USEC. IGNACIO: Magandang umaga po, Luzon, Visayas at Mindanao, at sa lahat ng nakatutok sa ating programa saanmang panig ng mundo. Muli po tayong makikibalita ngayong araw ng Miyerkules sa mga maiinit na isyu sa loob at labas ng bansa. Ilan sa ating mga pag-uusapan ay ang lagay ng agriculture industry ng Pilipinas, local transmission ng BA.2.12.1 sa bansa, at ang pagdating ng mga bagong barko ng Philippine Coast Guard. Ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Kumikilos na po at mahigpit na binabantayan ng Department of Health ang naitalang local transmission ng subvariant ng Omicron BA.2.12.1. Ayon sa DOH, labing-anim na ang local cases nito o iyong mga nakuha ang virus dito sa Pilipinas. Kabilang umano dito ay ang labing-isang dayuhang pumunta sa Puerto Princesa sa Palawan, dalawa sa Metro Manila, at ang pinakahuling na-detect ay ang tatlong bagong kaso sa Western Visayas.
Bagama’t may pag-aaral na mas nakakahawa ang BA.2.1 kumpara sa original na variant, sinabi po ni DOH Spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi ito magdudulot ng malawakang hawahan dahil sa mataas na vaccination rate ng bansa.
Paglilinaw din ng opisyal, hindi pa matatawag na community transmission ang mga naitalang kaso ng BA.2.12.1.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, proklamasyon ng mga nanalo sa pagka-senador, isasagawa na ngayong hapon. Ang mga bumubuo sa Magic 12 at ang health protocols na ipatutupad ay ihahatid ni Karen Villanda. Karen?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Karen Villanda.
Samantala, makibalita rin po tayo sa mga aktibidad na lalahukan naman ng Philippine Coast Guard gamit po ang newly commissioned nilang barko na BRP Teresa Magbanua. Makakausap po natin si Rear Admiral Bobby Patrimonio, ang Commander po ng PCG-Marine Environmental Protection Command. Good morning po, sir.
PCG RADM. PATRIMONIO: Magandang umaga po, Usec. Rocky. At salamat po sa pag-imbita sa Marine Environmental Protection Command dito sa inyong napakahalagang programa. At sa Philippine Coast Guard, maraming, maraming salamat po for this opportunity.
USEC. IGNACIO: Opo. I-welcome din po natin, kasama ninyo si Commodore Armand Balilo, ang tagapagsalita po ng Philippine Coast Guard. Good morning po. Welcome po sa ating PTV studio.
Sir, umalis po iyong apat na barko ng PCG noong nakaraang araw. Pupunta po raw ng Indonesia para sa isang marine pollution exercise. Ano po ang dapat asahan sa mga gaganaping Regional Marine Pollution Exercise sa Indonesia na magsisimula po sa May 27, tama po ba ito? Oh, 22.
PCG RADM. PATRIMONIO: Twenty-two. Opo, Usec. Rocky, umalis nga po iyong apat na barko natin papunta po sa Makassar, Indonesia. We will be participating in the Regional Marpolex exercise that will be hosted by the Directorate General Sea Transportation of Indonesia, at inaasahan natin na magkakaroon tayo ng malakas na ugnayan with our Indonesian counterpart and our Japan Coast Guard counterpart in combating oil pollution at sea. At dito natin masusubukan ang interoperability ng mga kagamitan natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, anu-ano po iyong mga barko na magpa-participate dito sa nasabing exercise at ilang personnel po iyong lalahok?
PCG RADM. PATRIMONIO: Ang mga barko po na lumayag noong nakaraang araw ay ang BRP Teresa Magbanua, ang MRRV-9701; ang BRP Gabriela Silang, ang OPV-8301; ang BRP Malapascua; at ang BRP Cape Engaño. At it will be complemented by 374 officers and men. Our delegation will be headed our very own Vice Commandant for Administration, si Coast Guard Vice Admiral Rolando Punzalan. Siya po ang head of delegation doon sa Makassar, Indonesia ng Marpolex exercise natin.
USEC. IGNACIO: Opo. So kailan po nagsimula itong Marpolex? At bakit po mahalagang ginagawa itong aktibidad na ito every two years? Ano raw po ang magiging impact nito sa ating mga tauhan?
