa amin. Maraming salamat po, Undersecretary Epimaco Densing III mula po sa DILG.
DILG USEC. DENSING III: Always a pleasure, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Thank you po.
Samantala, pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order na magpapahintulot sa digital payments para sa government disbursements at collection. Ang detalye niyan sa report na ito.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Sinabi ng Department of Health na target ng pamahalaan na makapagbakuna ng kabuuang 77 million jabs bago po matapos ang pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo. Paano po kaya iyang target ay maisasakatuparan ng pamahalaan? [Tungkol diyan ay] makakausap po natin si Undersecretary Myrna Cabotaje, ang chairperson ng National Vaccination Operation Center.
Good morning po, Usec.
DOH USEC. CABOTAJE: Magandang umaga, Usec. Rocky at sa lahat ng nanunood sa ating Laging Handa ngayong umaga.
USEC. IGNACIO: Usec., realistic po ba iyong target na 77 million total jabs bago po matapos ang term ni Pangulong Duterte by June at paano po natin ito gagawin? Ganito rin po iyong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Kung confident daw po ba ang DOH na maabot ang target na ito?
DOH USEC. CABOTAJE: We will do our best to reach the 77 million fully vaxxed by June 30. Hiniling din ito ng ating Secretary of Health sa mga Regional Directors noong nagpulung-pulong kami.
Ngayon ay mayroon tayong 68.7 million fully vaccinated, so kulang pa iyan ng mga 8.3 million hanggang sa June 30. Mayroon tayong mga 4.5 million na due na ng second dose, so kailangan nang hanapin iyong mga kailangan nang mag-second dose.
Tapos iyong remainder, about another four million, puwede nating kuhanin iyan sa five to eleven years old. May mga five million pa na mga batang kailangang bigyan ng bakuna, may mga supply na tayo.
Tapos about mga one million na twelve to seventeen years old; three million sa ating eighteen to fifty-eight at saka 1.8 million sa senior citizens.
So, we will now monitor every week para at least makuha natin, if not the target, at least close to the target of 77 million.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec, dito sa fully vaccinated, ilan po dito iyong hindi pa nagpapa-booster shot?
DOH USEC. CABOTAJE: Usec. Rocky, may 56.9 million na fully vaccinated na due na ng kanilang first booster, 18 years old and above. May 13.6 [million] pa lang tayo na nabibigyan ng first booster, so that will leave us about 43.3 million na puwede pang bakunahan ng first booster nila, [mga] 18 years old and above.
USEC. IGNACIO: Bukod naman po dito sa BARMM, ano po iyong mga rehiyon o probinsiya na tinututukan ngayon para sa pagbabakuna?
DOH USEC. CABOTAJE: In terms of population na hindi pa nakapagbakuna o the ‘zero’ dose na tinatawag natin, pinakamalaki pa rin ang Region IV-A kasi siya naman ang pinakamalaking area sa buong Pilipinas. May mga 2.7 million tayo na unvaccinated sa Region IV-A. Ang tututukan natin especially sa Region IV-A ay ang Quezon Province.
May 1.7 million tayong unvaccinated sa Region VII [technical problem]; tapos may 1.5 million tayo sa Region III; 1.4 million sa Region V. Ang tututukan natin sa Region V ay Masbate. Ang buong Region XII ay may 1.3 million na kailangan na irampa pa natin iyong ating mga bakuna at tapos may special focus din tayo sa Palawan. This is a tourist destination site kaya gusto natin na ma-deescalate iyong Palawan. Isa rin itong tututukan natin para mag-improve iyong kanilang coverage.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, nakita ninyo po ba iyong dahilan kung bakit, like dito sa Quezon, medyo malaki-laki po iyong datos ng hindi pa nagpapa-booster? Ano po ang ibinibigay nilang mga dahilan?
DOH USEC. CABOTAJE: Iyong dati ng dahilan, Usec. Rocky, na why they recognized the importance of the vaccination even the booster ay do not feel the urgency kasi wala na tayong mga kaso, hindi nagsi-surge ang mga cases, tapos nagkaroon tayo ng Delta surge noong end of December and Omicron surge beginning of this year.