PCG RADM. PATRIMONIO: Nagsimula po itong Marpolex exercise noong 1986, noong nilagdaan natin iyong agreement sa Sulu-Sulawesi Oil Network Plan Agreement.
So, ang kahalagahan nito ay ang mapagtibay at paghandain iyong tauhan natin at saka iyong mga tauhan ng Indonesia in case of any transboundary oil spill na magaganap. Dahil alam natin na kung magkaroon ng ganitong kalaking oil spill, iyong likas-yaman ng dagat natin ay talagang malalagay sa panganib kaya dapat maaagapan kaagad natin iyong pagkalat ng mga langis sa dagat.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, sir, may insidente po ba sa Pilipinas na talagang namroblema tayo dito sa paglaban sa oil spill sa karagatan? Nagkaroon po ba ng pagkakataon na talagang tumulong na sa atin ang Indonesia?
PCG RADM. PATRIMONIO: Opo, Usec. Rocky. Kung matatandaan ninyo iyong nangyari sa SOLAR 1 doon sa Guimaras Island, iyong bansang Indonesia at saka ang bansang Japan ay nagpadala ng mga eksperto at gamit para mag-assist sa ating pag-contain at pag-recover ng mga natapong langis doon sa dagat ng Guimaras.
USEC. IGNACIO: Pero ano raw po ang mandato ng Marine Environmental Protection Command ng PCG?
PCG RADM. PATRIMONIO: Ang mandato po ng Marine Environmental Protection Command is to preserve, protect and conserve our precious marine environment base na rin po sa batas natin sa Coast Guard Law of 2009, RA 9993 at saka sa PD 602, tayo po ay inatasan na protektahan ang yamang dagat natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero pagkatapos po ng activity na ito, saan naman po iyong susunod na assignment ng BRP Teresa Magbanua para mag-patrol?
PCG RADM. PATRIMONIO: Pagkatapos ng activity na ito, ang ating mahal na commandant, si Admiral Artemio Abu ay nagbigay ng directives sa ating mga barko na magpatrolya ulit sa West Philippine Sea, sa Benham Rise, at ipagpatuloy ang sovereign patrol natin doon sa mga nababanggit na area na ito. At maliban diyan, laging handa po ang mga barko natin sa pag-transport ng mga goods and people para … kung in case there will be a maritime disaster.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero kailan naman daw po inaasahang darating iyong isa pang MRRV na papangalanang BRP Melchora Aquino? At ano raw po ang specifications nito kumpara raw po sa BRP Teresa Magbanua?
PCG RADM. PATRIMONIO: Halos pareho lang sila, ma’am – ang Teresa Magbanua [at] ang BRP Melchora Aquino. Ang ating Commandant po ay pupunta po sa Japan next week para i-send-off iyong barko natin at inaasahan nating darating ito by the first or second week of June. Ito ay may kakayahan na mag-stay sa dagat ng fourteen days and it has state-of-the-art equipment onboard.
USEC. IGNACIO: Opo. Dumating na po iyong limang barko daw kanina ng Philippine Coast Guard matapos iyong matagumpay na buoy laying sa West Philippine Sea, so saan-saan po inilagay ang mga ito at ano daw po ang relevance nito?
PCG RADM. PATRIMONIO: Ma’am, naglagay po tayo ng isang boya sa doon sa Likas (Island); isang boya sa Parola (Island); isang boya sa Lawak (Island); at dalawang boya sa Pag-asa (Island).
These are sovereign markers of our country, but ang pinaka-intention lang is to guide our seafarers navigating in that area para magkaroon ng ligtas na paglalayag ang ating mga barko na dumaraan sa area na iyon. But this will be a source of our national pride by placing these sovereign markers.
USEC. IGNACIO: Ito talaga ay makakatulong na rin para sa atin [at] siyempre [ito] iyong sinasabi minsan ng ating mga fishermen sa lugar, sir?
PCG RADM. PATRIMONIO: Yes, ma’am. Sa katunayan nga, ma’am, napuntahan ko na ang mga lugar na iyon when I was a still a very young Navy officer then, noong ako po ay isang ensign way back 1992, napakayaman nitong mga lugar na ito sa yamang dagat, maraming isda. Maikukumpara mo ang lugar, ma’am, parang paraiso, parang Boracay. Mas maganda pa kaysa sa Boracay, ma’am.
So, hopefully these will be developed and become a tourist attraction later kung mapatatag natin ang seguridad sa lugar na iyon.
USEC. IGNACIO: Admiral, kuhanin ko na lamang po iyong mensahe [ninyo para] sa ating mga kababayan. Go ahead po.
PCG RADM. PATRIMONIO: Sa ating mga kababayan, maraming salamat po sa support na ibinibigay ninyo sa Philippine Coast Guard, at rest assured that your Philippine Coast Guard will always work 24/7 to preserve, protect and conserve our precious marine environment, promote maritime security and enhance maritime safety dito sa ating bansa.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami rin po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Rear Admiral Bobby Patrimonio mula po sa Philippine Coast Guard. Salamat din po kay Commodore Balilo. Salamat po, sir, sa pagbisita.
PCG RADM. PATRIMONIO: Maraming salamat po, Usec. Rocky, for inviting us here. Thank you so much po.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa uulitin po. Salamat po.
PCG RADM. PATRIMONIO: Thank you. Thank you.
USEC. IGNACIO: Kamakailan po ay inilunsad ng Department of Agriculture ang isang ten-year plan na sinasabing makakatulong para sa tuluy-tuloy na programa ng pamahalaan bilang pagtugon sa ating food security. Sakto rin po iyan sa ginagawa nilang paghahanda sa nalalapit na transition of government sa paparating na administrasyon.
Makakausap po natin si Agriculture Secretary William Dar [tungkol sa mga usaping iyan]. Good morning po, Secretary.
DA SEC. DAR: Good morning po sa ating lahat. [Sa] lahat po ng nanunood sa programa po ninyo, magandang umaga po.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kumusta po iyong paghahanda ng Department of Agriculture, ano na po iyong pinakahuling inilunsad ng inyong tanggapan na National Agriculture and Fisheries Modernization and Industrialization Plan (NAFMIP)? Paano daw po nito matutugunan ang isyu ng food security sa bansa, Secretary?
DA SEC. DAR: Opo. Alam ninyo, ang mundo ngayon ay mayroon tayong mino-monitor na looming food crisis gawa ng COVID-19 pandemic, iyong Ukraine war at saka iyong pagtataas ng presyo ng petroleum. So, iyon ang nakikita natin, at marami na ring eksperto ang nagsasabi na there is a looming food crisis.
Tayo naman sa Kagawaran ng Pagsasaka ay handa tayo, kasi mayroon na tayong plano, directional plan to handle these big challenges.
Now, ano ho ang parte ng plano? Itong plano na ito is to consider three stages – iyong rebooting Philippine agriculture towards recovery and growth, iyong resilient and sustainable agriculture – iyon po ang nilalaman ng National Agriculture and Fisheries Modernization and Industrialization [Plan].
So, ibig sabihin, [kung] dumating man talaga ang krisis na ito, food crisis, ay nakahanda tayo. Ang aking hinihingi lang ay dagdagan dapat po ang pondo ng gobyerno nitong Department of Agriculture para iyong focused areas ng, say, Plant Plant Plant Program Part 2, kagaya ng pamimigay natin ng fertilizer subsidy; additionally, iyong urban and peri-urban agriculture; iyong local feed production; iyong food mobilization; aquaculture and fisheries – ito iyong focused areas.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kapag sinabi ninyo pong looming crisis, ano po iyong dapat gawin/paghandaan ng ating mga kababayan at ano po iyong mga dapat na tingnan? Kapag sinabi ninyo pong looming crisis sa food security, ano po iyong dapat nating gawin muna o paalala sa ating mga kababayan?
DA SEC. DAR: Maganda po iyong katanungan ninyo. Ang ibig sabihin ay dapat paghandaan ng bawat Pilipino na kung puwede ay magtanim tayong lahat, mag-alaga [ng hayop] at mangisda. Kasi kagaya dito sa urban areas, kung may paraan na madadagdagan natin iyong mga production ng ating mga magsasaka at mga mangingisda ay we also have to do it, tayong mga mamamayan, mga ‘plantito/plantita.’
Iyong mga ginagawa po ng Department of Agriculture [ay] maipataas iyong ani ng ating mga magsasaka at saka ng mga mangingisda, so mayroon tayong nakatutok diyan, in partnership with the local government units at para sa ganoon, iyong level of food production ay talagang tataas at tataas.