So, akala nila tama na iyong natural immunity added to their artificial immunity, mga naka-primary dose na.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, para po sa kaalaman ng ating publiko, kasi mayroon din po akong mga kilala na gusto na ring magpa-booster. Papaano daw po iyong paraan? Tuluy-tuloy pa rin po ba iyong mga pagbabakuna at LGU pa rin po ba ito in coordination with LGU?
DOH USEC. CABOTAJE: Yes. Tama ka Usec. Rocky. For the first booster, LGU pero pinapayagan natin mag-booster na iyong ating mga drugstore, iyong mga kasama natin sa vaccination program, iyong ating binigyan ng accreditation na mga drugstore. Puwede pa rin silang magpabakuna. Tapos may mga workplaces na puwedeng magbakuna ng sarili nilang mga empleyado sa first booster.
So, hindi lang po LGU ang puwede, iyong private sector ay puwede rin. Iyong may mga clinics ng private physicians ay puwede ring magbigay ng kanilang first booster, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, tama po ba na ongoing ngayon itong special vaccination days sa BARMM hanggang May 20? Kumusta po ito, so far?
DOH USEC. CABOTAJE: Yes, Usec. Rocky. Nagsimula tayo noong May 11 to 13 sa Sulu and Lamitan, tapos May 12 ang Basilan. Itutuloy nila hanggang May 20. Tapos ngayon ongoing po mula May 16 to May 20 ang Marawi, Maguindanao, at Lanao del Sur.
May nakatakdang bakunahan ng May 18 to 20 sa Tawi-Tawi but I think because of the peace and order situation ay ipu-postpone iyan. Mataas-taas iyong jabs na nakuha nila, more than the regular jabs pero hindi pa rin nila naabot iyong kanilang targets. They set very high targets para ma-improve nang husto but they are hitting about 68% pa lang nung kanilang mga binigay na targets sa sarili nila.
USEC. IGNACIO: Opo. Isa po sa mga naging strategy ng ating gobyerno ay iyon pong house-to-house vaccination sa ibang mga lugar. Kumusta na po ito, Usec?
DOH USEC. CABOTAJE: Matagumpay naman, Usec. Rocky, ang house-to-house to bring both the information and services in many of our areas. Pero dalawa po ang challenge natin, unang-una, may isang area nga ang nagpadala ng maraming teams but they came back na walang nabakunahan.
So, mayroong mga areas na ayaw magpabakuna. And then may narinig din kami at nakuhang mga balita na some areas did not have house-to-house at naghihintay pa rin ng house-to-house iyong mga ibang lugar.
So, we will coordinate with the appropriate regional offices para iyong mga hindi pa na-house-to-house na mga lugar ay mapuntahan.
USEC. IGNACIO: Opo. Para po sa kaalaman ng publiko, kapag nag-house-to-house po, ang haharap po sa kanila, pupunta sa kanilang mga bahay ay mga taga-DOH. Tama po ba ito?
DOH USEC. CABOTAJE: Mga taga-local government units po iyan na may mga kasamang taga-DOH kasi iyong ating [unclear] program ang hinire ng DOH.
Mayroon din po tayong mga volunteers na mga galing ng private sector. So, marami ho ang nagtutulungan para sa mga house-to-house na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit po noon na pansamantalang humina o bumagal talaga itong bakunahan dahil po sa naganap na mga kampanya dahil nga po sa eleksiyon. Sa ngayon po ba masasabi natin na bumalik na iyong interes ng ilan na magpabakuna? May ilalatag na po ba ulit tayong mga vaccination site, Usec?
DOH USEC. CABOTAJE: May mga less than hundred to almost hirap na hirap tayong mag-100,000 bago mag-eleksiyon. Now, medyo nakakaangat nang kaunti but [unclear] on the one or two days after the election, we are positive na makakarampa tayo ng mga bakunahan.
We have an IATF resolution that vaccines are already encouraged for public and private educational institutions for basic education. So, magkakaroon tayo ng school-based vaccination. Inaayos na lang po iyong ating mga guidelines.
Nakipag-usap na tayo, nakipag-coordinate na tayo sa mga taga-DepEd at saka sa mga LGU para tumulong ang DOH at saka ang LGU sa pagbabakuna sa mga schools na ito. Sinabi ko mas maaga na marami pa rin tayong mga school [children] aged five to eleven na puwede pang bakunahan.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kumusta naman daw po iyong rollout ng second booster dose sa mga immunocompromised? Ilan na daw po iyong nabakunahan?
DOH USEC. CABOTAJE: Medyo matamlay, matumal iyong pagbakuna natin ng immunocompromised. To date we have only 30,912 second booster. Siyempre, pinakamalaki iyan sa NCR, 12,000, 6,000 sa IV-A, 3,000 sa Region XI at Region III, tapos mga 2,000 sa Region I.
So, hindi pa rin umaarangkada nang husto iyong ating second booster for our immunocompromised.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, isunod na itong tanong ni Vivienne Gulla ng ABS-CBN: May we get an update daw po on the HTAC recommendation for the rollout of second booster to senior citizens and healthcare workers?
Ganito rin po, Usec, ang tanong ni Red Mendoza ng Manila Times at ni Jena Balaoro ng GMA News: Iyong comment daw po ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion sa proposal to adopt daw po iyong US CDC guidelines for second booster vaccination.
DOH USEC. CABOTAJE: Usec. Rocky, sa HTAC recommendation, mayroon na silang binigay na recommendation last Friday. Dapat i-out na iyong guidelines for second booster ng A1 healthcare workers at saka A2, iyong ating senior citizen. Pero may nilagay kasi sila doon na hindi nila natanggap iyong WHO written requirements.
So, iyon ang inaasikaso natin. Paglabas na ng WHO written requirement ay puwede na nating ipalabas anytime iyong ating guidelines.
Doon naman kay Secretary Joey Concepcion na ibase iyong ating pagbibigay ng second booster sa US CDC. Iyong ating mga eksperto ay hindi lang po sa US CDC nagbabase ng kanilang recommendations. They also look at the UK, they also look at Japan, and other areas. They look at the experience of Israel and Canada kung paano kineri-out iyong kanilang second booster.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin ni Vivienne Gulla ng ABS-CBN, kasama po iyong tanong ni Jena Balaoro ng GMA News: Ilang COVID vaccine doses po ang maiku-consider daw pong expired o hindi na in-extend ng manufacturer ang shelf life? At ilan po iyong mai-expire ngayong May at June?
DOH USEC. CABOTAJE: Iyong ating figure na binigay natin, we have about 2% wastage which includes iyong mga hindi na na-include iyong ano iyon, hindi na na-extend iyong kanilang expiry date.
For May, we have about almost two million Moderna vaccines that are expiring kaya kailangan ibakuna iyan sa first booster kasi puwede namang Moderna may mga 43 million pa tayong mag-booster.
Tapos may mga kaunting AstraZeneca, a few hundred thousand. Pero iyong mga mag-i-expire na Pfizer ng July and August ay nabigyan po ng extension ng another three months.
So, hindi pa tayo maeexpiran ng Pfizer.
USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pong tanong Red Mendoza ng Manila Times: Ano daw po iyong mga hakbang na ginagawa ng NVOC para sa transition ng susunod na administrasyon?
At ano daw po ang plano ng NVOC ang dapat ituloy ng papasok na administrasyon?
DOH USEC. CABOTAJE: Unang-unang po ang ating National Vaccination Operations Center ay multi-agency. So, titingnan po natin sa susunod na administration kung gagawin pa ring multi-agency.
Pero sa ngayon ang ating ginagawa po ay ini-institutionalize natin, ita-transition natin sa mga offices ng DOH that are concerned with the various activities of the National Vaccination Operations Center. Iyong mga polisiya ay galing sa mga office ng public health services team, mga offices.