Alam ninyo, kung hindi po matututukan ito ay isang problema ang kinakaharap natin. Iyong presyo ngayon ng fertilizer ay nag-triple na. So, lahat ng pamamaraan, using now the local resources, local technologies, iyon na po ang ‘balanced fertilization’ na ipinapatupad po natin. So, may mga bio-fertilizers, iyong ‘BioN’ na na-develop ng University of the Philippines-Los Baños, mayroon ring mga bio-fertilizers developed by all those involved in the nutrient management, iyong mga company na iyan, so i-harness na po natin lahat.
Ganoon din sa feeds. Hindi ba, tumataas ang presyo ng wheat, feed wheat, corn, everything? So, dapat kung ano iyong mga puwedeng mga raw materials, iyon na po ang gagawin po natin – local feed production. Ganoon din sa aqua feeds, dapat may feed mill tayo for aqua feeds para dito na lahat, locally-produced materials, para ma-sustain natin iyong masaganang ani at mataas na kita.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kapag sinabi ninyo pong looming food crisis, kailan po ito inaasahan – sana naman po huwag magtuluy-tuloy – so, mga isa/dalawang buwan po, Secretary?
DA SEC. DAR: Ang titingnan natin ay itong second semester of the year. Nakikita na ninyo iyong pagtaas ng presyo ng mga inputs, kakaunti ang mabibili sa global market and so, advance dapat ang planning then and that’s why tayo ay nagwa-warning at gumagawa rin ng paraan para makapaghanda tayo, maisagawa natin lahat itong plano.
USEC. IGNACIO: Opo. Kuhanin ko lang po iyong tanong ni Tuesday Niu ng DZBB: Kapag daw po ba sinabing looming food crisis, ibig bang sabihin ay kukulangin na po ang supply ng bigas, gulay at isda?
DA SEC. DAR: Ngayon po ay mayroon pa rin tayong sapat [na supply] at gusto po nating i-sustain iyan, dadagdagan pa. So, that must be clear, na ngayon pa lang ay magbanat na ng buto para madagdagan pa iyong ating produksiyon. So, may sapat pa rin tayong pagkain.
USEC. IGNACIO: Opo. Marami pong mga nagbanggit nitong nakaraang kampanya na may potensiyal ang Philippine agriculture daw po na maging mega industry. Posible po ba itong maabot sa susunod na sampung taon kung magtutuluy-tuloy ang maayos na implementasyon ng planong ito, Secretary?
DA SEC. DAR: Iyon po ang ating gustong mangyari. Itong directional plan for the next ten years sa agriculture, iyong NAFMIP ay really, this is a very solid plan na puwedeng i-strengthen every now and then. And by June, dapat we should be near that goal of food sovereignty.
USEC. IGNACIO: Opo. At paano daw po masisiguro na mabibigyang prayoridad ng susunod na administrasyon itong pagtutok sa NAFMIP?
DA SEC. DAR: [Unclear] na susundan, puwedeng strengthen. At one thing to highlight, dapat ideklara ng gobyerno which we have recommended already na ang agrikultura ay bibigyan ng one topmost priority consideration at dapat bubuhusan ng malaking budget para maisakatuparan po natin lahat itong plano na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, bukod dito ano pa pong priority projects ng current DA administration ang nais ninyong maipagpatuloy sana ng susunod na mga uupo sa puwesto?
DA SEC. DAR: Opo. Itong RCEP ay dapat na ituluy-tuloy ito. Iyong P10-B dapat, although mayroon na ring mga additional na components or budget for the rice production program. Iyong Bantay ASF, dapat pa ring paigtingin pa natin iyong Bantay African Swine Fever.
Pero may magandang balita po. Gusto ko pong ibalita na iyong ongoing testing bakuna doon sa ASF ay ang ganda po ng resulta. Now, nasa phase two na po tayo. The result will come out itong last part of June. If that happens, if the same encouraging results will be there ay irerekomenda po natin na mabakunahan ang lahat ng ating mga baboy all over the country.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, naging matunog sa mga kababayan natin itong pagpapababa daw po ng presyo ng bigas sa P20 kada kilo. Kaya po ba talaga ng pamahalaan na i-subsidize ito at lagyan ng price cap para daw po mapababa sa P20? Ganito rin po iyong tanong ni Aileen Cerrudo ng UNTV.
DA SEC. DAR: Opo. Ito ang aking pananaw at ang pananaw ngayon ng Department of Agriculture. Tuluy-tuloy ang mga programa, proyekto para maitaas po natin ang productivity ng rice dito sa bansa. Tuluy-tuloy ang mga iba’t ibang components kagaya ng Rice Competitiveness Enhancement Fund. At the same time, we have really to see na iyong pagbaba ng cost of production ay tututukan natin iyan kasi that will be a possibility kagaya ng Thailand ngayon P8.00 iyong cost of producing a kilo of palay, Vietnam P6.00. Dito ngayon napababa po natin ng P12.50 to P11.50.
So, ganyan nakikita na natin iyong outcome ng Rice Tariffication Law. Mayroon tayong segmentation ng mga iba’t ibang presyo ng bigas. Kanina nasa Kamuning market tayo, P35.00 ang pinakamababa now.
Direct to the question po, [unclear] alam ninyo NFA today ay nagba-buffer stocking lang ng good for seven days. Iyon kasi ang may budget sila na nabigay sa kanila P7-B kada taon. And that’s just good for seven days.
Ang pananaw natin ay bigyan natin ng additional budget ang NFA to the level of P30-B. So, dagdagan natin ng P23-B kada taon para maka-sustain sila ng buffer stocks ng 20 days.
Now, what are the effects of that? They will maintain iyong farm gate price from present price, farm gate price ngayon ay P19.00. puwede namang itaas iyan sa P20.00, okay. So, iyon. Palay procurement P20.00 per kilo.
Now, NFA now will buffer stock that’s good for 30 days. Iyon ang iru-rule over at ilalabas na NFA rice. At ito ay para doon sa NFA retailers at ang bebentahan lang po nila ay itong mga beneficiaries ng 4Ps. So, ganoon po ang ating pananaw.
Now, another part of that buffer stocking strategy, increasing buffer stock of the country sa rice ay iyong mga provincial government top 20 rice producing provinces ay mabigyan din ng [unclear].
So, ang dami pong exposure ng government para iyong P27.00 na presyo ng bigas ay puwedeng ma-sustain.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, pero ano naman daw po iyong reaksiyon ninyo dito sa mga nananawagan at nagpaplano na ipasuspinde ang Rice Tariffication Law? Tanong din po iyan ni Aileen Cerrudo ng UNTV. Maaari daw po ba ito at ano daw po ang puwedeng maging implications kung aalisin ito?
DA SEC. DAR: Hindi. Dapat iyong Rice Tariffication Law would stay. Itong sinasabi ko ay executive order na. Puwede na. It will not be in contravention with the Rice Tariffication Law.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, bumaba daw po iyong agri output natin ngayong first quarter ng 0.3%. Ano daw po iyong naging dahilan nito? At ito po ba ay nakakaalarmang numero o hindi naman?
DA SEC. DAR: Well, let me correct. The latest figure ng NEDA ay may new crop .2% ang first quarter sa GDP. [unclear] flat growth, walang contraction po ngayong first quarter.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may tanong lang po si Jena Balaoro ng GMA News: Iyong mga suggestions ninyo po para daw po mapababa ang presyo ng bigas, hindi ba kayang gawin sa ngayon?
DA SEC. DAR: Kailangan ng additional budget. Puwede namang i-implement ngayon pero we have to source sizeable budget for NFA.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, bakit po pati daw iyong produksyon ng livestock at fisheries products ay may nakita na rin pong pagbaba?
DA SEC. DAR: Iyon pong sa livestock, ang ganda po ng development. Base dito sa GDP performance sa agrikultura ng livestock, minus one na lang compared mo sa previous years, 19% minus.
Though ang ganda po, iyong repopulation program po natin ay umaandar na, ang pribadong sektor ay gumagalaw na, malaking investment na ang repopulation. So, with this vaccine to be available, kung ito ay successful, before the end of June ay talagang this will now give more trust and confidence for the private hog raisers to come forward in a bigger way.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ano daw po ang plano ng Department of Agriculture para daw po hindi magtuluy-tuloy ang pagbaba ng produksyon natin ng ilang agricultural products ngayong taon?