Tapos iyong ating mga implementation, iyong ating field implementation coordination teams na may in-charge ay ang ating mga regional offices. Iyong ating data lang ang kailangang iendorse ng DICT, kasi sila po ang lead ng ating vaccine information management system kung kanino iendorso. Nandiyan pa naman din ang DICT at nakikipagtulungan sa DOH para maiayos at maituluy-tuloy iyong ating data management in terms of the vaccination.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, tanong pa rin po ni Jena Balaoro ng GMA News: A week after elections, may namo-monitor na po bang uptick sa COVID cases ang Department of Health?
DOH USEC. CABOTAJE: Ang nakita ko ay wala pa namang unusual na case. Actually nakita naman natin na a few areas were able to deescalate from Alert Level 2 to Alert Level 1, tapos iyong karamihan ng Alert Level 1 ay tuluy-tuloy. So, as of now, we are still vigilant at talagang mino-monitor [natin]. To my knowledge, wala tayong nakikitang mga increase in cases.
USEC. IGNACIO: Usec., kunin ko lamang ang inyong mensahe at siyempre, panawagan po sa ating mga kababayan sa mga hindi pa nagpapabakuna o hindi pa nagpapa-booster. Go ahead, Usec.
DOH USEC. CABOTAJE: Maraming salamat sa pagkakataong ito.
Nakaraos na tayo – ulit-ulitin natin iyan – because of vaccination. Ito ang game-changer ng ating COVID-19 pandemic, pero we are not yet out of the woods ‘no, dapat mas marami pa tayong mabakunahan para protektado iyong ating buong bansa. Iyong mga hindi pa nag-first dose, nag-second dose, please go to your vaccination centers. Kung hindi ninyo alam iyong mga schedule, pakitanong na lang sa inyong mga health offices.
Tapos po iyong mga booster: Importanteng-importante po ang first booster; marami pa tayong hindi naka-first booster. The booster enhances the effectiveness of the vaccines. So, kung may three months na po kayo from your primary dose, puwede na pong magpa-booster. Maraming salamat.
USEC. IGNACIO: Kami rin po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Undersecretary Myrna Cabotaje, ang chairperson ng National Vaccination Operation Center.
DOH USEC. CABOTAJE: Thank you.
USEC. IGNACIO: Huwag pa po kayong aalis, magbabalik ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Samantala, pulsuhan po natin ang business sector sa napipintong pagtataas ng minimum wage para po sa mga manggagawa sa Metro Manila at Western Visayas. Makakausap po natin ang presidente ng Employers Confederation of the Philippines na si Ginoong Sergio Ortiz. Good morning po, Sir.
ECOP PRESIDENT ORTIZ-LUIS JR.: Hi, good morning, Usec. Rocky. Si Usec. Rocky ba ito?
USEC. IGNACIO: Opo, Sir. Kumusta po?
ECOP PRESIDENT ORTIZ-LUIS JR.: Good morning po.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, ano po ang nakikita ninyong consequence dito sa mga negosyo nitong pagtaas po ng basic salary ng mga empleyado?
ECOP PRESIDENT ORTIZ-LUIS JR.: Well, noong una kasi, doon sa negotiation doon sa wage board, ang order ko roon sa mga tao namin, eh kung puwede mai-exempt iyong micro [business enterprises]. Alam mo naman, Usec, iyong micro [business enterprises] natin is 90% of the enterprises. And 56% of the employees come from the ‘Micro’ at alam din naman natin na kalahati niyan ay nagsara during the pandemic at iyong iba, hindi pa nagbubukas hanggang ngayon. Iyon lang ang sa akin.
Iyong mga miyembro namin ay nandoon sa small, medium and large. Iyong mga iyon, puwede na ring ibuno iyong 33 pesos, although mayroong umaangal pa rin ‘no. Eh, aanuhin na lang namin na ituwid, pagtiyagaan na natin ito at mas mabuti naman ito kaysa roon sa mga nakakatakot na amount na ipinayl (filed) noong bago mag-eleksiyon. So, iyan ay i-encourage na namin iyong mga miyembro namin na sumunod.