DA SEC. DAR: Tama po. Nandiyan na ang NAFMIP, dapat bigyan na natin ng enough budgetary resources. We will continue to improve our capacity to implement para sa ganoon ay mas mataas po ang lebel ng ating productivity.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Dar, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak sa amin, Department of Agriculture Secretary William Dar.
DA SEC. DAR: Maraming salamat po sa ating lahat.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po, Secretary.
Samantala, muling isinusulong ni Senator Bong Go ang panukalang batas na magpapatibay ng digital transaction sa pamahalaan o ang E-Governance Act.
Narito ang detalye.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Kukumpirmahin ng Department of Health na may local transmission na ang Omicron sub-variant na BA.2.12.1 sa ilang lugar dito sa Pilipinas. Masisiguro pa rin ba ang bisa ng mga bakuna natin laban dito [sa sub-variant na BA.2.12.2]? Aalamin po natin iyan. Kasama po natin ang chairperson ng Vaccine Expert Panel na si Dr. Nina Gloriani. Good morning po, Doc Nina?
Aayusin lang po namin ang linya ng komunikasyon sa inyo, Doc Nina. Magandang umaga po.
Samantala, labing-walong (18) pamilyang nasunugan ng bahay ang hinatiran ng tulong ng tanggapan ni Senator Go [na] katuwang po ang DSWD para umagapay sa kanilang pagbangon. Narito ang detalye:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Balikan na po natin si Dr. Nina Gloriani para po sa usapang local transmission ng Omicron sub-variant na BA.2.12.1. Good morning po ulit, Doc Nina?
DR. NINA GLORIANI: Good morning, Usec. Rocky at sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Nina, ilang percentage [na] effective ang mga bakunang mayroon tayo dito po sa mga bagong nagsusulputang sub-variant, kagaya nitong BA.2.12.1 po? At may local transmission na daw po dito sa Pilipinas?
DR. NINA GLORIANI: Ang may data tayo ay iyong mga messenger RNA vaccines ‘no, hindi iyong lahat ng what we have here. Very clear na after two doses, ang efficacy nitong mga bakuna ay bumababa hanggang mga 10% against this Omicron variant, pero kapag binigyan ng third dose two to four weeks after, bababa din ito to about 59 to 75%. After another months, two months, ay bababa pa ng 61-64%, and after mga three months na, nasa 49-50% na lang. Again, ito iyong sa BA.1 at BA.2 – iyong dalawa. Wala pa tayo doon sa ibang variant.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc Nina, gaano po kahalaga talaga na makapagpabakuna talaga at makapagpa-booster shot ang ating mga kababayan, lalo na itong hindi pa nababakunahan, ngayon pong may local transmission na?
DR. NINA GLORIANI: Napakaimportante iyan, lalo na doon sa hindi pa nababakunahan. Doon sa nabakunahan na ay malinaw na malinaw ang data na kulang ang proteksiyon ng dalawang doses. Paulit-ulit na po nating sinasabi iyan. Pero nakita rin sa mga pag-aaral abroad na after the first booster or third dose ay nagwi-wane din iyong immunity lalo na sa Omicron sub-variants.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Nina, isunod ko na lang din po itong tanong ni Jena Balaoro ng GMA News: Sa pagpasok po nitong BA.2.12.1 sa bansa, inaasahan na daw po ba na ito iyong magiging dominant variant sa Pilipinas dahil mas nakakahawa ito kumpara daw po sa unang Omicron variant?
DR. NINA GLORIANI: Oo. Iyan ay sinusundan/mino-monitor ng ating Philippine Genome Center; sa ngayon iyong BA.2 ang ating dominant ‘no, pero sinusundan pa iyan. Importante na maa-isolate itong mga samples na ito at ma-sequence, so titingnan natin. We hope, hindi [maging dominant variant]!
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Nina, nabanggit mo na after nagkaroon ng third dose o itong first booster ay nagwi-wane din po, kahit na may first booster ka na, so ibig sabihin po, dapat ay magkaroon ng second booster? Kasi sa ngayon po ang second booster ay nasa immunocompromised?
DR. NINA GLORIANI: Iyon ang aming rekomendasyon talaga. Iyong waning immunity after the third dose ay nakita, although of course, nauna na prinescribe (prescribed) or ni-recommend sa mga immunocompromised, but we also have to consider iyong mga maraming comorbidity, elderly. So, mayroon din po tayong mga bagong data na nagso-show na mas marami kang sakit, comorbidity kunwari – iyong taong may isa lang, versus lima ang kaniyang comorbidity o sampu, mayroon kasing lahat halos ng sakit – mas madali siyang mag-wane ng immunity at mas bababa ang kaniyang proteksiyon [kaysa] doon sa mas maraming comorbidity.
USEC. IGNACIO: Opo. So, Doc Nina, irirekomenda po ninyo na hindi lang sa immunocompromised lang itong second booster?
DR. NINA GLORIANI: Actually, that was our initial recommendation, which was approved by the FDA. Kaya lang po, mayroon tayong staff na nagtitingin sa socio-economic benefits ng mga bakuna. I think we are still working for that.
USEC. IGNACIO: Doc Nina, patuloy pa rin po itong pag-evolve ng COVID-19 sa loob ng dalawang taon na mayroon tayong pandemic. Mayroon po ba tayong mga local studies na ginagawa kung paano daw po magiging mas effective itong mga bakuna laban sa mga ito?
DR, NINA GLORIANI: Actually, doon sa pag-develop ng mga bagong bakuna na mas magiging effective, ang gumagawa niyan ay overseas; wala tayong kapasidad. Ang puwede lang nating gawing, siguro, studies ay sundan o i-monitor ang mga taong nabigyan ng first booster, second booster at nakita natin [kung] nakakatulong ba talaga ito? So, we maximized or optimized iyong use of the original vaccines that we have. Pero iyong next generation [studies] ay hindi natin kaya.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc, ano naman daw iyong reaksiyon ninyo o palagay dito sa bivalent vaccine na binubuo po ng Moderna na pinaghalo raw po ang mRNA mula po sa original virus mula sa Omicron virus? Mas epektibo raw po ito sa mga bagong variants, Doc?
DR. NINA GLORIANI: Yes, actually nabanggit ko na ito siguro more than two or three weeks ago na about iyong bivalent Moderna vaccine. Anong ibig sabihin ng bivalent? Dalawa; ang laman ay iyong original strain, Wuhan, plus iyong Beta variant. So, nilagyan nila mga … kung ano iyong nag-mutate sa Beta variant plus iyong original. At nakita nila na kapag binigay mo itong may Beta variant at saka original as a third dose, as a booster ‘no ay nag-i-increase ng two to 2.5 times ang neutralizing antibodies nung nabigyan kumpara po sa ang ibinigay mo ay iyong original strain lang.
Tapos maganda rin ang reaksiyon niya doon sa ibang mga variant, Delta and Omicron, kasi actually mayroong common na mutations iyang mga iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Dito naman po tayo sa mga immunocompromised na nabakunahan ng second booster, ano po ang naging assessment ninyo dito, Dok?
- DRNINA GLORIANI: Well, actually wala pa. Kukonti lang, Usec. Rocky, [unclear] how many ang tina-target natin diyan. Baka nasa mga 10,000 lang. Tapos hindi lahat ng immunocompromised ay maaaring mabigyan ng bakuna because they have to be assessed for medical stability, kung puwede silang bigyan. Pero sila ang mas nangangailangan niyan. But I think we should go ahead with the rest of the population ng A1 at A2.
USEC. IGNACIO: Opo. Dr. Nina, may tanong lang po iyong ating kasamahan sa media. Tanong po ni Jenna Balaoro ng GMA News: Inaprubahan na raw po ng WHO ang rekomendasyon ng HTAC para sa pagbabakuna ng second booster sa A1 at A2.
- NINA GLORIANI: Ay salamat po. Marami na po talagang naghihintay, so makakabuti iyon sa atin. Pero iyong wala pang first booster, magpa-booster [na]; at lalo na iyong wala pang bakuna, magpabakuna na.
USEC. IGNACIO: Opo. Follow up question po ni Jenna Balaoro ng GMA News: Ano raw po ang laman ng guidelines ng HTAC?
- NINA GLORIANI: Hindi ko pa po nakikita iyan. Pasensiya na po.
USEC. IGNACIO: Pero, Dr. Nina, ano raw po ang inyong reaksiyon sa iminumungkahi na i-adopt ng Pilipinas ang US CDC guidelines sa second booster dose?