USEC. IGNACIO: Sir, ano itong definition ng MSME sa scenario na ito, kasi po ang sinasabi na posible pong payagan sa exemption ay iyong mga ‘micro’ entrepreneurs na may less than ten employees lang po?
ECOP PRESIDENT ORTIZ-LUIS JR.: Iyong sa general rule ng DOLE, kapag nanghihingi ng exemption iyong ‘Micro’, sinasabi na iyong mga may less than ten [employees], magka-qualify at saka iyong mga nasa retail, magku-qualify sa exemption. Kasama na rin diyan, Usec, alam mo iyong sa BMBE (Barangay Micro Business Enterprises] Law. ‘Hindi ba, iyong mga enterprises registered under the BMBE, they are exempt from taxes and exempt from minimum wage sa law?
So, iyon kasama na, pero hindi naman marami. Hindi naman marami kasing LGUs ang nag-implement diyan dahil for some reason they feel, it will be loss of revenues na nila, kaya hindi masyado dumami ang nag-register sa BMBE Law. Maganda sana. Iyon lang naman ang worry namin na baka iyong compliance nitong mga micro [business enterprises], ay hindi masunod masyado, dahil iyong iba niyan ay on the verge of closing/on the verge of opening, eh hindi natin malaman, how they will [react] dito sa pagtaas na ito.
Iyong P33 kasi, on a monthly basis, that’s about P900 plus iyong mga premium na contribution, tataas iyong contribution mo sa SSS, iyong Pag-Ibig; tapos iyong overtime [pay] ay tataas iyong overtime rate; tapos din iyong mga separation [pay], whatever. Parang rough estimate nila diyan ay P1,300 yata iyan per person, per month, iyon iyong P33.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Sir, paano po ito mababalanse ng inyong sector? Kayo po ba ay confident din na kayang i-shoulder ng malalaking kumpanya itong magiging wage hike?
ECOP PRESIDENT ORTIZ-LUIS JR.: Alam mo naman na iyong nasa small natin ay 88 plus percent; nasa medium, 1%; ang nasa large ano… Iyong nasa medium at saka sa large, most of them pay more than [the] minimum wage so hindi problema iyon.
Ang problema natin [ay] nandoon sa small. Marami diyan ay ‘ika nga eh ay marginally operating also. Iyon ang nagiging problema, medyo mayroong mga umaangal na bad timing daw. Iyong sabi nga namin eh wala tayong magagawa, you have to accept the fact na iyong computation [garbled] iyong erosion noong ano kaya kami pumayag na riyan although with reservation dahil doon sa mga micro, eh iyong computation namin is about P30.00 something iyong erosion noong minimum wage.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, sir, may ilang labor groups pong tutol dito sa pagbibigay ng exemption. Ano po ang masasabi ninyo dito?
ECOP PRESIDENT ORTIZ-LUIS JR.: Well, iyong exemption noong una, noong mga nakaraan, is only good for one year. Pangalawa, maraming requirements. You have to prove your distress or whatever and some of them para to be able to do that, alam mo naman, talagang understaffed naman iyang maliliit, you have to get an accountant or a lawyer, some of them might not even bother, hindi na lang nila susundin.
Dapat sana i-simplify na lang iyong—Hindi naman nae-exempt iyon kasi hindi naman pupuwedeng i-exempt although iyon ang nire-request namin kasi halos kalahati noong mga qualified na minimum wage earners ay mawawala kung ini-exempt ko iyong micro dahil napakalaki, 65% ng mga empleyado ay galing sa micro eh.
So, iyon na lang ang ano namin, siguro maybe the government can come up with something also to help them, to help them up. Alam mo kasi, some of the things that people have to understand eh out of the 48 million in the labor market, only about 10% ang minimum wage earners, iyong nasa formal sector. Iyong mga nasa informal sector, 90% – iyong mga market vendors, drivers, tricycle drivers, iyong mga small business, some in the agriculture sector.