- NINA GLORIANI: Ang US CDC guidelines kasi, ang binibigyan nila ng second booster, 50 years and above. Tayo sa ngayon, iyong mga immunocompromised, I think whether young or old, ‘no but pasok doon sa definition. Pero mayroon silang dagdag sa 12 to 17 na mga moderately to severely immunocompromised.
Para sa akin, puwede iyong atin ay mas encompassing. Iyong sabi ko nga, A1 iyong healthcare workers kasi napakataas ng exposure nila. Ayaw nating makompromiso ang ating healthcare system kapag sila ang tinamaan nitong mga virus ha ito. Tapos iyong A2, iyong elderly. Sabi ko nga—actually, mamaya ay may townhall kami with barangay health workers na kung saan ay ipi-present ko iyong data na kapag marami kang comorbidities, marami kang sakit, may mga tao ‘no, mas mataas ang risk mo ng severe form of COVID or even death from COVID.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa Amerika po, may go signal na ang pagbibigay ng booster dose sa mga batang five (5) to eleven (11) years old. Ganito rin po iyong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Ini-expect daw po na maaari nang sumunod ang VEP (Vaccine Expert Panel) sa rekomendasyon dito?
- NINA GLORIANI: Actually, hihintayin na mag-apply sila sa FDA. Habang hindi sila nag-aaplay ay wala tayong aaksiyunan. Tapos, hindi na po VEP (Vaccine Expert Panel) ang tumitingin diyan, [dahil] mayroon na pong individual expert na nasa panel ang FDA.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Nina, ulitin ko lang iyong tanong ni Jena Balaoro, para mas maayos po, kasi tinatanong po niya kung inaprubahan na po ba daw ng WHO ang rekomendasyon ng HTAC (Health Technology Assessment Council) para sa pagbabakuna ng second booster sa A1 at sa A2?
- NINA GLORIANI: Iyon nga, actually, hindi ko pa alam kung iyon ang inaprubahan na. Ang huli naming alam, at hinihintay ng ating NVOC (National Vaccination Operations Center) ay ang rekomendasyon ng WHO (World Health Organization) about [the] second booster. So, kung mayroon na po iyan, actually, narinig ko kahapon sa news, in-announce na ni Usec. Cabotaje na inaayos na nila iyong expansion to other groups.
USEC. IGNACIO: Opo. Ano daw po iyong reaksiyon naman ninyo sa target na 77 million total jabs ng pamahalan, bago daw po bumaba sa puwesto si Pangulong Duterte by June?
- NINA GLORIANI: Pipilitin siguro po ng NVOC (National Vaccine Operations Center), pero medyo mahirap na ‘no, 67 million tayo, that’s about 10 million, i-divide ninyo into how many days, eh medyo mababa na po iyong acceptance. But we have to try harder.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Nina, kunin ko na lamang po ang inyong mga paalala, panawagan sa ating mga kababayan, lalo na po iyong hindi pa nagpapabakuna, may agam-agam pa. Go ahead po, Doc Nina.
- NINA GLORIANI: Ulitin na lang po natin: Unang priority ay iyong wala pa ni isang bakuna. Huwag po kayo magpakakampante na mababa ang kaso ng COVID natin, [dahil] kapag dumating po iyong ibang variant, wala po kayo proteksiyon lalo; iyong kulang pa, ibig sabihin partially vaccinated, kayo ang second priority; and then, iyong nakakumpleto na po, iyong third dose o first booster, at iyong mga nakakumpleto na ng three doses, mag-second booster na po kayo, kung tingin po ninyo ay eligible na kayo, as soon as possible. Marami po tayong bakuna, iyon po. Pero continue to practice minimum public health precaution.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Nina, kami po ay nagpapasalamat sa inyong palagiang pagsama sa amin. Maraming salamat po, Dr. Nina Gloriani, mula sa Vaccine Expert Panel. Thank you, Doc Nina.
- NINA GLORIANI: Thank you, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Samantala, dumako na po tayo sa mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service. Ihahatid iyan ni Czarinah Lusuegro mula po sa PBS-Radyo Pilipinas:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Czarinah Lusuegro mula po sa PBS-Radyo Pilipinas.
Mahigit isandaang libong (100,000) learners, kabilang po sa in-person classes sa Cordillera. May report si Alah Sungduan:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Isinasagawa na ang paglilinis sa mga campaign materials sa Davao [City], may report ang aming kasamang si Jay Lagang:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agencies para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Hanggang bukas pong muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center