Kapag iyong mga tinamaan mo sa 10% na kumpanya ay nagtaas ng presyo, everybody, you will have to suffer the price increase but iyong 90% hindi naman tataasan ng suweldo. So, iyon ang problema kaya I think we have to really balance it very well. Kasi kapag nagtaas ka ng ano at iyong 90% eh, nandiyan na nga iyong problema natin sa fuel, nandiyan na nga iyong [garbled] tumataas na iyong ano, eh paano na iyong 90% na wala namang minimum wage na itinataas? They will suffer because of the 10%.
Iyon ang sinasabi natin, we really have to balance it well, to the point na iyong mga kumpanya they will have to raise prices because of it para hindi naman maperhuwisyo yung iba.
USEC. IGNACIO: Opo. Kukuhanin ko na rin po iyong reaksyon ninyo dito. Kasi sinabi rin po ni Labor Secretary Silvestre Bello III na puwede rin daw pong mag-apply for exemption itong mga malalaking kumpanya na nabiktima ng mga kalamidad.
ECOP PRESIDENT ORTIZ-LUIS JR.: Totoo iyon, iyong mga in distress company pero alam mo iyong mga requirements sa malalaking kumpanya ay mabigat din eh. Three years yata or two years or whatever to prove with distress, ipapalagay mo iyong financial statements mo, so mayroon ding mag-a-apply.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, papaano po itong sinasabing wage hike kasi kailangan po nating balansehin iyong ating industriya at siyempre sa mga manggagawa? Papaano po iyong ating job generation dito?
ECOP PRESIDENT ORTIZ-LUIS JR.: Iyon ang ikinatatakot natin. Nabanggit ko nga kanina, doon sa micro iyong maaapektuhan, kalahati niyan [ay] nagsara eh. Iyon sana ang ini-encourage natin na magbukas, eh kapag ganiyang nagtaas po tayo niyan… Sana po ay maganda.
Marami iyong waiting in line na magbubukas. Noong bago mag-eleksiyon, nagpa-file na ng P750, P450, natatakot iyong mga investors, both local and foreign. Hinihintay nila iyong resulta. Ngayon, nakita nila this more reasonable iyong increase, mayroon na ring nae-encourage na, sige hindi naman pala ganoon kabigat. So, marami ang nae-encourage na magbukas na ulit or mag-invest ulit.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero pabor po kayo kung ipatutupad na nga po tong wage increase as soon as possible o sa palagay ninyo mas makabubuti kung sa simula po ng susunod na administrasyon ito talagang pasimulan?
ECOP PRESIDENT ORTIZ-LIS JR.: Nandiyan na iyan eh. Kasi ang rule dyan, I think today ay ia-approve iyang at least sa Metro Manila at sa Visayas, ia-approve ng National Tripartite Council Board ‘no at ipa-publish iyan. In fifteen days magiging effective na iyan.
Alam mo, ako, nasiyahan doon sa reaksiyon nung isang labor leader dahil he respects it, ‘no, si Elmer Labog na chairman ng KMU. Narinig ko siya doon sa interview sinabi niya, “Well, maliit iyan kaysa sa expectation natin pero mabuti na rin iyan under the circumstances.”
So iyon, magandang signal iyon. Alam mo naman kasi, Usec, nagpataasan ng ipa-file eh. Marami diyan siguro sa mga nagpa-file ay kandidato sa party-list, kandidatong congressman, kandidatong senador, eh kapag mababa iyong hinihingi mo, baka hindi ka iboto. Eh ngayong after nag-subside na iyong election ano, eh wala akong nakitang violent objection doon sa 33 pesos.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano naman po iyong masasabi o inaasahan ninyo sa susunod na administrasyon kaugnay po sa interes at sa welfare ng business and employers’ sector?
ECOP PRESIDENT ORTIZ-LIS JR.: Sa totoo lang, Usec, tama naman iyong policy. As a matter of fact, itong policy ng gobyerno na ito, isa sa hinahangaan nga ngayon both of the labor at saka ano ay si Secretary Bello. Because in spite of the fact na napakahirap ng buhay ngayon at may pandemya at maraming nawalan ng trabaho, iyong industrial peace natin ay napanatili. Walang strike halos, walang gulo na nangyayari sa labor front, so iyon. Ang expectation namin diyan, kung sinuman iyong ipapalit ay itutuloy lang niya iyong policy.
Ang isang policy na tinitingnan ngayon na mahigpit, one of the campaign issues also, ay iyong vineto [vetoed] ni Presidente na security of tenure bill. Iyon naman kasi, mini-misquote nila iyong pinangako ni Presidente. Si Presidente ay nangako na ie-end na niya iyong endo at saka iyong ‘5-5-5’, ‘di ba, Usec?
USEC. IGNACIO: Yes, opo.
ECOP PRESIDENT ORTIZ-LIS JR.: Hindi niya sinabi na all sorts of contractualization will be ended dahil iyon ay hindi puwede talagang gawin. Kaya ang sinasabi niya, mayroong mga contractualization talaga na legal. Kagaya ng BPOs. Kapag lahat ng contractualization ay ipinagbawal, mawawala ang lahat ng BPOs, mag-aalisan iyan. Eh napakarami rin niyan at saka napaka [unclear] magbayad.
So there are really ano, in the international realization, competitiveness will depend also on iyong sa mayroong prerogative ang management to have some contractualization. Pero iyong ipinangako ni Presidente ay natupad. Alam ninyo kung paano? Illegal na ngayon iyong mga “cabo” (labor-only contracting) system; illegal na ngayon iyong “5-5-5”; illegal na iyong endo. Ngayon, kung may problema sa implementation, that’s another story.
Pero ngayon, basta pumasok ang empleyado, after six months ay permanent na iyan. Pinag-uusapan lang kanino ka permanent? Kung ikaw ba ay service provider ng San Miguel, permanente ka ba sa San Miguel? Not necessarily sa San Miguel, but doon sa service provider, after six months magiging permanente ka. Kung ipinasok ka sa SM noong Christmas season, tapos after six months ay magiging permanente ka, hindi nga lang sa SM, doon sa service provider.
Pero iyong mga service provider natin ngayon ay hindi na pareho noong dati na talagang pinaglalaruan ng mga employers, talaga namang inaabuso. Iyong mga “cabo” na kung sinu-sino lang, kung minsan kamag-anak nila, kunwari ay service provider.
Tinaasan na ang requirement ng capitalization ng service provider, limang milyon yata if I’m not mistaken – plus, to be accredited ay napakaraming ano. In short, kapag iyong service provider ay ginawa kang permanente, you can be sure na you will enjoy the right salaries, you will enjoy the night benefits at kung ikaw ay ma-separate, you will be paid. May capacity itong mga service provider na ito.
To that extent ay talagang si Presidente ay tinupad iyong pangako niya; hindi totoo iyong hindi niya tinupad – tinupad niya. Sinasabi lang nila kasi iyong si Presidente, ipinangako contractualization lahat. Hindi puwedeng ipangako ni Presidente iyan. Ang pinangako niya ay ayaw niya ng endo, ayaw niya ang “5-5-5” – ginawa niya iyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak sa amin, ano po, ECOP President Sergio Ortiz-Luis. Sir, maraming salamat po…
ECOP PRESIDENT ORTIZ-LIS JR.: Maraming salamat din sa iyo, Usec.
USEC. IGNACIO: Samantala, agad namang sumaklolo ang tanggapan ni Senator Bong Go sa mga pamilyang nasunugan sa Malanday, Marikina. Kasama rin ng Senador na nagpaabot ng tulong ang ilang ahensiya ng pamahalaan. Narito po ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Dumako naman po tayo sa mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service. Ihahatid iyan ni Al Corpuz mula po sa PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Al Corpuz mula sa PBS-Radyo Pilipinas.
Samantala, tiniyak naman ni Mayor-elect Michael Rama ng Cebu City na maging finest policemen in the country ang mga kapulisan ng lungsod. Ang detalye mula kay John Aroa:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agencies para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Hanggang bukas pong muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center